by: Zildjian
Nang makauwi ako sa bahay na
tinutuluyan ko ngayon ay agad na akong naghanda nang almusal. Sobrang lungkot
talaga pag nag-iisa ka wala kang
makausap, wala kang mapagkwentohan ng problema. Sabi nila masaya ang pasko pero
sa nag daang mga pasko ay hindi ako naging masaya. Bawat pasko ay naaalala ko
ang mga nang yari sa nakaraan na kahit anong pilit kong kalimutan ay hindi ko
magawa.
Nagprito lang ako nang hot dog at
itlog para gawin palaman sa binili kong tinapay kanina bago ako umuwi galing
simbahan mag-isa akong kumain habang nagiisip. Totoo pala talaga ang sabi nila
napakahirap mag-isa.
Matapos akong makapag almusal ay agad
na akong nagbihis para pumasok kahit alam kong maaga pa masyado. Pag nasa
opisina kasi ako ay pansamantala kong nakakalimutan ang lahat dahil focus ako
sa aking trabaho.
“Walang pagbabago, ang aga mong
pumasok.” Bungad sa akin ni Chatty. Magiisang taon palang ako sa trabaho ko sa
isang pribadong koleheyo sa lugar namin habang si Chatty ay pangatlong taon na
nya.
“Gumagawa lang ako nang test papers
ko.” Tugon ko sa kanya hindi manlang inaalis ang aking tingin sa aking
ginagawa.
“Reasons! Nung isang araw mo pa
natapos yon nakita ko sa lamesa mo.” Sabi nito na nakalapit na pala sa aking
lamesa. “C’mon Laurence wala ka pa namang asawa at wala ka na ring pamilya
bakit sobra ka naman kung makapagtrabaho?” Walang preno pa nitong sabi sa akin.
“No reasons at all.” Matipid kong
sagot sa kanya at binigyan sya nang isang pilit na ngiti. Napataas nalang ang
kilay nito sa akin.
“Kamusta ang simbang gabi?”
“Ganun pa rin, simbang gabi pa rin.”
Nakangisi ko nang sabi sa kanya.
“Pilosopo! Sa 20 na ang Christmas
party ng faculty members ano ang plano mo?” Excited nitong sabi.
“Kakain at uuwi?” Maloko kong sagot sa
kanya.
“Hindi ka talaga makausap ng matino
ano?” Bakas ang pagkainis nito sa kanyang mukha na lihim kong ikinatuwa.
“Masyado ka kasing excited, unahin mo
kaya munang tapusin lahat ng reports mo bago ang party?” Biro ko sa kanya na
sinimangutan nya.
“Kill joy ka talaga. Palibhasa walang
love life.” Inis nitong turan sa akin. “Dapat ka nang ihanay sa matatandang
professors dito. Tapos na ako sa mga reports ko result nalang ng exam ang
hinihintay ko.” Ang sabi pa nito.
Nasa ganun kaming paguusap ni Chatty
ng dumating si Pat. Malakas ang tama ni Chatty sa kanya dahil sa alaga ang
katawan nito sa gym isama mo pa ang pagiging P.E teacher nito. Magiliw kami
nitong binati na ikinakilig naman ni Chatty. Tatawa-tawa nalang akong
pinapanood itong hayagang nag fli-flirt.
“Pat, gagamitin mo ba ang gym mamayang
9am?” Agaw pansin kong tanong.
“Hindi, tapos na ako sa mga practical
exams ko. Bakit Rence?” Nakangiti nitong sabi na kita ang mga pantay nitong
ngipin.
“Balak ko sanang gamitin mamaya para
maiwasan ang kopyahan ng mga studyante ko.” Nakangiti ko ring sagot sa kanya.
“Sure, paayos ko mamaya sa facilitator
ang gym. Ilang upuan ba kailangan mo?”
“Thirty. Salamat Pat.”
“No problemo basta sama ka sa amin
mamaya mag lunch treat ko.”
“Ano meron mamaya?” Magkasabay naming
tanong ni Chatty.
“Birthday ko.” Nakangiti nitong tugon
sa amin. “Paano, 1st subject ko na maya nalang.” At lumabas na ito sa faculty
room.
“Ang gwapo nya talaga noh?” Tila
kinilig na wika ni Chatty.
“Oo nga eh. Sa sobrang gwapo nya
nahahalata kana masyado.” Sabay tawa ko nang nakakagago.
“Ganun na ba ako ka obvious?” Parang
tanga lang nitong sabi.
Napapailing nalang ako sa kanya at
muling ibinalik ang aking atensyon sa ginagawa ko. Kahit papaano ay nawawawala
ang pangungulila ko tuwing kasama ko sila. Isang rason din kong bakit pinili ko
ang magturo ay para makaiwas sa kalungkutan. Pag nasa eskwelahan kasi ako ay
nakakalimutan ko lahat, siguro dahil na rin sa mga kasamahan ko at sa mga
studyante ko.
Sa una lang pala mahirap magturo pagnakasanayan
mo na ito ay maeenjoy mo na rin lalo pa’t may mga bago akong kaibigan na hindi
man nila alam ang lahat sa akin ay itinuring parin nila akong isa sa kanila at
hindi nila ipinaramdam sa akin na hindi ako welcome sa loob ng faculty.
“Salamat Pat.” Pagpapasalamat ko sa
kanya dahil talagang pinuntahan nya pa ako sa gym para tingnan kung maayos na
ba ito.
“Walang kaso. Paano kita nalang tayo
mamaya.” Nakangiti nitong wika sa akin.
Tango at ngiti ang isinagot ko sa
kanya at umalis na ito para puntahan ang klase nya.
“Most of you didn’t pass the prelim
exam. Wag nyong isipin na porket prelim palang yon ay okey lang, counted parin
yon sa magiging total ng grades nyo. I’m expecting na papasa kayong lahat
ngayon. Alam kong some of you find this subject boring dahil ako man nung
college palang ako ay mahina ako sa subject na ito.” Pagsisimula ko sa kanila.
“Sir, paano po kayo nakapasa sa
subject kung ganun?” Sabat ng isa sa mga studyante ko.
“Siguro nag cheat si Sir.” Malokong
tugon naman ng isa na ikinatawa nang lahat.
“Mr. Baltasar isa ka sa mga bagsak sa
prelim.” Nakangiti kong tugon at tumanggap ito nang kantiyaw sa mga kaibigan at
kaklase nito.
Ako man ay lihim na natuwa kong paano
nauwi ako sa pagtuturo nang subject na pinahirapan ako nung college.
“You know my rules. Sa test paper lang
ang tingin hindi pweding magpalingalinga at hindi pweding makipagusap sa
katabi. Ang hindi sumunod ay automatic zero.” Pag agaw ko sa atensyon nila.
“Submit to me your pay slip or receipt for midterm so you can get your test
paper here.” Dagdag ko pang sabi at isa-isa na silang lumapit sa akin.
Nang sabihin ko nang pwedi na silang
magsimula ay natahimik ang buong gym. Ako naman ay palihim lang silang
minamanmanan alam ko naman kasi kung sino ang mga dapat bantayan.
“Mukhang enjoy kang lumandi sa
weirdong Alfie na yon ah.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi nito.
Naiwan kami sa lamesa dahil um-order ng pagkain sina Ralf at Mike.
“Ano bang pakialam mo? Hindi weirdo si
Alfie at di hamak na mas maganda syang kausap kumpara sayo.” Asik ko sa kanya
hindi ko nanaman napigilan ang hindi mairita.
“Wow! Pinagtatanggol nya ang sweet mo
pala.” Nanunuya nitong sabi.
“Pwedi ba, mag hanap ka nang kausap
mo!” Ang hindi ko sinasadyang mapasigaw sa sobrang pagkapikon.
Napalingon sa amin ang ibang mga
studyante na kumakain rin sa karenderyang iyon. Namula naman ako sa pagkapahiya
habang si Claude ay tinuturo pa ako na parang ako pa ang pinapalabas na may
kasalanan. Napayuko nalang ako dala nang hiya.
“Kung ako sayo magiingat ka. Pagnakita
nang fans club ko na sinisigawan mo ako baka kalbohin ka nila.” Pabulong nitong
sabi sabay tawa nang nakakagago.
“Makakaganti rin ako sayong hayop ka.”
Pabulong ko ring sabi.
Kung pwedi ko lang talagang sakalin
ang taong to ay ginawa ko na. Hindi ko alam ang rason kung bakit ganun nalang
nya ako kung itrato. Siguro isang malaking pagkakamali ang pagsama-sama ko sa
pinsan ko dahil tuloy sa kanya ay nalaman ng barkada ni Mike ang sekreto ko.
Hindi naman nagtagal at bumalik na rin
sa lamesa sina Ralf at Mike.
“Ano na naman ang ginawa mo kay
Laurence pare?” Sabi wika ni Mike nang makaupo sila.
“Wag mo namang araw-arawin ang
pangaasar sa pinsan ko baka hindi na naman yan magparamdam sa atin.” Dagdag pa
ni Ralf.
“Tinatanong ko lang naman sya kung
kumusta sila nang NEW found friend nya.” Pagbibigay diin nya sa salitang NEW.
Napapailing nalang ang dalawa sa
kagaguhan ni Claude habang ako naman ay tahimik nalang na kumain at hindi na
muling nagsalita pa. Pero tuwing magnanakaw ako nang tingin kay Claude ay hindi
ko mapigilan ang hindi humanga sa angkin nitong kakisigan. Ang mga mata nitong
sobra kung makapangakit at isama mo pa ang labi nitong katakam-takam.
Nang matapos kaming makapag lunch ay
dumiretso na kami nina Ralf kasama ang buset na si Claude sa tambayan namin sa
loob ng campus sa isang bench na nasa ilalim nang malaking puno. First year
palang kami ni Ralf nang mapagtripan naming pagtambayan ang nagiisang bench na
iyon. Doon din namin nakilala si Mike pati na rin si Claude.
“Alam mo babes ang saya ko dahil sa
bench na ito tayo nagkakilala noon.” Naglalambing na sabi ni Mike sa pinsan ko.
Sa totoo lang hindi ko talaga ma kukwesyon ang pagmamahal ni Mike dahil sobrang
sweet at maalaga nito sa pinsan ko.
“Oo nga babes, Naalala mo nung inaway
pa namin kayo ni pinsan dahil akala namin inaagawan nyo kami nang tambayan
noon.” Tatawa-tawa namang sagot ni Ralf dito.
“Ikaw lang ang nangaway sa kanya
pinsan hindi ako kasali.” Depensa ko sa aking sarili.
Tumawa naman silang lahat pati si
Claude ay napatawa rin na ipinagtaka ko. First time ko itong makitang tumatawa
na walang pangaasar sa mukha nito. Natural ang tawa nya parang tawa nang isang
taong binabalikan ang nakaraan.
“Sinong magaakalang mamahalin ko itong
babes ko noh?” Ang sabi pa ni Mike sabay yakap nito kay Ralf. Minsan hindi ko
maiwasang ma inggit sa pinsan ko. Swerte na nga sa buhay swerte pa sa lovelife.
“Sa tuwing maaalala ko ang hitchura ni
Laurence noon di ko mapigilang matawa.” Mayabang na wika ni Claude.
“At bakit? Mukha ba akong clown sayo?”
Inis kong nasambit.
“Grabe pa sa clown. Ang baduy mo
kasi.” At muli nanaman itong tumawa nang malakas.
“Palibhasa mayaman ka!” Di ko
mapigilang hindi ma insulto sa tinuran nito. Agad akong tumayo at umalis na
walang lingon likod.
Halos tumulo na ang pinipigilan kong
luha sa pagkainsulto. Okey lang naman sa akin yung kayabangan at pangiinis nya
sa akin, pero ang insultohin nya ang katayuan ko sa buhay ay sobra na. Kung
hindi lang sana namatay ang papa ko hindi sana kami maghihirap ng ganito.
Nakayuko ako’t nag mamadaling tinungo
ang CR nang bigla akong bumangga sa matigas na dibdib ng isang tao. Mabuti
nalang at maagap ako nitong nasalo dahil kung hindi paniguradong mababagok ang
ulo ko sa semento.
“Okey kalang ba?”
Nang makita ko ang mukha nito ay doon
na talaga ako napaiyak. Hindi ako iyaking tao pero ngayon parang lahat ng sama
nang loob ko kay Claude ay lumabas na parang gripo. Wala anu-anong napayakap
ako ay Alfie na syang nakabanggaan ko.
“Sorry Laurence di ko naman
sinasadya.” Di magkaugaga nitong sabi. Iniisip siguro nito na sya ang dahilan
ng pagiyak ko.
Mabuti nalang na ganun ang iniisip nya
dahil ayaw ko rin namang magkwento sa tunay na dahilan ng pagiyak ko. Iyak lang
ako nang iyak habang nakayakap sa kanya magkahalong frustration at galit ang
nararamdaman ko para kay Claude.
Mga ilang minuto rin ang itinagal nang
pagiyak ko. Para makabawi daw si Alfie sa pagpapaiyak nya sa akin ay linibre
ako nito ng Ice Cream sa isang malapit na Mercury Drug. Doon ko na nakausap ang
totoong Alfie, nakakainggit ang pagiging masayahin nito taliwas sa pinapakita
nya sa loob ng skwelahan namin.
Pansamantalang nakalimutan ko ang
galit ko dahil na rin sa tulong ni Alfie. Wala na daw itong pasok at pauwi na
kanina nang makabanggaan ako nito habang ako naman ay mamayang alas 3 pa nang
hapon ang susunod kung subject. Kahit anong pilit ko sa kanya na okey lang na
iwanan na nya ako ay nag insist parin itong samahan ako hanggang sa magsimula
ang klase namin.
“Laurence?”
“Ano kailangan mo?” Malamig kong tugon
sa kanya papasok na sana ako sa next subject ko.
“Gusto ko lang sanang mag sorry about
kanina di ko naman sinasadyang..”
“Di mo sinasadyang laitin ako?”
Pagputol ko sa sasabihin nya. “Eh araw-araw mo ngang ginagawa iyon sa akin eh.
Ano ba talaga ang kasalanan ko sayo Claude?” May paghamon ko pang dagdag.
Nanginginig ang aking mga tuhod sa
pagpipigil na lumabas ang galit ko sa kanya. Nakakuyom ang dalawa kong kamay na
para bang handa nang manapak anumang oras.
“I d-didn’t mean to..”
“Cut the crap! Just go to hell
Claude!” Tuluyan nang umapaw ang tinitimpi kong pagpipigil. “Okey lang sa akin
na paglaruan mo ako, pero ang laitin at insultohin ay sobra na.” May tapang
kong sabi. Hindi ko alam kong saan ko hinugot ang tapang na yon siguro ganun
talaga ang tao pag galit.
“Give me chance to explain.”
Nagsusumamo nitong sabi.
“Chance? I already give you that but u
blew it remember? Hindi ikaw ang taong deserving pag aksayahan ng panahan at
mas lalong hindi ikaw ang taong karapat dapat na bigyan ng chance. I won’t let
a Devil like you ruin my self-esteem!” Sinadya kong banggain sya at tuluyan ng
umalis para pumasok.
Kahit nasa loob na ako nang aming
classroom ay hindi parin nawawala ang panginginig nang aking kalamnan sa
sobrang galit kay Claude. Si Ralf ay walang salitang binanggit pinanood lang
ako nito na may awa sa kanyang mga mata.
Simula nga noon ay hindi ko na
kinausap pa ulit si Claude kahit anong pilit nitong makipagusap sa akin ay
umiiwas ako agad. Sinabi ko na rin sa pinsan ko na hindi nalang muna ako
sasabay sa kanila ni Mike tuwing free time para na din makaiwas sa bangayan,
naiintindihan naman ako nang aking pinsan at ni Mike.
Sa mga panahon na hindi ako sumasama
kay Mike at Ralf ay si Alfie ang naging kasama ko. Ito rin ang naging personal
tutor ko sa history since na magaling sya doon dahilan para makakuha ako ng 2.1
na grade nung Medterm. Si Alfie ang naging sandigan ko kahit wala itong alam sa
mga nangyari. Minsan lang itong nag tanong sa akin kung bakit hindi na ako
sumasama sa mga kaibigan ko ngunit nang tumangi akong ikwento sa kanya ay hindi
na ito namilit pa. Isa iyon sa mga katangian ni Alfie na nagustohan ko.
Laging nauuna ang lunch break ni Alfie
11:30 palang ay tapos na ang pangumaga nitong klase habang ako naman ay 1:30
ang lunch break namin. Hinihintay ako lagi nito na lumabas para sabay kaming
kakain. Pinanindigan ko ang aking desisyon na hindi na sumama sa grupo nina
pinsan. Kung nagsasalubong kami ni Claude ay agad akong umiiwas di pa man ito
nakakalapit sa akin.
“Sir?”
Napapitlag naman ako sa pagtawag ng
pansin sa akin ng aking studyante. Nauwi nanaman pala ako sa malalim na
pagbabaliktanaw sa aking nakaraan.
“Sorry, Yes?” Ang nasambit ko nang
makabawi sa pagkabigla.
“Tapos na po ako.” Alam kong gusto na
nitong matawa sa akin.
“Here’s your pay slip. Done signing
it.” Walang emosyon kong sabi. Mula sa pagpipigil nitong matawa ay bumakas ang
takot sa mukha nito. Alam ng mga estudyante ko kung kelan ako pweding biruin at
kung kelan ako may topak.
“To those who are finished, submit to
me your test paper and blue book then you can get your pay slip here. I will be
seeing you next year.” Sabi ko gamit ang seryosong tinig sa mga natitirang estudyante
na alam ko namang tapos na ngunit ayaw pa ring i-submit ang mga papel nila
siguro akala nila makakaisa sila sa akin. Hindi nga ako nag kamali dahil halos
sampo nalang ang natitirang totoong hindi pa tapos.
Biglang nag ring ang aking cellphone
nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay agad na nangunot ang noo ko. Anong
kailangan nito sa akin? Ang naitanong ko sa aking sarili habang nag aalagan
kung sasagutin ba ang tawag o hindi.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment