Tuesday, December 25, 2012

9 Mornings (17)

by: Zildjian

Destiny really has its funny way to manipulate two lost hearts. Sino ang mag-aakalang mangyayari ang lahat ng ito na kung kelan isinuko ko na ang nararamdaman ko at handa nang kalimutan ang lahat ay narito’t katabi ko ang taong minahal ko nang lubos. Ang maamo nitong mukha, ang pagdidikit ng mga balat namin, ang kanyang mga halik na pinagsaluhan namin kani-kanina lang ay ang mga bagay na hindi ko akalain na makikita at mararamdaman ko pa ulit. Ang brutal noh? Kailangan ka pang masaktan, magdusa, masiraan ng bait bago ka sumaya.

Sa dami nang bagay na nangyari sa amin ito kami ngayon na parehong makikita sa mga mukha ang kasayahan na animoy walang may pinagdaanang bagyo. Pero, hindi pa dito natatapos ang storya namin dahil marami pang bagay ang hindi pa naaayos at hindi ko alam kung maayos ko pa. Sinayang ko ang anim na taon sa pag-i-emo at pagluluksa sa isang bagay na hindi ko naman ginawa.


“I have to make things right for me and for you.” Ang pabulong kong sabi habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha nito habang nakaunan sa braso  ni nya. Naka yakap ang isa nitong kamay sa katawan ko habang ang isa naman na ginawa kong unan ay naka pulupot sa aking braso. Ang manipis na azul na komot lamang ang naging pantakip namin sa parehong hubot-hubad na katawan.

Dinampian ko ito nang mga halik sa pisngi, maingat para hindi ito magising. Sa performance nito kanina pihadong pagod na pagod ito. Halos abutin kami nang apat na oras sa sobra pananabik at kalibugan nito na mukhang hindi nailabas sa mga nag daang panahon. Tama ang pagkakabasa nyo, hinding hindi kayo nagkakamali, napakalibog ng mister kong to na nagustohan ko naman dahil tulad nya wala na rin akong sex life simula nang maghiwalay kami ewan ko nga lang kung totoo ang sinabi nito sa akin kanina. Sa gandang lalaki kasi nito isama mo pa ang ganda nang katawan ay mahirap paniwalaan na wala itong naging sex life. Kahit langgam ay hindi papalipasin ang pagkakataon.

Nang  maramdaman nito ang paghalik-halik ko sa kanya ay dahan-dahan itong nagmulat ng mata and there it goes again, those pair of expressive brown eyes of him, ang makakapal na pilik mata at ang napakagwapong mukha nito ay nagbigay agad ng reaksyon sa akin. Kahit kailan ay hindi ko pag-sasawaan ang nakikita ko ngayon.

Ngumiti ito sa akin, ang ngiting bumihag ng puso ko noon. And I hate him for imposing that smile in front of me dahil muling nagrigodon ang aking puso. Eksahedorang napasinghap ako.

“I love you misis.” Puno nang emosyon nitong wika na sinabayan pa nya nang isang mapagmahal na halik.

Wala na, tuluyan nang giniba nito ang pader na ipinalibot ko sa aking sarili. Tinugon ko naman ang halik nyang iyon ng kaparehong damdamin. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay ngumisi ito nang pilyo alam ko na agad kung ano ang tumatakbo sa isip nito kaya bago pa ako tuluyang madala ay agad na akong tumayo para makalayo sa mapangakit nitong halik.

Humagikhik si loko at tumayo na rin sa kama nagulat ako nang makita kong naka tayo ang bagay na nasa pagitan ng kanyang hita.

“Claude, umayos ka! May party akong dadaluhan!” May bahid ng pagpapanik kung sabi alam kong namumula ako sa mga oras na iyon ramdam ko kasi ang paginit ng aking magkabilang pisngi. I hate to admit it to myself but I just can’t get enough of this man. Kailangan ko nang pray over para lang mapalis ang kung anu mang kamunduhang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na iyon.

Mula sa nanunuksong labi nito na nakanguso sa kanyang kaselanan ay bigla itong humagalpak ng tawa na ikinainis ko naman agad. Agad akong kumuha nang unan at may kalakasang inihampas ito sa kanya na walang kahirap hirap nyang inilagan.

“Maliligo na nga ako!” Ang nagkukunyaring naiinis kong sabi dahil ang totoo tuwang-tuwa ako sa nakikita ko ngayong kahubdan nito. Ang maliliit na buhok nito mula sa kanyang pusod hanggang sa kanyang nagmumurang sundalo ay talagang nakakasira nang pagtitimpi. Kung hindi ko lang nakita ang oras sa wall clock ng kwarto ko baka kanina ko pa ito sinunggabahan.

“Sabay na ako misis tutal ihahatid naman kita eh.” At mabilis pa sa alas-kwatro ako nitong nalapitan at agad na binuhat.

Hindi ako nakapag-react agad sa pagkabigla. Baliwa rito ang bigat ko halatang sanay syang magbuhat nang mabibigat na bagay. Napaigtad pa ito nang aksidenting masagi nang kamay ko ang  kanayang nakatayo paring alaga kaya imbes na mag galit-galitan ay napatawa na ako nang malakas na sinabayan na rin nya.

Sabay nga kaming naligo ngunit naintindihan naman nito ang aking pagmamadali kaya nakontento nalang ito sa paminsan-minsan nitong paghalik sa akin na hindi ko naman tinutulan hanggang sa wakas ay natapos kaming pareho.

“Misis, wag kanalang kaya pumunta sa party nyo? Dito nalang tayo buong araw.” Ang naglalambing nitong sabi na sinamahan pa nya nang pagkayap mula sa aking likuran at mga damping halik sa aking batok.

Claude is really a good teaser dahil muntik na akong mapa-oo sa kanya kung hindi ko lang nabasa ang mga pagbabanta ni Chatty sa akin sa text. Alam kong isang malaking pagkakamali ang magpakita sa kanila ngayon paniguradong uulanin ako nang kung anu-anong tanong. Kilala ko si Chatty at kung si Angela na bestfriend ni Mina ay parang machine gun ang bunganga si Chatty naman ay parang canyon.

“Hindi pwedi eh. Iniwan ko na nga sila kagabi sa seventh bar tapos di pa ako pupunta ngayon sa party namin baka sugurin ako nang mga yon dito sa bahay.” Balik ko namang paglalambing sa kanya na sinamahan ko pa nang isang mabilisang halik sa kanyang labi bago kumalawa sa kanya para makapag-bihis na.

Muli, nakita ko na naman ang kinahuhumalingan kong pag-pout nito. Nag tatampu-tampohan ang gago.

“Ayaw mo lang ata akong makasama eh.” Wika nito sabay higa sa kama at binalot ng buo ang hubad pa rin nitong katawan ng komot.

Di ko alam pero hindi ako nakaramdam ng pagkainis bagkus ay napahagikhik pa ako sa pagiging isip bata nito. Nakakatuwang kahit ilang taon na ang dumaan ay wala paring nagbago sa ugali ni Claude. Ganito ito pag-nagtatampo at kapag hindi nakukuha ang gusto nag eemo at syempre alam ko na ang gagawin para mawala ito.

Lumapit ako sa kama at agad na tinanggal ang nakabalot na komot. Humalukipkip ito sa unan na agad nyang inabot para ipangtabon sa kanyang mukha.

Muli, napangisi ako. Same old Claude.

Walang anu-ano kong kiniliti ang tigiliran nito na kung saan naroon ang kanyang malakas na kiliti. Hindi nga ako nagkamali dahil humagalpak na ito nang tawa. Parang bata lang na kailangan mong pakitaan ng atensyon at lambingin para agad mapalis ang tantrums nito.

“Tama na! Tama na! Di na ako galit!” Ang tumatawa’t humihingal nitong sabi.

“Ang laki mong tao kiliti lang pala ang katapat mo.” Tumatawa ko ring sabi.

Nang mapigilan nito ang dalawang kamay ko na nangingiliti sa kanya ay agad ako nitong naihiga sa kama at ine-lock ang dalawa kong kamay gamit ang kanya sabay siil nang halik. Ang sarap ng pakiramdam na bumalik kami sa dati noong masaya kaming naghaharutan at nagkukulitan.

“Mahal kita misis. Kung may nagawa mang maganda ang paghihiwalay natin ng anim na taon iyon ay ang mas lalo kitang manihal. Hinding-hindi ko uulitin ang pagkakamali ko noon. Yan ang pinapangako ko sayo mamatay man ang kapit bahay namin.” Madamdamin at puno nang pagmamahal nitong sabi.

Ginantihan ko iyon nang isang matamis na ngiti at marahang paghaplos nang kanyang mukha na para bang kinakabisa ang bawat angulo nito. Si Claude lang ang tanging lalaking tinitigan ko nang matagal na kung pwedi lang hindi ko na alisin ang tingin ko sa kanya ay gagawin ko.

Since na malaking tao si Claude ay wala ni isa man sa mga bagong damit ko ang nagkasya sa kanya kaya naman napilitan itong isuot muli ang damit nito kagabi. Inihatid ako nito sa lugar kong saan gaganapin ang Christmas party namin tulad ng sabi nito.

“Sunduin kita ha, punta tayo maya sa mall bili tayo nang decorations tapos ayusin natin ang bahay mo.” Bakas ang excitement nito na lihim kong ikinatuwa.

“Depende kong matapos kami agad. Panigurado kasing may inumang magaganap mamaya.” May pagpapakipot ko namang sabi dahil ang totoo ako man ay excited din.

Muli na naman itong nag-pout.

“Ayaw mo talaga ako masakama nakakasama kana nang loob.” Ang parang bata nitong sabi na ikinatawa ko.

“Oo na, oo na mag mall tayo mamaya. Happy?” Tatawa-tawa kong sabi.

Agad na sumilay ang napakatamis nitong ngiti at inabot ang kamay ko para ipatong sa ibabaw nang kanyang hita. Marahan nya itong pinisil.

“Very much happy. Ang aga kong natanggap ang regalo ko ngayon! Yahoo!!!” Parang timang nitong pagbubunyi na sinamahan pa talaga nang paghalik-halik sa magkahugpong naming kamay.

Natatawa nalang ako’t napapailing sa ipinapakita nito ngayon seeing him happy ay nagbibigay din sa akin ng saya. Hindi ko tuloy maiwasang pagdudahan kung totoo ba talagang nangyari ang pagsusungit, pagiging antipatiko, mayabang, arogante at galit na mukha nito sa akin noon at noong una kaming magkita makalipas ang anim na taon dahil sa nakikita ko ngayon wala akong makitang bakas na nangyari ang lahat ng iyon.

“Siguraduhin mong kakain ka ha? Hindi tayo nag lunch alam kung gutom ka.” Wika nito nang makapark sa labas ng Resort kung saan gaganapin ang party namin. Nagpumilit akong hindi na nya ako ideretso sa loob dahil paniguradong magtataka ang mga makakakita sa amin.

“Natural, kainan ang ipinunta ko rito eh. Ikaw, siguraduhin mong deretso sa bahay ang uwi mo alam kung gutom na gutom ka sa pagka-energetic mo kanina.” May halong pagbibiro kong sabi.

“Busog na busog ako kanina di pa nga ako natutunawan eh.” Sabay gaya nito sa aking kamay sa kanyang harapan.

“Pilyo! Umayos ka!” Ang tatawa-tawa kong sabi ngunit hindi binawi ang kamay ko.

Ngumisi lang ito sa akin at muling naglapat ang aming mga labi at muling pinanggigilan ang aking magkabilang pisngi.

“Sige na misis pasok kana at baka di na kita mapakawalan. Text mo ako kung papasundo kana ha, wag masyadong magpagabi at uminum ng marami kasi mag mall pa tayo mamaya.”

Ngiti at tango naman ang isinagot ko sa kanya at tuluyan ng lumabas sa kotse nya. Hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hinintay pa talaga ako nitong makapasok ng resort bago tuluyang paandarin ang kanyang sasakyan.

Hindi ko pa man tuluyang nararating ang function hall ng resort na iyon kung saan sabi ni Chatty nan doon na sila nang mag ring ang aking cellphone. Napangiti ako nang makita ko ang pangalan na rumehistro sa main screen ko.

“Oh, bakit?” Magiliw kong bati sa kanya.

“Nakalimutan ko kasing mag I love you sayo eh. I love you misis see you later.”

Lalo lang tuloy akong kinilig sa sobrang ka sweetan ni Claude. Alam kong OA na ang ginagawa namin dahil hindi pa man nag lilimang minuto kaming naghihiwalay ay ito nanaman kami’t nag-uusap.

“Salamat, Mag-iingat ka sa pag-drive ah. See you later.” Ang malambing ko namang tugon sa kanya. Gustong-gusto ko nang sagutin ang I love you nyang iyon pero hindi pa pwedi.

“Hihintayin ko ang araw na ma bibigyan mo nang pagtugon ang salitang sinambit ko. Sa ngayon ay kontento na ako sa kung anong meron tayo. Buh-bye misis.” At pinutol na nito ang linya.

Sobrang naantig ang puso ko sa sinabi ni Claude at na appreciate ko ang effort nya sa akin, pero habang hindi ko pa naaayos ang mga bagay-bagay na hindi pa nalalagyan ng tuldok sa nakaraan ko wala akong karapatang angkinin sya. Ang importante, okey na kami ngayon. Hanggat hindi ko naaayos ng tuluyan ang sarili ko ay hindi ko makakayang  tumugon sa salitang iyon dahil para sa akin sagrado ang pagtugon roon at gusto kong, kung sasambitin ko ito ay sa panahon na handa na akong harapin ang kaakibat na obligasyon nito. Sa ngayon ill just be contented on what we have.

“Sa wakas dumating din ang feeling artista!” Ang agad na pagpansin ni Chatty nang makita ako.

Nabaling naman ang mga mata nang mga ka trabaho ko sa akin. May natutuwa, may nairita siguro dahil late na naman ako.

Green, white and Red ang motif ng function hall ng resort na iyon, paskong pasko. Ang nag gagandahang decorations nito, ang malaking puting Christmas tree na tinirnuhan ng kulay blue na mga artificial flowers at red na mga Christmas balls  ay talagang makakakuha nang pansin sa kahit na sino man.

Mukahang totoo nga ang sabi ni Pat na malaki ang budget namin sa Christmas party naming iyon. Ang White at green na buffet table terno sa cover ng mga lamesa doon ay masasabi kong napakaganda. Genus talaga itong si Jody sa pag-o-organize nang mga party katulad nito walang kupas ika nga nila.

“Dumating kapa!” Wika naman ni Erica nang makalapit ako sa kanila. Napatingin ang mga rangler naming katrabaho sa gawi namin kaya napakamot ako nang ulo sa hiya.

“Pero timing lang dahil kasisimula palang ng kainan after nito ay ang mga regalo na.” Sabat naman ni Arman.

“Kuha kana nang lafang para makakain kana marami kaming itatanong sayo.” Si Chatty.

Alam kong mangyayari ito kaya naman napangiti nalang ako. Napatingin naman sila sa akin na may pagkamangha.

“What?” Takang tanong ko.

“Sino ka? Anong ginawa mo kay Laurence?” Biglang sambit ni Chatty.

“Huh? Ako to, naka drugs ka ba?” Naguguluhan ko namang wika.

“Hindi basta basta ngumingiti si Laurence sino kang sumanib sa kanya mag pakilala ka sa ngalan ng pag-ibig!” Inumuwestra pa nito ang kanyang hawak na tinidor ginawang magic stick. Kita ko ang pigil na pagtawa ng iba naming kasamahan sa lamesa na iyon.

Agad ko namang pinulot ang tissue malapit sa plato ni Arman at ibinato iyon kay Chatty at bulls eye! Tumama ito sa noo nya.

“Baliw!” At tuluyan na kami kaming napahalakhak lahat.

“Rence, samahan na kitang kumuha nang pagkain alam ko namang nahihiya ka.” Ang biglang wika ni Pat,

Wala na akong nagawa dahil agad na itong tumayo at hinila ako papunta sa buffet table. Doon ko lang naalala ang utang ko sa kanya sa nag daang gabi.

“Pat, magkano ang damage ko sayo kagabi?” Patukoy ko sa ambag ko sa inuman namin habang kumukuha nang pagkatain.

“Wala iyon noh. Ang laki nang discount namin dahil sayo kaya napagkasunduan naming hindi kana isali.” Wika naman nito. “Ito Lance, subukan mo masarap.” Dagdag pa nito sabay lagay ng tatlong slice ng chicken roll sa plato ko.

Bahagya akong natigilan nang muli na naman ako nitong tawaging Lance. Hindi ako sanay sa tawag nyang iyon at naroon ang feeling na parang kilalang kilala nya ako sa pagsambit nya sa palayaw ko na nakasanayang itawag sa akin ng mga kaibigan ko noong college.

“Tara?” Untag nito sa biglang pananahimik ko. Nang ibalik nito sa akin ang plato ko na hindi ko naramdamang kinuha nya pala ay halos mapa-nganga ako sa gabundok na ulam at kanin na inilagay nito.

“Para mabusog ka.” Wika nito at ngumiti sa akin. Hindi ako sigurado pero, kakaiba ang ngiting iyon may bahid ng lungkot.

“Ginawa mo naman akong patay gutom nito.” Ang sabi ko nalang sabay kamot sa aking batok.

“Para masaya.” Tara na.

Nang makabalik kami sa lamesa ay pinag-uusapan na nila ang tungkol sa naganap na inuman sa nakaraang gabi at ayon, hindi pa nga ako naka tatlong subo nang umarangkada na ang ‘likas’ na pagiging tsismosa ni Chatty.

“Sino ang lalaking iyon Rence? Bakit magkahawak ang kamay nyo? Bakit tila namumutla ka kagabi?” Sunod sunod nitong arangkada.

Great! Ito na ang 1st blow!

“Cluade, dati kong ka klase way back nung college.” Tugon ko naman sa natural na boses. “Pat, painum ako nitong coke mo ah.” Dagdag ko pang wika at umasang makokontento nalang si Chatty sa sagot ko ngunit hindi iyon ang nangyari.

“So, bakit magkahawak ang kamay nyo? Ang gwapo nun ah mukhang mayaman.” Nalintikan na hindi lang pala si Chatty ang may pagka-tsismosa pati rin pala itong si Arman ewan ko kung maasar ako sa ibinigay nitong tingin sa akin o matatawa nalang.

“Kelan pa naging bawal ang humawak sa kapwa lalaki?” Balik ko namang tanong at ngumisi pero ang totoo medyo naiilang na ako sa uri nang tingin nito sa akin na parang may ibig sabihin.

Nagkatinginan sina Arman at Chatty at nag high five ang mga ito.

“What?” May himig ng pagkaasar ko nang sabi ganito siguro pag-guilty.

Nak nang teteng! May ideya naba ang mga ito?

“Tigilan nyo na nga si Rence, kumain nalang kayo dyan.” And again, tinawag na naman ako ni Pat sa nakaugaliang tawag nito sa akin.

Bakit biglang bumalik sa Rence ang tawag nya sa akin? Nagkamali lang ba ito nang tawag sa akin kanina o sadyang Rence ang tawag nya kapag kaharap namin ang mga ka officemate namin? Bakit?

Ngunit hindi pa tumigil ang mga ito sa pangungulit. Kung anu-ano pang bagay ang mga itinanong ng mga ito sa akin pati sina Jody, Arthur at Erika ay nakisali na rin. Nakalimutan ko nalang ang mga tanong na bumabagabag sa akin tungkol kay Pat basta’t ang alam ko may hindi tama.

Mabuti nalang at sinimulan na ang konteng palaro na inihanda ni Jody konteng parlor games na hindi naman talaga bagay na sa mga edad namin lalo na sa mga matatandang meyembro nang faculty. Pero hindi rin maikakailang nag enjoy ako sa panunuod sa kanila. Si Pat ay naging tahimik at sa tuwing nahuhuli ko itong nakatingin sa akin ay ngumingiti lang ito at agad na ibinabaling sa iba ang kanyang tingin. Kibit balikat nalang ako.

Ilang oras pa ang lumipas inuman at kantahan ang nangyari matapos ang mga palarong inihanda ni Jody bilang organizer ng naturang party na iyon. Enjoy ang lahat sa one to sawang inuman at kantahan nang maramdaman ko ang pag vibrate ng CP ko. May ngiting kinuha ko ito sa aking bulsa sa pag-aakalang si Claude ang tumatawag ngunit agad naman iyong napalitan ng malakas ng pagkabog ng aking dibdib ng makita ang pangalang naka rehistro sa screen.

Napatingin ako sa gawi ni Pat at kita ko ang pagtataka sa mukha nito marahil sa nakitang reaksyon ng mukha.

“H-Helo?” Ang halos pabolong kong wika.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment