by: Zildjian
December 23 ang ika walong simbang
gabi. Puno ng pag-asa, pag-papatawad at pasasalamat ang simbang gabi na iyon
para sa akin, kay Claude at Alfie. Ramdam ko sa mga oras na iyon ang sobrang
gaan ng pakiramdam dahil sa wakas napakawalan ko na rin ang lahat ng anu mang
galit na meron ako mula sa aking nakaraan.
Ito siguro ang ibig sabihin sa akin ni
mama noon. Kung bakit gusto nyang ibalik ko ang aking loob sa diyos na tanging
lumikha para siguro matutunan ng puso ko ang bumitaw sa galit na nabuo dahil sa
mga masasamang nangyari noon.
Wala akong ibang hiniling sa buhay
kung hindi ang makawala sa galit na meron ako at hindi nga ako binigo nang
diyos. Tama nga sila, hanggat naniniwala ka sa may kapal hindi ka nito
bibiguin. Oo, anim na taon bago ko tuluyang napakawalan ang lahat siguro dahil
para matutunan ko ang lahat nang natutunan ko ngayon. I have learned to let go,
to forgive and to stand on my own. Kaya siguro hindi agad binibigay ang mga
gusto natin para matutunan natin ang lahat ng iyon. Pero ang ibang tao ay agad
sumusuko pag-hindi nila agad nakuha ang gusto nila. Ako man ay muntik na ring
sumuko at sa mga panahon na malapit na akong bumigay ay siya namang nakilala ko
si Pat na kahit papaano ay nakatulong sa akin sa panahong halos hindi ko na
alam ang gagawin ko dahil sa pag-kawala sa akin ng taong lubos kong minahal.
Pinagaan nito ang pakiramdam ko, kahit kalahati nang problema ko ay problema
niya rin.
“Misis, After nating mag breakfast ay
pupuntahan natin ang puntod ng mama at ni Alfie.” Ang wika ni Claude.
“Sige, matagal-tagal ko na ring hindi
nadadalaw si mama.” Ang may bahid ng lungkot ko namang tugon sa kanya.
“Ayan, nalulungkot ka na naman. Kung
nasaan man si Tita ngayon sure akong masayang masaya siya para sa iyo dahil sa
wakas masaya kana ulit. Di ba yon lang naman ang gusto ni Tita?” Ang malambing
nitong wika na sinamahan pa nya nang pagyakap sa akin.
Kay sarap nang sa pakiramdam na kasama
ko ngayon ang taong mahal ko – ang taong nagbigay sa akin ng ibayong pagmamahal
sapat para makalimutan ko ang lahat ng masasamang nangyari sa amin noon.
Tinupad ni Claude ang pangako niya sa akin –ang pangakong he will make me
forget everything that happened from the past.
“Misis?” Ang sambit nito habang
nakayakap parin sa akin.
“Hmmmm?”
“Dinner tayo later with my family ah.”
May paglalambing nitong sabi.
Agad akong kumawala sa pagkakayakap ni
Claude. Bumakas sa mukha ko ang pag-aalinlangan sa planong dinner mamaya. Ni
minsan kasi ay hindi ko pa na meet ang pamilya nya kaya naman nakaramdam ako
nang kaba.
“Claude…”
“They wanted to meet you kaya sila
umuwi dito. Gusto nilang makilala ang taong tinitibok ng puso ko. Please?”
Putol nito sa mga sasabihin ko.
“N-Natatakot ako Claude.” Ang
nahihirapan kong pag-amin sa kanya.
“Di ba sabi ko sayo hanggat nandito
ako walang ibang makakapanakit sayo? Besides, family ko naman iyon ayaw mo bang
makilala ang future manugang mo?” Muli itong yumakap sa akin na sinabayan pa
niya nang paghagikhik.
“Future manugang ka dyan.” Ang
natatawa ko na ring sabi. Iba talaga ang hatak sa akin ni Claude nagagawa agad
nitong pagaanin ang pakiramdam ko nang walang kahirap-hirap.
Tulad ng napag-usapan matapos mag
almusal ay dinalaw naming muli ang puntod ng mama ko. Ipinagpaalam ako ni
Claude dito at nangakong siya ang mag-aalaga sa akin. Para namang sinagot ni
mama ang mga sinabi ni Claude dahil mula sa mainit na sikat ng araw ay biglang
kumulimlim at bumuhos ang mumunting patak nang ulan parang luha –hindi luha ng
paghihinagpis kung hindi luha nang pasasalamat iyon ang agad na naramdaman ko.
Matapos kaming dumalaw sa puntod ni
mama ay agad naming binaybay ni Claude ang daan papunta sa lugar nina Alfie
medyo malayu-layo rin iyon. Mga isa’t kahalating oras ang aming linakbay para
matunton iyon. Sinubukan naming tawagan ang cellphone ni Pat at nalaman namin
na naroon din pala sya sa sementeryo.
Nang marating namin ang eksaktong
lugar kong saan nakalibing si Alfie ay nakita nga naming nakapark sa labas ang kotse ni Pat. Agad kaming bumama
ni Claude na parehong may dalang bulaklak. Hindi naman kami nahirapang hanapin
ang puntod ni Alfie dahil na rin sa malapit lang ito mula sa entrance nang
sementeryo at agad naming napansin ang nakatayong si Pat.
In Loving Memory
Of
Niel Alfie Navales
September 8, 1988 – May 13, 2005
Nang makita ko ang lapida nito agad na
umagos ang masaganang luha sa aking mga mata. Isa-isang bumalik sa akin ang mga
masasayang ala-ala namin noon; ang pagkain sa Jollibee, ang matatamis na ngiti
nito, ang lagi nitong pag-damay sa akin kapag malungkot ako’t nag-iisa, ang
pagpapatawa nito sa akin tuwing hindi maganda ang araw ko. Lahat ng iyon ay
bumalik sa aking ala-ala hanggang sa hindi ko mapigilang mapaluhod sa sobrang lungkot
at pag-sisisi sa nang yari sa kanya.
“I’m sorry…” Ang wika ko sa likod ng
aking pag-iyak. “I’m sorry Alfie sa hindi ko pakikinig sa paliwanag mo, im
sorry kung naging matigas ako sayo, im sorry kung dahil sa akin hindi mo na
experience ang mahaba-habang buhay… im sorry…” Ang humahagulhol kong wika.
Naramdaman ko nalang ang dalawang
kamay na humahagod sa aking likod ng tumingala ako ay nakita ko ang parehong
lumuluhang si Claude at Pat. Bakas sa kanilang mga mata ang kaparehong sakit na
nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
“Tahana na Lance, sigurado akong
masaya na ngayon ang kapatid ko dahil nakamit na niya ang kaisa-isang hiling
niya – ang patawarin mo siya.” Nakangiti ngunit lumuluhang wika ni Pat.
Makikita mo sa kanya kung gaano nya
kamahal ang kanyang kapatid. Alam kong malaki ang kasalanan ko kay Pat dahil
inagaw ko sa kanya si Alfie ang kaisa-isa nyang kapatid na minahal niya at
inalagaan.
“Im sorry Pat, hindi ko sinasadya kung
alam ko lang…”
“Shhh…” Putol nito sa mga sasabihin ko
pa. “Hindi mo kasalanan ang lahat Lance, it was Alfie’s choice at hindi kita
sinisisi sa nangyari, maski ang mama namin hindi ka sinisisi. Kung meron kamang
naging kasalanan, yon ay ang akuin mo lahat ng problema mag-isa at hayaang mawala
ang lahat sayo. Yon ang rason kung bakit sobrang na guilty ang kapatid ko.”
Wika pa nito.
Para akong batang humihikbi habang
nakatingin sa lapida ni Alfie hindi ko pa rin magawang hindi sisihin ang aking
sarili kahit paman sinabi na ni Pat na hindi ko kasalanan ang lahat dahil alam
ko sa puso ko na ako ang may sala kung bakit wala na si Alfie.
“Alam mo bang kagabi lang niya ako
pinatulog nang mahimbing.” Ang biglang wika ni Pat. “Simula nang mawala siya
lagi niya akong dinadalaw sa panaginip ko at laging pareho ang sinasabi nya
‘Kuya ihingi mo ako nang tawad sa kanya’ mahal na mahal ka nang kapatid ko
Lance, at alam kong hindi niya magugustohan kong sisisihin mo ang sarili mo sa
nangyari sa kanya so please wag mong sisihin ang sarili mo para na rin matahimik
na ang kapatid ko.”
Tama si Pat, sobrang pasakit na ang
naibigay ko kay Alfie at gusto ko na rin syang makapag-pahinga walang mabuting
maidudulot kung sisisihin ko ang sarili ko, mababaliwala lang ang sakrispisyong
ginawa ng mga taong nag mamahal sa akin.
“Pwedi nyo ba akong iwan muna?” Ang
wika ko sa kanilang dalawa. Ngumiti sa akin si Pat at tumango bago lumakad
habang si Claude naman ay itinayo muna ako mula sa pagkakaluhod at hinalikan sa
labi bago nya sundan si Pat.
“Alfie, sana maabot nang tinig ko ang
puso mo kung nasaan kaman. Ibinibigay ko na ang ipinagdamot kong kapatawaran
sayo noon. Hindi man kita minahal noon sa paraan na gusto mo, minahal naman
kita kahit papaano sa paraan na alam ko. Ikaw ang nag-iisang taong dinamayan
ako’t pinasaya kahit panandalian lang, sana makamit mo ang katahimikan na
nararapat para sayo. Wag kang mag-alala sa akin, okey na ako, tapos na ang
bangungot na ibinigay ng panahon sa atin.” Ang mahaba’t madamdamin kong sabi
habang walang tigil paring tumutulo ang aking luha.
Parang may kung anong pwersang nag
utos sa akin na tumingin sa punong ilang metro din ang layo sa puntod ni Alfie.
Hindi ko alam kung namalikmata lang ako o kung totoo ang nakita ko dahil kita
ko ang nakangiting si Alfie na kumakaway sa akin na animoy nag papaalam.
Napahawak ako sa aking bibig sa pagkabigla’t napahagulhol. Wala akong
naramdamang takot sa mga oras na iyon kung hindi saya, dahil sa huling
pagkakataon nakita ko ang nakangiting Alfie at doon, alam ko na sa puso kong
makakapag-pahinga na siya.
“Salamat..” Ang paulit-ulit ko nalang
naisambit sa magkahalong tuwa at lungkot sa mga oras na iyon.
Matapos makapag-iwan ng dasal ay
nag-paalam na ako sa kanya. Tinungo ko ang sasakyan ni Claude na masaya at
magaan ang pakiramdam. Nakita ko sila ni Pat na masayang nag kukwentuhan na
para bang isang matalik na magkaibigan.
“Let’s go?” Ang nakangiting salubong
sa akin ni Claude, hindi na ako nito hinintay pang makalapit sa kanila.
Tango ang isinagot ko rito na
sinamahan ko nang isang napakamatis na ngiti.
“Pare, una na kami nitong misis ko.
Happy trip nalang sayo at sana magkita pa tayong muli.” Ang masayang pagpaalam
ni Claude kay Pat.
“Aalis ka?” Ang naitanong ko naman.
“Susunod na ako sa pamilya ko sa ibang
bansa. Natapos ko na ang misyon ko rito at nakapag-paalam na ako sa kapatid
ko.” Nakangiting tugon ni Pat.
“Pero di ba may trabaho ka rito?” Ang
pasimpleng pag-pigil ko sa kanya hindi ko kasi magawang deretsahang sabihin na
huwag nalang sana siyang umalis.
“Nakapag-file na ako nang resignation
ko, bago paman mag Christmas Break. Matagal na akong hinihintay ni mama, ilang
taon din kaming hindi nagkita at ngayon excited na akong ibalita sa kanya na
naging matagumpay ang misyon ko para kay Alfie. Ingat ka Lance, alam kung hindi
ka pababayaan ni Claude.”
Nalungkot ako sa sinabi niya pero alam
kong wala akong karapatang pigilan siya dahil tulad ko alam kong miss na miss
na niya ang mama nila ni Alfie.
“Magkikita paba tayo?” May himig ng
lungkot kong wika.
“Syempre naman sa kasal niyo. Ako ang
best man sabi nitong fiancĂ© mo.” Sabay apir nila ni Claude.
Hindi ko alam kung totoo man ang
sinabi ni Pat o hindi ang alam ko lang ay aasa ako na isang araw magkikita
kaming muli para makapag-simula nang bagong pagkakaibigan.
“Aasahan ko yan.” Ang naiwika ko
nalang sabay bigay ng isang mahigpit na yakap sa kanya na ginantihan naman nya
nang kaparehong yakap ng sa akin. “Maraming salamat Pat, for everything.”
“Basta ikaw walang kaso.” Tugon nito
at nag hiwalay na kami sa pagkakayakap. “Pano, sa susunod nalang nating
pagkikita. Merry Christmas sa inyong dalawa and im wishing you the best things
in life.” Nakangiting wika nito.
“Sige pre, Merry Christmas din sayo at
kita-kits sa kasal namin.” Tugon naman ni Claude. Hindi ko na siya inusisa pa
kung totoo ba ang sinabi niya hindi importanti sa akin ang kapiranggot na papel
ang mahalaga alam kong mahal niya ako at mahal ko rin siya.
Magkahawak kamay kami habang
binabaybay ang daan pauwi. Walang namagitang usapan siguro ay binibigyan ako ni
Claude nang panahon para makapag-pahinga pareho pa kasi kaming kulang ng tulog
dahil sa lagi naming pagsisimba. Ngayon masasabi kong tuluyan na akong
nakapag-let go sa nakaraan at handa na akong muling magsimula nang panibagong
buhay na walang hinanakit, walang pagsisis at higit sa lahat masaya kasama si
Claude.
“So, you were the person na laging
bukang bibig nitong anak namin.” Nakangiting wika nang mommy ni Claude.
Pagkatapos namin sa sementeryo kanina
ay umuwi agad si Claude para daw sunduin ang mga magulang nito sa airport.
Sinundo ako nito bandang ala-sais at dinala sa napakagandang two storey na
bahay sa isang pribadong subdivision. Ngayon ay kaharap ko ang mommy, daddy at
kapatid nito sa hapag kainan.
“Claude told us that you work as a
teacher in a private college school is that true?” Singit naman ng kanyang
daddy.
Masasabi kong sa kanya namana ni
Claude ang mga mata nito pati na rin ang kanyang ilong. Gwapo parin ito kahit
na may edad na.
“Y-Yes sir.” Ang kinakabahan kong
sabi. Kahit naman siguro sinong tao ay kakabahan kapag nakaharap mo ang mga
magulang ng kasintahan mo lalo pa’t alam mo sa sarili mong hindi normal para sa
ibang tao ang relasyon nyo.
“Masyado naman atang pormal ang sir
iho, you can call me Tito Samuel.”
“And Tita Marguerette.” Nakangiting
singit naman ng mommy nito. Siguro dito naman ni Louisa namana ang pagiging
jolly nito at namana naman ata siguro ni Claude ang pagiging seryoso sa papa
nito
“Okey po.” Matipid kong tugon sa mga
ito sa sobrang kaba at hiya.
“So, what are your plans?” Ang biglang
tanong nang kanyang daddy.
“Po?” Ewan ko ba pero parang na bobo
ako sa sobrang kaba. Habang si Louisa naman ay parang enjoy na enjoy pa sa
ginagawang pag-gisa sa akin ng kanyang mga magulang napansin ko kasing
ngingit-ngiti ito.
“I mean, your lovers’ right? Yon ang
sabi ni Claude sa amin ng mommy niya nang mag decide syang umuwi pabalik dito
sa pilipinas. Kaya naman im asking you kung ano ang plano niyo nang anak ko.
Alam mong hindi maganda sa profession mo ang kakaibang relasyon niyo nang anak
ko.” Walang ka abug-abog na wika nang daddy nito.
“Deh naman.” Ang saway ni Claude sa
kanyang ama na sinabayan pa niya nang tingin sa akin na animoy nang hihingi
nang paumanhin.
“Wala akong masamang ibig sabihin
anak, i just wanted to ask him if he’s willing to sacrifice his work for you.
Alam nating mahirap tanggapin ang relasyon nyo. Ako nga na daddy mo nahirapan
nung una eh. Hindi ko lang gusto na may kukutya sa inyo nang partner mo anak.”
Mahabang paliwanag ng daddy ni Claude sa kanya.
Hindi naman nakasagot agad si Claude
parang napaisip ito sa sinabi nang kanyang ama.
“So, deh, what do you have in mind to
avoid it?” Ang nakangising sabat naman ni Louisa.
Nanatili lang akong tahimik at
nakikinig sa kanilang usapan. Takot akong mag-salita dahil baka magkamali lang
ako at mapahiya sa kanila.
“Louisa, wag kang magulo.” Saway ni
Claude sa kapatid. “Dad, syempre ayaw kong may masasabing hindi maganda ang mga
tao sa misis ko but I just can’t let him resign. Masaya siya sa pagiging
professor niya at ayaw kong ipagkait ang kasayahang iyon sa kanya.” Mahabang
paliwanag naman ni Claude.
Sumilay ang napakagandang ngiti sa mga
magulang ni Claude. Ako man ay napangiti rin dahil sa kanyang sinabi ramdam
kong mahal na mahal talaga ako ni Claude. Sapat na ang mga narinig ko para
tuluyang isuko ang lahat sa kanya.
“Mukhang malakas ang tama nang kuya ko
sayo Laurence.” Nakangising wika ni Louisa.
“Iho, we know what you’ve been
through. Gusto lang naming sabihin sayo nang asawa ko na tanggap ka nang
pamilyang ito. Kung ikaw ang taong nag papasaya sa anak namin then, we have no
right na pigilan kayo.” Nakangiting wika naman ng kanyang mommy na sinabayan
naman ng pagtango nang kanyang daddy.
Sa mga narinig, para akong nabunutan
ng tinik sa aking dibdib unti-unting naging normal ang aking paghinga at nakuha
ko na ring tumugon ng nakangiti.
“Salamat po.”
“And about sa kahilingan ni Claude sa
amin ng mommy niya, both of you have our blessings pero, gusto naming ikaw ang
mag decide.” Nakangiting wika nang daddy niya.
Kunot noo naman akong napatingin kay
Claude. Walang ideya sa mga kahilingan nito sa kanyang mga magulang. Tumayo ito
mula sa pagkakaupo at umikot sa mahabang lamesa saka huminto sa kaliwang gilid
ko. May pagtataka parin sa aking mga mata na nakatingin sa kanya.
Ikinabigla ko ang sunod na ginawa
nito. Lumuhod ito at may ilinalabas sa kanyang bulsa nang makita ko ito ay
hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Halo-halong emosyon kasi ang
sumakop sa aking buong pagkatao.
“Will you be my other half for the
rest of your life?” Ang wika nito nang walang ka abug-abog bakas ang
pagsusumamo at saya sa kanyang mga mata.
Ibinaling ko ang aking tingin sa
kanyang mga magulang at sa kanyang nag-iisang kapatid. Lahat sila ay nakangiti
sa akin na parang hinihintay ang maganda kong sagot. Nang ibaling kong muli kay
Claude ang aking tingin ay doon na kumawala ang mga luhang gawa nang sobrang
kasiyahan.
“Y-Yes… Yes!” Ang naluluha at
nakangiti kong tugon.
“Great! Ikakasal na ang kuya ko!” Ang
masayang wika ni Louisa na sinamahan pa nang pagpalakpak na sinabayan naman ng
mga magulang ni Claude.
“Thank you misis.” Ang nakangiting
wika nito sabay bigay nang marubdub na halik sa akin di alintana na nanunuod sa
amin ang mga magulang nya.
Sobrang saya ko sa mga oras na iyon
halos wala na akong hihilingin pa sa buhay ko. Isang napakagandang regalo ang
ibinigay sa akin ni Claude wala akong mahapuhap na sasabihin kaya yinakap ko
nalang siya nang mahigpit para iparamdam sa kanya kung gaano niya ako
napaligaya sa mga oras na iyon.
“Pssst!” Untang ni Louisa sa amin na
hindi parin naghihiwalay sa pagyayakapan. “Marami pa tayong pag-uusapan pweding
sa kwarto nyo na gawin yang labing-labing nyo.” Tatawa-tawang wika ni Louisa na
sinabayan naman ng kanilang mga magulang.
“So, kelan ang kasal kuya?” Agad
nitong tanong nang maghiwalay kami ni Claude.
“Soon as na ayos ko ang passport ng
future misis ko.” Nakangising wika ni Claude.
“Aba, hindi ka nag-mamadali sa lagay
na yan noh?” Pangaasar nito sa kapatid. “So, paano ang trabaho ni Laurence?”
Dagdag pa nitong wika na sinamahan ng pagtaas ng kilay. Kita kong sumeryoso
naman ang mga magulang nila sa narinig na tanong.
Mukhang hindi nga naman naisip ni
Claude iyon dahil napakamot ito sa kanyang ulo.
“Mag re-resign ako.” Nakangiti kong
wika sa kanila.
Muli, gumuhit ang ngiti sa kanilang
mga labi sa narinig.
“No wonder my son really loves you.
Hindi siya nag kamali nang minahal.” Wika nang kanyang mommy na ikinangiti ko
naman ng husto.
Marami pa kaming napagusapan sa gabing
iyon. Unti-unting napalagay ang loob ko sa mga magulang ni Claude at
nasasabayan ko na sila sa usapan. Naging maganda ang buong gabi ko sa pamilya
nang future mister ko. Napilit din ako ni Claude na doon na matulog sa kanila
para daw ma praktis ko na ang pagiging asawa ko sa kanya. Talagang maloko ang
mister ko at talagang maharot.
December 24. Syempre dahil ito na ang
huling simbang gabi hindi pweding hindi kami mag-simba ni Claude. Siya pa ang
gumising sa akin sa pamamagitan ng kanyang mga halik. Tulad ng ginagawa namin
nuong natutulog sya sa bahay; sabay kaming naligo’t nag-bihis.
Nakakatuwa talaga ang mister ko. Ang
akala ko ay dederetso na kami sa simbahan ngunit hindi iyon ang nangyari.
Binaybay nito ang daan papunta sa bahay ko syempre alam ko na ang ibig sabihin
noon kaya napangiti nalang ako.
“Mag lakad lang tayong magkahawak
kamay misis para mas ma feel natin ang pasko.” Ang nakangiti nitong wika sa
akin nang makababa kami sa kotse nya.
Alam nyang gustong-gusto ko ang
maglakad papunta sa simbahan. Ewan ko ba pero mas gusto ko yon dahil sa tuwing
nakikita ko ang mga Christmas lights ay kakaibang saya ang ibinibigay nito sa
akin noon pa man. At ngayon mas lalong naging masaya dahil kasama ko ang taong
mahal ko.
Nakakatuwang tingnan ang mga bata,
mag-kakapamilya, mag-kakaibigan at mag-partner na kasabayan naming naglalakad
ni Claude. Syempre ilan sa kanila ay napapatingin sa mag kahawak kamay namin ni
Claude at masayang nagtatawanan. Pinag-uusapan namin ang mga plano namin sa
buhay pag-ikinasal na kami. Syempre hindi nawawala ang ka-pilyohan ng mister ko
dahilan para ikatawa ko ito nang malakas. Parang nawalan ako nang pakialam sa
mga taong pweding makakita sa amin ganito siguro talaga pag-nagmamahal ang tao
lahat kaya mong kalimutan.
Tulad ng ginawa ni Claude sa nakaraang
simbang gabi bago ito makipag-peace be with you sa akin ay binigyan muna ako
nang mabilis na halik sa aking labi ngunit hindi tulad ng una ma ikinakahiya ko
iyon ngayon, proud pa ako dahil magiging asawa ko na ang lalaking minsang
pinangarap ko noon, ang lalaking mayabang, maangas at walang ibang ginawa noon
kung hindi asarin ako dahil iyon ang paraan nya para makuha ang atensyon ko.
Nang matapos mangumunyon at kailangan
na naming mag dasal nang taimtim. Doon ko sinabi ang hiling ko sa pagkumpleto
sa simbang gabing iyon. Isang tradisyon na hanggang ngayon ay pinapaniwalaan
parin na kapag nakompleto mo ang simbang gabi ay pwedi kang humiling at iyon ay
matutupad.
“Lord, alam kong mahirap itong
hihilingin ko sa inyo pero, sana pag-bigyan mo ako. Alam ko rin pong isang
malaking kasalanan ang kitlin ang sariling buhay at hindi mo pahihintulutan ang
gumawa noon na maka-akyat sa langit pero sana pahintulutan mo si Alfie na
makasama ka. Ito lang po ang magagawa ko para sa isang kaibigan na naging
importante sa buhay ko. Huwag niyo po sanang hayaang mapunta sa empyerno ang
kanyang kaluluwa. Nagmamakaawa po ako sa inyo sana pag-bigyan nyo ako.”
Iyon ang hiling ko para sa pagtatapos
ng simbang gabing iyon. Hindi para sa akin kung hindi para kay Alfie, dahil
alam ko na sa langit ang dapat pag-lagyan nya. Alam kong hindi ako bibiguin ng
panginoon sa aking naging kahilingan alam ng puso kong tatanggapin nya si Alfie
sa tabi nya dahil doon sya nararapat.
Natapos ang ika siyam na sibang gabi
at na kompleto ko ito, namin ni Claude. Habang naglalakad papauwi ay panay ang
kalikot ni Claude sa kanyang cellphone.
“Kay aga namang textmate yan.”
Nakangisi kong wika sa kanya.
Ngisi lang ang itinugon nito sa akin
sabay akbay. Medyo nakaradam ako nang konteng pagtataka sa behavior niya pero
pinili ko nalang manahimik.
Matapos naming makapag breakfast sa
bahay ay agad kaming pumasok sa kwarto para makapagpahinga.
“Misis, di muna ako mangungulit ng
round 5 ngayon kasi kailangan mong mag-pahinga, mag-gro-grocery tayo mamayang
mga 3pm.” Malambing nitong wika.
“Dapat lang masakit pa yung anu ko
buti sana kong normal size yang junjun mo.” Pabiro kong sabi habang nakaunan sa
kanyang matipunong dibdib. “Teka, bakit kailangan pa nating mag grocery? Para
ba sa inyo? Di ba gusto ni.. errrr di ako sanay ni.. m-mommy na sa inyo tayo
mag noche buena?”
Humagikhik ito sa pag-aalangan ko sa
pag-sambit ng ‘mommy’ ginusto kasi nang mga magulang niya na mommy at daddy na
rin ang itawag ko sa kanila since na future husband na raw ako nang anak nila.
“Sige pag-tawanan mo ako di kita
papakasalan.” Tampu-tampuhan kong wika.
“Manakot ba? Nag ‘yes’ kana noh, wala
nang bawian yon. Cute mo kasi pag-nag i-stummer ka eh.” Sabay kurot nito sa
aking pisngi sa sobrang pang-gigil. “Basta, mag-gro-grocery tayo mamaya kaya
tulog kana misis ko para may energy ka later.” Wika nito sabay halik sa akin.
Siguro dahil na rin sa laging kulang
ng tulog isama mo pa ang pagud kapag katabi ko ang walang kapagod-pagud at
sobrang hilig na mister ko nakatulog na ako agad na may ngiti sa mga labi.
“Akala ko ba mag grocery tayo?” Ang
tanong ko kay Claude.
Nasa mall kami at hila-hila ako ni
Claude sa kung saan-saan. Para kaming tanga na aykat baba mula 1st flor
hanggang sa 3rd flor ng mall. Di ko maintindihan kung ano ang trip nitong
lokong to.
“Hindi ko kasi mahanap ang hinahanap
ko eh.” Ang parang balisang tugon naman nito.
Isa pang napapansin ko sa kanya kanina
pa ay panay ang text nito hindi ko naman sya tinanong dahil ayaw kong
magmukhang paranoid.
“Ano ba kasi ang hinahanap mo?” May
bahid ng pagtataka kong sabi sa kanya.
Imbes na sagutin ako nito ay muli
nitong binunot ang nag-iingay nyang cellphone tsaka mabilis na lumayo sa akin.
Napataas naman ang isang kilay ko kung sino iyon at bakit kailangan pa nyang
lumayo.
Nang makabalik ito sa akin ay
nakangisi na ito. Pero mahahalata sa mga mata nya na may tinatago sya sa akin.
“Sino yung tumawag?” Seryoso kong wika
sa kanya.
“Ka text ko nakikipag-eye ball.”
Nakangising wika nito sa akin.
Agad naman akong napikon sa hindi nito
pag-seryoso sa akin kaya bigla ko nalang syang tinalikuran balak ko sanang mag
walkout pero maagap si gago.
“Hep! San ka pupunta? Ito naman, selos
ka agad.” Nakangisi parin nitong wika talagang walang balak na seryosohin ako.
“Fans ko lang yon kinukumusta kong single pa ako sabi ko taken na ako at
ikakasal na.” Dagdag pa nito na para bang sinasadya ang asarin ako.
“Mag-hanap ka nang kausap mo!” Pikon kung sabi sabay kalas ko sa kanyang
pagkakahawak.
Rinig ko pang tatawa-tawa si gago na
nakasunod sa akin.
“Ang sarap pala nang feeling pag-nag
se-selos ang mahal mo. Aye! Kinikilig ako!” Banat nito na ikinatawa ko. Para
talagang bata si Claude maski ang mga tao sa mall na nakarinig sa kanya ay
natawa rin.
Hindi ko nalang napansin na nakalapit
na ito sa akin at mabilis ako nitong nanakawan ng halik sa pisngi. Rinig ko
pang napasinghap ang ibang taong nakakita at ang ilan namang kababaihan ay napa
“Ay!” sa ginawang kalokohan ni Claude.
“Uwi na tayo misis masyado na tayong
sikat dito.” Pilyong wika nito na sinamahan pa nang pagkaway-kaway sa mga taong
nasa amin ang tingin. “Ready na ang present ko sayo. Tara?”
Agad namang sumilay sa akin ang
napakagandang ngiti kaya pala niya ako kung saan-saan hinihila ni Claude ay
dahil may present ito sa akin. Hindi ko alam kong ano yon basta’t ang alam ko
lang ay kung anu man yon paniguradong ikasasaya ko.
Dumating kami sa bahay pasado ala-sais
na kaya madalim na ang loob ng bahay. Agad kong kinuha ang susi sa aking bulsa
ngunit di pa man iyon na ipapasok sa susian ay bumakas na ito. Napatalon naman
ako sa sobrang gulat na ikinatawa pa ni Claude nahampas ko tuloy ito nang may
kalakasan sa kanyang dibdib dahilan para mapa ubo ito.
“Ikaw naman kasi eh. Nagulat na nga
ang tao pinagtawanan mo pa. Bakit kaya
kusang bumukas ang pinto? Di ba ikaw ang nag lock nito kanina bago tayo
umalis?” Ang may pagtataka kong sabi na hinahagado ang kanyang nasaktang
dibdib.
“Bayolente ka talaga.” Tampu-tampuhan
naman nitong wika na sinamahan pa nang pag-pout. “Pasok kana nasa loob na ang regalo
ko.” Halos naman humagalpak ako sa tawa sa hitchura nito. Mukha syang batang
nag tatampo.
“Tingnan mo to, ayaw na
pinag-tatawanan sya pero ako pinag-tatawanan.” Wika pa nito.
Para hindi na humaba pa ang usapan ay
ginawaran ko na agad sya nang halik dahil alam kong yon lang naman ang katapat
ng tampo nyang yon eh at hindi nga ako nagkamali dahil gumanti ang gago at
hindi lang basta halik dahil naramdaman ko ang pag-galaw ng mga kamay nito
papunta sa aking pwetan at marahang pinisil-pisil.
“HOY! Mahiya kayo sa mga tao desperas
ng pasko kahalayan ang ginagawa nyo!” Ang sigaw ng isang tao sa loob.
Nakaramdam agad ako nang ibayong saya
nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Napatingin ako kay Claude na sa
akin rin pala nakatingin at muli ako nitong ginawaran ng halik.
“Ngayon kompleto na ang regalo ko
sayo. I hope I made you happy.” Sabi nito nang mahiwalay ang aming labi.
At lumabas na nga sa madilim na loob
ng bahay na iyon ang nakangiting sina Ralf at Mike. Sa sobrang tuwa ko ay
napayakap ako kay Claude hindi ko inaasahan na magagawa nitong kompletuhin ang
pasko ko. Ang akala ko ay tapos na ang mga surpresa nito sa akin ngunit hindi
pala.
“PINSAN!!!” Ang masayang bati sa akin
ni Ralf sabay yakap sa akin.
Nang malaman ko na si Alfie ang lalaki
na nasa video ay hindi ko na binigyan ng pagkakataong makalapit ang mga tao sa
akin. Natakot ako nab aka gawin nila ulit sa akin ang inakala kong pag-tridor
sa akin ni Alfie noon. Kasama sina Ralf at Mike sa mga taong itinakwil ko
hanggang sa mag graduate sila at parehong pinalad na makahanap ng trabaho sa
manila. Ang hindi ko lang alam ay sila parin pala hanggang ngayon.
“Pinsan…” Ang mangiyakngiyak kong bati
sa kanya.
Agad itong kumawala sa aking
pagkakayakap.
“Wag ka ngang madrama! Di bagay sayo,
kanina lang kung makipag-laplapan ka talo mo pa ako at sa labas pa talaga kayo
nang bahay naglalap-lapan.” Sabay hagikhik nito na sinamabayan naman nina Mike
at Claude.
“Akala ko kasi hindi na tayo
magkikitang muli. Akala ko kasi galit ka sa akin.” Ang parang bata kong sabi
dahil sobrang na miss ko talaga ang pinsan ko.
“Hindi na nga sana kaso nag-iba na raw
ang ihip ng hangin sabi ni Claude kaya ito kami ngayon ni Mike para mas
kompletuhin ang pasko.” Nakangising sabi nito.
“Na miss ka namin ni Ralf, Laurence.
Masaya kami nang malaman ang balita mula kay Claude na ayos kana ulit at handa
na kaming kausapin. Hindi naman kami galit, ang totoo hinihintay lang namin na
mag-hilum ang sugat mo. Hindi kami magagalit sa best friend ko at pinsan ng
hubby ko.” Ang tukoy nito sa amin ni Claude.
Masaya, sobrang saya ko habang
nagkukwentohan kami nina Mike, Ralf at Claude parang nabalik kami sa mga
panahon noong college palang kami na masayang nag-kukwentuhan at nag-aasaran.
Hindi ko talaga akalain na makikita ko pa silang muli dahil wala talaga akong
contact sa kanilang dalawa. Ito na ata ang pinaka masayang relago na ibinigay
sa akin ni Claude. Ngayon ramdam kong may pamilya, kaibigan at kasintahan ako.
Sabay-sabay kaming nag-simba nina Mike
at Ralf sa huling misa para salubungin ang pasko. Doon kami nag Noche Buena sa
bahay ng future husband ko kasama sina Ralf at Mike. Tuwang-tuwa naman si mommy
nang makitang muli si Mike, ang nag-iisang bestfriend ng kanyang anak. Naging
masaya rin ang Noche Buena namin. At sa loob ng anim na paskong dumaan ngayon
lang ulit ako nakatanggap ng regalo, hindi lang basta isang regalo kung hindi
sandamukal na regalo mula kay mommy at daddy na future inlaws ko, kay Louisa, kay Ralf at Mike at higit sa lahat mula sa
aking pinakamamahal.
“Claude, maraming maraming salamat sa
lahat lahat. Hindi ko na iisa-isahin dahil sobrang dami baka abutin tayo new
year.” Ang malambing kong wika sa kanya na hinaluan ng pag-bibiro.
Katatapos lang nang inuman at kamustahan
at ngayon ay nasa loob na kami nang kwarto ni mister ko. Si Ralf at Mike ay sa
guestroom naman.
“Di ba sabi ko sayo hanggat nandito
ako ibibigay ko lahat ng pwedi kong maibigay sayo dahil mahal kita.” Ganting
lambing naman nito na sinabayan pa nang paghalik-halik sa aking ulo.
Halos akala ko wala na akong pag-asa
sa buhay hindi, muntik na akong sumuko noon sa buhay kung hindi lang ibinagay
sa akin ulit ng diyos si Claude. Siya ang naging sandalan at lakas ko para
harapin ang mga problema ko sa buhay. Natuto akong magpatawad, natuto akong
harapin ang lahat, at higit sa lahat natuto akong magtiwalang muli.
Ang 9 mornings ay isang tradisyon na
kinagawian nating lahat. Nag sisimba tayo at sinusubukang kumpletohin ito hindi
lang dahil sa paniniwala na pagnakumpleto natin ito ay isa sa mga kahilingan
natin ang matutupad kung hindi nag-sisimba tayo dahil naniniwala tayo na may
bagong pag-asa. Ang pagsilang ng ating tagapagligtas ay sumisimbolo nang bagong
pag-asa, pagpapatawad, pagmamahalan at higit sa lahat ang pagbibigayan.
Sa akin nangyari ang lahat nang iyon
dahil lang sa isang tao. Si Claude ang aking pag-asa, tinuruan ako nitong
magpatawad, at ang ibigay ang bagay na hindi ko maibigay noon. At nakakatuwang isipin na nangyari ang lahat
nang ito sa loob lamang ng siyam na gabi nang novena o ang tinatawag nating 9
Mornings kung saan itinuturo ito sa atin sa bawat misa.
“Misis?” Ang pagtawag nito nang aking
pansin. Napansin siguro nito ang pananahimik ko.
“Bakit?” Kunyaring inaantok kong
tugon.
“Matutulog kana?” May himig nang tampo
nitong sabi.
Lalo ko namang inigihan ang
pag-dra-drama-dramahan ko.
“hmmmm.. oo eh.” Wika ko na lihim na
ngingiti-ngiti.
“Sayang naman… May regalo pa sana ako
sayo. Tsk!”
Sa narinig ay biglang nawala ang
pag-papanggap ko at agad na naexcite. Bumalikwas ako sa pagkakahiga sa dibdib
nya at napaupo sa kama.
“Ano yon?” Bakas ang excitement sa
boses ko.
Sumilay ang ngising nakakagago sa
mukha nito.
“Huli ka!” Ang biglang wika nito at
dinaganan pa ako para hindi maka-palag. “Sabi ko na nga ba’t linuloko mo lang
ako eh. Kala mo ah.” At ang sumunod na nangyari ay malakas na tawanan sa loob
ng apat na sulok ng kwarto ni Claude. Halos mapasigaw ako sa sobrang
pangigiliti sa akin ni Claude.
“Mahal na mahal kita misis. Salamat sa
pangalawang pagkakataon at promise ko sayo hinding hindi ko sasayangin ang
lahat ng ito.” Madamdamin nitong wika.
“Ikaw lang ang nag-iisang kaliyahan ng
meron ako. I love you.” Dagdag pa nitong wika.
“Mahal din kita Claude, dahil sayo
muli kong naranasan ang kasiyahang hindi ko lubos akalain na mararamdaman ko
pa. Ikaw ang pinaka mahal at pinaka magandang regalo sa akin ng diyos.” At
muling nag hinang ang aming mga labi.
Sa buhay kailangan nating dumaan sa
hirap para maging matatag. Huwag nating itali ang mga sarili natin sa isang
pagkakamali sa nakaraan, bagkus ay gumawa tayo nang paraan na maitama ito. Ako,
halos mawalan na ako noon ng pag-asa na umabot sa punto na pati ang diyos ay
sinisi ko sa mga nangyari sa buhay ko, mali pala ako. Hindi dapat ang diyos ang
sinisisi ko sa mga kamalian ko kung hindi ako mismo, dahil ako rin naman ang
pumali na maging ganun ako.
Sino ang mag-aakalang sa loob ng siyam
na araw ng sabing gabi ay matatanggap ko ang isang relago na kahit kailan ay
hindi ko inaasahang darating pang muli sa akin, ang taong nagturo sa akin na
may pag-asa pa. Totoo nga ang sabi nila good things come unexpectedly sa tamang
oras, tamang panahaon at higit sa lahat sa tamang tao. Hindi ko na yata
makakalimutan ang 9 Mornings sa tanang buhay ko dahil sa siyam na gabing iyon
nakilala ko ang tunay na Claude – ang taong binuo ang nabasag na pagkatao ko –
ang taong ibinalik at ibinigay sa akin ng panginoon para salubungin siya sa
araw ng kanyang kapanganakan.
-----Wakas-----
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment