Tuesday, December 25, 2012

9 Mornings (08)

by: Zildjian

Sa mga ala-alang nagbabalik ngayon sa akin ay hindi ko maintindihan ang aking sarili. May kung anong damdamin ang muling bumabalik sa akin na matagal ko nang kinalimutan. Pilit kong iniwaksi pero kusa itong bumabalik sa di malamang dahilan.

Pangatlong simbang gabi na. Mas lalong naging malamig ang hangin dala nang amihan. Habang naglalakad papuntang simbahan na may dalayang kulay itim na payong dahil sa umaambon ay kita ko ang mga kabahayang may mga nagkikislapang palamuti na makikita lamang tuwing buwan ng December. Naitutok ko ang aking tingin sa isang puting bahay na ang Christmas tree nila ay nasa labas. Hindi ko pa pala naitatayo ang Christmas Tree. Pabulong kong sabi sabay bigay ng isang malalim na buntong hininga.


Halos isang minuto rin ata akong nakatunghay sa bahay na iyon bago napagdesisyunang muling ihakbang ang aking mga paa para tunguin ang simbahan. Rinig ko ang malakas na tunog ng kampana na para bang gumigising sa mga taong sa ngayon siguro ay masarap na natutulog sa kani-kanilang kama.

Kahit na umaambon sa umagang iyon ay hindi nito napigilan ang mga taong tulad ko ay gustong magsimba, mga taong malakas ang paniniwala. Sabi nga nila isang beses lang sa isang taon ang pasko kaya dapat sulitin ito. Pero sa nakikita ko ngayon konte nalang ang naniniwala sa pasko wala na ang essence of Christmas mabibilang mo lang ang mga kabahayan na may mga Christmas lights, parol at kung anu-ano pang sumisimbolo nang pasko.

“Laurence? Laurence!” Tinig nang isang babae mula sa aking likuran. Papasok na sana ako nang simbahan sa mga oras na iyon.

Napalingon ako at tumambad sa akin ang nakangiti at nakapayong din na si Louisa. Naka jacket ito nang kulay pula halatang hindi kinayanan ang lamig ng umagang iyon. Hinintay ko itong makalapit sa akin habang tinitiklop ang aking dalang payong.

“`Good Morning remember me?” Bati nito sa akin ng sya ay makalapit.

“Good Morning din.” Balik ko namang bati sa kanya at binigyan sya nang isang ngiti. “Yeah, Louisa right?”

Nagpalinga-linga ito na para bang may hinahanap.

“Sorry. Hinahanap ko kasi ang kuya ko.” Wika nito nang mapansin akong nakunot ang ang noo.

“Ah, baka nasa loob na yon.” Ang nasabi ko nalang.

“Nope, he prefers to stand outside hearing the mass rather samahan ako sa loob.” Sarkatikong sabi nito sa akin. Binigyan ko lang sya nang isang ngiti bilang pagtugon.

“Never mind lilitaw din yon mamaya.” Sabi nito nang hindi siguro mahanap ang kanyang kapatid. “Lets go? Baka maubusan tayo nang upuan.” Pagyaya na nito sa akin.

Agad na nga kaming tumalima sa loob swerte namang agad kaming nakahanap nang mauupuan. Magkatabi kaming tahimik lang na naghihintay na magsimula ang misa.

Ilang saglit pa ay nakatayo na sa may purta mayor nang simbahan ang mga sacristan nasa likod ng mga ito ang pari na mag-mimisa pangatlong gabi na iyon. Sinimulang tumugtog ang pang simbahang kanta at nag lakad na papuntang altar ang mga ito.

“In the name of the father and of the son and the holy spirit amen.” Wika nang pari hudyat na magsisimula na ang misa. Tahimik ang buong simbahan ang maririnig mo lang ay ang mga ingay nang mga batang kasama siguro nang kanilang pamilya sa labas. Hindi siguro pinalad ang mga ito na makaupo.

Nagtinginan kami ni Louisa at sabay kaming napangiti bago umupo at matamang nakinig sa misa.

Past

Dalawang lingo na ang nakakalipas mula nang makauwi kami galing sa resort nina Cluade. Simula din noong gabing naging kami ay ang tuluyang pagbabago nang tingin ko kay Claude. Kung noon ay mayabang at masama ang tingin ko sa kanya sa mga nakalipas na araw ay ang kabaliktaran nito. Nang makauwi kami noong Lingo ng hapon ay umuwi lang ito para magpalit ng damit at muling bumalik sa bahay para ayain akong magsimba hangang sa nakagawian na naming gawin na ito tuwing lingo.

Puno nang surpresa si Claude isang katangian nya na nag padagdag pa nang pagmamahal ko sa kanya. Nariyan ang susunduin ako nito tuwing lunch at sabay kaming kakain at halos gabi-gabi kaming lumalabas para mag dinner. Nawala ang pagdadalawang isip ko sa naging desisyon kong pagbigayan ang sarili na lumigaya.

Si Alfie sa isang banda ay paminsan-minsan ko nalang masamahan dahil sa lagi na kaming magkasama ni Claude. Alam kong nagtatampo ito sa akin kaya naman sa tuwing lunch break na hindi ako pweding sabayan ni Claude dahil may klase pa ito ay bumabawi ako kay Alfie. Alam ko ring may ideya na si Alfie sa amin ni Claude dahil hindi ko maiwasang ma kwento sa kanya kung gaano ito ka bait na halos si Claude nalang ang bukang bibig ko tuwing magkasama kami ni Alfie. Kahit ngumingiti ito ay nakikita ko pa rin na may lungkot itong itinatago sa kanyang mga mata.

Hiniling ko kay Claude na itago nalang muna sa eskwelahan lalo na kay mama ang relasyon namin dahil natatakot ako sa pweding maging reaksyon nito. Pumayag sya sa part na hindi ipaalam kay mama ngunit sa eskwelahan ay nag protesta ito. Gusto daw nito na ipaalam sa lahat at ipagmayabang na ako ang partner nya.

“Love, susunduin kita mamaya sa room mo hintayin mo ako sabay tayong mag lunch. Mwahh!” Ang nareceive kong mensahe galing sa kanya.

Kinilig ako na parang katatapos lang umihi nang matapos itong basahin. Hindi ko maikakailang sobrang tinamaan na ako sa kanya sa sobrang lambing at maalaga nito. Ngayon ko na nakilala ang tunay na Claude ang ugali nito na pilit nyang ikinukubli noon. I thought he was the worst person I can imagine ngunit mali pala ako dahil kabaliktaran sya nun.

Hindi na ako nagreply at baka mahuli pa ako nang professor namin na busy sa kakatalak ng kung anu-ano sa harapan namin. Wala akong masyadong maintindihan sa mga pinagsasabi nito dahil ang laman ng isip ko ay ang maamong mukha ni Claude.

Habang busy sa pagpapantasya este pag-iisip ay naramdaman kong may kumalabit sa akin. Napalingon ako sa gawa nito at tumambad ang malungkot na mukha ni Alfie. Umusog ito sa akin at bumulong.

“Sabay ba tayong mag lu-lunch mamaya?”

Sakto namang tumunog ang nakakabinging bell hudyat na tapos na ang last period namin sa araw na iyon. Agad namang tinapos ng history professor namin ang klase at lumabas na kasama ang iba naming mga ka klase.

“Pasensya na Alfie pero..”

“Sabay kayo ni Claude? Sige okey lang.” Malungkot nitong sabi at walang anu-anong naglakad patungo sa pintuan.

Nakaramdam ako nang guilt at awa habang pinagmamasdan itong papalayo sa akin.

“Alfie!”

Napahinto ito at lumingon sa akin.

“Sabay ka nalang sa aming mag lunch?” Nakangiti kong sabi.

“Hindi na. Uuwi ako ngayon sa amin tutal wala naman tayong pasok sa lunes.” Mahina at malungkot nitong sabi. Tuluyan na itong umalis.

Sa di malamang dahilan ay nakaramdam ako nang pamimigat sa aking puso. Kaibigan ko si Alfie at masakit sa akin na makita itong ganun. Alam kong nagtatampo ito dahil hindi ko na sya madalas masamahan, pero tulad nang sagot nito sa akin kanina tuwing aayain ko itong sumabay sa amin ay lagi lang itong tumatanggi.

Napabuntong hininga nalang ako at malungkot na bumalik nang upo. Ang hirap sa pakiramdam kong alam mong ikaw ang dahilan ng pagiging malungkot ng isang tao. Kahit hindi sabihin ni Alfie sa akin iyon ay dama ko naman. Dama ko ang pagseselos nito sa atensyon na ibinibigay ko kay Claude. Hindi ko naman sya masisisi sino ba naman ang hindi malulungkot kung ang kaibigan mo na lagi mong kasama noon ay iba na ang kasama. Parang na se-set aside ko na si Alfie.

Naramdaman ko nalang ang kamay na humawak sa aking balikat. Napalingon ako at nakita ang nakangiting si Claude. Binigyan ko ito nang isang matipid na ngiti.

“May problema ba?” May himig nang pagaalala nitong sabi.

“Si Alfie kasi.” Ang may lungkot kong pagsusumbong.

“Oh, Ano meron kay Alfie inaway ka ba nya? Asan sya nang ma bigyan ng leksyon.” Maangas na naman nitong sabi. Natural na ito sa kanya ganito si Claude pag may umaaway sa akin.

“Eeeee! Hindi! Mukha kasing nagtatampo sya sa akin.” Parang bata kong wika.

“Dahil hindi ka na nya parating nakakasama?”

“Oo.” Ang nasabi ko nalang at napayuko para di nya makita ang mukha kong nalungkot na naman.

Iniangat nito ang aking mukha at binigyan ako nang isang matamis na ngiti.

“Wag kana malungkot. Siguro naninibago lang yon ngayon.” Pangugumbinsi nito sa akin.

“Ayaw ko kasing may nalulungkot dahil sa akin lalo na si Alfie naging mabuti syang kaibigan sa akin eh.”

“Hayaan mo kakausapin ko sya.”

“Talaga? Eh di ba ayaw mo sa kanya?” Di makapaniwala kong sabi.

 “Yep. Para di kana malungkot. Ipapaintindi ko sa kanya na natural lang na hindi na kayo pweding laging magsabay kumain o kung ano pa man dahil may boyfriend kana at ako yon.”

Nagliwanag naman ang mukha ko sa sinabi nito. Alam kong ma pride na tao si Claude at hindi ito basta-basta nakikipag-usap lalo na sa mga taong ayaw nya, pero gagawin nya iyon para sa akin. Binigyan ko sya nang ubod nang tamis na ngiti para magpasalamat.

“Ayan ngiti kalang mas cute kang tingnan.” Sabay pinang gigilan nito ang pisngi mo. “Let’s go  lunch na tayo.”

“Si Mike asan? Di ba sya sasabay sa atin?”

“Bibisitahin daw nya ang pinsan mo.” Nakangiti nitong sabi.

“Ay, oo nga pala no? Tayo ba hindi bibisitahin si pinsan?”

“Later nalang siguro gusto muna kitang ma solo ngayon.” Sabay kindat nito na ikina hagikhik ko sa ibayong kilig.

Tinungo na nga namin ni Claude ang isang kainan simula kasi nang maging kami ay hindi na kami kumakain sa karenderya para daw malaya nya akong malalambing. Noong unang araw kasi naming kumain doon bilang kami ay napansin nito ang pagiging uneasy ko tuwing naglalambing sya. Kaya napagdesisyunan nya na sa ibang lugar nalang kami kumain malayo sa mga estudyante.

Naghihintay lang ako sa lamesa habang sya’y um-order ng pagkain naming dalawa. Isa pang malambing na katangian nito. Parang babae kung ituring ako nito at pagsilbihan na pati pagkain ay kulang nalang subuan nya ako. Kung sa iba ay brusko at tigasin si Claude sa akin ay sobrang lambing at maalaga nito. Pag kasama nya ang mga ka klase nya o ka grupo ay maangas ito kung umasta dahilan para mapasunod nya ang mga ito sa gusto nya. Pero kapag kasama nila ako ay bigla itong nag shi-shift at nagiging malambing at protective. Hindi naman sya magawang ma kantyawan ng mga kaibigan nya sa takot na baka ma bugbog sila nito.

“love, tutal sabado bukas baka pwedi kang magpaalam sa mama mo na sa bahay ka nalang matulog hatid nalang kita pagpasok ko.” Malambing at nagsusumamo nitong sabi.

“Ayaw ko, nakakahiya sa mga magulang at kapatid mo. Tsaka hindi ako sigurado kong papayagan ako ni mama.”

Matagal na nya akong magpunta at matulog sa kanila para daw makilala ko ang mama at kapatid nya pero lagi akong tumatangi dahil nahihiya ako. Siguro kong normal lang kaming magkaibigan ay pwedi pa, ang kaso ay hindi kami magkaibigan kung hindi magkasintahan.

“Wala sila ngayon. Umalis sila nang kapatid ko kaninag umaga papuntang Cebu para dumalo sa debut ng pinsan ko.” Kita ko sa mga mata nito ang excitement alam kong may iniisip itong kalokohan.

“Ayaw ko pa rin.” Gusto ko lang syang inisin dahil ang totoo gusto ko naman talagang magsleep over sa kanila para makasama ko ulit sya nang matagal.

Bumakas ang disappointment nito sa kanyang mga mata. Hindi na ito nangulit pa at na nanahimik nalang. Nakasimangot itong pinagpatuloy ang pagkain. Lihim akong natawa sa naging behavior nito parang nag dadabog pa nang ibaba nito ang baso nang soft drink.

“Galit ka?” Nakangisi kong sabi.

“Hindi.” May himig nang pagtatampo nitong sagot.

“Ah kala ko kasi galit ka.” Pang iinis ko pang lalo ngunit sinimangutan lang ako nito.

“Pero alam mo..” Pang bibitin kong sabi.

Hindi ito natinag at pinagpatuloy lang ang pagkain ng walang imik. Hindi manlang ito tumingin sa akin alam kong nagtatampo na ito.

“Kapag napapayag mo si mama ay game ako.” Nakangiti ko nang sabi rito.

Napatingin ito sa akin bakas sa mukha nito ang tuwa.

“`Talaga?” May kalakasan nitong sabi dahilan para mapatingin sa gawi namin ang ibang costumer na kumakain.

“Ang hilig mong manawag nang pansin.” Inis kong wika nakaramdam kasi ako nang hiya.

“Sorry naman na excite lang ako. Sige, ako bahala kay tita sure na papayag yon ako pa.”

“Tingnan nalang natin.” Ang ngingiti-ngiti kong sabi. Alam kong mapapapayag nito si mama likas na magaling mambola ang gago kaya close na sila agad. Nariyan ang pupunain nito ang luto ni mama tuwing mag di-dinner sya sa bahay pati ang suot nito ay pinapansin nya na ikinatutuwa naman ng pobre kong ina.

Halos hilahin ko na ang oras para matapos na ang huling subject ko sa araw na iyon. Excited na kasi akong makita ulit si Claude na sa ngayon ay naghihintay na sa labas. Na una kasing matapos ang klase nito. Kausap nito ang mga kaibigan nya. Sa klaseng iyon ay ka klase ko rin si Anna kilig na kilig naman ang hitad akala siguro na sya ang hinihintay ni Claude Hindi ito pumasok noong nakaraang meetings dahil daw may linakad sila nang parents nya.

Nang sa wakas ay natapos na ang klase namin ay agad na tinawag ni Anna si Claude. Umangkla agad ito sa braso nito nang makalapit.

“Na miss mo ba ako Claude kaya ka nan dito?” Malandi nitong sabi. Nakamasid lang ako sa kanila sa may bintana habang inaayos ko ang aking mga libro.

“Nope.” Matipid namang tugon ni Claude sa kanya. Lihim akong napahagikhik sa pagiging suplado ng boyfriend ko.

“AWTS!” Ang kantyaw nang mga kaibigan nito kay Anna.

“Ikaw talaga. Di ka pa rin nagbabago mapagbiro ka pa rin.” Hindi nag paapektong wika ni Anna gamit ang naglalambing na boses o mas tamang sabihing naglalanding boses.

“Hindi ako nagbibiro. Tinanggal nito ang kamay ni Anna na naka lock sa braso nya.” Doon na ako nagpasyang lumabas.

Nang makita ako ay agad nito akong linapitan.

“Ang tagal mo namang lumabas.” Nakangiti na nitong sabi at inakbayan ako. Sa tangkad nito kumpara sa akin ay madali lang nyang nagawa iyon.

“Inayos ko pa kasi ang mga libro ko.”  Ang tingin ko ay wala sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay uneasy pa rin ako sa mga kaibigan nitong lalake lalo na kay Anna na alam kong malakas ang tama sa kanya.

“Aba may bago! Di na kayo ngayon nag babangayan?” Ang naisambit ni Anna na bakas sa mukha ang pagtataka.

“Syempre boy..”

“Bestfriend na kami ngayon.” Ang agad kong pagputol sa sasabihin ni Claude. Para sa akin ay hindi pa ngayon ang tamang oras para malaman ni Anna ang tungkol sa amin. Natatakot ako sa maaaring maging reaksyon nito.

“Anong..” Ang muli nitong pagtatangkang magsalita pero agad ko syang hinila papalayo sa mga kaibigan nya at kay Anna.

“Una na kami ah.” Ang sabi ko habang hila-hila sya.

“Dapat ba talaga i-deny ako?” May tampo nitong wika.

“Not now. Hindi pa tamang oras para malaman ni Anna baka mag wala yon alam mo namang patay na patay sayo yon eh.” Ang pangangatwiran ko sa kanya.

“Kaya nga sasabihin ko na sa kanya habang maaga pa para lubayan na nya ako.”

Tumigil ako sa paglalakad at binitawan ang kamay nya.

“Next time nalang please?” May pagmamakaawa kong sabi. Alam kong pag ginamit ko ang charm na ito hindi na sya kokontra.

Napabuntong hininga ito bago nag salita ulit.

“Ano pa nga ba ang magagawa ko.” Tuluyan nang nawala ang pagtatampo sa mukha nito dahilan para mapangiti ako sa kanya.

Present

“Lance?” Ang nagpabalik sa aking ulirat na tawag ni Louisa sinamahan pa nito nang mahinang pagkalabit sa akin.

“H-Hah?” Wala sa sarili kong naitugon.

“Bakit ka ngingiti-ngiti dyan? Di ka ba mangungumonyon?” Takang tanong nito.

“A-anong naka ngiti?” Maang-maangan kong sabi sa mahinang boses nagsisimula na kasing pumila ang mga tao para tumanggap ng katawan ni kristo.

“Kita kaya kitang nakangiti kanina. Ano ba iniisip mo? Mukhang hindi ka naman nakikinig sa misa eh.” Pang bubuking nito.

“Ahh.. ehhhh..” Wala akong mahipuhap na isasagot sa kanya huling-huli na kasi ako.

“Wag kana mag deny.” Natatawa nitong sabi. “Hindi ka ba mangungumonyon?”

“Hindi eh.” Nakaramdam ako nang hiya sa pagkabuking ko na wala ang isip ko sa misa.

“Pareho kayo ni kuya. Oh sya dito ka muna.” At tumayo na ito ang nakipila na rin.

Napapailing nalang ako sa aking sarili dala nang hiya sa pagkakabuking sa akin ni Louisa. Di ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa kanya. At pakiramdam ko ay matagal na ako nitong kilala o baka masyado lang akong na prapraning sa mga ala-alang bumabagabag sa akin.

Nang makabalik ito sa kinauupuan namin ay lumuhod ito para magdasal. Sumunod naman ako sa kanya kahit hindi ako nangungumonyon ay ginagamit ko pa rin ang oras nang pagdarasal para makipagusap sa diyos, makapanghingi nang tawad at makapagpasalamat na rin.

Tahimik ang buong simbahan sa mga oras na iyon. Hanggang sa muli na naman akong dalhin sa aking nakaraan.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . . .

zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment