Tuesday, December 25, 2012

9 Mornings (18)

by: Zildjian

Pasado ala-sais ng sunduin ako ni Claude. Matapos naming magusap ng taong tumawag sa akin ay hindi na ako napakali. Takot at pagkabigo ang naramdaman ko sa mga sinabi nito.

“Iniwan lang kita nang mahigit apat na oras nag iba na ang aura mo. May problema ba misis?” Ang pagpansin sa akin ni Claude. Kasalukuyan naming binabaybay ang daan papunta sa mall kung saan balak naming mamili. Sakto namang ka rerelease lang ng Christmas bonus namin noong fifteen.

Gusto pa sana akong pigilan ng aking mga katrabaho na huwag lang munang umalis mabuti nalang at tinulungan ako ni Pat. Hindi naman ako nagsinungaling sa kanila na may balak akong mag shopping pero ang alam lang nila ay ako lang mag-isa.


“W-Wala masakit lang ang ulo ko.” Ang Alibi ko naman dahil nag aalangan ako kung dapat ko bang sabihin kay Claude ang tungkol sa mga sinabi ni Anna sa akin kanina sa telepono.

Bigla namang inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng high way. May pagtataka akong napatingin sa kanya.

“Kung ganyang masakit ang ulo mo wag nalang tayong tumuloy. Uwi nalang tayo sa bahay mo.” May pagaalala nitong sabi.

Sa nakikita ko ngayon sa mukha ni Claude hindi ko lubos na mapaniwalaan ang mga sinabi ni Anna sa akin.

“Hindi, deretso tayo baka dahil lang sa nainum ko to.” Ang pagtutol ko naman at binigyan sya nang pilit na ngiti.

Lalo lang nangunot ang mukha ni Claude ang akala ko ay magtatanong pa ito ngunit nagkamali ako. Pinaandar ng muli nito ang sasakyan at walang amik na binaybay namin ang daan papunta sa mall.

Kung may katotohanan ang mga sinabi ni Anna sa akin kanina dapat lang na hindi ako magsayang ng oras. Gusto ko na kahit manlang sa huling pagkakataon ay makasama ko ito. Kumawala ang isang luha mula sa aking kaliwang mata na pasimple ko namang pinahid.

Tulad ng inaasahan maraming tao sa mall na iyon halos mahirapan kaming makapag hanap ng pweding ma park-i-ngan. Hindi pa rin nag salita si Claude, pagkabukas nito nang kanyang pintuan ay mabilis itong umikot sa aking gawi at pinagbuksan ako. Napangiti ako nang ilahad nito sa akin ang kanyang kamay para alalayan akong bumaba.

Aminado akong mas minahal ko sya ngayon pero, ano ang magagawa nang pagmamahal na iyon kung lahat ng ginagawa nya sa akin ngayon ay pagpapanggap lang para makaganti sya sa akin. Martyr na kung martyr pero kahit na lahat ng ipinapakita nya ay pagkukunwari lang sasakyan ko ito maramdaman manlang kahit papaano na minahal nya ako.

Iniwaksi ko lahat ng takot na meron ako sa akin at sinulit ang natitirang mga araw namin ni Claude. Ipinakita ko na sa kanya ang nararadaman ko, ako pa mismo ang kumuha nang kamay nya para paghumpungin iyon. Napalingon sa akin si Claude at ang akala ko ay tatangihan nya dahil sa mga taong pweding makakita ngunit sumilay ang napakagandang ngiti nito. Muling nag liwanag ang kanyang mga mata at hinigpitan ang hawak nya sa aking kamay.

Halos pagtinginan kami nang lahat ng mga tao sa loob ng mall na iyon lalo na ang mga grupo nang kababaihan na nakasalubong namin na hayagan pa talagang nagbulongan ngunit hindi nagpaapekto si Claude. Ako man, kahit may kaba na pweding may estudyanteng makakita sa amin ay hindi ko na inalintana. Wala na akong pakialam kung anu ang sasabihin nila ang importante sa akin ngayon ay maiparamdam ko kay Claude ang pagmamahal ko para sa kanya kahit manlang sa simpleng hawak kamay naming iyon.

“Ang akala mo ba talagang seryoso si Claude sa pakikipag-ayos sayo? Dream on Laurence, ginagawa lang nya yan para makaganti dahil hindi makakalimutan ni Claude ang kataksilan na ginawa mo sa kanya noon. And one more thing Laurence, engaged na kami ni Claude at ikakasal na kami kaya wag kanang umasa pa.”

Hindi ko maiwasang maalala ang mga huling sinabi ni Anna bago nito putulin ang linya kanina. Ayaw paniwalaan ng puso ko ang mga sinabi nito ngunit ang utak ko ang nagsasabing hanggang dito nalang talaga kami at gumaganti lang ito dahil nasaktan sya noon.

Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay na ginantihan naman nya nang mabinig pagpisil na para bang nagustohan nito ang ginawa ko. I will enjoy the last moment with him kahit pagkukunwari lang ito kung ito lang ang tanging paraan para maramdaman kong mahal nya ako.

“Saan tayo unang pupunta?” Ang tanong ko sa kanya.

“Sa mga decorations muna tayo misis.” Nakangiti nitong sabi.

Kay sarap sa pandinig tuwing tatawagin nya akong misis. Kung may hihilingin ako sa mga oras na iyon, yon ay sana totoo nalang lahat ng ito. Sana hindi ko nalang alam na pagkukunwari lang ang lahat para mas ma enjoy ko pa ang lahat nang ipinapakita nyang pagmamahal.

“Sige.” Ang pagsangyon ko sa kanya.

Pansamantala kong nakalimutan ang dinadala ko sa sobrang kulit namin ni Claude sa pamimili. Pati ang mga sales lady sa parteng iyon ng mall ay tuwang tuwa sa mga pinag-gagawa namin ni Claude. Asaran, lambingan, harutan at kung anu-ano pang kalokohang maiisipan namin. Bumili kami nang mga gagamitin naming decorations para sa Christmas tree, bumili rin kami nang mga Christmas light at dahil sumasakit ang ulo ko sa mga gumagalaw na ilaw ang pinili ko ang mga steady light lang.

Sabi ni Claude maganda kong may motif para mas ma emphasize ang ganda kaya nag isip ako nang kulay na gagawing motif sa buong bahay ko. Blue, yon ang napili ko dahil maraming ibig sabihin ang kulay na iyon. Pweding masaya pwedi ring malungkot dependi sa tingin at nararamdaman ng taong makakakita nun.

Lahat ng binili naming decorations ay may kulay blue. Mula sa Christmas balls, Christmas light, artificial flowers para sa Christmas tree pati ang isang malaking parol ay may blue rin. Ayaw ko sanang bilhin na ang parol na iyon dahil sa may kamahalan ang presyo kaso mapilit si Claude kaya wala na akong nagawa pa.

Ubos ang bonus ko nito hindi pa man ako nakakapag grocery para sa Noche Buena.

“Oh bakit sapo mo ang ulo mo? Masakit parin ba?” Ang pagpansin ni Claude sa akin. Mababakas ang tuwa sa mga mata nito habang abalang tinitignan ang ibang mga decorations para kaming mag-asawa sa mga oras na iyon.

“Medyo.” Sabay bigay ng isang pilit na ngiti dahil ang totoo sumasakit ang ulo ko sa babayaran ko mamaya.

Halos naman patayin sa kilig ang sales lady ng makita nitong hinalikan ni Claude ang noo ko. Literal pa nitong pinang gigilan ang kwelyo nang kanyang uniform at pumikit na animoy pinipigilan ang pagtili.

“Ayan. Masakit pa ba?” Ang nakangiting wika ni Claude matapos nitong dampian ng halik ang aking noo.

Napangiti nalang ako at umiling. Ako rin ay sobrang kinilig sa ginawa nito hindi nya alintana ang mga taong pinag pipyestahan na kami at pinag tsitsismisan. May isang matandang babae pang lantarang tinuro kaming dalawa habang may sinasabi sa kanyang kasama.

“Laurence?” Ang biglang pagtawag sa akin ng isang tao mula sa likuran ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang nakangiting si Red kasama nito ang partner nyang si Attonery Dorwin Nevira.

“Oi.” Ang nasabi ko nalang sa pagkabigla.

“Misis tingnan mo to ang ganda.” Singit ni Claude. “Oi, pare dito pala kayo.”

Napatingin ang dalawa kay Claude at sa akin tapos sumilay ang nangaasar na ngisi sa mukha ni Red.

“Mukhang effective ang naging plano ni Chad ah.” Sambit nito na hindi parin nawawala ang nangaasar na ngiti sa mukha nito.

Nabaling ang tingin ko kay Claude na sa mga oras din palang yon ay binigyan si Red nang nakakagagong ngisi.

“Walang duda. Salamat sa tulong nyo ah.” Wika naman nito sabay akbay sa akin na parang iniingit nya si Red.

“Tingnan mo nga naman, ang bilis talagang baguhin ang taong nagmamahal nung isang araw lang halos patayin mo na sya sa takot.” Sabay hagikhik nito. “Paniguradong matutuwa ang barkada ko kung malaman nila ito di ba mahal?” At itinaas nito ang magka-holding hands nilang kamay ni Attorney gumanti sa pangiingit ang gago.

Parehong gwapo si Red at Claude, parehong matangkad at parehong expressive ang mga mata pinoy na pinoy ang kulay ni Red habang si Claude naman siguro dahil narin sa kakaibang klima sa US at sa lahi nito ay maputi.

Napakamot naman si Claude sa ulo halatang guilty ang mokong.

“Kamusta ka Laurence?” Ang wika naman ni Attorney na nakangiti ang taong kinakatakutan ng sigang si Red.

“Ayos naman attorney.” Medyo nahihiya ko pang sagot sa kanya dahil hindi naman talaga kami close at respeto narin sa pinakabata’t magaling na attorney.

“Dorbs nalang  at pag-inabuso ka ulit nyang boyfriend mo puntahan mo lang ako sa opisina ko ipapakulong natin yan.” Biro nitong sabi.

Tama nga ang naririnig kong tsismis lahat ng myembro nang seventh bar kasama ang mga partners nila ay mababait. Kahit na mga anak mayaman ay napaka humble nang mga ito hindi katulad ng katabi ko ngayon na pili lang ang taong pinapakisamahan at napakayabang pa nito noon.

“Oh sige Dorbs nalang.” Ang nakangiti ko naring sabi.

“Mag shopping din kayo pare?” Singit ni Claude na ang tinutukoy ay si Red.

“Yep, bibili rin kami nang regalo para sa mga kaibigan at inaanak namin. Kayo, bakit kayo nandito?” Pero hindi na it okay Claude nakatingin kung hindi sa akin. Bakas ang panunukso nito sa kanyang mukha.

“Mahal, umandar na naman ang pagiging bully mo.” Sita ni Dorwin sa dito.

“Hindi ah, nagtatanong lang naman ako eh.” Depensa naman nito sa sarili.

Natawa naman ako sa kanila halata kasing mahal na mahal nila ang isa’t isa samantalang ako bilang lang ang mga araw ko sa piling ni Claude.

“Wag kanang lumusot.” Basag ni Dorwin sa boyfriend nya. “Nga pala Claude, may lakad ba kayo bukas?”

Napalingon naman ito sa akin.

“May lakad ba tayo bukas misis?”

“Wala.” Sagot ko naman sa kanya.

“See, wala kaming lakad bukas ng misis ko. Bakit ano meron?” Nakangiti nitong sabi.

“Good, Christmas party namin bukas magkakaibigan so, we’re inviting you matutuwa sina Chad pag nakita nila kayong magkasama.”

“Talaga? Hindi ba nakakahiya? San ba ang party?” Tila excited namang sagot ni Claude.

“Ngayon kapa mahihiya kung kelan natulungan kana namin.” Sabat naman ni Red na sinamahan pa nang malokong ngisi. “Sa bahay namin ng asawa ko gaganapin ang party.”

Nakanganga nalang ang sales lady na nakakarinig sa usapan naming apat. Hindi siguro ito makapaniwala sa nakikitang dalawang pares ng hunky at yummy na lalaki ang mga asawa.

“Sure, pupunta kami di ba misis?” Tango nalang ang isinagot ko sa kanila syempre gusto ko ring makasama ang mga dati kong school mates nakakadala kasi ang pagiging masayahin ng mga ito.

“Great! We will be expecting you guys then. Paano, una na kami kita nalang tayo bukas.” Wika naman ni Dorwin.

“Sige ingat kayo kita kits nalang bukas.” Tugon naman ni Claude.

Umalis na nga ang dalawa at muli naming ibinalik ni Claude ang atensyon sa pamimili konteng harutan pa ang nangyari at nang matapos ay nag dinner kami sa isang food chain sa loob ng mall.

Pasado alas nuebe na kami nakarating sa bahay. Pagod at antok ang agad kong naramdaman nang sumalampak ako sa  sofa. Nang umupo si Claude sa tabi ko ay walang bakas ng kahit konte manlang na kapaguran sa gwapo nitong mukha kahit na sya ang tagabitbit ng mga mabibigat na pinamili namin tulad nalang ng heganteng Christmas tree na pinilit talaga nito na iyon ang bilhin ko. Todo tanggi ako nung una dahil sa alam kong hindi na kakayanin ng pera ko ang presyo niyon ngunit wala ni isang sentimo akong inilabas sa wallet ko. Lahat ng pinamili namin ay si Claude ang nagbayad.

“Baka bukas mamulubi kana sa laki nang gastos mo sa mga pinamili natin. Sabi ko naman sayo ako nalang ang magbabayad eh.” Ang wika ko sa kanyan ng tumabi ito nang upo sa akin.

Inihilig ako nito sa kanyang balikat para doon sumandal.

“Hindi pa ako mamumulubi sa ginastos ko ngayon kaya wag kang mag-alala.” Tugon naman nito na sinamahan pa nang mga damping halik sa aking ulo.

“Ang yabang mo talaga.” Rinig kong humagikhik ito.

“Hindi ako mayabang noh nagsasabi lang ako nang totoo.”

“Ikaw na mayaman.” Ang nasambit ko nalang at iniyakap ko ang mga kamay ko sa katawan nito. Gusto kong damhin sya habang may oras pa ako.

Katahimikan ang sumunod na nangyari.

“Lance, mahal mo ba ako?” Ang biglang pagbasag nito sa katahimikang namayani sa amin.

Hindi agad ako nakapag-react sa tanong nyang yon.

“Sana maintindihan mo ako.” Ang pabolong nitong sabi na hindi nakatakas sa aking pandinig.

Napamulat ako’t agad napatingin sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagiging seryoso. Ito na ba? Iiwan na ba ulit nya akong luhaan.

“A-Anong ibig mong sabihin sa sinabi mong sana maintindihan kita?” May pagtataka kong tanong sa kanya.

Hindi ito agad sumagot sa akin halatang pinag-iisipan nito kung ipagpapatuloy nya ang dapat nyang sabihin. Ngunit mukhang wala na itong balak pang ipagpatuloy iyon kaya naman agad akong nagsalita. Siguro nga game over na kami masakit man ay tatanggapin ko nalang iyon dahil hindi ko naman maikakailang kahit pakitang tao lang lahat ng ka sweetan at kabutihan nito sa akin ay nag enjoy ako sa piling nya.

“Alam ko na.” Ang may himig nang lungkot kong sabi.

“A-Anong alam mo na?” Bakas sa mukha nito ang pagtataka.

“Sinabi sa akin ni Anna ang plano mo. Okey lang sa akin, tanggap ko naman na may naging mali rin ako noon. Kung hindi sana ako dumalo sa party na iyon ng walang paalam sayo hindi sana mangyayari ang eskandalo na iyon. Akala ko kasi mabait na kaibigan si Alfie eh.”

Lalong bumakas ang pagtataka nito sa mukha at nag salubong ang dalawang kilay nito.

“Kaya mo ginagawa ang lahat ng ito para mahulog ulit ako sa iyo at kapag nangyari yon hihiwalayan mo ako para makaganti ka at maipamukha sa akin kung gaano ako ka tanga di ba? Well, you win Claude, kasi hindi pa nagbabago ang nararamdaman ko sayo kung may nagbago man iyon ay mas sobra kitang mahal ngayon.” Agad akong tumayo para tunguhin ang kwarto ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko sa mga oras na iyon wala akong gustong gawin kung hindi ang umiyak.

Hindi pa man ako nakakaisang hakbang nang mahigpit nitong hawakan ang aking kamay. Napalingon ako sa gawi nya at bakas ang matinding galit sa kanyang mga mata.

“Si Anna ba ang nagsabi nang lahat ng katarantaduhan na yan sayo?!” May galit nitong wika.

Hindi agad ako nakaimik bahagya akong natakot eskpresyon ng mga mata nito.

“Kelan nya sinabi ang lahat ng yan?”

“K-Kanina tinawagan nya ako.” May himig ng takot kong sabi.

Agad nitong binunot ang kanyang cellphone, hindi pa rin nito tinatangal ang pagkakahawak nya sa aking kamay. Rinig ko ang pag-ring nito in-on nya ang speaker siguro para marinig ko.

“Hello sweety napatawag ka?” Kilala ko ang boses na yon si Anna ang tinawagan nito.

“Ano ang mga sinabi mo kay Laurence?!” Singhal nito kay Anna.

“Oh, that gay? Bakit natauhan na rin ba? I warned you sweety di ako makakapayag na maaagaw kalang ng pulubing baklang yon.” At tumawa pa talaga ito nang parang bruha lang. “Don’t get me wrong tinulungan lang kitang magising sa kalokohan mo with that gay.”

“Bitch! Hinding hindi mo kami masisira ni Laurence wag kanang umasa!” Galit na galit nitong singhal kay Anna.

“Talaga? Pano yan eh mukhang naniwala sya sa akin. Ngayon iniisip na nyang pakana mo lang ang lahat para makaganti.” At muli itong tumawa nang nangaasar.

“Yeah, for sure yon ang iniisip nya kanina pero ngayon I don’t think so. Sapat na siguro ang mga narinig nya para hindi ka na nya pagkatiwalaan pa.” Agad na nawala ang tawa ni Anna sa kabilang linya.

“Anong ibig mong sabihin?” Bakas sa boses ni Anna ang kaba.

“Narinig lang naman mismo ni Laurence ang katotohanan. By the way bago ko nga pala makalimutan Anna, I’ve already talked to Attorney Nivera about sa case na pwedi kong isampa ko sayo sa ginawa mong pag-forge sa signature nang Daddy ko.” Ngayon si Claude naman ang tumawa nang nakakagago kumindat pa ito sa akin at hinila ako palapit sa kanya at mabilisang yinakap gamit ang kanyang kamay na nakahawak sa akin kanina.

“A-Anong pag forge ang pinagsasabi mo Claude?” Bakas sa boses nito ang pagkataranta.

“C’mon bitch you can’t play innocent with me you know what im talking about. Yung pinakita mo sa akin na pinirmahan “kuno” ng Daddy saying that when I refused to marry you tatanggalan ako nang karapatan sa sariling companya namin? Kahit anong gawin mo hinding hindi mo ako mapipilit na pakasalan ka kahit sayo pa kumampi ang daddy. I don’t need the company anyway hindi ako mamumulubi kung hindi mapupunta sa akin ang company namin sa US.” Ang nanunuyang wika ni Claude.

“It was your Dad who saigned it! Galit sya dahil sa nagkagusto ka sa bakla kaya nya ginawa ang kasulatan na yon! Hindi pweding hindi mo ako pakasalan Claude papabagsakin ka nang daddy mo!” Ang  galit na galit na wika ni Anna.

“Mukhang huli ka na sa balita ah. Nagkausap na kami ni Daddy infact kasama sya ni Mommy na uuwi this coming 23 to celebrate Christmas with me, Louisa and ofcourse Laurence as their future inlaw.”

Hindi naka imik si Anna sa kabilang linya halatang na bigla ito.

“Kung ako sayo problemahin mo na ang paghahanap ng abogado dahil hindi kita palalampasin ngayon. Dalawang beses mo na akong linuko una ang malala kaya pagsisisihan mo ito.”

Hindi ko na maintindihan ang pinag-uusapan nila ang alam ko lang hindi totoo ang lahat ng sinabi ni Anna sa akin sinisiraan lang nya si Claude.

“A-Anong ibig mong sabihin?

“About Alvin Uy and the little favor you asked him?”

“A-Alvin Uy?” Ang mahina at kinakabahang sabi ni Anna.

“Ang galing mo talagang umarte, kaya siguro napaniwala mo ang daddy ko dati. The guy way back in college Anna, yung hiningan mo nang pabor kapalit ng pagpapagamit mo sa katawan mo.” Wika ni Claude sabay halakhak ng nakakagago. “I’m way smarter than you Anna at mas may kakayahan akong malaman lahat sa tulong ng pera. I’ll see you in court next year.” Agad nitong pinutol ang linya.

Iba talaga si Claude pag nagagalit lumalabas ang yabang, angas at pagiging brutal nito kahit sino walang sinasanto pag umaandar ang kabaliwan nya.

“Malinaw na ba ang lahat misis? Wag ka kasing magpapaniwala agad sa mga taong sira ang ulo. Lahat ng pinakita ko sayo ay totoo dahil mahal na mahal kita. Hindi ko pagsisisihan na minahal kita dahil ikaw lang ang taong kinikilala ng puso ko wala nang iba.”

Sobra akong na antig sa sinabi mga sinabi ni Claude wala na akong nagawa kung hindi ang higpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

“I love you misis.” Ang wika nito nang muling magsalubong ang aming mga mata.

“I love you too mister.” Tugon ko sa kanya. Hindi ko na kailangan pang pigilan ang nararamdaman ko sapagkat ngayon hindi lang ang puso ko ang nagsasabi kung gaano ko kamahal ang taong nakatayo sa harap ko sa mga oras na iyon pati na rin ang utak ko.

Sumilay ang napakamamis na ngiti sa mga labi nito at ang galit na meron kanina sa mga mata nito ay naglaho at napalitan ng saya naramdaman ko nalang ang paglapat ng mga labi namin at muli kong nalasap ang matamis nitong halik.

“Tara na sa kwarto matulog na tayo.” Wika nito na sinamahan pa nang pilyong ngiti.

“Dito ka nanaman matutulog?”

“Yep, para sabay tayong mag sisimba mamaya and this time may dala na akong damit.” At agad ako nitong binuhat patungo sa aking kwarto.

Umandar na naman ang kalibogan ng mister ko hanggang sa makatulog kaming pareho. Hindi matatawaran ang saya ko sa mga oras na iyon noon paman si Claude lang ang nagiisang taong nakakapag bigay sa akin nang ibayong saya.

 Pasado alas-dos ng madaling araw nang gisingin ako ni Claude sa kanyang mga damping halik. Sabay kaming naligo na parang mag-asawang bagong kasal lang, sabay na nag sipilyo at sabay na nagbihis.

Tulad ng laging ginagawa ko tuwing nagsisimba iniwan ni Claude ang kanyang sasakyan sa garahe at nag lakad kaming makahawak kamay papuntang simbahan kasabay ang ibang tao.

“Tatlong simbang gabi nalang makukumpleto ko na rin ang 9 mornings.” May kayabangang sabi ni Claude.

“Lagi kang nagsisimba? Bakit di kita nakita?” Takang tanong ko sa kanya.

“Syempre dakilang stalker kaya ako kaya kung na saan ka don ako nakatago nga lang.” Nakangisi nitong sabi proud pa talaga si loko sa pagiging stalker nya.

“Sira!” Ang tatawa-tawa ko nalang sabi.

Nakahanap agad kami ni Claude ng pwesto at swerte pa dahil ang naupuan namin ang sya mismong upuan noong nagsisimba kami anim na taon ng nakakaraan.

Pareho kaming taimtim na nakinig sa misa hanggang sa matapos ito. Hindi ko mapigilan ang minsang lingunin sya para tingnan kung anu ang ekspresyon ng mukha nito at nakikita ko talagang seryoso ito sa pagsimba. Hindi ko alam kung anu ang mga tumatakbo sa isip nito sa mga oras na iyon ang alam ko lang mahal ko ang taong kasama at kahawak kamay ko.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment