http://rantstoriesetc.blogspot.com
Part 10
Maaga ang klase ko ngayong araw,
9AM. Nag-alarm ako ng 6AM dahil hindi ko pa tapos ang ginagawa ko. Nagkaroon ng
konting problema kagabi si Alicia. Kailangan kong tumulong. Masakit ang mga
mata ko nang imulat ko ang mga ito upang hanapin ang alarm clock at phone ko na
maingay na ginigising ako. Dahil siguro sa puyat kaya sumasakit ito.
'Ugh. Anong oras na?', ang narinig
ko na mistulang nagpatigil sa buong sistema ko.
Mabilis pa sa alas-kwatro ang
pagbaling ko sa pinanggalingan ng boses na narinig ko.
'Whoa! Alicia. Diba.... Bakit...
Pano... Diba sa kwarto ni Mama kita pinatulog?', ang hirap kong paghahanap sa
tamang tanong.
'Yeah. Kaso hindi ako makatulog ng
maayos e. Kaya lumipat ako dito.', ang sabi ni Alicia sa akin na kahit magulo
ang buhok ay maganda pa din.
Ano 'yung huli kong sinabi? Bakit
biglang may ganon??? Anyways, hindi ko alam pero parang bigla akong nahiya kasi
diba kahit tulog ka may mga moments na nagigising ang subconscious mo kapag
gumagalaw ka. OH, MY GOD!
'Nadantayan ba kita?', ang nahihiya
kong tanong.
Para namang hindi alam ni Alicia
kung matatawa o hindi sa sinabi ko.
'Oo. Niyakap mo pa kaya ako. Akala
mo siguro unan mo ako.', ang sabi niya.
'Whaaaaaaaat??! My God! Sorry, I am
so sorry!', ang sabi ko sa kanya.
Napayuko ako sa sobrang hiya.
Nakaupo na ako 'nun sa aking kama habang nakasandal sa headboard. Napansin ko
na nakikita ko ang aking pusod. Strange. Dun ko lang na-realize na wala pala
akong damit pang-itaas. Tiningnan ko si Alicia at nakitang nakabalot siya ng
kumot pero kita ang strap ng kanyang bra. Agad akong tumayo at hinagilap ang
bathrobe ko.
'Oh! No, no, no!', ang paulit-ulit
kong sinasabi habang hinahanap ang robe ko.
Halata namang confused si Alicia sa
ikinikilos ko. Pinipigilan niya ang tawa niya at sumandal sa headboard ng aking
kama.
'Hey.', ang sabi niya sa akin.
Naisuot ko na ang aking robe at
palapit na sana sa kanya upang magtanong nang biglang bumukas ang pinto ng
aking kwarto.
'Ry!!!!!!', ang malakas na sigaw ni
Gino na unti-unting humina ng makita niya ang itsura namin ni Alicia sa aking
kwarto.
'Oh.', ang tanging nasabi ni Gino
bago muling isinara ang pinto.
0*0*0*0
Maaga ring nagising si Mona dahil sa
pag-aalala sa kaibigan. Kagabi pa nila hinahanap si Alicia. Sinusubukan nila
itong tawagan pero hindi sumasagot.
Mona: Liz, sumagot na ba si A sa'yo?
Liz: Hindi pa nga e.
Mona: E si John, ano daw ba kasing
nangyari kagabi?
Liz: Hindi ko din ma-contact e.
Mona: Ano ba yan! Kinakabahan na
ako. Si Ryan kaya.
Liz: Hindi ko alam ang number ni
Ryan.
Mona: Okay, sige. Ako na lang
tatawag. Let me know kung nagtext na siya sa'yo ah.
Liz: I will.
Agad namang ibinaba ni Mona ang
phone at sinubukan akong tawagan.
0*0*0*0
'Totoo ba 'yung nakita ko? Si Alicia
at si Ryan?', ang tumatakbo sa isip ni Gino habang pababa siya ng hagdan galing
sa kwarto ni Ryan.
Hindi niya maintindihan ang sarili
kung bakit biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya at parang nakaramdam ng
inis. Hindi naman niya naging type si Alicia kahit dati pero parang iba talaga
ang nararamdaman niya ngayon. Nagtungo siya sa kusina at uminom ng isang
malamig na baso ng tubig.
'Si Ryan at si Alicia.', ang
paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya.
0*0*0*0
'Alicia, may... Wala naman sigu...
Ugh!', ang hindi ko alam na pagtatanong sa kanya.
'Wala. Don't worry. Nadatnan kitang
nakaganyan na. E 'yung mga damit ko naman ay nilabhan mo kagabi kaya ito lang
ang suot ko. Magpapadala na lang ako kay Mona.', ang mahinahon na sabi ni
Alicia.
Para naman akong nabunutan ng tinik
nang malaman ko na wala naman palang nangyari. Kinabahan ako 'dun. Ikinuha ko
na siya ng bathrobe at towel at nagpaalam na bababa muna.
'Sige, tatawagan ko na din sina
Mona. I'm sure, nag-aalala 'yung mga 'yun.', ang sabi ni Alicia.
'Oo nga. You should call them.', ang
sabi ko.
'Ok lang ba kung padaanin ko sila
dito? Magpapadala sana ako ng undies.', ang nahihiya niyang sabi.
'Sure, no problem.', ang sabi ko
bago bumaba.
0*0*0*0
Dinatnan ko si Gino sa kusina.
Nakaupo siya sa isang upuan at nakatulala sa kawalan.
'Gino. Paano ka nakapasok?', ang tanong ko sa kanya.
'Tinext ako ni Tita kagabi. Sabi niya puntahan daw kita dito kasi wala kang kasama. Tinawagan niya ako kanina habang tinuturo niya kung saan niya itinatago ang spare key ng bahay.', ang cold na sagot niya sa akin.
'Hindi mo naman kelangang gawin 'yun e. Pwede namang sa school na lang tayo magkita.', ang sabi ko sa kanya habang kumukuha ako ng tubig sa fridge.
'Oo nga. Kasi may kasama ka naman pala. Sorry ah!', ang inis niyang sabi sa akin bago umalis.
Naguluhan naman ako sa ikinilos niya. Sinundan ko siya sa sala at nakita ko na kinuha niya ang isang malaking gym bag at patungo na sa pinto.
'Uy! Sandali lang. Bakit ka ba nagkakaganyan?', ang tanong ko sa kanya.
'Wala. Sige na. Umakyat ka na. Inaantay ka na ni Alicia dun.', ang sabi niya bago tuluyang umalis.
'Gino. Paano ka nakapasok?', ang tanong ko sa kanya.
'Tinext ako ni Tita kagabi. Sabi niya puntahan daw kita dito kasi wala kang kasama. Tinawagan niya ako kanina habang tinuturo niya kung saan niya itinatago ang spare key ng bahay.', ang cold na sagot niya sa akin.
'Hindi mo naman kelangang gawin 'yun e. Pwede namang sa school na lang tayo magkita.', ang sabi ko sa kanya habang kumukuha ako ng tubig sa fridge.
'Oo nga. Kasi may kasama ka naman pala. Sorry ah!', ang inis niyang sabi sa akin bago umalis.
Naguluhan naman ako sa ikinilos niya. Sinundan ko siya sa sala at nakita ko na kinuha niya ang isang malaking gym bag at patungo na sa pinto.
'Uy! Sandali lang. Bakit ka ba nagkakaganyan?', ang tanong ko sa kanya.
'Wala. Sige na. Umakyat ka na. Inaantay ka na ni Alicia dun.', ang sabi niya bago tuluyang umalis.
0*0*0*0
Hindi ko alam kung paano nangyari
pero na-survive ko ang araw na iyon. Naipasa ko ang lahat ng kelangan kong
ipasa kahit na sa sasakyan nina Mona ko na ito tinapos. Oo, sumakay ako sa
sasakyan ni Mona kahit na hindi ko pa din siya feel dahil sa pagpupumilit ni
Alicia. Hindi kami nagkibuan ni Mona kaya tinapos ko na lang ang research paper
ko.
'Ryan, thanks for last night ha.
Grabe, 'yun na siguro ang isa sa mga hindi ko malilimutan na nangyari sa akin.
For one moment there, nalimutan ko ang problema ko kay John. Nakakatawa ka
kasi. Sobrang salamat!', ang sabi ni Alicia sa akin matapos ang klase namin.
'Wala 'yun. Natakot talaga kasi ako.
Basta, kapag kelangan mo ng tulong, itext mo lang ako. Kahit nasaan ka pa,
pupuntahan kita.', ang sabi ko.
'Ang cheesy mo! O sige na. Kelangan
ko pang mag-explain kay Mona. Nagtatampo kasi. Ikaw daw kasi ang nilapitan ko
at hindi siya.', ang paalam niya.
'O sige. Ingat ka ah.', ang sabi ko
bago bumeso sa kanya.
Sumama na ako kina Katie at Doris.
Magpupunta kami sa isang coffee shop para sabay-sabay na gumawa ng thesis. Agad
namang umalis si Patrick at Gino dahil may laro ang mga ito sa village nina
Patrick.
'Bakit parang hindi na naman kayo
okay ni Gino?', ang tanong ni Katie.
'Ha? Ewan ko dyan. Ang labo.', ang
sabi ko.
'Ano na naman nangyari?', ang tanong
ni Doris.
'Daig nyo pa 'yung totoong mag-jowa
sa LQ nyo.', ang komento ni Katie.
Dahil sila naman ang bestfriends ko
ay kinwento ko sa kanila ang buong pangyayari simula kagabi hanggang kaninang
umaga. Matapos kong magkwento ay halos hindi makapag-react ang dalawa.
Nang makarating kami sa coffee shop
ay iyon pa din ang nasa isip nila.
'Pero wala talagang nangyari?', ang
biglang tanong ni Doris.
'Ang kulit! Wala nga! Ano ba yan.',
ang naiinis ko nang sagot.
'Pero, Ryan, may something ka ba kay
Alicia?', ang tanong ni Katie habang sine-set up namina ang aming mga laptops.
'Anong something?', ang tanong ko.
'Like crush? Or feelings?', ang sabi
ni Katie.
'Kate, she's in a vulnerable state
right now. Ayokong mag-take advantage.', ang sagot ko.
'Aha! So meron nga?!', ang
tumatawang sabi ni Doris.
'Ewan. Siguro! Ah, basta! Magulo.',
ang sabi ko.
Seryoso, magulo talaga. Kasi habang
pinag-uusapan namin si Alicia, si Gino ang pumapasok sa isip ko. Ang weird
talaga. Kinikilig naman ako 'pag inaasar ako kay Alicia pero ganon din ang
nararamdaman ko 'pag inaasar nila ako kay Gino.
'Tama na nga! Marami pa tayong
kelangang tapusin o.', ang sabi ko sa kanila.
'Nako, ang kaibigan ko mukhang in
love na.', ang pagkiliti sa akin ni Katie.
'STOP IT! Seriously.', ang
nakasimangot kong sabi sa kanya.
0*0*0*0
'Okay ka lang ba?', ang tanong ni
Patrick kay Gino.
'Yeah. Bakit?', ang tanong ni Gino.
'Kanina ka pa tahimik e.', ang sabi
ni Patrick.
'Pagod lang siguro dahil sa laro
kanina.', ang pagsisinungaling ni Gino.
'Tara, tulog na tayo.', ang yaya ni
Patrick.
Pinatay na niya ang ilaw ng kwarto
at humiga na. Ganon din ang ang ginawa ni Gino at tumalikod kay Patrick. Hindi
niya maintindihan ang sarili kung bakit siya naaapektuhan sa nakita niya kanina
sa amin ni Alicia.
'Akala ko ba bestfriends kami, bakit
di niya nabanggit sa akin na may namamagitan na pala sa kanila ni Alicia?', ang
sabi ni Gino sa isip niya.
Ilang sandali pa ay naririnig na
niya ang mahinang paghilik ni Patrick. Hindi siya dalawin ng antok at kahit na
madilim ang paligid ay buhay na buhay pa din ang diwa niya. Gusto niya akong
itext pero nagdadalawang isip siya. Naisip niya na mas maganda na siguro kung
bukas na lang namin iyon pag-usapan ng personal.
Himbing na himbing na sa pagtulog si
Patrick. Natawa na lang si Gino nang maramdaman niya na isinisiksik ni Patrick
ang sarili sa kanya. Hindi na niya ito pinansin at sinubukan ng matulog. Mga ilang
minuto pa lang siguro iyon at nahihinulugan na siya ng biglang naramdaman niya
ang panginginig ng katabi. Umuungol din ito at parang nagsasabi ng kung anu-ano
na hindi niya maintidihan.
'Pat. PAT!', ang paggising niya sa
kaibigan.
Ngunit hindi natinag si Patrick sa
panginginig. Nagsimula nang kabahan si Gino at ginawa ang lahat para magising
ang kaibigan. Hindi niya tinigilan ang pagtawag at ang pagtapik dito hanggang
sa tuluyan na itong nagising na animo'y hingal na hingal.
'Huuuuuuuuuuuh!', ang paghabol ni
Patrick sa paghinga.
'Pat!! Anong nangyari sa'yo? Binangungot ka yata.', ang alalang-alala na sabi ni Gino.
'Gino.', ang naiiyak na sabi ni
Patrick.
Hindi alam ni Gino pero parang
naging instinct na niya na yakapin ang kaibigan ng mahigpit para ma-comfort
ito. Yumakap naman pabalik si Patrick at hindi na napigilan ang paghagulgol.
'Ikukuha lang kita ng tubig. Mabilis
na mabilis lang.', ang sabi ni Gino matapos buksan ang lampshade.
Patakbong binaba ni Gino ang kusina
at wala pang dalawang minuto ay nasa tabi na ulit ito ni Patrick at pinapainom
na niya ito ng tubig.
'Okay ka na?', ang tanong ni Gino.
Isang tango lang ang naisagot ni
Patrick kahit na halata pa din ang takot sa mga mata nito. Umayos na ng higa si
Gino sa tabi ni Patrick.
'Gino, nakakatakot 'yung lugar na
napuntahan ko. Parang sobrang init niya tapos takbo ako ng takbo. Meron akong
hinahabol e. Tapos napunta ako sa dito. Dumiretso ako sa room ko tapos pagbukas
ko, nagsisisigaw ako. Hindi ko alam kung bakit. Nararamdaman ko ang katawan ko
na nanginginig. Gising ang diwa ko pero hindi ko magising ang katawan ko.', ang
naiiyak na sabi ni Patrick.
'Shhhh. Mag-pray na lang muna tayo
bago matulog.', ang sabi ni Gino.
'Natatakot na akong matulog.', ang
lalong paghagulgol niya.
Ibang Patrick ang nakikita ni Gino
ngayon. Hindi niya lubos maisip na makikita niya ang kaibigan na ganito
katakot. Mas matangkad siya kung tutuusin kay Gino pero mas matipuno ang
pangangatawan ni Gino. Pero ngayon, para siyang batang takot na takot.
'Wag ka matakot. Kasama mo ako.',
ang sabi ni Gino.
Kinuha ni Gino ang kamay ni Patrick
at nagsimulang magdasal ng malakas.
'Lord, sana po ay bantayan niyo kami
ni Patrick ngayon sa aming pagtulog. Nawa'y huwag na niyang mabalikan ang lugar
na kanyang napuntahan bago magising. Kami po ay nananalangin sa inyo sa ngalan
ng iyong anak na si Hesus. Amen.', ang dasal ni Gino.
'Amen.', ang bulong na sabi ni
Patrick.
Ini-stretch ni Gino ang kanang kamay
niya at ikinulong si Patrick sa kanyang kanang braso. Lumapit naman si Patrick
at ihinilig ang ulo malapit sa may leeg ni Gino.
'Pikit ka na. Babantayan kita.', ang
sabi ni Gino.
0*0*0*0
Ang unang ginagawa ko pagkagising ko
sa umaga ay i-check ang aking phone. Babasahin ko ang mga texts na aking
na-receive habang ako ay tulog. Isa sa mga rason kung bakit nakagawian ko ito
dahil sa dalas naming pag-uusap ni Gino sa text. Madalas ay may text na siya sa
akin bago pa man din ako gumising. Pero, ngayong araw na ito? Wala. Nakailang
text na ako sa kanya kagabi pero hindi siya nagre-reply.
'Haay.', ang pagbati ko ng isang
magandang umaga sa sarili.
Bumangon na ako para mag-ayos
papasok sa school. Sa school na lang siguro ako magbe-breakfast. Hindi maganda
ang gising ko ngayon. Parang ang tamlay ko.
One Message Received: Alicia
Borromeo
Alicia: Rise and shine, sleepyhead.
...
...
Ryan: Hey, good morning.
...
...
Alicia: See you in a bit.
...
...
Ryan: Yes! You too.
Kahit papaano naman ay nakakagaan sa
loob ang atensyon na binibigay sa aking ni Alicia simula ng naging mabuting
magkaibigan kami. Nakakatuwang isipin na kung sino pa ang kinaaasarang ko dati
ay siya na ngayong isa sa mga nagpapangiti sa akin.
0*0*0*0
Nagising si Patrick dahil sa sinag
ng araw na pumapasok sa kwarto niya. Ang hapdi ng kanyang mga mata at hindi
siya agad makakilos. Parang pinakiramdaman niya muna ang paligid dahil parang
kakaiba. Parang hindi siya sa unan nakahiga. Tanging ang mga mata lang niya ang
kanyang pinagalaw upang i-familiarize ang sarili sa hitsura ng pagkakahiga niya
ngayon. Nakahiga siya sa dibdib ng tulog na tulog na si Gino. Nakayakap siya
dito at ang kanilang mga kamay ang magkahawak. Ang isang kamay ni Gino ay nasa
bandang bewang niya. Maingat siyang bumangon ngunit dahil nga magkadikit ang
kanilang mga katawan ay agad na nagising si Gino sa konting galaw lang niya.
'Good morning. Nakatulog ka ba ulit
ng mahimbing?', ang malambing na tanong ni Gino sa kanya.
Ulit? Saka niya naalala ang masamang
panaginip na nakapagpaiyak sa kanya. Ngayon din niya na-realize kung bakit
ganon ang posisyon nilang dalawa.
'Yeah. Gino, sorry.', ang nahihiyang
sabi ni Patrick.
'It's okay. Though natakot talaga
ako kagabi nung hindi ka magising.', ang sabi ni Gino.
'Thank you. Buti na lang nandito
ka.', ang nakayukong sabi ni Gino.
'Ok lang 'yun.', ang sabi ni Gino
bago humikab.
'Hanggang anong oras ka gising?',
ang tanong ni Patrick.
'Hanggang 3.30AM yata. Binabantayan
kita e.', ang sabi niya.
'You didn't have to. Nag-pray na
naman tayo. Sobrang salamat!', ang sabi ni Patrick.
'Wala 'yun. Una ka na maligo. Idlip
muna ako.', ang sabi ni Gino.
'Sige. Uhm. Gino, sana walang
makaalam ng nangyari sa akin kagabi.', pakiusap ni Patrick.
'Hm-mmm.', ang sabi ni Gino na
nakapikit na.
0*0*0*0
Napaaga yata ang pasok ko ng isang
oras. Nakatapos na akong kumain. Bumili na lang muna ako ng kape sa may 7-11 at
pumasok na sa building. Umupo ako sa may bench sa lobby. Wala pang masyadong
mga tao dahil sa haloss lahat ay nasa klase na. Wala pa sigurong labinlimang
minuto kong pag-upo doon ay dumating na sina Patrick at Gino. Agad ko silang
nilapitan at kinausap si Gino.
'Can we talk?', ang tanong ko kay
Gino.
Nakatingin lang si Patrick sa amin
na mistulang walang alam sa nangyayari.
'Why?', ang cold na tanong ni Gino
sa akin.
'Wag ka namang ganyan. Mag-usap na
tayo. Kagabi pa kita tinetext, hindi mo ako nire-replyan.', ang sabi ko.
'Punta lang ako library ha. Iwan ko
muna kayo.', ang paalam ni Patrick.
Umupo kami ulit sa may bench.
Tahimik lang si Gino. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin.
'Ano? Tutunganga lang tayo dito?',
ang inis na tanong sa akin ni Gino.
'Ano bang ikinagagalit mo?', ang
tanong ko sa kanya.
Wala siyang sagot.
'Dahil ba sa nakita mo kami ni
Alicia? Gino, wala namang nangyari sa amin.', ang pagsasabi ko ng totoo.
'Wala akong pakialam kung may
nangyari sa inyo o wala. Akala ko ba mag-bestfriends tayo? Bakit hindi mo man
lang sinabi sa akin na may something na sa inyo?', ang galit niyang sabi sa
akin.
'What? Gino! Walang something sa
amin.', ang sabi ko.
'Wow! Ako pa ang niloko mo! E
kitang-kita ko kahapon na magkasama kayo sa kwarto. Ano, nagtitigan lang
kayo?', ang sabi ni Gino.
'Hindi. Natulog lang kami!', ang
pagdidiin ko.
'C'mon!', ang inis niyang sabi.
'Bakit ba ayaw mong maniwala?!', ang
naiinis kong tanong sa kanya.
'Kasi hindi ka nagsasabi ng totoo!
Huling-huli ka na, dine-deny mo pa!', ang sigaw niya sa akin.
'E ang kitid naman pala ng utak mo
e! Ganon ba kababa ang tingin mo kay Alicia? Hindi ka marunong makinig!
Pinapamukha mo sa akin na mag-bestfriends tayo pero ikaw 'tong ayaw maniwala sa
sinasabi ko! Anong klase kang kaibigan?!', ang galit kong sabi sa kanya.
Nadatnan kami ni Alicia sa ganong
eksena. Halos narinig niya ang huling mga sinabi ko kay Gino.
'Guys, is everything ok?', ang
tanong niya sa amin.
'Mukha bang okay ang lahat?! Ha?',
ang galit na baling sa kanya ni Gino.
'Ano bang ikinagagalit mo talaga??
Ha??!', ang sigaw ko.
Napatingin na sa amin ang
guard.
'Ryan, Gino. Chill lang kayo.', ang
pag-awat ni Alicia.
'Magsama kayong dalawa!!', ang sigaw
ni Gino bago siya lumabas ng building.
Napaupo naman ako sa bench dahil sa
biglang panghihina. Agad naman akong tinabihan ni Alicia.
'Anong nangyari? Bakit galit na
galit si Gino?', ang tanong ni Alicia.
'Dahil sa nakita niya nung nasa
kwarto tayo. Ayaw niyang maniwala na walang nangyari sa atin.', ang sabi ko sa
kanya.
Hindi naman nakapagsalita si Alicia
at halatang nagulat sa rason ni Gino.
Isang linggo na din simula nung
tagpo na iyon kung saan nagalit si Gino sa akin dahil sa 'pagsisinungaling' ko
daw. Pitong araw na rin kaming hindi nag-uusap. Hindi ko alam kung paano e.
Natatakot akong lapitan siya dahil baka sigawan lang niya ako.
'Ryan. Wala pa din?', ang tanong sa
akin ni Alicia.
Malungkot lang akong umiling bilang
pagsagot na wala. Nag-aalala na siya dahil sa tagal na nang hindi namin
pagkikibuan. Madalas ay si Alicia na ang kasama ko ngayon. Hindi naman dahil sa
ayaw ko nang samahan sina Katie kaso nandun si Gino e. Medyo nagtatampo nga ako
sa kanila kasi, kahit hindi nila sabihin, halata naman sa mga kilos nila sa mas
panig sila sa side ni Gino.
'Come on, A!', ang pagtawag ni Mona
sa kanya.
Lumapit naman si Alicia sa kaibigan
at kinausap ito sandali.
'Mona, okay lang ba kung isama ko si
Ryan? Wala kasi siyang kasama e.', ang sabi ni Alicia.
'Sige, walang problema.', ang sabi
ni Mona.
Bumalik sa akin si Alicia at
nakangiting niyaya ako.
'Tara, Ryan! Sama ka muna sa amin
nina Mona. Ise-celebrate namin yung birthday niya.', ang yaya niya.
'Nako, wag na. Pauwi na din naman
ako. May aasikasuhin pa ako e.', ang nahihiya kong pagtanggi.
'Come on, Ryan! It's Friday naman
e!', ang biglang sabat ni Mona.
Si Mona ang itinuturing kong
pinakahuling taong pakikisamahan ko. Hindi ko gusto ang ugali niya talaga.
Masyadong mapagmataas at maarte ang dating sa akin. Pero kung kay Alicia nga
nagkamali ako nang nakilala ko, baka sa kanya rin.
'COME ON!', ang pagpilit ni Mona sa
akin.
'Okay.', ang mahina kong sabi.
0*0*0*0
Lingid sa aking kaalaman ay naging
extra close sina Gino at Patrick. Dahil na rin siguro sa common interest nila
na basketball, sa nangyari kay Patrick at sa nangyari sa amin ni Gino. Akmang
palabas na kami ng classroom nina Alicia, Mona at Liz nang biglang tinawag ni
Patrick si Gino. Hindi ko alam kung sinasadya niyang iparinig sa akin.
'Gino-ball!!', ang pagtawag niya
dito.
'Patpat!', ang pagtawag naman ni
Gino sa kanya.
Na-gets ko agad kung bakit 'Patpat
ang tawag ni Gino kay Patrick dahil sa istruktura ng katawan nito. Matangkad
kasi siya at medyo may kapayatan pero hindi naman buto't balat. Banat lang ang
katawan dahil sa paglalaro ng basketball.
'Gino-ball? Bakit kaya?', ang tanong
na tumatakbo sa isip ko.
Hindi ko alam pero simula nung
nagkagulo kaming dalawa ni Gino ay hindi na din ako kinausap ni Pat. Si Katie
at Doris na lang ang tangi kong nakakausap tapos halatang pilit pa. Ang hirap.
Ang gulo. Ang sakit.
'Halika na.', ang yaya sa akin ni
Alicia.
Hinawakan niya ang kamay ko at
lumabas na kami ng room. Hindi ko naman alam kung nakita iyon nina Gino.
Nagulat ako sa ginawa niya pero at the same time ay natuwa ako dahil
ipinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa.
0*0*0*0
'Bromance ba ito? May tawagan pa?!',
ang natatawang pagpansin ni Katie sa dalawang kaibigang lalaki.
'Ang payat kasi nito e. Parang
patpat!', ang sabi ni Gino sabay tawa ng malakas.
'Mukha ka namang bola. Gino-ball!!',
ang tukso ni Patrick.
Hindi naman mataba si Gino. Mas buff
lang siya kesa kay Patrick. Idagdag mo pa ang pagiging kalbo nito.
'Ayaw niyo ba kausapin si Ryan? It's
been a week already.', ang sabi ni Doris.
'Buzz kill much?', ang sabi ni Gino.
Natahimik naman si Patrick at Katie
nang in-open ni Doris ang topic tungkol sa problema nila sa akin.
'Gino! You're bestfriends diba?
Bakit ba ayaw mo na lang maniwala sa sinabi niya?', ang tanong ni Doris.
'You've been asking me this the
whole week! Hindi sa ayokong maniwala, hindi lang talaga kapani-paniwala. He's
lying to me! To us!', ang sabi ni Gino.
Gusto pa sanang magsalita ni Doris
at sabihing walang basehan ang sinasabi niya kaso niyaya na ni Gino si Patrick
na umalis na.
'Wait lang! Bye, guys! Kausapin ko
muna 'yun.', ang paalam ni Patrick.
0*0*0*0
Laking gulat ko nang mapansin ko ang
aking sarili na nakikipag-bonding na kay Mona. Nakikipagtawanan at
nakikipag-asaran ako sa kanya. Pumunta kami sa isang bar sa Greenbelt kung saan
kami nag-dinner at uminom. Medyo may tama na yata ako.
'Mona, alam mo bang...sobra...sobrang
inis ako sayo dati? Kasi naartehan ako...sa'yo..tsa...tsaka parang ang yabang
mo. But... Wait for it!!! You proved me wrong!', ang sabi ko sa kanya kahit na
hindi na masyadong maayos ang pananalita ko.
'Don't worry! The feeling is
mutual! Pero nagkamali ako! Cool ka rin pala kausap.', ang sagot sa akin
ni Mona.
'Ryan, tama na 'yan. Nakakarami ka
na.', ang pagpigil sa akin ni Alicia.
'Hindi. Kaya ko pa. Sus, ako pa.',
ang pagsaway ko.
'Baka hindi ka na makauwi. Tama na
yan.', ang pagpigil niya pa din.
'Hindi nga. Kaya ko pa nga. Don't
wo.....', ang hindi ko natapos na sasabihin.
Natigilan ako sa pagsasalita ng
narinig ko ang nasa kabilang dulong table na may isinigaw na pangalan.
'Gino!', ang sabi ng estranghero.
Agad akong napalingon sa entrance ng
bar. Ngunit, hindi naman ang Gino na kilala ko ang pumasok. Para naman akong
nabuhusan ng malamig na tubig at nanumbalik sa akin ang lahat ng problema ko sa
kanya.
'Wait lang. CR..lang..ako.', ang
paalam ko.
Pasuray-suray kong tinungo ang CR at
pumasok sa loob ng isang cubicle. Umupo muna ako sa toilet bowl at kinuha ang
aking phone. Pumunta ako sa contacts at hinanap ang number ni Gino.
0*0*0*0
'Tingin mo nagalit sa akin si Doris
sa pagwo-walk out ko kanina?', ang tanong ni Gino.
'Hindi naman siguro. Naiintindihan
naman niya siguro kung bakit ka ganon maka-react.', ang sabi ni Patrick.
'Sana. Ikaw, Patpat. Kung ikaw nasa
lagay ko, magagalit ka din ba?', ang tanong ni Gino.
Kina Patrick ulit magsi-sleepover si
Gino. Halos katatapos lang ng game nila. Kakaakyat lang nila sa kwarto para
magpahinga.
'Hindi ko alam. Wait, ayaw mo pa
bang maligo? Una na ako sa'yo.', ang pag-iwas ni Patrick sa tanong.
'Sige, una ka na.', ang sabi ni
Gino.
Agad namang pumasok si Patrick sa CR
habang si Gino ay nahiga muna sa kama. Malalim ang kanyang iniisip. Tinatanong
niya ang sarili kung bakit nga ba siya nagagalit. Alam niyang hindi naman sapat
na basehan ang pagkakita niya sa dalawa na nasa isang kwarto dahil hindi naman
niya sila nahuli sa akto. Pero bakit parang kumukulo ang dugo niya tuwing
naalala niya ang tagpong iyon.
Nasa ganito siyang estado nang
biglang nag-ring ang phone niya. Halos magulat siya sa biglang pagtunog nito.
Agad niyang sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ang
naka-register na pangalan.
0*0*0*0
Wala pa yatang dalawang ring nang
marinig ko na ang boses ng nasa kabilang linya.
Gino: Hello?
Ryan: Hi, G.
Gino: Ryan?
Ryan: Ano bang..dapat kong
gawin...para..mani...wala...ka sa akin?? Ha?
Gino: Uy, lasing ka ba?! Nasaan ka?
Ryan: Sagutin mo tanong ko,
Villaflor! Putang ina! Isang linggo! Isang linggo mo na akong hindi pinapansin!
Alam mo ba kung gaano kahirap 'yun?! Wala naman akong ginagawang masama sa'yo!
Sana naman kasi... OOOOOOOW!!
Ayun na nga. Dahil sa pagkakasandal
ko, na-out of balance ako at nahulog sa sahig. Hindi ko alam kung 'yung sakit
ng pagkakahulog ko o 'yung sakit na nararamdaman ko sa loob ang dahilan ng
bigla kong pag-iyak. Siguro parehas.
Gino: Ryan! RYAAAAN! Ano nangyari
sa'yo?
Ryan: Sana naman kasi...(hikbi)
marunong kang makinig. (hikbi) Hinding-hindi naman ako magsisinungaling sa'yo
e. Ikaw (hikbi) ang bestfriend (hikbi) ko diba? Hindi ko kayang gawin 'yun!
(hikbi) Ayoko na nang ganito! Ang sakit sakit (hikbi).
Gino: Ryan! Nasaan ka ba? Pupuntahan
kita. Ryan!!
Hindi na ako nakasagot. Hindi ko
alam kung nababa ko ba ang cellphone ko pero hindi ko na kinaya at tuluyan na
akong nalunod sa aking mga luha.
0*0*0*0
'Tang ina naman.', ang bulong ni
Gino habang hindi alam kung sino ang tatawagan para tanungin kung nasaan si
Ryan.
Ang bilis ng kabog sa dibdib niya sa
pag-aalala sa kaibigan. Hindi na siya mapakali at lumabas na ng kwarto at
tumakbo kahit hindi alam kung saan siya papunta. Tinakbo niya ang daan papunta
sa labas ng village at agad na pumara ng taxi. Naka-boxers at white shirt lang
siya noon ngunit hindi na niya ito pinansin.
Gino: Hello?
Alicia: Hello? Sino 'to?
Gino: Alicia? Si Gino 'to. Uhm. Alam
mo ba kung nasaan si Ryan?
Alicia: Oo. Kasama ko siya. Nag-CR
lang. Ang tagal nga e. Gusto ko na sana puntahan kaso hindi naman ako makapasok
sa....
Gino: Nasaan kayo?
Alicia: Greenbelt.
Gino: O sige. Papunta ako dyan.
Paki-puntahan naman si Ryan sa CR. Hindi siya okay.
Alicia: O, my God! Sige. Salamat!
Agad namang sinabi ni Gino sa driver
ang destinasyon nila habang si Alicia naman ay humingi ng tulong sa isang guard
para puntahan ako sa loob ng CR.
Nailabas naman ng guard ako na
nakakalakad mag-isa pero mukha akong devastated.
'Ryan. Anong nangyari?', ang agad na
pagyakap sa akin ni Alicia.
'I need to go. Pakisabi na lang kay
Mona, happy birthday and it was nice bonding with her. Sorry.', ang tuluy-tuloy
kong sabi.
'Dito ka lang. Ipapahatid na lang
kita sa inyo.', ang pagpigil ni Alicia sa akin.
'Don't worry. Kaya ko na ang sarili
ko.', ang sabi ko.
Hindi na ako nagpapigil at lumabas
na ng bar. Agad namang tinawagan ni Alicia si Gino.
Alicia: Gino, umalis na si Ryan.
Ayaw magpapigil e.
Gino: Ano? Naglalakad na ako papunta
diyan. Pakihabol naman.
Alicia: Oo, eto na nga.
Hindi naman ako tumakbo. Normal lang
akong naglalakad. Ayoko namang mag-cause ng scene. Nakakahiya. Nasa gitna na
ako ng escalator nang biglang may tumawag sa akin.
'Ryan!', ang halos sabay na pagtawag
nina Gino at Alicia.
Una akong napatingin sa taas kung saan
nandoon si Alicia. Pasakay na sana siya ng escalator ngunit nakita niya si
Gino. Dahil sa pagpigil niya sa sariling sumakay at sa isa pang boses na aking
narinig ay napatingin din agad ako sa taong madadatnan ko sa baba ng escalator
-- si Gino.
Napakapit ako sa railing ng
escalator dahil parang ayaw na akong suportahan ng mga tuhod ko. Halos wala
nang tao nun doon at medyo madilim na ang lugar. Tanging ang mga bar na lang
ang bukas. Nangingilid ang mga luha ko habang papalapit kay Gino.
'Ry. I'm sorry!', ang agad na sabi
ni Gino sa akin.
Nagulat ako ng bigla niya akong
yakapin. Iyon na ang naging hudyat para ilabas na ang lahat ng nararamdaman ko.
Naiyak na ako ng tuluyan at nawalan na rin ng lakas ang aking mga tuhod na
suportahan ako. Ibinigay ko ang buong bigat ko kay Gino habang mahigpit ko din
siyang niyakap.
'Sorry! I should've listened to you.
I'm very sorry.', ang sabi niya.
Wala akong masabi sa kanya at
tanging paghagulgol lang ang kaya ko. Gusto kong magalit. Sobrang gusto ko
siyang sapakin dahil sa bigat ng pinaramdam niya sa akin. Pero ngayon na
nandito siya sa harapan ko, hindi ako makahugot sa kahit saang parte ng katawan
ko ng galit. Mas nanaig sa akin ang pakiramdam na humingi na siya ng tawad.
0*0*0*0
Mga ilang minuto na ring nakaalis si
Gino noon kina Patrick nang matapos maligo ang huli.
'Gino-ball, ikaw na maligo! Ayokong
may katabing hindi....', ang natigilang sabi niya nang makitang walang Gino sa
kwarto niya at nakabukas ang pinto.
'Gino?', ang pagtawag niya.
Agad niyang kinuha ang phone at
tinext ito upang tanungin kung nasaan siya. Wala siyang natanggap na reply
hanggang umabot ang isang oras. Naiinis na si Patrick at nag-aalala sa biglang
pagkawala ni Gino. Bumaba siya sa kusina at binuksan ang ref.
'Sayang lang 'to.', ang sabi niya sa
sarili.
Kinuha niya ang isang box ng black
forest cake sa ref at itinapon sa basurahan.
'Come on, Pat!!', ang gigil na sabi ni Gino sa sarili habang
nag-aabang sa labas ng gate nina Patrick.
Nakakailang door bell na siya pero hindi siya pinagbubuksan ni Patrick. Tinatawagan niya ang phone nito ngunit hindi sumasagot. Ilang sandali pa ay lumabas na ang katulong nila at pinagbuksan siya ng pinto.
'Manang, pasensya na po.', ang paghingi ni Gino ng paumanhin.
'Okay lang po. Akyat na po kayo sa taas.', ang magalang naman na sagot ng katulong.
Wala ang mga magulang ni Patrick dahil nasa ibang bansa ang ama habang ang ina naman niya ay malamang nasa trabaho pa. Isa kasi itong doctor at madalas na on call.
Agad na pumasok si Gino sa loob ng bahay at tinahak muna ang kusina upang uminom ng tubig. Mistula siyang napagod sa nangyari ngayong gabi. Hinatid niya muna ako sa amin dahil sa sobrang lasing ako. Hinintay niya muna akong makatulog bago umalis at bumalik kay Patrick. Nang matapos na siyang makainom ay inilagay na niya ang baso sa sink. Napansin niya ang isang trail ng mga langgam papunta sa trash bin ng kusina. Binuksan niya ito at nakita ang isang walang bawas na black forest cake na pinapapak na ng langgam.
'Sayang naman.', ang sabi niya sa sarili.
Agad na din siyang umakyat sa kwarto ni Patrick at maingat na pumasok sa loob. Nakapatay na ang ilaw. Binuksan niya ito at nakitang nakahiga na si Patrick sa kama niya. Nakatalikod ito sa kanya. Pinatay na niya muli ang ilaw at humiga na sa tabi nito.
'Patpat. Gising ka pa?', ang tanong ni Gino.
Hindi naman kumibo si Patrick. Hinawakan ni Gino ang balikat nito at marahang niyugyog.
'Patpat.', ang paggising niya dito.
'Ano ba?!', ang pagalit na baling ni Patrick kay Gino.
'Sorry. Bigla ako nawala. Kelangan ko puntahan si Ryan e. Naglalasing kasi. Nag-worry naman ako.', ang paliwanag niya.
'E bakit bumalik ka pa dito? Kasama mo na pala siya e.', ang pabalang na sabi ni Patrick.
'E baka naman isipin mo iniwan kita.', ang sagot ni Gino.
Humarap sandali si Patrick sa kanya.
'Bakit? Hindi ba?', ang pamimilosopo nito bago ulit tumalikod.
'May nakita nga pala akong cake sa may kusina. Bakit naman tinapon 'yun? Mukhang wala pang bawas. Sayang naman. Nilanggam lang tuloy.', ang sabi ni Gino.
'Hayaan mo na 'yun. At least 'yung mga langgam maa-appreciate 'yun.', ang sagot ni Patrick bago nagtakip ng unan sa mukha.
Nakakailang door bell na siya pero hindi siya pinagbubuksan ni Patrick. Tinatawagan niya ang phone nito ngunit hindi sumasagot. Ilang sandali pa ay lumabas na ang katulong nila at pinagbuksan siya ng pinto.
'Manang, pasensya na po.', ang paghingi ni Gino ng paumanhin.
'Okay lang po. Akyat na po kayo sa taas.', ang magalang naman na sagot ng katulong.
Wala ang mga magulang ni Patrick dahil nasa ibang bansa ang ama habang ang ina naman niya ay malamang nasa trabaho pa. Isa kasi itong doctor at madalas na on call.
Agad na pumasok si Gino sa loob ng bahay at tinahak muna ang kusina upang uminom ng tubig. Mistula siyang napagod sa nangyari ngayong gabi. Hinatid niya muna ako sa amin dahil sa sobrang lasing ako. Hinintay niya muna akong makatulog bago umalis at bumalik kay Patrick. Nang matapos na siyang makainom ay inilagay na niya ang baso sa sink. Napansin niya ang isang trail ng mga langgam papunta sa trash bin ng kusina. Binuksan niya ito at nakita ang isang walang bawas na black forest cake na pinapapak na ng langgam.
'Sayang naman.', ang sabi niya sa sarili.
Agad na din siyang umakyat sa kwarto ni Patrick at maingat na pumasok sa loob. Nakapatay na ang ilaw. Binuksan niya ito at nakitang nakahiga na si Patrick sa kama niya. Nakatalikod ito sa kanya. Pinatay na niya muli ang ilaw at humiga na sa tabi nito.
'Patpat. Gising ka pa?', ang tanong ni Gino.
Hindi naman kumibo si Patrick. Hinawakan ni Gino ang balikat nito at marahang niyugyog.
'Patpat.', ang paggising niya dito.
'Ano ba?!', ang pagalit na baling ni Patrick kay Gino.
'Sorry. Bigla ako nawala. Kelangan ko puntahan si Ryan e. Naglalasing kasi. Nag-worry naman ako.', ang paliwanag niya.
'E bakit bumalik ka pa dito? Kasama mo na pala siya e.', ang pabalang na sabi ni Patrick.
'E baka naman isipin mo iniwan kita.', ang sagot ni Gino.
Humarap sandali si Patrick sa kanya.
'Bakit? Hindi ba?', ang pamimilosopo nito bago ulit tumalikod.
'May nakita nga pala akong cake sa may kusina. Bakit naman tinapon 'yun? Mukhang wala pang bawas. Sayang naman. Nilanggam lang tuloy.', ang sabi ni Gino.
'Hayaan mo na 'yun. At least 'yung mga langgam maa-appreciate 'yun.', ang sagot ni Patrick bago nagtakip ng unan sa mukha.
0*0*0*0
Kinabukasan ay nagmulat ako ng mga
mata na wala na si Gino sa tabi ko. Agad akong bumangon ngunit pinigilan ako ng
sobrang pagkirot ng ulo ko marahil dahil sa kalasingan kagabi.
'Ooooow!', ang pagdaing ko.
Dahan-dahan kong tinungo ang CR para
maghilamos at umihi. Agad din akong bumalik sa pagkakahiga matapos iyon at
kinuha ang aking phone. Ang mga text ay puro galing kay Alicia. Nag-aalala at
sinasabing magtext ako sa kanya pagkagising ko.
Ryan: Sorry for last night!
Kagigising ko lang.
...
...
Wala pang ilang minuto ay
nakatanggap agad ako ng reply.
Alicia: Okay lang. Are you feeling
alright?
...
...
Ryan: Not really. Masakit ulo ko.
...
...
Alicia: You should grab something to
eat.
...
...
Ryan: I will. Maybe later. Tulog muna
ulit ako.
...
...
Alicia: Alright. Sweet dreams!
Ngunit bago muling pumikit ay tinext
ko muna si Gino.
Ryan: Nasaan ka?
0*0*0*0
Unang nagising si Patrick pero hindi
ito agad bumangon. Ginugol niya muna ang ilang minuto na nakahiga habang pinagmamasdan
ang katabi. Payapa itong natutulog at bahagyang nakabukas ang bibig.
'Oy! Baka labasan ka na sa sobrang
pagtitig mo.', ang sabi ni Gino na ikinabigla naman ni Patrick.
'Bastos ka! Ang tagal mong magising.
Sinusubukan ko lang kung nararamdaman din ba ng mga tulog kapag may nakatitig
sa kanila.', ang alibi ni Patrick.
'Oo naman. Lalo na kung 'yung tulog
ay nagtutulog-tulugan tapos 'yung tumitig ay gusto nang halikan 'yung
natutulog.', ang sabi ni Gino.
'Asa! Magtoothbrush ka na nga!', ang
sabi ni Patrick.
'Bakit? Di ka pa din naman
nagtu-toothbrush ah! Wag ka maarte!', ang sabi ni Gino.
'Kadiri ka!', ang sabi ni Patrick
bago tumayo at nagtungo sa CR.
Bumalik naman sa pagkakapikit si
Gino habang si Patrick naman ay nangingiti sa CR habang nagtu-toothbrush.
0*0*0*0
One Message Received: Gino Villaflor
Gino: Ry! Sorry. Kelangan kong
bumalik dito kina Pat kasi hindi ako nakapagpaalam. Hope you understand.
Kamusta ka?
Around lunch time ko na na-receive
'yang text na ;yan galing kay Gino. At dahil Sabado naman ngayon ay sinubukan
ko siyang yayain sa bahay para mag-merienda or dinner.
Ryan: Punta ka dito. Papahanda ako
ng favorite mo.
...
...
Gino: Di ako pwede gayon. May laro
kami. Sorry. I know, kelangan kong bumawi sa'yo.
...
...
Ryan: Ah. Ok lang. No worries.
Ingat!
Pero sa totoo lang ay nalungkot ako
dahil nag-decline siya. Hinayaan ko na lang kesa naman mag-away na naman kami
para sa isang napakababaw na dahilan.
Buong araw lang akong nasa bahay at
inabala ang sarili sa panonood ng mga pelikula sa TV at sa DVD.
0*0*0*0
Simula na naman ng panibagong linggo
at medyo msaya ako dahil okay na ulit kami ni Gino at malamang ay pati kina
Katie.
'Ryan!', ang pagtawag sa akin ni
Gino nang makita ako sa campus.
Kasama niya sina Katie, Doris at Patrick.
Papunta na sila sa building noon. Agad naman akong lumapit at bumati.
'Uy, sorry ha. Na-carried away lang
ako.', ang dispensa ni Katie.
Muling bumalik ang sigla ng
pagkakaibigan naming lahat maliban kay Patrick. Medyo naging mailap na siya sa akin
at hindi na niya ako masyadong kinakausap.
'Gino-ball. Samahan mo naman ako.',
ang sabi ni Patrick.
'Saan?', ang tanong ni Gino.
'Sa canteen. Nagugutom ako.', ang
reklamo ni Patrick.
'Mamaya na. Kakakain lang natin.',
ang sabi ni Gino.
Bumaling naman sa akin si Gino at
nagkwentuhan kaming dalawa hanggang sa makarating sa classroom.
'Hi, Ryan!', ang bati sa akin ni
Alicia.
'Hi, Alicia', ang bati ko sa kanya.
'Buti naman okay na kayo.', ang sabi
niya.
'Oo nga. Thank you ha?', ang
pasalamat ko.
'Sure. Sige, dito muna ako kina
Mona.', ang paalam niya.
Umupo na ako sa gitna nina Gino at
Katie. Isang sulyap pa ang binigay ko kay Alicia.
'Ang swerte ko na nagkaroon ako ng
kaibigan na tulad ni Alicia. Para siyang girl version ni Gino.', ang sabi ko sa
sarili ko.
'UY!', ang malakas na pagkuha ni
Gino ng atensyon ko.
'Ano?', ang tanong ko.
'Grabe makatitig? Bakit di mo
ligawan si Alicia?', ang tanong sa akin ni Gino.
'Huh? Bakit ko siya liligawan?', ang
tanong ko.
'E mukhang okay kayong dalawa e. Lagi
na rin kayong magkasama. Bagay naman kayo! Tsaka wala ka pang nagiging
girlfriend, dude!', ang sabi ni Gino.
Sa totoo lang, kahit sobrang ganda
ni Alicia para sa akin, hindi ko naisip na ligawan siya. Marahil ay natatakot
ako. Tsaka hindi ko din talaga alam kung paano manligaw. Besides, di ko rin
naman masabi sa sarili ko na gusto ko si Alicia maging girlfriend. Okay siyang
kaibigan. Kuntento na ako dun.
'Di naman kailangan 'yun e.', ang
sabi ko.
'Ano ka ba?! Masaya
magka-girlfriend. May mag-aalaga sa'yo. May magmamahal sa'yo.', ang sbi ni
Gino.
'Okay.', ang tangi kong nasabi.
'Alam mo, wala ka pang nababanggit
sa akin na nagustuhan mo dito sa klase? Sino ba?', ang pagtatanong ni Gino.
'Wala!', ang sagot ko.
'Imposible!! Sino nga? Parang di
bestfriend o!', ang sabi ni Gino.
'Secret! Malalaman mo din 'yun pag
sigurado na ako.', ang sabi ko.
'Dami mong alam!!! Ako unang
makakaalam ah.', ang sabi niya.
'Oo! Ikaw unang makakaalam.', ang
sabi ko bago pumasok ang prof namin at nagsimula na ang klase.
0*0*0*0
Pag-uwi ko nang gabing iyon ay
katext ko si Gino.
Ryan: Geeeeeeeeeee! Di ka na
nagreply.
...
...
Gino: Tumawag si Pat, sorry.
...
...
Ryan: Wow ah. Bestfriends na din
kayo?
...
...
Gino: Hindi no. Selos ka.
...
...
Ryan: May reason ba para magselos
ako?
...
...
Gino: Nagseselos ka nga?
...
...
Ryan: Pagseselos na ba ang tawag
kapag tinatanong ko ang sarili ko kung bakit kayo regular nang nagba-basketball
pero 'yung pagmo-mall natin di na nangyayari?
...
...
Gino: Nakoooo! Nagseselos si Ryanyanyanyan!!
...
...
Ryan: He! Iba na naman tawag mo sa
akin. Ang hilig mo sa pet names no?
...
...
Gino: Oo. Wala lang. Gusto ko kasi
yung tawag ko sa isang tao e pang sa akin lang.
...
...
Ryan: May ganon?
...
...
Gino: Ayaw mo?
...
...
Ryan: May sinabi ako?
...
...
Gino: Akala ko may reklamo ka e.
...
...
Ryan: Wala naman ako magagawa e.
...
...
Gino: Dapat free sched mo tom.
...
...
Ryan: Bakit?
...
...
Gino: Akin ka bukas.
...
...
Ryan: Ay. Possessive?
...
...
Gino: Haha! Wait.
At nakatulog na ako sa paghihintay
sa kanya.
0*0*0*0
'Alicia, aalis muna kami ni Gino. Di
na ako makakasama sa lakad nyo mamaya.', ang sabi ko kay sa kanya.
'Ah. Okay lang. Uhm. Ry?', ang sabi
niya.
'Yep?', ang tanong ko.
'You can call me A if you want.',
ang sabi niya.
'Hmmm. Ayoko.', ang mabilis kong
sabi.
Halata namang nagulat si Alicia sa
sagot ko. lahat kasi ng ka-close niya ay iyon ang tawag sa kanya.
'Huh? Bakit naman?', ang tanong
niya.
'E kasi lahat sila iyon na ang tawag
sa'yo. Gusto mo ba maging tulad lang ako ng isa sa kanila?', ang paliwanag ko.
Hindi agad nakapagsalita si Alicia
sa sinabi ko.
'Uhm. Ikaw na bahala.', ang sabi ng
biglang nag-blush na si Alicia.
'O sige. Uy, una na ako ha.', ang
paalam ko nang nakita ko si Gino umaaligid na sa aming dalawa.
Nagpaalam na ako kay Alicia at
pumunta na kay Gino na kanina pa pala nakikinig sa aming dalawa.
'Iba ka rin bumanat no?', ang bungad
niya.
'Huh?', ang tanong ko.
'Ligawan mo na kasi. Mukha naman may
tama sa'yo yun.', ang sabi ni Gino.
'Shut up!', ang pagpigil ko sa
kanya.
'Ginamit mo pa 'yung sinabi ko sa'yo
kagabi about sa pet names! I-sue kaya kita?', ang pagloloko ni Gino.
'Wow. Salamat ah! E 'yun yung
biglang nag-pop sa utak ko e.', ang sabi ko.
'Aminin na kasi.', ang pangungulit
niya.
'Pwede? Wag mo akong madaliin?', ang
nangingiti kong sabi.
Natawa naman si Gino sa slight na
pag-amin ko sa kanya na may gusto ako kay Alicia.
'Saan ba tayo pupunta?', ang tanong
ko sa kanya nang makasakay na kami sa sasakyan niya.
'Dito.', ang sabi niya biglang kuha
ng dalawang ticket sa bulsa ng polo niya.
No comments:
Post a Comment