Saturday, December 15, 2012

One Message Received (25-27)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 25


'Gino! Ano nangyari kay Ken?', ang humahangos na tanong ni Patrick nang makarating ito ng ospital.

'Wala pang sinasabi ang mga doctor. Hintayin na lang natin. Nandun ang mga magulang niya.', ang sabi ni Gino bago ituro ang kinauupuan ng mga magulang ni Ken.

Umupo ang dalawa sa sofa sa waiting area at tahimik na naghihintay. Maya-maya pa ay nakuha ng atensyon ni Gino ang pag-iyak ni Patrick.

'Pat.', ang pag-alo ni Gino.

'Gino. Paano kung hindi siya makaligtas? Siya lang ang higit na nakakaintindi sa akin ngayon. Sa mga nangyari sa akin, sa atin. Paano na ako, pag nagkataon?', ang pag-iyak ni Patrick.

'Shhhh. Kakayanin yan ni Ken. Para sa'yo.', ang sabi ni Gino.

0*0*0*0

Halos hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko habang inilalabas nila si Papa mula sa kwarto niya patungo sa morgue.

'Ryan.', ang pagtawag sa akin ni Mama.

Tumakbo ako palabas ng kwarto dahil sa sobrang galit sa sarili. Hindi ko lubos maisip na ganon lang kabilis magbabago ang nararamdaman ko dahil sa pagkawala ni Papa. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Tinungo ko ang elevator pababa sa lobby.

Nagbukas na ang elevator at agad akong lumabas. Ang bilis ng aking paglakad ngunit bigla akong napatigil nang makita ko ang dalawang pamilyar na mukha sa may waiting area. Ang isa ay umiiyak habang ang isa pa ay inaalo ito. Muli naman akong napako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa dalawang tao sa aking harapan.

'Fuck my life!', ang sigaw ko sa aking isip.

Pinagpatuloy ko na ang mabilis na paglalakad palabas ng hospital. Naramdaman ko ang pagsakit ng aking mga paa kaya naman ay binagalan ko na ang aking lakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Basta ang alam ko, kelangan ko lang maglakad palayo.

0*0*0*0

Iniluwa ng elevator si Mama sa sumunod na pagbaba nito. Nagpasabi na lang siya sa nurse na babalik agad at susundan lang ako. Kinakabahan si Mama sa aking kalagayan ngayon. Nakita rin niya ang mga pamilyar na mukha sa lobby. Nagtataka man ay kinausap niya ang mga ito.

'Gino? Patrick?', ang pagtawag niya sa dalawa.

'Tita!', ang gulat na bigkas ng dalawa.

'Anong ginagawa niyo dito? Nakita niyo ba si Ryan?', ang nag-aalalang tanong ni Mama.

'Naaksidente po kasi yung isa naming kaibigan. Nandito po si Ryan?', ang nagtatakang tanong ni Gino.

'Oo. Kakamatay lang ng Papa niya. Nag-aalala ako at bigla siyang umalis. Baka kung anong gawin nun.', ang sabi ni Mama.

Bigla ang kaba na naramdaman ni Gino sa sinabi ni Mama. Si Patrick naman ay tahimik lang.

'Sige, Tita. Ako na po ang maghahanap kay Ryan. Dito na lang po kayo.', ang sabi ni Gino.

'Salamat, Gino.', ang sabi ni Mama.

Umalis na si Mama at inasikaso na ang mga papers ni Papa. Habang si Gino naman ay bumaling agad kay Patrick.

'Pat, hahanapin ko lang si Ryan.', ang sabi nito.

'Go ahead. I'll wait for Ken.', ang malungkot na sabi nito.

Agad nang tumakbo si Gino palabas ng hospital para hanapin ako.

0*0*0*0

Nagpalinga-linga si Gino nang nasa may main road na ito sa tapat ng hospital. Kakaunti na lang ang mga tao kaya't madali niya akong nakitang mabagal na naglalakad. Tinakbo niya ang direksyon kung nasaan ako.

'Ry.', ang hingal na hingal niyang pagtawag sa akin.

Nagulat naman ako sa boses na aking narinig. Agad akong tumingin sa kanya.

'I've heard what happened.', ang sabi nito sa akin.

'Uwi na tayo.', ang tangi kong sinabi.

Agad naman siyang pumara ng taxi at dinala ako sa bahay nila. Habang nasa sasakyan ay tinext ni Gino si Mama at si Patrick at sinabing magkasama na kami at sa bahay niya muna ako magse-stay.

Ramdam ko ang awa na nararamdaman ni Gino para sa akin lalo na nang akbayan ako nito at hinayaan akong magpahinga sa kanyang dibdib. Wala siyang pakialam kung makita kami ng driver sa ganoong ayos.

0*0*0*0

Sobrang pagod na ako. Wala na akong lakas para umiyak, para makipag-away, para magsalita. Inalalayan na ako ni Gino paakyat sa kanyang kwarto. Ayoko nang kumilos. Ayoko ng makaramdam. Si Gino na rin ang nagtanggal ng aking sapatos. Siya na rin ang nagbihis sa akin. Ipinasuot niya sa akin ang isa sa kanyang mga sando at hinayaan lang na ako ay naka-boxers. Humiga na kami at sinubukan kong matulog.

'Ry. I'm so sorry. For everything that has happened. I know I've been a child for acting up like that. Sinabayan pa ng pagkawala ng Papa mo. Sorry.', ang sabi ni Gino.

Ngunit parang wala na akong naririnig. Sobrang clouded na ang utak ko at pagod na ang katawan ko. Nakatulog yata agad ako pagkapikit ko.

0*0*0*0

Ang bigat ng pakiramdam pagkagising ko. Hindi ko alam kung anong oras na. Pero madilim pa ang kapaligiran. Bumangon na ako at naghilamos. Kailangan kong samahan si Mama sa pag-aasikaso ng libing ni Papa dahil mag-isa lang ito.

'Ry. Ang aga pa. Magpahinga ka muna.', ang sabi ni Gino nang makita sa orasan na 5AM pa lang.

'Hindi na. Kailangan ko nang puntahan si Mama.', ang malamig kong sagot sa kanya.

'Sasamahan na kita.', ang sabi ni Gino pagbangon nito.

'Wag na. Magpahinga ka na lang.', ang pagtanggi ko.

Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang nakita ko kagabi nung magkasama sila ni Patrick. Wala namang kakaiba. Hindi ko lang talaga kayang nakikita silang magkasama. Bakit nga ba sila magkasama dun? Hindi ko pa din alam. Pero ayoko munang i-open up yun dahil may mas mahalaga pa akong kailangang pagtuunan ng pansin.

'Hindi, sasamahan kita. Ok?', ang pagpupumilit ni Gino.

Hindi na ako sumagot at nagbihis na. Sa bahay na lang ako maliligo. Habang si Gino naman ay nagpunta na sa CR at mabilis na naligo.

0*0*0*0

Nagising si Patrick sa paggalaw ng kamay na kanyang hinahawakan.

'Ken?', ang sabi niya.

'Patrick.', ang pabulong na sabi ni Ken.

Nakaligtas ito sa aksidente na kinasangkutan. Kailangan niyang ma-confine dahil sa mga butong nabali sa kanyang kanang hita.

'May masakit ba?', ang tanong ni Patrick.

'Wala naman. Si Gino?', ang tanong ni Ken.

'OK naman siya. Pinuntahan niya si Ryan.', ang sabi ni Patrick.

'Salamat sa pagpunta.', ang sabi ni Ken.

'Wala iyon. Umuwi lang sandali ang parents mo. Babalik din sila maya-maya.', ang sabi ni Patrick.

'Wag mo akong iiwan.', ang sabi ni Ken.

'Oo, dito lang ako.', ang sagot ni Patrick.

Hinawakan niyang muli ang kamay ni Ken hanggang sa makatulog ito muli. Pinagmamasdan lang niya ang payapang mukha nito.

'Magagawa ko bang sumaya sa iyo? Magagawa ba kitang pasayahin kahit na alam kong hindi ko pa talaga nalilimutan si Gino. Natatakot akong mawala ka sa akin.', ang pakikipag-usap ni Patrick kay Ken sa kanyang isip.

0*0*0*0

Dagsa ang mga tao sa unang gabi ng burol ni Papa. Naroon din ang aking mga kaibigan na sina Katie, Doris, Alicia at Mona. Hindi naman umalis si Gino sa aking tabi. May mga moments pang pasimple niyang hinahawakan ang aking kamay. Si Alicia naman ay medyo iwas kay Gino at sa akin sa takot na baka magkaaway na naman kami ni Gino.

'Ry, condolences ulit. Mauuna na kami ni Alicia ha. Balik na lang ulit kami.', ang paalam ni Mona.

'Sige. Ingat kayo ha. Hindi ko na kayo maihahatid.', ang sagot ko naman.

Pasimple na lang akong nginitian ni Alicia bago umalis kasama si Mona.

'Inaantok ka na ba? Gusto mo na magpahinga?', ang tanong sa akin ni Gino.

'Hindi. Ok lang ako. Ikaw, umuwi ka na.', ang sabi ko sa kanya.

'Maya-maya na.', ang sabi ni Gino.

Kasama namin noon sina Katie at Doris na mahinang nagkekwentuhan. Si Mama naman ay busy sa pakikipag-usap sa ilang mga kamag-anak.

'Ry. Si Patrick nandyan.', ang sabi ni Doris nang makita ang kaibigan sa may entrance ng mortuary.

Napalingon naman kaming tatlo nina Gino at Katie. Palapit siya sa aming apat dala ang isang malungkot na mukha.

'Ryan. Condolences.', ang sabi niya sa akin.

'Thanks.', ang mahina kong sagot.

Ang awkward. Sobrang awkward lang. Ramdam mo ang tensyon sa aming tatlo nina Gino at Patrick. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ang bastos ko naman kung iiwan ko sila.

'Pat, kamusta si Ken?', ang tanong ni Gino.

Napalingon naman ako kay Gino sa tinanong niya kay Patrick.

'Anong nangyari kay Ken?', ang tanong ko sa kanilang dalawa.

Malamang iyon din ang tanong nina Doris at Katie.

'Nasagasaan siya kagabi. Kaya kami nasa ospital din kami ni Patrick kagabi.', ang sagot ni Gino.

'O my God. Bakit?', ang gulat na sabi ni Doris.

'E bakit ka kasama?', ang tanong ko kay Gino.

'Kami ni Ken ang magkasama kagabi bago siya masagasaan.', ang sagot ni Gino.

'Okay na si Ken. Nagpapagaling na siya sa ospital. Pabalik na rin ako doon ngayon. Gusto ko lang makiramay dito.', ang sabi ni Patrick.

'Sige, dadalaw na lang ako bukas.', ang sabi ni Gino.

Tahimik na lang ako habang nandoon si Patrick. Napapaisip ako kung bakit magkasama sina Gino at Ken. At bakit ito nasagasaan? Parang ang putol ng kwento ni Gino sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpaalam na rin si Patrick na aalis na. Nagpasalamat naman ako sa pagdaan niya. Pag-alis niya ay umalis na rin ako sa kinauupuan at nilayuan si Gino.

'O bakit mo kami iniwan dun?', ang tanong sa akin ni Gino nang makalipat ako ng upuan sa harap.

'Gusto ko lang mapag-isa.', ang sagot ko.

'Ry. Galit ka ba sa akin?', ang tanong ni Gino.

'Pwede ba, Gino? Hindi mo ba nakikitang nagmo-mourn ako sa pagkawala ni Papa? Ayoko munang isipin kung bakit kayo magkasama ni Patrick sa hospital, kung bakit kayo magkasama ni Ken bago siya masagasaan.', ang mahina kong paglalabas sa kanya ng sama ng loob.

'Sorry na. Gusto ko lang naman pagaanin ang loob mo e.', sng sabi niya.

'Umuwi ka muna sa inyo. Magkita na lang tayo pagkalibing ni Papa. Hindi ko kaya na magsabay-sabay kayong lahat. Mababaliw na ako!', ang sabi ko bago lumabas ng room.

Mukhang naintindihan naman ni Gino ang pangangailangan ko. Sinundan niya pa rin ako sa labas pero hindi na niya ako pinilit na makipag-usap. Niyakap lang niya ako at hinalikan sa labi.

'Sorry. Hindi na muna kita guguluhin. Tawagan mo na lang ako kapag ready ka nang makipag-usap.', ang pagpapaalam nito.

0*0*0*0

Hindi muna dumiretso si Gino pauwi matapos makapagpaalam sa akin. Binisita nito si Ken sa ospital upang i-check ang kalagayan nito.

'Hi, Pat. Gising ba si Ken?', ang tanong ni Gino nang pagbuksan siya ni Pat ng pinto.

'Yeah. Akala ko bukas ka pa pupunta?', ang tanong ni Patrick.

'E naisip ko ngayon na lang.', ang sagot ni Gino.

'Si Ryan? Okay lang ba sa kanya?', ang tanong ni Patrick.

'Gising ba si Ken?', ang tanong ni Gino na parang hindi narinig ang huling mga sinabi ni Patrick.

Pinapasok na ni Patrick si Gino sa kwarto ni Ken. Naroon ang mga magulang niya at ang isang kapatid.

'Dude. Kamusta?', ang tanong ni Gino sa kanya.

'Okay naman ako. Eto, bali lang ang buto. Ikaw?', ang natatawang sabi ni Ken.

'Okay din. Sorry ha. Ako may kasalanan sa nangyari sa'yo.', ang sabi ni Gino.

'Shh. Baka marinig ka nina Mommy. Pero hindi ikaw ang may kasalanan. 'Yung driver ang sumagasa sa akin. Siya ang mananagot sa nangyari sa akin, hindi ikaw.', ang mahinang sabi ni Ken.

'E kahit na. Nagtatalo tayo kaya tayo umabot dun. Sorry kung naging makitid ang utak ko. Masyado lang talaga akong takot mawala si Ry sa akin. Akala ko kasi trip mo siya e.', ang seryosong sabi ni Gino.

'At least ngayon alam mo na. Nga pala, nabanggit mo na ba kay Patrick?', ang tanong ni Ken.

'Hindi. Hindi naman ako ang dapat na magsabi nun diba?', ang natatawang sabi ni Gino.

'Ayoko namang sabihin sa kanya na ganito ang lagay ko.', ang sabi ni Ken.

'Wag kang magmadali, Ken. May tamang panahon para diyan.', ang sabi ni Gino.

Lumapit si Patrick mula sa pagkakaupo.

'Sorry, kanina pa kasi kayo nagbubulungan diyan. Gusto niyo ba munang lumabas kami nina Tita?', ang sarkastikong sabi ni Patrick.

'Hindi. Okay na. Sorry.', ang sabi ni Ken sa kanya.

'Gino, pwede ba tayong mag-usap mamaya?', ang tanong ni Patrick sa harapan ni Ken.

Tumingin muna si Gino kay Ken bago sumagot.

'Okay.', ang sagot ni Gino.

0*0*0*0

'O, anak. Nagpaalam si Gino sa akin. Ayaw mo daw muna siya makita? Bakit? Nag-aaway na naman ba kayo? Ngayon mo kailangan ng kaibigan. Hindi mo yata dapat ginawa iyon.', ang sabi ni Mama sa akin.

'Masyado na pong kumplikado ang nagyayari ngayon. Saka na lang po kami mag-uusap ni Gino pagkalibing ni Papa.', ang malungkot kong sagot sa kanya.

'O siya, dito ka muna ha. Asikasuhin mo ang mga nakikiramay. Magpapahinga muna ako.', ang sabi ni Mama.

Tumango lang ako at tinungo na kinauupuan nina Doris at Katie at hiningi ang tulong nila sa pag-aasikaso.

0*0*0*0

'Gino, tell me what happened.', ang seryosong sabi ni Patrick habang sila ay nasa cafeteria.

'With Ken?', ang tanong ni Gino.

'Yeah. Why'd he end up like that?', ang tanong muli ni Patrick.

Ikinwento ni Gino ang nangyari simula nang makita niya si Ken na nakaupo sa may gutter sa may parking lot hanggang sa nag-iinuman na sila sa bar. Pero hindi sinabi ni Gino ang sinabi sa kanya ni Ken bago ito masagasaan.

'Ugh! Ako ang may kasalanan nito.', ang sabi ni Patrick.

'Bakit?', ang tanong ni Gino.

'Sinabihan ko siyang huwag na muna kaming magsama nung gabi ring 'yun. Kaya siguro siya nandoon sa may parking lot. Dapat kasi sasabay ako sa kanya. Pero umalis ako. Iniwan ko siya.', ang sabi ni Patrick.

Tahimik lang si Gino na nakikinig sa kanya.

'Gino, wala akong ibang pwedeng sisihin sa mga nangyari kung hindi ang sarili ko. Hindi pa rin kita malimutan kahit alam kong may Ryan ka na. Masakit pa rin sa akin. Kahit na gusto ko nang mag-move on, parang may pumipigil pa rin sa akin. Si Ken lang ang nandyan na tumutulong sa akin pero ayokong sanayin ang sarili ko na nandyan siya. Natatakot ako na baka maulit lang lahat ng nangyari. Natatakot ako na baka ma-fall ako sa kanya tapos siya hindi. Hindi ko na kayang pagdaanan ulit ang lahat ng iyon.', ang sabi ni Patrick.

'Pat. Kalimutan mo na ako. Si Ryan talaga ang mahal ko. Huwag kang matakot. Di ba nga dapat mas maging matapang ka? Di ba dapat mas alam mo na ang gagawin mo ngayon kasi napagdaanan mo na yan dati? E ano kung masakta ka? Ganyan talaga, nagmamahal ka e. Maybe Ken is the one for you. Believe me, you gotta try. Open your heart up to him. Malay mo, siya pala ang makakapagpasaya sa'yo. Kalimutan mo na ako.', ang sabi ni Gino sa kanya.

Para namang biglang naliwanagan si Patrick sa mga narinig niya.

'Salamat. Susubukan ko. Healing takes time.', ang nakangiting sabi ni Patrick.

'It does.', ang sagot ni Gino.

Part 26
Nailibing na si Papa tatlong araw makalipas ang unang kanyang kamatayan. Balik na ulit sa normal ang lahat kahit na alam ko sa sarili ko na hindi pa ako okay. Sabay kami ni Mama na kumakain ng hapunan.


'Nag-uusap na ba kayo ni Gino, anak?', ang tanong ni Mama.

'Hindi pa po.', ang mahina kong sagot.

'Ano bang nangyayari sa inyo? Hindi ba bestfriends kayo?', ang sabi ni Mama.

'Ma, we're going through a rough patch. Ganon naman kapag magkaibigan diba?', ang sagot ko sa kanya.

'Mabait na tao si Gino. Alam kong safe ka 'pag siya ang kasama mo.', ang sabi ni Mama.

'Stop it, Ma. Para naman akong babae. I'm safe by myself.', ang sagot ko.

0*0*0*0

'I'll be discharged tomorrow.', ang masayang pagbabalita ni Ken kay Patrick.

'Wow! That's great. O magpahinga ka lang muna sa bahay ah.', ang paalala ni Patrick.

'Sure. Pupuntahan mo ako?', ang tanong ni Ken.

'If you want me to be there.', ang nakangiting sagot ni Patrick.

Napag-isip isip ni Patrick ang mga sinabi ni Gino sa kanya nung nag-usap sila. Tama siya. Wala nang reason para umasa pa siya na magiging sila ni Gino. Kailangan na niyang makalimot at maging masaya on his own. Magagawa lang niya ito kung bubuksan niyang muli ang puso niya sa isang taong tatanggap at mamahalin siya.

'Of course, pag di ka pumunta, hindi ako gagaling.', ang sabi ni Ken.

'Ganon ba yun? Ano bang tingin mo sa akin? Tablet? Syrup?', ang pagloloko ni Patrick.
'Hindi no! Syempre dapat aalagaan mo ako.', ang sabi ni Ken.

'Aba! "Dapat" talaga? Abuso na yan ah.', ang patuloy ni Patrick.

'Edi wag na nga.', ang pagtatampo ni Ken.

'Joke lang. Siyempre pupuntahan kita. Ipagluluto pa kita, kung gusto mo.', ang sabi ni Patrick.

Hinawakan niya ang kamay ni Ken at nilaro ito.

0*0*0*0

Umakyat na ako sa kwarto nang iniisip ang mga sinabi ni Mama. Kinakabahan ako kasi parang may laman ang mga sinabi niya kanina. Alam na kaya niya ang namamagitan sa amin ni Gino. Kasi yung pagkabanggit niya ng 'best friend' kanina e parang diniin niya talaga. Pati yung comment niya na safe ako pag nandyan si Gino. Kung ano-ano na ang naiisip ko.

Nanonood lang ako ng TV matapos kumain nang maisip ko ang mga sinabi ko kay Gino tatlong araw na ang nakakalipas.

'Magkita na lang tayo pagkalibing ni Papa.', ang sabi ko sa kanya.

Agad akong tumayo at nagpaalam kay Mama. Bumalik ako sa kwarto at nagtungo sa CR para maligo. In less than 30 minutes ay nasa sasakyan na ako papunta kina Gino.


'Hi, Tita! Si Gino po?', ang tanong ko sa mommy niya nang pagbuksan ako nito ng pinto.

'Ayun, nasa kwarto niya. Hindi pa iyan lumalabas simula kanina. Hindi na nga sumama sa libing ng Papa mo e. Kamusta ka na ba? Ang mommy mo?', ang malugod na pakikitungo sa akin ng ina.

'Hindi pa po siya kumakain? Okay naman po kami. Coping up na po. Kayo po? Balita ko po babalik daw po ulit kayo sa States.', ang sabi ko sa kanya.

'Oo. 2 weeks from now. Maiiwan na naman mag-isa si Gino dito. Akyat ka na lang sa kwarto niya.', ang sabi nito.

'Sige po. Gusto niyo po akyatan ko na din siya ng pagkain?', ang tanong ko sa mommy niya.

'Mabuti pa nga. Nako, napakaswerte ng anak ko at may kaibigan siyang katulad mo. Kung pwede lang na maging babae ka na lang.', ang sabi ng ina ni Gino.

Natigilan naman ako sa sinabing ito ng mommy niya.

'Hijo, wala akong ibang ibig sabihin dun. Natutuwa lang ako sa pag-aalaga mo sa anak ko.', ang sabi niya.
Nangiti naman ako sa sinabi niyang iyon.

'Ganon din po kasi si Gino sa akin.', ang nasabi ko lang bago umakyat.

Tahimik akong umaakyat sa hagdan pero ang ingay ng isip ko.

'Bakit ba parang sabay pang nakakahalata ang mga ina namin? Hindi kaya nag-uusap ang dalawa at napapansin na rin ang kakaiba naming ikinikilos? Ang weird lang.', ang mga tanong ko sa aking isip.

Kinatok ko ang pintuan ni Gino. Isang sigaw ang isinagot niya.

'BAKIT????', ang sigaw niya.

Hindi ako nagsalita. Gusto ko magulat siya na ako ang makikita niya. Kumatok lang muli ako. Isang malutong na mura ang narinig ko.

'Do you swear like that sa mommy mo??', ang pagalit kong sabi nang buksan niya ang pinto.

Natulala naman siya nang makita niyang ako na nakatayo sa harap niya. Pero mas natulala ako nang makita kong tanging briefs lang ang suot niya.

'Ry!!', ang tangi niyang nasabi.

'Pwedeng magsuot ka naman ng disenteng damit?', ang sarkastiko kong sabi sa kanya.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto niya at inilapag ang dalang pagkain sa mesa.

'Bakit, di mo ba gusto ang nakikita mo?', ang tanong niya sa akin.

'Seriously?', ang inis-inisan kong turan sa kanya.

Agad naman siyang nagsuot ng shorts at sando. Nang disente na siya sa aking paningin ay agad ko siyang niyakap at binigyan ng isang masuyong halik sa labi.

'I miss you.', ang sabi ko sa kanya.

0*0*0*0

'Grabe, instant sleepover 'to ah.', ang sabi ni Doris kay Katie.

'Oo nga e. Badtrip kasing paper 'yan. Biglang bukas na yung deadline. Ang hirap tapusin. Buti pinayagan ako.', ang sagot ni Katie.

'Oo nga e. Hay. Nakaka-miss na 'yung iba. Hindi na tayo nakumpleto ulit. Ako, ikaw, sina Ryan, Gino at Patrick.', ang sabi ni Doris.

'Oo nga e. Ano ba kasing nangyari sa tatlong 'yun? Mukhang nagka-in love- an yata.', ang sabi ni Katie.

'Sa tingin mo?', ang tanong ni Doris.

'Ewan. Pero malakas ang kutob ko na 'oo'. Wala naming problema sa akin 'yun e. Nakakatampo lang na hindi nila sinasabi sa atin. Ano pa't naging kaibigan tayo diba?', ang sabi ni Katie.

Natahimik na lang si Doris at pinagpatuloy ang kailangang tapusing requirement.

0*0*0*0

'O, kumain ka na. Hindi ka pa daw lumalabas simula kanina sabi ni Tita.', ang sabi ko sa kanya.

'Pumunta ako sa libing ng Papa mo kanina. Hindi nga lang ako sumabay kay Mommy. Alam ko naming ayaw mo ako makita dun.', ang sabi nito bago magsimulang kumain.

Hindi naman ako nakasagot sa sinabing ito ni Gino.

'O bakit ang tahimik mo?', ang sabi niya habang ngumunguya.

'Wala. Tapusin mo na muna 'yang pagkain mo.', ang sabi ko sa kanya.

Humiga muna ako sa kama at pumikit. Hinayaan ko muna siyang makatapos sa pagkain. Nagmadali yata si Gino at ang bilis niyang nakatapos.

'Done!', ang sigaw nito.

Bumangon naman ako. Siya naman ay umupo sa tabi ko.

'Done? Ano ba yan, may catsup ka pa sa may baba.', ang sabi ko sa kanya.

Ako na ang nagtanggal ng catsup sa kanyang baba gamit ang aking panyo. Magkalapit na ang mga mukha namin at malalim ang titig sa akin ni Gino. Tiningnan ko rin siya at hindi ko na namalayan na nagsasalo na pala kami sa isang matamis na halik. Na-miss ko siya sa tatlong araw naming hindi pagkikita pero may mga bagay kaming dapat pag-usapan.

'Gino.', ang pagpigil ko sa kanya.

'Sorry. Na-miss lang kita.', ang sabi niya.

'I know. Ako rin naman. Pero may mga dapat pa tayong pag-usapan.', ang sabi ko sa kanya.

'Right.', ang sabi nito sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. Humilig ako sa kanyang balikat.

'Ang sama-sama ko bang anak? Hindi ko man lang nasabi kay Papa na pinapatawad ko na siya bago siya mawala.', ang sabi ko sa kanya.

'Hindi. Naparamdam mo naman sa kanya na ama mo pa din siya. Hindi man iyon ganon katagal o hindi man niya iyon nakita habang nabubuhay pa siya, sigurado akong alam niya na napatawad mo na siya. Nakita kita kanina kung gaano ka nasasaktan makita ang Papa mo na nililibing', ang sabi ni Gino.

'Sobrang sakit. Nagagalit ako sa sarili ko kung bakit ko hinayaan ang galit ko na kumontrol sa akin. Ngayon, wala na si Papa.', ang pag-iyak ko sa kanya.

'Shhhh.', ang pagpapatahan niya sa akin.

Ilang minuto rin akong umiiyak sa kanya. Inuubos ko na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Papa para maka-move on na ako. Matapos kong maiiyak kay Gino ang lahat, medyo gumaan na ang pakiramdam ko pero may mga tanong pa ring bumabagabag sa isip ko.

'G.', ang pagtawag ko sa kanya habang nilalaro ko ang kamay niya.

'Yes?', ang pagsagot niya.

'Bakit kayo magkasama ni Ken bago siya maaksidente?', ang tanong ko sa kanya.

'Niyaya ko kasi siyang uminom. Iyon 'yung gabi na nag-away tayo. Bad day 'yun sa aming dalawa. Kasi 'yun din 'yung araw na sinabihan siya ni Patrick na huwag na muna sila magkita.', ang sabi ni Gino.

'Sila ba?', ang tanong ko.

'No. Not yet, I guess.', ang mabilis niyang sagot.

'Nung gabing iyon, nasapak ko si Ken. Nagulat kasi ako at alam niya ang lahat ng nangyayari sa atin. Including yung kay Pat. Akala ko may gusto siya sa'yo.', ang kwento ni Gino.

'Kaya mo siya sinapak?', ang tanong ko.

Tumango naman si Gino bilang sagot sa tanong ko.

'Wow. Okay. E paano siya nasagasaan?', ang tanong ko.

'After ko siyang masaktan, naglakad ako palayo. Lasing ako nun. Nahihilo ako pero sobrang kumukulo ang dugo ko. Hinabol ako ni Ken. Inungusan niya ako. Hindi naman naming napansin na nasa gitna pala siya ng daan. Hindi ko naman siya nagawang iligtas kasi na-shock ako sa sinabi niya.', ang patuloy na kwento ni Gino.

'Bakit? Ano bang sabi niya?', ang tanong ko.

'Gusto daw niya si Pat. Matagal na. Simula nung umpisa pa lang na maging close kami.', ang sabi ni Gino.

'Ah. Kamusta na siya ngayon?', ang tanong ko.

'Okay naman na. Hindi ko lang alam kung kelan siya lalabas ng hospital.', ang sagot ni Gino.

'Alam mo bang nakita ko kayo ni Patrick nun sa hospital? Nakita ko kayo nung umiiyak si Patrick.', ang sabi ko.

'E bakit hindi mo ako nilapitan? Nakita nga kami ni Tita nun e. Kaya kita nasundan.', ang sabi ni Gino.

'Ayoko lang. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko nun.', ang sabi ko.

'Hindi ka nagselos?', ang tanong niya sa akin.

'Hindi. Kampante naman ako na ako ang mahal mo. Pero, honestly kahit ganon, hindi ko kayang makita kayo ni Patrick na magkasama.', ang sabi ko.

'Parang ang gulo nun ah.', ang puna ni Gino.

'Basta. Alam ko na mahal mo ako at hindi mo ako kayang saktan. But as much as possible, ayokong makikita ka malapit kay Patrick. It brings back memories. Bad memories.', ang sabi ko.

'Okay. Sabi mo sir e.', ang pagloko niya sa akin.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Ganon din siya sa akin.

'Akin ka lang ha?', ang bulong niya sa akin.

'Okay.', ang bulong ko rin sa kanyang tenga.

0*0*0*0

Kinabukasan ay maagang na-discharge si Ken sa hospital. Hindi na nagtungo doon si Patrick. Busy ito sa pagluluto ng ilang putahe para sa pagbabalik ni Ken sa kanilang bahay. Sa loob ng mga araw na nasa ospital si Ken ay nakapalagayan na niya ng loob ang pamilya nito. Alam nila ang orientation ni Ken kaya naman ay malugod nilang tinanggap si Patrick.

'Welcome home.', ang sabi ni Patrick dala ang isang chocolate cake.

Halos abot-tenga ang ngiti ni Ken nang makita si Patrick sa kanilang bahay. Lalo na nang malaman nitong siya ang nagluto ng lahat ng nakahanda.

'Wow! Ang sarap nitong spaghetti. Grabe, mapapasabak yata agad ako sa kain ah.', ang sabi ni Ken.

Ngiti lang ang tanging isinagot ni Patrick sa kanya.

Matapos makakain ay inihatid ni Patrick si Ken sa kwarto habang ang mga magulang niya ay bumalik na sa trabaho.

'O, kayo na muna ang bahala dito ha. Ang mga gamot mo, wag kalimutan. Patrick, paki-alagaan muna si Ken ha? Wala munang apo, okay?', ang sabi ng Mommy ni Ken.

'Mom!!!', ang sigaw ni Ken na halatang na-embarrass.

'Sige na. Bye!', ang paalam ng ina.

Nag-stay lang kami sa kwarto ni Ken at napagdesisyunang manood na lang ng movie sa DVD. Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang magsalita si Patrick.

'Ken.', ang pagtawag niya.

'Yep?', ang pagsagot ni Ken.

'Bakit ka nga pala nasa gitna ng kalsada nung naaksidente ka? Hindi kasi sinabi sa akin ni Gino.', ang tanong ni Patrick.

'Kasi kailangang malinawan si Gino. Akala niya kasi may gusto ako kay Ryan. Alam mo ba?', ang sabi ni Ken.

'Ano yun?', ang tanong ni Patrick.

'Na that was the first time I professed my love to you?', ang pagtatapos ni Ken sa sentence niya.

Speechless si Pat sa sinabi na ito ni Ken.

'Sayang nga lang. Hindi ikaw 'yung kaharap ko.', ang dagdag ni Ken.

Hindi pa rin makapagsalita si Patrick. Parang sa sobrang daming pumapasok sa utak niya ay wala na siyang maisip ng matino.

'Anything to say? Violent reactions?', ang nakangiting tanong ni Ken.

'Well. Pwede mo naming ulitin diba? But this time, wala nang masasagasaan. At ako na ang nasa harap mo.', ang sabi ni Patrick.

Part 27
'Sana ganito na lang lagi.', ang sabi ko kay Gino habang magkatabi silang nakahiga sa kama ni Gino.

Kagigising lang ng dalawa at sabay na papasok sa school. Dalawang oras pa bago magsimula ang klase.

'Yeah. Pero hanggang ganito na lang ba?', ang tanong ni Gino.

'Huh? What do you mean?', ang tanong ko.

Dalawang buwan pa ang lumipas at halos malapit na ang graduation. Busy na ang lahat sa pagtatapos ng mga requirements, papers, thesis defense at kung anu-ano pa. Kahit gayon pa man, naging masaya naman kami ni Gino.

'I mean, we're almost half a year na together pero we still haven't done it.', ang sabi ni Gino na nakayakap sa akin at nakatingin sa ceiling.

'It? You mean....', ang nag-iisip kong sabi.

'Yeah. Sex. I haven't tried it with, you know, the same gender. Pero we kiss. We cuddle. We love each other. Don't you think it's about time for us to do it?', ang tanong ni Gino.

Sa totoo lang, kinakabahan ako nang mga oras na ito. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ito. Oo, gusto ko din. Pero natatakot ako. Parang hindi ko yata kaya.

'G. Hindi ko alam. Are you ready to do it?', ang tanong ko sa kanya.

'I think so? I mean, I've done it with Kim before. Besides, it doesn't matter if we have the same tool. Diba ang mahalaga naman e ginagawa natin yun kasama ang taong mahal natin?', ang sabi ni Gino sa akin.

'I know. But I never done it with anyone else.', ang pagsasabi ko ng totoo.

Tumingin si Gino sa akin. Malalim ang tingin na iyon. Parang nangungusap ang mga mata niya. Inilapit niya ang kanyang bibig sa akig tenga.

'I know.', ang bulong nito.

Hinalikan niya ang aking tenga pagkasabi ng mga katagang ito. Para naman akong nakuryente sa ginawa niyang iyon. Patuloy lang ang paggala ng kanyang labi papunta sa aking labi. Pinagsaluhan namin ang isang masuyong halik. Ang mga kamay niya ay humawak sa aking dalawang pisngi. Nararamdaman ko ang paglalim at pagdiin ng kanyang mga halik. Nagugustuhan ko ang ginagawa niya.

'I love you.', ang mga katagang kanyang binibigkas nang halos maubusan siya ng hangin.

Ibinalik niya ang kanyang mga labi sa akin pero ngayon mas mapusok na at iginapang niya ito sa aking baba at leeg.

'Aaaaah, Gino.', ang pabulong kong sabi dahil sa kiliti na aking nadama.

Pumaibabaw na siya sa akin at naramdaman ko ang init at bigat ng kanyang buong katawan. Itinaas niya ang aking dalawang kamay at ikinulong ito sa kanyang mga palad. Natulog ako nang walang damit pang-itaas kaya naman ay malaya siyang nakagala sa aking dibdib.

'Ginooo.', ang pagtawag ko sa kanyang pangalan nang muling maramdaman ang kakaibang kiliti.

Umangat siya pabalik sa aking labi at siniil ako ng halik. Ipinulupot ko ang aking isang braso sa kanyang batok habang ang isang kamay ay pilit na hinuhubad ang suot niyang sando. Umalis siya mula sa aking pagkakayakap at umupo sa aking ibabaw habang hinuhubad ang pang-itaas na suot. Mabilis lang ito at muli na naman siyang bumalik sa aking labi. Mas mainit ang naramdaman ko nang maglapat ang mga dibdib na walang saplot.Unti -unting bumaba ang kamay ni Gino.

'Aaaah.', ang ungol ko nang ikinulong niya sa kanyang kamay ang aking pagkalalaki.

Patuloy lang siya sa kanyang ginagawa habang ako naman ay dinama na rin ang kanya.

'Shit.', ang sabi niya.

'Can you go down on me?', ang tanong niya sa akin habang hinahalikan ang aking tenga.

'I will.', ang sabi ko dala na rin siguro ng pagkahumaling ng mga panahon na iyon.

Ako naman ngayon ang sumiil sa kanya ng isang mapusok na halik. Ito na siguro ang tamang panahon. Mahal namin ang isa't isa.

'Gino, bumangon ka na at...', ang sabi ng mommy ni Gino nang biglang magbukas ang pinto.

Nakapatong siya sa akin nang mga oras na iyon. Nakakumot pa kami ngunit kita na wala na kaming saplot pang-itaas. Hawak ko ang ulo ni Gino habang parehas kaming nakatingin sa babaeng nasa may pinto ng kwarto.

'..baka ma-late ka pa. I mean, kayo.', ang malamig na pagtatapos ng mommy ni Gino sa kanyang sinasabi.

Agad din niyang isinara ang pinto at umalis. Si Gino naman ay parang nabuhusan ng tubig at umalis bigla sa aking ibabaw. Habang ako ay halos hindi makagalaw. Wala akong maisip na maayos. Kinakabahan ako pero hindi ko na maramdaman ang puso kong kumakabog.

0*0*0*0

Fully recovered na si Ken mula sa aksidente kanyang kinasangkutan dalawang buwan na ang nakakalipas. Si Patrick naman ay hindi nawala sa tabi ni Ken para alagaan ito.

'O, saan ka pupunta?', ang tanong ni Patrick matapos ang klase nila.

'Practice.', ang sagot ni Ken habang naglalakad ito papunta sa may park.

'No.', ang maikli ngunit authoritative na sabi ni Patrick.

'What?', ang biglang inis na tanong ni Ken.

'I said no. Hindi ka pupunta sa practice. Kakagaling mo lang, magsasayaw ka na naman. E paano kung mapilayan ka?', ang pagalit ni Patrick.

'Pat, 2 months na akong magaling. Tsaka malapit na ang competition.', ang sabi ni Ken.

'And so? Marami namang pwedeng sumayaw na iba dyan ah.', ang sabi ni Patrick.

'Sorry.', ang sabi ni Ken bago talikuran si Patrick at magtungo sa park.

'Ken! Seriously?', ang sigaw ni Patrick ngunit hindi na siya nilingon ni Ken.

0*0*0*0

'Gino, kinausap ka na ba ng mommy mo?', ang tanong ko sa kanya.

'Hindi nga diba? Nakita mo naman na wala na siya nung paalis na tayo.', ang inis niyang baling sa akin.

'O, bakit ka naiinis sa akin?', ang tanong ko sa kanya.

Para naman siyang biglang natauhan at agad na humingi ng tawad.

'Sorry. Kinakabahan kasi ako ngayon pag-uwi ko.', ang sabi niya.

'Gusto mo samahan kita at i-explain kay Tita lahat?', ang tanong ko sa kanya.

'Willing kang gawin iyon?', ang tanong niya sa akin.

'Oo. Kaya kitang ipagtanggol.', ang sabi ko.

'Wag na muna ngayon. It won't be helping us.', ang sabi ni Gino.

'Sigurado ka?', ang tanong ko.

'Oo. Tara na. Hatid na kita.', ang sabi niya at naglakad na kami papunta sa parking lot.

0*0*0*0

Umupo lang si Patrick sa may bench sa tapat ng building nila at doon hinintay si Ken. Kahit na naiinis siya ay hindi niya maalis sa isip ang pag-aalala dito. Agad din itong tumayo mula sa kinauupuan at tinungo ang park. Umupo siya sa isang bench na hindi kalayuan sa grupo nina Ken na nagpa-practice. Sinigurado rin niyang hindi siya nito makikita. Naghintay lang siya doon hanggang sa matapos ang practice nila Ken.

Patrick: Ken.
...
...
Ken: O?
...
...
Patrick: Tapos na practice mo?
...
...
Ken: Katatapos lang. Bakit?

Nakita niya si Ken na umupo muna sa lapag at hindi binitawan ang phone. Napangiti naman siya at inilapag muna sa tabi ang binili niyang tubig kanina nang makita niyang nakikiinom lang si Ken sa kasama.

Patrick: Wala naman. Pauwi ka na? Baka naman pawis na pawis ka ah. May dala ka bang towel?
...
...
Ken: Meron po. Ito nga o, nagpupunas ako ng pawis.
...
...
Patrick: Good. Halika nga dito, ako na magpupunas ng pawis mo.
...
...
Ken: Hahaha! Edi tuyo na 'yun pag pumunta pa ako dyan.
...
...
Patrick: Di naman siguro. Tingin ka sa kanan.

Tumayo naman si Patrick at nagpakita kay Ken. Kumaway ito. Agad naman tumayo si Ken at tumakbo palapit sa kanya.

'Talagang naghintay ka?', ang nakangiting tanong nito.

'Hindi. Umuwi muna yata ako tapos bumalik lang.', ang panloloko ni Patrick.

'Weh. Corny. Buti hindi ka nainip.', ang sabi ni Ken.

'Hindi naman. Enjoy naman akong panoorin ka e.', ang sabi ni Patrick habang pinupunasan niya ang mukha ni Ken gamit ang sariling panyo.

'Magaling ba ako magsayaw?', ang tanong ni Ken.

'Oo. Ang galing-galing mo.', ang pagsasabi ni Patrick ng totoo.

'Tingnan mo. Tapos pinipigilan mo pa ako kanina.', ang sabi ni Ken.

'Worried lang naman ako. Tulad niyan, magpa-practice ka, wala ka naman palang dalang tubig. O.', ang sabi ni Patrick bago iabot ang isang bottle ng tubig.

'Thanks! Kaya kita mahal e!', ang sabi ni Ken sabay akbay kay Patrick.

Agad namang lumayo si Patrick sa kanya.

'Kadiri ka, pawis ka.', ang sabi nito.

'Hoy. Kahit maligo ka pa sa pawis ko, mabango 'yan.', ang sabi ni Ken.

'Talaga?', ang paghahamon ni Patrick.

'Bakit, gusto mong i-try?', ang pagsakay naman ni Ken.

Humagalpak sa tawa ang dalawa.

0*0*0*0

Dumating si Gino sa kanila at dinatnan nito ang mommy niya na nasa sala at nanonood ng TV. Hindi niya pinansin si Gino. Nakatutok lang siya sa panonood. Nagda-dalawang isip si Gino kung kakausapin ang ina o hindi. Kinakabahan siya. Natatakot siya. Paakyat na sana siya sa kwarto nang makita niya ang isang maleta sa  may hagdan. Napatingin agad siya sa kanyang ina.

'Ma, aalis ka?', ang tanong nito.

'Hindi.', ang maikling sagot nito.

'E ano 'to? Dumating na ba si Daddy?', ang tanong muli ni Gino.

'Hindi.', ang malamig na pagsagot muli nito.

'E kanino 'to?', ang tanong ni Gino.

'Sa'yo.', ang sabi ng mommy ni Gino.

Lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Gino. Parang automatic na nagkaroon ng luha sa kanyang mga mata. Lumapit ito sa kanyang ina at lumuhod sa harapan nito.

'Ma. Don't do this to me. Let me explain. I know you're disappointed with me. Pero hayaan mo munang ipaliwanag ko ang sarili ko.', ang pagmamakaawa nito.

'Not now, Gino. I need you out of the house for a while! Hindi ako nagpalaki ng anak na bababuyin lang ang pamamahay ko!', ang matigas na sabi ng ina.

'Ma, wag naman ganito. I'm still your son! Nagmamahalan kami ni Ryan. Diba natutuwa ka na kami ang magkasama?', ang sabi ni Gino.

'Are you? Are you still my son?! Magkaibigan kayo! That's how you both supposed to be like! Out, now!', ang sigaw ng mommy ni Gino.

'No. I won't leave this house! Intindihin mo naman ako, Ma.', ang pagmamakaawa ni Gino.

Tumayo na ang kanyang ina at kinuha ang malaking maleta at itinapon ito sa labas ng bahay.

'Gusto mong gawin ko rin sa'yo ang ginawa ko sa maleta mo?', ang galit na tanong ng ina kay Gino.

0*0*0*0

'Damn it!', ang umiiyak na sabi ni Gino.

Nakatulog ako agad matapos akong ihatid ni Gino sa bahay. Kanina pa siya tumatawag ngunit hindi ako nagigising sa pag-ring ng phone ko. Halos isang oras na siyang nasa labas ng aming bahay.

'Answer the phone, Ry!', ang galit na sabi nito sa sarili.

Nang mawalan na talaga ng pag-asa si Gino ay saka ito nag-doorbell. Pinagbuksan siya ni Mama ng gate na naalimpungatan lang.

'O, hijo. Gabing-gabi na ah.', ang malumanay na sabi ni Mama kay Gino.

'Sorry po, Tita. Kelangan ko... lang po makausap... si Ryan.', ang paputul-putol na sabi ni Gino dahil sa pagpipigil ng iyak.

'Halika at pumasok ka. Ano bang nangyari?', ang pag-aalala ni Mama.

Hindi na muna sumagot si Gino. Umupo ito sa sofa at sinubukang ayusin ang sarili at pigilin ang pag-iyak.

No comments:

Post a Comment