Saturday, December 15, 2012

One Message Received (22-24)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 22


'O di na ako bababa ah. Para makapagpahinga ka na din agad at masamahan na si Tita.', ang paalam ni Gino nang itigil ang sasakyan sa harapan ng gate namin.

'Sige, salamat sa tulong. And sa ice cream.', ang sabi ko sa kanya bago siya gawaran ng masuyong halik sa labi at mahigpit na yakap.

'And sa ice cream na rin.', ang sabi ko bago bumaba at pumasok sa loob ng bahay.

Tahimik ang buong bahay nang ako ay pumasok. Wala namang nagbago pero ewan ko, kakaiba ang pakiramdam.

'Ma?', ang pagtawag ko sa aking ina.

Ngunit walang sumagot. Tiningnan ko ang kanyang kwarto ngunit walang tao. Dumiretso na ako sa aking silid. Inayos ang ilang gamit bago kuhanin ang phone at itext si Gino.

Ryan: G, text ka pag nasa bahay ka na. Ingat. Wala si Mama dito sa bahay.
...
...
...

Halos dalawampung minuto ang hinintay ko bago maka-receive ngtext mula kay Gino.

Gino: Kadarating ko lang. Sorry matagal, na-traffic ng konti. O, paano dinner mo?
...
...
Ryan: Okay lang. May dala naman siguro siya.
...
...
Gino: Di ka pa ba gutom?
...
...
Ryan: Di pa naman masyado.
...
...
Gino: Sure ka ah. Magluto ka na lang.
...
...
Ryan: Tinatamad ako.
...
...
Gino: Ano, hindi ka kakain?
...
...
Ryan: Kakain. Pero mamaya na. Hintayin ko na lang si Mama.
...
...
Gino: Sige, make sure na magdi-dinner ka ah.
...
...
Ryan: Opo.
...
...
Gino: Na-open mo na ba bag mo?
...
...

Agad ko naman hinablot ang bag ko na nasa may gilid ng kama at tiningnan ang loob nito.
Ryan: Aww. Alam mo, seriously, kumo-corny ka.
...
...
Gino: Di mo na-appreciate?:(
...
...
Ryan: Uy. Hindi sa ganon. Na-touch nga ako e. Thank you sa Yanyan. Tatlo talaga?
...
...
Gino: Yeah. Coz I LOVE YOU.
...
...
Ryan: Waaaaaaaaah!! Yung puso ko parang mahuhulog na.
...
...
Gino: :((
...
...
Ryan: O bakit sad?
...
...
Gino: Akala ko nahulog na puso mo.... sa akin.
...
...
Ryan: Stop it! Kinikilig ako. I love you, G.
...
...
Gino: :)) Love you, too.

0*0*0*0

Hindi pa rin makapaniwala si Patrick sa mga sinabi ni Ken sa kanya kaninang lunch. Nakahiga na siya ngayon sa kanyang kama at nakatulala. Hindi niya alam kung ang sama ba ng ginawa niya nang mag-walk out siya matapos maipaliwanag ni Ken ang tungkol sa alam niya.
Patrick: Hello?

Ken: O? Napatawag ka?

Patrick: Galit ka ba?

Ken: Hindi. Bakit?

Patrick: E kasi nagwalk out ako kanina. Baka na-offend kita.

Ken: Hindi. Wala 'yun. Naintindihan naman kita. Alam kong hindi ka pa okay.

Patrick: Pero, Ken, mali ang pagkakaintindi mo. Wala kaming naging relasyon ni Gino at hindi iyon ang reason kung bakit kami nagkagulo ni Ryan.

Ken: Talaga? E bakit shocked ka kanina nung sinabi ko sa'yo na iyon ang na-conclude ko sa mga ikinikilos mo dati?

Patrick: Nag-conclude ka based sa nakikita mo pero hindi mo naman talaga alam ang nangyari. Dahil lang ba nakita mo na extra close kami ni Gino at bigla kaming hindi naging okay ni Ryan e dahil nagkagusto ako kay Gino? Ken, lalaki ako, ano ka ba. Hindi naman lalaki ang hanap ko.

Ken: Okay. Sorry kung na-offend kita. Naglakas-loob lang ako kasi akala ko parehas tayo. Kasi parang nakikita ko sa'yo 'yung pinagdaanan ko dati bago ko matanggap sa sarili ko kung ano talaga ako. So, parang naisip ko na baka lost ka pa, baka may identity crisis ka. Sorry sa pangingialam at sa pagdududa sa sexuality mo. Nainsulto ba kita?

Patrick: Wala iyon. Wag mo na isipin. Basta next time, huwag masyadong padalos-dalos ang pagsasalita at wag agad mag-jump into conclusion kasi paano kung hindi tulad ko e nagalit sa'yo yung isang tao? Diba, mahirap na.

Ken: Opo. Sorry na ah.

Patrick: Okay lang. Sorry din kanina.

Ken: So are we good?

Patrick: Yeah, I think so. It's no biggie for me.

Ken: I mean, okay lang ba sa'yo na maki-hang out sa akin though alam mong hindi ako straight?

Patrick: Oo! Wala naman akong nakikitang problema dun. Ano ka ba. Sige na, dude. Kitakits na lang bukas.

0*0*0*0

Mga mahinang katok ang gumising sa akin mula sa aking pagkakaidlip. Dahan-dahan akong bumangon at binuksan ang pinto.
'Ryan, kanina ka pa ba? Kain na tayo sa baba, nakahanda na ang hapunan.', ang sabi ni Mama.

'Sunod po ako.', ang sabi ko bago isarang muli ang pinto.

Kinuha ko ang tatlong Yanyan na ibinigay sa akin ni Gino. Dala-dala ko ito pagbaba para ilagay sa ref.

'Akala ko umalis na kayo?', ang tanong ko sa lalaking nakatalikod.

Lumingon naman siya agad at tumayo sa kinauupuan.

'Anak, upo ka na dito at sabay sabay na tayong kumain ng Mama mo. Tara na.', ang yaya ni Papa sa akin.

Dumiretso ako sa refrigerator at inilagay ang tatlong Yanyan sa loob nito.

'Wala na akong gana kumain.', ang sabi ko matapos isara ang ref at bago umakyat muli sa aking kwarto.

'Ryan! RYAN!', ang pagsigaw ni Mama sa akin.

Ngunit hindi ko na pinansin ito. Naiinis ako. Nagugutom pa ako. Nagagalit ako sa nangyayari.

'Pagpasensyahan mo na ang anak mo. Mahirap talaga sa kanyang tanggapin ang pagbalik mo. Hindi mo naman siya masisi.', ang sabi ni Mama kay Papa.

'Alam ko. Hindi naman ganon kadali iyon. Kelan mo ba balak sabihin sa kanya?', ang tanong ni Papa.

'Hindi ko pa alam. Bebwelo pa ako.', ang sagot ni Mama.
'O, tara na. Kain na tayo. Akyatan mo na lang ng pagkain si Ryan sa taas.', ang sabi ni Papa.

'O sige.', ang sagot ni Mama habang naglalagay ng kanin sa kanyang plato.

0*0*0*0

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Patrick matapos makipag-usap kay Ken. Bumangon siya at tinungo ang CR. Bigla niyang naisipang magshower. Nag-stay lang siya sa ilalim ng bumubuhos na tubig habang nag-iisip. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya pa kailangang magsinungaling kay Ken.

'Siguro dahil hindi ko pa siya ganon kakilala. Natatakot ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na tama ang mga observations niya. Ano nga ba talaga ako? Bakit ba biglang kay Gino ko hinahanap ang pagmamahal? Bakit naman dati normal ako na sa opposite sex naa-attract? Bakit nung pumasok si Gino sa eksena, biglang nag-iba? Kay Gino ko lang kaya mararamdaman ito? Natatakot na ako. Ganito na siguro ako forever. Tanggapin ko na lang.', ang magulong pag-iisip ni Patrick.

'Kaya ko na ba siyang kalimutan? Hindi, KAILANGAN ko na siyang kalimutan. Pero paano ko gagawin iyon? Mali yata na nagsinungaling ako sa kaisa-isahang taong makakaintindi sa sitwasyon ko ngayon. Kaso paano ko naman babawiin ang sinabi ko? Hindi ba ako lalong mapapahamak? Baka mawala din siya. Pero gusto ko nang ilabas 'tong sakit na nararamdaman ko. Simula nung gabi iyon, hindi pa ako nakakaiyak nang todo kaya ang bigat pa din ng dinadala ko. Natatakot akong mag-isa pero natatakot din akong aminin sa sarili kung ano 'yung nangyayari sa akin ngayon.' ang patuloy niyang pakikipag-usap sa sarili habang nasa shower.
0*0*0*0

Ryan: Gino.:((
...
...
Gino: O bakit sad na naman?
...
...
Ryan: Nandito pa rin si Papa. Tapos mukhang okay na sila ni Mama. Bakit ganon? Narinig mo naamn kung gaano kagalit si Mama kagabi diba?
...
...
Gino: Yeah. E baka nakapag-usap sila ng maayos?
...
...
Ryan: Ganon na lang iyon? Isang usapan lang matapos kaming iwan!! Naiinis ako kay Mama. Nagagalit ako kay Papa.

Hindi na nagreply si Gino pero ilang minuto pa ang lumipas nang biglang mag-ring ang phone ko.

Ryan: Hello.

Gino: Yanyan, wag ka magalit sa Papa mo. 

Ryan: Galit ako sa kanya! Iniwan niya kami para sa ibang babae. Alam mo yun, lumalaki ako ng walang father na naga-guide sa akin. Sobrang inggit ako sa mga kaklase kong kumpleto ang pamilya. Tapos, awa naman ako kay Mama kasi mag-isa niya akong tinaguyod. Then, all of a sudden, bigla siyang babalik! Bakit? Kasi iniwan din siya nung babae niya! Ano 'yun? Ikaw ba, hindi magagalit kapag ganon?

Gino: Calm down. Hinga, Yan. Isipin mo Papa mo pa din siya. Nagkamali siguro siya pero nandyan na ulit siya diba para ituwid yung mga mali niya. Hindi ba mas maganda kung bigyan mo siya ng chance na makabawi? Tutal diba ang gusto mo naman ay makumpleto ang pamilya mo. Ayan, kumpleto na kayo pero ayaw mo pa rin siyang tanggapin.

Ryan: Pero noon ko gusto iyon. Nung nagkaisip na ako ng matino at na-realize ko na hindi na naman namin siya kailangan ni Mama, hindi ko na inisip o hiniling na mabuo ulit kami.

Gino: Wag ka masyadong maging bato, Ryan. Alam ko deep inside gusto mo ding yakapin ang Papa mo. Pero ayaw mo lang aminin sa sarili mo kasi pinapangunahan ka ng galit.

Ryan: Hindi ganon kadaling kalimutan ang mga naging pagkukulang niya sa akin, sa amin ni Mama.

Gino: O, tahan ka na. Kumain ka na ba?

Ryan: Hindi pa nga e. Gutom na gutom na ako. Kaso nandun sila sa baba.

Gino: (tumatawa)

Ryan: O bakit ka tumatawa?

Gino: E kasi para kang bata. Wawa naman ikaw. Yung kaaway mo kasi nanduuuuuuun sa kusina kaya hindi ka makakain. (baby talk)

Ryan: Weeeeh. Ang corny.

Gino: Batit? Di ka ba natutuwa sa pagsasalita ko? Gusto mo awayin ko yung matagal nang umaway sa'yo? Ipa-punch ko siya. (baby talk pa rin)
Ryan: Tigilan mo nga. Nasira moment ko sa'yo e.

Gino: Wag ka na kasi umiyak.

Ryan: Hindi na nga po.

Gino: O baba ka na dun. Kumain ka na.

Ryan: Mamaya na kapag wala na sila.

Gino: Ngayon na.

Ryan: Mamaya.

Gino: Ngayon na. Isa.

Ryan: Dalawa?

Gino: Weh? Corny. Dali na, kain ka na.

Magsasalita na sana ako nang biglang may kumatok sa aking pinto at narinig ang boses ni Mama.

'Ryan.', ang pagtawag niya sa akin.

Ryan: Wait lang. Nandito si Mama. Bye!

Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Laking tuwa ko nang nakita kong may dala siyang pagkain pero hindi ko ipinakita iyon sa kanya.

'O kumain ka na. Nalipasan ka na.', ang sabi ni Mama.

'Thanks!', ang malamig kong sagot.

'Anak, pwede ba tayong mag-usap?', ang seryosong tanong ni Mama.

Agad ko nang sinimulang ang pagkain kaya't hindi ko na nasagot ang tanong ni Mama. Umupo siya sa aking kama at nagsimulang magsalita.

'Anak, nagagalit din ako sa Papa mo! Sobra-sobra. Pero hindi na natin siya pwedeng pabayaan ngayon. Dito na ulit siya sa atin titira.', ang panimula ni Mama.

Natigilan naman ako sa pagkain sa mga sinabi niya.

'Bakit? Ano 'tong bahay natin? Home for the homeless?? Iniwan na siya ng babae na IPINALIT niya sa inyo tapos ngayon papayagan niyo pa siyang bumalik dito? Mama, alam mo kung gaano kabigat ang iniwang sakit ni Papa sa'yo. Bakit natanggap mo pa din siya? Don't tell me na mahal mo pa siya 'coz that's absurd!', ang sabi ko.

'May sakit ang Papa mo! Kelangan niya tayo. May taning na ang buhay niya.', ang pag-iyak ni Mama.

Hindi na ako nakakilos sa sinabi niyang iyon. Parang na-paralyze ang buo kong katawan. Nawala ang pagkagutom ko. Para akong nanlamig sa sinabi ni Mama.

Part 23
Ry?', ang pagkuha ni Alicia sa aking atensyon.

'O, Ish! What's up?', ang malugod kong pagbati sa kanya.

'Wala naman. Pansin ko lang na kanina ka pa nakasimangot dyan.', ang sabi ni Alicia.

'Ah. Hindi naman. Okay lang ako.', ang pagsisinungaling ko.

'Okay lang ba kayo ni Gino? Hindi mo yata siya kasama ngayon.', ang pagpansin ni Alicia sa pagkawala ni Gino sa tabi ko.

'Oo, okay kami. Male-late lang daw siya. Baka sa next class na siya pumasok.', ang sagot ko sa kanya.

'Ah. Sige, dito na lang muna ako uupo.', ang sabi niya matapos kunin ang gamit sa isang upuang di kalayuan sa akin.

'Ikaw kamusta ka na?', ang pagtatanong ko sa kanya nang makaupo na siya sa tabi ko.

'Okay naman ako.', ang nakangiti niyang sagot sa akin.

'Masaya ka naman?', ang tanong ko ulit.

'Oo. Sakto lang. Busy sa school. Ayoko muna ng lovelife ngayon.', ang natatawa niyang sabi sa akin.

'Ganon? Wala ka nang balita kina Liz at John?', ang tanong ko.

'Ayoko na silang pag-usapan. Maghahanap na lang kami ni Mona ng boylet.', ang sabi niya sa akin.

Nagtawanan kaming dalawa. Sakto naman iyon sa pagpasok ni Gino sa room. Nakasimangot ito.

'O, sige. Doon na lang ulit ako. Later.', ang paalam ni Alicia nang makita si Gino.

Nginitian ko lang siya bago bumaling kay Gino dire-diretso ang pag-upo sa tabi ko na parang hindi ako nakikita.

'Uhm. Hello?', ang pagpapapansin ko.

Tiningnan lang niya ako ng masama at hindi nagsalita.

'O, anong problema?', ang tanong ko.

0*0*0*0


'Hi!', ang hingal na bati ni Ken kay Patrick.

'Ken! Nakakagulat ka naman. Bigla kang sumusulpot.', ang sabi ni Patrick.

'Kanina pa kita sinusundan. Ang bilis mong maglakad.', ang sabi ni Ken.

'Nagmamadali kasi ako. Baka ma-late ako sa class.', ang pagpapatuloy ni Patrick.

'Ganon ba? Magkaklase tayo mamayang 2pm.', ang pagpapahaging ni Ken.

'Yeah. I know.', ang maikling sagot ni Patrick.

'Reserve mo ako seat sa tabi mo ah. See you!', ang paalam ni Ken bago maglakad sa kabilang direksyon.

Bigla namang napatigil si Patrick sa sinabi ni Ken.

'What the hell?', ang nasabi niya sa sarili bago muling ipagpatuloy ang paglalakad.

0*0*0*0

'Alam mo, A. May napapansin na talaga akong kakaiba sa ikinikilos ng dalawang 'yan.', ang sabi ni Mona.

'Huh? Nino?', ang naguguluhang tanong ni Alicia.

'Ayun o. Sina Ryan at Gino. Tingnan mo.', ang pagturo ni Mona sa aming dalawa ni Gino.

Pasimple kong hinahawakan ang braso ni Gino dahil inaamo ko siya. Hindi niya ako pinapansin at hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya. Gusto ko pa naman siyang makausap dahil sa lagay ni Papa pero mukhang hindi pa ito ang tamang panahon.

'Ano ka ba, Mona? Binibigyan mo ng kulay lahat.', ang pagtigil ni Alicia sa ginagawa ng kaibigan.

'Hindi naman. Pero hindi na yan normal na gawain ng mga lalaki diba? Baka kaya ang bilis tanggapin ni Ryan ang pakikipag-break mo sa kanya dahil hindi siya straight?', ang sabi ni Mona.

Hindi naman na nakapagsalita pa si Alicia sa sinabi ng kaibigan. Hindi na niya alam kung paano ito lulusutan. Nang tiningnan niya ang kaibigan ay nanlaki ang mga mata nito.

'OH MY GOD!! Tama nga ako?', ang halos pasigaw nitong sabi.

'Mona! Shhhhh!', ang pagpapakalma ni Alicia sa kaibigan.

'Whaaaaaaaaattt?? You knew this all along?', ang hindi makapaniwalang tanong ni Mona.

'Nung night na nakipagbreak ako sa kanya, sinabi niya rin agad.', ang pagsasabi ni Alicia ng totoo.

Lumapit si Mona sa kanya at bumulong.

'So, sila na?', ang sabi nito.

Isang tango lang ang sinagot ni Alicia.

'Pero I'm all okay with it! Syempre medyo nasaktan din ako at first kasi meron pa rin sa aking part na wini-wish nung gabing iyon na ipaglaban niya yung relasyon namin pero mas ayoko naman. And thank God, hindi niya ginawa.', ang sabi ni Alicia.

'Grabe, na-speechless ako. No wonder kung bakit sila ganyan sa isa't isa.', ang sabi ni Mona.

'Mons, wag kang maingay ha. Tsaka hayaan na natin sila. Makakahanap din tayo ng boylet.', ang sabi ni Alicia.

'Oo naman. Medyo ang hirap lang i-digest. Hindi ko naman in-expect na totoo pala 'yung mga hinala ko.', ang sabi ni Mona.

0*0*0*0

Natapos na ang klase para sa araw na iyon. Hindi pa rin ako kinakausap ni Gino for some reason na hindi ko pa din alam.

'G. Ano, hindi mo ba talaga ako kakausapin?', ang tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa tapat ng park papuntang parking lot.

'Umuwi ka na, bukas na lang.', ang mga unang salitang sinabi niya sa akin buong araw.

'Ano ba naman yan?! Buong araw na kitang sinusuyo ah! Ang labo mo. Ano ba kasing problema mo?', ang pagsigaw ko sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad at binalikan ako sa kinatatayuan ko.
'Bakit kayo magkatabi ni Alicia kanina nang dumating ako sa room?! Akala mo sa next class ako papasok kaya ganon ang gagawin mo?! Makikipaglandian ka sa ex mo.', ang sabi sa kain ni Gino.

Hindi naman ako makapaniwala sa reason niya. Nabababawan ako.

'Diyos ko! Gino naman. Nakipagkwentuhan lang sa akin si Ish. Wala namang masama dun. Kaibigan ko pa rin 'yung tao.', ang sabi ko sa kanya.

Tinalikuran niya ako at nagpatuloy sa paglalakad. Agad ko naman siyang sinundan.

'Uy, Gino. Wag mo namang pag-isipan ng masama ang pagkakaibigan namin ni Ish. Ikaw naman ang pinili ko diba?', ang sabi ko sa kanya nang malampasan ko siya sa paglalakad at harangan siya.

'Alam mo, na-foresee ko na 'to e. Kaya ko lang naman sinabi sa'yo na sa next class ako papasok para malaman ko kung anong gagawin mo kapag wala ako. There. Nakita ko na. Babalik at babalik ka pa rin sa kanya.', ang sabi ni Gino.

'What? You're testing me?', ang naiinis kong tanong sa kanya.

Mukha namang naintindihan ni Gino na na-offend ako sa ginawa niya.

'Hindi naman sa ganon, Ry.....', ang sabi niya.

'E ano?? I-explain mo!! Wala kang tiwala sa akin?', ang galit kong baling sa kanya.

'May tiwala ako sa'yo pero...', ang hindi na naman niya natapos na sasabihin.

'Pero ano? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Kino-contradict mo lang ang sarili mo. You're testing me pero may tiwala ka? What the hell, Gino?!', ang sabi ko bago tuluyang lumayo sa kanya.

'Ryan!', ang pagtawag niya sa akin pero hindi na ako lumingon pa.

0*0*0*0

'Uuwi ka na niyan?', ang tanong ni Ken.

'Oo. Inaantok na ako e.', ang sabi ni Patrick.

'Sabay ka na sa akin.', ang yaya ni Ken.

'Hindi na. Magko-commute na lang ako.', ang pagtanggi ni Patrick.

No, I insist. Tara.', ang sabi ni Ken.

Hinila nito si Patrick sa braso. Nagulat naman si Patrick sa ginawa ni Ken pero hindi siya agad makapagdesisyon kung ano ang gagawin. Halos nasa may parking na sila ng inialis ni Patrick ang pagkakahawak ni Ken sa kanya.

'Ken, I don't have anything against you. Mabait ka. Caring and all. Pero  I think we should stop hanging out for a while.', ang sabi ni Patrick.

'What? Bakit?', ang tanong ni Ken.

'I'm still lost. Hindi ko pa nahahanap ang sarili ko. I don't wanna drag you into my life knowing that I am not yet fine.', ang sabi ni Patrick.

'Pero I'm willing to be dragged into anything for you. Pat, don't beat up yourself for what happened sa inyo ni Gino.', ang sabi ni Ken.

'Walang namagitan sa amin ni Gino.', ang matigas niyang sabi.

'You think paniniwalaan kita dahil sa paulit ulit mong pagsabi niyan? No. Kahit i-deny mo pa yan, alam ko ang totoo. Nakikita ko sa'yo na hindi yan. Nung tinawagan mo ako kagabi, alam kong nagsisinungaling ka. Hindi mo naman kelangang gawin iyon dahil tanggap naman kita.', ang sabi ni Ken.

'Sorry. Pero iyon na nga ang problema e. Tanggap mo ako. Pero hindi ko pa tanggap ang sarili ko. Natatakot ako. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maramdaman sa'yo kapag pinagpatuloy natin 'to. Ayoko.', ang sabi ni Patrick.

'Let me be here for you.', ang sabi ni Ken.

'No. Let's stop hanging out already! Masasaktan lang kita at masasaktan ko lang ang sarili ko. Ayoko na ng ganito. I'm so done with this. I'm sorry.', ang mga huling sinabi ni Patrick.

Tumalikod na ito kay Ken at naglakad papalayo. Agad namang humabol si Ken sa kanya at hinablot ang braso niya. Ikinulong nito ang dalawang pisngi ni Patrick sa kanyang mga kamay at binigyan ng isang masuyong halik. Agad namang nagpumiglas si Patrick at itinulak papalayo si Ken.

'Tell me you didn't feel anything.', ang sabi ni Ken.

'Ken. Please. Pagbigyan mo naman muna ang hiling ko. Huwag ka na munang lumapit sa akin.', ang matigas na desisyon ni Patrick.

0*0*0*0

Walang tigil ang pagtawag at pagtext ni Gino sa akin habang nasa biyahe ako pauwi. Kina-cancel ko ang mga tawag niya dahil sa sobrang pagkadismaya sa ginawa niya. Isang tawag pang muli ang na-receive ko ngunit hindi na ito si Gino.

Ryan: O, Ma. Malapit na ako bumaba.

Mama: Anak, magpunta ka dito sa ospital. Si Papa mo isinugod.

Agad akong bumaba ng FX at pumara ng taxi at sinabi ang hospital na binanggit ni Mama. Walang pang tatlumpung minuto ay nasa loob na ako ng hospital at pinuntahan ang ina.

'Ma, anong nangyari?', ang pag-aalala ko.

'Ryan. May lung cancer ang Papa mo. Nahirapan siyang huminga kanina.', ang umiiyak na sabi ni Mama.

Niyakap ko ang ina habang naghihintay kami sa lobby ng hospital. Hindi ako naiiyak pero nararamdaman ko ang bigat sa pakiramdam. Ama ko pa rin siya.

'Mrs. Alcantara.', ang pagtawag ng doctor kay Mama matapos ang operasyong ginawa.

'Doc, kamusta po ang asawa ko?', ang sabi ni Mama.

'Stable na po siya sa ngayon pero mahina na po ang baga ng inyong asawa.', ang sabi ng doctor.

'Pwede na po ba namin siyang puntahan?', ang tanong ng aking ina.

'Sige po.', ang pagpayag ng doctor.

Tinungo namin ni Mama ang kwarto ni Papa. Tulog ito nang aming madatnan. Hindi naman namin siya ginising at naghintay na lang. Nakatulog na ako sa sofa habang bumaba muna si Mama upang bumili ng aming makakain.

'Ryan.', ang mahinang pagtawag sa akin ni Papa.

Mababaw lang ang tulog ko kaya agad naman akong nagising.

'Kamusta ang pakiramdam nyo?', ang tanong ko matapos makalapit sa kanya.

'Hirap pa rin sa paghinga pero medyo mas okay na kesa kanina. Nasaan ang Mama mo?', ang sagot niya.

'Bumili lang ng pagkain. Babalik na rin iyon maya-maya.', ang sabi ko.

'Anak.', ang paghawak niya sa kamay ko.

Tiningnan ko lang siya. Naaawa ako sa kanya pero bakit hindi ko pa rin magawang patawarin siya kahit ganito na ang kalagayan niya.

'Patawarin mo ako kung hindi ako naging ama sa iyo. Patawarin mo ako kung iniwan ko kayo ng Mama mo. Nagkamali ako. At pinagsisisihan ko na ang lahat ng iyon. Gustuhin ko mang bumawi pero hindi na ako pinahihintulutan ng Diyos. Alam kong malapit na niya akong kunin.', ang sabi ni Papa.

Mabuti na lang at dumating na si Mama nang matapos magsalita si Papa. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Kelangan ko muna makalabas sa room na ito at makapag-isip isip.

'O, Raul. Gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?', ang pag-aalala ni Mama.

Inialis ko ang hawak ni Papa sa aking kamay.

'Ma, labas muna ako.', ang paalam ko sa ina.

'O, kumain ka muna.', ang baling ng ina sa akin.

'Mamaya na po.', ang sabi ko bago lumabas ng kwarto.

Tinungo ko ang malapit na coffee shop sa hospital. Pinipigilan ko ang sariling umiyak dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon.

'Kelangan talaga sabay-sabay? Si Gino hindi ako pinagkakatiwalaan. Si Papa naman ay may sakit at humihingi ng kapatawaran. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang hirap! Ano ba ang kulang na ipinapakita ko kay Gino? Kung kelan naman kailangan ko siya saka siya wala. Si Papa naman, bakit hindi ko pa maibigay ang kapatawarang hinihingi niya? Oo, galit ako sa kanya. Pero nandito na siya ngayon at nanganganib nang mawala any time soon. Hahayaan ko bang mawala siya na galit ang nararamdaman o pagbibigyan ko ang sarili na maramdaman ang pagkakaroon ng isang ama kahit panandalian lang?', ang mga naisip ko habang mag-isa.
0*0*0*0

Naiwang mag-isa si Ken sa may parking lot nang makaalis si Patrick. Napaupo na lang siya sa may gutter at iniisp ang mga pangyayari. Isang busina ang nagpabalik sa kanya sa katotohanan.

'O, anong ginagawa mo dyan? Lasing ka ba?', ang tanong ng taong nasa diver seat ng kotseng nasa harap niya.

'Ha? Hindi. Okay lang ako. May iniisip lang.', ang sagot naman ni Ken.

'Sabay ka na sa akin.', ang yaya nito.

'Di na. Nasa loob din sasakyan ko.', ang pagtanggi niya.

'Tara na. Inom tayo! Sagot ko.', ang pagpilit nito.

Tumayo na si Ken at sumakay sa kotse.

Part 24
'Musta, dude?', ang tanong ni Gino kay Ken nang nakasakay na ito sa sasakyan niya.

'Okay naman. Ikaw?', ang medyo malungkot na sagot ni Ken.

'Anong ginagawa mo dun? Bakit ka nakaupo dun? Para kang na-heartbroken ah.', ang may tono ng pag-aalala na tanong ni Gino.

'Hindi naman. Nag-away lang kami ni... ng kaibigan ko.', ang sabi ni Ken.

Hindi na sumagot si Gino at nag-focus na lang sa pagmamaneho.

'Saan pala tayo pupunta?', ang tanong ni Ken.

'Kahit saan lang. Parang gusto ko lang uminom. Okay lang ba sa'yo?', ang sabi ni Gino.


'Oo naman. Sige. Walang kaso yun, dude. Sagot mo naman e.', ang nakangiting sagot ni Ken.

0*0*0*0

Mag-isa pa rin ako sa coffee shop at halos wala pa akong balak bumalik sa loob ng hospital. Sobrang naiinis ako kay Gino. At sa ginawa niya.

Ryan: Ish?
...
...
Alicia: O? Bakit gising ka pa?
...
...
Ryan: Maaga pa naman ah.
...
...
Alicia: Ah. Oo nga. Hehe. Kamusta?
...
...
Ryan: Eto, hindi okay.
...
...
Alicia: Bakit naman?
...
...
Ryan: Magkaaway kami ni Gino.
...
...
Alicia: O, anong nangyari?
...
...
Ryan: Mukhang walang tiwala sa akin. He put me into a test! Kaya pala niya sinabi na hindi siya papasok sa first class para lang makita kung ano ang gagawin ko kapag wala siya. Tapos ayun, nakita niya na magkatabi tayo.
...
...
Alicia: What? Sorry, Ry. Ako pa yata ang naging dahilan.
...
...
Ryan: Hindi no. Nakakainis lang yung ginawa niya. Wala siyang trust sa akin. 
...
...
Alicia: Mag-usap na lang kayo.
...
...
Ryan: Yun nga e. Kanina ayokong makipag-usap sa kanya tapos ngayon namang gusto ko, hindi pa siya nagtetext.
...
...
Alicia: Tinext mo na ba?
...
...
Ryan: Ako ba dapat magtext sa kanya?
...
...
Alicia: Sige, pairalin mo pride mo.
...
...
Ryan: Hay.
...
...
Alicia: Nga pala, Ry. May gusto ako sabihin sa'yo.
...
...
Ryan: May boyfriend ka na?
...
...
Alicia: Hindi! Wag ka magagalit ah. Alam na ni Mona.
...
...
Ryan: Ang ano?
...
...
Alicia: Yung sa inyo ni Gino.
...
...
Ryan: WHHHHAAAATT?? Paano?
...
...
Alicia: Nakakahalata na rin kasi siya sa inyo e. Nung tinanong ako, yun napatahimik lang ako.
...
...
Ryan: Sobrang halata na ba kami?
...
...
Alicia: Na kayong dalawa na? Honestly, medyo.
...
...
Ryan: Okay. E ano naman. Diba? Haha. Malalaman din naman nila.
...
...
Alicia: Taray! Haha.
...
...
Ryan: Hindi ah.
...
...
Alicia: O, itext mo na.
...
...
Ryan: Pag-iisipan ko pa.

Isiniksik ko ang ulo sa brasong nakapatong sa table. Hindi ko na alam. Talaga bang ako pa rin ang mauunang magtetext? Oo, tinaboy ko siya kanina pero sobrang gigil lang kasi ako. Kaso basta na lang siya susuko ng ganon? Ah, ewan! Bahala na. Tatawagan ko na lang.

0*0*0*0

Pumasok sila sa isang bar kung saan puno rin ng mga estudyante mula sa university na pinapasukan. Inokupa nila ang isang table na di kalayuan sa entrance ng bar.

'O, dude. Ano gusto mo?', ang tanong ni Gino.

'Kahit ano na lang.', ang sagot ni Ken.

Um-order si Gino ng isang bucket ng beer at pulutan. Ilang sandali pa ay nasa harapan na nila ang mga iinumin.

'Kaklase ka namin sa halos lahat ng subjects no.', ang pagsisimula ni Gino.
'Oo. 'Yung major niyo na din kasi ang kinuha ko. Kaya ayun. Gusto ko na rin sana makasabay sa graduation niyo.', ang sabi ni Ken.

'Ah. Ilan pa ba back subjects mo?', ang tanong ni Gino.

'Tatlo pa. Lahat kinukuha ko na ngayon. Puro minor lang naman.', ang sagot naman ni Ken.

'Ah! Edi mabuti. Kasabay ka namin.', ang komento ni Gino.

'Bakit pala mag-isa ka lang ngayon? Di mo yata kasama si Ryan.', ang pag-iiba ni Ken ng pag-uusapan.

'Ah. Busy e. May kelangan pa daw siyang tapusin.', ang malamig na sagot ni Gino.

Kinuha nito ang phone niya at tiningnan.

'O, di mo ba sasagutin 'yan?', ang tanong ni Ken.

'Hindi. Wala 'to.', ang pagbabale-wala ni Gino sa tumatawag.

0*0*0*0

Ayaw talagang sagutin ni Gino ang mga tawag ko. Tumayo na ako, um-order muli ng kape upang dalhin paakyat sa kwarto ni Papa para naman magising pa rin ako sa pagbabantay. Agad rin naman akong lumabas at bumalik sa hospital nang makuha ko na ang order na kape. Mabagal lang akong naglalakad at maya't maya ang tingin ko sa aking cellphone.

Sakto namang pagpasok ko ay may nakabukas ang elevator at nagpapasukan pa lang ang mga nurse na aakyat sa kani-kanilang stations. Halos patakbo ko itong tinungo upang makahabol bago ito magsara.

 'Thanks.', ang sabi ko sa isang nurse na nag-hold sa pagsasara ng elevator.
Pinindot ko ang 4 at hinintay na lang ang pagbubukas sa floor kung saan naka-confine si Papa. Nang bumukas na ang elevator, agad akong lumabas at lumiko sa kanan. May mga nurse na biglang sumulpot mula sa kung saan, humahangos at itinutulak ang isang crash cart.

'CODE BLUE, 412!', ang sigaw ng isang nurse sa kung sino mang kausap nito.

'Code blue? 412?', ang naitanong ko sa sarili ko kung ano ang ibig sabihn ng  mga ito.

Hindi naman ako nursing student pero may pakiramdam akong hindi maganda ang ibig sabihin ng sinabi ng nurse na iyon. 412? Iyon ang room ni Papa. Medyo matagal bago nag-sink in sa akin ang lahat ng iyon. Mabilis kong tinakbo ang paseo patungo sa room ni Papa. Hindi ko na naramdaman ang init ng kape na tumatapon na sa aking kamay.

'Papa!', ang sigaw ko nang makapasok ako sa room.

Punung-puno ng mga nurse at doctor ang kwarto. Nakapalibot sila kay Papa. Si Mama naman ay nasa bandang likuran lang at hinahayaan niyang gawin ng mga nakakaalam ang kanilang trabaho.

0*0*0*0

Mahigit isang oras na rin silang nag-iinuman ni Ken. Parehas nang may tama ang dalawa pero mas higit ang kay Gino.

'Alam mo, pare, huwag kang maingay ah. Satin-satin lang 'to ah. Yung taong mahal ko, akala niya hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Pare! Hindi lang niya alam takot akong mawala siya sa akin.', ang sabi ni Gino.

'Pare, si Ryan ba 'to?', ang tanong ni Ken.

Napatigil naman si Gino sa paglaklak ng beer sa bote. Bigla nitong kinwelyuhan si Ken.

'Paano mo nalaman? Pinopormahan mo ba si Ry?', ang tanong ni Gino.

'Dude! Relax! Nagtatanong lang ako. Alam ko naman e. Lahat. Matagal na.', ang sabi ni Ken.

'Aminin mo na! Tangna!', ang pagsigaw ni Gino.

Nagsimula na silang maka-draw ng attention mula sa ibang mga customer.

'Hindi sa ganon, Gino. Pwede bitawan mo ako? Hayaan mo akong makapagsalita.', ang mahinahon pa ring sabi ni Ken.

May lumapit ng bouncer sa dalawa at pinaghiwalay sila. Agad namang lumabas si Gino ng bar na hindi tuwid ang direksyon. Sumunod naman agad si Ken kahit na pinigilan siya ng bouncer. Nag-iwan na ito ng pambayad sa nainom nila.

'I can handle this. Thanks!', ang mahinahon na sabi ni Ken.

Tinakbo niya ang paglabas ng bar. Hilo siya, oo. Pero nako-control pa naman niya ang sarili. Nakita niya si Gino na naglalakad sa may main road. Nilampasan nito ang sariling sasakyan.

'Gino!', ang pagtawag ni Ken sa kanya.

Hinawakan niya ito sa braso at sinubukang pigilan.

'Wag mo akong papakialaman! Umuwi ka mag-isa mo!', ang sigaw sa kanya ng lasing na si Gino.

'Gino, tara. Umuwi na tayo. Mag-taxi na lang tayo!', ang pag-ulit ni Ken.

Isang sapak ang isinagot ni Gino sa kanya. Agad naman siyang napahiga sa sahig sa lakas ng impact nito.

'Wag mong agawin si Ryan sa akin! Hindi lang 'yan ang aabutin mo.', ang pagbabanta ni Gino sa kanya.

'Dude! Makinig ka sa akin.', ang sabi ni Ken.

Ngunit nagpatuloy lang si Gino sa paglalakad. Hinabol pa rin siya ni Ken. Pasuray-suray ang lakad nito.
'Gino! Makinig ka sa akin. Si Pat. Si Pat ang matagal ko nang gustong pormahan. Hindi si Ryan.', ang sabi ni Ken nang nagawa niyang maunahan si Gino at mapigilan ito sa paglalakad.

Parang natauhan naman si Gino sa narinig na ito mula kay Ken. Isang malakas na busina ang nakakuha ng kanilang atensyon. Sa kagustuhan ni Ken na maungusan si Gino sa paglalakad ay hindi nito napansin na-reach na nila ang isang intersection at nakatayo na siya sa halos gitna na ng daan. Sa isang iglap ay nawala si Ken sa harapan ni Gino.

'Ken.', ang pagtawag ni Gino nang makita ang isang sasakyan na nakatigil hindi kalayuan sa kanya.

Malapit sa sasakyan ay isang lalaking nakahandusay sa gitna ng kalye. Unti-unting nagdaratingan ang mga tao.

'KEN!', ang sigaw ni Gino.

Halos parang nawala ang kalasingan niya sa bilis ng mga pangyayari. Agad niyang nilapitan ang kaibigan at nakita namang may malay ito. Bubuhatin niya na sana pero sinabihan siya ng mga taong huwag dahil baka may mga baling buto.

'Tumawag kayo ng ambulansya! Please! Tulungan nyo kami!', ang sigaw ni Gino.

0*0*0*0

Isang nakakabinging tunog ang nangibabaw sa aking tenga. Nabitawan ko ang hawak kong cup at natapon ang laman nito. Namumuo sa aking mga mata ang luha na kanina pa gustong tumulo.

'Papa?', ang sabi ko na halos hindi ko na nabigkas.

'Time of death...', ang sabi ng doctor bago tumingin sa relo niya.

'NO!! Hindi pa patay ang Papa ko! Gawin niyo ang lahat ng kaya niyo! Papa!!', ang sigaw ko sa kanila.

Lumapit ako sa aking ama. Inilagay ko ang dalawa kong kamay malapit sa kanyang puso at sinimulan itong i-pump. Natutunan ko iyon dati sa boyscout.

'Papa. Hindi ka pa pwede umalis. Papa!!!', ang sigaw ko.

'Ryan, I'm very sorry. We need to call your father's death.', ang sabi ng doctor.

'Anak, sige na. Pagpahingahin na natin si Papa mo.', ang sabi ni Mama sa akin.

'Pero...', ang tangi kong nasabi kay Mama at humagulgol na ako sa kanyang balikat.

'Time of death: 21:42', ang sabi ng doctor.

0*0*0*0

Labinlimang minuto yata ang lumipas bago pa makarating ang isang ambulansya sa pinangyarihan ng aksidente. Hindi ko hinahayaang makatulog si Ken sa takot na hindi na ito magising. Mabilis naman ang pag-rescue ng mga doctor at nurse sa kanya. Isinakay kami sa ambulansya habang ini-interview ako ng isang nurse.

'Gino.', ang mahinang pagtawag ni Ken.

'Ken? Huwag ka nang magsalita. Magiging okay ang lahat. Huwag ka lang agad susuko.', ang sabi ni Gino.

'Si Pat. Tawagin mo si Pat.', ang bulong nito sa kanya.

Tumango lang siya at ipinagpatuloy muna ang pakikipag-usap sa nurse.

...
...
...

Nakarating na sila sa hospital at agad na ipinasok si Ken sa emergency room. Bingyan rin ng check-up si Gino. Noon lang niya napansin na may mga dugo siya sa katawan gawa ng pagkakahawak niya kay Ken, naipupunas niya sa damit ang dugo nito.

'Sir, hindi na po kayo pwede dito. Maghintay na lang po kayo.', ang sabi ng nurse sa kanya.

Nagpunta na lang siya sa waiting area at doon tinawagan si Patrick.

Gino: Pat.

Patrick: O napatawag ka?

Gino: Ahm. Kasi. Wag kang mabibigla ah. May nangyari kasi kay Ken. Nasagasaan siya ng kotse.
Patrick: Ano???? Bakit? Kelan? Saang hospital??

Sinabi ni Gino ang details ng nagyari at kung nasaan sila ngayon.

Patrick: Sige, papunta na ako dyan.

No comments:

Post a Comment