Saturday, December 15, 2012

One Message Received (19-21)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 19


Tulala. Ganyan ako matapos magpaalam ni Gino nang gabing iyon. Sobra-sobra ang emosyon na naibuhos ngayong gabi. Hindi na ako makaiyak. Naubusan na yata ako ng luha. Hindi ko na alam kung paano ako bukas pagkagising ko. Paano ko haharapin si Gino? Si Patrick? Si Alicia? Saan ako pupulutin nito? Ang hirap. Ang bigat sa pakiramdam.

'Diyos ko, tulungan Mo po ako.', ang naibulong ko sa sarili bago pumikit.

0*0*0*0

Naglakad si Gino palabas ng village. Wala pa ring tigil ang kanyang pag-iyak hanggang sa makasakay siya ng taxi. Isinandal na lang niya ang ulo sa bintana at tiningnan ang dinaraanang lugar. Nagawa na niya ang lahat. Nasabi na niya ang matagal na niyang itinatago. Hindi rin niya alam kung paano siya bukas pagkagising.

'Paano ko haharapin si Ry bukas? Si Patrick?', ang naitanong niya sa sarili.

0*0*0*0

Halos mag-iisang oras nang nakahiga si Alicia sa kama ngunit hindi pa din siya dinadalaw ng antok. Nakapatay na ang lahat ng ilaw sa kanyang kwarto pero buhay na buhay pa rin ang kanyang diwa.

'Kakasimula pa lang naman namin ni Ryan e. Hindi pa naman siguro ganon kasakit sa kanya kung makipaghiwalay ako. Besides, gagawin ko rin naman iyon para maiwasang saktan siya. Pero paano kung hindi siya pumayag? Paano kung magalit siya sa akin kapag nalaman niyang ginamit ko lang siya sa pagsalo niya sa akin? Ang sama-sama kong tao.', ang mga bagay na tumatakbo sa isip ni Alicia na sanhi ng pagkawala ng antok.

0*0*0*0

Ang bigat ng katawan ko pagkagising kinabukasan. Life goes on. Hindi ko maaaring hayaan na maapektuhan ang aking pag-aaral ng nangyayari sa aking personal na buhay. Ang bagal kong kumilos ngayon. Hinihiling ko na sana tumigil ang oras. O kaya may mag-announce na walang klase. Ewan. Lumilipad ang utak ko. Ayoko na munang mag-isip.

Maaga akong dumating sa school para sa unang klase. Mangilan-ngilan pa lang ang tao sa loob ng classroom. Agad kong tinungo ang regular kong inuupuan at umidlip sandali. 30 minutes pa naman bago magsimula ang tanging klase ko para sa araw na ito.

'Ry.', ang paggising sa akin ng isang pamilyar na boses.

Agad naman akong nagmulat ng mata at nakita si Alicia sa aking tabi.

'Ish.', ang sabi ko bago luminga-linga upang tingnan kung nandyan na ba ang professor.

'Ry. Can we talk later? May gusto sana akong sabihin.', ang tanong niya.

'Sure. After class na lang sa park?', ang pagpayag ko.

'Sige.', ang sabi niya.

0*0*0*0

Habang himbing akong natutulog ay unti-unting nagdaratingan ang mga kaklase ko. Nauna si Alicia kay Gino na agad namang sinundan ni Patrick. Sina Katie at Doris ay dumating ilang minuto lang matapos si Patrick. Pansin nila ang pagtulog ko pero walang ibang naglakas-loob na gisingin ako kung hindi si Alicia. Ngunit bago iyon, kinausap ni Gino ang katabing si Patrick.

'Pat, pwede ba tayo mag-usap later?', ang tanong ni Gino.

'About?', ang magiliw na tanong ni Patrick.

'Basta. Pwede ba? After class?', ang  seryoso niya uling tanong.

'O sige. May kailangan lang ako ibalik sa lib. Saan ba? Sa park?', ang pagpayag ni Patrick.

'Okay. Sige, sa park. I'll meet you there.', ang sabi ni Gino.

0*0*0*0

Tulala na naman ako matapos akong kausapin ni Alicia. Ang dami kong iniisip na hindi na ako makapag-focus sa kanila. Parang feeling ko puro hanging ang laman ng utak ko ngayon.

'RYAN!', ang pagsigaw ni Katie sa pangalan ko.

'Yeah?', ang baling ko sa kanya.

'Kanina ka pa tulala dyan. Tinatawag kita e. Kamusta na? Nakapag-usap na ba kayo ni Gino?', ang pag-aalala niya.

'Oo. Kagabi, pumunta siya sa bahay.', ang sabi ko.

Binigyan ko nang mabilis na sulyap ang kinaroroonan ni Gino. Sa pagkakataong nakita ko siya, naramdaman ko ang bigat ng dinadala niya. Tahimik lang siyang nakayuko at nakikinig sa iPod niya. Si Patrick naman sa tabi niya ay himalang nakatalikod sa kanya at busy sa pagsusulat ng kung ano.

'O, okay na kayo?', ang tanong ni Katie.

'Hindi. Hindi ko alam. Parang lalo yatang lumala e.', ang sabi ko.

'Ha? Bakit? Nangialam na naman ba si Patrick?', ang tanong muli ni Katie.

'Hindi. Kaming dalawa lang ni Gino ang nag-usap. Kate, sasabihin ko na lang sa'yo kung ok na kami. Sa ngayon, sobrang lutang talaga ako. Sorry.', ang sabi ko sa kanya.

'Okay, sorry. Basta pag kelangan mo ng tulong, tawag ka lang.', ang sabi ni Katie bago bumalik sa upuan.

'Sure, thanks!', ang sabi ko.

0*0*0*0

'Hey, girls!!!', ang bati ni Liz kina Alicia at Mona pagpasok niya ng room.

'Hey.', ang malamig na bati ng dalawa.

'Hey? Hindi niyo ba ako na-miss?', ang perky niyang tanong.

'Hindi. Bakit ka naman namin mami-miss?', ang mataray na sabi ni Mona.

Nagitla naman si Liz sa pagtataray na ito ni Mona sa kanya. Si Alicia naman ay pasimpleng binigyan si Mona ng knowing look sinasabing itigil ang ginagawa niya.

'Wow. Meron ka? Taray much.', ang sabi ni Liz.

'Kakatapos ko lang. Ikaw, nagkakaroon ka ba? Naku, baka mag-worry si John.', ang diretsahang sabi ni Mona.
'What?', biglang nag-iba ang tono ni Liz.

'Yeah. Liz, alam na namin. Wag ka nang magmaang-maangan pa, manloloko!', ang sabi ni Mona.

'Alam niyo na ang ano?', ang tanong ni Liz.

'Cut the crap, Liz. Alam ko nang nagsinungaling ka sa akin nung sinabi mong nagpapatulong sa'yo si John para makipagbalikan siya sa akin. Nung time na makikitext ako sa'yo ay na-open ko 'yung message sa'yo ni John. How could you do this to me, Liz??? Ano bang naging kasalanan ko sa'yo?', ang mahinahong baling ni Alicia kay Liz.

'A. I'm so sorry. Ang bilis lang ng mga pangyayari. Hindi ko....', ang sabi ni Liz na agad namang sinapawan ni Mona.

'Wow. Mukha naman kasing nabibigay mo kay John ang pinakaiingatan ni A.', ang sabi ni Mona.

'Watch your mouth, Mona. Labas ka dito!', ang pagtataas ng boses ni Liz.

'At bakit? Kaibigan ko si Alicia! Niloko mo ang kaibigan ko kaya kasali ako dito.', ang sabi ni Mona matapos tumayo.

'A, maniwala ka sa akin, naging kami ni John nung wala na kayo.', ang sabi ni Liz.
'Hindi ako naniniwala. He fell out of love because of you! Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay.', ang sabi ni Alicia na nagpipigil ng pag-iyak.

'Mahilig ka pala sa trash, basurera!', ang sabi ni Mona.
'Sumosobra ka na ah!', ang sigaw ni Liz bago sampalin si Mona.

'Malandi kang hayop ka!!', ang sigaw naman ni Mona bago hablutin ang buhok ni Liz at sabunutan.

Pumagitna naman si Alicia at pilit na inilalayo si Mona kay Liz. Nagkagulo ang buong klase at pinaghiwalay ang dalawa.

'Manloloko ka, malandi!', ang sigaw ni Mona.

'WHAT IS THIS COMMOTION ALL ABOUT?', ang biglang eksena ng professor.

0*0*0*0

Roughly 15 minutes na lang bago mag-6PM, malapit nang lumubog ang araw. Nagmamadali akong lumabas ng library para makapunta sa park.

'Nagmamadali ka yata.', ang sabi ng isang pamilyar na boses na biglang lumitaw sa aking likuran.

Napalingon ako at hindi ko alam ang sasabihin sa aking nakita.

'P...Pat.', ang nautal kong sabi.

Hindi ko binagalan ang paglalakad, bagkus lalo ko pa itong binilisan. Pero nakahabol pa rin siya sa akin.

'Yeah, nagmamadali ako. Magkikita kasi kami ni Alicia sa park. May sinauli lang ako sandali sa lib.', ang sabi ko sa kanya.

'What a coincidence! Sa park din ang punta ko. Magkikita kami...ni Gino.', ang sabi niya na merong emphasis sa pangalang binanggit.

'Ah. Okay. Sige, see you!', ang sabi ko at tumungo na sa ibang direksyon.

'Wait!', ang pagpigil niya sa akin.

Napatigil naman ako sa paglalakad at nilingon siya.

'Ry, alam kong nasira ang pagkakaibigan natin dahil sa mga pinagagagawa ko. I'm very sorry for our friendship pero not for what I have done. Alam kong alam mo na. Halata naman sa'yo. Ryan, mahal ko si Gino. Sana huwag mong ipagkait sa akin 'yun.', ang seryoso niyang sabi.

'Pat, wala akong pinanghihinayangan sa pagkakaibigan natin kasi alam ko namang hindi ako ang sumira nun e. At wala rin akong ipinagkakait sa'yo. Sa totoo lang, matagal ko nang binigay sa'yo si Gino. Hindi naman ako nakikipagkumpitensya sa'yo e. Pero hindi mo mapipilit si Gino kung hindi ikaw ang gusto niya.', ang matigas kong sabi sa kanya.

Pinagpatuloy niya na ang paglalakad ngunit sa ibang direksyon. Marahil ay sobra siyang natamaan sa mga sinabi ko. Tinahak ko na ang daan patungo sa park kung saan malamang ay nandoon na si Alicia.
0*0*0*0

'Gino-ball. Kanina ka pa?', ang bati ni Patrick sa kanya nang makarating na siya sa park at nakita ng nakaupo sa damuhan si Gino.

'Hindi. Ngayon lang.', ang matamlay niyang sagot.

'O, anong pag-uusapan natin?', ang enthusiastic na tanong ni Patrick.

'Pat, hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'to. Pero, eto.', ang pagsisimula ni Gino.

Nakaupo na din si Patrick sa damuhan at nakikinig na sa sinasabi ni Gino. Nakatingin pa ito sa kanyang mukha.

'Masaya ako na kasama ka. Masaya ako na pinapahalagahan mo ako more than anything else. Sobra, sobrang thankful ako na nandyan ka para sa akin. Inaalagaan mo ako.', ang pagpapatuloy niya.

Unti-unti nang napapayuko si Patrick habang ang mga mata naman ni Gino ay nahaharangan na ng mga luhang nagbabadya nang pumatak.

'I don't like where this is going.', ang bulong ni Patrick.

'Pat. Hindi ko kaya. Hindi talaga. I'm so sorry.', ang pagpapakatotoo ni Gino.

Hinawakan niya sa braso si Patrick na siyang nagpapahid naman ng mga luhang agad na tumutulo sa mga mata niya.

'Bakit? Hindi mo naman kasi sinubukan e.', ang nangangatal niyang sabi.

'Sinubukan ko. Kung alam mo lang. Sobrang sinubukan kong suklian 'yung pinakita mo sa akin.', ang depensa ni Gino.

'Ganoon lang kabilis, sumuko ka na agad?', ang tanong ni Patrick.

'Pat, kapag pinatagal ko pa ito lalo ka lang masasaktan.', ang sabi ni Gino.

Nangingibabaw ang katahimikan sa dalawa. Tila wala na silang masabi sa isa't isa.

...
...
...
...

Hanggang sa basagin ni Pat ang katahimikan.

'Babae talaga ang gusto mo?', ang diretsahang tanong niya.

Hindi naman agad nakasagot si Gino. Iniisip niya kung ano ang dapat isagot. Ayaw niyang masaktan si Patrick kahit na alam niyang either way ay magagawa niya ito.

'Pat.', ang halos pabulong na sabi ni Gino.

Alam na ni Patrick sa tono ni Gino ang sasabihin nito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Tumayo na ito sa pagkakaupo at pilit na ayaw paniwalaan ang sinasabi ng isip niya.

'No, no, no. Hindi.', ang sabi ni Patrick sa sarili.

'Pat.', ang sabi ni Gino na nakatayo na rin at pilit na pinapakalma si Patrick.

'Wag mo akong hawakan!! I tried so hard to discount the fact that he is around!! Pero hindi talaga. Kahit anong gawin ko, Gino! Kahit ipangalandakan ko pa ang sarili ko sa'yo! Hinding hindi mo talaga ako magagawang mahalin. Kasi... Ka.. Kasi.... Si Ryan ang laman niyan! Si Ryan ang mahal mo! Aminin mo!!!', ang pag-iyak ni Patrick matapos duruin ang dibdib ni Gino.

'I'm so sorry. Hindi ko naman din alam. Nung ipinakita mo lang sa akin ang lahat ng ginawa mo, dun ko lang na-realize. Kasi siya lang ang naiisip ko. Pat, hindi ko naman ginustong umabot 'to sa ganito.', ang sabi ni Gino.

'May magagawa pa ba ako? Sobrang naibigay ko na lahat! Ayoko namang mag-stay ka sa akin dahil sa awa. Hindi awa ang hinihingi ko.', ang matapang na sabi ni Patrick.

'Pat. Sorry. Mahalaga ka sa akin. Pero hanggang dito na lang talaga.', ang pagtatapos ni Gino.

Kinuha na ni Patrick ang kanyang bag tinalikuran ang taong minamahal niya. Ngunit agad din itong lumingon muli para magpaalam.

'Gino-ball. Thanks. Mami-miss kita. Mami-miss ko kung anong meron tayo. I won't be here anymore for you. Alagaan mo sarili mo. Alagaan mo si Ryan. Parehas ko kayong kaibigan.', ang kanyang mga sinabi bago naglakad palayo.

0*0*0*0

Halos magkasabay lang din kami ni Patrick na dumating sa park. Mas nauna lang siguro siya ng kaunti dahil nang makita ko sila ni Gino ay nakaupo na sila sa damuhan. Nasa kabilang side naman si Alicia na nakaupo sa bench.

'Hi. Sorry. Kanina ka pa?', ang tanong ko.

'Medyo.', ang malungkot niyang sagot.

'Dumaan pa kasi ako sa lib. So, anong pag-uusapan natin?', ang pagtumbok ko agad sa rason kung bakit kami nagkita.

'Alam mo ba kung bakit nag-away sina Mona at Liz kanina?', ang tanong niya sa akin.

'Hindi. Bakit nga ba?', ang sagot ko.

'Kasi nalaman namin ni Mona na nagsinungaling si Liz sa amin. Hindi totoong nagpatulong si John sa kanya dati. Ang totoo niyan, may relasyon talaga sila. Naalala mo dati nung sinabi ko sa'yong he fell out of love? Si Liz ang dahilan. Inamin na ni Liz kanina.', ang kwento ni Alicia.

'Ish, alam mo matagal ko nang gustong ikwento sa'yo to. Pero nakita ko sila one time nung nag-mall ako. Alam ko na rin na may namamagitan sa kanila kaso ayokong magsalita. Ayokong isipin mo na sinisiraan ko ang ex mo para magpalakas sa'yo.', ang pagsasabi ko ng totoo.

'Salamat. Ry, hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at pumayag akong makipagrelasyon sa'yo agad knowing na si John pa rin talaga ang mahal ko. Hindi ganon kadaling kalimutan ang pinagsamahan namin.', ang pagpapatuloy niya.

Hindi naman ako nagsalita at nanatili lang na nakayuko.

'Ry, okay lang kung gusto mong magalit sa akin pero ito ang tandaan mo. Gagawin ko ito, tatapusin ko na agad kung ano man 'tong namagitan sa atin ng ilang araw, para na rin hindi kita lalong masaktan. I'm very sorry, Ry. I didn't want us to go here.', ang sabi niya.

Iniangat ko ang aking mukha na walang bahid ng lungkot. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian ko siya.

'Okay lang. There's no harm done. Actually, nung nakita ko sila sa mall, naisip ko na baka ginagamit mo lang ako. Pero wala naman akong pakialam dun. Basta ang alam ko nakatulong ako sa'yo. Ngayon, gusto mong tapusin 'yung namamagitan sa atin? Okay lang. Sa totoo lang, Ish. Napasaya mo ako sa ginawa mong ito. Nakikita mo yun?', ang sabi ko at ang pagturo ko sa isang taong nakatalikod.

0*0*0*0

Habang naglalakad siya papalayo sa taong minamahal ay pinilit na magpakatatag ni Patrick. Inaasahan na naman niya ang pagdating ng pagkakataong ito. Sa unang araw pa lang na aminin niya kay Gino ang tunay na nararamdaman at sa mga pagkakataong nakikita niyang magkasama kami, alam na niya na wala siyang pag-asa. Pero mas pinili niyang ibigay pa din ang lahat para wala siyang pagsisihan sa huli dahil alam niyang na-exhaust na niya ang lahat ng pwedeng maibigay kay Gino. Inihanda na niya ang sarili kapag dumating ang araw na hindi siya ang pipiliin ni Gino.

'Magiging masaya rin ako at makakahanap din ako ng taong magmamahal sa akin.', ang pagpapalakas ni Patrick sa sariling loob.

0*0*0*0

'O, si Gino 'yun diba?', ang tanong ni Alicia sa akin.

'Yup! Ngayon pwede ko nang aminin sa sarili ko kung sino talaga ang mahal ko.', ang nakangiti kong sabi sa kanya.

Bigla naman tumili ng malakas si Alicia. Halatang kilig na kilig.

'Sabi ko na e. Rrrryyyyyyyyy!!!! Tama palang hindi natin 'to tinuloy. Parehas pala tayo ng lahing gusto!', ang sabi niya sa akin.

'Ish, hindi naman. Siya lang gusto ko. Hindi ka naman galit sa akin?', ang tanong ko sa kanya.

'Hindi! Natutuwa ako sa'yo kasi nagpakatotoo ka na. I'm so proud of you!', ang sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

'Thanks! Though, that kiss we had was real.', ang pagpapaalala ko sa kanya.

Hinampas niya naman ako ng malakas.

'Grabe, hindi ito ang ini-imagine kong magiging kalalabasan ng pag-uusap nating 'to. Akala ko magagalit ka sa akin.', ang sabi niya.

Nginitian ko lang siya.

'O siya, lapitan mo na 'yun bago pa makawala.', ang pagtataboy niya sa akin.

0*0*0*0

'Tama ba ang ginawa ko? Bakit parang parehas pa silang nawala sa akin ngayon? Ayoko na. Bakit ba ganito kahirap?', ang pagmumuni-muni ni Gino.

'Pwedeng umupo sa tabi mo?', ang tanong ko na siyang ikinagulat ni Gino.

Hindi na ako naghintay ng sagot niya at umupo na sa tabi niya. Magkalapit ang mga braso namin. Nakatingin lang siya sa akin. Mistulang hindi maintidihan ang ginagawa ko.

'G.', ang pagtawag ko sa kanya.

Wala naman siyang response. Nakatingin pa din siya sa akin at parang pilit na inaalam kung ano ang susunod kong gawin. Alam ko wala sa hinagap niya ang sumunod kong ginawa.

Kinuha ko ang kanang kamay niya at ikinulong ito sa kaliwang kamay ko.

'Hindi ko na kaya, Gino. Hindi ko na kaya. Ayoko na.', ang sabi ko sa kanya.

Lalo namang nalungkot ang mukha niya at yumuko.

'Alam ko naman e. May Alicia ka na.', ang malungkot niyang sabi.

'Hindi pa ako tapos. Wait.', ang masaya kong tono.

Napatingin naman agad siya sa akin. Tiningnan ko ang mukha niya. Tinitigan ko ang mga mata niyang basa sa luha.

'Hindi ko na kayang saktan ka. Hindi ko na kayang saktan ang sarili ko. Ayoko nang maging bestfriend mo lang. G, simula ngayon, hindi ka na mag-isa.', ang sabi ko sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at bumulong.

'I love you, Gino.', ang bulong ko.

Halata namang na-overwhelm si Gino sa mga narinig at niyakap niya ako ng sobrang higpit hanggang sa mapahiga kami sa damuhan.

'Aray. Aray!!', ang daing ko.

'Pakiulit nga.', ang sabi niya.

'Sabi ko, I love you! Bingi!!', ang sigaw ko sa kanya sabay hampas sa dibdib.

'Oooooow.', ang daing naman niya.

Inilapit niya ang mukha sa akin. Tiningnan niya ako sa mga mata.

'I love you, too.', ang sabi niya bago ipitin ang ilong ko.

Tumayo siya at tumakbo palayo.

'GINOOOOOOOOOO!!', ang sigaw ko at paghabol sa kanya para makaganti.

Part 20
Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko matapos ang gabing nagkaaminan na kami ni Gino nang tunay na nararamdaman para sa isa't isa.


'Parang everything fell in their right places nung gabing iyon no?', ang pagpapatuloy ko sa pagre-reminisce nang kwento namin ni Gino.

'Yeah. Iyon na siguro ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.', ang sabi niya.

'Ang alin?', ang tanong ko sa kanya.

'Yung moment na 'yun. Noong una akala ko talagang iiwan mo na ako tapos bigla mong sinabi na mahal mo din ako. Ang sarap kaya ng pakiramdam.', ang pagbabalik-tanaw din niya.

'Parang ganito.', ang sabi ko.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at binigyan siya ng isang halik sa labi.

'Parang ganyan. I love you, Yanyan.', ang malambing niyang sabi sa akin.

'I love you, too, G.', ang pagbabalik ko ng lambing.

Apat na buwan na ang nakakalipas. Sa loob ng panahong iyon ay naging masaya naman kami. May kaunting tampuhan pero naaayos naman lahat. Nanatili kaming magkaibigan ni Alicia. Habang si Patrick naman ay hindi na namin nakakasama. Nagkikita pa rin kami sa klase sa iba na siya sumasama. Wala pang ibang nakakaalam sa relasyon namin ni Gino maliban kina Alicia, Katie, Doris at Patrick.

'Tara na. Male-late na tayo.', ang pagbangon ko mula sa aking kama.

'Mamaya na. Dito ka muna.', ang pagpigil niya sa akin.

'E paano kung....', ang hindi natapos kong sasabihin.

Hinatak niya ako pabalik sa kama at niyakap ng mahigpit.

'Oooow! Gino!!! Ang baho mo. Maligo ka na nga!!', ang pagpipilit kong makawala sa yakap niya.

'Hoy! Kahit hindi ako maligo ng tatlong araw, mabango pa rin ako.', ang sabi niya.

'Alam ko naman. Jino-joke lang kita e.', ang sabi ko kasabay nang mas mahigpit na pagyakap ko sa kanya.

Inihiga ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Rinig ko ang pagtibok ng puso niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinaglaruan ang mga daliri nito.

'Sino mahal mo?', ang tanong niya sa akin gamit ang kanyang malambing na boses.

Tumingala ako sa kanya at ngumiti.

'Ikaw.', ang maikli kong sagot.

'E sinong mahal ko?', ang tanong niya ulit gamit ang parehas na tono.

Tinuro ko ang sarili sabay ngumiti.

'Halika ka nga dito.', ang pag-aangat niya sa aking ulo upang maka-level ng sa kanya.

'Wag mo ako iiwan ha?', ang sabi niya sa akin.

'Oo naman. Basta wag tayong male-late ngayon.', ang sabi kong pabiro.

'Sabay na lang tayong maligo.', ang suggestion niya.

'Ayoko nga! Baka lalong tumagal.', ang natatawa kong sabi.

'Hmp. Ayaw pa! Makakatipid pa tayo sa oras at tubig.', ang pagpilit niya.

Inipit ko ang mukha niya sa aking dalawang kamay.

'Hindi pa ako handa. Wag ka magmadali.', ang sabi ko.

Bumangon na ako at tinungo ang CR para maligo. Narinig ko pa siyang sumigaw sa akin bago ko buksan ang shower kaya naman nakangiti akong naliligo.

'Make sure na naka-lock 'yan. Kung hindi, papasukin kita.', ang sabi niya.

0*0*0*0

'I can't believe na ga-graduate na tayo in a month! Grabe, ang bilis no.', ang sabi ni Mona kay Alicia.

'Oo nga e. Magwo-work na tayo.', ang sagot naman niya.

'Ay nako, basta ako. Magbabakasyon muna. Nag-promise si Mommy na maga-out of the country.', ang sabi ni Mona.

'Cool! Ako, hindi ko pa alam.', ang sabi ni Alicia.

Naglalakad ang dalawa palabas ng building. Katatapos lang ng klase nila para sa araw na iyon. Halos kasabay lang namin sila lumabas.

'Hi, Ish! Mona!', ang pagbati ko sa dalawa.

'Uwi na kayo?', ang nakangiting tanong sa akin ni Alicia.

'Nope. May dadaanan pa kami.', ang sabi ko.

'Ah. Sige. Ingat! Bye!!', ang paalam niya nang magkaibang direksyon na ang tatahakin namin.

Nang silang dalawa na lang muli ni Mona ay naglakas loob ang kaibigan na tanungin siya.

'Alam mo, matagal na akong nagwa-wonder kung bakit parang no hard feelings ang break-up niyo ni Ryan. Gets ko na dahil days pa lang naman kayo nun pero bakit ganon? Hindi man lang siya nagalit or what? Tsaka hindi naman sa pinagdududahan ko si Ryan or si Gino ha. Pero parang may kakaiba sa kanilang dalawa. Parang alam mo yun.', ang pangangantyaw ni Mona.

'It's a mutual decision, Mons kaya ganon. Tsaka masaya na kami parehas. Masaya ako ngayon na single ako. Saka na lang ako maghahanap pag nagwo-work na ako. Ano ka ba! Ikaw, kung ano-ano napapansin mo.', ang natatawang sabi ni Alicia sa kaibigan.

'One time kaya narinig ko sila nag-uusap. Parang ang lambing-lambing. Naiinggit na nga ako e. Tapos Yanyan pa tawag ni Gino kay Ryan. O? Diba? Super bromance!', ang sabi ni Mona.

'Ang chismosa mo! Susumbong kita kay Ryan!', ang pang-aasar ni Alicia.

'Walang ganyanan, A. Ako sinasabi ko lang kung ano ang nasa isip ko.', ang sabi ni Mona.

Bigla namang natahimik at halos mapatigil ang dalawa nang makitang magkasama sina Liz at John sa kabilang side ng nilalakaran. Hindi yata sila napansin ng dalawa dahil hindi ito tumigil sa paglalambingan habang naglalakad.

'Grabe, talagang binabalandra niya pa kung gaano siya kalandi.', ang sabi ni Mona.

'Girl, relax! I'm over it. Wala na akong pakialam sa kanilang dalawa.', ang nakangiting sabi ni Alicia.

0*0*0*0

'Grabe! Restaurant lang, hindi ka pa makapag-decide.', ang naiinis na baling sa akin ni Gino matapos naming umupo sa isang kainan sa mall.

'Sorry na. Sabi ko nga sa'yo, ikaw na ang magdecide e.', ang paghingi ko ng tawad.

'Ito na nga. Ano pa nga ba ang ginawa ko? Gutom na gutom na kasi kaya ako.', ang inis pa rin niyang sabi.

Um-order na siya agad para sa aming dalawa at medyo nasungitan pa ang waiter nang sinabi nitong 15 minutes pa bago madala ang food.

'E wala kasi akong appetite. Nakakain na kasi ako kanina.', ang sabi ko.

'Ikaw nakakain na, e ako? Hindi mo man lang ako iniisip.', ang pagtatampo niya.

'Hindi naman sa ganon. Naghahanap naman ako kung saan masarap kumain kaso hindi talaga ako makapag-decide.', ang paulit-ulit kong paliwanag sa kanya.

'Oo na!', ang sabi niya nang malakas pero may mga binubulong-bulong pa siya sa sarili.

'G, sorry. Hindi pa rin ako sanay sa ganitong set-up. Nag-aadjust pa rin ako sa sitwasyong hindi na lang ang sarili ko ang iisipin ko. Alam mo namang wala pa akong nagiging karelasyon. Meron pala, pero araw lang ang binilang.', ang paliwanag ko.

'My God, Ryan! 4 months na tayo, hindi ka pa rin maka-adjust. Bago naman maging tayo, mag-bestfriends na tayo! Nagagawa mo namang pumili ng kakainan natin dati. Bakit ngayon hindi?', ang inis pa rin niyang baling sa akin.

Wala na akong nasabi. Naisip ko na wag na lang siyang patulan dahil alam kong gutom siya. Siguro matapos makakain, okay na kami ulit.

0*0*0*0

Dahil sa mga nangyari, minabuti ni Patrick na hindi na ipagpatuloy ang aming pagkakaibigan. Sino pa ba ang lolokohin namin? Mahirap na talagang ibalik ang nasira na. Kaya naman ay nakahanap na siya ng bagong company sa ibang grupo. Ngunit kahit ganon, hindi na niya magawang ibigay ang buong tiwala sa mga ito sa takot na baka maulit lang ang nangyari sa pagkakaibigan namin. Inisip niya na panandalian lang naman ito, tutal magtatapos na rin naman sila.

'Pat, tara. Group study sa bahay. Kasama sina Bianca.', ang yaya ni Ken.

'Wag muna ngayon. May lakad ako e.', ang pagsisinungaling ni Patrick.

'Ay, sayang naman. Text mo lang ako kapag nagbago isip mo.', ang sabi ni Ken.

'Sure, thanks! Ingat kayo.', ang pagpapaalam ni Patrick.

Si Ken ang isa sa mga bagong nakasama ni Patrick. Isa siyang irregular student dahil shifter siya. Sina Bianca, Henry at Francine naman ay mga kaklase na namin noon pa. Pero hindi namin sila masyadong nakakahalubilo dahil sila iyong tipong tahimik lamang sa klase at parang laging may sariling mundo.

'Bye, Pat!', ang paalam ni Bianca.

'Bye, ingat kayo!', ang paalam muli ni Patrick.

Naglakad na palabas ng university si Patrick at umuwi mag-isa. Masaya na siya sa ganito. Excited na siyang makapagtapos para makapagsimula na siya ng bagong buhay. Wala naman siyang nararamdamang galit para sa akin o kay Gino. Tanggap naman niyang siya na ang talo.

Nang makasakay na siya ng FX ay kinuha niya ang phone nang mag-ring ito.

One Message Received: Ken Villanueva

Ken: Sana makasunod ka.:)
...
...
Patrick: Next time na lang siguro. Masama pakiramdam ko.
...
...
Ken: O, akala ko may lakad ka? Ano ba talaga?

Lagot! Huli ang pagsisinungaling ni Patrick. Hindi siya naging consistent sa alibi niya.

Patrick: Ah. E biglang sumakit ulo ko e.
...
...
Ken: Ah. E saan ba dapat lakad mo?
...
...

Nag-iisip siya nang kung ano ba ang magandang i-alibi na pupuntahan.

Patrick: Dinner with family.
...
...
Ken: Aww. Sayang. Pahinga ka na lang sa bahay.
...
...
Patrick: Yup.
...
...
Ken: Promise ha?
...
...
Patrick: Huh?
...
...
Ken: Promise, papahinga ka lang sa bahay ah?
...
...
Patrick: Opo.:)

Hindi naman maiwasan ni Patrick ang mangiti habang nasa FX dahil sa pag-uusap nila ni Ken.

Ken: Ayan.
...
...
Patrick: Anong nakain mo at ganyan ka ngayon?
...
...
Ken: Ano ba ako ngayon?
...
...
Patrick: Ahm. Extra caring?
...
...
Ken: E sabi mo masakit ulo mo e. Ano gusto mo gawin ko, sabihan kitang iuntog mo sa pader? Haha.
...
...
Patrick: Pilosopo!
...
...
Ken: Bakit, masama mag-care?
...
...
Patrick: Hindi. Strange lang. Ang weird mo.
...
...
Ken: Ouch. Weird pala ako.
...
...
Patrick: Joke lang. Grabe, sensitive much?
...
...
Ken: :)) ayaw mo talaga sumunod?
...
...
Patrick: Makulit? Hindi ka ba makakapag-aral na wala ako?
...
...
Ken: Hindi.

Halos mabitawan naman ni Patrick ang cellphone sa reply na ito ni Ken.

'Control yourself, Patrick. Wag mong hayaang maulit ang lahat ng nangyari.', ang pagpapaalala ni Patrick sa sarili.

Patrick: Ah! Gutom lang 'yan. Sige, later na lang.

Minabuti na ni Patrick na tapusin ang pag-uusap nila ni Ken dahil baka kung saan pa ito umabot. Halos hindi niya alam ang gagawin nang bumalik na siya sa realidad.

'Shit, lampas na ako!, ang sabi niya sa sarili.

'Manong, para po!', ang agad niyang pagpapatigil sa FX.

0*0*0*0

Ipinarada na niya ang sasakyan sa gilid ng aming bahay. Buong biyahe ay tahimik lang kami. Hindi ko alam kung dapat ko na ba siyang kausapin kaso baka singhalan niya na naman ako.

'G, bati na tayo.', ang paglalambing ko sa kanya.

'Oo na.', ang malamig niyang sagot sa akin.

'Uy, wag ka na tampo dyan. Please, bati na tayo.', ang pangungulit ko.

Hinawakan ko na ang braso niya at pinisil-pisil ito.

'E kasi naman ikaw e. Apat na buwan na tayo pero parang hindi ka pa maka-adjust. Ryan, boyfriend mo na ako!! Hindi na bestfriend.', ang sabi niya.

'Sinisigawan mo na naman ako. Alam ko naman e. Pero minsan naiilang lang ako. Masasanay din ako.', ang sabi ko.

'Kelan pa yan?! Hay!', ang malakas niyang tanong sa akin.

'G, wag ka naman ganyan. Kanina mo pa ako pinagtataasan ng boses. Nagso-sorry na nga ako sa'yo diba? Bati na tayo.', ang pagsuyo ko pa din sa kanya.

'Sige na. Pasalamat ka....', ang sabi niya sa akin habang tinitingnan ako ng nakakaloko.

'Ano?', ang nakangiti kong tanong sa kanya.

'Pasalamat ka, mahal kita. Pero sana tulungan mo ako i-work out 'to. Okay?', ang mahinahon na niyang sabi.

'Yes, boss! O, papasok ka pa?', ang tanong ko.

'Gusto mo pa ba akong makasama?', ang tanong niya.

'Oo. Dito ka ulit matutulog?', ang sabi ko.

'Ilipat ko na kaya lahat ng gamit ko sa kwarto mo.', ang pagiging sarkastiko niya.

'Sige. Tara! Kuhanin na natin.', ang pag-ride ko naman.

'Loko. Uuwi muna ako pero stay ako dito sandali. Papatulugin ko muna 'tong baby damulag ko.', ang sabi niya sa akin sabay kusot sa aking buhok.

'Aww. Oo nga. Baka sabihin ni Tita, kinidnap na kita.', ang sabi ko.

'Bakit, hindi ba?', ang pilosopo niyang tanong.

'Adik ka. Hindi no! Tara na nga sa loob.', ang yaya ko sa kanya.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Parang may kakaiba akong ingay na naririnig. Hindi ko alam kung 'yung TV ba iyon o sa kapitbahay.

'RAUL! HINDI GANON KADALI IYON! BASTA KA NA LANG BABALIK DITO AT GUSTO MONG ITUWID ANG LAHAT?? 13 YEARS! 13 YEARS KANG NAWALA!!', ang narinig kong pag-iyak ng isang pamilyar na boses.

Halos patakbo kong binuksan ang pinto. Si Gino ay agad namang nakasunod sa aking likod. Nakita ko si Mama, umiiyak, na nakatayo sa harapan ng isang lalaking nakaupo sa sofa. Agad silang bumaling sa direksyon namin.

'Papa?', ang hindi makapaniwala kong sabi nang mamukhaan ang lalaking kausap ni Mama.

Part 21
'Ryan? Ang laki-laki mo na ah! Ang gwapo ng anak ko.', ang pagpuri ng ama sa kanya.

Napako naman si Ryan sa kinatatayuan. Hindi niya mapigilang maiyak nang niyakap siya ng ama. Sobrang higpit nito na naramdaman niya ang pagka-miss ng ama sa kanya. Ngunit, hindi niya sinuklian ang aksyon nito.

'Anong ginagawa mo dito?', ang malamig niyang tanong.

'Ry, sa kotse lang ako ah.', ang pagsingit ni Gino bago lumabas.

'Anak, gusto kong makipag-ayos sa Mama mo at magsimulang muli. Patawarin mo ako. Patawarin niyo ako.', ang pagsusumamo ng ama.

'Wow. Ganon na lang 'yun?', ang masungit kong komento sa kanyang sinabi.

'Anak naman, nandito na ulit si Papa. Pagbigyan mo na ako. Patawarin mo ako kung iniwan ko kayo ni Mama mo.', ang sabi niya.

'Hindi na kita kailangan.', ang matigas kong sabi bago lumabas ng bahay.

'Ryan! Anak!', ang pagtawag sa akin ng aking ama.

Iniwan ko siyang umiiyak habang ang si Mama naman ay nanonood lang sa lahat ng nangyari.

'Tingnan mo kung ano ang naging tingin sa'yo ng anak mo. Ni hindi ka namin napag-usapan simula ng umalis ka. Masakit sa akin na palakihin siyang mag-isa pero maipagmamalaki kong nagawa ko iyon. Nakapagpalaki ako ng isang matalinong bata. Raul, matagal ka na naming kinalimutan. Huwag mo na kaming guluhin!', ang pag-iyak ni Mama sa aking ama.

0*0*0*0

Tumakbo ako palabas at sinalubong ako ni Gino.

'Ry, shhh. Tahan na.', ang pag-alo niya sa akin.

Agad akong yumakap kay Gino at umiyak. Sobrang sakit para sa akin ang makitang muli ang isang taong umiwan sa amin nang matagal na panahon. Oo, galit ang nararamdaman ko sa kanya. Wala akong nakagisnan na ama at nakita ko ang paghihirap ni Mama dahil sa kanyang pag-iisa.

'Pwede sa inyo muna ako?', ang tanong ko sa kanya.

'Oo naman. Tara. Tahan na.', ang sabi niya bago ako ipasok sa kotse.

Tahimik lang akong umiiyak sa buong biyahe namin patungo sa bahay nina Gino. Siya naman ay maya't maya ang sulyap sa akin. Hinahawakan din niya ang aking kamay tuwing masasaktuhan namin na red ang traffic light.

'Dito lang ako, Ry.', ang sabi niya sa akin.

Nang makarating kami sa kanila ay diretso agad kami sa kwarto niya.

'Okay ka na ba?', ang pag-aalala niya.

Umiling lang ako at ibinagsak ang ulo ko sa kanyang balikat. Hinawakan naman niya agad ako at iginiya paupo. 

'Sige lang. Iiyak mo lang yan.', ang bulong niya sa akin.

Wala na akong nasabi at panay lang ang hagulgol ko sa kanyang balikat. Siya naman ay walang tigil sa paghagod sa aking likod.

0*0*0*0

Nakahiga na si Patrick nang mga oras na nasa biyahe kami ni Gino. Nanonood na lang siya ng TV at nagpapaantok.

One Message Received: Ken Villanueva
Ken: Gising pa?
...
...
Patrick: Why?
...
...
Ken: Wala. Kamusta? Masakit pa ulo mo?
...
...
Patrick: Ah. Hindi na. Haha.
...
...
Ken: What time pasok mo tom?
...
...
Patrick: 2PM pa. Ikaw?
...
...
Ken: 3PM, gusto mo mag-lunch?
...
...
Patrick: Bakit?
...
...
Ken: Wala lang. Gusto mo?
...
...
Patrick: Sino kasama?
...
...
Ken: Ako.
...
...
Patrick: Ah. Di ko alam. Bahala na bukas. 
...
...
Ken: O sige, itetext na lang kita.

Hindi na nagreply si Patrick at inilayo na ang cellphone sa sarili. Hindi niya alam kung dahil ba sa recent heartbreak niya o sa talagang ipinapakita ni Ken, napapansin niya kasi na binibigyan siya nito ng extra attention. Ayaw niyang mag-assume. Ayaw niya nang masaktan. At lalong ayaw na niyang makapanakit. Mas minabuti na lang niya na huwag nang masyadong isipin iyon kahit na ipinagsisigawan ng isip niya na may something kay Ken.

'NO! Wala. Kakatapos ko lang kay Gino. Pagpahingahin mo naman ako. Ayoko na muna ng ibang tao sa buhay ko. Masyado pa akong broken ngayon.', ang pagsalungat niya sa sarili.

0*0*0*0

Nakatulog na ako sa sobrang iyak. Naalimpungatan na lang ako nang mag-alarm ang cellphone ni Gino. Nasa tabi ko siya at himbing na himbing ang tulog. Ako na ang nag-off ng alarm. Ang bigat at ang sakit ng aking mga mata. Bumalik ako sa pagkakahiga at siniksik si Gino.

'G, ang lamig.', ang bulong ko sa kanya.

Parang automatic naman niyang iniangat ang isang braso at ikinulong ako doon. Hindi ito nagmulat ng mata pero huminga ito ng malalim. Ang init ng pakiramdam sa loob ng yakap ni Gino. Wala siyang suot na pang-itaas kaya naman ang body heat niya ang naging solusyon sa panlalamig ko. Tinatamad akong lapitan ang aircon para i-fan ito.

'Good morning, Yanyan.', ang bati niya sa akin.

'Good morning, G.', ang sagot ko naman.

'Ginooooo!! Bumangon ka na dyan at nakahanda na ang tanghalian!', ang pagsigaw ng ina niya kasabay ang sunud-sunod na katok.

Para naman kaming nakuryente sa bigla naming paghihiwalay. Kinabahan kami parehas sa takot na makita kami ng mommy niya na magkayakap. Binuksan ko ang pinto.

'Hi, Tita! Good afternoon po!', ang bati ko sa kanya.

'Ryan! Nagulat naman ako sa'yo. Hindi ko alam na dito ka pala natulog.', ang magiliw na pagsagot niya sa akin.

'Tulog na po yata kayo nung dumating kami ni Gino. Sorry po kung hindi na kami nakapagpaalam.', ang sabi ko.

'Nako, okay lang iyon hijo! Para na rin kitang anak. O siya, sandali. Aayusin ko muna 'yung tanghalian ninyo ha.', ang paalam niya.

'Sige po. Salamat, Tita!', ang sabi ko bago isara ang pinto.

Mukhang nakabalik naman sa pagtulog si Gino. Nilapitan ko siya at ginising.

'G. Gising! Kinabahan ako dun. Akala ko makikita tayo ni Tita.', ang sabi ko.

'Mamaya na. Antok pa ako. Dito ka muna.', ang paghila niya sa akin pabalik ng kama.

'Bangon na. Nagugutom na ako. Nakahanda na raw pagkain natin sa baba.', ang paghatak ko naman sa kanya.

'Mamaya na. 5 minutes. Ok?', ang sabi niya.

Hindi na ako sumagot at umupo na lang sa tabi niya. Ipinulupot naman niya ang braso sa aking tyan at pinagbigyan ko na siya sa 5 minutes na hinihinging dagdag na tulog.

0*0*0*0

Nagising si Patrick sa sunud-sunod na ring ng phone niya.

Pat: Hello?

Ken: Hi, Pat. Sorry, nagising yata kita.

Pat: Okay lang. O bakit?

Ken: Lunch, remember?

Pat: Ow. Hindi naman ako nag-yes diba?

Ken: Yeah. Pero I think wala ka na rin choice e.

Pat: Bakit naman?

Ken: Silip ka sa window.

Agad namang bumangon si Patrick at sumilip sa bintana. Naroon nga si Ken, nakatayo sa gilid ng nakaparadang sasakyan.

'Damn it. Paano nito nalaman ang bahay ko??', ang bulong ni Patrick sa sarili.

Pat: Fine. Pero sa labas mo na ako hintayin. Wait.

0*0*0*0

'Sure you're okay na?', ang tanong sa akin ni Gino habang nasa sasakyan kami papunta sa school.

'Yup. Nagtext na si Mama. Mag-uusap daw kami mamaya pag-uwi ko.', ang sabi niya sa akin.

'Okay. Basta when you need a place to crash, dito sa bahay, always welcome ka.', ang sabi ni Gino.

'Thanks, Gino pero I think sasamahan ko muna si Mama.', ang sabi ko sa kanya.

Nakatulog ako sa biyahe namin papuntang school. Nagising na lang ulit ako nang may kung anong malamig ang ikinikiskis sa aking mukha. Nagulat ako nang magmulat ako ng mata na siyang ikinatawa ni Gino.

'Chill! Ice cream lang 'yan.', ang sabi ni Gino.

'Ang sama mo! Paano kung inatake ako sa puso??', ang inis kong sabi sa kanya.

'Sorry na. O, para naman gumaan ng konti pakiramdam mo. Alam kong fave mo yan. Hot fudge sundae.', ang pag-aabot niya sa akin.

'Grabe, nagdrive thru pa talaga.', ang sabi ko.

'You're welcome!!!', ang sarkastiko niyang baling sa akin.

'Thank you!', ang sabi ko bago siya gawaran ng halik sa pisngi.

'Yuck, lagkit!!', ang reklamo niya.

'Arte mo!', ang sigaw ko.

'Isa pa.', ang sabi niya habang tinuturo ang pisngi niya.

'Ang gulo mo! Nagrereklamo ka tapos isa pa.', ang naiinis na natatawa kong sabi.

0*0*0*0

'So, what's with the sudden interest?', ang tanong ni Patrick habang kumakain sila sa isang Chinese restaurant.

'Huh?', ang parang hindi naintindihan na tanong ni Ken.

'I mean, bigla kang nandyan parati. Text ka ng text. You seem to care a lot.', ang sabi ni Patrick ng diretsahan.

'Ayaw mo ba?', ang tanong ni Ken.
'Wala naman akong sinabing ganyan. Tinatanong ko lang kung bakit.', ang sabi ni Patrick.

Medyo hindi agad nakasagot si Ken. Naghihintay naman si Patrick sa isasagot ng taong kaharap.

'Pat, alam ko lahat. Lahat ng nangyari sa'yo, sa friendship niyo ni Ryan at sa inyong dalawa ni Gino.

Halos hindi naman makapaniwala si Patrick sa narinig. Ayaw pa rin siyang lubayan ng nakaraang gusto na niyang kalimutan.

'Ano? Paano naman nangyari 'yun?', ang naguguluhang tanong ni Patrick.



No comments:

Post a Comment