Saturday, December 15, 2012

One Message Received (16-18)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 16


Dalawang linggong pahinga lang ang ibinigay sa amin bago ang enrollment para sa huling semester. Kakatapos pa lang ng unang linggo. Ngayong araw na ito ay magkasama si Gino at Patrick sa pagsisimba. Nasa kalagitnaan ng misa ng biglang nag-vibrate ang phone niya.

One Message Received: Ryan Alcantara
Ryan: Ahem.
...
...
...
...

Nakita ni Patrick na nagbukas ng phone si Gino at agad niya itong sinabihan.

'Uy, mamaya na 'yan. Nagmi-misa diba?', ang bulong niya dito.

Hindi naman sumagot si Gino at ibinalik na lang ang phone sa kanyang bulsa. Kinuha naman ni Patrick ang kamay ni Gino at nagsimulang kumanta ng 'Ama Namin'. 

0*0*0*0

Nasa bahay lang ako buong araw dahil nag-out of town sina Alicia. Sinubukan kong makipagkita kina Katie at Doris ngunit may kani-kaniyang lakad ang mga ito. Naisipan ko na lang na itext si Gino. Baka naman pwede kaming umalis. Ang tagal na din naming hindi nagkakasama. 

'Nakaka-miss din pala.', ang sabi ko sa sarili ko.

Nakahiga lang ako sa kama habang nagpapatugtog ng malakas. Maya't maya ang tingin ko sa aking cellphone matapos itext si Gino.

'Hay. Nakalimot na yata talaga.', ang malungkot kong naisip.

Minarapat ko na lang na maligo at magbihis. Bahala na kung saan mapadpad. Ayoko lang na nasa bahay ngayon. Nalulungkot ako. 

0*0*0*0

'Oy, ang tahimik mo.', ang sabi ni Patrick.

'Huh?', ang sabaw na baling ni Gino sa kanya.

Umuwi sila kina Patrick matapos ang misa at doon nag-merienda. Nasa kusina sila at tahimik na kumakain ng baked mac na siyang ginawa mismo ni Patrick.

'Sabi ko ang tahimik mo.', ang pag-uulit ni Patrick.

'Wala lang ako sa mood. Pat, ok lang ba kung umakyat muna ako saglit?', ang paalam ni Gino.

'E di mo pa nauubos 'yang kinakain mo.', ang sabi ni Patrick.

'Mamaya na lang.', ang sabi ni Gino bago tumayo at umakyat sa kwarto.

Naiwan namang mag-isa si Patrick sa baba at inubos na ang pagkain sa plato bago sumunod kay Gino sa taas. Napapaisip siya sa kung ano ang nangyari dito at sobrang tahimik.

Agad naman niyang tinungo ang kwarto at nakita si Gino na nakahiga na nakatalikod sa pinto. Maingat siyang lumapit dito at nakitang payapang nakapikit ang mga mata nito. Umupo siya sa sahig.

'Gino-ball. May problema ba? Kanina ka pa tahimik.', ang pag-aalala ni Patrick.

Nagmulat naman ng mata si Gino at tiningnan ang taong nasa harap niya.

'Ok lang ako. Inaantok lang siguro. Don't worry.', ang pilit na ngiting sabi ni Gino.

Muli itong pumikit. Ngunit hindi naman talaga siya inaantok. Ayaw lang niya na sabihin kay Patrick ang bumabagabag sa kanya.

'Nahihirapan na ako. Alam ko, ilang araw pa lang simula nang nalaman ko ang tunay na pagkatao ni Patrick at kung paano ko tinanggap iyon pero bakit ganon? Feeling ko nag-iisa ako ngayon.', ang sabi ni Gino sa sarili.

Umalis naman si Patrick sa pagkakaupo sa sahig at lumipat sa kabilang side ng kama. Naroon ang phone ni Gino. Saktong pag-upo niya ay nakita niyang may nagtext.

0*0*0*0

Nagpunta ako sa mall. Naglakad-lakad hanggang sa sumakit ang mga paa ko. Nagpunta ako sa movie house at tumingin ng magandang pelikula. Pero walang nakapukaw ng atensyon ko. Halos isang oras na rin akong paikot-ikot. Nagpunta ako sa isang bookstore at naghanap ng librong mababasa. May nabili naman ako at agad akong tumungo sa isang yogurt shop at doon ipinahinga ang mga pagod na paa. Bubusugin ko na lang ang mga mata ko sa librong aking binili habang kumakain ng malamig na yogurt ice cream.

Halos patapos na ako sa unang chapter nang makuha ng dalawang taong pumasok sa shop ang aking atensyon dahil sa pamilyar na boses ng babae. Agad akong tumingin at hindi nagkamali sa aking narinig.

'Liz?', ang mahinang sabi ko.

Pumasok siya sa shop kasama ang isang lalaking nakaakbay sa kanya. Pasimple lang akong tumitingin sa kanilang dalawa. Nagkunwari akong busy sa pagbabasa at itinago ang aking mukha sa libro. Maya't maya ang sulyap ko sa dalawa na hindi kalayuan ang kinauupuan sa akin.

'Bakit sila magkasama ni John? Akala ko ba ay nagpatulong ito kay Liz para makipagbalikan kay Alicia? Niloloko lang ni Liz si Alicia! Alam niya na kaya 'yun? Dapat ko bang sabihin?', ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa at hindi na masyadong pinakialamanan ang dalawa. Mga labinlimang minuto pa ang lumipas nang tuluyang lumabas ang dalawa na magkahawak kamay. Walang duda na talagang may namamagitan sa dalawa.

'Ayokong manghimasok. Hindi naman ako sigurado kung naging sila ba matapos ang relasyon nila ni Alicia o kaya nag-break ang dalawa dahil kay Liz. Kaya ba na-fall out si John?', ang patuloy na gumugulo sa akin.

Natatakot naman akong i-open up ito kay Alicia ngayon dahil nasa trip ito kasama ang pamilya niya. Kinuha ko ang aking phone at tinext si Gino. Nami-miss ko na ang bestfriend ko. Kahit na ganito ka-sensitibo ang isang bagay ay napag-uusapan namin.

Ryan: G! Saan ka? Miss na kita! Hahaha! Let's talk?

0*0*0*0

Naka-vibrate ang phone ni Gino. Sa ibang unan ito nakapatong kaya't hindi nito naramdaman ang pag-vibrate. Agad na tiningnan ni Patrick ang phone niya.

One Message Received: Ryan Alcantara

Natukso naman si Patrick na buksan ang phone ni Gino nang makitang ako ang nagtext. Tiningnan niya muna si Gino na mistula nang tulog bago buksan ang message ko.

Ryan: G! Saan ka? Miss na kita! Hahaha! Let's talk?

Paulit-ulit na binasa ni Patrick ang mensahe ko bago niya ito in-erase.Ipinatong niya ang phone sa bedside table bago humiga at yumakap kay Gino. Nagulat naman ang huli sa pagpulupot ng kamay ni Patrick sa kanyang katawan.

'WHAT THE HELL, PAT?!', ang sigaw ni Gino.

Biglang napatayo si Gino habang si Patrick naman ay gulat na gulat sa naging reaction nito. Ang bilis ng kabog ng dibdib niya. Nakita ba ni Gino ang ginawang pangingialam niya sa phone?

'Sorry.', ang tangi lang na nasabi ni Patrick.

Mukha namang nahimasmasan na si Gino at umupo ito muli sa kama.

'Sorry, nagulat lang ako. Bigla bigla naman kasing nangyayakap e.', ang sabi ni Gino.

'Akala ko sasapakin mo ako.', ang natatakot na sabi ni Patrick.

'Loko! Mas malaki ka pa sa akin.', ang asar ni Gino.

'Kahit na. Di naman kita kayang saktan.', ang mahinang sabi ni Patrick.

Bigla namang na-awkward si Gino sa mga sinabing iyon ni Patrick.

'Kelangan ko nang umuwi. Baka bulyawan na naman ako ni Mama.', ang paalam ni Gino.

Nag-ayos na ito ng sarili at agad ding umalis. Oo, masaya siya na nandyan si Patrick sa kanya at nagagawa pa din nila ang mga ginagawa nila kahit na nalaman niya ang nararamdaman nito para sa kanya. Nagkaroon ng kaunting lambingan na okay lang naman sa kanya. Pero may mga oras pa din  na naiilang siya. Ang laking tao ni Patrick! Lalaking lalaki ang hitsura nito. Hindi niya lubos maisip na magsasabi ito ng mga nasabi niya kanina sa kanya. Parang hindi bagay. Parang ang off lang.

0*0*0*0

'Hay. Wala talagang reply. Binabalewala na niya talaga ako.' ang sabi ko sa sarili bago magdesisyon na umuwi na.

Naglalakad na ako papunta sa parking lot. Parang gusto kong puntahan si Gino sa kanila. Hindi ko alam pero parang feeling ko kailangan niya ako.

Nag-ring naman bigla ang phone ko habang nag-iisip kung pupuntahan ba ang kaibigan o hindi. Si Alicia, tumatawag.

Ryan: Hi, Ish!

Alicia: Hi, Ry.

Ryan: O kamusta? Napatawag ka.

Alicia: Okay lang naman. Pabalik na kami ng Manila bukas. Ano gusto mo pasalubong?

Ryan: Ikaw.

Alicia: Ako?

Ryan: I mean, ikaw na bahala.

Alicia: Bakit ang ingay?

Ryan: Nasa mall ako.

Alicia: May ka-date?

Ryan: Wala no. Bumili lang ako ng libro tapos nakita ko sina...

Alicia: Sino?

Ryan: Huh?

Alicia: Sinong nakita mo?

Ryan: Wala. Ah. Eh. Uhm. Yung mga kaklase ko nung high school pero hindi ako nagpakita sa kanila.

Alicia: Ah. O ano oras ka uuwi?

Ryan: Di ko alam. Papunta ako kina Gino.

Alicia: Ah. O sige. Ingat sa pagda-drive ha?

Ryan: Opo.

Alicia: See you tomorrow!

Ryan: Ingat ka. Ingat kayo. Bye!

Lumabas na ako ng mall at tinungo na ang kotse ko. Agad akong umalis papunta kina Gino. Nag-drive muna ako sa isang fastfood chain matapos madaanan ang favorite niyang lugar. Ibinili ko siya ng usual order niyang burger at fries at in-upsize ito. Nalimutan kong bumili nung nasa mall ako dahil wala naman ito sa aking plano.

0*0*0*0

Nagbukas si Gino ng TV sa kwarto kahit na hindi naman siya nanonood. Gusto lang niyang makarinig ng ingay para hindi niya marinig ang mga ingay na nasa utak niya. Wala siyang ideya na malapit na ako sa bahay nila noon.

Nagparada ako sa gilid ng gate nila at nag-doorbell nang makalabas ng sasakyan.

'Ryan!! Kamusta???', ang magiliw na bungad sa akin ng mommy niya.

'Hi, Tita!! Okay naman po. Kayo po?', ang sabi ko.

Pinapasok na niya ako sa loob habang walang tigil ang pagsasalita.

'Eto kadarating lang from work. Ang tagal mo nang hindi nabisita ah. Akala ko hindi na kayo friends nitong si Gino. Kamusta? Parang pumapayat ka yata! Si Mommy mo, kamusta?', ang sunud-sunod na tanong niya.

'Okay naman po si Mama. Busy din po sa work e. Tita, si Gino po?', ang sagot ko at paghahanap kay Gino.

'Nako, hindi ko alam kung nariyan na. Laging nandoon sa kabilang village yan ngayon. Kina Patrick. Kilala mo ba 'yun?', ang pag-iiba ng tono ng ina niya.

Napasimangot naman ako nang ma-confirm na totoo ngang lagi silang magkasama.

'GINNNNNOOOOOOO!!', ang sigaw ng mommy niya.

'Ah. Opo. Kaklase po namin 'yun. Ngayon lang po sila naging close ni Gino.', ang sagot ko.

'Nako. Gabi-gabi na lang iyan. Kung hindi late umuwi, umaga na! Namimihasa.', ang sabi niya.

Para naman akong ibinabaon sa mga salita ng ina ni Gino. Hindi lang niya alam na nasasaktan ako sa mga naririnig ko. May iba na nga yatang bestfriend ang bestfriend ko.

'Sandali lang ah. Aakyatin ko lang.', ang paalam ng ina niya.

0*0*0*0

'Gino!!', ang pagtawag ng mommy niya sa kanya kasabay ang magkakasunod na katok.

'Ano?!', ang padabog na pagbubukas nito ng pinto.

'Nandyan si Ryan sa baba.', ang sabi ng ina.

'Huh? Sabihin mo wala pa ako!', ang inis na sabi niya sa ina.

Ibinagsak niya ang pinto at agad na humiga sa kama. Hindi niya maisip kung bakit ayaw niya makiapg-usap sa kaibigan. Kailangan niya ng kausap, oo. At ako ang gusto niyang makausap kapag ganitong namomroblema siya. Pero hindi niya alam kung maiintindihan ko ba siya once na sabihin niya ang lahat sa kanila ni Patrick. Alam niya ang pagseselos ko sa pagkakaibigan nilang dalawa. Alam din niyang masaya ako kay Alicia. Parang ayaw na niyang dagdagan pa ang selos ko at bawasan ang kasiyahan ko kay Alicia.

Bumaba naman agad ang mommy niya at kinausap ako.

'Ryan, hijo. Magkaaway ba kayong dalawa?', ang tanong nito.

'Po? Hindi naman po. Bakit? Ano po bang sabi?', ang laking pagtataka ko.

'Sabihin ko daw na wala siya. Hay. Kausapin mo nga 'yang kaibigan mo. Napakabugnutin ngayon. Sige na, umakyat ka na sa kwarto niya.', ang sabi ng ina niya.

Tinungo ko na agad ang hagdan habang malalim na nag-iisip kung ano ang nangyayari kay Gino. Nalaman ko ding tama ako na kailangan niya ng kausap ako pero bakit pati ako ipagtatabuyan niya? Ang gulo. Kumatok ako nang makahinto ako sa harap ng pinto niya.

'Sabi nang sabihin mo sa kanya na wala pa ako!!', ang bungad ni Gino sa akin.

'Hi.', ang tangi kong nasabi.

'Ry.', ang gulat niyang banggit ng pangalan ko nang makita ako.

'O, ano nangyayari sa'yo? Bakit ayaw mo magpakita sa akin? Nakadalawang text ako sa'yo ah.', ang sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam pero naiiyak ako. Pinipigilan ko lang.

'Sorry. Sobrang lutang ako ngayon. Dalawa?', ang sabi niya.

Pumasok na ako at umupo sa kama niya.

'Lutang? Come on! Kinakalimutan mo na ba talaga ako? Oo. Nasa mall ako kanina, ako lang mag-isa. Tinext kaya kita. Tinanong ko kung nasaan ka.', ang paliwanag ko.

'Huh? Ang na-receive ko lang e yung kaninang text mo na 'Ahem.'. Kaso nasa misa kami ni Patrick nun.', ang paliwanag niya.

'Ah. Kayo ni Patrick. Sabi ko nga.', ang mahina kong sabi.

'Bakit ka pumunta?', ang tanong niya.
'Wala. Gusto ko lang malaman kung kilala mo pa ako.', ang sarkastiko kong sagot.

Hindi naman nakasagot si Gino sa sinabi kong iyon. Ayun na! Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

'So ganon na lang 'yun, G? May Pat ka na kaya wala na ako bigla sa'yo?', ang tanong ko.

'Ano ka ba? Hindi sa ganon. Syempre, ikaw pa din bestfriend ko.', ang sabi niya.

'Talaga? Bakit hindi ko maramdaman??? May bestfriend bang ayaw magpakita? Alam mo kanina nung nasa mall ako, naramdaman ko na parang kailangan mo ako. Kaya pumunta agad ako. Bumili pa ako ng favorite mong pagkain. Buti na lang concerned si Tita kaya kahit na sinabi mong sabihin niya sa akin na wala ka pa e hindi niya ginawa! Bestfriend pa ba talaga??', ang paglalabas ko ng sama ng loob.

Nag-indian seat siya sa harap ko at yumuko. Inilapat niya ang ang noo sa aking tuhod at nagsimula ding umiyak.

'Sorry! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kailangan ko ng kausap. Kailangan kitang kausapin! Pero hindi ko alam kung paano! Nakita kita na masaya na kay Alicia kaya ayoko namang bigyan ka ng problema.', ang sabi ni Gino.
'Ano ba namang klaseng argument yan, Gino?! Oo, masaya ako kay Alicia pero ikaw ang mas kilala ko kesa sa kanya. At alam kong mas pipiliin pa din kita over her.', ang sabi ko sa kanya.

Tumingala siya sa akin. Ang mga luha niya ay walang tigil sa pagtulo sa magkabilang pisngi.

'Ry. Naguguluhan ako.', ang pagsisimula niya.

'Bakit? Ano bang nangyayari sa'yo?', ang tanong ko.

'I can't tell you right now. But please, wag mo akong iiwan.', ang sabi niya.

'Oo. Dito lang ako.', ang sabi ko sa kanya.

Ginulo ko ang buhok niya at nginitian siya.

'Tama na iyak! O, fries! Kainin mo. Sayang pera ko pag di mo kinain yan.', ang pagbabago ko ng mood sa kwarto.

Hindi ko pa maintindihan ang sinabi niya na naguguluhan siya pero hihintayin ko na lang ang oras na handa na siyang mag-share. Ayoko siyang pilitin.

'Ang lamig na e.', ang reklamo niya.

'Wag kang maarte. O dali na!', ang pag-aabot ko sa kanya ng fries.

Agad naman niyang kinagat ang fries na nasa kamay ko. Sinabayan ko na rin siya sa pagkain.

'Penge pa.', ang sabi niya habang nakaupo pa rin sa sahig habang ako ay nakaupo sa kama.

'Aba! Abuso, kumuha ka dito.', ang sabi ko.

'Dali na! Ngayon lang e!', ang pagpupumilit niya at ngumanga ng malaki.

'Burger isusubo ko sa'yo!', ang pananakot ko.

'Tsk! Dali!!', ang pagpupumilit niya.

'Ang tamad mo. Wag kang ganyan. May magseselos! JOOOOOOOKKKEEE!!!', ang panloloko ko.

'Aba! Mukhang umi-iskor ka na kay Alicia ah! Ano, kayo na ba??? Kwento, dali!!', ang biglang excited niyang sabi sa akin.

Part 17
'Ish, okay na ba lahat?', ang aligaga kong tanong sa kanya.

'Oo. Kakatawag ko lang kina Katie. Magkasama na daw sila nina Doris.', ang sagot niya.

'Okay. Sige. Kukuhanin ko lang 'yung sauce ng spaghetti sa labas.', ang sabi ko sa kanya.

Oo, nagpa-panic ako. Matapos naming magkaayos ni Gino apat na araw na ang nakalipas ay nagplano ako ng party para sa birthday niya. Humingi ako ng tulong kay Alicia para sa pagpe-prepare ng mga pagkain habang sina Katie at Doris naman ang gumawa ng paraan para mapapunta si Gino sa bahay. Kinakabahan ako dahil baka hindi maging successful ng surprise kong ito.

Papasok na muli ako galing sa dirty kitchen nang magkabanggaan kami ni Alicia sa may pinto. Mainit pa naman ang sauce na kakagaling lang sa kaserola.

'Ouch!!', ang parehas naming sabi ni Alicia nang mapaso ng sauce.

'Sorry! Naku, hindi ko sinasadya.', ang sabi ko kay Alicia.

'Okay lang, Ry.', ang sabi niya.

'Halika. Magpalit ka muna ng damit sa taas.', ang yaya ko sa kanya.

Umakyat kami sa kwarto ko. Binuksan ko ang aking closet at naghanap ng ipapasuot kay Alicia. Ako mismo ay nagtanggal muna ng pantaas dahil sa natapunan din ako.

'Okay lang, damit ko muna ang isuot mo?', ang sabi ko habang pinupunasan ang sariling dibdib.

'Okay lang. Kahit ano na lang.', ang sabi niya.

Lumapit na si Alicia sa akin dahil siguro sa kagustuhan na din na makapagpalit agad. Hindi ko naman napansin na may mga drops pala ng sauce ang tumulo sa sahig dahil sa paglalakad ko papunta sa closet. Nadulas si Alicia dito. Buti na lang ay agad ko siyang nasalo ngunit ako man ay napahiga dahil na rin sa ang buong bigat ni Alicia ay napunta sa akin.

'Ooooow!', ang daing ko.

Nakapatong si Alicia sa akin at halatang nailang sa aming posisyon. Wala pa man din akong saplot pang itaas.

'Clumsy. Sorry, Ry!', ang agad niyang pagkalas sa hawak ko.

'Nasaktan ka ba?', ang tanong ko sa kanya.

'Hindi. Thanks! Ang dami mo na tuloy sauce!', ang natatawa niyang sabi.

'Shit! Oo nga.', ang sabi ko nang makitang pula na ang aking katawan.

'Maligo ka na nga muna. Dito na lang ako magpapalit.', ang sabi niya.

Agad naman akong pumasok sa CR at nag-shower.

'Disaster, ano ba yan.', ang nasabi ko sa aking sarili.

0*0*0*0

'Happy birthday, anak!', ang pagbati ng kanyang ina pagbaba niya.

'Thanks, Ma! Pang-ilang bati mo na yan sa akin?', ang natatawa namang sabi ni Gino.

'O saan ang lakad mo?', ang tanong nito nang mapansin nakabihis ang anak.

'Sa mall po. Magkikita po kami nina Ryan.', ang sabi niya.

'O sige. Mag-iingat ha?', ang sabi ng ina bago humalik sa anak.

'Thanks, Ma! Thanks sa lunch kanina.', ang sabi ni Gino bago lumabas.

Hindi na siya nagdala ng sasakyan dahil susunduin naman siya nina Katie na may dalang sasakyan. Sa may gate ng village na lang sila magkikita. Masaya siya ngayon 20th birthday niya. Maganda ang naging gising niya. Nariyan ang mga kaibigan niyang maaga pa lang ay binati na siya. At alam niyang may inihahanda akong sorpresa sa kanya. Taon-taon naman kasi meron. Ang nakaka-excite lang para kay Gino ay kung ano ang kaibahan ng ngayon sa nakaraang taon.

Hawak ni Gino ang phone dahil alam niyang tatawag na si Katie o si Doris sa kanya. Hindi nga siya nagkamali dahil halos kakaliko pa lang niya sa main street ay nag-ring ang phone niya at si Patrick ang tumatawag.

Patrick: Gino-ball.

Gino: O, Pat?

Patrick: I'm not feeling any good.

Gino: Why? Ano nangyari?

Patrick: I don't know. Kanina pa ako nagsusuka. Can you come over?

Gino: But...

Patrick: Please?

Gino: Okay, on my way.

Tinakbo ni Gino ang gate ng village at pumara ng taxi. Agad niyang sinabi sa driver ang patutunguhan. Ang bilis ng kabog ng dibdib niya dahil sa pagtakbo at pag-aalala kay Patrick.

Gino: Kate, may emergency lang. Una na kayo sa mall. Sunod ako. Sorry.
...
...
...

0*0*0*0

Nakaupo na lang kami ni Alicia sa sofa at hinihintay ang tawag ni Katie kung nasaan na sila. Ayos na ang lahat. Ang mga pagkain at regalo ay nakahanda na.

'Ang tagal naman nila.', ang reklamo ko.

'Oo nga e. Nagugutom ka na ba?', ang tanong ni Alicia.

'Hindi pa naman. Mamaya na lang.', ang sagot ko.

'Ano ba 'yung surprise mo kay Gino? Kanina pa ako naku-curious.', ang pangungulit niya.

'Secret!! Mamaya na lang.', ang pagtanggi ko.

'Daya! Ganyan ka talaga sa kanya tuwing birthday niya?', ang tanong niya.

'Oo. Simula nung naging magkaibigan kami. Alam niya na yan na may surprise ako. Excited lang siya kung paano ko ita-top 'yung last year.', ang kwento ko.

'Wow. Ang sweet mong kaibigan.', ang sabi niya.

'Syempre.', ang nakangiti kong sabi sa kanya.

'Ry, bakit wala ka pang girlfriend?', ang seryoso niyang tanong sa akin.

'Ayaw mo pa kasi e.', ang pabiro kong sagot.

Hinampas naman niya ako sa braso.

'Sira! Bakit nga?', ang tanong niya ulit.

'Bakit ka namumula? Kinikilig ka?', ang pang-aasar ko.

'Hindi no! Ang adik mo.', ang sabi niya at muli akong hinampas.

'Aray ah. Nakakadalawa ka na.', ang reklamo ko.

'Gusto mo akong maging girlfriend?', ang diretsahang tanong ni Alicia sa akin.

Mukha namang bigla akong nilayasan ng mga salita.

'Ah. Eh. Ahhhh.', ang pagkakautal ko.

Na-gets na siguro ni Alicia na 'OO' ang sagot ko.

'Kanina kung makapang-asar ka, wagas! Ngayong tinanong kita ng seryoso, wala kang masabi. Ligawan mo muna ako.', ang sabi niya.

'Ayoko.', ang bigla kong sabi.

Halata namang nagulat si Alicia. Alam niyang napahiya siya sa mga sinabi niya. Agad naman akong nagsalita.

'Ayokong ligawan ka. Sabihin mo lang na gusto mo akong maging boyfriend, edi tayo na. Ayokong ligawan ka ng isa, tatlo o anim na buwan lang. Mas gusto kong ligawan ka habang tayo na.', ang tuluy-tuloy kong sabi.

Natulala naman si Alicia sa sinabi ko. Mukhang nilayasan din siya ng mga salita.

'Ry.', ang tangi niyang nasabi.

Tiningnan ko lang siya. Hindi ko mabasa ang nasa utak niya. Hindi ko alam kung magagalit ba siya at aalis o tatanggapin ang sinabi ko.

'Sorry. Hindi ko talaga....', ang hindi ko natapos na sabihin.

Naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi na dumampi sa aking labi. Ang dalawang kamay niya ay yumakap sa akin. Ginantihan ko ang masuyong halik na ibinigay niya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang makinis na mukha. Bahagya siyang lumayo sa akin.

'Ry, you can court me forever.', ang bulong niya sa akin.

'So, are we official?', ang mahinang tanong ko.

'Yes, sir.', ang muli niyang bulong.

Muli naming pinagsaluhan ang isang masuyong halik. Unti-unti nang nagiging mapusok ito nang biglang mag-ring ang aking phone. Para naman kaming biglang nabuhusan ng malamig na tubig.

Ryan: Hello?

0*0*0*0

'Dors.', ang pagtawag ni Katie sa atensyon ng katabi sa sasakyan.

Iniabot niya ang cellphone dito at ipinabasa ang message ni Gino.

'Oh my. What happened daw?', ang pag-aalala ni Doris.

'I don't know. Wait, tawagan ko muna.', ang sabi ni Katie bago i-dial ang number ni Gino.

'Nako. Masisira ang party ni Ryan. Hay. Sana naman walang grabeng nangyari. Si Pat pala?', ang sabi ni Doris.

'Didiretso na daw siya kina Ryan e.', ang maikling sagot ni Katie.

Katie: Hello, Gino. Anong nangyari?

Gino: Pat is sick. Tumawag siya sa akin.

Katie: Huh? Akala ko naman malala na ang nangyari sa'yo. Can't he just go to the hospital?

Gino: He called me up.Nagsusuka daw siya. Baka wala 'yung kasama sa bahay.

Katie: Gino, his mother is a doctor! Bakit hindi siya ang tinawagan niya?
Natigilan naman si Gino sa sinabing ito ni Katie. Napaisip din siya kung bakit siya ang tinawagan ni Patrick.

Gino: I don't know. Basta, I'll be with you, guys in a short while! Don't worry. Meet you in an hour?

Katie: Be sure to show up.

Napabuntong hininga si Katie pagkatapos niyang makipag-usap kay Gino. Hindi niya nakitang emergency ang pagkakasakit ni Patrick para hindi agad makapunta si Gino sa kanila.

'O, ano daw?', tanong ni Doris.

'E may sakit daw si Pat.', ang sabi ni Katie.

'So?', ang tanong ni Doris.

'Yun nga din ang naisip ko e. E ano naman? Doctor naman si Tita. Bakit si Gino pa ang tinawagan niya? Wait, tawagan ko si Ryan.', ang sabi ni Katie.

Ryan: Hello?

Katie: Ryan!

Ryan: Nasaan na kayo?

Katie: Uhm. Di pa namin kasama si Gino. May emergency lang. Si....

Pinigilan bigla ni Doris si Katie.

Ryan: Hello? Katie? Anong nangyari??

'Wag mong sabihin si Patrick.', ang bulong ni Doris kay Katie.

Katie: Sorry, humihina signal yata.

Ryan: Anong nangyari??

Katie: Gino's mom is sick. Hinihintay niya pa dumating yung Tita niya para bantayan mom niya.

Ryan: Ah. Ganon ba? Sana naman makarating siya agad.

Katie: Oo nga e. Diretso na kami dyan?

Ryan: Yes. See you!

0*0*0*0

Agad na bumaba si Gino sa taxi matapos makapagbayad sa driver at tinungo ang gate nina Patrick. Nakabukas ito at pumasok na agad siya diretso sa kwarto ni Patrick. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng mga oras na iyon kaya't pagpasok ni Gino sa kwarto ni Patrick ay madilim ngunit aninag naman niya ang kaibigan na nakahiga.

'Patpat. Okay ka lang?', ang nag-aalalang tanong ni Gino.

Inilagay ni Gino ang kamay sa leeg at noo ni Patrick upang pakiramdaman kung may lagnat ito. Ngunit malamig si Patrick.

'Pat!! Uy. Gising.', ang biglang kinabahang pagyugyog ni Gino sa kaibigan.

'HAPPY BIRTHDAAAAY!!!', ang malakas na bati ni Patrick.

Nagulat si Gino sa biglang pagsigaw ni Patrick.

'Tang ina mo! Kinabahan ako dun ah.', ang sabi ni Gino.

'You're welcome!', ang sarkastikong sabi ni Patrick.

'Akala ko may sakit ka?', ang naguguluhang tanong ni Gino.

'Happy birthday!', ang pagbati ulit ni Patrick sabay yakap kay Gino.

'Thank you.', ang sabi ni Gino at yumakap din kay Patrick.

Kinuha ni Patrick ang dalawang goblet at isang bote ng wine na nakahanda na sa may gilid ng kanyang kama.

'Cheers!', ang sabi ni Patrick matapos iabot ang isang baso kay Gino.

'Cheers!', ang sabi ni Gino.

'Tara na. Naghihintay sina Katie sa mall.', ang yaya ni Gino.

'Wait lang. Sumunod ka muna sa akin.', ang pagpigil ni Patrick.

Lumabas sila ng kwarto at tinungo ang kusina. May mga pagkaing nakahanda.

'Ako lahat nag-prepare nyan.', ang sabi ni Patrick.

'Wow. Ang dami, Patpat. Thank you!', ang sabi ni Gino.

'O umupo ka na. Ako na magse-serve sa'yo.', ang sabi ni Patrick.

Ikinuha ni Patrick si Gino ng plato at nilagyan ito ng sandamakmak na pagkain.

'Wait, wait, wait. Tama na 'yan. Ang dami.', ang pagpigil ni Gino sa paglalagay ni Patrick ng pagkain sa plato niya.

'Kain na tayo.', ang yaya ni Patrick.

0*0*0*0

'Ish. Parating na sila Katie pero hindi pa nila kasama si Gino.', ang sabi ko kay Alicia.

'Okay. Wait, mag-aayos lang ako.', ang paalam niya.

Mga kalahating oras lang ang lumipas ay dumating na sila sa bahay.

'O, nasaan si Patrick?', ang tanong ko nang makita kong dalawa lang sila ni Doris na dumating.

'Nasa bahay pa nila. Susunod na lang daw.', ang pagsisinungaling ni Katie.

Pumasok naman sa eksena si Alicia nang bumaba siya galing sa aking kwarto suot pa rin ang t-shirt ko.

'Hi.', ang bati niya sa dalawa kong kaibigan.

'Hello!', ang halatang nagtatakang bati nina Katie at Doris.

'Nagugutom na ba kayo?', ang tanong ni Alicia sa dalawa.

'Hindi pa naman masyado.', ang sagot ni Doris.

'Ry, ikaw? Gusto mo na ba mauna na tayo? Dinner time na din kasi.', ang sabi sa akin ni Alicia.

'Oo nga. Tara, una na tayo. Nagugutom na rin kasi kami.', ang yaya ko kina Katie.

Sabay-sabay kaming nagtungo sa dining area. Natutuwa naman ako at nakita ko kung gaano kabait si Alicia sa dalawa.

'Naku, ako na yan. Nakakahiya naman sa'yo.', ang sabi ni Katie kay Alicia nang nilagyan niya ng soda ang baso nito.

'Ako na.', ang nakangiting sabi ni Alicia sa kanya.

Nang nakaupo na kaming apat ay binulungan ko si Alicia.

'Ang bait naman ng girlfriend ko.', ang bulong ko.

Isang kindat lang ang ibinigay niya sa akin. Nagsimula na ang kwentuhan namin at hindi na namalayan na wala pa ang celebrant at ang isang kaibigan.

0*0*0*0

'Alam mo dapat in-invite na lang din natin sina Ryan dito. Ang dami mong hinanda. Busog na busog ako.', ang sabi ni Gino kay Patrick.

'Hinanda ko 'yan lahat para sa'yo, hindi para sa kanila.', ang sabi ni Patrick.

'Ano ka ba, kaibigan pa din natin sila.', ang pagpapa-alala ni Gino.

'Oo nga. Pero special ka e. At dahil dyan, may isa pa akong surprise sa'yo. Halika.', ang sabi ni Patrick.

Umakyat silang muli sa kwarto at doon ay ibinigay ni Patrick ang regalo niya kay Gino.
'Here. Open it.', ang utos ni Patrick.

Umupo si Gino sa kama at agad na binuksan ang box ng regalo ni Patrick sa kanya.

'No way! Pat, sobra-sobra na to! Thank you!!', ang halos hindi makapaniwala at masayang masayang sabi ni Gino.

Binigyan siya ni Patrick ng pinag-iipunan niyang kicks sa Nike. Sobrang gusto niya ito kaya naman laking tuwa niya nang matanggap niya ito galing kay Patrick.

'Kasya naman diba?', ang tanong ni Patrick.

'Oo. Sakto, dude! Thank you talaga!!', ang pasasalamat ni Gino.

Tumayo ito at niyakap si Patrick.

'Thank you! Thank you so much.', ang sabi ni Gino habang mahigpit na nakayakap kay Patrick.

Kumalas na sila sa pagkakayakap pero hindi naglayo ang kanilang mga mukha.

'Gino-ball. I'm so happy na nakikita kong masaya ka. Sana laging ganito. Sana... Sana akin ka na lang.', ang sabi ni Patrick.

'Nandito lang ako palagi.', ang sabi ni Gino.

Naglakas-loob muli si Patrick na halikan si Gino. Hinawakan niya ang mukha nito at marahan na inilapit ang mukha sa kanya. Nararamdaman na niya ang dulo ng labi ni Gino at wala pa rin itong protesta. Tiningnan niya ang mga mata nito. Nagtama ang mga paningin nila bago pumikit si Gino, senyales na nagpapaubaya na siya. Tuluyan nang inilapat ni Patrick ang labi sa labi ni Gino.

'I love you, Gino-ball.', ang bulong ni Patrick.

Isang ngiti at yakap lang ang isinagot ni Gino sa kanya.

'Cheers ulit tayo dahil may bago ka nang shoes!', ang pagbabago ni Patrick ng mood sa kwarto.

'Tara!!!', ang masayang sabi ni Gino.

0*0*0*0

Nang halos tatlong oras na kaming naghihintay sa pagdating nina Gino at Patrick ay sumuko na ako na darating pa sila. May pakiramdam ako na magkasama ang dalawa pero hindi ko ito binibigyan ng pansin.

'Kate, nasaan na ba sina Gino?', ang bulong ni Doris.

'Hindi ko alam. Hindi sumasagot si Gino e. Kahit si Pat.', ang bulong na sagot ni Katie.

'Ano ba yan. Kawawa naman si Ryan. Halatang nafu-frustrate na siya.', ang sabi ni Doris.

'Oo nga e.', ang mahinang sagot ni Katie.

Pumasok muli ako sa sala habang si Alicia naman ay nag-aayos sa kusina.

'Cannot be reached na si Gino. Pati si Pat.', ang sabi ko na kumuha sa atensyon nilang tatlo.

Wala namang nakaimik kahit isa sa kanila.

'Guys, if you wanna go ahead, okay lang.', ang malungkot kong sabi.

'I'll stay for an hour pa. Pag wala pa din sila, uuna na ako. may appointment pa kasi ako sa doctor tomorrow.', ang sabi ni Doris.

'But you can go ahead ngayon na if you want. Hindi na rin naman sila pupunta e.', ang sabi ko.

'Ry.', ang paglapit ni Alicia sa akin.

'Pasundo ka na, Ish. Alam ko napagod ka. Sorry.', ang sabi ko.

'Okay lang. I can stay here kung gusto mo.', ang suggestion niya.

'No, it's okay. Magpasundo ka na. Aakyat na muna ako sa room. Puntahan mo na lang ako bago ka umalis.', ang paalam ko.

Umakyat na ako at naiwan silang tatlo sa baba. Isinara ko ang pinto at dumapa sa kama. Nalulungkot ako dahil hindi nakarating si Gino sa ihinanda kong surprise party sa kanya. Binuksan ko ang drawer sa aking bedside table at kinuha ang regalo ko sa kanya. Binuksan ko ito at tiningnan. Isang necklace na meron pendant na letter G. Malakas ang kutob ko na magkasama silang dalawa ni Patrick ngayon. Iniisip ko pa lang ito ay nasasaktan na ako at naiiyak. Ibinato ko ang hawak kong necklace at dumapa muli sa kama na umiiyak.

0*0*0*0

Naalimpungatan si Gino dahil sa biglang paggalaw ni Patrick. Madilim ang paligid. Kinuha niya ang phone sa kanyang bulsa. 1.04AM na ang oras. Ang daming mga messages at missed calls.

6.45PM
Katie: Nasaan ka na? We're waiting for you. Nandito kami kina Ryan.

7.23PM
Katie: GINO! What's taking you so long? Hindi naman ganon ka-grabe ang sakit ni Pat diba? Pumunta na kayo dito!

9.54PM
Katie: Gino! Nasaan na kayo?!

10.15PM
Alicia: Where you at?

10.37PM
Ryan: G! Nasaan ka? I'm waiting for you. Happy birthday!

11/29PM
Katie: Uuwi na kami. Happy birthday na lang!

'Shit!', ang tanging nasabi ni Gino.

Nagising naman si Patrick.

'Hey.', ang sabi nito.

'I'm totally screwed. Nalimutan ko, magkikita nga pala tayo dapat nina Ryan.', ang sabi ni Gino.

Umupo ito sa kama at sinubukan akong tawagan. Hindi na ako sumagot dahil tulog na ako. Marahil kung gising ako ay hindi ko na rin ito sasagutin.

Gino: Hello. Sorry, nagising ba kita?

Alicia: Yeah. Pero thanks, nakatulog ako sa sofa nina Ryan.
Gino: What? Hindi siya sumasagot e.

Alicia: He's sad, you know.

Gino: I know.

Alicia: No, you don't. Alam mo ba...

Gino: Hintayin mo ako dyan. Please?

Alicia: Okay.

Agad namang nag-ayos si Gino ng sarili.

'Saan ka pupunta?', ang tanong ni Patrick.

'Kina Ryan.', ang sagot nito.

'Bakit? Anong oras na o. Bukas na.', ang pagpigil nito.

'Hindi pwede!', ang sabi ni Gino bago lumabas sa kwarto.

Naiwan na namang mag-isa si Patrick sa kwarto.

'Ryan na naman.', ang sabi niya sa sarili.

0*0*0*0

'Alam mo bang buong araw siyang aligaga sa pagpe-prepare para sa surprise dinner niya para sa'yo? Tapos hindi ka magpapakita. Kung nakita mo lang kung gaano kalungkot si Ryan.', ang sabi ni Alicia sa kanya.

'I know. It's my bad. I got caught up in a situation. Natutulog na ba siya?', ang sabi ni Gino.

'Siguro. Kanina nung sinilip ko siya sa kwarto, nakapikit na siya e. Hindi na lang ako pumasok kasi magagalit 'yun sa akin. Pinapauwi niya na kasi ako.', ang sabi ni Alicia.

'Sige, umuwi ka na. Pasundo ka na. Hindi maganda para sa babae ang mag-sleep over sa bahay ng isang lalaki.', ang sabi ni Gino.

'O sige. Ikaw na bahala kay Ryan ha?', ang bilin ni Alicia.

Umakyat na si Gino nang masundo na si Alicia ng driver niya. Marahan niyang binuksan ang pinto. Hindi nako nakapagpatay ng ilaw. Nakadapa ako sa kama habang hawak ang isang pahabang box. Pumasok na siya sa kwarto at naglakad palapit  sa akin nang mapansin niya ang isang necklace na nakakalat sa sahig. Pinulot niya ito at naisip niyang iyon ang regalo ko sa kanya dahil sa pendant nito.

'Aww. Ry talaga.', ang sabi ni Gino sa sarili.

Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko. Naramdaman ko ang kamay niya at tumingala.

'Hey. I'm here na. I saw this. Bakit nasa sahig?', ang sabi niya.

'Get out.', ang mahina kong sabi.

'Ry. I'm so sorry. Look....', ang pagsisimula niyang magpaliwanag.

Tumayo na ako at lakas loob na tinaboy siya.

'Gino. Umalis ka na. Ayaw na muna kitang makita.', ang sabi ko.

'Ry. Please. I know, may mali ako.', ang sabi niya.

'I said, GET OUT!!!!!!', ang sigaw ko sa kanya.

Napayuko na lang si Gino na lumabas sa kwarto ko.

Part 18
'Ryan.', ang paglapit sa akin ni Gino pagpasok ko sa class room.

'Please. Not now. Wag mong sirain ang unang araw ko ng sem. Please lang.', ang pagtaboy ko sa kanya.

'Pero kelangan na nating maayos 'to. Sorry na. Pakinggan mo naman ako.', ang halos nagmamakaawa ng sabi ni Gino.

'Gino, please! Konting respeto naman. Sinabi kong huwag muna ngayon. Mahirap bang intindihin 'yun?', ang naiinis kong baling sa kanya.

'Sana naman huwag mo nang patagalin 'to, Ry.', ang sabi ni Gino bago umupo malayo sa akin.

Pinili kong manatili sa upuan sa gilid malapit sa bintana. Agad naman akong tinabihan ni Alicia.

'Hi.', ang bati niya sa akin.

'Hey.', ang malungkot kong pagpnasin sa kanya.

'First day na first day nakasimangot ka.', ang pagpansin niya sa mood ko.

'Oo nga e.', ang maikling kong sagot.

'Di pa rin kayo okay?', ang tanong niya.

Umiling lang ako. Nakatingin lang ako sa bintana at tinatanaw ang mga estudyanteng naglalakad sa magkakaibang direksyon.

'Sana maging okay na kayo, Ry. Para hindi ka na malungkot.', ang sabi niya.

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

'Yeah. Soon, I guess.', ang sabi ko.

Sa ganitong tagpo pumasok sina Katie at Doris sa room. Dumiretso sila malapit sa kinauupuan ko.
'Hi, Ry. Alicia.', ang bati ni Katie.

'Hi.', ang sabi ni Alicia.

'Hey.', ang bati ko naman.

'Ry, punta lang ako sandali kay Mona ha?', ang paalam ni Alicia.

'Sige.', ang sabi ko.

'Excuse me.', ang sabi ni Alicia bago umalis.

Umupo naman si Katie sa kung saan nakaupo si Alicia habang si Doris naman ay sa kabilang side.

'O, hindi pa rin kayo nag-uusap?', ang tanong ni Katie.

'Di pa rin. Though, lumapit siya kanina.', ang sabi ko.

'Masama pa din ba ang loob mo?', ang tanong ni Doris.

'Oo, sobra.', ang malungkot kong sabi.

Napatingin naman kaming lahat nang bumukas ang pinto sa harap. Akala namin ay ang prof na ngunit si Patrick ang pumasok. Agad kong inialis ang tingin sa direksyon niya at muling tumingin sa bintana. Siya naman ay diretso sa tabi ni Gino na parang hindi kami napansin.

'Wait lang ah.', ang paalam ni Katie.

'Saan ka pupunta?', ang tanong ni Doris.

'May kakausapin lang ako.', ang sabi niya bago lumayo sa amin.

Sinundan ko ng tingin si Katie at nakitang palapit ito kina Gino at Patrick. Bigla akong kinabahan sa kung anong gagawin niya. Kilala ko si Katie. May pagka-war freak iyan. Si Patrick ang in-approach niya. Tumayo naman ito at magkasunod silang lumabas ng room.

0*0*0*0

'O, mukhang close ka na sa friends ni Ryan ah.', ang sabi ni Mona pagbalik ni Alicia galing sa akin.

'Di naman masyado. but I got to talk to them nung failed birthday surprise ni Ry kay Gino. They're pretty cool.', ang sabi ni Alicia.

'Really.', ang sarcastic na sabi ni Mona.

'Mona. You gotta stop doing that.', ang pagpuna niya sa kaibigan.

'What?', ang tanong nito bago umirap.

Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Alicia kasabay ng pagsandal niya sa kinauupuan. Napatingin siya sa pinto nang bumukas ito at iniluwa si Patrick. Nakita niyang hindi nito pinansin ang mga kaibigan at dumiretso na sa kinauupuan ni Gino.

'Nasaan na naman ba si Liz?! First day pa lang, MIA agad.', ang inis na paghahanap ni Mona sa kaibigan habang tinetext ito.

'Mons, pwede ba tayo mag-usap later? May gusto lang akong sabihin sa iyo. Tayong dalawa lang sana.', ang sabi ni Alicia.
'O sige. Kain na lang tayo after our last class.', ang sabi ni Mona.

'Okay.', ang sagot ni Alicia.

0*0*0*0

'You want to explain something?', ang mataray na tanong ni Katie kay Patrick.

'No. Why?', ang clueless na sagot ni Patrick.

'Seriously, Pat? What the hell did you do nung birthday ni Gino? Alam mong may surprise si Ryan sa kanya.', ang pagbu-burst agad ni Katie.

'I don't need to explain anything.', ang sabi ni Patrick bago tinalikuran si Katie.

'Hey!', ang sabi ni Katie habang hinatak ang braso ni Patrick.

'Whoa, Kate! What's your problem?', ang tanong ng napikon na si Patrick.

'Diba dapat ako ang magtanong sa'yo niyan? Ano bang problema mo? Alam mo ba kung gaano nasaktan si Ryan dahil sa ginawa mo.', ang nanggigigil na sabi ni Katie.

'Hindi lang naman siya ang pwedeng mag-surprise kay Gino ah! Hindi lang naman siya ang kaibigan ni Gino!', ang depensa ni Patrick.

'Alam naman natin lahat yun. Pero sana naman inisip mo din na may plano na. Sana naman inisip mo na may masasagasaan ka.', ang pagpapatuloy ni Katie.

Bumalik na sa classroom si Katie at sinugod si Gino. Nagtinginan ang lahat sa kanila nang biglang hinampas ni Katie ang desk ni Gino at inilapit nito ang mukha sa kausap.

'Hoy, lalaki! Do something! Nasisira ang barkada ko dahil sa'yo.', ang pabulong ngunit with full conviction na sabi ni Katie kay Gino.

Hindi naman nagawang magsalita ni Gino sa sinabi ng kaibigan. Napatingin na lang ito sa akin na nangungusap ang mga mata. Ngunit hindi ko na lang iyon pinansin. Kasabay nang pagpasok ni Patrick sa pinto sa likod ang pagpasok naman ng aming prof sa harap.

0*0*0*0

'Mons, bakit ganon? Feeling ko ang sama ko.', ang sabi ni Alicia.

'Ano ka ba, nahanap mo lang siguro kay Ryan 'yung comfort na gusto mo dahil sa nalaman mo tungkol kina Liz at John. Si Ryan ang sumalo sa'yo.', ang sabi ni Mona.

Naikwento na ni Alicia ang natuklasan niya tungkol kina Liz at John pati na rin ang relasyon namin ngayon kay Mona.

'Alam na ba ni Ryan na alam mo na?', ang tanong ni Mona.

'Hindi pa. Hindi kaya magalit siya sa akin? Hindi ako makatiyempo e. Masama pa ang lagay niya ngayon.', ang sabi ni Alicia.

'I think dapat mo nang masabi sa kanya. Huwag mo nang isipin si Liz. Ako nang bahala sa kanya.', ang sabi ni Mona.

'Anong gagawin mo?', ang biglang natakot na tanong ni Alicia.

'Chill, A. Hindi ko naman siya ipapa-salvage no. Basta, deal with Ryan. The sooner na malaman niya, the better.', ang sabi ni Mona.

'Thanks, Mons. Buti na lang nandyan ka.', ang sabi ni Alicia.

0*0*0*0

Umuwi ako agad matapos ang klase. Matamlay ako buong araw. Buti na lang at may lakad si Alicia kasama ni Mona. Para kasing gusto ko na lang humiga at magkulong sa kwarto. Buong araw, wala akong inisip kung hindi ang ginawa ni Gino nung birthday niya. Alam naman niyang may nakahanda akong sorpresa sa kanya pero bakit nagawa niyang hindi sumipot. Naglalaro rin sa isip ko ang tanong kung magkasama ba sila ni Patrick kaya hindi siya nakapunta. Halos walang ingay akong pumasok sa loob. Ayoko munang may pumansin sa akin ngayon kaya dumiretso na agad ako sa kwarto.

'Ry.', ang pagtawag niya sa akin.

'Ay, kabayo!', ang gulat kong expression.

Bahagya namang natawa si Gino sa naging pagkagulat ko nang makita ko siya.

'Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?', ang mga tanong ko sa kanya.

'Pinapasok na ako ni Tita. Umalis lang siya sandali. Nandito ako kasi gusto ko nang magkausap tayo. Ry, alam ko namang may mali ako e.', ang pagsisimula niya.

Umupo ako sa kabilang dulo ng kama at nagtanggal ng sapatos at polo. Agad naman siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko.

'Ry, pakinggan mo naman ako. Ilang araw na akong wala sa katinuan. Hindi mo nire-reply-an ang mga texts ko, hindi mo sinasagot ang mga tawag ko.', ang sabi niya.

Patuloy lang ako sa hindi pagpansin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung saan akop magsisimula. Naguguluhan ako kung bakit ang laging pumapasok sa isip ko ay magkasama sila ni Patrick at nasasaktan ako.

'Ryan, ano ba?! Kausapin mo naman ako! Mukha na akong tanga dito!', ang pagsigaw niya sa akin.

'Ano bang gusto mong sabihin ko?! Ha?! At sino ba sa atin ang nagmukhang tanga na naghihintay sa wala?! Alam mo kung gaano kasakit? Oo, simpleng birthday surprise lang iyon na hindi mo sinipot pero sa akin malaking bagay iyon. Para mo na rin akong tinalikuran! Para mo na ring iniwan ang pagkakaibigan natin! Para kanino?! Para kay Patrick?! Gino, kahit nagsinungaling sina Katie sa akin at sinabi si mommy mo ang may sakit, alam ko naman e. Alam ko naman na magkasama kayo ni Patrick! Hindi ko lang maintindihan kung bakit mo hinayaang magawa niya iyon. Mas pinipili mo na ba siya kesa sa akin?!', ang tuluyan kong paglalabas ng sama ng loob.

'May nararamdaman si Patrick para sa akin! At sinusubukan kong suklian 'yun. Alam mo kung bakit?! Kasi nakikita kitang masaya ka kay Alicia. Sinusubukan kong maging masaya na sa iba dahil alam kong kapag naging kayo na ni Alicia e mawawala na ako sa mundo mo. Akala mo ikaw lang ang nagseselos? Ry, ako din! Sobra sobra! Habang nagiging close kayo, lumalayo ka na sa akin! Akala mo hindi ko ramdam?! Sa tingin mo ikaw lang ang nasasaktan dito? Damn it, Ry! Ako din! Sobrang sakit. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ako maka-react kapag ikaw na ang pinag-uusapan. First time kong ipakita 'to. Natatakot ako sa iisipin nila. Pero hindi ko na kaya.', ang umiiyak na sabi ni Gino.

0*0*0*0

 'Dors. Ang sakit sakit. Sobrang mahal ko si Gino pero hindi niya magawang suklian 'yun.', ang pag-iyak ni Patrick sa kaibigan.

Dahil sa tensyon kaninang umaga ay pinili ni Doris na mamagitan upang maayos ang problema. Pero mukhang she got more that what she bargained for at umamin na sa kanya si Patrick. Sinabi na niya ang tunay na nararamdaman kay Gino.

'Pat, baka naman straight talaga si Gino.', ang sabi ni Doris.

'Hindi, Dors! Alam kong sinusubukan niya. We kissed once. Hindi lang talaga niya siguro ako magawang mahalin kasi si Ryan ang gusto niya.', ang sabi ni Patrick.

'Kaya ba nakikipagkumpitensya ka sa kanya?', ang tanong ni Doris.

'Oo. Gusto kong makuha ang loob ni Gino. Gusto kong mapansin niya ako. Kaso kahit anong gawin ko, laging si Ryan pa din. Alam ko nasira na ang friendship namin ni Ryan dahil dito. Pati si Katie, malamang galit sa akin.', ang patuloy na sabi ni Patrick.

'Pat, baka talagang hindi lang siya para sa'yo. Siguro tanggapin mo na 'yun. Para na rin sa ikakabuti nating lahat.', ang advise ng kaibigan.

'Paano? Hindi ko kayang mawala si Gino sa akin.', ang sabi niya.

'Start to let go. Look at what it has done to you. Wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya.', ang diretsahang sabi ni Doris.

'Ang hirap, Dors. Hindi ko kaya.', ang reklamo niya.

'Bakit, may madali ba? Kaya mo yan kung gugustuhin mo. Wala ka nang tinitirang pagmamahal para sa sarili mo.', ang sabi niya kay Patrick.

'Hindi ko pa kaya ngayon. Ayokong bumitaw. Baka may pag-asa pa.', ang sabi niya.

'Ikaw ang bahala. Basta pinagsabihan na kita.', ang pagsuko ni Doris.

'Salamat!', ang sabi niya bago yakapin ang kaibigan.
0*0*0*0

Natulala naman ako sa mga narinig ko mula kay Gino. Hindi ko akalaing may ganitong side pala si Gino. Hindi ko lubos maisip na parehas pala kami ng sitwasyon.

'Alam mo kung bakit ako lumalapit kay Alicia? Kasi nagiging malapit ka na kay Pat. Nararamdaman kong mas pinapahalagahan mo na siya kesa sa akin. Ayokong ipagkait sa'yo kung saan ka sasaya dahil alam ko ang pinagdaanan mo kay Kim kaya nung nakita kong masaya ka kay Pat, hinayaan na kita kahit masakit din sa akin. Kasi ikaw lang ang kasama ko, ikaw lang ang bestfriend ko pero nakikita kong may iba ka nang kasama. Masakit, Gino. Pero dun ka naman masaya. Wala akong magagawa. Mas pinili ko na lang na lumapit sa taong nagpapasaya sa akin. At alam kong mapapasaya ko.', ang pagpapatuloy ko.

'Ry. Sobrang halaga mo sa akin. Hindi ko lang alam kung paano ko ipapakita sa'yo. Nagkamali ako sa pagpili kay Patrick noong birthday ko. Pero ikaw pa din. Ikaw pa din ang pipiliin ko. Sorry.', ang pagluhod ni Gino sa harap ko nang mapaupo ako sa kama dahil sa pag-iyak.

Hinawakan niya ang kamay ko.

'Ry. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Pero ngayon malinaw na sa akin kung bakit hindi ko magawang ibigay kay Patrick ang gusto niya. Kasi hindi naman iyon para sa kanya e. Para sa'yo yun. Kung ano man 'to, kung patungo man 'to into something romantic, sana matanggap mo pa din ako.', ang sabi ni Gino.

'G. Alam mo bang naisip ko na rin before na baka nga mas higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa'yo. Pero natakot lang akong aminin sa sarili ko dahil baka magalit ka. Alam kong lalaki ka! Kaya sobrang nagulat ako sa pag-amin mo ngayon. Dumating na rin ako sa puntong gusto kong sabihin sa'yo na mahal kita. Pero hindi lang ako sigurado. Napangunahan ako ng takot.', ang sabi ko.

'Ngayon malinaw na sa atin na mayroong espesyal tayong nararamdaman sa isa't isa, bakit hindi natin...', ang hindi natapos niyang sasabihin.

'I'm so sorry, Gino!!! Sorry!', ang muli kong pag-iyak.

'Huh? Bakit??', ang tanong niya.

'Nung na-realize ko na hindi posible ang pagle-level up sa ating dalawa ay sumuko na ako. Tinuruan ko ang sarili ko na ibigay sa iba ang espesyal na nararamdaman ko para sa'yo.', ang sabi ko.

Nakatingin lang siya sa akin habang ang mga luha ay walang tigil na tumutulo sa magkabilang mata.

'G.',ang pagtawag ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya.

'Kami na ni Alicia.', ang sabi ko.

Napayuko na lang si Gino at binitiwan ang kamay ko.

'Mahal mo siya?', ang mahinang tanong niya.

'Basta ang alam ko lang ngayon papunta na ako dun.', ang sabi ko.

Hinawakan ko ang ulo niya at ininangat ito.

'Hey, look at me.', ang sabi ko.

Umupo na ako sa sahig at magka-level na ang mga mata namin. Hindi ko kinaya ang mga sumunod niyang sinabi.

'Paano na ako? Ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahalaga sa akin.', ang pag-iyak niya.

Wala akong masabi. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon pala ako kahalaga sa kanya. Hindi ko nakita ang signs niya. Ang tanga tanga ko.

'Ry, ikaw ang mahal ko.', ang huli niyang sabi.





No comments:

Post a Comment