Unang kita ko kay K, crush ko na
siya.
Pero ako na ang unang sumaway sa
sarili ko: “Huwag kang ilusyunado, napaka-gwapo niyan para magkagusto sa’yo.”
Nakuntento na lamang akong
patingin-tingin mula sa malayo. Pamasid-masid sa kanyang mga kilos, kung paano
siya maglakad… magsalita… tumawa.
Magkatrabaho kami noon ni K sa isang
airline. We were both flight stewards. Two batches ahead ako sa kanya.
Then for the first time, nagkalipad
kami. I was so thrilled. Magka-galley pa kami sa likod ng eroplano.
Habang gumagawa sa masikip na
galley, nagkakabanggaan kami. Langhap ko ang Cool Water sa tuwing kami’y
magkakalapit at magkakadikit. I have never been this close to him.
Pagkatapos ng food service,
nagka-kwentuhan kami. Habang nagsasalita, nakatingin ako sa kanyang mukha. My
God, higit pala siyang gwapo sa malapitan. He has the finest skin I have seen.
The brightest eyes I have looked into.
“Can I get your number?” ang tanong
niya sakin nung malapit na kaming lumapag.
“Huh?” Parang hindi ako
makapaniwala.
“Let’s go out sometime. Kung ok lang
sa’yo.”
Oh-my-God!
Ibinigay ko kaagad ang number ko.
***
At tumawag nga si K. He was inviting
me for dinner. Dinner! Hindi ko ma-contain ang excitement ko. Napalundag
ako pagkababa ko ng telepono.
Sa Malate kami nag-dinner.
Pagkatapos, lumipat kami sa isang bar. Uminom kami at nag-usap.
“Matagal na kitang gustong
i-approach sa Inflight. Kaya lang, laging walang chance. When I see you, you
are always with your friends. Nakakahiyang kausapin ka na kasama mo sila.”
Nakikinig lang ako.
“Remember, nung time na nagkayayaang
gumimik ang mga crew? Gustong-gusto na kitang kausapin noon. Kaya lang, lagi
kang nasa dancefloor. Pinanood na lang kita. Ang cute mo habang nagsasayaw. I
was looking at you the whole time.”
Ramdam ko ang bilis ng heartbeat ko.
Parang hindi ako makahinga.
Nagpatuloy siya: “Nung nagkalipad
tayo, hindi ko naman talaga flight yun, nag-volunteer lang ako. Nakita ko kasi
pangalan mo sa check in. The opportunity was perfect.”
Sobra na ito. Gusto kong kurutin ang
sarili ko. Nananaginip ba ako?
Akala ko uuwi na kami after a few
bottles pero nagyaya pa siyang sumayaw. We went inside a club.
Sa sobrang lakas ng music, hindi
kami makapag-usap. We just held on to each other and danced. We were sweating
and I could smell his sweet manliness.
Bumulong siya sa akin.” Do you wanna
see my place?”
Hindi na ako nag-isip. “Sure.”
Lumabas kami ng club.
At kaagad siyang pumara ng taxi.
***
Nakiki-share si K sa condo ng pinsan
niya sa Makati.
Pagdating namin doon, may hinahanap
siya na di niya makita sa kanyang bulsa.
“Gosh, I don’t have my key,” ang
sabi.
“Then, let’s knock. Gisingin natin
cousin mo.”
“Maiinis yun.”
“Maybe, we should just go to my
place,” ang alok ko.
“No, wait. I have an idea. Akyat na
lang tayo sa rooftop.”
Bago pa ako nakapagsalita, hinila na
niya ako papunta sa elevator.
Malamig ang simoy ng hangin sa
rooftop. Kalmado ang tubig ng swimming pool. Nahiga kami sa poolside,
magkatabi.
“Kakapagod, noh? Sarap humiga,” ang
sabi. Tapos hindi na siya nagsalita.
Tahimik kami. Nagpapakiramdaman.
I could hear his breathing. I could
feel his warmth.
Pinagmasdan ko ang langit.
Napakaganda ng mga bituin. Napakaningning.
Maya-maya, bumangon siya at padapang
humarap sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Nag-usap ang aming mga titig.
Dahan-dahan, inilapit niya ang mukha
niya sa akin. Napapikit ako.
Hinalikan niya ako. Maingat.
Banayad.
We held each other. Mahigpit.
At kami’y lumipad.
No comments:
Post a Comment