Part 13
'Liz, pwede makitawag? Naubusan ako
ng load e.', ang paghingi ni Alicia ng pabor sa kaibigan.
'Sure.', ang pag-abot ni Liz ng
phone sa kanya.
Agad namang kinuha ni Alicia ang
phone sa kaibigan at akma nang ida-dial ang number ng tatawagan ng biglang mag-vibrate
ang phone na kanyang bahagyang ikinagulat. Dahil dito, napindot niya nang hindi
sinasadya ang 'Read' kaya naman na-open niya ang message. Isang maikling
message ang kanyang nabasa.
One Message Received: John Aquino
John: Good morning, hun! I love you.
Mwah.
Muli niyang binasa ang message at
tiningnan ang sender at ang number nito. Hindi siya makapaniwala.
'This can't be. No.', ang
sabi ni Alicia sa sarili.
'A? Akala ko tatawag ka?', ang
pagpansin sa kanya ni Liz.
'Ha? Uhm. Hindi na. Tinext ko na
lang. Wait, burahin ko lang yung sent message ko.', ang pagpipigil ni Alicia na
umiyak sa harap ng kaibigan.
Pero sa totoo lang, ang message ni
John na ex-boyfriend niya ang binura niya. Ayaw niya munang magka-idea si Liz
na alam na niyang niloloko siya ito.
'Girl, CR lang ako. Thanks.', ang
paalam ni Alicia kay Liz matapos ibalik ang phone.
Agad naman siyang lumabas sa room at
halos patakbong tinungo ang CR. Pinipigilan niya pa din ang mga luha na tumulo
sa kanyang mga mata dahil sa pagkakaalam niya ng katotohanan.
'Ooooow!', ang pagdaing ko nang
magkabungguan kami ni Alicia.
Marahil ay nakayuko si Alicia nang
mga oras na iyon habang ako naman ay may hinahanp sa aking bag kaya't hindi
namin nakita parehas ang dinaraanang corridor.
'Sorry!', ang paghingi ng dispensa
ni Alicia.
'Alicia! Buti na lang nan.... Hey,
ok ka lang?', ang bigla kong tanong nang makitang may mga namumuong luha sa mga
mata niya.
'Yeah! I'm okay!', ang pilit niyang
pagngiti.
'Weh? Bakit ka naiiyak?', ang tanong
ko sa kanya.
'Secret lang natin ah. Exempted na
ako sa isang finals next week! Wag ka maingay.', ang alibi niya.
'Okay. So, why cry?', ang tanong ko
pa din.
'Duh? Ryan! Major subject 'yun.
Perfect score agad iyon. Pag ganitong patapos na ang first sem natin as 4th
year students, ang sarap lang ng feeling na may isang subject akong exmepted.
Grabe lang din hirap ko dun!', ang pagpapatuloy niya.
Bumenta naman sa akin ang alibi
niyang iyon.
'Ah. Sabagay. Uhm. So, CONGRATS!!',
ang malakas kong sabi.
Binigyan ko siya nang isang mabilis
na hug. Kasabay nito ay ang pagsulpot bigla ni Gino sa corridor. Malamang ay
nakita niya kami pero dumiretso na siya sa loob ng room.
'Wag kang maingay ha. Hindi
ia-announce ni Ma'am e. Okay?', ang sabi ni Alicia.
'Okay. Promise!', ang pangako ko.
'Wait, CR lang ako.', ang paalam
niya.
Nagtungo na siya sa CR. Agad siyang
nagkulong sa loob ng isang cubicle at doon tuluyang nag-break down. Impit lang
ang kanyang pag-iyak dahil ayaw niyang may makarinig sa kanya. Sobrang sakit
ang nararamdaman niya nang malaman na niloloko siya ni Liz at ito ang malamang
na dahilan kung bakit nag-break sila ni John.
Ako naman ay walang ideya sa totoong
nangyayari sa kanya. Pumasok na rin ako ng classroom matapos magpaalam ni
Alicia na magpupunta lang sa CR.
'O, dito ka na pala!', ang bati ko
kay Gino.
Isang tango lang ang sagot niya sa
akin. Nagbabasa siya ng lecture notes para sa klaseng iyon.
'G, may sakit ka ba?', ang tanong
ko.
Inilagay ko ang kamay ko sa kanyang
noo tapos sa leeg upang tingnan kung may lagnat siya.
'Bakit? Ano ba?', ang iritable
niyang tanong marahil dahil alam niyang inaasar ko siya.
'Nagbabasa ka talaga ng notes? Wait,
nagno-notes ka na pala???', ang pang-aasar ko bago hablutin ang hawak na papel.
Agad naman akong natigilan nang
makita ko ang hawak. Pamilyar ang sulat-kamay na nakikita ko. Pati na rin ang
mga personal notes na nandoon para sa lesson na iyon.
'E akin 'to e! Paano mo 'to
nakuha?!', ang tanong ko sa kanya.
Pinagpapapalo ko siya ng photocopy
ng notes ko. Oo, nakakaasar na pinakialaman niya ang gamit ko pero.... si Gino
naman 'yun e.
'Ow! Aray! Wait!!', ang mga nasasabi
lang niya habang halos bugbugin ko na siya sa palo.
Paano mo 'to nakuha?', ang tanong ko
sa kanya.
'Kinuha ko sa bag mo yung notes mo
kahapon. tapos pina-photocopy ko lang naman.', ang sabi niya.
Piit niyang inaagaw sa akin ang mga
papel na iyon pero nauunahan ko ang pag-ilag. Ayaw niyang tumigil at hinabol
niya pa ako nang patakbo akong lumipat ng upuan.
'Akin na 'yan!', ang sigaw niya sa akin.
Ikinulong niya ako sa kanyang
malalaking braso para hindi na ako makailag. Niyakap ko ang nagugusot ng papel
at pilit pa rin niya itong kinukuha.
'Pag ako bumagsak, ikaw may
kasalanan!', ang medyo naiinis na niyang tono.
'Aba! Ako pa.', ang tumatawa kong
pang-aasar.
'Akin na kasi!', ang sabi niya at
hinigpitan niya pa ang pagkulong sa akin at pinilit na kuhanin ang papel na
halos nasa dibdib ko na.
Nasa ganoon kaming posisyon nang
biglang pumasok si Patrick sa room. Nakita kong kami agad ang nakita nya at
agad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Natigilan kami parehas at nawala
ang atensyon ko sa hawak.
'YES!', ang sigaw ni Gino nang sa
wakas ay nakuha niya ang papel.
'Next time kasi mag-notes ka at
magpaalam ka naman.', ang sabi ko.
'He! Di tayo bati.', ang sabi ni
Gino na hindi ko alam kung seryoso o hindi.
0*0*0*0
Patulog na ako nang gabing iyon pero
hindi pa ako dinadalaw ng antok. Napapaisip ako sa mga nangyari ng araw na
iyon.
'Talaga bang exempted si Alicia?
Tama kaya si Gino at simulan ko nang ligawan siya? Kasi ganon din naman e.
Masaya ako kapag kasama ko siya. At sa tingin ko naman, ganon din siya. Pero
may nararamdaman na ba ako sa kanya? Tapos yung kay Gino naman, ano yung ibig
niyang sabihin na hindi kami bati? Seryoso ba 'yun? Kasi parang may laman e.
Masaya pa din naman kay Gino pero bakit parang nag-iiba na talaga kapag nandyan
si Pat?', ang mga tumatakbo sa utak ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko
paulit-ulit na ikino-compare si Gino kay Alicia. Saan ba ako mas masaya? Sino
ba ang mas gusto ko?
'Hindi naman yata tama na magkagusto
ako kay Gino kasi parehas naman kaming lalaki kaso bakit ganito ako sa kanya?
Ganito rin ba siya sa akin? Ang gulo! Feeling ko dapat kay Alicia na lang ako.
Kasi yun 'yung tama. Babae siya, lalaki ako. Gusto ko na din magka-girlfriend.
Tingin ko naman matutuwa si Gino 'nun.',
ang patuloy kong pakikipag-usap sa sarili.
0*0*0*0
Sobrang lungkot ni Alicia nang
gabing iyon dahil sa nalaman niya. Nakahiga na siya at pinipilit na makatulog
ngunit hindi rin siya dinadalaw ng antok.
Alicia: Ryan?
...
...
Ryan: O?
...
...
Alicia: Wala naman. Kamusta?
...
...
Ryan: Eto hindi makatulog.
...
...
Alicia: Ako din e.
...
...
Ryan: Bakit naman?
...
...
Alicia: Marami lang iniisip.
...
...
Ryan: Don't worry, ok lang ako.
...
...
Alicia: Haha! You're funny!
...
...
Ryan: Hindi naman. So, bakit ka
naman maraming iniisip?
...
...
Alicia: Mahirap iexplain e. Naalala
ko lang si John.
...
...
Ryan: Miss mo?
...
...
Alicia: Ewan. Siguro. Parang.
...
...
Ryan: Ano ka ba, sinaktan ka na nung
tao. Huwag ka na sa kanya.
...
...
Alicia: E kanino na lang ako?
...
...
Ryan: Sa akin? Hahaha! Joke lang.
...
...
Alicia: Hahaha! Grabe yun ah. Sige
na, good night na. Late na din.
...
...
Ryan: Good night.
Hindi naman maikakaila ng dalawa na
medyo gumaan ang pakiramdam nila bago tuluyang makatulog.
0*0*0*0
Last week na ng first sem. Ibig
sabihin nun, finals week! Hindi na kami magkanda-ugaga lahat sa pag-aaral.
Matapos ang mga exam sa unang araw ay nagpunta na lang ako sa isang coffee shop
kung saan payapa para makapag-aral. Mga 30 minutes na rin akong nagre-review
noon nang makaramdam ako nang pagkaihi dahil na rin siguro sa aking iniinom at
sa lamig ng lugar.. Agad akong tumayo at nagtungo sa CR ngunit pagkarating ko
doon ay occupied ito. Pinili ko na lang na maghintay. Ilang segundo lang ang
lumipas nang narinig kong nag-click ang lock ng door, senyales na palabas na
ang tao sa loob.
'Pat!', ang gulat kong pagtawag sa
taong lumabas sa CR.
'Ryan! Ginagawa mo dito?', ang gulat
niyang tanong.
'Nag-aaral para sa exam tom. Ikaw?',
ang sagot ko.
'Same.', maikli niyang sagot.
'Share na lang tayo table. Tagal na
nating di nakakapagkwentuhan din.', ang sabi ko.
'Sige.', ang sagot niya.
Habang nasa loob ako ng CR, hindi ko
maikubli sa sarili ang feeling ng nakausap ko si Patrick. Ang awkward. Sobra.
Ewan ko pero parang may tension sa aming dalawa. Marahil dahil kay Gino? Pero
parang nanghihinayang ako bigla sa pagkakaibigan namin.
Mabilis lang akong nag-CR at agad na
ding bumalik sa aking table. Hinintay ako ni Patrick na makabalik bago lumipat
sa parehong table sa akin.
'Kamusta exam kanina?', ang tanong
ko sa kanya.
'Ok naman. Nasagutan ko naman lahat.
Ikaw?', ang sabi niya.
'Ganon din. Though, yung essay part
medyo maikli lang yung sa akin.', ang dagdag ko.
'Sa akin din. Hindi naman niya
babasahin 'yun!', ang sabi niya.
Natapos na doon ang pag-uusap namin
at nagsimula nang magreview. Ramdam na ramdam sa amin ang pagpipigil na i-bring
up si Gino na topic. Hindi ko alam pero parang ayokong pag-usapan 'yun.
Nakalagay sa mesa ko ang aking
phone. Nag-vibrate ito dahil may nagtext sa akin.
One Message Received: Gino Villaflor
Gino: Saan ka?
...
...
Ryan: Dito lang coffee shop.
...
...
Gino: Aral ka?
...
...
Ryan: Oo. Dito din si Pat.
Kasabay ng pagtetext ko kay Gino ay
napansin kong nagtetext din si Patrick.
Gino: Saan ka?
...
...
Patrick: Coffee shop,
...
...
Gino: Aral ka?
...
...
Patrick: Yep. Kasama ko si Ryan.
'Pupunta raw si Gino.', ang sabay na
sabay naming sabi dalawa.
Nagtawanan kami bigla dahil dito.
'Sige. Una na ako ha. May kailangan
pa kasi akong gawin sa bahay.', ang paalam ko kina Gino at Patrick.
'O, halos kakarating ko lang e.',
ang reklamo naman ni Gino.
Mukhang nag-work ang ginawa ni
Patrick na pang-iinis sa akin. Hindi ko alam pero feeling ko sinasadya niya na
magpakita ng extra care kay Gino. Sobrang nainis talaga ako kaya naman
nag-decide ako na umalis na. Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi pa ni Gino.
Feel na feel ko naman na nagdidiwang si Patrick sa loob niya dahil maso-solo na
niya ang bestfriend ko.
'Uy, Ry!', ang huling mga narinig ko
bago ako pagbuksan ng guard ng pinto.
Agad rin akong pumara ng taxi at
nagpahatid na pauwi. Habang nasa biyahe ay tuluy-tuloy ang pag-ring ng phone
ko.
13 messages received: Gino Villaflor
Gino: May nagawa ba akong mali?
Hindi ko siya ni-reply-an dahil alam
kong magkasama pa sila ni Patrick. Besides, hindi ko rin naman alam kung ano
ang sasabihin ko. Naaalangan naman akong sabihin sa kanya na ayaw kong kasama
niya si Patrick dahil nagseselos ako. Baka isipin naman niya na may gusto ako
sa kanya. Oo, alam niyang seloso ako sa kaibigan pero bakit ngayon parang
natatakot akong sabihin iyon sa kanya?
'Feeling ko nawawala na siya sa
akin.', ang sabi ko sa sarili ko.
Pagdating ko sa bahay ay hindi agad
ako nakapag-aral. Matagal-tagal din akong nakahiga at nakatitig sa kawalan. Ang
dami kong iniisip pero lahat iyon ay umiikot kay Gino. Pero parang hindi ko
mapag-tagpi tagpi ang mga gusto kong mangyari. Ang hirap.
'Bahala na siya. Kung masaya siya
kay Patrick, magpapakasaya na lang din ako sa iba. Ganon naman pala ang gusto
niya e. Nakakapagod na 'yung ako na lang lagi ang nagbibigay.', ang sabi ko sa isip ko.
Bumalikwas na ako at tinungo ang
study table ko. Nagsimula na akong mag-aral para sa exams kinabukasan. Ayokong
bumagsak. Isinilid ko ang phone ko sa aking drawer at ini-lock ito.
'Ayan, para wala munang istorbo', ang sabi ko.
0*0*0*0
Biyernes na. Huling araw ng finals
week para sa unang semester. Masaya akong lumabas ng room dahil alam kong nasagutan
ko lahat ng mga tanong sa exam. Kampante akong ipapasa ko naman ito. Unti-unti
nang lumalabas ang mga kaklase ko sa room at panay ang tanong sa mga sagot sa
exam upang malaman nila kung tama sila.
'Uy, Ry. Ilang araw mo na akong
hindi tinetext.', ang sabi ni Gino nang lumapit siya sa akin.
'Wala akong phone.', ang malamig
kong sagot sa kanya.
Nakasandal ako sa wall habang
kinakausap niya ako. Siya naman ay nakatayo sa harapan ko.
'Galit ka ba sa akin?', ang tanong
ni Gino.
Hindi ako makasagot. Buti na lang at
lumabas na si Alicia kasunod si Patrick.
'Una na ako. Samahan mo na si Pat.',
ang sabi ko sa kanya bago lumapit kay Alicia.
Nagkasalubong kami ni Patrick pero
hindi niya ako pinansin. Naiinis na talaga ako sa inaasta niya.
'Tara?', ang yaya ko kay Alicia.
0*0*0*0
'O kanina pa hindi maipinta 'yang
mukha mo.', ang sabi ni Patrick kay Gino habang hinihintay nila sa isang kainan
sina Doris at Katie.
'Huh? Wala. May iniisip lang.', ang
malungkot na sagot ni Gino.
'Haay!', ang naiinis na sabi ni
Patrick.
'O bakit?', ang tanong ni Gino.
'Wala.', ang sagot ni Patrick.
'Patpat. Inom tayo.', ang sabi ni
Gino.
'Saan?', ang tanong ni Patrick.
'Sa inyo?', ang suggestion ni Gino.
'Okay. Sabihan natin sina Katie.
Ayan, nagtext na.', ang sabi ni Patrick.
Binasa ni Patrick ang text ni Katie.
'E hindi na daw sila makakasunod
dito. May biglaang pupuntahan 'yung dalawa.', ang sabi ni Patrick at ipinabasa
kay Gino ang message.
'Tara na nga.', ang biglang tayo ni
Gino at lakad paalis sa kainan.
Humabol naman agad si Patrick dito.
Tahimik lang nilang tinungo ang parking lot kung saan nandoon ang sasakyan ni
Gino.
0*0*0*0
'Comfortable ka ba dito?', ang
tanong ko kay Alicia pagkaupo namin sa loob ng sinehan.
'Oo. Don't worry. E ikaw, okay lang
ba sa'yo na ito panoorin natin? Baka masyado 'tong corny sa'yo.', ang sabi
niya.
'Okay lang. Nanood naman din ako ng
mga chick flicks sa HBO.', ang sabi ko.
Nagsimula na ang movie. Okay naman
talaga. Mababaw pero nakakatuwa. Pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko
maintindihan pero parang ang paranoid ko. Nag-eexpect ba si Alicia na may gawin
akong move. Kahit na holding hands. Or what. Love story din kasi 'tong
pinapanood namin.
Sumandal ako na medyo naka-incline
sa kanya. Sinulyapan ko siya at nakita kong sobrang hooked siya sa pinapanood
niya.
'Hindi ka ba nilalamig?', ang tanong
ko sa kanya.
'Huh?', ang baling niya sa akin.
'Tinatanong kita kung nilalamig ka
ba?', ang pag-ulit ko.
'Medyo. Bakit?', ang sabi niya.
Kinakabahan talaga ako. Hindi ko pa
ito nagawa kahit kanino pero parang dinidikta na ng moment ang dapat kong
gawin.
'Halika.', ang sabi ko.
Inilabas ko ang aking braso at
iniakbay ito sa kanya. Siya naman ay walang tutol na humilig sa aking balikat.
'Thank you.', ang sabi niya sabay
abot ng popcorn sa akin.
Lampas isang oras din kaming
nakaganon. Maya't maya ang pagsubo niya sa akin ng popcorn. Nang matapos na ang
movie ay agad din naman siyang nag-ayos ng sarili. Pero wala akong naramdaman
na kahit anong ilang sa kanya.
'Mamaya na tayo lumabas? Ang dami pa
kasing tao e.', ang suggestion ko.
'Uhm. Naiihi na kasi ako e.', ang
sabi ni Alicia sa akin.
'Ganon ba? Sige, tara na.', ang yaya
ko sa kanya.
Ako ang nasa unahan niya upang
i-guide ko siya palabas ng sinehan. Nang makikisama na kami sa dami ng tao na
pababa ay hinawakan ko ang kamay niya.
'Tara. Baka mawala ka.', ang sabi
ko.
Hinawakan din naman niya ang kamay
ko. Panay 'excuse me' ang sinasabi ko upang mapauna kami sa paglabas. Naging
matagumpay naman ako at naihatid ko siya sa labas ng CR.
'Sige, hintayin na lang kita dito.',
ang sabi ko.
0*0*0*0
'Gino! Ano bang nangyayari sa'yo?
Dahan-dahan naman sa pagda-drive!', ang sigaw ni Patrick sa kaibigan dahil sa
pagiging kaskasero nito nang araw na iyon.
Hindi naman sumasagot si Gino. Mabilis silang nakarating sa bahay nina Patrick. Tahimik pa rin ito hanggang sa pag-akyat nila sa kwarto. Agad lang siyang humiga nang nakadapa at nagtakip ng unan sa mukha.
Inalis naman ni Patrick ang sapatos
niya at medyas bago ito nagbihis. Matapos makapagbihis ay umupo ito sa kama.
'Why do you have to do that?', ang
tanong ni Gino kay Patrick.
'Do what?', ang confused na tanong
ni Patrick.
Hindi naman sumagot si Gino. Katahimikan na naman ang nangingibabaw sa loob ng ilang minuto.
'Nasaan na 'yung iinumin natin?', ang tanong ni Gino kay Patrick.
Hindi naman sumagot si Gino. Katahimikan na naman ang nangingibabaw sa loob ng ilang minuto.
'Nasaan na 'yung iinumin natin?', ang tanong ni Gino kay Patrick.
0*0*0*0
'Ryan. Isn't this too much? Nilibre
mo na ako sa movie then pati sa dinner. Medyo mahal pa yata dito.', ang worry
ni Alicia.
'No. Okay lang. Minsan lang naman.',
ang sabi ko.
'Yeah. Pero share na lang tayo sa
bill dito sa dinner.', ang sabi ni Alicia.
'Wag na. Ako na bahala.', ang
pagtanggi ko.
'I insist. Pag hindi ka pumayag, di
na ulit ako papayag makipag-date sa'yo.', ang pananakot ni Alicia.
'Fine. Sige na nga.', ang sabi ko.
Dumating na ang order namin at
tahimik na kumain. Nag-iisip ako ng magandang pag-usapan kaso isa lang talaga
ang pumapasok sa isip ko.
'So how are you?', ang tanong ko.
'Okay naman. Why?', ang sagot niya.
'Kasi last time diba you said na
naiisip mo si John.', ang pagsisimula ko.
'I'd rather not talk about him.
Masyado ka nang nada-drag dun. Ikaw na lang. Wala ka pa nakekwento. About sa
naging girlfriends mo.', ang sabi ni Alicia.
'Wow. Girlfriends?? Wala pa nga e.',
ang sabi ko.
'As in? Wala pa talaga?', ang gulat
na tanong ni Alicia.
'Hmm. Girlfriend-ish lang. Yung
parang limbo. Hindi kayo official pero more than friends. Ganon. Pero nung
highschool pa 'yun.', ang kwento ko.
'Ah. E may nagu...', ang hindi
natapos na sasabihin ni Alicia.
'Ish!', ang bigla kong pagsingit sa
kanya.
'Anong ish?', ang naguguluhan niyang
tanong.
'Ish. A-(L)ISH-A. Tanggalin mo 'yung
L. Ish.', ang sobrang saya kong sabi sa kanya.
'Okay. I'm not following?', ang sabi
niya.
'Diba last time sabi mo na tawagin
kitang A kaso ayaw ko. Ish na lang. I bet wala pang tumatawag sa'yo nyan.', ang
sabi ko.
'Ah. Wala pa nga.', ang natutuwa
naman niyang sabi.
'Okay. Edi ngayon meron na.', ang
sabi ko.
'Sige. So, ngayon may nagugustuhan
ka ba?', ang pagbabalik ni Alicia sa tanong niya.
'Meron. Ikaw.', ang sagot ko.
'Shut up, Ryan! Seryoso nga.', ang
nagba-blush na sabi ni Alicia.
'E ikaw sino?', ang tanong ko sa
kanya.
'Ikaw din.', ang natatawa niyang
sagot.
'Joke time ka din e no.', ang sabi
ko sa kanya.
Nagtawanan kami sa ka-corny-han
naming dalawa. Pero parang iba 'yung naramdaman ko nang sinabi niya 'yun. Para
akong kinilig na ewan.
'Edi tayo na lang. Gusto naman pala
natin ang isa't isa e.', ang sabi ko habang tumatawa pa din.
'Ayoko nga. Dalagang Filipina ako.
Ligawan mo muna ako.', ang sabi niya sa akin.
At humagalpak na naman kami ng tawa
kahit dalawa lang kami.
0*0*0*0
Nakaupo silang dalawa sa gilid ng
kama ni Patrick at parehas nang may tama. Nakatulala lang si Gino habang si
Patrick ay nakatingin sa kanya.
'Gino-ball. Ano bang problema?', ang
sabi ni Patrick matapos niyang hawakan ang braso ng kaibigan.
Tiningnan siya nito. Nangingilid ang
mga luha ni Gino.
'Why do you have to do that?', ang
tanong ni Gino.
'Do what? Hindi kita maintindihan.',
ang tanong ni Patrick.
Lumapit si Patrick sa malapit nang
umiyak na si Gino. Inakbayan niya ito ngunit biglang nagpumiglas si Gino.
Tumayo ito at tuluyan nang nilamon ng nararamdaman niya.
'Everything! You treat me as if
you're in love with me! As if we're together. Dinadalhan mo ako ng pagkain.
Pinapatulog mo ako dito. Tinatanggal mo ang sapatos ko! You make me feel so
special.', ang sigaw ni Gino.
Lumapit siya kay Patrick at
kinwelyuhan ito.
'Why do you have to do all that?!
Huh?!', ang galit na tanong ni Gino.
'Nasasaktan ako, Gino.', ang sabi ni
Patrick habang sinusubukang tanggaling ang dalawang kamay nito sa kanya.
'Sagutin mo muna ako!', ang sigaw ni
Gino.
Inilagay ni Patrick ang buong lakas
niya sa pagkalas sa mga kamay ni Gino at buong tapang na sinagot ito.
'Because I love you! I wanted to
make you special kasi baka through that mapansin mo ako. I've been loving you
since you and Ryan became friends! Hindi pa kita kilala noon pero gusto na
kita. Inggit na inggit ako kay Ryan dahil siya napansin mo pero ako hindi! Alam
mo bang hindi naman talaga ako naglalaro ng basketball?! Pero nung nalaman kong
isasama ka ni Ryan dito at magiging part ka na ng grupo namin, nag-training ako
dahil alam kong through that, magiging close tayo at magkakaroon ako ng edge
over Ryan! Kaya ko ginagawa lahat ng iyon dahil mahalaga ka sa akin at ayaw
kong mawala ka. Pero alam kong straight ka at wala namang pag-asa 'tong
kahibangan na 'to.', ang sabi ni Patrick.
Wala namang naisagot si Gino at
tuluy-tuloy lang ang pagtulo ng mga luha niya. Napaupo siya sa kama at sinalo
ang mukha habang umiiyak. Pilit niyang winawaksi ang mga narinig niya mula kay
Patrick. Ngunit, parang kahit anong panlalaban ang gawin niya ay hindi niya
maialis ang nararamdamang comfort mula sa mga sinabi nig kaibigan.
'Okay lang kung umalis ka. At wag mo
na akong kausapin. At least naging totoo ako sa'yo.', sabi ni Patrick.
Doon na nagsimulang umiyak si
Patrick. Tumalikod na ito kay Gino ngunit laking gulat niya nang maramdaman
niya ang mga braso ni Gino na pumulupot sa kanya.
'Thank you.', ang bulong ni Gino.
0*0*0*0
'So, I think hanggang dito na
lang.', ang sabi ko kay Alicia.
'Sure kang ayaw mo nang pumasok
ha?', ang tanong ni Alicia.
'Yup. Next time na lang.', ang sabi
ko.
'Sige. Ingat ka ah. And thank you for
this day.', ang sabi niya.
'Thank you din. Nag-enjoy ako.', ang
sabi ko.
Masyado nang malapit ang mga mukha
namin habang sinasabi ko ang mga huling linya ko. Lalo pa itong lumapit.
Naaamoy ko na ang mabangong hininga niya. Isang dampi sa labi ang ibinigay ko
kay Alicia na malugod naman niyang tinanggap.
'Good night.', ang sabi ko.
'Hindi ko alam kung saan 'to
patungo.', ang sabi ni Gino kay Patrick habang nakahiga sila sa kama.
Halos kakasikat pa lang ng araw nun
at parehas na silang gising.
'Okay lang. Basta kasama kita.', ang
sagot naman ni Patrick.
Lumapit si Patrick kay Gino at
yumakap ito sa kanya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito.
'Pat. Wag.', ang pagpigil ni Gino sa
tangka ni Patrick na paghalik sa kanya.
'Sorry.', ang sabi ni Patrick bago
tumalikod sa kanya.
Napabuntong hininga naman si Gino sa
ginawang iyon ni Patrick. Hindi niya alam ang gagawin niya. Parang gusto niya
na ayaw niya. Gusto niya ang company pero ayaw niyang tanggapin na sa isang
lalaki niya ito nahanap.
'Patpat. Sorry na. Hindi ko pa kaya.
Naguguluhan pa ako.', ang pagsuyo ni Gino.
0*0*0*0
'Sorry, ang tagal ko.', ang sabi ni
Alicia sa akin.
'Okay lang. Tara?', ang yaya ko.
'Wow! May dala kang car.', ang gulat
na sabi ni Alicia nang buksan ko ang passenger seat ng kotseng nakaparada sa
may harap ng gate nila.
'Oo. Buti nga pinayagan na ako ni
Mama na dalhin ko 'to.', ang sabi ko.
'Saan ba tayo pupunta kasi? Kahapon
mo pa ako pinapag-isip.', ang tanong ni Alicia.
'Relax. Di naman kita itatanan e.
Hop in!', ang sabi ko.
0*0*0*0
'Sige, una na ako ah.', ang paalam
ni Gino matapos itong makaligo at makakain ng almusal.
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay
ni Patrick sa kanya. Matapos iyon ay kinuha na nito ang backpack at lumabas na
ng kwarto.
'Gino-ball.', ang pagtawag ni
Patrick.
Agad namang lumingon si Gino matapos
mabuksan ang pinto ng kwarto.
'Yeah?', ang maikling tanong nito.
'Will you still sleep over after
what happened?', ang malungkot na tanong ni Patrick.
'Yeah! Ano ka ba. Uuwi lang ako. I
did not say goodbye! Ikaw talaga, Patpat! Ang drama mo bigla!', ang sagot niya
dito.
Bumaba na ito ng kwarto at tinungo
na ang sasakyan na naka-park sa labas ng bahay nina Patrick. Bago ito sumakay
ay tiningnan niya muna ang bintana ng kwarto ni Patrick kung saan nakasilip
ito. Kinawayan niya ito.
0*0*0*0
'Are we going south?', ang tanong ni
Alicia sa akin.
'Yup! Tagaytay, to be exact!', ang
masaya kong sagot.
'Wow! Diba masyadong malayo 'yun?',
ang tanong niya ulit.
'Hindi naman. Maaga pa. Di pa naman
siguro ma-traffic tsaka start na ng sem break.', ang sabi ko.
Naabutan kami ng red light sa isang
intersection. Agad akong nag-menor at huminto. Hindi naman kami nagmamadali at
sa mga ganitong stop kami nakakapagkwentuhan ng husto ni Alicia.
0*0*0*0
Mabagal ang pagpaptakbo ni Gino sa
kanyang sasakyan. Hindi tulad ng nakagawian niyang pagharurot. Ayaw tumigil ng
utak niya sa kakaisip sa nangyayari sa kanya ngayon. Hindi niya maintindihan
ang sarili. Ayaw niyang saktan si Patrick kaya naman tinanggap niya ang lahat
ng sinabi nito. Masaya siya. Flattered. Hindi niya makuhang magalit.
'Hindi naman siguro masamang
subukan. Kaso paano kung lalo ko lang siyang masaktan?', ang tanong ni Gino sa sarili.
Agad siyang huminto nang mapansin
nag-pula ang ilaw ng traffic light sa intersection na iyon. Nakatingin lang
siya sa mga sasakyang dumaraan sa harapan niya. Ngunit naramdaman niya ang
paghila sa kanya na tumingin sa gawing kanan niya.
'Ry?', ang nasabi niya.
Nakita niya akong tumatawa sa driver
seat habang kinukulit si Alicia. Nakahawak ako sa steering wheel at halos hindi
tumitingin sa traffic light.
Napangiti na lang si Gino at
bumaling na ulit sa harap at inantay ang traffic light na mag-green.
0*0*0*0
'Ano naman gagawin natin sa
Tagaytay?', ang tanong niya.
'Uhm. Swimming?', ang sagot ko.
'Corny mo! Hindi ako nagdala ng
jacket! Tsk!', ang naiinis niyang sabi.
'Okay lang. Ako na lang gawin mong
jacket.', ang pang-aasar ko.
'Shut up, Ry!', ang sabi niya bago
ako hampasin sa braso.
Tawa lang ako ng tawa. Habang si
Alicia naman ay hindi ako tinigilan sa pagpalo at pagkurot.
'Aray ko! Hahaha!', ang natatawa
kong reklamo.
Para namang may kung ano ang humila
sa akin patingin sa gawing kaliwa ko nang saktong nag-green na ang traffic
light.
'G.', ang bulong ko.
Isang busina mula sa kotse sa aking
likod at ang pagtawag sa akin ni Alicia ang nagbalik sa akin sa katinuan.
Nakita ko si Gino mag-isa sa kanyang sasakyan. Mukhang hindi siya okay. Mukhang
ang lalim ng kanyang iniisip. Agad itong umabante nang nag-green ang traffic
light.
'Ay! Nag-hang?', ang natatawang tanong
ni Alicia sa akin.
'Sorry naman!', ang sagot ko bago
umabante at subukang habulin ang sasakyan ni Gino.
Ngunit hindi ko na ito naabutan.
Malamang ay kumanan na ito sa kabilang kanto pauwi sa kanila.
0*0*0*0
'Good morning, Ma!', ang bati ni
Gino nang makapasok ito sa bahay.
'O, saan ka na naman galing?', ang
tanong ng ina nito.
'Kina Patrick lang po.', ang
mahinang sagot niya.
'Ikaw, bata ka! Namimihasa ka na!
Ilang beses mo nang ginawa 'to nang hindi nagpapaalam. Sino ba 'yang Patrick na
'yan? Baka naman puro kabulastugan lang ang pinaggagawa niyo ha! Nako!', ang
sermon ng ina.
'Ma!! Pwede? Ang aga aga!', ang
sigaw ni Gino.
'Aba! Ikaw pa ang may ganang magtaas
ng boses ngayon. Matuto kang umuwi sa gabi hindi 'yang ganyan na kung saan saan
ka natutulog! Buti ba sana kung kina Ryan 'yan. At least dun alam kong safe ka.
E dyan sa Patrick na yan, sino ba yan?', ang pagpapatuloy ng ina ni Gino.
Napatingin naman agad si Gino sa ina
nang mabanggit ang pangalan ko. Hindi niya alam kung anong problema ng ina niya
sa kanya ngayon.
'Stop it, Ma! Please! Lagi ka na
lang ganyan sa akin! Sermon ng sermon, nakakabingi na!!', ang sigaw ni Gino.
Padabog niyang tinungo ang kwarto at
ibinalibag ang pagsara ng pinto. Ihinagis niya ang sarili sa malambot na kama at
hindi na napigilan ang pag-iyak. Halo-halong emosyon ang nadarama niya. Nandyan
ang pagiging magulo ng pagkatao niya ngayon dahil sa nalaman kay Patrick, ang
pagbulyaw sa kanya ng sariling ina at ang pagkakita niya sa akin na masaya
kasama si Alicia.
'Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Natatakot akong subukan kung ano man ang meron kami ni Patrick. Naiirita na ako
sa ingay ni Mama. Masaya na si Ryan kay Alicia.', ang sabi niya sa sarili.
0*0*0*0
Wala pang isang oras ay nasa
Tagaytay na kami ni Alicia. Nag-stop kami sa isang restaurant at doon na
kumain.
'Brunch na 'to.', ang sabi niya.
'Yeah. So what are you having? We've
got a long day ahead.', ang sabi ko.
Um-order na kami ng makakain.
Matapos kumain ay nag-round trip kami at binisita ang ilan sa mga magagandang
lugar ng siyudad. Nakakapagod ang buong araw at magtatakip silim na nang
mag-stay kami sa isang coffee shop kung saan overlooking ang Taal Volcano.
Nakakabighani ang lugar na ito.
'Wait, I'll get us two cups of
water.', ang paalam ni Alicia.
Pumasok siya sa loob ng shop at
naiwan akong mag-isa. Noon lang ako nagkaroon ng time para mabigyang pansin ang
kanina pa gumugulo sa isip ko. Tiningnan ko ang napakagandang bulkan habang
iniisip ko si Gino at si Patrick.
'Masaya na siya kay Patrick.', ang sabi ko sa aking sarili.
Masakit isipin. Alam kong wala akong
ebidensya sa aking sinabi pero iba ang naramdaman ko nang nagsama kaming tatlo
mag-aral. Parang feeling ko may kahati na ako sa atensyon na dati ay sa akin
lang. Ang tanga ko siguro kung hahayaan ko lang iyon na ganon na lang. Kaso
paano kung nakikita ko naman na masaya si Gino sa kanya? Ayoko namang ipagkait
'yun. Besides, kailangan ako ni Alicia. Masaya ako na napapasaya ko siya.
'Here.', ang pag-abot niya sa akin
ng tubig.
'Thanks, babe.', ang sabi ko.
'What?', ang gulat niyang tanong
dahil sa narinig.
'Sabi ko, thanks babe.', ang
pag-ulit ko.
'Whaaaaat?', ang tanong niya ulit.
'Ay. Gusto inuulit-ulit?', ang
pang-aasar ko.
'Ang sarap lang pakinggan.', ang
sabi ni Alicia.
No comments:
Post a Comment