By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com
"Morning
Yam." Nakangiting napakaaliwalas na itsura ni Franc kagad ang nasilayan ko
sa umaga. Ay kung ganito naman tuwing umaga ang makikita sa pagkamulat ng mata
mo, ay ang sarap gumising sa umaga.
"Morning
din." Nakangiting sabi ko.
Tapos biglang kumatok
ng pagkalakas lakas sa pinto si Rico.
"Fren!!! ginamit
mo ba iyong inigib ko kagabe?" Sigaw niya sa labas.
Patay! pinaligo namin
ni Franc kanina. Nu gagawin ko.
Bangon kaagad ako.
Bihis, tapos si Franc
dumapa pa. Ayaw pang bumangon. Tapos nagtakip pa ng mukha gamit ang unan.
Feel at home ang bago
naming border ni Rico.
Binuksan ko ang
pinto.
Silip siya sa loob
nakita nya ang hubad na likuran ni Franc.. tapos sinarado ko ulit.
"ay shet fren!
anong ginawa mo sa pasalubong mo sa akin? akala ko naman umuwi na, iyon pala
nangapitkwarto... naku ha! naiinis ako sa iyo fren. akala ko ba sa akin sya?
bakit nasa kwarto mo?" nakacross arms siya.
"lakas mo daw
kasing humlik matulog hindi siya makatulog, di ko naman mahayaan dito sa sala
no, baka papakakin ng lamok."
"so. ikaw nalang
ang pumapak imbes na sa lamok???"
ay naku, baka kung
saan pa umabot ang usapang ito, kasalanan niya iyon. lakas niyang humilik eh,
tapos sisihin niya ako. pero... bigla kong naalala iyong ginawa namin noon
gabi. hayyy...
ehhh anu bayan!
"wala namang
nangyari sa amin no? nainitan lang siya kaya siya naka-topless, at saka siya
ang gumamit ulit ng tubig mo no, gisingin mo tapos magpa-igib ka at ako'y
bibili ng almusal ko.... ay namin pala.. ay natin pala."
"naku yam,
naamoy ako ng hindi maganda, hindi ko naman tinatanong kung may ngyari sa inyo,
masyado kang defensive....ah siya ba gumamit ng tubig ko? okay lang, siya naman
pala. mag-iigib nalang ako ulit, tapos pag-iigib ko na din siya..." abot
tenga ang ngiti ng loko.
ang duga nitong Rico
na ito, pero kung sinabi kong ako ang gumamit ng tubig niya, ay naku, lentek
lang ang walang ganti, ako pag-iigibin nya.
"oh saan ka
pupunta?" tanong ko kay rico kasi akma niyang bubuksan ang kwarto ko.
"sa loob,
alangan sa labas alam mo namang bubuksan ko iyong pinto ng kwarto mo diba? not
unless may portal papuntang Mall of asia sa loob ng kwarto mo at doon ako
ppasok?" sabi niya.
"eh kwarto ko
yan eh, trespassing ka,"
"at kelan pa
nauso ang tresspassing dito? ikaw nga itong pasok ng pasok sa kwarto ko kahit
na alam mong may kasama akong iba. oh baka naman pinagdadamot mo sa akin ang
inuwi mo kagabi? bbaka naman may ngyari na sa inyo at naiinlove kana sa kaniya?"
ayaw niya talaga
akong tigilan, ah bahala na nga siya.
"tseeh! wala no,
at saka di ako inlove sa kaniya, pwde ba??" todo deny pa ko, pero-- ewan
ko lang, hindi naman ako talaga dapat mainlove sa isang one night stand, at
take note sa kwarto ko pa at hindi pa din umuuwi.
"iyon naman pala
eh, umalis ka nga diyan sa pinto at papasukin ko si Franc.. "
"aray!"
grabe!!! makatulak wagas.
Bago ako lumabas ng
bahay sinilip ko muna sila, ay naku di ko matake, grabe makaharot si Rico.
Nagising tuloy si Franc ulit, tapos... aw! bakit sa akin siya nakatingin.
ngumiti nlang ako.
Pagbalik ko gling
labasan bitbit ko pandesal at pansit, ewan ko lang kung kakain nito si Franc,
pero bahala siya, anyway di naman namin siya bisita no.
ay wait! si Rico
kaagad bumungad sa akin at bakit ang sama ng tingin niya sa akin???
"anong problema
mo? sabi ko naman sa iyo na hindi ako gumamit ng tubig mo no??" sabi ko,
"padaan nga, nakaposing kapa diyan sa pinto, feeling mo ikaw si tyra
banks?" sabi ko.
Tapos hinila niya ang
tshirt ko..
'aray nu ba fren..
nasasaktan ako" sabi ko.
tapos napansin ko
wala si Franc sa loob.
"NApaka
sinungaling mo din frend no!" sabi ni Rico.
"bakit ba, anong
nasabi kong kasinungalingan atsaka asan na si franc??" si franc talaga
hinanap ko, hahaha!
"pinaalis ko na
boyfriend mo!!!!|" sabi niya, tapos binitawan niya ako sa tshirt ko.
"ano boyfriend?
tsaka bakit mo siya pinaalis?"
"naku,
apaka-indenial mo din no! syota mo pala si Franc eh, nag-away lang daw kayo
kagabi kaya sa akin mo siya pinatabi, ako naman si tanga kinilig sa kagagahan
mo. bakit mo di sinabi sa akin na may bf ka??" seryoso siya, tapos inagaw
niya sa akin ang pansit at mga pandesal.
umupo na kami sa
mesa.
"hindi ko sya bf
no! nakita ko lang kagabi iyon. tsaka bakit mo siya pinaalis??" tanong k0.
"Gagi! jowk ko
lang n pinaalis ko siya, kusa siyang umalis, may pupuntahan pa daw kasi siya,
nagmamadale nga eh noong nalaman niyang 8am na, di nasya nakapagpaalam sa iyo
bf mo." sabi niya, habang nanguya ng pandesal na pinalamanan niya ng
pnsit.
pero... bigla akong
nakaramdam ng lungkot ng malaman kong umalis na siya.
tinapos ko ang
pag-aalmusal ko at bumalik ako sa kwarto ko.
may nakita kong papel
sa ibabaw ng maliit kong kabinet.
"Yam, tawagan
nalang kita mamaya ha, pinakialamanan ko phone mo, hinanap ko number mo, Sinave
ko na din number ko. thanks nga pala kagabi. love, franc xoxo"
kinilig ako sa love,
franc xoxo.
anubayan!!!!
bumibilis tibok ng puso ko. urgh!!!!
No comments:
Post a Comment