By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com
Hindi makapaniwala si
Dan na matapos niyang takbuhan lahat ng kaniyang nakaraan ay ito ngayon si
Melvin sa kaniyang harapan, si Melvin na isa sa mga pasimuno sa pambubugbog sa
kaniya at nanggagatong kay Dave, Mark at Mike upang ipagpatuloy ang panghahalay
sa kaniya noong nakalipas niyang kaarawan mag-iisang taon na ang nakakaraan.
Ipinikit ni Dan ang kaniyang mga mata, iniisip na guni-guni niya lang ito, na
hindi totoong nanlalamig ngayon ang kaniyang buong katawan, na hindi siya
ngayon pinagpapawisan ng malamig, na hindi siya ngayon makagalaw mula sa
kaniyang kinatatayuan...
Na walang Melvin na
nakatayo sa kaniyang harapan ngayon na nagmamakaawa na kausapin niya.
“Please, Dan.”
lumuluha ng pagmamakaawa ni Melvin na siyang nagtulak kay Dan na idilat ang
kaniyang mga mata.
“I-I n-need him---”
simula ni Melvin na ikinataka ni Dan sa kabila ng ibayong takot na kaniyang
nararamdaman.
“I-I n-never meant to
push him away. I-I never meant to hurt him--- Please, Dan. Please--- He's all
that I have left. I'm going to die without him. P-Please.” pagmamakaawa paring
saad ni Melvin.
Tila naman may sumipa
kay Dan. Kung kanina ay lamig na lamig ang kaniyang buong katawan at
nanginginig dahil sa takot, ngayon ay nagsisimula ng mapuno ng init ang
kaniyang buong katawan at manginig parin hindi dahil sa takot kundi dahil sa
galit.
Nakuwa na kasi ngayon
ni Dan kung ano ang nagdudulot kay Melvin na magmakaawa. Hindi lang basta kung
sinong lalaki ang kahalikan ni Ryan noon malapit sa Gustav's.
“D-Dan, please.”
pagmamakaawa pa ni Melvin.
“Mike! P-please,
stop!”
Lalong napuno ng
ibayong galit ang buong katawan ni Dan nang maalala niya ang eksenang iyon kung
saan ang pagmamakaawa niyang iyon ay nahulog at narinig lamang ng mga
nagbibingi-bingihang tenga ng apat na lalaking bumaboy sa kaniyang pagkatao.
“No.” bulong na sagot
ni Dan, pabulong man ito ay hindi maikakaila ang lason sa tono nito.
Sa unang pagkakaton
ay nagsalubong ang tingin ng dalawa gamit ang salamin. Gulat na gulat si Melvin
kahit pa bangag siya dala ng nahithit na shabu nang makita ang pinaghalo-halong
tapang, sakit at galit sa mga mata ni Dan. Wala na ang Dan na pinagkaisahan
nilang bugbugin nung sarili nitong kaarawan sa kanilang bahay, wala na ang Dan
na kanilang kinawawa, pinagtawanan at halos patayin. Nasa kaniya na ngayong
harapan ang isang matapang na Dan, sa katunayan nga ay nakaramdam pa ng takot
si Melvin nang makita niya ang tingin na ito sa mga mata ni Dan. Purong galit.
“P-please---”
simulang pagmamakaawa ulit ni Melvin.
Bumaliktad na ang
mesa at umikot na ang gulong dahil ang pagmamakaawang ito ni Melvin ay nagbigay
ng kakaibang tapang kay Dan. Hindi na namalayan ni Dan na muli na palang
bumalik ang abilidad ng kaniyang mga paa na gumalaw dahil agad siyang humarap
kay Melvin na ikinagulat ng huli.
“YOU DON'T GET TO
BEG!” singhal ni Dan, wala sa sariling umalpas ang galit na matagal na niyang
kinikimkim. “---What did you do when I was the one who was asking for your
mercy? NOTHING! So now I'm going to act as if I didn't hear anything from you.”
singhal ni Dan na ikinaatras ni Melvin.
“Please, Dan, he's
all I got!” pagmamakaawa ulit ni Melvin, umaasa na kahit papano ay lalambot pa
ang puso ni Dan sa kaniyang ginagawang pagmamakaawa na iyon.
“No. I'm not going to
give him back to you. You stripped me of all my happiness and now that I found
my new happiness, I'm not just going to give it to anybody who's not worthy of
any happiness!” may lason ulit na pagmamatigas ni Dan na ikinaluhod na ni
Melvin sa maduming sahig ng CR na iyon, mapalambot lamang ang puso ni Dan.
Ang pagluhod na ito
ni Melvin ay talaga namang ikinatuwa ni Dan ng kaunti. Iniisip na kahit
kapiranggot man lang sana ay maiparamdam niya kay Melvin ang sakit na kaniyang
nadama noon.
“How pathetic---”
bulong ulit ni Dan saka nagsimulang maglakad palabas ng CR pero bago pa man
siya lumabas ay muli niyang hinarap si Melvin na nakaluhod parin sa sahig at
nagsisimula ng humagulgol. “That's what you get for hurting many people.”
“You're not going to
get Ryan back. You have no one else to blame but yourself for pushing him away.
And for the record, It's. Only. Right. For. You. To. Be. Miserable.” pasaring
ulit ni Dan, binigyan ng emphasis ang huling walong salita.
“He doesn't deserve
you!” desperado ng saad ni Melvin na lalong ikinapantig ng tainga ni Dan.
“Eh sino pala ang mas
karapatdapat sa kaniya?! Ikaw?!” sarkastikong singhal ni Dan.
“No! What I mean
is--- You're a good guy, Dan! Ryan doesn't deserve someone like you! His soul
is broken.” pagpupumilit pa ni Melvin pero naging pambobola ang naging labas
nito para kay Dan para makuwa nito ang kaniyang gusto.
“I'm also broken,
Melvin. You, Mike, Dave and Mark broke me.” malungkot na balik ni Dan na saglit
na ikinatahimik ni Melvin. Kahit papano ay mas tinamaan pa siya sa sinabing ito
ni Dan kesa sa ibang masasakit na salitang nasabi nito sa kaniya.
Sa saglit na
pagtahimik na ito ni Melvin ay napa-iling na lang si Dan na siyang gumising sa
huli mula sa malalim na pag-iisip.
“I LOVE HIM!” sigaw
ni Melvin nang makita niyang papalayo na si Dan sa kaniya. Natigilan si Dan at
dahan-dahan muling humarap kay Melvin. Kitang-kita parin ni Melvin ang galit sa
mga mata ni Dan na siyang nagbibigay naman sa kaniya ng kawalang-pag-asa.
“What the fuck do you
know about love?! A monster like you cannot love!” singhal na pabalik ni Dan
sabay inalis ang kaniyang tingin sa nakakawang itsura ni Melvin.
“P-please!”
“He's the only one I
got left.”
“P-please!”
Paulit ulit na
narinig ni Dan mula sa mga bibig ni Melvin sa pagitan ng mga paghikbi nito
habang sinasara niya ang pinto ng CR sa kaniyang likod. Saglit pang napasandal
si Dan sa pinto ng C.R., tila kasi hinigop lahat ng kaniyang lakas matapos ang
pakikipag-harap niyang iyon kay Melvin. Hindi niya ugali ang mang apak ng tao
kahit gaano pa kasama ng ginawa nito sa kaniya noon pero dahil narin siguro sa
sobrang galit kaya niya nasabi ang mga bagay na iyon.
Galit na noon ay
akala niyang tanging paraan para makabawi sa mga bumaboy sa kaniya at ngayon ni
hindi man lang nabawasan ng galit na iyon ang sakit na kaniyang dinadaladala
ilang buwan na ang nakakaraan, sa halip tila bumigat pa nga ito. Pansamantala
man siyang natuwa sa pagmamakaawa at pagmumukhang miserable ni Melvin ay hindi
parin napigilan ni Dan ang sarili na makonsensya at usigin ang sarili kung tama
ba ang kaniyang ginawa.
000ooo000
Hindi mapakali si
Ryan. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas nang sumara ang pinto ng C.R. kung
saan pumasok si Dan pero hindi niya mapigilan ang sarili na mag-alala, Oo at
sinalubong nito ang dami ng tao, ang mga tingin ng mga taong pumupuri sa kaniya
at malalakas na pagkalabog ng speaker ng hindi siya natatakot at nagsusumiksik
sa isang sulok pero hindi parin alam ni Ryan kung anong mangyayari dito sa oras
na mag-isa na lang ito at malayo siya sa tabi ni Ryan.
Isang minuto. Apat na
minuto. Limang minuto na ang nakakaraan pero wala parin si Dan. Kinakausap na
si Ryan ng kaniyang mga kaibigan pero tinatanguan niya lang ito o kaya
iniilingan dahil abala siya sa panonood ng pinto ng C.R. sa kakaintay kay Dan.
Nang hindi na natiis
pa ni Ryan ang pag-aalala kay Dan ay wala siya sa sariling tumayo mula sa
kinauupuan, hindi pinapansin ang nagtatakang tingin ng kaniyang mga kaibigan at
mga tawag nito.
“Ry, I'm talking to
you! Where the hell are you going!?” singhal ni Nikki habang wala siyang nagawa
at pinanood na lang ang kaibigan na seryosong naglalakad papunta sa gawi ng
C.R. ng club na iyon.
Dikit kilay na
nilagpasan ni Ryan ang mga grupo ng babae pati narin ng lalaki na nagpapapansin
sa kaniya, hindi niya malaman kung bakit pero tila ba ibang klase ang
pagpapahalaga niya kay Dan, isang bagay na hindi niya kailanman nagawa sa mga
dati niyang naka-relasyon lalong lalo na si Melvin. Sumagi tuloy sa isip ni
Ryan na maaaring hindi nga pagmamahal ang kaniyang naramdaman noon kay Melvin,
dahil hindi lang naman ang pagiging maaalalahanin ang hindi niya naging ugali
patungkol dito, kailanman ay hindi rin siya nito napapangiti katulad ng
pagpapangiti sa kaniya ni Dan, hindi siya nito napatawa, hindi siya nito
pinabayaang maging malaya sa pagiging pagkatao niya katulad ni Dan at ang
pinaka-importante sa lahat ay hindi niya rin naranasan kay Melvin ang kaniya
ngayong nararanasan kay Dan na importansya.
Kaya naman abot
langit na ngayon ang kaniyang pag-aalala.
Nakahinga na lang si
Ryan ng maayos nang makita niya si Dan na nakasandal sa isang pader at tila ba
malalim ang iniisip pero nang magtama ang kanilang mga tingin ay agad din
namang ngumiti. Mabilis niya itong nilapitan, medyo nagaalala parin pero hindi
na katulad kanina.
“Are you OK?”
nagaalalang tanong ni Ryan, hindi naman pinagkatiwalaan pa ni Dan ang kaniyang
sariling boses kaya naman tumango na lang siya kesa malaman pa ni Ryan ang
nangyari sa loob ng C.R.
Hindi pa handa si Dan
na sabihin kay Ryan ang tungkol sa pambababoy sa kaniya ng kaniyang mga dating
kaibigan kaya naman ayaw niya ring ipaalam dito na nasa loob si Melvin sa takot
na pandirihan siya nito. Isa pa sa mga dahilan kung bakit ayaw niya na makita
ni Ryan si Melvin ay dahil natatakot siya na baka kapag nakita ni Ryan itong
nagmamakaawa ay balikan ito ng huli at mawala ito sa kaniya.
Hindi kaya ni Dan na
mawala sa kaniya ngayon si Ryan dahil ito ang nagsisilbing pader niya ngayon at
alam niya na kapag lumayo ito sa kaniya ay muli nanaman siyang malulunod sa
depresyon at muli nanaman siyang matatakot sa buhay. Alam ni Dan na pagiging
makasarili ito pero hindi niya rin makita ang kasalanan sa pagiging masaya.
Nagulat si Ryan nang biglang
lumapit sa kaniya si Dan at iniyakap ang sarili sa kaniya. Hindi niya tuloy
mapigilang isipin kung may nangyari ba ditong hindi maganda sa loob ng C.R.
pero ang ideya na ito ay tuluyan na niyang nakalimutan ng bulungan siya ni Dan.
“P-please never leave
me.” bulong ni Dan na nakapagpatayo sa lahat ng balahibo ni Ryan.
“Never.” balik ni
Ryan sabay isinalubong ang kaniyang mga labi sa labi ni Dan.
Napako si Melvin sa
kaniyang kinatatayuan matapos niyang buksan ang pinto ng C.R., hindi kalayuan
sa kaniyang kinatatayuan si Dan at ang lalaking mahal niya na naghahalikan sa
kabila ng pagtitinginan ng maraming tao. Hindi mapigilan ni Melvin ang sarili
na masaktan kahit pa ilang beses niyang sinabi at pinaniwala sa sarili na wala
siyang nararamdaman para kay Ryan noong lumalabas pa sila.
“C-can we go home
now?” parang batang iiyak na tanong ni Dan kay Ryan na ikinangiti nito at
ikinatango na lang bilang pagpayag sa gusto nito.
“OK.” sagot ni Ryan
saka hinila ang huli papalabas ng club.
“What about your
friends?” wala sa sariling tanong ni Dan kay Ryan kahit pa hindi rin naman siya
tumitigil sa paglalakad papalabas ng club.
“They'll live.”
humahagikgik na sagot ni Ryan saka pinisil ang kamay ni Dan na kaniyang hawak
hawak.
Bago pa man lumabas
si Ryan kasunod ni Dan sa club na iyon ay tila ba may tumawag sa kaniya at wala
sa sarili siyang napalingon sa gawi ng C.R., muntik ng mapatigil sa paglalakad
si Ryan nang maaninag niya ang isang tao sa may bungad ng C.R. na tila ba si
Melvin. Nilingon niya si Dan, tinitignan kung asan ang pansin nito at nang
makasiguro na daretso ang tingin nito habang naglalakad palabas ng club ay
muling iginawi ni Ryan ang kaniyang tingin sa bungad ng C.R. at laking
pasasalamat niya ng wala na dun ang lalaking inaakala niya ay si Melvin.
Hindi pa siya handa
na malaman ni Dan ang tungkol sa madilim na bahagi na iyon ng kaniyang buhay.
Oo at nasambit na niya ang tungkol sa katatapos niya lang na relasyon pero
hindi pa alam ni Dan kung no ang naging pundasyon ng relasyon na iyon. Hindi pa
niya nasasabi kay Dan kung gaano kadumi ng pundasyon an iyon na halos sumira sa
kaniyang buhay.
000ooo000
“Your friends are
sooo gonna kill you.” humahagikgik na saad ni Dan sabay kagat sa kaniyang
binili nilang shawarma ni Dan sa park ilang metro lang ang layo sa Gustav's.
Hindi napigilan ni Ryan ang mapahagikgik habang ngumunguya.
“Nah. Sanay na ang
mga yon.” kibit balikat na sagot ni Ryan na ikinailing na lang ni Dan.
“If I die, what would
you do?” wala sa sariling humahagikgik na tanong ni Dan na ikinatahimik saglit
ni Ryan.
Isinalubong ni Ryan
ang kaniyang tingin sa mga mata ni Dan. Hindi makapaniwala na ang tanong na iyon
ang makakapagpa-realize sa kaniya na hindi niya lang pala gusto si Dan kundi
mahal na niya ito. Ilang tagpo kasi ang tumakbo sa isip niya nang iahin ni Dan
ang ideyang ito sa kaniya. Andyan ang hindi niya kakayanin ang mawala ito,
andyan ang kasiguraduhan ng kaniyang pagkalunod sa depresyon sa oras na
mangyari nga iyon at marami pang iba na hindi naman karaniwang gagawin at
mararamdaman ng mga tao na siya mo lamang pinanghahalagahan. Alam niyang
masyado pang maaga para mahalin niya agad si Dan pero alam niya at sigurado na
siya na mahal na nga niya ito, kaya naman seryoso niyang sinagot ang huli.
“Besides crying?”
nakangising balik tanong ni Ryan nang maisip niya na marahil ay pabiro lang ang
tanong na iyon ni Dan.
“Yup. Besides
crying.” nakangisi naring tanong I Dan.
“Maybe I'll just kill
myself kasi alam kong h-hindi ko kakayaning wala ka.” seryosong sagot ni Ryan
sabay tingin ng daretso sa mga mata ni Dan na ikinaseryoso na din ng huli.
Binalot silang dalawa
ng katahimikan. Si Dan, natameme sa sagot na iyon ni Ryan, habang si Ryan naman
ay iniisip kung tama ba ang naging desisyon niyang pahapyawan na si Dan sa
kaniyang maaaring nararamdaman dito.
“Huwag ka ngang
echosero!” humahagikgik na saad ni Dan sabay sapak sa braso ni Ryan na
ikinahagikgik nadin ng huli.
“I'm not joking!”
saad ni Ryan sa pagitan ng mga hagikgik.
“Ulol!” balik naman
ni Dan.
Matapos humupa ng
kanilang paghahagikgikan ay saglit ulit silang binalot ng katahimikan at nang
hindi na nakatiis si Dan ay wala sa sarili niyang inabot ni Dan ang libreng
kamay ni Ryan at hinawakan ito ng mahigpit. Hindi mapigilan ni Ryan ang titigan
ang kamay na iyon ni Dan.
“Seriously, Ryan.
I-If I die before you, promise me you will not kill yourself. I want you to
continue living. I want you to enjoy. I want you to love again. My end doesn't
mean your end too.” pabulong na saad ni Dan habang nakatingin sa malayo.
Natahimik ulit si
Ryan sa mga sinabing ito ni Dan. Ngayon, sigurado na siyang pinanghahalagahan
na siya ni Dan katulad ng pagpapahalaga nito sa kaniyang kapatid na noon ay
pinapangarap niya lang na makamit. Ang naisip na ito ay nagbigay ng panibagong
pag-asa kay Ryan na kung ang kaniyang nararamdaman para kay Dan ay pagmamahal
nga talaga, matapos siyang pangalagahan nito ay hindi malayo na mahalin din
siya nito.
“Please promise me.”
pahabol na pangungulit ni Dan. Wala ng nagawa pa si Ryan kundi ang pumayag,
iniisip na hindi naman sila dadating sa ganong punto.
“I promise.” sagot ni
Ryan na ikinangiti ni Dan. Hahalikan sana nito si Ryan sa pisngi bilang
pasasalamat pero biglang humarap si Ryan, nagtutulak na magsalubong muli ang
kanilang mga labi.
Ilang saglit pa ay
tuluyan na nilang nakalimutan ang kanilang kinakain na shawarma dahil abala na
silang dalawa sa paghahalikan.
000ooo000
“Sooo- where did he
take you?” biglang tanong ni Bryan na akala ni Dan ay tulog na matapos niya
itong abutan nung pumasok siya sa kanilang kwarto na talaga namang ikinagulat
niya.
“Argghhh!” sigaw ni
Dan na ikinahagalpak ni Bryan ng tawa. Ilang saglit pa ay biglang sumulpot si
Ryan sa may pinto, may pagaalala sa mata nito pero nang makita nito ang dalawa
na paran tangang nagtatawanan ay umiiling na lang siyang tumalikod at bumalik
sa kaniyang kwarto.
“So? Where did he
take you?” tanong ulit ni Bryan na ikinangiti na lang ni Dan.
Ikinuwento ni Dan
lahat ng nangyari, ang pagpapakilala ulit ni Ryan sa mga bagay na nagbibigay sa
kaniya ng hindi maipaliwanag at angkop na takot, ang pagtuturo sa kaniya nito
kung panong magtiwala ulit at paniniguro nito na handa siyang magbigay ng
suporta kay Dan ano mang oras.
“I told you he's the
best!” proud na saad ni Bryan na ikinatango na lang ni Dan.
“Is that all? didn't
you guys have sex or something?” taas babang kilay na dagdag tanong pa ni Bryan
na ikinairap na lang ni Dan.
“No we didn't have
sex. That's not all though.”
At ikinuwento na nga
ni Dan lahat ng nangyari at napagusapan nila ni Melvin sa loob ng C.R. habang
wala si Ryan sa kaniyang tabi.
000ooo000
“I think the sooner
you tell him about what happened, the better. Because, Dan, things like that
isn't supposed to be kept from you boyfriend. Keeping secret about your
boyfriend's ex as one of the guys who almost beat you to death is really not on
the list for common love quarrel reasons.” payo ni Bryan matapos ikuwento ni
Dan lahat kasama na ang kaniyang pagaalinlangan na malaman ni Ryan ang kaniyang
nakaraan na. Ang payo rin na ito ni Bryan ay lubos namang ikinaisip ni Dan ng
malalim dahil alam niyang may punto ito pero ang tanong ay kung handa na ba
siya. Tila naman nabasa ni Bryan ang iniisip ni Dan dahil agad niya itong
inakbayan.
“He will understand.
Ry is a very understanding person, you should tell him before this secret
explodes both your faces.”
000ooo000
Dalawang linggo pa
ang nakalipas at hindi parin naipapalam ni Dan kay Ryan ang lahat, inabot na
sila ng enrollment at lahat ay hindi parin alam ni Ryan ang tungkol sa
kuneksyon ni Dan at Melvin. Ang mga bagay na ito ang iniisip ni Dan habang
naglalakad sa loob ng unibersidad nang may makabangga siya na talaga namang
ikinaupo niya sa madamong grounds ng kanilang unibersidad.
Agad siyang tumayo
upang makabawi sa pagkapahiya at itinaas ang kaniyang tingin upang humingi sana
ng tawad sa kaniyang nabangga nang biglang tumigil ang pagtibok ng kaniyang
puso at paghinga, nanlamig ang buong katawan, nagpawis ng butil butil at
mabilis na naglakad palayo sa taong nagdudulot sa kaniya nito.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment