By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com
Makalipas ang ilang
buwan…
“Pare! Puntahan mo
muna kami dito sa ospital. Manganganak na si misis” si Alex sa kabilang linya
“o sige pupunta na
ako diyan.”
Pagkadating ko sa
ospital ay nakita ko si Alex. Excited maging ama
“Finally magiging ama
na rin ako!”
“Mabuti ka pa. Ako
walang love life”
“Ikaw naman kasi. Maraming
magaganda diyan. Este gwapo rin pala”
“Ulol!” inis kong
sagot at sinapak ko sa ulo
“Arekop! Parang hindi
ka naman mabiro!” galit na sambit ni Alex sabay haplos sa kanyang ulo
Tinungo namin ang
deliver room ngunit ng lumiko na kami ay parang may nakita naman si Alex
“Pare parang si
Jayson iyon ha?”
Sinundan ko naman ang
tinuturong lalake ni Alex at parang si Jayson nga.
Hinabol ko ang lalake
na lumalakad papalayo. Mabilis ang kanyang paglakad ngunit binilisan ko rin ang
paghabol
“Jayson?”
Hinahabol ko ang
lalaki ng biglang hinablot siya ng isang nurse
“Mr. Dela Cruz kanina
ka pa hinahanap ng doctor” sambit ng nurse at tuluyang umalis ang lalaki at ang
nurse.
Binalikan ko si Alex.
“Pare si Mr. Dela
Cruz iyon. Baka kamukha lang ni Jayson.”
“Ganun?”
Nalaman nalang namin
na nanganak na ang asawa ni Alex
“Congratulations it’s
a baby boy” sambit ng nurse
“YES! YES! YES!”
pasigaw-sigaw ni Alex
“Pare congratulations
ha. At least happy ka na. paano iyan? Magkita nalang tayo ulit ha?” mahabang
sambit ko.
“O sige pare.
Tatawagan na lang kita ka pag Ok na si Misis”
Umalis na rin ako ng
ospital at umuwi.
Pagkadating ko ng
bahay ay kinuha ko ulit ang ID ni Jayson at hinalikan.
“Jay, alam mo may
baby na si Alex at ang asawa niya”
“Sana andito ka para
makita mo rin kung gaano siya kasaya”
Namuo ulit ang aking
mga luha at bahagyang dumaloy na ito sa aking mukha
“Miss na miss na kita
Jayson.”
Patuloy lang ang
pagdaloy ng aking luha hanggang sa nakatulog ako at hawak-hawak ang kanyang ID.
Nang sumunod na araw
ay naalimpungatan naman ako sa tawag ni Alex
“Pare! Punta ka na
dito sa ospital. Andito na si Baby Lucas”
“O sige pare.
Maliligo lang ako at pupuntahan na kita diyan”
Pagkatapos kong
maligo ay dumiretso na ako kaagad sa ospital.
“Pare! Si Baby Lucas”
si Alex hawak-hawak ang kanyang baby
“Ang pogi-pogi naman
ni Baby Lucas”
“Oo nga eh. Ang
puti-puti nga. Hawig sa kangyang ina”
Kinuha ko ang baby at
hinaplos-haplos ang kanyang ulo. Maya’t-maya ay dumating ang nurse
“Excuse me sir
hanggang dito nalang po ang oras ng pagbibisita sa baby. Kailangan na po siyang
ibalik sa NICU” sambit ng nurse
Ibinigay ko naman ang
baby sa nurse at kinamayan si Alex
“Pare nauuhaw ako.
Puwede bang bababa muna ako sa canteen?” sambit k okay Alex
“O sige. Bumalik ka
kaagad ha?”
Bumaba na ako at
tinungo ang canteen. Ngunit sa kalgitnaan ng daan ay nakita ko naman ang isang
bata na nakadamit pasyente rin.
Tiningnan ko siya ng
mabuti at parang may pamilyar sa batang iyon.
Nilapitan ko ang bata
at nakita kong hawak-hawak niya ang isang wooden shield.
“Bata puwede bang
makita ang hinahawakan mong laruan?”
Ibinigay na man ng
bata ang kanyang hinahawakang wooden shield.
Nagulat ako ng nakita
ko ang mga letrand “J” at “D”. Alam ko na iyon ang ibinigay kong wooden shield
kay Jayson nong bata pa kami.
“Bata kanino mo ito
nakuha?” tanong ko sa bata
Ngunit nawala na ang
bata. Hinanap ko ang bata ngunit hindi ko na siya nakita.
Kinutuban ako nab aka
andito lang si Jayson sa ospital kaya ang ginawa ko ay pinuntahan ang ER.
“Excuse me sir. Meron
ba kayong pasyente na ang pangalan ay Jayson Martinez?” tanong ko sa nurse
“Ay sorry sir pero
wala sa listahan eh. Check mo nalang po sa admitting section baka andun” sagot
at paliwanag ng nurse.
Pinuntahan ko naman
ang admitting section at nabigo rin ako.
Wala na akong magawa
kaya binalikan ko si Alex. Nasa ikalawang palapag na ako ng nakita ko ulit ang
bata.
Sinundan koi to at
maya’t-maya ay hinablot din naman siya ng isang nurse.
“Aaron andito ka lang
pala. Kanina pa kita hinahanap” sambit ng nurse
Nilapitan ko silang
dalawa at kinausap ang bata ngunit hindi nakapagsalit ang bata at dahil sa
takot at biglang umiyak.
Hindi ko na pinilit
pang tanungin ang bata kaya pinagisipan ko na ang nurse na lang ang tanungin.
“Maam excuse me po.
Magtatanong lang sana ako kung meron kayong pasyenteng nagngangalang Jayson
Martinez?”
“Sorry po sir pero
mas makakabuti kong ang resident doctor nalang po namin ang inyong tanungin”
sagot ng nurse.
“saan ba puwedeng
mahanap ang doctor niyo?
“Pumasok na lang po
kayo sa kabilang kuwarto”
Pinuntahan ko naman
ang nasabing kuwarto at hinahap ang doctor
“Good morning. Doc?
Excuse me po? Parespetong tanong ko sa doctor
“Good morning din.
Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?
“Doc, magtatanong
lang po ako sana kong meron kayong pasyenteng nagngangalang Jason Martinez?”
“Ay sorry Sir pero
hindi kita matutulungan diyan. Kasi highly confedential po ang mga bagay na
iyan”
“Doc sige na po.
Matagal ko na po siyang hinahanap eh”
“Sir sorry pero hindi
talaga puwede ang gusto mo eh”
“Doc, police po ako
siguro naman po meron akong karapatang magimbestiga”
“Meron ka bang search
warrant? Kasi kung wala hindi kita matutulungan. Isa pa aalis na ako at sa
susunod na buwan na ako babalik” mahabang sagot ng doctor
Hindi na rin ako
nakasagot at umalis na rin ang doctor.
Wala na akong maisip
pang ibang paraan at ayaw ko namang gamitin ang aking pagiging pulis par a lang
sa ganitong bagay.
Kaya ang pinagisipan
ko ay puntahan ang bahay ng lolo ni Jayson. Bago ako umalis ay pinuntahan ko
muna si Alex.
“Pare aalis muna ako.
May aayusin lang akong importanteng bagay” sambit ko kay Alex.
“O sige mag-ingat ka
pare”
Umalis na ako ng
ospital at tinungo na ang bahay ng lolo ni Jayson.
Pagkadating sa bahay
ng lolo ni Jayson ay nakita ko namang naka-upo ang lolo niya.
“Lolo. Pasensya na
kong nakaisturbo ako pero kailangan kong malaman ang totoo. Nasaan ba si
Jayson?”
Hindi sumagot ang
lolo ni Jayson kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at kinuha ang baril sabay
tutok sa aking ulo.
“Sir. Magpapakamatay
ako sa harap mo kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo”
Hindi na nakapagtimpi
ang lolo ni Jayson kaya naikwento na niya sa akin ang katotohanan.
“Umupo ka muna at
sasabihin ko sa iyo” sambit ng lolo ni Jayson
“Nung bata pa si
Jayson. Masayang-masaya sila ng mama at papa niya. Ang papa ni Jayson ay
president ng isang malaking kompanya”
“marami ang naiingit
sa kanya lalo na ang mga kalabang kasamahan sa kompanya.”
“Nakatanggap ng
maraming death threat ang papa ni Jayson at hindi naman niya ito ipinaubaya sa
awtoridad”
“Hanggang sa
pinagbantaan siyang papatayin ang kanyang asawa at anak na si Jason”
“Kaya napagisipan na
nilang umalis na lang ngunit ng nalaman ng kalaban niya ay hinabol sila”
“Mabuti na lang at
may isang pulis na nakausap ang papa ni Jayson at siya ang tumulong sa kanila”
“Nasa kalagitnaan na
ng daan ng nalaman ng ama ni Jayson na hinahabol sila ng mga kaaway”
“Nakarating sila sa
post ng pulis na tinawagan ng ama ni Jayson ngunit sa kasamaang palad ay pinag
babaril sila. Unang tinamaan ang mama ni Jayson at ang sumunod ay ang papa
naman nito.”
“Mabuti na lang at
bumanga ang sasakyan nila Jayson sa isang malaking kahoy”
“Nakadating ang pulis
na tinawaganng ama ni Jayson at tinulungan ito. Nakita niya ang mga kalaban at
pinag-babaril ng pulis. Tinamaan ang isang salarin sa pagpaslang sa mag-asawa”
“Napahandusay ang
criminal at nilapitan ng pulis. Patay na ang kriniminal at tinawagan ng pulis
ang iba pang kasamahan. Binalikan ng pulis ang kotse at doon nakita si Jayson.
Kinuha ng pulis ang bata at ibinigay sa dswd. Doon nalang namin nalaman ang
masaklap na pangyayari sa mag-asawa”
“Kinuha ko si Jayson
sa dswd at hinanap ang pulis”
“pinasalamatan ko ang
pulis sa kanyang ginawa. Dala-dala ko ang bata ng pinuntahan ko ang pulis”
“Maya’t-maya ay may
dumaan na isang kotse at kitang-kita ng pulis na nakatotok ito sa amin kaya ang
ginawa nito ay niyakap kami at siya ang sumalo ng lahat na bala”
“Namatay ang pulis sa
harapan ko mismo at ng napahandusay siya ay nadaganan naman ako”
“sa di inaasahang
pangyayari ay nabitawan ko ang bata at nabagok ang ulo nito sa isang bato”
“Humingi ako ng
tulong at nakita kong nagsilabasan na rin ang mga pulis ngunit hindi na nila
naabutan ang mga criminal”
“Dinala kami sa
ospital at ginamot din kami ni Jayson”
“Nakaligtas din kami
sa panganib ngunit ng makalipas ang ilang taon ay naobserbahan kong sumasakit
ang ulo ni Jayson”
“Pinatingin namin sa
doctor ang kanyang kalagayan at doon na lang namin napag-alaman na may sakit si
Jayson”
Nagulat ako sa mga
ikinuwentong lolo ni Jayson. Nanatiling tahimik ako at patuloy na nakinig sa
kanyang kuwento
“Dennis. Please. Alam
kong mabibigla ka pero may cancer si Jayson”
“Ipinadala na namin
siya sa ibang bansa para magamot ngunit malignant ang sakit nito”
“Napag-isipan ko
nalang na iuwi si Jayson dito kasi wala rin namang magagawa ang mga doctor sa
ibang bansa.”
“Dennis. May ilang
araw na lang na natitira si Jayson. Ginusto ni Jayson na hindi na ipagpaalam sa
iyo ang kanyang kondisyon dahil alam niya na masasaktan ka”
“Oo aaminin ko sa
iyo. Dennis alam kong mahal niyo ang isa’t-isa. Masakit rin para sa akin kung mawawala
na si Jayson. Siya lang ang natitirang alaala ko sa aking anak”
“Ayaw ko naman siyang
suwayin sa kanyang kagustuhan kaya hindi ko na sa iyo ipinaalam ang mga
nangyayari sa kanya.”
“Dennis. Sana
maintindihan mo ako. Sa ngayon nasa isang ospital si Jayson at doon na
namamalagi para maobserbahan ng doctor”
“Alam kong hindi na
magtatagal si Jayson kaya pinili kong manatili siya sa ospital at binibisita
araw-araw”
“Nakikisuyo si Jayson
sa akin tungkol sa iyo at alam niya ang bawat nangyayari sa buhay mo”
“Gusto niyang malaman
kong ano ang mga nangyayari sa iyo dahil hanggang doon lang ang puwedeng magawa
niya upang maging masaya. Ang malaman niyang masaya ka”
Nanglumo ako sa aking
mga natuklasang balita sa lolo ni Jayson. Hindi ako makasalita. Ni hindi ko
maigalaw ang aking sarili dahil dito. Parang gusto kong mamatay na.
Humagulhol ako ng
sobra hanggang sa nanikip ang aking dibdib. Ang huling naalala ko nalang ay
nawalan na ako ng malay.
“Asan ako?” mahina
kong tanong
“Andito ka sa bahay
Dennis. Nawalan ka ng malay kanina kaya minabuti ko na pumarito ka nalang keysa
dalhin pa kita sa ospital”
“Pupuntahan ko ngayon
si Jayson lolo” mabilisan kong sambit sabay tayo sa pagkahiga
Hindi na sumagot pa
ang lolo ni Jayson. Lumabas ako ng bahay at minabuting puntahan si Jayson sa
ospital.
Habang tinatahak ko
ang daan patungo sa ospital ay patuloy pa rin ako sa pag-iiyak. Hindi ko kayang
tanggapin ang mga balitang hindi na magtatagal si Jayson.
Alam kong dadating
ang araw na iiwan na ako ni Jayson ngunit gugustuhin kong tanggapin ang sakit
na maihahatid ng kanyang pagkawala basta makasama ko lan g siya kahit sa mga
huling sandal niya sa mundong ito.
Pagkarating ko ng
ospital ay tinungo ko kaagad ang room ng asawa ni Alex.
Naikuwento ko sa
kanya ang tungkol kay Jayson at ang kanyang kondisyon kaya napag-isipan naming
gumawa ng isang bagay na hinding-hindi malilimutan ni Jayson.
Kinausap ko na rin
ang iba pang mga nurse at doctor tungkol dito dahil gusto kong mapasaya si
Jayson kahit sa huling sandal niya dito sa mundo.
Pagpasok ko sa room
ni Jason ay nabighani naman ako sa aking nadatnan.
Itutuloy...
Sundan bukas ang
huling bahagi ng kwentong Bawal Na Pag-Ibig: The Knight and His Shining Armor
No comments:
Post a Comment