Friday, February 8, 2013

Against All Odds 23

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


Nakapangalumbaba si Ryan malapit sa kinatatayuan ni Dan sa kanilang kusina habang pinapanood niya ang kamay nito sa paghahati ng mga kamatis na gagawin nitong sahog para sa nilulutong hapunan, pinapanood ang bawat pag-galaw ng mga daliri nito na miya mo makina dahil sa ganda ng presisyon. Wala sa sariling inabot ni Ryan ang kamay ni Dan, marahang inalis ang kutsilyo sa kamay nito at inilapit ang makinis at malambot nitong kamay sa kaniyang bibig at pinadampian ito ng kaniyang labi.

Hindi alam ni Ryan kung bakit pero tila ba ang bawat galaw ni Dan ay lalong nakakapagpaibig sa kaniya dito. Kahit gaano pa man kasimple ng kilos nito ay talaga namang napapamangha siya. Idadampi pa sana niya ang kaniyang mga labi sa likod ng kamay ni Dan nang may magsalita sa likod nilang dalawa.


“Geeeshhh! Let the guy cook breakfast first! We're going to starve to death if you keep on kissing his hands!” singhal ni Bryan sa may gawi ng pinto na agad namang ikinatalon ng dalawa palayo.


Alam naman nilang walang problema kay Bryan ang kanilang sekswalidad at ang possibleng pagkakaroon nila ng relasyon, ang tangi lang nilang naiisip na magiging problema ay ang posibilidad na pagka-asiwa nito sa oras na mahuli sila nitong naglalambingan. Ang ideya din ng pagkailang sa kanila ni Bryan ang nakikitang dahilan ng dalawa upang wag sabihin kay Bryan ang tungkol sa kanilang dalawa dahil wala mang tutol si Bryan sa kanilang sekswalidad at posibilidad na relasyon ay hindi naman nila alam ang limitasyon nito.


“I-I'm g-going to school. Bye. See you later guys.” nabubulol at nagmamadaling paalam ni Ryan sabay hapuhap ng lakad palabas ng front door na sa sobrang pagmamadali at dahil narin sa laki ng katawan ay nasagi ang mga bagay sa hallway palabas ng pinto.


Bago pa man isara ni ryan ang pinto sa kaniyang likod ay muli niyang nilingon si Dan at ang mukha nitong nagsasabi na “Iwan ba ako sa ere?” ang sumalubong sa kaniya. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapahagikgik at mapangiti ng malaki sapagkat hindi niya mapigilang isipin kung gaano ka-cute ni Dan kahit pa pinandidilatan siya nito ng mata. Nang makita naman ni Dan ang pag-ngiti na ito ni Ryan ay hindi niya rin mapigilan ang sarili na mapangiti. Hindi nakaligtas ang namumula pang pisngi na pag-ngiti na ito ni Dan kay Bryan na hindi napigilan ang sarili na mapahagikgik, iniisip kung gaano ka-cheesy ng dalawa at kung gaanong kabilis na nahuhulog ang loob ng dalawa sa isa't isa.



“So--- when are you going to stop smiling like an idiot and start cooking breakfast?” taas babang kilay na saad ni Bryan na iinagising naman ni Dan mula sa kaniyang matamis na pag-ngiti.


Agad na tumalikod si Dan kay Bryan at ipinagpatuloy ang pagluluto.


“I have ADHD but I'm not stupid you know---” simula ni Bryan na ikinalingon ulit dito ni Dan.


“You guys don't have to hide your feelings for each other whenever I'm around. I'm not a homophobe and honestly, the way you guys jump away from each other whenever I come to a room is really annoying and offending. I'm not going to walk out of the room if you guys started kissing each other kung magsisimula na kayong mag-sex, pwede pa, pero yung magha-hawakan lang kayo ng kamay or something kaya ko naman yun makita. Those things doesn't make me uncomfortable, you know. And please keep on cooking that breakfast I'm really hungry---” parang bata na nagsisimula pa lang matuto na manermong sabi ni Bryan, hindi mapigilan ang sarili na dumaldal kahit pa malayo na sa naunang gustong iparating nito ang mga sumunod na sinabi. Nagsasalita parin si Bryan nang tumayo ito at pumunta sa may Ref upang kumuwa ng malamig na tubig.


Hindi mapigilan ni Dan ang matuwa kasi sa bibig na mismo ni Bryan nanggaling na wala itong problema sa kanila ni Ryan kaya naman wala rin sa sarili siyang lumapit dito at habang abala si Bryan sa paghahanap ng tubig sa loob ng ref ay niyakap siya ng mahigpit ni Dan mula sa likod.


“Thank you! You're the best big brother I ever had!” bulong dito ni Dan habang nakayakap. Hindi mapigilan ni Bryan ang mapahagikgik sa sinabing ito ni Dan at mapaisip na tama ang kaniyang hinala na may namamagitan na dito at sa kaniyang kapatid ngunit nagaalangan lang ang mga ito na sabihan siya dahil iniisip ng mga ito na baka lumayo ang loob niya sa mga ito.


“You have no other big brother, Dufus!” humahagikgik na sabi ni Bryan kay Dan sabay harap dito at niyakap din ito ng mahigpit.


“Tell your boyfriend that I'm OK with all your shit and because I'm so hungry this morning and you haven't cooked anything yet, he'll treat me later for lunch!” saad ulit ni Bryan sa pagitan ng mga hagikgik sabay pakawala sa katawan ni Dan at talikod.


“See you later, Dan!” sigaw nito sabay lakad palabas ng front door.


“But your breakfast---?” habol ni Dan.


“I'll eat na lang on my way to class. I'm going to be late na eh!”


Matapos sumara ng pinto sa likod ni Bryan ay hindi mapigilan ni Dan na mapaisip na lahat na nga ng bagay ay nagiging maayos at mabuti na para sa kaniya.

000oo000

“DAN! ANDITO NA SUNDO MO!” sigaw ng gwardya kay Dan na ikinalingon naman nito sa may bintana upang tanawin kung sino ang sumundo sa kaniya. Hindi na siya nagulat nang makita niya si Ryan na nakangiting nakatayo sa tabi ng gwardya na tila ba tinitignan siyang maigi kung si Bryan ba ito o si Ryan.


“Bahala ka dyan.” bulong ni Dan saka binagalan lalo ang pagaayos ng gamit. Ang sinabi at kinikilos na ito ni Dan ay hindi nakaligtas sa kaniyang boss na tila ba ginawa naring alarm ang palagiang pag-sigaw na iyon ng gwardya para kay Dan sa tuwing dadating ang sundo nito para naman sa kaniyang pang-hapon na kape.


“Trouble in paradise?” tanong ni Jase sa nakasibanghot na si Dan habang kumukuwa siya ng kape.


“Nope.” matipid na sagot ni Dan, hindi naman na kailangang sabihan pa si Jase na ayaw na itong pag-usapan ni Dan kaya naman iniba na lang ni Jase ang usapan.


“So--- malapit na ang enrollment mo?” tanong ni Jase na ikinangiti naman ni Dan, hindi mapigilang ma-excite sa ideya na malapit na ang pagbubukas ng klase.


“Yup!” nakangiti ng sagot ni Dan.


“Good! If you need anything and I mean anything just call me, OK.” makahulugang saad ni Jase na ikinangiti lalo ni Dan.


“Yup.” sinserong sagot ni Dan. Dahil sa tulong ni Jase ay hindi na kailangan pang maghanap ng pangalawang trabaho ni Dan. Nang ibigay ni Jase ang pagiging waiter kay Dan nang may umalis siyang isang waiter sa restaurant ay sapat na ang kinikita ni Dan.


“Good.” balik ngiti namang saad ni Jase, hindi maikaila ang nararamdamang tuwa na nakakatulong siya sa binata.


“DAAAAAAAN SUNDO MO!” sigaw ulit ng gwardya na ikinahagikgik ni Jase at ikinairap naman ni Dan.


“Hinahanap ka na ng sundo mo, Dan.” nangiinis pang saad ni Jase saka tumalikod at pumasok sa kaniyang opisina.

000ooo000

Hindi mapigilan ng sariling mga ngiti ni Ryan ang mabura mula sa kaniyang mukha nang makita niya ang nakasibanghot na mukha ni Dan nang lumabas ito mula sa backdoor ng Gustav's na para lang sa mga empleyado nito. Ilang ideya ang hindi rin napigilan ni Ryan na tumakbo sa kaniyang isip. Andyan ang posibilidad na may umaway sa kaniyang Dan at kung ano ang maaari niyang gawin para pasakitan ang taong ito kung sakali mang meron ngang umaway o nanakit dito.


“Are you OK? Sinong umaway sayo?” singhal ni Ryan nang mapatapat sa kaniya si Dan.


“Bye, manong.” paalam ni Dan sa gwardya na nagbigay lang ng nagtatakang tingin sa kaniya, tila naman hindi nito narinig ang sinabi ni Ryan dahil tuloy tuloy itong naglakad palabas ng compound ng Gustav's. Hindi nakaligtas ang pagbingi-bingihan na ito ni Dan kay Ryan na agad namang nangunot ang noo.


“Dan?” tawag pansin ni Ryan dito habang mabilis itong sinusundan.


“Tse! Iniwan mo akong mag-isa kaninang umaga! Alam mo ba kung gano ka awkward yung heart to heart talk namin kanin ni Bryan plus the fact na paiba-iba pa ng topic yung kakambal mo na ikinasakit ng ulo ko atsaka di ko pa natuloy yung niluluto ko kanina, sayang tuloy yung mga sahog! Tapos---” tuloy tuloy na saad ni Dan, dinagdagan na lang ang totoong dahilan kung bakit siya nainsi kainang umaga para kahit naman papano ay hindi magmukhang mababaw ang kaniyang dahilan kung bakit siya naiinis kay Ryan.


Hindi naman mapigilan ni Ryan ang maguluhan saglit at nang maintindihan na niya ang ibig sabihin ng huli ay pinigilan naman niya ang sarili na mapahagikgik. Halatang-halata kasi na gumagawa lamang ng dahilan si Dan upang lambingin niya ito.


“Sorry na.” seryosong singit ni Ryan, sapat lang ang lakas ng boses nito upang marinig ni Dan iyon sa kabila ng patuloy nitong pagdaldal.


“---nasayangan pa tuloy kayo ng pera dahil---” patuloy parin ni Dan.


“Sorry na. Labas tayo ngayon para makabawi ako.” nangingiting saad ni Ryan na ikinatigil ni Dan sa pagsasalita at paglalakad.


“Ano?!” singhal ni Dan.


“Sabi ko, sorry na saka labas tayo ngayon para makabawi ako.” nakangiting paguulit ni Ryan na ikinalusaw naman ng pagkairita ng huli.


“O-OK. San tayo pupunta?” namumulang pisngi na saad ni Dan, saka yumuko dahil sa hiya. Naiirita man siya ay hindi naman niya palalagpasin ang pagkakataon na lumabas sila ni Ryan na sila lang. Ang mabilisang sagot na ito ni Dan ay ikinangiti ng malaki ni Ryan.


“Just dress up you'll find out soon enough.” makahulugang saad ni Ryan na ikinakunot ng noo ni Dan.


“San nga tayo pupunta?” pangungulit ni Dan kay Ryan na patuloy lang sa pag-ngiti.


“Basta--- I'm going to teach you how to live again.” makauhulugan at pabulong na sagot ni Ryan kay Dan.


“Ano?” tanong ulit dito ni Dan pero umiling lang si Ryan.


“Just dress up later, OK?” pagpupumilit ni Ryan na ikinabuntong hininga na lang ni Dan.


“Sige-sige.”

000ooo000

Hindi mapigilan ni Dan ang mapanganga nang makita niya kung san siya gustong dalhin ni Ryan. Asa harapan sila ngayon ng isang super club. Isang club na punong puno ng tao, nakakasukang amoy ng alak, nakakaubong usok ng sigarilyo at nakakarinding malalakas na tunong ng mga speakers.


“Dan?” tawag pansin ni Ryan kay Dan sabay lahad ng kamay nito bilang pag-aya dito na panahon na upang pumasok sa loob ng club. Humakbang paatras si Dan habang umiiling, muntik ng i-atras ni Ryan ang kaniyang pinaplano pero naisip niya rin na hindi naman para sa kaniya ang gagawin niyang ito kung hindi para kay Dan.


“Dan--” tawag pansin ulit ni Ryan dito sabay hawak sa braso nito upang mapigilan ito sa pag-atras.


“Ryan, alam mo kung ano yung nangyari last time we were in a club. Ayaw ko ng maulit yun--” simulang pagpupumilit ni Dan pero hindi siya pinakinggan ni Ryan.


“I'm doing this not to torture you, Dan. I just want you to live your life again.” marahang saad ni Ryan kay Dan.


“You call this living a life?” tanong naman ni Dan sabay tingin sa kaliwa't kanan.


“No. Hindi yun ang ibig sabihin ko, hindi ko sinasabing ang pakikipagsiksikan, ang paglanghap ng usok ng sigarilyo, ang pag-inom ng alak at pagpapakabingi sa sounds ng club kungdi yung masanay ka sa paligid ng maraming tao, yung masanay ka na may tumititig sayo hindi dahil sasaktan ka nila kundi dahil nagwa-gwapuhan sila sayo, yung masanay kang makipag-usap ulit sa ibang tao, yung masanay ka na magtiwala, yung masanay ka na andito ako sa tabi mo at hindi kita iiwan.” mahabang paliwanag ni Ryan habang mariing nakatingin sa mga mata ni Dan na maluha-luha na.


Saglit na nag-isip si Dan. Pilit na tinatanong ang sarili kung siya ba'y handa ng gibain ang pader na kaniyang ginawa nang mangyari ang panghahalay sa kaniya nila Mark, Dave at Mike at mabuhay muli ng walang pagaalinlangan at takot. Habang iniisip ito ni Dan ay hindi pinutol ni isang segundo ni Dan at Ryan ang kanilang pagtititigan.


“Please.” may pagmamakaawang bulong ni Ryan kay Dan na wala ng nagawa kundi ang tumango bilang pag-payag, hindi mapigilan ni Ryan ang mapangiti ng makita ang tahimik na sagot na iyon ni Dan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila ba nalusaw lahat ng pagaalinlangan ni Dan nang makita niya ang ngiting iyon ni Ryan.


“---plus---” pabitin na simula ni Ryan sabay ngisi ng nakakaloko. “---you get to hold my hand whenever you feel uncomfortable. Libre tyansing kung baga.” nakangisi paring panloloko ni Ryan kay Dan na umirap na lang atsaka marahang sinuntok ang malaking braso ni Ryan.


Matapos ang konting biruan na ito ni Dan at Ryan ay wala sa sariling napatingin si Dan sa bungad ng super club na iyon at napabugha ng hangin, hindi ito nakaligtas kay Ryan, alam niyang malaking bagay ito kay Dan kahit pa hindi niya alam ang rason kung bakit tila ikinukulong nito ang sarili sa sariling mundo kaya naman wala sa sarili niyang inabot ang kamay nito.


“Seriously. You can hold my hand anytime. I'm always here, Dan. I'm always going to be here.” bulong ni Ryan habang tinititigan ng mariin si Dan.


000ooo000


Sa tuwing makikita ni Ryan na biglang mapapatigil si Dan o kaya naman ay sa tuwing nakikita niyang tila ba magsisimula na itong mag panic ay hindi na niya iintayin pang abutin nito ang kaniyang kamay dahil siya na mismo ang aabot non at ipapadama kay Dan na andun lang siya at walang mangyayaring masama sa kaniya.


Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Dan ay muli na niyang naramdaman ang mga bagay at naalala ang masasamang alaala ng kaniyang nagdaang birthday. Gusto na niyang pumikit, tumakbo palayo o kaya naman ay magsumiksik sa isang sulok. Nang makita niya ang malilikot na ilaw ay natandaan niya ang bawat pagbalik at pagkawala ng kaniyang malay noong siya'y pinagpapasahang suntukin ng kaniyang mga dating kaibigan habang hinahalay siya, ang matatapang na amoy ng usok ay nakapagpatanda sa kaniya ng sigarilyo at amoy ng droga na ginagamit nila Dave, Mark, Melvin at Mike, ang amoy ng alak na siya namang naamoy niya sa damit nila Dan, Mark at Mike at ang malalakas na kalabog ng speaker na nakakapagpabilis ng pagtibok ng kaniyang puso at lumunod sa kaniyang paghingi ng tulong.


Peron lahat ito ay nawala nang maramdaman niya ang pamilyar na sensasyon na dulot ng kamay ni Ryan, lalo pa ng isalubong niya ang kaniyang tingin sa mga tingin na ito na punong puno ng suporta at pagpupursigi sa kaniya.


Sa tuwing nararamdaman niya na may tumitingin sa kaniya ay hindi niya parin mapigilan ang sarili na kilabutan at isipin na may binabalak ang mga taong iyon sa kaniya na masama pero ang pagkapraning niyang ito ay mabubura naman sa tuwing isasalubong ni Ryan ang kaniyang tingin sa huli at kikindatan siya nito sabay bulong na. “She's got the hots for my boyfriend.” sabay halik sa kaniyang nanlalamig na kamay at hahawakan ulit ito ng mahigpit pagkatapos.


“So this is Dan?” saad ng isang lalaki nang makarating sila sa isang bakanteng lamesa na tila ba pina reserve ni Ryan. Agad na nanlamig ang buong katawan ni Dan, iniisip na ang taong ito ay sasaktan siya. Nagsisimula ng ipikit ni Dan ang kaniyang mga mata at muli na sanang magpapakain sa kaniyang panic attack nang abutin ni Ryan ang kamay nito at hawakan ng mahigpit.


“Yup. This is my boyfriend, Dan.” proud na proud namang sagot ni Ryan na muling nakapagpamulat sa mga mata ni Dan, lahat ng masasamang iniisip ay tuluyan ng nalunod sa sinabing iyon ni Ryan.


“Damn he's cute!” saad naman ng isang babae sabay hagikgik. Pagkatapos magsalita ng babaeng ito ay sumulpot pa ang dalawang lalaki na pumuri rin kay Dan. Natatalo ang takot at ang pagiging curious ni Dan kung sino ang mga taong ito na tila ba kilala ni Ryan. Hindi naman nakaligtas ang pagaalangan na ito ni Dan kay Ryan kaya naman mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ni Dan.


“Dan, I want you to meet Nikki, Shane, Ben and Jop, they're our classmates in highschool.” pagpapakilala ni Ryan sa mga ito kay Dan sabay inaya ang mga ito kasama na si Dan na umupo na.


“Aw! He's a cutie, Ryan! Can I keep him? Pretty please?” nakangiti at nagbe- beautiful eyes na saad ni Ben na ikinairita naman ni Ryan. Si Ben ang isa sa mga kaibigan ni Ryan na mas matimbang pa ata ang pagiging babae sa katawan kesa ang pagiging lalaki.


“Hands off!” seryosong saad ni Ryan.


“But he's so cute---!” balik naman ni Ben na ikinahagikgik na lang nilang lahat kasama si Dan at maliban kay Ryan.


Ngayon, naisip ni Dan habang masaya siyang nakikipagtawanan kasama ang grupo na iyon na walang duda na nagsisimula na ngang maging mabuti ang kaniyang buhay. Nagsisimula na itong maging balik sa normal.

000ooo000

Matapos ang ilang tawanan at kwentuhan kasama ng grupo ay nagsayawan muna ang iba, iniwan si Ryan at Dan sa kanilang lamesa, ibinaling ni Dan ang kaniyang tingin kay Ryan at nang salubungin ng huli ang kaniyang tingin dito ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti.


“Thank you.” bulong ni Dan. Wala naman sa sariling isinalubong ni Ryan ang kaniyang labi sa mga labi ni Dan, may ialng segundo ring tumagal ang puno ng emosyon na halikan na iyon at naghiwalay lang ang kanilang mga labi upang huminga kaya naman nang makabawi ay muli na sanang isasalubong ni Ryan ang kaniyang mga labi sa labi ni Dan nang pigilan siya nito.


“Iihi lang ako.” paalam ni Dan na ikinahagikgik naman ni Ryan. Nang tumayo si Dan ay tatayo narin sana siya nang pigilan siya ulit nito at muling pinaupo.


“I'm going to do this alone.” makahulugang saad ni Dan. Saglit na nag-alangan si Ryan pero nang makita niyang desedido si Dan ay wala na lang din siyang nagawa pero bago tumango at pumayag sa gustong mangyari ni Dan ay sumumpa si Ryan na hindi niya pakakawalan ng tingin si Dan hanggang makarating ito sa banyo.


000ooo000


“I made it!” masayang sabi ni Dan sa kaniyang sarili nang makaharap na siya sa salamin ng banyo. Masaya siya dahil sa kabila ng takot sa mga bagay na nakapagpapaalala sa kaniya ng masamang nangyari sa kaniya noon ay nakuwa niya paring labanan ang mga ito kahit wala si Ryan sa kaniyang tabi.


Ngunit ang pagkagalak na ito ni Dan ay hindi nagtagal nang makita niya ang repleksyon ng isa pang lalaki sa kaniyang likod. Agad na nanlamig ang buong katawan ni Dan, nagpawis din ng malamig, nanginig ang buong katawan at tila ba napako ang kaniyang mga paa sa kinatatayuan, maski ang tumalikod at humarap sa lalaking nakikita niya sa repleksyon ay hindi niya magawa.


“I need to talk to you.” pagmamakaawang saad ng repleksyon na iyon sa kaniya pero hindi na nakasagot pa si Dan dahil pati ang kaniyang panga ay hindi narin niya maibukha.


“Dan, please. I need to talk to you.” saad ulit ng lalaki at humakbang papalapit kay Dan na siya namang tila nakapagpahinto sa pagtibok ng kaniyang puso at pag-hinga dahil sa takot.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment