Friday, February 8, 2013

Bawal na Pag-ibig: The Knight and His Shining Armor Finale

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Pagpasok ko sa room ay nakita ko na punong-puno ito ng mga drawings. Mga drawings na iginuhit gamit ang lapis. Ito ay mga larawan ng mga bagay na mayroong koneksyon na nakaraan namin ni Jason.

Inisa-isa kong pagmasdan ang bawat larawan na ginuhit sa papel hanggang sa nadatnan ko ang pinaka-sulok na bahagi ng kanyang room. Nakita ko ang litrato ko.

“Bakit nandito ka? Paano mo nalaman na..” naputol na sambit ni Jason ng hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit.

“Jay, alam ko na ang lahat. Masakit para sa akin ang itago moa ng buong katotohanan. Hindi ko man ito tanggap pero naiintindihan kita”

Niyakap rin ako ni Jayson at nakita kong dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi. Pinahiran koi to ng aking panyo.

“Tahan na Jayson. Huwag ka nang umiyak. Halika, labas tayo”

Natigil na rin si Jayson sa kaiiyak pero alam kong pinapalakas niya lang ang kanyang loob. Ganoon din ang aking ginawa. Pinalalakasan ko lang ang aking loob kahit ramdam kong masakit ang mga nangyayari. Pinipilit kong intindihin ang tadhanang ito pero wala na akong magagawa kung hindi pasayahin si Jayson hanggang sa huling hininga niya.

Lumabas kami ng ospital at tinungo ang park kung saan kami huling nagkita. Umupo kami sa malapit na bench at sabay pinagmasdan ang langit.

“Jay? Alam mo bang kay tagal kitang hinanap?”


Hindi sumagot si Jayson. Alam kong hindi niya kayang sagutin ang aking tanong kaya ang ginawa ko nalang ay ipinasandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Inakbayan ko rin siya para maging komportable. Habang nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat ay naikwento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin habang wala siya.

Ngunit sa kalagitnaan ng pagkwento ko ay biglang naradaman ko ang mabilisang hininga ni Jayson. Nahihirapan na pala siyang huminga kaya tinawagan ko si Alex at humingi ng tulong sa kanya. Maya’t-maya ay dumating na rin ang ambulansya at isunugod pabalik si Jayson sa ospital.

Nasa labas ako ng ospital at nakaharap sa tapat ng bintana ng room ni Jayson. Bumuhos ang napakalakas na ulan at patuloy lang akong nakatayo at nakaharap pa rin dito. Basang-basa ako ng ulan at ramdam kong nilalamigan na ako ngunit tiniis koi to. Mas gustuhin ko pang ako nalang ang mamatay kaysa ang pinaka-matalik kong kaibigan ang mawala sa aking buhay.

Nang sumunod na araw…

Pinaki-usapan ko ang Lolo ni Jayson. Kinausap ko rin si Alex na tulungan akong gawin ang plano kong pasayahin si Jayson kahit sa huling sandali.

Naset-up na ang lahat na mga gamit. Kinausap ko rin ang doctor at nurse ni Jayson pero kahit labag ito sa kanilang patakaran ngunit nagmakaawa ako. Pinahintulutan rin naman nila ako kaya pumasok na ako sa room ni Jayson. Nakita ko siyang nakahiga. Nilapitan ko siya at niyakap. Nagulat rin si Jayson at nakita ko siyang ngumiti.

“Bakit nandito ka Dens?”

“Wala lang, gusto lang naman kitang bisitahin eh. Jay?”

“Ano iyon Dens?”

“Pwede bang samahan mo muna ako?”

“Saan tayo pupunta?”

“Basta sumama ka lang sa akin. May sorpresa ako sa iyo”

Nginitian ko si Jayson at niyakap ng mahigpit. Tinulungan ko siyang makatayo sa pagkakahiga. Dahan-dahan kaming lumakad patungo sa wheelchair at lumabas ng room. Sumakay kami ng taxi at tinungo ang daan papunta sa lugar kung saan kami unang nagkakilala. Sa paaralan namin ng bata pa kami.
Pagkadating naming doon ay bumaba kami sa daan kung saan dito rin kami unang nagkita. Lumapit sa amin ang Lolo ni Jayson bitbit ang kanyang lumang bag. Andito na rin Tiyo Bert at bitbit na rin ang aking lumang bag. Sumakay ako sa bike at humarap kay Jayson. Nagsimulang pinadyak ni Tiyo Bert ang bike at naglakad na rin sina Jayson at ang kanyang Lolo. Habang nasa kalagitnaan kami ng daan, sinimulan ko na rin ang walang kamatayang “London Bridge” na kinanta ko noong una kaming nagkita.

“London bridge is falling down.. falling down.. falling down.. London bridge is falling down.. I’m your first knight!”

Patuloy lang ako sa pagkanta at nakita kong umiiyak si Jayson. Nagsimula na ring namuo ang aking mga luha sa mata ngunit pinigilan ko ito. Kailangan kong magpakatatag para kay Jayson ngunit maya’t-maya ay parang nahihilo si Jayson. Bumaba ako at dali-daling nilapitan si Jayson.

“Jay Ok ka lang?”

“Medyo Dens. Nahihilo kasi ako”

“Lakasan mo lang ang iyong loob Jay. Halika bubuhatin na lang kita”

Sumakay si Jayson sa aking likura. Kahit ang bigat niya pero tiniis ko ito dahil ayokong mahirapan pa si Jayson. Tinahak namin ang daan patungo sa harap ng paaralan namin. Nasa tapat na kami ng gate ng..

“Jay? Gusto mo bang makita ang sorpresa ko sa iyo?”

Hindi sumagot si Jayson pero naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang pagkahawak sa akin. Tugon iyon na gusto niyang makita ito. Kaya sumenyas na ako kay Alex na buksan ang mga ilaw.

Maya’t-maya ay nakabukas na ang ilaw at nagulat si Jayson sa kanyang nakita.

Mayroong red carpet sa harapan namin. Mahabang red carpet na pinalilibutan ng maraming bulaklak at lobo. Sa dulo nito ay mayroong isang mesa at dalawang upuan. Maraming pagkain na niluto pa ni Tiyo Bert. Mga pagkain na paborito ni Jayson.

Inalalayan ko si Jayson patungo doon at sa bawat hakbang niya ay mayroon akong inilagay sa gilid na mga bagay na magpapaalala sa kanya tungkol sa mga nangyari sa amin.

Naroon ang isang kulungan na mayroong salamander. Nasundan ito ng isang stick na ginamit ng guro namin sa pagpalo ng aming mga kamay noong pinagalitan kami. Kasunod nito ang mga piraso ng blackboard eraser at walis paypay kong saan ito ang mga ginamit namin ng kami ay naparusahang maglinis ng room.

Sinundan ito ng tshirt na ibinigay ko sa kanya ng muli kaming nagkita. Isang maliit na barko na pinuntarahan pa ng ginto dahil naalala ko na naniniwala si Jayson na mayroong barko na dumadaan sa kabilang tulay kung kaya palagi itong nasisira. Naroon din ang mga papel at lapis na ginamit ni Jayson ng kami ay gumagawa ng drawing sa bahay ng Lolo niya. Naroon din ang mga bato, natuyong tatlong rosas, basket at telang ginamit ko ng sinorpresa ko si Jayson at naroon din ang posas na ginamit ko ng muling nagkita kami ni Jayson sa prisento.

Pagkarating namin sa may flagpole ay pinaupo ko siya at sinimulang subuan siya ng pagkain.
Kitang-kita ko ang bakat ng kasiyahan sa kanyang mukha. Patuloy ring dumadaloy ang kanyang mga luha.

“Pare bakit mo ginagawa ito?”

Hindi ko na siya sinagot at sinibuan ko nalang siya ng sphagetti at garlic bread. Pagkatapos naming kumain ay nilapitan ko siya at niyakap. Maya’t-maya ay suminyas ako kay Alex. Biglang pinatay ang mga ilaw na nakapaligid at dahan-dahan akong umalis sa tabi ni Jayson. Narinig kong nagulat si Jayson at pasigaw na hinahanap ako ngunit hindi ko siya sinasagot.

Pagkatapos ng ilang minuto ay biglang pinasindi ko ang mga ilaw na nakapalibot sa flagpole. Nakita rin ito ni Jayson at nagulat siya dahil sa gilid ng flagpole ay ang isang malaking kalesa. Bumaba ako sa kalesa at naguat rin si Jayson sa kanyang nasaksihan.

Nakasuot ako ng armor, helmet, boots at pants. Ito ay mga basic na equipment ng isang knight. Hawak-hawak ko rin ang isang sword. Lumapit ako kay Jayson. Patuloy pa ring nakatingin sa akin si Jayson at kitang-kita ko ang saya sa kanyang mukha. Pagkalapit ko sa kanya ay inangat ko ang aking kamao. Nagfist toss kaming dalawa. Kinuha ko ang kanyang kamay at inalalayang tumayo sumakay siya sa aking likuran at binuhat patungo sa kalesa. Dahan-dahang bumaba si Jayson sa aking likuran at inalalayan ko siyang sumakay ng kalesa. Pagkapasok namin ay ibinigay ko sa kanya ang wooden shield na nakuha ko sa bata  doon sa ospital.

“Jay, sana huwag mo nang ipamigay ito. Isusuli ko ulit sa iyo ang binigay ko noon. Tanda ito ng ating pagkakaibigan. Mahal kita Jay, alam kong alam mo na mahal kita higit pa sa pagiging magkaibigan. Hindi ko rin ng naintindihan pero bata pa tayo naramdaman ko na ito”

Ibinigay ko sa kanya ang wooden shield. Ngumiti lang si Jayson pero nahihirapan na siyang huminga.

“Jay, pwede ba kitang mahalikan?”

Pinikit ni Jayson ang kanyang mata at dahan-dahan kong itinapat ang aking bibig sa kanyang bibig. Naghalikan kaming dalawa kahit alam kong hirap na hirap na si Jayson sa kakahinga.

Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako. Nagsimulang dumaloy ang luha sa kanyang mata at ganoon din sa akin. Alam kong malapit na kaming magkakahiwalay ulit ni Jayson pero ang masakit dito ay ito na ang huling hiwalayan at pagkikita namin ni Jayson.

Naramdaman kong biglang humina ang pagkayakap ni Jayson ngunit hindi pa rin nakaalis ang kanyang mga kamay sa pagkayakap. Hinigpitan ko ang aking pagkayakap sa kanya ng biglang kinuha ni Jayson ang kanyang mga kamay at hinarap ako.

“Dens, mahal na mahal kita. Tatandaan mo iyan. Palaging nasa isip kita. Simula ng tayo ay naging magkaibigan, hindi ka na nawala sa aking pag-iisip. Alam kong alam mo rin na mahal na mahal kita. Naramdaman ko rin na mahal mo ako. Pero wala na akong magagawa. Hindi ko rin namang gustong saktan ka Dens, kasi alam kong balang araw ay mawawala rin ako kaya pinili kong lumayo sa iyo. Ngunit hindi ko kayang mawala ka, kaya binabalikan kita.”

“Jay, please..”

“Dens?”
“Aaaanooooooo iii iiiiyoooo yooon Jaaaaay?”

“Pwede bang humingi ng pabor?”

“Oo. Jay baa baaaki baakkkiitt?”

Lumabas kami ni Jayson sa kalesa. Tumayo kami sa harap ng flagpole.

“Jay?”

“Pweede bang tuuumaaliiikoood kaaaa?”

“Plleeeeeaaassseee. Jaaaaayyyyy. Kaaaaahiiiit saaaa huuuuliiing ssaaaaanddaaaallliiiii”

“Deennnsss,, pleaaaaasseeee”

Humagulhol na ako sa sakit dahil ito na ang oras ng paghihiwalay namin ni Jayson. Masakit na masakit. Parang hihimatayin ako ngunit nilabanan ko ito. Alam kong hindi ko kayang mawala si Jayson pero tulad ng dati, ayaw ko siyang suwayin.

Tinaluran ko si Jayson at mas lalong dumaloy ang aking mga luha. Sumisikip na ang aking dibdib sa pagkahinga. Nahihirapan na rin akong huminga. Gustuhin ko mang lingunin si Jayson pero pinipigilan niya ako. Sinuntok ko ang aking dibdib sa sobrang sakit. Mas lalong tumindi ang paghagulhol ko ngunit naramdaman kong niyakap ako ni Jayson.

Ramdam ko ang hirap na paghinga ni Jayson pero tiniis niya ito. Hinigpitan ni Jayson ang kanyang pagkayap sa akin at may ibinulong.

“Dens, salamat sa lahat”

“Ito na ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Ang makita kang muli. Ikaw ang pinakamamahal kong tao sa buong buhay ko dahil kahit papaano ay ipinaramdam mo sa akin ang tunay na halaga ng pagmamahal. Maituturing rin nilang bawal na pag-ibig ito ngunit naging masaya ako sa huling sandali.”

“Ikaw ang knight with shining armor ko”

“Deeeennnnnnssss…. IIiiiiiiingggggaaatttt aaaaatttt paaaaaaaaalllllaaaammmm”

Nakawala si Jayson sa pagkayakap at narinig ko ang pagkatumba niya. Hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit.

“JAYSON!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!””
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkalipas ng ilang buwan…

“Sir, ano po ba ang order niyo?”

“Ah isang sphagetti at garlic bread lang”

“Okay, isang spaghetti with garlic bread, coming up”

Pagkatapos kong mailatag ang inorder ng customer namin ay lumabas ako ng restaurant. Bitbit ko ang isang pirasong box kung saan nakalagay ang ID ni Jayson. Binuksan ko ito at kinuha sa loob. Hinalikan koi to dahil kinasanayan ko nang halikan ito araw-araw sa parehong oras. Ito ang oras kung kailan huling nahalikan ko si Jayson bago kami tuluyang naghiwalay.

Kinakausap ko rin palagi ang ID ni Jayson at ikinukwento ang mga bagay na nangyayari sa akin araw-araw. Pagkatapos ko sa aking litanya ay tumingala ako sa langit.

“Jays, kung nasaan ka man ngayon. Palagi mong tatandaan. Ikaw ang una at huli kong mamahalin”

Biglang may nakita akong falling star. Natuwa rin naman ako dahil naalala ko kaagad ang kinantang London bridge noong una kaming nagkita ni Jayson. Kaso nga lang hindi bridge ang nahulog kung hindi isang star.

Pinikit ko ang aking mata at nanalangin. Maya’t-maya ay hinalikan ko ulit ang kanyang ID, ipinasok sa loob ng box at bumalik na rin sa loob ng restaurant.

No comments:

Post a Comment