Friday, February 8, 2013

Unexpected Love Affair 05

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


Habang nanunuod ako ng The Vampires Diary sa ETC, ewan ko ba kong naiitindihan ko ang pinapanuod ko oh sadyang lipad paden ang utak ko. Kanina pa ko tingin ng tingin sa phone ko.

ASSUMING na magtitext talaga si Franc.

Kung tutuusin 2 oras palang naman siya mula ng umalis siya.

"Ay taray! nanunuod ng Vampires Diary, anong drama mo fren? ito oh tissue" si, rico.. katatapos lang maligo ng loko at ako kaagad ang napuna.

"para saan ang tissue? hindi naman ako naiiyak sa kwento no." binalik ko iyong tissue na galing sa loob ng banyo, tae lang. kaya nauubos ang tissue, paano walang sariling tuwalya at tissue ang ginagamit na pamunas sa katawan. adik no?

"naku! hindi naman para sa iyakan ang tissue, para sa nose mo yan fren. For sure pinipigilan mo lang, maya nosebleed fever kana diyan." Tapos tawa siya ng malakas.

ay tae! lakas mantri, kung sabagay hindi ko talaga maintindihan, sakit sa ilong. Eh ang pinapanuod ko lang naman kasi iyong bidang lalaki eh.

mga vamire kasi wagas magmahal, sana vampire nalang si Franc para seryoso siya sa akin noong sinabi niyang bf ko xa.


eerrrkkk! anu bayan! 24 nako kung umarte ako pang PBB teens. asar!!!

"tsee! ewan ko sa iyo fren! May pinag-aralan ako kaya nakakaintindi ako!" taas ko kilay ko sa kaniya.

"ay, sorry naman. akala ko kasi wala." takte talaga, nakadrugs nanaman tong si Rico, nakatira nanaman ata ng albatros sa loob ng banyo. kaya nauubos eh, sinisingot.

"So, you're saying AMALAYER? AMALAYER? AMALAYER?"

simula na ulit ng basagan trip sa loob ng bahay ni kuya. hahha!

"No, frend, you're a dove girl. ginamit ko nga pala iyong sabon dove mo, maya pa ako bibili ng sa akin eh."

"huwaattt??" maka-what naman ako? haha "...sabon ko ginagamit mo, bahala ka, may buni pa man din ako. Mahawa ka sana."


"iw ka fren, now your ALAYER! sa kinis mong yan may buni kapa? magkabuni na si kris aquino pero ikaw? asa lang." sabi niya habang nagpupunas ng maxi peel sa mukha habang nakaharap sa bintilador niya sa loob ng kwarto niya.

"tsee, dinamay mo pa si idol ko." sabay tingin ako sa phone ko, ay shet!!!! ay missed call.

"blah blah blah blah blah...na na na na..." salita pa ng salita si rico, d ko na naiintindihan siya, nakapokus ako sa phone ko, kailangan kong malaman kung sino ang nagmissed call.

pero syempre, umaasa ako na si....



FRANCO SEVERINO...

urgh!!! bakit nanam kasi nakasilent eh. uhuhu. ang drama ko! eh ano pala kong hindi ko nasagot, baka kung sinagot ko baka isipin pa niya namimiss ko siya, dapat hindi ako magpahalata.

pero sana tumawag siya ulit...


"hoy fren, nakikinig kba??" tanong ni Rico.

"ha ah eh-- may sinasabi kaba?" wala talagang pumasok sa isip ko sa mga sinasabi niya kanina. nilapag ko ulit phone ko.

"tae ka talaga eh, sabi ko makikipagkita ako kay Xyndhryx later." sa totoo lang iniisip ko kong code name ba iyon o name talaga.

"ah sa fren mong puro consonants ang name?"

"woi, iyng 'y' is considered as vowel depending on it's use no." siya na english teacher. "tsaka di ko siya fren no... para saan pa't maiiuwi ko din siya dito later!"
ah hinde pala siya teacher.. hooker siya.

"goodluck fren." tingin ako ulit sa phone ko... ay syete ostos nueve dies! may missed call ulitsi Franc. tae kasi to si Rico salita ng salita, eh tanga ko din kasi di ko pa binago sa pagkakasilent eh. urgh!

hindi ko na iniintindi si rico nakapokus na ako sa phone ko.

pero hanggang sa makaalsi si Rico hindi na tumawag si Franc... naku baka isipin niya ayaw ko siyang makausap. pero pwede din naman niyang isipin na tulog pa ako diba? o busy kaya di ko nasagot??? kaya sana lang tumawag siya ulit.

ANO BA YAN!!! BAKIT BA INAASAHAN KO NA TUMAWAG XA!!! nakakaasar naman oh! pero kasi sa tuwing ipipikit ko mata ko, nakikita ko mga kaakit akit niyang mata, at kahit na may pagkasupladito ang itsura na may konting attitude nababalewala iyon kapag ngumingiti siya..



haaayyy... this could be love! tae! ano sinabi ko??? love? urgh! pwe! hindi to love, infatuation??? ano ako bata? baka love na nga! aaahhhhh! taena mo franc ano ba kasi ginawa mo sa akin!!!

KATOK! KATOK! KATOK!!!

Ay syet tong si rico makakatok wagas! wasakin nalang kaya niya para lagot na kami sa may-ari.

"Sige sirain pa mo fren!" dada ko habang papalapit ako sa pinto.

KATOK! KATOK! KATOK!

"anubayan! di kita lalong pagbubuksan eh, aalis alis tapos may malilimutan. adik kasi eh!"

pagbukas ko ng pinto.



MENTAL BLOCKED MOMENT.


"HOY! BAKIT DI MO SINASAGOT TAWAG KO???" ay syet! makasigaw naman rinig buong barangay! nawala moment ko.

yeah right s Franc nga, pero ang pogi niya parin kahit galit at ang sexy niya sa suot niyang business attire???? business attire??? mag-aaply siya??? pero bakit masyadog pang-esikotibo ang suot niya???, pero wait wait!!! bakit siya nagagalit sa akin? kung makaasta siya feeling syota ko talaga siya! asa lang... pero deep inside kinikilig ako.

"HOY DIN! ANO PALA KUNG DI KO SAGUTIN TAWAG MO? MAKASIGAW KA WAGAS UH!" sigaw din ako.

"eh namimiss lang naman kita eh. nag-aalala ako sa iyo kaya dumaan ako dito, bahala ng malate sa meeting, makita lang kita muna... di sila makakapagsimula kapag wala ako." sabi niya. yabang!bumagsak sana sa job interview niya mamaya, ano kaya maisip ng hr na may attitude problem siya para hindi siya ihired.

"ewan ko sa iyo. aalis alis ka ng maaga ng hindi nagpapaalam sa kin, iyon pala babalik ka din ano ba iyon hinintay mo ako muna diba?" tseee! bakit ba ganun ang sinabi ko. haha!

"kasi naman biglang tumawag si Papa sa akin kaya napauwi na ako kaagad. sorry na. aalis na din ako kaagad. gusto lang talaga kitang makita."

kinikilig akooooo! pero ayaw kong ipahalata, ano bayan.

"oh nakita mo na ako, pwede ka ng umalis...." taray ko, bakit ko siya pinapaalis? pero ibig sabihin talaga nun, pwede bang magstay ka muna ng 1 minute more. hahaha!

"wala bang kiss muna???"

urgh! seriously??? kiss talaga? syota ko na ba talaga siya? naku naman, hindi ko inaasahan to uh. pero... bahala na nga.

SMACK!

tsee! napahalik naman ako. sarap ng lips niya. okay lang wala namang tao na nadaan sa tapat bahay namin. tsaka pakiaalam ba nila. haha

"salamat Yam. daan ako dito after meeting, sunduin kita.. lalabas tayo okay?"

hayy tulala ako sa kaniya...


natauhan nalang ako noong umalis na siya.


"HUWAT!!!! LALAbAS KAMI? DATE BA IYON???!!"

No comments:

Post a Comment