Friday, February 8, 2013

Bawal na Pag-ibig: The Knight and His Shining Armor 07

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Si Jayson.

Nginitian niya ako. Nagulat ako dahil bumalik si Jayson.

“Hihintayin kita ha?” sambit ni Jayson at umupo sa waiting area.

Hindi na rin ako nakasagot sa sobrang tuwa. Maya’t-maya ay may dumating na kumukuha ng police clearance at humihingi ng list of requirements.

“Sir, eto po ang iyong kailangan. Dalawang 2x2 picture, isang original at photocopy ng barangay clearance, resibo galing sa city treasurer at excuse me po..” naputol kong pagpapaliwanag.

Nakita kong tumayo si Jayson at parang aalis. Sinundan ko naman siya ng aking tingin at nakitang may kinukuha na isang babasahin.

Hindi ako mapanatag kasi natatakot ako nab aka mawala ulit si Jayson kaya ang ginawa ko ay tumayo, kinuha ang isang posas at nilapitan siya.

“Oh para saan na man iyan?” Si jayson habang nakatingin sa akin na pinoposasan.

“Ayaw ko kasing mawala ka pa eh kaya pinosasan na kita”

Napatingin na lang sa akin si Jayson at nahalata kong nakatingin na rin ang kasama kong si Alex. Bumalik na rin ako sa table at pinagpatuloy ang aking trabaho.

“I see, kaya pala ayaw mo sa babae” mahinang sambit ni Alex

Ngumiti na lang ako sa naging reaksyon ni Alex.

“Pogi siya!” dagdag ni Alex

Pagkatapos ng aming trabaho ay pinuntahan ko si Jayson at kinuha ang posas.


“Tara gala muna tayo” masayang paganyaya k okay Jayson

Umalis kami ni Jayson at gumala sa park, sa mall, sa beach, at kong saan-saan pa.

“Bakit mo ako iniwan?” tanong ko kay Jayson

“Pasensya na kasi emergency ang pag-alis ko. Huwag kang mag-alala. Binalikan naman kita eh”

“Oo nga. Alam mo, ang saya-saya ko kasi bumalik ka rin. Sana hindi mo na ako iiwan” malungkot kong sambit.

Hindi na nakasagot si Jayson sa mga sinabi ko.

“Punta tayo sa restaurant ni Tiyo Bert mo. Gusto kong kumain ng Spaghetti eh”

“Sa iba nalang Jayson. Kasi nahihiya ako eh”

“Sige na. Doon na. Gusto ko kasi kumain ng spaghetti”

Pinuntahan na namin ang restaurant ni Tiyo Bert at mabuti nalang wala masyadong tao kaya nagprepare si tiyo Bert ng paboritong spaghetti at garlic bread ni Jayson.

Pagkatapos naming kumain ay lumuwas kami ng bayan at nagikot-ikot ulit sa park.

“Siya nga pala. Hindi ko na naitanong sa iyo. Akala ko ayaw mom aging pulis?”

“Eh kasi diba sabi mo gusto mong makasama ang isang matapang, malakas at mabait na pulis para maipagtanggol ka at tulungang hanapin ang iyong mama at papa?” mahaba kong paliwanag.

Nakita ko namang ngumiti si Jayson at hindi na rin nakasagot pa sa aking mga ipinaliwanag.

“Dens?” mahinang sambit ni Jayson

“O ano Jay?”

“Huwag ka sanang magagalit ha?”

“Bat naman ako magagalit?”

“Kasi….”

“Kasi ano?”

“Bumalik ako para makita ka” malungkot na sambit ni Jayson habang nakatingin sa malayong parte ng park.

“bat malungkot ka?” Wala namang problema doon di ba?”

Hindi na nakasagot si Jayson at ipinagpatuloy ang kanyang naputol na paliwanag.

“Dens. Bumalik ako para sabihin sa iyo na aalis na ako at baka hindi na babalik” mahinang sambit ni Jayson

Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang mga sinabi. Parang ayaw ko nang mabuhay.

Masakit para sa akin ang mga pinag-sasabi ni Jayson.

Sa mahabang panahon na hindi kami nagsama tapos ngayong bumalik siya. Iiwanan lang pala niya ako.

Unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata at parang gusto ko nang magpapakamatay.

Hindi ko maintindihan kong bakit ganito ang aking pakiramdam. Mas sobra pa sa namatay.

Masakit na masakit at parang sasabog ang aking dibdib. Naramdaman ko ang panimulang pagsikip ng aking dibdib at parang hindi ako makahinga.

Tumayo ako at bahagyang hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng aking luha.

Hindi ko na siya sinagot at tumakbo na lang ako ng paikot-ikot sa park. Sumisigaw

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”

Takbo lng ng takbo at sisigaw ulit.

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”

Patuloy lng sa pagtakbo at pagsisigaw

“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!”

Napahinto na lang ako bigla sa harapan niya dahil sa tindi ng aking galit. Napakasakit talaga pero kailangan ko itong tanggapin.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mukha na puno ng mga luha galing sa aking mga mata.

Hinarap ko si Jayson at nakita ko siyang niyayakap ang kanyang sarili at humahagulhol din sa iyak.

“Puwede mo ba akong samahan?” sambit ko kay Jayson

Hindi na sumagot si Jayson at tumango nalang ito.

Pumunta kami sa firing range kung saan doon kami nagtitraining.

Sinuot ko ang mga protective gear at nagpaputok ng baril

Sa sobrang sakit na naramdaman ko ay patuloy lang ako sa pagbaril ng pagbaril.

Hanggang sa dumaloy ulit ang mga luha sa aking mga mata.

“Denz, tama na iyan. Pleases..” malungkot na sambit ni Jayson

Hindi na rin ako nakasagot sa kanya at nagpaputok pa rin ng baril

Dahil sa sobrang sakit at pagod ay huminto na ako sa aking ginagawa.

“Kailan ang alis mo?” mangiyak-ngiyak kong tanong kay Jayson

“Bukas Dens” maikling sagot ni Jayson

Napaluhod ako sa sahig at humagulhol. Niyakap ko ang aking sarili at patuloy pa rin sa pagiyak. Naramdaman kong niyakap ako ni Jayson at alam kong umiiyak na rin siya.

Nasa ganoong sitwasyon kaming dalawa at nanatili ito magkalipas ang ilang oras.

“Puwede ba kitang maihatid kahit sa huling pagkakataon?” mahina kong tugon kay Jayson

Tumango lang si Jayson at niyakap niya ako.

Umuwi kami ni Jayson at doon na kami ngstay sa bahay ng lolo niya.

Pagkagising ko ay nakita kong nakaimpake na si Jayson at ngumingiti.

Malungkot akong pinagmasdan si Jayson at naalala ko na aalis na siya at baka hindi na kami magkikita ulit.

“Jay? Puwede ba kitang mahalikan?

Lumapit si Jayson at hinalikan niya ako. Naghalikan kami na parang walang katapusan. Niyakap ko siya ng mahigpit at patuloy pa rin sa paghalik.

Nagsimula namang tumulo ang aking mga luha at ganoon din si Jayson ng bigla itong kumalas sa aking pagkakayakap.

Tumaliko si Jayson sa akin na animoy pinupunasan ang mga luha sa mata.

Biglang umalis si Jayson at tumayo na man ako kaagad sa pagkakaupo. Sinundan ko siya at nang naabutan ko siya ay may ibinigay sa akin.

Tiningnan ko ang kanyang ibinigay ay isang litrato gawa sa lapis. Pinagmasdan koi to ng mabuti at narealize ko na mukha ko ang nasa drawing

“Ginawa ko yan noon pa. natatandaan mo nong huling magkita tayo bago ka naospital ay may ginuguhit ako?

Hindi na ako sumagot pa at tumango na lang.

“Guniguhit kita kasi kahit papaano man lang ay may alaala rin ako sa iyo”

Namuo ulit ang mga luha sa aking mata at biglang niyakap ako ni Jayson.

“Paano yan. Aalis na ako” mahinang bulong ni Jayson

Hindi ako sumagot sa kanyang sambit at niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Umalis na rin kami sa kanilang bahay at hinatid ko siya sa airport.

“Jay? Hindi ka na ba talaga babalik?”

Nginitian nalang ako ni Jayson at kinuha ang inimpaking bag.

“Dens? Puwede bang humingi ng pabor?

“Alam ko na Jay. Gusto mong tumalikod ako para hindi mo ako makita na malungkot sa pagalis mo”

Hindi ko na hinintay ang kanyag sasabihin at tumaliko na sa kanya.

Naramdaman ko ulit ang mainit na yakap ni Jayson.

“Dens. Tandaan mong mahal na mahal kita. Ingat at paalam”

Naramdaman kong kumalas na si Jayson sa pagkayakap at pinilit na humarap sa kanya ngunit pinigilan niya ako sa pagharap.

“Dens. Please….” Mangiyak-ngiyak n autos ni Jayson

Lalong bumuhos ang mga luha sa aking mga mata habang nakatalikod.

Maya’t-maya ay narinig kong papaalis na si Jayson hanggang sa hindi ko na narinig ang bawat yapak niya. Na sa ganoong sitwasyon ako sa loob ng isang oras.

Patuloy pa rin sa pag-iyak at pagyakap sa sarili.

Alam kong nakatingin ang mga tao sa akin pero hindi ko na ito pinansin.

Itutuloy…

No comments:

Post a Comment