Friday, February 8, 2013

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 09

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Pagpasok ko ng CR ay biglang nanilim ang aking paningin.

“PHILIP!!!”

Nakita kong nakahandusay si Philip sa sahig.

“Prince ano ang nangyari?”

“Kuya biglang hinimatay si Philip”

Dali-dali kong pinuntahan si Philip at binuhat.

“Kuya ako na ang bubuhat sa kanya”

“Hindi. Ako na! Bumalik ka na sa classroom at pagsabihan moa ng iyong professor na mayroong emergency at kailangan ni Mr. Silverio ang tulong ng University Physician.”

Mabilisan akong lumabas ng CR habang bitbit si Philip. Medyo malayo-layo ang clinic sa kinaroroonan ng pangyayari pero tiniis ko ito. Kahit mabigat si Philip pero kailangan niya ng tulong.

Nakita kong maraming tao ang nakatingin sa amin pero hindi ko na iyon inintindi. Pagkarating namin sa clinic.

“Sir ihiga niyo nalang po siya sa examiner’s table”

“Okay nurse, asan ba  si Dr. Marancillo?”

“Sandali lang sir at may kinuha pang gamit sa kabilang kwarto”

Umalis na rin ang nurse at ngayon ko lang narealize na basang-basa si Philip. Hinubad ko ang kanyang pang-itaas na uniform. Wala akong makitang bagay na pwede kong gamitin para matuyo ang basang katawan ni Philip kaya inisip ko nalang na hubarin ang aking polo.


Hinubad ko ang aking polo at ginamit iyon sa pagpahid ng basang katawan ni Philip. Wala pa rin siyang malay. Maya’t-maya ay dumating ang University Physician. Tiningnan niya si Philip. Chineck ang kanyang Vital Signs.

“Doc ok po ba si Mr. Silverio?”

“Ah, siya baa ng anak ni Chancellor?”

“Yes doc”

“I see. Ok naman siya. Normal naman lahat. Siguro nalipasan lang ng gutom.”

Pumasok rin si Prince at mabilisang tumabi sa akin. Pinagmasdan niya si Philip at kitang-kita ko kung gaano siya naapektuhan sa pangyayari. Medyo kumirot ang puso ko dahil sa inasal ni Prince. Siguro nagseselos na yata ako. Bumalik na rin ang malay ni Philip.

“Asan ako?”

Sabay kaming sumagot ni Prince.

“Sa Clinic!”

Nagtinginan kaming dalawa na parang nangungusap ang aming mga mata.

“Sir Sandoval, maiwan ko na kayo diyan. Mas makakabuti kung makauwi muna si Mr. Silverio para makapagpahinga.”

“Yes Doc”

Sinabayan ko si Dr. Marancillo na makalabas ng examiner room at nakita kong biglang hinimas ni Prince ang ulo ni Philip. Hinawakan niya ang kamay ni Philip at nagusap silang dalawa. Pagkalabas ni Doc sa examiner room ay mabilisan kong bumalik sa loob.

“Why are you here?”

“Siyempre kailangan ni Philip ng mag-aalaga sa kanya. Walang babantay sa kanya eh!”

“Really? Eh ano naman ang tingin mo sa akin? Aparador lang na nakatayo dito?”

“Sir, I thought UUWI ka na. Di ba kanina pa tapos ang class mo? Why are you still here?”

“Excuse me! You have no right to ask me that. Wala kang alam kung ano ang mga ginagawa ko dito sa university and besides hindi mo hawak ang schedule ko!”

“Okay Sir. Wala namang problema eh. Ang nagtataka lang kasi ako kung paano ka NAKARATING doon sa CR. May CLASS ka ba doon? Or kaya MEETING?”

Hindi ko na pinatulan ang kanyang tanong kasi wala naman akong alam na mabuting isagot dito. Kaya iniba ko nalang ang flow of topic.

“Hoy! Mr. Sandoval. Uuwi na si Mr. Silverio. He needs to rest!”

“Yes Kuya. Este Sir Sandoval. Ako na ang maghahatid sa kanya.”

“Excuse me! Hindi pwede Mr. Sandoval. May class ka pa”

“Pero Sir Sandoval kaila..” naputol na sagot ni Prince ng bigla akong nagsalita.

“Wala ng pero-pero. Bumalik ka na doon at 1st day mo pa lang. Wala ng rason pa!”

(Akala mo ha?) sa isip ko lang

Umalis na rin si Prince at nakita kong hinalikan niya sa noo si Philip. Parang sumabog naman ang aking dibdib sa ginawa ni Prince. Grrrrrrrrrrrrrrr!

Lumabas na rin si Prince at tinulungan kong makatayo si Philip. Dahan-dahan kaming lumakad palabas ng Examiner’s room hanggang sa labas na ng clinic. Kitang-kita ko na maraming estudyante ang nakatingin sa amin. Narealize ko pala na naka sando nalang ako. Whew!

Hindi ko na pinansin ang mga estudyante at tinungo ang parking area. Pagkadating namin mismo sa tapat ng kotse ni Philip ay nakita ko namang nakatayo si Prince.

“What are you doing here? You are suppose to…” naputol kong sambit ng biglang nagsalita si Prince.

“I already asked permission sa professor namin SIR!”

“But you still have other class after that right?”

“Wala na SIR!”

(Bwisit! Hindi talaga magpapatalo ang mokong na kapatid ko!) sa isip ko lang

Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang nilapitan ni Prince si Philip. Hinawakan niya ang kamay ni Philip at inakbayan niya pa ito papunta ng kotse.

“Okay na bro. Andito na ako” sambit ni Prince kay Philip

Inunahan ko sila sa kotse ng biglang itinapon ni Prince sa akin ang susi.

“Kuya dito na kami sa likuran”

“What! Hindi pwede. Dapat katabi ko si Philip!”

“Ano ba! Hindi mo siya maalagaan kasi nagmamaneho ka kuya”

(Bwisit talaga! Inuutakan ako ng kapatid ko. Teka lang. mukhang nakalimutan ko na professor pala niya ako. Hmmmmmmn)

“Mr. Sandoval! I need you to report about the basics of hotel management tomorrow! Make sure that you need to research on it now!”

“Huh? Kuya naman eh. Emergency ito. Kawawa naman si Philip kung iiwan ko siya”

“Well ikaw ang bahala! Walang special treatment sa class ko. Kahit kapatid kita kung hindi mo kaya ang requirements ko then sorry!”

“Okay Sir. Sa bahay ko nalang gagawin iyan. Siguro naman may BOOK ka doon!”

(LINTIK!)

“Pumasok na nga silang dalawa sa loob ng kotse at wala na rin akong magawa. Bwisit talaga. Ginawa pa nila akong driver. I can’t imagine myself doing this. Pero sigurado na ako sa aking sarili. Unti-unti ko nang mahal si Philip!

Habang nagmamaneho ako, paminsan-minsan naman ay sumisilip ako sa salamin para makita ko kung ano ang ginagawa ni Prince kay Philip. Nagpapahinga si Philip at nakasandal ang ulo nito sa balikat ni Prince. Hinihip rin ni Prince ang ulo ni Philip.

“Ahemmmm. BORING NAMAN magpapatugtug muna ako ng music!”

Pinaandar ko ang car stereo ng biglang nagmulat ang mata ni Philip. Umupo siya ng maayos. Kitang-kita ko ang reflection ni Prince sa salamin na parang nainis. Natuwa naman ako dahil epektibo rin naman ang aking plano. Binilisan ko ang aking pagmamaneho para makarating agad sa apartment.

Pagkarating namin ay mabilisan kong lumabas ng kotse at binuksan agad ang pintuan sa kaliwang bahagi. Si Prince naman ay binuksan ang pintuan sa kabilang side at lumabas sabay bigay ng kanyang kamay kay Philip.

“Bro?”

“Philip?”

Nakita kong nalilituhan si Philip kung sino sa aming dalawa ni Prince ang sasabayan niya palabas ng kotse. Naisip ko tuloy na parang 2 prinsipe na umaabang sa paglabas ng aming prinsesa. Medyo natawa ako sa aking iniisip ng biglang sumigaw si Prince.

“Kuya parang may tao sa loob ng bahay!”

(Hmmmmmmn. Hindi mo ako mauutakan Prince! Alam ko na ang mga style na iyan) sa isip ko lang.

“Talaga Prince? Sige puntahan mo BILIS!”

Nagtitigan kami ni Prince. Mainit at parang umaapoy sag alit ang tugon ng kanyang mata. Mata sa mata. Kapatid sa kapatid! Seryosong nakatitig sa akin si Prince ng biglang dinilaan ko siya.

“Alis na! GO!”

Wala ng magawa si Prince kaya pumasok na siya sa loob ng apartment. Inalalayan ko rin naman ang kaawa-awa kong naks. Matamlay at parang kulang sa buhay. Pagkababa niya ay may ibinulong ako sa kanya.

“Don’t worry naks. Bubuhayin kita mamaya. “ sabay himas sa kanyang likuran.

Pagkapasok namin sa loob ng apartment ay pinaupo ko muna siya sa sala. Nakatingin pa rin si Prince sa aming dalawa at kitang-kita ko na parang naiinis siya. (Bleeeeeeeeeeeeh! Butin nga sa iyo!)

“Kuya? Siguro mas makakabuti kung makakain si Philip”

“Good suggestion! Sige bumili ka na. GO!”
Mas lalong nainis si Prince sa aking ikinilos pero wala na siyang nagawa. Finally, solong-solo ko na si Philip. Lalapitan ko na sana si Philip ng biglang nagsalita si Prince.

“Kuya. Wala akong pera eh. Ikaw may per aka ba diyan?”

“Oo meron. Ito…” naputol kung sambit ng biglang nagsalita si Prince.

“Ganun naman pala eh. Ikaw ang may pera pwes kuya ikaw na rin ang bumili” sambit ni Prince at mabilisang lumapit sa tabi ni Philip.

Magsasalita pa sana ako ng.

“Bro, gusto mo bang bilhan ka ni Kuya ng pagkain?”

“Pwede po ba Sir Sandoval?” mahinang sambit ni Philip

Nainis ako sa ginawa ni Prince. Ginamit niya pa si Philip para lang maging successful ang kanyang balak. Hindi na ako sumagot at tumango na lang. Nakita ko rin si Prince na patagong dinilaan ako. Nilapitan ko si Prince at tumayo sa likuran niya. Kablag!

“Aray kuya. What was that for?”

“Ay sorry Prince ha. Na MISS kasi KITA!” sagot ko sa kanya ng biglang lumanding ulit ang kamay ko sa ulo niya.

“Kuya ha! Parang sobra-sobra na ang pagka MISS mo sa akin!”

Lumabas na ako sa apartment at bumili ng makakain. Mabuti nalang at malapit ang apartment namin sa mga fast food chain kaya binilisan ko na ang pagbili ng pagkain at baka ano-ano pa ang gawin ng kapatid ko sa naks ko. Mahirap na. Ako kaya ang nauna doon.

Pagkatapos kong bumili ng pagkain ay dali-dali akong bumalik ng apartment. Mabuti na lang at nakahanda na ang mga gami sa lamesa. Naka-upo na rin si Prince at Philip. MAGKATABI PA!

Inilatag ko na ang mga biniling pagkain kaya pinatulan ko na rin ang mga kalokohan ni Prince. Kaya ang ginawa ko ay umupo na rin sa tabi ni Philip. In other words, sa gitna si Philip. Ako sa kaliwa, si Prince naman sa kanan.

Binuksan ko kaagad ang soup na binili at sinubuan si Philip ngunit hindi rin nagpatalo si Prince. NAKISABAY PA!

Tumaas agad ang kilay ko sa kakainis dahil hindi pa magpapatalo ang kapatid ko. Wala namang magawa si Philip kaya isinubo ito. Pero siyempre, inuna niya ang sa akin bago ang kapatid ko! (Oy walang malisya muna ha! Spoon po iyon. Baka kasi ano naman ang isipin niyo)

Itutuloy…

No comments:

Post a Comment