By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com
[06]
Napatitig
ako sa lalaking palapit ng palapit sakin, may nakaplaster na ngiti sa mukha
nito at pakawaykaway pa sa aking direksyon. Nun ko lang ulit napagmasdan si
Nate, malaki na talaga ang pinagbago nito, wala na ang emo look na noon ay
gustong gusto niya, wala na ang mahabang buhok na lagi niyang ipino-ponytail,
wala na ang hikaw niya sa may kaliwang kilay na ikinaeeskandalo ng maraming
tao, wala na ang punit na pantalon nito.
Iisa
lang ang di nagbago, gwapo parin ito. Ang totoo, lalo itong gumwapo. Lalong
gumanda ang katawan na siya namang binagayan ng kaniyang bagong gupit at
maputing kutis.
“May
iniintay ka ba?” tanong nito sakin ng sa wakas ay nakalapit na ito sakin, di ko
na ito pinansin at itinuon ko ulit ang pansin ko sa aking cellphone na nung
panahon naman na iyon ay naghihingalo na sabay namatay dahil deadbatt na.
Tumayo
na ako at nagsimulang tunguin ang payphone.
“Sinong
iniintay mo yung boyfriend mo?” pangungulit sakin ni Nate.
“Oo!
Siya ang pinakasweet at pinakamabait na boyfriend ko!” sabi ko dito, napatigil
naman siya saglit sa aking sinabi, wari ba ay kinikilatis kung nagsasabi ako ng
totoo, pero bigla ding ngumiti ito agad.
“Naku,
baka di ka nun masusundo ngayon.” sabi ni Nate. Nagtaka naman ako sa sinabi
niyang yun, wala ring nasagot sa cellphone ni Jase kaya't ibinaba ko na lang
ang telepono at nagpasyang intayin si Jase sa aking boarding house.
Nagtaka
naman ako ng mapansing wala ng sumusunod sakin at nangungulit, lumingon ako at
wala na doon si Nate, napabuntong hininga ako, hindi dahil ayaw ko siyang
umalis kundi dahil sa wakas ay tinigilan na ako nito.
“Doc,
taxi?” tanong sakin ng gwardya, tatango na sana ako bilang sagot dito at
tatawag na sana ang gwardya ng taxi ng biglang may tumigill na F150 sa aming
harapan.
“Manong
di na kailangan, ihahatid ko na si doc sa boarding house niya.” sabi ng driver
ng F150, inabutan nito ang gwardya ng bente pesos saka nginitian.
“Manong
pang miryenda mo.” sabi nito habang sapilitang kinuwa sa aking kamay ang aking
duffelbag.
“Di
ako sasakay dyan!” sigaw ko kay Nate.
“Sige
intay tayo dito ng habang buhay.” sabi niya, nagsisimula ng maginit ang ulo ng
mga sasakyan na nasa likod ng sasakyan ni Nate, wala na din akong nagawa at
sumakay na agad ako sa kotse.
“Sasakay
karin pala.” sabi nito sabay hagikgik.
Nang
isara ni Nate ang pinto ng sasakyan ay saka ko naamoy ang pabango nito. Kilala
ko ang pabangong iyon.
“Hugo
boss? Mahal nito ah. Di mo na dapat binili ito.” sabi ni Nate nang mabuksan
niya ang aking anniversary gift sa kaniya.
“Ikaw
nga nagrenta ka pa ng resort at bumili ka pa ng bus ticket tas nagrent ka pa ng
surfing board eh.” sabi ko dito, lalo siyang napangiti at niyakap ako ng
mahigpit.
“Dahil
galing to sayo, di ko ito gagamitin.” sabi niya sabay spray ng onti sa kaniyang
kamay.
“Ambango!”
sabi nito sabay yakap sakin, napahagikgik ako mayamaya pa ay inilapat nito ang
kaniyang labi sa aking mga labi.
“Titipirin
ko na lang pala.” sabi niya na ikinatawa ko naman.
“Di
parin pala ubos yang pabango na yan?” tanong ko dito habang binabagtas niya ang
daan palabas ng ospital.
“Ubos
na, mga mag fo-four years na sigurong ubos yung binigay mo sakin. Yun lang kasi
ang bagay na nakapagpapaalala sakin ng tungkol sa iaang Aaron Martinez na mahal
na mahal ko. kaya di ko natiis na gamitin araw araw. Kasi pag ganun araw araw
kitang naaalala.” sabi niya, napatingin ako sa kaniya, di nito iniaalis ang
tingin sa lansangan.
“Bababa
na ako sa kanto. May pupuntahan pa ako.” sabi ko kay Nate na ikinagulat naman
nito.
Ang
totoo niyan gusto ko ng umuwi sa boarding house ko pero dahil gusto ko ng
makaalis sa tabi ni Nate ay nagdahilan na lang ako.
“San
ka pupunta? Hatid na kita.” alok nito sakin.
“Sa
boyfriend ko.” sabi ko dito, umaasa na magbago ang isip nito sa pagsama sakin.
“Sige,
san ba siya ngayon?” tanong nito na ikinagulat ko naman. Nagpanic naman ako
agad.
“Totoo
niyan may dadaanan pa ako bago pumunta sa opisina ni Jase eh.” sabi ko dito,
nangunot naman ang noo nito.
“Sige
saan? Samahan na kita.” sabi nito sakin, wala na akong nagawa at nagisip nalang
ng magandang palusot.
“Dadalhan
ko ng shawarma si Jase. Paborito niya kasi yun.” sabi ko na lang, totoo,
paborito ni Jase ang shawarma pero di iyon kasama sa aking plano.
“Tamang
tama may alam akong masarap na gawaan ng shawarma pita!” sabi ni Nate sabay
magiliw na ngumiti sakin.
“Patay
na!” bulong ko sa sarili ko.
0000oooo0000
“Gustav's”
Sabi
ng isang malaking karatula sa ibabaw ng isang maliit na establisyimento.
Mukhang mamahalin dito, mukhang 5 star restaurant pero maraming tao.
“Mahal
ata dito, Nate.” sabi ko habang palingalinga sa mga nagmamahalang sasakyan na
nakaparada sa parking lot.
“Saka
wala naring parkingan, sa iba na lang kaya.” sabi ko dito, napangiti naman si
Nate.
“Shhh.
Akong bahala.” sabi nito, lalo akong kinabahan.
“Pogi,
pabukas ng gate.” sabi nito sa gwardya.
“Yes
boss Nate.” nagulat ako at kilala na pala si kumag dito. Marahil ay suki na ito
dito.
Nagkamali
ako ng biglang ipasok ni Nate ang sasakyan sa isang garahe na parang ginawa
para sa kaniyang F150. Biglang may lumapit na babae.
“Sir,
the deliveries for next month is already being processed, asa table niyo na po
sa may office ang mga papers for signing.” sabi ng isang babae na mukhang
nalolosyang na sa sobrang pagka wasted.
“Ok,
I'll read them later, paki handa na lang kami ng table. Kain lang kami ng
boyfriend ko.” sabi ni Nate, para akong humarap sa salamin ng makita ang
reaksyon ng sekretarya ni Nate. Pareho kaming gulat na gulat, di makapaniwala
sa sinabi niyang iyon.
“Y-yes
S-sir.” bulalas nito saka tumakbo papasok ng restaurant.
Hinampas
ko sa braso si Nate.
“Unang
una, di tayo close! Ni hindi ko pa nga nakakalimutan ang ginawa mo sakin tapos
ipagsasabi mo na boyfriend mo ako! Ano bang gusto mong palabasin ha?!” sigaw ko
kay Nate, natatawa lang ito habang hinihimas parin ang braso na aking hinampas.
“Unang
una rin! Wala tayong closure! Ni hindi malinaw kung anong nangyari sa ting
relasyon, technically boyfriend parin kita kasi di naman tayo nagbreak! Gets?!”
sabi nito sakin sabay nandilat.
“Iniwan
mo ako! Bigla kang nawala! Di pa ba sapat na closure yun?!” sigaw ko pabalik
dito.
“Closure
na siguro yun para sayo, pero para sakin hindi. Wala pang opisyal na
pagbre-break sa pagitan natin.”
“Fuck
you! Ganun ganun na lang yun?! Iiwan mo ako, mawawala ka ng matagal then
babalik ka and claim that you're still my boyfriend?! Di mo naisip yung sakit
na dinulot mo sakin?!” sigaw ko pabalik dito, natameme na si Nate.
“You
want closure! Fine! I'll give you your fucking closure! Break na tayo! Tigilan
mo na ako!” sabi ko dito sabay lakad palayo sa kaniya.
“Di
ka makakalabas diyan. Dun ka sa front door pwedeng lumabas.” sabi ni Nate na
halatang pinipigilan ang tawa sa aking pagkapahiya.
Agad
akong pumasok sa restaurant at hinanap ang frontdoor para makalabas narin ng
restaurant na iyon. Malapit na ako sa pintuan palabas ng biglang humarang ang
sekretarya ni Nate.
“Hi!
I'm Phobie this way, sir.” sabi nito sakin sabay hila sa isang booth sabay
tulak sakin paupo. Tatayo na sana ulit ako ng biglang sumulpot si Nate at
tumabi sakin, ngayon nakorner na ako at wala na akong malalabasan.
“Nate,
please.” sabi ko dito may himig pagmamakaawa na.
“Were
just going to wait for the shawarma, then we will go to your boyfriend's
office.” sabi nito animo nagmamakaawa din na pagbigyan ko siya, wala na akong
nagawa.
All
the time na nakatunganga ako sa booth na iyon at hinihintay ang shawarma ay
nakatingin lang sakin si Nate. Di parin makapaniwala na ang huli naming
pagkikita ni Nate ay may anim na taon na ang nakararaan at ang mga salitang ito
ang huling mga salita ang sinabi niya sakin.
“Makipagusap
ka sakin kapag lumipas na ang pandidiri ko sayo at kapag wala na yang lintik na
pride dyan sa kukote mo!”
Muling
bumalik sakin ang sakit, ang dahilan ng pagiging miserable ko at ang epekto
nito sa buhay ko. Daretso akong nakatingin kay Nate, pilit pinaparamdam lahat
ng sakit na naramdaman ko noon sa pamamagitan ng pagtingin ng masama sa kaniya.
Di
mapakali ang aking kausap, malakas na kasi ang buhos ng ulan at kumikidlat at
kumukulog pa, tanging bubong ng guard house ang aming sinisilungan.
“Manang,
please, alam kong andyan siya. Kakausapin ko lang siya saglit.” pagmamakaawa ko
sa kasambahay nila Nate.
“Di
pa raw siya handang makipagusap sayo eh.” sabi nito sakin.
“Manang,
please.” pagmamakaawa ko ulit.
“Pasensya
na Aaron. Ayaw ka talaga niyang makausap pa eh.” sabi nito. Agad naman akong
pinalabas ng guwardya sa kanilang compound.
“Manang
pakisabi kung hindi pa siya hanadang makipagusap sakin, sabihin mo andito lang
ako, magiintay.” sigaw ko dito sa pagitan ng mga magagandang bakal na bumubuo
ng gate nila Nate.
Di
ko na napansin ang oras, pero maliwanag pa nung makausap ko si Manang, marahil
ilang oras narin akong nakababad sa ulanan dahil magdidilim na at nagsisimula
narin akong manginig. Buo na ang aking pasya, di ako aalis sa unahan ng gate
nila Nate hangga't di siya nakikipagusap sakin.
Biglang
may tumigil na itim na kotse sa harapan ng gate. Di ko kilala kung kanino iyon
pero ni hindi nito ibinaba ang kaniyang bintana para tignan ako o tanungin kung
ano ang kailangan ko, tinted ag sasakyan kaya't di ko naman makita kung sino
ang nagmamaneho. Binuksan ng gwardya ang gate at pinapasok ito.
Ilang
oras pa ang lumipas at walang Nate na lumabas ng gate. Nagsisimula na akong
mapaiyak, naramdaman kong tuluyan ng nandiri sakin si Nate. Napaupo ako sa
driveway at napasandal na sa gate. Maya maya ay naramdaman ko na lang na
nawawalan na ako ng malay.
Nang
nagkaroon ulit ako ng lakas para dumilat ay napansin kong nasa loob na ako ng
isang sasakyan, tinignan ko kung sino ang nagmamaneho nito pero masyado akong
nanghihina para lumingon sa puwesto nito, muli ko na lang sinara ang aking mga
mata.
“He's
going to be ok, he needs rest and dry clothes.” sabi ng isang lalaki na
nakaputi.
“Ganon
ba doc, can he spend the night here? Ako nang bahala sa payments for
admission.” sabi ng isang lalaki sa lalaking nakaputi, masyado pa akong
nanghihina at di ko mai-focus ang aking mga mata.
Nagising
na lang ako na nakahiga sa isang malambot na kama at isang nurse na tsine-tsek
ang aking vital signs. Tinanong ko ito sa mga nangyari, sinabi niyang may
nagrequest daw na dito muna ako magpalipas ng gabi at bayad na daw lahat.
Pagkatapos daw nun ay pwede na akong umuwi, inabot nito sakin ang aking mga
gamit.
Pasimple
kong pinahiran ang aking mga luha, ayaw kong mapansin ni Nate ito at baka
mangulit kung bakit ako umiiyak. Ayokong malaman niya ang katangahan na ginawa
ko sa kaniya dati. Ayaw kong malaman niya ang ginawa kong paghahabol na parang
isang babae na humahabol sa kaniyang idolong k-pop star.
“I
will not give him that pleasure.” sabi ko sa sarili ko nang umiral nanaman
sakin ang aking pride.
“Putanginang
shawarma yan?! Isang oras ba yan bago gawin?!” sabi ko sa sekretarya ni Nate na
halatang pinapanood ang aking pag-e-emote. Napatayo ito bigla at pumuntang
kusina.
Ibinaling
ko ang tingin ko kay Nate at masuyo itong nakatingin sakin. Parang
nagmamakaawa. Parang may gusto siyang malaman sakin.
Itutuloy...
[07]
Nagtatalo
kami ni Nate, pinipilit ko kasing bayaran ang dalawang piraso ng shawarma pero
tumanggi ito. Pilit sinasabing treat niya iyon. Nang mapuno ako ay agad kong
iniwan ang pera sa lamesa at tumayo na sabay labas ng restaurant, agad naman
akong hinatak ni Nate pabalik.
“Sabi
ko sayo ihahatid kita sa office ng boyfriend mo diba?” sabi nito sakin, seryoso
na ang mukha nito habang pinipindot ang susi ng kotse para magbukas ang lock
nito.
Bakit
mo ba ginagawa ito?“ tanong ko sa kaniya. Mahina na ang boses ko.
“Bumabawi
lang ako sa loob ng ilang taong di ko nakasama ang pinakamamahal kong
boyfriend.” sabi nito, natameme nanaman ako at itinulak na ako nito papasok ng
sasakyan.
“Di
mo na kailangang bumawi. Nakalimutan na kita.” sabi ko dito, nagbuntong hininga
ito at parang walang narinig na inistart ang sasakyan.
0000oooo0000
“Alam
mo ba ang ginawa ko abroad? Nagaral ako sa culinary school pati narin sa
business management, kaya nung makauwi ako dito nagtayo agad ako ng business.”
tuloy tuloy na sabi nito habang trapik.
Sa
totoo lang wala ni isa sa sinasabi nito ang pumapasok sa aking isip. Siguro
dahil wala narin akong pakielam sa kaniya.
“Tapos
naisip ko, pag mayaman na ako, pwedeng di ka na magbooking at yung kikitain ko
sa restaurant ang ipagpapaaral ko sayo sa medschool. Kaso nagkasakit si Dad,
mahal ang chemo niya kaya di ako agad nakauwi at sinamahan sila dun para sa
session ng chemo.” tuloy tuloy na sabi nito.
Para
bang kahit anong sabihin nitong dahilan sa pagkakawala niya ng ilang taon ay di
ko matatanggap. Kahit gaano pa mang katotoo ng sinasabi niya.
“Sana
maniwala ka sakin, Aaron.” sabi nito na may halong pagmamakaawa ang tono. Di ko
na napigilan ang sarili ko at sinampal ko na ito.
“Di
mo ba napapansin?! Wala na akong pakielam, Nate. Kahit ano pa ang dahilan mo?!
You could've talked to me about your plans, pero hindi mas pinili mong
paginatayin ako sa ulan hanggang sa mawalan ako ng malay! Nakipagusap ka
manlang sakin about sa pagaabroad mo pero hindi, umalis ka ng walang paalam!
Your explanations are six years late! Wala na akong pakielam pa!” sabi ko dito
sabay kalas ng seatbelt na hindi ko naman makalas dahil nanginginig na ang
aking kamay.
“Alam
kong hindi ka papayag, Aaron...” simula nito.
“Kaya
mas pinili mong gawin akong tanga?!” sigaw ko dito at ng sa wakas ay matanggal
ko na ang seatbelt ay agad na akong lumabas ng sasakyan at naglakad papunta sa
opisina ni Jase.
0000oooo0000
Habang
naglalakad papalapit sa opisina ni Jase ay di ko mapigilang isipin ang mga
sinabi ni Nathan, para sakin pala lahat ng ginawa niya. Pero naisip ko na tama
naman ako, sana sinabi niya sakin para di ako nagmukhang tanga. Nang makasakay
ng elevator ay agad kong inayos ang sarili ko, para di naman mahalata ni Jase
na katatapos lang ng dramahan namin ni Nate.
Alam
ko kasing makita lang nito ang mga bakas ng pagiyak ko, alam kong kukulitin ako
nito hanggang sa umamin kung ako ang bumabagabag sakin.
0000oooo0000
Naglagay
ako ng isang pekeng ngiti sa aking mukha habang dala dala ang aking duffel bag
at ang dalawang shawarma. Dahan dahan akong sumilip sa pinto ng opisina ni
Jase.
Agad
akong nanghina sa aking nakita, si Jase at ang kaniyang sekretarya, masuyong
naghahalikan sa loob ng opisina nito. Parang may kung anong tumarak sa aking
puso, daig ko pa ang kinuryente at tinamaan ng kidlat. Parang nawala ang lakas
mula sa aking mga paa pero pinilit ko paring tumayo.
Dahandahan
akong naglakad papunta sa isang babae na nakaupo katapat ng lamesa ng sekretarya
ni Jase. Agad ko itong nginitian kahit na may mga luhang nagbabadyang bumagsak
mula sa aking mga mata at dahandahang tutulo sa aking mga pisngi.
“Ah,
excuse me... uhmmm... Irma...” bati ko dito ng mabasa ang pangalan sa kaniyang
lamesa.
“Pwede
bang pakiabot ito kay Jase Perea. Busy kasi siya ngayon kasama ng kaniyang
sekretarya eh.” sabi ko dito sabay abot ng plastic ng dalawang shawarma.
“I
know right?! Tell me about PDA! Laging ganyan ang dalawang yan! Ayaw kumuwa ng
kwarto sa isang motel at dun magjugjugan.” walang breeding na sabi nito sakin.
“Th-thank
you ah.” sabi ko dito ng maiabot ang shawarma sa kaniya, pagharap ko pabalik sa
mga elevator ay nakita ko si Nate, nakasilip ito sa pinto ng opisina ni Jase,
malamang nakita niya ang ginagawang pagtataksil sakin ni Jase.
Umiling
ito.
0000oooo0000
Agad
agad akong naglakad palapit sa elevator. Sumunod naman sakin si Nate. Ilang
beses kong pinindot ang down button pero di parin bumukas ang mga lift.
“Tsk
tsk tsk. Buti na lang may Nathan Cruz ka pa.” mahanging sabi ni Nathan sa aking
tabi.
“Pwede
ba Nathan, wala ako sa mood.” sabi ko dito sabay lakad papuntang fire exit,
gusto ko na kasing makaalis sa lugar na iyon. Sumunod naman si Nate.
“Bakit
di mo siya kumprontahin?” tanong nito sakin habang nasa likod ko siya at habang
nababa kami pareho ng hagdan.
“Di
ko alam!” sigaw ko dito.
“Ginagawa
ka ng tanga ayaw mo pang kumpronatahin?!” sigaw nito sakin, di ko napansin ang
isa pang step at nadulas ako, muntik na akong mahulog, buti na lang andun si
Nate at nasalo ako nito bago pa ako mahulog.
Dahan
dahan ako nitong iniupo sa isang baitang ng hagdan at niyakp ng mahigpit habang
patuloy parin ang pagbaha ng luha sa aking mga mata.
“Shhh..
wag ka ng umiyak, andito na ako.” sabi niya, isinampay niya ang aking baba sa
kaniyang balikat at hinagod ang aking likod.
“Ayaw
ko siyang kumprontahin dahil ayaw ko siyang mawala.” bulong ko, hinahagod parin
ni Nate ang aking likod.
“Siya
ang nandyan nung mga panahong lugmok na lugmok ako, hindi niya ako pinandirian,
nakiayon siya sa trip ng pride ko kahit na ang kapalit nun ay pagapak at
pagdurog ko sa ego niya. Di ko siya pwedeng saktan, Nate. Masyado ko na siyang
nasaktan, kaya para sakin ok na, di ko na kukumprontahin si Jase, alam mo kung
bakit? Kasi itong putanginang sakit na nararamdaman ko ay wala pa sa
kalingkingan ng sakit na naramdaman niya sakin.” sabi ko kay Nate sa pagitan ng
mga hikbi.
“Naiintindihan
ko, pero sa tingin mo ba kakayanin mong tiisin lahat? Sa tingin ko kasi mukhang
masaya sila at hindi nila basta basta mabibitawan ang isa't isa.” tanong sakin
ni Nate. Natigilan ako nang mareakize kong tama ito sa kaniyang mga sinabi.
“Kaya
ko nga ba?” tanong ko sa sarili ko.
0000oooo0000
Inalok
ako ni Nate na ihahatid niya raw ako sa aking boarding house, wala narin akong
nagawa, alam ko namang mangungulit parin ito.
“Dito
ka parin pala nakatira?” tanong sakin ni Nate.
“Eto
na ang pinakamura at napalapit narin ako kay aling Babs, binibigyan na niya ako
ng discount. Mura ngayon ng 25% ang upa ko kumpara sa ibang boarders.” sabi ko
kay Nate habang ipinagtitimpla siya ng kape.
“ahmm
Aaron, may itatanong ako, wag ka sanang magagalit.” simula ni Nate.
“Sa
tingin mo ba may masasabi ka pa na ikagagalit ko matapos lahat ng malaman ko
ngayong araw na ito?” tanong ko. Napatawa siya.
“Good
point.” sabi nito.
“Ano
ba yung itatanong mo?” sabi ko dito, agad naman niyang nilinaw ang kaniyang
lalamunan at mukhang pinaghahandaan pa ang sasabihin niya.
“Itatanong
ko sana kung di ka pa titigil sa pagbu-bu...”
“Pagbu-booking?”
tanong ko dito, napangiti naman siya. Nagbuntong hininga ako.
“Iniisip
ko na actually yan, napagasyahan na namin ni Jase na itigil ko na nga at tumira
na ako kasama siya.” malungkot kong sabi.
“Ahhh...
edi maganda, kaya lang pano na yan, may girlfriend atang iba si Jase?” tanong
sakin nito, kinilatis ko ang tanong na yun kung kinukutya ba ako nito o may
himig sarkasmo ba pero hindi, gusto niya lang talaga siguro malaman.
“Magbubulagbulagan
ka na lang ba?” tanong sakin ni Nate. Napatigil ako.
“Mukhang
ganun na nga.”
Inayos
ko na lahat ng gamit ko at nagpaalam narin ako kay Aling Babs tungkol sa
pagalis ko, niyakap lang ako nito. Di na katulad ng nararamdaman ko kaninang
umaga ang aking nararamdaman ngayon, wala na ang excitement na sa wakas
magkakasama na kami ni Jude. Ngayon ay para na akong isang salamin ng kotse na
nilagyan ng tint. Isang malaking palabas nanaman ang gagawin ko habang
kinakasama ko si Jase, ang palabas na kunwari ay di ko alam ang tungkol sa
kanila ni Sandra.
Nagpaalam
ako kay Nate na maliligo lang ako at kung gusto na niyang umalis ay pwede na
siyang umalis maski di magpaalam. Tumapat ako sa dutsa at hinayaang tumulo sa
aking katawan ang maligamgam na tubig.
Iniisip
ko na sana makayanan ko ang maging bato. Sana matagalan ko ang magbulagbulagan
sana ay di mabago ang pagtingin ko kay Jase sa nalaman.
“Masyado
ko siyang nasaktan noon. Nararapat lang sakin ang masaktan ngayon.” sabi ko at
tumulo nanaman ang luha sa aking mukha.
Bago
ako lumabas ng banyo ay tumapat muna ako sa salamin. Tinignan ko ang mga
nangyari sa loob lamang ng ilang araw.
“Bakit
kailangan pang bumalik ni Nate?”
Wala
akong maisagot.
“Bakit
kailangang malaman ko pa ang tungkol kay Sandra?”
Wala
ulit akong maisagot.
Lumabas
na ako maski nakatapis lang, inaasahang wala na doon si Nate, pero nagkamali
ako, nakaupo parin ito sa may sala, nang lapitan ko ito ay nagulat ako ng
makitang natutulog na ito. Tinignan ko ang mukha nito, napaka gwapo parin nito.
Pinigilan ko ang sarili ko na huwag ilapat ang labi sa kaniyang mga labi.
Nakarinig
ako ng pagsara ng pinto ng sasakyan, agad kong tinanaw ang dulo ng eskenita.
Nakita ko doon si Jase, balisa pero nakangiting naglalakad papunta sa aking
boarding house. Nagbuntong hininga ako.
“Ready
ka na Hon..ey?” tanong nito ng maabutan akong nakatapis lang saka itinuon ang
tingin sa natutulog na si Nate.
Nagbuntong
hininga ako. Alam ko kung ano ang iniisip nito.
“Ano
ginagawa niyan dito?!” nanlilisik ang mata na tanong ni Jase. Halata kong pinipigilan
nito ang magwala.
“Si
Nate yan kaibiga..” pero hinatak ako ni Jase papunta sa aking kwarto.
“Magbihis
ka na bilis!” at nakita kong biglang bumangon si Nate, nakatingin lang ito
saming dalawa ni Jase.
“Teka
lang aayusin ko...” simula ko.
“Saka
mo na ayusin! Magbihis ka muna!” sigaw nito sakin, nagsimula na akong magtaka.
Nagpapanic
na si Jase.
“Hon,
may problema ba?” tanong ko dito habang nagbibihis.
Nagpalitan
ng masamang tingin si Nate at Jase.
“Hon,
pano yung mga gamit ko?” tanong ko kay Jase ng bigla ako nitong hatakin palabas
ng boarding house.
“Saka
na.” sabi nito.
“Tama
na! Nasasaktan na si, Aaron!” sigaw ni Nate. Pero hindi nagpatinag si Jase.
“Get
the fuck out of this house and don't you fucking show your face again! I swear di
ko alam ang pwede kong gawin pag nakita pa ulit kita!” sabi nito kay Nathan at
dinuroduro pa ito. Natameme si Nathan. Kinaladkad na ako ni Jase papunta sa
kaniyang sasakyan.
“Hon?
Ano bang problema?!” sigaw ko dito, nangingilid na ang luha ko. Tinignan ako
nito, hindi na galit ang nasa mata nito, hindi na ito nanlilisik, takot na ang
nakita ko sa mga mata ni Jase. Tama takot.
“I
will never lose you. Not with Nate, not with my brother...”
Itutuloy...
[08]
Tahimik
lang kami sa sasakyan ni Jase. Di parin ako makapaniwala sa aking mga nalaman,
samantalang si Jase ay marahil ayaw lang pagusapan ang mga nangyayari. Bigla
kong naalala ang nangyari noon nang magkita kami ni Nate sa lobby ng isang
hotel at sakto namang sinundo rin ako ni Jase. Naalala ko ang reaksyon ng
kanilang mga mukha. Ngayon alam ko na kung bakit parehong gulat at galit ang
rumehistro sa kanilang mga mukha noong araw na iyon.
Si
Jase pala ang sinasabi ni Nate noon na half brother niya, ang kapatid na sobra
niyang pagselosan. Ibinaling ko ang tingin ko kay Jase, di parin ito mapakali.
Nakita ko ang plastic ng shawarma na nakaipit sa windshield at sa dashboard,
inabot ko ito at inayos ng lagay saking kandungan.
Nagulat
na lang ako ng ipatong ni Jase ang kamay niya sa aking hita, inabot ko iyon at
hinawakan, inilapit naman niya ito sa kaniyang bibig at hinalikan iyon.
“I'm
sorry, I freaked out.” sabi nito, kalmado na ang boses nito pero ang kamay
parin nito ay nanginginig.
“It's
ok. Relax ka lang. Paguusapan natin ito pag ready ka na.” sabi ko dito, tumango
lang ito at inilapit muli ang aking kamay sa kaniyang bibig at hinalikan ulit
iyon.
0000oooo0000
“Anong
oras ka pumuntang office?” tanong ni Jase sakin habang kinakain ang binigay
kong shawarma, nakayuko ito, marahil naiisip na baka nakita ko sila ni Sandra
na naghahalikan. Natigilan naman ako.
“Around
5pm nung pagkalabas ko ng hospital, nagtaka ako kung bakit wala ka pa, di naman
kita matawagan and then nung nagtext ka nag deadbatt na ako kaya susupresahin
sana kita kaya ako pumunta sa office mo, kaso sabi ni Irma asa meeting daw kayo
kaya pinaabot ko na lang.” napagpasyahan kong sabihin ang totoong oras, baka
kasi pag nagtanong si Jase kay Irma, magkaiba pa kami ng sabihin.
“Ahhh.”
sabi ni Jase pero namutla ito.
“Wala
ka namang napansin, I mean di mo ba ako sinilip sa office or what?” nauutal na
tanong ni Jase. Para namang may sibat na tumarak sa aking puso. Wala itong
balak sabihin sakin tungkol kay Sandra.
“Hindi
naman, alam ko naman kasing busy ka, kaya pinakiusapan ko na agad si Irma.”
sabi ko dito, nagbuntong hininga naman si Jase, halatang nabunutan ng tinik.
Lumapit ako dito at minasahe ang likod nito.
“Hon,
relax ka lang, wala akong nakitang hindi ko dapat makita, ok.” sabi ko dito,
napatingin naman ito sakin, kitang kita ang gulat sa mga mata nito, isa
nanamang sibat ang lumanding sa puso ko. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng
pamimigat ng dibdib ko.
“Joke
lang hon.” sabi ko sabay hagikgik. Pero ang totoo sa loob loob ko ay parang
binabaril ako ng M16 sa sobrang sakit.
Inabot
nito ang kanan kong kamay at inilapit iyon sa kaniyang bibig. Matapos halikan
ito ay idinampi niya ito sa sariling pisngi at doon, parang pusang naglalambing
ay nakapikit na ninamnam ng kaniyang pisngi ang aking kaliwang palad.
“Namiss
kita.” bulong nito. Ramdam ko ang sinseridad nito pero sa kabila non ay may
sakit din akong nadarama.
Naalala
ko bigla si Sandra, ang itsura nila ng masuyo silang naghahalikan kaninang
hapon sa opisina niya. Napaluha ako.
“Mahal
na mahal kita, Aaron.” bulong ulit nito at lalo akong nalungkot sa sinabi
niyang yun.
“Alam
kong hindi lang ako, alam kong mahal niya rin si Sandra. Alam ko.” sabi ko sa
sarili ko.
Unti
unti kong inilapit sa kaniyang mukha ang aking mukha, nakikiusap ang kaniyang
mga mata, pinadaanan ko ng kaliwang kamay ko ang kaniyang pisngi. Ipinikit ko
na ang aking mga mata at inilapit sa kaniyang mga labi ang sarili kong mga
labi.
Walang
patid ang aming halikan, maalab, puno ng emosyon nananabik. Ipinikit ko lang
maigi ang aking mga mata, alam kong nakapikit nadin ito. Idinaretso ako nito sa
pagkakatayo, pansamantala kong iminulat ang aking mga mata. Sinisimulan na
niyang itaas ang aking t-shirt.
Walang
pagmamadali. Alam naming samin ang gabing ito.
Nakita
ko na lang ang aming mga sarili na parehong nakatayo, maalab paring
naghahalikan pero hubo'thubad na at nakasalampak na ako sa naninilaw na pader
ng kusina. Ramdam ko na ang naghuhuminding ari ni Jase, tulad ng aking
pagkakaalala. Malaki ito.
“Miss
na miss na kita, Aaron.” nanggigigil na sabi sakin ni Jase nang maghiwalay ang
aming mga labi sa paghahalikan., dahandahang nawalan ng lakas ang aking tuhod,
hindi tinigilan ng aking dila ang pagsayad nito sa makinis at morenong balat ni
Jase.
Nilalaro
ko ng salitan ang kaniyang magkabilang utong pagkatapos ay baba sa kaniyang
pusod at hahalikan ang treasure trail nito pagkatapos ay babalik sa kaniyang
mga utong.
“Suck
me, Hon.” pagmamakawa na nito sakin.
Di
na ako naghintay na sabihan niya ulit. Agad natagpuan ng aking kamay ang
kaniyang ari, ni hindi mabalot ng aking palad ang kabuuan ng taba nito.
Napangiti ako sapagkat lagpas pusod pa ito ng itaas ko ito para dilaan ang puno
ng kaniyang ari.
“Ahhh,
Hon, stop teasing me. Suck me, please.” napasinghap ako sa sinabi niyang yun,
tinapunan ko siya ng tingin. Nakatingala na ito, mukha ay nakaharap na sa
kisame at nakapikit nadin ito. Napangiti ako.
Sinimulan
kong dilaan ang ul ng kaniyang ari at marahang sinupsop iyon.
“Ahhhh,
sige pa, hon. Ang sarap!” sabi nito.
“Shhhh!”
saway ko dito sabay hagikgik.
Dahandahan
kong ipinasok ang kabuuan niya sa aking bibig, nararamdaman ko ang pagsayad ng
ulo ng kaniyang ari sa aking lalamunan na siya namang ikinababaliw ni Jase. Una
ay dahan dahan ko itong ipapasok tapos pabilis ng pabilis at kapag nararamdaman
kong nae-excite nadin si Jase ay saka ko babagalan ang pagsupsop sa kaniyang
ari.
“Ang
sarap!” sigaw nito, nakatingala parin ito at nakapikit.
Unti
unti ko ulit ibinaon ang kanyang ari sa aking bibig, habang nilalaro ng dila ko
ang ilalaim ng kaniyang ari ay hinihigop ko ito ng sabay saka ididiin hanggang
sa aking lalamunan.
“Ahhh!
Puta Aaron ang sarap!” sigaw nito, napaatras siya at umupo sa lamesa ng dining
room, lalo niyang ibinuka ang kaniyang mga paa para nang sa ganon ay maisubo ko
ng buo ang kaniyang ari, binalot ko ulit ng aking kanang palad ang kaniyang ari
at jinakol iyon pansamantala, tumingala ako kay Jase at tumingin ito sakin.
“Ang
cute mo, hon.” di na napigilang sabi nito sakin, inilagay niya ang magkabila
niyang kamay sa aking kilikili at pinatayo atsaka masuyong naghalikan, di ko
parin tinitigilan ang pagja-jakol sa kaniya.
“Sarraaappp,
Hon.” nasabi nito ng maghiwalay ulit ang aming mga labi.
“Suck
me again, please.” pagmamakaawa nito. Muli kong itinuon ang aking pansin sa
kaniyang ari, sinubo ko ulit iyon. Ganun ulit, mabagal na pagsusuo sa una tapos
pabilis ng pabilis, humiga na ng tuluyan si Jase sa ibabaw ng lamesa. Napangiti
naman ako.
“Ahhh...
Uhmmm... sige pa Hon, ahhhh... uhmmmm! Hon, Hon. Malapit na...” pero agad ko
itong tinigilan, agad akong tinignan ni Jase.
“Hon,
please.” pagmamakaawa nito. Umiling lang ako atsaka dahandahang gumapang at
umakyat papunta sa lamesa. Pumatong ako dito at umupo sa kaniyang tiyan na puno
ng abs. Nagmamakaawa ang tingin niya sakin. Bahagya kaming nagtitigan. Maya
maya pa ay di na namin napigilan ang isa't isa at naghalikan ulit kami, kanang
kamay ko ay patuloy sa pagjakol sa kaniyang ari at ang kaliwa naman ay
nakipagpalm lock sa kaniyang kanang kamay.
Sure,
maraming beses ko na itong nagawa sa aking mga booking, pero iba ang isang to.
Sa aming ginagawa ay ramdam ko ang pagmamahalan. Iisa lang ang itinitibok ng
aming mga puso at iisa lang ang idinidikta ng puso at isipan namin.
“I
Love you, Hon.” bulong ko.
“I
Love you more.” sabi nito.
Agad
kong itinigil ang pagjajakol sa ari nito at ipinuwesto ang sarili kong butas
patapat sa kaniyang ari nang di napapatid ang titigan namin ni Jase. Parang
akong kinuryete nang maramdaman ko ang pagbunggo ng ulo ng ari nito sa bukana
ng aking butas.
Dahandahan
akong pumaibaba sa kaniyang ari, alam ni Jase na pag umulos agad siya ay
masasaktan ako pero gustong gusto na nitong magpalabas kaya't di na ito
nagaksaya ng panahon, agad itong kumadyot na ikinasigaw ko naman, pero agad
ding inabot ng kaniyang bibig ang aking bibig at agad inabot ng kanan niyang
kamay ang aking ari at jinakol yun.
Agad
kong naramdamang nagrelax ang aking butas. Dahan dahan ng umulos si Jase na
sinasalubong ko naman ng pagbaba. Nasa ritmo din ang pagjajakol niya sa aking
ari. Hinawi ko ang kamay niya sa aking ari, pinataas ang kaniyang magkabilang
hita at lumiyad ako at hinalikan siya. Maalab na halikan ulit ang nangyari
habang naulos siya sakin.
Nakapikit
na kami pareho, pabilis ng pabilis ang aming ritmo. Naramdaman kong malapit na
akong labasan kahit pa hindi ginagalaw ang aking ari.
“Hon,
malapit na ako.” bulong ko sa kaniya.
“Sabay
tayo, Hon.” at muling nagsalubong ang aming mga labi at nageskrimahan ang aming
mga dila habang pabilis ng pabilis ang pagulos niya sakin at ang pagsalubong ng
aking balakang sa kaniyang pagulos. Di ko na napigilan at inihiwalay ko na ang
sarili kong dila at labi kay Jase.
“Ayannn
na akooo Honnnnn! Ahhhhhhhh!” sigaw ko, naramdaman kong nagtense ang hita ni
Jase, maya maya pa ay naramdaman kong parang may maligamgam na bagay na
ipinasok sa aking butas.
“Ahhhh
uhhhhh... ugmmmm! Ahhhh!” ungol naming pareho banag napasalampak ako sa
matipunong dibdib ni Jase.
“I
love you, Hon.” bulong nito, pero di ko na nagawa pang sumagot dahi nagsisimula
ng tumulo ang aking luha sa galak.
0000oooo0000
Abala
ako sa pakikipagbuno sa aking laptop ng lumabas ng banyo si Jase. Agad ako
nitong nilapitan at niyakap mula sa likod. Sabay halik sa aking batok at
pisngi.
“Anong
ginagawa ng baby ko?” pabulong na tanong nito sa tapat ng aking tenga na talaga
naman ikinakiliti ko.
“Nagawa
ako ng curriculum vitae. Magaapply ako as ROD habang para pang tustos ko sa
natitirang buwan ng residency, tapos yung kikitain ko sa modeling ipangbabayad
natin sa upa dito at iba pang bills.” hinalikan ulit ako sa pisngi ni Jase.
Saka hinawakan ang aking kamay.
“Sabi
ko sayo, ako ng bahala diba?” pahayag nito sakin.
“Pero...
uhmmmm!” di ko na nagawa pang makapagsalita ng biglang dakmain ni Jase ang
aking ari at sinimulang silindruhin ito.
Wala
na akong nagawa. Pinabayaan ko na lang mangyari ang gusto niyang mangyari.
0000oooo0000
“Goodmorning!”
sigaw ni Jase ng imulat ko na ang aking mga mata. Tumingin ako sa orasan at
nakitang magaalas diyes na ng umaga. Ibinalik ko ang tingin ko kay Jase at nagulat
ng maglabas ito ng tray na may lamang agahan.
“Goodmorning
din, Honey.” ngumiti ito ngumting parang bata, tayo tayo pa ang makapal na
buhok nito at may bahid pa ng natuyong achuete sa mukha.
“Anong
gusto mong gawin?” tanong nito sakin habang nasubo ako ng kaniyang special
adobo.
“Kahit
ano.” sagot ko dito ng malunok na ang aking ningunguya.
“Iniisip
ko kasi... uhmmmm.” napangiti ako sa ikinikilos nito, katulad na katulad nung
una pa lang kaming magboyfriend. Para siyang batang nahihiyang magsabi sa
kaniyang magulang.
“Spit
it out...” paglalambing ko dito sabay pinahiran ng aking daliri ang natuyong
achuete sa kaniyang pisngi.
“Iniisip
ko kasi na dito lang tayo sa bahay at manood ng movies...” nakayukong sabi nito
at ng matapos ang sasabihin ay tumingin sakin habang naghihintay ng sagot.
“Kahit
saan ako, Hon. Basta andun ka.” sabi ko dito, nagtatalon naman ito at nakita
kong umalog lahat ng pwedeng umalog mula sa maluwag nitong boxers. Tumigil ito
sa kakatalon at naningkit bigla ang tingin sakin.
“Anong
tinitignan mo dyan?!” sita nito sakin habang nakataas pa ang kamay mula sa
naputol na selebrasyon at ng mahuli akong nakatingin sa kaniyang maluwag na
boxers.
“W-wala.”
palusot ko. tinaasan lang ako nito ng kilay.
“Naughty
ka Hon ha?” sabi nito sakin sabay ngiti, dahandahan na itong nalapit sa kama.
“If
I know, gustong gusto mo ang atensyon.” sabi nito sakin. Tumaas pa ang isa pa
nitong kilay.
“Ah
ganun?! Sige ibaba mo na yang tray.” nagtaka naman ako sa utos nito pero binaba
ko narin.
“Verygood!”
pagkasabi niyang yun ay hinatak niya pababa ang kaniyang boxers saka ngumisi.
0000oooo0000
Nakatingala
ako at nakikipagtitigan sa kesame habang nagingitingiti sa sarili, nasa loob ng
CR si Jase, naglinis, matapos gawin ang aming makamundong ginawa. Di ako
makapaniwala sa mga nangyayari, napakasaya ko ngayon.
Pero
ang sayang yun ay agad ding naputol ng makitang nagri-ring ang cellphone ni
Jase, tinignan ko ang nakalagay sa screen at nakita ang panagalang...
“Sandra~
baby, calling.”
“Baby?”tanong
ko sa sarili ko
Itutuloy...
[09]
Nakaakbay
sakin si Jase habang nanonood kami ng Gone with the wind. Isang napakagandang
classic movie. Nakayukyok ako kay Jase habang nanonood, sa totoo lang ay di ko
na gustong panoorin ang Gone with the Wind, marami man itong aral na itinuturo
ay maraming beses ko narin itong napanood. Nakakasawa.
Nasa
eksena na ginamit ni Scarlet O'hara ang gentleman na si Mr. Kennedy na orihinal
na may gusto sa kaniyang kapatid. Pilit kong inaalala kung saan ba nangyari ang
tagppong yun ng biglang nagsalita si Jase.
“Parang
kami ni Nate.” pabulong na sabi ni Jase. Ito pala ang pilit kong inaaalala, ito
pala ang kahawig ng nangyayari ngayon sa aming pinapanood.
“Bakit
naman?” tanong ko dito. Natahimik saglit si Jase.
“Naaalala
mo nung ipinakilala ka ni Nate kila Mom at Dad?” tanong sakin ni Jase, tumango
lang ako at pinause ang pinapanood.
“Ako
tandangtanda ko, nun kita unang nakita eh, nung nagaalangan kayo ni Nate na
pumasok ng bahay at ituloy ang pagpapakilala mo kay Mom and Dad, andun ako asa
taas, nakatingin sa bintana. Anyway, nang ipakilala ka ni Nate kila Mom and Dad
dun ako simulang maawa sayo.” sabi nito napatingin ulit ako sa kaniya. Nagtaka.
“Kilala
ko kasi si Nate, lahat na lang ng bagay sa kaniya laro, lahat na lang
temporary, walang permanent sa kaniya, kaya takang taka ako kung anong nakita
mo sa kaniya, di ko alam kung pano ka nakatiis sa kaniya. Nung mga ilang araw
na ang nakaraan tinanong kita kay Mom, tinanong ko kung bakit di kita nakikita
na doon sa bahay, ang sagot sakin ni Mom ay nung ipakilala mo si Nate sa inyo
at nang malamang bading ka ay pinalayas ka at dahil dun ayaw mong humingi ng
tulong kahit kanino kahit pa kay Nate.” tuloy tuloy na sabi ni Jase.
“Una
nagtaka ako kung pano mo tinutustusan ang pagaaral mo at ng tanungin ko si
mommy ay malungkot na lang niyang sinabi na pumasok ka na nga raw sa
prostitusyon, na ikinataka ko naman dahil ng pansinin ko ang kinikilos ni Nate
ay mukha naman itong walang iniindang problema, di makikitaan na nagaaalala
siya at gumagawa siya ng paraan para matulungan ka. Dun ko naalalang mahilig
nga palang manggamit ng tao si Nate. Parang si Scarlet o'Hara.” natigilan siya
saglit at sumara ang kaniyang mga palad na kala mo anumang oras ay mananapak
na.
Muli
kong iniakbay ang kamay niya sakin at iniyukyok ko ulit ang sarili ko sa
kaniya. Dahil sa ginawa kong yon ay medyo nagrelax si Jase.
“Sinubukan
kitang hanapin, dahil napansin kong di na nalabas ng bahay si Nate, naisip ko
rin na wala na kayo kaya't hinanap kita. Gusto kitang tulungan, pero di kita
nakita. Ilang linggo pa ang lumipas at nagsimula ng kumalat sa bahay ang balak
ni Nate na umalis ng bansa. Lalo akong nainis, lalo kong ginustong hanapin ka.”
sabi ni Jase, nanginginig ulit sa galit ang boses nito.
“Pero
pumunta ulit ako sa bahay niyo, di nga lang ako pina...”
“Oo,
natatandaan ko rin yun, tinignan mo pa nga ako, kaso mukhang di mo ako nakita
dahil nasa loob ako ng sasakyan at malakas ang ulan. Pumasok ako ng bahay at
sinugod si Nathan sa kwarto niya, pilit inaalam kung bakit di ka niya labasin,
pero nagsisi ako sa tanong kong iyon. Wala siyang sinabi kundi ang nandidiri
siya sayo.”
Tahimik.
Nangilabot ako sa kuwento ni Jase.
“Lumabas
ulit ako ng bahay nang tumawag ang guard na nawalan ka daw ng malay...”
“Ikaw
ying nag d-dala s-sakin sa o-ospital?” napiyok ko ng tanong dito, tumango lang
ito bilang sagot, lalo kong inihigpit sa kaniya ang aking yakap.
“Ngayong
alam mo na, sana wag mo ng kausapin ulit si Nate, nakita mo kung pano ko muntik
mapatay yung gagong yun!” sabi ni Jase.
Nun
ko napagtantong mahal na mahal talaga ako ni Jase. Pero agad ding sumagi sa
isip ko si Sandra, para bang kahit anong ligaya ko sa piling ni Jase ay di ko
mapipigilang sumiksik sa aking isip si Sandra at nakitang halikan nila sa
opisina. Di ko na napigilan ang aking sarili.
“Tumatawag
kanina si Sandra.” bulalas ko dito, napatigil siya at tumingin sakin.
“Anong
sabi?” tanong nito habang namumutlang nakatingin sakin, sa pamumutlang yun ay
nakita ko ulit na guilty si Jase, na may relasyon nga sila ni Sandra, pero di
ko na iyon inilabas pa. Nagkibit balikat ako.
“Di
ko alam, di ko naman sinagot eh.” nagbuntong hininga si Jase, nagkunwari naman
akong di ko iyon napansin, pero ang totoo ay parang sinasakal ako at kasabay
non ay ang paghirap sa aking paghinga.
“Nga
pala naalala ko, alam niya ba ang tungkol satin?” tanong ko dito, kung posible
pang mamutla si Jase at talaga namang namutla pa ito.
“Di
eh... Uy, magtwe-twelve na pala! Anong gusto mong lunch?” pagiiba nito sa
usapan, di ko na pinahalata dito na medyo naguluhan ako sa kinilos niya.
“Kung
gusto mo labas tayo?” tanong ulit nito sabay ngiti. Tumango na lang ako at
pinilit ang sarili na ngumiti.
0000oooo0000
Halatang
balisa parin si Jase habang nagmamaneho. Paminsan minsan ko itong tinitignan,
miya't miya ang tingin nito sa kaniyang cellphone para bang may iniintay na
tawag.
“Jase,
ano kayang sasabihin ng Parents mo kapag nalaman nilang tayo ng dalawa?” tanong
ko dito. Napatingin siya sakin saka ngumiti.
“Ok
lang sa kanila. I'm sure. Nung sinabi ko sa kanila na hahanapin kita para
tulungan dati, sila pa mismo ang nagsabi na dalian ko na ang paghahanap sayo.”
sabi nito sabay natawa.
“Eh
pano yun, alam na nilang nagpapabooking ako, alam kong di nila nagustuhan
iyon.” sabi ko dito, bahagyang nagisip si Jase.
“Mas
lalo pa silang humanga sayo actually, alam naman nilang kaya ka nagkaganyan
kasi ipinaglaban mo kung ano yung meron sainyo ni Nate. Sabi pa nga ni Dad, di
siya makapaniwala na mas may bayag ka pa kesa kay Nate na mukhang astigin.”
natatawang sabi ni Jase, nagbuntong hininga lang ako.
Nararamdaman
ko kasi ulit ang galit kay Nate, parang sugat na pagaling na tapos kinamot kaya
nagdugo ulit. Pero hindi lang galit ang nararamdaman ko, parang may
pagaalinlangan din. Parang may kulang sa kwento ni Jase at parang may mali.
“Nagalit
pa nga sila kay Nate kasi kung tutuusin kasalanan niya kung bakit ka
nagkaganyan tapos bigla siyang aalis at iiwan ka.” sabi ni Jase sakin.
Tahimik.
“Alam
mo, parang magandang ideya na sa bahay tayo maglunch. What do you think?
Matagal ko naring di nakikita sila Mama.”
0000oooo0000
Tumigil
kami sa harapan ng bahay nila, di ako makapaniwalang walang pinagbago ito.
Inabot ni Jase ang kamay ko at hinawakan iyon.
“Relax
ka lang. Everything will be ok, I promise.” sabi nito, nginitian ko lang ito.
“Aaron,
hijo!” sigaw ng kanilang ina. Habang patakbo akong sinalubong.
“Tita.”
bulong ko at nagsimula na akong mapaluha.
0000oooo0000
Nasa
harapan kami ng malaking hapagkainan, nakangiti sa amin ang magasawa, halatang
masaya sa mumunting reunion. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Nate,
natigilan ito, tinignan namin siya ni Jase, inabot ni Jase ang aking kamay at
mahigpit na hinawakan yun.
“Mabuti
naman at nakarating ka.” sabi ni tito.
“I'm
sure naaalala mo si Aaron.” sabi naman ni Tita.
“Of
course.” sabi ni Nate sabay lapit sa hapagkainan at bumeso sa kaniyang ina at
ama ng hindi inaalis ang pagkakatitig samin. Matalas na titig.
“Nung
tumawag si Jason na dito sila mananaghalian ni Aaron ay tinext ko naman si
Nathan. You see I want this all be settled with. Ayaw ko ng samaan ng loob.”
“I
think it's too late for that, mom.” sabi ni Nate. Hinampas ni Tita ang lamesa
na talaga namang nakapagpakaba samin lalo na sakin. Halatang si tita ang
nasusunod sa bahay na ito.
“Well,
kung si Aaron ang may sama ng loob sayo, maiintindihan ko.” sabi ni Tita saka
tumingin sakin.
“I
wouldn't blame Aaron also.” segunda ni Jase.
“Wow,
hot seat while having lunch!” sarkastikong sigaw ni Nate.
Napatingin
kaming lahat kay Nate, di kami makapaniwalang ginagawa niyang biro ang lahat ng
ito.
“Wag
kang maghugas kamay Jase!” biglang sigaw ni Nate.
“Matagal
mo ng kilala si Aaron, matagal na kayong nalabas, you didn't tell him the
truth, heck, you didn't even do anything about Aaron and his booking! Sa halip
ikaw pa nga nagmanage at ginawang business si Aaron diba?! C'mon Jason! Don't
give us that not guilty look! Ilang tao na sa modeling world ang napagtanungan
ko, kalat na kalat ang baho niyong dalawa!” sigaw ni Nate.
“Totoo
ba ito, Jason?” tanong ni tita kay Jase.
“It
was Aaron's decision Ma, wala akong magawa kundi alalayan lang siya. Ayaw
niyang tulungan ko siya for medschool. Feeling niya kasalanan niya kung bakit
siya nagkakaganito and feeling niya it's up to him to solve the problem he and
Nathan have caused! Atleast di ako nandiri at di ko siya nilayasan!” sigaw ni
Jase habang nakatingin kay Nathan.
“Di
lang yun, Ma. Alam mo bang they're relationship got very cold na parang
business na lang ang turing ni Jason kay Aaron?! Ano ngayong sinasabi mong di
ka nandiri! Aminin mo rin na kaya ka biglang bumawi kay Aaron at
nakipagsweet-sweetan sa kaniya ulit ay dahil alam mong nagbalik na ako! Your're
threatened na baka agawin ko sayo si Aaron at mawala ang paghanga sayo nila
Mom!” sigaw ni Nate.
Napatiim
bagang ako sabay nanikip ang aking dibdib.
“Ito
pala ang nararamdaman kong parang kulang. May punto si Nate, naging sweet ulit
sakin si Jase dahil nakita niyang nagbalik na si Nate. Kung tutuusin tamang
tama ang timing. Naging sweet ulit si Jase nang makita niya kaming magkausap ni
Nate sa lobby ng hotel, pagkatapos nun nilambing ulit ako nito. Ngayon alam ko
na yung kulang.” sabi ko sa sarili ko.
“Inaamin
ko, ginawa ko yun, pero dahil naapakan din ni Aaron ang ego ko! Ayaw niyang
magpatulong. Alam niya at alam kong alam niya na mahal ko siya. Mahal na
mahal!” sigaw ni Jase, binitawan ko ang kamay nitong nakahawak sakin.
“Ano
Ma, feeling mo ako lang ang tuso dito?! Tuso rin si Jason! Lilinawin ko lang
din ha. Kaya ako umalis for the states ay para magaral at magsikap, para paguwi
ko dito matutulungan ko na si Aaron ng hindi nahingi ng tulong sainyo! Gustong
gusto ko ng umuwi, di ko lang magawa kasi ako ang kasama ni Dad sa sessions
nito for chemo! Alam mo yan, Mom! O nakalimutan mo naring may dati kang asawa
na Gustav ang pangalan at namatay dahil sa colon cancer?!” sigaw ni Nate sa
kaniyang Ina.
Natahimik
kaming lahat. Yurak na yurak na ang pagkatao ko sa lamesang ito at ang masama
dun, nakasira pa ako ng isang pamilya pero di lang iyon ang naisip ko. Naisip
ko na kaya lang pala ako nilapitan at tinulungan ni Jase ay para makuwa niya
ang approval galing sa ina, para maipamukha niyang masamang tao si Nate.
“Ano
ako, trophy?!” sabi ko sa sarili ko.
“The
star of a son is not a star afterall. Kung ako sayo Aaron magiingat ka kay
Jase. Kinakaladkad ka lang niyan para maipamukha kay Mom na mas nararapat
siyang anak! Hindi dahil gusto ka niyang tulungan, hindi dahil gusto ka niya at
lalong di dahil mahal ka niya!” sigaw nito. Napatayo na ako saka hinampas ang
lamesa.
“Tama
na!” sigaw ko.
“Tita,
sorry, pero di na po ito mauulit.” agad akong tumayo, di ko na inintay ang
sagot nila tita at tito agad agad na akong naglakad palabas.
“Aaron,
wait! Sigaw ng dalawa sa aking likod.
Mabilis
akong naglakad palabas at halos patakbo ko ng tinungo ang gate.
“Aaron!”
sigaw nila pero di na ako humarap ulit sa kanila.
Mabilis
kong tinakbo ang driveway palabas ng gate, hanggang sa may kalsada palabas ng
village natakbo nadin ako. Para akong sira, parang nagjo-jogging na nakamaong,
longsleeves at toms. Para akong taong nakawala sa circus at pilit na
tinatakasan ang mga nagpapasinaya nito.
“Sa
totoo lang galing ako sa mundo ng circus at isa lamang akong attraction sa
kanila. Di ako tao kundi isang bagay para sa entertainment.”
Mabilis
akong nakarating sa highway, di na ako natakbo ngayon, napapagod na ako, alam
kong wala dapat ako doon dahil malaki ang chance na masagasaan ako. Napatingin
ako sa toms ko at biglang naawa. Malapit na itong magkulay itim. Parang
pagkatao ko, lalong dinudumihan ng mg taong akala kong sasalba sakin.
Agad
namang bumalik sa aking alaala ng circus na aking pinanggalingan at ang mga
huling naganap doon. Wala ni isa sa kanila ang tumuring sakin na tao, taong may
damdamin at taong pwedeng masaktan.
Tama
ang analogy. Isa lamang akong atraksyon sa perya para sa kanila, sila tito at
tita, ginamit nila akong instrumento para makita ng mga anak nilang brat ang
realidad. Si Jase, ginamit niya lang ako para malaman ng kaniyang ina kung
gaano siya kabait at katalinong anak. Si Nate, ginamit niya lang din ako at ang
pagmamahal ko para may marating siya sa buhay, kunwari pa siya, ginamit niya
lang din naman ako para aprubahan siya ng kaniyang ina.
“They're
nothing but bunch of morons and I'm the imbecile who follows them wherever they
go.” Pagkatapos kong sabihin sa sarili ko iyon ay miya mo nawalan ng lakas ang
aking mga tuhod at napaluhod na lang sa mainit, madumi at mabahong aspalto ng
high way na iyon.
Para
ako ngayong si Scarlet O'Hara sa pelikulang gone with the wind. Isang taong
nagpupuyos sa galit at gustong gusto ng pagbabago.
Laking
tuwa ko ng makita kong malapit na ako sa boarding house na dati kong inuupahan.
Kung titignan mo na ako ngayon ay parang di ako modelo, ang dungis dungis ko,
ang baho baho at ang lagkit lagkit. Natawa na lang ako ng maisip na sa kabila
ng lahat ng nangyari kila Nathan ay naisip ko pa ang itsura't amoy ko.
“Aaron?!
Hijo! Anong nangyari sayo?!” sigaw ni aling Babs ng makita ang itsura kong miya
mo ginahasa.
“O-ok
lang ako aling Babs, napagtripan lang.” sabi ko dito saka malungkot na ngumiti.
Agad na akong tumapat sa aking pinto ng maalalang di ko nga pala dala ang susi
noon.
“Aling
Babs? Pwede bang mahiram yung spare?” tanong ko dito.
Hinayaan
kong tumakbo ang shower, umupo ako sa sahig ng banyo at duon nagiiyak. Inubos
ko ang luha ko nung gabing yun, dahil alam ko, sa mga susunod na araw, linggo,
buwan at taon di ko na gagamitin ang mga luhang iyon.
At
hinayaan kong hugasan ng maligamgam na tubig na nanggagaling sa shower head na
iyon ang lahat ng emosyon ko.
Itutuloy...
[10]
Nakahiga
ako sa kama sa loob ng doctors quarters, pilit inaalala ang napakahabang
paragraph na kababasa lang sa hawak na makapal na libro. Iniisip ang magandang
management para sa pasyenteng binanggit sa exercise sa huli ng chapter ng
librong binabasa ko.
All
of the lights
(all
of the lights)
(Lights,
lights)
All
of the lights
(all
of the lights)
Turn
up the lights in here baby
Extra
bright, I want y'all to see this
Turn
up the lights in here,
baby
You know what I need
Want
you to see everything
Want you to see all
of the lights
Sabi
ng kantang pinapakinggan ko gamit ang iPod. Dalawang buwan narin ang nakakaraan
mula nung nangyari ang napakalaking drama sa bahay ng mga Cruz- Perea. Noon ko
napagalaman na kumpikado ang buhay ko. Na-inlove ako kay Nathan Cruz, isang
lalaking nagturo saking mabuhay ng totoo sa sarili pero siya rin ang taong
gumulo ng buhay ko at ng masyado na itong gumulo ay siya namang iwan niya
sakin, kung saan naman dumating ang pangalawang lalaking inibig ko, si Jase
Perea o Jason Perea na nangyari namang half brother ni Nate, pero lumabas na
ang lahat ng pagmamalasakit niya sakin ay dahil gusto niyang makuwa ang
atensyon ng kaniyang ina at ipagmalaki siya nito at hindi dahil mahal niya ako.
Iniisip
ko parin ang magandang management sa pasyenteng may right upper quadrant lobe
bleed nang maramdaman kong nagvibrate ang telepono ko na nakapatong sa aking
tiyan.
“Musta
Aaron,? Bambi to, from fashion week. Are you available tonight?” sabi sa text
nang buksan ko ito.
Dalawang
buwan narin nang itigil ko na ang pagbubooking, tingin ko naman ay kakayanin ko
na, tapos ko na ang residency at iniintay ko na lang na makuwa ang aking
license as an Internist. Pero habang iniintay yun ay naisipan kong mag
moonlight muna, nag G-GP muna ako or yung mga General practitioners or mga
resident doctors on deck.
Simple
lang naman ang trabaho, since di kaya ng mga attending na bantayan ang kanilang
mga pasyente ng 24 oras ay kami ang humahalili sa kanila, pero kapag may mga
bagay na dapat silang malaman ay saka namin ito ipa-re-refer sa mga nurses at
kung may emergency mang mangyari ay kami rin ang sasagot sa kanila pansamantala
habang wala pa ang mga attending physician.
Ang
lagay lang... 24 oras ako sa ospital sa loob ng apat na araw o minsan ay buong
linggo, wala nang panahon para sa modeling at iba pa, pero dahil di ko narin
naman kinakausap si Jase at dahil siya ang manager ko kaya't wala narin akong
booking for modeling stints. Maganda na itong ganito. Bagong buhay, ika nga.
Wala
narin ako sa dati kong boarding house, dahil nung oras na nagpaalam ako kay
Aling Babs na titira na kila Jase ay naiparenta na niya iyon sa bagong
mago-okupa nun, ok lang naman kasi para di narin ako mapupuntahan nila Nathan
at Jase. Kaya naman literal na nabura ako sa mundo. Di nila ako makikita kasi
di nila alam kung saan ako hahanapin.
Muling
nagvibrate ang aking telepono, nagtext ang aming senior resident on duty sa isa
pang ospital na pinagdu-duty-han ko, kailangan ko raw magpakita doon ng alas
tres ng hapon. Ok lang naman sakin to, dahil sa wala na nga akong bahay ang
dalawang ospital na iyon ang aking nagiging bahay, dahil maganda naman ang
doctors quarters at di naman ako pinapaalis dun kahit di na ako duty kaya't di
na ako nagabala pang maghanap ng bahay. Literal na squatter ang dating ko.
Di
pa ako nakakasagot sa naunang text ng bigla nanamang nagvibrate ang aking
telepono, hinahanap ako sa ER, agad akong tumayo at tinanggal ang nakapasak na
earphones sa aking tenga. Patakbo kong tinungo ang ER. Nang makarating ako ay
may nakita akong mga kaanak na nagiiiyak at nakikipagbuno sa orderly dahil
gusto nilang makita ang pasyente na nasa loob na ngayon ng cubicle at
natatakpan ng kurtina.
Kalmado
akong lumapit, di pinapansin ang mga kaanak ng pasyente, napansin kong tumigil
ang mga ito sa pagwawala. Agad kong tinignan ang pasyente pagkahawi ko ng
kurtina at nakita ang isang lalaki, parehong nakabukas ang mata nito at
nakatingin sa kaliwa, nababalot din ng suka ang kaniyang mukha at ang kabuuan
ng damit lalo na sa bandang parte ng dibdib.
“Anong
meron?” Tanong ko kay Migs na ER nurse sa ospital na yun. Napansin ko kasing
nag-a-assess na ito ng pasyente.
“Right
sided body weakness, Left eye dilated, BP 200/150, coma scale, 8.” kalmadong
sabi nito. Tumango lang ako at nilabas ang sariling penlight at tinignan ang
pupilary reaction nito. Tama si Migs.
“Should
I call Dr.. Enso Santillan?” umiling lang ako saka ngumiti.
“Get
me a, D5W 1Liter and I need a mannitol drip. Now.” utos ko dito. Agad na kumuwa
si Migs ng isang papel, alam kong consent iyon.
“Tim.
Get the crash cart now, I may need to intubate.” sabi ko sa junior ni Migs,
agad naman itong kumilos. Kalmado kong inasess ulit ang pasyente. Napagmasdan
ko ang mukha nito, mukhang pamilyar.
“Doc
Aaron, the wife wants to talk to you.” sabi sakin ng junior nurse, agad ko
itong tinignan at sa unang pagkakataon sa araw na iyon ay kinabahan ako.
“Page
Dr. Enso, now.” kalmado kong sabi sa junior nurse, di ako makalabas ng cubicle
na iyon, kilala ko na kung sino ang mga taong nagwawala kanina nang pumasok ako
sa ER at alam ko narin kung bakit sila biglang tumahimik.
“Aaron,
it's dad.” sabi ng isang lalaki sa aking likod, kilalang kilala ko ang boses na
iyon. Di ako maaaring magkamali.
“I'm
sorry Sir, but I have to ask you to step out of the cubicle. Give space for us
to work.” malamig kong sabi dito, di parin ako naharap dito.
“Aaron.”
mahinang banggit ulit ng lalaki sa aking likuran. Napansin kong napapatingin
sakin ang naglilinis kay tito.
“Ramil,
labas ka muna, ok na yan.” sabi ko dito at agad namang lumabas ng cubicle ang
tagapaglinis.
“Sir,
I'm sorry but I have to...” simula ko habang dahandahan naring humaharap dito
dahil plano ko narin umalis sa cubicle na iyon, pero di ko pa natatapos ang
aking sasabihin at di pa man ako nakakaharap ng maayos dito ay agad na ako
nitong niyakap.
“I't's
Dad, Aaron, nagpunta lang siyang CR then narinig naming may kumalabog, di niya
naman sinasabing masama na pala ang pakiramdam niya.” nahikbi nang sabi sakin
ni Jase habang nakayakap parin sakin.
Tahimik.
“Aaron,
It's dad...” bulong pa ulit nito.
“Migs
pinapa-page niyo ako?” tanong ng isang lalaki sa likod ng kurtina. Hinawi ko
ang mga kamay na nakayakap sakin at tuloy tuloy na lumabas ng cubicle.
“Aaron.”
tawag sakin ni Tita na naiyak sa isang tabi.
“I
can't do this right now, Tita. I'm working.” sabi ko dito, di na ito kumibo pa,
napansin kong tumabi narin dito si Jase.
“Enso,
please cover for me...” di ko pa natatapos ang aking sasabihin ng tumango ito
at hinawakan ako sa balikat at pinisil iyon. Nagsimula na akong maglakad
palayo.
“Migs!”
tawag ni Enso.
“Doki!
May line na tayo and Mannitol...” sagot ni Migs.
“Assess
ulit natin ang pasyente!” sigaw ni Enso habang palabas ako ng ER.
Halos
patakbo kong tinungo ang parking lot ng ospital, sa ganitong pagkakataon, sa
ganitong nakakastress na pagkakataon tanging kape at sigarilyo lang ang karamay
ko. Pagkatulak na pagkatulak ko ng pinto ay agad kong pinuno ang aking mga baga
ng sariwang hangin.
“Hi
doc.” sabi ng isang lalaki, kilala ko ito dahil dun din siya sa ospital na iyon
nagtratrabaho, sa PT department.
“Jon.”
bati ko pabalik dito saka ngumiti pero alam kong di papasa bilang ngiti ang
ginawa kong iyon. Sinusubukan kong kumalma. Agad kong dinukot ang isang limang
piso sa aking bulsa at sinuksok iyon sa vendo machine ng nescafe, habang
iniintay na lumabas ang aking kape ay agad kong dinukot ang isang kaha ng
sigarilyo sa aking bulsa.
“Ok
ka lang, doc?” tanung ulit ni Jon, tumango lang ako.
“Here
let me help. Mukhang tense na tense ka at di nagana ng maayos ang fine motor
skills mo ah.” pagkasabi nito ay kinuwa niya sa aking kamay ang aking lighter
at sinindihan yun para sakin, di ko kasi masindihan ang sarili kong yosi dahil
sa sobrang pangangatal ng aking mga kamay.
“Thanks.”
bulalas ko. Nginitian lang ako nito.
“Siya
nga pala, nakita mo ba si doki Enso? We're supposed to have our yosi break
together.” tanong nito sakin.
“Yup,
he's covering for me sa ER.” sagot ko dito.
“Ahhh.”
nasabi nalang nito, bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Jase.
Masama ang tabas ng mukha nito.
“Jason!”
tawag ng isang lalaki na kalalabas lang sa isang kotse, napatingin ako dito.
“What
happened?” tanong nito ng makalapit kay Jase. Tumingin ako kay Jase, basa na ng
luha ang mga mata nito. Umiling lang ito tapos ay napatingin sakin at yumakap
ng mahigpit.
“Wala
na si Dad.” bulong nito, nanghina naman ang aking mga tuhod. Tinapunan ko ng
tingin si Nate, naluluha narin ito.
“Aaron?”
tawag nito saking pangalan ng mapansing ako ang niyayakap ng kaniyang half
brother.
“Excuse
me.” sabi ko sabay kawala ng yakap kay Jase, agad kong tinungo ang pinto.
“Doki,
ok ka lang?” tanong ni Jon, sinundan pala ako nito. Umiling lng ako at
napahawak sa puting pader ng ospital, nagsimula ng maubos ng tuluyan ang lakas
ng aking mga tuhod. Mabuti naman at nandun si Jon at nasalo niya ako bago pa
ako bumagsak sa sahig.
“Enso!
Enso!” sigaw ni Jon.
0000oooo0000
“Pagod
yan, masyado niyang pinu-push ang sarili niya. Nakita mo ba kung gano kakakapal
ang librong binabasa niyan from cover to cover ng isang upuan lang?” sabi ng
isang lalaki sa aking tabi.
Dahan
dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakadungaw sakin ang tatlong tao, isang
babae at dalawang lalaki, nakilala ko agad ang tatlo, ang babae ay si Charity
Sandoval, ward nurse sa 3rd floor central, si Enso na kapwa ko ROD at si Jon na
siyang tumulong sakin kanina.
“Asan
ako?” tanong ko sa mga ito habang naikot parin ang aking paningin.
“Asa
HR office ka doki.” sabi ni Cha sakin saka ngumiti.
“Ito
na kasi ang pinakamalapit na office na pwede ka naming dalhin at ihiga.” sabi
ni Jon, nagtaka naman ako, HR office may higaan? pero agad ko ring naalala na
nurse psychologist si Cha at dito niya marahil pinapahiga ang kaniyang mga
pasyente.
0000oooo0000
“Couldn't
save him. I tried everything though. Teka lang, kilala mo ba iyon?” tanong ni
Enso sakin habang unti unti kong nginunguya ang binigay nilang sandwhich sakin.
Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Migs at
isang lalaki.
“Kuya!”
sigaw ni Cha. Kapatid niya pala ang kasama ni Migs, di nakaligtas sa aking
paningin ang paghahawakan ng kamay ng dalawang bagong dating. Ibinaling ko ang
tingin kay Enso at tinignan ko kung ako lang ba ang nakapansin, pero lalo akong
nagulat ng nagsusubuan ng sandwhich si Enso at Jon.
“Nananaginip
pa ata ako.” sabi ko sa sarili ko sabay tayo para makabalik nadin sa doctors
quarters at para makapagpahinga narin ng tuluyan.
“Oh,
san ka pupunta? Ok ka na ba?” tanong sakin ni Enso, tumango lang ako.
“Bakit
doc? Ano pong nangyari? Kanina bigla ka na lang nawala sa ER tas napansin ko
ring namumutla kayo.” tanong ni Migs na lumalantak narin ng sandwhich.
“Hinimatay.”
sabi ni Jon na siniko naman ni Enso.
“Wala
ito, pagod lang ito.” sabi ko.
“Nga
pala, hinahanap kayo nung relatives ng ER death natin, si Perea.” sabi ni Migs.
Napatigil naman ako habang palabas ng pinto.
“Ah
ganun ba? A-anung sabi mo?” tanong ko dito.
“Na
bumalik na kayo sa quarters at kung gusto niya kayong makausap ay magpa
schedule sila ng appointment.” sabi ni Migs sabay kagat ulit sa kaniyang
sandwhich.
“Kilala
mo ba sila? Sorry kung kilala mo yung namatay, promise ginawa ko lahat.”
kinakabahang sabi ni Enso.
“Opo,
doki, ginawa po ni Doc Enso lahat.” segunda naman ni Migs.
“Ah,
Oo, alam ko naman iyon, wag niyo na akong pansinin masama lang talaga ang
pakiramdam ko. Salamat nga pala Enso ah, wag mo ng intindihin yun, di kita
sinisisi.” sabi ko, tumango lang ito, agad na akong naglakad palayo.
“Nakita
ko silang nagyayakapan kanina nung anak ata yun.” narinig kong sabi ni Jon
habang naglalakad ako paliko ng hallway.
Inexpect
ko na na yun ang magiging topic nila sa oras na makaalis ako sa kwartong iyon
kaya't ikinibit balikat ko na lang iyon ang problema ko ay kung pano ko
matatakasan sila Tita, Nate at Jase, ngayong alam na nila kung asan ako.
“Oo
no, tinawag niya kayang tita yung asawa kanina sa ER, kaya alam ko kilala niya
ang mga iyon. Pero wala rin naman akong natatandaang Tita niya na malapit dito
nakatira.” sabi naman ni Enso. May pagaalala sa kaniyang boses.
Nang
bumukas ang pinto ng elevator ay agad akong sumakay doon, pinindot ang 3nd
floor kung saan nandun ang aming quarters. Di pa man nasara ang pinto ay nakita
kong may humahabol na isang lalaki. Si Nate. Agad kong pinindot ang button para
sumara agad ang mga pinto, pero huli na.
“Aaron,
usap tayo, please.”
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment