Friday, January 11, 2013

Against All Odds: Book 2 (06-10)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
Hindi mapigilan ni Brenda ang malungkot para sa anak habang nakasilip siya sa siwang ng pinto ng kwarto nito. Apat na araw na itong hindi lumalabas ng kwarto, hindi kumakain at hindi bumabangon sa kama. Tatlong araw na itong hindi pumapasok sa eskwelahan na tila ba ang tangi lang gustong gawin ay ang umiyak. Nagsimula ito noong malaman ni Mike ang nangyari sa kaniyang kaibigang si Dan, hindi naman ito naging mahirap intindihin para kay Brenda. Halos anak narin ang turing niya kay Dan at maski siya, kung hindi niya lamang nilalaksan ang loob ay malamang nagiiiyak din siya ngayon kasama ang anak.


“Anak---” tawag pansin ni Brenda kay Mike nang hindi na siya nagkasaya sa kakabantay dito.


Napansin niyang nag-iba ang pag-hinga nito kumpara noong pinagmamasdan niya ito sa siwang ng pinto. Kung kanina ay mababaw lang ang paghinga nito miya mo humihikbi, ngayon ay lumalim na ito, halatang halatang nagtutulugtulan lamang at ayaw magpa-istorbo. Walang nagawa si Brenda kundi ang mapabuntong hininga.


“Anak, three days ka ng absent sa school---” malungkot pero malumanay na saad ni Brenda. “---Graduating ka. Baka magkaproblem ka niyan---” subok ulit na pagkuha ni Brenda ng pansin ng kaniyang anak ngunit tuloy tuloy ito sa pagkukunwaring natutulog.


“I-I know what happened to Dan is sad, b-but you can't stop living because of it. We all love Dan, anak.” malungkot paring saad ni Brenda. Noong una ay akala niya na hindi parin siya papansin ni Mike kaya naman laking gulat niya ng bigla itong humarap sa kaniya at iniyakap ang sarili na miya mo isang batang nagsusumbong sa ina.


0000oo0000


Apat na araw nang nakahiga si Mike sa kaniyang higaan ngunit wala naman siyang maayos na tulog sapagkat paulit-ulit paring tumatakbo sa kaniyang isip ang mga ilan sa mga nangyari noong birthday ni Dan maliban doon ay hindi rin siya pinapatahimik ng kaniyang konsensya. Apat na araw siyang hindi makakain sapagkat sa sarili niya mismo ay nandidiri siya sa kaniyang mga ginawa, apat na araw siyang hindi makabangon sapagkat apat na araw narin niyang hinihiling na makatulog na lang ng walang masasamang ala-ala mula noong birthday ni Dan ang pumasok sa kaniyang isip at mamatay na lang sa kaniyang pagtulog upang matapos na ang lahat.


“Anak.”


Ito pa ang isang bumabagabag kay Mike. Hindi alam ng kaniyang mga magulang na isa siya sa mga gumawa ng kahayupan na iyon kay Dan, hindi niya masabi sa mga ito dahil sa takot na kamunghian siya ng mga ito, hindi niya masabi na hindi lang dahil nalulungkot siya sa nangyari kay Dan kaya siya nagkakaganoon kundi dahil hindi parin siya makapaniwala sa kaniyang nagawa.


Nagawa kay Dan na isa sa pinaka importanteng tao sa kaniyang buhay. Ang naisip niyang ito ay naging dahilan ng kaniyang lalong paghagulgol habang nakayakap sa ina.


“Your Dad and I will go and check your tita Lily tomorrow if she's OK. I think you should come with us.”


Pabulong itong sinabi ni Brenda pero hindi nakaligtas kay Mike ang tono nito na alam niyang hindi siya makakahindi sa gusto na ito ng ina.


0000oo0000


Kinabukasan, hindi rin nakahindi si Mike sa gusto ng ina na siya'y muli ng pumasok sa skwelahan. Nanlalambot ay kinain niya ang ilang bahagi ng kaniyang agahan, naligo katulad noong araw matapos ang birthday ni Dan, naka ilang sabon, shampoo at banlaw, kung hindi pa siya kakatukin ni Brenda ay baka hindi pa siya tumigil sa kakakuskos at mabigat ang loob na naglakad palabas ng bahay at sumakay ng jeep.


Habang asa biyahe ay hindi maiwasan ni Mike ang manliit. Iniisip na ang bawat mapatingin sa kaniya ay alam ang masamang bagay na kaniyang ginawa kasama sina Melvin, Mark at Dave kay Dan. Kahit hindi masyadong maalinsangan ay butil butil siyang pinagpapawisan, hindi mapalagay ang kaniyang loob.


Hindi rin napigilan ni Mike ang malungkot. Kung dati-rati kasi ay magkatabi sila ni Dan sa dyip, masayang nagkukuwentuhan ngayon siya na lang mag-isa sa dyip, inuusig ng sariling kunsensya at pinapatay ng sariling paranoya.


Nang makarating sa skwelahan ay lalong hindi mapigilan ni Mike ang malungkot at mapraning. Bawat sulok ay nakikita niya ang mukha ni Dan, ang upuan na minsan nitong inupuan, ang locker na madalas nitong tambayan, ang classroom na gustong gusto nitong pasukin dahil sa lamig ng aircon, ang libro na huli nitong binasa at ang lamesa na huli nilang kinainan. Bawat estudyante na kaniyang nakakasalubong na masiglang bumabati sa kaniya ay lalong nakaubos ng kaniyang hiya at respeto sa sarili, iniisip na ang mga taong ito ay ginagalang siya dahil hindi alam ng mga ito ang kaniyang ginawa sa kaniyang matalik na kaibigan.


Nang hindi na nakaya pa ni Mike ang mga nakakadalang nararamdamang ito ay mabilis siyang pumasok sa isang C.R. at humarap sa salamin. Hindi maikakaila na may dinadala itong problema base sa repleksyon na makikita sa salamin. And dati nitong mga mata na puno ng buhay, ngayon ay malamlam na, ang magagandang kulay ng mga mata, ngayon ay mapupula na, hindi rin makakaligtas sa kung sino mang titingin sa kaniya ng mabuti ang malalaking eyebags sa ilalim ng mga mata nito at ang pagbaba ng timbang nito isama na ang pagbagsak ng balika nito na miya mo nalugi sa negosyo at ang panlalambot nito.


Tumungo saglit si Mike, binuksan ang gripo, sumahod ng tubig at naghilamos. Pilit binubura ang kaniyang pagkapraning at binibingi ang sarili sa pangongonsensya sa sarili.


Ngunit kahit ilang magkadikit na ouno ng tubig na mga palad pa ang kaniyang ihilamos sa sarili, hindi parin niya mahugas-hugasan ito.


0000oo0000


“Mike, anong nangyari sainyong apat bakit absent kayo nitong mga nakaraang araw?” tanong ng isang kaklase ni Mike nang makita siya nitong paupo sa silyang madalas niyang inuupuan para sa subject na iyon katabi si Dan.


Ito pa ang isa sa iniiwasan ni Mike. Ang mga tanong ng kanilang mga kaklase, pagkatungtong na pagkatungtong niya pa lang sa kanilang skwelahan ay alam na niya agad na wala pang alam ang kanilang mga kaklase sa nangyari kay Dan, ngunit hindi niya naman inaasahan na maging si Mark at Dave ay hindi parin pala pumapasok.


“Huh?” wala sa sariling tanong ni Mike kahit pa naintindihan naman niya ang tanong ng kaklase.


“Sabi ko, ikaw, Mark, Dave at Dan tatlong araw kayong absent tapos yung tatlo pang-apat na araw na nila 'tong absent. Ganun ba talaga kasaya nung party at ganyan katagal kayong may hang-over?” tanong ulit ng kaklase ni Mike, hindi magawang sumagot ni Mike dahil pagkarinig na pagkarinig niya pa lang ng mga salitang “hang-over” ay hindi muli niya napigilan ang sarili na alalahanin muli ang mga nangyari noong gabing iyon.


Napapikit si Mike, muling pinawisan ng malamig, nagbutil-butil ang pawis sa noo at nagsimula na muling bumabaw ang paghinga.


“Mike, OK ka lang? Tingin ko kailangan mo pang magpahinga, siguro mas maganda kung hindi ka muna pumasok tulad nila Mark, Dave at Dan.” saad muli ng kaniyang kaklase. Hindi na sumagot pa si Mike, nakuwa naman ng kaniyang kaklase ang nais niyang mangyari kaya naman pinabayaan na siya nito ngunit hindi nito mapigilan na muling lingunin si Mike bago makarating sa sariling upuan at nagtatakang tignan.


Pinakalma ni Mike ang sarili. Nang medyo kumalma na siya, ay saglit niyang nilingon ang paligid, tinitignan kung sino ang maaaring nakasaksi sa nangyari, muli siyang bumuntong hininga, ngunit imbis na kumalma ay lalo siyang hindi mapakali, lalo pa't nadaanan ng kaniyang mga mata ang isa sa mga tahimik nilang kaklase.


May pinaghalo-halong galit, pagkadismaya at pandidiri ang tingin nito sa kaniya. Tingin na madalas mong makikita sa mga taong mapanghusga, ngunit ang tingin na ito ay hindi lang tingin ng isang taong mapanghusga dahil ang tingin nito ay nagpapahiwatig na may alam siya na hindi alam ng ibang tao. Tingin na tila ba ang pinakatatago-tago mong sikreto ay alam nito.


Hindi mapigilang mapraning muli ni Mike.


Lalo pa't mukhang may alam nga si Martin na abala parin sa pagtitig sa kaniya mula sa kabilang panig ng classroom na iyon.


0000oo0000


Pakiramdam niya ay panaginip lang lahat ng nangyayari habang tahimik silang naglalakad ng kaniyang ina sa maputi, tahimik at mahabang hallway ng ospital na iyon, hindi maikakaila ang lungkot at pagaalala sa mukha ng kaniyang ina samantalang siya naman ay pilit niya paring pinapakalma ang sariling puso mula sa mabilis na pagtibok nito at ang sariling sikmura na ilabas lahat ng kaniyang nainom at nakain noong nakalipas na gabi.


Napatigil si Brenda nang makita niya ang kaniyang kaibigan at halos mapako naman sa pagkakatayo si Mike nang makita nila ang isang babae na lumuluhang kinakausap ang isang doktor, isa na iyon sa hinihintay ni Mike na senyales, na hindi biro ang mga nangyayari, na totoo ang masamang balita na kaniyang natanggap, na hindi siya nananginip.


“Lily.” tawag ng kaniyang ina sa umiiyak na babae na kausap ng duktor.


“Brenda!” umiiyak paring sigaw ng babae na tinatawag na Lily at mabilis na nilisan ang tabi ng duktor upang yakapin si Brenda na kaniya ngayong pinaghuhugutan ng lakas ng loob.


“W-what happened?” umiiyak naring tanong ni Brenda.


“I-I d-don't know. They said he w-was attacked-- h-he's still not w-waking up.” umiiyak na sagot ni Lily. “Why is he not waking up?” pahabol na tanong ni Lily sa duktor na noon ay tila ba dalang dala narin sa ipinapakitang emosyon ng dalawang babae sa kaniyang harapan.


“As I've said, yung pong anak niyo ay inoperahan namin---” simulang pagpapaliwanag ulit ng duktor ngunit hindi na ito inintindi pa ni Mike, abala kasi siya sa pagpigil ng kaniyang mga luha sa pagtulo habang sinisipat sa maliit na salamin ng pinto ng kwarto kung saan may nakaratay na isang binatang lalaki. Wala siya sa sariling pumasok sa loob ng kwarto kahit pa malakas parin ang kabog ng kaniyang dibdib at hindi parin mapalagay ang kaniyang sikmura. Hindi siya makuntento sa pagsilip lamang sa maliit na salamin sa may pinto, para kasi sa kaniya ay panaginip parin ang nangyayaring iyon.


May iba-t ibang makina na nakakabit sa binatilyong nakahiga sa kamang iyon pero hindi ang mga makinang iyon ang nakakuwa sa pansin ni Mike kundi ang mga nagsisimulang pasa at galos sa maamong mukha ng binatilyo at ang mga benda na nakabalot sa mga sugat nito.


Tila ba pinukpok siya sa ulo ng tadhana dahil sa wakas ay rumehistro na sa kaniya na hindi isang masamang panaginip ang nangyayaring iyon katulad ng kaniyang ipinapanalangin. Dumagdag sa mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at nagaalburutong sikmura ang ilang matatabang luha na malaya ng tumulo mula sa kaniyang mga mata at ang panginginig ng kaniyang buong katawan. Wala sa sarili niyang inabot ang kaliwang kamay ng binatilyong nakahiga at umupo sa tabi ng kama nito.


“Danny.” bulong ni Mike sabay marahanng pinisil ang kamay ng huli.


Kasabay ng ginawang ito ni Mike ay ang pagtunog ng ilan sa mga makinang nakakunekta kay Danny na tila ba nagsasabi na huwag itong galawan ng binatilyo, pero hindi natinag si Mike.


“Danny.” tawag ulit ni Mike sa binatilyong nakahiga na puno ng galos at sugat ang katawan sabay yumuko at inihilig ang sariling ulo sa matigas na kutyon ng kamang iyon, ginagawang unan ang kamay ni Danny habang pilit pinapatahan ang sarili at nililinaw ang sariling isipan.


Patuloy lang sa paghikbi si Mike nang makaramdam siya ng marahang paggalaw mula sa kamay na kaniyang hinihiligan. Agad na nagtaas ng tingin si Mike, nakita niya ang pagngiwi ni Danny na tila ba nakakaramdam na ito ng paunang sakit.


“Danny?” tawag muli ni Mike.


Ilang saglit pa ay dahan-dahang ibinukas ni Danny ang kaniyang mga mata. Sinanay pa muna nito ang mga mata sa liwanag ng kuwartong iyon at nang nagtama ang tingin ni Mike at Danny ay tila ba tumigil ang mundo ni Mike, hindi alam ang gagawin at nagaalala sa mga susunod na mangyayari. Noong una ay tila nangingilala pa si Danny pero noong maglaon ay unti-unti ng rumehistro sa mukha nito ang pinaghalo-halong sakit, galit at takot.


“No. Please, No!” nanghihina at nagpapanic na saad ni Danny.


Agad na napatayo si Mike at tila ba napako na doon. Hindi parin alam ang kaniyang gagawin. Lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalong nagalburoto ang kaniyang sikmura at lalong dumaloy ang matatabang luha mula sa kaniyang mga mata.


“No! Please!” pasigaw ngunit garalgal na saad ni Danny.


“Danny---” tawag pansin ni Mike.


“No!” sigaw muli ni Danny sabay taklob ng kaniyang mga kamay sa mukha na ikinahugot ng swero nito at ng ilang makina na nakakabit sa katawan nito.


“Danny, it's me Mikee.” nagmamakaawa ng saad ni Mike habang nakapako parin siya sa kaniyang kinatatayuan at habang patuloy parin ang pagtulo ng mga luha nito.


“No! Please! No!” tuloy tuloy na sigaw ni Danny, hindi na natiis pa ni Mike at pinilit niyang makagalaw at lapitan si Danny upang pakalmahin ito. Ngunit ng dumapi ang kaniyang kamay sa balikat ni Danny ay mabilis itong tumalon palayo kay Mike na tila ba nakakapaso ang mga hawak ng huli. Isiniksik ni Danny ang sarili sa sulok ng kwarto, unti-unti ng napupuno muli ng dugo ang mga gaza sa tumatakip sa ilan nitong mga sugat at dumudugo nadin ang pinaghugutan ng swero nito.


Ang itsura na ito ni Danny na takot na takot kay Mike na akala mo isa isa itong salot sa lipunan ay nagtulak kay Mike na ilabas na rin ang kaniyang dinaramdam bago pa man sila pumunta ng ospital. Lalong bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso, mas lumala ang pagpapawis niya ng malamig at isinuka na niya ang kanina pang ikinaaalburoto ng kaniyang sikmura.


Ganitong tagpo ang inabutan ni Brenda, Lily at duktor na narinig ang pagsigaw ni Danny. Agad na lumapit ang duktor at si Lily kay Danny at si Brenda naman kay Mike.


“What happened?” ang tanong na ito ng kaniyang ina ang gumising kay Mike. Wala sa sarili niyang inihakbang ang kaniyang kanang paa at tumatakbong nilisan ang kwartong iyon ni Danny.


Hindi pinapansin ni Mike ang pag-tawag ng kaniyang ina, ang tangi niya lang gusto ay makalayo mula sa lugar na iyon, kaya't patakbo niyang tinahak ang mga hallway hanggang makalabas siya ng ospital, walang pakielam sa paninita ng ilang nurse o kaya naman kung may nakakakita ng kaniyang mukha na basang basa na dahil sa luha.


“I'm sorry.” paulit ulit na bulong ni Mike sa sarili habang patuloy parin sa pagtulo ang matatabang luha mula sa kaniyang mga mata.


Nakalabas na ng Ospital si Mike at patakbong tinawid ang kalsada papunta sa katapat na park nang biglang may sumulpot na rumaragasang kotse.


0000oo0000

Hindi pa man nakakatagal ng limang segundo nang i-lock ni Obet ang kanilang sasakyan sa parking lot ng ospital ay nakita na niya ang kaniyang anak na tila ba balisang balisa at may apoy na humahabol ditong tumatakbo palabas ng ospital. Matapos ang masamang balita na natanggap nila na nangyari sa kaniyang itinuturing na pangalawang anak na si Dan ay hindi na niya mulign nakita ang masiyahin at puno ng buhay na anak. Pumalit dito ang tila ba balisang balisa at puno ng problema na si Mike.


Wala sa sarili niyang itong sinundan at hindi siya nagsisi sa ginawa niyang ito dahil kung hindi ay...


“BEEEEEEEEEP!”


Mabilis na tinakbo ni Obet ang malaking espasyo sa pagitan nila ng kaniyang anak. Itinulak ito palayo sa harapan ng rumaragasang kotse.


0000oo0000


Humihingal ang mag-ama habang nakahiga pa sa maduming kalsada. May mga ilang na umuusyoso ngunit ng tumayo si Obet at nang tulungan nito si Mike patayo ay unti-unti ng umalis ang mga ito. Niyakap ni Obet, ramdam na ramdam niya ang panginginig ng buo nitong katawan, ang malamig nitong balat ngunit pinagpapawisang maigi at ang paghikbi nito.


Alam niyang may bumabagabag sa anak ngunit hindi niya ito pipiliting magsabi sa kaniya, iintayin niyang kusa itong magsabi sa kaniya.


“Hey, kiddo. What did I tell you about crossing the street without looking to your right and left?” mahinahong tanong ni Obet sa anak ngunit hindi ito sumagot, bagkus, lalo pa niyang naramdaman ang paghigpit lalo ng yakap nito sa kaniya.


“Want to talk about it?” tanong ni Obet.


Tumigil sa paghikbi si Mike at kumalas sa pagkakayakap sa kaniyang ama at marahas na umiling na lalong nakapag paalala kay Obet.


“I'm sorry--- I'm sorry....” sunod- sunod na saad ni Mike sabay patakbong lumayo sa ama.


“Wait!” habol ni Obet sa anak, ngunit nung maglaon ay naisip na lang nito na hayaan ang anak, alam niya kasing hindi magtatagal ay kakausapin na siya nito.


0000oo0000


“No! Please! No!”


Hindi parin tumitigil si Mike sa kakaiyak kahit ilang minuto na siyang naglalakadlakad. Paulit ulit ang mga tagpo noong birthday ni Dan at dumagdag pa ang tagpo sa ospital may ilang oras lang ang nakakaraan.


Wala sa sariling napa-upo si Mike sa isang bench sa kalapit na parke ng ospital na kinaroroonan ni Dan at kaniyang mga magulang. Masamang masama parin ang kaniyang pakiramdam, tila ba hindi kaya ng kaniyang utak ang mga nakita sa ospital lalong lalo na ang takot na takot sa kaniyang si Dan. Ang mga pasa, galos, dumudugo paring mga gasa na nakatakip sa mga malalalim na sugat ni Dan ay kaniya ring hindi makalimutan hanggang siya ay nabubuhay.


“Oh God, what have I done?!” umiiyak paring tanong ni Mike sa sarili sabay takip ng kaniyang mga palad sa sariling mukha.


Ngunit ang pagtatakip na iyon ng kaniyang mukha ay hindi napigilan ang sigaw ng ilang mga nagkakasiyahang kabataan na makuha ang kaniyang pansin. Kung kanina sa ospital ay nanlalamig na ang buong katawan ni Mike, ngayon lalo pa itong nanlamig.


“Mark. Dave.” saad ni Mike sa sarili nang makita niya ang kadadaan lang na kotse ni Melvin sa kalsada malapit sa parke na kaniyang kinauupuan.


Hindi alam ni Mike kung paanong ang kanina lang na nanlalambot at lungkot na lungkot niyang nararamdaman ay napalitan ng galit matapos niyang makita ang tatlo na nagkakasiyahan.


Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas at kagustuhan niyang pumatay dahil sa sobrang galit.


Itutuloy...


[07]
Hindi inaasahan ni Mark, Dave, Melvin at isa pa nilang kasamang lalaki ang biglaang pagsulpot ni Mike pagkababa nila ng sasakyan ni Melvin. Kitang kita ng mga ito ang galit sa mga mata ng huli, kitang kita sa mukha nito ang kagustuhang pumatay at kitang kita sa bawat pag-flex ng mga muscles nito na desedido itong manakit.

“Mike!” patili at malanding bati ni Melvin kay Mike ngunit suntok ang sinalubong ng huli dito.


Napatumba si Melvin sa parking lot. Agad itong nilapitan ni Mark, Dave at isa pa nilang kasama na hindi maikakailang nagtataka sa mga ikinikilos ni Mike.


“What the hell, Mike?!” sigaw ni Mark kaya naman huli na nang mapansin niya ang mabilis na kamao ni Mike na lumanding sa kaniyang panga, gaya ni Melvin ay hindi rin napigilan ni Mark ang mapaupo sa lakas ng suntol. Sunod na sumugod si Dave pero mabilis na kumilos si Mike. Agad niya itong hinarap at sinipa sa bandang tiyan.


“Sir Melvin, is this still part of the initiation?” tanong ng lalaki na kasama ng tatlo, may pagaalala sa mga mata nito pero hindi rin kaila na handa itong makipagbugbugan kung kinakailangan.


“This is not part of your initiation and if you know what's good for you, you should quit now!” singhal ni Mike pero hindi natinag ang binata sumugod ito papunta kay Mike.


“No! They're my frat brothers! I think it's you who's trouble!” singhal nito sabay bato ng suntok kay Mike ngunit masyadong mabilis si Mike. Hindi nagtagal ay bumagsak nadin ito sa sahig na agad nilapitan ni Melvin, si Mark at Dave ay hindi parin makatayo dahil sa mga suntok at sipa ni Mike at hindi rin makapaniwala sa mga nangyayari.


“What's your problem?!” singhal ni Mark habang sapo sapo ang panga, natatakot tumayo dahil baka muli siyang sugurin ni Mike.


“WHAT'S MY PROBLEM?! TANGINA, MARK! HALOS MAPATAY NATIN SI DAN—-!” simulang sigaw ni Mike. Natigilan na lang siya ng biglang may yumakap sa kaniya mula sa likod. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang magkabilang braso. Bumangon na pala ang lalaking kasama nila Mark at hinawakan siya nito mula sa likod. Sinimulan na ni Mike na pumalag sa pamamagitan ng pagsipa, ngunit masyadong mahigpit ang hawak sa kaniya ng lalaki.


“Huwag kang maingay!” sigaw na balik ni Mark na tumayo na nang masiguro niyang hindi na makakawala pa si Mike sabay lumingon-lingon, tinitignan kung may mga nakarinig sa paghuhurumintado ni Mike.


“He didn't die, Mike!” pasinghal na singit ni Dave na katulad ni Mark ay tumayo narin at lumapit kay Mike nang makasiguro na hindi na sila nito pagsususuntukin.


“He's in the hospital! He's still asleep! Gawd! We don't even know if he's still going to wake up!” galit na galit na balik ni Mike. Sa sobrang galit ay muntik na siyang makaalpas sa pagkakahawak sa kaniya mula sa likod. Sa sobrang galit ay hindi na niya naiwasan ang pagkawala ng ilang luha mula sa kaniyang mga mata.


“Eh natutulog lang pala eh! Magigising din yun! Tignan mo kapag nagising yun hahanap hanapin kayo nun, hindi dahil gusto niyang managot kayo kundi dahil gusto niyang maulit yung nangyari nung birthday niya! Kaya Chill lang!” singit ni Melvin sabay halakhak na miya mo demonyo.


“Oo nga!” segunda ni Mark na muling nakapagpalamig ng dugo ni Mike.


“Putangina! Dan is our friend---” simula ulit ni Mike ngunit muli siyang pinutol ni Dave.


“Correction. He's YOUR friend.”


“Oo nga! And besides, di ka ba magpapasalamat samin? Tinuruan lang naman namin siya ng leksyon. All those sleep over na hindi natin alam kung minamanyak ba tayo nun. Yung kahihiyan mo na niligtas namin dahil sa pagmamahal nung baklang yun sayo---”


“Hindi ganun si Dan!” pagmamaka-awang sigaw ni Mike.


“Anong hindi ganun?! Rinig na rinig mo nung sinabi niya na mahal ka niya sa labas ng kwarto ni Melvin nung gabing yun! Hindi ka ba nandidiri? Lumaki ka kasama yun? Malay mo matagal ka na pala nung hinihipuan!” balik ni Mark sabay halakhak na sinundan naman ng tawa nila Dave at Melvin.


Natigilan bigla si Mike.


“---I-I love you, Mike.”


Hindi napigilan ni Mike ang lalong mapaluha at mapapikit ng mariin nang maalala niya ang sinabing iyon ni Dan. Ang mga salitang nagtulak upang magsimula ang gulo na kaniya ngayong nararanasan. Ang kanina lang na punong puno ng enerhiya dahil sa sobrang galit na matipunong katawan ni Mike ay tila isa na lamang ngayong manika sapagkat hindi narin nito napigilan ang sarili na muling manlumo nang maalala ang nangyaring iyon noong birthday ni Dan.


“WHY THE FUCK ARE YOU CRYING?!” humahalakhak na sigaw ni Mark sabay suntok sa tiyan ni Mike habang hawak hawak pa ito ng kanilang neophyte. Humahalakhak si Mark habang gumaganti ng suntok kay Mike na nagbigay din sa kaniya ng ilang sakit ng katawan.


“Maybe he's in-love with Dan too!” humahagikgik na gatong ni Dave sabay pakawala ng isa ring malakas na suntok sa tiyan ni Mike.


“Hay nako, Mike. Ako na lang! Mas masarap ako dun!” singit naman ni Melvin habang aliw na aliw siyang pinapanood ang paulit ulit na pagsuntok nila Dave at Mark dito.


Hindi nagtagal ay napaluhod narin si Mike sa sahig dahil sa sobrang panghihina, panghihina dahil sa naalala at panghihina dahil sa masasakit na suntok nila Dave at Mark sa kaniyang tiyan. Lumuhod si Mark upang magkapantay ang mukha nila ni Mike atsaka sininghalan ito.


“MAKE SURE YOUR BOYFRIEND WON'T RAT US OUT AFTER HE WAKES UP OR ELSE HE'S NOT GOING TO WAKE UP AFTER WHAT WE'RE GOING TO DO TO HIM.” singhal muli ni Mark saka inaya ang kaniyang mga kasama na umalis na.


Muling humagulgol ng iyak si Mike. Hindi na niya mapigilang mapahiga sa sahig. Idinikit ang kaniyang mga tuhod sa kaniyang dibdib na miya mo bata sa sinapupunan. Galit na galit siya. Nasasaktan siya para kay Dan. Galit na galit siya sa sarili at sa mga nangyayari. Galit na galit siya kila Mark, Dave at Melvin. Galit na galit siya sa sitwasyon na hindi niya maiwas-iwasan.


Ngunit sa kabila ng galit at sakit na iyon ay wala naman siyang magawa laban dito.


000oo000


Tatlong araw pa ang lumipas at ni hindi gumaang ang loob ni Mike kahit kaunti. Muli ng pumapasok sila Mark at Dave pero pilit niyang iniiwasan ang mga ito kahit pa ang kilos ng mga ito ay parang walang nangyaring masama noong birthday ni Dan at parang hindi sila nag-away may tatlong araw na ang nakalipas sa isang parking lot. Binabati siya ng mga ito sa tuwing magkakasalubong sila. Pilit na sumasabay kay Mike sa pagkain ng miryenda at tanghalian kahit pa iniiwan din naman sila ni Mike. Normal lang ang kilos ng dalawa na parang walang masamang nangyari, na parang hindi muntikan ng mapatay ng mga ito si Dan. Isang kaganapan na sobrang ikinagagalit ni Mike.


Kada tapos sa school ay hindi muna tumutuloy sa bahay si Mike. Pumupunta muna siya sa ospital at sinisilip si Dan. Simula noong takot na takot siya nitong nakaharap tatlong araw na ang nakakaraan ay hindi na muli pang tinangka pa ni Mike na lapitan o kausapin si Dan. Nagkakasya na lamang siya sa pagsilip silip sa maliit na bintana sa may pinto ng kwarto nito sa ospital na iyon.


Itinataon niya ring wala doon si Lily upang hindi siya usigin ng sariling konsensya. Alam niya kasing hindi niya ito matitignan ng daretso sa mga mata katulad ng kaniyang mga magulang. Natatakot din siya na katulad ng sa kaniyang mga magulang ay hindi niya mapigilan ang sarili na umamin sa kaniyang mga nagawa kay Dan.


Ngunit nang mapatapat siya sa pinto ng kwarto ni Dan ay may nakita siyang isang lalaki na kumakausap dito. Nakaharap si Dan sa pinto kaya naman kitang kita ni Mike na hanggang ngayon ay malungkot ito at tila ba wala sa parin sa sarili na nakatitig lamang sa isang tabi ngunit hindi mo maikakaila na nakikinig ito habang ang lalaki na bisita nito ay nakatalikod sa kay Mike kaya't hindi niya ito makilala, ayon din sa nakikita ni Mike ay masaya itong nagkukwento kay Dan base narin sa pagkumpas kumpas ng mga kamay nito.


Paalis na sana si Mike nang biglang tumayo ang lalaking bisita ni Dan, mabilis na naglakad palayo si Mike, iniisip na mas maganda kung umuwi na lang siya ngunit mas nanaig ang kaniyang kagustuhang malaman kung sino ang lalaki na bumisita kay Dan.


Hindi nga nagtagal at lumabas na ang bisita ni Dan. Hindi na nagtaka at nagulat si Mike nang makita si Martin na lumabas ng pinto ng kuwarto ni Dan. Hindi man madalas mag-usap o magkasama ang mga ito ay batid naman ni Mike na palagay ang loob ng dalawa sa isa't isa. Nang makalampas na si Martin sa kaniyang tinataguan ay agad naring lumabas si Mike at umupo malapit sa labas ng kwarto ni Dan.


Isinandal niya ang kaniyang ulo sa pader, iniisip kung paanong mula sa pagiging malapit na magkaibigan ay hindi niya ngayong magawang lapitan si Dan, kung paanong halos araw araw ay silang dalawa ang magkadikit tapos ngayon ay hindi man lang siya pwedeng magpakita dito. Kung paanong naiinggit siya kay Martin dahil may laya itong makipagusap kay Dan. Isang bagay na nasasabik na siyang gawin ulit.


Sa sobrang dami ng iniisip ay hindi na napansin ni Mike ang pagbagsak ng sariling talukap ng mga mata at mapaiglip sa kinauupuan.


000oo000


“Hijo.” tawag pansin ng isang nurse kay Mike na ikinagising naman nito.


“Huh? Oh, I'm sorry.” bulalas ni Mike sabay linga linga, natatakot na nandon ang kaniyang tita Lily pero nakahinga din agad ng maluwag ng mapansing wala ito doon. Sunod niyang tinignan ang orasan at nakitang oras na upang siya ay umuwi.


“It's OK, kaso matatapos na ang visiting hours. Madalas kitang makita na bumibisita kay Dan pero hindi ka naman pumapasok sa room niya. Kaano-ano mo nga ulit si Dan? ” balik ng nurse kay Mike.


“W-We're friends--- I-It's OK. It's time for me to go home anyway, ayaw ko po siyang maistorbo---” simula ni Mike sabay aalis na sana nang muling magsalita ang nurse.


“I'm sure Dan would like it kung ipapakita mong andyan ka na sumusuporta sa kaniya.” makahulugang saad ng nurse. Saglit na tinignan ni Mike ang nurse, tila ba tinitimbang nito kung sersyoso ba ito o nag gu-good time lang bago ito tumalikod at naglakad papalayo sa kaniya.


Nang maiwan ng mag-isa si Mike ay wala sa sarili itong sumilip sa maliit na bintana ng pinto, hinawakan ang door knob pero nung saglit na pipihitin na niya ito pabukas ay tinalo nanaman ng takot si Mike. Takot na baka makita niyang muli ang takot na takot sa kaniyang si Dan, ayaw ng makita pa ni Mike na nasa ganoong kalagayan si Dan dahil alam niyang hindi na niya ito kakayanin.


Imbis na buksan ang pinto ay idinikit na lang ni Mike ang kaniyang noo sa malamig na pinto ng kwarto na iyon ni Dan at paulit ulit na bumulong ng “I'm sorry.” habang lumuluha.


000oo000


Nakatulala si Mike sa kaniyang kinauupuan sa loob ng cafeteria ng kanilang school. Malalim ang iniisip at tila ba ilang saglit na lang ay paiyak na nang biglang sumulpot sila Dave at Mark at ini-upo ang sarili sa mga bakanteng silya na asa tabi ni Mike.


Hindi pa man niya nagagalaw ang kaniyang pagkain ay agad na tumayo si Mike. Hindi na niya masikmura pa na sumama lagi kila Mark at Dave. Pakiramdam niya ay lalong nadadagdagan ang dumi sa kaniyang mga palad simula noong gabi ng birthday ni Dan. Pakiramdam niya ay wala siyang gagawing maganda sa tuwing kasama niya ang mga ito. Pakiramdam niya ay baka hindi nya na mapigilan ang sarili at kung ano pa ang magawa niya dito.


Hindi alam ni Mike na sinundan siya ng dalawa. Marahas siyang inakbayan ni Mark, kung sa ibang tao ay parang akbay lang iyon ng isang lalaki sa kaniyang kaibigang lalaki pero ang totoo ay mahigpit ang pagkakaakbay na iyon ni Mark sabay may halong pamumuwersa kay Mike papunta sa direksyon ng isang bakanteng classroom.


“Mike, we have to talk!” singhal ni Mark nang masolo na nila ito matapos nila itong pwersahang papasukin sa classroom. Nanggagalaiting hinarap ni Mike sila Mark at Dave.


“What do you want?!” singhal ni Mike, pinipigilan parin ang sarili na pagsusuntukin muli si Mark at Dave.


“Bakit mo kami tinatabla?!” galit na balik ni Dave.


“Why?! We almost killed Dan!---”


“Walang may gusto ng nangyari---” simula ni Mark pero alam ni Mike na pakitang tao lang ito ng huli dahil alam nilang magkakadiinan na sa oras na bumalik si Dan.


“Is that why you're acting like nothing has happened?!” putol naman ni Mike kay Mark. Natameme si Dave at Mark pero mabilis ding nakabawi si Mark dahil sa kagustuhang mapag-usapan ang mas importanteng bagay.


“Look, Mike, people are starting to talk. Napapansin nila na hindi na tayo naguusap, susunod niyan makakahalata na sila na may koneksyon ang pananabla mo samin sa nangyari kay Dan--- we don't want that to happen. Kapag nagkamalay na si Dan magso-sorry kami and hopefully tanggapin niya ulit kami bilang kaibigan--- walang may gustong maeskandalo, Mike---” simulang seryosong saad ni Mark, halos lahat na sa school nila ay alam na ang nangyari kay Dan, hindi nila alam kung sino ang may gawa nito, ang tanging alam nila ay may nambugbog dito. Nagsimula na ding mabahala ang dalawa sapagkat ang usap-usapan ay hindi titigil si Dan sa pagaaral at babalik ito bilang kanila paring kaklase, bagay na mahigpit na tinataliwas nila Mark at Dave sa takot na magsabi si Dan sa ibang tao patungkol sa kanilang ginawa dito.


“SORRY?! NARIRINIG MO BA ANG SARILI MO, MARK? ESKANDALO?! SARILI MO PARIN ANG INIISIP MO? MUNTIK NA NATIN MAPATAY SI DAN, MARK! SA TINGIN MO MAKUKUWA NG SORRY ANG GINAWA NATIN?!” sigaw ni Mike, na ikinalingon ni Mark at Dave sa paligid sa takot na may nakakarinig sa pagwawala ni Mike.


“Eh ano?! Magpapakulong tayo?! Sisirain natin ang kinabukasan natin dahil sa baklang ginusto naman ang nangyari!” sigaw pabalik ni Mark. Hindi napansin ni Mark at Dave ang kamao ni Mike na mabilis na isinuntok sa ilong ni Mark susuntukin pa sana ni Mike si Mark nang awatin na ito ni Dave.


“Ni-rape natin si Dan, Mark. Nagmamakaawa siya na tigilan niyo na ang ginagawa niyo sa kaniya pero hindi kayo nakinig---” humahangos na simula ni Mike habang hawak parin siya ni Dave mula sa likod.


“I never saw you stop fucking him either?!” balik naman ni Dave na ikinatigil ni Mike sa pagpalag sa hawak nito.


“I'll do everything to keep myself out of jail. Di ko alam ikaw, Mike, pero ayaw kong makulong dahil lang sa hindi mapigilan ni Dan ang pagkabakla niya sayo!” sigaw ni Mark sa kabila ng dumudugong ilong.


“Anong gagawin mo? Papatayin mo si Dan para hindi siya magsalita?! Nilason na ba talaga ng droga yang utak mo?! Kaibigan mo si Dan--- Kaibigan natin si Dan!”


“Kaibigan mo si Dan.” pagtatama muli ni Dave. Natameme na si Mike, alam niyang buo na ang loob ng dalawa niyang dating kaibigan. Napailing na lang si Mike at hindi na mapigilan ang sarili na magsisi kung bakit mas pinili niya pa noong makipag kaibigan sa dalawang iyon at iwan sa ere si Dan. Hindi niya mapigilang magsisi sa pagpilit kay Dan na magkaroon ng birthday party nung gabing iyon.


“Are you with us or are you against us?” matigas na tanong ni Mark na ikinagulat ni Mike. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang pipiliin. Umiiling siyang umatras palayo kay Mark at Dave na pinapanood ang bawat kilos niya at nagiintay ng kaniyang isasagot.


000oo000


Hindi pa man tapos ang klase at sarado pa man ang mga gate ng kanilang skwelahan ay nagawa parin ni Mike na maka puslit. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero dinala siya ng kaniyang mga sariling paa sa Ospital kung saan naka confine si Dan.


Lumapit si Mike sa pinto ng kwarto ni Dan. Nakita niyang nakaupo at natutulog si Lily sa tabi ng higaan ni Dan. Minasdan niya ang dati'y maamong mukha ni Dan na puno ngayon ng sugat. Ang dating makinis nitong balat sa kaniyang mga kamay ay puno na ngayon ng galos at ang dating mukha na laging may nakaplaster na ngiti, ngayon ay napalitan na ng paminsan-minsang pag-ngiwi.


Wala sa sariling ipinikit ni Mike ang kaniyang mga mata, may ilang araw na ang nakakalipas matapos ang birthday ni Dan ay hindi parin magawang tignan ni Mike ang mga galos at sugat na isa siya sa mga gumawa. Habang nakapikit ay hindi parin nagawang pigilan ni Mike ang kaniyang mga luha sa pag-tulo. Tila naman bumigat ang kaniyang ulo kaya naman kasabay ng kaniyang nakapikit na pag-iyak ay ang paghilig ng kaniyang ulo sa pinto, ang kaniyang noo ang nakadikit sa malamig na balat ng kahoy.


“Haha!Blue!” sigaw ni Mike habang asa school bus sila pauwi ng bahay.


“Andaya mo! Alam mo sigurong maraming kulay blue na kotse ano kaya simula pa lang tayo maglaro ng paramihan pinili mo agad yung kulay blue?!” sigaw ni Dan sabay nguso na ikinahagikgik ni Mike. Hindi niya mapigilan ang kurutin ang pisngi ni Dan, andun parin ang masiglang tingin sa mga mata nito na noon ay natanggap na niya bilang isa sa pinakapaborito niyang bagay sa mundo.


“Edi palit tayo! Sayo naman ang blue sakin naman ang red!” alo ni Mike dito, agad na napawi ang pagnguso ni Dan at pumalit dito ang isang maliwanag na ngiti.


“Sige! Blue! Haha! One point!” pero hindi na nagawa pa ni Mike na ituon ang pansin niya sa laro kasi masuyo na niyang pinapanood ang saya sa mga mata ni Dan pati narin ang pagiging masigla nito.


Para sa kaniya ay panalo narin siya sa kanilang mumunting laro na iyon basta't nakikita niya ang saya sa mga mata ni Dan.


000oo000


“Bayabas yan!” pagtatama ni Dan sa pagpupumilit ni Mike.


“Atis!” balik naman ni Mike sabay kagat sa malutong na balat ng prutas na kanilang minimiryenda.


“Bayabas!”


“Atis sabi eh!” naiinis nang sigaw ni Mike sabay tulak kay Dan. Agad na sumimangot ang mukha ni Dan at nakita ni Mike ang unti-unting pangingilid ng luha nito, agad nagsisi si Mike sa kaniyang ginawang pag-sigaw at pagtulak sa kaibigan.


Naglakad palayo si Dan mula kay Mike. Kinabahan na hindi na muling mkikipaglaro ang kaibigan sa kaniya o kaya naman ay makipagkuwentuhan. Bagsak balikat at nangingilid luhang pinanood ang kalaro na pumasok sa sarili nitong bahay. Ngayon, hindi lang basta kaba ang kaniyang nararamdaman kundi pati narin takot lalo pa nang ibagsak ni Dan ang pinto sa likuran nito. Hindi na nagawa pang pigilan ni Mike ang pagtulo ng kaniyang mga luha matapos ang ilang minuto at hindi pa rin bumalik si Dan. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng kaibigan. Nasa ganito siyang pag-iisip nang bigla ulit bumukas ang front door ng bahay nila Dan, kasunod ng kaniyang kaibigan ang ina nito na si Lily na nakakunot ang noo sa pagtataka.


“Ayan Mommy. Sabi niya Atis edi ba bayabas yan?!” nakanguso parin na pagpupumilit ni Dan sa nangingiting si Lily.


“Mikee, tama si Danny. Bayabas yan, hindi Atis.” marahan at nakangiting sabi ni Lily kay Mike na hindi na alintana ang mayabang na ngiti ni Dan sa tabi ng ina pati narin ang kaniyang sariling pagkapahiya. Masaya siya at hindi siya tuluyang tinalikuran ng kaibigan dahil sa kaniyang ginawang paninigaw at panunulak dito.


“I can't lose him.” naluluhang sabi ni Mike sa sarili habang nakasandal parin ang kaniyang ulo sa pinto na sa kaniyang asa harapan. “Please God, I can't lose him” ulit ni Mike sabay pahid ng kaniyang luha gamit ang kaniyang nanginginig na kamay. Ayaw niyang mawala sa kaniya si Dan ngunit hindi niya rin ito kayang ipaglaban.


Lalo pa't kinabukasan niya rin ang nakataya.


Itutuloy...


[08]
Hindi mapigilan ni Dan ang muling mapasigaw habang paulit ulit siyang sinusuntok nila Mark at Dave. Paulit-ulit na ginagahasa. Paulit-ulit na binababoy. Sinubukan niyang sumigaw ng tulong pero walang nakakarinig sa kaniya dahil natatabunan ito ng malakas na tugtog ng mga speaker sa ibabang bahagi ng bahay. Sinubukan niya muling pumalag ngunit isang sipa at isa pa ulit na suntok ang kaniyang natanggap mula sa dalawa.


Pinupunit na kalamnan, mga nababaling buto at ang pwersahang pagpasok ng hindi niya malamang mga bagay sa kaniyang puwitan ang muling isinasabuhay ni Dan...

“Nooo!” sigaw ni Dan sabay napaupo mula sa kaniyang pagkakahiga.


Iginala niya ang kaniyang mga mata. Nakita niyang wala siya sa madilim at makalat na kwarto ni Melvin. Nakita niyang asa isa siya ngayong kwarto na nababalot ng malilinis at mapuputing pader. Nakita niya ang kaniyang ina na mukhang pagod na pagod na natutulog sa isang upuan hindi kalayuan sa kaniyang higaan.


Muling ihiniga ni Dan ang sarili sa malambot na kama ng ospital na iyon kung san siya kasalukuyang naka-admit at hindi mapigilan ang mapaiyak. Alam niya kasi na habang buhay siyang uusigin ng alaala ng gabing iyon. Alam niyang habang buhay niyang isasabuhay ang kalunoslunos na mga tagpo noong gabing iyon.


Pinahiran niya ang ilang luha sa kaniyang pisngi at wala sa sariling napadako ang tingin sa may pinto. May isang anino na nakasilip sa maliit na bintana ng kwartong iyon.


Agad na nakaramdam ng ibayong takot si Dan. Muli, sa ikailang pagkakataon, nakaramdam ng takot para sa sariling buhay si Dan.


000oo000


Kitang-kita ni Mike ang takot sa mga mata ni Dan nang magising ito mula sa masamang panaginip. Kitang-kita niya kung paano iginala nito ang mga mata at siguro nang masigurong nanaginip lamang siya ay nagpakawala ito ng isang malalim na hininga. Alam ni Mike na maaaring isinasabuhay ng kaniyang nakaka-awang kaibigan ang sinapit nito sa kanilang mga kamay noong gabi ng birthday nito. Bagay na lalong nakapagpabigat sa kaniyang loob.


Pinanood niya si Dan na nanlalambot na inihiga ang sarili sa higaan, walang duda na umiiyak ito, bagay na nagtutulak kay Mike na pumasok sa kwarto, yakapin ito at pagaangin ang loob katulad ng kaniyang nakasanayang gawin noon, pero pinanghihinaan parin siya ng loob. Ayaw niyang makita muli ang takot sa mga mata ng kaibigan na tila ba isa siyang mamamatay tao.


Saglit pang pinanood ni Mike ang tumatangis na si Dan pero noong oras na napagawi ang tingin ni Dan sa kaniyang kinatatayuan ay agad siyang nagtago sa may gilid upang hindi na siya matanaw ni Dan sa maliit na bintana sa may pinto ng kwarto nito, sumandal siya sa pader sa tabi ng pinto at paulit-ulit na inuntog ang sarili dito. Gustong gusto na niyang patakbong umalis sa lugar na iyon hindi dahil natatakot siya na isumbong siya ni Dan sa kaniyang tita Lily kundi dahil kitang-kita niya ang sakit, takot at galit mula sa mukha ng kaibigan dahil sa kaniyang pagpapakita doon. Bagay na paulit-ulit na pumipiga sa puso ni Mike.


000oo000


Narinig niya ang muling pagwawala ni Mike sa loob ng kwarto. Ang pasigaw na paghingi nito ng tulong. Hindi nagtagal ay isa-isa ng nagmamadaling dumating ang mga nurses at duktor at mabilis na tumabi sa higaan ni Dan. Pilit itong pinapakalma.


“Please, tama na. Ayoko na. Huwag niyo na akong saktan, please.” paulit ulit na narinig ni Mike sa kaniyang kinatatayuan na ikinapako nito doon.


Gustong-gusto na ni Mike na umalis sa kaniyang kinaatayuan pero tila ba hinigop ng pagmamakaawang iyon ni Dan ang lahat ng kaniyang lakas kaya naman naabutan siya ni Lily nang lumabas ito sa kwarto dahil hindi rin nito makuwang tignan ang takot na takot na anak. Gulat na gulat na tumingin si Mike dito. Tila nadagdagan ng sampung taon ang edad nito na siyang lalong nagpalungkot kay Mike dahil alam niyang isa siya sa mga nagdulot nito. Nakita niya itong nagmamadaling lumapit sa kaniya na tila ba mananampal. Wala sa sariling ipinikit ni Mike ang kaniyang mga mata, inihanda ang sarili sa malutong na sampal na alam na alam niyang dadapo sa kaniyang pisngi.


“I'm sorry!” paiyak na sabi ni Mike, ngunit imbis na malutong na sampal ang kaniyang natanggap, isang kumakalingang yakap ng isang ina ang kaniyang naramdaman.


“I'm not blaming you. Your Mom told me that you haven't been yourself these past few days and that she thinks that you've been blaming yourself for what happened. I'm not blaming you, OK? Mark and Dave told me that they took you home and that you left the party before midnight because you're not feeling well and that Dan wanted to stay for a little longer---” simula ni Lily, ngunit ang mga sumunod na nitong sinabi ay hindi na narinig pa ni Mike.


Hindi siya makapaniwalang nai-ahin na nila Mark at Dave ang kasinungalingan para sa kaniya. Gustong-gusto na niyang sabihin kay Lily ang totoo, ngunit natalo ng kagustuhang iyon ng mapag-arugang yakap ng huli, isang bagay na alam niyang hindi niya kakayaning mawala. Alam niyang mawawala ang kaniyang tita Lily na siyang itinuring na niyang pangalawang ina sa oras na umamin siya. Katulad ng pagkawala ni Dan ay hindi niya rin kayang mawala ang kaniyang tita. Umiiling na humakbang palayo mula sa yakap ni Mike si Lily, iniisip kung gaano siya ka makasarili.


“Tama na. Ayoko na.” nanlalambot at paulit ulit paring sabi ni Dan habang inieksamen siya ng mga nurses at duktor sa loob ng kwarto na nagdulot kay Mike na kalimutan ang lahat ng kaniyang iniisip at nais gawin.


Wala sa sariling napagawi ang tingin ni Mike sa pinanggagalingan ng boses ni Dan. Ilang matatabang luha ang umalpas mula sa mga mata nito na hindi naman nakaligtas kay Lily. Sa kaniyang pakiwari ay pareho ang sakit na nararamdaman ng dalawang bata na itinuring na niyang pareho niyang anak, isang bagay na lalong nagpalungkot sa kaniya lalong lalo pa na katumbas ng galit at sakit na nakikita niya sa kaniyang anak ay ang galit, sakit at pangongonsensya naman sa sarili sa mukha ni Mike.


“Dave, please.”


“Dave, p-please.”


“Mark, tama na! Tama na!”


Napapikit si Mike sa kaniyang naalala na iyon, ang mga hinagpis ni Dan noong gabing iyon ay hindi parin nakakalimutan ng kaniyang isip. Kahit pa mahigpit ang pagkakapikit ay hindi parin niya napigilan ang mga sariling luha sa pagbagsak, kasabay ng mga luhang iyon ay ang muling pakiramdam na tila ba pinipiga ang kaniyang puso.


Ngayon, sigurado na siya na habang buhay ng nawala sa kaniya ang pagkakaibigan ni Dan at wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili.


“Please don't give up on him. He needs you, Mikee.” pagmamakaawa ni Lily na lalong dumurog sa puso ni Mike. Alam niyang hindi magtatagal ay pati ang kaniyang tita Lily, na itinuring niyang pangalawang ina ay di maglalaon ay katulad din ni Dan na mawawala sa kaniya kahit anong pagtatago pa sa katotohanan ang kaniyang gawin.


“Trust me tita, you wouldn't want me around either.” bagsak balikat na sagot ni Mike sabay lakad palayo mula sa nagtatakang si Lily na siya namang pilit iniintindi ang sinabi ni Mike.


0000oo0000


“Did you talk to Dan?” tanong ni Mark sa nakatulalang si Mike. Tinignan saglit ni Mike ang kaniyang dating kaibigan, hindi parin makapaniwala sa pagiging makasarili ng mga ito.


“I did---” simula ni Mike pero nang sumagi ulit sa kaniyang alaala ang reaksyon ni Dan, ang takot sa mga mata nito na dati'y punong-puno ng pag-asa at kasiyahan, ang kagustuhan nitong makalayo sa kaniya na miya mo ito mamamatay tao at ang pagmamakaawa ni Dan na tila isang batang walang kalaban kalaban ay nag-patigil kay Mike sa pagsasalita.


“What did he say? Is he going to rat us out?” pagpupursiging tanong ni Dave. Naluluhang mata na tinignan ni Mike ang dalawa.


“P-pumunta ako sa ospital kahapon, kakausapin ko sana siya pero nung makita niya ako---” pumipiyok at pabulong na simula ni Mike sabay iling, pilit na inaalis ang masakit na tagpo na naganap nung muli silang nagkita ni Dan.


“---di n-niyo nakita kung pano siya nagwala nung makita niya ako. N-nasakatn natin siya. K-kitang-kita ko sa mga mata niya.” malungkot na dugtong ni Mike na ikinabahala ni Mark at Dave.


“Hindi mo siya naka-usap?” nagaalalang tanong ni Dave. Umiling ulit si Mike.


“G-gustong gusto na n-niyang makalayo s-sakin--- H-hindi ako makalapit sa kaniya.” umiiling parin na sabi ni Mike.


“You leave us with no choice, Mike. Kailangan naming sabihin 'to sa parents namin. I will not go to jail, Mike!” singhal ulit pero nagaalalang sabi ni Mark sabay talikod at nagmamadaling naglakad pauwi.


“Dave, p-please. M-masyado na natin siyang nasakatan. H-huwag niyo nang gawin 'to ni Mark. P-please.” pagmamakaawa ulit ni Mike kay Dave na naiwan kasama niya na siyang binabalot parin ng pagkabahala ang buong pagkatao. Gusto niyang tulungan si Dan at si Mike, ngayon niya lang nakita ang kaibigan na ganito kaya't alam niyang nagsasabi ito ng totoo pero gaya ni Mark ay natatakot din itong makulong at higit pa doon ay madungisan ang pangalan ng kaniyang ama na respetadong abogado.


“I'm sorry.” pabulong na sagot ni Dave sa umiiyak na si Mike, umaasa na ang pagtalikod niyang ito sa katotohanan ay hindi niya habang buhay na pagsisisihan.


0000oo0000


“Are you sure about this, Danny?” nagaalalang tanong ni Lily sa nakaratay parin na anak bago pagbuksan ng pinto ang mga pulis na kanilang inanyayahan upang pormal na mag-file ng kaso. Nanghihinang tumango si Dan bilang sagot, napagdesisyunan niyang ibibigay niya na ang pangalan ng mga dati niyang kaibigan bilang mga kriminal na gumawa sa kaniya noon, napagdesisyunan niya rin na mas nakabubuting kasabay na lamang malaman ng kaniyang ina at mga pulis ang totong nangyari. Pero nang buksan ni Lily ang pinto ay hindi mga pulis ang sumalubong sa kanila kundi dalawang babae na may magagarang suot at dalawa ring lalaki na hindi rin papahuli sa gara ng suot mula sa dalawang babae na kasama ng mga ito.


“Good morning, Mrs. Arellano, Dan.” bati ng isang lalaki na naka coat and tie. Pamilyar ang lalaking ito kay Dan pero hindi niya maisip kung saan niya ito nakita o nakilala.


“Good morning. Ano pong maipaglilingkod ko sa kanila?” magalang na tanong ni Lily kahit pa hindi siya mapalagay sa presensya ng apat na taong iyon.


“I'm Marcus Ricafrente---” simulang pagpapakilala ng lalaking naka coat and tie habang hindi inaalis ang tingin sa nanghihinang si Dan. Tila naman may bell na kumalembang sa ulo ni Dan at natandaan niya agad kung saan niya nakita ang apat na taong iyon.


“You're Mark and Dave's parents.” pabulong na sabi ni Dan, kasabay nang realisasyon na iyon ay ang pag-bilis ng kabog ng dibdib ni Dan.


“Your son did this to me.” malamig na bulalas ni Dan habang nagsisimula ng mangilid ang luha na ikinagulat ni Lily at ng mga magulang nila Mark at Dave.


“Mark at Dave?” naguguluhang tanong ni Lily sa umiiyak at nanginginig na muling anak.


“I'll be careful if I we're you, son---” pagbabanta ng babae na nakilala ni Dan bilang ina ni Dave.


“I'm telling you the truth! Mark, Melvin, Dave and M-Mike did this to me!” pasigaw na sabi ni Dan na siyang sumaid ng kakapiranggot niyang lakas. Di makapaniwala si Lily sa kaniyang mga naririnig, lumapit siya sa anak at inalo ito.


“I think we should talk to you alone, Mrs. Arellano.” sabat ng ama ni Dave na nagplaster ng pekeng pagaalala sa mukha.


“No!” sigaw ni Dan sabay paling ng pansin sa ina at nagmakaawa dito.


“Ma, please, believe me. It was them---”


“Mrs. Arellano.” tawag pansin ng ina ni Mark kay Lily, tumango ito at sinundan ang apat sa hallway at iniwan mag-isa ang umiiyak na si Dan sa kama nito.


000ooo000


“Mrs. Arellano, we are not going to sue your son with libel if you keep him quiet---” simula ulit ng ama ni Mark nang mapansin nitong hindi nakikinig si Lily sa kaniyang mga sinasabi.


“What?!” naeskandalong sabi ni Lily.


“We are not going to file a libel suit against your son---”


“What the hell?! My son just said that it was your kids who put him on that hospital bed! Tapos kami pa ang ide-demanda niyo ng libelo?!” halos pasigaw na na sabi ni Lily.


“Calm down, Mrs. Arellano. I'm sure you haven't heard of us but we're from Santillan and Ricrafrente law firm---” simula ng ama ni Dave pero hindi na ito pinatapos pa ni Lily.


“I don't fucking care who you people are! What your son did to my child is terrible and they should rot in jail!” singhal ni Lily at papasok na sana ulit ito sa kwarto ni Dan at desedidong tawagan na ang mga pulis nang magsalita ulit ang ama ni Mark.


“We can make this all your son's fault. Lily, I can call you Lily, right?---” sabi ng ama ni Mark, gamit ang kaniyang pinag-aralan bilang abogado na ikinabahala naman ni Lily. “We can easily make this look like your son's fault--- being gay and all, begged for our son to use him sexually---” habol ng ama ni Mark na miya mo ang ganoong pambabanta ay lagi niya ng ginagawa at nakasanayan na. Marahas namang napaharap si Lily sa apat na abogado.


“I'm Marcus Ricafrente and the other genteleman here is David Santillan. We haven't lost a case since becoming a lawyer, I doubt any lawyer out there can beat us.” mayabang na sabi ng ama ni Mark na lalong nagpakulo sa dugo ni Lily.


“If you're going to file a law suit against our kids, ngayon palang, Lily, sinisigurado ko sayong matatalo kayo and when that happens, sira na ang buhay niyong mag-ina hanggang humihinga kayo of course not to mention yung kahihiyan na idudulot nito. So kung ako sayo, hindi ko na itutuloy ang pagdedemanda habang may pagkakataon pa kayong kalimutan ang lahat ng 'to.” sabi naman ng ina ni Dave. Tahimik na tinignan ni Lily ang apat sa kaniyang harapan walang ibang nararamdaman kundi galit sa mga ito dahil alam niyang wala siyang magagawa kundi ang pumayag sa mga gusto nito.


Nang mapansin ni Marcus na nadala na sa kanilang paninindak si Lily ay tumango na ito sa kaniyang mga kasama at tahimik na tumalikod at naglakad palayo kay Lily na nagsisimula ng mangilid ang mga luha.


000ooo000


“Ma?” nagaalalang tawag ni Dan sa ina nang marinig nito ang pagbukas ng pinto ng kaniyang kwarto. Napansin ni Dan na nangingilid ang mga luha nito, nanginginig ang mga kamay at namumutla. Bagsak balikat itong lumapit kay Dan.


“They told me that it was you who asked Mark, Dave and M-Mike for sex---” simula ni Lily pero nang makita niya ang reaksyon ng mukha ni Dan na nagsasabing alam na nito kung ano ang kaniyang tinutumbok ay gustong-gusto niyang bawiin ang paratang na pinakawalan niya dito.


Tila tumigil sa pagtibok ang puso ni Lily ng makita ang sakit sa mga mata ng anak. Unti-unti narin siyang hindi maka-hinga, gustong-gusto niyang humingi ng tawad sa pagbibintang dito at yakapin ng mahigpit pero hindi niya iyon magawa dahil alam niya ang kapalit kapag ginawa niya iyon.


“A-and you believed t-them?” mahina at nanlalambot na tanong ni Dan sa ina na miya mo sumuko na sa lahat ng laban, miya mo takot na takot. Nang marinig ni Lily ang takot na takot at puno ng sakit na tanong na ito ng kaniyang anak ay muli niyang hiniling na hindi niya ito pinaratangan.


Hindi na kailangan ni Dan ng sagot mula sa ina. Alam niya, base sa blangkong reaksyon ng mukha nito na pati ito ay trinaydor narin siya. Piniling paniwalaan ang sinabi ng mga magulang ng mga taong nanakit sa kaniya kesa sa kaniya na sarili nitong anak. Pumaling na si Dan pakaliwa, palayo sa kaniyang ina. Pilit na pinipigilan ang kaniyang sarili na umiyak ngunit hindi niya magawa kaya't nagkasaya na lang siya sa pag-iyak ng tahimik.


Nung puntong tumalikod si Dan kay Lily ay alam na nito sa sarili na habang buhay niyang pagsisisihan ang ginawang pagtalikod sa anak. Alam niyang tahimik itong umiiyak habang nakatalikod sa kaniya. Gusto niya itong yakapain at aluhin ngunit natatakot siya na baka siya naman ang ipagtulakan ng anak. Ang tanging tao na asa kaniyang buhay.


000ooo000


“What do you think is wrong with him, doc? He won't eat, he just stares at the opposite wall and he wouldn't speak kahit na kinakausap o kinukulit ko siya.” nagaalalang tanong ni Lily sa attending physician ni Dan matapos ang dalawang araw na halos hindi nito pagkain. Alam ni Lily sa kaibuturan ng kaniyang puso ang sagot sa sariling tanong na iyon ngunit hindi niya magawang harapin iyon. Gusto niyang marinig mula sa ibang tao na hindi siya ang may kasalanan sa pagkakaganon ng kaniyang anak tulad ng sinasabi ng kaniyang mabigat na kunsensya.


“I think your son is going through some depression. While I was talking to him, it's like he just gave up. It's like he doesn't care anymore. But don't worry I'll have him checked by a very good friend of mine---” hindi na inintindi pa ni Lily ang sinasabi ng duktor sa kaniyang harapan dahil hindi niya mapigilang isisi ang nangyayaring depresyon na iyon ng anak sa sarili.


000ooo000


“Aren't you excited to go home, Danny? Doctor Bruel already signed your discharge papers, we can go home as soon as the nurse cleared us.” masiyang saad ni Lily sa anak, pilit na ibinabalik ang dati nilang masiyang pagsasama, pilit na kinakalimutan at ibinabaon sa lupa ang lahat ng nangyari.


“Danny?” tawag ulit ni Lily sa pansin ng anak nang hindi ito sumagot. Nilingon ito ni Lily, asa telebisyon lang ang pansin nito. Napabuntong hininga si Lily at pilit na pinigilan ang sarili na mapa-iyak ulit. Isang linggo na matapos magpunta ng mga magulang ni Mark at Dave at hindi parin nakikita o narinig ni Lily na umimik ang anak. Maski ang mga duktor at nurses ay napansin na ang pananahimik na iyon ni Dan sa kabila ng gamot para sa depresyon.



Lumapit si Lily sa anak at tumayo sa harapan nito, iniharang ang sarili sa pagitan ni Dan at ng telebisyon. Nang mapansin ni Dan ang pagharang na iyon ng kaniyang ina ay agad na yumuko si Dan, hindi na mapigilan ni Lily ang sarili sa pag-iyak habang ini-a-angat ang mukha ng anak, pilit na isinasalubong ang tingin nito sa kaniyang tingin.



“Everything is going to be OK.” mariing sabi dito ni Lily pero lagpas-lagpasan lang tingin ni Dan dito na nagtulak kay Lily upang lalong umiyak.


Kung nuong mga nakaraang araw ay pilit pang pinapaniwala ni Lily ang sarili na mapapatawad pa siya ng anak, ngayon, nakasisiguro na siya na habang buhay ng hindi babalik ang loob sa kaniya ng anak.


000ooo000


Nagulat ang mga nurse sa biglaang pag-bukas ng pinto ng kwarto ni Dan. Tinignan nila si Lily na halos mapa-upo na sa sahig dahil sa kaka-iyak. Alam nilang may nangyaring di maganda sa pagitan ng mag-ina dahil hindi naman nalulunod sa depresyon si Dan kahit noong una itong magising sa ICU may ilang araw na ang nakakaraan tapos napansin nila na matapos bumisita ang apat na taong may magagarang damit ay nagsimula ng lumamig ang pakikitungo ng dati'y mabait sa tuwing kinakausap na si Dan at hindi nga nagtagal ay nilamon na ito ng depresyon.


“Cynthia, hayaan mo na, hindi na tayo dapat makielam pa dyan.” saway ni Carrie sa kasamahang nurse nang mapansin nitong palabas na ito ng nurses station at mukhang tutunguin ang umiiyak na si Lily. Hindi na ito pinansin ni Cynthia at umupo sa sahig sa tabi ni Lily.


“What happened?” malumanay na tanong ni Cynthia kay Lily.


“M-my son. I think he gave up on everything. H-he hates me and I- I think he'd rather be dead than to live with me and see me.” halos humahagulgol na sagot ni Lily. Hindi na sana niya sasagutin ang nurse pero tila ba may tumulak sa kaniya na sagutin ito at hindi siya nagsisi nang sumagot siya dito dahil kahit papano ay tila ba nabawasan ang kaniyang dinadala nang aminin niya sa sarili na ni hindi siya matignan ng sariling anak dahil sa pagkasuklam nito sa kaniya.


“Give it some time. Dr. Bruel gave him some antidepressants it should work soon.” pagaalo ni Cynthia kay Lily, alam niyang hindi niya alam ang pinag-ugatan ng pagkakaganoon ng mag-ina pero naisip niya na minsan ang kailangan ng taong namomoblema ay ang kasiguraduhan na may mga tao pa siyang malalapitan. Di nagtagal ay kumalma na si Lily at tumango sa sinabing iyon ni Cynthia kahit pa alam niyang hindi makakatulong ang mga gamot na iyon hangga't nakikita siya ng sariling anak, nagpapaalala ng kaniyang ginawang pagtalikod at pagtra-traydor dito.


000ooo000


Hindi mapigilan ni Dan ang maluha matapos lumabas ng kaniyang ina. Gusto man niya itong kausapin o kaya tignan man lang ay hindi niya magawa dahil pinapaalala ng mukha nito ang pagtalikod sa kaniya nito, ang pagtra-traydor, ang paniniwala nito sa mga magulang ng taong bumugbog at bumaboy sa kaniya kesa sa kaniya na sarili nitong anak.



Nasa ganitong pag-iisip si Dan nang makarinig siya ng marahang pag-katok sa pinto. Pumasok ang isang babae na naka-puti, hindi man ito lingunin ni Dan ay alam niyang si Cynthia ito, isa sa kaniyang mga regular na nurse simula nung malipat siya sa kuwarto na iyon galing sa ICU. Tumayo ito sa harapan niya, dala-dala ang isang tray ng pagkain. Hindi ito pinansin ni Dan na ikinabuntong hininga ni Cynthia.



“Everything happens for a reason, Dan. You shouldn't give up. You have a long way ahead of you. Please, Don't give up.” pabulong pero mariin na sabi ni Cynthia sabay talikod kay Dan.



Bago pa man sarhan ni Cynthia ang pinto ng kwarto ni Danny ay narinig niya ang may kalakasang pag-iyak nito. Alam niyang naiparating niya ang gusto niya iparating kay Dan at lihim na umaasa na isaisip at isapuso nito ang sinabi niya upang mailihis ito sa habang buhay na pagsisisi.


[09]
Hindi mapigilan ni Dan ang mangilabot sa inaasta ng kaniyang ina. Umaasta ito na tila ba walang nangyari habang ang katotohanan ay kauuwi lang nila galing sa ospital kung saan siya naratay ng mahigit sa isang buwan at hindi galing sa isang bakasyon. Ngunit katulad ng sinabi ni Cynthia kay Dan noong nakaraang gabi ay inisip na lang ni Dan na may rason kaya't nangyayari lahat ng iyon at hindi kailanman siya susuko.


“We're home!” masiglang sabi ni Lily sabay kuwa ng mga gamit nila ni Dan mula sa kamay ng taxi driver saka nagpasalamat sa lahat ng tulong nito. Muli, hindi maitulak ni Dan ang sarili na sagutin ang ina.


Hindi naman pinansin ni Lily ang hindi paring pagkibo ng anak dahil desedido siya na gawin ang inimungkahi sa kaniya ng nurse na umalo sa kaniya noon ding nakaraang gabi.


“Give it some time---”


“Yes. Everything will be OK now.” pangungumbinsi ni Lily sa sa sarili habang binubuksan ang kanilang front door.


000oo000


“Was that Lily and Dan?” tanong ni Brenda na ikinagulat ni Mike. Abala kasi ito sa pagsilip sa kanilang bintana, pinapanood ang bagsak balikat, namumutla at nanghihina pang si Dan.


“Yeah.” tahimik at matipid na sagot ni Mike sabay layo sa bintana.


“Why don't you go there and see if he's OK? I'm sure he'll appreciate that.” mungkahi ni Brenda sa tahimik parin na si Mike.


“I think we should let him rest first, Ma. He just got out of the hospital.” matipid ulit na balik ni Mike. Saglit na tinignan ni Brenda ang anak na tahimik lang na nakatingin sa mga sarili nitong palad. Simula nung ma-ospital si Dan ay napansin na niya ang ilang nakababahalang pag-babago sa anak pero ikinibit balikat niya parin ito, iniisip na nalulungkot lang ito sa nangyari sa kaibigan.


“I think you're right. Besides, I'm sure you'll see each other in school next week---” hindi na narinig pa ni Mike ang sunod na sinabi ng kaniyang ina dahil muli siyang natakot sa ideya ng muling pagkikita nila ni Dan.


000oo000


Tila ikinulong sa isang maliit na kwarto na walang bintana si Dan nang muli siyang bumaba sa harapan ng kanilang skwelahan. Unti-unti siyang nahirapang huminga lalo pa nang pagtinginan siya ng mga tao sa paligid, ang ilan ay naaawa, ang ilan ay tila ba sa ginawa nilang iyon ay malalaman nila ang buong nangyari noong gabing iyon.


Nakayuko at nagmamadaling lumakad si Dan patungo sa kaniyang classroom, hindi napansin ang kinakabahang si Mark at Dave sa isang tabi.


“Why the hell is he still here?!” nagpapanic ng bangag na bangag na si Dave.


“Chill. He won't be here for long.” nakangising sagot ng bangag na rin na si Mark.


000oo000


Pilit na pinapagana ni Dan ang kaniyang utak habang nagtuturo ang mga guro niya, pilit na isinasaksak sa kaniyang utak ang mga impormasyon na itinuturo ng mga ito, umaasa na kapag ginawa niya ito ay hindi na niya mapapansin ang mga pagtitig at paminsan minsang pag-tingin ng kaniyang mga kaklase.


Nang tumunog na ang bell bilang hudyat na oras na upang magbreak ay agad na tumayo si Dan mula sa kaniyang upuan upang makalayo narin sa mga pagtitig sa kaniya ng kaniyang mga kaklase ngunit nung sandaling umapak na siya sa hallway ay lalo niyang napansin ang pagtititig sa kaniya ng mga tao sa paligid. Ang ilan ay nakangisi, ang ilan ay pinipgilan ang sarili na tumawa, ang ilan ay humahagikgik at ang ilan naman ay hayagan ng tumatawa habang nakatingin sa kaniya.


Nakita ni Dan ang pinagtatawanan ng kaniyang mga ka-school mate. Ilang papel ang naka dikit sa hallway. Siya ang tampok dito. Siya na naka bestida. Bawat papel ay may iba't-ibang caption.


“I love gang bangs!”


“I love anal sex!”


“I give the best blow job in town!”


“Kaya ka nabubugbog eh!” sigaw ng isa sa mga naroon sa hallway.



Tila umikot ang paningin ni Dan kasabay ng paninikip ng kaniyang dibdib at panlalambot ng kaniyang mga paa. Nagmamadali siyang lumapit sa mga papel na nakadikit sa pader at pinagtatatanggal iyon. Lalong napuno ng walang awang tawanan ang hallway habang ang iba naman ay tila ba curious lang na nanonood.



Hindi mapigilan ang sarili na mapaiyak.


000oo000


Lumabas si Mike ng kanilang classroom na nagkakagulo ang ilang estudyante sa hallway. Na intriga siya kaya naman tinignan niya kung ano ang mga nangyayari. Napako siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita niya si Dan na tinatanggal ang ilang papel sa dingding ng hallway habang tumatawa ang ilan sa mga estudyante at iba naman ay nagaalalang nakatingin sa huli.


“What's happening?” tanong ni Mike sa isang estudyante malapit sa kaniya.


“Someone posted a picture of Dan wearing skirts with some mean captions like “I love gang bangs” and stuff. It's really sick if you ask me.” umiiling na sagot ng estudyante sabay talikod kay Mike.


“Danny.” pabulong na tawag ni Mike sa kaibigan habang pinapanood itong humikbi habang binabayuot ang mga papel.


000oo000


Nagaalalang hinanap ni Mike si Dan habang kumakain ang lahat ng tanghalian. Matapos ang munting tagpo sa hallway nung morning break ay hindi na muli pang nakita ni Mike si Dan at lalo siyang nagaalala nang mapansin ang pagkawala nila Mark at Dave sa paligid. Mabilis muli ang pagkabog ng dibdib ni Mike, iniisip na baka tinotoo ng dalawa ang kanilang mga banta kay Dan.


000oo000


Tila ba nakakulong muli si Dan sa kaniyang sariling panaginip. Isang masamang panaginip kung saan muli siyang pinagtutulung-tulungang gulpihin at gahasain ng mga taong kaniyang itinuring na kaibigan habang papalapit ng papalapit sa kaniya ang naglalakihang sila Dave at Mark na may nakatatak pang ngisi sa kanilang mga mukha, hudyat na hindi maganda ang mga susunod na mangyayari. Wala ng nagawa pa si Dan kundi ang mapansandal sa isang sulok at mapa-upo doon at itago ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga binti.


“MIKE!”


Tila bumalik ang oras sa gabing iyon. Bawat detalye ng nangyari ay muling isinasabuhay ni Dan ngayon. Ang kaniyang pagmamakaawa kay Mike na tulungan siya, ang kaniyang pagmamakaawa kila Dave at Mark na itigil na ang kanilang pangga-gahasa sa kaniya at ang lasa ng dugo na bumabalot sa kaniyang mukha at buong katawan.


“MIKE!”


Bumalik din lahat ng sakit ng suntok, tadyak at sampal na iginawad sa kaniya ni Mark at Dave.


“Putangina ka!”


Bumalik ang bawat mura, bawat masasakit na salita at bawat pangiinsulto sa kaniyang pagkatao.


Lahat iyon bumalik dahil lang sa sinabi niya kay Mike ang kaniyang tunay na nararamdaman.


“Awww! Look at the baby cowering!” pasinghal na pangiinsulto ni Mark sabay tadyak sa kanang hita ni Dan.


“Argggghhhh!” umiiyak na sigaw ni Dan dahil sa sakit ng pagtadyak na iyon ni Mark. Di pa man nakakabawi si Dan ay agad na hinila ni Dave si Dan patayo at pilit na pinaharap sa kanila.


“We want you gone.” singhal muli ni Mark habang hawak hawak ang nagmamanhid pang panga ni Dan.


“We want you out of our way.” singit naman ni Dave na hindi nagpatalo sa nakamamatay na tingin ni Mark.



Nang walang nakuwang sagot sila Mark at Dave mula kay Dan kundi ang paghagulgol nito ay pinuntirya naman ng mga ito ang tyan ni Dan at pinaulanan iyon ng suntok. Muling napaluhod si Dan matapos ang pangatlong suntok nila Mark at Dave at halos sumuka na ito ng dugo, pero hindi parin siya pumayag sa gusto ng dalawa, hindi dahil nagmamatigas siya kundi dahil hanggang sa ngayon ay napaparalisa parin siya dahil sa takot.


“Mark! Dave!”


000oo000


Halos mahimatay si Mike sa kaniyang nakikita. Ang dalawang may malalaking katawan na sila Dave at Mark ay muling piangtutulungan ang walang kalaban-laban na si Dan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero binabalot siya ngayon ng pakiramdam ng tila ba gusto nanaman niyang pumatay. Bawat suntok at pangiinsulto na lumalabas sa mga bibig ni Dave at Mark ay tila ba gasolina na nagpapatakbo sa makina ni Mike upang pumatay.


Kinilabutan si Mike nang makita niya ang tila ba slow motion na pagkaluhod ni Dan sa sahig matapos itong hilahin patayo ni Mark gamit ang kwelyo at suntukin muli at ang tila ba pagkapos ng hininga nito at wala paring tigil an paghagulgol na para bang ang kagustuhang lumaban ay tuluyan ng nasaid mula sa pagkatao nito at ang tangi na lamang gusto ay matapos na lang ang lahat ng nangyayaring iyon.


“MARK! DAVE!” sigaw ni Mike sabay takbo mula sa kaniyang kinatatayuan.


Nagulat sila Mark at Dave. Muli nilang nakita ang galit sa mga mata ni Mike katulad noong hapon matapos nitong bisitahin sa unang pagkakataon si Dan sa ospital. Pareho silang nakaramdam ng ibayong takot. Lumanding ang unang suntok sa mukha ni Mark na ikinaluhod nito sa sobrang sakit, sinubukang hawakan ni Dave si Mike ngunit mabilis itong humarap sa kaniya at tinadyakan ito sa parti ng tyan na ikinatumba ng huli. Pumaibabaw si Mike kay Dave at pinaulanan ito ng suntok sa mukha. Nang makabawi na si Mark mula sa sakit ng unang suntok ni Mike ay mabilis itong pumunta sa kinaroroonan ni Mike at hinila ito palayo kay Dave, sinubukan ni Mark na suntukin si Mike ngunit mabilis itong naka-ilag at sinuntok siya sa mukha.


“DRUGS! MAKES! YOUR! REFLEXES! SLOW!” singhal ni Mike sa pagitan ng mga suntok na igingawad niya sa mukha ni Mark.


000oo000


Nang maramdaman ni Dan na wala ng pumipigil sa kaniya mula sa pagtakbo ng malaya at nang wala na siyang nararamdaman na mga suntok at sampal ay mabilis siyang tumakbo. Hindi alintana ang nangyayari sa dalawa niyang tagabugbog. Hindi alintana na ipinagtatanggol siya ngayon ng lalaking tinawag niya na best friend simula nung limang taong gulang pa lang sila, ng lalaking kaniyang minahal.


Hindi alam ni Dan kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa. Wala siyang pakielam sa tila ba lumalabnaw na niyang lamang loob dahil sa mabibigat na suntok nila Dave at Mark sa kaniyang tiyan dahil ang tangi niya lang gusto ay makalayo sa lugar na iyon.


000oo000


“Stop it! Please!” sigaw ni Mark kay Mike na nagtulak dito na itigil na ang panununtok dito. Tumayo na mula sa pagkakadagan kay Mark si Mike at tinignan nito si Dave at Mark na may kasamang pandidiri.


“TOUCH DAN AGAIN AND I SWEAR, I'LL KILL THE BOTH OF YOU!” singhal ni Mike na ikinatakot ng dalawa na agad na tumayo sa kabila ng sakit na kanilang nararamdaman at nagtatakbo palayo.



Nang masigurong hindi na muli pang babalik ang dalawa ay lumingon-lingon si Mike at nang makita niyang wala sa paligid si Dan ay muli siyang kinabahan at natakot. Sa sobrang takot ay hindi niya mapigilan ang sarili na mapaluha.



Muli nanamang nasaktan si Dan at wala siyang ibang dapat muling sisihin kundi ang sarili. Muli nanamang nasaktan si Dan at ang pinakamasakit sa lahat ay hindi niya alam kung pano ito aaluhin.


000oo000


Wala ng pakielam pa si Dan kung pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid habang tumatakbo siya sa mahabang hallway ng kanilang skwelahan dahil ang tangi niyang gusto ay makalayo doon at makapagtago sa mga taong muling mananakit sa kaniya.


“What did I do to deserve this?” umiiyak na bulong ni Dan sa sarili.


Sa sobrang pagmamadali ay hindi na napansin pa ni Dan si Martin na nakayukong naglalakad, nabangga niya ito na halos ikatalsik ng huli. Muli sanang yuyuko si Martin at hihingi ng pasensya upang hindi na sana mapagbuntungan pa ng panlalait nang makita niya ang mukha ni Dan. Basang basa ito dahil sa luha, nakakunot ang noo nito dahil sa sakit at ang sulok ng bibig nito ay may natutuyong dugo.



Muli ng tumingin ng daretso si Dan at muli na sanang magtatatakbo nang pigilan ito ni Martin.


“Dan, what's wrong?” nagaalalang tanong ni Martin ngunit hindi siya pinansin ng huli, pero kahit pa hindi siya pinansin nito ay hindi naman maikakaila ni Martin na nakitaan niya ang mukha ni Dan ng sobrang paghihinagpis na tila ba tumunaw sa puso ni Martin.


“DANNY!” sigaw ni Mike sa hindi kalayuan na nakapagpalingon kay Dan at Martin. Kitang kita ni Martin ang pagrehistro ng sobrang takot sa mukha ni Dan lalo pa ng makita nitong patakbong lumalapit si Mike sa kanilang pwesto.


Mabilis na hinaltak ni Dan ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ni Martin at nagtatakbong pumasok sa isang C.R. Hinayaan na ito ni Martin at nang lumapit na si Mike sa kaniyang pwesto ay buong loob niya itong hinarangan.


“I know what you did to Dan.” singhal ni Martin sabay iniharang ang sarili sa pintuan ng CR upang hindi makapasok si Mike.


“What are you talking about!? I didn't do this to Dan---” simulang pagpapaliwanag ni Mike na ikinainit ng ulo ni Martin. Wala na ang dating duwag na Martin. Wala na ang hindi palakibong si Martin at dahil iyon sa kaniyang nararamdamang galit laban sa mga taong nanakit sa nagiisang tao na tumuring sa kaniya bilang isang kaibigan, bilang isang tao na nararapat ding irispeto.


“Don't act dumb, Mike. I know what you, Mark, Dave and my brother did to Dan---” pasinghal paring simula ni Martin na ikinatigil ni Mike na miya mo may nagbuhos sa kaniya ng malamig na tubig. “--- You see, when you're high with drugs, may mga bagay kang masasabi na hindi mo dapat ipagsabi. That's what happened to my brother, sa sobrang pagkasabog, ikinuwento niya ang mga ginawa niyo kay Dan sa harap ko unknowingly. Pasalamat kayo at wala ako masyadong ebidensya maliban sa sinabi ng sabog kong kapatid, kung hindi pare-pareho na kayong nasa kulungan ngayon.” matapang na pagtatapos ni Martin na muling nagpaluha kay Mike.


“I never wanted to hurt him---” simula ni Mike pero pinutol siya ni Martin na tila ba wala itong narinig.


“What did Dan do to you to deserve this?” galit na galit na tanong ni Martin na lalong nagpaluha at nagpailing kay Mike.


“I have to talk to him.” pagpupumilit ni Mike ngunit iniharang parin ni Martin ang kaniyang katawan sa bungad ng CR.


“No! I won't let you hurt him again! Di pa ba sapat yung binugbog niyo siya, gahasain at muntik ng patayin, ha?!” singhal muli ni Martin.


“I said MOVE!”


“NO!” sigawan ng dalawa na ikinakuwa ng atensyon ng ilang tao na dumadaan sa gawing iyon. Naririnig man ng mga ito na nagtatalo ang dalawa ay wala namang ideya ang mga ito kung saan tungkol ang pagtatalo ng mga ito.


“Don't make me—-”


“Don't make you do what? Hit me? Kill me? RAPE me?!”


Ang mga sinabing ito ni Martin ang nagtulak kay Mike upang suntukin na ito sa mukha na ikinatumba ng huli. Hindi niya ito ginusto ngunit gustong gusto na niyang malaman kung OK lang ba si Dan, kung may maitutulong ba siya dito at kung posible ay makakausap niya ba ito.


Mabilis na nilagpasan ni Mike ang nakaluhod dahil sa sakit na si Martin at binuksan ang pinto ng CR. Tila itinigil ang pagikot ng mundo at ang oras nang makapasok na sa loob ng CR si Mike. Katulad ng tipikal na CR ng mg skwelahan sa Pilipinas, ang CR din na iyon ay hindi kalinisan.


Pero habang pinakikinggan niya ang paghagulgol ni Dan sa loob ng isang cubicle ay alam niyang nakasalampak ito sa sahig ng CR. Sapo sapo ang alin mang bahagi ng katawan na nananakit mula sa pambubugbog nila Mark at Dave.


Napasandal si Mike sa pader. Hindi makapaniwala at nasasaktan ng lubos sa paghihinagpis ng kaibigan.


“Danny.” pabulong tawag ni Mike kay Dan na nagdulot dito na tumigil saglit sa paghagulgol. Dahan-dahang umupo mula sa pagkakasalampak sa sahig si Dan sumandal sa pader, hindi parin tumitigil ang mga luha sa pagtulo mula sa kaniyang mga mata.


“P-please. D-don't hurt m-me. I-I'm n-not going to t-tell. J-Just don't hurt me. I-I c-can't take it anymore. I-I'll leave school if that's what you want, j-just don't hurt me, p-please, I-I can't take it anymore.” pagmamakaawa ni Dan na lalong nakapagpatindi sa sakit na nararamdaman ni Mike.


Hindi lang kasi pagmamakaawa ang narinig ni Mike sa likod ng mga sinabing iyon ni Dan kung hindi sakit at pagakawala ng pag-asa. Hindi na nakapagsalita si Mike na patuloy parin sa tahimik na pag-iyak samantalang si Dan ay patuloy lang sa pagmamakaawa.


Parehong nakasandal si Dan at Mike sa hindi kalinisan pader ng CR habang nakaupo sa sahig. Parehong lumuluha. Parehong nasasaktan habang pinapakinggan ang paulit ulit na sinasabi ni Dan na...


“P-Please, don't hurt me---”



Itutuloy...


[10]
Noon lang nakaramdam ng sobrang awa si Martin. Hindi niya mapigilang maawa kay Dan lalo pa't miya't miya niya ito tinitignan habang inaalalayan pauwi. Tila walang tigil ang produksyon ng mga mata nito ng luha at tila ba permanente ng nakatatak ang hinagpis sa mukha nito. Hindi alam ni Martin na posible pa lang masaktan ng ganoon ang isang tao at hindi din alam ni Martin na maaari rin pa lang masaktan ng ganoon ang isang labing anim na taong gulang na bata katulad niya.

Pero hindi lang awa at utang na loob ang nagtulak kay Martin upang tulungan si Dan na makauwi kundi dahil narin sa paki-usap sa kaniya ni Mike may ilang oras lang ang nakakaraan matapos siya nitong suntukin at pumasok sa banyo upang kausapin si Dan.


“Martin.” tawag ni Mike kay Martin na abala sa pagsapo sa kaniyang namumulang kanang mata.


“What?! Going to hit me again?!” pasinghal na bati ni Martin sa kalalabas lamang sa CR na si Mike. Natigilan saglit si Mike, muling binalot ng pagsisisi dahil sa kaniyang nagawa kay Martin na ang tangi lang din namang iniisip ay kapakanan ni Dan.


“I-I'm sorry.” bulalas ni Mike habang hindi mapigilan ang sariling mga luha na tumulo. Hindi ito nakaligtas kay Martin na natunaw agad agad ang galit sa huli.


“W-what happened?” nagaalalang tanong ni Martin at saka tinulak ang pinto ng CR pabukas.


“I-I think he fell asleep. W-would you b-bring him home?” pagmamakaawa ni Mike na awtomatikong nagtulak kay Martin na pumayag sa gusto nito.


“M-Martin, d-dito na lang ako. S-salamat sa paghatid sakin pauwi.” pabulong na saad ni Dan na gumising kay Martin.


“I-hatid na kita hanggang loob, Dan. Mukhang nanlalambot ka pa eh.” saad ni Martin, hindi na tumanggi pa si Dan sapagkat alam niya na may punto ito.


“Danny!” sigaw ni Lily nang makita niya ang iika-ika habang akay-akay ni Martin na anak.


“What happened?!” tanong ulit ni Lily ngunit ngayon ay nakatuon na ang pansin nito kay Martin.


“You're not going to do anything about it anyways, so stop asking!” singhal ni Dan na lalong ikinahina nito na siya namang gumulat kay Martin at Lily. Kumawala si Dan mula sa pagkakaakbay ni Martin at hinang hina ngunit nagmamadaling pumasok sa kaniyang kwarto.


Nang sumara na ang pinto ni Dan ay nahihiyang humarap si Lily sa kanilang bisita na si Martin.


“I'm sorry, he's very sensitive---” natigilan si Martin sa sinabing ito ng ina ni Dan, alam niyang imposibleng wala itong alam sa nangyari kay Dan kaya naman talagang nagtataka siya sa inaasta ni Lily. Tila wala kasi itong pakielam, tila iniisang tabi lamang nito ang katotohanan na binugbog si Dan, ginahasa at kamuntikan ng pinatay.


“Well, I don't blame him after everything that has happened to him.” pasinghal na sagot ni Martin na gumulat muli kay Lily. Saglit na tinitigan ni Lily si Martin, kuwang kuwa ni Lily ang nais iparating ni Martin sa tonong iyon kaya naman agad niyang sinimulang depensahan ang sarili.


“You don't understand---”


“You know what I don't understand, Mrs. Arellano? Is you being a coward. You should be fighting for your son! He's your flesh and blood--- H-he needs you right now.” singhal ni Martin na siyang sumaid sa lakas ni Lily, napaupo ito sa pinakamalapit na upuan. Dahil sa bigat ng loob mula sa nalamang set up nila Danny sa kanilang bahay ay hindi na nagpaalam pa si Martin at tuloy-tuloy na lang itong lumabas.


Kalalabas-labas pa lang ni Martin sa gate nila Dan nang matalo ng bigat ng kaniyang loob ang kaniyang pagtitimping umiyak. Hindi akalain ni Martin na pati pala sa bahay ay walang kakampi si Dan. Maski ang sarili nitong ina ay pilit ibinabaon ang katatohanan na may hindi magandang nangyari sa kaniyang anak para lamang maipagpatuloy ang nakasanayang tahimik na buhay.


Sa hindi kalayuan, sa loob ng sariling silid na nakaharap sa bahay nila Dan ay pinapanood ni Mike si Martin na tumatangis, hindi makapaniwala na nangyayari ang lahat ng iyon at madaming tao ang naaapektuhan ng isang maling desisyon na siyang kaniyang ginawa noong kaarawan ni Dan.


0000oo0000


Tila hinigop ng sinabing iyon ni Martin ang lahat ng lakas ni Lily. Hindi na niya alam pa kung ano ang kaniyang dapat gawin. Wala sa sariling tumayo si Lily mula sa kinauupuan at lumapit sa bar kalakip ng kusina na siyang pinagawa ng ama niya noong nabubuhay pa ito. Ni minsan sa tanang buhay niya ay hindi pa siya uminom, ni minsan ay hindi pa niya isina-alang-alang sa alak ang kaniyang mga problema.


Nabago ito sapagkat si Dan na kaniyang pinakamamahal na anak na ang pinaguusapan dito at hindi lamang siya o kanilang pang material na kalagayan sa buhay.


“Mommy, I wanna bwush my teeth too.” manghang manghang saad ng batang si Dan habang pinapanood ang ina sa pagsisipilyo. Ang mga bilugan at inusenteng mga mata na iyon ay tuluyan na ngayong napalitan ng mga mata na puno ng pagtangis at dahil din sa ala-ala na ito ay hindi na nagdalawang isip pa si Lily na inumin ang isa sa mga alak na asa tokador ng kaniyang ama.


“Mommy I brought you flowers!” masayang bati ni Dan sa kaniya. Maski ang pagiging masiyahin na ito ni Dan ay tuluyan ng nabura at napalitan ng tila ba nawawalan ng pag-asa na pag-uugali na siyang nakapagpapalungkot rin kay Lily. Muli, matapos ang ala-ala na ito ay isa muling baso na puno ng alak ang ininom ni Lily.


Sinusubukang burahin ang mga alaala at sakit na kaniya ngayong nararamdaman.


“Mommy! Mommy!” humahagikgik na saad ni Dan sa kaniyang ina habang naglalakad sila sa may parke nang makita nito ang dalawang magsing-irog na naghahalikan. Ngunit ang pagiging inusente na ito ni Dan ay nabahiran na ng dumi. Dito sa ala-alang ito ay hindi lang isang basong puno ng alak ang sinimot ni Lily, kundi tatlo, sapagkat ang alaala na ito ay hindi lamang nagdulot ng sakit at lungkot, kundi pati narin pandidiri.


Ngunit sa kabila ng mga nararamdaman na ito ay hindi rin napigilan ni Lily ang sarili na maalala ang kaniyang binitiwang pangako sa anak may ilang taon lang ang nakakaraan nang umamin ito patungkol sa kaniyang totoong sexual orientation.


“Pl-please don't hate me, Ma.”


“I won't. I'll never do that.”


Kaya naman lalong nasasaktan si Lily, dahil kahit gaano niya pilitin ang sarili na tuparin ang pangako na ito ay pilit namang pumapasok sa kaniyang isip ang awa, galit, lungkot at pandidiri sa anak kaya para sa kaniya ay mas mainam na lang na paniwalain ang sarili at ang kaniyang anak na para bang walang nangyari sa ganitong paraan din ay makakaligtas sila mula sa mabibigat na kapalit ng pamilya nila Mark at Dave sa oras na magsalita sila.


Pero kahit ano mang gawin niyang paglimot sa mga nangyari ay tila isa isang naaagnas na bangkay na basta na lamang itinago, nangangamoy at ang masaklap pa, bilang ina ni Dan ay wala siyang magawa tungkol dito.


0000oo0000


Palinga-linga si Mike. Inaasahang makikita si Dan na nakayukong naglalakad sa hallway ng kanilang skwelahan ngunit bigo siya. Bigo siya at si Martin na sumumpang ipaparamdam kay Dan na maaasahan siya nito at may kakampi siya sa laban na iyon. Hindi nila parehong alam na hindi na kailangan pa ni Dan ng kakampi.


Nang makapasok na ang lahat sa kani-kanilang silid aralan ay masusing lumabas si Dan sa kaniyang tinataguan at tuloy tuloy na naglakad papunta sa opisina ng principal.


0000oo0000


Si Mrs. Hernando ay labing walong taon ng principal sa skwelahan na iyon, dalaga, ngunit may dalawang anak. Strikta ito at kinaiinisan ng marami, ngunit sa kabila ng pagiging strikta ay patas ito kaya naman hindi nagdalawang isip si Dan na lumapit dito upang humingi ng tulong.


“G-good morning, Mam.” nauutal na bati ni Dan sa striktang principal.


Dahan-dahan na nagtaas ng tingin si Mrs. Hernando at mariin munang tinignan si Dan bago sumagot.


“Shouldn't you be in class, Mr. Arellano? You missed one month worth of learning time, di porket matalino ka ay hindi ka na papasok pa.”


“Y-you're right. I'm s-sorry miss. I-I'll go ahead.” nanlalambot na sagot ni Dan na kumuwa ng pansin ni Mrs. Hernando.


Sa labing walong taon niya na bilang isang principal ay alam na niya ang itsura ng isang estudyante na nawawalan ng pag-asa lalong lalo na ang pagiging desperado at hindi nalalayo ang itsura na iyon ni Dan na nasa kaniyang harapan, ang totoo niyan ay hindi lamang kawalan ng pag-asa ang nakikita nito sa mukha ng bata kundi narin ang pagka desperado.


“Why are you here, Mr. Arellano?” tila isang ina na na tanong ni Mrs. Hernando.


“I would like to take the final exams and leave this school as early as I could.” matapang na sagot ni Dan, ngunit sa kabila ng matapang na resolba na ipinapakita na iyon ni Dan ay hindi parin niya napigilan ang ilang luha na kumawala mula sa kaniyang mga mata.


“I'm sorry, Dan but I can't do that.” mariing sagot ni Mrs. Hernando, ngunit tuluyan ng napalitan ng malambing na boses ang pagiging istrikta nito.


“P-please. I-I need to get out of this place b-but I n-need to graduate also.” pagmamakaawa ni Dan.


“I can't give special favors, Dan and besides you're in the running to become the next valedictorian. Kung bibigyan kita ng exam na mas maaga kesa sa iba they might question my decision in case ikaw ang maging valedictorian---”


“I don't need to be a valedictorian. I don't need the damn title! All I need is to take the exam and be able to graduate!---” galit na giit ni Dan ngunit agad niya ring pinigilan ang sarili lalo pa't nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang tiyan kung saan siya pinagsusuntok nila Dave at Mark noong nakaraang araw. “---it's j-just t-that I-I n-need to graduate.” mahinahon na paguulit ni Dan.


“But to be able to get a scholarship you need to be the valedictorian of your class, Dan.” pagpupumilit pa ni Mrs. Hernando, iniisip na mababago niya pa ang isip ni Dan, ngunit buo na ang desisyon ng binatilyo na masuyo lamang na umiling.


0000oo0000


Nang makuwa na ni Mrs. Hernando ang exams na siyang nakatakdang kuwanin ni Dan ay agad niyang sinabihan ang kaniyang mga guro na bantayan itong mabuti habang nagsasagot. Sinabihan niya ang ilang guro na kailangan na ni Dan na kuhain ang exam na iyon dahil sa isang nakatakdang operasyon at upang hindi sila makwestyon ng mga magulang ng ibang estudyante kung sakaling tanghalin si Dan na valedictorian ng klase na iyon ay nagpagawa siya ng exams mula sa isang mapagkakatiwalaang source.


Isang sabado kung saan wala ang ibang mga estudyante ay pinahintulutan ni Mrs. Hernando kasama ng mga guro sa skwelahan na iyon na kumuwa ng maagang pagsusulit si Dan. Para hindi narin makwestyon si Mrs. Hernando ay masugit na binantayan ng mga ito si Dan habang nagsusulat.


“He got a perfect score in Advance Algebra.” saad ni Mr. Roque.


“Same in Physics.” sabat naman ni Mrs. Joya.


Gayun din ang nakuwa ni Dan sa iba pang mga subject nito na ikinamangha ng lahat ng guro pati narin ni Mrs. Hernando, ngayon ang tangi na lamang nilang hinihintay ay ang makuwa ng iba pang graduating students ang kanilang pagsusulit upang tangahalin na nga ng tuluyan si Dan bilang ang valedictorian ng klase na iyon.


0000oo0000


Hindi mapakali si Mike. Ilang araw na kasi niyang hindi nakikita si Dan, kung si Mike ay nagaalala sa kaniyang kaibigan na si Dan sila Mark at Dave naman ay nagagalak dahil sa wakas ay hindi na nila pa nakikita si Dan sa paligid nila. Kasama ni Mike na nagaalala ay si Martin, iniisip na kaya hindi na niya nakikita si Dan ay dahil sumuko na ito.


“Have you seen, Dan?” tanong ni Mike kay Martin.


“No. Not since Mark and Dave made one hell of a punching bag out of him.” singhal ni Martin na ikinagulat ni Mike.


Sa pagkakakilala niya kay Martin ay hinding-hindi niya pa ito naririnig na magmura o nakikitang magalit pero isinang tabi na lang niya ito, iniisip na iba talaga ang epekto ni Dan sa mga tao kaya naman muli nanaman siyang tinamaan ng pagsisisi. Iniisip na ang magandang ugaling ito ni Dan ay tuluyan na nilang binura nila Mark, Dave at Melvin. Binago nila sa isang masamang paraan ang Dan na gustong-gusto ng maraming tao. Umiling si Mike at pilit binura ang muling umaakyat na galit at muling itinuon ang pansin sa paghahanap sa kaniyang kaibigan.


“T-thank you.” nagaalalang balik ni Mike kay Martin sabay talikod at nalakad palayo.


Tinungo niya ang lugar kung saan madalas tumambay sila Mark at Dave. Hindi nagtagal ay nakuwa niya ang pansin ng mga ito.


“Where's Dan?” singhal ni Mike sa dalawang dating kaibigan. Kitang kita nito ang pagrehistro ng galit sa mukha ng mga ito.


“Bakit samin mo hinahanap yun? Baka pumipick-up ng call boy. Dun mo sa park hanapin wag samin.” pabalang na sagot ni Mark sabay sinegundahan ng hagikgik ni Dave.


“Tinatanong kita ng maayos, Mark.” pabulong pero nawawalang kalma na saad ni Mike.


“Hindi nga namin siya nakita, Mike. Saka ayaw mo nun, wala ng magsusumbong sa ginawa natin nung birthday niya?” nakangising saad ni Dave na siyang nagdulot ng kakaibang pangingilabot kay Mike, hindi niya mapigilang mapapikit at pigilan ang mga luha na dumaloy mula sa kaniyang mga mata.


“Kung ako ang tatanungin, baka nahiya na sa sarili niya kaya kusa na lang lumayo.” saad na naman ni Mark na siyang lalong ikinagalit ni Mike, ngunit wala siyang magawa patungkol sa galit na iyon dahil muling bumabalik ang ilang alaala mula noong gabing iyon sa kaniyang isip.


“MIKE!” ang mga sigaw ni Dan na paulit ulit na kinukurot ang kaniyang konsensya.


“Why?” ang itsura ni Dan matapos sabihin ang huling tanong na iyon, kung paanong tumirik ang mata nito nang mawalan ito ng malay at ang patuloy na pagdaloy na mga luha sa pisngi nito.


“Kasi naman. Ang kapal ng mukhang sabihin na ni-rape natin siya.” humahagikgik na pasaring ni Dave na ikinagising ni Mike mula sa kaniyang pagmumunimuni. Walang sabi sabi na biglang ibinato ni Mike ang kaniyang kamao sa mukha ni Dave na ikinatumba nito. Agad na dumagan dito si Mike at sinakal ito.


“I'll have your fucking ass raped then I'll watch you fucking destroy yourself like what Dan is doing to himself right now!” sigaw ni Mike habang pinauulanan si Dave ng suntok. Tutulungan na sana ni Mark si Dave nang biglang makarinig ng pag-pito ang tatlo.


“Feliciano, Ricafrente, Ricafort! Report to the principal's office. Now!” singhal ng gurong nakahuli kay Mike, Dave at Mark sa pagsusuntukan.

Habang naglalakad ay hindi maiwasang sisihin parin ni Mark at Dave si Dan, sapagkat sa kanilang paniniwala ay kasalanan iyon lahat ng bakla na kanila lamang namang tinuruan ng leksyon sapagkat si Mike naman ay balewala lamang ang pagre-report sa principal dahil mas pinangungunahan siya ng pagaalala sa kaibigan.


Ang hindi lang nila alam ay may sariling plano si Dan, isang plano na pwedeng ikasama o ikabuti nito.


0000oo0000


Habang tahimik na nagtratrabaho sa loob ng bahay ay buong akala rin ni Lily ay pumapasok ang kaniyang anak sa skwelahan, ang hindi niya alam ay matagal na itong tapos sa final exams nito at malaya na itong makakaliban sa skwelahan. Katulad ni Mark, Mike, Dave at Martin, wala rin ka-alam alam si Lily sa pinaplano ng anak.


0000oo0000


“Danny baby! We need to go or we will be late for your graduation!” sigaw ni Lily sa gawi ng kwarto ni Dan, umaga ng graduation nito ngunti hindi sumagot ang kaniyang anak.


“Danny!” sigaw ulit ni Lily ngunti hindi parin ito sumagot. Iniisip na ilang beses na siya nitong sinabihan na ayaw na nitong magpapatawag na “Danny” kaya naman muli niya itong tinawag sa pangalan na hiniling ng kaniyang anak na itawag sa kaniya.


“Dan!” sigaw muli ni Lily ngunit hindi parin ito sumagot.


Umiiling at mainit na ang ulo na inakyat ni Lily ang kwarto ni Dan. Iniisip na muli lamang umaarte si Dan, ngunit hindi niya ito pahihintulutan na huwag umattend ng graduation lalo pa't alam niyang ito ang tatanghaling valedictorian.


“Dan ano ba!?” sigaw ulit ni Lily habang paulit ulit na kinakatok ang pinto ng anak. Dahil sa nakainom narin ng ilang baso ng alak nung umagang iyon ay unti-unti narin nasasaid ang kaniyang pasensya.


Nang mapuno si Lily sa hindi parin pagsagot sa kaniya ni Dan ay inis na inis na itong bumaba muli ng hagdan upang kuwanin ang mga susi ng kwarto.


“Dan! Whether you like it or not you're going to attend the graduation so prepare your valedictory speech!” singhal ni Lily.


Ngunit laking gulat niya nang mabuksan niya ang kwarto ng anak.


“Danny, what have you done?” nanlalambot na bulong ni Lily sa sarili sabay dahan-dahang napaluhod sa sahig at wala sa sariling nagii-iyak.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment