Friday, January 11, 2013

Against All Odds: Book 1 (Prologue-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[Prologue]
Nasa harapan ako ng isang malaki at magandang building. Pinapanood ang bawat labas masok ng mga tao doon, sinusundan ang bawat kilos ng mga nakaputing nurse at mga naka putting coat na mga doktor. Iniisip kung ano marahil ang tumatakbo sa kanilang isip, lalo na ang sa mga taong tila balisa na pumapasok ng emergency room. Nagbuntong hininga ako.


“This is what I want. This is what I want to do.” bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa venipuncture kit na daladala ko, ang kit na kadalasang dala ng mga medtech students kung saan may lamang syringe at testubes na may rubber stopper. Napabuntong hininga na lang ako.

Tumingala ulit ako, sa ibabaw ng malaking gusaling iyon ay ang malaking buwan. Tila ba kapag tumayo ka sa bubungan ng ospital na iyon ay maaabot mo na ito.

“Hey kid in white, do you mind?!” sigaw ng isang lalaki sa aking likuran, tinapunan ko ito ng tingin sabay turo sa sarili ko, nililinaw sa lalaki kung ako nga ba ang kinakausap niya.

“Oo, ikaw. You're blocking the view!” aroganteng sabi nito. Sumimangot na lang ako saka tumabi ng konti. Nang hindi na nagsalita ang lalaki ay tinapunan ko ulit ito ng tingin, abala ito sa likod ng kaniyang canvass. Halos ang bonnet nalang nito ang kita ko sa ibabaw ng canvass. Muli ko na lang ulit tinuon ang tingin ko sa ospital at tinitigan ulit yun.

Nakapalumbaba ako at tinitignan parin ang matayog na gusali ng ospital. Nangalay ako kaya't panandalian akong umupo sa may bangketa. Pinapanood ko ang bawat taong naglalakad papasok at palabas at ang mga taong simpleng nagdadaan lang sa harap nito. Nasa ganito akong tagpo ng biglang parang magnanakaw na gumapang ang maitim na ulap sa kalangitan na siyang dahandahan ding tumatakip sa buwan at miyamiya pa ay nagdala ito ng ambon. Ambon pero may gapisong kalaki na patak. Agad akong tumayo at tumalikod.

Agad ding bumulaga sa harapan ko ang malaking canvass at ang susunod na tagpo ay isa sa pinakamatinding kahihiyan na gusto ko mang kalimutan pero pilit na tumatak sa isipan ko.

“Hey kid are you ok?” tanong ng isang mama sakin, nagsisimula ng dumalas ang patak ng ulan sa aking mukha pero sa paligid ko ay malakas na ang buhos ng ulan. Nagadjust sa paligid ang kabubukas lang na mata ko. Napansin kong may humaharang sa pagitan ko at sa malakas na ulan. Sa pagitan ko at sa lalaking nakahawak sa kung ano mang bagay na sumasangga samin sa malakas na ulan.

“Kaya mo na bang tumayo?” tanong nito sakin. Tumango lang ako, inalalayan ako nitong tumayo. Nun ko na lang napansing puro dumi na ang aking uniporme lalo na sa likurang bahagi nito.

“Sensya ka na, ako may kasalanan kung bakit ka natumba kanina. Napasama ata ang bagsak mo.” sabi nito sakin nang maka silong na kami sabay abot sa aking batok at kinapakapa iyon na tila naghahanap ng bukol o sugat.

“So-sorry din.” nasabi ko na lang. Napatitig na kasi ako sa mukha niya. Gwapo ito at siya rin yung aroganteng lalaki kanina na nagpaisod sakin mula sa aking kinatatayuan.

“Wala bang masakit sayo?” nagaalalalang tanong nito sakin, umiling lang ako kahit ang totoo ay nanghihina ako sa pagkakabagok. Medyo lumayo na ito sakin at tinignan ang kaniyang canvass. Napailing nalang ito. Basang basa na kasi ito pero sa aking tingin ay maganda parin ang painting. Painting ito ng buwan, ng buwan at isang lalaking nakaputi na nakaupo sa bangketa na nakapalumbaba.

“Ako ba yan?” tanong ko. Kumunot naman ang noo nito sa aking tanong na yon. Di niya ako sinagot, patuloy parin siya sa pagretoke ng nasirang painting.

“Suplado.” sabi ko sa sarili ko pero parang narinig niya iyon at tinapunan ako ng masamang tingin.

“Sensya na, di lang talaga ako palasalita. Nathan nga pala. Nate na lang.” pakilala nito, nginitian ko na lang ito saka tumango at ng mapansing medyo tumila na ang ulan ay nagsimula na ako maglakad pauwi. Medyo nakalayo na ako dito ng tawagin ulit ako nito.

“Hey kid!” tawag ng lalaking Nate ang pangalan sakin, di ko kasi pinansin ang pagpapakilala nito at hindi ko binanggit ang aking pangalan. Nilingon ko ito. Tila na ang ulan. Kargakarga nito ang kaniyang canvass na may painting ko at ng magandang buwan.

“Naiwan mo kikay kit mo.” sabi nito sakin sabay ngisi.

“Hindi kikay kit yan.” sabi ko dito sabay abot ng bag na may lamang mga testubes at syringes. Tumalikod na ulit ako at itinuloy na lang ang paglalakad pauwi.

“Sino ngayon ang suplado sating dalawa?” bulalas nito. Natigilan ulit ako. Tinignan ko ito ng masama. Umupo ulit ito sa pinakamalapit na bench, di alintana maski basa pa iyon gawa ng malakas na ulan kanina. Wala sa sarili akong tumabi dito. Inilatag ulit nito ang canvass sa kaniyang harapan at sinimulang retokihin ang nabasang painting.

“Aaron.” sabi ko sabay lahad ng kamay sa kaniya para i-shake iyon. Ngumiti ito sakin sabay pinakita ang kamay na puno ng pintura. Binawi ko na lang ang kamay ko at nagiba ang isip sa pakikipagkamay dito.

“Nate.” ulit nito.

“Sensya na kung medyo suplado ang dating ko kanina ah?” sabi nito sakin sabay labas ng kaniyang paintbrush.

“Ok lang.” sabi ko sabay tingin sa kaniyang ginagawa. Habang lalo ko itong napagmamasdan ay lalo kong napapansin ang kagandahan ng pagkakaguhit nito.

“The moon is beautiful tonight kaya ng mapadaan ako dito agad akong bumaba para i-paint ito.” sabi niya maski di ko naman tinatanong.

“Kuwang kuwa mo nga eh.” sabi ko dito.

“Salamat, kaso medyo nabasa siya kanina kaya medyo humulas.” sabi nito sabay retoke ulit ng kaniyang painting. Tumingin ito sakin sabay ngumiti.

“Ikaw, bakit ka nakapalumbaba sa bangketa? Saka ano ba yung tinititigan mo?” tanong sakin nito. Itinuro ko ang malaking gusali sa aming harapan.

“Iyan kasi ang stress remover ko saka ang motivator ko.” makahulugan kong sabi habang parang nananaginip na nakatingin sa gusaling asa harapan namin.

“Building?” tanong ulit nito sakin, halatang pinipigilan ang mapatawa.

“Ospital yan, isa sa pinakamalaki at pinakakilalang ospital dito sa Pilipinas. Pangarap namin ng kuya ko ang magtarbaho diyan.” pagmamayabang ko.

“Ahhh..”

“Dyan ako magtatarbaho bilang doktor. Makikilala ako diyan bilang isang magaling na Internist.” sabi ko.

“Eh pano naman naging stress remover and motivator?” tanong nito sakin, di na siya ngayon nakaharap sa kaniyang canvass. Nakaharap na siya ngayon sakin, tila ba interesadong interesado sa sasabihin ko.

“Kasi I tend to quit whenever I'm feeling stressed out. Kaya sa tuwing may mahirap na nangyayari sa school at kapag naiisip kong magquit na sa dreams ko humaharap ako diyan sa building na yan at yang building na yan ang nagpapamukha sa akin tungkol sa mga gusto kong makamit, thus, nawawala ang aking stress at ang iniisip na pagqui-quit.” sabi ko dito. Tumango naman siya, halatang kumbinsido na nagsasabi ako ng totoo at hindi nababaliw.

“Why not talk to someone? Alam ko nakaka relieve din ng stress at sama ng loob once you talk about it to someone.” sabi niya. Tumango ako.

“Yun nga ang problema ko pa eh. Walang pwedeng sabihan.” sabi ko sabay buntong hininga. Idinaretso ko ulit ang tingin ko sa malaking gusali sa aking harapan pero sa gilid ng aking paningin alam kong nakatingin sakin si Nate.

“I see.” mahinang sabi nito na miya mo nahihiya sa nasabi. Nagbuntong hininga ulit ako, nakatitig parin siya sakin. Nginitian ko lang ito, di ko alam kung bakit pero namula naman ito at agad na ibinaba ang tingin sa kaniyang nireretokeng canvass.

“Uwi na ako.” sabi ko dito sabay tayo, nagulat naman siya sa bigla kong pamamaalam.

“Ah eh, si-sige. Sige. Ingat ka.” sabi nito sabay ngumiti.

0000oooo0000

“Tay.” simula ko sa aking ama nang sumagot ito ng telepono. Di na mapigilan ang lungkot at nalalapit na pagtulo ng aking mga luha.

Kalalabas ko lang ng skwelahan at kakuwakuwa lang ng aking mga classcards. Di ko akalaing bumagsak ako sa isa sa aking mga major subjects. Isa nanamang disappointment sa aking mga magulang.

Tumigil ako sa harapan ng building na laging aking pinapanood sa mga oras na tulad ng ganito, agad akong umupo sa bangketa sa harapan nito, walang pakielam kung puno man ng dumi ang bangketa na iyon at kahit pa naka puti akong uniporme, basta dapat kong makita ng maayos ang building na ito. Ang aking Ospital na pinapangarap na mapagtrabahuhan balang araw.

“Tay. Bagsak ako sa isa kong subject.” naituloy ko narin sa wakas.

“Aaron, nagtratrabaho kaming mabuti ng inay mo para mapagtapos ka, the least you can do is study hard.” sabi ng tatay sa akin sa kabilang linya. Agad kong narinig ang disappointment sa mga sinabi niyang yun.

“Alam ko, Tay, di lang talaga...”

“Anak, we're expecting you to do good there in Manila, like your kuya.” putol sakin ng aking ama, napabuntong hininga na lang ako.

“Ok, Tay, pagbubutihin ko sa susunod.” sabi ko na lang at ibinababa na ang telepono.

“As if my parents needed more disappointment from me.” sabi ko sa sarili ko habang nakatingala sa langit sabay nagbuntong hininga.

“Tough day at school again Kiddo?” sabi ng isang mama sa likod ko na halos ika talon ko at ikatakbo sa sobrang gulat. Napangiti si Nate sa nakitang reaksyon sakin.

“Geez! Stalker much?!” sabi ko dito, humagalpak na ito ng tawa.

“...and yes, tough day at school. You know, I can't understand professors, they are telling us to do something for them and when we don't meet their expectations, ibabagsak ka nila.” sabi ko ng walang preno dulot ng sobrang sama ng loob sa nangyari sa school nung umagang yun.

“Ahhh, kaya pala nakapalumbaba ka nanamn dyan sa harapan ng building mo.” sabi nito sakin.

“Eh ikaw, bakit nandito ka nanaman?” tanong ko dito. Kumunot naman ang noo nito.

“I was actually wondering if you would be here.” sabi nito habang inilalabas ang kaniyang canvass.

“Bakit naman?” tanong ko dito sabay lapit sa kaniya.

“Because I need someone to talk to.” sabi nito sabay timpla ng mga kulay na gagamitin nito. Nagdalawang isip ako, kailangan ko na kasing umuwi ng maaga dahil may aaralin pa akong lesson. Marahil ay nakita nya ang aking pagaalangan.

“Please.” bulong nito, di ko alam pero parang may kung anong pumitik sa aking puso. Parang kahit ano pang gagawin ko sa bahay, babaliwalain ko para lang pagbigyan ang gusto ni Nate.

Parang di ko siya kayang tanggihan.

0000ooo0000

“So your brother comes home, and stole all the glory from you? He sounds like a real asshole.” sabi ko sabay nguya ng kabibili lang na kasuy. Nakaupo na ako ngayon sa tabi niya habang kinukwento niya ang bagay na gusto niyang pagusapan namin.

“Half brother.” pagtatama nito sakin saka tuloy na sa pagsasalita ng makuwa ko ang pinupunto niya.

“Well, wala rin naman akong masyadong mai-o-offer sa mga magulang ko. I'm a struggling artist. Jason is a model and at the same time studying Business Ad sa La Salle, samantalang ako fine arts. Wala manlang akong panama don.” sabi nito, habang ipinapahid ang kulay puti sa canvass niya.

“That's bullshit! Lahat ng magulang mahal ang mga anak nila kahit ano pang pinili nilang gawin sa buhay. Talentless, nerd, cleftlip, insomniac, anorexic o kung ano pa man yan walang magulang ang hindi nagmamahal sa anak nila.” sabi ko dito, napalunok naman ako sa sinabi kong iyon.

“Am I actually talking about my situation right now?” tanong ko sa sarili ko nang maalala ang problema ko sa aking mga magulang. Binigyan lang ako nito ng isang tingin saka magiliw na ngumiti.

“I'm really glad na nagkausap tayo ngayon.” sabi nito sakin habang inililigpit ang kaniyang canvass.

“No worries.” sabi ko dito sabay tingin sa orasan. Nanlaki ang mata ko.

“Magaalasdose na pala! Hala patay ako nito.” sabi ko saka nagmadaling tumalikod.

“Teka Aaron, hatid na kita.” sabi nito sakin. Umiling na lang ako saka ngumiti.

“Sige na. Makabawi manlang ako sayo.” sabi ulit nito sakin, may tono ng pagmamakaawa sa boses nito. Muli, di nanaman ako naka-hindi.

Di ko inaasahang magiging ganito kasaya kasama si Nate, isang asa tamang edad na pero kung umasta ay kala mo teenager parin, nararamdaman ko na rin ang kwento sa likod ng itsura nito, marahil ay astigin man ang tingin sa kaniya ng karamihan pero ang totoo ay maypagka sensitive din ito, isang taong kailangan ng atensyon, isang taong kailangan lang ng makakausap at makikinig sa kaniyang mga hinaing.

0000oooo0000

“Ops. Di pa nga sabi pwedeng gumalaw eh.” sabi nito sakin sabay pandidilat.

“Can't you just take a photo of me and then copy na lang from the photo?” tanong ko dito sa sobrang pangangalay. Ginagawan kasi ako nito ng portrait, bilang ganti daw sa pagiging mabuti kong kaibigan sa kaniya. Hinimas nito ang kaniyang balbas at nagisip ng kaunti.

“Pwede din.” sabi nito sakin sabay kuwa ng kaniyang digi cam at picture sakin. Agad naman akong umalis sa aking puwesto at tinungo ang kaniyang ipinipinta.

“Ops!” sigaw nito sakin sabay harang sa kaniyang drawing.

“C'mon, ilang buwan ko na ikaw pinapanood magpaint. Anong pinagkaiba ng ngayon?” tanong ko dito.

“Simple lang. Ikaw kasi ang ginuguhit ko.” sabi nito sakin, agad namang kumunot ang aking noo, kinurot lang ako nito sa pisngi na miya mo nakatatandang kapatid na nacu-cutan sa kaniyang kapatid.

“Pa-secret- secret pang nalalaman eh!” bulyaw ko dito sabay tiklop ng aking mga kamay at pinatong saking dibdib. Tumawa lang ito.

“Papakita ko sayo, sa isang kundisyon.” sabi nito, lalong kumunot ang aking noo, ngumisi naman ng nakakaloko si Nate.

Dahan dahan itong lumapit sakin, nakangiting nakakaloko parin si Nate, tila ba wala itong magandang pinaplano, agad naman akong umatras. Natawa lalo si Nate sa aking ginawa. Tinignan ko na siya ng masama.

“Anong pinaplano mo Nate?” tanong ko dito. Lalong ngumisi si loko.

“Simple lang ang kapalit ng pagsilip mo sa painting mo.” sabi nito sakin.

“A-ano?”

“Kiss.” sabi nito sabay ngumuso.

Di na bago ang biro ni Nate na ganito, para itong nakatatandang kapatid na naglalambing, ilang beses na rin niya itong ginagawang kundisyon at biro lang ito sa kaniya. Agad akong ngumiti ng nakakaloko at parang batang dinilaan ito.

“Ah ganun?! Humanda ka sakin!” sigaw nito at nagsimula na akong habulin, agad narin akong tumakbo pero mali, di nga pala ako yung tipo ng tao na natakbo, di ako yung tipo ng tao na sporty dahil ako yung tipo ng tao na lampa.

Sa di nakapagtatakang pangyayari, sumabit ang aking paa sa isang kurdon na siya namang ikinabuwal ko, swerte ko na lang at andun si Nate at nasalo ako nito bago tuluyang bumagsak ang aking katawan sa malamig na sahig, agad ako nitong inalalayan patayo. Hinihingal akong humarap dito, agad na nagtama ang aming tingin at nagkatawanan sa aking katangahan.

Nang humupa na ang aming pagtawa ay naiwan kaming nakatitig sa isa't isa. Tila ba may sariling isip ang dibdib at kusa itong tumibok sa isang ritmong di pa nito itinibok. Agad naglaho ang huling bakas ng pagtatawanan sa mga mukha namin ni Nate at naiwan ang seryosong pagsusuri namin sa mukha ng isa't isa.

Nakatitig ako sa maamong mukha nito.

Tila na lahat ng ingay na nanggagaling sa kalsada sa labas ay nawala. Muling nagfalsh sa unahan ko ang mga bawat sandaling magkasama kami ni Nate. Ang ilang buwan naming pagtambay at paguusap ay bumabalik sa akin.

Lalong bumilis ang pagtibok ng aking dibdib. Dahandahang lumapit sakin si Nate, nakatitig parin siya sa aking mga mata naglapat na ang aming labi at ang aming mga katawan. Naramdaman ko ang pagtibok ng kaniyang dibdib. Ang ritmo nito ay pareho ng sa pagtibok ng aking puso.

0000oooo0000

Tinitignan ko si Nate ng masama, asa loob kami ng isang fastfood chain. Pinipilit nitong ipaubos sakin ang inorder niyang isang large fries. Hawak hawak niya ito at iwinawagayway sa aking mukha.

“Isa na lang.” sabi nito saka ngumiti.

“Ayoko na, bundat na bundat na ako, oh.” sabi ko dito.

“Saka bumabawi ka lang eh!” habol ko pa. Itinaas nito ang kaniyang kaliwang kilay.

“At bakit ko naman kialangang bumawi sayo?” tanong nito sabay sapal ng fries na hawak nito sa aking bibig. Nginuya ko na lang ito bago nagsalita.

“Kasi sabi mo, dadating ka on time tas biglang malelate ka ng kinse minutos? Para kaya akong tanga kanina.” sabi ko dito sabay nguso. Binigyan lang ako nito ng magiliw na ngiti.

“Eh ano ngayon kung bumabawi nga lang ako? Saka kaya lang naman ako na-late kasi may kinausap ako sa terminal ng bus eh.” sabi nito sakin sabay subo nanaman ng isa pang fries.

“Terminal ng bus? Bakit? San ka pupunta?” tanong ko dito.

“Basta!” sabi nito sabay ngiti at sabay sapal pa ng isang fries sa aking bibig.

0000oooo0000

“Aray!” sabi nito ng hampasin ko ang braso niya.

“Tarantado ka talaga! Sabi ko na sayong ayaw na ayaw ko ng mga supresa eh!” sabi ko dito sabay lakad palayo. Niyakap lang ako nito mula sa likod.

“Happy Anniversary.” sabi nito sakin.

Di ko talaga iyon inaasahan lalo na't ang akala kong celebration ng aming anniversary ay ang kanina lang sa fastfood, matapos kasing kumain ay agad ako nitong hinila papunta sa terminal ng bus. Muli ako nitong hinila paharap sa dalampasigan.

“Nasabi mo sakin na gustong gusto mo dati ang nagsusurf kasama kuya mo.” pabulong nitong sabi sakin, pareho kaming nakaharap sa dagat, siya ay nasa likod ko at nakayakap. Tumango ako bilang pagsangayon sa sinabi niya.

“Gusto mo pa bang mag-surf ulit?” tanong nito sakin. Tumango ulit ako.

“Good. Nag-rent ako. Turuan mo ako ah, mukhang maganda ang hampas ng alon ngayon eh.” sabi nito sakin sabay kindat. Humarap ako dito at masuyo siyang tinignan ng daretso sa mata.

Pinagmasdan ko ulit ang mukha nito, napaka amo lalong lalo na ang mga mata na kala mo laging nakikiusap, mapupula at tama lang na kapal ng mga labi, matangos na ilong, maputi at makinis na balat. Di ko mapigilang lalong mahulog ang loob sa taong ito.

“Makatitig ka naman.” bulong nito habang dahan dahang inilalapit ang kaniyang mga labi saking mga labi.

0000oooo0000

“Madali lang. Parang bike lang din, kailangan lang maganda ang balance mo.” turo ko dito habang pareho na kami ngayong nakatopless at tanging boardshorts lang ang suot at ang nakataling surf board sa aming isang paa ang kasama namin sa gitna ng dagat.

“Sige try natin. Ayan, mukhang may magandang alon.” sabi ko dito sabay turo. Agad naman itong ngumiti, parang isang batang sabik makatanggap ng candy.

0000oooo0000

Ilang subok pa at nakuwa na ni Nate ang basics sa surfing. Madaling maka pick up si loko, sabagay ganyan naman talaga ang mga artist. Nakadapa lang lami sa aming mga surfboards at hinahayaang anurin ng alon. Nakatingin kami sa lumulubog na araw.

“Ganda. Parang nagtatago yung araw sa dagat.” sabi nito sakin habang magkahawak ang kamay namin.

“Nakaka relax. Parang ang nakakawala ng problema.” sabi ko. Tumango sa tabi ko si Nate.

“Pwede ko tong gawin habang buhay.” sabi niya. Napatawa naman ako.

“At siyempre ako ang dapat mong pasalamatan dahil may naituro ako sayo na pwede mong gamitin sa iba mo pang mga dine-date.” pangaalaska ko dito. Tinignan ako nito ng masama.

“Di ah, gusto ko sa habang buhay kong ginagawa ang ganito, gusto ko ikaw lang ang lagi kong kasama.” sabi nito. Napangiti naman ako at biglang kinilig ng higpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay.

“Sigurado ka ba diyan?” tanong ko sa kaniya.

“Siguradong sigurado!” sabi nito sabay ngisi.

“Isigaw mo nga sa buong sangkaragatan.” sabi ko dito. Napatawa naman ito.

“Mahal na mahal kita, Aaron Mark Apacible!” sigaw nito. Nagtamputanpuhan ako.

“Oh bakit ka sumimangot?” tanong nito.

“Hina kasi, di yun maririnig ng sangkaragatan.” sabi ko na may himig pagtatampo.

“Ah ganun ba?” tanong nito. Tumango lang ako.

“Sige saglit.” huminga ito ng malalim. Di parin kami natayo sa aming mga surfing board at magkahawak parin ang aming mga kamay. Kalahati na ng araw ang nakalubog at nagsisimula ng maging kulay orange ang kalangitan. Tahimik at payapa parin ang paligid, tanging alon lang na magiliw na nahampas sa dalampasigan ang aming naririnig.

“MAHAL NA MAHAL KITA AARON APACIBLE!” sigaw ni Nathan sa tabi ko.

“Mahal din kita Nathan Cruz.” sabi ko, mahina lang pero sinsero. Ngumiti si Nate ng marinig ito.

“Sigurado ka?” tanong nito sakin.

“Siguradong sigurado!” sabi ko. Hinila ako nito sa batok na siya namang ikinahulog ko sa board ko, di pa ito nagkasya dun at inilublob pa niya ako pabalik sa ilalim ng tubig ng makaahon ako. Nang muli akong maka ahon ay siya naman ang nagpakahulog sa kaniyang board, ngayon pareho na kaming asa tubig.

“Ngayon sigurado ka pa ba?” tanong ulit nito sakin.

“Di lang maalat na tubig ang kailangan para makapagpabago ng nararamdaman ko sayo.” sabi ko dito, ngumiti ulit ito. Ngayon ako naman ang humawak sa batok niya at hinila siya pailalim ng tubig. Duon inilapat ko ang mga labi ko sa labi niya, para kaming mga sireno o shokoy na naghahalikan sa ilalim ng dagat.

0000oooo0000

Humihingal kong ibinagsak ang aking sarili sa kama sa tabi ni Nathan. Napakasaya ng mga sandaling iyon para sakin. Patagilid na humarap sakin si Nate, nakangiting aso ito.

“Ngayong magkakababy na tayo, kailan mo ako ipakikilala sa mga magulang mo?” nangaasar na tanong nito sakin sabay himas sa aking tiyan na miya mo ako babaeng nagdadalang tao. Tumahimik lang ako. Di ako natuwa sa biro niyang iyon.

Di ko ito inaasahan sa kaniya. Masyado akong masaya sa piling niya na hindi ko na naisip ang tungkol sa aming mga magulang. Sooner or later ay ipapakilala nga namin ang isa't isa sa aming mga pamilya, pero di ko ko sure na magandang ideya ba yun. Isa nanaman itong disappointment na aking iuuwi para sa aking mga magulang. Nagbuntong hininga ako, alam kong napansin ni Nate ang aking pagaalala.

“Alam mo naman na kailangan din nating sabihin itong relasyon natin sa ating mga magulang diba?” seryosong tanong ni Nathan sakin, tumango lang ako.

“Siguro pag pareho na lang tayong handa, Nate, di pa ako handa eh.” matipid kong sabi dito at naintindihan naman ito ni Nate.

0000oooo0000

Tumagal pa ng isang taon ang aming pagsasama, masaya at puno rin ito ng pagsubok pero nakaya namin lahat ng iyon. Masaya ako sa aming relasyon ni Nate at alam kong masaya rin siya tungkol dito, pero paminsanminsan parin itong nangungulit tungkol sa pagamin namin sa aming relasyon sa aming mga magulang.

“Nagsasawa ka na ba sa palihim na paglabas natin at sa mga pagtatago natin?” tanong ko dito, tumango lang siya. Tama ako, alam ko kung bakit biglang natahimik si Nate habang sabay kaming kumakain.

“Nate, kung sakali bang di tayo matanggap... kung di ito matanggap ng ating mga magulang, ipaglalaban mo parin ito?” tanong ko dito, agad itong nagangat ng tingin at sinalubong ang aking mga mata.

“Oo naman. Mahal na mahal kita, Aaron. Di kita iiwan, kahit kailan.” sabi nito sakin. Tumango lang ako.

0000oooo0000

“Happy 2nd Anniversary!” bati ni Nathan sakin habang sinasanay ko pa ang aking mga mata sa liwanag ng paligid. Napagpasyahan kasi naming mamasyal malapit sa dulo ng lungsod at salubungin ang aming anniversary sa ibabaw ng isang burol kung saan kitang kita ang nagkikinangan na ilaw ng lugsod sa ibaba.

“Happy Anniversary.” bati ko dito at mariin siyang hinalikan sa labi.

“Ready for my gift?” tanong nito sakin, tumango lang ako at excited na ngumiti.

“Wait for it. Wait for it.” sabi nito sakin habang tinataas ang laylayan ng kaniyang jeans hanggang tuhod. Napakunot naman ang noo ko agad itong tumayo patalikod sakin at doon ko nakita ang kaniyang regalo sakin, sa likod ng kaniyang magkabilang binti ay kitang kita ang dalwang tato sa parehong paa, kasing laki ito ng puwet ng 1.5 na bote coke.

“Gago ka!” sigaw ko dito, agad naman itong sumimangot.

“Di mo nagustuhan?” nanlalaking mata na tanong nito sakin, marahil di niya inaasahan ang aking magiging reaksyon.

“Sinong may sabi sayong magpatato ka?!” sigaw ko dito sabay kuwa ng isang bimpo at kinuskos ito sa kaniyang binti.

“Permanent yan.” mahinang sabi nito, nagbuntong hininga ako sabay yumakap sa kaniya. Nagsimula na akong humikbi.

“Shhh. Bakit ka na iyak, kiddo?” tanong nito sakin.

“Ayaw ko kasing binababoy mo ang sarili mo para sakin eh.” sabi ko dito, napatawa naman siya.

“Ang ganda ganda ng tato eh.” sabi nito at pinipigilan parin ang sarili sa paghagikgik. Tinignan kong muli ng tato.

Isa itong cartoon character, isang character mula sa pelikulang ice age, yung squirrel na wala ng ginawa kundi ang habulin ang acorn, ito ang tampok sa tato na iyon ni Nate, ang mukha ng squirrel sa likod ng kaniyang kanang binti at ang acorn naman sa likod ng kaliwang binti. Napangiti ako ng mapagmasdan ko ito.

“Ngayon ngingitingiti ka diyan!” sabi ni Nate sakin. Inabot ko ang kaliwang binti nito.

“I don't remember an acorn with my name written on it sa pelikulang Ice Age?” tanong ko dito. Napatawa naman ito.

“Tama na sa regalo ko, asan ang regalo mo? Hmmm?!” tanong nito sakin, napangiti naman ako.

“Dalin mo ako sa parents mo at malalaman mo kung anong regalo ko.” sabi ko dito, bahagyang nagtaka si Nate at ng maisip nito ang aking ibigsabihin ay agad itong ngumiti.

0000oooo0000

“S-sigurado ko na ba dito?” tanong ko kay Nate na mukhang natatakot din sa aming gagawin.

Nasa harapan kami ngayon ng kanilang bahay. Ngayon na ang napagusapan naming araw kung saan ipapakilala niya ako sa kaniyang mga magulang at half brother.

“Kung di natin ito gagawin ngayon kailan pa?” tanong niya. Tumango lang ako.

Malaki at maganda ang bahay nila Nathan, may magandang bakuran at magagandang halaman dito. Sa kabila ng ganda na aking nakikita ay di ko parin maitago ang kaba, marahil ay napansin ito ni Nathan kaya't hinawakan nito ang aking kamay.

“Wag kang magalala, dito lang ako.” bulong niya sakin saka niya hinila ang aking kamay palapit sa kaniyang bibig. Nilapatan niya lang iyon ng isang masuyong halik.

Agad na binuksan ni Nathan ang front door ng kanilang malaking bahay. Ngayon, wala na talagang paglagyan ang aking kaba. Agad kaming sinalubong ng mga magulang ni Nate may ngiti sa kanilang mga labi pero ng maidako ang tingin sakin ay unti unting nabura iyon.

Inilagpas nila ang tingin sa akin at tumingin sa may pinto direkta sa likod namin ni Nathan, marahil ay nagiintay ng iba pang tao na maaaring kasama namin.

“Ma, Tito. This is Aaron, my boyfriend.” pakilala ni Nathan samin.

Tahimik.

Agad na binawi ng kaniyang mga magulang ang tingin samin at sa mga kamay naming magkahawak. Ibinalik ng mga ito ang mga ngiti sa kanilang mukha pero halatang peke na ito. Narinig ko ang pagbagsak ng isang pinto sa pangalawang palapag, nang ibalik ko ang tingin ko sa mga magulang ni Nathan ay magkayakap na ang mga ito. Ibinaling ko ang tingin ko kay Nate, nakatingala ito.

“Andito pala si Jason.” pabulong na sabi nito habang nakatingin parin sa ikalawang palapag kung saan bumagsak ang pinto na lumikha kanina ng ingay. Idinaretso na ulit nito ang tingin at binigyan ng nakakalokong ngiti ang kaniyang mga magulang.

“Di pa ba tayo kakain?” tanong ni Nate sa kaniyang mga magulang.

0000oooo0000

“Whew! That was awkward.” sabi ni Nate nang makalabas na kami ng kanilang bahay. Tumango lang ako bilang pagsangayon.

Naging ok naman ang pagamin namin sa kaniyang mga magulang, Tito at Tita pa ng ang gusto nilang itawag ko sa kanila, pero sa kabila noon ay ramdam ko parin ang kanilang pagiging malamig, hindi man samin ni Nate marahil ay dahil sa sitwasyon. Dahil sa aming piniling sitwasyon.

“So, anong tingin mo kay Mom and Tito?” tanong nito sakin.

“They're ok. Your dad...”

“Di ko siya Dad, tito ko lang siya.” pagtatama sakin ni Nate, agad naman akong bumawi.

“You're Tito is quiet, though. But your Mom is ok. I think it's your Mom who is head of the family, not your tito.” walang preno kong sabi dito, agad ko itong tinignan, natakot na baka na-offend ko siya sa aking kadaldalang sinabi. Pero tumawa lang ito.

“See, nakilala mo na agad ang family ko. I believe, naging ok naman lahat samin diba? Dapat pala matagal na natin tong ginawa.” sabi ni Nate, agad namang nabura ang ngiti sa aking mukha sa huli niyang sinabi.

“I wish I could say the same for my parents.” mahina kong sabi, agad namang hinawakan ni Nate ang aking mga kamay bilang pagpapakita ng kaniyang suporta sakin.

0000oooo0000

Agad na bumalot ang katahimikan sa pagitan ko at ng aking mga magulang. Asa sala kami ngayon ng aming bahay, kasasabi ko lang ng tungkol saming relasyon ni Nate, halatang halata sa mukha ng aking ina ang gulat. Sa mukha naman ng aking ama ang galit.

“No! Di ako papayag!” naibulalas ng aking ama pagkatapos ang mahabang pananahimik.

Inaasahan ko na na ganun ang magiging reaksyon ng aking mga magulang, di na bago ito sa kanila. Narining na nila ito sa aking kuya, ilang taon na ang nakakalipas. Una na silang nasaktan ng aking kuya sa pagamin nitong siya ay bading at siya ay may karelasyon, pero dahil ang kuya ko ang matalino, ang sports fanatic and basically the dream son ng aking mga magulang ay pinilit nila itong intindihin.

Pero di ako ang dream son, hindi ako ang sports fanatic, hindi ako ang matalino. Ako ang disappointment, ako ang sablay. Mapipilit din kaya nilang ang intindihin sitwasyon ko tulad ng sa aking kuya? Hindi. Alam ko hindi. Agad akong nagbuntong hininga.

Alam kong kahit anong mangyari, kailangan kong ipaglaban ang meron kami ni Nate. Alam kong kailangan ko ng manindigan.

“Bakit nung si kuya...?” simula ko, nakita ko ang reaksyon ni Nate, alam kong hindi niya alam ang tungkol sa sekswalidad ng aking nakatatandang kapatid.

“Iba ang kuya mo...” simula ng aking ama.

“Bakit? Dahil paborito niyo siya?!” medyo napapataas na ang aking boses sa sinabing iyon. Natahimik ang aking ama.

“Nagkamali kami noon sa iyong kuya.” singit ng aking ina.

“Oo, kayo ang nagkamali, pero si Kuya? Sa kaniyang nararamdaman? Hindi siya nagkamali. Ganun din ako, di ako nagkakamali sa aking nararamdaman kay Nate.”

“Hindi ako papayag.” malamig, pero kalmado nang sabi ng aking ama, pero sa kabila ng pagiging kalmado ng kaniyang sinabing iyon ay lalo akong natakot. Alam ko kasing ito na ang hudyat na dapat ay hindi na ako makipagtalo.

“Hindi ko bibitawan ang pagmamahal ko kay Nate.” may paninindigan kong sabi.

“Kung ganon, maghanap ka na ng ibang matitirhan. Let's just hope, Nate can pay for your tuition.” malamig ulit na sabi ng aking ama. Tinignan ko ang aking ina, umaasang pipigilan nito ang aking ama sa naisip, pero hindi, nagkamali ako, blangko ang mukha ng aking ina, walang plano na pigilan ang aking ama.

“Fine.” sabi ko, tumayo ako at hinila na si Nathan palabas ng bahay, malapit na kaming makalabas ng bahay ng sumigaw ulit ang aking ama.

“Wag na wag mong ipapakita na nahihirapan ka, na nagmamakaawa kang tulungan ka namin, wag na wag kang magpapakitang nahingi ng tulong dyan sa boyfriend mo at wag na wag ka ring magpapakita sa harapan ng bahay na ito ng walang napapatunayan sa sarili mo at hangga't di mo napapatunayan na tama ang pagpili mong magpakabakla, kasi sa oras na makita kitang nagkakaganoon. Tatawa ako, pagtatawanan kita.” walang pusong sabi ng tatay ko. Nagsimula ng tumulo ang aking luha, hinila ko na si Nate palabas.

0000oooo0000

Naduduling na ako sa kababasa ng aking notes, pinagpatuloy ko ag aking pagaaral kahit na pinalayas na ako samin, naghanap ako ng part time job kung saan pwede akong magtrabaho sa gabi at magaral sa umaga. Nag crew ako sa isang fastfood chain, buti na lang at isang sem na lang ay graduate na ako.

“Pahinga ka muna, kiddo.” awat sakin ni Nate nang makitang kinukusot kusot ko na ang aking mga mata, nginitian ko lang ito.

“I told you, di mo na kailanagn magtrabaho, Mom wants to help you pay for your tuition.” sabi sakin ni Nate. Ilang beses na naming napagusapan ito, at hindi parin ang sagot ko, madalas ang diskusyon tungkol dito ay nauuwi sa pagaaway.

“I told you...”

“Doing this saves some dignity for you. I know.” sabi nito, saulado na ang aking sinasabi sa sobrang dami ng beses na napagusapan ito. Bumuntong hininga ulit ako.

“Alam mo na pala eh.” sabi ko dito.

“Ayoko lang na nakikita kang nahihirapan, ang laki na ng pinayat mo oh. At least let me help you, kahit 25% lang ng tuition.” alok ulit nito sakin, tulad ng nauna nitong suhestyon ay ilang beses narin namin itong napagusapan ni Nate.

“You're helping me already by not letting me pay for the rent and the rest of the bills.” sagot ko ulit, nagbuntong hininga na lang si Nate at niyakap ako.

“Sige, ito na lang ang request ko, can we sleep now?” tanong nito, halatang umiiwas na sa isa nanamang mainit na away. Ngumiti lang ako at humarap dito at hinalikan ng mariin sa labi.

0000oooo0000

“Kiddo, there's a mail for you, iniwan ko dun sa may sala.” sigaw ni Nate ng marinig ako nitong pumasok. Agad kong kinuwa ang sobre at pumunta na sa kusina kung saan nagluluto si Nate ng hapunan.

“Goodevening, kiddo. Kumusta ang mga microscope?” bati nito sakin sabay halik sa labi. Nginitian ko ito ng maghiwalay ang aming mga labi.

“Ok lang naman sila.” pertina ko sa aking trabaho sa isang laboratory, nakagraduate narin ako as medtech, binitiwan ko na ang trabaho ko sa fastfood, medyo nakakaluwag narin kami ni Nate, maga-apat na taon narin kami sa aming relasyon at masasabi ko sa sarili kong naging maayos naman ang kinahantungan ng aking paglayas sa puder ng aking mga magulang. Ngayon, sa aking palagay, wala na silang maisusumbat pa sakin.

Nagsimula na akong maglakad papuntang kwarto at si Nate naman ay bumalik na sa kaniyang pagpe-paint sa harap ng kaniyang canvass habang iniintay na maluto ang kasasalang lang na pagkain. Binuksan ko na ang sobre at sinimulan ng basahin ang liham na nakapaloob dito. Nanlamig ako. Agad akong tumakbo at hinanap si Nate.

“Nate!”

“Oh?!” sagot nito pabalik.

“Good news! I got thru!” sabi ko dito. Agad naman itong humarap sakin at iniwan saglit ang kaniyang painting na ginagawa.

“Congrats! Should I call you doc now and not kiddo?” tanong nito sakin sabay ngiti.

“Ulul! Di pa! After boards pa siguro. And I would like it if you still call me kiddo even after my residency.” sabi ko dito agad naman itong ngumiti saka lumapit sakin, agad ako nitong niyakap.

Pinagmasdan ko na lang ang mukha nito habang nakayakap siya sakin at nakatingin ng daretso sa aking mga mata. May mga bahid pa ng oil paint ang mukha nito at madumi pa ang kamay nito mula sa pastel na ginamit nito pang guhit ng kaniyang obra. Maputi at maganda ang katawan, mahaba ang buhok nito na hanggang balikat na naka ponytail, matangos ang ilong at may mapupungay na mata, may mapupulang labi na siya namang masarap halikan, makakapal ang kilay at may hikaw na nakatusok sa may kaliwang kilay nito. “Ruggedly handsome.” karaniwang description dito ng mga kolehiyalang nakakakita dito.

“I'm so proud of you, kiddo.” sabi nito sabay siil sakin ng halik.

Nang maghiwalay kami sa aming halikang iyon ay agad din namang naglaho ang sense of excitement ko. Napaisip ako bigla. Marahil ay napansin ito ni Nate, agad nitong hinawakan ang aking kamay.

“We'll ask Mom about it. Don't worry.” sabi nito, umiling ako.

“I'll do double job. Kaya ko ito.” sabi ko kay Nate saka tumalikod dito, narinig ko itong nagbuntong hininga.

Napaupo ako sa aming kama, magpapalit na sana ako ng pambahay nang marealize ko na hindi kaya ng pagme-medtech at ng pagse-service crew ang tuition ng medicine at ang iba pang kalakip na gastusin nito. Napabuntong hininga ako.

“Pero hindi! Di ako hihingi ng tulong kahit kanino, magiging doktor ako, magiging magaling na doktor ng di nahingi ng tulong kahit kanino.” may paninindigan kong sabi sa sarili ko.

0000ooo0000

“Honestly, Aaron, you don't look ok. Natutulog ka pa ba?” tanong sakin ng isa kong kaklase sa medicine, na si Randy.

“Di nga eh, kagagaling ko lang kasi kanina sa pagcre-crew.” sagot ko dito sabay hilot ng aking batok sa sobrang pagod.

“Kung papayag ka, meron akong alam na mapagkakakitaan, di ka pa masyadong pagod.” sabi nito sakin, agad akong naging interesado sa mga sasabihin nito.

0000ooo0000

Di ko alam na nasa ganito rin palang kalakaran si Randy, ayon sa kaniya ay ito ang tumutulong sa kaniya para makapagaral ng medicine, kung titignan mo si Randy ay wala sa itsura nito ang papasok sa prostitusyon, maputi, magandang lalaki at malaki ang katawan, di halatang nagugutom, pero ayon din sa kaniya ito lang ang tumutulong sa kaniya at ang kaniyang asawa at isang anak.

“Ano? Game ka ba? Maipapakilala na kita ngayon.” sabi nito, napaisip ako bigla.

0000ooo0000

Di naman nagtaka si Nathan maski binitiwan ko na ang fastfood at ang pagme-medtech na lang ang aking tinira. Di siya nagtanong kung nakakabayad pa ba ako ng tuition, busy narin kasi ito sa kaniyang bagong business, nagsisimula palang din kaya't di pa masyadong makakatulong.

Hangga't maaari ay di ko sinabi kay Nate ang pagbu-booking, ayaw ko kasing magalit ito sakin, lalo na at ayon dito ay dala lamang ng pride ang pagtanggi ko sa tulong ng kaniyang magulang.

Pero tulad ng sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag.

0000ooo0000

Inihatid ako ng isang kliyente pagkatapos ko siyang pagserbisyuhan sa bungad ng eskenitia papasok sa inuupahan naming apartment ni Nathan. Sakto namang andun si Nathan sa may kanto at nakita ako nitong bumababa sa isang magarang kotse.

“Aaron, I'll text you for the next service ha?” tawag sakin ng baklang aking pinagserbisyuhan nang makababa ako ng sasakyan nito, tumango lang ako habang nakatingin parin ng daretso kay Nathan, di na maipinta ang mukha nito. Nang makaalis na ang kotse ay agad ako nitong hinawakan sa aking braso at hinila papunta sa aming apartment.

“Nathan yung bayad sa renta sa makalawa na ha?” sabi ng aming landlady na si aling Babs.

Di na ito pinansin ni Nathan at tuloy lang sa paghila sakin papasok ng aming inuupahan.

“Totoo pala ang balita...” umpisa ni Nathan.

“Anong balita?” maangmaangan ko. Sinampal ako ni Nathan, pareho kaming nagulat sa pagsampal niyang iyon. Ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan ako ni Nate ng kamay.

“Hanggang kailan mo ito itatago sakin?!” sigaw na nito, di na ako sumagot.

Nagsisimula ng mangilid ang luha sa aking magkabilang mata.

“Sinong may sabi sayo na ibenta mo ang sarili mo?!”

“Akala ko ang sinusweldo mo sa pag me-medtech ang gagamitin mo pangbayad sa medschool?!” sigaw ulit ni Nate, umiling ako.

“Di kaya ng sweldo ko ang med school at iba pang bayarin.” nanlulumo kong sagot dito. Muli kong ibinaba ang aking tingin at tinitigan ang aking mga tuhod.

“Kaya naisipan mong magputa?! Kaya nagpapagamit ka sa mga pathetic na bakla dyan sa tabi tabi?!” bigla kong naibalik ang aking titig kay Nate. Kitang kita ko ang pandidiri sa reaksyon nito at hindi lang pangdidiri, nakikita ko rin ang panghuhusga sa mga mata nito.

“Sana sinabi mo sakin agad, hindi yang ganyang dinudumihan mo ang dangal mo. I'm sure makakatulong sila Mom, alam kong tutulungan ka nila! Pero hindi mas ginusto mo pa yang magputa mas pinili mong manahimik!” sigaw nito sakin, di ko na napigilan ang aking mga luha.

“I'm sorry, pero sabi ko di na ako hihingi ng tulong sa kahit kanino.” mahina kong sabi.

“Di lahat ng tao tulad ng parents mo, Aaron. May mga taong gustong tumulong sayo dahil nagmamalasakit sila!” balik nito sakin.

“Di ako papayag na kaawaan ako!” sigaw ko dito.

“Well ano? Ayaw mong kaawaan ka at mas gusto mong pandirian ka?!” tanong sakin ni Nate. Natameme ako sa sinabi niya.

“Basta di ako tatanggap ng tulong sa iba, just so they can judge me even more. Di mo ba nakukuwa Nate?! Nasa sitwasyon akong ito dahil sinabi ko sa mga magulang kong BAKLA ako! Nakita mo kung pano nila ako tignan, nandidiri sila! Ngayon wala na akong pakielam maski pandirian ako ng mga tao basta ayokong kaawaan narin ako!” sigaw ko dito. Ngayon siya naman ang natahimik, di makapaniwala sa aking mga sinabi. Tumalikod ito at lumabas na ng aking nirerentahang kwarto.

“San ka pupunta?!” sigaw ko dito.

“Makipagusap ka sakin kapag lumipas na ang pandidiri ko sayo at kapag wala na yang lintik na pride dyan sa kukote mo!” nakatalikod na sabi nito sabay lakad palayo.

Matagal nang hindi nagpakita sakin si Nate, magiisang buwan na, sinusubukan ko itong tawagan at punatahan sa kanilang bahay pero lagi itong wala, kada uuwi ko galing booking o kaya naman ay medschool ay unti unti kong napapansin na nauubos na ang gamit ni Nate sa aming apartment, marahil ay untiunti naring umaalis sa aking buhay.

Ilang linggo pa ang lumipas at tuluyan ng di umuuwi si Nate sa aming apartment. Wala na ang mga gamit nito at ayon kay aling Babs na aming landlady ay di narin niya ito napapansing pumupunta sa apartment. Nagsimula na akong kabahan. Ayaw kong isipin na tuluyan na akong iniwan ni Nate, ang taong aking kasangga, ang taong aking pinaglaban at pinagpalit para sa pagmamahal ng aking mga magulang. Ang taong dahilan ng aking pagpupursigi.

0000ooo0000

Di mapakali ang aking kausap, malakas na kasi ang buhos ng ulan at kumikidlat at kumukulog pa, tanging bubong ng guard house ang aming sinisilungan.

“Manang, please, alam kong andyan siya. Kakausapin ko lang siya saglit.” pagmamakaawa ko sa kasambahay nila Nate.

“Di pa raw siya handang makipagusap sayo eh.” sabi nito sakin.

“Manang, please.” pagmamakaawa ko ulit.

“Pasensya na Aaron. Ayaw ka talaga niyang makausap pa eh.” sabi nito. Agad naman akong pinalabas ng guwardya sa kanilang compound.

“Manang pakisabi kung hindi pa siya hanadang makipagusap sakin, sabihin mo andito lang ako, magiintay.” sigaw ko dito sa pagitan ng mga magagandang bakal na bumubuo ng gate nila Nate.

Di ko na napansin ang oras, pero maliwanag pa nung makausap ko si Manang, marahil ilang oras narin akong nakababad sa ulanan dahil magdidilim na at nagsisimula narin akong manginig. Buo na ang aking pasya, di ako aalis sa unahan ng gate nila Nate hangga't di siya nakikipagusap sakin.

Biglang may tumigil na itim na kotse sa harapan ng gate. Di ko kilala kung kanino iyon pero ni hindi nito ibinaba ang kaniyang bintana para tignan ako o tanungin kung ano ang kailangan ko, tinted ang sasakyan kaya't di ko naman makita kung sino ang nagmamaneho. Binuksan ng gwardya ang gate at pinapasok ito.

Ilang oras pa ang lumipas at walang Nate na lumabas ng gate. Nagsisimula na akong mapaiyak, naramdaman kong tuluyan ng nandiri sakin si Nate. Napaupo ako sa driveway at napasandal na sa gate. Maya maya ay naramdaman ko na lang na nawawalan na ako ng malay.

Nang nagkaroon ulit ako ng lakas para dumilat ay napansin kong nasa loob na ako ng isang sasakyan, tinignan ko kung sino ang nagmamaneho nito pero masyado akong nanghihina para lumingon sa puwesto nito, muli ko na lang sinara ang aking mga mata.

“He's going to be ok, he needs rest and dry clothes.” sabi ng isang lalaki na nakaputi.

“Ganon ba doc, can he spend the night here? Ako nang bahala sa payments for admission.” sabi ng isang lalaki sa lalaking nakaputi, masyado pa akong nanghihina at di ko mai-focus ang aking mga mata.

Nagising na lang ako na nakahiga sa isang malambot na kama at isang nurse na tsine-tsek ang aking vital signs. Tinanong ko ito sa mga nangyari, sinabi niyang may nagrequest daw na dito muna ako magpalipas ng gabi at bayad na daw lahat, pagkatapos daw nun ay pwede na akong umuwi, inabot nito sakin ang aking mga gamit.

Nanlulumo akong lumabas ng ospital na iyon, di sigurado kung anong buhay pa ang naghihintay sakin sa labas, ngayong iniwan na ako ng lahat ng taong mahal ko, ngayong nagiisa na ako.

After six Years

Malagkit ang tingin sakin ng aking kliyente nang makapasok ako sa hotel room kung saan nito napiling idaos ang napagusapan naming booking. Napangiti ito nang makilatis akong maigi, marahil nagustuhan ang kaniyang nakikita. Ngumiti din ako.

“I'll use the bathroom first, and once I'm done, we can start, so take all those clothes off.” sabi ko dito, lalong lumawak ang ngiti nito at nagsimula ng maghubad. Agad akong pumunta sa banyo at inayos ang aking sarili.

Nakaharap ako sa salamin. Marami na ang nagbago simula nung araw na lumabas ako sa pinto ng Ospital na iyon may anim na taon na ang nakakaraan.

“Hinulma na ako ng panahon sa isang pagkatao na hindi ko kailanman pinangarap na maging... mas matapang, mas matigas ang sikmura, isang bagong Aaron Mark Apacible, at ang kwentong ito ang magpapakita ng bagong ako...”

Itutuloy...

[01]
Bumagsak sa kama ang lalaking aking pinagserbisyuhan, humihingal parin ito sa aking ginawang pagpapasarap sa kaniya. May ibang ngiti na tumatak sa kaniyang mukha. Alam ko ang ngiti na iyon, ngiti iyon ng isang customer na nasiyahan. Bahagya itong umayos sa pagkakahiga at inabot ang isang bagay sa side table. Singsing. Singsing pangkasal ang inabot nito, nang maabot na ito ay saka niya sinuot sa kaniyang palasingsingan. Napangisi na lang ako sa napansin kong iyon.

Marahan kong inalis ang goma na sinasabing pumuprotekta sa mga katulad naming pumapasok sa ganitong kalakaran. Hubo't hubad parin akong naglakad papunta sa banyo, di na ako nagabala pang saran ang pinto nito. Wala ng mawawala sakin, kahit pa makita niya ang lahat sakin.

Sumulyap ako sa lalaking kanina lang ay kaniig ko na ngayon ay nakahiga sa kama at may tinetext. Humarap ako sa salamin at tinignan ko ulit ang sarili kong repleksyon. Biente siete anyos na ako, matangkad at may kagandahan ang katawan, maputi at masasabi rin na may itsura ako na siya namang naging sandata ko sa mga ganitong kalakaran.

Hustler, Escort, Callboy, Lalaking pokpok, makasalanan at madumi. Yan ang mga madalas na tawag sa akin. Pera, yan ang aking dahilan tulad ng dahilan ng maraming lalaking pumapasok sa ganitong tarbaho. Tulad din ng mga katulad kong lalaki na mababa ang lipad nangarap din akong makawala sa ganitong uri ng trabaho.

Ilang buwan na lang tapos na ako sa aking residency at pagkatapos ng qualifying exams para maging ganap na Internist, makakawala narin ako sa madumi at mabahong mundo na ito. Agad kong binawi ang aking tingin sa salamin at nagsimula ng humakbang papuntang shower, isinara ko ang transparent na pinto nito at sinimulan ng padaluyin ang pinaghalong malamig at maligamgam na tubig sa aking balat.

Agad kong kinuwa ang sabon at sinimulan nang kuskusin ang aking sarili. Nagbabakasakaling matanggal ang dumi at pakiramdam ng pagkakababoy sa aking pagkatao. Nagbabakasakaling maibabalik ang nawalang dignidad.

Nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa aking mga mata habang patuloy parin sa pagkuskos. Lahat ng parte ng aking katawan, pinadampian ko na ng sabon pero alam ko wala nang magbabago sa nararamdaman kong pagkababoy ng aking pagkatao. Anim na taong pagkababoy, di na ako umaasa pang mabura iyon sa aking pagkatao.

“Nagiwan na ako ng pera sa may lamesa at nabayaran ko nadin itong kwarto.” sabi ng matabang lalaki sa akin, hinarap ko ito.

“Ayaw mong magsecond round?” tanong ko dito.

Hindi na bago sakin ang mga ganitong customer, mga pamilyadong lalaki na may tinatagong lihim na pagkatao. Mga matatandang nagsasawa paminsan minsan sa kanilang piniling buhay. Mga lalaking tinulak ng komunidad na puno ng mga taong may makikitid na utak na gumawa ng buhay na hindi nila gusto. At dahil sa hindi narin naman bago sakin ang mga ganito ay kabisado ko na ang kanilang gusto. Gusto nila ng panandaliang pagmamahal mula sa kapwa lalaki, ang haplos na hindi maibibigay ng kanilang mga asawa.

Second round? Third round? Minsan hanggang fourth round papayag ang mga yan, maramdaman lang nila ang pagmamamahal sa mga lalaking tulad ko na kanila lamang na pinangarap makasama. Tutal wala narin namang magbabago sa aking lugmok na lugmok ng pagkatao at sa tingin ko naman ay wala ng mawawala pa sakin ay lulubuslubusin ko na lang itong pagkakakitaan ko.

“Magkano dagdag?” tanong nito. Ngumisi ulit ako nang mapansing hinuhubad niya ulit ang wedding ring niya.

000ooo000

Tinanguan lang ako ng lalaki sa reception area, marahil ay alam niya na tiba tiba ako ngayong gabi kaya't kung makangiti ito sakin ay inam na. Tinanguan ko lang din ito sabay abot ng tip.

“Next time ulit ah.” bulong ko dito, tumango lang ito.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa pinto ng hotel na iyon ay agad kong inilabas ang isang kaha ng sigarilyo sa aking bulsa sabay sindi. Pumara ako ng isang taxi. Ibinaba ng driver ang bintana sa may passenger seat saka tinanong kung saan ako.

“Ortigas.” sabi ko. Tumango lang ang driver bilang pagsangayon. Agad kong tinapon ang aking kasisindi lang na sigarilyo.

Habang binabagtas ng taxi ang daan papuntang Ortigas di ko mapigilang mapansin ang mga nagkalat na tao sa may bangkenta sa kahabaan ng EDSA. Babae, lalaki bakla at tomboy, matanda o bata nagkalat doon.

Tinignan ko ang aking relos, magaalas dose na ng madaling araw pero marami paring tao, pero di na ako nagtataka. Ayon sa survey mas maraming tao ang naghihirap ngayon, mas marami ang di nakakapagaral at mas marami ang walang trabaho.

Alam ko kung bakit nandun parin ang mga taong yun sa kabila ng malalim na ang gabi. Nandun sila para maghanap buhay. Sabi nga nila...

“Takes one to know one.” bulong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa rearview mirror ng taxi at napansing nasulyap sulyap skin ang driver. Marahil nakikilala ako nito, marahil ay nasakyan ko na ang taxi nito noon na may kasamang customer. Alam ko kasi ang tingin na iyon. Nangingilatis, nangingilala.

“Manong may problema ba tayo?” tanong ko dito ng hindi ko na matiis ang kaniyang tingin.

“Sir, artista ba kayo?” nahihiyang tanong nito. Napangiti lang ako.

000ooo000

“San ka galing?! Kanina pa kita tinawagan ah?!” bulyaw sakin ng isang lalaki.

Si Jase manager ko, isa siyang former model, maganda rin ang katawan nito at may itsura din, isa siya sa most sought after model nung kasikatan niya pero dahil wala masyadong kita ay napagpasyahan niyang mag manage na lang ng mga kagaya ko at ipagpalit ang kasikatan na iyon.

“Dapat alam mo kung san ako galing. Ikaw tong nagbook sakin diba?” malamig kong sabi.

Lumapit ito sa pinto at isinara iyon sunod ay lumapit ito sa aking kinatatayuan. Akala ko ay ilalapat nito ang kaniyang labi sa aking mga labi, sinubukan kong abutin iyon pero iniwas niya lang ito. Napahiya nanaman ako.

“Di ka nga pala nahalik sakin pagkatapos ng booking. Heck, ni di ka na nga pala nahalik sakin, nagbooking man o hindi.” malungkot kong sabi dito. Iniwas ko na ang aking tingin pero hinawakan niya ang aking baba at pinaharap ulit ako sa kaniya. Hindi pagtangis and pagkasabik ang nakikita ko sa kaniya na karaniwang nakikita sa mga magboyfriend matapos magkahiwalay ng buong araw. Ang tangi kong nakikita sa kaniya ay ang tingin na para bang iniinspeksyon ako, kinikilatis.

Si Jase, hindi lang siya manager sakin, siya rin ang aking boyfriend. Siya ang nagpakilala sakin sa mga top designers at nag introduce sakin sa mundo ng modeling at siya rin ang nag promote sakin mula sa isang pipityuging pokpok papunta sa isang high class hustler na kinalalagyan ko ngayon.

“I'm more of an asset, a property than a lover.” bulong ko sa sarili ko. Yan ang nararamdaman ko sa aming relasyon na iyon ni Jase. Hindi bilang boyfriend kundi bilang pinagkakakitaan ang role ko sa kaniya.

“Pumunta ka na sa backstage at magpa makeup ka na. Show starts in an hour.” sabi nito sakin in a more business tone. Sanay na ako sa ganitong klase ng treatment mula sa kaniya.

Nagkakagulo na sa likod ng stage, andun na ang mga designers and junior designers na pinagmamadali na ang mga models na magsuot ng kanilang mga nilikhang designs. Nagsisimula naring magtakbuhan ang mga event coordinators na may suot suot na headphones with mic na halatang nakikipagusap sa iba pang mga event coordinators sa iba pang lugar. Nagsisimula ng magpanic ang mga make up artist sa pagtatago ng mga blemishes and minor imperfections ng mga model.

“Aaron? Ito ang isusuot mo.” sabi ng isang junior designer sakin sabay wagayway ng isang skimpy brief, tinignan ko ito at napailing na lang.

Di ako makapagreklamo. Ito ang isa sa “No” sa listahan ng mga rules ng nagsisimulang model. “You don't say no.” ayon kay Jase, yun ay para sa mga batikan lang na mga model. Agad kong hinubad ang aking suot na t-shirt at pantalon sunod ang underwear at agad na sinuot ang kapiranggot na tela na aking ipapakita sa mga manunuod.

“Nice.” sabi ng event coordinator at itinuro na ako sa isang make up table.

Nagmamadaling inayos ng make up artist ang aking mukha. Pahid dito, pahid doon. Nagsisimula na akong antukin at mawalan ng gana.

“Ok ka lang?” tanong ng make up artist sakin.

“Oo, medyo pagod lang.” sagot ko, inabot niya ang aking dibdib at naglagay ng foundation malapit sa isa sa aking mga utong.

“Akala ko hindi adviseable na makipag sex before a big show?” tanong nito sakin. Nagtaka naman ako kung pano niya nalaman. Inginuso lang nito ang isang namumulang kissmark malapit sa utong na nilalagyan niya ng foundation.

“Swerte mo kaya pa ng foundation, kundi nako, pagpipiyestahan ka ng mga kapwa mo model.” sabi nito. Ngumiti lang ako.

“So who's the lucky girl?” tanong nito. Ngumiti lang ulit ako. Sasagot pa sana ako ng biglang pumalakpak ang event coordinator. Hudyat na malapit ng magsimula ang show. Kinindatan ko na lang ang make up artist at tumayo na papunta sa bungad ng runway kung saan nakapila na ang mga kapwa ko model. Tinapunan ko ng tingin ang make up artist at nakitang nakanganga parin itong nakatingin sakin. Napangisi na lang ako.

Isang event coordinator ang humatak ng aking kamay. Nagtaka naman ako.

“Aren't I suppose to walk after Nick?” tanong ko sa coordinator. Umiling lang ito at tinignan ulit ang kaniyang iPad.

“No, you're walking after everyone else.” napangiti naman ako sa sinabing yun.

“Wow.” sabi ko sa sarili ko.

000ooo000

Isang tao nalang ang nasa pagitan ko at ng runway, wala masyadong pagkakaiba ito sa mga runway na nagawa ko na, mahaba at maluwag para sa dalawang tao. Maganda ang lighting sa buong lugar at punong puno ang mga upuan sa magkabilang parte ng runway. Malalakas din ang sounds ng buong lugar na talaga namang mapapaindak kahit sino man ang lalakad sa runway.

“Ikaw na.” sabi ng event coordinator.

Di ko inasahan na magiging model ako, ni wala sa hinuna ko ang magmodel, maglakad ng halos hubo't hubad sa harap ng ibang tao at kuwanan ng litrato habang naglalakad kung saan lahat ng pwedeng bumakat ay nabakat na, pero malaking tulong din ito sa aking pagaaral. Sa mga panahong mahina ang booking sa pagmomodelo ako naasa at vice versa, pero minsan nakakapagod narin, 4 days straight sa ospital at three days straight naman sa booking and modeling for stills and runways. Kung hindi ko nga lang ba kailangan ng pera, hindi ko pagsasabaysabayin ang mga ito eh. At lalong di ako magpuputa.

Maliliwanag ang mga ilaw na halos nakatapat sa bawat bahagi ng katawan naming mga modelo kada lakad namin sa runway. Andyan din ang mga tahimik na manonood sa kaliwa at kanan ko, di ko na halos makita ang dulo ng mga manonood, wala ni isa akong makilala sa mga manonood, para silang mga anino sa likod ng mga nakakasilaw na ilaw.

Sa dulo ng mahabang runway ang ang nagkikislapang mga flash na galing sa mga kamera ng mga fashion photographers at event photographers.

Daretso lang ako sa paglalakad at tumitigil sa mga tamang lugar para magpose. Pabalik na ako sa backstage at nilalakad na lang ang natitirang hakbang bago makabalik ng backstage ng mapansing sinusundan ako ng isang photographer. Di ko na ito pinansin at tuoy tuloy ng naglaho sa lokod ng tela na naghihiwalay sa backstage at ang runway.

“Next line.” sabi sakin ng coordinator at itinuro ako sa hilera ng mga damit na susunod ko namang i-mo-model.

Nagsimula ng maglakad pabalik sa runway ang mga modelong asa aking unahan, nang tawagin naman ako ng event coordinator ay saktong katatapos ko lang suotin ang damit na irarampa ko. laking pasasalamat ko na boardshorts, sando at isang sumbrero na ang suot ko at hindi kakapiranggot na brief.

Nagsimula na akong maglakad sa runway ng mapansing sinusundan parin ng photographer ang bawat lakad ko, napansin ko rin may lumapit ng event coordinator dito at muli di ko na ito pinansin pa. Sa mga susunod na lakad ko ay di ko na napansing sinusundan ako ng photographer.

000ooo000

“Final walk people!We're clapping!” sigaw ng coordinator.

“Aaron sa tabi ka ng designer.” sabi sakin ng coordinator. Nagulat naman ako sa sinabi niyang yun.

“Ito na ba yung sinasabi ni Jase na simula ng magagandang bagay sakin?” tanong ko sa sarili ko. Alam ko kasing mga top models lang ang karaniwang naglalakad sa tabi ng designers. Malamang nakausap na ni Jase ang designer.

Nang matapos ang fashion show ay agad kong hinanap si Jase pero di ko ito makita, tinext ko ito at nagreply naman pero di nito sinagot ang tanong ko kung asan siya.

“Booking after fashion show. Room 205, hyatt.” nanlumo ako sa nabasa.

“Business lang talaga ako para sayo.” wala sa sarili kong sabi.

Tila ba nawalan ng kulay ang buong paligid. Parang TV show noong black and white pa ang TV. Binalot nanaman ako ng kalungkutan.

“Bakit nga ba hindi ko hiwalayan si Jase?” tanong ko sa sarili ko.

“Mahal ko siya.” sabi ko ulit sa sarili ko, sinagot ang nauna kong tanong sa sarili. Wala sa sarili akong lumabas sa papunta sa runway na ngayon ay nililinis na ng mga maintenaince ng event. Nakabukas parin ang mga nakakasilaw na ilaw, pero wala na ang mga manunood at ang mga photographers.

“Mahal ko nga ba siya o mahal na ang utang na loob ko sa kaniya?” tanong ko sa sarili ko at isang matabang luha ang bumagsak sa aking pisngi.

Itutuloy... 

[02]
Marahan kong pinahiran ang luhang tumulo mula sa aking kaliwang mata. Naguguluhan parin ako sa nangyayari samin ni Jase. Ibinubugaw niya ako, Oo, matagal ko ng natanggap yun, di na issue sakin, pero sana sa kabila noon ay pinapahalagahan niya parin ako. Alam kong ginagawa niya ito para sakin dahil nga kailangan ko ng pera, di naman niya ako inuutakan sa hatian ng aking kinikita pero ang hiling ko lang naman ay mas maging boyfriend ko siya kesa sa maging bugaw o manager ko, mas mahalin niya ako dahil lover niya ako di dahil isa akong business. Isang pagkakakitaan.

Agad akong naglakad pabalik sa back stage at nagpasyang pumunta na sa booking na inihanda sakin ni Jase ng biglang may lalaking humarang sa aking dadaanan, ito yung photographer na sunod ng sunod sakin kanina sa runway, bigla itong lumuhod at inilabas ang isang kamera, isang flash ang pinakawalan noon. Pansamatalang nilayo ng lalaki ang kamera sa mukha niya at tinignan ang litrato sa maliit na screen ng camera. Nang makita niya sigurong ok na ang litratong iyon ay agad itong tumunghay at tumingin sakin saka ngumiti.

“Nathan?” tawag ko dito.

Pero iba na ang Nathan na nasa harapan ko ngayon, mas naging makisig ito, maikli na ang buhok na naka style na ma-hawk, nandun parin ang makakapal na kilay pero wala na ang hikaw sa kaliwang kilay nito, mapupungay parin ang mga mata, matangos ang ilong at mapula parin ang mga labi. Iba narin ito manamit. Sa sobrang dami ng nagiba dito ay nagdalawang isip pa ako kung si Nate nga ang nasaharapan ko ngayon.

“Musta, kiddo?” tanong nito sakin.

Ngayon, lahat ng pagaalangan ko tungkol sa lalaking asa aking harapan ay nabura na.

“Si Nate nga ito, ang Nate ko.” sabi ko sa sarili ko. Agad kong inayos ang sarili ko at nilampasan na ito.

Di na ako nito hinabol pa. Ni hindi na ako nito pinigilang maglakad pabalik sa backstage.

“Bakit ka pa bumalik, Nate?” tanong ko sa sarili ko.

000ooo000

“I can't do the booking.” sabi ko kay Jase nang sagutin nito agad ang kaniyang telepono. Tuloy tuloy lang sa pagpatak ang luha ko habang nakasakay sa taxi.

“What are you talking about?! Andun na yung kliyente! Pag nagalit yun...!” bulyaw sakin ni Jase. Somehow I grew tired of him, always shouting his lungs out to me. Nagbuntong hininga ako at hindi na siya pinatapos pa sa kaniyang balak sabihin sakin.

“I'm not feeling well.” sabi ko dito sabay baba ng telepono at pinatay ito.

000ooo000

Mabagal akong naglalakad sa isang eskinita papasok sa aking nirerentahang kwarto, di makapaniwala sa pagkikita ulit namin ni Nate. Six years ang lumipas pero ni isang sulat, text, tawag, email o comment manlang sa friendster o facebook wala siyang iniwan. Bigla siyang nawala, nawala nung panahong kailangang kailangan ko siya. Nung panahong tinalikuran ko ang lahat para sa kaniya.

Iniangat ko ang aking mukha, tumingala at sinubukang pigilin ang luha sa pagtulo, nakita ko direkta sa ibabaw ng aking kinalalagyan ang buwan. Maliwanag ito at buong buo, mula sa aking kinatatayuan ay parang abot kamay ko lang ito sa lapit, kitang kita ang mga craters sa ibabaw nito.

“The moon is beautiful tonight kaya ng mapadaan ako dito agad akong bumaba para i-paint ito.”

Naalala ko bigla ang gabi kung saan kami unang nagkakilala ni Nathan.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago ipihit ang doorknob ng aking nirerentahang kwarto. Dito parin ako nangungupahan sa apartment na inuupahan namin ni Nathan noon.

Ewan ko, pakiramdam ko kasi sa loob ng anim na taon na iyon ay babalik si Nathan at sa oras na mangyari yun ay nandun lang ako sa aming apartment, nagiintay pero alam kong malabo na iyon. Ngayong bumalik na si Nathan, di naman siya bumalik dito sa apartment para makipagayos sakin.

“Aksidente lang na nagkita kami kanina sa runway. Aksidente lang.” sabi ko sa aking sarili, natigilan ako nang makapasok ako sa aking inuupahan, naramdaman kong may mali.

“Ano nanamang pumasok sa kokote mo?!” bulyaw sakin ni Jase. Tumayo ito at sinimulan na ako hatakin palabas ng kwarto.

“Ayoko na.” sabi ko dito, napatigil saglit si Jase.

“Ano kamo?” tanong niya.

“Ayoko ng gawin to. Ayaw ko ng magbooking.” sagot ko.

“Bakit?” malamig na sabi nito.

“Anong bakit?! Ni hindi mo na nga ako hinahalikan, ni wala na akong mukhang maiharap sa mga tao, ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko pagtinignan ko ang sarili sa salamin.” sabi ko dito, habang nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko.

“Tigilan mo ako. Nung una pa lang ikaw na ang may gusto niyan.” Natigilan ako sa sinabi nito.

Tama siya, ako ang may gusto nito, ako ang nagpumilit na siya ang maghandle ng booking ko nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa aking isa pang trabaho, di ako pumayag sa gusto nito nung una na itigil ko na ang pagbu-booking at modeling na lang ang aking gawing pangsuporta sa med school at residency, tinanggihan ko ito. Alam ko kasing kailangan kong gawin ito para rin sa sarili ko, alam kong hindi ako mapapalagay lalo na kung sa iba ako aasa.

“Jase, please.” bulong ko dito, natigilan siya saglit, naramdaman kong medyo nabawasan ang higpit ng kaniyang pagkakahawak sakin. Alam kong nagalangan ito saglit.

“Jase, mahal mo pa ba ako?” tanong ko dito, di parin ito makaharap sakin.

Tahimik.

“Halika na, kanina pa nagiintay yung kliyente...” hinawi ko ang kamay ko mula sa pagkakakapit nito sa aking braso. Napaharap siya sakin, malungkot ang mga mata.

“Tinatanong kita, Jase.”

Tahimik.

“Saka na natin ito pagusapan.” sabi nito sabay hawak ulit sa aking braso at hinila ulit ako palabas ng eskinita. Miya mo may isang daang punyal ang tumarak sa aking puso.

Tinulak niya ako papasok sa loob ng sasakyan. Nagtaka naman ako kung bakit sa backseat ako nito tinulak, nang makaayos na lang ako ng upo saka ko napansing may kasama siya. Isang babae, magandang babae na may balingkinitang katawan, mahabang buhok at maamong mukha. Tinapunan ko ng tingin si Jase. Di nito magawang ibalik sakin ang tingin.

“Ito ba ang dahilan kung bakit di niya masagot ang aking tanong? Dahil may iba na? Dahil di na niya ako mahal?” tanong ko sa sarili ko.

Di mapakali si Jase, halatang di siya kumportable sa mga nangyayari. Ibinaling ko ang tingin sa babae at humarap ito sakin, natigilan naman si Jase, miya mo naging plywood sa pagiging stiff sa harapan ng manibela, di alam kung uumpisahan na bang magmaneho.

“Hi, I'm Sandra. Bagong secretary ni boss Jase.” pakilala nito sakin. Tinignan ko ito pero hindi ko na nagawang abutin ang kamay nito at ipakilala rin ang sarili tulad ng ginawa niya.

“Sekretarya, kasama sa loob ng sasakyan? Mag aala una na ng umaga, sekretarya parin? Magkasama sila habang ako iniwan ni Jase sa fashion show? Anong trabaho ang nangangailangan ng sekretarya sa madaling araw?” sunod sunod kong tanong sa sarili ko. Itinuon ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana.

“So, kaano ano ka ni boss Jase?” tanong sakin ni Sandra, gusto kong ibaling kay Jase ang aking tingin pero alam kong masasaktan lang ako sa makikitang reaksyon nito, nasaktan na nga ako sa tinanong ni Sandra eh, sasaktan ko pa ba ang sarili ko pag nakitang walang reaksyon ang mukha ni Jase.

Binigyan ko ng isang ngiti si Sandra.

“Talent. I'm one of Jase's talent.” pahayag ko dito, mukhang di naman ito kumbinsido at tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa, miya mo ako kinikilatis.

“Yun lang?” follow up question ni Sandra. Di na ako nagpatalo sa nangingilatis na tingin ni Sandra.

“Oo yun lang.” sabi ko kay Sandra, bahagya naman itong natigilan.

“Ikaw? What sort of business have you been settling with your boss? Magaalauna na ng madaling araw, super urgent ba ng pangangailangan ni Jase ng sekretarya ngayon?.” natameme naman si Sandra at tumingin kay Jase na miya mo humihingi ng backup.

“Tama na.” mahinahong sabi ni Jase.

“What? She can ask questions and I can't?” baling ko dito, natahimik naman si Jase.

000ooo000

“Room 205.” malamig na sabi sakin ni Jase nang makababa na ako sa harapan ng hotel kung saan gaganapin ang booking. Di ko na sila hinarap pa. Narinig kong humarurot ang kotse ni Jase sa likod ko.

Sakto ng tignan ko ang sasakyan palabas ng driveway ng hotel ay nakita ko si Jase at Sandra na magkaharap at miya mo nagtatalo. Dun na mas tumibay ang kutob ko na may relasyon nga ang dalawa at hindi lang sekretarya si Sandra kay Jase.

“Meron ba namang sekretarya na nakikipagtalo sa kaniyang boss sa loob ng sasakyan nito ng ala una ng madaling araw?” tanong ko sa sarili ko, nakaramdam nanaman ako ng pamimigat sa aking dibdib.

“Talagang di ko mapapansin dahil ilang taon na rin bang malamig ang pakikitungo sakin ni Jase. Sa sobrang tagal na ay ni hindi ko na maalala kung kailan iyon nagsimula. Paano ko mapapansin na kinakaliwa na pala ako?” tanong ko sa sarili ko habang iniintay na makarating ang elevator ng groundfloor kung saan ako nandun.

“Itutuloy ko pa ba ito?” tanong ko sa sarili ko.

Dalawa ang tinutumbok ng tanong na iyon. Kung itutuloy ko pa ba ang kung ano mang meron samin ni Jase o ang pagpunta sa kwarto ng i-binook sakin ni Jase.

“Gusto ko ng itigil ito.” sabi ko sa sarili ko. Dalawa parin ang tinutumbok ng statement na iyon. Gusto ko ng itigil ang pagpuputa pati narin ang kung ano mang meron samin ni Jase. Nagkakasakitan lang kami. Pero naisip ko nanaman ang malaking utang na loob ko dito.

“Pwede ko parin naman siyang maging manager, pero hanggang mga fashion show lang ang i-bu-book niya.” sabi ko sa sarili ko at alam kong buo na ang desisyon ko.

“Pagkatapos na pagkatapos nitong booking na ito, sasabihin ko kay Jase na ayaw ko ng magputa at hanggang mag manager na lang ang pwede naming maging relasyon. Tama. Yun nga ang sasabihin ko.” sabi ko sa sarili ko habang pinaplano ang magandang paraan ng pamamaalam kay Jase.

Nagbuntong hininga ako.

Pinindot ko ulit ang arrow up na botton, di parin kasi bumababa ang lift na may ilang minuto ko naring iniintay and then a realization hit me.

“Paano na lang kung di pumayag si Jase?” sabi ko sa sarili ko, kilala ko kasi ito, siya ang tipo ng tao na maipilit at ito rin ang tipo ng tao na kung hindi niya gusto ang mga nangyayari ay nagwawala ito.

“But it's worth the try.” sabi ko ulit sa sarili ko.

“Is it?” di sigurado kong tanong sa sarili ko.

At bumukas na ang double door ng elevator.

000ooo000

Nasa labas na ako ngayon ng room 205, di ko magawang kumatok. Parang tulad din ng mga nauna at iba ko pang booking. Laging sa unahan ng pinto ang huling pagdadalawang isip kung itutuloy ko nga ba o hindi ang booking na iyon.

Nagpakawala ulit ako ng isang malalim na hininga at kumatok na ako. Kumatok sa isang malaking piraso ng kahoy na naghihiwalay sakin sa isang taong sasaid nanaman sa aking pagkatao, lakas at kung ano pang natititirang dignidad meron ako.

Di ko na inintay na papasukin ako, alam kong bukas ang pinto na yun. At tama ako.

“Walang magnanakaw sa baklang uhaw.” napangisi kong sabi sa sarili ng malamang sa ika ilangdaang pagkakataon ay napatunayan kong di nagla-lock ng pinto ang aking mga kliente.

Iginala ko ang aking tingin sa malaking kwarto, maganda ito. Iginala ko ulit ang aking tingin sa buong kwarto at hinanap ang aking kliyente.

“Akala ko di ka na dadating.” sabi nito at tumayo mula sa isang upuan na nakatalikod sa pintuang kinatatayuan ko.

“Pwede ko na bang i-lock ang pinto?” tanong ko.

Itutuloy...

[03]
Di magkamayaw ang aking kliyente sa paghimas ng aking mga namumutok na braso, bawat parte na ata ng aking katawan ay napasadahan na niya ng kaniyang magkabilang kamay. Kasalukuyan niyang pinapaandar ang kaniyang dila sa magkabila kong utong. Hinila niya ako patayo mula sa kama at sinabihan akong umupo sa isang magandang upuan. Pero bago ako nito i-upo ay pinagmasdan niya muna ako. Napangisi ito, halatang nagustuhan ang nakita.

“Gusto mo bang hubarin ko na ang pantalon ko, o ikaw na ang maghuhubad nito para sakin?” tanong ko dito. Agad itong lumapit sakin at lumuhod sa aking harapan. Unti unti nitong tinanggal ang aking sinturon at dahan dahang tinanggal sa pagkakabutones ang aking jeans at sinimulan na itong ibaba.

Dahan dahan niya akong ginabayan paupo ng upuan.

Di na niya mapigilan ang sarili sa pananabik sa aking kahindikan. Di ko rin mapigilan ang paminsan minsang pagkagat sa aking labi at pag ungol bilang tanda na nasasarapan ako sa ginagawa nitong pagpapaligaya sa aking pagkalalaki. Habang nakaupo ay takam na takam sa pagsuso sa aking ari ang aking kliyente para sa gabing iyon. Unti unti niyang ibinaon ang kaniyang bibig at pinaabot ang ulo ng aking ari sa kaniyang lalamunan. Napatingala na lang ako sa kakaibang sensayong bumabalot sa aking pagkalalaki.

“Ahhh.” wala sa sarili kong naibulalas, di pa ako nagkasya dun at inabot ko ng kaliwang kamay ang kaniyang batok at pilit pang sinubsob ang kaniyang ulo sa aking ari, palalim ng palalim sa kaniyang lalamunan. Inabot narin niya ang aking matipunong dibdib at sinimulang paglaruan ang mga iyon, muli akong napatingala sa kakaibang sensasyon.

Nasa kasarapan na ako sa kaniyang ginagawa sa aking ari ng bigla niyang itgil ito, agad ko siyang tinapunan ng tingin, nagtataka sa biglang pagtigil nito. Tumayo ito at inilapit ang kaniyang bibig sa aking tenga.

“Fuck me, Aaron.” bulong nito. Natigilan ako saglit sa gustong mangyari nito pero ng maglaon ay sinagot narin ang tanong nito. Sinagot sa pamamagitan ng pagtango.

Agad siyang pumunta sa kaniyang bag at may kinuwa, tumayo ako mula sa magandang upuan na iyon ng hotel sa pagaakalang sa higaan namin gagawin ang makamundong tagpo na gustong mangyari nito, pero agad siyang lumingon ng mapansing tumayo na ako.

“We'll do it there.” sabi nito sabay tingin pabalik sa upuan. Nagtaka ako. Tinignan ko ulit ang silya at kumunot na lang ang noo ko.

“Sigurado ka?” tanong ko dito ng mapagtantong maliit ang upuan na yun para saming dalawa.

“Upo ka, sandal ka lang. Ako ang gagawa ng lahat ngayon.” makahulugang sabi nito sakin.

0000oooo0000

Matapos lagyan ng condom at pampadulas ang aking ari ay agad nang ibinaba ng aking kliyente ang kaniyang sarili sa akin. Patalikod siya saakin. Panandalian siyang tumigil, marahil ay sinasanay pa ang kaniyang butas sa aking ari, dahandahan siyang lumiyad, ngayon alam ko na kung bakit niya gusto sa upuan na iyon makipagtalik sakin, nang ibaba niya ang sarili niya na halos nakadikit na ang ilong niya sa sahig ay nakita ko ang malaking salamin na nakasabit sa pader na nasa harapan mismo ng upuan na aming kinauupuan.

“Gusto niyang makita ang aming pagtatalik sa malaking salamin na iyon.” nasabi ko sa sarili ko ng mapagtanto ito.

“Ahhhh...” nasabi nalang nito ng i-angat ko ang aking balakang pasalubong sa kaniyang pagbaba sa aking ari.

“Ang sarap Aaron, idiin mo pa.” sabi nito. Napangisi na lang ako, itinaas ko ang aking kaliwang kamay sa sandalan ng upuan na iyon ay inilagay ang kanang kamay ko sa kaniyang balakang.

“Ahhh...ahhh...uhgmm...” Di na maitago ng aking kaniig ang sarap na nararmdaman niya mula sa kaniyang butas. Di ko narin maitago ang sarap na bumabalot sa aking pagkalalaki.

Di ko maintindihan kung paano niya nagawang humarap sa akin ng hindi nahuhugot ang aking ari sa kaniyang butas, iniyakap niya ang kaniyang mga kamay sa aking leeg, itinapat niya ang kaniyang bibig sa aking tenga at dinilaan ito habang ipinatong niya sa magkabilang arm rest ng upuan ang kaniyang magkabilang paa, patuloy parin siya sa pagtaas at pagbaba sa aking pagkalalaki, di ko na napigilan ang aking sarili at inabot na ng aking bibig ang kaniyang kanang utong, nilaro iyon ng aking dila.

“Ahhhh, uhhhh... sige pa Aaron.” nasabi nito sa pagitan ng pagdila sa aking kanang tenga. Tuloy parin ang pagsalubong ng aking balakang sa tuwing ibababa niya ang sarili niya sa aking ari.

Di ko na napigilan pa ang sarili ko at binuhat ko na ito papunta sa may kama. Walang hugutan, patuloy parin sa pagtaas at pagbaba sakin ang aking kaniig habang pasan ko siya papunta sa kama. Nang marating namin ang kama ay agad kong tinaas ang kaniyang magkabilang paa sa aking mga balikat at patuloy parin ako sa pagbarurot sa kaniyang butas.

Kitang kita ko ang sarap na nararamdaman nito sa reaksyon ng kaniyang mukha. Nakapikit at nakakagat labi ito, inabot na niya ang kaniyang ari at sinimulang pasayahin ang sarili, sabay sa aking pagulos sa kaniya.

“Fuck me Aaron, fuck me harder.” bulong nito.

“Masarap ba?” panunuyo ko dito habang patuloy parin ako sa pagulos sa kaniyang butas, inabot ng kaliwang kamay nito ang aking bayag na dumudunggol sa pisngi ng kaniyang puwet.

“Oo, ang sarap, sige idiin mo pa.” sabi nito.

“Ahhh. Ang sarap.” nasabi ko nalang sa ginagawa nitong paglalaro sa aking bayag. Di na nito alam kung saan niya ipapaling ang kaniyang ulo sa sobrang sarap ng aking pagulos.

“Malapit na ako.” bulong niya habang patuloy parin sa pagjakol ng kaniyang ari.

“Sige, magpalabas ka, sakalin mo ang ari ko, pigain mo! Ahhhh!” sigaw ko habang pabilis ng pabilis ang pagsalubong ng aking ari sa kaniyang puwet.

“Ahhh Aaron ayan na ako... ang sarap... ahhhh!” at pumulandit na ang kaniyang katas sa sarili nitong tiyan.

“Ahhh ayan sige sakalin mo pa ari ko. Puta ang sarap.”

Ilang ulos pa ay naramdaman ko narin ang tamod na umaakyat palabas ng aking ari, agad ko itong hinugot sa puwitan ng aking kliyente, hinubad ko na ang condom at sumampa ulit sa kama, ipinasubo ko ulit sa kaniya ang aking ari at muli akong umulos sa kaniyang bibig.

“Ayaaannnnn naaa akooooo!” sigaw ko at pinalabas ko na sa lalamunan nito ang aking katas. Masuyo naman niya itong nilunok at pagkatapos ay muli nitong sinuso ang aking ari wari mo sinasaid ang aking katas.

0000oooo0000

Matapos sabunin maigi ang aking ari ay agad kong inabot ang panghilod na nakasabit malapit sa showerhead. Pinagdikit ko ito kasama ng sabon at pinabula ito. Muli kong nilinis ang aking sarili, pilit hinuhugasan ang yamot at pakiramdam ng pagiging isang taong madumi. Pero tulad ng kanina sa naunang booking. Di ko na iyon maiaalis.

0000oooo0000

Mataas na ang araw nang magising ako, ilang oras na lang at pupunta naman akong ospital, magduduty. Huhugasan ko naman ang mga kasalanan ko sa pamamagitan ng pagsagip ng buhay. Magkukunwari nanaman akong kasapi ako sa grupo ng mga marangal at disenteng tao. Haharap nanaman ako sa mga taong di man ako lubusang kilala ay patuloy parin ang paghanga sakin.

Wala na ang kliyente ko, iniwan na ako nito, marahil bago pa man sumikat ang araw. Tinignan ko ang aking side table at nakita doon ang ilang piraso ng tigiisang libo. Napangiti ako.

Muli kong nilinis ang aking sarili at pagkatapos ay nagpadala ng lunch. Bayad naman na ito kaya't lulubuslubusin ko na, tinignan ko ang aking telepono at nadismaya ng wala manlang makitang ni isang mensahe akong natanggap mula kay Jase.

Muling sumagi sa isip ko ang naisip kong pakikipaghiwalay na kay Jase.

0000Oooo0000

Masakit ang ulo kong tinahak ang lobby ng hotel, papara na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. nang harapin ko ito ay napagtanto kong magiging pangit ang araw ko na iyon.

“Bakit ka andito?” tanong ni Nate sakin.

“W-wala lang.” sabi ko dito. Tinignan ako nito. Marahil ay nagiisip na ng may halong pagkamalisyoso tungkol sakin. Tatalikod na sana ako ng may tumawag nanaman ng pangalan ko.

“Aaron!” may pagkamalantik ang boses ng lalaking tumawag sakin.

“Just had lunch. Natanggap mo ba yung pera? Kulang pa ba?” sunod sunod na tanong ng lalaking pinagsilbihan ko nung madaling araw na iyon.

“O-ok na po iyon.” sabi ko dito. Agad naman itong ngumiti at binigyan ako ng calling card at nagpaalam na na mauuna na daw siya. Tinapunan ko ulit ng tingin si Nathan. Nakakunot lang ang noo nito. Alam ko ang tingin na iyon.

“Makipagusap ka sakin kapag lumipas na ang pandidiri ko sayo at kapag wala na yang lintik na pride dyan sa kukote mo!” nakatalikod na sabi nito sabay lakad palayo.

Ganun parin ako tignan nito. Nandidiri parin, nanghuhusga. Di ko na napigilan ang sarili ko at lumapit ako dito, halos isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa.

“Kung wala ka ng sasabihin, Nate, aalis na ako. Marami pa akong gagawin kesa tumayo dito at husgahan ng isang tao na may makitid na utak.” walang preno kong sabi dito. Nagulat naman ito at halatang na-offend sa aking sinabi. Tumalikod na ako at maglalakad na sana palabas ng hotel ng hawakan ako nito sa aking kaliwang braso.

“Di ka parin nagbabago. Andyan ka parin pala sa business na yan at andyan parin pala yang lintik na pride dyan sa kokote mo!” may galit akong naririnig sa pananalita nito at pahigpit ng pahigpit narin ang hawak nito sakin.

Natigilan ako.

“Wala akong magagawa. Itinakwil ako ng mga magulang ko dahil ipinaglaban ko ang isang bagay na hindi pala worth it ipaglaban eh.” si Nathan naman ang natigilan ngayon. Napapikit ito, miya mo may iniindang sakit sa katawan.

“Gusto sana kitang makausap tungkol diyan.” mahinang sabi ni Nathan, tinignan ko ito ng diretso sa mata.

Tumalikod na ako.

“Aaron, please.” tawag nito sakin bago ko pa maihakbang ang kanan kong paa. Nagbuntong hininga ako. Si Nathan ang isang tao na hindi ko mahindi-an sa tuwing nagmamakawa siya tulad nito.

“Aaron.” pabulong nitong tawag saking pangalan. Naramdaman kong sumayad nanaman ang kamay nito sa aking braso.

Tulad nung nagsisimula pa lang kami, nag makiusap itong kausapin muna siya...

“Please.” bulong nito, di ko alam pero parang may kung anong pumitik sa aking puso. Parang kahit ano pang gagawin ko sa bahay, babaliwalain ko para lang pagbigyan ang gusto ni Nate.

Parang di ko siya kayang tanggihan.

Sa sandaling pagtigil na iyon ng oras sa pagitan namin ni Nathan ay may nakita akong isang lalaki na naglalakad papasok ng hotel, nangunot ang noo nito sa nakitang tagpo sa pagitan namin ni Nate, agad na sumibanghot ang mukha nito at nagmadali papunta sa aking kinalalagyan.

“Aaron!” sigaw nito. Agad akong binitawan ni Nate at ng tapunan ko ng tingin ito ay lalaong di maipinta ang mukha niya.

“Halika na, iuuwi na kita.” sabi sakin ni Jase na kadadating lang, binigyan nito ng masamang tingin si Nate na hindi naman nagpatalo at nagbato rin ng matalim na tingin dito.

Itutuloy...

[04]
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, iniintay kong tanungin ni Jase kung sino si Nate at bakit ako hinahawakan nito ng mahigpit at bakit ganun na lang ako nito kausapin, pero hindi, tahimik lang ito. Marahil iniintay ko na makitaan ito ng pagseselos. Pero wala, blangko. Siguro nga wala lang iyon sa kaniya at ang paghila niya sakin at pagaya pauwi ay tanging pagaalaga niya lang sa akin, sa kaniyang asset, kaniyang business.

Nagbuntong hininga ako.

“Jase, I want to call it quits.” walang preno kong sabi dito. Agad nitong itinabi ang sasakyan atsaka humarap sakin. Wala ni isang emosyon na makikita sa mukha nito. Lalo akong natakot. Mas gusto kong may galit at lungkot sanang makita para mapaghahandaan ko kung ano man ang mangyayari at sasabihin nito. Pero hindi, blangko lang ang mukha nito at mukhang kailangan kong manghula.

“Hindi. Sakin ka lang.” malamig na sabi nito.

“Hindi na ako masaya, para na lang akong gamit para sayo. Isang business...”

“Yan ang gusto mo diba? Sabi mo ayaw mong tatanggap ng pera mula sakin para sa pagaaral at sa residency mo kaya pinabayaan kitang ibenta sarili mo. Di ako nanghihingi ng pursyento sa mga kinikita mo sa booking pero mapilit ka.” malamig paring sabi nito. Naluluha na ako.

“Ayaw ko na.” nahikbi ko ng sabi dito.

“Panindigan mo yan! Yan ang problema sayo eh, para kang bata kapag di ka na kumportable sa isang sitwasyon tatalikod ka nalang basta, di mo iniisip ang mga kumplikasyon... kung tutuusin ikaw naman ang pumili niyan, ikaw at ang pride mo.”

“Pero ano bang kumplikasyon?” tanong ko dito. Natigilan siya.

“Ilang buwan na lang kikita na ako sa pagdodoktor. Ilang buwan na lang pwede na akong hindi magbooking...”

“Hindi! Ngayon pang maraming nakapila, maraming kilalang tao na pwedeng makatulong sayo sa pagmomodel...”

“Pano kung hindi ko na gusto ang magmodel.” at dun na sa sinabi kong iyon pumutok ang emosyon mula sa puso ni Jase, hinampas na nito ang manibela.

“Hindi! Tapos! Ayoko ng makikipagtalo ka pa sakin. Buo na ang desisyon ko. Di tayo magbre-break, di ka titigil sa pagbu-booking at hindi karin titigil sa pagmomodel. Tapos!” sigaw nito. Natigilan ako, di ko na itinago ang gulat at pagkadismaya dito. Tahimik.

“San ka ngayon? Ihahatid pa ba kita sa bahay o daretso ka na sa ospital.” balik sa pagiging malamig nitong sabi sakin.

“Ikaw bahala, tutal ikaw naman ang nasusunod eh.” pabulong kong sabi, narinig kong nagbuntong hininga ito.

0000oooo0000

Para akong pilay na dahandahang naglalakad papunta sa aking tokador sa aking maliit n kwartong inuupahan. Inabot ko ang aking white coat na gagamitin sa Ospital ilang oras nalang ang nalalabi. Pero wala sa Ospital, sa mga pasyente at sa aking pinangarap na trabaho ang aking isip. Iniisip ko parin ang naging paguusap namin ni Jase kanina sa kwarto. Napaluhod ako, wari bang naubos ang lakas saking mga tuhod. At sa pagkakaluhod na iyon ay umiyak ako. Umiyak na parang bata.

“Bilisan mo, i-mi-meet ko pa si Sandra.” sabi ni Jase sa may pinto ng aking kwarto, marahil ay di niya napansin na naiyak ako dahil nakatalikod ako sa kaniya. Tumango lang ako at pasimpleng pinahiran ang aking mga luha.

Nang sundan ko na si Jase pasakay ulit ng kaniyang sasakyan ay napansin kong palinga linga ito, parang isang taong gumawa ng krimen at takot na baka nasundan siya ng mga pulis. Kumunot na lang ang noo ko sa pagtataka sa mga kinikilos nito.

0000oooo0000

Mukha akong kagalang galang sa aking puting polo at stethoscope na nakasabit sa aking leeg. Ilang buwan na lang at tapos na ako sa saking residency, masaya ako, masayang masaya pero kinakabahan din kahit papano, naalala ko ang di pagpayag ni Jase sa aking desisyon na itigil na ang pagbu-booking.

Kasalukuyan akong naglalakad sa lobby ng ospital at papunta na sana sa doctors quarters ng biglang may humarang na lalaki sa aking harapan. Nanlamig ang buo kong katawan.

“Goodafternoon, doc.” bati nito sakin, nilagpasan ko lang ito.

“What? Snob ka na ngayon, kiddo? Akala ko kailangan mo ng kausap lagi?” Natigilan ako sa sinabi niyang yun.

Para akong binalik sa nakaraan.

“Why not talk to someone? Alam ko nakaka relieve din ng stress at sama ng loob once you talk about it to someone.” sabi niya. Tumango ako.

“Yun nga ang problema ko pa eh. Walang pwedeng sabihan.”

“Busy ako ngayon.” sabi ko na lang atsaka nagpatuloy sa paglalakad matapos lampasan ito.

“No your not, according to the secretary sa IM department free ka daw ngayon and all the patients that need IM residences have been discharged. Kaya alam kong di ka busy ngayon.” sabi nito sabay lakad kasabay ko.

Natigilan ulit ako.

“I'm going to kill that bitch.” sabi ko sa sarili ko.

“I'm not into patients today. I'm doing paper works. Abstracts. Medical files.“ palusot ko ulit.

“Iistorbuhin lang naman kita saglit eh. Gusto lang kitang makausap.” sabi nito. Ito na ang kinakatakot ko. Ito ang pinkakinakatakot ko, tulad ng sitwasyon sa lobby ng hotel nung huli kaming nagkita nito ay malapit na akong bumigay sa gusto nito. Hindi ko nanaman ito mahindi-an.

“Because I need someone to talk to.” sabi nito sabay timpla ng mga kulay na gagamitin nito. Nagdalawang isip ako, kailangan ko na kasing umuwi ng maaga dahil may aaralin pa akong lesson. Marahil ay nakita nya ang aking pagaalangan.

“Please.” bulong nito, di ko alam pero parang may kung anong pumitik sa aking puso. Parang kahit ano pang gagawin ko sa bahay, babaliwalain ko para lang pagbigyan ang gusto ni Nate.

“Gusto ko sanang humingi ng sorry. Naiintindihan ko kung bakit nagdalawang isip ka pang kausapin ako. Mali talaga ang ginawa kong pagiwan sayo noon.” sabi nito.

Di ako sumagot. Pinilit kong hindi sumagot. Di na magawa pa ng mukha ko ang maglabas ng reaksyon, siguro dahil masyado akong nasaktan sa ginawa nitong tao nato noon at maski galit ay di na rumehistro sa mukha ko.

“Magsalita ka naman, please. Para ano pang pumayag kang makipagusap sakin kung di ka naman magsasalita? Murahin mo ako, suntukin, pagsisipain kung gusto mo. Magkaroon man lang ng saysay tong pakikipagusap ko sayo.” sabi nito sakin, binigyan ko siya ng isang tipid na tingin.

“You made it very clear, six years ago, na wala na tayong dapat pagusapan.” sabi ko dito, malamig, walang emosyon. Tumango ito bilang pagsangayon.

“Fair enough.” matipid ding sabi nito. Sabay buntong hininga.

“Do you really hate me that much na hindi ka manlang mageffort magstretch ng muscle to bitch slap me or to frown manlang?” sabi nito sakin, nararamdaman ko na ang lungkot nito sa kaniyang pananalita.

“Yes. I hate you. I hate you so much that I'm itching to get away from you already.” walang pusong sabi ko dito. Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad pabalik sa ospital ng tawagin ulit ako nito.

“Aaron, please.” pabulong ng sabi nito at naririnig ko na ang paghikbi nito. Ipinasok ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking puting coat.

“Masyado mo na akong naaabala. I believe kaya ka nandito ay para magsorry? Well, nagawa mo na ang pakay mo, nagsorry ka na. Ngayon dahil wala naman na akong pakay sayo, pwede bang pabalikin mo na ako sa tarbaho ko?” sabi ko dito habang nakatalikod parin sa kaniya. Tama ang desisyon kong ipasok ang aking kamay sa coat ko dahil ngayon ay nanginginig na ito.

0000oooo0000

Kalmado akong naglakad pabalik sa ospital. Di alintana ang bawat hakbang, ang tanging nasa isip ko ay makabalik agad sa ospital at ng masigurado kong wala na ako sa paningin ni Nate, nang masigurado kong hindi na ako nito makikita sa oras na makapasok ako sa pinto ng ospital ay lakad takbo akong pumunta sa aming quarters.

“Doc Aaron, ok ka lang?” tanong sakin ng mahaderang sekretarya ng aming department, tinignan ko lang ito ng masama.

Nanginginig parin akong pumasok sa CR ng aming quarters, para akong kinukumbulsyon, kulang na lang magpass out ako. Tumapat ako sa lababo at nagsimulang maghilamos pero nauubos lang ang tubig sa aking mga palad dahil sa patuloy parin ito sa panginginig.

Napaluhod ako sa sahig at duon napahagulgol. Agad akong napumigaw. Sumigaw dahil di ako makapaniwalang ganoon parin kasakit at magiging ganoon parin ang magiging reaksyon ko sa paligid ni Nate. Di ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ko ang pinto. Sa sobrang inis at galit sa sarili.

“Doc, is everything ok?” tanong ng sekretarya sa kabilang bahagi ng pinto.

“Sige saglit.” huminga ito ng malalim.

“MAHAL NA MAHAL KITA AARON APACIBLE!” sigaw ni Nathan sa tabi ko.

“Mahal din kita Nathan Cruz.” sabi ko, mahina lang pero sinsero. Ngumiti si Nate ng marinig ito.

“Sigurado ka?” tanong nito sakin.

“Siguradong sigurado!” sabi ko. hinila ako nito sa batok na siya namang ikinahulog ko sa board ko, di pa ito nagkasya dun at inilublob pa niya ako pabalik sa ilalim ng tubig ng makaahon ako. Nang muli akong maka ahon ay siya naman ang nagpakahulog sa kaniyang board, ngayon pareho na kaming asa tubig.

“Ngayon sigurado ka pa ba?” tanong ulit nito sakin.

“Di lang maalat na tubig ang kailangan na makakapagpabago ng nararamdaman ko sayo.” sabi ko dito, ngumiti ulit ito. Ngayon ako naman ang humawak sa batok niya at hinila siya pailalim ng tubig. Duon inilapat ko ang mga labi ko sa labi niya, para kaming mga sireno o shokoy na naghahalikan sa ilalim ng dagat.

Di ko alam kung ilang minuto na akong nakakulong sa loob ng CR na iyon, narinig ko ng kumatok ang iba pang mga kasamahan kong doktor pero di parin ako lumabas.

“Ok na Nate, ok na ako sa buhay ko, di man lubusang masaya pero ok na, bakit bumalik ka pa?” sabi ko sa sarili ko habang patuloy parin ang pagpatak ng luha ko.

“Doc ok lang po ba kayo? May naghahanap po sainyo.” tanong ulit sakin ng aming sekretarya sa kabilang panig ng pinto.

Di ko na lang ulit ito pinansin, baka kasi si Nathan lang din ang naghahanap sakin. Ayaw ko ng madagdagan pa ang drama ngayong araw na ito kaya naman naisipan kong wag na lang pansinin ang tawag ng sekretarya sakin sa kabilang panig ng pinto.

Narinig ko ulit itong kumatok. Nagpantig ang tenga ko sa sobrang inis sa pakielamerang sekretarya, marahas kong binuksan ang pinto.

S-sorry po Doc.“ paghingi ng pasensya nito ng makitang luhaan ang aking mukha at tinitignan siya ng matalim.

“Sino ba iyon at mukha naman atang di makapagintay?!” sigaw ko pabalik dito.

“Doc, Jase daw po ang pangalan.”

Agad akong nagtaka, ito ang unang beses na pinuntahan ulit ako dito sa ospital ni Jase simula nung magkalabuan kami. Naisip ko na lang na baka may importanteng sasabihin, agad kong inayos ang aking sarili at nagpasyang puntahan ito.

Itutuloy...

[05]
Di magandang ideya na humarap kay Jase na may bahid pa ng luha ang aking mga pisngi, baka isipin nito na ang sitwasyon namin ang aking iniiyakan, ayaw ko rin naman magtanong ito at baka maamin ko rin sa kaniya ang tungkol kay Nate. Hinarap ko si Jase, nanlaki ang mga mata ko ng makita ito, nakangiti ito sakin. Para bang masayang masaya siya na nakita ulit ako.

“Gurl, isali mo naman itong kaibigan kong si Aaron diyan sa fashion show mo.” sabi ng isang matandang lalaki na aking naging customer sa isa nitong kaibigang event coordinator.

“May experience na ba yan?” tanong ng event coordinator.

“Wala pa, pero ikaw nang bahalang magpakilala sa kaniya sa mga kakilala mong pwedeng magturo sa kaniya. Syang naman kasi ang isang to kung puro booking na lang.” sabi ng matanda.

Tunog concern man sakin ang matandang iyon ay alam ko namang pakitang tao niya lang yun, para magkaroon ako ng utang na loob sa kaniya at mahiya nang makipaghiwalay sa kaniya. Gusto niya lang makalibre sakin.

“Sige, akong bahala.” sabi ng event coordinator, marahil ay nagiba ang desisyon nito ng marinig sa matandang nagpapabooking ako. Kabisado ko na ang mga sikmura ng mga matatandang bakla lalong lalo na ang magkakakaibigan.

“I will not refer him if he doesn't fuck good.” ika nga nila sa kanilang circle of friends.

Hinila ako nito papunta sa mga grupo ng modelo na mukhang abala sa pagmimeeting.

“Jase, pwede ka bang makausap saglit?” tanong ng event coordinator sa isang lalaki.

0000oooo0000

“Ipinapakilala ko sayo si Aaron. Pinakiusap siya sakin ng kaibigan ko.” pagpapakilala sakin ng event coordinator sa lalaking nagngangalang Jase.

“Pare, lapit ka dito sa may spotlight.” tawag sakin ni Jase, lumapit ako at tumapat sa ilaw.

Di ako kumportable lalo na at napakainit sa pakiramdam ng spot light na iyon, kita ko rin ang ibang modelo na tinitignan ako at kinikilatis din, pero ang pinagtaka ko ay ang tingin na ibinibigay sakin ngayon ni Jase.

Parang nagulat siya sa pagkakakita sakin ng maayos sa ilalim ng spotlight, parang matagal na niya akong kilala pero matagal na panahon ding hindi nakita. Ganon ang reaksyon na nababasa ko sa kaniyang mukha. Binawi nito ang kaniyang reaksyon at nagsimula ng umikot mula sa aking kinatatayuan.

Pinaiikutan ako nito, parang asong pinaiikutan ang isang buto. Kinikilatis bawat sulok ng mukha at katawan ko, tinitignan ang aking bawat reaksyon at tindig. Paminsan minsan itong hahawak sa kaniyang baba at hihimasin iyon.

“May potential diba?” tanong ng event coordinator sa lalaking pumapaikot sakin. Ngumiti ito.

0000oooo0000

“Kape?” tanong ng lalaking kanina lang ay kumikilatis sakin. Umiling lang ako.

“Aaron ang pangalan mo diba? Ako nga pala si Jase, I manage models, ilang taon narin ako sa business na to and being a former model kaya alam ko na ang kalakaran dito. Unfortunatelty di nagsu-survive sa mga business na to ang tatahitahimik at mahiyain.” napaisip ako sa sinabi niyang yun at lalo akong kinabahan.

“Kape?” ulit nito sa naunang tanong niya sakin, tinanggap ko na ang alok nito atsaka marahang ngumiti. Gumanti lang din ito ng ngiti.

0000oooo0000

“Bakit ka andito?” tanong ko kay Jase ng makalabas na ako ng banyo.

“Dinalhan kita ng lunch.” sabi nito, agad na kumunot ang noo ko, madalas niyang gawin ito sakin noong nagsisimula palang kami sa aming relasyon pero nung maglaon, nang magtagal ay parang nanawa din ito at nawalan ng gana.

“Bakit ganiyan ang reaksyon mo? Bawal na ba? Dati naman na kita dinadalhan ng lunch ah.” sabi nito saka ngumiti. Lalo akong naguluhan.

“Nginitian ulit ako ni Jase, may ilang taon narin siyang di ngumingiti ng ganito. Ano kayang nangyayari?” tanong ko ulit sa sarili ko. Natutuwa ako, siyempre, pero di ko maiwasang maghinala, maguluhan at kabahan, sa makatuwid, alam kong may mali.

Pakiramdam ko ay para itong de sarsa na ulam na matagal na inimbak sa ref at pagkatapos ay inilabas saka ininit sa microwave oven, muling uminit ang ulam pero alam mong may mali na. Malabsak na ang sarsa.

“Tititigan mo na lang ba ako o kakainin na natin tong napakasarap na adobo na niluto ko para sayo.” tanong nito sakin sabay hagikgik.

“Para saan lahat ng to? Kung dahil to sa kagustuhan kong makipaghiwalay sayo, di na magbabago yun. Gusto ko paring makipaghiwalay sayo, pero ang mas ipinagtataka ko, Jase ay sinabi mong di ka papayag at alam mong wala na akong magagawa doon. Kaya ang tanong ko sayo para saan ang lahat ng ito?” sunod sunod kong tanong dito. Nagbuntong hininga lang si Jase.

“You did a great job, Aaron! Napapansin ka na ng ilang designers. I'm sure they're going to book you in the next fashion week.” sabi ni Jase na talaga namang ikinatuwa ko, ibig sabihin kasi nito ay kahit papano ay mababawasan ko na ang pagbubooking ko sa mga matatandang bakla.

“Salamat, Jase!” sigaw ko at wala sa sarili ko itong niyakap. Naramdaman ko ang matipuno nitong dibdib na nakalapat sa aking sariling dibdib. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Dahan dahan ako nitong inilayo sa kaniya, tinignan ako ng daretso sa mga mata at miya miya pa ay naglapat na ang aming mga labi.

0000oooo0000

“Hon, guess what.” sabi ni Jase sa aking likod habang nagbibihis.

“Hon ka diyan.” sabi ko dito sabay ngiti.

“Gusto ko hon.” sabi niya sabay simangot, parang batang nagtatampo.

“O sige, HON ano yun?” sabi ko dito sabay lambing.

“Nagluto ako ng favorite adobo mo for our first monthsary!” sabi nito na talaga namang parang bata na ipinapakita ang kaniyang mataas na grade sa kaniyang mga magulang.

“Wow! Asan na?” tanong ko dito sabay tingin sa lamesa na nasa loob ng dressing room at ng ibaling ko pabalik sa kaniya ang aking tingin ay nakanguso na ito.

“Kiss muna.” sabi niya. Tumalikod ako.

“Hay naku Jason Perea! Tigilan mo ako! Sabi ko na nga ba di totoo yang adobo drama mo eh. Gusto mo lang talaga maka-kiss!” sabi ko dito, pilit na itinatago ang ngiti sa aking mga labi.

Pumuwesto ito sa aking likod at iniyakap ang kaniyang kaliwang kamay sa aking dibdib, nagkatinginan kami sa malaking salamin sa aking unahan. Sa kanang kamay ay isang tupperware na may lamang ulam. Amoy adobo ito.

“Asan na kiss ko?” tanong niya sabay ngisi. Humarap ako dito at mariin siyang hinalikan sa labi.

“Napagusapan na natin yan, Aaron.” may kung anong malamig sa pagkakasabi niya sabay hila sakin papunta sa dining area ng quarters.

“From now on, I promise to make things right.” sabi nito, ramdam ko na sinsero ito sa mga sinabi niya.

“You of all people should know that things are easier said than done.” sabi ko dito, tumingin ito sakin sabay buntong hininga ulit.

“Sige kung gusto mong tumigil sa pagbu-booking. Sige, payag na ako. Ikaw lang naman ang iniisip ko. Ikaw at yang pride mo.” sabi ni Jase sakin pero malumanay ang pagkakasabi nito.

“Sabi ko sayo noon itigil mo na yang pagbu-booking at ako nang bahala sa medschool mo pati sa residency after, pero ayaw mo, ramdam kong ayaw mong umasa sakin kahit na boyfriend mo na ako, ramdam ko na importante sayo ang pride mo at dahil diyan sa pride mo inapakan mo ang ego ko.” sabi niya habang nakatingin parin sa aking mga mata. Bakas ang sinseridad sa bawat salitang sinabi niya. Sinseridad at sakit. Nagulat ako dahil di ko inaasahang ganun pala ang naging epekto nito sa kaniya.

“Sino yung baklang yun?!” pasigaw na sabi sakin ni Jase. Dare-daretso lang ako sa paglalakad palayo sa kaniya.

“Putangina naman, Aaron! Pati ba naman ikaw nandyan sa pagbubooking na yan?!” galit na habol nito sakin, bigla akong humarap dito na ikinagulat naman niya.

“Mahina ang modeling ngayon Jase. Di kaya ng modeling lang ang med-school and pagnaglaon pati na ang residency.” naiiyak ko ng sabi dito.

“Akong bahala sa medschool and residency mo, itigil mo lang yan.” umiling ako sa sinabi niyang yun.

“Kilala mo ako Jase, di ako nahingi ng tulong lalo na kung kaya ko naman. Ayaw kong makita ako ng mga magulang ko na naghihirap at naasa sa iba para lang maipamukha nila sakin na mali ang desisyon kong maging bakla!” sabi ko dito, nagulat siya sa sinabi ko. Tumalikod siya at naglakad palayo sakin.

Dun na nagsimula na nanlamig sakin si Jase. Nanlamig sakin at pati saming relasyon.

“Di mo alam kung pano ako naapektuhan, habang nakikita ko ang mismong boyfriend ko ay nahihirapan at nasasaktan at wala akong magawa para matulungan ka kasi ayaw mong tulungan kita.” mahinang sabi nito, unti unti nang namumuo ang luha sa aking mga mata.

“Kaya nung sinabi mong titigil ka na sa pagbu-booking di ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil alam kong di mo kaya kung sa modeling ka lang aasa, at ayokong makita ka na nahihirapan ulit tulad ng dati tapos wala nanaman akong maitutulong. Pero kung yun talaga ang desisyon mo, kung gusto mo talagang tumigil na, sige.” sabi nito saka ako binigyan ng malungkot na ngiti.

May kung anong kumurot sa aking puso sa mga sinabi niyang yun.

0000oooo0000

Lumipas pa ang ilang araw at napansin kong bumabalik na ang dating Jase. Ang Jase na minahal ko. Natutuwa ako dahil kahit papano ay lalo kaming pinatatag ng lahat ng nangyari at laking pasasalamat ko at hindi ako agad binitawan ni Jase nang hilingin kong maghiwalay na kami.

“Bukas Adobo ulit?” tanong sakin ni Jase habang inililigpit ko ang pinagkainan namin sa loob ng quarters.

“Ulit?” tanong ko dito, bahagya namang sumimangot si loko at nagtamputampuhan nanaman.

“Sige, basta luto ng honey ko kahit forever adobo ang ulam kakainin ko.” sabi ko dito, biglang nagbago ang tabas ng mukha nito at marahan akong hinalikan sa labi.

“Hon...?” tanong nito sakin pagkahiwalay na pagkahiwalay ng labi namin. Tinignan ko lang ito, pinabayaang ituloy ang kaniyang nais sabihin.

“...Uwi ka na bukas ah?” sabi nito sakin. Kumunot ang noo sa pagtataka. Ang lakilaki niyang bulas pero kung magbaby talk...

“Off na ako bukas, hon. Uuwi na talaga ako.” sabi ko dito sabay tingin sa kaniyang mga mata, iniisip kung anong ibig sabihin nito.

“Ibig kong sabihin sa apartment ko na ikaw umuwi bukas ha?” tanong nito sakin, sabay gawad ulit ng smack sakin. Napangiti naman ako.

“Bakit? Akala ko ba ayaw mo ako sa apartment mo umuwi?” makahulugan kong tanong dito.

“Tagal na kasi nating hindi nakakapag...” sabi nito pero isinupalpal ko na ang scotch bright na may sabon sa kaniyang labi para hindi na niya maituloy ang kaniyang sasabihin.

“Namimiss ko na ito oh.” sabi niya sabay hawak sa aking puwet. Pinandilatan ko ito ng mata.

“Ayown! Yun lang pala ang namimiss mo eh!” sabi ko dito sabay simangot.

“Syempre namimiss ko yun, lalaki lang ako may pangangailangan din. Pero siyempre gusto ko may makakasama na ako sa apartment ko. Gusto ko andun ka paggising ko sa umaga. Gusto ko nayayakap at nahahalikan kita lagi saka antagal na nating magboyfriend wala pa tayong, baby.” sabi nito, di ko na napigilan ang sarili ko at nabatukan ko na ito.

“Sige sige scratch mo na yung huli kong sinabi. Namimiss na kita, andami ko ng panahong sinayang nung nanlamig tayo sa isa't isa. Saka nagpromise din akong aayusin ko na ang kung ano mang meron satin, diba?” sabi nito, seryoso na si Jase. Alam ko na ang tingin na binibigay niya sakin. Napangiti na lang ako.

0000oooo0000

Isang araw bago ako lumabas ng ospital ay nagtext sakin si Jase. Hindi na ito numero ng kwarto at kung ano pa man na konektado sa booking.

“Mamya na ang paglipat ng hon ko!” sabi nito sa text. Bahagya naman akong napangiti at kinilig. Di pa lumilipas ang ilang oras at nagtext nanaman ito.

“Hon, intayin mo ako mamya ha? Sa lobby na ng ospital tayo magkita.” sunod na text nito.

Halos hatakin ko na ang oras para makalabas agad ako ng ospital.

0000oooo0000

Isang oras na akong nagiintay sa may lobby, nagsisimula na akong magalala kay Jase at kung dadating pa ba ito. Nagsisimula na akong magisip ng di magagandang bagay tulad ng...

“Pinagtripan lang kaya ako ni, Jase? Baka ipinapamukha niya lang sakin na patay na patay parin ako sa kaniya at di ko talaga gusto ang makipaghiwalay sa kaniya.” nasa ganito akong pagiisip ng biglang may nagtext. Si Jase. Sisimulan ko na sanang basahin ang text nito ng biglang may tumawag sa pangalan ko, napalingon ako.

“Nate?”

Itutuloy...  

No comments:

Post a Comment