Friday, January 11, 2013

Against All Odds: Book 2 (11-15)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[11]
Palinga-linga si Mike. Puno ng kaniyang mga kapwa magaaral ang gymanasium ng kanilang paaralan para sa kanilang pagtatapos. Masasaya ang mga ito, ang iba, katulad ni Mark ay dahil wala ng mga nakakairitang guro na magbibigay sa kanila ng assignments, tulad ni Dave ay wala ng uniform na mandatory na ipapasuot sa kanila, katulad ni Martin na umaasang makakapagsimula ulit siya ng bago sa kolehiyo at hindi na muli pang pasasaringan. Pero kabaligtaran ng kasiyahan ng mga ito ang nararamdaman ni Mike.


Hindi siya mapakali at nangangamba siya sa hindi maipaliwanag na rason. Ilang linggo bago ang kanilang final exams ay hindi na muli pang nakita ni Mike ang kaniyang best friend. Pero hindi ang pangangamba na hindi ito makagraduate ang kaniyang nararamdaman ngayon dahil alam niya na ito ang hinirang na valedictorian ng kanilang klase, kahit pa karamihan sa kanila ay nagtataka kung pano nangyari iyon. Ang kaniyang pangangambang nararamdaman ay hindi niya maipaliwanag.


“Martin---” tawag ni Mike kay Martin nang makita niya ito na katulad niya ay palinga-linga rin at alam niyang nagiintay din ito kay Dan.


“Have you seen Dan?” tanong ni Mike.


“No, not yet---”


“Mike---!” singit ng lalaking nasa likod ni Martin na ikinagulat ng huli. “Long time no see!” nakangising pagtatapos ni Melvin, pilit na iniwas ni Mike ang tingin kay Melvin at muling humarap kay Martin upang kausapin ito, ngunit lahat ng kaniyang sasabihin dito ay tuluyan na niyang nakalimutan matapos siyang salubungin ng pinaghalo-halong galit, pandidiri at panghuhusgang tingin ni Martin.


Pinili na lang ni Mike na umiwas sa gulo.


“E-excuse me.” bulong ni Mike sabay talikod at lakad palayo.


“Aww! Iiwan mo ako ng hindi man lang tayo naguusap?” nakangising habol ulit ni Melvin kay Mike ngunit hindi na ito pinansin pa ng huli na nagmamadali namang umalis sa lugar na iyon na lalong ikinakulo ng dugo ni Martin.


“Shut up.” singhal ni Martin na ikinagulat ni Melvin.


Buong buhay nilang dalawang magkapatid, si Martin ang mahina, lampa, mabagal at puro pagaaral ang alam. Hindi sumasagot sa mga magulang at hindi nanunumbat kahit pa ilang beses silang makalimutan ng mga ito. Tinignan ng mariin ni Melvin si Martin, wala siyang ibang makita sa mga mata nito kundi galit, pagkadismaya at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay may halo ring pandidiri ang tingin na iyon.


“Ma---” simulang pagtawag pansin sana ni Melvin sa kapatid nang biglang dumating ang isang guro at pinapila na ang mga estudyanteng magsisipagtapos.


0000oo0000


“But Ma'am wala pa po si Dan---” pagmamatigas ni Mike pero hindi na siya pinansin pa ng guro at marahan parin siyang itinulak papunta sa pila ng mga estudyanteng magsisipagtapos.


“Damit, Danny! Where the hell are you?!” nagaalalang saad ni Mike, hindi na niya natiis at hinanap na niya ang pwesto nila Mark at Dave, iniisip na maaaring pinagtutulungan nanaman ng mga ito si Dan, napanatag na lang ang loob niya nang makita niya itong tahimik na humahagikgik habang nilalagyan ng mga lantang bulaklak mula sa isang vase ang buhok ng isa sa kanilang mga kaklase.


“Danny.” saad ulit ni Mike sa sarili habang hindi alam kung saan pa hahagilapin ang kaibigan. Tumingin siya sa gawi ng kaniyang mga magulang, umaasa na katabi ng mga ito ang kaniyang tita Lily at si Dan ay malayo lamang na nakapila sa kaniya kaya't hindi niya ito makita, ngunit nang makitang wala rin sa tabi ng kaniyang mga magulang ang kaniyang tita Lily ay wala ng nagawa pa si Mike kundi ang magalala ng tahimik sa kaniyang kinatatayuan.


0000oo0000


“Where are you?” pang ilang beses ng text ni Mike kay Dan ngunit, katulad ng ilang naunang text na kaniyang pinadala dito ay hindi parin ito sumasagot. Sinubukan na niya itong tawagan ngunit ring lang ito ng ring.


“And now, may we call on our Valedictorian for his Valedictory speech.” saad ng isa sa mga guro. Ang buong gymnasium ay nilunod ng malalakas na palakpakan.


Ngunit walang Valedictorian na umakyat sa stage.


“Mr. Daniel Arellano.” tawag pansin ulit ng guro na kinakabahang tumingin sa kanilang principal matapos nitong tawagin ang mismong pangalan na ng valedictorian. Ang kinakabahang tingin na ito ay tila hindi naman napansin ng lahat dahil muling nalunod sa malakas na palakpakan ang buong gymnasium.


Ngunit matapos ang pangalawang pag-tawag pansin na iyon para kay Dan ay hindi parin ito sumulpot sa may entablado. Nagsimula ng magtinginan ang magbulung-bulungan ang mga magulang ng ibang magaaral, kaniya-kaniyang haka-haka kung nasaan marahil ang valedictorian na matapos ang ilang ulit na pagtawag sa pangalan nito ay hindi parin nagpapakita.


Umakyat na sa entablado si Mrs. Hernando, namumula ang pisngi nito, hindi malaman ng lahat kung dahil sa galit o dahil sa hiya dahil naantala ang kanilang programa.


“I'm sorry, but it seems our Valedictorian did a rain check---” simula ni Mrs. Hernando, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi na narinig pa ni Mike ang mga sumunod na sinabi ni Mrs. Hernando, ang kanina kasing pangangamba sa kinaroroonan ni Dan at ang hindi maipaliwanag na hindi magandang pakiramdam ay tuluyan ng nauwi sa takot.


Wala sa sariling tumayo si Mike mula sa kaniyang kinatatayuan at tumakbo sa gawi ng exit ng kanilang gymnasium. Walang pakielam sa nagtatakang tingin ng halos lahat ng tao doon.


0000oo0000


“Mrs. Hernando, can I have a minute?” kaswal na tanong ng ina nila Martin at Melvin matapos nitong ma-solo si Mrs. Hernandez pagkatapos na pagkatapos ng graduation. Habang ang dalawang magkapatid ay tahimik lamang na nanonood sa gagawin ng kanilang ina.


“Yes, Mrs---?”


“Mrs. Roxas.” pagpapakilala ng ina nila Martin na nakasuot ng magarang damit at halatang halata ang mataas na pinagaralan.


“Mrs. Roxas, what can I do for you?” kaswal na balik naman ni Mrs. Hernando.


“I'll go to the point already since I can see that you're busy--- You see Mrs. Hernando, my son deserves more, nakita ko na hindi ganoong ka committed ang napili niyong valedictorian and based from what I heard, binigyan niyo ng special exams ang 'valedictorian' na iyan---” simula ni Mrs. Roxas ngunit agad sin siyang pinutol ni Mrs. Hernando lalo pa't nakukuwa na nito ang ibig nitong ipahiwatig.


“Excuse me, Mrs. Roxas. Ma'am, hindi naman po sa pambabastos ano, pero ang exams po na ibinigay namin kay Mr. Arellano ay from the director of Catholic Schools in Manila. Those exams are extra hard, umabot pa sa point na ang ilang mga tanong ay mas advance pa sa naituro sa kaniya. So ibig sabihin po nun ay hindi kami nagbigay ng special favors kay Mr. Arellano. Ang tangi lamang naming ginawa ay kundi ang pagbibigay dito ng mahihirap na exams two weeks early---”


“Exactly! Bakit kailangan niyang kuwanin ang exams two weeks early? Hindi ba special treatment ang tawag don? And if I were you, Mrs. Hernando, I should be careful, you might lose your job because of these special favors na ibinibigay mo sa mga students mo.” may pagbibintang at pagbabantang balik ni Mrs. Roxas. Ang inaasta ng ginang na ito ay hindi nakaligtas sa kaniyang anak na si Martin na tila gusto ng magpakain sa lupa habang si Melvin naman ay pilit paring tinatanong ang sarili sa biglaang pag-iiba ng ugali ng kapatid.


At ang inaasta na ito ni Mrs. Roxas ay tila naman nagtulak kay Mrs. Hernando na masaid ang kaniyang pasensya. Pilit pinapakalma ang sarili ay inisip niya na ginawa niya ang lahat ng iyon upang matulungan si Dan at ang pakikipag-away sa isa sa mga magulang ng kanilang mga estudyante ay makakasama pa sa kaniyang layunin na iyon.


“Dan, na-perfect mo lahat ng exams mo, Congrats!” masayang bati ni Mrs. Hernando nang makita niya ang naglilimas at nagmamadaling si Dan sa tahimik na hallway ng skwelahan. Ngunit imbis na kagalakan ang nakita ni Mrs. Hernando ay lungkot ang nakita niya sa mga mata nito.


“Aren't you happy na ikaw ang magiging valedictorian?” nagtatakang tanong ni Mrs. Hernando. Umiling sagit si Dan saka isinara ang kaniyang locker na katatapos niya lang limasin ang mga laman.


“I told you, Ma'am. I don't need the title. I just want to graduate and leave this school.” malamig at walang ganang sagot ni Dan na tila isang taong nawalang ng pag-asa. Saglit na tinitigan ni Mrs. Hernando si Dan, nang aktong patalikod na at maglalakad na palayo sa kaniya si Dan ay tinanong niya ito.


“Why?” pabulong at marahang tanong ni Mrs. Hernando. Hindi napigilan ni Dan ang sariling mga luha na tumulo.


Nanghihinayang si Dam, dahil isa sana iyon sa mga rason upang maging masaya silang dalawang mag-ina. Matagal na niyang minimithi ang umakyat sa stage at tanggapin ang titulo na iyon kasama ang kaniyang ina na marahil sana ay proud na proud sa kaniya.


Ngunit hindi na iyon mangyayari.


Hindi nakaligtas ang pagtulo ng mga luha ni Dan kay Mrs. Hernando. Tila isang de awtomatikong makina ay biglang nag-switch si Mrs. Hernando mula sa pagiging striktang principal papunta sa isang malambing na ina. Niyakap niya ang naghihinagpis na si Dan na lalo namang humagulgol. Lumipas pa ang ilang minuto na yakap yakap lamang ng matandang babae si Dan bago ito nagsalita.


“S-sinaktan nila a-ako---”


Muli, nang maalala ni Mrs. Hernando ang mga ikinuwento ni Dan ay hindi niya mapigilan ang kaniyang mga luha na mangilid sa kaniyang mga mata, mangilabot at magalit. Hindi man niya inasahan ang hindi nito pagsipot sa kanilang graduation ay pilit naman itong inintindi ni Mrs. Hernando, lalo pa't alam niyang may binabalak ito.


“Put yourself in my shoes, Mrs. Roxas---” kalmadong simula ni Mr. Hernando. “---Kung nilapitan ka ng isang student mo na muntik ng mamatay dahil sa pam bu-bugbog at pangga-gahasa ng mga taong itinuring niyang kaibigan at pinagkakatiwalaan, estudyante na walang kakampi maski ang kaniyang ina at wala ng iba pang hiniling kundi ang makalis sa skwelahang ito at makalayo sa mga taong bumaboy sa kaniya at sa patuloy na sumisira sa kaniya, anong gagawin mo?” kalmado pero puno ng diin na saad ni Mrs. Hernando na ikinatameme ni Mrs. Roxas, ikinakuwa ng atensyon ni Melvin at ikinamutla nito at lalong nagdulot kay Martin na ihiling sa sarili na kainin na siya ng lupa.


“I-I---” nauutal na simula ni Mrs. Roxas.


“Speechless? Yeah, Mr. Arellano left me speechless too when he told me the reason why he wanted to leave the school early. His story was backed up by the medical reports he submitted to the school clinic for being absent for almost two months. You can see them if you want and if you're still in doubt about the school's decision to name Mr. Arellano as this school years valedictorian.” matapang paring balik ni Mrs. Hernando sa namumutla ng si Mrs. Roxas.


0000oo0000


“Martin, wait.” tawag pansin ni Melvin sa kaniyang nakababatang kapatid nang hindi na niya matiis pa ang sarili na itanong dito ang dahilan ng biglaang pag-iiba ng ugali nito, partikular sa kaniya. Matagal na niyang natanggap ang pagiging malamig at pambabalewala ng kanilang mga magulang, ngunit ang biglaang panlalamig sa kaniya ng kaniyang nagiisang kapatid na aminin niya man o hindi ay ang tanging tao lamang na natitira na maaaring sumuporta sa kaniya kapag nangailangan siya ay talaga namang ikinabahala niya.


Tumigigil sa paglalakad sa likod ng kaniyang ina si Martin at tinignan ng masama si Melvin na lubos namang ikinabigat ng loob ng huli.


“What's wrong? May nagawa ba akong masama?” nagaalalang tanong ni Melvin. Lalong bumakas ang galit sa mukha ni Martin na ikinabahala lalo ni Melvin.


“Tingin mo?” sarkastikong balik ni Martin, sinusubok ang kapatid.


“I-I'm s-sorry. OK. Kung ano man---” naputol sa pagsasalita si Melvin ng marinig niya ang pekeng tawa ng kapatid na ikinakilobot niya. Walang nakakatawa sa tawa na iyon ng kaniyang kapatid. Wala siyang ibang nakikita sa mga mata nito kundi ang galit.


“Still playing dumb, kuya?” sarkastikong balik ni Martin na lalong ikinatahimik ni Melvin.


“Let's see kung mahuhulaan mo. Does the name Dan, ring a bell?--” simula ni Martin na ikinamutla ni Melvin. “---how about the word drugs?” putol muli ni Martin na ikinakabog lalo ng dibdib ni Melvin. “--you still don't know what I'm talking about?---” tumataas boses ng tanong ni Martin sa kapatid. “---How about the words gang rape?”


Sa puntong ito, hindi lamang namumutla, at kinakabog ng dibdib si Melvin. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig at nanlalambot. Hindi alam na siya mismo ang nagsabi nito sa kaniyang kapatid nung minsang high siya.


“I-I didn't know what I was d-doing that night.” palusot ni Melvin ngunit hindi ito kinagat ni Martin.


“What did Dan do to you and the assholes who raped and attacked him para ganunin niyo siya?”


Muling natameme si Melvin sa tanong na ito ng kapatid. Hindi naglaon ay umiling na lang si Melvin. Unti-unti na kasi siyang nilalamon ng sariling konsensya sa kaniyang maling ginawa.


“You disgust me.” singhal ni Martin.


Hindi nakaligtas kay Melvin ang galit, sakit at pagkadismaya sa tono ng sinabing ito sa kaniya ni Martin. At ang sinabing iyon ng kapatid ang pinakamasakit na bagay na kaniyang naramdaman.


Nang makapasok ng ng bahay si Martin ay wala sa sariling napasandal si Melvin sa poste ng kanilang terrace, bumabaw ang paghinga at hindi napigilan ang kaniyang sariling mga luha na tumulo.


0000oo0000


Walang pakielam si Mike kung pinagtitinginan siya ng mga tao sa kaniyang paligid nang bigla siyang tumayo at naglakad palabas ng gymnasium ng kanilang school sa kalagitnaan ng kanilang graduation, walang pakielam maski binabato na siya ng nagtatakang tanong ng kaniyang mga guro at mga magulang, walang pakielam kung tinawag siya ng malakas ng kaniyang ina nang makalabas sila ng gymnasium dahil ang tangi niyang pakay ay mapanatag ang kaniyang loob na ligtas si Dan at walang nangyaring masama dito katulad ng kaniyang narararamdaman.


“I'm sorry. P-please don't let him do anything stupid.” umiiyak na bulalas ni Mike sa sarili habang nagdadasal at habang nagtatatakbo siya pauwi lalo pa't puno ng puno ang lahat ng dyip na kaniya sanang sasakyan.


“This is all my fault.” bulalas ulit sa sarili ni Mike habang marahas na pinapahiran ang kaniyang mga luha na wala ng tigil sa pagdaloy matapos niyang makalabas ng gymnasium.


“P-please. I-I c-can't lose him. P-please don't make him do anything stupid.” pagpapatuloy na dasal ni Mike habang tumatakbo parin.


“I-I never wanted to hurt him. I-I n-never wanted anything bad to happen to him. P-Please d-don't t-take him a-away from me. P-please.” humahagulgol sa pagitan ng paghinga ng malalim ni Mike dahil sa kaniyang pagtatatakbo.


“K-kinurot a-ako ni Mommy.” lumuluhang saad ng anim na taong gulang na si Mike kay Dan.


“Baka kasi malikot ka.” balik naman ng nagaalalang si Dan habang tinitignan ang namumula ng balat ni Mike kung saan siya kinurot ni Brenda.


“Danny, promise mo na hindi mo ako sasaktan at promise ko sayo na hindi rin kita sasaktan.” umaasang saad ni Mike kay Dan habang may mga natutuyong luha pa sa pisngi.


“Oo naman hindi kita sasaktan, Mikee. Best friends tayo eh.”


Lalong nalungkot si Mike nang sumayad sa kaniyang isip ang alaala na iyon. Iniisip na tinupad ni Dan hindi lamang ang pangako na iyon kundi ang lahat ng ipinangako nito sa kaniya habang siya ay wala ni isa sa mga iyon ang kaniyang napanghawakan lalo pa nung tumuntong pa silang dalawa ng high school.


Matapos ang lalong pagtutugis ng sariling konsensya sa kaniya ay hindi muli niya mapigilan ang sarili na makaalala pa muli ng mga bagay na kanilang pinagsasaluhan ni Dan at isa sa mga alaala na iyon ay ang sinabi ni Dan sa kaniya nung gabing nagsimula ang lahat ng iyon.


“I love you.”


Tandang-tanda niya ang takot at pagaalala sa mga mata ni Dan nang sabihin ng huli ang lahat ng iyon sa kaniya. Ngayon niya lang na-realize na hindi rin naging madali kay Dan ang sabihin iyon sa kaniya at hindi muli napigilan ni Mike na makaramdam ng konting kirot, iniisip na hindi iyon masasabi sa kaniya ni Dan ng may halong takot at kaba kung tinupad niya lang sana lahat ng kaniyang mga pangako noon dito.


Masasabi sana iyon ni Dan sa kaniya ng walang pagaalinlangan kung tatanggapin niya ba ang sinabing iyon ng huli o hindi at kung nasabi sana iyon sa kaniya ni Dan noon pa edi sana hindi niya ito ngayon pinangangambahan.


0000oo0000


Nang sa wakas ay nakarating na si Mike sa bahay nila Dan ay walang sabi-sabi siyang pumasok dito. Naabutan niya ang umiiyak na si Lily. Ayon sa mga nakapalibot na wala ng laman na bote ng alak malapit sa kinauupuan nito ay lasing na lasing na ito.


“T-Tita.” tawag pansin ni Mike kay Lily. Agad na nagtaas ng tingin si Lily, kitang kita ni Mike ang mga namumula nitong mata na patuloy parin sa pag-luha.


“YOU! You did this t-to my s-son!” sigaw ni Lily na ikinagulat naman ni Mike. Nagsimula ng umatras palabas ng bahay si Mike ngunit nakita niyang tumayo si Lily mula sa kinauupuan nito, malamang upang palayasin siya ngunit dahil sa kalasingan ay matumba tumba ito. Agad na lumapit si Mike at inalalayan ito paupo muli, dahil hindi narin naman pa kaya ni Lily ay hinayaan na lang niya si Mike pero hindi napigilan ng pagkalasing ang kaniyang pag-iyak at paninisi kay Mike.


“You did this to my son.” saad ni Lily sa pagitan ng paghikbi.


“W-where's Dan, Tita?” nangangambang tanong ni Mike na sinagot naman ng marahas na pag-iling ni Lily sabay tapon dito ng isang maliit na piraso ng papel. Nasalo ito ni Mike matapos siyang tamaan nito sa mukha, itatapon na sana ito at hindi papansinin ni Mike nang makita niya ang sulat kamay ni Dan sa binilot na papel. Muli niya itong binuksan at inalis sa pagkakagusot.


“I'm sorry if I'm such a disappointment to you. I'm sorry for causing you so much pain. I'm sorry for making you forget your promise to me. Sorry for being gay. Sorry for not being the person you want me to be.”


Ang liham na ito ay tila isang bala na tumama sa dalawang tao. Si Lily bilang hindi pagtupad at pagkadismaya sa kaniyang anak ay sapul na sapul ng liham na iyon at si Mike bilang kaibigan ng huli na nangako din dito noong mga bata pa sila na kahit anong mangyari ay best friends parin sila.


Agad na tinungo ni Mike ang silid ni Dan matapos basahin ang maikling liham na iyon, ngunit lalo lamang siyang napaiyak nang buksan niya ang pinto ng kwarto ni Dan.


“I'm s-sorry, Dan. I'm sorry.” bulong ni Mike habang hindi na napigilan ang sariling mga paa na mawalan ng lakas at mapaluhod sa sahig ng kwarto ni Dan.


Itutuloy...


[12]
Halos mapaiyak siya nang makita niya kung magkano lamang ang kaniyang kinita. Tatlong libo mahigit para sa labing limang araw na pagbabanat ng buto, nilunok na lamang niya ang bigat ng loob na iyon, iniisip na ngayon ay may tatlong libo na siyang idadagdag sa kaniyang inipon para sa darating na pasukan. Bago siya tumalikod sa taong nagpapasweldo sa kaniya ay nginitian niya muna ito at nagpasalamat.


Marami mang dahilan upang magpalamon siya sa lungkot ay inisip naman niyang mas maraming dahilan upang siya ay patuloy na ngumiti.

Nang makauwi ay bagsak balikat siyang pumasok sa apartment na kaniyang tinutuluyan dahil sa pagod. Saglit na lumingon-lingon. Hindi parin mapigilang malungkot kahit pa magdadalawang buwan na siyang tumutuloy doon, iniisip na kahit isa sa mga gamit sa kaniyang paligid ay hindi sa kaniya.


Na wala siyang karapatan sa lugar na iyon.


Kumpara sa kumportable niyang kama sa kanilang bahay, masasabing ang sofa na kaniya ngayong hinihigaan ay dahilan ng kaniyang sakit sa katawan na nararamdaman tuwing pagkagising sa umaga, pero katulad ng kaniyang naisip kanina, nagpapasalamat na lang siya na may sofa siyang nahihigaan at may bubong at pader na tumatabing sa kaniya mula sa lamig.


Ipinikit na niya ang kaniyang mga mata. Taimtim na nagdasal na sana ay hindi na siya muli pang dalawin ng mga masasamang panaginip na siyang lalong nagiging dahilan ng kaniyang pagiging miserable. Matapos magdasal ay kaniya ng ipinahinga ang kaniyang mga mata at utak.


Ngunit hindi pa man nagtatagal ay tila isang pelikula na ipinapalabas sa kaniyang sariling utak ang mga bagay na pilit na niyang ibinabaon sa limot, mga bagay na nagtutulak sa kaniya upang maging miserable, mga bagay na hanggang ngayon ay sa kaniya'y nagdudulot ng matinding sakit.


0000oo0000


“Dude! He's crying! Who the hell cries in his sleep?” tanong ng isang lalaki na nakapagpagising sa kaniya. Dali-dali siyang bumalikwas, idinikit ang kaniyang mga tuhod sa kaniyang dibdib at itinago ang kaniyang ulo sa pagitan ng mga ito.


“P-please don't h-hurt me.” nangangatal niyang sagot.


Tumahimik ang buong paligid, walang ibang mariring kundi ang kaniyang paghikbi.


“Hey buddy, we're not going to hurt you. I'm sorry if I scared you.” marahang saad ng lalaking nagtatanong kanina.


Dahan-dahan siyang nagtaas ng tingin sa pagitan ng mga hikbi. Noong una ay naguluhan pa siya, akala niya ay nahihilo parin siya dahil sa antok at dalawa na ang kaniyang tingin sa taong kaniyang kausap, huli na ng mapagtanto niyang dalawang tao nga ang kaniyang kaharap, huli na ng maisip niya na ito pala'y kambal.


Magkamukhang-magkamukha ang mga ito, halos wala kang makitang pagkakaiba, pati ang nagaalalang mga tingin ng mga ito ay magkaterno. Ngunit ang tingin ng kambal na nasa kaniyang kaliwa, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mabilis na napalitan mula sa pagaalala papunta sa pagkainis.


“Call me when this drama is over.” saad ng kambal na nasa kaliwa sabay talikod at pabalang na pumasok sa kwarto malapit sa may kusina.


“Don't mind that asshole. I'm Bryan by the way. You can call me Bry and that asshole is my twin brother, Ryan, you can call him Ry. My mother thought it was cute to give us rhyming names. My brother and I thinks it's stupid, though.” saad ng kambal na nasa kaniyang kanan sabay ngiti at abot ng kamay.


Saglit niyang tinignan ang kamay nito at nang masiguro sa sarili na hindi siya nito sasaktan ay dahan-dahan niyang inabot ang kamay niya dito at nagpakilala narin.


“I-I'm Dan.”


0000oo0000


Hindi mapigilan ni Dan ang ma-conscious lalo pa't mukhang di magawang pigilan ni Bryan ang titigan siya habang inililigpit niya ang kaniyang pinaghigaan sa salas na tila ba isa siyang nakaaaliw na isda sa loob ng aquarium.


“I'm sorry. My brother took and locked the room that's supposed to be yours. He's not supposed to be here, he was expelled from his last school because of some fraternity trouble.” tuloy tuloy na saad ni Bryan.


“I-It's OK. I'm not going to use that room if it wasn't locked anyways.”


“Bakit naman?” parang batang tanong ulit ni Bryan.

“B-baka kasi m-may mawala---” nahihiyang simula ni Dan na ikinabura ng ngiti sa mukha ni Bryan at ikinakunot ng noo nito.


“Tita said you're a good guy--- if she says you're a good guy then I trust you. Kahit pa may nawala sa gamit namin, hindi ka namin pagiisipan ng masama because tita said you're a good guy. She also asked us to share our apartment with you until all of us graduate college. She also said that you have a very big problem and that we should look after you like you are part of the family---” tuloy tuloy na saad ni Bryan, hindi mapigilan ni Dan na mapaisip saglit.


“Where are you planning to go after the graduation?” tanong ni Mrs. Hernando pagka-abot na pagka-abot nito ng kaniyang transcript na maagang ni-request ni Dan, hindi alintana ng principal na hindi na binabalak na di Dan na umattend ng graduation.


“I-I d-don't know yet.” naluluha nanamang sagot ni Dan.


“Where are you planning to study college?” nagaalala muling tanong ni Mrs. Hernando, hindi mapigilang maawa sa batang tila ba pasan pasan ang buong mundo. Umiling lang bilang sagot si Dan, ang tangi lang kasi nitong napla-plano ay ang kaniyang pag-alis sa oras na makuwa na niya ang mahahalagang papeles mula sa kaniyang paaralan, hindi pa niya naiisip kung san siya titira at kung magko-kolehiyo pa ba siya.


“I know a place where you can stay and I can recommend you to a university. Pwede ka nilang bigyan ng scholarship doon, hindi nga lang full scholarship---” hindi pa man natatapos ng principal ang kaniyang sasabihin ay muli na siyang niyakap ng mahigpit ni Dan.


“T-tita niyo si Mrs. Hernando?” tanong ni Dan na siyang nagbalik muli ng ngiti sa mukha ni Bryan.


“She's my favorite Aunt.” proud na sagot ni Bryan sabay tayo mula sa kinauupuan at pumalakpak na parang bata.


“I'm hungry. Do you want breakfast? Did you eat already? I can't cook, though. Can you cook? I'm hungry---” parang bata at masayang sunod sunod na saad ni Bryan na sa unang pagkakataon sa loob ng ilang buwan ay nakapag pangiti kay Dan. Iniisip na hindi malayong magkasundo sila ni Bryan.


“Shut up, Bry. You know how annoying you are when you're like that.” singit naman ni Ryan na halos ikatalon ni Dan dahil sa gulat. Sinulyapan siya ni Ryan, nung una ay parang hindi siya nito nakikita at nang tumalikod ito upang lumabas sa front door ay nakita pa ni Dan na sumimangot ito.


Kung panatag ang kaniyang loob sa masiyahing si Bryan, kabaligtaran naman ang kaniyang nararamdaman kay Ryan.


0000oo0000


“This is so cool! It's like having an extra brother! I've always wanted a little brother when we were young!” sunod sunod na saad ni Bryan na muling nakapagpangiti kay Dan. Sa loob ng ilang oras na kasama niya ito ay napansin ni Dan na may kakaiba kay Bryan, masyado itong hyper maski ang pagsasalita nito na tila ba walang katapusan ay napansin din ni Dan, ngunit isinang tabi niya ito lalo pa't masaya naman itong kasama.


“It's like having a pajama party every night!” masayang saad ni Bryan ngunit agad na nagbago ang expresyon sa mukha nito at napalitan iyon ng lungkot. “Ryan and I used to have those when we were little--- but hey! We can still have those! I can ask Ryan to sleep with us!” sunod sunod at masaya muling saad ni Bryan.


Ang mga ngiti sa mukha ni Dan ay unti-unting nabura. Ganitong ganito rin ang nangyari noon sa kanila nila Mike, Mark at Dave. Madali niyang pinagkatiwalaan ang mga ito at sa huli ay sinaktan lamang siya ng mga ito. Hindi mapigilan ni Dan ang matakot. Iniisip na kailangan na niyang linawin ang lahat kay Bryan at kung maaari kay Ryan din, lalong lalo na ang tungkol sa kaniyang sekswalidad para kung sakaling hindi siya tanggap ng mga ito ay hindi na siya magaaksaya pa ng panahon na lumayo dito bago pa siya saktan ng mga ito katulad ng ginawa nila Mike, Mark at Dave.


“---we used to play chess until we fall asleep--- Do you play chess?---” sunod sunod paring pagdakdak ni Bryan habang inaayos ang extrang higaan sa tabi ng kaniyang kama para higaan ni Dan.


“Bry---” tawag pansin ni Dan kay Bryan na agad namang tumigil sa pagsasalita at masuyong nakangiting humarap sa kaniya.


“I-I h-have to tell you and your b-brother s-something.”

0000oo0000

“Ryan! Dan needs to tell us something!” sigaw ni Bryan sabay ibinagsak ang sarili sa sofa. Dikit kilay naman na lumabas si Ryan sa kaniyang sariling kwarto, ang ekspresyon na makikita sa mukha nito ay pagkainis tila ba sinasabing na-iistorbo siya ni Dan.


Umupo si Ryan sa sofa katabi ni Bryan, hindi man lang magbato ng tingin kay Dan. Sa mga sandaling iyon ay agad na naihambing ni Dan ang dalawang magkapatid. Si Bryan ang kambal na masiyahin, easy go lucky at masayang kausap at kasama habang si Ryan naman ang tahimik na kambal, yung tipong mangangapa ka pa sa ugali nito sa tuwing kasama mo ito na magdudulot sayo na mahiya pa.


Magkapareho sa laki at ganda ang katawan ng mga ito na halata mong banat sa gym. Parehong matangkad at maputi, parehong maamo ang mukha pero para kay Dan ay hanggang doon lang pagkakapareho ng dalawa dahil pagdating sa paguugali ay magkaibang-magkaiba na ang mga ito at napatunayan iyon sa mga susunod na mangyayari.


“I-I asked your Tita for a little help. I need a place to stay while finishing college and she gave me the key to this apartment. B-but I can't just stay here like you're obliged to keep me here. I-If we're going to have problems or if you think you're going to have problems with me, s-sabihin niyo lang sakin and I will go---” simula ni Dan ngunit agad siyang pinutol ni Bryan.


“Of course we want you here, Dan!”


Saglit na natigilan si Dan, hindi parin siya tinitignan ni Ryan na tila ba bored na bored na habang si Bryan naman ay nakatingin sa kaniya na tila ba ngayon lang ito nakakita ng tao.


“I'm gay.” wala sa sariling bulalas ni Dan na lalong nakapagpatahimik sa dalawa. Lalong nangunot ang noo ni Bryan na tila ba hindi nito naiintindihan ang salitang “gay” habang si Ryan naman, sa unang pagkakataon matapos siyang gisingin ng kambal ay binato si Dan ng isang tingin. Isang hindi maipaliwanag na tingin. Hindi niya mapigilang salubungin ang tingin nito at makipagtitigan dito.


Ilang minuto pang binalot ng katahimikan ang buong paligid. Walang ibang naririnig si Dan kundi ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at pagkabog ng kaniyang dibdib habang nakikipagtitigan kay Ryan.


0000oo0000


“So what if you're gay!? Ryan is---” simula ni Bryan ngunit siniko ito ni Ryan sa tigiliran. “---OW! What was that for?” tanong ni Bryan.


“Shut up, Bryan!” singhal ni Ryan sabay pinagmulatan ito ng mata. Tila naman may sikretong mensahe ang sinabing iyon ni Ryan na siyang nakapagpatahimik kay Bryan.


“What my brother is saying is that Tita Melly wants you here. We can't do anything about that. This place is hers. If she say we need to suck it up. We will suck it up no matter how bad of a human you are, we need to live with you. Are we done?! I need to do something more important than this.” singhal ni Ryan na nakapagpatameme kay Bryan at Dan sabay tayo mula sa sofa at muling pumasok sa kaniyang kwarto na tila ba ang pinagkahirap-hirapan na pag-amin ni Dan patungkol sa kaniyang sekswalidad ay balewala lamang sa kaniya.


“Don't mind him. He's just in one of his moods---” pambabalewala ni Bryan sa pagaalburoto ng kapatid sabay mabilis na humarap muli kay Dan at nginisian ito. “Sooo you're gay, huh?! Do you find me attractive?” habol tanong ni Bryan sabay ipinout ang kaniyang mga labi at pumikit. Ang nakakatawang itsura na ito ni Bryan ang nagdulot kay Dan na huwag seryosohin ang pasaring nito patungkol sa kaniyang sekswalidad.


“You're not my type and besides--- You're my older brother.” nakangiting saad ni Dan na nakapagpangiti lalo kay Bryan.


“Yey! I have a new baby brother! So how about that game of chess---?” simula muli ni Bryan na tila naman nagshift sa pagiging bata muli na ikinangiting muli ni Dan.


0000oo0000


Pagkatapos ang pasok ni Dan sa fast food chain na kaniyang pinagtratrabahuhan ay agad naman siyang lumipat sa hindi kalayuan na restaurant kung saan napakiusapan niya ang may ari na pagtrabahuhin siya bilang isang dishwasher. Hindi man kalakihan ang kita doon ay nagagamit naman niya ito para panggastos niya pang-araw araw. Hindi man siya sanay na madungisan ang kaniyang kamay mula sa mga tira-tirang pinagkainan ng iba't-ibang taong hindi niya kilala ay tinitiis niya ito dahil para sa kaniya isa itong marangal na trabaho na makakatulong sa kaniyang upang makatawid ng kolehiyo.


“Marami-rami din ang nahugasan mo ngayon, Dan.” nakangiting bati ng may ari ng restaurant sabay abot ng bayad kay Dan.


“Oo nga po eh pero OK lang po yun---” simula ni Dan sabay punas ng kaniyang kamay sa towel na nakasabit sa kaniyang balikat at inabot ang pera na siyang kinita niya sa paghuhugas ng mga plato. “---Sir, thank you po talaga ha. Di niyo po alam kung ganong kalaking tulong ito saakin.” seryosong batid ni Dan, hindi na sumagot pa ang may ari ng restaurant, inabot na lamang nito ang ulo ni Dan at ginulo ang buhok nito na parang batang gumawa ng mabuti.


Nakangiti at magalang na tumalikod si Dan ngunit hindi parin siya tinantanan ng tingin ng may ari ng restaurant na iyon.


“---Di niyo po alam kung ganong kalaking tulong ito saakin.” ang muling pag-echo ng sinabi ni Dan sa utak ng may ari ng restaurant.


“I know how much this means to you, Dan. I know.” bulong ng may ari ng restaurant.


“Jase, honey. We're ready to go.” marahang saad ng nobyo ni Jase na siyang gumising sa kaniya mula sa pagtitig kay Dan at pagbabalik tanaw nito sa ilang bahagi ng kaniyang nakaraan.


“OK, hon.” masuyong balik ni Jase, ngunit bago iyon ay muli niyang sinulyapan si Dan. Abala ito sa muling paghuhugas ng pinggan sa restaurant na iyon na iniwan sa kaniya ng kaniyang kapatid na si Nate at namayapang asawa na si Aaron, napansin niya kung gaano kadesedido si Dan na magawa ng maayos ang trabaho na iyon dahil alam niya na isa iyong trabaho na iyon na makakatulong sa kaniya.


Muling nakita ni Jase si Aaron, ang kaniyang namayapang asawa sa pagkatao ni Dan. Masigasig din ito katulad nito, mabait at matalino pero katulad ni Aaron ay kitang kita din ni Jase sa mga mata ni Dan na malaki din ang sinosolong problema nito, na katulad ni Aaron ay nagkukumahog din ito upang magkaroon ng maayos na buhay.


Kaya nang magpakita ito sa harapan ng kaniyang restaurant, nagmamakaawa na bigyan siya ng kahit anong trabaho ay hindi na nagdalawang isip pa si Jase na bigyan ito ng trabaho kahit pa hindi naman kailangan ng kaniyang restaurant ang dishwasher, iniisip na kahit sa maliit na paraan na iyon ay parang natulungan narin niya si Aaron, na kahit papano ay nakabawi siya sa dating nobyo nung panahong pinagtutulakan niya ito palayo.


“He reminds me of Aaron too.” marahang saad ulit ng nobyo ni Jase na nakuwa ang tumatakbo sa isip ni Jase. Ngumiti si Jase at humarap sa kaniyang nobyo, nginitian ito saka hinalikan ng mariin sa labi.


“Let's go.” bulong nito sabay lakad palayo mula sa kusina ng restaurant.


0000oo0000


“Hey! How's work?” masiglang tanong ni Bryan kay Dan.


“Hi Bryan! Hi Ryan! Work was work.” nakangiting saad ni Dan sa kabila ng pagod. “Hey I brought you guys food from the restaurant!” pahabol ni Dan.


Hindi na inintay pa ni Dan na sumagot ang dalawa. Nagpa excuse agad siya upang magpalit at makabalik agad sa hapagkainan upang maibsan na ang sobrang gutom na kaniyang nararamdaman. Ngunit nang makabalik siya sa may living area ng apartment ay naabutan niya ang nakasibanghot at hindi kumakain na si Ryan. Iniisip na wala nanaman ito sa mood ay masuyo na lang itong inalok muli ni Dan na kumain.


“Ryan, kain tayo. Masarap 'tong shawarma dun sa Gustav's.” masuyong alok ni Dan kay Ryan.


“Sa Gustav's?! Grabe sarap ng shwarama pita dun! Bakit di mo agad sinabi na dun ka nagtratrabaho?! Naku, uwian mo lang si Ryan ng shawarma pita dun panigurado maaalis na ang init ng ulo nun sayo.” tila batang kinikilig na saad ni Bryan nung minsang nagkwentuhan sila tungkol sa mga lugar na pinagtratrabahuhan ni Dan.


Kaya naman kahit may pinaglalaanan si Dan sa pera na kaniyang kinita nung gabing iyon kakahugas ng pinggan ay mas pinili parin niyang ibili ang kambal ng paborito nitong shawarma, hindi para magpalakas kay Ryan katulad ng sinabi ng kakambal nito na si Bryan kundi para maipakita ang kaniyang pasasalamat sa pagpayag ng mga ito sa gusto ng kanilang tiyahin na si Mrs. Hernando.


“I don't eat table scraps.” singhal ni Ryan na ikinabura ng ngiti sa mukha ni Dan at ikinatigil ni Bryan sa masuyong pagnguya.


“They're not left---.” malungkot na simula ni Dan ngunit hindi na siya pinatapos pa ni Ryan sa pagsasalita..


“Whatever---” simulang balik nito sabay tayo, kinuwa ang wallet at susi ng sasakyan “Don't wait for me. I'll be home late.” pahabol nito bago lumabas ng front door ng kanilang apartment.


Wala pa mang sampung segundo ang itinatagal ng pagkakasara ng front door ay hindi na napigilan ni Dan ang mga luha na mangilid sa kaniyang mga mata. Hindi makapaniwala na hanggang sa ngayon ay nahihirapan parin siyang makipagkapwa tao katulad noong panahong tumuntong sila ni Mike ng high school.


At nagsasawa na siyang ipagsiksikan ang sarili o kaya naman ay pilitin ang mga ito na magustuhan siya katulad noong ginawa niya kila Mark at Dave at kasama ng pananawa na iyon ay ang takot, takot na kapag pinabayaan niya ang sarili na mapalapit muli sa ibang tao katulad ng kaniyang unang pakay kila Bryan at Ryan ay muli nanaman siyang magbukas ng pagkakataon upang saktan siya ng ibang tao katulad ng nangyari noon kay Mark at Dave.


“Hey, don't mind him.” marahang saad ni Bryan na agad binitawan ang kaniyang kinakaing shawarma para pagaangin ang loob ni Dan. Na-appreciate naman ito ni Dan, pero katulad ng kaniyang iniisip, hindi na niya muli pang pagbubuksan ng pagkakataon muli ang kahit na sino na saktan siya kaya naman agad niyang iniwas ang kamay mula sa mga kamay ni Bryan.


“I-It's OK. I-I'm sorry. I don't feel well. Magpapahinga muna ako.” palusot ni Dan sabay tayo mula sa hapagkainan, iniwan ang hindi pa nagagalaw na shawarma at tumuloy na sa kwarto.


Pinanood ni Bryan si Dan habang naglalakad papunta sa kanilang kwarto, nagtataka kung bakit ang bilis ng pagbabago ng ugali nito, mula sa pagiging masayahin papunta sa pagiging malamig. Nang walang maisip na posibleng dahilan ay ikinibit balikat na muna ito ni Bryan at nagpatuloy lang sa pagkain, ngunit sa kabila noon ay isinumpa niya na aalamin niya kung ano ang ikinagaganoon ni Dan.


Habang nagiisip ay hindi napansin ni Bryan na naubos napala niya ang kaniyang kinakaing shawarma, iniisip na hindi naman kakainin ni Ryan at Dan ang kani-kanilang parte ay napagpasyahan niyang kainin na ang mga ito, habang tinitignan niya ang loob ng plastic na kinalalagyan ng mga shawarma ay hindi napigilan ni Bryan na mapansin ang isang piraso ng papel. Nang basahin niya lang ang nakalagay sa papel na iyon saka niya na-realize na isa pala itong resibo. Resibo ng anim na shawarma na binili ni Dan. Nagpapatunay na hindi nga tira-tira ang mga ito katulad ng sinabi ni Ryan.


“You're such a douchebag, Ryan.” umiiling habang ngumunguyang saad ni Bryan.


Itutuloy...


[13]
Isang buong semester na ang lumipas. Nahihirapan man sa sabay na pagtratrabaho at pagaaral ay nagpupursigi parin si Dan. Hindi na nga niya hinayaan pang magkaroon ng pagkakataong saktan siya nila Bryan at Ryan. Umaalis siya ng tulog pa ang mga ito at umuuwi galing sa trabaho ng tulog na ang mga ito. Ilang beses din siyang sinubukang kausapin ni Bryan ngunit iniiwasan niya lang ito, hindi siya nagpapadala sa malungkot na itsura nito sa tuwing iiwasan niya ito, iniisip na ito lang ang paraan para hindi na siya muli pang magtiwala at hindi na muli pang masaktan.


“Asshole!” singhal ni Bryan sa kaniyang kapatid sabay tulak dito matapos siyang muling iwasan ng nagmamadaling si Dan.

“What?!” pasinghal na tanong rin ni Ryan sa kaniyang kapatid, hindi ma-gets kung bakit siya nito sininghalan gayong kakikita pa lang naman nila noong umagang iyon.


“After that 'I don't eat scraps” speech of yours, Dan got so cold that penguins would walk out of the place he's in!” singhal muli ni Bryan.


“And I should care because?!” singhal ulit ni Ryan na nakapagpailing kay Bryan.


“Who are you and what have you done to my brother?!” singhal ni Bryan sabay bunggo sa kaniyang kakambal nang daanan niya ito habang naglalakad palayo, hindi makapaniwala sa malaking pinagbago ng kaniyang kakambal.


Hindi mapigilan ni Ryan ang sarili na matameme habang pinapanood ang kaniyang kapatid na maglakad palayo mula sa kaniya. Alam niya ang tinutumbok nito, ngunit hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit ganoon ang kaniyang pakikitungo kay Dan.


0000oo0000


Pareho ng pinapasukang unibersidad sila Bryan, Ryan at Dan, kaya naman hindi malayong magkita-kita o kaya naman ay ang magkasalubong ang mga ito. Sa di kalayuan ng inuupuan ni Bryan sa loob ng silid aklatan ay ang inuupuan naman ni Dan, sinadya niyang hindi magpakita dito dahil alam niyang iiwasan nanaman siya nito, kaya naman nagkasya na lang siya sa panonood sa bawat kilos nito.


Hindi ang pagiging tahimik at malamig na tao ang nakita ni Bryan kay Dan nang una silang magkakilala nito. Nababasa man ni Bryan na may dinadala itong problema ay naging masiyahin o kaya naman puno parin ito ng buhay pero lahat ng iyon ay nagbago nang magpasaring ang kaniyang kakambal dito nang uwian sila nito ng shawarma.


Halos anim na buwan na sila nitong iniiwasan.


“Something's bothering you, Dan. I can feel it.” sabi ni Bryan sa sarili habang mataman paring nakatitig kay Dan. Dahil desedido rin si Bryan na malaman ang ikinakaganoon ng kaibigan at desedido itong tumulong ay hindi na siya nagdalawang isip na damputin ang kaniyang telepono at i-dial ang numero ng taong alam niyang makakatulong sa kaniya.


“Hello tita?”


0000oo0000


Sa kaniyang buong buhay na pagiging ina ay hindi pa sumakit ang ulo ni Brenda sa kaniyang mga anak. Ngayon lang. Ang kaniyang panganay, nairaos niya at ngayon ay may sarili ng pamilya, ang kaniya ngayong pinoproblema ay si Mike.


Tila nawalan ito ng dahilan upang mabuhay. Matapos ang paglalayas ni Dan ay tila ba pakiramdam ni Brenda ay naglayas din ang kaniyang anak na si Mike. Hindi niya ito makausap ng maayos, pumapasok ito sa skwelahan ngunit tila ba ang isip nito ay wala sa itinuturo ng kaniyang mga guro, nagsimula na itong pumayat, madalas niyang naaabutang nakatitig sa isang tabi tila ba napakalalim ng iniisip.


Ilang beses na niyang sinabi dito na hindi niya kasalanan ang nangyari kay Dan, ngunit tila nakikipagusap siya sa hangin. Kinausap tungkol sa pag-aaral nito ngunit tumatango o umiiling lang ito. Hirap na hirap na si Brenda sa kaniyang bunso, gusto niyang gawin lahat ng kaniyang makakaya maibalik lang ang dati nito sigla.


Pero kahit gaano pa siya kagaling na ina at kahit anong tulong pa ang kaniyang i-abot sa kaniyang anak ay tila hindi pa iyon lahat sapat. Dahil hindi na niya alam pa kung ano ang gagawin para bumalik ang sigla nito.


“We can't accept him for second sem, Mrs. Feliciano---” simula ng dean ng departamento ng kursong kinukuwa ni Mike, na siyang gumising sa malalim na pagiisip ng mag-ina sa loob ng opisina ng dean.


“I'm sure we can do something about this. Arrange an agreement, perhaps?” nagbabakasakaling tanong ni Brenda sa sarili. Hindi niya ugali ang magmakaawa o kaya ang mamilit pero kinalimutan niya ang pride niya dahil sa isang alaala na kaniyang pinanghahawakan.


“Ma, I want to be a lawyer.” walang sabi sabing saad ng isang desedidong- desedido na si Mike isang araw habang nag aalmusal silang mag-anak bago pa man ito tumuntong ng fourth year high school.


“Law school is expensive---” simula ni Brenda ngunit nang makita niya ang pagbagsak ng mukha ni Mike ay agad siyang bumawi. “---but hey! We have no atty. in the family yet! I promise, no matter what happen, I'll do my best to support you all the way.” nakangiting pagtatapos ni Brenda na muling nagtatak ng ngiti sa mukha ni Mike.


“I'm sorry, Mrs. Feliciano. We did everything we could for him to stay in this university. Pero mukhang siya naman yung ayaw magpatulong, Misis.” mahinahon at malungkot na saad ng dean. Pilit itong inintindi ni Brenda kaya naman wala na lang siyang nagawa pa kundi ang tumango at sundin ang gusto ng ina.


0000oo0000


“What's happening to you, Mikee?” tahimik na tanong ni Brenda habang asa biyahe sila pauwi ng kaniyang anak.


Sa tawag na “Mikee” sa kaniya ng ina ay hindi napigilan ni Mike ang malungkot, mapapikit sa sakit habang pinipigilan ang mga luha sa pagtulo.


Masayang tumatakbo si Mike at Dan papunta sa isang burol hindi kalayuan sa kanilang mga bahay. Mataas ngunit hindi mainit ang sinag ng araw, katamtaman lang din ang ihip ng hangin kaya't inaya ni Mike na magpalipad ng saranggola sa may burol si Dan, ngunit si Dan, bilang si Dan ay may pagkamahina sa matagalang pag-takbo. Umiiyak itong napaupo sa madamong daan patungo sa tuktok ng burol.


“Mikee!” sigaw ni Dan. Agad at nagaalalang tumingin si Mike sa kaniyang kaibigan, nakita niya itong umiiyak na nakaupo sa may damuhan. Agad siyang tumakbo papalapit dito dahil sa takot na nasaktan ang kaibigan.


“OK ka lang Danny?” nagaalalang tanong ni Mike. Tumango si Dan bilang sagot at agad na pinahiran ang kaniyang mga luha dahil para sa kaniya ay wala na ang saysay ng pag-iyak sa pagkat andun na si Mike.


“Napapagod na ako, Mikee.” sagot ni Dan sa pagitan ng mga hikbi. Napahagikgik naman si Mike at pinahiran ang natitira pang mga luha sa pisngi ni Dan sabay abot dito ng kanilang saranggola.


“Ayan, hawakan mo, ipapasan kita.” sabi ni Mike sabay luhod sa damuhan para ipasan si Dan.


“Yehey!” sigaw ni Dan sabay hablot ng mga saranggola at akyat sa likod ni Mike na muli namang napahagikgik.


“Gusto mo lang atang ipasan kita eh.”


“Oo naman.” humahagikgik naring sabi ni Dan.


“Ah ganun ah?! Sige, pagdating sa tuktok ihuhulog kita.” humahagikgik na banta ni Mike sa kaniyang kaibigan


.“Arghhhh! Mikee!” sigaw ni Dan nang bilisan ni Mike ang kaniyang paglalakad patungo sa tuktok ng burol upang ituloy ang pananakot kay Dan.


“MIKEE!”


“Mike?” nagaalala at may luha ng tanong ni Brenda sa kaniyang anak. Hindi ito nakaligtas kay Mike na muling napaisip ng malalim at iniiwas ang kaniyang tingin mula sa ina at itinuon iyon sa labas ng bintana ng kanilang sasakyan.


Masyado nang maraming nasaktan sa pagkakamaling iyon na kaniyang ginawa kay Dan. Nung una ay sinisisi niya sila Mark at Dave pero ngayon, nang makita niyang masasaya ang mga ito na pumapasok sa kolehiyo na parang walang nangyaring masama kay Dan ay sumagi sa kaniyang isip na siya at wala ng iba pang dapat sisihin.


Ngayon hindi lang si Dan at ang ina nitong si Lily ang kaniyang nasasaktan kundi pati narin ang kaniyang mga magulang na siyang lalong nakadagdag ng kaniyang nararamdamang takot. Takot na pati ang mga ito ay mawala sa kaniya katulad ng pagkawala ni Dan at Lily sa buhay niya matapos niyang saktan ang mga ito.


000ooo000


“How was work?” tanong ni Bryan kay Dan nang pumasok ito sa front door ng kanilang apartment na ikinatalon ng huli.


“It's OK.” malamig na sagot ni Dan sa pagaakalang si Ryan ang nagtanong sa kaniya pero nang makita niya ang pinipigilang ngiti ng kambal ay agad niyang napagtanto ang pagkakamali. Si Bryan ang kaniyang kaharap ngayon, marahil natatawa sa kaniyang pagkagulat. Nagpakawala agad siya ng isang matipid na ngiti upang hindi maipaalam sa huli ang kaniyang simpleng pagkakamali na iyon.


“Hey can we talk? Tagal na nating hindi nagkwe-kwentuhan.” habol ni Bryan kay Dan nang makita niya itong papunta na sa kanilang kwarto upang magpahinga na.


“I-I'm really tired, Bryan. Can we do this tomorrow---”


“That's what you said last night--- and the night before that.” malungkot na tingin ni Bryan kay Dan na nagpalungkot din sa huli. Masayang kasama si Bryan at alam niyang mabuti itong kaibigan, ngunit takot na si Dan na magtiwala muli. Hindi ba't ganun din naman si Mike, mabuti at masayang kaibigan, ngunit kinawawa parin siya nito.


“I-I'm sorry.” ang nasabi na lang ni Dan sabay talikod ta aktong bubuksan na sana ni Dan ang door knob nang magsalita muli si Bryan.


“Tita told me everything---” simula ni Bryan na siyang nakapagpatigil kay Dan sa muling pagiwas nito sa huli. “---now I understand why it is so hard for you to trust us. I wouldn't blame you. What they did was awful and I'm sorry it has to happen to you. I'm sorry.” pagtatapos ni Bryan na siyang nakapagpalamig sa dugo ni Dan.


“Y-you h-have no right to talk about my p-past. Mrs. Hernando do-doesn't have the right to tell a-anybody a-about w-what happened!” singhal ni Dan. Nuon lang nakita ni Bryan ang galit na anyong iyon ni Dan, nanginginig na ito at walang tigil ang pagtulo ng luha.


“I'm sorry. But I just want to know kung bakit ka biglang nanlamig samin.” nagaalalang saad ni bryan.


“You have no r-right! You have no right!” sigaw ni Dan sabay upo at sandal sa pader. Idinikit ang kaniyang mga tuhod sa kaniyang dibdib at itinago ang kaniyang mukha sa pagitan ng mga ito.


Sinubukang aluhin ni Bryan si Dan ngunit hindi niya ito maalo sa halip ay lalong tumitindi ang panginginig nito at pagiyak.


0000oo0000


“Di ko na siya naintindihan right after Dan left.” wala sa sariling saad ni Brenda sa asawa habang nakatitig parin kay Lily.


Matapos ang misa ay tumuloy na ang mag-anak ni Brenda sa kanilang sasakyan. Doon nakita nila si Lily, nakikipagtismisan, nakikipagtawanan at tila ba wala lang sa kaniya ang pagkawala ni Dan na lubos na ikinairita ng magawasa sapagkat sila na nagsisilbi lamang na pangalawang magulang ni Dan ay apektadong apektado sa pagkawala nito samantalang si Lily na mismong nanay ng nawawala ay nakukuwa pang tumawa.


“Shhh!” saway ni Obet sa asawa sabay tingin sa rear view mirror at tinignan si Mike na itinuloy lang ang pagkukunwari sa pagtulog, kunwaring napagod sa pakikinig sa mahabang misa.


“It's just that I don't get her.” bulong na balik ni Brenda sabay hikbi. Hindi makapaniwala sa nangyayari sa kaibigan at anak nito. Agad namang niyakap ni Obet si Brenda upang aluhin ito.


Muli, kinain ng sariling konsensya si Mike matapos mapagtantong muli nanaman niyang nasasaktan ang mga tao sa kaniyang paligid dahil sa lahat ng mga nangyari.


0000oo0000


Natapos nanaman ang isang araw ng pagpapanggap. Ibinaba ni Lily ang kaniyang mga gamit mula sa pagsisimba, imbis na dumaretso sa kusina para magluto ng pananghalian katulad ng kaniyang nakasanayan noon nung nandun pa si Danny ay dumaretso na siya sa bar ng kaniyang namayapang ama, nagsalin ng yelo mula sa maliit na ref doon sa isang baso, naglagay ng maraming alak dito at nang lumamig na ang alak ay saka niya ito tinungga.


Pakiramdam niya ay nabura ng mataas na shot ng alak na iyon lahat ng kaniyang problema, na nabura ng alak na iyon ang ala-ala ng kaniyang pagpapanggap kanina sa harap ng maraming tao na siya ay OK lang at parang hindi siya nilayasan ng kaniyang anak.


0000oo0000


Nagising si Brenda nang makarinig siya ng kalansing sa kanilang kusina. Sinubukan niyang gisingin si Obet ngunit patuloy lang ito sa pagtulog. Bumangon siya sa kaniyang higaan at tahimik na bumababa at tinungo ang kanilang kusina. Doon naabutan niya si Mike na tila ba may hinahanap sa loob ng ref.


Iniisip na kaya pala laging walang gana itong kumain sa kanilang harapan ay kumakain pala ito ng palihim sa gabi at kaya pala laging nawawala ang mga pagkain na kaniyang itinatabi sa gabi. Iniisip na paaalalahanan na lang niya mula ang anak sa umaga na hindi tama ang ginagawa nitong pagkain sa gabi ay nagpasya na siya na pumanhik sa kanilang kwarto at matulog ulit.


Pero hindi pa man siya nakakatalikod mula sa bungad ng kusina ay muli siyang napatigil lalo pa ng mapansing hindi sa plato inililipat ni Mike ang mga pagkain na inihahanda nito mula sa ref kundi sa isang tupperware. Muling ibinalik ni Brenda ang pansin sa kaniyang anak.


Nagtago siya nang mapansing papalabas na ito ng kusina. Lihim niya itong pinanood habang kinakalikot ang mga susi na nakasabit malapit sa kanilang telepono at binuksan ang front door nila at gate.


Pagsasabihan na sana niya ito tungkol sa paglabas ng bahay ng dis oras ng gabi ngunit mas nananaig ang kaniyang kagustuhang malaman kung saan tutungo ang anak kaya naman tahimik na lang niya itong pinanood at sinundan.


Nakita niya kung paano ito mag-alangan habang tumatawid ng kalsada at kung pano ito mag-alangan habang binubuksan ang gate ng bahay nila Lily. Agad na nagdikit ang kilay ni Brenda. Tinatanong kung sino pa ang pupuntahan ng anak doon gayong may ilang buwan ng hindi umuuwi ang kaibigan nitong si Dan.


Tahimik niya paring sinundan ang anak papasok sa bahay nila Lily at ang tagpong sumalubong sa kaniya ay talaga at lubusan naman niyang ikinagulat at ikinalungkot.


Madumi ang buong bahay. Malayong malayo sa itsura ng bahay na madalas niya noong pasukin para makipagkwentuhan sa kaibigan na si Lily. Ang mga maduduming damit ay nagkalat sa buong bahay, may mga tira-tirang pagkain na alam niyang iniluto niya may ilang araw na ang nakakaraan na nakakalat sa sahig na nilalanggam at iniipis na, mga piraso ng basag na plato sa sahig malapit sa pader kung saan sa kaniyang palagay ay ibinato sa pader na iyon kaya't nabasag.


“Anong nangyayari dito?!” naguguluhang tanong ni Brenda sa sarili.


Tahimik parin niyang sinundan ang anak papunta sa ikalawang palapag ng bahay at tinungo ang kwarto ng kaibigang si Lily, pero agad siyang natigilan sa inabutang tagpo.


“IKAW NANAMAN?!” singhal ni Lily na halatang-halatang nakinom base sa pagewang gewang nitong ulo at base sa hindi tamang pagkumpas ng mga kamay nito.


“Tita, I brought you food.” tahimik na sagot ni Mike na tila ba hindi niya narinig ang sinabi ni Lily.


“Akala mo mapapatawad kita sa kahayupan na ginawa mo sa anak ko dahil lang sa pagpapalimos mo sa akin ng pagkain?!” singhal ulit ni Lily na nagdulot kay Mike upang mapapikit dahil sa sakit na nararamdaman mula sa pagpapaalala na iyon ni Lily.


Ang totoo niyan ay hindi hinihiling ni Mike ang patawarin siya ni Lily dahil lamang sa pagaaruga niya dito sa gabi sa tuwing hindi ito nagpapanggap na ayos ang lahat, ginagawa niya iyon dahil hindi niya matiis ang kalagayan ni Lily na itinuring na niyang pangalawang ina at dahil narin hindi niya kakayanin pa ng kaniyang konsensya kung pababayaan niya itong mawala rin sa kaniyang buhay katulad ng nangyari kay Dan.


“Bakit mo yun nagawa kay Dan, Mikee?” malungkot na tanong ni Lily sabay napaupo muli sa kaniyang kama at inabot ang pagkaing inaalok ng binata at kinain ito.


“I'm sorry, tita--- I never---” hindi pa man natatapos ni Mike ang kaniyang sasabihin ay agad na siyang umilag mula sa mabilis na lumilipad na takip ng tupperware na binato ni Lily.


“Wala ng saysay lahat ng sorry na yan! Ilang beses ka ng nagsorry dahil sa pagpapakilala mo ng iba pang hayop na iyon kay Dan! Ilang beses ka ng nagsosorry dahil itinapon mo ang tiwala at pagmamahal na ibinigay sayo ni Dan! Ilang beses ka ng nagsorry dahil sa panggagahasa mo sa kaniya! Ilang beses ka ng nagso-sorry dahil sa pambubugbog mo sa kaniya! Ilang beses ka ng nagsosorry dahil sa muntikan mo na siyang mapatay! Iniisip mo parin ba na iba ang magiging sagot ko sayo ngayon katulad ng mga nakaraang gabi na humihingi ka sakin ng tawad? Pwes, mali ka sa iniisip mong yan dahil kailanman hindi kita mapapatawad! Dahil yang paghingi mo ng tawad ay hindi makakapagpabalik sa mga araw, oras, minuto at segundo na wala si Dan dito! Hindi maibabalik niyang peste mong “I'm sorry” ang puri ng anak ko!” sigaw ni Lily atsaka humagulgol, hindi nagtagal dahil sa kalasingan ay nakatulog na itong may mga luha sa pisngi katulad ng mga nakaraang gabi na binibisita ito ni Mike.


“What have you done, Mike?” tahimik na bulong ni Brenda habang umiiyak matapos marinig ang litanyang iyon ni Lily.


Ang mahina at malungkot na tanong na ito ni Brenda ay tila ba mga salitang isinigaw sa megaphone para kay Mike. Agad itong humarap sa ina, nagtama ang tingin ng mga ito. May pagkadismaya, galit at sakit na makikita sa mga mata ni Brenda samantalang kay Mike naman ay lungkot at takot.


Itutuloy...


[14]
Hindi alam ni Bryan ang gagawin. Hindi niya inakalang magiging ganito ang reaksyon ni Dan sa oras na sabihin niyang alam na niya ang tungkol sa nakaraan nito. Oo, karumaldumal ang nangyari dito noon pero ang hindi lang maintindihan ngayon ni Bryan ay kung bakit sila nilalayuan ni Dan at kung bakit ito nanlalamig sa kanila gayong hindi naman nila magagawa ng kaniyang kakambal ang ginawa ng mga dati nitong kaibigan dito.

“Hey.” mahinang saad ni Bryan kay Dan sabay luhod sa harapan nito at niyakap ito ng mahigpit. Nung una ay itinutulak siya nito palayo habang paulit-ulit na nagmamakaawa na huwag siya nitong saktan na siya namang kumurot sa puso ni Bryan.


“We're not like them, Dan. You can trust us. We're not going to hurt you. You can trust me.” sunod-sunod na saad ni Bryan habang mahigpit paring nakayakap sa humihinahon ng si Dan.


“Shhhh--- I'm not going to hurt you---”


0000oo0000


“What have you done, Mike?”


Nanlamig ang buong katawan ni Mike habang binabato ng nagmamakaawang tingin ang kaniyang ina sa kabila ng kaniyang lunod na lunod na sa luhang mga mata. Ngayon, sigurado na siya na tuluyan ng mawawala ang mga tao na malapit sa kaniya.


“I-I'm sorry.” umiiyak na saad ni Dan sa kaniyang ina, hindi inaalis ang pagmamakaawa sa mga mata nito. Wala sa sariling napailing si Brenda.


Sa pag-iling na iyon ng kaniyang ina ay iniisip na ni Mike na hindi lang pagkadismaya ang nararamdaman ngayon ng kaniyang ina kundi ay handa narin siya nitong itakwil dahil sa kaniyang mga nagawa.


“I'M SORRY!” sigaw ni Mike na ikinagulat, pareho ni Lily at Brenda sabay nagtatatakbo palabas ng bahay habang umiiyak.


0000oo0000


Nagising si Dan nang makaramdam siya ng may mabigat na bagay na nakadagan sa kaniyang dibdib. Sinubukan niyang alalahanin ang mga bagay na nangyari bago siya mawalan ng malay nung gabing yun. Naaalala niya ang muling pag-iyak, ang muling pag-bigat ng kaniyang loob at muling paghagulgol katulad nung mga panahong asa paligid niya pa ang mga taong nanakit sa kaniya.


Pero ang mga ala-ala na iyon na pamimigat ng loob at mga luha na walang tigil sa pagpatak ay unti-unting napapaltan ng isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararamdaman. Ang pakiramdam ng pagiging ligtas at ito ay dahil kay Bryan na mahigpit paring nakayakap sa kaniya na para bang isa siyang mamahaling vase na hindi kailanman dapat mabasag.


“You're my brother now. No matter what happens I'm going to be here for you.” bulong ni Bryan saka naramdaman muli ni Dan ang paghigpit ng malalaking braso ni Bryan sa kaniyang katawan.


“T-Thank you.” lumuluhang sagot ni Dan saka inilapat ang kaniyang ulo sa matipunong dibdib ni Bryan. Kung noong mga nakaraang pagkakataon na umiiyak siya ay dahil sa kawalan ng pag-asa, iba ang pag-iyak na ito ngayon ni Dan dahil sa wakas ay nararamdaman na niyang magsisimula nang muling sumaya ang kaniyang buhay.


0000oo0000


Hindi alam ni Mike kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa. Ang tangi niya lang alam ay dapat na siyang makalayo sa bayan na iyon dahil alam niyang wala ng muli pang tatanggap sa kaniya matapos malaman ng kaniyang mga magulang ang mga nangyari at masasamang bagay na kaniyang ginawa sa hanggang ngayon ay nawawala parin niyang kaibigan na si Dan.


Sira na ang kaniyang kinabukasan nuong sandaling pumayag siya sa gusto nila Mark at Dave na gahasain si Dan, kaya naman ngayon ay magaang na lang kay Mike na tanggapin ang katotohanan na hindi na siya makatatapos ng pagaaral katulad ng magkasalo nilang plano ni Dan nung sila ay bata pa, tanggap narin niya na malaki ang posibilidad na siya ay makulong o ipakulong ng sariling mga magulang.


Ngunit kahit gaano niya kadalas sabihin na tanggap na niya ito ay hindi parin non maalis ang sakit. Sakit ng pagkawala ng iyong minamahal dahil sa isang pagkakamali, sakit ng katotohanang wala na siyang kinabukasan pa at sakit ng katotohanan na maaari siyang makulong.


Malalim na ang gabi, wala na masyadong tao sa kalsada kaya naman naisipan ni Mike na kung siya ay maglalayas na at hindi na muli pang babalik ay dapat muna siyang magpahinga at isipin ang mga susunod niyang dapat gawin.


0000oo0000


“Hey.” nahihiyang bati ni Dan kay Bryan nang makita niya itong pumasok sa loob ng kusina habang nagluluto siya.


“Hey bro!” masayang balik ni Bryan sabay nagpakawala ng isang napakagandang ngiti na siyang nagtulak kay Dan na magpakawala din ng isang ngiti.


“There you go! I missed that smile! You know last last week I dreamt about you---” simula ni Bryan na ikinamula ng pisngi ni Dan, hindi ito nakaligtas kay Bryan na agad namang humagikgik. “Doofus! Not in that way!” habol ni Bryan sa pagitan ng hagikgik. “Anyway, I dreamt about that smile! Then after I woke up I swore to myself that I would see that smile again, but you kept on ignoring me and then I decided to know what's your deal so I asked someone who have known you before we did, so I asked tita---” sunod sunod ulit na daldal ni Bryan sabay kuwa ng mga naluto ng agahan sa harapan ni Dan na siyang nakapagpangiti sa huli, hindi makapaniwala kung paano niya namiss ang kadaldalan ng kambal.


“---I mean, it's OK. I was diagnosed with ADHD when Ryan and I were young, I know being raped and being diagnosed with ADHD is not the same but I was also bullied in school before like you---” natigilan si Bryan nang makita niyang ngumiwi si Dan nang sabihin niya ang salitang “raped” alam niyang hindi ito kailanman magiging madali kay Dan kaya naman agad agad siyang humingi ng tawad dito. “I-I'm sorry, I don't mean to remind you of those awful things they did to you. Minsan maski ako nabu-bwisit sa madaldal kong bibig eh. Sabi nga ni Tita, this big mouth will be the death of me.” sunod sunod na daldal parin ni Bryan.


“Anyways, dati niloloko nila akong abnormal, retarded at kung ano ano pa. It hurts you know, but Ryan was always there for me. Minsan pareho pa kaming binugbog niyan nung mga bullies dahil sinabihan niya ng tanga ang mga yun dahil di nila alam ang kaibahan ng ADHD saka ng retarded--- We were born via caesarean section, Ryan's older than me by only two minutes, that's why I call him kuya minsan and when we were young he took the job as my big brother seriously, lagi ako niyang pinagtatanggol. Alam mo, sabi ni Tita ganun din daw ang kailangan mo. Yung katulad ni Ryan, yung magtatanggol sayo lagi saka yung susuporta sa likod mo---” natigilan si Bryan sa pagsasalita nang makita niya ang nangingiti-ngiting mukha ni Dan.


“Why are you smiling?” nangingiti-ngiti naring tanong ni Bryan. Hindi mapigilan ni Dan ang mapahagikgik, ngayon na lang niya ulit ito nagawa matapos ang lahat ng nangyari sa kaniya may ilang buwan na ang nakakalipas at halos nakalimutan na niya kung gaano kasarap pala itong gawin. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapatawa na ng tuluyan nang makita niya ang nagtatakang tingin ni Bryan kasama ang nangingiti-ngiti nitong bibig.


“Ang daldal mo pala talaga kasi.” saad ni Dan sa pagitan ng kaniyang mga tawa. Bagay na matagal narin niyang hindi nagagawa.


Ang mga sumunod na tawa ni Bryan ay miya mo musika sa tenga ni Dan. Sa unang pagkakataon makalipas ang ilang buwan, nakita muli ni Dan ang sarili na nagsasaya. Isang bagay na akala niya ay hindi na niya kailan pang magagawa.


0000oo0000


Napabalikwas si Mike nang makarinig siya ng pagkaluskos sa kaniyang likuran. Magtatatakbo na sana siya papalayo sa lumalapit na mga pigura ngunit wala ng lakas ang kaniyang mga paa kaya naman wala na lang siya sa sariling tumayo sa lugar na iyon at inintay ang maaaring mangyari.


Nang matapatan ng ilaw ang mukha ng taong papalapit sa kaniya ay hiniling na lang ni Mike na hold-up-er na lang ang kaniya ngayong kaharap imbis ang kaniyang ina na puno parin ng luha ang mga mata at mukhang pagod na pagod narin sa kakalakad, marahil dahil sa pagsunod at paghahanap sa kaniya. Nagsimula ng umatras si Mike palayo kay Brenda, ngunit hindi na siya hahayaan pang makalayo muli ng huli.


Imbis na pagsasampalin dahil sa karumaldumal niyang nalaman ay niyakap pa ni Brenda ang anak. Ipinaramdam niya ang pagmamahal niya bilang ina nito kahit ano pa man ang mangyari o nagawa nito. Ang ginawang ito ni Brenda ay talaga namang ikinagulat ng husto ni Mike. Akala kasi ng binata ay ipapahuli na siya nito sa mga pulis matapos ng kaniyang nagawa kay Dan o di kaya naman ay pandidirihan at itatakwil.


Pero laking pasasalamat na lang niya at nakukuwa pa siya nitong tignan, yakapin at mahalin sa kabila ng kaniyang mga karumaldumal na nagawa.


“Everything is going to be OK.” tahimik na saad ni Brenda sa anak saka ito niyakap lalo ng mahigpit na lalong ikinahagulgol ni Mike na parang bata.


0000oo0000


Hindi mapigilan ni Lily ang mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib habang nakaharap sa may limampung tao. Sa karaniwan ay magpapanggap lang siya na wala siyang anak na ginahasa, binugbog at naglayas at mawawala na ang mabilis na pagkabog na iyon ng kaniyang dibdib at ang paranoya na pinaguusapan siya ng mga tao sa kaniyang paligid.


Pero iba ngayon.


Inisa-isa niya ang mukha ng mga tao sa kwartong iyon. Wala siyang pakielam kung abutin siya ng ilang oras sa harap ng mga taong iyon. May ilang tila ba walang pakielam sa babaeng kinakabahan na nakatayo sa harapan nilang lahat, may ilan na tila ba interesadong-interesado na malaman ang kaniyang kwento, may ilan na tila ba inaantok at nagsasabing hindi na bago na may isang babae na noon lang nila nakita ang maglalabas ng sariling baho sa harapan nilang lahat at may ilan na tila ba nagsasabing kaya niya ang kaniyang pagdadaanan.


Pero walang pakielam si Lily sa mga taong iyon. Nang makita niya ang mukha ng nagiisang tao na tangi niyang pinanghahalagahan sa puntong iyon ay itinuon na lang niya ang kaniyang pansin sa maganda at maamo nitong mukha. Nakita niya ang marahan nitong pagtango na tila ba nagsasabi na lagi siyang nasa likod nito kahit ano pang mangyari. Nagbuntong hininga si Lily.


“I am Lily Arellano, a mother of a sixteen year old rape and bullying victim--- and I'm an alcoholic---” malakas na saad ni Lily sa harapan ng punong punong kwarto na iyon.


“Hi Lily!” sabay sabay na sabi ng mga kapwa niya alcoholic kay Lily.


0000oo0000


“So tell me something about yourself, Michael.”


Nagising si Mike sa kaniyang pagiisip ng malalim nang magsalita ang magandang babae sa kaniyang harapan. May mahaba, malalaking kulot at makintab itong itim na buhok, may makinis at maputing balat, maamong mukha na pang model ang mga features. Saglit na nag-alangan si Mike.


“Where's the psychiatrist?” nagaalangan paring tanong ni Mike. Nagtaas ng kilay ang magandang babae sa kaniyang harapan atsaka ipinaghiwalay ang mga mapupulang labi at ngumiti.


“I'm your psychiatrist. I'm Charity Sandoval. Now, we're not here for me. We're here to talk about you.” marrin pero mahinahong saad ni Cha.


Saglit na pumikit si Mike at huminga ng malalim.


“I'm Michael Feliciano, sixteen years old---” bawat salita ay tila ba mabigat para kay Mike meron siyang ideya kung pano ito mapapagaang pero ang hindi niya alam ay kung makakaya niya ba itong gawin.


0000oo0000


“I tried to ignore the fact that his powerful friends raped and tortured him---” lumuluhang saad ni Lily sa manghang mangha na tagapakinig.


Ito ang isa sa mga naisip nilang paraan upang kahit papano ay gumaang na ang kaniyang loob, ang sumali sa mga support group para sa kaniyang pag-inom, depresyon at mabigat na konsensyang dinadala.


Tapos na si Lily sa alcoholic support group, narinig na niya ang iba't ibang dahilan ng pag-inom ng mga tao at ang maaari niyang gawin sa oras na umabot siya sa sitwasyon na ganon. Ngayon, nilalabanan at ginagawan niya ng paraan ang depresyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaniyang pinagdadaanan sa mga taong may ganito ring karanasan, mga taong hindi siya kailanman huhusgahan sapagkat alam ng mga ito ang kaniyang pinagdadaanan at hindi rin maikakaila na nagawa niyang sumali sa mga ganitong support group dahil sa pagbibigay ng ibayong lakas ng loob ng kaniyang kaibigang si Brenda na matapos malaman ang ginawa niyang pag-iwan sa kaniyang anak ay imbis na husgahan siya at talikuran ay tinanggap pa siya bilang malapit paring kaibigan.


Matiyagang tinutulungan ni Brenda si Lily hindi dahil nakokonsensya din siya sa ginawa ng kaniyang anak sa anak nitong si Dan kundi dahil hindi niya rin kasi makayang nakikita na miserable ito. Nagpapanggap na walang bumabagabag pero ang totoo ay malapit na itong mamatay dahil sa sobrang depresyon.


Malungkot na ngumiti si Brenda nang tapunan siya ng nagpapasalamat na tingin ni Lily matapos nitong i-share ang kaniyang mga pinagdadaanan at pinagdaanan. Hindi rin mapigilang malungkot muli ni Brenda kahit ilang beses pang ikuwento ng kaniyang kaibigan ang mga pinagdadaanan nito, dahil hindi niya kailanman inakalang mangyayari sa kanilang dalawang magkaibigan ito lalong lalo ng hindi niya inakalang mangyayari ito sa kanilang mga anak.


0000oo0000


Kitang kita ni Mike ang galit sa mga mata ng kaniyang Nurse Psychiatrist na si Cha matapos niyang ikuwento dito ang kaniyang mga ginawa sa kaniyang kaibigan na si Dan na siyang dahilan upang humingi siya ng tulong sa huli upang kahit papano ay mai-alis ito sa kaniyang sistema upang makapamuhay ng hindi man malaya sa mga alaala ng masama niyang ginawa na iyon, kahit papano naman ay maayos.


“Excuse me.” saad ni Cha na may halong galit saka tumayo at pumasok sa C.R.


“Sixteen year old and already a rapist?! Ano ng nangyayari sa mundo?!” galit na saad ni Cha sa sariling repleksyon nang makapasok na siya ng C.R. Hindi makapaniwala na nagawang manggahasa at muntikan ng pumatay ng kaniyang pasyente na mukhang mabait naman.


Kasama ng pagtatanong sa sarili na ito ang pagsisisi, pagsisisi dahil sa hindi niya pagbabasa ng files ni Mike, kung nabasa niya lang sana ito ay baka hindi na niya tinanggap pa ang kasong iyon. Pero hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa naman niyang bitawan si Mike bilang kaniyang kliyente. Wala sa sariling naghugas ng kamay si Cha, nagbuntong hininga at lumabas ng banyo.


Dahil sa hindi inaasahan ang mabilis na paglabas ng banyo ng kaniyang psychiatrist ay hindi agad niya napunasan ang kaniyang mga luha. Hindi kasi kaila kay Mike na hinuhusgahan siya ng kaniyang psychiatrist base sa nakita niyang galit sa mga mata nito, masakit para sa kaniya ang inasta ng psychiatrist sapagkat akala niya ay ito na ang makakatulong sa kaniya.


“Look, I'm sorry for wasting your time---” simula ni Mike sabay pahid ng kaniyang mga luha. Nawawalan ng pag-asa at sinisimulan ng tanggapin na hindi kailanman gagaang kahit papano ang kaniyang kunsensya mula sa mga maling nagawa.


Hindi nakaligtas ang lungkot, sakit, pagsisisi at kawalan ng pag-asa sa mukha ni Mike kay Cha. Ang galit na kaniyang nararamdaman kanina dito ay tuluyan ng nalusaw at napalitan ng awa. Kitang kita niya hindi lang ang pagsisisi sa mga mata ng binata, meron pang iba ngunit hindi niya pa masabi kung ano ito.


“Get back to your seat.” marahang saad ni Cha na ikinagulat ni Mike na naglalakad na para lumabas ng pinto.


“Ha?” balik dito ni Mike.


“I said get back to your seat. We still have thirty minutes worth of session time.” marahan paring balik ni Cha sabay ngiti at upo sa kaniyang upuan.


Ang mga sumunod na nangyari ay tuluyang nakapagpabago ng isip ni Cha. Niyakap siya ng mahigpit ng binata, pinapaalam kung gaano ito nagpapasalamat. Sa puntong iyon ay sumumpa na si Cha na gagawin niya ang kaniyang makakaya, matulungan lang si Mike.


“T-thank you.” saad ni Mike sa pagitan ng mga hikbi. Ngayon mailalabas na niya lahat ng kaniyang nararamdaman. Alam man kasi ng kaniyang ina ang nangyari ay hindi naman masabi ni Mike ang kaniyang mga nararamdaman at pinagdadaanan dito, dahil nagaalangan parin siya dahil baka mag-iba ang isip nito at tuluyan na siyang itakwil.


Ang panginginig at paghagulgol ni Mike pa parang batang pinalo ng magulang ang nagpatibay sa hinala ni Cha na hindi ginusto ni Mike ang nangyari at lubos itong nagsisisi.


“Shhh, everything is going to be OK.” saad ni Cha kahit pa alam niyang magiging mahirap ito at ibang iba sa mga natulungan na niyang mga kaibigan.


0000oo0000


Nagising si Ryan sa malalakas na halakhakan na nanggagaling sa kusina ng kanilang apartment. Bagot na bagot siyang bumangon sa kaniyang kama, nagtungo sa banyo, naligo at naghanda para sa pagpasok niya sa umagang iyon. Nang makalabas siya ng banyo ay patuloy parin ang halakhakan kaya naman kunot noo siyang nagbihis, lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina.


Doon nakita niya si Dan at Bryan na nagtatawanan.


“Hey! I told you it's going to look good on you!” humahagikgik na saad ni Bryan sabay turo sa kulay pink na apron na pwersahan niyang pinasuot kay Dan may mapagtripan lang.


“Shut up!” humahagikgik ding saad ni Dan na siya namang nabawi ang kaniyang pagiging palabiro matapos patunayan sa kaniya ni Bryan magdadalawang linggo na ang nakakaraan na mapagkakatiwalaan siya nito at hindi dapat katakutan.


“Bagay pala sayo ang maging house wife eh! Sige na wife-y pagluto mo na kami ng breakfast!” biro ulit ni Bryan, sinuntok na lang ni Dan ang braso ni Bryan atsaka sinubukang hubarin ang apron pero pinigilan siya ng huli wala na lang nagawa si Dan kundi ang suutin na lang ang kulay pink na apron kahit pa naaalibadbaran siya dito. Hindi ito nakaligtas kay Ryan na tahimik lang na nanonood sa bungad ng kusina. Wala sa sarili itong napangiti nang makita ang nakakatawang si Dan at madala narin sa malakas na halakhak ni Bryan.


“Oh hey, Ryan! How was your sleep! I tried waiting for you last night but I got soooo sleepy! Hey! What do you think of Dan's apron?!” tuloy tuloy na sabi ni Bryan nang makita ang kakambal. Agad na namula ang pisngi ni Ryan nang malamang nahuli siya ng kakambal na nakangiti habang nakatingin kay Dan. Simula kasi ng ilipat siya ng unibersidad ng kaniyang mga magulang at mapatira kasama ang kapatid at si Dan ay sinusungitan niya ang mga ito bilang protesta na ayaw niya doon sa unibersidad na iyon at mas gusto niya sa dating pinapasukan, kaya naman agad niyang binura ang ngiti sa kaniyang mga mukha.


“He looks gay!” singhal ni Ryan na ikinabura ng ngiti ni Bryan at ikinalamig ng dugo ni Dan. Pinigilan ni Dan ang sarili na magtago at magiiiyak ulit sa mga masasakit na salita katulad ng kaniyang nakasanayan matapos ang insidente noong nakaraan niyang birthday. Pinilit niyang huwag manginig sa takot.


“NEWS FLASH! Dan is gay, Ryan! Live with it!” singhal ni Bryan na siyang dumagdag lakas sa pagpipigil ni Dan sa sarili na umiyak.


“Well--- then he looks gayer!” singhal muli ni Ryan na ikinanganga sa gulat ni Bryan at ikinainit ng dugo ni Dan. Napupuno na siya kay Ryan, iniisip na hindi siya titigilang kutyain ng huli hangga't hindi siya lumalaban dito. Naisip niya na panahon na siguro upang ibalik ang kaniyang tapang at palaban na ugali.


“Thank you, Ryan. You're getting better at being an asshole too. Isn't it great? Me being more gay and you improving as an asshole.” sarkastikong balik ni Dan na ikinagulat nilang tatlo. Sa sinabing ito ay hindi mapigilan ni Dan na makaramdam ng kaunting takot at saya. Pakiramdam niya ay nabawi na niya ang dating pagkatao at nakalabas na siya sa selda kung saan siya matagal ng naka kulong.


“Whatever!” saad ni Ryan sabay talikod. Hindi pa man siya nakakalayo ay narinig niya na ang sigaw ng kaniyang kakambal!


“DAN!!! THAT WAS SOOOOOO AWESOME!” sigaw ni Bryan sabay hagikgik na siya namang sinundan din ng malalakas na tawa ni Dan.


Pero imbis na mainis ay lihim pang napangiti si Ryan, umiiling pero nakangiting lumabas ng kanilang apartment at naglakad papunta sa kanilang skwelahan.


Itutuloy...


[15]
Biglang napabalikwas si Bryan sa kaniyang kama nang bigla siyang makarinig ng isang impit na sigaw. Inabot niya ang bukasan ng ilaw sa tabi ng kaniyang kama, miya miya pa ay binalot ng liwanag ang kanilang kwarto ni Dan. Hindi ito unang beses na nangyari. Sa loob ng kalahating taon na pagsasama nila sa iisang kwarto ni Dan ay lagpas sampung beses na siyang nagigising ng mga impit na sigaw ng huli.

Noong una ay iniisip na lang ni Bryan na madalas lang magkaroon ng masamang panaginip si Dan. Sinubukan niya ring tawagin ang pansin ni Dan tungkol dito pero ikinikibit balikat lang ito ng huli at iniiwasang pag-usapan pa. Paminsan-minsan pagkatapos buksan ni Bryan ang ilaw upang tignan kung OK lang si Dan ay magpapanggap itong parang walang nangyari at mahimbing na natutulog na siya namang pinapalagpas ng huli kahit pa alam ni Bryan na tahimik itong humihikbi at lumuluha.


Pero hindi na ito kaya pang palagpasin ni Bryan lalo pa't alam na niya kung tungkol saan marahil ang masamang panaginip na iyon. Katulad ng nakasanayan ay umarteng walang nangyari si Dan. Pinagpatuloy lang nito ang pagtutulog-tulugan upang hindi na siya pakielamanan pa ni Bryan pero hindi ito kinagat ng huli.


“Hey. It's just a bad dream.” pang-aalo ni Bryan.


Hindi na napigilan pa ni Dan ang sarili at inilabas na niya lahat ng takot na kaniyang nararamdaman. Sa kaniyang panaginip kasi ay nakita niya ang mga mukha ng kaniyang dating mga kaibigan, lango ang mga ito at pilit siyang hinahabol sa huli ng panaginip ay naabutan siya ng mga ito na siyang nagtutulak sa kaniya na sumigaw ng malakas na sa hindi niya namamalayang pagkakataon ay naisisigaw niya rin pala sa kaniyang pagtulog na nagiging dahilan ng pagkaputol ng kaniyang masamang panaginip na iyon at pagkagising ni Bryan na ilang dipa lang ang layo ng hinihigaan mula sa kaniya.


Kahit nagising na si Dan sa masasamang panaginip na iyon ay hindi parin nito napipigilan ang sarili na makaramdam ng pagod at panghihina pero hindi lang pisikal na aspeto ng pagkato ni Dan ang naaapektuhan ng panaginip na iyon, pati ang kaniyang emosyonal na aspeto sapagkat sa tuwing tatakbo ang masamang panaginip na iyon sa kaniyang pagtulog ay hindi niya parin maiwasan ang makaramdam ng sakit, sakit bunga pagtratraydor ng kaniyang mga kaibigan, sakit sa pananakit ng mga ito sa kaniya, sakit na may kasamang galit.


Madalas, pilit niya itong itinatago kay Bryan, nagkukunwari na siya ay mahimbing paring natutulog na parang walang nangyari kahit pa ang katotohanan ay takot na takot siya. Bumabalik din ang sakit na kaniyang naramdaman noong gabing nangyari ang lahat ng iyon na parang kahapon lang ito nangyari. Nagkukunwari na mahimbing parin siyang natutulog kahit pa ang totoo ay pinipigilan niya ang sarili na manginig dahil sa sobrang galit.


Pero iba ngayon. Alam na ni Bryan ang nangyari sa kaniya noong gabi ng kaniyang kaarawan. Wala ng saysay ang pagkukunwari na walang masamang panaginip ang patuloy parin na gumigising sa kaniya paminsan minsan kaya naman tinanggap na lang niya ang mahigpit na yakap na inaalok sa kaniya ni Bryan at humagulgol hanggang sa muling gumaang ang kaniyang loob.


000oo000


Nagising si Ryan nang makaramdam siya ng pamimigat ng pantog, ge-gewang-gewang pa siyang bumangon, nag-ingat ng saglit atsaka naglakad palabas ng kaniyang kwarto papunta sa banyo. Matapos umihi ay inaantok paring naglakad pabalik si Ryan sa kaniyang kwarto para ipagpatuloy ang kaniyang pag-tulog pero bago iyon ay napatigil muna siya sa labas ng kwarto ng kaniyang kakambal kung saan nanggagaling ang liwanag na sumilaw sa kaniya na siyang kumuwa ng kaniyang pansin.


Wala sa sarili siyang sumilip at doon nakita niya si Dan na mahigpit na nakayakap sa kaniyang kakambal na tila ba naka depende dito ang kaniyang buhay at ang kaniyang kapatid na mahigpit ding nakayakap sa huli.


Nangunot ang noo ni Ryan. Alam niya ang tungkol sa sekswalidad ni Dan at wala siyang problema dito ang ipinagtataka niya ay ang sa kaniyang kapatid, alam niyang straight ito at wala siyang duda dito, muli niyang tinignan ang dalawa na siyang magkayakap parin at pinaalalahanan ang sarili na itatanong niya ito sa kaniyang kapatid bukas.



000oo000


Naabutan ni Ryan si Dan at Bryan na masayang nagkukuwentuhan sa may kusina, kumakain ang mga ito ng niluto ni Dan. Dahil abala si Ryan sa panonood sa dalawa habang iniisip na parang walang nangyari noong nakaraang gabi ay hindi napansin ni Ryan na sa kaniya na pala nakatingin si Dan.


“Want some breakfast?” tanong ni Dan na gumising sa pagmumuni muni ni Ryan. Katulad ng nakagawian ay hindi na sumagot pa si Ryan, tumalikod na lang ito basta, naglakad palayo at lumabas ng pinto.


“Your brother is weird.” saad ni Dan na ikinasamid ni Bryan mula sa pagkain.



000oo000


Habang tumatagal ay napapansin ni Ryan ang pagiging malapit ng kaniyang kakambal kay Dan. Hindi niya nakaligtaan na itanong kay Bryan ang tungkol sa kaniyang napapansin ngunit imbis na sagutin siya nito ay tinawanan lang siya nito ng tinawanan hanggang sa mainis siya at magwalk out. Hindi rin nakaligtas kay Ryan ang pagbabago ni Dan, sa loob kasi ng dalawang linggo matapos magtapos ng unang semestre ay lagi ng may nakaplaster na mga ngiti sa mukha ni Dan, tila ang dating nawawalan ng pag-asa at galit na galit sa mundong si Dan ay dinukot ng masasamamang elemento at ipinalit ang isang masigla at masiyahing Daniel. Pero kung siya ang tatanungin ay mas gusto ni Ryan ang bersyon ng Dan na nasa kaniya ngayong unahan.


Kung dati-dati ay nagmamadali itong umalis ng kanilang apartment, ngayon, hindi lang sila babatiin ng kaniyang kambal ng good morning gumagawa pa ito ng oras upang sila ay ipag-luto ng agahan, ipinagmamalaki ang mga natutunan niyang mga putahe na itinuro sa kaniya ng kaniyang kaibigang shef sa pinagtratrabahuhang restaurant.


Muli sa ikalawang pagkakataon ay wala sa sariling tinitigan ni Ryan si Dan. Pinagmamasdan ang malaki nitong pinagbago simula nung pasaringan niya ito patungkol sa inuwi nitong shawarma.


Nawala ang mga malalaking eyebags nito sa ilalim ng mga mata. Lumiwanag ang mukha nito na dati ay tila ba nababalot dilim. Tumingkad ang mapupula nitong labi at hindi rin nakaligtas ang pantay pantay na mga ngipin na madalas na ngayon nilang nakikita sa tuwing ngingiti ang huli. Hindi rin nakaligtas sa pamumunang iyon ni Ryan ang tila ba bagong puno ng buhay, mapupungay at mga kulay tsokolate na mga mata ni Dan.


Natigil na lang ang pagtitig na iyon ni Ryan sa ngayong maaliwalas na mukha ni Dan nang mapansin niya ito na nakatingin narin sa kaniya. Agad siyang nag-iwas ng tingin mula sa ngayo'y naka kunot noong si Dan, tumalikod at naglakad palabas ng kanilang apartment, hindi pinapansin ang pagaya sa kaniya ng kaniyang kapatid upang kumain ng agahan na niluto ni Dan.


“That's the second time that I caught him staring at me like I killed his favorite dog or something.” nagtataka at nagaalalang saad ni Dan na ikinasamid naman ni Bryan dahil sa impit na tawa habang ngumunguya.


“Don't worry about him---” simula ni Bryan sa pagitan ng kaniyang mga pag-ubo. Tinulungan na ni Dan ang nasamid na si Bryan sa pamamagitan ng pag-hagod ng likuran nito. “--I'm sure he's just starting to fall in love with you.” wala sa sariling pagtatapos ni Bryan na ikinatigil ni Dan sa paghagod ng likod nito.


“Shoot! I gotta go---!” mabilis na saad ni Bryan matapos niyang tignan ang kaniyang relo para sa oras. Agad itong tumayo at kinuwa lahat ng pagkain na magkakasya sa kaniyang dalawang malalaking palad saka ngumiti at nagpasalamat kay Dan saka tuloy-tuloy na lumabas ng apartment. Iniwan si Dan na nagiisip mula sa huli nitong sinabi.


Pero hindi rin nagtagal at ikinibit balikat na lang iyon ni Dan. Iniisip na normal lang kay Bryan na magsabi ng mga ganung bagay.


000oo000


Hindi maikakaila ni Lily na nakatulong ng husto sa kaniya ang mga suhestiyon ng kaniyang kaibigang si Brenda. Mas magaang nga sa pakiramdam na nailalabas niya ang kaniyang mga suliranin at tunay na nararamdaman sa pagkawala ng kaniyang anak sa pamamagtan ng pagkukuwento dito sa harapan ng mga support group.


Pero hindi parin tuluyang nawawala ang bigat ng kaniyang pakiramdam. Para sa kaniya ay tila may libo libo paring tonelada siyang dala-dala at andun parin ang paninisi niya sa anak ng taong tumutulong sa kaniya ngayon.


Ayaw man niyang isipin ay sumasagi parin minsan sa kaniyang isip na maaaring naghuhugas kamay lamang si Brenda sa mga nagawa ng kaniyang anak at hindi talaga ito concern sa kaniyang pagiging pala-inom matapos lumayas ni Dan.


Dahil sa sobrang halo halo na ang kaniyang iniisip ay wala sa sariling pumunta si Brenda sa tukador ng alak ng kaniyang ama at nagbukas ng panibagong bote. Inaasahan na katulad ng dati ay mapapawi kahit pansamantala ng alak na iyon ang tonela-tonelada niyang pasanin.


0000oo0000


Sa katapat na bahay naman ay hindi mapigilan ni Obet at Brenda ang magpalitan ng masasayang tingin lalo pa't bumalik na ang sigla ng kanilang anak. Muli ng gumaganda ang katawan nito, palangiti muli, madaldal at muling bumalik ang sigla sa pagkain. Masaya man sa nakikita nila sa kanilang anak ay hindi parin makuwa ng dalawa ang magalala at magtanong sa sarili kung hanggang kailan kaya ang pagbuti ng kundisyon ng kanilang anak.


Isa sa kanilang mga tanong ay kung pano na kung matapos na ang session nito sa kainyang psychologist, mananatili kaya ang sigla ng kanilang anak o mapuputol din ito katulad ng kanilang mga session. Isa pang tanong ng dalawa sa kanilang mga sarili ay kung pakitang tao lang ba ito ni Mike o baka naman sa tuwing isasara na nito ang pinto ng kwarto ay muli itong iiyak.


Naisip ng dalawa ang mga tanong na ito lalo pa't paminsan-minsan ay nahuhuli nila si Mike na nakatulala sa isang tabi at tila ba malalim ang iniisip. Paminsan minsan din nila itong naririnig na sumigaw sa gabi matapos ang masamang panaginip at ang paghagulgol nito pagkatapos.


Pero sa kabila ng mga pagaalala na ito ay hindi parin mapigilan ng mag-asawa na matuwa para sa anak, lalo pa't nagpahayag ito ng kagustuhan na mag-aral muli at ipursigi ang pag aabugasya.


“Found a good school yet?” tanong ni Brenda sa anak na agad namang nagtaas ng tingin mula sa kaniyang platong kinakainan. Ngumiti ito, isang ngiti na nagsasabi kay Brenda at Obet na positibo ang sagot nito, na handa ito muling mag-aral na ginawa bilang tanda na bumubuti na nga muli ang pananaw ng kanilang anak sa buhay.


“Actually---” simula ni Mike.


0000oo0000


“Hey.” nakangiting bati ni Jase kay Dan habang naghuhugas ito ng plato.


“Hi, Boss!” masiglang bati pabalik ni Dan kay Jase na ikinawili ng huli. Ngayon lang kasi ito nakita ni Jase na masaya.


“Everything is doing great in your part, I suppose?” nakangiti paring tanong ni Jase na lalong ikinalawig ng ngiti ni Dan.


“Yup! Everything is great.”


“Base sa smile mo, di na ako magdududa sa sagot mo.” masayang saad ni Jase. Masaya dahil sa wakas ay tila ba bumubuti na ang lagay ni Dan.


“School?” pabitin na tanong ni Jase na agad namang naintindihan ni Dan.


“Will be enrolling for second sem next week.” proud na sagot ni Dan na ikinatuwa lalo ni Jase pero idinaan na lang niya ang pagsang-ayon sa pamamagitan ng pagtango-tango.


“Job at the fast food?” tanong ulit ni Jase na tila ba nagtatanong ng naka sulat sa isang imahinasyong checklist.


“Will be expecting a pay raise next month.” matipid na sagot ni Dan.


“Wow congrats! Makakatulong sa pagiipon mo yan!” nakangiti at excited na saad ni Jase, tumango tango lang din si Dan, hindi maikakaila ang kasiyahan sa kaniyang mukha.


“Love life?” tanong ni Jase na ikinatigil ni Dan sa kaniyang ginagawa. Matagal na hindi sumagot si Dan kaya naman naisipan ni Jase na tanungin ulit si Dan.


“How---?” simulang tanong ni Jase ngunit naputol siya ng biglang dumating ang guard.


“Dan, andyan na yung makulit mong sundo sa labas.” humahagikgik na tawag pansin ng guard kay Dan.


“OK! Salamat---” saad ni Dan sa gwardya saka binanlawan ang huling plato, naghugas ng kamay at nagtuyo ito saka humarap kay Jase.


“Good to see you smile at last.” nakangiti paring balik ni Jase kay Dan sabay gulo sa buhok nito. “Here's for your good work today.” habol ni Jase sabay abot kay Dan ng sweldo niya para sa mga hinugasang pinggan sa araw na iyon. Saglit na natigilan si Dan at pinanood ang nakangiting si Jase maglakad palayo saka inihipo ang palad sa buhok na ginulo ni Jase. Naaalala ang dating kaibigang madalas gumawa noon sa kaniya.


Pilit na umiling si Dan, iniisip na hindi niya sisirain ang kaniyang araw dahil lamang sa ala-ala ng isang walang kwentang tao.


“Finally!” “Sa wakas!” sabay na sigaw ng gwardya ng restaurant atsaka ni Bryan na mukhang abala sa pagkukuwentuhan bago siya lumabas.


“Malapit na akong mabingi sa daldal nitong kaibigan mo.” “Si manong guard niyo hindi nagsasalita.” sabay ulit na saad ng dalawa saka nagkatinginan atsaka tumawa ng malakas. Hindi narin mapigilan ni Dan ang mapahagikgik.


“Pagpasensyahan niyo na po ang kadaldalan ng kaibigan ko.” saad ni Dan sa gwardya sabay hila sa braso ni Bryan. “TARA NA!” sigaw ni Dan lalo pa nang makita niyang magsasalita ulit si Bryan. Alam niya na kapag hinayaan niyang magsalita ito ay hindi nanaman niya ito mapipigilan.


Sa opisina ng restaurant ay kitang-kita ni Jase ang pagkaladkad ng tumatawang si Dan sa kasama nitong humahalakhak din. Iniisip na hindi na kailangan pangs agutin ni Dan ang kaniyang hindi nasagot na huling tanong dahil kitang kita niya sa kaniyang harapan na masaya rin si Dan sa kaniyang love life kahit pa wala siyang ebidensya na nobyo nga nito ang sumundo sa kaniya. Hindi mapigilan ni Jase ang mapangiti nang maalala niya na mahilig din itong gawin ni Aaron dati. Pero ang ngiting iyon ay saglit lang na lumagi sa kaniyang mukha sapagkat muli nanaman niyang naihahambing si Dan sa kaniyang namayapang nobyo.


Hinihiling na hanggang dun lang ang pagkakakahalintulad ng dalawa at hindi na mahahantong pa si Dan sa kinahantungan ni Aaron.


“Hon?” tanong ng nobyo ni Jase sabay yakap sa likod nito.


“Hey.” bati pabalik ni Jase sabay abot sa kamay nito at hinalikan ang palad nito.


“I'm bored.” saad ng nobyo ni Jase na ikinahalakhak ng huli.


“You're always bored.” balik ni Jase sabay unti-unting tinatanggal ang butones ng kaniyang polo shirt.


0000oo0000


Nagising si Ryan nang maramdaman niyang umalis mula sa kaniyang pagkakayakap ang kaniyang katabing natutulog. Pinagmasdan niya ang makinis nitong likod, umupo siya at hinaplos ang makinis nitong balat, iniisip kung gano siya magiging ka-swerte sa oras na mapasakanya ang loob ng taong kani-kanina lang ay kaniyang kayakap sa kamang iyon.


Dahil sa naisip na ito ay wala sa sarili siyang napa-buntong hininga na ikinalingon at ikinangiti ng maganda ng taong kanina lang ay kaniig niya.


“Aalis ka na agad?” tila isang batang natatakot maiwanang magisa na tanong ni Ryan na lalong ikinalaki ng ngiti ng huli na siyang gustong gusto naman ni Ryan, hindi na rin nito napigilan ang sarili na mapangiti.


Gustong-gusto ni Ryan ang ngiting iyon, tahimik na hinihiling sa sarili na sana ay sa kaniya lang ilalaan ng taong ito ang ngiting iyon, na sa kaniya lang sisilay ang mapupulang labi nito at pantay-pantay na ngipin. Lihim niya ring hinihiling na dahil sa kaniya kaya't mapupuno ng buhay ang mga kulay tsokolateng matang iyon.


Pinanood parin ni Ryan nang tumayo ito at naglakad papuntang banyo, wala sa sariling pinagmasdan ang repleksyon nito sa salamin ng banyo na siyang kitang kita sa kama na kaniyang kinahihigaan. Pinanood niya itong mag-ayos ng sarili, naghahanda sa kaniyang pag-alis.


"I need to be somewhere else." nahuling sagot nito kay Ryan na ikinabura ng ngiti ng huli. Hindi na ito bago kay Ryan. Sa tuwing magkikita sila nito ay tila ba naglalaro lang sila o kaya naman hobby lang nila ang mag niig, tila ba ang ginagawang iyon ay hindi dahil mahal nila ang isa't isa kundi para kamutin lang ang nangangating mga katawan. Walang emotional attachments. "Fuck Buddy" para sa iba.


Kung ito ay nangyari may dalawang linggo ang nakakaraan, marahil ay nasaktan pa si Ryan sapagkat aminin niya man o hindi ay mahal na niya ang taong ito kahit pa mas malamig sa yelo ang turing nito sa kaniya at kahit matigas pa sa bato ang ugali nito.


“You're not going to be depressed or something again, right?” mayabang na tanong nito kay Ryan.


Kung may dalawang linggo ang nakakaraan nung sinabi ito kay Ryan ay malamang na depress nga ang huli, hindi narin ito bago kay Ryan, alam niyang pagkain lamang ito sa ego ng huli, noong una, Oo, masakit, ngunit ngayon, tila isa na lang itong biro sa kaniya, kaya't napatawa nalang din siya.


Kung ano man ang nagbago, hindi niya alam pero kahit ano pa man ang dahilan ng mga pagbabagong ito sa kaniyang nararamdaman sa taong kaniyang pinagmamasdan ngayon ay wala na siyang pakielam dahil maganda sa pakiramdam ang pagbabagong ito at wala na siyang balak pang burahin ang pagbabagong ito.


Saglit na nangunot ang noo ng taong kasama ni Ryan. Tinignan ito sa pamamagitan ng salamin. Ramdam niyang may nagbago dahil purong pagkawili ang naririnig niya sa tawang iyon ni Ryan at hindi sarkasmo. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay nababahala parin siya sa pagbabagong ito ni Ryan.


0000oo0000


“Good morning!” masigla pero inaantok pang bati ni Dan kay Ryan pagkapasok na pagkapasok nito sa front door ng kanilang apartment.


Hindi napigilan ni Ryan ang mapangiti lalo pa't tayo-tayo pa ang buhok ni Dan at parang bata pa itong nagkukusot ng mga mata dahil sa antok. Hindi nakaligtas ang ngiting ito ni Ryan nang ibaba na ni Dan ang kaniyang mga kamay matapos kusutin ang kaniyang mga mata.


Hindi rin napigilan ni Dan ang sarili na mapangiti. Noon niya lang kasi nasilayan ang magandang ngiti na iyon ni Ryan, kamukhang kamukha man nito si Bryan ay hindi parin mapigilan ni Dan na isiping mas maganda ang tawa nito kesa sa kapatid. Pero ang ngiting iyon ay mabilis ding nabura nang mabilis ding binawi ni Ryan ang kaniyang ngiti.


Agad na binura ni Ryan ang kaniyang ngiti nang maisip kung sino ang kaniyang kaharap. Kung kaninong parang batang itsura ang kaniyang kinaaaliwan.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment