By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com
[11]
Muli
kong ibinukas ang mga pinto ng elevator. Mabilis kong tinahak ang daan ulit
papuntang parking lot, ramdam ko at alam kong sumusunod sakin si Nathan.
Tinulak ko ang pinto palabas ng parking lot, agad nanlaki ang mata ko sa
nabungaran. Si Jase, anduon, nagyoyosi.
“Aaron?
Nate?” gulat din nitong bulalas nang iluwa kami ng pinto.
Tahimik.
“San
ka nauwi ngayon?” tanong sakin ni Jase pagkatapos ata ng limang minutong
pakikipagtitigan sa kanila.
“Kung
saan saan.” malamig kong sagot humahanap ng daan na pwedeng madaanan makaalis
lang sa tabi ng dalawa.
“Sabi
ni Aling Babs matagal ka na raw di nauwi dun sa apartment niya.” sabi ulit ni
Jase.
“Wag
mong sabihing nag...” simula ni Nate, di pa man nito natatapos ang kaniyang
sasabihin ay alam ko na agad ang pinupunto noon.
“Ano?
Nagbu-booking at nakikitira kung kanikanino?!” bulyaw ko dito, napayuko naman
ito.
“Bakit?
Kung nagpapabooking parin ako? Sino ka para husgahan ako?” bulyaw ko dito.
“Di
yun...” simula ulit ni Nate, handang depensahan ang sarili.
“Tama
na Nate.” saway naman ni Jase.
“Shut
up!” bulyaw dito ni Nate.
“Nagaalala
lang ako kay, Aaron. Hinuhusgahan mo nanaman siya eh!” sigaw ni Jase pabalik
dito.
“Nagaalala?
More like nagpapakitang tao.” nangiinsultong sabi ni Nate.
“Mahal
ko si Aaron.” may paninindigang sabi ni Jase.
“You
loved him, so that you can use him to get Mom's attention!” bulyaw ulit ni
Nate, magkalapit na ang dalawa at ilang minuto na lang ay magsasapakan na ang
mga ito.
“Atleast
di ko kailanman siya iniwan!” sigaw ni Jase.
“User!”
“Walang
paninindigan!”
“I
love him.” sabi ulit ni Jase.
“I
loved him more.”
“You
left him.”
“and
you seduced him after I left..”
“We
were inlove.”
“User!”
sigaw ulit ni Nate.
“Duwag!”
“Mama's
boy!”
“That's
it!” sigaw ni Jase saka sumugod papunta sa kinatatayuan ni Nate, sa puntong ito
wala na akong pakielam maski magpatayan pa sila. Wala na akong pakielam. Muling
bumukas ang pinto at iniluwa noon si Tita.
“Enough!”
sigaw nito, natigilan ang dalawa.
0000oooo0000
Magkakaharap
kami sa mahabang lamesa ng cafeteria, si Tita sa tabi ni Nathan at ako naman sa
tabi ni Jase. Wala paring nagsasalita, nakatingn lang ako kay Tita, halatang di
parin nito matanggap ang pagkawala ni Tito.
“Tita,
I'm sorry.” bulong ko. Tumango lang ito at inabot ang kamay ko, hinawakan ko
ang kamay niya bilang paraan ng pagpapakita ng pakikiramay. Pinilit nitong
ngumiti ng maramdaman ang maiinit kong kamay.
“Kamusta
na, Hijo? Mukhang namumutla ka ah? Nakain at natutulog ka ba ng maayos?” tanong
naman ni Tita. Di naman ako makapaniwala sa kabaitang pinapakita nito. Siya na
nga itong namatayan ng asawa pero ako parin ang inaalala nito.
“Ma,
satin mo na lang siya patirahin. Wala na siyang tinitirhan ngayon.” sabi ni
Nate, agad namang bumakat sa mukha ni tita ang pagaalala.
“Ma,
sakin na lang siya titira. Tulad ng dati.” singit naman ni Jase pero binalewala
iyon ni tita at tumingin sakin.
“Totoo
bang wala kang tinutuluyan ngayon?” tanong nito. Napayuko ako, kasi naisip ko
na kung magsisinungaling ako ay ayaw kong makita ang mukha nito.
“Hijo,
wag ka ng magsinungaling, sabihin mo na ang totoo.” sabi ulit nito, wala na
akong nagawa kundi ang umamin. Nagulat ito.
“Ok
lang ako tita, kasi may doctors quarters naman eh, pwede akong mag-stay don as
long as I want.” sabi ko dito, tumayo ito at umikot sa lamesa at niyakap ako.
“Oh,
hijo...” sabi nito sakin.
“Hijo,
I insist. Bitawan mo na yung isang ospital, kailangan mo ng pahinga. Kasalanan
ng mga anak ko kung bakit ka nagkakaganito ngayon, hayaan mong sa ganitong
paraan kami makabawi sayo.”
“I
can't tita...” simula ko.
“Alam
kong wala ka ng ibang binabayaran, you're done with your residency and you're
just waiting for the license to practice it. And hindi naman kita sisingilin sa
pagtira samin, kaya I insist na samin ka na tumira and then bitawan mo na yung
isang job mo.” sabi nito sakin. Wala na akong nagawa.
0000oooo0000
Bagsak
balikat akong bumalik ng Doctors Quarters, di makapaniwala na hindi ko manlang
natanggihan ang alok sakin ni Tita na sa kaniya na manirahan. Alam kong
isinumpa ko na na hindi ko na hahayaan na pakielamanan ako ng pamilya nila,
pero sa mukha ni Tita kanina nung nakikiusap ito sakin ay parang meron saking
nagsasabi na wag na akong tumanggi.
Mabuti
na lang at di sa mansyon ni Tita nakatira si Jase at Nate, yun na lang ang
pampalubag loob na hinahawakan ko ngayon.
“Nakatadhana
ba talagang maging miserable ang buhay ko? Tadhana ba talagang gawing impyerno
ni Jase at Nate ang buhay ko?” tanong ko sa sarili ko ng maisipang ayusin na
ang mga gamit ko para sa pagalis ko kinabukasan. Napabuntong hininga na lang
ako.
“May
problema ba Aaron?” tanong sakin ng isang mama sa aking likod, nakalimutan kong
di nga lang pala ako ang tao doon sa loob ng quarters.
“Ah
eh, ok lang ako Enso.” kinakabahan kong sabi dito. Tiningnan ako nito, tingin
na kala mo binabasa niya ang aking utak. Tingin na parang kinikilatis kung
totoo ang aking sinabi. May naalala akong bigla, may isa pa akong taong
kakilala na pareho ni Enso kung makatingin.
“Aaron,
sabihin mo sakin ang totoo. Ikaw ba ang gumalaw ng med kit ko?” tanong sakin ng
aking nakatatandang kapatid. Umiling lang ako, sinusubukang magsinungaling,
pero alam ko na mababasa ni kuya sa aking mukha ang pagsisinungaling.
“Aaron?”
tanong ulit nito sakin sabay tumingin na kala mo pinipiga ang aking buong
pagkatao para malaman niya ang katotohanan.
“Kapag
di mo pa sinabi ang totoo, di na kita isasama mag surf.” banta nito sakin, agad
tumulo ang isang luha sa aking kaliwang mata.
“Oh,
bakit ka naiyak?” tanong ni Enso sakin, napaupo ako sa aking kama, lumapit
naman sakin si Enso.
“N-naalala
ko lang si kuya Sam.” napatahimik naman bigla si Enso at natigilan sa paghagod
sa aking likod. Agad kong pinahiran ang aking luha. Tinignan akong muli ni Enso
at niyakap ng mahigpit.
“Aaron,
may problema ba?” nagaalala nitong tanong sakin. Tumango lang ako bilang sagot.
“Pwede
mo bang sabihin sakin? Baka makatulong ako.” pahayag nito, binigyan ko lang
siya ng isang matamlay na ngiti.
“Salamat
ah. Pero hindi pa ako handa eh.” sabi ko dito, naintindihan naman niya ito.
Inabot
ko ang aking sariling stethoscope at ipinasok iyon sa aking duffel bag. Agad
namang kumunot ang noo ni Enso.
“Aalis
ka? Di mo naman madalas iniimpake yan pag magi-inter hospital ka na ah?” tanong
nito sakin.
“Nag
resign na ako sa isa ko pang pinagtatarbahuhan, Enso.” matipid kong sagot dito,
hinawakan ulit nito ang aking braso, kitang kita sa mga mata nito ang
pagaalala.
“Wag
kang magalala, may mapupuntahan na ako ngayon, di na ako squatter.” sabi ko
dito sabay pakawala ng isang matamlay na ngiti.
“M-mabuti
k-kung ganon, pero bakit parang di ka naman masya?” usisa ulit nito, tumalikod
na agad ako dito, baka kasi mapansin nito ang pagtulo ulit ng aking luha,
pagnagkataon.
“O-ok
lang ako Enso.” sagot ko ulit dito.
“S-sige
pero gusto kong makilala ang kukupkop sayo ah.” sabi nito sakin saka ako
niyakap ulit mula sa likod.
“S-sige
kuya.” sagot ko.
“Namiss
ko ang pagtawag mo sakin ng kuya.” pahayag nito, humarap ulit ako sa kaniya at
nagbigay ng isang ngiti.
“Namiss
ko naring tawagin kang kuya.” sabi ko dito at sabay kaming nagkatawanan.
0000oooo0000
Agad
nanlaki ang aking mga mata ng makitang tumigil ang isang itim na kotse sa aking
harapan. Hindi kasi ito ang iniintay kong sasakyan. Lalong lalong hindi si Jase
ang iniintay kong magsususndo sakin.
“Bakit
ikaw?” tanong ko dito. Di ito sumagot at ngumiti lang. Agad akong tumalikod at
humarap kay Enso. Biglang napaltan ang reaksyon ng mukha nito at biglang
lumapit.
“Ok
ka lang, Aaron?” tanong nito sakin at tumango lang ako pero kita ko parin ang
pagaalala nito sa kaniyang mukha.
“Next
time na lang siguro kita ipakikilala sa kanila.” nahihiya kong pahayag dito,
agad na kumunot ang noo nito at dagling bumakas sa mukha nito ang pagaalala.
0000oooo0000
Nakangiting
nagmamaneho si Jase, di ko magawang imikin ito dahil ayaw ko na talagang may
gawin pa na pwedeng ikakabit ko dito. Nagbuntong hininga ulit ako at marahil ay
napansin niya ito.
“Relax.
Di ka kasi pwedeng magstay sa bahay dahil umalis si Mama, pinacremate niya ang
labi ni Papa at dadalin ang ashes sa States, dun niya ata i-sca-scatter or
something.” sabi nito sabay patong ng kamay sa aking kaliwang hita, agad kong
hinawi yun.
“Bakit
di ka sumama? Tatay mo yun diba?” malamig kong tanong dito, agad nabura ang
kaniyang ngiti sa mukha.
“Wala
akong visa.” tipid na sagot nito.
0000oooo0000
Wala
ng nasabi sa loob ng panahong nagbi-biyahe kami papunta sa aprtment ni Jase.
Paminsan minsan itong nasulyap sakin pero pinanatili kong blangko ang aking
mukha. Nang maiparada ang sasakyan sa harap ng kaniyang apartment ay may
naaninag akong isang tao di kalayuan sa front door.
“Anong
drama nanaman to?!” sabi ko agad ng makilala kong si Nate iyon.
“Anong
ginagawa mo dito?” tanong ni Jase.
“Gusto
ko lang malaman ni Aaron na di niya kailangang mag-stay dito sayo kung ayaw
niya atsaka na pagdating ni Mama ay pwede na siya doon kila Mama tumira. Baka
kasi bilugin mo nanaman ang ulo ni Aaron eh.” sabi nito.
“Tarantado
ka talagang...!” sigaw ni Jase.
“Tama
na!” sigaw ko. Tumigil naman ang dalawa.
“Unang
una, ginagawa ko ito para kay Tita, hindi sainyo. Pangalawa, di ako ganung
katanga, Nate. Sa tingin mo magpapabilog pa ako sa kapatid mo? Nakalimutan mo
na bang alam ko ang tungkol kay Sandra at sa kaniya?! Sa tingin mo
magpapakatanga pa ako tulad ng dati?! Wala na ni isa sainyo ang bibilog sa ulo
ko!”
Pareho
silang natameme. Kinuwa ko sa palad ni Jase ang susi ng kaniyang apartment at
tuloy tuloy ng pumasok sa apartment nito.
Itutuloy...
[12]
Magdadalwang
oras na akong nakakulong sa kwartong inihanda para sakin ni Jase, nung una ay
sa kwarto niya pa ako pinapatulog pero tumanggi ako. Di ako tanga. Di na ako
magpapakatanga. Pumayag na akong bitiwan ang isa pang ospital na
pinagtatarbahuhan ko dahil sa hiling narin ni tita, ayon kasi sa kaniya ay
kailangan ko rin ng pahinga pero ngayon, naisip ko bigla na di rin naman ako
makakapagpahinga. Nasa ganito akong pagmumunimuni ng may kumatok.
“Ayan
na nga, pano ako makakapagpahinga pag ganyan?” tanong ko sa sarili ko.
“Aaron,
kain na. Naghanda ako ng...” simula nito ng pagbuksan ko siya ng pinto.
“Di
ako dito kakain. Lalabas ako.” malamig kong sabi dito, agad nagiba ang tabas ng
mukha nito.
“Sa-samahan
na kita.” alok nito.
“Di
ko kailangan ng driver.”
Di
na ako nagdalawang isip pang lingunin ang reaksyon ni Jase. Sa totoo lang wala
na talaga akong pakielam.
0000oooo0000
Nilalasap
ko ang sebo at mantika ng fastfood, ngayon na lang kasi ulit ako nakakain ng
ganito, and honestly, I think I owe it to myself. Sarap na sarap ako sa pagkain
nun pero di ko rin mapigilang mapaisip.
“Pagkatapos
nito? Ano na? Babalik ako sa bahay ni Jase at ano? Panibagong drama na naman?”
tanong ko sa sarili ko at nagbuntong hininga.
Tama
ang pangamba ko, drama nga ang inabutan ko sa apartment ni Jase, nasa sala ito
at nanonood ng koreanovela, sa coffee table ay nagkalat ang basyo ng bote ng
beer, marami nang naiinom si Jase base saking obserbasyon.
Tuloy
tuloy akong naglakad papuntang kusina para kumuwa ng maiinom, nang mapadaan ako
sa dining table ay napansin ko ang nakaahin na pagkain, hindi ito nagalaw, pang
dalawang tao ang nakaahin. Marahil ay di na kumain si Jase nang tanggihan ko
ang alok nito kanina. Naglalakad na ako papasok ng kwarto ng biglang nagsalita
si Jase.
“Kailan
mo pa nalaman ang tungkol kay Sandra?”
Napatigil
ako.
“Importante
pa ba iyon?” simula ko, marahil ay naginit si Jase sa aking sinabi kaya't
mabilis itong naglakad papunta sa aking harapan, tila mananapak sa ayos niya.
“Nakikipagusap
ako ng maayos!” sigaw nito.
“Hindi!
Hindi ka nakikipagusap ng maayos! Lango ka Jase! Atsaka sabi ko sayo di na
importanteng malaman mo pa!” sigaw ko dito, tila naman natauhan ito sa kaniyang
ikinikilos.
“Nung
araw na dapat susunduin kita sa ospital, nung nagdala ka ng shawarma sa
opisina...”
“Oo!
Dun ko napatunayan na may relasyon kayo! Tangina Jase! Napapagod na ako!
Matutulog na ako, Ok?!” sabi ko dito sabay talikod at ng aktong isasara ko na
ang pinto ay pinigilan niya ito gamit ang kaniyang kaliwang kamay.
“Yung
araw na yun na nakita mo kaming naghahalikan sa opisina ko, yun yung araw na
nakipaghiwalay ako sa kaniya.” sabi nito. Pareho kaming natahimik, nakaharang
ang pinto sa pagitan namin at ilang pulgada na lang ay sasara na ito kung hindi
lang ito pinipigilan ni Jase.
“Gaya
ng sinabi ko Jase, di na importante yun. Wala na akong pakielam kung kanino ka
pa makipagkalantarian.” sabi ko dito sabay puwersahang isinara ang pinto.
Nakarinig ako ng isang malakas na kalabog. Sinuntok ni Jase ang pinto.
0000oooo0000
“Is
Jase treating you well, hijo? Sabihin mo lang kung hindi at ihahanap kita ng
malilipatan.” sabi ni Tita sa kabilang linya, tumawag ito para malaman kung
natuloy ba ang pagresign ko sa isang ospital at kung dito ba talaga ako kay
Jase nakatira.
“Ok,
naman po tita. Wala pong problema dun.” sabi ko, sumulyap ako kay Jase at
nakita itong naglilinis ng kalat niya nung kinagabihan, may benda ito sa kanang
kamay, nakasimangot at kala mo bampira sa putla at pula ng mata sa hangover.
Mula
ng lumabas ako ng kwarto nung umagang iyon ay di kami nagkikibuang dalawa. Wala
naman kasing dapat pagusapan.
“Mabuti
naman kung ganon. But hijo, don't hesitate to tell me if Jase isn't treating
you well ha?” sabi nito, sumagot ako dito ng “Opo.”, minamadali na ang aming
paguusap ng makapagkulong ulit ako sa kwarto.
“Nga
pala, hijo, I'll be extending my stay here. Medyo parang kailangan ko pa ng
konting time to unwind.” sabi nito na ikinagulat ko naman, gusto ko na kasing
makaalis sa bahay na iyon ni Jase at samahan si Tita sa kanilang mansyon pero
mukhang magtatagal pa ata ako dito sa puder ni Jase.
“Ah
ganun po ba Tita, eh, ingat na lang po kayo dyan and don't worry about us.
O-okay naman po kami dito.” nautal ako habang nagsasabi ng kasinungalingan kay
tita dahil tinapunan ako ni Jase ng masamang tingin.
“Ok,
hijo. Ingat din kayo dyan. Can you put Jase on the phone.”
Agad
hinanap ng paningin ko si Jase, nakita ko itong nagpupulot ng mga basyo ng beer
sa sala, humarap ako dito, siguro nang mapansing nakatingin ako sa kaniya ay
tumingin narin ito sakin, iniabot ko sa kaniya ang telepono, nakasimangot naman
itong lumapit sakin at inabot ang phone.
“Hello,
Ma.”
Agad
akong pumunta sa aking kwarto pero di ko sinaran ang pinto ng kahit papano ay
malaman ko kung ano ang pinaguusapan nila Tita.
“Of
course, Ma. I've been a good host. Pinaghanda ko pa siya ng food, it's just
that mataas lang talaga ang pride ni Aa...”
“No,
Ma! I'm treating him well!...”
“Anong
hindi siya masisisi if he decided to put his wall up... ? Wala akong ginawang
masama...” pero tulad ng mga naunang pagrarason ni Jase sa kaniyang ina ay
nabalewala lang din ito. Sabay nagbuntong hininga.
“I'll
try, Ma. Anong don't just try...? Napakataas ng pride nitong taong to! Ok, ok
fine!”
Patuloy
parin ako sa pakikinig ng biglang sumilip si Jase sa aking kwarto at ibinabalik
ang telepono ko sakin. Nang maiabot ito sakin ay agad din itong tumalikod. Nakasimangot
parin ito.
0000oooo0000
Nang
makaalis na si Jase para pumasok sa kaniyang opisina ay saka ako nagsimulang
magikot ikot sa apartment pero agad din akong nabagot kaya't naisipan kong
lumabas. Di ko alam kung bakit pero nakita ko na lang ang sarili ko na
nakaharap sa ospital kung san kami nagtratrabaho ni Enso.
“Oh,
bakit andito?” tanong sakin ni Enso ng pumasok ako sa quarters, nagbabalot
narin ito para makauwi.
“Namiss
ko lang ito.” pertina ko sa quarters.
“Namiss
eh andito ka lang kahapon! Nga pala. Nandito kanina sila Inay. Nagpacheck up.”
sabi nito, alam ko kung sino ang sinasabi nitong inay. Ang nanay ko.
“Ha?!
Bakit?!” tanong ko dito at biglang nagalala.
“Wala
naman, kailangan lang daw para sa business permit.” sabi nito napabuntong hininga
naman ako sa nalamang walang masamang balita.
“Di
ka pa ba magpapakita sa kanila? Tumatanda narin sila. Huwag mo akong tularan,
kung kailan mamamatay na si Dad saka ko siya pinatawad.” sabi ni Enso sakin.
Agad akong natigilan sa sinabi nito. Napabuntong hininga ako.
“Sana
wag mo paring sabihin na nagkita na tayo, Enso.” sabi ko dito.
“O-Oo
naman. Pero sana, Aaron, pagisipan mo yang ginagawa mo sa kanila, malamang
nahihirapan na yung mga yun sa kakaisip sayo. Ikaw na lang ang meron sa kanila,
at kung ano pa man ang dahilan mo sa pagalis sa puder nila di naman siguro nun
mababago ang katotohanang sila ang mga magulang mo at ang mga nagpalaki sayo at
nagmahal.” sabi ni Enso, bigla kong naalala ang mga nangyari nung huli kaming
nagkita.
“Wag
na wag mong ipapakita na nahihirapan ka, na nagmamakaawa kang tulungan ka
namin, wag na wag kang magpapakitang nahingi ng tulong dyan sa boyfriend mo at
wag na wag ka ring magpapakita sa harapan ng bahay na ito ng walang
napapatunayan sa sarili mo at hangga't di mo napapatunayan na tama ang pagpili
mong magpakabakla, kasi sa oras na makita kitang nagkakaganoon. Tatawa ako,
pagtatawanan kita.”
“Di
pa siguro ito yung tamang panahon, Enso.” sabi ko dito, tumango na lang si Enso
sakin sabay upo sa aking tabi.
“San
ka ba nakatira ngayon?” nakangiting tanong nito sakin, agad naman akong
kinabahan.
0000oooo0000
“Saglit
lang naman eh!” pagpupumilit sakin ni Enso.
“Wag
na, magulo ang loob.” sabi ko dito habang hinaharangan ang pinto para hindi ito
makapasok.
“Ito
naman, hinatid ka na nga namin dito ni Jon. Sisilipin ko lang naman eh.” sabi
nito sakin at pilit isinisiksik ang sarili para makalagpas at makapasok sa
apartment. Nasa ganun kaming tagpo ng biglang bumukas ang pinto.
“Ano
'to?” tanong ng isang lalaki sa aking likuran.
“Hello.
Ako nga pala si Enso...” pero agad din itong natigilan.
“Teka
kilala kita ah.” sabi ni Enso sa lalaking asa likuran ko.
Nasa
kusina ako at naghahanda ng matitimpla ng maiinom nila Enso at Jon ng biglang
pumasok si Jase, nakasimangot parin ito tulad ng pagkakasimangot niya sakin
kagabi at kaninang umaga.
“Nalingat
lang ako ng saglit kung sino, sino na ang pinapapasok mo sa bahay. Kung
kani-kanino ka na nasama.” tinapunan ko si Jase ng isang naeeskandalong tingin.
“Tarantado
ka ba?! Mga katrabaho ka iyan!” bulyaw ko dito, nagtense ang mga muscles nito
sa panga sa pagkakabulyaw kong iyon.
Nang
matapos ko ng maihanda ang iinumin ng dalawang bisita ay agad akong lumabas at
dinala ito sa kanila. Halatang may pinaguusapan din sila Enso at Jon ng lumabas
ako at halata kong ko ang pinaguusapan ng mga ito dahil bigla silang tumigil ng
pumasok ako sa eksena.
“So,
Pano kayo nagkakilala?” intrimitidong tanong ni Enso. Siniko ito ni Jon.
“Manager
ko si Jase, dati.” sagot ko sakto namang pasok ni Jase sa kwarto. Seryoso parin
ang mukha nito.
“Ahhh.
Manager saan?” tanong ulit ni Enso. Napakunot naman ang noo ni Jon na ikinataka
ko.
“Sa
modeling.” sagot ni Jase. Napatango na lang si Enso.
“Ex-boyfriend
niya din ako.” habol pa ni Jase na ikinagulat naman naming tatlo. Lumingon ako
dito at pinandilatan siya ng mata.
“Whoah!
So I guess the cat is out of the bag.” mahanging sabi nito sabay nangiinis na
tumingin sakin.
Nagbuntong
hininga ako.
“Ngayon
alam mo na kung bakit ako pinalayas sa bahay, Enso.” sabi ko dito. Lumatay
naman ang pagaalala sa mukha nito.
0000oooo0000
Hinatid
ko sila Enso palabas ng bahay, tahimik ito at halatang di mapakali sa nalaman.
Nang kakamayan ko ito bago siya sumakay ng sasakyan ay bigla siyang yumakap
sakin.
“Aaron,
bakit di mo sinabi sakin noon pa? Ngayon lalo kong sinisisi ang sarili ko kung
bakit nangyari tong lahat ng ito sayo.” humihikbi na nitong sabi sakin.
“Enso,
ok na ako ngayon. Actually kung alam mo lang kung ano nangyari sakin nung mga
unang buwan pagkatapos akong palayasin ay talagang masasabi mong ok na ako
ngayon. Wala sakin lahat ng ito, ok. Di kita sinisisi. Di ko kayo sinisisi ni
kuya Sam.” naluha itong tumango sakin.
0000oooo0000
Pabalang
akong pumasok ng bahay.
“Magusap
nga tayo!” sigaw ko kay Jase. Nagliligpit ito ng pinagmeryendahan nila Enso.
“Ngayon
gusto mong makipagusap.” sarkastikong sabi nito sakin.
“Talaga
bang gustong gusto mong sinisira ang buhay ko ha?!” sigaw ko dito, matalim ang
ibinalik na tingin nito sakin.
Itutuloy...
[13]
Nagtititigan
kami ni Jase, halatang gustong gusto na ako nitong sumbatan at bulyawan, pero
sobra na ang pangingielam nito at sa pagkakatanda ko may isang buwan na ang
nakakaraan, ay ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako magpapaapi sa
kanila.
“Pano
mong nasasabi yan ha, Aaron?” may lungkot sa mga mata nito.
“Simple
lang. You technically ruined my life. Hobby niyo ngang magkapatid yan eh!” sabi
ko dito, lumatay ang gulat sa mukha ni Jase.
“Yan
ba talaga ang tingin mo, Aaron? Sobrang galit mo sakin na ni hindi mo na
maalala na minahal kita? Na nagmahalan tayo?” tanong nito sakin, unti unti ng
lumulungkot ang mukha nito.
“Bakit,
nakalimutan mo na ba ang panggagamit mo? Ang panggagamit niyo sakin na parang
trophy para lang makuwa ang atensyon ng nanay niyo?! Totoo lang, di ko nga rin
alam kung totoo yung meron tayo dati eh. Baka kasi kasama yun sa panggagamit
mo.” balik ko dito, pumikit si Jase at nagbuntong hininga. Tumalikod na ako at
tutunguin na sana ulit ang aking kwarto ng bigla ako nitong yakapin mula sa
likod.
“Di
ko na hinihingi na mapatawad mo pa ako, pero sana matandaan ng puso mo kung
pano kita minahal dati. Totoo ang pagmamahal ko saiyong yun, Aaron, walang
bahid ng pagkukunwari at panggagamit. Maaaring sumuko ako ng panandalian pero
pinagsisisihan ko iyon.” bulong nito sakin.
Tahimik.
Di magawa ng puso ko ang makaramdam ng kahit na anong emosyon.
“Bitawan
mo ako.” malamig kong pahayag. Agad akong binitawan ni Jase.
“Para
malaman mo, di ako kung kanikanino nasama tulad ng sinabi mo sakin kanina sa
kusina. Ayaw ko ng mauulit na huhusgahan mo ako ng ganon. Kaya lang naman ako
lumabas kanina at pumunta sa ospital at nakipagkita kila Doc Enso ay dahil di
ako kumportable dito sa apartment mo. Naaalala ko kasi ang panggagamit at
pangloloko mo. Naaalala kita. Ni ayaw nga kitang makasama sa iisang kwarto eh,
yun pa kayang maisip ka? Kaya wag mo akong sisisihin kung gusto kong umalis
dito sa bahay mo ng ganun ganun na lang, kasi ngayon naiintindihan mo na.”
malamig ko paring sabi dito, nakayuko lang ito. Agad agad na akong pumasok sa
aking kwarto at ibnalibag ang pinto pasara.
Narinig
ko kung pano magwala si Jase sa labas ng aking kwarto, naririnig ko itong
sumigaw at nagbababasag ng mga bagay bagay. Agad akong humiga sa kama at
isinuksok ang earphones at nakinig ng music.
0000oooo0000
Dahan
dahan kong iminulat ang aking mata, madilim na sa loob ng kwarto. Nakatulog
pala ako, medyo nagugutom ako at nangalay na ang aking leeg. Kinusot ko ang
aking mga mata at tumayo at naginatinat. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at
sumilip doon, bukas ang TV at nakita kong nakahiga si Jase sa sofa. Nakapikit.
Mukhang tulog.
Naka
tip-toe akong naglakad papunta sa kusina, napansin kong may nakaahin sa lamesa,
bagong luto ang kanin dahil asa kaldero pa ito at wala pang bawas, pang
dalawang tao parin ang platong nakaahin. Adobo parin ang ulam. Napakunot ang
noo ko.
“Di
parin nakain si Jase?” tanong ko sa sarili ko pero nagkibit balikat na lang
ako.
Nang
makarating ako sa kusina ay di na ako nagaksaya ng panahon na buksan ang ilaw,
binuksan ko ang ref at naghanap ng makakain, pero laking pagkadismaya ko ng
pitsel lang ng tubig ang andun. Nagsimula na akong maghanap ng mga noodles pero
wala din. Naisipan kong magpa deliver na lang. Papunta na sana ako sa may
telepono ng magring ang telepono ni Jase.
“Hello.”
garalgal pang sabi ni Jase.
“Ma.”
bati nito sa kausap sa kabilang linya.
“We're
fine.” sagot nito.
“No,
we haven't killed each other yet.” sabi nito sabay hikab.
“I'm
just joking, Mom.” bawi nito.
“Di
naman sa di namin sinusubukang maging ok. Si Nate, di napunta dito. Si Aaron
naman talagang nakabakod at talagang nagsasabing di ako mapapatawad.” sabi nito
sabay buntong hininga.
“May
lungkot bang halo ang boses na iyon?” tanong ko sa sarili ko tapos ay
napatingin ako sa lamesa, sa inahing pagkain ni Jase. Napabuntong hininga din
ako.
“He
won't even stay in the same room with me, Ma.” malungkot ulit na sabi ni Jase.
Di naman ito nagsusumbong talaga lang sigurong sumasapul ang tanong ng nanay
niya sa mga nangyayari.
“Ok
Ma. Bye. I love you.” sabi nito sa ina. Bigla itong tumayo at nagtungo sa
dining table, nagbuntong hininga ito at tinignan ang nakaahin doon. Unti unti
na niya itong inayos, wari ba ay ililigpit. Nang humarap ito sa gawi ng kusina
ay laking gulat nito ng makita ako, pero inayos ko ang aking mukha. Siniguro
kong wala siyang makikitang emosyon dun.
“Andyan
ka pala. Kain ka na.” alok nito sabay baba ng mga ililigpit na sanang pagkain.
“Di
na, nagpadeliver ako. Iwan mo na lang yan dyan, ako na magliligpit.” malamig ko
paring sabi dito, nagbuntong hininga ulit ito saka tinuloy ang pagliligpit,
dinaanan ako nito, blangko narin ang mukha nito. Agad akong bumalik sa aking
kwarto at kinuwa ang aking telepono at nagpadeliver.
0000oooo0000
Narinig
kong may kumatok sa front door, agad akong lumabas dala ang aking wallet.
Habang tinatahak ang daan papuntang front door ay nadaanan ko sa sala si Jase,
nagiinom ulit ito. Di ko na lang ito pinansin at tuloy tuloy na pinagbuksan ang
delivery boy. Nang makuha ko na ang aking order at mabayaran na ang delivery
boy ay agad akong bumalik sa aking kwarto.
“Super
mantika! Mawawalan ako ng abs nito eh!” sigaw ko sa sarili ko. Pero agad ko
ring niligpit ang pinagkainan ko sa sahig ng aking kwarto at lumabas ulit para
itapon ito. Naaninag kong gising pa si Jase, nagiinom ulit ito. Pagkatapon ko
ng pinagkainan ko ay pumunta na akong CR at nagtoothbrush at nagshower nadin.
Paglabas ko ay tulog na si Jase, di ko na ito pinansin at tuloy lang ako sa
aking kwarto.
0000ooo0000
Pagkagising
ko kinabukasan ay maayos na ang buong apartment, wala ng Jase at wala na rin
ang mga bote ng beer na tinungga niya nung nakaraang gabi. Iginala ko ang mata
ko at ng makitang wala talagang Jase ay nagiiinat ko at nagsimula ng mag
exercise.
Kukuwa
ako ng tubig sa fridge ng makita kong may nakaahin ulit sa hapagkainan. Pang
isang tao na lang ang nakaahin na plato. Nagkibit balikat na lang ako.
“Nagsawa
rin ang loko.” sabi ko sa sarili ko, inayos ko saglit ang aking sarili at
lumabas na ng apartment at nagsimula ng magjogging.
Nakalimutan
ko na kung ganong kasarap magexercise sa umaga lalo na ang mag jogging. Nun ko
lang kasi nagawa ulit yun dahil masyado na akong nagpakaboryo sa ospital. Nang
makabalik na ako sa apartment ay may pumasok na ideya sa aking ulo.
“Makapag
gym.” sabi ko sa sarili ko.
0000ooo0000
First
time after a month ng pagkaawa sa sarili at pagbubugbog sa sarili ko sa trabaho
ay naramdaman ko ulit kung pano mamuhay ng healthy, walang stress, walang
iniisip na problema, in short, muli akong nabuhay. Agad akong pumunta sa isang
mall pagkatapos mag-gym an namili ulit ng mga bagong damit.
“Dahil
wala ng residency na binabayaran. Ok ng gumastos. I owe this to myself.” sabi
ko sa sarili ko saka napangiti.
Sa
pagiikot ikot ko sa mall na iyon ay di ko maiwasang mapansin na pinagtitinginan
ako ng tao, siguro dala ito ng pakiramdam na masaya.
“Blooming
ika nga.” sabi ko sa sarili ko.
Naglalakad
ako sa hilera ng mga kainan ng may maaninag ako na dalawang tao, parang kilala
ko ang dalawang yun. Si Jase at si Sandra.
“Tignan
mo nga naman ang pagkakataon.” sabi ko ulit sa sarili ko, maglalakad na sana
ako palayo ng may mapansing kakaiba. Blangko pareho ang mga mukha nila,
nakayuko lang si Jase at si Sandra naman ay nakatingin lang ng daretso sa
lalaki.
Bahagyang
bumuka ang bibig ni Sandra, nanatiling nakayuko si Jase. Nang matapos magsalita
ni Sandra ay umiling naman si Jase. Biglang tumayo si Sandra na ikinatumba
naman ng silyang kinauupuan nito. Napatingin lahat ng tao sa loob ng
restaurant, nagtaas na ng tingin si Jase at isang sampal ang ginawad ni Sandra
dito. Nagsalita ulit ito bago nagmamadaling umalis.
Agad
akong lumayo sa lugar na iyon, iniisip ko na baka kasi makita ako ni Jase at
magkaroon nanaman ng part 2 na dramahan duon sa lugar na iyon.
0000ooo0000
Nang
umuwi ako sa apartment ay napansin kong andun na si Jase, nakasalampak nanaman
ito sa sofa at nagiinom nanaman. Halatang mabigat ang dinadala, tuloy tuloy
akong pumunta sa kusina para ilagay ang aking mga pinamili, nang maiayos na ito
at nang papunta na sana ako sa aking kwarto ay nakita ko si Jase na pupunta
sana sa kusina pero ng makita ako nito ay agad itong tumalikod at bumalik sa
sala.
Nagtaka
ako nung una kung bakit pero agad ko agad naisip kung ano marahil ang naisip
nito at tumalikod ito.
“Ni
ayaw ko ngang makasama ka sa isang kwarto eh, maisip pa kaya?!” nagecho ang
sarili kong boses sa aking ulo. Napabuntong hininga ako.
Nang
naglalakad ako papunta sa aking kwarto ay napansin kong may nakaahin nanaman na
pagkain sa lamesa, pangdalawang tao ulit ang nakaahin doon.
“Kumain
ka lang dyan kung nagugutom ka.” garalgal na boses na sabi ni Jase. Napapikit
ako saglit, di mawari kung bakit may kirot akong naramdaman sa aking dibdib.
Agad akong nagbuntong hininga at pumasok na ng aking kwarto.
0000ooo0000
Ilang
araw pa ang lumipas at malapit na akong bumalik sa ospital para magduty ulit ng
ilang apat na araw, masaya ako dahil sa wakas kahit apat na araw lang
makakalayo ako kay Jase.
“Ilang
oras na lang.” Sabi ko sa sarili ko.
Halos
walang nangbago sa set up namin ni Jase, walang pansinan at ni hindi nga kami
nagsasama sa iisang kwarto. Maayos narin siguro ang ganun. Walang dramang
nagaganap. Pero di parin nagbabago ang nakasanayan nitong maghahanda ng pagkain
para saming dalawa na hindi ko naman kinakain. Wala prin kaming imikan.
Nang
lumabas ako ng umagang iyon sa aking kwarto ay napansin kong wala na talaga sa
wisyo si Jase, madalas na kasi itong maginom sa gabi, lalabas na sana ako para
magjogging ng magsalita ito.
“Aaron,
kausapin mo na ako, please.” bulong nito, anlaki na ng pinagbago ng itsura
nito, may mga itim na ito sa ilalim ng mga mata at medyo makapal narin ang
balbas at bigote nito. Di ko ito pinansin at tulyan ng lumabas para magjogging.
Pagbalik
ko ay wala na ito. Pumasok na marahil sa opisina.
Naiayos
ko na ang aking mga gamit para sa apat na araw na walang uwiang duty sa
ospital. Medyo di ko maitago ang aking saya, nang umuwi nung hapon na iyon si
Jase ay ni hindi ko napansing pareho kaming nasa kusina sa sobrang saya ko. Di
naman ito makalabas dahil nakaharang ako sa daanan. Narealize ko na lang ito ng
naliligo na ako.
Paglabas
ko ng banyo ay napansin kong nagiinom nanaman si Jase sa may sala. Napansin ko
ring may nakaahin na sa lamesa na pangdalawang tao ulit at sa tabi ng isang
pinggan ay dalawang tupperware at kutsara't tinidor. Kumunot naman ang noo ko.
“Pinagbugong
kita ng ulam. Kasya na yan sa loob ng apat na araw.” bulong ni Jase nang
mapansing nakatitig ako sa dalawang tupperware, agad akong pumunta ng kwarto
para magbihis.
Lumabas
ako ng aking kwarto na nakabihis panglakad na. Di ko alam pero nararamdaman
kong sakin nakatingin si Jase. Di ko na ito tinapunan ng tingin at pumunta na
ng kusina. Agad kong kinuwa ang mga pagkaing aking binili na binabalak kong
baunin sa ospital.
Alam
ko naman kasing di kakainin ni Jase yun at malamang masisira lang iyon lalo na
at mga gulay at prutas ang mga iyon na ang life expectancy kahit naka ref na ay
saglit lamang.
Pagbalik
ko sa aking kwarto ay agad nangunot ang aking noo ng mapansing nakabukas ang
aking duffle bag. Pagkakaalala ko kasi bago ako lumabas ng kwarto ay sinara ko
na iyon. Sinilip ko tio at nagulat ng makita ang dalawang tupperware doon.
Inilabas ko ito sa aking bag.
Daladala
ang dalawang tupperware ay bumalik ako ng dining room. Ipinatong ko ulit sa
dining table ang dalawang baunan. Narinig kong nagbuntong hininga si Jase.
“Baunin
mo na please. Di ko mauubos lahat yan. Masisira lang yan dito.” sabi niya. Agad
nagpantig ang tenga ko.
“Sino
ba kasing nagsabi sayo na ipagluto mo ako lagi?!” bulyaw ko dito. Nagbuntong
hininga ulit ito.
“Kung
ayaw mong kainin ibigay mo na lang kila Doc Enso.” bulong nito. Pero sa halip
na kuwanin ulit ang dalawang tupperware ay iniwan ko na ito doon.
“Aaron,
when will you let your defenses down?” may pagkamahinang sabi ni Jase pero para
sakin ay daig pa noon ang sigaw na nagecho sa aking ulo. May kung ano nanamang
akong naramdamang kirot sa aking dibdib.
Isinara
ko ulit ang pinto.
0000ooo0000
Dahandahan
akong naglakad palabas ng frontdoor, nakita ko kasing nakatulog na si Jase sa
sofa dala marahil ng dami ng nainom. Dahil sa wala naman akong balak na
magpaalam dito ay tahimik na lang akong lumabas.
“Aaron.”
tawag nito sakin. Natigilan naman ako.
“Can
we talk, please?” sabi nito pero di ko na siya pinansin pa. Malapit na akong
makalabas ng pinto ng magsalita ulit ito.
“Kahit
ngayon lang, kahit saglit lang, pwede ba kitang maging kaibigan, k-kahit
ngayong gabi lang. Please. Kailangan ko ng makakausap.” maiyakiyak na na sabi
nito. Napalingon ako dito, nakapikit ito at may mga luhang natulo mula sa
kaniyang nakasarang mata.
Isinara
ko na ang pinto.
0000ooo0000
Mabigat
ang loob ko na pumasok ng pinto ng ospital, iniisip ang nangyari sa bahay
kanina ni Jase. Yung kirot na panakanaka ko lang nararamdaman, ngayon ay parang
nagapply na ng permanent residency sa aking dibdib. Di na maalis. Nakayuko
akong naglalakad ng biglang may bumangga sakin. Humingi ito ng tawad at
natigilan ako ng mapansing si Nate iyon.
Itutuloy...
[14]
Medyo
malakas ang pagkakabangga ng kaniyang balikat sa aking dibdib, pero ni hindi
nagangat ng tingin si Nate, pansin ko ang laki ng ipinayat nito, nakatingin ito
sa isang maliit na papel. Nakakunot noo.
“Sorry.”
nagmamadali nitong sabi.
Di
na ako nakasagot pa, mukhang di ako nito nakilala, masyadong nakuwa ng pansin
niya ang maliit na papel na hawak niya. Naglakad na palayo si Nate ng hindi
manlang ibinabaling sakin ang tingin. Di ko na ito pa tinawag. Wala akong balak
makipagmabutihan pa sa taong iyon.
Agad
akong naglakad papunta sa doctors quarters, magiliw naman akong binati ng mga
nurses at iba pang empleyado doon. Nakaramdam ulit ako ng galak, pakiramdam na
hindi ko kailan man naramdaman sa loob ng ilang araw kong pagstay sa bahay ni
Jase.
Nilanghap
ko ang hangin sa loob ng quarters, pakiramdam ko ay parang sa mga bakasyonista
na matagal di umuwi at nang makauwi ay sabik na sabik sa kanilang bahay. Sa
sobrang pananabik sa maliit kong kama sa quarters na iyon ay di ko napansin na
lumapit na pala sakin si Enso. Nakangiti ito at may inaabot sakin.
“Regalo
ko yan sayo.” sabi nito sakin. Kumunot naman ang noo ko at inabot ang maliit na
bagay na inaabot nito sakin.
“Di
ko naman birthday ah saka malayo pa ang pasko.” natatawa kong sbi dito.
“Pa
birthday ko na yan sayo taon taon hanggang mag 100yreas old ka na, pamasko ko
na rin yan sayo taon taon hangga't kaya mo pang mamasko.” nangaalaskang sabi
nito sakin.
“Kuripot.”
sabi ko dito, ngumiti naman ito.
Para
akong binalik sa nakaraan ng mapagmasdan ko ang regalo sakin ni Enso. Picture
ito, tatlo ang tampok sa larawang yun. Ako na mukhang batang gusgusin pa na may
nakasabit na stethoscope sa balikat, ang aking nakatatandang kapatid na si kuya
Sam sa aking kanan na may nakasabit din na laruang stethoscope sa kaniyang
balikat at si Enso sa aking kaliwa na may hawak naman na laruang microscope.
Napangiti ako at napaluha.
“Ini-i-spoil
niyo kasi, kaya lumalaking paurong yang batang yan eh!” sigaw ng aking ama kay
kuya Sam at Enso nang makita nito ang binigay na regalo ng dalawa para sa aking
ikalabing dalawang taong kaarawan.
Di
na bago sakin ang ganitong paguugali paukol sakin ng aking ama. Ako kasi ang
anak niyang puro problema ang dinadala sa kaniya at ang masaklap ang kuya ko
naman ang nagdadala sa kaniya ng lahat ng ikagagalak niya. Di ko naman sinisisi
ang aking kuya, eh kung sa ganun siya eh. Wala naman talagang dalawang tao na
pinanganak na magkatulad. Iniintindi ko na lang ang aking ama.
Nang
makatalikod na ang aking ama ay napansin kong nagme-make face si kuya. Ito ang
gusto ko sa aking kapatid, kahit na anong pambubuyo ang gawin sakin ng aking
ama andyan siya para pagaangin ang aking loob. Hinagod lang ni Enso ang aking
likod, alam ko kasing naiintindihan niya ako.
“Alam
mo, di ko alam kung pano ko aalisin sa sarili ko ang pagkaguilty nang malaman
ko kung bakit ka pinalayas sa inyo.” sabi ni Enso sabay buntong hininga.
“Sabi
ko naman sayo, Enso, wala na iyon.”
“Di
mo parin maiaalis na dahil sakin, kung hindi ako nagpasundo kay Sam nung gabing
yun sana buhay pa siya ngayon, sana di masyadong nagexpect sayo sila itay at
inay, sana naging totoo ka sa sarili mo nang hindi nagagalit ang mga magulang
mo sayo at sa huli ay pinalayas ka pa. Di mo maiaalis sakin yun, Aaron. Di mo
maiaalis sakin ang magisip at sisihin ang sarili ko.” sabi ni Enso sakin.
Niyakap ko lang ito, ibinalik nito sakin ang pagyakap, nararamdaman kong
nahikbi na ito.
“Wala
na iyon sakin, Enso. Ok na ako ngayon, nakayanan ko naman eh.” pagaalo ko dito.
“Pero
di parin kayo naguusap ng mga magulang mo.” pangangatwiran ulit nito.
“Tama
ka, nang mamatay si Kuya Sam masyado na silang nagexpect sakin, pinilit nila
akong maging si kuya Sam, alam na alam mo namang magkaibang magkaiba kami kaya
di mo pwedeng sisihin ang sarili mo, sila inay at itay ang may problema, sila
ang may kasalanan kung bakit nagkanda letse letse ang buhay ko. Wag mong
sisihin ang sarili mo, alam kong kinailangan mo si kuya nung gabing yon. Alam
kong pupuntahan at pupuntahan ka niya maski di mo siya tinawagan. Wala kang
kasalanan. Hindi naman talaga mapaghihiwalay si Simon Apacible saka si Lorenso
Santillan nung mga panahong iyon diba?” sabi ko para mapagaang ang loob nito.
“Ang
dapat sisihin ay ang mga taong may makikitid ang utak at ang mga di
makaintindi.” habol ko.
“I'm
sure, kahit gano man kalaki ang di pagkakaintindihan niyo, alam ko mapapatawad
na niyo ngayon ang isa't isa. Saka wag kang magsalita ng ganyan sa kanila, mga
magulang mo parin sila.” sabi ulit sakin ni Enso para makumbinsi akong makipag
ayos na sa aking mga magulang. Umiling ako.
“Masyadong
malaki ang galit nila sakin, Enso. Alam mo yan, nandun ka nung lumalaki ako,
alam ko kung pano ako tratuhin ni Itay... saka...” sabi ko dito. Natigilan ako,
pinaiisipan kung sasabihin ko pa ang mga nangyari sakin dati.
“Wala
na yun ok? Wag mo ng sisihin ang sarili mo.” nasabi ko na lang matapos ang
mahabang pagiisip. Agad namang kumunot ang noo ni Enso.
“May
dapat pa ba akong malaman?” tanong ni Enso.
Di
ko narin natiis at kinuwento ko na lahat kay Enso, mula kay Nate, sa
pagpapalayas ng aking mga magulang sakin, saking pagbu-booking para makabayad
ng med school at pati narin ang sitwasyon ko ngayon. Di naman makapaniwala si
Enso, nakanganga ito habang nakatitig sakin, di makapaniwala sa lahat ng aking
isiniwalat. Agad ako nitong niyakap ng makabawi siya.
“Napakatatag
mo.” nahikbi na nitong sabi.
“Di
naman.” sabi ko dito, agad na humigpit ang yakap nito sakin.
“Yung
sa sitwasyon mo ngayon? Kung gusto mong umalis sa puder nila pwedeng pwede ka
sa bahay.” alok nito sakin, agad ko itong kinunsidera at tinamaan agad ng hiya,
pero para sakin ay dapat ko na itong tanggapin, ito na ang pagkakataon kong
makawala kila Jase at Nate.
Sasagot
na sana ako kay Enso sa alok nito ng biglang nagring ang telepono ko.
“Hello,
tita?” sagot ko sa telepono.
“Aaron,
anak, I know your busy but I'm worried about Jase, he told me na he's not
feeling well kanina nung tumawag ako, alam mo naman kung pano magkasakit si
Jase, kahit simpleng lagnat lang tumitirik na ang mata nun, can you check on
him, kahit saglit lang?” tuloy tuloy na sabi sakin ni tita.
Agad
akong humarap kay Enso.
“Tadhana,
ano ba talagang gusto mo?!” sigaw ng isip ko.
0000ooo0000
Pagbukas
ko ng pinto ay naabutan ko si Jase na nakahiga parin sa sofa, namumutla ito at
kung maka singhot ay alam ko na agad na barado ang ilong nito, napairap na lang
ako. Ito ang isa sa kahinaan ni Jase, kahit ano mang laki ng katawan nito at
kahit anong problema ay ibato mo dito ay kakayanin niya, huwag mo lang siyang
hahawaan ng sipon.
Agad
akong lumapit sa sofa at idinampi ang likod ng aking palad sa kaniyang leeg.
“Shit!”
sabi ko sa sarili ko ng maramdamang napakainit noon.
“Kailan
pa masama ang pakiramdam mo?” tanong ko dito, ibinaling nito ang kaniyang
tingin sa kaliwa, halatang ayaw makipagusap sakin.
“Wag
kang maginarte ngayon!” sigaw ko dito.
“Bakit
all of a sudden concerned ka? Bakit bigla ka na lang nagkainteres kausapin
ako?!” sabat nito sakin.
“Tita
called.” wala sa isip kong sabi dito.
“You
don't have to do this. Sige na mag duty ka na. Bumalik ka na sa ospital, tutal
ayaw mo naman akong makasama sa iisang kwarto diba?!” sabi nito saka biglang
tumayo, agad itong nawalan ng balance, mabuti na lang at nasalo ko ito.
“Believe
me, I don't want to do this, tingin mo anong mangyayari kapag nalaman ni tita
na pinabayaan kita? Tingin mo matutuwa sa atin yun?!” sabi ko dito sabay alalay
sa kaniya papunta sa kaniyang kama. Naramdaman kong nagbuntong hininga ito.
“Nipisan
mo lang ang blangket mo, lalo kang iinit kapag nakulob yang init sa pagitan mo
saka sa blangket.” sabi ko dito, agad akong kumuwa ng pamunas dito.
Sinimulan
ko ng paandaran ng pamunas na ang katawan ni Jase, wala parin itong imik,
ramdam ko parin ang init nito sa kaniyang balat, pinanay ko ang pagpunas sa
kaniya at kada tapos nito ay i-checheck ko ang lagnat nito. Medyo bumababa
naman.
Nang
malaki na ang ibinaba ng temperatura nito ay itinigil ko pansamantala ang
pagpupunas dito at umupo sa tabi nito sa kaniyang kama. Nakatulog na ito.
Pinagmasdan ko ang mukha nito. Gwapo parin, kahit na medyo nangangapal na ang
bigote at balbas nito.
0000ooo0000
Naalimpungatan
ako ng maramdamang parang umaalog ang kama, kinusot ko panadalian ang aking mga
mata, nakita ko si Jase sa aking tabi, nanginginig ito, kumot na kumot. Agad
akong tumayo at tinungo ang thermometer. Bumalik ang lagnat nito. Agad akong
bumalik sa pagpupunas at nang di parin bumaba ang lagnat ay nagpunta na ako sa
aking bag at kumuwa ng gamot.
Magaalasingko
na ng umaga ng humupa ang lagnat ni Jase, di na ito nanginginig at natutulog na
ulit ito. Kinuwa ko ang isang silya sa sala at dun ko inupo ang sarili para
kung antukin man ako ay pwede akong umidlip.
0000ooo0000
May
kataasan na ang araw ng magising ako, nakahiga parin si Jase, di na ito
nakakumot, agad kong kinuwanan ito ng temperature. Sinat na lang. Napabuntong
hininga ako, muli kong pinanood itong matulog. Napakaamo ng mukha. Bahagyang
nakabukas ang kaniyang bibig. Napangiti ako dahil narealize kong ganun parin
ito matulog, nakailalim sa kaniyang unan ang kanang kamay at ang kaliwa naman
ay nakayakap sa kaniyang malaking dantayan kung saan nakadantay ang kaniyang
kaliwang paa.
Umupo
ulit ako at naginat saglit, pinanood ko pa itong matulog. Nagulat na lang ako
ng iminulat nito ang kaniyang mga mata at lumingon saking kinauupuan, nahuli
ako nitong pinapanood siyang matulog habang nakangiti pa. Agad kumunot ang noo
nito.
“May
masakit ba saiyo Jase?” tanong ko na lang dito para makabawi sa pagkakahuli
niya sakin. Umiling lang ito.
“Teka,
baka nagugutom ka na. Ipaghahanda kita ng makakain.” sabi ko dito, di ko na ito
inintay pang sumagot nang makalabas at maisara ko na ang kaniyang pinto ay agad
akong napasandal dito at dahan dahang dumausdos paupo.
“Ano
bang ginagawa mo Aaron? Lumalambot nanaman ba ang puso mo?!” sabi ko sa sarili
ko.
0000ooo0000
Nagbuntong
hininga ako bago pumasok sa kwarto ni Jase. Naabutan ko itong nakatingin sa
bintana kasalungat ng pinto, nakasandal na ito sa kaniyang headboard at tila
malalim ang iniisip. Inilapag ko ang tray sa kaniyang paanan at dinampot ulit
ang thermometer. Wala na itong lagnat.
“Kain
ka na Jase.” alok ko dito.
“Salamat
at sorry, Aaron.” mahina nitong sabi sakin. Di ako sumagot.
“Salamat
kasi kahit galit na galit ka sakin nakuwa mo parin akong alagaan. Sorry, dahil
napilitan ka pang pumunta dito para alagaan ako, naabala ka pa. Sabi ko kay
Mommy na wag ka ng abalahin, di parin pala nakinig.” sabi nito habang nakatanaw
parin sa bintana.
“Wag
mo ng isipin yun, sige na kain ka na.” alok ko ulit dito. Tatalikod na sana ako
ng hawakan nito ang aking kamay.
“Usap
tayo, please.” bulong nito, humarap ulit ako dito, nangingilid na ang mga luha
nito. Di parin nito pinapansin ang kaniyang pagkain.
“Sige,
sa isang kundisyon...” sabi ko dito.
“A-ano
yun?” nagaalalang tanong nito sakin. Napabuntong hininga ako.
“Kainin
mo muna yang inihanda ko sayo.” sabi ko dito, binigyan ako nito ng matamlay na
ngiti at inabot ang sabaw na aking niluto.
0000ooo0000
Pinilit
nitong ubusin hanggang sa huling tulo ng sabaw ang aking inihanda, kinuwa ko
ang bowl sa kaniyang kamay at iniligpit iyon, pagkatapos ay tinignan ko ulit
ang temperatura nito, wala na itong lagnat, tatalikod na sana ulit ako ng
hilahin nito ang aking kamay.
“Maguusap
tayo diba?” malungkot ang tanong nito. Agad akong umupo sa silyang hinila ko
mula sa sala.
“Aaron,
sana maniwala kang wala na kami ni Sandra nung gabing susunduin sana kita sa
ospital. Sana rin maniwala ka na mahal na mahal kita.” naiiyak ng sabi nito.
Nagbuntong hininga ako, tumayo at nilapitan siya, pilit siyang pinahiga at
inayos ang paligid ng kaniyang higaan.
“Magpahinga
ka na Jase, saka na natin pagusapan yan. Baka mabinat ka pa.” sabi ko dito,
tuluyan ng tumulo ang mga luha nito. Tatalikod na sana ako ng magsalita ulit
ito.
“Wala
na ba talaga, Aaron? Di mo na ba talaga ako mahal?” tanong nito sakin, di ako
nakasagot, agad na akong naglakad palabas ng kwarto niya at nagtungo sa kwarto
ko. padapa kong ibinagsak ang sarili ko sa higaan.
Naramdaman
ko ng pagagos ng aking luha.
Itutuloy...
[15]
Nang
imulat ko ang aking mga mata ay napansin kong medyo mahapdi ito, medyo maiinit
na ang paligid, baka tanghali na, agad kong naalala ang nangyari nung umaga sa
kwarto ni Jase. Di ako makapaniwalang aabot sa ganun, akala ko may sa bato na
ang puso ko, akala ko di ko na ulit mararamdaman pa ang sakit tulad non.
Bumangon
na ako at napagpasyhang silipin si Jase, baka kasi nabinat iyon o kaya naman ay
lalong sumama ang pakiramdam, pero agad din akong nagalangan.
“Baka
magdramahan nanaman kami.” sabi ko sa sarili ko, pero ikinibit balikat ko na
lang iyon, iintayin ko na lang na bumuti ang lagay niya at kung pipilitin
nanaman ako nitong makipagusap sa kaniya katulad kaninang umaga ay pipilitin ko
nalang ulit ang sarili ko na balewalain yun at pipilitin ko na lang ulit ang
sarili ko na wag siyang pansinin.
Nang
makalabas na ako saka ko napansin na halos wala namang nagiba ng iwanan ko ito
kaninang umaga, pinuntahan ko si Jase sa kwarto nito, nakahiga parin ito,
nakakumot at tulog na tulog. Tinignan ko ang temperature nito. May lagnat ulit,
pero di na kasing taas nung unang gabi. Agad akong kumuwa ng makakain ni Jase
atsaka pinainom siya ng gamot.
Balik
sa dati, walang kibuan.
Matapos
nitong inumin ang gamot ay nagsabi itong magpapahinga na lang ulit siya at di
ko na kailangan pang bantayan siya, agad akong nakaramdam ng kirot sa aking
puso. Napatingin ako dito, inihiga niya ulit ang sarili niya at pumikit na. Di
ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, ito naman ang ginusto ko, ang di
kami magusap, ang di kami magpansinan, sinabi ko pa ngang ayaw kong magsasama
kami sa iisang kwarto pero bakit ngayon, parang taliwas nun ang nararamdaman
ko. Bakit ako naguguilty? Bakit ako naaapektuhan sa pinapakitang pagiging
malamig ni Jase?
“S-sige,
tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka, andito lang ako sa kabilang
kwarto.” paalam ko dito sabay talikod, narinig ko itong nagbuntong hininga.
Ilang
minuto pa ang lumipas sa loob ng aking kwarto, wala akong maintindihan sa aking
binabasa, pilit pumapasok sa isip ko si Jase at ang pagiging malamig nito
sakin. Parang bumabalik sakin yung alaala na parang naghybernate ang aming
nararamdaman nung kami pa at sa pagkakaalala nun ay lalo akong nakaramdam ng
kirot sa aking puso.
Di
ko alam pero bigla akong napatayo mula sa aking pagkakasalampak sa kama at
tinungo si Jase, nang silipin ko ito ay mahimbing itong natutulog, muli kong
dinampot ang thermometer, medyo natuwa ako ng makitang bumaba na ulit ang
lagnat nito. Pinagmasdan ko ulit ang mukha nito.
Ang
mukha ni Jase ang isa sa pinakamaamong mukha na nakita ko. Di ko alam kung
bakit pero dinala ako ng aking mga paa papunta sa kabilang bahagi ng kama at di
ko rin alam kung bakit ako humiga doon. Mukhang di naman ito napansin ni Jase,
tuloy parin ito sa mahimbing niyang tulog. Humarap ako dito at pinagmasdan ulit
ang mukha niya.
“Sorry.”
naibulalas ko at tumulo na ulit ang mga luha na noon ko pa pinipigilang tumulo.
Napapikit ako. Naramdaman ko na lang na pinapahiran ni Jase ang aking mga luha.
Pagdilat ko ay nakita kong nakatingin ito sakin. Malamlam ang mga mata na miya
mo nangungusap.
Niyakap
ako nito ng mahigpit. Mayamaya pa ay gumanti na ako sa yakap niya na iyon
habang humihikbi.
0000oooo0000
Nagising
ako ng maramdamang lumalamig na ag paligid. Iminulat ko ang aking mata at
nakitang magga-gabi na pala, ibinaling ko ang aking tingin sa kabilang bahagi
ng kama, wala na si Jase doon. Kumunot ang noo ko at nagpasyang bumangon na.
Nang
makalabas ako ng kwarto ay agad akong napangiti sa naaamoy na nilulutong adobo.
Naglakad na ako papunta sa kusina, nadaanan ko ang dining table at doon may
nakaahin na na mga plato na pang dalawang tao.
Bago
pa man ako tuluyang makapasok sa kusina ay sinilip ko muna si Jase, nakita ko
itong naglalagay ng paminta at asin sa kaniyang niluluto. Sa aking palagay ay
malapit na itong maluto lalo pa at ang bango bango na nito.
“Musta
na ang pakiramdam mo?” tanong ko dito. Nagulat si Jase at agad na napaharap
sakin.
“A-ayos
na ako, salamat sa pagaalaga nga pala. Eto nagluto ako ng adobo para makabawi
manlang ako.” sabi nito sabay ngiti.
“Mabuti
naman maayos na ang pakiramdam mo, pwede na akong bumalik sa ospital.” sabi ko
dito, agad namang nabura ang ngiti sa mukha nito saka nagbuntong hininga.
Humarap ulit ito sa kaniyang niluluto. Lumapit ako dito.
“Kaya
bilisan mong magluto dyan kasi nagugutom na ako at kailangan ko pang bumalik ng
ospital.” sabi ko dito, humarap ito sakin at hindi maitago ang tuwa sa kaniyang
mukha.
0000oooo0000
Tahimik
lang kaming nakain, paminsan minsan kong nahuhuli si Jase na nakatingin sakin,
tila ba nagiintay akong punahin at purihin ang kaniyang niluto o kaya naman ay
iniintay akong magsimula ng mapaguusapan. Ilang araw narin kasi akong nakatira
doon sa puder niya pero ito palang ang pinakamatagal na nagkasama kami sa
iisang kwarto ng hindi nagsisigawan.
“Ah
eh, Aaron, ok lang ba yung timpla? D-di ba masyadong maalat?” tanong nito
sakin, nagaalangan pa, marahil ay nagiingat sa kaniyang bawat sabihin.
“Medyo
maalat, pero ok lang, di naman ako nagpapatis eh.” sabi ko dito, tumango naman
siya.
Tahimik
ulit. Paminsan minsan ko nanaman itong nahuhuling nasulyap sakin.
“A-Aaron,
di ka na ba g-galit sakin?” kinakabahan nitong tanong sakin. Medyo natagalan
akong sumagot.
“Ano
nga ba? Galit pa nga ba ako?” tanong ko sa sarili ko pero agad din akong
bumuntong hininga.
“Jase,
kalimutan na lang natin lahat ng nangyari, ok?” tanong ko dito sabay bigay ng
isang matamlay na ngiti, tumango lang si Jase.
0000oooo0000
Para
hindi naman mabinat si Jase ay napagpasyahan kong ako na ang magligpit ng aming
mga pinagkainan. Tutal, kakaunti lang naman iyon kaya ok lang sakin. Hinayaan
ko na lang siyang magrelax sa sofa.
Nang
matapos ako sa paghuhugas ay nagpasya na akong magpunta sa aking kwarto para
ayusin na ang aking mga gamit pabalik sa ospital. Napansin kong nakatulog na
pala si Jase sa may sofa, medyo maginaw sa parteng iyon ng apartment dahil
madaming malalaking bintana doon kaya naman para sa isang kagagaling lang sa
sakit na hihiga doon at magpapahinga ay parang di magandang ideya sa aking
palagay, kaya agad akong pumunta sa kwarto ni Jase at kinuwa ang makapal na
blangket nito sa kama.
Nang
hilahin ko ito ay di sinasadyang mahila rin ang unan niya, sa ilalim non ay
tumambad sakin ang isang picture. Picture naming dalawa na magkaakbay at
masayang masaya. Di ko alam pero di ko napigilan ang sarili ko na mapangiti.
Lumabas
ako at tinungo ang kinauupuan ni Jase, inabot ko ang remote ng TV at hininaan
ang volume nito sunod kong ginawa ay kinumutan ito, idinampi ko ng likod ng
aking palad sa kaniyang leeg at napangiti ng malamang wala na itong lagnat.
Tinignan ko ang pinapanood nito.
“Re-run
ng NBA.” sabi ko sa sarili ko. Umupo ako sa bakanteng pwesto sa sofa sa tabi ni
Jase.
0000oooo0000
Napasuntok
ako sa langit ng mapanood kong naka shoot ang kuponan na gusto ko, isang minuto
na lang para makashoot ang kalaban pero sa tingin ko ay malabo ng makapuntos
sila, pinipigilan ko ang sarili ko na magsisigaw sa tuwa.
Nang
sulyapan ko si Jase ay nakita kong pinapanood ako nito. Bigla kong naramdaman
ang mukha kong naginit sa hiya. Gumalaw ito at tuluyan ng humiga sa sofa,
ginawa nitong unan ang aking mga hita. Pinabayaan ko na lang ito.
“Nagising
ba kita?” mahina kong tanong dito, umiling lang ito saka itinaas ang kumot na
halos ibalot na niya sa buong katawan, iniwan niya lang ang ulo niyang di
matakpan ng kumot.
“Akala
ko babalik ka na ng ospital?” tanong nito sakin, napangiti lang ako.
“Di
na muna siguro, may laro pa mamya ang Heat eh. Live.” sagot ko dito, di na siya
kumibo pero ng tapunan ko ito ng tingin ay nakita kong nangingitingiti ito.
0000oooo0000
“Takaw
ko ata sa tulog ngayon?” tanong ko sa sarili ko ng mapansin kong nakatulog na
pala ako sa puwesto namin ni Jase na iyon.
Iginala
ko ang aking mga mata at nakitang nakabukas parin ang TV pero wala ng palabas,
tanging yung linya linya na lang na may iba't ibang kulay ang nakadisplay,
pinatay ko na ito, ngayon, tanging ang lampshade na lang na nakapatong sa isang
lamesita sa dulo ng sofa ang ilaw. Madrama nitong iniilawan ang mukha ni Jase,
napakaganda ng pagkakadampi ng madilaw na ilaw nito sa maputing balat ni Jase.
Nakatalukbong
parin ito ng kumot pero iniwan niya ang ulo niya na naka expose, hinawakan ko
ang leeg nito para malaman kung nilalagnat ito, pero hindi, normal lang ang
temperatura nito, di ko napigilan ang sarili kong kamay na iakyat ang
pagkakahaplos nito sa maamong mukha ni Jase.
Bigla
akong nalungkot.
“Itong
mukhang ito ang naging dahilan ng maraming hinanakit noon. Kung iibahin ba ang
sitwasyon ngayon, at kung bibigyan ko ito ng pangalawang pagkakataon mauuwi rin
kaya sa pasakit iyon?” tanong ko sa sarili ko, di ko namalayan na nangingilid
na ang aking luha.
Tumulo
ito sa maamong mukha ni Jase. Idinilat nito ang kaniyang mga mata. Agad itong
napabalikwas.
“Aaron,
b-bakit ka umiiyak?” tanong ni Jase sakin saka pinahiran ng kaniyang kamay ang
aking mga luha.
“Natatakot
kasi ako.” matipid kong sagot dito, para na akong batang nahikbi. Niyakap ako
nito.
“Natatakot
saan?” habol tanong pa nito. Marahan akong humiwalay sa pagyayakapan namin.
“Dito.”
matipid kong sagot sabay turo sa aking dibdib. Kumunot ang noo ni Jase.
Tahimik.
Sumeryoso ang mukha ni Jase, tila ba naintindihan ang aking gustong ipahiwatig.
“Di
na kita sasaktan. Pangako.” matipid nitong sagot at dahan dahan niyang inilapit
sakin ang kaniyang mga labi.
0000oooo0000
“Adobo
nanaman?” tanong ko kay Jase nang mabungaran ko itong iniinit ang aming ulam
nung nakaraang gabi.
“Eto
lang naman ang alam kong iluto diba?” tanong nito sakin sabay hagikgik.
Napamaang
ako dito, bumalik na kami sa dati, para na kami ulit magnobyo parang isang
couple na di nagkasakitan, parang couple na bago pa lang sa kanilang relasyon.
Masaya ako pero di ko parin paminsan minsan mapigilang magisip...
“Paano
kung masaktan nanaman ako?”
Pero
ikinibit balikat ko lang ito, ibinabase ko na ngayon ang aming relasyon sa
binitiwan niyang pangako kagabi sakin. Nagtitiwala ako sa kaniyang di na niya
ako sasaktan at alam ko at nararamdaman ko na gagawin namin ang lahat para
gumana ang relasyon na ito.
Agad
kong inabot ang mga plato sa ibabaw ng ref, magsisimula na sana akong magahin
ng hawakan ni Jase ang aking mga kamay.
“Ako
na ang gagawa niyan. Babawi ako sayo.” sabi nito. Napangiti naman ako di
nagtagal ay niyakap ako nito mula sa likod.
“Marami
tayong dapat bawiin.” bulong nito sakin.
0000oooo0000
“So,
let's clear things...” simula ni Jase habang nanguya ng isang malaking chunk ng
adobo.
“Huh?”
“First,
pano na ang pagtira mo kay Mommy? Pagbalik niya ba galing states, dun ka parin
sa mansyon tutuloy o dito ka na sakin?” tanong ulit nito habang may mga piraso
pa ng kanin na natalsik mula sa kaniyang bibig.
“Ah,
eh kakausapin ko si Tita, about dyan.” kinakabahan kong sabi dito.
“Nakausap
ko na siya, ok lang naman sa kaniya na dito ka na as long as I keep my promise
daw. Saka magatatagal pa daw siya doon ng ilang buwan.” agad nangunot ang noo
ko.
“Pinapangunahan
mo nanaman ako ah? Anong promise yun?”
“Wala,
samin na lang ni mom yun.” sabi nito sabay subo ulit ng ulam.
“Nagtatanong
ka pa eh na settle mo narin naman pala lahat.” sabi ko dito, nginitian lang ako
ni Jase.
“Sabi
ko naman sayo ako na ang bahala sa lahat, saka sabi mo naman dati diba? Ako naman
ang laging nasusunod.” nagbibirong sabi nito, natigilan ako, nahalata niya ito
kaya't inabot niya ang kamay ko.
“Joke
lang yun.” alo ni Jase. Binigyan ko siya ng matamlay na ngiti.
“Di
ko na sayo gagawin lahat ng iyon, wala na akong gagawin sayo kundi ang mahalin
ka.” sabi nito, seryoso na ang mukha nito sabay pisil sa kamay ko.
“May
isa pa tayong problema.” sabi ni Jase ng pareho na kaming makabawi.
“A-ano?”
kinakabahan kong tanong dito.
“Ano
nang itatawag natin sa isa't isa? I'm thinking of ...dear.” nabilaukan naman
ako sa proposisyon na iyon. Akala ko kasi kung ano na.
“Hon
na lang.” mungkahi ko, nagalangan siya saglit. Pero tumango nadin ito ng
maglaon saka ako binigyan ng isa pang ngiti.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment