Friday, January 11, 2013

Against All Odds: Book 1 (21-Finale)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[21]
Nagsisimula na akong manginig, itinutok nanaman sakin ni Sandra ang baril tulad ng huli naming pagkikita pero iba ngayon dahil may ilang dipa pa ang layo nito sakin. Agad itong lumingkis kay Jase ng makalapit ito dito.


“Sabi ko sayo diba na di kita papakawalan?” pahayag nito kay Jase, blangko ang mukha ni Jase, unti unti ng nawawala ang dugo sa mukha nito.

“OK na Sandra, tumupad na ako sa usapan natin, nakipaghiwalay na ako kay Jase. Sayong sayo na siya.” kinakabahan kong sabi kay Sandra.

“At ano? Kapag nalingat ako aagawin mo ulit siya?! Di ako tanga!” sigaw ulit ni Sandra sabay kasa sa baril.

“Tama na, Sandra. Napagusapan na natin to diba?” singit ni Jase.

“Di ako pumayag sa usapan natin remember?” sarkastikong sabi ni Sandra saka tumawa na kala mo galing sa ilalim ng lupa.

“Ikaw lang ang ititira kong buhay.” pahabol pa nito kay Jase at itinutok sakin ang baril saka kinalabit ang gatilyo isang malakas na putok ulit ang narinig sa buong compound. Nang aktong pipikit na ako ay saktong humarang si Nate sa aking harapan saka bumagsak sa aking paanan. Agad akong lumuhod para makita kung saan ito natamaan.

May lumalabas na dugo sa kanang bahagi ng dibdib nito agad kong idiniin ang aking kamay sa sugat nito para mapigil ang pagbulwak ng dugo.

“Nate, shit! Shit!” sigaw ko. Lalo kong diniinan ang aking kamay na ginagamit kong panakip sa sugat nito, muli kong narinig ang pagputok ng baril ni Sandra at nakita ko itong walang malay na bumabagsak sa mabatong driveway, may tama ng bala sa noo.

0000ooo0000

“Ito ba ang dahilan kung bakit ka nagpasyang makipaghiwalay sakin? Dahil tinakot ka ni Sandra?” tanong sakin ni Jase, napatingin ako sa kinauupuan ni Tita malapit sa tabi ni Nathan, malamig ang binabatong tingin nito sakin. Di ko na sinagot pa si Jase.

“Sana sinabi mo sakin agad para hindi na humantong sa ganito.” habol pa ni Jase. Napansin kong nagmulat na ng mata si Nathan.

“Jase, m-mahal ko si Nathan.” bulong ko, hindi tinitignan si Jase ng daretso sa mata. Natatakot ako na makita nito ang totoo.

“Bullshit!” sigaw ni Jase.

“Jase, tama na.” bulong ni Nathan.

“Kung totoo yang sinasabi mo bakit di ka makatingin sakin ng daretso?! Aaron please, kailangan kita.” may pagmamakaawa na sa boses nito. Napapikit ako.

Pilit na inaalis sa aking sistema ang pagmamahal kay Jase dahil sa kundisyon ko, sumunod sa usapan si Tita at di niya sinabi ito kay Jase. Mahal man namin ni Jase ang isa't isa ay talagang di pwedeng ipilit. Madumi na ako, dumi na hindi nakukuwa sa ligo at sa madiin na pagkuskos. Madumi ako at malinis si Jase, di ko kayang bahiran ang kalinisan na iyon.

“Jase, halika na, hindi ito ang tamang panahon para pagusapan iyan, let's give Nathan some rest.” aya ni Tita kay Jase, marahil ay natunugan nitong di ko na kayang magsinungaling pa kay Jase kapag nangulit pa ito.

Napapikit ako at pilit na pinigilan ang mga luha na pumatak. Naramdaman ko ang paghawak ni Nathan sa aking kamay.

“I'm sorry.” nahikbing sabi nito. Di ko na napigilan ang sarili ko at hinawi ko ang kamay ni Nathan sa pagkakahawak niya sa aking kamay.

0000ooo0000

“The Doctor said you can go home tomorrow.” sabi ni Tita sabay haplos sa mukha ng kaniyang anak, samantalang ako ay nakatanga lang sa isang tabi, di makapaniwala sa mga nangyari.

“Ma, Aaron and I decided to live together.” sabi ni Nathan sa kaniyang ina. Natahimik bigla ang buong kwarto, di ko na pinilit pa ang sarili ko na tignan ang magina, alam kong makikita ko lamang ang pagkadismaya sa mukha ni tita at ang lungkot sa mukha ni Nathan. Narinig kong nagbuntong hininga si Tita.

“May magagawa pa ba ako?” tanong nito.

“Thanks, Ma.” sabi ni Nathan.

“O siya, uuwi muna ako. Kayo na munang bahala dito, Nathan, magpalakas ka para paguwi mo bukas.” bilin ni Tita. Di ko na ito hinatid pa ng tingin palabas ng kwarto.

“Aaron.” tawag sakin ni Nate, di ako sumagot.

“Aaron, kain ka muna, may dinala diyan si Mom na tuna sandwhich, masarap yun.” alok nito sakin.

“Wala akong gana.” sabi ko dito.

“Aaron, please, kailangan nating magpalakas. Kapag bumaba ang resistensya natin mapapadali...”

“Don't give me that crap, Nathan, I was a physician, remember? Before you give me this shit?!” sigaw ko dito.

“Aaron, please. ” pagmamakaawa nito sakin.

“Nung ako ba ang nagmamakaawa, pinagbigyan mo ako?” balik ko dito, nagsisimula ng mangilid ang luha nito.

0000ooo0000

“Pasensya ka na Aaron, isa lang ang kwarto dito sa pad ko eh.” matamlay na sabi ni Nathan habang akay akay ko siya.

“Sa sofa na lang ako matutulog. Hayaan mo, kukumbinsihin ko ang medical director namin na pagpratctice-in parin ako sa ospital, para naman mabayaran ko ang kalahati ng upa.” sabi ko dito.

“Wag na, kaya pa naman ng restaurant ko...”

“Hanggang kailan kakayanin ng restaurant mo? Ilang taon pa at pareho na nating kailangang iasa sa gamot ang bawat paggalaw natin, sa tingin mo pag nangyari yun andyan parin ang restaurant mo? Ipunin mo hangga't makakapagipon ka ganun din ako. Di natin alam kung hanggang kailan natin magagawang magipon bago pa tayo lumala pareho.” may galit kong sumbat dito.

Di na ito sumagot sa aking mga sinabi, inalalayan ko ito paupo sa sofa at agad na pumunta sa kusina at pinagluto siya ng makakain. Habang naggagayat ng mga sahog para sa aking niluluto ay di ko mapigilan ang mapaiyak, tila hindi parin makapaniwala sa nangyayaring kamalasan sakin, tila hindi parin matanggap ang untiunting pagkamatay.

0000ooo0000

“Ayan, kumain kang maigi para makabalik ka sa restaurant agad, alam kong kailangan ka doon.” sabi ko dito.

“Hindi. Hindi ko kakainin yan.” malamig na sabi sakin ni Nate.

“Anong...?” simula ko.

“Hindi ako kakain kung hindi ka nakain. Kung mamamatay ka sasama ako sayo.” may paninindigan na sabi sakin ni Nate.

“Kung hindi rin lang kita makakasama sa nalalabing araw ko dito sa mundo edi mabuti na lang na mamatay narin ako kasama mo. Mahal na mahal kita, Aaron, kaya kong isugal lahat makasama ka lang.”

“Pero sa maling paraan mo ginawa, Nate.” nanlulumo kong sabi dito sabay patak ng aking mga luha. Di ko na napigilan ang aking sarili at tuloy tuloy ng lumabas ng pad nito.

0000ooo0000

Nagsisimula nang kumulimlim, makakapal na ulap na ang bumabalot sa buong Manila pero mas pinili ko paring tumunganga sa isang swing sa may park di kalayuan sa pad ni Nathan. Hangga't paisa isang pumatak na ang ulan. Hinayaan kong dumausdos ang tubig mula sa aking buhok pababa ng aking katawan.

“Ni malakas na ulan ay di ko na magawang problemahin sa laki ng problema ko ngayon.” sabi ko sa sarili ko. Muli kong naalala ang aking mga magulang.

“Wag na wag mong ipapakita na nahihirapan ka, na nagmamakaawa kang tulungan ka namin, wag na wag kang magpapakitang nahingi ng tulong dyan sa boyfriend mo at wag na wag ka ring magpapakita sa harapan ng bahay na ito ng walang napapatunayan sa sarili mo at hangga't di mo napapatunayan na tama ang pagpili mong magpakabakla, kasi sa oras na makita kitang nagkakaganoon. Tatawa ako, pagtatawanan kita.”

Muli kong narinig ang mga salitang iyon ng aking ama.

“Ito ba ang dahilan sa lahat ng pagkakaganito ko? Dahil sa nagpakabkla ako? Dahil sa sinuway ko ang aking mga magulang?” sabi ko sa sarili ko habang dahang dahang tumingala.

“Pinaparusahan mo ba ako dahil bakla ako?!” sigaw ko sa makakapal na ulap na nagdadala ng ulan.

“Diyos ko, wala akong hinangad kundi ang may mapatunayan sa aking ama, pero lahat ng binibigay mo sakin ngayon ay taliwas sa mga hinihingi ko!” sigaw ko ulit habang patuloy parin na nakatingala sa langit, dinadama ang sensasyon ng pagtulo ng tubig sa aking mukha, hangga't sa inangkin narin ng pagod ang aking mga tuhod.

“Gusto ko lang lumigaya. Pero bakit parang buong buhay ko di ko naman iyon naranasan?!”

“Bakit ako? Madaming tao dyan na mas walanghiya pa kesa sakin, madaming tao diyan na pumapatay para kumita. Bakit ako pa? Bakit ako pa?!” sigaw ko ulit.

0000ooo0000

Tumutulo pa ang aking mga damit ng makabalik ako sa pad ni Nathan, agad kong binuksan ang pinto at bumungad sakin si Nate na nakaupo parin sa sofa na gulat na gulat sa aking itsura. Sinulyapan ko ang inihanda kong sopas sa kaniya, di niya ito ginalaw. Nagbuntong hininga ako. Agad akong pumunta sa aking kwarto at nagpalit ng damit, pagkatapos ay pumunta sa kusina at naginit ng panibagong batch ng sopas.

“San ka galing?” tanong sakin ni Nate, di ko na ito sinagot at inilapag ang bagong sopas sa kaniyang tapat. Umupo ako sa tabi nito at sinimulan ng kainin ang sopas na inihanda ko sa sarili ko. nararamdaman kong sakin parin nakatingin si Nate. Binigyan ko ito ng isang malungkot na ngiti, isang ngiti, malungkot man ay hindi ko lubos maisip kung san ko hinugot. Kasabay ng pagngiting iyon ay pagtulo ulit ng mga luha mula sa aking mga mata. Niyakap ako ng mahigpit ni Nate. Sabay kaming umiyak.

0000ooo0000

Iminulat ko ang aking mga mata. Makatabi parin kaming natutulog ni Nate sa sofa, sa lamesa di kalayuan samin ang tatlong tasa na pinaglagyan ko ng sopas, wala sa sarili kong inilapit sa aking mukha ang aking kanang kamay at pinahiran ang luhang tumutulo doon.

“Aaron?” tawag sakin ni Nate, kinukusot pa nito ang kaniyang mga mata. Nang mapansin siguro nito ang aking muling pagiyak ay saka niya ako niyakap ulit, kasing higpit ng yakap na ibinigay niya sakin nung nakaraang gabi.

“Shhh, andito ako Aaron.” pagaalo sakin ni Nate.

“Natatakot ako, Nate.” parang bata kong sabi dito, naramdaman kong lalong humigpit ang yakap sakin ni Nate.

“I'm sorry.” naiyak narin nitong sabi sakin, umiling lang ako at nagbigay ng malungkot na ngiti.

“Tapos na iyon, wala na tayong magagawa pa, andyan na iyan eh, ang dapat nating alalahanin ay ang bukas.” sabi ko at ginantihan ko na ito ng mahigit ding yakap.

After 3 years

Nakaharap ako sa malawak na karagatan, iniintay ko ang paglubog ng araw sakay ang aking surf board habang hawakhawak sa kanang kamay ang isang videocamera na may casing pamprotekta sa tubig. Ni-rerecord ko ang paglubog ng araw, ang tanawing naging saksi sa pagpapaalam namin ng aming nararamdaman ni Nathan noon para sa isa't isa, bago naging ganito kagulo, bago magkagulo ang lahat.

Habang bumababa ang araw at dahan dahang nagtatago sa miya mo kumot na dagat at wala ring tigil ang pagpatak ng luha ko. Maraming taon na mula nung nagpunta kami dito ni Nate nung 1st year anniversary namin. Marami ng nangyari at marami ng nagbago. Tatlong taon na mula noong mapagalaman namin ni Nate na HIV positive kami at ngayon, di namin inaasahan na mapapadali ang pagtungtong ni Nathan sa huling parte ng karamdamang ito, AIDS.

“Gagawin ko lahat, maibalik lang yung panahon na masaya kong tinuturuan si Nathan mag-surf, ipagpapalit ko kung ano mang meron ako ngayon para sa kapiranggot na bagay na gusto kong baguhin sa mga nangyari noon.” lumuluha kong sabi sa maalon na karagatan, ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang nakakarelax na tunog ng alon na lunurin lahat ng aking iniisip.

“Ganda. Parang nagtatago yung araw sa dagat.” sabi ni Nate sakin habang magkahawak ang kamay namin.

“Nakaka relax. Parang ang nakakawala ng problema.” sabi ko. Tumango sa tabi ko si Nate.

“Pwede ko tong gawin habang buhay.” sabi niya. Napatawa naman ako.

“At siyempre ako ang dapat mong pasalamatan dahil may naituro ako sayo na pwede mong gamitin sa iba mo pang mga dine-date.” pangaalaska ko dito. Tinignan ako nito ng masama.

“Di ah, gusto ko sa habang buhay kong ginagawa ang ganito, gusto ko ikaw lang ang lagi kong kasama.” sabi nito. Napangiti naman ako at biglang kinilig ng higpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay.

“Sigurado ka ba diyan?” tanong ko sa kaniya.

“Siguradong sigurado!” sabi nito sabay ngisi.

“Isigaw mo nga sa buong sangkaragatan.” sabi ko dito. Napatawa naman ito.

“Mahal na mahal kita, Aaron Mark Apacible!” sigaw nito. Nagtamputanpuhan ako.

“Oh bakit ka sumimangot?” tanong nito.

“Hina kasi, di yun maririnig ng sangkaragatan.” sabi ko na may himig pagtatampo.

“Ah ganun ba?” tanong nito. Tumango lang ako.

“Sige saglit.” huminga ito ng malalim. Di parin kami natayo sa aming mga surfing board at magkahawak parin ang aming mga kamay. Kalahati na ng araw ang nakalubog at nagsisimula ng maging kulay orange ang kalangitan. Tahimik at payapa parin ang paligid, tanging alon lang na magiliw na nahampas sa dalampasigan ang aming naririnig.

“MAHAL NA MAHAL KITA AARON APACIBLE!” sigaw ni Nathan sa tabi ko.

“Mahal din kita Nathan Cruz.” sabi ko, mahina lang pero sinsero. Ngumiti si Nate ng marinig ito.

“Sigurado ka?” tanong nito sakin.

“Siguradong sigurado!” sabi ko. hinila ako nito sa batok na siya namang ikinahulog ko sa board ko, di pa ito nagkasya dun at inilublob pa niya ako pabalik sa ilalim ng tubig ng makaahon ako. Nang muli akong maka ahon ay siya naman ang nagpakahulog sa kaniyang board, ngayon pareho na kaming asa tubig.

“Ngayon sigurado ka pa ba?” tanong ulit nito sakin.

“Di lang maalat na tubig ang kailangan na makakapagpabago ng nararamdaman ko sayo.” sabi ko dito, ngumiti ulit ito. Ngayon ako naman ang humawak sa batok niya at hinila siya pailalim ng tubig. Duon inilapat ko ang mga labi ko sa labi niya, para kaming mga sireno o shokoy na naghahalikan sa ilalim ng dagat.

Pero alam kong kahit anong hiling ang gawin ko, kahit sino pang santo ang tawagin ko ay di na maaalis ang karamdamang ito, wala na kaming magagawa pa ni Nathan kundi salubungin ang napipintong pagtatapos ng aming kwento. Sinimulan ko ng i-ikot ang surfing board pabalik ng pampang.

Itutuloy...

[22]
Hinanghina na si Nate, nakahiga na lang ito sa kama ng apartment na aming inuupahan, payat na payat at tila ba hirap na hirap sa paghinga, sinusubuan ko siya ng sopas na aking niluto noong umagang iyon, ayon sa kaniya ay paborito na niya ito. Sa kabila ng malaking ibinawas ng timbang nito ay maaaninag mo parin ang gwapong mukha nito at palangiting mukha. Masayahin parin ito kahit na sa bawat tawa ay katumbas ata ng limampung malalalim na hininga ang kailangan para makabawi siya.

Di ko ulit maiwasang matakot at malungkot. Matakot dahil alam kong di magtatagal ay ako naman ang hahalili sa kinalalagyan ngayon ni Nate at kapag nangyari iyon ay alam kong walang kahit na sino sa aking tabi na maaaring magsubo sakin ng sopas o kaya naman ay simpleng magpagaang ng loob ko. Malungkot dahil alam kong may nagawa sana ako para di mangyari ang mga nangyari, malungkot dahil alam kong may iba pang choices pero ang pinili ko ay ang pinakamahirap na daan, malungkot dahil ang taong nakaratay sa aking harapan ngayon ay ang taong nagturo sakin magmahal at dahil sa poot at galit ay pinilit kong burahin sa puso ko. Di ko na mapigilang mapaluha, napansin ito ni Nate.

“I'm sorry.” bulong nito.

Sa loob ng tatlong taong pagsasama namin ay ni isang beses ay hindi nagmintis si Nathan sa paghingi ng tawad. Sinisisi niya ang sarili, ayon sa kaniya, dahil sa pagiging selfish niya kaya kami parehong naghihirap. Sa ganitong pagkakataon ay wala na akong magawa kundi ang pagaangin ang kaniyang loob.

“Shhh, tama na. Wag na tayong magsisihan.” bulong ko sabay pahid sa aking luha at subo ulit sa kaniya ng isang kutsarang puno ng sopas.

“May supresa nga pala ako sayo.” bulalas ko dito, napangiti naman ito.

“Ha? Bakit anong meron?” tanong sakin ni Nate pero di maitatago ang excitement sa mukha nito.

“Relax ka lang dyan.” sabi ko dito sabay piring sa kaniya.

0000ooo0000

Nang handa na ang lahat ay inalis ko na ang piring ni Nathan. Nanlaki ang mata nito na siya namang namasa agad dahil sa mga luhang nangilid dito. Sa harapan namin ngayon, ay ang imahe na nirecord ko kamakailan lang, lumulubog ang araw na miya mo nagtatago sa dagat, ang malumanay na alon at ang tunog nito habang nahampas sa dalampasigan. Nanatiling nakapako ang mata ko sa mukha ni Nathan, alam kong tuwang tuwa ito muli kong nakita sa likod ng matamlay na itsura at bumabagsak na katawan ang lalaking minahal ko, ang lalaking mahal ko. Pinatigas man ng mga nangyari noon ang puso ko di maikakaila na may puwang parin sa puso ko si Nathan, napagtibay ito noong araw na iniharang niya ang katawan niya para hindi ako tamaan ng bala na pinakawalan ng baril ni Sandra.

“Naaalala mo ba yan?” tanong ko kay Nate na hindi na napigilan ang sarili at umiyak na. Lumapit ako dito at tinabihan siya sa kama, magkatabi naming pinanood ang vi-nideo ko. tulad noong 1st anniversary namin ay magkahawak ang aming mga kamay, ang pinagkaibahan lang ay di kami nakasakay sa surfing board at hindi kami nababasa ng tubig alat.

“Oo. Tandang tanda ko iyan.” sabi ni Nate at isinandal nito ang kaniyang ulo sa aking balikat. Inabot ko ang ulo nito at ginabayan palapit sa aking mukha, naglapat ang aming mga labi, naramdaman ko ang luha nito mula sa kaniyang pisngi na dumaloy sa aking pisngi.

“Happy Anniversary.” bulong ko ng maghiwalay ang aming mga labi.

0000ooo0000

Iminulat ko ang aking mga mata nang makaramdam ako ng matinding pangangalay. Sinubukan kong gisingin si Nate pero himbing na himbing ito, dahandahan kong hinawakan ang batok nito nang mapagpasiyahang ihiga siya ng maayos, pero may napansin akong mali.

“Nathan.” kinakabahan kong gising kay Nate.

“Nathan.” tawag ko ulit pero di na ito sumagot. Agad akong sumampa ng kama at sinimulan ng i-assess si Nathan, nanginginig kong inilagay ang aking dalawang kamay sa dibdib nito at nagsimula ng mag CPR.

“N-Nathan, please.” umiiyak ko ng sabi.

“No, Nathan. Please. Please... please.” tawag ko ulit dito habang nagC-CPR.

0000ooo0000

“T-tita, you have to come quick.” sabi ko kay Tita sa kabilang linya, di parin makapaniwala sa mga nangyayari, di ko parin tinigilan ang kaka CPR habang walang patid ang pagtulo ng aking mga luha.

Sa huli ay wala narin akong nagawa, niyakap ko na lang ang katawan ni Nathan, magisa kong pinanood ang video na aking supresa para kay Nathan habang patuloy parin ang aking mga luha sa pagdaloy.

“What happened...?” sigaw ni Tita, napaluhod ito sa nakita, nakayakap parin ako sa katawan ni Nathan, walang magawa kundi ang umiyak.

“C-call an ambulance, let's take him to the h-hospital.” pumipiyok na utos akin ni Tita. Napailing na lang ako. Alam naman naming pareho na wala na kaming magagawa.

“Nathan, no, no, please, hijo. Nathan! Nathan!” sigaw ni Tita habang inaalog ang katawan ni Nathan, wari mo bang ginigising si Nathan sa pagkakahimbing nito.

0000ooo0000

“Hijo, I'm not asking you to leave.” sabi sakin ni Tita ng magpaalam ako dito na tutulak na ako papuntang states.

“No, Tita. I have to do this. I promised Nathan that I will still practice my profession.” sabi ko dito habang iniyayakap ang sarili sa kaniya.

“Bakit sa States pa? Pano ang restaurant? Sayo iniwan ni Nathan iyon, you don't have to work abroad, kayang kaya kang buhayin ng restaurant, saka di mo na ba iintayin si Jase, uuwi yun from Canada para humabol sa libing.” pangungumbinsi ulit sakin ni Tita.

“I don't want the restaurant, tita, besides, kayo lang ang makakapagpatakbo sa business na iyon ng maayos saka USA lang po ang may programs for HIV positive professionals like me, dito kasi sa atin nauuna ang pandididiri eh, as of Jase, ayaw kong makita sa mukha niya ang pandidiri ulit. Saka nasaktan namin siya noon ni Nathan, tita, nasaktan siya sa pagpili ko kay Nathan.”

“That's because di mo parin sinasabi sa kaniya ang totoo ang tungkol sa karamdaman niyo.” Natahimik ako sa sinabing iyon ni Tita.

“Sana po, Tita, kayo na ang bahalang magpaintindi kay Jase.”

Nagulat si Tita sa aking sinabi pero alam niya ring may punto ako kaya't wala na itong nagawa kundi tanggapin ang desisyon ko.

“Well, ikaw ang bahala, give me a call na lang kung may problema ka.” sabi sakin ni Tita at hinalikan ako sa pisngi at tumulak na para harapin ang nakipaglamay ng gabing iyon.

“Aaron.” tawag sakin ng isang lalaki sa aking likod. Si Enso pala, pero hindi siya nagiisa. Asa likod niya ang aking mga magulang.

“Anak!” sigaw ng aking ina sabay yakap sakin.

Inaya ko itong sumunod sakin papuntang kusina.

“Anak, alam na namin ang tungkol sa kundisyon mo.” sabi sakin ng aking nanay. Di ako umimik.

“Bakit di mo sinabi samin agad?” sabat naman ng aking ama. Tinignan ko ito saglit.

“P-para ano? Para pagtawanan? Para ipamukha sakin na katulad ni kuya ay mamamatay ako dahil sa aking kabaklaan? Para ipamukha sakin na tama kayo at mali ako?” naiiyak ko ng sumbat sa mga ito, niyakap ulit ako ng aking ina.

“Hindi a-anak.” pumipiyok na sabi sakin ng aking ama at niyakap ako nito, niyakap ng mahigpit.

“Ipinangako ko sa sarili ko na wala akong sisisihin, pero sa tuwing nakikita ko kayo, sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niyo nung palayasin niyo ako, di ko maiwasang... di ko maiwasang sisihin kayo sa pagkakaganito ko. kung di niyo ako pinalayas, di sana ako nagputa at di sana ako pinandirihan ni Nathan, di sana kami nagkahiwalay, di sana siya nagpuntang states at nagkasakit, di sana niya ako inagaw kay Jase at ipilt ang sarili sakin, di sana siya namatay ngayon. Kung hindi lang sana kayo nabulag ng pagkamatay ni kuya Sam, kung nakita niyo lang sana na magkaiba kami, kung hindi lang sana makitid ang utak niyo. Di sana nangyari ang lahat ng ito!” sigaw ko sa aking mga magulang at hinawi ang mga yakap ng mga ito.

Napansin kong parepareho ng nabaha ng luha ang aming mga mata.

“Kung nandito kayo para makiramay kay Nathan, andun ang labi niya sa sala. Humingi kayo ng tawad, dahil sa kakitiran na yan ng utak niyo kaya nasa kabaong ngayon si Nate imbis na masaya ngayon sana siyang minamanage ang business niya..” malamig kong sabi sa dalawa at tumalikod na.

Mabilis kong nilisan ang lugar at sumandali sa garden para makahinga ng sariwang hangin, pero may tao na pala doon.

“Patawarin mo na sila, Aaron. Di rin naman nila ginusto lahat ng ito.” bulalas ni Enso. May lungkot sa mga mata nito. Umiling lang ako.

“Di mo naiintindihan.” bulong ko.

“Maniwala ka, naiintindihan ko. Noong nabubuhay pa ang Dad, wala ng ibang tao ang tatalo sa kakitiran ng utak niya, pero sa huli pinatawad ko narin siya, di dahil maganda sa pakiramdam, di dahil iyon ang dapat, pero dahil ama ko siya, dahil wala siyang hinangad para sa kabutihan ko at kasi dahil sakin kumitid ng ganoon ang utak niya.” sabi ni Enso.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko dito dahil medyo naguluhan ako sa sinabi nito.

“Dahil sakin, ibig sabihin, dahil sa mahal niya ako, dahil wala siyang iniisip kundi kabutihan ko at ni kuya kaya naging matigas ang puso niya at naging makitid ang utak niya. Ganun din ang mga magulang mo. Mahal kasi nila kayo ni Sam kaya kumitid ng ganiyan ang utak nila.”

Napaisip ako bigla sa sinabi ni Enso at di namalayan ang pagtulo ng aking luha.

0000ooo0000

Nasa labas ako ng isang maliit na bahay, matagal narin akong di nakakapunta doon at halos nakalimutan ko na ang itsura nito. Ngayon na ang alis ko papuntang US at pinagisipan kong mabuti ang sinabi ni Enso tungkol sa aking mga magulang.

“Manong saglit lang ah.” paalam ko sa driver na inatasan ni Tita na maghatid sakin sa Airport. Tumango lang ito.

Nanginginig ang aking buong katawan, di ko magawang lumakad ng maayos sa mahabang pathway patawid sa aming bakuran, nang sa wakas ay maabot ko ang frontdoor ng bahay, ng bahay na siyang naging tirahan ko ng ilang taon bago ako lumayas ay di ko naman magawang abutin ito at kumatok.

Nagulat na lang ako ng bigla itong bumukas at bumulaga sakin ang aking ama. Idinipa nito ang kaniyang mga kamay. Ilang luha na ang kumawala sa mga mata nito.

“I'm sorry.” parang bata na akong nahagulgol sa dibdib ng aking ama. Naramdaman kong may humawak sa aking kamay, alam kong kamay ng aking ina iyon kaya't pinisil ko ito.

0000ooo0000

“Baka hindi na po ako umuwi o makauwi.” sagot ko sa tanong ng aking ama na kung kailan ako babalik.

“Susunod kami. Sa isang taon maaari na kaming pumunta doon ng inay mo.” sabi ng aking ama. Tumango lamang ako.

“Ingat ka doon. Tatawag ka madalas.” habilin sakin ng aking ina. Tumango ulit ako.

“Nakadaan ka na ba sa kuya mo?” tanong ulit sakin ng aking ama. Napatigil ako saglit at umiling.

“Magpaalam ka sa kaniya, baka hindi ka na makauwi dito para magpaalam sa kaniya.” Malungkot na sabi ulit ng aking ama sabay yuko.

“Pauwin mo nadin ang driver ng Tita mo. Kami na ang maghahatid sayo.” utos sakin ng aking ina.

0000ooo0000

“Our Lady of Lourdes Parish”
donated by Mr. and Mrs. Apacible

Yang ang palatandaan na malapit na kami sa libingan ng aking kuya, si Simon Apacible ang taong naging idolo ko habang lumalaki, ang taong pinilit pigain sa aking pagkatao ng aking mga magulang, ang taong nagturo sa akin na ipaglaban ang aking nararamdaman.

“Ang laki na ng pinagbago nito.” bulalas ko. Tumango na lang ang aking ina.

“Marami sa mga kaibigan ng iyong kuya ang nagdonate ng mga kasangkapan dito.” bulalas ng aking ama.

“Yan, yang fire tree na yan ay galing kay Enso, mahal na mahal niya ang kuya mo, ayon sa kaniya ay maraming naituro sa kaniya ang kuya Sam mo. Sang ayon naman ako dito, maraming naituro ang kuya mo samin ng itay mo, pero wala iyon sa naituro mo samin.” naiiyak na sabi ng aking ina.

“Andun si kuya sa side chapel na iyon diba?” tanong ko kay itay. Tumango lang ito.

Parang naulit ang eksena kanina nung katutungtongtuntong ko lang ulit sa bahay namin. Nanginginig ang aking katawan, di ko mawari kung bakit, ang alam ko lang ay ito na marahil ang huling pagkakataon na makapagpaalam ako sa aking kuya. Ang kuya kong pinakamamahal ng lahat.

Dahan dahan akong lumapit sa isang rectangle na hugis sa may makapal na haligi ng simbahan. Napapalibutan ito ng bulaklak. Noon ko lang ulit nasilayan ang libingan ng aking kuya at di ko mapigilang mapaiyak.

“K-kuya, malapit na tayong magkita.” wala sa sarili kong kinausap ang lapida nito.

“A-Aaron.” tawag ng aking ina sa aking likod. Di na nakalapit pa ang aking ama, nakatalikod ito at base sa aking nakikita ay naiyak nadin ito.

“K-kuya, kailangan ko ng welcoming committee ah? Pagplanuhan niyo na ni Nate ang pagdating ko.” natatawa kong sabi. Narinig ko ang isang kalabog, sinuntok ng aking ama ang isa sa mahahabang upuan malapit samin at napaluhod na lang bigla. Humahagulgol na ito. Di na mapigilan ng sarili kong mga luha ang dumaloy.

Itutuloy...

[23]
Tinititigan ko ang dalawang sobre mula sa Pinas, isa galing sa aking mga magulang at isa ay invitation ng kasal mula kay Enso. Napakunot noo ako pero hindi ko nalang ito pinansin. Magdadalawang taon na ako dito sa US, nakakuwa ako ng trabaho as Physyician din IM, pero di ako pwede sa mga invasive procedure na maaaring di ko sinasadyang maipasa ang aking sakit.

Mababa na ang aking CD4+ o ang tinatawag na T-cell sa aking katawan pero sapat pa naman ito para pigilan ang mga impeksyon na maaaring tumama sakin, magdadalawang taon narin ng mamatay si Nathan pero hindi ko parin lubos na maisip kung sino ang magaalaga sakin kung humantong na ako sa stage na iyon.

Nilapitan ko ang aking answering machine, pinindot ito at napatingin sa malaking self portrait na nakasabit sa dingding, isa ito sa mga iginuhit ni Nathan nung nabubuhay pa ito. Napangiti ako.

“Hoy doc! Si Enso to, pupunta kami diyan, malamang asa duty ka ngayon at baka paguwi mo ay andyan na kami kaya't nagiwan na ako ng message. Magpapakasal kami diyan sa California ni Jon. Wala lang, napagtripan lang namin. Call me back if ever nakauwi ka na from duty.”

Napailing ako.

“Magpakasal? Ano naman kayang sumayad sa kukote nung dalawa na iyon?” tanong ko sa sarili ko at napailing ulit. Pinindot ko ulit ang machine at umalingawngaw naman ang boses ni Tita.

“Hijo, your inay called me yesterday, she told me that they're going to visit there, natataon namang gusto ko rin magbakasyon diyan kaya't naisip namin na sabay sabay na kaming pumunta diyan. Kung ayaw mo naman na dyan kami sa place mo magstay ay pwede kaming mag check in sa hotel. Call me back when you receive this message. I Love You, Hijo!”

Napangiti ako. Ito na lang ang tangi kong nagsisilbing bintana sa kanilang mga buhay, sulat at tawag sa telepono. Napatingin ako sa paligid, napansin kong wala masyadong room para sa apat na tao kaya't napagdesisyunan kong sa hotel na lang sila patuluyin, pagkatapos non ay inisip ko naman ang kay Enso.

00000oooo00000

“Finally!” sigaw ko ng mamataan ko ang dalawang magkasinatahan. Balot na balot ang mga ito, halatang di sanay sa klima.

“Sorry, we got lost.” sabat ni Jon sabay alis ng kaniyang gloves at nakipagkamay sakin.

“You're looking good.” sabi naman ni Enso na yumakap sakin.

“Enso, si J...” pero di na naituloy ni Jon ang sasabihin niya ng sikuhin ito ni Enso sa tagiliran.

“So, musta?” tanong sakin ni Enso sabay bitiw ng kinakabahang ngiti, di ako bobo, alam kong may pinaplano ang mga ito pero dahil di pa naman ako sigurado doon ay ikinibit blikat ko muna ito.

“Ok naman, medyo mababa ang T-cells pero it's still on the normal range.” pahayag ko.

“Teka, maiba tayo. Ano bang naisipan niyo at magpapakasal kayo dito?” tanong ko sa dalawa, napakamot lang sa ulo si Jon at tila ba nawala ang naniningkit nitong mga mata sa pagngiti at si Enso naman ay kala mo dalaginding na kinilig. Pero ramdam ko rin na may itinatago sila sakin.

“Siguraduhin niyo yan ah, baka mamya magpapapanull annul kayo o kaya divorce, naku malaking gastos iyan.” pananakot ko, mukha namang effective ang aking pananakot dahil nagkatinginan ang dalawa at miya mo kinakabahan sa aking sinabi.

“Joke lang.” bawi ko at tumawa si Enso, halatang peke ito. Kinabahan si loko.

00000oooo00000

“Anong ibig mong sabihin na made-delay kayo ni Ed ng ilang araw?! Charity ah! Bestman ko si Migs at bestman ni Enso si Ed at ikaw ang bridesmaid... err... grooms-maid!”

Nagising ako sa pagsigawsigaw na yun ni Enso. Tinatalakan pala nito si Cha sa kabilang linya. Ilang araw na lang at kasal na ng dalawang kumag, habang si Enso ay nape-pressure sa kasal si Jon naman ay palaro laro lang ng Wii. Sapo sapo ko ang ulo ko ng bumulaga ang mukha ni Tita at ng aking nanay sa aking harapan. Bigla akong nahiya at tinakpan ang aking katawan na tanging boxers lang ang suot.

“Anak, baka naman sipunin ka. Ang lamiglamig eh, nakaganyan ka lang matulog.” bulalas ng aking ina.

“Ano kumare? Mukha naman siyang healthy diba?” tanong ng aking ina kay Tita, pinisilpisil nito ang aking mukha saka yumakap ng mahigpit.

“Tita! Kamusta ang flight?” tanong ko dito, ngumiti lang it sakin. Saka humalik sa aking pisngi.

As it turned out ang aking masikip na pad ang naging haven ng bawat bakasyonistang kilala ko, Si Jon at Enso sa guestroom ang aking mga magulang sa aking kwarto at si Tita ay sa kaniyang bahay tumutuloy pero mas madalas siya dito. May tatlo pa ngang dadating, si Migs na ex pala ni Jon, si Ed na kasintahan nito at matalik na ngayong kaibigan ni Jon at si Charity na matalik na kaibigan ni Enso at Jon pati ni Migs.

“Kailan nga ulit kasal?” tanong ko sa mga ito habang sapo sapo parin ang ulo ko.

““Sa susunod na araw!”” sabay sabay na sigaw ng bawat tao sa pad ko, agad akong pumasok sa CR at nagpalit ng damit, humarap ako sa salamin at napangiti. Ngayon na lang ulit ako napaligiran ng ganitong karaming tao.

00000oooo00000

“God, Enso! What do you need those for?!” gulat na tanong ni Jon sabay turo sa malakanyon sa laki na party poppers.

“Jon, there's a crisis ng bigas sa Pinas!” sagot ni Enso sabay iling na tila ba obvious naman ang sagot sa tanong ni Jon.

“So?” tanong ulit nit Jon. Nandilat naman ang mga mata ni Enso.

“SO IMBIS NA BIGAS ANG ISABOY SATIN WHY NOT CONFETTI NA LANG?!” naghihisterical ng sagot ni Enso.

“Naisip mo naman na sa may beach tayo malapit sa golden gate bridge tayo magpapakasal diba? Naisip mo ba na baka liparin yang confetti mo papuntang tubig at kainin ng walang kamalay malay na isda. They might choke on those damn confettis!” balik ni Jon.

Napapadalas na ang pagaaway nila sa mga simpleng bagay. Paminsan minsan ay iniintindi ko na lang ang mga ito dahil alam kong nape-pressure ang mga ito, pero pati ba naman simpleng cube ice or tube ice ang gagamitin sa drinks pagtatalunan.

“Have you heard from Migs yet?” tanong ulit ni Jon habang nagte-tennis sa aking Wii.

“Ako padin ang gagawa nun?! Wala ka na ngang ginawa dyan kundi maglaro eh!” sigaw naman ni Enso.

Tumayo ako at napailing na lang, pumunta ako sa fire exit at inihinga ang polluted na hangin ng San Francisco. Di ako makapaniwala na kahit sa kundisyon ko ngayon ay di ko magawang magalit sa mga ingay at kaguluhan sa loob ng pad ko. Sa halip natutuwa pa ako. Nagsisimula na akong magisip kung naaabnormal na ba ako o ano.

“Ganito talaga siguro pag ma-mamatay ka na, everything seems so light. Di na nakaka stress. Sinusulit kung baga.” sabi ko sa sarili ko at napangiti ulit.

00000oooo00000

“Finally!” sigaw ni Jon nang magsulputan na sila Migs, Ed at Cha.

“Wedding rehearsals!” sigaw naman ni Enso.

Sinadya kong magpahuli dahil di ko mapigilan ang sarili ko sa naisip na pagiging odd ng magkakaibigan na ito, nasa ganito akong pagmumunimuni nang may umangkla sa aking braso, si Charity pala.

“How are you doing, doc?” masiglang tanong nito, binigyan ko lang ito ng isang magiliw na ngiti.

“Hanging by a thread. Honestly kung di pa kayo dumating baka nabaliw na ako.” sabi ko dito tumawa naman si Cha.

“That's epic, baliw ka na nga may HIV ka pa.” tawa ni Cha, somehow di ako na offend sa sinabi nito, tumawa pa ako ng malakas.

“I know right?!” sabi ko dito at sabay kaming tumawa.

“Alam mo, yang dalawang pares na iyan? Marami ng napagdaanan yan.” tukoy ni Cha sa dalawa.

“Pero wala sa kalingkingan ng pinagdaanan nila ang pinagdaanan mo, kaya naman idol kita eh. If ever na makakapangasawa ako, gusto ko katulad mo. Straight of course.” sabi nito sabay halakhak ulit. Napatawa nadin ako.

Tahimik.

“doc, pwedeng magtanong?” bulalas ni Cha habang nakanagkla parin sa aking braso habang pinapanood ang dalawang pares na nagtatalo tungkol sa itsura dapat ng table setting.

“Shoot.” sabi ko.

“Do you believe in Happy Endings?” tanong nito. Napatahimik ako at napangiti.

“You know, after everything I've been thru alam kong nageexpect ka na sabihin kong hindi, pero mali ka, turn around.” at umikot naman ang bruha. Natawa ako.

“Every single individual you see in my apartment right now is my happy ending. I wouldn't trade them for the world.” bulalas ko, napatitig naman sakin si Cha.

“Tangina! Bakit naman kasi naging bakla ka pa.” bulalas nito at sabay na lang ulit kami tumawa.

00000oooo00000

Maganda ang setting ng kasal, kahit na medyo mahangin sa dalampasigan ay ok lang naman dahil bawing bawi ang mga tao sa magandang view, isama pa dito ang magandang motif. Magaganda ang bulaklak, blue roses ng napili ng dalawang kumag, bawat detalye ay perpekto para sa akin.

“Doc, tawag ka ni Enso.” sabi sakin ni migs, agad ko naman itong tinanguan.

Nagpunta ako sa tent na siyang nagsisilbing bihisan at taguan ng gamit ng ikakasal. Nang buksan ko ang telon ay nakita ko na nagbabatuhan ng gamit ang dalawang nakatakdang ikasal. Napakunot noo ako.

“Gusto ko lang naman na isuot itong pin na bigay ng tito ko eh!” sigaw ni Jon habang pailagilag sa ibinabatong gamit ni Enso.

“Di nga siya bagay sa motif. Kulay maroon yang pin na kasing laki na halos ng mukha mo, mahalay tignan.” sigaw naman ni Enso, di ko naman lubos maisip kung bakit ako ang tinawag ni Migs, aktong tatalikod na sana ako at tatawagin ang aking inay at si Tita ng may isang malaking mama na humarang sa aking daanan.

“Excuse me.” bulalas ko dito.

“Hindi! Pasok!” sigaw nito, nagulat naman ako pati sila Enso at Jon ay napatigil. Ang tanging iniisip ko ay sinakop na ng mga terorista ang buong amerika at isa ang mamang ito sa mga terorista. Agad akong naglakad palapit kay Enso at Jon.

“Kayong dalawa! Upo!” sigaw ulit nito, agad namang umupo ang magkasintahan.

Nang humakbang pa ang mama sa may ilaw saka ko lang napansin na si Jase pala ang mamang iyon. Tinignan ko ito at nangunot ang aking noo, di ako nito tinatapunan ng tingin. Seryoso itong nakatingin kay Enso at Jon.

“You have to pull yourselves together! Ikakasal na kayo for heavens sake!” simula nito, di ko parin mapigilan ang mapatitig dito di makapaniwala na sa wakas, matapos ang ilang taon naming di pagkikita ay nasa harapan ko siya ngayon at nangangaral. Pero hindi parin ako nito pinagtutuunan ng pansin.

“... ano bang akala niyo? Na laro lang ito?! Isang kutsarang puno ng mainit na kanin at kapag napaso ang dila niyo ay iluluwa niyo?! Ke babawbabaw ng pinagaawayan niyo! Pano na lang kung sulutin bigla ng kapatid mo Jon si Enso? Ano na ngayon ang gagawin mo? Paano kung my psychopath na gustong pumatay kay Jon dahil nagseselos siya dito? Pano na lang kung maghirap kayo tas napilitan kayong magbooking? Pano na lang kung magkasakit kayo, pano kung HIV?!....”

Nagsisimula ng mamuo ang luha ko sa aking mga mata. Di makapaniwala sa mga sinasabi ni Jase. Nakatitig lang ako sa kaniya na para bang isa siyang palabas sa circus.

“....Eh kung pin pa lang di niyo na mapagkasunduan, pano pa kaya yung lahat ng sinabi ko. kung nagdadalawang isip pa kayo, might as well back out now hangga't may oras pa. You see, di niyo alam kung gano kayo ka swerte, di nyo alam ang mga sacrifices na ginawa ng maraming tao para sa love, some even sacrificed their own life! Tapos kayo para pin lang ikinagaganyan niyo na?!” sigaw ni Jase, tila naman natauhan ang dalawa. Bumaling ang dalawa sa isa't isa.

“I Love You.” bulong ni Jon.

“I Love you too.” balik naman ni Enso at naghalikan ang dalawa.

“Siya, lakad na. Nagiintay na yung magkakasal sa inyo!” sigaw ni Jase, aktong susunod ako ng bigla akong hatakin ni Jase sa braso na siya namang naging dahilan upang mapasandal ako sa malaking katawan nito.

“San ka pupunta?” tanong nito sakin sabay ngiti.

“B-bestman p-po a-ako.” bulalas ko dito.

“Psss! Di na nila kailangan ng bestman, and to tell you honestly there's plenty of gay men out there who can take your place, uunahin mo pa ba yang role mo kesa sakin na ilang taon mong di nakita.” nagulat ako sa sinabi niyang yun.

“Jase, di mo naiintindihan ang kundisyon ko...”

“Alam ko, actually, nainsulto nga ako dahil di mo agad sinabi sakin eh! Tingin mo ba mandidiri ako sayo or something?” seryosong tanong nito, napayuko lang ako.

“I'm willing to sacrifice my life to be with you. You did that with Nate now let me do it for you. Mahal na mahal kita and no virus can stop me from doing so.” sabi ni Jase at dahan dahan nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ko pero umilag ako. Agad akong lumabas ng tent, pero bago yun, narinig kong nagbuntong hininga si Jase.

Umupo ako sa tabi ni inay at tita dahil may kung sinong bading na ang nasa puwesto ko sa puwesto ng bestman ni Enso. Nagulat na lang ako ng umupo sa tabi ko si Nate.

“Sumama ka sakin.” sabi nito.

“Ayoko.” napapatingin na si Tita at si inay at itay saming dalawa ni Jase. Biglang dumilim ang mukha ni Jase.

“Sasama ka o kakaladkarin kita?” banta nito sakin, kitang kita ang pagkairita sa mukha nito na siya naman nagbigay ng impresyong hindi ito nagbibiro sa pagkaladkad sakin. Dumungaw na ang aking ama at halatang makikipagtalo na kay Jase ng pigilan ko ito.

“Ok lang 'tay, ako ng bahala dito.” sabi ko dito.

Sinundan ko ito pabalik ng tent, pansamantala itong nawala at nang bumalik ay hila hila na ang isang nagkakasal, assistant mula sa nagkakasal kila Jon at Enso sa labas at kasunod nito ay si Cha na nakangiting aso.

“Anong ginagawa niyo po dito?” tanong ko sa naguguluhan naring assistant ng nagkakasal sabay tingin kay Cha.

“Ending your story with a happily ever after.” makahulugang sabi ni Cha.

Nagulat na lang ako ng sumulpot si Tita at ang aking mga magulang sa loob din ng tent, kasunod nito ay si Jase na may dalang dalawang singsing. Biglang naghypermode ang utak ko hanggang sa magcrash, di na nito ma absorb pa ang mga nangyayari. Kasabay ng kasal sa labas para kila Jon at Enso ay ang kasal naman namin ni Jase. Tinignan ko ang aking mga magulang pati si Tita at wala silang katutoltutol sa pinaggagagawa ni Jase. Nagising na lang ako ng abutin ni Jase ang aking kaliwang kamay at isinuot ang isang singsing sabay salita.

“I, Jase, take you, Aaron to be my husband, my friend and love, beside me and apart me, in laughter and in tears, in conflict and tranquility, asking that you be no other than yourself, loving what I know of you, trusting what I do not know yet, in all the ways that life may find us.” mahabang salaysay ni Jase habang namamawis ang kamay at nanlalamig ito, bumaling naman sakin ang bawat pares ng mata sa tent na iyon, lalong lalo na ang ngayo'y nakangiti na nagkakasal samin.

Tinignan ko ang aking mga magulang at si Tita at lahat ito ay nagsasabing ituloy ko ang nasimulang seremonyas, di ko lubos maisip kung anong nangyari at sa wakas ay nakapagsalita narin ako.

“I, Aaron, take you, Jase to be my husband, my friend and love, beside me and apart me, in laughter and in tears, in conflict and tranquility, asking that you be no other than yourself, loving what I know of you, trusting what I do not know yet, in all the ways that life may find us.” sinasabi ko ito habang nakatingin kay Jase. Di makapaniwala na ikinakasal na kami ngayon.

“You may now kiss one another.” bulalas ng nagkasal samin. Nagaalangan akong tumingin ulit kila tita at sa aking mga magulang, magiliw ang mga itong napalakpak at nakangiti.

“S-sigurado ka ba dito Jase?” tanong ko kay Jase bago maglapat ang aming mga labi, kinurot nito ang aking pisngi,

“Kulit! Di ka ba nakikinig? Sinabi ko na lahat sa vow diba?” sabi nito sabay kamot sa kaniyang ulo, makikipagtalo pa sana ulit ako ng ilapat nito ang kaniyang mga labi sa aking mga labi.

“I Love You, Aaron.” bulong nito nang maghiwalay ang aming mga labi, kitang kita ko ang sinseridad sa mukha nito.

“I'm willing to sacrifice everything for you Aaron, I'm willing to give all the love you will need, may it be against all odds, I don't freaking care, I love you and that's all that matters.” bulong ni Jase sakin nang maghiwalay ang aming mga labi at habang magkadikit ang aming mga noo.

Sabay ng palakpakan ng mga bisita sa labas ang palakpakan ng aking mga magulang, ni Cha, ni Tita at ng nagkasal samin.

"I Love You too, Jase."

 [Epilogue]
Pinagmamasdan ko si Jase habang natutulog sa tabi ng aking hinihigaang kama, ngayon lang ito ulit nakapagpahinga simula noong lumala ang aking karamdaman, may isang taon na ang nakaraan nang ikinasal kami sa States at simula noon ay namuhay kami na parang magasawa na talaga, sa kabila ng aking pagkakaroon ng sakit.

Awa naman ng Diyos at negative parin si Jase sa HIV, malaki ang isinakripisyo nito lalo na sa sekswal naming pagsasama, ilang beses man ako nitong kulitin ay hindi ko siya pinagbibigyan, hindi ko hinayaang dahil sakin ay masira ang buhay niya.

Tulad ni Nate na ang buhay ay kinuwa rin ng karamdaman na ito ay hindi rin ako nakaligtas sa nakakatakot na katotohanang patuloy na bababa ang aking mga T-cells na siyang tumutulong sa aking ktawan na labanan ang mga sakit. Ngayon masyado nang mababa ang aking T-cells, ilang kumplikasyon ng sakit na ang siyang kumapit sa aking katawan.

Eto na ako ngayon, mahina, marupok at ilang oras lang ay maaari nang bawian ng buhay.

Inabot ko ang isang kumot na nakapatong sa aking kama, maayos at marahan ko itong itinaklob sa katawan ni Jase, bahagya itong gumalaw pero mahimbing parin sa pagkakatulog. Pinagmasdan ko ang mukha nito at napangiti. Para itong batang natutulog.

Tinipon ko ang lahat ng lakas ko at nagbihis, bago lumabas ay nakita ko ang aking journal na sinimulan ko nung kami'y nasa California pa, napangiti atsaka wala sa sariling kinuwa ito saka lumabas ng kwarto at lumabas ng aming condo. Tumingala ako hinayaan kong masayaran ng maiinit na sinag ng araw ang aking mukha. Ngayon ko lang nakita ang totoong ganda ng mundo, ngayon kung kailan mamamatay na ako.

Matatayog man ang building sa paligid ng condo namin ni Jase ay magiliw paring sumisiksik ang bawat sinag ni haring araw na siyang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Maiingay, delikado at mabibilis man ang mga kotse na nadaan sa kalsada sa aking harapan ay nuon ko lang natitigang maigi ang ganda ng bawat mga disenyo nito. Matatayog man ang mga puno at maiitim ang katawan dahil sa polusyon ay napagtanto ko paring magaganda ang mga luntiang dahon nito na may iba't ibang hugis, gayun din ang mga abalang tao na naglalakad papasok sa kanilang mga trabaho.

Napukaw ng isang lalaki ang aking atensyon, balisa ito, hindi ito magkamayaw sa kaka para ng taxi, malas lang nito na walang tumitigil sa kaniyang harapan. Di ko mawari pero parang nakikita ko ang sarili ko dito dati, matikas ang katawan, may itsura at mukhang may utak din ito pero di niya napapansin ang kaniyang paligid.

“Masyado itong Absorbed sa kaniyang buhay na abala na ito na makita ang buhay sa paligid niya.”

Lumapit ako dito, tinitignan ang mga sasakyan at kung saan papunta ang mga ito, ang ilan ay maghahatid sakin sa probinsya ang ilan naman ay sa Manila, nagiisip ako ng magandang mapuntahan nang biglang nagring ang telepono ng lalaking aking katabi.

Shots shots shots shots shots shots
shots shots shots shots shots
shots shots shots shots shots
everybody

Bahagyang napatigil ang lalaki at tinignan ang screen ng kaniyang telepono, napakunot ang noo nito bago sagutin ang tawag.

“On the way na!” sigaw nito sa kausap sa kabilang linya. Sabay kumaway ulit, marahil ay umaasang may titigil na Taxi sa kaniyang harapan.

“Nice ring tone.” sabat ng isang lalaki sa aming likuran, bahagyang nagulat ang lalaking napara ng taxi at agad itong napatalikod, nagkauntugan naman sila ng lalaking pumuri sa ring tone nito. Napangiti ako, Naka boardshorts, T-shirt at flipflops lang ang lalaking pumuri sa ring tone ng lalaking pumapara ng taxi, bakat na bakat ang ganda ng katawan nito sa suot. Agad kong naalala si Nate at napangiti muli.

Napansin kong kumunot ang noo ng lalaking napara kanina ng taxi, sinundan ko ang tinitignan nito. Nakatingin ito sa mga gamit na hawak ng lalaking nakaputi na nahulog nang magkauntugan ang dalawa. Mga sapatos pambabae.

“Drei!” sigaw ng isang babae sa hindi kalayuan, lumabas ito sa isang building kung saan nandun din ang unit namin ni Jase.

“Nakapara ka na ba ng taxi?!” humahangos na tanong ng babae. Lalo akong napangiti ng makitang naka yapak lang ang babae, ibinaing ko ang tingin sa lalaking napara ng taxi, kita sa mukha nito ang pagtataka at selos.

“Di ako nagkakamali, selos iyon, sabi ko na nga ba...” sabi ko sa sarili ko ng mapagalamang tama ang aking hinala. Di na nakasagot ang lalaking nakaputi na nagngangalang Drei, itinaas ng babae ang kaniyang kamay at isang taxi ang tumigil sa harapan nito.

“Thanks Drei! I owe you one!” sigaw ng babae sabay kindat at halik sa pisngi ng lalaking nakaputi, sinara ang pinto at nagsimula ng umandar ang taxi. Muli namang humarap ang lalaking kanina pa napara ng taksi sa kalsada at itinaas ulit ang kamay.

“Ram, Wait! Alam ko ang iniisip mo.” kinakabahang sabi ng lalaking nakaputi na nagngangalang Drei. Di ito pinansin ng lalaking nagngangalang Ram, di ko maiwasang manood. Natutuwa ako sa kanila.

“Wait, Ram, meron ka bang gagawin mamya? Pwede ka bang ayain mag...” pero hindi na naituloy ni Drei ang kaniyang sasabihin dahil pasakay na si Ram ng taxi.

“Wait! Please! Candy and I are not lovers. I'm willing to explain it all over lunch or dinner kung papayag ka, kung papayag kang makipag date sakin?” nagmamadaling saad ni Drei.

“Bakit ka magpapaliwanag? Anong meron? And are you seriously asking me out on a date while still holding your girlfriends stilletos?” sabi naman ni Ram mula sa loob ng taxi, napatingin kami ng sabay ni Drei sa mga hawak nitong sapatos. Napakamot si Drei sa kaniyang ulo. Nakalimutan niya itong ibigay sa babaeng nagngangalang candy.

“Ram, Wait!” sigaw ng isang lalaki na palabas ng motel na katapat lang ng aming condo. Sinipat ni Drei ang lalaking tumawag kay Ram at ang suot ni Ram, nangunot ang noo nito.

“Is that the same shirt you were wearing yesterday at the office?” tanong ni Drei.

Ngayon alam ko na kung san galing si Ram, tulad ni Ram ang suot ng lalaking kalalabas lang sa motel ay gusot gusot din. Mukhang may ginawang milagro si Ram at ang lalaking kalalabas lang ng motel, malamang ito rin ang iniisip ni Drei dahil bumakas sa mukha nito ang pagkairita at selos.

“I'm sorry, but I have to go.” sabi ni Ram kay Drei sabay sakay sa taxi. Ngayon nakalapit na ang lalaking lumabas ng motel magkakatabi na kami ngayon nila Drei sa may bangketa.

Sabay na napabuntong hininga si Drei at ang lalaki na kalalabas lang ng motel, pinipigilan ko parin ang sarili sa pagtawa dahil sa nasaksihan. Noon ko lang napagtanto kung gano talagang mapaglaro ang tadhana. May tumigil na bus sa harapan ko, biyahe ito papuntang probinsya.

“Hmmm... makapag surf kaya.” sabi ko sa sarili sabay hagikgik.

Nagulat ako ng biglang sumakay ng lalaking humahabol kay Ram kanina galing motel. Di maipinta ang mukha nito, barabara nitong ibinagsak ang sarili sa upuan sa tabi ko, masama talaga ang tabas ng mukha nito at halatanghalata na mabigat ang damdamin.

Di ko na ito binigyan pa ng pansin, itinuon ko ang aking pansin sa labas ng bintana, pinapanood ang bawat pagdaan ng mga sasakyan sa kabilang bahagi ng kalsada. Tulad ng mga taong walang iniindang sakit tulad ng lalaki sa aking tabi ay mabilis na namumuhay ang mga taong aking nakikita, di parin alintana ang ganda ng mundo para sa kanilang maayos ang kalagayan.

“Ganito ata talaga, kapag malapit ng kunin ni Lord, ngayon pa lang naaappreciate ang mga bagay bagay.” sabi ko sa sarili sabay hagikgik pero isa ring luha ang tumulo sa aking mata.

“Argghh!” mahina pero nakakagulat na sabi ng lalaki sa aking tabi.

“Ok ka lang?” tanong ko dito habang pinupunasan ang luhang kumawala sa aking mata.

Umiling ito.

“All I wanted is a normal relationship! Pero hindi, sa halip na normal mga walang kwentang lalaki ang nakikilala ko, kung hindi sex ang habol trophy boyfriend naman ang hanap! Sino namang mas mamalas pa sakin?!”

Tinitigan ko ito, halatang halata ang frustration sa kaniyang mga kilos at sinasabi, tumingin ito sakin, marahil ay napansin na nakatitig ako sa kaniya.

“You must think I'm shallow.” bulong nito sabay iling.

“Actually? Yes.”

“Wow that's tact. I mean, meron ka pa bang kilala na mas miserable sakin? Ha?!” sabi nito.

“Yes, Actually he's sitting beside you and staring at you thinking how shallow you are.” nakangiti kong sabi dito. Di siya umimik at nangunot ang noo.

“You see I'm dying, baka bukas o baka mamya, di ko sure ang time eh, pero sigurado akong mamamatay na ako.” nakangiti ko paring sabi dito.

“Whoah! I'm sorry.” pabulong na sabi nito. Halatang nagtataka at nawiwirduhan sakin.

“Don't be.” bulong ko sabay ngiti ulit.

Di na muli pang nagsalita ang lalaki, maya maya pa ay napansin kong nakatulog na ito habang ako naman ay abala sa kakasulat sa aking Journal.

“Hmmm pwede pa lang maging huli na itong entry ko na ito.” nangingitingiti kong naisip.

Everything has been taken care of. Isa na lang ang di ko pa na aasikaso, si Jase. May magaalaga na sa aking mga magulang, alam kong hindi sila pababayaan ni Jase, di naman karamihan ang aking mga kaibigan at sa iilang kaibigan na iyon ay panatag ako na may magaalaga narin sa kanila sa oras na mawala ako, ang tanging kulang na lang ay ang magaalaga kay Jase.

Naaalala ko noong namatay si Nate, halos patayin ko narin ang aking sarili, iniisip na hindi magtatagal ay mauuwi din ang aking kalagayan sa kamatayan pero hindi pa huli ang lahat kay Jase, wala siyang sakit, mahaba pa ang buhay na nagiintay sa kaniya, marami pa siyang pwedeng makilala at marami pang pwedeng gawin.

“Hindi ako papayag na sa pagtigil ng buhay ko ay siyang tigil din ng kaniya.” bulong ko sa sarili ko habang lumuluha.

Nagulat ako ng lumanding ang ulo ng katabi kong lalaki sa aking balikat at napahagikgik ng mapagtantong mahimbing na mahimbing itong natutulog.

“Lord, ano po bang gagawin ko kay Jase?” sabi ko sa sarili ko at nagbuntong hinga na lang.

Nakarating na kami sa terminal ng bus malapit sa beach na dati naming pinagsu-surf-an ni kuya Sam at kung saan ako dinala ni Nate para sa aming first year anniversary. Bahagya kong iniayos ng upo si pogi na natutulog sa aking tabi, mahimbing parin ang tulog nito kaya naman dahan dahan akong tumayo at dumaan sa kaniyang tapat para hindi ito magising.

Pagkababang pagkababa ko sa bus ay agad kong pinuno ng hanging probinsya ang aking mga baga, akin agad naamoy ang amoy ng dalampasigan. Agad akong pumunta sa dalampasigan at tinanaw ang tila walang katapusang tubig dagat na asa aking harap. Napangiti ako.

“kuya Sam, bading ka ba talaga?” tanong ko sa aking napakagwapo at napakabait na nakatatandang kapatid. Napahagikgik ito saka tumanaw ulit sa tubig habang pareho kaming nagiintay ng malakas na alon.

“Ibig sabihin ba nun si kuya Enso ang boyfriend mo?” parang tanga kong tanong dito, tinanong ko pa kasi kahit alam na alam ko naman ang sagot.

“Oo.” matipid na sagot nito.

“Pano sila nanay at tatay? Sabi nila mali daw na magmahalan ang kapwa lalaki.” nahihiya kong sabi dito. Napatawa ito.

“Aaron, walang mali sa pagmamahal, pareho man kayong lalaki, babae o maski babae at lalaki. Saka di mo rin naman mapipigilan eh, kung sino ang itinibok niyang puso mo wala ka narin magagawa kahit pa pareho kayong lalaki.” makahulugang sagot ni kuya Sam, nangunot ang noo ko.

“Hindi ka ba natatakot, kuya?” tanong ko dito.

“Natatakot, pero dahil mahal na mahal ko si Enso, kahit ano pang ibato sakin ng tadhana hindi ko siya hihiwalayan, kahit pa natatakot ako.”

Napangiti ako sa naalala.

“Arte mo talaga kuya! Against All Odds ba ang drama niyo ni kuya Enso?!” natatawa kong sabi sa sarili at nun ding oras na iyon ay umihip ang malakas na hangin.

“Tol...?”

Napalingon ako. Yung lalaking katabi ko sa bus ay asa aking likod ngayon at inaabot sakin ang isang itim na notebook.

“Naiwan mo.” nahihiyang sabi nito.

“Binasa mo ano?” nangingiti kong bintang dito.

“Ah...eh... sorry di ko napigilan. Pano mo nalaman?” tanong nito.

“Wala naman, pangita kasi sa mukha mo eh.” sagot ko. Nangiti naman si pogi.

“Ako nga pala si Rob.” pakilala nito.

“Aaron.” matapos kong magpakilala ay nagsulat ulit ako sa aking journal, binura ko ang title nang ginagawa kong kwento na isinulat ko sa huling entry ng aking journal. Ngumiti ako nang matapos ang aking pagsusulat.

“Against All Odds.” bulong ko sa sarili ko.

Tahimik. Ibinalik ko ang aking mga mata sa pagtanaw.

“Ok ka lang?” tanong ni Rob sakin, ibinaling ko dito ang aking tingin at napangiti.

“Oo naman.” sagot ko dito sabay upo sa buhanginan. Tumango naman si Rob.

“Oh, sige, maiwan muna kita diyan. Siya nga pala, kung kailangan mo ng matutuluyan dun ka na lang sa resort namin tumuloy ngayong gabi. Bibigyan kita ng discount.” sabi nito sabay ngiti.

“Nice, discount for the dying, baka may anointing of the sick din kayo na promo na ino-offer.” biro ko dito, natigilan saglit si Rob at ng marealize nito na nagbibiro ako ay tumawa ito ng malakas.

“O siya basta, punta ka lang sa front desk at ako na ang bahala sayo.” sabi nito, tumango ako at binigyan ito ng isang magiliw na ngiti.

00000oooo00000

Ilang lalaki na ang lmapit sakin, halatang naghahanap ng mga makakadate ang mga ito, pero sa tuwing sasabihin ko sa mga ito na hindi date ang kailangan ko kundi ang makakausap lang ay agad nang tatayo ang mga ito, patuloy parin akong naghahanap ng nararapat kay Jase na siyang hahalili sa aking pwesto sa oras na mawala na ako. Medyo naiinis na ako dahil wala akong makitang nararapat.

“Hey! Andito ka padin? Kanina ka pa dito ah, here dinalhan kita ng makakain.” sabi ni Rob sa saking tabi, nginitian ko ito.

“Kanina ko pa nakikita na tinatanggihan mo ang bawat taong lumapit sayo ah.”

“I'm not interested, di date ang hanap ko kundi kausap.” sabi ko dito sabay ngiti.

“Whoah! Alam ko na favorite cruising spot ng mga malungkot na mga singles ang beach dito. Kaya kung one night stand lang ang hanap mo...” nagbibirong turan ni Rob, umiling ako.

“Hindi talaga date ang hanap ko.” sagot ko ulit dito sabay ngiti.

“Isa pa, di ako bago sa kalakaran dyan sa tinatawag mong cruising, definitely, hindi babae ang hanap kong makausap pero wala ring pumapatok sa mga lalaking lumalapit sakin eh.”

“Sabagay kung kasing gwapo mo ako baka maging choosy rin ako.” balik biro ni Rob, napahagikgik ako.

“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi nga ako naghahanap ng date and besides diba sabi ko sayo mamamatay na ako. Bakit pa ako maghahanap ng date kung mamamatay lang rin ako.” nakangiti kong sagot dito.

“Oo nga, nasabi mo na yan kanina sa bus. Di ko alam na seryoso ka pala.” malungkot na sabi ni Rob.

Tahimik. Tinanaw ko ulit ang malawig na dagat.

“Pwede ba kitang maistorbo saglit?” basag ni Rob sa aking pagmumunimuni.

“Sure.” sabi ko dito.

“Pwede ba akong magstay dito sa tabi mo? Since di ka naman naghahanap ng date. Sarap mo kasing kausap eh saka baka kasi kailangan mo ng kasama ngayon.” nakangiting sabi ni Rob.

Tumango lang ako at umupo na ito sa tabi ko.

“May gusto sana akong itanong dun sa story na sinulat mo yung sa huling entry. Tungkol kay Nathan, pano mo nalaman na mahal mo parin siya sa kabila ng mga nagawa niya sayo saka pano mo nalaman na mahal ka talaga niya matapos ang lahat? Saka sino ang mas mahal mo? Yung kapatid niya o siya?”

Natigilan ako. Tinitigan ko si Rob saglit.

“Pareho ko silang mahal. Napatunayan kong mahal parin ako ni Nathan nung iharang niya ang katawan niya para saluhin ang bala na para sa akin, kung hindi siya humarang malamang di tayo naguusap ngayon...” sagot ko, nagbabadya ang mga luha sa pagpatak. “Narelaize ko na mahal ko parin siya kasabay ng pagbagsak niya sa lupa nang tamaan siya ng bala. Bakit? Dahil di ko na inalintana kung sakin parin ba nakatutok ang baril, di ko na inisip si Sandra at kung anong ginagawa nito, tinitigan ko lang si Nate at sinubukan ang lahat ng aking magagawa para di na lumala pa ang kalagayan niya. Nang nasa ospital na kami matapos ang barilan di ko parin kayang aminin sa sarili ko na may nararamdaman parin ako kay Nate dahil sa galit at ang masama pa nun ay hindi ko magawang pumili sa kanilang dalawa ni Jase dahil para sakin ay pareho ko silang mahal.”

“Kung mahal mo rin si Jase tulad ng pagmamahal mo kay Nate, bakit mas pinili mong lumayo sa kaiya?”

“Dahil sa pagmamahal ko sa kaniya kaya ako lumayo. Binigyan ko siya ng pag-asang mabuhay ng libre sa sakit at libreng magmahal ng ibang tao. May sakit ako, alam ko na hindi magtatagal ay susunod ako kay Nate sa kabilang buhay. Kaya't binigyan ko siya ng pagkakaton na mamuhay sa piling ng iba. Ng libre sakin.”

Muli kaming nabalot ng katahimikan. Ilang bagay ang tumakbo sa aking isip at matapos mabigyang linaw lahat ng aking iniisip na iyon ay wala sa sarili akong napangiti.

“R-rob... pwede mo bang basahin sakin yung mga isinulat ko sa journal ko? Yung huling entry?” tanong ko dito. Tinignan ako nito at tumango, ihinilig ko ang aking ulo sa matipunong balikat ni Rob at tumanaw ulit sa malawig na karagatan at nagtatakipsilim na kalangitan saka masuyong pumikit.

“Against All Odds... Nasa harapan ako ng isang malaki at magandang building. Pinapanood ang bawat labas masok ng mga tao doon, sinusundan ang bawat kilos ng mga nakaputing nurse at mga naka putting coat na mga doktor. Iniisip kung ano marahil ang tumatakbo sa kanilang isip, lalo na ang sa mga taong tila balisa na pumapasok ng emergency room. Nagbuntong hininga ako...”

“Thank you Papa Lord, binigay niyo na ang hinihingi ko. Sana po maalagaan nitong si Rob si Jase.” bulong ko sa sarili ko.

Ipinikit ko na ang aking mga mata...

No comments:

Post a Comment