Friday, January 11, 2013

Against All Odds: Book 2 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[Prologue]
Pakiramdam niya ay panaginip lang lahat ng nangyayari habang tahimik silang naglalakad ng kaniyang ina sa maputi, tahimik at mahabang hallway ng ospital na iyon, hindi maikakaila ang lungkot at pagaalala sa mukha ng kaniyang ina samantalang siya naman ay pilit niya paring pinapakalma ang sariling puso mula sa mabilis na pagtibok nito at ang sariling sikmura na ilabas lahat ng kaniyang nainom at nakain noong nakalipas na gabi.




Napatigil si Brenda nang makita niya ang kaniyang kaibigan at halos mapako naman sa pagkakatayo si Mike nang makita nila ang isang babae na lumuluhang kinakausap ang isang doktor, isa na iyon sa hinihintay ni Mike na senyales, na hindi biro ang mga nangyayari, na totoo ang masamang balita na kaniyang natanggap, na hindi siya nananginip.


“Lily.” tawag ng kaniyang ina sa umiiyak na babae na kausap ng duktor.


“Brenda!” umiiyak paring sigaw ng babae na tinatawag na Lily at mabilis na nilisan ang tabi ng duktor upang yakapin si Brenda na kaniya ngayong pinaghuhugutan ng lakas ng loob.


“W-what happened?” umiiyak naring tanong ni Brenda.


“I-I d-don't know. They said he w-was attacked-- h-he's still not w-waking up.” umiiyak na sagot ni Lily. “Why is he not waking up?” pahabol na tanong ni Lily sa duktor na noon ay tila ba dalang dala narin sa ipinapakitang emosyon ng dalawang babae sa kaniyang harapan.


“As I've said, yung pong anak niyo ay inoperahan namin---” simulang pagpapaliwanag ulit ng duktor ngunit hindi na ito inintindi pa ni Mike, abala kasi siya sa pagpigil ng kaniyang mga luha sa pagtulo habang sinisipat sa maliit na salamin ng pinto ng kwarto kung saan may nakaratay na isang binatang lalaki. Wala siya sa sariling pumasok sa loob ng kwarto kahit pa malakas parin ang kabog ng kaniyang dibdib at hindi parin mapalagay ang kaniyang sikmura. Hindi siya makuntento sa pagsilip lamang sa maliit na salamin sa may pinto, para kasi sa kaniya ay panaginip parin ang nangyayaring iyon.


May iba-t ibang makina na nakakabit sa binatilyong nakahiga sa kamang iyon pero hindi ang mga makinang iyon ang nakakuwa sa pansin ni Mike kundi ang mga nagsisimulang pasa at galos sa maamong mukha ng binatilyo at ang mga benda na nakabalot sa mga sugat nito.


Tila ba pinukpok siya sa ulo ng tadhana dahil sa wakas ay rumehistro na sa kaniya na hindi isang masamang panaginip ang nangyayaring iyon katulad ng kaniyang ipinapanalangin. Dumagdag sa mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at nagaalburutong sikmura ang ilang matatabang luha na malaya ng tumulo mula sa kaniyang mga mata at ang panginginig ng kaniyang buong katawan. Wala sa sarili niyang inabot ang kaliwang kamay ng binatilyong nakahiga at umupo sa tabi ng kama nito.


“Danny.” bulong ni Mike sabay marahanng pinisil ang kamay ng huli.


Kasabay ng ginawang ito ni Mike ay ang pagtunog ng ilan sa mga makinang nakakunekta kay Danny na tila ba nagsasabi na huwag itong galawan ng binatilyo, pero hindi natinag si Mike.


“Danny.” tawag ulit ni Mike sa binatilyong nakahiga na puno ng galos at sugat ang katawan sabay yumuko at inihilig ang sariling ulo sa matigas na kutyon ng kamang iyon, ginagawang unan ang kamay ni Danny habang pilit pinapatahan ang sarili at nililinaw ang sariling isipan.


Patuloy lang sa paghikbi si Mike nang makaramdam siya ng marahang paggalaw mula sa kamay na kaniyang hinihiligan. Agad na nagtaas ng tingin si Mike, nakita niya ang pagngiwi ni Danny na tila ba nakakaramdam na ito ng paunang sakit.


“Danny?” tawag muli ni Mike.


Ilang saglit pa ay dahan-dahang ibinukas ni Danny ang kaniyang mga mata. Sinanay pa muna nito ang mga mata sa liwanag ng kuwartong iyon at nang nagtama ang tingin ni Mike at Danny ay tila ba tumigil ang mundo ni Mike, hindi alam ang gagawin at nagaalala sa mga susunod na mangyayari. Noong una ay tila nangingilala pa si Danny pero noong maglaon ay unti-unti ng rumehistro sa mukha nito ang pinaghalo-halong sakit, galit at takot.


“No. Please, No!” nanghihina at nagpapanic na saad ni Danny.


Agad na napatayo si Mike at tila ba napako na doon. Hindi parin alam ang kaniyang gagawin. Lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalong nagalburoto ang kaniyang sikmura at lalong dumaloy ang matatabang luha mula sa kaniyang mga mata.


“No! Please!” pasigaw ngunit garalgal na saad ni Danny.


“Danny---” tawag pansin ni Mike.


“No!” sigaw muli ni Danny sabay taklob ng kaniyang mga kamay sa mukha na ikinahugot ng swero nito at ng ilang makina na nakakabit sa katawan nito.


“Danny, it's me Mikee.” nagmamakaawa ng saad ni Mike habang nakapako parin siya sa kaniyang kinatatayuan at habang patuloy parin ang pagtulo ng mga luha nito.


“No! Please! No!” tuloy tuloy na sigaw ni Danny, hindi na natiis pa ni Mike at pinilit niyang makagalaw at lapitan si Danny upang pakalmahin ito. Ngunit ng dumapi ang kaniyang kamay sa balikat ni Danny ay mabilis itong tumalon palayo kay Mike na tila ba nakakapaso ang mga hawak ng huli. Isiniksik ni Danny ang sarili sa sulok ng kwarto, unti-unti ng napupuno muli ng dugo ang mga gaza sa tumatakip sa ilan nitong mga sugat at dumudugo nadin ang pinaghugutan ng swero nito.


Ang itsura na ito ni Danny na takot na takot sa kay Mike na akala mo isa isa itong salot sa lipunan ay nagtulak kay Mike na ilabas na rin ang kaniyang dinaramdam bago pa man sila pumunta ng ospital. Lalong bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso, mas lumala ang pagpapawis niya ng malamig at isinuka na niya ang kanina pang ikinaaalburoto ng kaniyang sikmura.


Ganitong tagpo ang inabutan ni Brenda, Lily at duktor na narinig ang pagsigaw ni Danny. Agad na lumapit ang duktor at si Lily kay Danny at si Brenda naman kay Mike.


“What happened?” ang tanong na ito ng kaniyang ina ang gumising kay Mike. Wala sa sarili niyang inihakbang ang kaniyang kanang paa at tumatakbong nilisan ang kwartong iyon ni Danny.


Hindi pinapansin ni Mike ang pag-tawag ng kaniyang ina, ang tangi niya lang gusto ay makalayo mula sa lugar na iyon, kaya't patakbo niyang tinahak ang mga hallway hanggang makalabas siya ng ospital, walang pakielam sa paninita ng ilang nurse o kaya naman kung may nakakakita ng kaniyang mukha na basang basa na dahil sa luha.


“I'm sorry.” paulit ulit na bulong ni Mike sa sarili habang patuloy parin sa pagtulo ang matatabang luha mula sa kaniyang mga mata.


Nakalabas na ng Ospital si Mike at patakbong tinawid ang kalsada papunta sa katapat na park nang biglang may sumulpot na rumaragasang kotse.


[01]
Hindi maiwasan ni Lily na mapaluha habang nagmamaneho nang maalala niya ang huling beses na tumuntong siya sa bahay na siya ngayong pupuntahan nila ng kaniyang limang taong gulang na anak na si Danny. Isa iyon sa pinakamapait na alaala sa kaniyang buhay, ang itakwil ng sariling mga magulang.


“I'm going to keep it.” mariing sagot ni Lily sa kaniyang ama na agad siyang ginawaran ng isang malutong na sampal, agad na tumabi si Alvin sa tabi ni Lily upang suportahan ito.


“You're going to keep that 'mistake' kahit pa ang kapalit ay ang masira ang kinabukasan mo?” nanunubok na tanong naman ng ina ni Lily.


“This 'mistake' is your grandson--” mariin na simula ni Lily pero agad itong pinutol ng ama nito.


“We have no daughter and that mistake is definitely not our grandchild.”


 Nanikip bigla ang dibdib ni Lily. Alam niyang Iisa lamang ang ibig sabihin ng sinabing iyon ng kaniyang ama. Matagal bago pa ma-absorb ng tuluyan ni Lily ang sinabi ng kaniyang ama at ang marahang pag-akay papalayo sa kaniya ni Alvin ang siyang bumasag ng malalim niyang pagiisip na iyon.


 Ramdam parin ni Lily ang paninikip ng dibdib na iyon kahit pa mag aanim na taon na ang nakakalipas simula ang mangyari ito. Naninikip ang kaniyang dibdib dahil sa magpasa-hanggang ngayon ay masakit parin para sa kaniya ang alaala na iyon at dahil narin hindi siya makapaniwala na sa kabila ng masasakit na alaala na iyon ay nasa daan na sila ng kaniyang limang taong gulang na anak pabalik sa bahay ng kaniyang mga magulang. Hindi siya makapaniwala na matapos ang ilang masasakit na salita na ibinato sa kaniya ng kaniyang mga magulang nung gabi ng pagpapalayas sa kaniya sa loob mismo ng bahay na iyon ay nagawa niya pang bumalik dito.


 Pero wala siyang ibang magagawa.


 Isang taon na ang nakakaraan nang mamatay ang mga magulang ni Lily dahil sa isang aksidente kung saan nabangga ng isang rumaragasang truck ang kotse na sinasakyan ng mga ito papunta sa bahay ng kaisa-isang anak at nuon ay apat na taong gulang palang na apo nila upang humingi ng tawad. Agad na namatay ang dalawang matanda bago pa man madala ang mga ito sa ospital. Iniwan ng mga ito ang lahat ng kanilang ari-arian sa kaisa-isang anak na si Lily at sa apo nila.


 Walang intensyon si Lily na bumalik sa bahay na iyon ng kaniyang mga magulang dahil ipinangako niya na sa sarili noon na hindi na siya muli pang tutungtong doon. Pero matapos mamatay ang kaniyang asawa isang buwan na ang nakakaraan at maiwan hindi lang siya at ang kanilang limang taon gulang na anak kundi pati ang gabundok na utang ay napilitan siyang ipagbenta ang kanilang bahay at lupa at ilang ari-arian pati na ang kotse na kanilang sinasakyan ngayon at muli na lang manirahan sa lumang bahay ng kaniyang mga magulang.


 Wala parin ang loob ni Lily sa pagbabalik sa bahay ng mga magulang ng itigil niya ang kotse sa harapan ng lumang bahay. Pero lahat ng pagaalinlangan at bigat ng loob na iyon ay natunaw nang ibaling niya ang kaniyang tingin sa natutulog na anak sa may backseat. Kamukhang kamukha ito ng kaniyang namayapang asawa, gwapo, maputi at pati narin ang ugali nito ay nakuwa ng kaniyang anak na iyon.


“Danny, baby, wake up, we're here.” marahang gising ni Lily sa anak na agad namang umupo at kinusot ang mga mata, nang masanay na ang mga mata sa liwanag ng paligid ay agad niya itong iginala. Nung una ay natakot ito nang makitang hindi pamilyar sa kaniya ang paligid pero nang maituon niya ang kaniyang mga mata sa nakangiting mukha ng ina ay agad natunaw ang takot na iyon at marahan naring ngumiti.



0000oo0000

Nakita ni Mikee ang isang kotse na tumigil sa bahay na katapat lang ng bahay nila habang naglalaro siya sa may damuhan sa kanilang bakuran, dahil likas na curious ang limang taong gulang na bata ay agad na iniwan ni Mikee ang kaniyang laruang truck at sumilip sa siwang ng gate. Nakita niyang bumaba sa kotse ang isang bata na marahil ay kasing edad niya lang at isang magandang babae. Narinig ni Mikee ang pagbukas ng kanilang front door at nakita niya ang kaniyang ina na may nakaplaster na ngiti sa mukha at nagmamadaling tinawid ang buong bakuran upang makalpit din sa gate at buksan ito sabay kumaway sa gawi ng kalsada.


“Brenda!” sigaw ng babae na nuon lang nakita ni Mikee.


“Lily!” sigaw naman ng ina ni Mikee, wala sa sarili nitong hinawakan ang kamay ng anak at inakay ito papalapit sa katapat na bahay kung saan nandun ang babaeng tinatawag na Lily.


“It's so nice to see you again!” excited na sabi ni Brenda sabay yakap sa matalik na kaibigan.


Pero ang palitan na ito ng mga matatandang babae ay nai-isang tabi na ng dalawang bata na matamang tinitignan ang isa't-isa, si Mikee, bilang natural na palakaibigan at bibo ay kumaway at ngumiti sa isang batang may hawak na isang laruang tren na nagtatago sa likod ng mga paa ni Lily.


“By the way this is my son, Mikee, Michael Feliciano. Mikee, say hello to tita Lily.” pakilala ni Brenda sa anak at sa kaniyang kaibigan. Agad na lumapit si Mikee kay Lily at kinamayan ito habang ang bata naman sa likod ni Lily ay lalong nagtago sa mga binti ng ina.


“Hi, Mikee! Mikee, Brenda, this is my son, Danny, Daniel Arellano.” pakilala naman ni Lily sa anak sa kaibigan at kay Mikee. Nagtatakang tinignan ni Mikee si Danny, kasama ng pagtataka ay pagka-intriga.


“Go on, Danny.” alo ni Lily sabay ngiti kay Mikee pero lalong humigpit ang kapit ni Danny sa mga binti ng ina.


“He's a little shy.” nahihiyang ngiti ni Lily. Tumango-tango naman si Brenda habang si Mikee naman ay nagsisimula ng mainis, hindi niya kasi maintindihan kung bakit ayaw sa kaniya ng bagong kakilalang bata.


“Pasok muna tayo sa bahay, tutulungan kita mamya maglipat, magkwentuhan muna tayo.” aya ni brenda kay Lily at inakay na ang mga ito pabalik ng bahay. Si Mikee ay patuloy parin sa pagsilip kay Danny habang si Danny naman ay sumisilip din mula sa tagiliran ng kaniyang ina. Nang makarating sila sa harapan ng bahay ay tumingin si Brenda sa anak gayun din si Lily kay Danny.


“Mikee, Tita Lily and I will just talk inside, OK? We have some catching up to do---” simula ni Brenda sabay tawa kasama ni Lily. “---why don't you show Danny your toys and play for a while.” pagtatapos ni Brenda, tumango lang si Mikee at masuyong ngumiti, excited sa ideya ng paglalaro kasama ang bagong kakilala pero hindi sila pareho ng nararamdaman ni Danny na lalong humigpit ang hawak sa kamay ng ina na kala mo ayaw kumawala dito at maiwan kasama si Mikee.


“Brenda, why don't you go ahead, may sasabihin lang ako kay Danny.” saad ni Lily, ngumiti naman si Brenda at pumasok na ng bahay. Nang makapasok na si Brenda ay lumuhod sa harapan ni Danny ang kaniyang ina para mag-tama ang kanilang mga tingin.


“Danny, I want you to play and be nice to Mikee, OK? I will just be inside and talk to tita Brenda---” hindi pa man natatapos ni Lily ang sasabihin ay ibinaon na ni Danny ang mukha nito sa dibdib ng ina. “---Danny, please? For me?” marahang pagtatapos ni Lily sabay ngiti kay Danny ng magtaas ito ng tingin.


“Halika, Danny, papakita ko sayo yung fire twuck ko.” aya ni Mikee sabay abot ng kamay sa nangingilid luha at natatakot na si Danny, sumulyap saglit si Danny sa kaniyang ina, tumango lang si Lily at masuyong ngumiti. Di nagtagal ay sumilay narin sa mukha ni Danny ang isang matipid na ngiti.


0000oo0000


Hindi mapigilang mapasimangot ni Mikee at maguluhan, akala niya nung sumama na sa kaniya si Danny para maglaro ay magiging masiyahin na ito at makikipagusap at makikipagtawanan sa kaniya pero sa higit trenta minuto na nilang paglalaro ay kung hindi nakatalikod sa kaniya si Danny ay may ilang hakbang naman ang layo sa kaniya nito at ang pinakakinaiinis pa ni Mikee ay ni hindi ipahiram ni Danny o kaya naman ay ipahawak manlang ang laruang tren na hawak nito gayong lahat ng laruan niya na nakalatag sa damuhan ay ipinapahiram niya kay Danny.


“Ayaw ko sayo! Ayaw mong makipaglaro sakin saka ayaw mong ipahiram ang laruan mo!” nakangusong sigaw ni Mikee, agad na nangilid ang luha ni Danny at niyakap ang laruang tren, tumayo ito at patakbo at umiiyak na pumunta kay Lily.


Hindi nagtagal ay narinig na sa buong village ang sigaw ni Brenda.


“Michael Feliciano, come here this instant!”


0000oo0000


“Let me talk to him, Brenda.” masuyong sabi ni Lily sa kaibigan habang hinahagod ang likod ng anak na patuloy parin sa paghikbi habang nakasubsob sa dibdib niya.


“Mikee, I'm sorry kung akala mo ayaw makipaglaro sayo ni Danny, mahiyain lang talaga siya saka madami siyang pinagdadaanan ngayon. Lumipat kami dito kasi namatay yung daddy niya tapos iniwan pa namin lahat ng friends niya sa dati naming village, natatakot siya na kapag naging close kayo tulad ng daddy niya saka ng friends niya eh bigla kang mawawala o kaya naman ay lilipat ulit kami.” marahang sabi ni Lily kay Mikee, naintindihan naman ni Mikee ang ibig sabihin ni Lily kaya't inabot niya ulit ang kaniyang kamay sa gawi ni Danny.


“Danny, I'm sorry kung sinigawan kita, gusto mo parin bang makipaglawo sakin?” nahihiyang tanong ni Mikee, napangiti naman si Brenda sa ginawa ng anak gayun din si Lily. Sumilip si Danny gamit ang isang mata, inilayo saglit ang mukha sa dibdib ng ina at tumingin dito, tumango na lang ulit si Lily.


Ilang saglit pa ay nahihiya naring inabot ni Danny ang kaniyang kamay sa nakaabot paring kamay ni Mikee at nang magdikit na ang maliliit na kamay na iyon ay lumatay sa mukha ng dalawa ang ngiti.


0000oo0000


“Meron ka na bang best fwend, Danny?” tanong ni Mikee habang pinaglalaruan nila ang laruang truck at tren, kahit pa nagaalangan paring ipahiram ni Danny ang kaniyang laruan na siyang tanging alaala mula sa kaniyang namayapang ama ay hindi na lang ito pinapansin pa ni Mikee, sa halip ay gumawa siya ng isang laro kung saan pwede silang maglaro ng mga laruang tren at truck na magkasama.


“Wala. Naiwan sila lahat sa Batangas.” nangingilid luhang sagot ni Danny, di maitago ang lungkot sa pagkakahiwalay niya sa kaniyang mga kaibigan.


“Wag ka ng malungkot. Ako na lang ang best fwend mo. OK ba yun? Wala parin akong best fwend eh.” nakangiting saad ni Mikee, pinahiran ni Danny ang kaniyang luha at marahang tumango at inabot kay Mikee ang kaniyang laruang tren na ikinangiti naman ng huli.


Simula noon ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Halos araw-araw ito kung maglaro, kung hindi man sa bahay nila Mikee ay sa bahay naman nila Danny. Kung titignan ang mga ito ay mapagkakamalan ng mag kapatid ang mga ito. Sa bawat isa rin sila unang nakaramdam ng pagaalala.


“Danny, OK ka lang? Namumutla ka oh.” saad ni Mikee isang umaga habang naglalaro sila nang mapansing wala ang karaniwang sigla ng kalaro.


“OK lang ako Mikee.” pero taliwas ang sinabing ito ni Danny sa nakikita ni Mikee. Hindi nga nagtagal ay natumba na si Danny sa damuhan sa may bakuran ng bahay nila Mikee. Agad na lumapit si Mikee sa kalaro at inalog-alog ito.


“Mommy! Mommy!” nagsisimula nang magalala na sigaw ni Mikee sa kaniyang ina nang hindi gumising si Danny sa kaniyang marahang pag-alog na iyon. Nagmamadaling pumunta si Brenda sa kinalalagyan ng dalawang bata, naabutan niya ang anak na nangingilid na ang luha at puno ng pagaalala ang mukha.


Sa bawat isa rin unang nakaramdam ang isa't isa ng hangaring mag-alaga.


“Mikee, baba ka na dyan baka mahulog ka!” sigaw ni Danny sa baba ng isang malaking puno sa park ng kanilang village di kalayuan sa bahay ng dalawa. Hindi mapigilan ni Mikee ang mapahagikgik dahil sa takot na narinig niya sa boses ni Danny. Hindi niya makuwa kung bakit ito natatakot gayong ilang beses na niya ginagawa ang umakyat ng puno.


“Danny, OK lang ako. Sanay na akong umakya---” hindi pa man natatapos ni Mikee ang sasabihin na iyon ay dumulas na ang kaniyang paa at mabilis siyang nahulog pababa ng puno.


“MIKEE!”

Hindi mapakali si Danny habang iniintay ang paguwi ni Mikee mula sa ospital matapos mahulog sa puno noong umagang iyon. Pilit na pinapahaba ang leeg at tumitingkayad lumampas lang sa mataas nilang bakod ang kaniyang tingin. Nang makita niya ang kotse ng kaniyang Tita Brenda at Tito Obet ay agad siyang tamakbo pasalubog sa mga ito.


Nang sa wakas ay nakita na niyang bumaba si Mikee na may galos sa mukha at may semento ang kaliwang braso ay agad nangilid ang kaniyang luha at mabilis na tumakbo palapit dito.


“Sorry, Danny kung hindi ako nakinig sayo.” pabulong na sabi ni Mikee, sasagot na sana si Danny nang sumingit si Brenda.


“Ang tigas kasi ng ulo mo eh. Tignan mo yan ngayon, pano ka makakagalaw ng maayos niyan?!” singhal naman ni Brenda, napayuko si Mikee at nagsisimula naring mangilid ang luha.


“Brenda, tama na yan. Natuto na yang anak natin, wag mo ng pagalitan.” singit naman ni Obet na ipinagpasalamat ng lihim ni Danny at Mikee. Pumasok na ang dalawang matanda at naiwan ang dalawa sa may terrace ng bahay nila Mikee.


Nakatingin parin si Danny sa papalayong pigura ng dalawang matanda nang marinig niyang humihikbi ang kaniyang kaibigan.


“Wag kang mag-alala, Mikee. Kapag di ka makagalaw ng maayos tapos kailangan mo ng tulong, tutulungan kita. Ako ang magiging personal assistant mo simula ngayon.” sabi ni Danny sabay chest out na ikinangiti naman ni Mikee.


At nang magsimula na ang mga ito pumasok ng skwelahan ay hindi parin mapaghiwalay ang mga ito. Laging magkatabi sa school bus papasok at pauwi.


“Hoy! Pwesto ni Danny yan!” sigaw ni Mikee sa isang batang umupo sa madalas nilang upuan ni Mikee.


“Ako nauna dito eh!” sigaw naman ng bata pabalik.


“Mikee, OK lang. Dun na lang ako sa kabila.” sabi naman ni Danny sabay ngiti sa batang nakaupo sa kaniyang upuan na masuyo ding ngumiti sa kaniya at dumila naman kay Mikee.


“Eighh! Gusto kitang katabi, Danny naman eh!” nakasimangot na pagpupumilit ni Mikee.


Alam lahat ng sikreto ng isa't isa.


“Nakita ko si Daddy, hinihipo yung pwet ni Inday kagabi.” wala sa sariling sabi ni Mikee na ikinabugha naman ng iniinom na juice ni Danny habang nagre-recess sila.


At ang kaaway ng isa ay kaaway nilang pareho at ang kaibigan ng isa ay kaibigan nilang dalawa.


“MIKEE!” tawag ni Danny sa kaibigan nang makita niya ito na nakapaibabaw sa kaklase niyang sumuntok sa kaniya.


“Sinong may sabi sayo na pwede mong suntuk-suntukin ang best fwend ko ha?!” sigaw ni Mikee na ikinangilid naman ng luha ng umaway kay Danny.


“Ayaw niya kasi akong pansinin eh! Gusto ko lang naman siyang tanungin tungkol sa assignment namin!”


“Mikee, tama na.” awat ni Danny kay Mikee at inabot ang kamay sa kaniyang kaklase na nakahiga parin sa damuhan upang tulungan itong tumayo.


“Sensya na kung hindi kita napansin. Nagbabasa kasi ako ng komiks.” nakangiting sabi ni Danny sa kaniyang kaklase nang matulungan na itong makatayo.


“Sorry din kung sinuntok kita.” bulalas naman ng batang sumuntok kay Danny.


At wala pang isang oras matapos ang kaguluhan na iyon ay masaya na ang mga ito na nagkukuwentuhan sa play ground ng kanilang skwelahan.


Pero nang dumating na ang panahon kung saan tamang oras na para sa mga crush ay lumitaw na ang pagkakaiba ng dalawa. Agad nagbilang ng higit pa sa kaniyang mga daliri si Mikee ng pangalan ng kaniyang mga crush habang si Danny naman ay wala ni isang mapangalanan.


“Cute din si Amy saka si Rachel---” walang tigil sa pagdal-dal ni Mikee habang nakasakay na sila ng school bus pauwi. Tahimik lang si Danny at kunwari ay nakikinig sa masayang pagdaldal ng kaibigan pero ang totoo ay malalim na ang iniisip nito.


Nagsisimula na kasing maguluhan si Danny. Tinatanong ang sarili kung bakit hindi niya nakikita ang mga babae kagaya ni Mikee, bakit mas masaya siya na laging ang kaibigan na lang na si Mikee ang kaniyang kasama kesa ang ayain makipagkwentuhan ang isang babae.

Dahil sa likas na matalino si Danny ay hindi niya muna ito hinayaan na maka-apekto sa kaniya sa halip ay gumawa muna siya ng mga pagsaliksik. Nung una ay nabuhayan pa siya ng loob dahil nabasa niya na ang kaniyang nararamdaman ngayon ay maaaring isang phase lamang tutal twelve years old pa lang siya pero nang basahin niya nag tungkol sa homosexuality ay agad din siyang nangamba dahil malakas ang kaniyang pakiramdam sa sarili na hindi lamang isang phase ang kaniya ngayong pinagdadaanan.


“Danny, are you OK?” tanong ni Lily sa anak nang mapansin nitong ilang linggo ng tahimik ang anak.


“I-I'm j-just confused, Ma.” kinakabahang sagot ni Danny dahil hindi niya alam kung paano tatanggapin ng kaniyang ina ang kaniyang sasabihin.


“Confused about what?” tanong naman ni Lily at tinigilan ang ginagawang pagaahin ng pagkain sa lamesa. Natigilan si Danny at inisip kung handa na ba siyang sabihin sa ina ang kaniyang pinagdadaanan.


“Oh uhmmm about what to take in college. I'm thinking about medicine but law seems kinda cool.” swabeng pagsisinungaling ni Danny na ikinasingkit naman ng ina saka tumawa matapos ang ilang saglit.


“You haven't even started high school yet! What's really bothering you?” di makapaniwalang bulalas ni Lily sa pagitan ng mga pagtawa.


“I-I don't like girls, Ma.” nakayuko at nauutal na pag-amin ni Danny. Saglit na natigilan si Lily atsaka masuyong ngumiti.


“You're too young to like them anyways.” kaswal na pagbabalewala ni Lily sa sinabi ng anak.


“No, Ma, I- I t-think I'm not going to like girls like other boys do.”


Sa sinabing ito ng anak ay tuluyan ng natigilan si Lily, bumilis ang tibok ng puso at agad na tinanong ang sarili kung saan siya nagkamali sa pagpapalaki sa anak. Sinimulan na ni Lily na sisihin ang sarili. Nagsimula narin siyang magalit sa anak at balak pa itong paluin upang itigil ang pag-iisip nito ng mga ganung bagay pero nang magsalita ulit ang kaniyang anak ay agad na natunaw lahat ng galit at paninisi na kaniyang nararamdaman.


“Pl-please don't hate me, Ma.” naluha si Lily sa pagmamakawa ng anak na ito at agad niya itong niyakap.


“I won't. I'll never do that.”


“P-promise?” prang batang insecure na tanong ni Danny kay Lily. Marahang ngumiti si Lily.


“I Promise.”


Ang hindi alam ni Lily ay hindi magtatagal at masusubok ang pangako niyang ito.


Hindi lang si Lily ang nakapansin sa biglaang pag-iba ng ugali ni Danny kundi pati narin si Mikee na mas kilala pa siya kesa sa kaniyang sarili.


“Bakit ba napapansin ko nitong mga nakaraang linggo bigla kang tumahimik at madalas mahaba yang nguso mo? Di ba dapat masya tayo? Tapos na tayo ng elementary, ikaw pa ang valedictorian tapos isang buwan na lang asa high school na tayo! Andaming chicks dun tapos yung mga cool stuff na pwedeng gawin ng mga high school students pwede na nating magawa.” tanong ni Mikee sabay akbay sa kaibigan nang makitang tahimik nanaman itong naka-upo sa isang bench sa may club house ng village nila. Kung si Mikee ay nagtataka sa ikinikilos ng kaibigan si Danny naman ay hindi na nag-atubuli pa. Simula kasi ng tumuntong sila ng grade five ay wala ng tigil si Mikee sa pagiging excited sa pagtungtong ng high school, ikinukuwento lahat ng exciting na bagay na ginagawa ng nakakatanda nitong kapatid noong ito ay asa high school pa.


“W-wala lang.” pagsisinungaling ni Danny sabay tingin sa kamay ni Mikee na naka-akbay sa kaniya.


“Sus! It's summer! There's should be a law about using your brain for school stuff while on school vacation!” biro ni Mikee sabay gulo ng buhok ni Danny.


“Who said that I'm using my brain for school stuff earlier before you showed up?” tanong ni Danny sabay ngisi. Napangiti narin si Mikee at lumingon-lingon. Bumaling ang mga mata nito sa grupo babae na nag-uusap sa hindi kalayuan.


“Uh oh. Is little Danny boy starting to discover the art of perve-ing now?” humahagikgik na balik ni Mikee kay Danny sabay gulo ulit sa buhok nito.


“Wha--? oh.” naguguluhang simula ni Danny pero nang makita niya kung saan nakatingin si Mikee na tumatango-tango pa ay hindi na niya itinuloy ang pagtatanong at umiling na lang. Hindi niya lang masabi sa kaibigan na mali ang iniisip nito. Na hindi mga babae ang madalas tumakbo sa kaniyang isip kundi mga lalaki at may isang lalaki lang madalas at iyon ay si Mikee.


0000oo0000

Hindi nga nagtagal at pasukan na muli. Palagi paring tahimik si Danny na talaga naman ikinababahala na ni Mikee.


“Danny, seriously. What's the matter, dude?” nagaalalang tanong ni Mikee habang nakasakay sila sa jeep papunta sa skwelahan.


“N-nothing. I'm just nervous.” kahit papano naman ay may halong katotohanan ang sagot na iyon ni Danny dahil sa bagong skwelahan na sila ngayon papasok at halos wala siyang kakilala dito, hindi katulad ni Mikee na may mga kaibigan sa skwelahan na iyon dahil karamihan ng pumapasok doon ay mga kaibigan nito sa paglalaro ng basketball sa kanilang village.


“You mean, kaya ka tahimik buong buwan eh dahil kinakabahan ka pumasok sa school na'to?” tanong ulit ni Mikee sabay naningkit ang mga mata sa kaibigan. Tumango na lang bilang sagot si Danny na lalo namang ikinairita ni Mikee. “Bullshit! Fine! If you want to keep secrets from me, then fine!” naiinis na singhal ni Mikee na ikinalungkot naman ni Danny.


“I-I'm not ready to tell you yet, Mikee.” nakayuko at naluluhang sabi ni Danny.


“Aha! The truth finally comes out! I know there's something bothering you! Why wouldn't you tell me? I thought secrets doesn't exist between us?” mahinahon ng tanong ni Mikee na may halong lungkot at pagkadismaya.


“I-I k-know, but this is really hard for me.”


“You're scaring me, Danny---” nagaalalang sabi ni Mikee sa kaibigan.


“I-I k-know. I p-promise I'll tell you this weekend, OK? I-I just need to pull myself together.” sagot naman ni Danny.


“OK. Just remember I'm here if you need me, OK?”


Kitang-kita ni Danny ang pagaalala sa mukha ng kaibigan, ang ugaling ito ni Mikee ang lalong nakakapagpa-hulog ng loob niya sa kaibigan. Muling binalot ng katahimikan ang dalawa. Si Mikee dahil sa excitement habang si Danny naman ay sa pagdadasal na huwag niya sanang pagsisihan ang gagawing pagsasabi ng tungkol sa kaniyang sekswalidad at ngayon pati narin ang nararamdaman niya kay Mikee. Ang hindi lang alam ni Danny ay hindi naman na niya kailangang magalala pa dahil hindi na siya mabibigyan pa ng pagkakataon na sabihin kay Mikee ang totoo katulad ng ipinangako niya dito.


0000oo0000

 Nang makatungtong na ang dalawa sa kanilang bagong skwelahan ay saglit na nanlaki ang kanilang mga mata. Doble ang laki nito kesa sa kanilang lumang paaralan at doble ang dami ng taong pumapasok dito. Si Mikee nanlaki ang mata dahil sa excitement habang si Danny naman ay sa takot. Iginala saglit nila Mikee at Danny ang kanilang tingin at nang mahagip ng paningin ni Danny ang dalawang tao na may malalaking katawan at nakangising lumalapit sa kanila ay agad nadagdagan ng kaba ang takot na kaniyang nararamdaman.

“Punta muna ako sa principal's office, Mikee.” paalam ni Danny sa kaibigan nang mapansin nitong parating na ang mga kaibigan ni Mikee mula sa basketball team ng village nila na si Mark at Dave.


“Mikee?!” humahagikgik na tanong ni Mark.


“Is that like an endearment or something?” humahagikgik din na sabi ni Dave na ikinainis narin naman Mikee.


“Yeah. It's sounds sooo gay.” humahagikgik pang gatong ni Mark.


“We're not gay!” singhal pabalik ni Mikee sa patutsada ng dalawa.


“He sure looks like one.” turo ni Dave sa mabilis, takot na takot at nanliliit na papalayong katawan ni Danny.


“Danny's not gay!” singhal pabalik ni Mikee.


“Danny?!” humahagikgik na ulit ni Mark.


“Sooo gay!” gatong naman ni Dave na tila ba ipinapaalala kay Mikee na hindi na nararapat ang tawagan na iyon para sa dalawang lalaki na asa high school na.


“Just drop it, OK?” singhal ni Mikee na lalong ikinatawa ng malakas ng dalawa niyang kaibigan.


 Mabilis na nagsara ang unang linggo ng pasukan na iyon. Mabilis ding nakilala si Mikee bilang isang indibidwal na hindi magtatagal ay titingalain ng tao habang si Danny naman ay ang mahiyain at tahimik nilang kaklase na nag-e-excel sa bawat klase na i-ahin dito. Katulad ng mabilis na pag-sara ng unang linggo ng pasukan na iyon ay ang mabilis ding pagbabago ng mga bagay na nakagawian ng dalawang magkaibigan.


 Andyan na ang laging pag-alis ni Mikee sa umaga ng hindi pa handa si Danny, ang pagpapauna kay Danny pauwi dahil may practice si Mikee ng basketball, ang dati'y sabay at magkatabing pagkain ng dalawa tuwing lunch at recess ay tila ba naging isang solo party nalang para kay Danny na mag-isa na ngayong kumakain sa loob ng kaniyang classroom dahil wala siyang makasama sa pagkain sa may cafeteria at ang dati'y halos araw-araw na paguusap nito ng personal o kaya naman maski sa telepono ay naging madalang na.


 Ang mga pagbabagong ito ay naging dahilan ng lalong pagtahimik ni Danny. Tila ba pumasok ito sa isang maliit na kwarto na walang bintana at ini-lock ang sarili dito. Hindi ito nakaligtas kay Lily na agad-agad ay naisipang kausapin ang anak.


“Danny, is everything OK?” marahang tanong ni Lily nang maabutan niya ang anak na nakadapa sa kaniyang kama at nakasubsob ang mukha sa mga unan.


“I'm OK, Ma.” pagsisinungaling ni Danny.


“No you're not. Is this about being gay?” marahang tanong ni Lily, umiling na lang si Danny.


“I just had a tough day at school.” muling pagpapalusot ni Danny, umaasa na iwan na siya ng ina mag-isa.


“Is there someone you like? Some boy maybe that's why you're being quiet again?” nangingiting tanong ni Lily na ikinamula ng pisngi ni Danny. Hindi dahil sa natumbok ng kaniyang ina ang dahilan ng pagtahimik nito katulad ng inaakala na ngayon ni Lily kundi dahil nahihiya siya na pag-usapan ito.


“Does he have a name?” pangungulit ni Lily na lalong ikinamula ni Danny.


“Ma---” nahihiyang simula ni Danny pero hindi siya pinagbigyan ng ina.


“Danny. I want to know his name.” mariin pero nakangiti paring pangungulit ni Lily, hindi na napigilan pa ni Danny ang sarili ang napangiti narin sa pangungulit ng ina.


“It's not just someone and I know him since---since forever.” nahihiyang sagot ni Danny saglit na natigilan si Lily at nangunot ang noo, nang ma-realize na niya kung sino ang tinutukoy ng anak ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata, tinignan ang anak at binigyan ito ng isang malungkot na ngiti.


“Do you plan on telling him?” marahang tanong ni Lily sa anak sabay angat sa naka-yuko paring mukha nito at inalis ang bangs sa naka-harang na magagandang mata ng anak. Tumango si Danny at nahihiyang ngumiti.


“He's been asking for the past four weeks why I was being quiet. I promised him I'll tell him this saturday.” sagot ni Danny at muli siyang binigyan ng malungkot na ngiti ni Lily.


“What? You're doing that creepy smile again.” nangingiting tanong ni Danny sa ina.


“I'm happy for you because Mikee is a great kid but I'm also worried. Magulo at delikado na ang mundo para sa aming mga straight pano pa kaya para sa inyong mga asa third sex. There are still narrow minded people out there, Danny, I just don't want you to get hurt.”


 Sa sinabing ito ng ina ay hindi mapigilan ni Danny ang mapa-isip.



0000oo0000

 Halos di nakatulog si Danny nung byernes ng gabing iyon. Iniisip kung anong maaaring mangyari sa oras na mailahad na niya kay Mikee ang totoong bumabagabag sa kaniya. Andyan ang sumagi sa isip niya na itatakwil siya nito bilang kaibigan at andyan din naman ang babale-walain lang nito ang sinabi ni Danny at katulad ng dati ay susuportahan siya.


 Puyat at nanghihinang bumangon si Danny sa kaniyang kama, naghilamos, kumain ng agahan at nagpaalam kay Lily na pupunta lang saglit kila Mikee, binigyan lang siya ng isang makahulugang ngiti ni Lily at tumango. Mabilis niyang natawid ang kalsada sa pagitan ng bahay nila ni Mikee pero nang aktong kakatok na siya sa front door ng mga Feliciano ay agad siyang nakaramdam ng matinding kaba.


“Hi Danny.” nakangiting bati ni Obet nang pagbuksan niya ng pinto ang kababata ng kaniyang anak.


“Magandang umaga po, Tito Obet. Andyan po ba si Mikee?”


“Naku kanina pa umalis eh. Kasama yung mga ka-team mate niya sa basketball punta raw sila sa covered court eh.” nakangiting sagot ni Obet.


“Ah ganun po ba---” napa-yukong simula ni Danny, hindi naman ito nakaligtas kay Obet na masuyong ngumiti.


“Inatyin mo na, malamang pauwi narin yun. Halika pasok ka kumakain kami ng agahan ng tita mo saka ni Ryan eh.” alok naman ni Obet habang minamata ang hindi mapakaling si Danny.


“Ay hindi na po. Intayin ko na lang po siya dito sa may terrace.” nakayuko at hindi parin mapakaling sagot ni Danny. Nagkibit balikat nalang si Obet bago tumalikod at magsabi ng...


“Ikaw bahala.”


 Limang minuto. Sampung minuto. Trenta minutos at hindi na nakapag-intay pa si Danny at wala sa sarili na itong muling lumabas ng bakuran ng mga Feliciano at tinahak ang covered court. Nang makarating siya covered court ng village na iyon ay naabutan niyang naglalaro pa sila Dave, Mark at Mikee kaya't umupo muna siya sa bleachers at pinanood ang mga ito maglaro habang iniisip kung paano magandang sabihin kay Mikee ang lahat.


“Ayan na si Danny.” biro ulit ni Mark sabay hagikgik nang magkasawaan na sila sa paglalaro.


 Binigyan ng masamang tingin ni Mikee si Mark bago saglit na lumingon sa gawi ni Danny. Isang linggo na niya itong iniiwasan pero hindi parin nawawala ang pagkainis niya dito, pagkainis na hindi niya mabigyan ng rason at maipaliwanag at ang pagpapakita ni Danny na iyon sa kanilang laro nila Mark at Dave ay lalong nagpatindi sa kaniyang inis dito.


“Sige na Mikee, lapitan mo na si Danny. Uuwi narin naman kami ni Mark eh. Pwede na kayong maglabing-labing.” humahagikgik ding pangaasar ni Dave na lalong nagpaapoy sa galit ni Mike.


 Nang sa wakas ay naghiwalay na ang tatlo sa gitna ng basketball court ay lalong kinabahan si Danny. Hindi parin kasi niya alam kung ano ang sasabihin kay Mikee sa sobrang pagkataranta ni Danny sa kung ano ang sasabihin sa kaibigan ay hindi niya agad napansin ang reaksyon nito na galit na galit at nang mapansin niyang may kakaiba sa kinikilos ng kaibigan ay nung puntong nilagpasan siya nito at tuloy-tuloy na lumabas sa covered court na iyon.


 Naka-kunot noo na hinabol ni Danny ang kaibigan.


“Mikee!” sigaw ni Danny. Ngayon hindi lang kinakabahan at natatakot kundi pati narin naguguluhan sa ikinikilos ni Mikee.


 Nagulat si Danny nang bigla itong humarap sa kaniya at tinignan siya ng masama.


“Mikee?” natatakot at pabulong na sabi ni Danny.


“Stop calling me that!” singhal ni Mikee.


“Mikee---”


“I said stop calling me that! It's Mike not Mikee!”


“Pero matagal na kitang tinatawag na Mikee--” simula ni Danny pero agad din siyang natigilan sa pagsasalita nang makita niyang lalong nadagdagan ang galit sa mga mata ng kaibigan.


“OK. I-I'll call you whatever you want me to call you. P-pumunta ako dito para mapag-usapan na natin yung tinatanong mo sakin last week.” agad na pag-iiba ng topic ni Danny, umaasa na mapapalitan ang mood ng kaibigan sa sinabi niyang ito.


“I don't care anymore.” walang pusong sabi ni Mikee na nakapagpakabog sa dibdib ni Danny at nakapagpahina ng mga tuhod nito.


“We don't have to talk about everything that is happening with each others lives. If you want to be quiet and be miserable all the time, it's fine with me because I don't care anymore.” bawat salitang iyon na kumawala mula sa bibig ni Mikee ay tila isang pako na ibinabaon sa puso ni Danny.


“Mikee--” naluluha nang sabi ni Danny.


“I said stop calling me that!” singhal ulit ni Mikee sabay talikod kay Danny.


 Naiwan si Danny na umiiyak sa may bungad ng cover court. Pinapanood ang nanlalabong pigura ni Mikee na papalayo ng papalayo sa kaniya dahil sa mga luha na bumabaha sa kaniyang mga mata.


“Mikee” bulong ni Danny, kasunod ang ilang hikbi.



0000oo0000

 Lumipas ang tatlong taon, ang dating Mikee ay tinatawag na ngayong Mike at ang dating Danny ay siya naman ngayong Dan. Hindi lang mga pangalan ang nagbago sa dalawang magkaibigan kundi pati narin ang lalim ng pagkakaibigan ng mga ito. Isa na ngayon si Mike sa pinakasikat na manlalaro ng basketball at kilala hindi lang sa buong campus ng St. Anthony's School kundi pati narin sa mga kalapit na skwelahan nito samantalang si Dan naman ay hinahangaan ng marami dahil narin sa pagiging 'go to guy' nito.


 Maski si Mark at Dave ay lumalapit dito sa tuwing may mga project o assignment na kailangan ng tulong ng mga ito. Naging sikat si Dan sa sarili niyang paraan at sa hindi malamang rason ni Mike ay lalo niyang ikinainis ito. Marami na ngang nagbago ngunit hindi parin nagbabago ang pagtingin ni Dan kay Mike kahit gaano at paano niya ito alisin at itanggi sa sistema niya ay hindi niya ito magawa.


 Isa lang ang ipinagpapasalamat niya bago pa man mangyari ang lahat ng pagbabagong iyon. Ito ay ang hindi niya pagsabi ng kaniyang sikreto sa noon ay matalik niya pang kaibigan na si Mike. Ang sikreto tungkol sa kaniyang sekswalidad at ang noon ay namumuo niya pa lang na pag-tingin dito.


0000oo0000

“DANNY! You're going to be late for school!” sigaw ni Lily sa unang palapag ng kanilang bahay.


“Urrgghh!” bulalas ni Dan saka muling ibinaon ang kaniyang mukha sa malambot niyang unan.


“DANNY!”


“Stop calling me that!” singhal ni Dan bago pa man tumayo ng kama.


 Halos itulak na ni Lily ang kaniyang anak plabas ng gate upang hindi ito mahuli sa klase. Sakto naman nang nagkakanda-dapang makalabas na si Dan ay siya ring labas ni Mike sa kanilang gate na katapat na katapat lang ng gate nila Dan. Agad na yumuko si Dan upang hindi na magsalubong pa ang mga mata nila ni Mike. Pinauna na ni Dan si Mike maglakad at sumakay sa may terminal ng dyip, mas pipiliin ni Dan na ma-late sa klase kesa naman magkasabay at makatabi niya pa si Mike na mukhang desidido parin na itakwil siya bilang kaibigan.


 Ito ang isa pang nagbago sa kanilang dalawa. Simula nung umaga na iyon matapos ang unang linggo nila sa high school ay ni hindi na nagbatuhan pa ng tingin ang dalawa, nung una ay masakit ito para kay Dan pero tiniis niya na lang ito dahil wala narin naman siyang magagawa. Nagsimula ng maglakad si Dan patungo sa terminal ng dyip nang makita niyang nakasakay na at nakaalis na ang sinasakyan ni Mike.

“Danny, wait!” agad natigilan si Dan sa paglalakad ng marinig niya ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang Tita Brenda.


“Hi, Tita Brenda.” nakangiting bati ni Dan sa ina ni Mike nang magkaharap ang mga ito.


“Hey Danny, buti na lang naabutan kita. Can you hand this to Mike? He left in a hurry and he forgot it on the way out. I'll be home late and I need him to have his phone when I check up on him later.” balik naman ni Brenda sabay abot ng cellphone kay Dan na nagaalangan na kuwanin ito pero hindi na ito binigyan pa ng pagkakataon ni Brenda na tumanggi dahil mabilis na itong nakapasok sa kanilang bakuran, walang duda na nagmamadali rin dahil mahuhuli narin ito sa trabaho.

 Nang makarating na sa kanilang skwelahan si Dan ay agad niyang napansin na unti-unti nang pumapasok ang mga estudyante sa kani-kanilang silid aralan bilang tanda na nag-ring na ang unang bell sa umagang iyon. Naabutan niya pa si Mike, Mark at Dave na naglalakad sa hall na tila sila ang may-ari nito, nagmamadaling naglakad si Dan papalapit kay Mike upang ibigay na ang telepono nito pero agad siyang natigilan nang makita niya ang pag-bunggo ni Mike at Mark sa isa pa nilang ka-batch na madalas pag-initan ng mga siga dahil hindi ito lumalaban o kaya naman umiimik sa tuwing pinagtatampulan ito ng biro.


 Tila isang tagpo sa isang pelikula ang pag-bagsak ni Martin sa sahig matapos siyang saligin ng mala-batong katawan ni Mike at Mark. Nagkalat ang mga gamit nito sa sahig ng hallway. Imbis tuloy na lapitan niya si Mike upang ibigay ang telepono nito ay nagmadali si Dan papunta sa tabi ni Martin at tinulungan ito patayo.


“S-salamat.” nauutal na sabi ni Martin nang makita niyang pinupulot narin ni Dan ang kaniyang mga gamit. Nginitian lang siya ni Dan at wala ng nasabi sa pagitan nilang dalawa kaya naman agad na muling nagpasalamat si Martin at nagpaalam na na pupunta na siya sa kaniyang silid aralan. Ang tagpong iyon ay hindi nakaligtas kay Mike, Mark at Dave na hindi pa mapapansin ni Dan kung hindi pa siya tumayo ng derecho agad.


“Danny, papatulong ako sa science project ko ah?!” sigaw ni Dave, dahil sa likas namang mabait si Dan ay tumango na lang ito tatawagin na sana niya si Mike nang mabilis itong tumalikod at pumasok sa isang silid.


“Losers are for losers.” bulong ni Mark at sabay na humagikgik kasama si Dave.


 Naiwang nakatayo sa gitna ng hallway si Dan at inisip kung mas nakabubuti bang ipa-abot na lang kay Mike ang telepono na ibinilin sa kaniya ni Brenda o harapin ito at personal na ibigay ang telepono at saka pagsisihan sa huli ang pagharap niyang iyon kay Mike.

0000oo0000


Nang oras na para sa lunch break ay balisang hinanap ni Dan si Mike upang personal na ibigay ang telepono nito. Kung ihahablin pa kasi niya ito sa iba ay baka lalo pang magkandaleche-leche ang lahat. Nakita niya si Mike kasama ang madalas nitong mga kasama mag tanghalian at kinakabahan at nagaalangan parin na lumapit dito.


“Oh Mikee! Andyan na ang boyfriend mo!” humahagikgik na sigaw ni Mark nang makitang papalapit sa kanila si Dan.


“Hindi ko siya boyfriend, Mark!” singhal naman ni Mike kay Mark na humagikgik lang kasama si Dave sa pagkairitang iyon ni Mike habang ang iba ay naguguluhan sa nangyayari. Kahit pa narinig ni Dan ang mga pasaring na iyon ay naglakas loob parin siyang lumapit kay Mike, bilang pagsunod sa utos ng kaniyang Tita Brenda.


“Mikee---” wala sa sariling simula ni Danny pero agad iyong pinutol ni Mike.


“Sabi ko naman sayo wag mo na akong tawaging Mikee, diba? It's Mike not Mikee!” singhal ni Mike agad na nagbaba ng tingin si Dan sa hiya, naunahan kasi siya ng kaba kaya't ang pambatang tawagan nila ang naitawag niya sa huli.


“M-Mike, uhmmm p-pinapa-abot ni Tita, naiwan mo raw.” nakayukong sabi ni Danny sabay abot ng cellphone ni Mike. Halos hablutin ni Mike ang telepono mula sa kamay ni Dan, hindi alam ni Mike kung bakit bigla na lang siyang nainis ulit kay Dan, ang alam niya lang ay hindi na sila pareho ngayon, sikat na siya habang si Dan naman ay talunan isang ebidensya nito ay ang pagsunod nito sa gusto ni Dave, igagawa ni Dan ng project si Dave kahit pa wala siyang makukuwa kapalit, kung para kay Dan ay pagpapakita ito ng kabaitan para kay Mike ay pagpapakita ito ng pagiging talunan, isang kahinaan. Nakayukong tumalikod si Dan at naglalakad na palayo sa grupo nila Mike, hindi pa man ito lubusang nakakalayo ay muling nagpasaring si Mark.


“I don't know why you still talk to that retard!” sabi ni Mark sabay hagikgik, halatang gusto iyong iparinig kay Dan dahil hindi ito nagabalang hinaan ang boses. Samantalang ang iba na asa lamesa na kasama nila ay hiyang hiya sa kinikilos nito.


“I can't understand it myself. Di ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko pa yan eh! The dude is such a loser!” sagot naman ni Mike na ikinahagikgik ni Mark at Dave ngunit ikinagulat ng iba pang andun, nais sanang hinaan ni Mike ang boses para hindi iyon marinig ni Dan pero malakas ding iyon na lumabas sa kaniyang bibig na nakapagpatigil kay Dan sa paglalakad, saglit siya nitong nilingon.


Kahit pa matagal ng hindi naguusap ang dalawa ay ni minsan naman ay hindi narinig ni Dan na patamaan siya ng insulto ni Mike, madalas si Mark o kaya paminsan-minsan si Dave ang nagpapasaring sa kaniya pero hindi si Mike. Namanhid ang buong katawan ni Dan sa sobrang tindi ng sakit at sa mga narinig niya iyon ay tila ba sumuko ng ang kaniyang puso na makaramdam pa ng sakit. Mas masakit pa ito kesa sa sakit na naramdaman niya noong literal na sabihin nito ang tungkol na tapos na ang kanilang pagkakaibigan noong unang linggo pa lang nilang nakatung-tong sa highschool may tatlong taon na ang nakakalipas.


Agad naman na kinilabutan si Mike nang makita niyang narinig ni Dan ang kaniyang mga sinabi at nang lingunin siya ni Dan at makita niya ang mga mata nitong unti-unti nang napupuno ng luha at sakit na nararamdaman ay tila dinagukan siya ng pagkakataon at ipinamukha sa kaniya na mali ang kaniyang ginagawa.


Naalala ni Mike ang tingin na iyon, yun din ang tingin na ibinigay sa kaniya noon ni Dan nang sigawan niya ito noong una silang nagkakilala, nang ayaw nitong makipaglaro sa kaniya.


“Ayaw ko sayo! Ayaw mong makipaglaro sakin saka ayaw mong ipahiram ang laruan mo!”


Tila naman may sumipa kay Mike at may kumurot sa kaniyang puso. Tila isinampal ng kahapon kay Mike ang alok niyang pakikipagkaibigan noon kay Dan. Nakita niya kung pano malayang tumulo ang mga luha ni Dan na siya namang lalong nakapag-pabigat sa kaniyang nararamdaman. Sa tatlong taong pag-aaral nila ng high school ay nakalimutan niya na importanteng bahagi ng buhay niya si Dan, ilang beses niya na itong nakikitang kumakain mag-isa tuwing recess at lunch break, naglalakad mag-isa papasok at pauwi mula sa bahay, nakaupo mag-isa sa tuwing free period at mag-isa ring nalulungkot sa tuwing pinasasaringan ito ng kaniyang mga bagong kaibigan.


Tatawagin na sana ulit ni Mike si Dan nang makita niya itong nagmamadaling naglakad palayo sa kanila, nagbuntong hininga si Mike, nagpasiyang kakausapin na lang niya ito pag-kauwi ng bahay sa oras na kumalma na ito at kapag nakaisip na siya ng dapat sabihin dito.



Itutuloy...


[02]
Balisa si Mike buong araw, alam niya kasing nasaktan na niya ng sobra ngayon si Dan. Sumagi din sa isip niya kung gaanong kababaw ang naging dahilan ng pag-layo ng loob niya sa kababatang halos kadikit na niya sa tadyang, dahil lang sa hindi ito kasikatan sa skwelahan. Dahil lang hindi ito tinitingala katulad niya at kaniyang mga kaibigan. Dahil hindi lang ito marunong magpasaring at manlait. Dahil lang mas mabuting tao ito sa kaniya.


“Meron ka na bang best friend, Danny?”


“Wala. Naiwan sila lahat sa Batangas.”


“Wag ka ng malungkot. Ako na lang ang best friend mo. OK ba yun? Wala parin akong best friend eh.”


Kasabay ng mga ala-alang iyon ay ang pag-tanong ulit ni Mike kung paano niya nagawang talikuran ang pagkakaibigan na iyon na siyang walang makakapantay at ang malala pa ay ang saktan ang tanging tao na siyang naging kasama niya sa bawat mahahalagang punto ng buhay niya nung silay bata pa lang.


Nagising si Mike sa kaniyang malalim na pag-iisip ng magsitayuan na ang kaniyang mga kaklase upang dasalin ang closing prayer para sa subject na iyon. Hindi pa man niya natatapos ang pagdadasal ay agad niyang napagpasyahan na humingi ng tawad kay Dan.


0000oo0000


“Martin! Saglit!” sigaw ni Mike.


Agad na napako si Martin sa kaniyang kinatatayuan. Alam niya na hindi magandang senyales ang pagtawag sa kaniya ng isa sa mga siga na dedikadong gawing impyerno ang buhay niya habang asa high school sila. Ni hindi niya magawang humarap kay Mike dahil nawalan na ng lakas ang kaniyang mga paa at nagsimula narin siyang mangatog.


“Martin.” tawag ulit ni Mike sa pangalan ng huli sabay abot sa balikat nito na agad namang hinawi ni Martin. Nagulat si Mike nang makita ang takot sa mga mata ng kaniyang kaklase. Tila may nagbuhos muli sa kaniya ng malamig na tubig nang naisip niyang wala na siyang pinagkaiba sa mga siga sa elementary school noon na umaway kay Dan. Kinatatakutan na siya ngayon ng mga tao. Bigla ding sumagi sa kaniyang isip na hindi siya sikat at maraming tao ang tumitingala sa kaniya dahil ngayon na-realize niya na pinupuri lamang siya ng mga tao sa kaniyang paligid upang hindi niya pagbuntungan ang mga ito ng galit at maging taga salo ng kaniyang mga pasaring at panlalait. Biglang nanlambot si Mike sa naisip na ito, hindi niya alam kung paanong ang kagustuhan na tingalain ng ilan katulad ng kaniyang kapatid na si Ryan ay humantong sa pagkaka roon ng takot ng karamihan sa kaniya.


“S-sorry.” pabulong na simula ni Mike. “---Itatanong ko lang sana kung nakita mo si Danny?” tanong ni Mike sa nakayuko at nangangatog parin na si Martin. Agad na umiling ang huli na ikinadismaya ni Mike dahil gustong gusto na niyang maka-usap ang dating kaibigan. Bagsak balikat at nakayukong naglakad palayo si Mike matapos magpasalamat kay Martin. May ilang hakbang na ang layo ni Mike dito nang tahimik itong magsalita.


“N-nakita ko siya kanina na papalabas ng gate ng school nung lunch. H-hindi ko na siya nakita ulit simula non. Nag-cut ata.”


Natigilan si Mike sa sagot na iyon ni Martin. Humarap ulit siya dito at nagpasalamat. Ngayon hindi lang sa mabigat ang loob ni Mike dahil sa ginawang pangiinsulto niya kay Dan, kundi nagaalala narin ito kung asan ito ngayon at kung ito'y ligtas.



000oo000


Umuwi mula sa skwelahan si Mike na umaasang ligtas at asa bahay lang si Dan. Nang mapatapat sa kanilang mga bahay ay mas pinili pa ni Mike na lumapit sa bahay nila Dan kesa sa kanilang sariling bahay, gustong- gusto na niyang makausap ang dating kaibigan at humingi ng tawad dito. Marahan siyang kumatok sa gate, si Lily ang nagbukas nito at nakangiti siyang kinamusta. Matapos ang maiiikling kamustahan ay tinanong na ni Mike kung pwede niyang makausap si Dan.


“Wala pa siya eh.” ang tanging sagot ni lily. Muling bumagsak ang balikat ni Mike at yumuko.


“Ah ganun po ba. Sige po, paki-sabi na lang na dumaan po ako dito.” magalang na sabi at paalam ni Mike. Muling ngumiti si Lily at isinara na ang gate nang makitang patalikod na si Mike.


Ngunit hindi makaalis sa harapan ng gate na iyon si Mike dahil napako na siya ng pagsisisi, pagaalala at takot.


“Danny, asan ka na?”


0000oo0000



Magiisang oras nang nagiintay si Mike sa labas ng bahay nila Dan. Hindi na niya ito nakita buong araw sa school matapos ang kaniyang pasaring dito at nagsisimula na siyang magalala, tumingala siya at nakitang dumidilim na ang kalangitan, nagbabadya ng parating na malakas na ulan, nagsimula ng hindi mapakali si Mike, miya't miya ang tingin nito sa daan kung saan manggagaling ang tricycle o kaya naman kung naglalakad ang kaibigan ay makikita niya ito sa gawing iyon. Nagsimula ng umambon pero matiyaga paring nagintay si Mike.



“Mikee?” tawag ulit ni Lily mula sa terrace ng bahay nila. Binigyan lang ng isang malungkot na ngiti ni Mike si Lily. Muling lumapit si Lily at binuksan ang gate nila.


“Akala ko sa bahay niyo mo na iintayin si Danny. Kung sinabi mong gusto mo agad siyang makausap pagdating na pagdating niya edi sana sa loob na kita pinag-intay.” marahang sabi ni Lily sabay bukas ng payong nang makalapit na ito kay Mike.


“Maghapon ko po kasi siyang hindi nakita sa school. Medyo nagaalala lang po ako kaya dito na ako nag-intay sa tapat ng bahay niyo. Saka gustong gusto ko rin po siyang maka-usap eh. Madalas po ba siyang ginagabi ng ganito?” nakayukong sagot at tanong ni Mike. Napangiti naman si Lily at ginulo ang buhok nito katulad nung mga bata pa sila Mike at Dan.


“Baka asa library nanaman iyon, madalas nawiwili iyon sa pagbabasa sa library kapag ginagabi ng uwi. Halika, sa loob ka na magintay, wag kang magpa-ambon at baka magkasakit ka niyan.” alok ni Lily, tumango si Mike at napagisipan na sa silong na lang ng terrace magintay sa kaibigan. Pumasok na si Lily ng bahay para mag-handa ng hapunan kaya't bumalik sa pagiging balisa si Mike habang nagiintay, lalong nagalala si Mike nang bumuhos na ang malakas na ulan.


“Danny.” bulong ni Mike sabay kuwa ng kaniyang telepono upang i-text o kaya tawagan ang kaibigan pero huli na ng maalala niyang wala nga pala siyang numero nito.


0000oo0000

Halos mapatalon si Mike nang marinig na bumukas ang gate ng bahay nila Dan, doon nakita niya ang nakayukong si Dan, basang-basa ng ulan at tila ba wala sa sarili. Napako sa kinatatayuan niya si Mike, hindi makagalaw, pinanood lang ang kaniyang nanlulumong kaibigan maglakad papalapit sa bahay, nang mag-angat ng tingin si Dan ay halos mapa-iyak si Mike. Namumula ang mata nito na tila ba walang ginawa ang kaibigan kundi ang umiyak mag-hapon. Kitang kita ang lungkot sa mga mata nito kasama ang ilang nangingilid na luha sa kabila ng basang basa na mukha dahil sa ulan.


Muling hindi makapaniwala si Mike na trinato niya ng ganun si Dan, simula kinder ay siya na ang nagtatanggol dito sa mga siga, ngayon, isa na siya sa mga siga na nang aaway dito ang masama pa siya ang nangako na lagi niya itong ipagtatanggol sa mga siga, pero ngayon, kung pano niya tratuhin si Dan ay masahol pa siya sa mga sigang iyon. Nagbaba ulit ng tingin si Dan habang hinuhubad ang mga sapatos.


“Danny, bakit ngayon ka lang? Bakit ka naglakad? Sana nag trike ka nalang, timo yan, basang basa ka tuloy.” kinakabahang simula ni Mike pero hindi agad sumagot si Dan, abala parin ito sa paghubad ng sapatos.


“It's Dan. Not Danny.” bulong ni Dan, tila naman tumigil ang oras para kay Mike at hindi mapigilang mangilid ang sariling mga luha, alam na niya kasi ngayon na itinatakwil narin siya ni Dan bilang kaibigan katulad ng ginawa niyang pagtatakwil dito may ilang taon na ang nakakaraan. Hindi niya alam na ganun pala kasakit ang itakwil. Ngayon, may ideya na siya kung ano marahil ang naramdaman ni Dan nung talikuran niya ito at tratuhin na parang hindi naging kaibigan sa loob ng tatlong taon.


“Danny, wag ka namang ganyan. Look, I'm sorry for being such an asshole for the last three years---” simula ulit ni Mike pero pinutol iyon ni Dan.


“It's three years, four months and fifty four days.”


“What?” tanong ni Mike, narinig niya si Dan pero gusto niya lang malaman ang ibig sabihin ng sinabi nito.


“It's been three years, four months and fifty four days since you dropped me as your best friend. Since you ignored me just like a wall accessory every time our path crosses, since you let Mark and Dave throw insults at me, since you let me eat alone during lunch---” malinaw at malamig na balik ni Dan. Tila binuhusan ulit ng malamig na tubig si Mike at nagababadya ng tumulo ang kaniyang mga luha, agad niya itong pinahiran, ayaw niyang makita iyon ni Dan.


“Danny, I'm sorr---”


“It's Dan, not Danny.” malamig na putol ulit ni Dan saka lumapit sa front door, naiwang nakatayo si Mike sa kaniyang kinatatayuan, hindi alam ang gagawin habang pinapanood ang kaniyang best friend na mawala sa likod ng front door ng bahay nito.


Hindi pa kailanman naranasan ni Mike na magsisi ng ganoong katindi. Alam niya kasing hindi na niya kailanman mababawi ang papanakit na ginawa niya sa matalik na kaibigan at ang tangi na lang niyang pinanghahawakan ngayon ay ang mga pagsisisi.



0000oo0000


Nang makauwi si Mike sa kanilang bahay ay hindi niya mapigilan ang sarili na umiyak. Ang tanging totoong kaibigan na alam niyang kailanman ay hinding hindi na mahihigitan ng kung sino ay isinusuka na siya ngayon dahil sa kaniyang katangahan. Alam niyang walang makakapantay pa kay Dan dahil ito lamang ang matiyagang nagturo sa kaniya nung mga panahong bumabagsak na siya sa kaniyang mga subject nung elementary palang sila, ito lang ang tanging sumasalo sa kaniyang katarantaduhan sa tuwing mabibisto siya ng kaniyang ina, ito lang ang tanging nakakapagpangiti sa kaniya sa tuwing malungkot siya at ito lang ang tanging kaibigan na handang makinig sa kaniyang mga pinagsasasabing kagaguhan. Alam niyang maski ang pagkakaibigan niya kila Mark at Dave ay ni hindi makakaabot sa kalingkingan kapag ikinumpara sa naging pagkakaibigan nila ni Dan.



Habang naghahanda siya para sa hapunan ay nag-isip ng iba't ibang paraan si Mike para mabawi ang itinapon niyang pagkakaibigan. Kahit pa ano ang kapalit nito.


0000oo0000


“Good morning!” nahihiyang bati ni Mike sa nakayukong si Dan nang lumabas ito sa kanilang gate bago pumasok. Nagtaas ng tingin si Dan at miya mo ulit sinipa ng kabayo si Mike ng makita ang mapupulang mata nito, saglit na napatigil si Mike habang si Dan naman ay tuloy tuloy sa paglalakad.


“Danny, wait.” tawag dito ni Mike.


“What do you want, Mike?” napamaang si Mike nang tawagin siyang Mike ni Dan imbis na Mikee, alam niyang siya ang mag gusto nun pero hindi niya akalain na masasaktan siya ng ganun sa oras na tawagin na nga siyang Mike ni Dan kasabay ng purong galit at pagkairita.


“I thought I can walk with you on the way to school.” saad ni Mike, hindi sumagot si Dan kaya't sinamantala na niya ang pagkakataon na iyon.


“Bakit di ka sumakay ng trike kahapon? Alam mo namang uulan ng malakas—-”


“I was not at school when it started raining, being the loser that I am I decided to hang at the park and skip school yesterday.” sagot ni Dan tila muling sinipa si Mike nang marinig niya ang salitang 'loser' na matagal na nilang pasaring kay Dan pero nilunok na lang ni Mike ang balik na iyon ni Dan, iniisip na nakuwa lang niya kung ano man ang hiningi niya dito.


“OK, I deserved that. But why not hail a trike from the park?” tanong ulit ni Mike hindi napansin na lalong nag-tense ang katawan ni Dan.


“Because, again, being the loser that I am I didn't see Mark at the park hiding at the bushes. Sinabi niya na kapag hindi ko binigay ang pera ko sa kaniya eh bubugbugin niya ako. Being the loser that I am, I know I am a no match for his muscles! Being the loser that I am I. JUST. GAVE. IN. Ano? Masaya ka na? May pagtatawanan nanaman ikaw kasama ng mga kaibigan mo?” walang emosyong sagot ni Dan, alam niyang wala na siyang dapat ikahiya pa dahil alam nanaman ni Mike kung gaano siya ka-tanga. Nagulat na lang siya ng biglang hawakan ni Mike ang kaniyang kamay at pinigilan siya sa paglalakad.



Nagtama ang tingin ng dalawang dating magkaibigan, nakita ni Dan na nangingilid na ang luha ni Mike may galit, pagsisisi at sakit sa mga mata nito, tila naman isa ring de awtomatikong makina ang kaniyang mga luha at agad din itong nangilid.



“Please don't call yourself that. You're the smartest person that I know---” naputol na lang ni Mike ang kaniya sanang marami pang sasabihin nang haltakin ni Dan ang kamay nito mula sa pagkakahawak niya.


“It doesn't matter if I'm smart, people see me as a loser and if they say that I'm a loser then I'm a loser. I'm not proud and I will never be proud to call myself smart or genius and normal like you and your friends if all you want to do is belittle and judge other people, I'd rather be a loser than be normal if being normal makes me arrogant like you and your friends.” balik naman ni Dan na ikinagulat ni Mike. Ngayon alam na niya kung gaano kalalim ng galit ni Dan sa kanila.


“Danny, I'm sorry.” nagmamakaawang saad ni Mike na mapigilan ang sarili na maiyak.


“It's Dan, not Danny and like what I've said, what people think of me doesn't matter anymore.” walang emosyon paring sagot ni Dans sabay kibit balikat.


Tahimik nilang nilakad ang ang ilang minutong lakaran papuntang terminal ng dyip. Muli, katulad ng nakagawian sa loob ng tatlong taon ay nagpahuli si Dan sa pagsakay ng dyip wag lang makasabay si Mike na lubos namang ikinalungkot ni Mike.


Nakayuko at bagsak balikat na inintay ni Mike si Dan sa may hallway ng kanilang skwelahan, wala siyang balak na kausapin ulit ito habang mainit pa ang ulo nito pero naisipan niya parin na siguraduhin na ligtas na nakarating ang dating kaibigan.


Nang dumating si Dan sa skwelahan ay agad niyang napansin ang grupo ng mga kaibigan ni Mike na nakarinig ng mga pasaring nito sa kaniya nung nagdaang araw. Muli siyang nakaramdam ng panliliit. Lalo niyang binilisan ang lakad na tila ba nagmamadali na makaalis sa tingin ng mga taong iyon.


“Hey Mike, why are you looking at the loser?” tanong ni Mark na ikinahagikgik naman ni Dave. Hindi na napigilan pa ni Mike ang sarili, puno na siya ngayon ng galit, galit sa sarili at galit sa ibang tao para sa sakit na nararamdaman ng kaniyang matalik na kaibigan kaya't mabilis niyang sinugod si Mark at iniuntog ito sa pader.


“Stop calling him loser, asshole!” singhal ni Mike sa nahihilong si Mark, iniikot ni Mike ang kaniyang tingin sa gulat na gulat na populasyon ng kanilang skwelahan at kinakabahang hinanap si Dan, nakita niya ang backpack nito na mabilis na nilalamon ng isang kwarto, alam ni Mike na hindi siya makakapasok doon kaya't napagpasiyahan niyang sa mga break na lang niya kakausapin si Dan.


“Mike, what the hell?” natatakot na tanong ni Mark.


“Stay away from Danny or else---” banta ni Mike saka iniwan ang mga naguguluhang si Mark at Dave at gulat na gulat na iba pang kaibigan.

Nung oras na ng tanghalian ay aligagang hinanap ni Mike ang kaniyang kaibigan, nang makita niya itong tahimik na kumakain mag-isa ay agad siyang napabuntong hininga. Nilapitan niya ito at nakita niya kung pano ito nagulat nang umupo siya sa katapat na upuan.


“Hey, Danny. What's up?” kaswal na tanong ni Mike habang si Dan naman ay hindi alam kung magugulat o maghihinala.


“Can I sit here? I think I'm friendless now, except maybe for you and doesn't have anywhere else to eat lunch.” tuloy tuloy na sabi ni Mike, hindi na binigyan ng pagkakataon si Dan na sumagot dahil tuloy tuloy na siya sa pag-upo at pagkain ng tanghalian.


“Why are you here, Mike?” marahan at tila ba lambot na lambot na tanong ni Dan.


“I told you, you are my only friend left and I'm trying to win my best friend back.” nahihiyang sinabi ni Mike ang huling siyam na salita na ikinagulat ulit ni Dan, ito ang matagal na niyang gustong mangyari, ang maging matalik ulit silang magkaibigan ni Mike pero bakit hindi siya kumportable sa ideya na iyon.


“---and I miss you, Danny. I'm sorry---” pabulong na pahabol ni Mike. Magsasalita na sana si Dan nang may lumapit na mga tao sa kanilang lamesa.


“Hey can we sit here?” singit ni Mark kasunod si Dave na umupo sa dalawa pang bakanteng silya sa lamesang iyon.


“Hey, Dan, I'm sorry for being such an asshole. I promise I wouldn't do it again.” pangako ni Mark, tumango-tango naman si Dave sa kabilang gilid ni Dan.


“So, friends?” tanong ni Mark sabay abot ng kamay kay Dan, nagalangan saglit si Dan, tumingin kay Mike, iniisip kung niloloko lang ba siya ng mga ito pero walang siyang ibang nakita sa mga mata ni Mark kundi sinseridad at mukhang ganun din si Mike dahil tumango ito bilang pangungumbinsi kay Dan.


Itutuloy...


[03]
“Wohoo! dalawang buwan na lang and we're out of this shit hole--- forever!” sigaw ni Mark pagkatapos ng kanilang klase, matapos ang tagpo sa cafeteria kung saan inalok ni Mark ng pagkakaibigan si Dan magi-isang taon na ang nakakaraan ay naging parte na ito ng kanilang grupo, kahit pa minsan ay hindi gusto ni Dan ang ginagawa ni Mark at Dave ay hindi naman maikakaila ni Dan at Mike na mabubuti ding kaibigan ang dalawa.

Isang taon na ang lumipas matapos ang pangungutya kay Dan ay katulad ng iba niyang kaibigan ay tinitingala narin siya ngayon pero sa kabila nito ay hindi kinalimutan ni Dan ang pagpapakumbaba kahit pa si Mike ay paminsan minsan parin itong nakakalimutan.


Marami ng nagbago makalipas ang isang taon lalong lalo na sa ugali ni Mike. Bumalik ang dating maaalalahanin, mabait at kwelang si Mike na muling bumuhay sa pagtingin ni Dan dito. Napansin din ni Dan ang ilang mga simpleng bagay na lubos niyang ikinatutuwa, katulad nung isang beses na muling sinalig ni Mark si Martin na nagresulta sa muling pagtumba nito sa sahig, nauna pang tumakbo papunta sa natumbang kaklase si Mike kesa kay Dan at tinulungan itong tumayo habang si Dan naman ang pumulot ng mga gamit nito.


Muli ring bumalik yung mga pagkakataon na tatambay lang sila sa bahay ng bawat isa at magkukuwentuhan o kaya naman ay maga-gaguhan katulad nung sila'y mga bata pa.


“Dyaran!” sigaw ni Mike sa gulat na gulat na si Dan.


“Haha! Ano yang suot mo?!” natatawang sabi ni Dan nang imulat niya ang kaniyang mga mata at nakita na nakabarong si Mike ngunit naka boxer shorts lang.


“Remember when we we're seven when you said that you've always wanted to stay and eat in a five star hotel? Well, look around you.” nakangising sabi ni Mike na ginawa naman ni Dan.


Nanlaki ang mga mata ni Dan. Hindi na niya makilala ang kaniyang sariling kwarto. Maayos at malinis ito. Magara ang mga kobre kama na nakabalot sa kaniyang kama, tinakpan ng kulay puting tela ang kaniyang magulong bookshelf at may nakasabit sa gitna nito na isang painting na nilagyan ng frame na gawa sa illustration board, tinakpan din ng puting tela ang kaniyang makalat na mesa at sa palagay ni Dan ay ilang ayos at linis pa ay masasabi ngang para na itong kwarto sa isang hotel. Nagising sa pagkakamangha si Dan nang abutan siya ng isang karton na bara-barang binalot ng art paper at parang may kinahig na manok na sulat sa gitna nito.


“Menu?” nagtatakang tanong ni Dan kay Mike. Ngumiti lang si Mike at nag chest out.


“Ako po ang butler niyo ngayon, sir Danny.” sagot ni Mike na ikinahagikgik naman ni Dan sabay bukas sa improvised na menu. Lalong napahagikgik si Dan nang makitang tig iisang putahe lang ang nakalagay para sa bawat course.


“Di ka masyadong nakapaghanda ano, butler Mike?” tanong ni Dan na ikinakamot naman sa ulo ni Mike.


“Well, aside form being the butler, Sir Danny I am also the chef of this five star hotel and I simply doesn't have the time to cook more dishes.” naka chest out ulit na sagot ni Mike na ikinahagikgik ulit ni Dan.


“OK. I'll have the only appetizer. And for the main course uhmmm let's see-- oh, how about the only main course--- annnnddd for the dessert--- wow. So many to choose form—-how about the---” simula ni Dan sa pagitan ng mga paghagikgik na ikina-irap naman ni Mike.


“Fine! I get it! Hmpft!” naka-pout ng haltak ni Mike sa improvised menu at saglit na lumabas ng kwarto upang kuwanin ang mga pagkain. Hindi na napigilan pa ni Dan ang mapatawa ng malakas. Ilang saglit pa ay muli ng sumulpot si Mike hawak-hawak ang isang tray na puno ng pagkain. Lalong napatawa ng malakas si Dan ng makita ang inihanda ni Mike. Hindi narin mapigilan ni Mike ang mapahagikgik.


“Tapsilog lang pala!” sigaw ni Dan sa pagitan ng mga tawa.


“Yan lang ang alam kong lutuin eh!” balik naman ni Mike.


“Sus! Baka nga hindi pa ikaw ang nagluto nito eh! Binili mo lang siguro 'to sa tapsilogan 'no?” bintang ni Dan na ikinahagalpak sa tawa ni Mike.


“Anong tapsilogan? Baka tapsihan! Imbento ka!” at sabay na tumawa ang dalawa.


Ilang saglit pa at tumigil na ang dalawa sa kakatawa at sinimulan na ni Dan ang kumain. Hindi nagtagal ay muling napatawa si Dan nang marinig ang kumakalam na sikmura ni Mike na nahihiya namang sumulyap sa tumatawang mukha ni Dan.


“What? I didn't eat breakfast so I can do all this, you know! So excuse me---” naiinis na sabi ni Mike sa tumatawa paring si Dan.


“Here. Have some tapa.” sabi ni Dan sabay subo ng tapa kay Mike. Hindi nagtagal ay pareho nang kumakain ang dalawa sa iisang plato parang nung mga bata pa sila.


0000oo0000


“Hey that last tapa is mine!” sigaw ni Dan nang makita niyang kinamay ni Mike ang huling piraso ng tapa sa plato na iyon.


“Haha!” sabi naman ni Mike sabay dila sa tapa para hindi na iyon maagaw pa ni Dan.


“You're such a pig sometimes!” di makapaniwalang sabi ni Dan sa kaibigan.


“What did you call me?!” agad na napalingon si Dan pagkasabing iyon ni Mike. Nakita niyang nababalot na kalokohang pinaplano ang mga mata nito. Isang reaksyon na kilalang kilala ni Dan.


“Pig. I called you a pig because you're sooo gross!”


Katatapos pa lang ng sinabing iyon ni Dan nang biglang tumayo si Mike at hinawakan ang baba ni Dan at pilit na pinapakain ang piraso ng tapa na kaniyang dinilaan. Agad ding tumayo si Dan upaang makaiwas kay Mike pero sa agad niyang pagtayo na iyon ay sumabit ang kaniyang kanang paa sa lamesa na naging resulta ng kanilang pagbagsak pareho.


Napadagan si Mike kay Dan at saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Natunaw ang mga bakas ng pagtawa sa kanilang mga mukha at seryosong nagtitigan. Nun lang ulit natitigan ng maayos ni Dan si Mike simula nung muli silang naging close nito may isang taon na ang nakakaraan. Unti-unti mang bumabalik ang pagtingin niya dito sa loob ng isang taon na iyon ay pilit naman niya itong pinigilan lumago at ipakita sa kaibigan dahil sa takot na muling masira ang kanilang pagkakaibigan. Pero ngayon, hindi mapigilan ni Dan ang titigan ang mga magaganda nitong mata, makinis na balat sa mukha, makakapal na kilay, matangos na ilong at mapupulang labi.


Naramdaman ni Dan na tila ba may nagsasabi sa kaniya na halikan ang mga labi na iyon ni Mike pero agad niya iniwas ang kaniyang isip sa itinutulak ng nararamdaman na iyon dahil ayaw niyang pagsisihan sa huli ang gagawin niyang iyon.


“Mike---” simula ni Dan, nagmamakaawa ang tono na iyon na tila ba nagsasabing umalis na siya sa pagkakapatong dito. Hindi mapigilan ni Mike ang malungkot ng kaunti, una dahil sa pagtanggi parin nito na tawagin ulit siyang Mikee at alam niyang wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili. Pangalawa, noon, maski maghapon silang magrambulan sa sahig ay hindi basta-basta iiwas sa kaniya si Dan at ang pagbabago na iyon ay muling dapat isisi sa kaniya.


“MIKE!” sigaw ni Dan at iniluwa ang tapa na may laway ni Mike na isinubo sa kaniya ng huli bago pa man tumayo ng derecho si Mike. Itinulak ni Dan si Mike pagkaluwa na pagkaluwa ng piraso ng pagkain na iyon. Nasagi ni Mike ang lamesa na siya namang tumaob na lumikha ng napakalakas na ingay.


“MIKEE! DANNY! PLEASE REFRAIN FROM DEMOLISHING THE HOUSE!”


Napahagikgik ang dalawang magkaibigan sa sigaw na iyon ni Lily mula sa unang palapag ng bahay. Matapos ang maikling hagikgikan na iyon ay agad na inayos ni Mike ang kalat habang si Dan naman ay wala sa sariling pinapanood ang bawat kilos ng kaibigan. Pilit na pinapatay ang lalong umuusbong na pag-tingin sa kaibigan.


“What are you two homo's doing? Playing house?!” humahagikgik na sabi ni Mark sabay talon at higa sa kama ni Dan na ikinainis naman ni Mike.


“Haha! Homows! Playing house! That's effin hilarious!” sigaw naman ni Dave at nagugugulong sa sahig ng kwarto ni Dan. Nagkatinginan si Dan at Mike at tila ba nabasa ang iniisip ng isa't isa.


“Are you guys high again?” tanong ni Mike na ikinahagalpak sa taw ni Mark at Dave na nagpatindi sa hinala nila Mike at Dan.


“Of course we are! Hahaha!” tumatawang sagot ni Dave.


Yung huling taon din na iyon nila sa high school sumali ng frat si Mark at Dave, ayon sa kanila ay kailangan nila iyon para maging ligtas sa papasukan na kolehiyo, hindi na iyon pinansin pa ni Mike at Dan, kahit ano kasing pangungumbinsi ng dalawa na hindi nila kailangan ang fraternity ay hindi naman nakikinig ang mga ito.


Pero ang pagsali ni Mark at Dave na iyon sa fraternity ay nagdulot din ng mga ilegal na gawain sa dalawa. Dahil sa kanilang franternity ay may nakilala silang nag-de-deal ng droga, at alam ni Mike at Dan na gumagamit na ang kanilang dalawang kaibigan pero ikinibit balikat na lang din nila ito dahil sa kabila naman noon ay mabuti paring kaibigan ang mga ito. Paminsan minsan nila itong sinasabihan na mag-ingat pero lagi rin silang pinapaalalahanan ng mga ito na sinusubukan lang nila ito at titigilan narin kapag nagtagal.


“I thought you guys said that you're going to stop using? This shit is dangerous, Mark.” nagaalalang sabi ni Mike na ikinahagikgik ulit ni Mark at Dave.


“Oh we are. We just love seeing you be so concerned that we couldn't help it.” biro ulit ni Mark. Nagkatinginan ulit si Mike at Dan at naisipan na palagpasin na lang ulit ang paggamit ng dalawa ng bawal na gamot.


Sabay ng pag-kibit balikat na iyon ay ang hiling na huwag sana nilang pagsisihan sa hinaharap ang pagbulag-bulagan nilang iyon patungkol sa pag-gamit ng dalawa ng bawal na gamot.


0000oo0000


“The big sixteen huh! Anong plano mo ngayon, birthday boy?” tanong ni Dave sabay tapik sa likuran ni Dan, namula ang mga pisngi ni Dan at napayuko.


“Mom and I are going out for dinner, then we might watch green lantern.” nahihiyang sagot ni Dan.


“Your Mom is so cool! I wish I can ask my mom to watch movies with me.” singit ni Mark. Kitang kita ni Dan ang lungkot sa mata ni Mark, alam niyang walang panahon ang mga magulang nito sa kaniya at binibigay na lang ng mga ito ang gustuhin niya makabawi lang sa panahong hindi nila makasama ang anak.


“Oo nga eh, sana yung nanay ko rin.” umiiling na sabi ni Dave, saglit ding sumilay ang lungkot sa mukha nito pero agad ding nabura iyon at mapalitan ng excitement.


“Aren't we going to have a party for your birthday?” excited na tanong ni Dave nagkatinginan si Dan at Mike saka nagkibit balikat.


“Hey! That's a good idea! ---We have no place for it, though.” excited na balik ni Mark pero agad ding bumagsak ang mukha nang ma-realize na wala silang lugar upang pagdausan nang pinaplanong party.


“Melvin offered his place last time, maybe we could ask him again.” balik ni Dave. Muling lumiwanag ang mukha ni Mark sa ideyang ito ni Dave.


“He only offered that so he can suck our dicks while we are high.” humahagikgik na sabi ni Mark, natigilan si Dave at saglit na nag-isip saka humagikgik narin pagka-tapos.


“What?! Wait, who's Melvin?” gulat na tanong ni Mike habang si Dan naman ay namutla at biglang hindi mapakali.


“He's our frat brother, he always let us use his house to be drunk and other stuff tapos kapag bangag na lahat at tulog manggagapang na yan.” tumatawang kwento ni Mike.


“Y-you aren't serious about hanging out at h-his house r-right?” tanong ni Dan na ikinahagalpak sa tawa ni Mark at Dave, nung una ay akala ni Dan na nahalata at nahuli na ng mga kaibigan ang kaniyang sekreto.


“Don't worry Dan, di ka namin iiwan mag-isa kapag andun si Melvin.” nakangiting sagot ni Mark. Napabuntong hininga si Dan dahil ibig sabihin sa sagot na iyon ni Mark ay walang alam ang mga ito sa kaniyang sekreto.


“Pero alam niyo mga tol, satin satin na lang 'to ah. Mas masarap magbigay ng blow job ang bading, nung isang beses na nagising ako tapos pinapasadahan ako ni Melvin, tol! Daig pa vacuum!” pabulong na pagmamayabang ni Dave. Lalong hindi mapakali sa upuan si Dan at si Mike naman ay hindi malaman kung ano ang dapat isipin sa sinasabi ng mga kaibigan.


“Tol, wala yun, nung last time na andun tayo, Dave, nung birthday ni Rio? Tol, sinakyan ako ni Melvin, nagulat ako nung makaramdam ako ng kung ano sa ari ko nung natutulog ako yun pala sinasakyan na ako ni Melvin, tol! Mas masikip pa sa ari ng babae!” balik naman ni Mark.


“Ah uhmmm excuse me ah eh uhmmm punta muna ako sa library.” paalam ni Dan saka nagmamadaling umalis, hindi niya kasi masikmura ang mga sinasabi ng kaniyang mga kaibigan, tila ba pinalalabas ng mga ito na madudumi at mapangsamantala lahat ng bakla. Napahagikgik si Mark at Dave iniisip na kaya nagmamadaling umalis si Dan ay dahil hindi nito makayanan ang pinaguusapan, iniisip nila na dahil ito sa masyadong pagiging konserbatibo ng kanilang kaibigan.


Gusto mang sundan ni Mike si Dan para alamin kung ano ang gumugulo dito ay mas naintriga siya sa kinukuwento ni Mark at Dave, hindi siya makapaniwala sa mga kinukuwento ng mga ito.


0000oo0000


“Are you OK?” tanong ni Mike kay Dan habang naglalakad sila palabas ng skwelahan para umuwi, binigyan na lang ng isang matipid na ngiti ni Dan ang best friend niya.


“So, anong tingin mo dun sa party para sa birthday mo?” tanong ulit ni Mike, natigilan saglit si Dan at inisip magigi ang kaniyang isasagot.


“OK lang naman sakin, di lang ako sure sa idea nila about doing it at Melvin's place.” matipid na sagot ni Dan, iniisip niya kasi na kung sakaling magkainuman sila ay baka may masabi siya tungkol sa kaniyang sekswalidad at isipin nila Mark at Dave o pati narin ni Mike na kaya niya tinanggap ang pagkakaibigan ng mga ito ay para maikama lang sila katulad ng ginagawa ni Melvin.


“Don't worry I won't let Melvin rape you.” nakangising sambit ni Mike. Napa-iling na lang si Dan sa sinabing iyon ni Mike, hindi niya mapigilang isipin na kung alam lang ng kaibigan ang totoong rason malamang hindi na rin ito papayag na sa bahay ni Melvin gawin ang party o kaya naman wala na lang party na gawin para sa birthday niya. Napansin ni Mike ang biglaang pag-iba ng tabas ng mukha ni Dan kaya naman hindi na lang niya ipinagpilitan ang issue na 'yon.


“So you'll be there after the movie with your mom?” tanong ni Mike kay Dan tumango si Dan at matipid na nagbigay ng ngiti.


“I'm not sure about drinking though.” sagot ni Dan.


“Don't worry we're not going to make you drink if you don't want to.” balik naman ni Mike.


Nang makasalubong nila si Mark at Dave sa gate ng school ay agad sinabi ni Mike ang tungkol sa hindi pag-inom ni Dan. Agad naman nagtinginan si Mark at Dave atsaka sabay na umirap.


“Fine! As long as you're there and we have the reason to party.” humahagikgik na sabi ni Mark, hindi alam ni Dan kung ma-o-offend siya sa narinig na iyon dahil ang dating nun para sa kaniya ay ginamit lang na dahilan ang kaniyang birthday para makapag-party sila.


Napansin ni Mike na minasama ng kaniyang kaibigan ang sinabing iyon ni Mark kaya naman agad niya itong inakbayan at pinisil sa ang balikat bilang sabi na huwag na lang pansinin ang sinabi na iyon ni Mark.


0000oo0000


“So they're putting up a party for you, huh?” tanong ni Lily sa anak na masayang kumakain ng hapunan sa isang fastfood habang iniintay ang oras ng kanilang papanoorin na pelikula.


“Yeah. I'm not sure if it's a good idea, though. I'm not even sure if I want to go.” biglang bagsak ng mukha ni Dan habang sinasagot ang ina.


“Why not? Is this because of Mike?” hindi agad nakasagot si Dan sa tanong na ito ng ina dahil natumbok nito ang pinagmumulan ng kaniyang pagaalangan.


“Opo. Baka po kasi hindi ko mapigilan mamya at masabi sa kaniya na gusto ko siya. Natatakot po kasi ako na mawala siya ulit.” nakayukong pag-amin ni Dan sa kaniyang ina. Malungkot na ngumiti si Lily at ini-angat ang mukha ng anak.


“If he can't accept the fact that you're gay and he's willing to give up those years of friendship then he's not worth it to be called your friend, Danny. If he doesn't want to be your friend after you tell him then it's his loss. You can make ton's of friends, Danny, you're smart, kind and handsome. You don't need a homophobic loser for a best friend.” kaswal na sabi ni Lily na tila ba ganun lang kadali na talikuran at kalimutan ang ilang taong pagkakaibigan.


“It's not that easy to do, Ma. Mike's been my friend since we were five and--- and he's my only friend, Ma---” simula ni Dan.


“And you're he's only friend too, Danny. He's only true friend. Sigurado ako wala sa mga kaibigan ngayon ni Mikee ang handang hindi matulog masiguro lang na hindi niya madaganan ang kamay na naka semento, O kaya naman ang hindi umuwi kahit masamang-masama na ang pakiramdam matupad lang ang pangako kay Mikee na iintayin siya kasi natatakot itong sumakay mag-isa sa school bus--- Sa tagal ng pagkakakilala ko kay Mikee ay hindi ko ni minsan nakita na may pagka homophobe ang batang iyon at isa pa ang sigurado ko, I-tre-treasure nung batang iyon ang pagkakaibigan niyo no matter what.”


“But what if he don't?” nagaalala paring tanong ni Dan.


“Sabi ko nga kanina, if that's going to be the case then It's his loss and you deserve better.” sabi ni Lily sabay kibit balikat.


Saglit na tinitigan ni Dan ang kaniyang kinakaing chicken at inisip maigi kung iyon na nga ba ang magandang panahon upang sibihin kay Mike ang lahat ng kaniyang nararamdaman para dito. Ang pagtingin niya dito at ang posibilidad ng pagmamahal niya dito.


“Sooo. Are you ready for green lantern?” tanong ni Lily sa nagiisip paring si Dan. Nang istorbohin siya ng ina sa pagiisip ay nakapagdesisyon na siya sa kaniyang gagawin patungkol sa kaniyang mga nararamdaman para kay Mike.


Hinihiling niya lang na ang desisyon na iyon ay hindi niya pagsisisihan habang buhay.


Itutuloy...


[04]
Lumakas ang pag-kabog ng dibdib ni Dan nang maabutan nilang dalawang magina si Mike na matiyagang nagiintay sa kanilang gate. Nakangiti ito at tila ba excited sa party na kanilang sunod na pupuntahan. Lumapit ito kay Lily at humalik sa pisngi nito at nang makaharap naman si Dan ay agad itong ngumiti at binalot sa mahigpit na yakap ang kaibigan.

“Happy Birthday!” sigaw ni Mike na ikinamula ng pisngi ni Dan.




“Tutuloy na ba kayo sa party?” nakangiting tanong ni Lily sa dalawang bata.






“Opo Tita!” maligayang sagot ni Mike sabay hila kay Dan papunta sa terminal ng dyip.






“Ingat kayo! Dan, i-text mo ako kapag andun na kayo ah?!”






Hindi na nakasagot pa si Dan sa bilin ng ina dahil halos itulak na siya papasok ng dyip ni Mike.









0000oo0000

Habang asa biyahe ay pasulyap-sulyap si Dan kay Mike, napansin niyang hindi nabubura ang ngiti nito sa mukha at ang paminsan-minsan nitong pag-kapa sa bulsa na tila ba may isine-secure na gamit doon. Nang sa wakas ay makarating sila Mike at Dan sa ibinigay na address ni Mark sa kanila ay agad na napanga-nga ang dalawa sa laki ng bahay at sa dami na ng tao na andun. Lalong naging balisa si Dan dahil hindi niya alam na marami palang pupunta.




“I don't even know half the people in that lawn.” pabulong na sabi ni Dan kay Mike na humagikgik na lang.




“Mark and Dave know them that's why they're here. Don't worry, Dan, di ako aalis sa tabi mo.” alo naman dito ni Mike sabay ngiti. Tila naman natunaw lahat ng pagaalinlangan ni Dan sa sarili at tumango na lang. Nagsimula na siyang maglakad papasok ng gate nang maramdaman niya ang marahang paghawak ni Mike sa kaniyang braso na nakapagpatigil sa kaniya sa paglalakad.





“Happy Birthday, Danny!” nakangiti ulit na sambit ni Mike.






“Nasabi mo na yan kanina nung una tayong magkita sa bahay ah?” nakangiti pero nagtatakang saad ni Dan. Yumuko si Mike at tinignan ang nakalahad na sariling palad. Sinundan ni Dan ang tingin ni Mike at nagulat siya sa nakita sa palad nito.






“Binati lang kita pero hindi ko pa naibibigay ang gift mo---” hindi na narinig pa ni Dan ang mga sunod na sinabi ni Mike dahil tila nabingi na siya nang ibalik niya ang tingin sa mukha ni Mike. Seryoso ito at mukhang kinakabahan sa pagbibigay ng regalo na iyon. Nagkasya na lang si Dan na panoodin ang pagbukha ng bibig ni Mike at ang susunod ng nangyari ay ang pagsusuot ni Mike ng binili nitong bracelet na may mga initials nilang dalawa.






 Nun lang napansin ni Dan na may suot din si Mike na katernong bracelet na mayroon ding initials nilang dalawa.




“Tara na pasok na tayo sa loob!” excited na sabi ni Mike sabay nagsimula ng maglakad papasok sa bahay nila Melvin pero agad din siyang pinigilan ni Dan sa paglalakad sa pamamagitan ng paghawak din sa braso nito. Nagulat si Mike nang bigla siyang niyakap ni Dan.








“Thank you. Mikee.”



Tila naman natunaw ang puso ni Mike sa muling pagtawag sa kaniya ng “Mikee” ni Dan kaya't iniyakap niya narin ng mahigpit ang sarili sa kaibigan. Matapos ang tagpong iyon ay lalong naging buo ang loob ni Dan na sabihin na kay Mike ang kaniyang tunay na nararadaman dito.



“I have something to tell you before we go inside. Mike, I'm g---” simula ni Dan nang maghiwalay na sila sa yakapan na iyon pero hindi na natapos pa ni Dan ang kaniyang sasabihin dahil bigla ng sumulpot si Mark at Dave.



“Hey birthday boy!” sigaw ni Mark sabay akbay kay Dan.



“We've been waiting for you guys for like an hour now!” sigaw naman ni Dave. Hindi na nakapagsalita pa ang dalawa nang hilahin sila nila Mark at Dave papasok ng bahay.



Lalong nanlaki ang mga mata ni Dan nang makitang punong puno ng tao ang bahay. Ang kaninang kagustuahan na masabi na kay Mike ang kaniyang nararamdaman dito ay pansamantalang nakalimutan. Marami sa mga bisita ay ginawang dance floor ang sa palagay ni Dan ay ang sala, may ilang naghahalikan at may ilan ding malalakas na nagkukuwentuhan. Katulad ng nakita niya sa bakuran ng bahay bago pumasok ng bahay ay halos wala rin siyang kakilala doon.



“Let's party!” sigaw ni Dave sabay hiyaw ni Mark.



“I-I'll ju-just go to the bathroom.” paalam naman ni Dan.



“There's one malapit sa may dining room. We'll be upstairs, go find us there, OK?” bilin ni Mark kay Dan sabay tungga sa iniinom at hinila si Mike paakyat ng hagdan kasunod si Dave na iwinawagayway ang mga kamay.



Nang makarating si Dan sa tapat ng pinto ng CR ay nagulat siya sa haba ng pila. Ang totoo niyan ay hindi naman siya naiihi o nadudumi, nais niya lang pumasok sa CR upang pakalmahin ang sarili mula sa kaba ng naudlot niyang pagsasabi ng kaniyang nararamdaman kay Mike. Habang naka-pila ay sumagi din sa isip ni Dan na ayos lang na mag-intay siya sa pila, ibig sabihin kasi noon ay mahaba rin ang oras niya para mag-isip at pakalmahin ang sarili bago muling humarap kay Mike at sabihin na dito ang kaniyang nararamdaman.



000ooo000



Nang buksan ni Mark ang pinto ng isang kwarto sa ikalawang palapag ng bahay na iyon ay agad din nanlaki ang mga mata ni Mike. Sa loob ng kwarto ay isang lalaki na tanging boxers lang ang suot payat ito at may kaputian na nababalot ng usok, usok mula sa ilang sigarilyo na nakasindi at nakalagay sa ashtray, usok mula sa sicha at usok mula sa ilang marijuana na nakalagay din sa may ash tray.



“Sino si pogi?” tanong ng lalaki na hindi napansin ni Mike na nakalapit na pala sa mya kinatatyuan niya habang si Mark at Dave ay sige na sa paghithit ng marijuana at sigarilyo at pagsinghot ng ilang puting malabuhangin na bagay sa may lamesa.



“Mike meet Melvin. Melvin meet Mike.” humahagikgik na pakilala ni Mark sa isa't isa habang pinapanood si Melvin na umiikot-ikot kay Mike na tila ba sinusuri ang bawat sulok ng katawan ni Mike na nagisismula ng kabahan. Siniko ni Mark si Dave at sumenyas na tignan si Melvin.



“Mike's a saint, Melvin. He's not into drugs kaya wala kang pag-asa na matikman yan.” humahagikgik na sabi ni Dave.



“Hmpft!” sabi ni Melvin sabay tabi kay Mark at hipo sa malabatong braso nito.



Muling nawala sa pagkilatis si Mike kay Melvin. Hindi naman ito halata at itsurang bading pero hindi rin katigasan ang kilos at pananalita nito, sa katunayan niyan konting lambot ng kilos at pananalita lang ang lamang ni Dan dito. Sa sobrang abala ni Mike sa pagiisip at pagkukumpara niya kay Melvin at Dan ay hindi niya napansin ang patakas na paglagay ni Melvin ng ecstasy sa inumin na hinahanda nito. Hindi ito nakaligtas kay Mark at Dave pero wala silang ginawa upang pigilan si Melvin ang totoo niyan ay iniintay pa nila ang mangyayari sa oras na gapangin na ni Melvin si Mike na matapos bumalik sa pagkakaibigan kay Dan ay tila naging santo na.



“Here have some drink.” nakangiting istorbo ni Melvin sa malalim na pagiisip ni Mike. Wala sa sariling inabot ni Mike ang inumin at tinungga ito habang ikinikibit balikat ang nakikitang paghagikgik nila Mark at Dave kahit pa matindi ang kaniyang pakiramdam na pagsisisihan niya ang hindi pagtanong sa naobserbahan na iyon.



000ooo000



“I'm ready.” nakangiting sabi ni Dan sa sarili habang tinitignan ang sariling repleksyon sa salamin ng banyo na iyon, konting ayos pa sa buhok at konting plancha ng damit gamit ang kamay ay lakas loob na lumabas si Dan ng banyo at tumuloy na sa pangalawang palapag ng bahay.



0000oo0000



“Atta boy!” sigaw ni Mark matapos singhutin ng hyper na si Mike dahil sa ecstasy ang shabu na inihanda niya sa may lamesa.



Hindi na alam pa ni Mike ang kaniyang ginagawa ang tangi niya lang alam ay nagiinit ang buo niyang katawan at kating-kati siya na gawin lahat ng mga bagay na pumasok sa isip niya ng sabay-sabay, wala siyang ideya na dahil ito sa nauna niyang nainom na ecstasy at ngayon ay ang humahalo sa sistema niya na shabu. Nang marinig niyang tumawa si Dave ay nakisabay narin sila ni Mark kahit pa hindi niya alam kung ano ang nakakatawa. Asa ganitong tagpo ang apat na lalaki nang makarinig sila ng marahang katok sa may pinto.



Pinagbuksan ito ni Melvin. Bumulaga sa apat ang kunot noo at gulat na gulat na si Dan. Dahil nakaharang si Melvin ay hindi nakita ni Dan ang nagkalat na paraphernalia sa lamesa sa may gitna ng kwarto na iyon.


“Hi I'm Melvin and you are---?” nakangising lahat ni Melvin ng kamay matapos magpakilala.



“Dan.” nahihiyang sagot ni Dan dahil narin sa naka-boxers lang na anyo ni Melvin.



“C-can I talk to Mike for a minute?” kinakabahang request ni Dan kay Melvin na patuloy lang ang pag-ngisi at pagkilatis kay Dan.



“Sure. But you'll have to return him to me after you're done with him. Done talking I mean.” nakangisi parin na sagot ni Melvin sabay tawag kay Mike na nakangisi rin na lumapit kay Dan. Abala si Dan sa pagtitig sa kaniyang papalapit na best friend at abala sa pag-control ng kabog ng kaniyang dibdib kaya't di niya parin napansin ang nagkalat na droga sa kwarto.



Sumunod si Mike kay Dan sa may hallway ng ikalawang palapag na iyon kahit pa hindi niya alam kung bakit niya iyon ginagawa. Nang magumpisa namang magsalita si Dan ay agad siyang nakinig pero hindi niya iyon na-aabosrb habang si Dan naman ay nakayukong inilalahad ang kaniyang nararamdaman sa kaibigan kaya't hindi nito napansin na bangag ang kaibigan.



“---I-I love you, Mike.” pagtatapos ni Dan. Matagal na hindi sumagot si Mike at nang hindi na siya nakatiis ay nag-angat na siya ng tingin.



Ang sunod na nakita ni Dan ay lalong nagpatindi ng kaniyang nararamdamang kaba at nakapagpa-realize sa kaniya na ang kaniyang paglalahad na iyon ng kaniyang tunay na nararamdaman kay Mike ay habang buhay niyang pagsisisihan.



0000oo0000



“Sabi ko na eh!” sigaw ni Mark sa likuran ni Mike na nagsisimula ng mahilo.



“Haha! Bakla ka Dan? Kaya pala para kang aso kung sumunod-sunod kay Mike ah!” sabi ni Dave sa pagitan ng pagtawa.



Umiiling si Dan sa mga sinasabi ng kaniyang mga kaibigan, tila ba sa pag-iling na iyon ay mapapabulaanan niya ang katotohanan na narinig ng mga ito na sinabi niya kani-kanina lang kay Mike. Tinignan ni Dan si Mike at nagulat ito nang mapansing terno ng pagkabangag ni Dave at Mark ang itsura nito.



“M-Mike.” tawag ni Dan sa kaibigan habang umaatras palayo kila Dave at Mark ngunit napalala lang ang ginawang pag-atras na iyon ang sitwasyon niya dahil nakorner na siya ngayon sa pagitan pader at ng mga bangag na kaibigan.



“Ganun naman pala eh! Let's get the party started! You guys can fuck him while Mr. gorgeous here fucks me---” sulpot ni Melvin sa likod ni Mike sabay yakap dito. Marahas na umiling si Dan at nagsisimula ng mangilid ang kaniyang luha sa takot.



“What? Tired of our cocks already?” nakangising panunubok ni Dave kay Melvin sabay hawak sa kaniyang pundyo.



“Fresh meat is fresh meat. Dave. If Mr. gorgeous isn't here then I'll do your dick all night long.” sagot ni Melvin sabay dila sa tenga ni Mike na tila naman nagugustuhan ang ginagawang pananamantala sa kaniya ni Melvin.



“How about my dick?” tanong naman ni Mark. Kinuwa itong oportunidad ni Dan upang makatakas sa sitwasyon na iyon ngunit mabilis din siyang naabutan ni Mark at Dave bago pa niya maabot ang hagdan pababa. Sumigaw si Dan para makahingi ng tulong mula sa maraming tao sa baba pero nilunod lang ng malakas na hiyawan at music ang sigaw niyang iyon. Sisigaw pa sana ulit si Dan nang suntukin siya sa sikmura ni Mark habang hawak hawak naman siya ni Dave.



Tila pwersahang hinigop ang hangin sa mga baga ni Dan nang suntukin siya ni Mark at ang pagkakahawak sa kaniya ni Dave ay hindi rin masasabing marahan, ngayon naguumpisa nang tumulo ang mga luha ni Dan at purong takot na ang kaniyang nararamdaman ngayon. Sinubukan niyang pumalag ngunit isang suntok ulit ang kaniyang nakuwa mula kay Mark, napaluhod siya sa sahig dahil sa sobrang sakit ng suntok na iyon, muling hinawakan ni Dave ang kaniyang mga braso at marahas na itinayo. Lumapit si Mark kay Dan at itinapat ang bibig sa tenga ng nanghihina ng si Dan.



“Wag ka nang manlaban. Magugustuhan mo ang gagawin natin.” bulong ni Mark kay Dan sabay dila sa pisngi nito. Dahil nanghihina parin sa lakas ng pagkakasuntok ni Mark ay wala ng nagawa pa si Dan kundi tiisin at idaan ang pandidiri sa ginawang iyon ni Mark.



“MIKE!” sigaw ni Dan nang makabawi siya mula sa pang-apat na suntok ni Mark sa kaniyang sikmura pero wala na si Mike at Melvin sa lugar kung saan ito huling nakita ni Dan.



“MIKE!” sigaw ulit ni Dan habang kinakaladkad siya ni Dave papasok ulit ng kwarto.



Nanginginig na ang buong katawan ni Dan, pinagpapawisan ng malamig, patuloy ang pagbagsak ng luha, malakas ang kabog ng dibdib at mababaw na ang kaniyang pag-hinga ngunit sa kabila ng mga nararamdaman na ito ay abala parin si Dan sa pag-iisip kung pano makakaalis sa sitwasyon na iyon. Nakita ni Dan ang babasagin na ashtray at mabilis na dinampot ito at binasag sa ulo ni Dave na agad na napahiga sa sahig at saglit na nawalan ng malay.



Agad na tumakbo si Dan patungo sa pinto ng kwarto na iyon ngunit napatigil din nang madaanan niya ang kama malapit sa pinto. Nakahiga doon si Mike at tila ba sarap na sarap sa ginagawang pagsuso sa kaniya ni Melvin.



Walang suntok, sampal at pagkaladkad na ginawa sa kaniya ni Mark at Dave ang mas masakit pa sa kaniyang nakita.



“Mikee.” bulong ni Dan.



“Putangina ka!” sigaw ni Mark sabay suntok kay Dan. Muling bumagsak sa sahig si Dan. Galit na galit si Dave nang muling bumalik ang kaniyang malay at tumakbo papunta kung saan nakahiga si Dan. Marahas na pinatayo ni Mark si Dan at si Dave naman ang nagpaulan ng suntok dito.



“Pinadugo mo ang ulo ko, gago ka!” sigaw ni Dave sabay gawad ng pag pitong suntok sa mukha ni Dan, sa pagkakataon na iyon ay sa panga na ni Dan lumanding ang suntok. Ramdam na ramdam ni Dan ang pagkadurog ng kaniyang panga at ang pag-sigaw niya ay lalong nakapagpalala sa sakit na iyon.



Tila paulit-ulit na pinapalo ang kaniyang panga ng dos por dos, ang sakit na iyon paulit ulit ding rumerehistro sa kaniyang utak. Pilit na hinihila ni Dan ang kaniyang kamay mula sa mahihigpit na hawak ni Mark para sapuhin ang kaniya paring nananakit na panga pero masyado itong malakas.



“Tangina mo! Ngayon, pagsisisihan mong naging bakla ka pang gago ka!” sigaw ni Dave sabay punit sa t-shirt ni Dan at pagkatapos ay hinubad nito ang sinturon at ang pantalon nito. Sa kabila ng sakit na kaniyang nararamdaman ay pinipilit parin ni Dan na kumawala sa mahihigpit na hawak ni Mark pero sa kada pagpupumilit niyang makaagpas ay sampal naman ang kaniyang nakukuwang kapalit mula sa mga ito.



Naramdaman ni Dan ang paghuhubad ni Dave sa kaniyang boxer briefs at tinipon niya ang kaniyang natitirang lakas para makaalpas pero lalo lamang humigpit ang hawak sa kaniya ni Mark. Isa na lang ang natatanging paraan na naisip ni Dan. Ang magmakaaawa. Tumigil siya sa pagpalag at sinalubong ang galit na galit na tingin ni Dave. Natigilan saglit si Dave.



“Dave, please.” nabubulol na pagmamakaawa ni Dan dahil sa sakit ng kaniyang panga. Saglit na tinitigan ni Dave si Dan at tila ba titigilan na ang pambubugbog at panghuhubad kay Dan kung hindi pa nangielam si Mark.



“Bilisan mo dyan, Dave! Tirahin na natin yan!” sigaw ni Mark.



“Dave, p-please.” pagmamakaawa ni Dan pero sa binging mga tenga ito isinigaw ni Dan.



0000oo0000



Pabalik-balik mula sa pag-gising at pagkawala ng malay si Dan. Kada gising niya ay nararamdaman niya ang sakit sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan partikular na sa kaniyang puwitan, kada gising niya ay hihingi siya ng tulong kay Mike o kaya naman ay mag-mamakaawa kay Dave o kaya kay Mark na itigil na ang kanilang panghahalay. Saka sisigaw at magpupumiglas.



“Haha! Ma-e-enjoy mo rin yan, sis.” ulok ni Melvin sa hindi kalayuan bago mawalan ulit ng malay si Dan matapos itong suntukin muli ni Mark upang matigil ito sa pagsisigaw.



Naririnig ni Mike ang mga impit na ungol sa hindi kalayuan at paminsan-minsang sigaw at iyak. Kilala niya ang sigaw na iyon, alam niyang boses 'yon ni Dan, gusto niyang alamin kung bakit ito nagsisisigaw ngunit tinatalo ng masarap na sensasyon na kaniyang nararamdman sa pagitan ng kaniyang mga hita ang kagustuhan niyang malaman ang dahilan ng pagsigaw ni Dan.



Naramdaman ni Mike ang saglit na pagtigil ng masarap na sensasyon na iyon sa pagitan ng kaniyang hita sunod ay ang pag-alog ng kama. Nakita ni Mike umupo si Melvin sa kaniyang tiyan at pumaibabaw sa kaniya at isinalubong ang mga labi nito sa kaniyang labi.



“Fuck me.” bulong ni Melvin kay Mike nang mag-hiwalay ang kanilang mga labi. Alam ni Mike na mali pero mas naunahan ng init ng kaniyang katawan ang kagustuhan niyang tumanggi. Naramdaman ni Mike na tila ba ipinapasok ang kaniyang ari sa isang masikip at mainit na lagusan, napapikit na lang si Mike sa sarap ng sensasyon na gawa ng pagtaas at pagbaba ni Melvin sa kaniyang ari.



“Argggghhh!” sigaw muli ni Dan nang muli siyang magkamalay ngunit muli siyang binigyan ng isang malutong na sampal ni Mark. Ang pag-iyak ang muling huling natandaan ni Dan bago ulit siya mawalan ng malay.



“Switch partners!” sigaw ni Melvin at agad na ini-angat ang sarili palayo kay Mike at tumuwad malapit kay Mark habang si Dave naman ay hinila si Mike palapit kay Dan at inutusan itong halayin si Dan. Saglit na tinignan ni Mike ang duguang si Dan at saglit na nagalangan sa pinapagawa sa kaniya ni Dave ngunit nang sumagi sa kaniyang isip ang masarap na sensasyon na dulot ng masikip na butas ni Melvin sa kaniyang ari ay agad niyang ipinasok ang kaniyang ari sa butas ni Dan.



Muling nagkamalay si Dan nang makaramdam ng sakit sa kaniyang panga. Nakita niya na Ipinapasok ni Dave ang ari nito sa kaniyang bibig kaya muling sumasakit ang kaniyang basag na panga. Kasabay ng sakit na iyon sa kaniyang panga ay ang gumagapang na init at mahapding sakit sa kaniyang likuran, kahit pa nanlalabo ang kaniyang mata dahil sa pinaghalo-halong luha, dugo at natuyong pawis ay nakilala parin niya kung sino ang humahalay sa kaniyang likuran at iyon ay lalong nakapagpalala sa kaniyang sakit na nararamdaman. Si Mike.



Muling nakaramdam ng sakit si Dan sa kaniyang panga, inalis na ni Dave ang ari nito sa bibig ni Dan at lumapit na kay Melvin upang dito naman siya magpasuso. Hindi na nakatagal si Mike at hinayaan na niya ang sarili na makaraos. Inalis niya ang kaniya na ngayong lumalambot na ari sa butas ni Dan at tinignan ito. Nagulat siya nang makitang gising ito, lumuluha at may matinding galit sa mga mata. Napako sa kinalalagiyan niya si Mike. Tinipon ni Dan ang kaniyang huling lakas at marahas na hinila ang pulseras na regalo sa kaniya ni Mike at marahas din na ibinato ito sa kaniyang mukha. Nung una ay hindi maintindihan ni Mike ang nangyari pero nang tignan niya ang bracelet ay tila may pumukpok sa kaniyang ulo. Muli niyang tinignan si Dan.



“Why?” pabulong at bulol na tanong ni Dan na nagdulot ng ilang kakaibang sensasyon sa dibdib ni Mike. Nakita ni Mike ang pagtirik ng mga mata ni Dan at ang pagpikit nito.



Pinalabo man ng droga ang utak ni Mike ay hindi noon maiaalis ang malakas na kutob sa kaniyang kalooban na habang buhay niyang pagsisisihan ang gabing iyon.



Itutuloy...


[05]
Alam ni Mike na mali pero ang tamang pagiisip niyang ito ay natalo ng alaala ng masarap na sensasyon na kaniyang naramdaman habang ginagawa niya ang pinaguutos sa kaniya ni Dave na iyon kay Melvin. Kasama ng tinalo ng masarap na pakiramdam na iyon na kaniyang nararamdaman sa pagitan ng kniyang mga hita ang paglunod ng bisa ng bawal na gamot ang kaniyang mga tamang pananaw. Walang kaibi- kaibigan. Walang hiya- hiya. Walang Danny na matagal ng tumitingala sa kaniya. Para kay Mike ay uunahin niya ngayong gabi ang masarapan kesa sa mga bagay na iyon.

Hindi nagtagal matapos makaraos ay natamaan ng isang maliit at matigas na bagay sa kaniyang mukha si Mike. Nang mahulog ito sa sahig ay agad niya itong pinulot.


Pulseras. May nakaukit na mga letra dito. “M & D”, tila may pumukpok sa kaniyang ulo at ilang emosyon ang sabay sabay na namahay sa kaniyang dibdib. Marahan niyang itinaas ang tingin sa duguang mukha ni Dan at biglang natauhan.


“Why?”


0000oo0000


“NOOOO!” sigaw ni Mike sabay napaupo mula sa pagkakahiga sa kama.


Basang basa ng pawis ang kaniyang matipunong katawan at patuloy parin siyang pinagpapawisan ng malamig. Basang basa din sa kaniyang pawis ang kobre kama, sa sobrang pagkabasa ng mga ito ay dumidikit na ito sa malagkit na pawis ni Mike. Matapos punasan ni Mike gamit ang kaniyang palad ang butil butil na pawis sa kaniyang noo ay hindi naman niya napigilang sapuhin ang sariling ulo dahil sa pananakit nito.


Matapos magawang tiisin ni Mike ang sakit ng kaniyang ulo ay dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, unti-unting sinasanay ang sensitibong paningin sa liwanag ng araw na nanggagaling sa bintana. Nang tuluyan ng naimulat ang mga mata at nasanay na ito sa liwanag ng paligid ay hindi naiwasan ni Mike ang mapabuntong hininga.


“Panaginip lang pala.” bulong niya sa sarili nang maalala ang naging rason ng kaniyang biglaang pag-gising.


Pero sa kabila ng kaniyang sinabing ito ay hindi parin naaalis ang bigat ng kaniyang loob na tila ba nagsasabi na may mali sa araw na iyon. Wala sa sarili niyang inabot ang cellphone niya at tinext si Dan katulad ng kaniyang nakagawian kada umaga.


“Good morning! :-)” sabi ng kaniyang text. Saglit na inilapag ni Mike ang kaniyang telepono sa lamesa katabi ng kaniyang kama, iniisip na ilang segundo lang ay magre-reply na ang kaniyang kaibigan.


Tumayo na mula sa kaniyang pagkakaupo sa kama si Mike. Hindi parin malaman kung ano ba ang kaniyang ininom sa pa-party nila Mark at Dave para kay Dan noong nagdaang gabi at ganun na lang kasama ang kaniyang hang-over. Habang iniisip ang mga inumin na nagbibigay sa kaniya ng ganoong klase ng hangover ay inililigpit naman ni Mike ang kaniyang pinaghigaan, inalis ang kobre kama na basa ng kaniyang pawis at pinalitan ito ng bago.


Matapos ang pagliligpit ay na-realize ni Mike na hindi pa nagrereply si Dan katulad ng nakagawian nito sa tuwing i-te-text niya ito sa umaga kaya naman wala sa sarili niyang tinanaw ang bintana ng kuwarto nito sa katapat nilang bahay. Nakita niyang nakasara pa ang kurtina nito kaya naman naisip na lang ni Mike na tulog pa ito at marahil katulad niya ay masakit din ang ulo dahil sa hangover.


“Puntahan ko na lang mamya.” sabi ni Mike sa sarili habang naglalakad pagawi ng banyo upang alisin ang malagkit na pawis na bumabalot sa buo niyang katawan.


0000oo0000


Habang nagsasabon ng katawan ay hindi maiwasan ni Mike na mapansin at magtaka sa kakaibang lagkit ng kaniyang katawan, tipong may ipinahid na ointment sa kaniyang balat na kailangan pa ng limang sabunan bago ito matanggal, partikular ang kakaibang lagkit na ito sa bandang tiyan niya.


“Ughhh!”


Agad na napapikit si Mike sa tagpong ito na kaniyang naalala. Hindi niya malaman kung bakit sa tagpo na iyon ay may lalaki na nakapatong sa kaniya at tila ba isa itong hinete na sinasakyan siya, hindi maiwasan ni Mike na marahas na umiling lalo pa't malinaw na malinaw na umaandar sa kaniyang isip ang pagpapasarap ng lalaking ito sa sarili habang sinasakyan siya na miya mo nanonood siya ng telebisyon, ang pagpapalabas nito ng likido mula sa kaniyang ari kung saan ang karamihan ay tumalsik sa kaniyang tiyan at dibdib ay malinaw na malinaw ring tumakbo sa kaniyang isip.


Habang binubura ang tagpong iyon sa kaniyang isip ay hindi napansin ni Mike na namumula na pala ang kaniyang balat sa may tiyan niya dahil sa sobrang pagkuskos dito, tinigilan na lang niya ito nang makaramdam siya ng pangangapal at konting hapdi dito. Nang masigurong natanggal na ang bagay na nakakapagpalagkit sa kaniyang tiyan ay sinimulan ng kuskusin ni Mike ang iba pang bahagi ng kaniyang katawan dahil sa kaniyang palagay ay mas lalo siyang dumumi matapos pumasok sa kaniyang isip ang mga imahe na iyon.


Lumipas ang ilang minuto ay pakiramdam ni Mike ay madumi parin siya. Ilang beses na niyang sinabon ang kaniyang sarili, ilang beses nag hilod at nag-shampoo pero pakiramdam niya ay kulang parin lahat ng iyon kaya naman nagtagal pa siya sa ilalim ng dutsa ng shower, umaasa na ang patuloy na pagtulo na iyon ng shower ang siyang makakabanlaw ng duming hindi matanggal tanggal na kaniyang nararamdaman.


Nang idaretso ni Mike ang kaniyang dalawang kamay upang anlawan pa muli ito ay dun lang niya napansin na may mga kalmot siya sa magkabilang kamay at may ilan sa kaniyang dibdib.


“Damn! He can fuck!”


“Inggit ka naman, Melvin? Gusto mo ikaw ang niyayari niya?!”


“Oo naman, Mark! Gwapo kaya ng kaibigan niyong yan, saka malaki ang kargada!”


Hindi nakatulong ang naisip na ito ni Mike. Hindi alam kung ito ba ay narinig niya noong siya'y nananaginip o kung iyon ba ay nangyari talaga noong nakaraang gabi ng birthday ni Dan. Ang tagpong iyon na tumakbo sa kaniyang isip ay hindi sing linaw ng nauna pero hindi parin niyon napigilan ang lalong pamimigat ng loob ni Mike na miya mo may mga importanteng bagay siya na nakalimutan. Hindi rin nakatulong ang tagpong iyon sa kaniyang utak sapagkat pakiramdam niya ay lalo siyang dumumi gayong ilang minuto na niyang kinuskos ang kaniyang buong katawan.


Dahil sa pagod at pagkalito sa mga nangyayari sa kaniya sa umagang iyon ay hindi na napigilan pa ni Mike ang mapapikit at sumandal sa pader ng C.R. habang hinahayaan ang shower na paulanan siya ng tubig.


Ngunit ang ginawang ito ni Mike ay isang malaking pagkakamali. Dahil noong oras na ipinikit na niya ang kaniyang mga mata ay agad na pumasok sa kaniyang isipan ang isang duguan at lumuluhang Dan. Hindi lang sakit kundi may galit din siyang nakikita sa mga mata nito.


“Why?”


Halos mabuwal si Mike nang maalala ang huling parte ng kaniyang panaginip na iyon. Hindi nagtagal ay naisip ni Mike na pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang isip kaya naman itinigil na niya ang pagiisip ng mga bagay na maaring nangyari at hindi nangyari noong nakaraang gabi sa bahay nila Melvin. Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Mike bago pinatay ang shower, inabot ang twalya at nagpunas.


Nang humarap na si Mike sa salamin pagkatapos ang mahaba-habang paliligo ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang may makita siya sa kaniyang leeg. Lumapit pa siya sa may salamin at sinipat itong maigi, nung una ay umaasa siya na ang pamumula na iyon ay dahil lamang sa kaniyang madiin na pagkuskos kanina habang siya ay naliligo pero nang makita niya ito ng malapitan ay hindi na siya nagdalawang isip pa kung ano ito at kung ano ang nagdulot ng pamumula na iyon sa kaniyang leeg.


Matapos masiguro ni Mike na kiss mark nga iyon na nasa kaniyang leeg ay sunod naman niyang inisip kung sino ang gumawa noon. Ayaw man niya ay pilit niya muling hinalukay ang kaniyang isip kung ano ang nagyari noong nagdaang gabi ng birthday ni Dan.


“Melvin.” bulong ni Mike sa sarili.


Sa ikalawang pagkakataon ay muling muntikan ng mawalan ng kontrol si Mike sa kaniyang sariling mga paa.


“Melvin, tama na yan! Isn't it enough that he fucked you at kailangan mo pa siyang lagyan ng chikinini?!”


“Remembrance lang 'to, Mark!”


Malabo man ang naisip niyang ito at hindi pa man sigurado si Mike kung nangyari nga ito o kasama lang sa kaniyang panaginip ay hindi niya parin mapigilan ang sarili na magalit, pakiramdam niya ay napagsamantalahan siya kahit na hindi pa niya sigurado ang mga nangyari. Pero hindi rin napigilan ni Mike ang kilabutan nang maalala niya ang sinabi ni Mark nung una nilang napagkwentuhan si Melvin, ala-ala na lalong nagpatibay ng hinala ni Mike na maaaring si Melvin nga ang may gawa ng marka na iyon sa kaniyang leeg.


“Who's Melvin?”


“He's our frat brother, he always let us use his house to be drunk and other stuff tapos kapag bangag na lahat at tulog manggagapang na yan.”


Tila naubos ang dugo sa mukha ni Mike nang maalala niya na binigyan siya ng isang baso ng alak ni Melvin, iniisip na hindi siya nalalasing sa isang baso lamang ng alak maliban na lang kung may halo ito. Ito rin ang naisip na eksplanasyon ni Mike kung bakit wala siya masyadong maalala noong nakaraang gabi.


“Damit, Mark!” singhal ni Mike, sinisisi ang kaniyang kaibigan sapagkat para sa kaniya ay ito ang may pakana ng lahat.



0000oo0000


“Goodmorning.” mahina at nanlalambot na saad ni Mike sa kaniyang mga magulang na nasa kusina. Ang kaniyang ama, nagbabasa ng dyaryo at ang kaniya namang ina ay abala sa pagluluto ng agahan.


““Goodmorning.”” sabay na bati ng dalawa.


Agad ng umupo si Mike at kumain ng tinapay na tila ba isang buong araw siyang hindi pinapakain. Natigilan na lang si Mike nang maisip niya na ang huli na nga niyang kain ay nung hapunan bago niya salubungin si Dan sa gate nito kasama ang ina galing sa panonood ng sine, muli, na-pagtanto niyang wala nanaman siyang maalala, hindi niya naaalala kung ilang basong alak ba ang kaniyang nainom, kung kumain ba siya ng handa sa party na iyon para kay Dan, kung may ginawa ba sa kaniya si Melvin.


Wala siyang maalala. Kung meron man, nahihirapan at naguguluhan lang siyang isipin kung kasama ba ito sa kaniyang panaginip o totoo itong nangyari.


“You were pretty drunk last night.” kaswal na tanong ng ama ni Mike habang hindi inaalis ang mga mata sa pagbabasa ng dyaryo na siyang gumising sa malalim na pagiisip ng anak.


“Uhh-ummm---” simula ni Mike, hindi alam ang sasabihin sapagkat ni hindi niya naaalala kung lasing na lasing ba siyang umuwi.


“Mark and Dave brought you home. They said you drank too much last night.” kaswal ding saad ni Brenda habang nakaharap parin sa niluluto nito.


“Was Dan with them last night when they brought me in?” wala sa sariling tanong ni Mike matapos lunukin ang nginunguyang tinapay.


Saglit na tumahimik ang paligid. Tila ba inaalala pa ng kaniyang mga magulang kung kasama nga ba sa mga naghatid si Dan.


“No. I think Mark said that Dan stayed at the party.” patanong ring sagot ni Brenda na ikinatigil ni Mike sa kaniyang pagkain.


Kung kanina gutom na gutom siya, ngayon, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila ba nawalan siya ng gana kumain. Kasabay ng pagkawala ng kaniyang gana kumain ang lalong pagtindi ng kaniyang nararamdaman na tila ba may mali sa araw na iyon. Wala sa sariling tumayo si Mike, iniwan at hindi na tinapos pa ang kaniyang agahan.


“Uy, tapos ka na bang kumain?” tanong ng kaniyang ama, ngunit hindi na ito pinansin pa ni Mike na muling tinutungo ang kaniyang kuwarto.


Nang makapasok muli sa kwarto ay agad na dinampot ni Mike ang kaniyang cellphone, muli sa hindi maipaliwanag na dahilan ay muli siyang nakaramdam ng kaba. Una niyang tinext si Dan, tinatanong kung asan ito at kung pwede siyang makitambay sa bahay nila. Saglit na nagintay si Mike ng reply ni Dan ngunit lumipas na ang sampung minuto ay wala parin itong sagot.


Sunod na itinext ni Mike si Mark, tinatanong kung bumalik pa ba ito sa party kagabi at kung kasama nila si Dan, nagbabakasakaling hindi na ito umuwi matapos ang party at nakitulog na lang kila Mark o kaya kila Dave. Nang hindi magreply si Mark ay sunod na itinext ni Mike si Dave, ngunit katulad ng dalawang nauna ay wala rin itong sagot.


Muli siyang nagintay ng matagal. Umaasa na may sasagot sa kaniyang mga itinext.


0000oo0000


“Damit!” halos ibato na ni Mike ang kaniyang telepono dahil sa hindi maipaliwanag na pangangamba.


Sinubukan na niyang tawagan ang tatlo ngunit walang sumasagot sa mga ito, nung una ay iniisip pa ni Mike na baka masyado lang na napagod ang mga kaibigan o kaya naman ay lasing na lasing ang mga ito kaya't hindi makasagot. Ngunit pagkatapos ang ilang minuto na ulit-ulit niyang pag-tawag sa mga ito na alam niyang ikagigising ng kahit na sino ay nagsimula na siyang hindi mapakali.


Muli siyang tumingin sa bintana at tinanaw ang bintana ng kwarto ni Dan. Nakasara parin ang kurtina nito. Muling nakaramdam ng ibayong kaba si Mike.


0000oo0000


Nang wala paring sumagot sa kaniyang tatlong kaibigan ay naisipan ni Mike na puntahan na lamang si Dan sa kanilang bahay.


Dahil sa pagmamadali ay isinuot na lang ni Mike ang kung ano mang damit na kaniyang madampot, nang makapagbihis na ay tuloy tuloy na itong lumabas ng kaniyang kwarto at ng kanilang bahay, hindi pinapansin ang tanong ng kaniyang mga magulang kung san siya pupunta.


Habang naglalakad palabas ng kanilang bakuran si Mike ay hindi niya parin tinitigilan ang pagtawag sa kaniyang mga kaibigan, gustong gustong makasiguro na ligtas ang mga ito lalong lalo na si Dan. Bubuksan na ni Mike ang kanilang gate nang meron siyang makapa sa kaniyang bulsa.


0000oo0000


Napatigil si Mike sa kaniyang paglalakad. Nabitawan ang hawak- hawak na telepono. Muli niyang kinapa ang bagay na nasa kaniyang bulsa. Ipinagdadasal na mali ang kaniyang iniisip.


“Why?”


Tila tumigil ang oras para kay Dan lalo pa ng unti-unti niyang inilabas ang bagay na iyon mula sa kaniyang bulsa. Tila hinigop lahat ng lakas ni Mike. Tila paulit-ulit siyang pinagsusuntok sa dibdib dahil pakiramdam niya ay para bang sinuntok lahat ng hangin palabas ng kaniyang baga.


Nagsimula ng maubos lahat ng dugo ni Mike sa kaniyang mukha, mamawis ng malamig at butil-butil at nagsimula na rin siyang manginig at maluha habang tinititigan ang putol at may natuyong dugo na bracelet na kaniyang iniregalo kay Dan.


Biglang natauhan si Mike. Napagtanto niyang hindi panaginip ang lahat, napagtanto niyang ang mga paunti-unting tagpo na sumasagi sa kaniyang isip ay mga ala-ala ng nangyari noong nakaraang gabi. Tuluyan ng umiyak si Mike, hindi lang basta iyak kundi parang batang may kasama pang pag-hikbi. Ngayon kasi ay may halo ng sobrang takot ang kanina lang ay simpleng pangangamba.


Takot para kay Dan. Takot para sa kaniyang nagawa dito. Takot para sa sarili.


Wala sa sariling dinampot ni Mike ang kaniyang nabitawang telepono sa lapag at muling tinawagan ang kaibigan. Umaasa, kahit na malinaw na sa kaniya ang lahat, umaasa parin siya na ligtas at hindi nasaktan talaga si Dan, na hanggang ngayon ay pinaglalaruan parin siya ng kaniyang sariling utak.


Asa ganitong tagpo si Mike habang asa kalagitnaan ng kalsada sa pagitan ng kanilang bahay at bahay nila Dan nang gisingin siya ng tunog ng sirena ng pulis. Muli siyang tumabi upang padaanin ito pero laking gulat at lalo siyang natakot nang tumigil ang patrol sa harapan ng bahay nila Dan.


Bumababa ang dalawang bagitong pulis at kumatok sa gate nila Dan. Bawat katok ay tila isang gong para kay Mike. Mabigat ito sa dibdib na siyang nagpapabilis ng pagtibok ng kaniyang puso. Ang langit-ngit ng pagbubukas ng gate nila Dan ay bumibingi at rumirindi sa tenga ni Mike. Ang nagtataka at nababahalang bungad ng mukha ng ina ni Dan nang pagbuksan nito ang dalawang pulis, si Lily, na itinuring na niyang pangalawang ina ay tila ba unti-unting pumapatay sa kaniya.


Hindi man naririnig ni Mike ang sinasabi ng mga pulis kay Lily ay hindi parin noon mapigilan ni Mike ang sarili na kapusin ng hininga lalo pa't may ideya na siya sa balitang hatid hatid ng dalawang pulis na iyon.


Hindi nga nagtagal ay namutla na ang buong mukha ni Lily, itinakip ang mga malalambot na kamay sa kaniyang mukha, nagsimula ng humikbi at umiling na tila ba ang sinasabi ng mga pulis sa kaniyang harapan ay pawang kasinungalingan lamang.


“No! No!” sigaw ni Lily.


“Ma'am kailangan na po nating---”


“Hindi! Hindi si Danny yun!” putol na sigaw ulit na sabi ni Lily sa sasabihin sana ng pulis.


“Lily!” sigaw ni Brenda sa likuran ni Mike. Mabilis itong lumagpas at tumawid ng kalye papunta sa tabi ng kaniyang kaibigang si Lily.


Hindi na narinig ni Mike ang sumunod na napag-usapan ng apat pero hindi naman nakaligtas sa kaniya ang pamumutla ng mukha ng kaniyang inang si Brenda ng magsimula ulit magpaliwanag ang dalawang pulis. Hindi nakaligtas sa kaniya ang pag-iling nito. May itinanong si Lily kay Brenda at kitang-kita ni Mike ang marahan at malungkot na pagtango ng kaniyang ina at ilang minuto pa ay nakita niya ang nanlalambot at bagsak balikat na si Lily na sumunod sa patrol ng pulis at sumakay doon.


Saglit na nagtitigan ang mag-ina pagkaalis na pagka-alis ng patrol. Si Brenda, nakatayo sa tabi ng gate nila Lily at si Mike naman ay nasa kabilang panig ng kalsada. Kitang kita ni Mike ang pagtulo ng mga luha ng kaniyang ina. Kitang-kita ang lungkot at panghihinayang sa mga mata nito. Hindi na nakayanan pa ni Mike ang mga nangyayari at napaluhod na siya sa magaspang na semento ng kalsada.


Agad-agad na nagtungo si Brenda sa tabi ng kaniyang anak, lumuhod at niyakap ito ng mahigpit.


“Danny.” parang batang humahagulgol na saad ni Mike na tumunaw naman sa puso ni Brenda na hindi na napigilan na ternuhan ang paghagulgol ng anak.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment