by: Lui
Halos lumundag ang puso ni James nang
ma-realize niya kung sino ang nakita niya. Mula sa CR ay pasimple siyang
tumungo sa exit ng PJ’s.
‘Macapagal!!’, ang sigaw ni Bryan sa
kanya.
Napapikit si James nang marinig niyang
tinawag nito ang kanyang apelyido. Tumingin siya dito at ngumiti.
‘Bryan!! Kamusta?’, ang kinakabahan
niyang paglapit dito.
‘Okay naman. Ikaw?’, ang sabi nito.
‘Okay din. Anong ginagawa mo dito?’,
ang sagot ni James.
Ah. May imi-meet lang. Ikaw?’, ang
sabi nito.
‘Wala naman. Kumain lang. Paalis na
rin.’, ang alangang sagot ni James.
Magkaklase sila noong first year
college bago lumipat ng course si Bryan. Halos wala namang pinagbago ang
hitsura ni Bryan simula nang huli niya itong makita bukod sa lumaki ang
katawan. Matangkad pa rin sa height na 5’10, moreno, matangos ang ilong at may
goatee. Nakasuot siya ng polo shirt na navy blue, maong pants at sneakers.
‘Ah. Ganon ba? Tagal na rin simula
nung huli tayong nagkita.’, ang sabi ni Bryan habang hawak ang phone.
‘Oo nga e.’, ang kinakabahan na sagot
ni James.
Nagpaalam na siya na aalis.
Nakatalikod na siya kay Bryan nang biglang tumunog ang phone niya. Hindi pa
siya nakakalayo kay Bryan kaya narinig niya ito. Napaharap muli si James dito
at nakita niyang nakalapat sa tenga nito ang phone at nakatingin sa kanya.
‘James. Right! Bakit hindi ko agad
naisip na ikaw yun?’, ang sabi ni Bryan.
‘Huh? Ako ang?’, ang maang-maangang
sabi ni James.
‘I’m Lost?’, ang tanong niya.
‘What are you talking about?’, ang
tanong ni James.
‘Cut the crap.’, ang sabi ni Bryan.
Muli niyang tinawagan ang number ni
James at muli rin namang tumunog ang cellphone nito. Wala na siyang kawala.
‘You’re found now.’, ang sabi ni
Bryan.
Wala nang nagawa si James kung hindi
umamin at samahan na si Bryan sa table. Sa simula ay ilang siya dahil ka-close
niya ito noong first year college sila bago ito mag-shift pero kalaunan ay
naging komportable na siya dito. Naikwento ni James si Darrel kay Bryan at ang
naging role nito sa pagbisita niya sa mga ganong sites.
‘I’m trying to be okay. Pero
naghahanap ako ng company e.’, ang sabi ni James.
Inabot rin nang mahigit isang oras ang
pagkekwentuhan ng dalawa. Naging masaya naman ang muling pagkikita ng dalawa
dahil this time ay totoo na sila sa isa’t isa.
‘Tara. Hatid na kita.’, ang sabi ni
Bryan nang nagkayayaan nang umuwi.
Hindi naman na tumanggi si James at
sumakay na sa sasakyan nito. Gabi na iyon at halos wala ng traffic kaya mabilis
silang nakarating sa bahay nina James. Nag-park si Bryan sa gilid ng gate nina
James.
‘Thanks, Bry.’, ang sabi ni James.
‘No prob. So, we’ll meet again?’, ang
sagot ni Bryan.
‘Sure. Ingat ka pauwi.’, ang paalam ni
James.
Pero bago pa man siya makalabas ng
sasakyan ay hinablot ni Bryan ang kanyang braso. Ikinulong nito sa dalawang
palad ang mukha ni James at siniil ng isang halik. Nagulat naman si James sa
ginawang ito ni Bryan at agad na kumawala.
‘I’m sorry.’, ang sabi ni Bryan.
Hindi naman sumagot si James. Hinatak
niya ang suot na polo shirt ni Bryan palapit sa kanya at muling naglapat ang
bibig nila. Naging mapusok at mariin ang halikang namagitan sa kanila. Ibinaba
ni Bryan ang mga labi sa leeg ni James.
‘Bry.’, ang sabi ni James.
Iniangat niya ang mukha nito at
magkatapat na ito ngayon. Magkadikit ang kanilang mga ilong. Ang isang kamay ni
Bryan ay nasa likod ni James.
‘I haven’t done this before.’, ang
sabi ni James.
‘I have.’, ang sabi naman ni Bryan.
‘Gusto mong mag-sleep over?’, ang
tanong ni James.
‘Are you ready?’, ang patanong na
sagot ni Bryan.
‘With you, yes.’, ang sagot ni James.
***
Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa
biyahe na si Symon kasama si Grace. Nag-drive thru sila sa isang fast food
chain para bumili ng almusal at baong pagkain ni Symon.
‘Text me kapag nakarating na kayo dun
ah.’, ang sabi ni Grace nang malapit na sila sa MSCA.
‘Yeah.’, ang sagot ni Symon.
May limang bus ang nakaparada sa
harapan ng school at makikita sa harapan nito ang mga sections ng mga freshman.
Humalik muna si Symon sa pisngi ng ina bago bumaba at kuhanin ang malaking bag.
‘Bye. Mag-iingat dun ah.’, ang sabi ni
Grace.
Tumango lang si Symon. Nang umalis na
ang sasakyan ay agad ring sumakay si Symon sa bus. Naroon na ang mga kanyang
mga kaibigan. Hindi pa rin sila nag-uusap ng mga ito. Naisip niyang sa
pinakalikod na lang umupo o di kaya ay solohin na lang ang isang upuan.
Dinaanan niya ang magkatabing sina
Lexie at Shane pati na rin sina Jeric at Coleen. Nagkatinginan sila pero hindi
man lang nagngitian. Nilampasan niya ang mga ito at naghanap ng bakanteng upuan
sa bus.
‘Sy, dito ka na.’, ang yaya ni Gap na
mag-isa lang.
Tiningnan niya ito pero tumanggi siya
sa alok nito. Nilampasan niya rin ito bago umupo sa bandang likuran ng bus. Sa
pandalawahan pa rin siya umupo pero nilagay na lang niya ang bag sa kanyang
tabi para walang tumabi sa kanya. Nakita niya pa si Gap na tiningnan siya pero
hindi na niya ito pinansin.
Halos dalawang oras din ang binyahe
nila hanggang sa makarating sila sa retreat house. Pagkababa nila ng bus ay
in-announce ni Erwin ang kanilang mga room assignments.
‘Room 101! Jeric, Agapito and Symon.’,
ang unang banggit niya.
Agad ring inabot sa kanila ang susi.
Pero bago sila makapunta sa kani-kanilang room ay nagbigay muna ng house rules
ang madre na sumalubong sa kanila. Matapos iyon ay binigyan sila ng one hour
para mag-ayos ng gamit at magpahinga bago magsimula ang session.
Pagdating sa kwarto ay agad na
inilagay ni Symon ang bag sa maliit na kama malapit sa bintana habang si Gap
naman ay sa gitna at si Jeric sa kabilang dulo.
‘Ayos ‘to ah. Dami nating bintana.’,
ang sabi ni Jeric.
Malamig ang simoy ng hangin. Humiga si
Jeric sa kama habang si Symon naman ay nakaupo lang at sinimulan nang ayusin
ang mga gamit. Walang umiimik sa kanila hanggang sa makaidlip si Jeric. Tahimik
ding humiga si Symon sa kanyang kama habang si Gap naman ang naglagay ng mga
gamit sa cabinet.
‘Sy.’, ang paggising sa kanya ni Gap
matapos ang ilang minutong pagkakaidlip.
‘Hmm.’, ang ungol ni Symon.
‘Tara na. Nasa activity room na
sila.’, ang sabi ni Gap.
Agad namang bumangon si Symon at
naghilamos bago nagtungo sa activity room kasabay nina Jeric at Gap.
‘Jeric.’, ang pagtawag ni Symons a
kaibigan bago pumasok sa loob ng room.
‘Yup?’, ang baling nito sa kanya.
Nauna nang pumasok sa loob si Gap at
naiwan silang dalawa malapit sa pinto.
‘Look, I know we haven’t talked for
nearly a month now. But, can I ask you a little favour?’, ang sabi ni Symon.
‘Ano yun?’, ang tanong ni Jeric.
‘I want to talk to all of you later.
Can you set it up? Maybe after dinner?’, ang sabi ni Symon.
‘Sure.’, ang pagpayag ni Jeric.
***
‘Good morning.’, ang sabi ni Bryan
habang hinahalikan ang leeg ng natutulog na si James.
‘Hmmm.’, ang sabi ni James bago
magmulat ng mga mata.
Nakabalot sa iisang kumot ang dalawa
dahil wala silang saplot parehas matapos ang mainit na gabi.
‘Would you like to have me for
breakfast?’, ang tanong ni Bryan habang patuloy ang paglalambing kay James.
‘Bry. Stop.’, ang halos hangin lang na
sabi ni James.
‘I won’t.’, ang sabi ni Bryan bago
ipagpatuloy ang ginagawa.
Habang tirik ang araw ay muling
naganap ang isang mainit na tagpo sa kwarto ni James. Mahigpit na nagyakap ang
dalawa nang sila ay matapos at hindi agad bumangon.
‘I can stay here forever with you.’,
ang medyo hingal pang bulong ni Bryan.
‘Please do.’, ang sabi ni James.
Ikinulong ni Bryan sa kanyang braso si
James at nakatulog ito sa kanyang dibdib. Nagising na lang muli sila nang
tanghalian na. Nag-akyat na lang si James ng pagkain para sa kanilang dalawa.
‘So, what does this make us?’, ang
tanong ni James kay Bryan.
‘What?’, ang tanong ni Bryan habang
ngumunguya ng pagkain.
‘I mean, we just had sex. Twice. So,
what does that make us?’, ang sabi ni James.
‘I don’t know. Friends with
benefits?’, ang hindi siguradong sagot ni Bryan.
‘Nagkaroon ka na ba ng relationship sa
same?’, ang tanong ni James.
‘Nope. Bakit? Ikaw?’, ang sagot ni
Bryan.
‘Hindi pa rin. Pero gusto mo?’, ang
sabi ni James.
‘Hindi ko alam. Okay na ako sa
paganito-ganito lang e.’, ang sagot ni Bryan.
Parang biglang nag-iba ang mood ni
James sa sinagot na iyon ni Bryan. Ang buong akala niya ay may patutunguhang
relasyon ang namagitan sa kanila ni Bryan. Hindi lang dahil may nangyari sa
kanila. Nakapag-open up na sila sa isa’t isa noon pa man.
Napansin naman ni Bryan ang biglang
pananahimik ni James. Tinanong niya ito kung anong problema pero sinabi ni
James na wala naman.
‘Oh. Gusto mo ng mas higit pa dito?
Gusto mo makipagrelasyon?’, ang tanong ni Bryan nang ma-realize ang dahilan ng
biglang pananahimik ni James.
‘No. I mean, yes. Pero hindi naman
kita mapipilit kung hindi mo gusto. It’s just that I thought we had a shot at
being more than this. Sobrang caring mo nung nagkakausap tayo. Then last night,
nalaman ko na ang kausap ko pala ay si Bryan Koh, ang kaibigan ko. That made me
think na may possibility na, you know. That’s why pumayag ako na may mangyari.
Hindi ko naisip na okay ka na sa paganito-ganito lang.’, ang paliwanag ni
James.
‘I’m not being fully honest with you.
Nagkaroon na ako ng relasyon once. Iniwan niya ako. Kaya ako napunta dun sa
site at naghanap ng kung ano-anong aliw. Masyado pa akong broken para pumasok
ulit sa isang relasyon. Sex? Defense mechanism ko lang. Naisip ko na I need to
feel good para hindi ako malungkot.’, ang sabi ni Bryan.
‘I’m broken, too. You know that.’, ang
sabi ni James.
‘That’s why we can’t be together.’,
ang sabi ni Bryan.
‘I beg to disagree. I think that’s why
we should be together. Let’s help each other out.’, ang sabi ni James.
‘I don’t know.’, ang hindi
kumbinsidong sabi ni Bryan.
‘You need someone. I need someone.’,
ang sabi ni James habang hawak ang kamay ni Bryan.
Matagal na tinitigan ni Bryan ang mga
mata ni James bago higpitan ang hawak sa kamay niya. Nakikita naman niya ang
point ni James pero natatakot siya.
‘I might disappoint you.’, ang sabi ni
Bryan.
‘Let’s just give it a try.’, ang sabi
ni James.
‘Alright.’, ang pagpayag ni Bryan
kahit na may pag-aalinlangan pa ito.
***
Nang matapos ang dinner ay
nagkita-kita ang mga magkaka-barkada sa open area ng retreat house malapit sa
simbahan. Malamig ang hangin na dumadampi sa kanilang mga mukha at katawan kaya
naman silang lahat ay nakasuot ng jacket.
Malakas ang kabog ng dibdib ni Symon
dahil sa pagtawag sa mga kaibigan. Kasama niyang nakaupo sa isang table sina
Gap at Jeric habang nakikita niyang papalapit ang tatlong babaeng kaibigan.
‘Hey.’, ang bati ni Lexie nang
makalapit na ito sa tinatambayan nila Symon.
Ramdam na ramdam ang awkwardness sa
pagitan nilang lahat. Walang umiimik at mukhang walang balak magsalita. Since
si Symon ang nagpatawag sa kanila, siya na ang bumasag ng katahimikan.
‘First of all, I’m so sorry sa mga
sinabi ko at sa naging treatment ko sa inyo. I didn’t mean it. I’m just out of
myself lately.’, ang sabi ni Symon.
‘Ano bang problema? You know, you can
tell us what’s wrong. Kaya nga tayo magkakaibigan.’, ang sabi ni Coleen.
‘I can’t tell you, really. I just want
you to know that I’m sorry for being such an ass for the past three weeks.’,
ang sabi ni Symon.
‘Why? Anong point na pinatawag mo kami
dito kung hindi din naman namin malalaman ang problema mo?’, ang medyo masungit
na mga tanong ni Shane.
‘God knows how much I wanna share it
to you, guys. But I just can’t.’, ang sabi ni Symon bago pasimpleng tumingin
kina Jeric at Gap.
Simula nang magpalitan ang mga salita
ay tahimik lang si Lexie at nakikinig sa mga sinasabi ng bawat isa. Masyado
niyang dinamdam ang sinabi sa kanya ni Symon given na may nararamdaman siya
para dito.
‘Why not?!’, ang inis na tanong ni
Shane kay Symon.
‘Coz you can’t understand.’, ang
mahinang sagot ni Symon.
‘What?’, ang tanong ni Coleen.
‘You can’t understand what I’m going
through right now.’, ang sabi ni Symon.
‘Of course we don’t. E hindi ka naman
nagsasabi. Look, Sy. We’re your friends. We’re supposed to help each other
out.’, ang sabi ni Coleen.
Hindi na makapagsalita si Symon dahil
nararamdaman na niya ang takot na malapit nang malaman ng mga kaibigan ang
tunay na siya. Natatakot siya na baka hindi siya matanggap ng mga ito. Pero
naisip niya na kung sina Jeric at Gap nga na parehas na lalaki ay agad siyang
natanggap, bakit mahihirapan ang mga kaibigang babae sa pagtanggap sa pagkatao
niya.
‘Come on. Tell ‘em, Sy. It’s for your
own sake.’, ang sabi ni Jeric.
Agad namang bumaling si Symon sa
biglang pagsasalita ni Jeric na para bang pinu-push siya nito na umamin na.
‘It’s for everybody’s sake.’, ang
muling sabi ni Jeric bago tumingin kay Lexie.
‘Tell us what?’, ang tanong ni Shane.
Matagal na natahimik si Symon.
Nararamdaman niya na ang atensyon ng bawat isa sa mga kaibigan ay nasa kanya at
pakiramdam niya ay sumisikip ang kanyang kinauupuan.
‘Tell us what, Symon?’, ang pag-uulit
ni Shane dahil sa pananahimik ni Symon.
‘We don’t need to do this right now.’,
ang sabi ni Gap.
‘No. It’s alright.’, ang sabi ni
Symon.
Tiningnan niya bawat isa ang mga
kaibigan. Nakita niya ang suporta sa kanya ni Jeric. Ang kabadong hitsura ni
Gap. Ang naguguluhang mukha ni Coleen. Ang inis na si Shane. At ang nakayukong
si Lexie.
‘I don’t know what will happen after
this. But I have to tell you, guys, that...’, ang pagsisimula ni Symon.
Parang wala nang ibang marinig si
Symon kung hindi ang mabilis na pagtibok ng puso niya at ang mabilis na
paghinga.
‘I’m gay.’, ang pagsasabi ni Symon ng
katotohanan patungkol sa kanyang pagkatao.
Halos wala namang agad reaction ang
mga kaibigang babae ni Symon bukod sa biglang paglaki ng mga mata ni Coleen
dahil sa gulat.
‘No way.’, ang narinig nilang sabi ni
Shane.
Agad na bumaling si Shane kay Lexie na
hindi pa rin nagre-react. Nakayuko pa rin ito at parang nagpipigil ng iyak.
‘Lex.’, ang pagtawag ni Shane sa
atensyon nito.
Hinawakan niya ito sa braso pero agad
itong umiwas. Marahan siyang tumayo sa kinauupuan at lumapit kay Symon.
‘Lexie.’, ang sabi ni Symon nang
makita niyang tumutulo ang luha sa mga mata nito.
Biglang uminit ang kaliwang pisngi ni
Symon matapos na malakas at mabilis na lumapat ang kanang kamay ni Lexie dito.
Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya nito.
‘Ow.’, ang daing niya.
Nakita na lang niya na tumatakbo si
Lexie palayo habang si Shane naman ay sumunod dito. Naiwan sila nina Coleen,
Jeric at Gap sa table.
‘It’s alright, dude. At least, alam na
nila. You just have to deal with it.’, ang sabi ni Jeric.
‘You knew about this all along?’, ang
tanong ni Coleen kay Jeric.
‘Yeah.’, ang sagot ni Jeric sa kanya.
‘Seriously, Jeric?! After what I’ve
told you? Wala ka man lang sinabi sa akin. That’s nice! Real nice.’, ang galit
na sabi ni Coleen dito bago umalis.
‘Anong sinabi sa’yo ni Coleen?’, ang
tanong ni Symon.
‘Later.’, ang sabi ni Jeric bago
habulin si Coleen.
Naiwan naman sina Symon at Gap sa
table. Minamasahe ni Symon ang kanyang pisngi gamit ang malamig na kamay.
‘How’re you feeling?’, ang tanong ni
Gap sa kanya.
‘I don’t know. Galit si Lexie sa akin?
Bakit?’, ang tanong ni Symon.
‘Hindi ko alam.’, ang tanging nasabi
ni Gap.
Wala nang nagsalita sa kanila sa loob
ng ilang minuto hanggang sa magtanong si Gap kay Symon.
‘You wanna stay here or gusto mo nang
bumalik sa kwarto?’, ang tanong ni Gap.
‘Dito muna siguro. Go ahead kung gusto
mo nang magpahinga. I’m okay.’, ang sabi ni Symon.
‘No, it’s alright. Sasamahan na
kita.’, ang sabi ni Gap.
‘You know... Uh, nevermind.’, ang sabi
ni Symon.
‘What?’, ang tanong ni Gap.
‘Nothing.’, ang sagot ni Symon.
***
Matindi ang pag-iyak ni Lexie.
Nakabaon ang kanyang ulo sa isang malambot na unan at maririnig mula dito ang
hagulgol ng isang babaeng sobrang nasaktan. Nakaupo naman sa gilid ng kama si
Shane at hinahagod ang likod ng kaibigan.
‘Come on, Lexie.’, ang sabi ni Shane
habang pinipilit niya itong umupo.
Nanghihina man ay sumunod naman si
Lexie sa kaibigan. Inabutan siya ni Shane ng isang bote ng mineral water galing
sa bag nito at ipinainom sa kanya. Matapos iyon ay agad siyang yumakap kay
Shane at muling umiyak.
‘Sige lang.’, ang sabi ni Shane.
Hindi na makapagsalita si Lexie kahit
na napakarami niyang gustong sabihin. Masyadong masakit ang kanyang nalaman
para ikulong ito sa mga salita. Tahimik niyang minahal si Symon. Alam niyang
wala naman siyang laban lalo na’t ngayong alam niya na ang pagkatao nito.
Samantala, si Coleen naman ay papunta
na sa kwarto para damayan ang kaibigan at para layuan si Jeric na kanyang
kinaiinisan ngayon. Pero nahabol siya nito bago pa man makapasok sa ladies’
dormitory.
‘Babe.’, ang pagtawag ni Jeric dito.
Tumigil sa paglalakad si Coleen at
hinarap niya ang boyfriend. Nakasimangot ito at masama ang tingin kay Jeric.
‘What?’, ang mataray na sabi ni
Coleen.
‘I’m sorry for not telling you about
Symon. Wala ako sa posisyon na magsabi sa’yo nun.’, ang sabi ni Jeric.
‘Pero sinabi ko sa’yo kung ano ang
meron kay Lexie. You should’ve given me a hint.’, ang sabi ni Coleen.
‘I’m sorry, okay? I’m just protecting
Symon. He’s our friend.’, ang sabi ni Jeric.
‘But Lexie’s our friend, too!’, ang
inis na sagot ni Coleen.
‘I know. Pero intindihin mo ang hirap
na pinagdadaanan ni Symon. Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na
umamin. Kaya nga I pushed him to say it e. Para magkaalaman na. Lexie would be
hurting, anyways.’, ang sabi ni Jeric.
‘Don’t you think hindi nahihirapan si
Lexie?’, ang tanong ni Coleen.
‘Of course, nahihirapan din siya. Come
on, babe. Let’s not fight over this. We should be helping them.’, ang
paglalambing ni Jeric.
‘Basta ang alam ko ngayon ay naiinis
ako sa’yo!’, ang sabi ni Coleen bago pumasok sa dorm.
Bumalik na si Jeric sa room nila nina
Symon pero naabutan niyang wala pang tao dito. Si Coleen naman ay dinamayan si
Lexie sa pag-iyak kasama si Shane. Pinalakas nila ang loob nito at sinabing
makakahanap pa siya ng isang lalaking mas hihigit pa kay Symon.
***
Niyaya na ni Symon si Gap na bumalik
na sa kanilang room nang in-announce na malapit ng mag-lights out. Naabutan
nila si Jeric na nakahiga sa kama. Agad itong bumangon nang pumasok sila sa
kwarto. Halos kakatapos lang maligo ni Jeric dahil medyo basa pa ang buhok
nito.
‘Je, anong nangyari kay Lexie? Anong
sinabi sa’yo ni Coleen?’, ang bungad na mga tanong ni Symon.
‘Remember nung house party kina
Coleen? Lexie confessed something.’, ang pagsisimula ni Jeric.
Tumango naman si Symon. Nakaupo siya
sa kama ni Gap at katabi niya ito. Eager na eager ang dalawa na marinig ang
confession ni Lexie kina Coleen at Shane.
‘She has a thing for you, Sy. She
loves you.’, ang sabi ni Jeric.
Para namang bumagsak ang panga ni
Symon sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa kakasabi lang ni Jeric.
‘Wait. You mean love, LOVE?’, ang
pagve-verify ni Symon.
‘No. I mean, love, love, love.’, ang
sabi ni Jeric.
‘Kelan mo ‘to nalaman, Je?’, ang
tanong ni Gap na gulat din sa nalaman.
‘Last week lang nung magkasama kami ni
Coleen sa mall. Bothered siya sa hindi pakikipag-usap ni Symon sa atin kasi
malungkot si Lexie.’, ang pagsagot ni Jeric sa tanong ni Gap.
Muli siyang bumaling kay Symon at
dinipensahan ang sarili sa ginawang pagpilit niya dito na umamin nang
magkakasama pa sila.
‘I’m sorry for pushing you earlier.
Mahirap ang position ko na alam ko kung ano at alam kong may nagkakagusto sa’yo
na hindi posibleng magustuhan mo. I protected you from Coleen by not saying
anything. Pero kelangan ko ring protektahan si Lexie kasi kaibigan ko rin
siya.’, ang depensa ni Jeric.
‘I understand, Je. Plano ko na rin
namang sabihin sa kanila. Pero hindi ko in-expect na may ganon pala.’, ang sabi
ni Symon.
***
Kinabukasan ng tanghali ay nagkita
sina James at Bryan sa isang mall para kumain ng lunch. Ito ang kanilang unang
date na sila ng dalawa. Kumain sila sa isang Italian restaurant dahil favourite
ni James ang lasagna.
‘Are you sure this would work?’, ang
tanong ni Bryan habang nasa gitna sila ng pagkain.
‘Nagda-doubt ka ba?’, ang tanong din
ni James.
‘To be honest, yeah. Natatakot ako na
baka mas masaktan lang natin ang isa’t isa.’, ang sabi ni Bryan.
‘Isa lang ang itatanong ko sa’yo at
sagutin mo ako ng totoo.’, ang seryosong sabi ni James.
Ibinaba ni Bryan ang hawak niyang fork
at tinitigan ang mga mata ni James. Hindi niya maiwasang maisip na ang isang
tulad ni James na gwapo at matipuno ay kasama niya ngayon.
‘Kakakilala lang ulit natin sa isa’t
isa. I know medyo mabilis ang mga pangyayari. Pero, do you feel na kaya mo
akong mahalin?’, ang tanong ni James.
‘Yes.’, ang sagot ni Bryan.
‘Take this risk with me.’, ang sabi ni
James.
‘I will love you.’, ang sabi ni Bryan
habang pasimple niyang hinawakan ang kamay ni James na nakapatong sa table.
‘I will, too.’, ang sagot ni James.
‘So, what do you wanna do next?’, ang
tanong ni Bryan.
Naisip ni Bryan na baka si James na
nga ang kanyang hinihintay. Baka si James na nga ang taong magpapasaya sa kanya
ng totoo. Masaya ang pakiramdam niya na kasama niya ito. Hindi lang sex ang
habol nito sa kanya. Napansin pa nga niya na kahit wala agad iyon ay magiging
okay pa rin sila. Pero naging nature na rin kasi ni Bryan iyon at mahirap nang
tanggalin. Pero nararamdaman niyang may patutunguhan ang relasyon na ito.
Kailangan lang niyang magtiwala.
***
Ang naging huling activity sa
ikalawang gabi ng retreat nina Symon ay may kinalaman sa pagharap sa mga
problema o issues nila sa ibang miyembro ng klase. Patay ang lahat ng mga ilaw
at tanging mga kandila lamang ang nagbibigay ng liwanag sa room. Nakaupo ang
lahat sa sahig nang binigyan sila ng signal na pwede na nilang lapitan ang mga
taong kanilang gustong makausap.
Si Jeric ay agad na lumapit kay
Coleen. Hinanap naman ng mga mata ni Symon si Lexie. Nakita niya itong kasama
si Shane.
‘Babe.’, ang pagtawag ni Jeric kay
Coleen.
Umupo si Jeric sa harapan ni Coleen.
Kinuha nito ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. Hindi naman nag-react si
Coleen sa ginawa ni Jeric.
‘I’m sorry. I hope you’d understand my
position. I was just caught up in the situation. Huwag naman sana na pati tayo
maapektuhan ng mga nangyayari.’, ang sabi ni Jeric.
‘I see your point, babe. Sorry kung
masyado akong naging harsh kagabi. Naawa lang ako kay Lexie.’, ang sabi ni
Coleen.
Habang nagkakapatawaran ang dalawa, sa
kabilang side ng room ay lumapit si Symon sa kinauupuan nina Lexie.
‘Lex.’, ang pagtawag niya dito.
‘Stay away from her, Sy.’, ang galit
na sabi ni Shane.
‘Please. Let us talk.’, ang sabi ni
Symon.
‘It’s okay, Shane.’, ang mahinang sabi
ni Lexie sa kaibigan.
Umalis si Shane at iniwan ang dalawa
sa gilid ng room. Umupo si Symon sa harapan ni Lexie at tiningnan ang mga mata
nito. Kitang-kita dito ang lubos na kalungkutan.
‘Lex, I don’t know what to... Why...
Ugh. I’m sorry.’, ang paputol-putol na sabi ni Symon habang pinipigilan ang
pag-iyak.
‘Wala kang dapat ihingi ng tawad, Sy.
It’s all on me. Hindi mo naman... Hindi mo naman hiningi na mahalin kita.’, ang
sabi ni Lexie.
Hindi na napigilan ni Lexie ang muling
pag-iyak. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman pero wala siyang ibang masisisi
kung hindi ang kanyang sarili.
Kinuha ni Symon ang dalawa niyang
kamay at hinawakan ito ng mahigpit. Tumutulo na rin ang mga luha niya.
‘Why me? Lex, of all people, bakit
ako?’, ang tanong ni Symon.
‘Hindi ko rin alam, Sy. Nagulat na nga
lang din ako na iba na ang nararamdaman ko para sa’yo. Hindi ko ginusto ‘to.
Kaya nga hindi ako nagsasalita. Ayokong magkaroon ng kulay ang pagkakaibigan
natin. Masaya ako sa friendship natin e. I should even be happier now that
you’ve already come out. At least, mas magiging close na tayo. Pero hindi e.
Ang sakit pala. Ang sakit, sakit na malaman na ang lalaking mahal mo, e hindi
ka kayang mahalin kahit ano pang gawin mo. Kasi hindi ang tulad mo ang hanap
niya.’, ang patuloy na pag-iyak ni Lexie.
‘I’m very sorry. I should’ve told you
sooner. Natakot lang ako. Natakot akong baka hindi niyo ako matanggap.’, ang
sabi ni Symon.
‘I don’t know, Sy.’, ang tanging sabi
ni Lexie.
‘What can I do to make you feel
better?’, ang tanong ni Symon.
‘Just...’, ang naputol na sasabihin ni
Lexie dahil umapaw na naman ang emosyong nararamdaman.
Sobrang hirap na rin si Symon dahil
nakikita niya ang isa sa mga pinaka-close niyang kaibigan na nasasaktan dahil
sa kanya.
‘Just stay out of my life.’, ang sabi
ni Lexie.
‘No. Wag naman ganon, Lex. Hindi ko
kaya ‘yun.’, ang pagtanggi ni Symon.
‘It won’t be for good, don’t worry.
Just let me fix myself first.’, ang dugtong ni Lexie.
‘We’d be okay afterwards?’, ang tanong
ni Symon.
‘I don’t know. But I’m hoping. Just
leave me alone for now.’, ang sabi ni Lexie.
Nang umalis si Lexie ay saka lang
na-realize ni Symon ang impact ng gusto nitong mangyari. Kung kailangan niyang
layuan si Lexie, ibig sabihin pati si Shane ay hindi na niya rin makakausap.
Ibig sabihin nun, kahit si Coleen ay apektado. Pati sina Jeric at Gap.
Magkakawatak-watak na ang grupo.
Just in time sa muling pag-atake ng
mga emosyon ni Symon, umupo sa harapan niya si Coleen. Walang kahit anong
salita ang kanilang sinabi. Basta na lang sila biglang nagyakap at walang
humpay ang pag-iyak ni Symon habang nakakulong siya sa mga braso ni Coleen.
‘I’m sorry. I ruined everything!!’,
ang sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.
‘Sshhh, Sy. Everything will be
alright.’, ang sabi ni Coleen.
‘No, it won’t. I can’t be with you,
guys, anymore. Kailangan kong lumayo for the sake of Lexie.’, ang sabi ni
Symon.
‘What? No. Hindi naman kailangan pang
gawin yun.’, ang sabi ni Coleen habang namumuo ang mga luha sa mga mata nito.
‘Yun ang gusto niya. And I’m willing
to do it.’, ang sabi ni Symon.
‘Sy.’, ang pag-iyak ni Coleen.
‘Magkikita pa naman tayo everyday. We
can still talk through text. Hindi na nga lang ako sasama sa inyo.’, ang sabi
ni Symon.
Muling nagyakap ang dalawa na para
bang iyon na ang huli nilang pagkikita. Masakit para kay Coleen dahil alam
niyang magbabago na ang lahat.
***
Pagpasok ni Symon sa loob ng kwarto ay
himbing na ang tulog ni Jeric. Si Gap naman ay nakahiga na sa kanyang kama at
nagsa-sound trip lang.
‘Saan ka galing?’, ang tanong nito sa
kanya.
‘Dumaan lang ako saglit sa chapel.
Bakit gising ka pa?’, ang sagot ni Symon.
‘Di pa ako makatulog e.’, ang sagot
naman ni Gap.
Pumasok si Symon sa CR at nag-wash up
bago ipahinga ang katawan sa sariling kama. Mas malamig ang gabing ito compared
kahapon. Nakasuot siya ng long sleeves at pajama.
‘Hindi tayo nakapag-usap kanina nung
activity.’, ang sabi ni Gap sa kanya.
‘Oo nga e.’, ang sagot ni Symon.
Inilapat niya ang unan sa pader sa
ulunan ng kanyang kama at doon sumandal. Nakatingin lang si Symon kay Gap at
hinihintay ito na magsalita.
‘Do you wanna say something? Come on.
This is our last chance. After this retreat, I won’t be hanging around you,
guys.’, ang sabi ni Symon.
‘Anong sinasabi mo dyan?’, ang tanong
ni Gap sa kanya.
‘Lexie wants me to stay away from her.
Which means I need to stay away from the group.’, ang sagot ni Symon.
Sa kakaulit niya sa sinasabing ito,
mas nasasanay na siya at mas magiging madali sa kanya ang gagawin.
‘No way, Sy.’, ang hindi makapaniwalang
sabi ni Gap.
‘Yes. Kaya kung may gusto kang
sabihin, sabihin mo na.’, ang sabi ni Symon.
Bumangon si Gap mula sa kanyang kama
at umupo sa kama ni Symon. Umurong ng kaunti si Symon para mabigyan ng mauupuan
si Gap.
‘Isipin mo na lang na nasa activity pa
rin tayo.’, ang sabi ni Symon.
Patay na ang ilaw sa kwarto at tanging
ang ilaw na lang sa labas ang pumapasok na liwanag sa kanilang bintana.
‘Gusto kong magpasalamat sa’yo kasi
kahit na we had a very, very rough start, here we are. Nakapag-sorry na ako na
ako sa mga nagawa ko sa’yo dati. Gusto ko lang malaman mo ngayon na kahit anong
mangyari, kasama mo ako.’, ang sabi ni Gap.
Nakatitig lang si Symon kay Gap habang
sinasabi niya ang mga ito. Makikita sa kakarampot na liwanag ang sinseridad sa
kanyang mga mata. Hindi na muling napigilan ni Symon ang pag-iyak dahil
na-touch siya sa maikling sinabi ni Gap. Tinabihan siya nito sa pagsandal sa
wall para patahanin siya sa pag-iyak.
‘Bakit sobrang bait mo sa akin?
Napansin ko na lagi kang nandyan tuwing nangangailangan ako ng kasama. Nung
muntik na akong masagasaan, ikaw ang nagligtas sa akin. Nung nalaman ni Kuya
Darrel ang nararamdaman ko sa kanya, sinong kumausap sa kanya para maliwanagan
siya? Ikaw. Ikaw rin ang pumigil sa kanya nung susuntukin niya ako sa harap ng
PJ’s? Why do you have to do all that? Feeling ko sobra-sobra na ang ginagawa mo
para sa akin.’, ang sabi ni Symon habang patuloy pa rin ang pag-iyak.
Patuloy naman si Gap sa pagpapatahan
sa kanya. Pero lalo lang naiiyak si Symon sa ginagawang ito ni Gap. Umalis sa
pagkakasandal si Gap at hinarap si Symon. Kinuha nito ang kanyang mukha at
pinunasan ang mga luha nito gamit ang dalawang kamay.
‘Tahan na, Sy. Wag kang mag-aalala,
nandito pa rin ako.’, ang sabi ni Gap habang patuloy ito sa paghaplos sa mukha
ni Symon.
Sumandal muli si Gap at humilig si
Symon sa balikat nito. Walang umimik sa kanila hanggang sa mahimasmasan si
Symons a pag-iyak.
‘Gap.’, ang paos niyang pagtawag dito.
‘Hmm?’, ang sagot ni Gap.
Inialis na ni Symon ang ulo niya sa
balikat ni Gap at tiningnan ang mukha nito. Wala nang ibang maririnig kung
hindi ang mga kuliglig sa labas at ang mahinang paghinga ni Jeric.
‘Hindi mo sinagot ang tanong ko
kanina.’, ang sabi ni Symon.
Humarap si Gap kay Symon. Medyo
nagulat siya dahil mas malapit ang mukha ni Symon sa kanya kesa sa kanyang
inakala. Pero hinayaan na niya iyon.
‘Bakit kita niligtas sa aksidente, kay
Kuya Darrel?’, ang pagve-verify ni Gap.
Tumango lang si Symon bilang pagsagot
ng oo. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Gap. Yumuko muna
siya bago tingnan sa mga mata si Symon.
‘I don’t know, Sy. Simula nung
nagkaayos tayo, I’ve develop this... I mean, I have this feeling that I need to
protect you. Ayokong nakikita na may nanakit sa’yo. Ayokong nakikita kang
nahihirapan.’, ang sabi ni Gap.
Nawala na yata ang lahat ng
inhibitions sa kanilang dalawa. Biglang yumapos ang mga braso ni Symon sa
katawan ni Gap. Lumapit ang mukha nito sa kanyang tenga.
‘Thanks.’, ang bulong ni Symon sa
kanya.
Humarap si Gap kay Symon. Halos
magkadikit na ang kanilang mga ilong. Nagtama ang kanilang mga tingin. Unang
nagbaba ng tingin si Gap sa mga labi ni Symon. Nang muli niyang iangat ito ay
nakita niyang dahan-dahan na ipinikit ni Symon ang mga mata. Hinawakan ni Gap
ang dalawang pisngi ni Symon bago ipikit ang kanyang mga mata. Naglapat ang
kanilang mga labi kasabay ng muling pagtulo ng mga luha ni Symon.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment