Saturday, December 22, 2012

Shufflin' (20): Book 1

by: Lui

Bumalik si Symon sa mga kaibigan para magpaalam na kakausapin siya ni Darrel. Walang ideya si Lexie sa kung ano ang nangyayari kaya agad itong nagsabi na hihintayin na lang siya sa cafeteria at nauna na itong naglakad. Pero sina Gap at Jeric ay medyo kinabahan sa nasaksihan at sa sinabi ni Symon.

‘We’ll be waiting for you.’, ang makahulugang sabi ni Gap sa kanya.

‘Please. Don’t.’, ang sabi ni Symon sa kanya.


Tiningnan niya ng malalim sina Jeric at Gap. Nakikipag-communicate siya sa mga ito gamit ang mga mata. Agad namang na-gets ni Jeric ang gustong iparating ni Symon.

‘Alright! See you tomorrow, then.’, ang sabi ni Jeric.

Tumalikod na siya at lumakad sa opposite end ng corridor papunta sa SC office. Narinig pa niya ang sinabi ni Gap kay Jeric.

‘What the hell, Jeric?’, ang tanong ni Gap.

Pero hindi na ito inintindi ni Symon at kinakabahang naglakad papasok sa SC office. Nakita niya si Darrel sa station nito at tahimik na gumagamit ng laptop. Nagdire-diretso siya hanggang sa nakatayo na siya sa harap nito. Tanging ang table na lang ang nasa pagitan nila.

‘Hey.’, ang mahinang bati ni Symon.

Iba ang kaba na nadarama niya ngayon. Parang anytime pwedeng lumabas ang puso niya. Natatakot siya sa kung ano ang mangyayari. Pilit niyang pinapakalma ang sarili.

‘Upo ka muna.’, ang malamig na sabi ni Darrel sa kanya.

Umupo siya sa isa sa mga magkaharap na upuan sa tabi ng table ni Darrel. Ilang segundo lang ang lumipas ay itinupi na ni Darrel ang kanyang laptop at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Tumayo ito at lumipat ng upuan sa harap niya.

‘Kamusta ka na?’, ang tanong nito.

Iba ang tono ni Darrel. Naramdaman ni Symon na ito ang ‘Kuya Darrel’ niya. Ayaw niyang umiyak dahil baka isipin naman ni Darrel na ang OA niya. Pero nagbabadya na ang mga luha. Bumibigat na ang kanyang mga mata.

‘Not great. But good. Ikaw?’, ang mahinang sagot ni Symon.

‘So-so.’, ang sagot ni Darrel.
Nakakailang na katahimikan ang namagitan sa dalawa. Mukhang nagdadalawang-isip si Darrel sa gagawin. Si Symon naman ay hindi alam ang sasabihin. Pero si Darrel pa rin ang bumasag ng katahimikan since siya naman ang nagpatawag kay Symon.

‘Look. Napag-isip isip ko na lahat ng nangyari. Gusto ko lang mag-sorry sa’yo kasi muntik na kitang masaktan last time. Sorry din kung na-misled ka dahil sa mga actions ko towards you.’, ang sabi ni Darrel.

Nakayuko lang si Symon habang nagsasalita si Darrel. Hindi na niya kayang pigilan ang mga luha kaya diretso na ang pagtulo ng mga ito sa kanyang pantalon. Ang iba naman ay bumaba pa sa kanyang pisngi.

‘I can be your friend. Nothing more, nothing less. I’m so sorry, Symon, if you thought na posibleng magkaroon tayo ng relasyon. I can’t. I’m not... I’m not like you.’, ang sabi ni Darrel.

Doon na tuluyang napahagulgol si Symon. Ipinatong na niya ang dalawang siko sa mga hita at itinago ang mukha sa mga palad. Panay ang iling niya dahil ayaw niyang tanggapin ang mga sinasabi sa kanya ni Darrel.

‘Hey, look at me.’, ang sabi ni Darrel.

Marahan nitong hinawakan ang dalawang braso ni Symon para matanggal ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha.

‘I can still be your Kuya, if you want. Let’s be clear lang na hanggang doon na lang iyon.’, ang sabi ni Darrel.

Hindi pa rin nagsalita si Symon at patuloy lang ang kanyang pag-iyak. Sinubukan naman siyang patahanin ni Darrel. Hindi ito tumigil sa pagsasalita. Pero ang hindi niya alam, lahat ng kanyang sinasabi ay parang saksak sa puso ni Symon.

‘Bata ka pa. Marami ka pang makilala. Symon, listen to me. You deserve better.’, ang sabi ni Darrel.

‘No!’, ang pagsasalita ni Symon sa wakas.

Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Darrel sa kanyang dalawang braso at umupo siya ng maayos.                                    

‘I don’t need better! I don’t want better! Bakit sa tingin mo ako naging interesado sa pagvo-volunteer? Bakit ako pumayag na kumanta sa PJ’s? Lahat iyon dahil sa’yo. Gusto ko lagi kitang makakasama kaya ako nag-volunteer. ‘Yung sinabi mo na nagustuhan mo ang boses ko ang naging strength ko nung musical kahit na gusto ko nang tumakbo nun dahil sa hiya. Yung manggaling sa’yo na maganda ang boses, wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba kasi ikaw na ang nagsabi e. Ikaw lang naman ang gusto kong i-please. Kaya no! I don’t need better! I don’t want better. Ikaw lang talaga, Kuya.’, ang sabi ni Symon sa pagitan ng paghikbi.

‘Sy, I can’t be the one you want me to be.’, ang sabi ni Darrel.

‘Siguro nga bata pa ako para dito pero Kuya Darrel, alam kong mahal kita. Hindi pa ako nagkaganito sa iba. Yung happiness na nararamdaman ko kapag magkasama tayo sa PJ’s, yung simpleng pagbili mo sa akin ng cookies, yung iPod shuffle na binigay mo nung birthday ko. Yung naramdaman ko sa mga ‘yan sobrang kakaiba. Hindi ko alam kung kaya kong maramdaman ‘yun sa iba.’, ang sabi ni Symon.

‘Symon. I’m very sorry.’, ang sabi ni Darrel.

Tinakbo ni Symon ang daan palabas ng SC office. Hindi na niya kaya ang sakit na ibinibigay ng mga salita ni Darrel.

***
Agad namang pinunasan ni Symon ang kanyang mukha nang nakalabas na siya ng SC office. May mga estudyanteng nakatambay sa corridor habang naghihintay ng kanilang mga klase. Mabilis na naglakad si Symon habang nakayuko. Lumabas na ito ng building at naglakad papunta sa park. Dito kasi walang masyadong makakakita sa kanya. Malawak ito at malayo ang pagitan ng mga benches at tables sa isa’t isa.

Umupo siya sa may bandang dulo. Natatago siya ng isang malaking puno. May payong ang mga tables dito bilang protekta sa init ng araw o lakas ng ulan. Mahangin din sa lugar na ito kaya naman medyo nakapag-relax si Symon. Tumingala siya at hinayaan na tumulo lang ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Naka-slouch na siya sa upuan.

‘I know you’d be here.’, ang mga salitang nagpatigi sa pag-iyak ni Symon.

‘Gap.’, ang banggit ni Symon sa pangalan ng nakatayo sa kanyang harapan.

‘Hindi ko na tatanungin kung anong nangyari dahil mukhang hindi maganda. You look devastated.’, ang sabi ni Gap.

Umupo siya sa katabing upuan ni Symon at ipinatong ang bag sa table. Nakatingin lang siya kay Symon habang pinupunasan nito ang mga mata.

‘I am devastated. Ang sakit e. Ang sakit magmahal ng straight.’, ang sabi ni Symon.

‘Bakit kasi hinayaan mo ang sarili mo na ma-fall kay Kuya Darrel? Alam mo naman palang straight.’, ang sabi ni Gap.

‘I didn’t plan on falling for him. I just enjoyed the attention na binigay niya sa akin. Hanggang sa tuwing hindi kami magkasama, hinahanap-hanap ko na ‘yun.’, ang sabi ni Symon.
‘Everything will get better. You’ll be over him someday.’, ang sabi ni Gap.

‘What if I don’t want to get over him? Gap, I don’t know kung magiging okay pa ako.’, ang sabi ni Symon.

Nagsimula na naman siyang umiyak. This time, ihinilig niya ang ulo sa mga braso na nakapatong sa table. Si Gap naman ay walang ibang nagawa kung hindi patahanin ang kaibigan.

‘Shh.’, ang sabi niya habang hinahagod ang likod ni Symon.

Matapos ang halos isang oras na puro pagra-rant at pag-iyak ni Symon ay nahimasmasan na ito. Unti-unti na ring binabalot ng maitim na ulap ang kalangitan dahil malapit ng gumabi.

‘Thanks, ah.’, ang sabi ni Symon kay Gap.

‘It’s okay.’, ang sagot naman ni Symon.

‘Buti hindi ka awkward sa ganitong sitwasyon. I mean, not all the guys are cool to discuss non-straight things.’, ang sabi ni Symon.

‘Okay lang sa akin. Nasanay na ako with James.’, ang sagot naman ni Symon.

‘Ah. Pero, seriously, thanks. Parang dati lang, mortal enemies tayo tapos ngayon sa’yo pa ako nakaiyak.’, ang sabi ni Symon.

‘Oo nga e.’, ang maikling sagot ni Gap.

***

‘James.’, ang pagtawag ng kanyang ina habang kumakatok sa kanyang pinto.

Wala pang isang oras simula nang dumating siya sa bahay galing sa unang araw ng second sem sa school. Binuksan niya ang pinto matapos makapagbihis.

‘Dinner na. May bisita ka.’, ang nakangiting sabi nito nang pagbuksan niya ito ng pinto.

‘Sino naman kaya?’, ang natanong ni James sa kanyang sarili.

Sumunod na siya sa ina sa pagbaba sa hagdan. Dumiretso na sila sa kusina at nakita niya ang pinakahuling taong ine-expect niya na muling makita sa kanilang bahay.

‘Darrel.’, ang bulong niya.

Tuwang-tuwa ang ina ni James nang muling makita si Darrel na bumisita sa kanila. Panay ang pakikipagkwentuhan nito sa kanya dahil sa tagal na hindi pagbisita. Noong high school kasi ay halos sa kanila na nakatira si Darrel.

‘Lagi kitang hinahanap dito kay James. E ang sabi lang lagi, busy ka daw. Akala ko nga e nagkatampuhan kayong mag-best friend. Buti na lang at nagawi ka ulit dito.’, ang sabi ng ina ni James.

‘Medyo demanding po kasi ang course tsaka nasa student council po ako simula nung nag-college kaya halos hindi na rin po kami nagkikita. E si JR po, schoolmate ko ulit ngayong college. Kaya ayun, mas naging madali po ang communication naming dalawa.’, ang sagot naman ni Darrel.

Nakangiti ito sa harap ng ina ni James. Nagkakatinginan sila at may mga maliliit pang mga kwentuhan habang kumakain para hindi lang mahalata ng ina ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Natutuwa si James na makita ang mga ngiti ni Darrel na para sa kanya kahit na alam niyang hindi ito totoo. At least, kahit papano, makalipas ang ilang taon ay nginitian siya nito. Sinakyan niya ang lahat ng sinabi ni Darrel sa ina kahit na kinakabahan siya sa totoong dahilan ng pagpunta ni Darrel sa kanila.

‘O sige na. Ako na ang magliligpit nito. Umakyat na kayo.’, ang sabi ng ina ni James.

Nagkatinginan naman ang dalawa sa narinig nila. Nasanay na kasi ang ina ni James na pagkatapos nilang kumain ay diretso agad sa kwarto para maglaro ng video games o di kaya sa court para mag-basketball. Pero medyo malakas ang ulan kaya naman in-assume nito na aakyat ang dalawa.

‘O sige po.’, ang sagot ni James.

‘Dito ka ba matutulog, Darrel?’, ang tanong ng ina ni James.

‘Po? Ah. Eh. Hindi  po. Uuwi po ako.’, ang sabi ni Darrel.

‘Medyo mahangin at malakas ang ulan. Pag lumakas pa iyan, dito ka na magpalipas ng gabi.’, ang sab nito.

‘Ah. Sige po.’, ang awkward na sagot ni Darrel.

Umakyat na silang dalawa sa kwarto nang hindi nag-uusap. Naunang pumasok si James sa kwarto. Ini-lock ni Darrel ang pinto nang makapasok siya. Agad namang humarap si James sa kanya na may ekspresyong naguguluhan.

‘What are you doing here? Akala ko ayaw mo na akong kausapin?’, ang mga tanong nito.
‘I’ve been thinking about what happened with the friendship we had, James. I’ll be totally honest with you, I feel sorry for us. I mean, we’re brothers! Then biglang may ganon. Kaya ako nagalit kasi pakiramdam ko hindi mo pinahalagahan ang pagkakaibigan natin. I’ve been wanting to talk to you for years. Pero natatalo ako ng galit na nararamdaman ko.’, ang pagsasabi ni Darrel sa totoong nararamdaman.

‘So, what do you wanna do now?’, ang kalmadong tanong ni James.

‘I just wanna...’, ang pagsisimula ni Darrel pero natigilan sia dahil sa lakas ng kulog.

Lumapit siya sa kinatatayuan ni James na nasa kabilang end ng kama. Malamig sa kwarto ni James dahil nakabukas ang aircon kahit na umuulan na sa labas.

‘I just wanna say sorry for everything. Sorry kung nasaktan kita last time. Sorry kung nasira ang pagkakaibigan natin. Sorry dahil nagalit ako sa’yo. Nagmahal ka lang naman. Pero, James, sorry kasi hindi ko talaga kayang suklian ang binigay mo sa akin.’, ang sabi ni Darrel.

Kalmado naman si James sa pag-uusap nilang ito. Hindi na siya umiyak o gumawa ng kung ano-anong bagay. Naubusan na yata siya ng luha at nasanay na yata siya sa pagre-reject ni Darrel. Pero kahit papano naman ay natuwa siya dahil si Darrel ang gumawa ng move ngayon.

‘It’s alright. I’m learning to get by. Ilang taon na rin naman na hindi tayo magkaibigan. Siguro naexcite lang ang puso ko nung nakita kita ulit. Pero I’ll be okay. I know I’ll be okay.’, ang sabi ni James.

‘I don’t know if hanging around you would help. Or mas magiging madali sa’yo kung hindi mo na ako makikita?’, ang sabi ni Darrel.

‘Ano bang balak mo nung pumunta ka dito? Makipagkaibigan ulit sa akin o magpaalam na?’, ang diretsahang tanong ni James.

Hindi naman agad nakapagsalita si Darrel. Tanging ang mga kulog at ang mga nag-uunahang pagpatak ng ulang sa bubong at sa lupa ang maririnig.

‘I came to say goodbye. I just want us to start over separately with a clean slate. No hangovers. Hindi na ako galit sa’yo. Kung magkita man tayo somewhere, ngingitian kita. Pero hindi ko na maibibigay ang pagkakaibigan na tulad nung dati. Masyado nang damaged, James.’, ang sabi ni Darrel.

Mahinahon ang pag-uusap nila. Umupo si James sa malambot niyang kama habang nakatingin sa sahig. Tumatango ito bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ni Darrel. Maluwag niyang tinanggap ang katotohanan na wala nang maisasalba pa.

‘Sana maging okay ka na at makahanap ka na ng taong magmamahal sa’yo. Salamat sa lahat-lahat, James. Thanks for caring.’, ang sabi ni Darrel bago maglakad palabas ng kwarto.

‘Wait!’, ang pagpigil ni James kay Darrel.

Hawak na nito ang door knob pero binitiwan din niya agad at muling humarap kay James. Nakatayo na si James at papalapit na sa kanya. Magkaharap na sila at halos konti na lang ang pagitan. Makikita kay Darrel ang kailangan dahil sa lapit nila sa isa’t isa.

‘Mas magiging madali sa akin kung talagang hindi na kita makikita. It would be hard if there would be a reminder of you. Just to answer your question.’, ang sabi ni James.

‘Alright. Mas okay din sa akin ‘yun.’, ang sabi ni Darrel.

‘But...’, ang pagsisimula muli ni James.

Nakatingin naman si Darrel sa mga mata niya sa paghihintay ng sasabihin nito. Si James ay nakatingin lang din sa mga singkit niyang mata.

‘But?’, ang tanong ni Darrel.

‘Can I have tonight? With you?’, ang tanong ni James.

Matagal silang nagtitigang dalawa hanggang sa tumango si Darrel bilang pagpayag. Hindi naman alam ni James kung ano ang gagawin. Kumilos ito na parang yayakapin niya si Darrel pero nahiya siya. Napansin naman ito ni Darrel.

‘I’m all yours. Tonight. Go ahead.’, ang sabi ni Darrel.

Marahang lumapit si James kay Darrel at ikinulong niya ito sa kanyang dalawang braso. Naramdaman din ni James ang pagdampi ng mga kamay ni Darrel sa kanyang likod. Para namang may kung anong relief ang naramdaman ni James nang naramdaman ang init ng katawan ni Darrel. Hinigpitan niya ang yakap dito nang magsalita si Darrel.

‘I owe you so much. That’s why I’m giving you tonight. Pero wholesome lang tayo ah. I can’t...’, ang sabi ni Darrel na agad namang pinutol ni James.

‘Anong tingin mo sa akin manyak?’, ang nakangiting tanong ni James nang tinapos nito ang pagyayakap nila.

Hindi na siya umaasa pa nang kung ano. Basta, gusto lang sulitin ni James ang huling pagkakataon na makakasama niya si Darrel.

‘Anong gusto mong gawin?’, ang tanong ni Darrel sa kanya.

***

Buti na lang at nakauwi agad si Symon bago pa bumuhos ang malakas na ulan. Agad siyang dumiretso sa kwarto at nagbihis. Nagpatugtog din siya gamit ang maliit na speaker sa kanyang kwarto para practice-in ang kanyang mga kakantahin bukas sa PJ’s. Unang performance niya na may klase na. Mas maraming estudyante ang tiyak na manonood.

In the night I hear 'em talk,
The coldest story ever told,
Somewhere far along this road
He lost his soul,
To a woman so heartless
How could you be so heartless?
Oh, how could you be so heartless?’

Kinakanta ni Symon ang version ni Kris Allen bilang iyon ang kanyang opening song bukas nang maalala niya ang isang bagay.

‘American Idol.’, ang sabi niya.

Agad niyang kinuha ang iPod na nagpe-play at hinanap ang isang kantang talaga namang sumasalamin sa kanyang nararamdaman ngayon. Pinatugtog niya ito at naluha siya sa sobrang ganda nito. Naiisip niya si Darrel habang sinusubukang kantahin ito.

‘This will be my last song for tomorrow.’, ang nabuo sa kanyang isip.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment