by: Lui
iamlost: Hello?
Blah. Blah. Blah.
Mabilis ang pag-angat ng messages at
agad na nawala ang kanyang na-type.
Iba-iba ang hanap ng mga nandito – may naghahanap ng kausap sa YM o sa Skype,
may naghahanap ng ka-hook-up, may nagyayaya ng meet-up, may mga nagpo-post ng
numbers, Facebook at kung ano-ano pa. Unang beses pa lang niyang makapasok sa
isang chat room at nalulula siya sa nakikita at nababasa. Muli niyang sinubukan
ang pagpo-post.
‘Kapag walang pumansin sa akin this
time, aalis na ako.’, ang sabi niya sa sarili.
iamlost: Hello ulet.
Naghintay siya. Binasa niya ang mga
messages na sumunod sa message niya. Naisip niyang walang pag-asa na makahanap
siya ng matinong makakausap dito hanggang sa makita niya ang isa na binanggit
ang kanyang screen name.
akosibryan: iamlost
Agad siyang nag-type at sumagot dito.
iamlost: Yes?
akosibryan: Do you wanna be found?
iamlost: LOL. Funny. Siyempre.
Maraming mga messages ang nasa pagitan
nila. Medyo nahihilo na siya sa bilis ng pagdami ng mga ito.
akosibryan: Ano YM mo?
Binigay niya ang kanyang YM address
bago nag-log in dito. Nang makapag-sign in ay agad na lumabas ang isang window
para mag-add ng contact. Nang i-accept niya ito ay agad na lumabas ang isang
window ulit para sa conversation nila.
Bry Yan: Hi.
Im Lost: Hello.
Bry Yan: ASL?
Im Lost: Huh?
Bry Yan: Age, Sex, Location
Im Lost: 19, M, Makati. Sorry, baguhan
lang ako sa ganito. Ikaw?
Bry Yan: 19, M, Manila. Halata nga e.
Im Lost: Hehe. J
Bry Yan: Ito ba talaga YM mo?
Im Lost: Nope. Kakagawa ko nga lang
nito e.
Bry Yan: Ah. Bakit ka nandun sa site?
Im Lost: Wala. Nag-try lang.
Naghahanap ng kausap.
Bry Yan: Kausap lang ba?
Im Lost: Oo. Ano pa ba?
Bry Yan: Wala naman. Akala ko may
hanap ka pang iba.
Im Lost: Bakit, ikaw? Ano ba hanap mo?
Bry Yan: Kahit ano. Kausap, kalandian.
Name it.
Im Lost: Wow. Matagal ka na ba dun?
Bry Yan: Hindi naman.
Im Lost: Pero may mga na-meet ka na?
Bry Yan: Hmm. Meron na.
Im Lost: Di ka natakot?
Bry Yan: Hindi. Pero kinabahan.
Im Lost: Ano bang ginawa niyo?
Bry Yan: Alam mo na.
Im Lost: Hmm. Hindi.
Bry Yan: Edi yun.
Matagal siyang nag-isip. May nabubuo
na sa kanyang utak pero baka ma-offend naman ang kausap niya pag sinabi niya
ito. Pero naisip niya na okay lang naman siguro iyon, hindi naman nya kilala
ito ng personal.
Im Lost: You mean casual sex?
Bry Yan: Tumpak!
Medyo kinabahan siya dahil hindi pa
niya nagagawa ito. At sa tingin niya ay wala siyang balak gawin ito sa hindi
naman kakilala.
Im Lost: Ah. Okay. Sorry, hindi ako
open sa ganon. But thanks sa time.
Bry Yan: Wait! Hindi naman kita niyaya
diba?
Im Lost: Hindi nga. E baka isipin mo
yun lang ang gusto ko.
Bry Yan: Sabi ko naman sa’yo, pwede
ako kahit ano. Kwentuhan, kalandian. Haha!
Im Lost: Kaibigan?
Bry Yan: Hmm. Pwede din!
Im Lost: Cool.
Bry Yan: Magkaibigan na tayo, hindi ko
pa alam name mo.
Im Lost: James
***
Nang magmulat ng mga mata si Symon ay
agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para tingnan ang oras. Nanlaki ang
kanyang mga mata at agad na napabangon nang makitang kalahating oras na lang
bago magsimula ang unang klase. Tumakbo siya papunta ng CR at mabilis na
naligo. Pagkabihis niya ay agad rin siyang bumaba at naabutan niya ang kanyang
ina na nag-aayos ng mga gamit.
‘Mommy, bakit hindi mo ako
ginising?!’, ang malakas niyang tanong sa ina.
‘Anong hindi? Kanina pa ako katok ng
katok sa kwarto mo.’, ang sagot nito.
Pumunta si Symon sa kusina para uminom
ng tubig at kumuha ng makakain sa ref para sa sasakyan na lang kumain.
‘Tara na.’, ang yaya niya sa ina.
‘Wait in the car. May naiwan lang ako
sa kwarto.’, ang sabi ni grace bago patakbong umakyat sa taas.
‘Ugh!’, ang inis na sabi ni Symon bago
lumabas ng bahay.
Halos apat na minuto ang hinintay niya
bago nakasakay ang ina sa sasakyan. Hindi na mapakali si Symon dahil malapit
nang magsimula ang klase. Terror pa naman ang prof niya.
‘Ang tagal mo naman!’, ang inis na
sabi ni Symon nang makasakay si Grace sa sasakyan.
‘Aba! Ikaw na nga ‘tong late nang
nagising, ikaw pa ang may ganang magalit.’, ang sagot ni Grace sa anak.
‘E bakit kasi ang tagal mo? Alam mo na
ngang late na ako.’, ang sabi ni Symon.
‘Symon, ayusin mo ‘yang pakkipag-usap
mo sa akin ah. Hindi mo ako driver!’, ang galit na sabi ni Grace.
Hindi na sumagot si Symon at naging
tahimik na lang ito sa haba ng biyahe. Nawalan din siya ng gana kumain. Maya’t
maya ang tingin niya sa orasan. Limang minuto nang lampas sa alas-nuwebe.
Nagdarasal siya na sana ay wala pa ang prof sa room nila.
‘Mag-iingat ha.’, ang paalala ni Grace
bago bumaba si Symon sa sasakyan.
Hindi naman na sumagot si Symon at
padabog pang sinara ang pinto. Agad naman niyang tinakbo ang daan papasok sa
building. Pero late na siya. Pagsilip niya sa room ay nagsisimula na ang
lecture.
‘Don’t bother coming in late because I
won’t mark you present!’, ang naalala niyang sigaw ng prof na ito sa kanila
noong unang meeting.
Bumaba na lang muli si Symon at
nagpunta ng cafeteria para mag-almusal. Kinuha niya ang phone nang magtext sa
kanya sina Lexie at Gap.
Lexie: Where are you? Nagsisimula na
si Ma’am.
Gap: Papasok ka ba?
Hindi na siya nag-reply sa mga ito at
pinagpatuloy na lang ang pagkain. Isang oras at kalahati pa ang hihintayin niya
bago ang sumunod na klase.
‘Oy, Symon. Anong ginagawa mo dito?’,
ang bati sa kanya ng isang kaklaseng nagngangalang Ben.
‘Na-late ako sa class e. Alam mo naman
si Ma’am.’, ang sagot niya dito.
‘Oo nga. Ako rin e.’, ang sabi nito.
Hindi matatawag ni Symon na kaibigan
si Ben dahil magkaiba sila ng grupo. Kaklase lang niya ito. Ang hitsura? Sakto
lang. Hindi niya type. Pero wala naman siyang naging problema nang samahan siya
nito sa table kahit na ayaw niyang makipag-usap.
‘Saan ka niyan?’, ang tanong sa kanya
nito matapos silang kumain.
‘Dito lang siguro. Ikaw ba?’, ang
sagot ni Symon.
‘Yosi. Sama ka?’, ang yaya nito sa
kanya.
‘Ano bang satisfaction sa smoking?’,
ang tanong ni Symon.
‘Nakaka-release ng stress. Parang
sumama sila sa usok na binubuga mo. Tara.’, ang sabi ni Ben.
Tumayo na sila parehas at lumabas ng
campus. Sa katabing street ng PJ’s sila nag-stay kung saan marami pang ibang
mga estudyante ang nagyoyosi. Pinanood lang ni Symon si Ben habang nagsisindi
ito at humithit. Tiningnan niya kung paano ginawa ni Ben ang pagbuga ng usok.
‘Ang cool.’, ang sabi ni Symon sa
sarili.
‘Gusto mo?’, ang alok ni Ben.
‘No, thanks. Hindi ako marunong e.’,
ang pagtanggi ni Symon.
‘Tuturuan kita. O.’, ang sabi ni Ben
bago iabot kay Symon ang nakasindi nang sigarilyo.
Kinuha ito ni Symon at inilagay sa
kanyang bibig. Tinuruan siya ni Ben kung paano ang tamang paghawak dito.
‘Hithit.’, ang utos ni Ben.
Agad naman itong sinunod ni Symon.
Naubo siya dahil sa pagpasok ng kung anong parang menthol sa kanyang lalamunan.
Kalat na lumabas ang usok sa kanyang ilong at bibig. Tinawanan naman siya ni
Ben.
‘Relax ka lang. Hithitin mo muna tapos
paabutin mo hanggang sa may dibdib mo bago mo ibuga.’, ang sabi ni Ben.
‘Lulunukin ko yung usok?’, ang tanong
ni Symon.
‘Parang ganon na nga. Sige, try mo.’,
ang sabi ni Ben.
Muling ginawa ito ni Symon. Mas naging
maayos na ngayon pero nauubo pa rin siya. Iba ang pakiramdam para sa kanya.
Parang lumuluwag ang paghinga niya kasabay ng pagbuga ng usok. Parang gumagaan
ang feeling niya.
‘Ayan. Madali lang diba?’, ang sabi ni
Ben.
‘Yup.’, ang sagot ni Symon.
Kinuha na ni Ben ang sigarilyo kay
Symon. Binigyan niya ng isang bagong stick si Symon at tinuruan ito kung paano
magsindi. Agad namang natuto si Symon at naubos niya ang isang stick na iyon.
‘Wait, bili lang akong candy. Baka
maamoy ako.’, ang sabi ni Symon.
Dumaan muna sila sa isang vendor bago
sabay na pumasok sa klase. Sakto namang kakalabas pa lang ng prof nila nang
pumasok si Symon. Dire-diretso ito sa upuan niya nang walang pinapansin.
‘Sy. Bakit ngayon ka lang?’, ang
tanong ni Lexie sa kanya.
‘Tinanghali ako ng gising e.’, ang
mahinang sagot niya.
‘May group work. Ipapasa next week.
Tayo nina Jeric magakagrupo. Ito, basahin mo. Tapos gawan daw ng summary.
Then...’, ang dire-diretsong sabi ni Lexie.
Para namang puro ingay lang ang naririnig
ni Symon sa mga sinasabi ni Lexie. Wala siyang interes sa mga sinasabi nito
pati na sa mga pinapagawa nito.
‘Lexie! Pwede mamaya na lang? Kita
mong kadarating ko lang, ang dami mo na agad sinasabi sa akin!’, ang inis na
baling niya dito.
Nagulat naman si Lexie sa treatment sa
kanya ni Symon. Napaatras ito ng kaunti bago humingi ng tawad at tumalikod.
Narinig naman ng mga nakaupo malapit sa kanila ang sinabi ni Symon.
‘What’s wrong with him?’, ang tanong
ni Lexie kay Shane.
‘Hayaan mo na.’, ang sabi ni Shane.
***
Over lunch ay tahimik lang si Gap.
Maging si Lexie ay matamlay. Wala namang ginawa si Shane kung hindi pasiyahin
sa pamamagitan ng pag-oopen ng kung ano-anong topic pero hindi siya
nagtagumpay.
‘Look, baka naman masama lang gising
ni Sy. Let it go.’, ang bulong ni Shane sa kanya.
Dumating naman sina Jeric at Coleen
galing sa pagbili ng kanilang lunch at napansin ang malungkot na si Lexie.
‘Anong drama ‘yan, Lex?’, ang tanong
ni Coleen.
‘Nasigawan ni Symon.’, ang sabi ni Shane.
‘Yeah. Nakita ko nga. He’s not himself
lately.’, ang sabi ni Coleen.
‘Kinausap mo na ba?’, ang tanong ni
Lexie.
‘Hindi pa. Paano ko kakausapin?
Tingnan mo, wala naman siya dito.’, ang sagot ni Coleen.
‘Nasaan nga si Symon?’, ang tanong ni
Jeric sa lahat.
Wala kahit isa sa kanila ang sumagot
sa tanong ni Jeric. Bumaling ito kay Gap at muling nagtanong. Pero nasa iba ang
isip ni Gap...
‘How did you know that you feel
something for Kuya Darrel? I mean, nakwento mo sa akin ‘yung lahat ng ginawa
niyo and stuff. Pero ano yung naramdaman mo kaya mo nasabi na mahal mo siya?’,
ang tanong ni Gap.
‘Anong klaseng tanong ‘yan, JR?’, ang
reaksyon ni James sa tanong ni Gap.
‘Naisip ko lang na sobra-sobra na ang
napagdaanan mo dahil sa kanya. I mean, kung wala ka na talagang issue with Kuya
Darrel, you can talk about these things, diba?’, ang kinakabahang sabi ni Gap.
‘Right. Paano ko nasabing mahal ko na
siya? Hmm. Nung dumating sa point na sa kanya na umikot ang mundo ko. Kahit
hindi hingin ng pagkakataon, nandun ako para sa kanya. Bigla-bigla na lang
akong sumusulpot kapag mag-isa siya. Kasi ayokong nakikita siyang malungkot.
Gusto ko lagi siyang nakangiti kapag kasama ko siya. Lalo kong nasabi na
totoong mahal ko siya nung time na kahit nagalit siya akin, hindi nagbago ang
nararamdaman ko. Kahit masasakit na salita ang ibinigay niya sa akin, tinanggap
ko lang. Ayun.’, ang sabi ni James.
Hindi naman nakasagot na si Gap sa
sinabing ito ni James. Kinuha niya ang bola sa katabing upuan at niyaya niya si
James na maglaro.
‘Uy, Gap!!’, ang pasigaw na pagtawag
ni Jeric sa atensyon nito.
‘Ha? Ano ‘yun?’, ang lutang na tanong
ni Gap sa kaibigan.
‘Alam mo ba kung nasaan si Sy?’, ang
tanong ni Jeric.
‘Hindi. Tinext ko siya, di naman siya
nagreply.’, ang sagot ni Gap.
Muling lumipad ang isip ni Gap. Parang
humina bigla ang mga boses ng kasama at wala nang ibang marinig kung hindi ang
sarili. Iniisip niya ang sagot ni James sa kanyang tanong at sinusubukan itong
i-relate sa kanyang sarili.
Pagkabalik nila sa klase ay wala pa
rin si Symon. Naging tahimik naman ang lahat sa kakaibang mga galaw nito.
Pumasok lang siya ilang segundo matapos pumasok ang professor. Nang mag-uwian
na ay nawala ito bigla na parang bula.
***
Bry Yan: Good evening!
Im Lost: Hello.
Bry Yan: Kadarating mo lang?
Im Lost: Kanina pa, actually.
Nagpapawis lang. Ikaw?
Bry Yan: Kanina pa rin. Hinihintay nga
kita e.
Im Lost: Ay, bakit naman?
Bry Yan: Wala lang. Sabi mo kasi
magcha-chat ulit tayo ngayon.
Im Lost: Yeah. Sorry kung napaghintay
kita.
Bry Yan: Okay lang. Gumagawa rin naman
ako ng assignment ko.
Im Lost: Ah. Saan ka nga ulit
nag-aaral?
Bry Yan: Sa SPU. Ikaw?
Im Lost: Same. Schoolmates pala tayo.
Sa totoo lang, kinakabahan na si James
pero mukha namang mabait itong Bryan na kausap niya. Hindi naman siguro siya
ha-hunting-in nito sa school.
Bry Yan: Wow!! Nice. Course?
Im Lost: Uhm. Secret muna. Kakakilala
lang natin.
Bry Yan: Alright. No prob.
Inabot na ng hatinggabi ang pag-uusap
ng dalawa. Sinubukang hingin ni Bryan ang number ni James pero hindi niya muna
ito binigay. Gusto muna ni James na ma-earn ni Bryan ang tiwala niya bago
ibigay ang number sa kanya.
Nang magpaalam na sila sa isa’t isa para
matulog, agad namang humiga at tumingin sa kisame ng kwarto hanggang sa dalawin
na siya ng antok.
Kinabukasan, paggising niya,
napagdesisyunan niyang bumili ng bagong sim card at gamitin ang spare phone
para ito ang ibigay na number kay Bryan. Natutuwa siyang kausap ito. Kung hindi
man mag-work out ang friendship nila, maghahanap siya ulit ng bago.
***
Pagpasok nina Jeric sa room after
lunch ay nakatayo sa harapan si Erwin dahi magbibigay daw ito ng announcement.
May hawak itong mga papel. Si Symon naman ay nakaupo na sa ikatlong row at agad
siyang tinabihan ni Jeric. Hindi pa rin sila nagpapansinan ni Lexie.
‘Saan ka galing? Dalawang araw ka nang
hindi sumasabay sa amin ah.’, ang sabi ni Jeric dito.
‘Dyan lang. Wala akong gana kumain
e.’, ang sagot ni Symon sa kanya.
‘Look, Sy. I know what you’re going
through. Kung kelangan mo ng kausap, magsabi ka lang.’, ang sabi ni Jeric.
‘No, thanks. Ayoko namang bawasan ang
oras na magkasama kayo ni Coleen.’, ang sarkastikong sagot ni Symon.
‘What do you mean?’, ang naguguluhang
tanong ni Symon.
‘Nothing.’, ang sagot ni Symon.
‘What is wrong with you?!’, ang
naiinis na baling sa kanya ni Jeric.
‘Okay, guys! Listen up! I’m
distributing these consent forms. Three weeks from now, we’ll be having our
retreat in Tagaytay. So, make sure na mapapabasa niyo ‘to sa parents or
guardians niyo, let them sign then pakibigay sa akin ang consent forms.
Deadline ng payment would be Firday next week. Thanks!’, ang announcement ng
presidente ng class na si Erwin.
Na-excite naman ang buong klase sa
announcement na ito ni Erwin. Bilang first years, hindi nila in-expect na may
retreat sila. Three days, two nights din iyon sa Tagaytay.
Nang matapos ang klase ng Huwebes na
iyon ay agad na tumayo si Symon para lumabas na ng class room. Natigilan lang
siya nang tinawag siya ni Shane.
‘Sy! See you later?’, ang tanong nito.
‘Oh. I’m not singing tonight. Sa
Tuesday pa ulit.’, ang sabi ni Symon bago nagmadaling lumabas.
‘Oh.’, ang biglang paglungkot ng mukha
ni Shane.
Ang ibang mga kaibigan naman ay
natigilan sa maikling usapan na iyon. Nagkumpulan sila at nagtanong kung ano ba
ang problema ni Symon. Panay ang buntong hininga nina Lexie at Shane.
‘Alright! That’s it.’, ang sabi ni
Coleen.
Kinuha nito ang bag at lumabas ng room
para habulin si Symon. Agad namang sumunod ang apat sa kanya.
‘Babe, saan ka pupunta?’, ang tanong
ni Jeric.
‘This has to stop! Kung ano ang
problema ni Symon, dapat sinasabi niya sa atin. We’re his friends. We should be
able to help him!’, ang sabi ni Coleen.
Halos patakbo itong lumabas ng
building. Nakahabol naman sa likod niya sina Jeric, Lexie, Gap at Shane.
Pinuntahan nila ang park sa tabi ng building matapos sabihin ni Gap na dito
madalas si Symon magpunta kapag mag-isa lang. Pero hindi nila nakita si Symon
doon. Sumilip sila sa cafeteria pero wala rin siya doon. Lumabas na sila ng
campus at pumunta sa PJ’s Coffee Shop. Pero hindi rin nila nakita si Symon.
‘Guys, we can’t help him kung ayaw
niyang magpatulong.’, ang sabi ni Shane habang naglalakad sila pabalik ng
campus.
Pinanghinaan na sila ng loob lahat
dahil sa ginagawang pag-detach ni Symon ng sarili sa mga kaibigan. Malungkot
ang mukha ni Lexie pati na rin ni Coleen. Magkakasabay ang mga babae na
naglalakad habang sina Jeric at Gap ay nasa likod ng mga ito.
‘Is this still about Kuya Darrel?’,
ang bulong ni Jeric.
‘I guess so.’, ang pabulong ring sagot
ni Gap.
‘Tsk. Ano bang gagawin natin?’, ang
sabi ni Jeric.
‘Hindi ko alam. Ayaw naman niyang
makipag-usap.’, ang sagot ni Gap.
‘E kung kausapin kaya natin si Kuya
Darrel na kausapin si Sy?’, ang tanong ni Jeric.
‘Already did. Lalo lang lumala.’, ang
sagot muli ni Gap.
‘What are you two talking about?’, ang
biglang tanong ni Coleen nang mapansin niyang nagbubulungan ang dalawa.
‘May alam ba kayo sa kung bakit
nagkakaganito si Sy?’, ang tanong ni Lexie.
‘No. Nothing.’, ang pagsisinungaling
ni Jeric.
‘Absolutely nothing.’, ang nakangiting
alibi ni Gap.
***
Habang tuliro ang mga kaibigan sa
paghahanap sa kanya, nasa kabilang street nakatambay si Symon at nagyoyosi.
Siya lang mag-isa though marami ang naririto para manigarilyo.
‘Pa-hits nga.’, ang sabi ni Ben.
‘Oy.’, ang bati ni Symon dito.
‘Tambay ka na rin dito?’, ang tanong
nito sa kanya habang nagsisindi ng sariling yosi.
‘Dinala mo ako dito e.’, ang
natatawang sabi ni Symon.
‘Loko.’, ang tanging sabi ni Ben.
‘Joke lang. I just need to be relieved
of stress.’, ang sabi ni Symon.
‘Di mo yata kasama mga kaibigan mo.’,
ang pagpansin ni Ben sa pag-iisa niya.
‘Hindi nila alam na nagyoyosi ako.
Kaya shh.’, ang sabi ni Symon.
‘Ah. Dirty little secret ha.’, ang
sabi ni Ben.
‘Yeah.’, ang maikling tugon ni Symon.
‘O siya, una na ako. Sunduin ko si GF
sa SPU.’, ang paalam ni Ben.
‘Sige.’, ang nakangiting sabi ni
Symon.
Halos naka-kalahating kaha yata agad
si Symon ng sigarilyo. Pangalawang araw pa lang niya ito at masyado na siyang
hayok. Ito na ang nagpapatanggal ng stress niya tuwing maiisip si Darrel.
‘Excuse me, pwede pasindi?’, ang
tanong ng isang pamilyar na boses sa kanya.
Nanggaling sa likod ang boses na iyon.
Kinabahan bigla si Symon nang ma-recognize niya kung kanino itong boses.
Mabilis siya tumalikod upang harapin ito.
‘Gap.’, ang sabi niya na halos hindi
binubuka ang bibig.
‘Hey. Pasindi.’, ang sabi ni Gap.
Hindi alam ni Symon na naninigarilyo
pala si Gap kaya naman nagulat ito nang makita niyang may hawak itong
sigarilyo. Iniabot niya ang sigarilyong hinihithit dito. Nagulat siya ng bigla
itong bitawan ni Gap at inapak-apakan.
‘Hey! What are you doing?’, ang gulat
niyang reaksyon sa ginawa ni Gap.
‘What are YOU doing??!’, ang galit na
baling sa kanya ni Gap nang halos madurog nito ang yosi.
‘Wala kang pakialam, Gap. Leave me
alone.’, ang sabi ni Symon.
‘Halika na.’, ang yaya ni Gap sa
kanya.
‘No! I said leave me alone.’, ang
pagtanggi ni Symon.
Wala nang ibang nagawa si Gap kung
hindi hatakin si Symon paalis sa street na iyon at pabalik sa campus. Pilit
mang tanggalin ni Symon ang pagkakahawak ni Gap sa braso niya, hindi niya ito
magawa dahil sa lakas nito. Nagawa nitong pwersahin siya papasok ng MSCA
hanggang sa makarating sila sa park kung saan konti lang ang mga estudyanteng
nakatambay.
‘Anong problema mo?!!’, ang galit na
tanong ni Symon kay Gap nang halos ibalibag siya nito sa isang upuan.
Itinulak niya si Gap ng malakas.
Nagagalit siya dito dahil sa pangingialam sa kanya. Napatingin naman ang ilang
mga nakatambay na estudyante sa kanilang dalawa.
Nang bumalik ang barkada sa campus,
nagpaalam si Gap sandali sa mga ito na babalik sa labas at sinabing may
bibilhin lang. Hindi niya alam kung saan nag-stay ang mga kaibigan pero alam
niyang nasa loob pa ito ng campus.
‘Wag mong sirain ang buhay mo dahil sa
kanya, Symon.’, ang sabi ni Gap sa kanya.
‘Wag mo akong pakialaman, Gap. Buhay
ko ‘to.’, ang galit na sabi ni Symon sa kanya.
‘You don’t know what you’re doing.’,
ang muling sabi ni Gap.
‘So?? E ano kung hindi ko alam?
Naaapektuhan ka ba? Nasisira ba ang buhay mo? This isn’t your business!’, ang
sabi ni Symon.
Dumaan sina Jeric sa park at nakita
nila sina Symon at Gap na nagsasagutan. Medyo malayo ang distansya nila sa
isa’t isa kaya naman patakbo na tinungo ng mga ito ang pwesto ng dalawa.
Sakto sa pagdating nila ang pagtalikod
ni Symon mula kay Gap. Napaatras si Symon nang makita ang apat na kaibigan.
‘Symon.’, ang sabi ni Lexie.
‘Sige! Umalis ka. Iwasan mo kami!
Sirain mo buhay mo! Magpakatanga ka, Symon. Gawin mo na lahat ng gusto mo!
Buhay mo ‘yan e, diba? Sayangin mo ang
mga taong gusto kang tulungan. Masyado kang ma-pride para tanggapin
‘yun. Kaya, go ahead! Screw up your life. We’re not leaving you alone. YOU
leave us alone!’, ang galit na sabi ni Gap kay Symon.
Nagulat ang apat sa mga sinabi ni Gap.
Nasa kalagitnaan ng pagsasalita si Gap nang humarap si Symon sa kanya.
Nilapitan siya nito at dinuro siya nang sinabi nitong wag na silang lapitan.
Ang mga luha sa mga mata nina Symon at Gap ay namumuo na at agad ring tumulo.
‘I don’t need you! I don’t need all of
you!!!!’, ang sigaw ni Symon bago tumakbo palayo sa kanila.
Napaupo naman si Gap sa sobrang sama
ng loob. Sina Lexie at Coleen ay umiiyak na rin habang si Shane naman ay
tulala. Si Jeric ay halatang gulat at pilit na pinapatahan si Coleen.
***
Sa loob ng tatlong linggo ay hindi
nag-usap sina Symon at ang barkada. Patuloy si Symon sa ginagawang pagsira sa
buhay. Walang humpay sa pagyoyosi, madalas late sa klase, mabababa ang mga
grades at laging walang kasama. Kahit gustuhin nina Lexie, pinigilan sila nina
Gap at Shane na pumunta sa PJ’s para panoorin ang mga gig ni Symon. Naging
matamlay rin si Symon sa kanyang gig. Kung ano lang ang maisip niya, yun lang
ang kinakanta niya. May mga pagkakataon pang nalilimutan niya ang mga linya o
di kaya ay sumasablay siya sa tono.
‘O, ayos na ba ang gamit mo?’, ang
tanong ng ina habang nakahiga na si Symon sa kama.
‘Yep.’, ang sagot ni Symon.
Pumasok si Grace sa kwarto at umupo sa
gilid ng kama ni Symon.
‘Sy, I noticed you haven’t been
yourself lately. I know Mommy’s always not here. But I hope after this retreat,
you’ll feel better.’, ang sabi nito.
‘Of course. Good night, Mom. Gisingin
mo ako. Remember 6AM call time.’, ang sabi ni Symon.
‘Alright. Good night.’, ang sabi ni
Grace bago humalik sa anak.
Pagkasara ni Grace ng pinto ay pinatay
na rin ni Symon ang ilaw sa kanyang lamp shade. At hinarap na naman niya ang
isang gabi na hindi siya dinadalaw ng antok.
‘It’s been three weeks. I miss you,
guys. Pero paano ko aaminin sa inyo kung bakit ako nagkakaganito? Maiintindihan
niyo kaya? Natatakot ako. ‘, ang sabi ni Symon.
Pabaling-baling siya sa kama.
Punung-puno ang kanyang isip ngayon ng mga alalahanin. May side sa kanya na
gusto nang umamin kina Coleen, Shane at Lexie pero ang kabilang side naman ay
natatakot sa gagawing ito. Siyempre, hindi pa rin nawawaglit sa isip niya si
Darrel pero dahil na rin siguro sa tagal na hindi niya ito nakikita, medyo
nabawasan na ang pag-iisip niya dito.
‘Bahala na bukas.’, ang sabi ni Symon
sa sarili.
***
Kasabay ng paglaki ng gap sa pagitan
ng mga magkakaibigan ay ang patuloy na closeness nina Bryan at James. Tatlong
linggo na rin silang magkatext gamit ang bagong number ni James at ngayong
gabi nila napag-usapang magkita. Mas
ginusto nila na magkita ng personal kesa magpalitan ng pictures. Nagkapalagayan
na naman sila ng loob at may tiwala na sa isa’t isa kaya naman hindi na ito
naging mahirap para sa dalawa. Sa PJ’s bar sila nagkita.
James: Saan ka na?
Bryan: Malapit na akong bumaba. Ikaw?
James: Nandito na sa loob.
Bryan: Okay. 5 minutes.
James: Okay.
Hindi mapakali si James habang
mag-isang nakaupo sa isang table. Pumunta muna siya sa CR para makapag-ayos
sandali. Malakas ang kabog ng dibdib niya dahil unang beses niya itong gagawin
sa buong buhay niya. Ang alam lang nila sa isa’t isa bukod sa first name ay ang
pagiging schoolmates nila. Pati na rin ang kwento ng kani-kanilang
pang-araw-araw na buhay. Pero hindi masyado tungkol sa mas personal na detalye
dahil medyo reserved si James patungkol doon.
Pagkalabas ni James ng CR ay lalo
siyang kinabahan nang makita niya ang isang pamilyar na mukha.
‘Shit. Bakit nandito si Bryan?’, ang
sabi niya sa sarili.
‘Oh, no. Bryan.’, ang bigla niyang
na-realize nang binanggit niya ang pangalan nito.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment