Saturday, December 22, 2012

Shufflin' (17): Book 1

by: Lui

Halos hindi humuhupa ang kaba ni Symon simula pa lang sa pagkagising niya ng Martes na iyon. 8PM pa ang gig niya pero kailangan niyang dumating sa PJ's ng 5PM para sa isang oras na rehearsals bago ito magbukas.

'Okay na ang isusuot mo?', ang tanong ni Grace nang sumakay na ito sa sasakyan.

'Nasa likod na.', ang sagot ni Symon.

'Are you sure you don't want me and your sisters in there later?', ang tanong nito.


'Mom, for the nth time, no! Baka hindi ako makakanta ng maayos.', ang naiinis na sagot ni Symon.

'E gusto ko lang naman kasing mapanood ka.', ang sagot ni Grace.

'I know, I know. Kinakabahan lang talaga ako e.', ang sabi ni Symon.

Mas maagang dumating si Symon sa kanyang call time kaya naman ay nagkaroon pa siya ng sapat na oras para mag-ayos ng gamit. Habang ginagawa niya ito ay ipinagbilin siya ni Grace kay Tony dahil nga hindi na ito makakapag-stay mamaya kapag nagsimula na ang gig ni Symon.

Inihatid ni Symon ang kanyang mommy sa sasakyan bago muling bumalik sa PJ's para mag-rehearse. Naka-pambahay pa lang siya ng mga oras na ito at magbibihis na lang kapag open na ang bar. Nang makapasok siyang muli sa loob ng bar ay ipinakilala na siya ni Tony sa banda na tutugtog kasama niya. Matapos magkakwentuhan sandali ay nagsimula na silang mag-rehearse. Tanging beatbox, gitara at keyboard lang ang kailangang mga instrumento sa performance ni Symon. Kaya naman hindi na sila nahirapan sa rehearsal.

***

Wala pang alas-otso ay nasa bar na sina Lexie, Jeric, Coleen at Shane. Lumabas naman mula sa backstage si Symon. Nakabihis na ito. Suot niya ang isang plaid na polo, itim na pantalon at rubber shoes. Maaliwalas ang kanyang mukha kahit na aninag ang kaba dito.

'Sy!! Thanks at pinaalam mo kami na makapasok.', ang sabi ni Lexie.

'Hindi ko na kayo pinaalam. Okay na for minors ang bar kasi ginawa na rin siyang resto. Mas humigpit nga lang ang pagbili ng alak. Kelangan muna mag-present ng ID.', ang sabi ni Symon.

'Cool! Edi mapapanood ka na namin lagi.', ang sabi ni Shane.

'Yeah. Kinakabahan ako.', ang sabi ni Symon.

'You look pale. May dressing room ka ba? Halika nga. Baka magmukha kang patay mamaya.', ang yaya ni Coleen.

Isinama ni Symon si Coleen sa room kung saan nakalagay ang mga gamit niya. 45 minutes pa bago magsimula ang show niya. Umupo siya sa harap ng isang salamin at nilagyan ni Coleen ng foundation ang kanyang mukha. Hindi na nito pinakialaman ang buhok ni Symon dahil naka-wax na ito.

'Ayan! Artistang-artista na ang dating mo!', ang sabi ni Coleen.

'Thanks, Coleen.', ang nakangiting sabi ni Symon.

'Sy, may tampo ka ba sa akin?', ang biglang seryosong tanong ni Coleen.

'Huh? What... What's with the question?', ang gulat na reaksyon ni Symon.

'Nothing. I just noticed na hindi na tayo nakakapag-usap. And Jeric told me about something you said last week. About us not bonding as a group simula nung naging kami.', ang paliwanag ni Coleen.

'I was just having a bad day. Nagtatampo ako sa'yo? Hmm. Siguro slight lang. Pero nakikita ko namang masaya ka kay Jeric. Masaya kayo. Siguro, konting time lang para sa barkada.', ang sagot ni Symon.

'Okay. Napag-usapan na naming apat 'yan nung Friday. Sayang nga wala ka.', ang sabi ni Coleen.

'Oo nga e. Sorry naman.', ang sabi ni Symon.

'So, we're good?', ang tanong ni Coleen.

'Of course!', ang sagot ni Symon.

Nagyakap sila sandali bago muling bumalik sa mga kasama. Umupo muna saglit si Symon kasama ang mga ito habang nakikita niyang unti-unti nang napupuno ang bar. Nasa gitna siya nina Lexie at Jeric.

'Okay ka na ba?', ang nag-aalalang bulong sa kanya ni Jeric.

Pasimpleng umiling si Symon bilang pagsagot dito. Hinihintay niya ang pagdating ni Darrel sa PJ's pero habang papalapit ang alas-otso ay nawawalan na siya ng pag-asa na pupunta pa ito. Sinenyasan na siya ni Tony mula sa bar na lumapit ito sa kanya. Nagpaalam na siya sa mga kasama at walang tigil ang mga ito sa pagsasabi ng good luck sa kanya. Dumaan siya sa may entrance ng bar at natigilan siya nang may pumasok. Pamilyar ang mukhang iyon.

***

Habang nagri-rehearse si Symon ay katatapos lang maligo ni Gap. Agad itong nagbihis at bumaba para magpaalam sa ina.

'Ma, alis muna ako.', ang paalam niya.

'Saan ang punta mo?', ang tanong ni Nancy sa anak.

'Sa PJ's po. Yung bar malapit sa school. Natatandaan mo pa si Symon, yung anak ni Ms. Grace? Kakanta siya dun tonight.', ang kwento ni Gap.

'Talaga? Buti okay na kayo?', ang sabi ni Nancy.

'Opo. Nakakapagod rin 'yung may kaaway ka.', ang sabi ni Gap.

'Tama. O, mag-iingat ka ah.', ang sabi ni Nancy.

'Thanks!', ang paalam ni Gap.

Bumeso muna ito sa ina bago lumabas ng bahay at pumunta sa bahay nina James. Pagpasok niya sa garahe nito ay palabas na si James.

'Buti naman at hindi mo na ako paghihintayin.', ang sabi ni Gap.

'Loko. Sumakay ka na.', ang sabi ni James.

Sumakay na siya sa passenger seat ng sasakyan habang si James naman, syempre, ay sa driver seat. Bumiyahe na sila papuntang PJ's. Ang normal na haba ng biyahe ay isang oras pero dahil sobrang traffic ay inabot na sila ng mahigit dalawang oras. Nag-park si James sa gilid ng PJ's bago sila pumasok sa loob ng bar. Nauna si James sa pagpasok at nakasunod sa kanya si Gap. Natigilan ito nang makaapak sa loob ng bar dahil muntik na niyang makabangga si Symon.

'Oops.', ang sabi ni James.

Para namang na-recognize niya ang mukha ni Symon. Hindi lang niya alam kung saan niya ito nakita. Hinayaan ni Symon na makapasok ito sa loob kasunod si Gap.

***

'Gap?!', ang gulat na bati ni Symon nang makita niyang nakasunod ito kay James.

'Hey!', ang bati ni Gap sa kanya.

Napatingin naman si James sa dalawa. Ipinakilala ni Gap sina Symon at James sa isa't isa. Nagkamayan ang mga ito at nag-wish pa ng good luck si James kay Symon.

'Thanks. You're familiar. I think I saw you talking to Kuya Darrel last week. And I saw you nung hinatid namin si Gap. Tama!', ang pilit na pagiging masaya ni Symon.

'Yeah. He was my classmate in high school. And as you know, JR's my friend/neighbor.', ang sabi ni James.

'Yeah. What a small world, right?', ang sabi ni Symon.

'Yeah.', ang sabi ni James.

'Well, I hope to catch you both later. Tinatawag na ako e.', ang sabi ni Symon.

'Alright. Good luck, Symon.', ang sabi ni Gap bago tapikin ito sa balikat.

'Thanks, Gap.', ang nakangiting sagot ni Symon bago lumapit kay Tony.

***

'Are you ready?', ang tanong ni Tony sa kanya habang ang banda ay pumwesto na sa maliit na stage.

'Yup!', ang kinakabahang sagot ni Symon.

Inabot ni Tony ang mic sa kanya. Namatay na ang ilaw sa bar at nagsimulang magpalakpakan ang mga tao. Si Tony muna ang humarap sa audience.

'Hey, guys! Welcome to PJ's bar!', ang bati niya sa mga customers.

Nagpalakpakan naman ang mga ito. Mula sa gilid ng stage ay narinig niya si Shane na isinigaw ang kanyang pangalan. Natawa siya sa ginawang ito ng kaibigan.

'So, tonight's a pretty big night for us. We're now PJ's bar and resto. We can cater to minors now as approved by the near schools here like MSCA and SPU.', ang sabi ni Tony.

Malakas ang palakpakang natanggap ng sinabi ni Tony.

'And to celebrate that big change in our business, we have a new singer in the house! He's only 17 years old. A freshman from MSCA, he has been discovered when he sang live in their Dress-Up musical. Without further ado, please give a warm welcome to Symon Gonzales!!', ang sabi ni Tony.

Masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga tao habang naglalakad si Symon papunta sa gitna ng stage. Umupo siya sa isang upuan na nakalaan para sa kanya. Sa harap nito ay ang isang mic stand.

'What's up, guys?', ang bati niya.

'I love you, Symooooooon!!!', ang sigaw ni Shane.

Nagtawanan naman ang mga tao sa sinabing ito ni Shane. Pati si Symon ay natawa.

'Oh, Shane! You could've just whispered it to me.', ang sabi niya.

Benta naman ito sa ibang naroon para panoorin siyang mag-perform. Sinunod ni Symon ang sinabi ni Tony na magbigay muna siya ng konting introduction bago magsimulang kumanta.

'So, again, my name is Symon. I'm 17 years old from MSCA. I'll be singing you songs that are relevant in...', ang intro ni Symon pero natigilan siya sandali.

Gumagala ang mga mata niya habang nagsasalita para makita niya ang mga mukha ng mga taong present sa unang performance. Maraming mga pamilyar na mukha. Mga kaklase, mga kaibigan, sina Gap at James. At si Darrel. Natigilan si Symon sa pagsasalita dahil pumasok si Darrel sa bar. Nag-meet sandali ang kanilang mga mata pero agad ring bumitaw si Darrel at naghanap ito ng bakanteng table para makaupo. Na-distract naman si Symon at lalong lumakas ang kabog sa kanyang dibdib.

'Uhm. I'll be singing songs that are relevant in my life. For sure, makaka-relate din naman kayo. I hope you'll like my play list. Later, you can request songs. Just write the song you want me to sing and give it to one of our waiters here. I'll be so glad to sing songs for you. Enjoy.', ang sabi ni Symon.

Tumingin siya sa mga kasama na stage. Nakapwesto na ito sa gitara, keyboard at beatbox. Tumango siya sa mga ito bilang senyales na magsisimula na sila.

'We could've have it all. Ooh, rolling in the deep.', ang a capella na pagsisimula ni Symon.

Habang nagfe-fade ang boses ni Symon ay siyang pasok naman ng pagtugtog ng gitara. Hinahanap ng mga mata ni Symon si Darrel. Natutuwa siya na tumupad ito sa pangako niya. Pero hindi niya alam kung ano ang mga susunod na mangyayari.

ROLLING IN THE DEEP - Boyce Avenue

'There's a fire starting in my heart
Reaching a fever pitch
And it's bringing me out of the dark
Finally I can see you crystal clear
Go ahead and sell me out
And I lay your shit bare'

'We could've had it all
Rolling in the deep
You had my heart inside of you hand
And you played it
With the beat'

Matapos ang unang kanta niya ay agad niya nang sinunod ang Because of You ni Ne-Yo na acoustic din ang version. Kahit na hindi sikat ay ipinaalam ni Symon kay Tony na kantahin pa rin niya ang Alibi ng 30 Seconds to Mars. Pumayag naman ito kaya iyon ang pangatlo niyang kinanta. Nasorpresa siya nang malakas ang palakpak na natanggap niya nang kinanta niya ito. Mukhang hindi naman siya nagkamali sa desisyong kantahin ito.

'Thank you.', ang nakangiti niyang pagpapasalamat.

Oras na para sa huli niyang kanta. Si Gap at si James ay magkasama pa rin. Ang kanyang mga kaibigan ay pinapalakas pa rin ang loob niya. Si Darrel ay naroon pa rin...

'Bakit niya kasama si Matt??', ang tanong niya sa sarili.

Nagpa-panic na siya sa loob. Isang kanta na lang at matatapos na. Makakababa na siya at makakausap na niya si Darrel.

'It's funny how time flies, right? We're now on our last song. This one I've heard just recently while I was listening to songs in my iPod shuffle.', ang sabi ni Symon.

Sinadya niyang banggitin ang iPod shuffle na galing kay Darrel para makuha niya ang atensyon nito. Hindi naman siya nabigo dahil tumingin ito sa kanya. Hindi na niya tinanggal ang tingin dito.

'This song is someone's favorite so I thought of singing it here tonight. I hope y'all will like it.', ang sabi niya.

Naalala niya ang isang araw na nasa PJ's silang dalawa ni Darrel habang nag-aaral. Parehas silang naka-headset...

    'If I lay here, If I just lay here...', ang pagkanta ni Darrel ng malakas.

    'Kuya!', ang pagtawag niya sa atensyon nito.

    Ginulo nito ang pagbabasa niya sa pamamagitan ng pag-agaw niya ng libro nito. Tumingin ito sa kanya na parang isang inosenteng bata. Tinanggal niya ang headset sa tenga.

    'Bakit?', ang tanong nito sa kanya.

    'Medyo malakas yata ang pagkanta mo. Uhm. Nasa public place kasi tayo.', ang natatawang sabi ni Symon.

    'Ay! Shoot. Malakas ba? Akala ko bulong lang. Sorry.', ang sabi ni Darrel.

    'Okay lang, concert king.', ang pang-aasar ni Symon.

    Nag-make face lang sa kanya si Darrel bago siya bigyan nito ng isang malaking ngiti. Bumalik na sila sa pag-aaral. Hindi pa naging ganito ka-inspired si Symon sa buong buhay niya. Masayang-masaya siya na kasama niya sa pag-aaral si Darrel.

Nangungusap ang mga mata ni Symon na tumingin kay Darrel habang kinakanta ang paborito nitong kanta. Napayuko naman si Darrel at napailing dahil sa ginawa ni Symon. Si Matt naman ay nakatingin lang kay Symon pero hindi ito tiningnan ni Symon. Gumala sa iba ang mga mata ni Symon. Kinantahan niya isa-isa ang audience at halos lahat ay napapangiti kapag tumitingin si Symon sa kanila.

'Let's waste time
Chasing cars
Around our head'

Ang line na kinanta niya habang nakatingin kay Gap. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Darrel. Gusto niyang iparating dito kung gaano ito kaimportante sa kanya.

'If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world'

'Thank you very much!', ang nakangiti niyang sabi bago siya bumaba sa stage.

Sinalubong siya ni Tony sa gilid ng stage at tuwang-tuwa ito sa naging reception sa kanya ng mga customers ng PJ's. Inabutan niya ito ng tubig at pinaupo sa gilid para makapagpahinga.

'Wow, Symon!! You really moved the crowd. I never had a singer who can affect the audience like that.', ang sabi ni Tony.

'Thanks, Sir.', ang sabi ni Symon.

Ni-limitahan ni Tony sa tatlong kanta ang pwedeng i-request para sa gabing iyon. Pinili ni Symon ang alam niya sa maraming mga request. Agad siyang bumalik sa stage at kinanta ang tatlong request galing sa audience. Nakita niyang wala na si Matt sa table ni Darrel.

***
Bago pa man kumanta si Symon ay tuwang-tuwa ang apat na kaibigan nito. Alam nila kung gaano kagaling si Symon at hindi sila bibiguin nito sa una nitong pagtatanghal. Sina James at Gap naman ay tahimik lang na nakaupo at naghihintay sa pagsisimula niya. Pero medyo naging uneasy si James nang nakita niyang pumasok sa loob ng bar si Darrel habang umi-intro si Symon sa unang kakantahin. Dumaan pa ito sa likod niya pero hindi siya nito napansin. O hindi siya nito pinansin.

‘Dude, okay ka lang ba?’, ang tanong ni Gap sa kanya.

‘No. He’s here.’, ang sabi ni James.

‘Wag mo na lang isipin na nandito siya. Si Symon ang pinunta natin dito.’, ang sabi ni Gap.

Pero hindi nagawa ni James na balewalain ang presence ni Darrel. Habang kumakanta si Symon ay pasimple niyang sinusulyapan ito. Um-order ito ng tatlong bote ng beer. Alam ni James na hindi mahilig uminom si Darrel. Umiinom lang ito kapag may malaking problema at nalulungkot.

‘Excuse me.’, ang sabi ng isang lalaking dumaan sa likod ni Gap at James. Inusog ng kaunti ni Gap ang kanyang upuan para makadaan ito.

‘Salamat.’, ang sabi nito sa kanya.

Dumiretso ang lalaking ito sa table ni Darrel. Sumulyap si James dito bago tanungin si Gap kung kilala niya ba ito. Si Symon naman ay ikinekwento na ang significance ng huling kanta sa kanyang play list.

‘Hindi e. Dude, wag mo na sabing pansinin. Bahala ka, pinapahirapan mo lang sarili mo.’, ang sabi ni Gap.

Uminom na lang si James ng in-order na beer. Pasimple rin namang nakakainom si Gap kahit na underage pa ito. Nang sulyapan niyang muli si Darrel ay nakita niyang parang nagtatalo ang dalawa.

***
‘May kasama ka ba?’, ang tanong ni Matt kay Darrel.

‘O, Matt! Wala. Upo ka.’, ang yaya ni Darrel.

Inilapit niya dito ang isang bote ng malamig na beer. Tumingin muna sandali si Matt kay Symon. Napansin niya ang mga mata nito na nagtatanong sa kung bakit magkasama sila ni Darrel sa table. Pero hindi siya nito tiningnan.

Nagsimula nang kumanta si Symon at nakita ni Matt na yumuko si Darrel at umiling. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Matt.

‘Ok, I’ll go straight to the point.’, ang sabi nito kay Darrel.

Napaangat naman si Darrel ng mukha dahil sa seryosong tono ni Matt. Tumingin ito sa kausap na tinungga muna hanggang kalahati ang beer bago nagsalita.

‘Ako ang naglagay ng note sa bag mo. Itinapon ‘yan ni Symon pero nakuha ko. At nung Friday ng umaga habang nasa CR ka, nilagay ko ‘yun sa bag mo. I’m sorry. I’m very, very sorry!’, ang sabi ni Matt.

Gusto niya muna sana na kay Symon muna makipag-usap at humingi ng tawad pero hindi niya ito mahagilap at alam niyang abot-langit ang galit nito sa kanya.

‘What? If you’re trying to cover up for Symon, it won’t work, Matt.’, ang sabi ni Darrel.

‘No. I’m serious. Ako ang naglagay sa bag mo.’, ang sabi ni Matt.

‘Pero, bakit?’, ang tanong ni Darrel.

‘I like Symon. I think I’m actually falling for him. Pero he likes you. And I got jealous. So naisip ko na baka kapag nawala ka na sa kanya, posibleng makita na niya ako.’, ang sabi ni Matt.

‘Matt.’, ang tanging nasabi ni Darrel.

Hindi na niya alam kung ano pa ang magiging reaksyon sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung may pakialam pa ba siya sa mga nangyayari.

‘Huwag ka sa akin mag-sorry. I think dapat kay Symon mo sinasabi ‘yan. All you did is to reveal the truth.’, ang sabi ni Darrel.

‘Galit ka ba kay Symon?’, ang tanong nito.

‘Hindi ko alam, Matt. Masyadong magulo. Masyadong komplikado ang sitwasyon. Hindi ko na maisip kung ano ba ang nararamdaman ko.’, ang sagot ni Darrel.

‘Sobrang nasasaktan siya sa nangyayari, Darrel. Sana maging open ka at kausapin mo siya. Ginagawa ko ‘to para naman mabawasan ang kasalanan ko kay Symon.’, ang sabi ni Matt.

‘Ewan ko. Masyado akong nagulat sa nangyari.’, ang sabi ni Darrel.

‘Sinabi ko na ‘to once kay Symon. Darrel, sa tagal na nakikita kita sa PJ’s, nung nakasama mo si Symon, doon ko lang nakita na totoong ngumiti ka. Na totoong tumatawa ka.’, ang sabi ni Matt.

‘Totoo. Kaya nga masakit sa akin na nalaman kong may something pala sioya sa akin. Pamilya ang tingin ko kay Symon. Para ko siyang nakababatang kapatid. Hanggang doon lang talaga.’, ang sabi ni Darrel.

Hindi na muna nagsalita pa si Matt at pinanood muna si Symon habang tinatapos nito ang kanta. Muling tumingin si Symon kay Darrel. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Matt mula kay Symon pabalik kay Darrel at papunta ulit kay Symon.

'If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world'

***
Hindi maikakaila ni Darrel na kinilabutan pa rin siya sa boses ni Symon habang kumakanta ito kahit na hindi sila okay. Pumunta pa rin siya bilang pagtupad sa pangako na kanyang binitawan noong Friday kahit na masakit para sa kanya ang nalaman nito.

Lalo siyang kinilabutan nang kinanta ni Symon ang favourite niyang Chasing Cars ng Snow Patrol. Siguro kung wala lang doon si Matt na kinakausap siya ng seryoso, baka naluha na ito sa sobrang ganda ng pagkakanta ni Symon dito. Alam niyang para sa kanya ito.

Nagkatitigan sila ni Symon habang kinakanta nito ang huling mga linya ng kanta. Ang dating sa kanya ay parang kinakausap lang siya nito, na para bang silang dalawa lang ang naroon at casual lang siyang tinatanong ni Symon. Pero agad rin siyang kumawala sa titig na iyon. Bumaba na rin si Symon sa stage.

‘Darrel. Hindi ko alam kung nasa posisyon ako para sabihin ‘to pero bakit mo kailangang magalit kay Symon nung nalaman mong mahal ka niya? Hindi ba dapat matuwa ka pa dahil alam mong may nagmamahal sa’yo?’, ang tanong ni Matt.

Parang uminit naman ang tenga ni Symon sa sinabi ni Matt. Lumagok ito ng beer bago bumaling dito. Nakaka-apat na bote na siya.

‘Matt, tama ka. Wala ka sa posisyon para sabihan ako ng ganyan! You don’t know the half of what happened! Wala kang karapatan na lumapit sa akin dito at i-push akong kausapin si Sy para ano? Para matanggal ang guilt na nararamdaman mo dahil alam mong mali ang ginawa mo?’, ang tuloy-tuloy na sabi ni Darrel sa isang moderate na tono.
Hindi na nakasagot si Matt at hindi na rin niya hinintay na paalisin siya ni Darrel sa table nito. Nagkusa na siyang lumabas. Bumalik naman si Symon sa stage at um-order muli si Darrel ng beer.

***

Nang matapos na ang pagkanta ni Symon ay dumiretso siya sa mga kaibigan. Isa-isa niyang niyakap ang mga ito. Medyo nag-overtime ang gig niya. Inabot ito ng 10PM kaya naman nagpaalam na rin agad ang mga ito dahil dumating na ang sundo nila. Si Symon naman ay hindi pa nakakapagtext sa kanyang mommy para sunduin siya. Inihatid na niya ang mga ito sa labas.

‘I can’t wait for your next gig. Magpapaalam ako ng mas late para makapag-bond pa tayo ng mas matagal.’, ang sabi ni Coleen.

‘Sure! Thursday ‘yan ah!’, ang sabi ni Symon.

‘Yup!’, ang sabi ni Coleen.

Isinabay na niya si Jeric. Si Shane naman ay sasabay kay Lexie. Nasa likod lang ng sasakyan nina Coleen ang sasakyan nina Lexie. Dito naman sunod na nagpaalam si Symon.

‘Thanks for coming ah.’, ang sabi ni Symon.

‘Here. Di ko nabigay kanina. Good luck/congratulatory gift namin sa’yo yan.’, ang pag-abot ni Lexie sa regalo.

‘Aww. You guys are the sweetest!’, ang sabi ni Symon habang binubuksan ang regalo.

‘Anong ‘namin’? Sa’yo lang galing... Ouch!’, ang sabi ni Shane na hindi natapos dahil siniko siya ni Lexie.

Isang tumbler ang laman ng regalo. Si Lexie lang ang gumastos para bilhin ito sa isang sikat na coffee shop.

‘Wow!’, ang reaksyon ni Symon.

‘Para may lalagyan ka ng water kapag kumakanta ka. Mahirap nang mauhaw.’, ang sabi ni Lexie.

‘Thanks, Lex, Shane.’, ang sabi ni Symon.

Nagpaalam na siya sa dalawang kaibigan. Sumakay na ang mga ito sa sasakyan ni Lexie. Babalik na siya sa loob ng PJ’s para makapagpahinga habang hinihintay ang pagdating ng kanyang ina nang harangin siya ni Matt.

‘Matt.’, ang nasorpresang sabi ni Symon.

***
‘Tara na. Ako na magda-drive, medyo may tama ka na yata.’, ang sabi ni Gap kay James.

Tumayo na sila at palabas na nang napansin ni James na nasa loob pa rin ng bar si Darrel. Tumigil siya sa paglalakad.

‘JR, una ka na sa sasakyan.’, ang sabi ni James at iniabot dito ang susi.

‘Nope. Tara na.’, ang sabi ni Gap nang mabasa nito ang gustong gawin ni James.

‘Please. I need this. I’ll just say goodbye.’, ang sabi ni James sa kanya.

Tiningnan naman ng matagal ni Gap ang kaibigan bago pumayag sa gusto nitong mangyari.

‘Okay. Bilisan mo ah. Nakainom ka. Wag kang gumawa ng eskandalo.’, ang sabi ni Gap.

‘Trust me.’, ang sabi ni James.

Lumabas na si Gap at nakita niya si Symon na may kausap na isang lalaki. Dumiretso na agad siya sa sasakyan na nasa gilid lang ng PJ’s. Naghintay na lang siya sa loob nito. Pumikit siya at umidlip sandali.

***
‘Darrel.’, ang pagtawag niya dito.

‘What now?’, ang galit na baling nito sa kanya.

‘I just... I just wanna end this all. Can we talk for the last time?’, ang tapang-tapangang sabi ni James.

Hindi na sumagot si Darrel. Umupo si James sa upuan sa tapat nito. Pinipigilan niya ang mga luha sa pagtulo.

‘Darrel, look at me.’, ang sabi ni James.

Nakayuko lang si Darrel. Inangat niya ang mukha pero hindi para tingnan si James. Inubos niya ang laman ng huling bote ng beer na iniinom.

‘I can’t do this!’, ang sabi ni Darrel bago lumabas.

Pagkalabas ni Darrel ay nakita niya si Matt at Symon na nag-uusap sa labas ng PJ’s. Tumingin sa kanya si Symon at patakbong lumapit sa kanya.

‘Kuya Darrel.’, ang sabi nito.

Bumaling si Matt sa direksyon na tinakbo ni Symon. Lumabas naman sa likod ni Darrel ang humahangos na si James.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment