Saturday, December 22, 2012

Shufflin' (16): Book 1

by: Lui

Tinulungan ni Gap si Symon na makatayo. Ang dumi ng kanilang mga polo. May gasgas si Symon mula sa pwersa ng pagkakahablot sa kanya ni Gap at napasubsob sila sa lupa. Naramdaman niya ang hapdi nito nang na-process na nang utak niya ang nangyari. Kasabay nito ay ang pagbalik din ng bigat na nararamdaman dahil sa katatapos lang na komprontahan sa pagitan nila ni Darrel.

'Next time, titingnan mo ang dinadaanan mo. Hindi titigil ang mga sasakyan kapag tatawid ka.', ang pagalit ni Gap kay Symon habang inaalalayan ito.


Sandali lang nakatayo ng tuwid si Symon. Sobra-sobra na ang nangyari sa kanya para sa araw na ito. Nagalit sa kanya ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya tapos muntik pa siyang masagasaan. Hindi na niya kinaya. Pinanghinaan na siya ng tuhod at pakiramdam niya ay hihimatayin siya. Pero bago pa man niya muling maramdaman ang mainit at maruming semento ay nasalo na siya ni Gap.

Buong lakas siya nitong itinayo muli. Nilagay niya ang kanang braso ni Symon sa kanyang kanang balikat para alalayan siyang maglakad. Pero hindi nag-respond si Symon. Hindi sumunod ang mga paa nito kahit na gusto nitong maglakad. Iba ang pakiramdam ni Symon ngayon, para siyang nakalutang.

'Dadalhin na kita sa clinic.', ang sabi ni Gap na may tono ng takot at concern.

Wala nang nagawa pa si Gap kung hindi buhatin si Symon papasok ng MSCA. Agad namang lumapit sa kanya ang guard at inalok siya ng tulong pero tinanggihan niya ito. Tinahak ni Gap ang daan papuntang clinic na buhat si Symon. Nanginginig na ang mga tuhod niya at tagaktak na ang kanyang pawis.

***

Ilang oras ding nakatulog si Symon. Nagising siya sa lamig ng clinic. Nang imulat ni Symon ang mga mata ay nakita niya ang ina na nakikipag-usap sa school doctor. Iginala niya ang mga mata sa clinic dahil first time pa lang niyang nakapasok dito. Maliit lang ito. Malinis. Nakakabingi ang katahimikan. At si Gap. Si Gap?

'Shit. Oo nga pala.', ang naisip niya.

Pumikit siyang muli at nagtulug-tulugan dahil ayaw niya pang mapagbalingan ng atensyon. Inisa-isa niya ang mga nangyari. Inisip niya kung paano humantong sa ganon ang nangyari sa kanila ni Darrel.

'Si Matt.', ang naisip niyang dahilan ng lahat ng ito.

Agad siyang napabangon sa realisasyong iyon. Halos mapatalon naman sa gulat ang mga nagbabantay sa kanya. Patakbong lumapit si Grace sa anak. Kasunod nito ang doctor habang si Gap naman ay napatayo sa kinauupuan.

'Anak, okay ka lang ba? Kamusta na ang pakiramdam mo?', ang alalang tanong ni Grace.

'Okay na po.', ang mahinang sagot ni Symon.

Tuyong-tuyo pala ang lalamunan niya kaya't humingi siya ng tubig para makainom. Matapos iyon ay niyaya na niyang umuwi ang kanyang ina. Ni-rekomendahan lang siya ng doctor ng kung anong pill na panlaban sa stress at nakalabas na sila ng clinic.

'JR, sabay ka na sa amin. Ihahatid ka na namin sa inyo.', ang sabi ni Grace.

Agad nang sumakay sa sasakyan si Symon at niyakap ang unan na nandun bago muling ipikit ang mga mata. Hindi pa siya nakakapagpasalamat kay Gap. Ayaw niya kasing gawin ito sa harapan ng ina.

'Naku, hindi na po.', ang nahihiyang sagot ni Gap.

'Hindi pwede. I owe you for saving Symon. Sige na, sakay na.', ang sabi ni Grace.

Sumakay na si Gap sa back seat katabi ni Symon. Ramdam sa kotse na ilang ito. Halos isiksik niya ang sarili sa may pinto ng sasakyan at pinagdarasal niya na sana ay makarating sila sa kanila ng mabilis. Mukhang sinagot naman ng Diyos ang dasal ni Gap dahil in less than an hour ay nasa tapat na sila ng kanilang bahay.

'Uhm. Thank you po.', ang sabi ni Gap sa ina ni Symon.

'No. Thank you, JR. Naku, kung wala ka dun, baka kung ano nang nangyari dito kay Symon.', ang sabi ni Grace.

Bumaba na si Gap sa sasakyan nina Symon at akma nang magda-drive palabas ng village si Grace nang pigilan siya ni Symon.

'Mom, wait. Hindi pa ako nakakapg-thank you. Wait in the car, please?', ang sabi ni Symon.

Mabilis siyang bumaba ng kotse at tinawag si Gap mula sa kabilang end ng street.

'Gap!!', ang sigaw niya habang binubuksan ni Gap ang gate.

Patakbong nilapitan ni Symon si Gap habang ang huli naman ay naglakad lang. Halos mag-aalas sais na iyon nang gabi at takip-silim na.

'Thanks, uhm, for saving me.', ang medyo ilang na sabi ni Symon kay Gap.

'Don't mention it. I should be the one thanking you.', ang sabi ni Gap na makipot na ngumiti.

Sa buong sem na nagkasama sila, ito lang yata ang moment na nakita niyang ngumit si Gap. kahit nung bumisita sila sa bahay nina Symon ay hindi ito ngumiti.

'What? Why?', ang tanong ni Symon.

'I talked to Lexie. Ire-report na daw niya 'yung ginawa ko nung play sa'yo pero, of all people, na pipigil sa kanya, ikaw pa. So, thank you. And sorry.', ang sabi ni Gap.

'I guess, quits na tayo.', ang sagot ni Symon bago niya ngitian si Gap.

Inilahad ni Symon ang kanyang kamay para makipag-shake hands kay Gap. Ngumiti naman si Gap na kita ang mga pantay-pantay na ngipin at kinuha ang kamay ni Symon.

'No more bullying.', ang sabi ni Symon.

'No more fights.', ang sabi naman ni Gap.

Nasa ganitong lagay sila nang mapansin ni Symon ang isang pamilyar na mukha na naglalakad sa kabilang side ng street nina Gap. Pilit niyang inalala kung saan niya ito nakita.

'Gap, kilala mo ba 'yun?', ang tanong ni Symon.

Sinundan ni Gap ang direksyon kung saan nakatingin si Symon.

'Oo! Si James yan. Kababata ko. Which reminds me, kelangan ko siyang makausap.', ang sabi ni Gap.

'Alright! Thanks again!', ang paalam ni Symon.

Tumalikod na ito at sasakay na sa kotse nang tawagin siya ni Gap. Agad naman siyang bumaling agad.

'Magpahinga ka ah.', ang sabi ni Gap.

***

'James!!', ang pagtawag ni Gap sa kaibigan.

Hinawakan ni Gap ang gate na binubuksan ni James para pigilan itong makapasok. Gusto niya lang kamustahin ang kaibigan dahil hindi na niya ito nakikita.

'Bakit?', ang malungkot na tanong nito.

'Kamusta?', ang tanong ni Gap.

'Ganon pa rin.', ang maikling sagot nito.

'Uy, wag ka namang ganyan sa akin. Mapag-uusapan naman 'to diba?', ang sabi ni Gap.

Tumingin sa kanyang mga mata si James. Nag-iisip ito kung hahayaan niya ba ang kaibigan na tulungan siya. Naisip niyang hindi niya ito kayang iwasan buong buhay niya at kailangan niya talaga ng kausap ngayon.

'Let's go inside.', ang yaya niya kay Gap.

Pumasok sila sa loob ng bahay nina James. Tahimik.

'Nasaan si Tita?', ang tanong ni Gap.

'May conference sa Ilo-ilo.', ang sagot ni James.

'Kelan pa? So, ikaw lang dito?', ang tanong ni Gap.

'Kanina lang umalis. Oo. Sa Sunday pa ang balik niya.', ang sagot ni James.

Nakaupo sa sofa si Gap at sa katabing couch naman umupo si James. Katahimikan ang nangibabaw. Nangangapa silang dalawa sa kung paano sisimulan ang usapan.

'Akala ko hindi mo na ako kakausapin dahil sa nalaman mo.', ang sabi ni James nang basagin nito ang katahimikan.

'Dude, ano ka ba. Para na tayong magkapatid. Syempre kakausapin pa rin kita.', ang sabi ni Gap.

'Salamat. Natakot kasi akong malaman mo.', ang sabi ni James.

'Wala 'yun sa'kin. You can perfectly be honest with me. Pero hindi ko alam na may malalim pala kayong pinagsamahan ni Kuya Darrel.', ang sabi ni James.

'It's nothing like that.', ang pagsisimula ni James ng kwento sa past nila ni Darrel.

Tahimik namang nakinig si Gap sa kwento ni James. Matapos iyon ay nilapitan niya si James at kinausap ito ng masinsinan.

'Huwag mo nang isiksik ang sarili mo sa taong ayaw naman sa'yo. You're better than that, believe me. Tama na 'yang pagiging malungkot mo.', ang sabi ni Gap.

'Pero siya lang ang makakapagpasaya sa akin.', ang sabi ni James.

'Kinukulong mo kasi ang sarili mo sa kanya.', ang sabi ni Gap.

Hindi na nakasagot si James dahil alam niyang tama naman ang sinabi ni Gap. Tinapik ni Gap si James sa balikat.

'Tama na nga 'tong kadramahan natin! Tara, dun ka na muna sa bahay. Nag-iisa ka pala dito.', ang yaya ni Gap.

***

Pagdating nina Symon sa kanilang bahay ay tinawagan niya agad isa-isa ang mga kaibigan para humingi ng tawad sa hindi nito pagsipot sa mall. Sinabi niya ang totoo pero hindi niya na binanggit kung ano ang reason behind nito. Natuwa naman sila nang nalaman na si Gap ang tumulong sa kanya. Si Jeric lang ang tanging pinagsabihan niya kung paano humantong ang lahat sa ganon.

'Je, alam na ni Kuya Darrel.', ang umiiyak na sabi ni Symon.

'Ang ano?', ang tanong ni Jeric.

Ikinwento ni Symon kung ano ang nangyari matapos ang kanyang meeting kay Tony hanggang sa pagligtas sa kanya ni Gap.

'Paano niya nalaman?', ang tanong ni Jeric.

'Si Matt.', ang sagot ni Symon.

'Yung barista sa PJ's?', ang tanong ni Jeric.

'Oo.', ang sagot muli ni Symon.

'Ano namang kinalaman niya dito?', ang naguguluhang tanong ni Jeric.

'E kasi... May something siya sa akin. Then, wala namang iba na pwedeng makakuha nung papel kung hindi siya kasi siya ang kasama ko nung nasulat ko yun.', ang paliwanag ni Symon.

'Wow, Symon. This is really serious. Anong plano mo?', ang sabi ni Jeric.

'I'm gonna talk to him tomorrow.', ang sabi ni Symon.

'Kelangan mo ba ng kasama?', ang tanong ni Jeric.

'Nope. I'm handling this my own. Thanks.', ang sagot ni Symon.

Kinabukasan ay pumunta si Symon kasama ang kanyang ina sa PJ's para iabot ang napirmahan nang kontrata. Gusto rin kasing makita ni Grace ang bar kung saan kakanta ang anak para naman makasigurado itong safe dito.

'So, how was it for you, Mom?', ang tanong ni Symon matapos nilang makausap si Tony.

'I love the place! My only worry is that baka uminom ka. Symon, tandaan mo, you're still a minor.', ang sabi ni Grace.

'Come on, Mom! You know I drink. Occasionally.', ang nakangiti niyang sabi sa ina.

'I know. Pero with this access to a lot of alcohol, I'm warning you.', ang sabi ni Grace.

'I know my limitations. Don't worry.', ang sabi ni Symon.

Nagpaalam siya na aakyat muna sa coffee shop at sunduin na lang siya sa gabi. Wala namang problema iyon para kay Grace dahil kikitain niya pa ang mga amiga para sa afternoon spa. Saturday at wala siyang pasok sa trabaho kaya ipa-pamper niya muna ang sarili.

Umakyat na si Symon sa coffee shop at hindi siya nabigo nang makita si Matt na naka-duty. Agad siyang nginitian nito bago gawin ang kanyang usual drink. Pagkalapit ni Symon sa bar ay nagbayad na lang ito.

'Hanggang what time ka?', ang tanong ni Symon.

'4PM.', ang sagot ni Matt.

'Does your offer still stand?', ang tanong ni Symon.

Naalala ni Matt ang invitation niya kay Symon noong huling beses silang nagkita na kumain sa labas. Ngumiti ito sa kanya.

'Of course. You don't mind waiting for an hour?', ang tanong ni Matt.

'No. I still have some things to think through. An hour would be worthwhile.', ang sarkastikong sagot ni Symon.

Umupo na ito sa dati niyang pwesto kung saan kita niya ang street sa labas at ang mga taong naglalakad dito. Ginawa niyang makabuluhan naman ang isang oras na paghihintay sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga kanta na kanyang kakantahin sa Tuesday. Hindi niya maialis rin sa isip si Darrel kaya naman ang mga kantang nailista niya ay puro may relasyon dito.

Para namang lumipad ang oras at nakaupo na sa harapan niya ang isang hindi naka-uniform na Matt nang matapos siyang makapagdesisyon sa panghuli niyang kakantahin.

'Let's go?', ang yaya ni Matt.

Hindi lubos maisip ni Symon kung paano nagagawa ni Symon na mag-pretend na wala itong ginawang masama sa kanya at buong ngiti pa itong nakakaharap sa kanya ngayon. Hinihintay lang niyang makalabas sila ng PJ's para hindi siya mag-eskandalo sa loob nito. Nang makababa na sila ay hindi na niya inantay pang makakain sila at kinompronta na niya agad si Matt.

'Why did you do it?', ang tanong ni Symon.

'Why did I do what?', ang maang-maangang tanong ni Matt.

'Come on, Matt! You know what I'm talking about.', ang sabi ni Symon.

Kahit na nagagalit na siya ay pilit pa rin niyang kinakalma ang sarili dahil hangga't maari ay gusto niyang mapag-usapan nila ito nang maayos.

'I don't know what you're talking about.', ang sabi ni Matt.

'Cut the crap!', ang medyo pagtaas ng boses ni Symon.

'Hey, what's wrong?', ang nag-aalalang tanong ni Matt kay Symon.

Hinawakan siya nito sa balikat pero agad niya itong tinanggal at tinulak si Matt. Kinwelyuhan niya ito at isinandal sa dingding sa tabi ng pinto ng PJ's.

'I'm trying to be nice here pero nakakainis na 'yang pagtatanga-tangahan mo! I know you were the one who put that note in Kuya Darrel's bag! Bakit, Matt??! Akala ko ba okay na tayo as friends?? Why do you have to ruin everything with me and Kuya Darrel?', ang galit na sabi ni Symon.

'Symon, I did it for us!', ang sabi ni Matt.

'Matt!! There's no us! Sinira mo lahat! Pati tiwala ko sa'yo sinira mo. I thought you were my friend!', ang sabi ni Symon.

'I can't be your friend. I don't wanna be your friend! You know, I like you.', ang sabi ni Matt.

'But you know that I love Kuya Darrel!! You should respect that!', ang sigaw ni Symon.

'But he doesn't love you! Nandito na ako o. Bakit sa kanya ka pa rin tumitingin?', ang sabi ni Matt.

'You're not Kuya Darrel! Besides, what am I gonna do with you? I can't even trust you! Sinira mo lahat, Matt!! Galit na galit ako sa'yo!', ang gigil na sabi ni Symon.

Umalis na si Symon. Sumakay na agad siya ng taxi dahil naririnig niya si Matt na humahabol pa sa kanya.

***

Nagising lang si Darrel nang Sabado ng gabi na iyon dahil sa maingay na pag-ring ng kanyang phone. Buong araw siyang nagkulong lang sa loob ng kwarto.

'Hello?!', ang galit niyang sagot sa tumatawag.

'Darrel, nasaan ka na?', ang tanong ni Dana.

Nalimutan niyang may lakad nga pala sila ni Dana ngayon. Pero wala siya sa mood lumabas at makihalubilo. Gusto lang niyang matulog.

'Nasa bahay. Sorry, next time na lang tayo umalis.', ang sabi niya.

'Bakit? Okay ka lang ba? May problema ba?', ang mga tanong ni Dana.

'Okay lang ako. Next time na lang.', ang sabi ni Darrel.

'Pupuntahan kita dyan.', ang sabi ni Dana.

'Wag na.', ang pagtanggi ni Darrel.

'Hindi ka okay e. Nararamdaman ko sa boses mo. Pupunta ako.', ang sabi ni Dana.

'Wag na nga. Ang kulit. Hindi rin ako lalabas ng kwarto ko.', ang sabi ni Darrel bago niya babaan ng telepono si Dana.

Nagtakip siya ng unan sa mukha. Nainis siya sa sarili dahil sa kanyang ginawa. Parang hindi niya biglang nakilala ang sarili dahil sa ikinilos.

'AAAAAARRGGGHH!!!', ang sigaw niya habang nakatakip pa rin ang unan sa kanyang mukha.

Nagagalit siya sa nangyari. Bakit pati si Symon? Bakit kailangang maulit pa ang nangyari sa kanila ni James? Hindi na niya naiintindihan ang mga pangyayari.

***

Naging mabagal para kay Symon ang takbo ng mga araw. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang isipin si Darrel. Tinetext niya ito pero hindi na siya nirereply-an. Kahit sa tawag ay hindi na ito sumasagot. Panay na rin ang practice niya pero si Darrel pa rin ang nasa isip niya.

'And I know this much is true
Baby, you have become my addiction
I'm so strung out on you
I can barely move'

Kahit papano naman ay gumaan ang pakiramdam niya nang mag-log in siya sa Facebook at nakitang gumawa pa ng event ang kanyang mga kaibigan bilang suporta sa kanyang pagkanta sa PJ's. Marami sa mga kaklase ang nagsabing pupunta upang mapanood siya. Pero parang lalo lang siyang kinabahan dahil mataas ang expectations sa kanya ng mga ito. Naalala niya na nangako si Darrel sa kanya na manonood ito.

'Pupunta kaya si Kuya Darrel?', ang tanong niya sa kanyang sarili.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment