Saturday, December 22, 2012

Shufflin' (24): Book 1

by: Lui

Mabilis na lumipas ang mga araw. Dumaan na ang Pasko at pumasok na ang bagong taon. Naging okay naman ang anim na magkakabarkada kahit na magkakahiwalay na sila. Sina Shane at Lexie ang madalas na magkasama. Minsan na lang kung sumama sa kanila sina Jeric at Coleen dahil mas pinagtutuunan ng pansin ng dalawa ang pagpapayabong ng kanilang relasyon. Si Gap naman ay lagi pa ring suporta kay Symon.

‘Ang tahimik mo.’, ang pagpansin ni Gap sa hindi pagsasalita ni Symon.


‘May iniisip lang.’, ang sabi ni Symon.

‘Tell me.’, ang sabi naman ni Gap.

Nakaupo ang dalawa sa park. Malakas ang hangin dito at hindi ganon kainit. Ito ang madalas nilang puntahan pagkatapos ng klase. Nakataas ang mga paa ni Gap sa table habang si Symon naman ay naka-slouch sa upuan.

‘What’s bothering you?’, ang tanong muli ni Gap nang hindi sumagot si Symon.

‘Us.’, ang maikling sagot ni Symon.

Kahit na seryoso ang pagkakasabi ni Symon ay medyo natuwa naman si Gap. Pilit niyang itinago ang ngiting nabubuo sa kanyang mga labi.

‘Us. Wow. There’s us.’, ang sabi ni Gap sa kanyang sarili.

‘What about?’, ang tanong ni Gap.

‘What happened nung retreat, I still don’t know the meaning of it. Nahihiya talaga akong i-open up ‘to sa’yo pero sobrang naba-bother na ako. Were you just carried away or what?’, ang kinakabahang sabi ni Symon.

‘Wait, are you talking about the... kiss?’, ang tanong ni Gap.

Tumango si Symon bago yumuko. Sa loob ng dalawang buwan ay nagtatanong siya sa kanyang sarili kung ano ba ang nangyari nung gabing iyon sa retreat nila. Bakit sila naghalikan ni Gap?

‘Miss mo na ba? Pwede naman natin ulitin kung gusto mo.’, ang pagloloko ni Gap.

‘Very funny.’, ang sarkastikong sagot ni Symon.

‘I just want you to be happy. With me.’, ang sabi ni Gap.

‘Wait. May gusto lang akong klaruhin. Are you, uhm, like me?’, ang pagtatanong ni Symon tungkol sa orientation ni Gap.

‘Not exactly.’, ang sagot ni Gap.

‘Oh. So, you’re bi?’, ang tanong muli ni Symon.

‘Yes, I guess. This is getting uncomfortable.’, ang sabi ni Gap.

‘So, nagkaroon ka na ng relasyon sa both guys and girls before?’, ang tanong ni Symon.

‘Sy.’, ang pagrereklamo ni Gap sa mga tanong nito.

‘Please. Just answer it. Minsan lang ako magtanong ng ganito.’, ang sabi ni Symon.

‘Okay. Yeah. I had one each.’, ang sagot ni Gap kahit na labag ito sa loob niya.

‘Magkasabay?!’, ang gulat na tanong ni Symon.

‘Hindi! Loko ka! Hindi ako ganon no.’, ang sabi ni Gap.

‘Okay, okay. E bakit...’, ang muli sanang pagtatanong ni Symon.

‘Hep! Tama na. Bukas na ulit ang tanong.’, ang sabi ni Gap.

Natawa naman si Symon sa ginawang pagpigil sa kanya ni Gap. Napalakas kasi ang boses nito kaya nagtinginan ang ibang estudyante.

‘Gap.’, ang seryosong pagtawag ni Symon sa atensyon nito matapos ang ilang minuto ng katahimikan.

‘Yeah?’, ang mabilis na baling sa kanya ni Gap.

‘I’m not yet ready.’, ang sabi ni Symon.

‘It’s okay. Di naman kita minamadali.’, ang sabi ni Gap.

‘Baka mapagod ka na. Tapos iwan mo rin ako.’, ang sabi ni Symon.

‘That will never happen.’, ang seryosong sagot ni Gap.

‘Thanks.’, ang sabi ni Symon.

Nagyaya nang umuwi si Gap pero wala pa ang sundo ni Symon kaya naman hindi rin agad sila nakaalis.
‘I have an idea. Tara.’, ang sabi ni Gap.

Tumayo na ito at naglakad palayo sa table nang mapansin na hindi kumilos si Symon. Binalikan niya ito.

‘Tara na.’, ang sabi ni Gap.

‘Wala pa nga akong sundo.’, ang sabi ni Symon.

‘Basta. Tara na muna.’, ang pagpupumilit ni Gap.

***

Naging rocky ang dalawang buwan para kina James at Bryan. Madalas silang hindi magkasundo at mag-away.

‘Pwede ba, James!! Tumahimik ka muna! Daig mo pa babae sa kakaputak!’, ang sigaw ni Bryan sa kanya habang naglalakad sila papunta sa naka-park na sasakyan ni Bryan.

‘Tinatanong lang naman kita kung saan ka nagpunta kagabi, nagagalit ka agad. Masama ba magtanong?’, ang sabi ni James.

‘Kelangan ba alam mo lahat ng lakad ko? Ha?’, ang galit na tanong ni Bryan.

‘Hindi naman. Pero nag-alala lang ako kagabi. Sabi mo kasi tatawagan mo ako, pero hindi mo naman ginawa.’, ang sabi ni James.

‘Nakatulog na ako, okay!!’, ang sigaw ni Bryan.

Narating na nila ang sasakyan ni Bryan at tumayo na sila sa magkabilang gilid nito. Sumakay na si Bryan habang si James naman ay parang napako ang mga paa sa kinatatayuan.

‘Sasakay ka ba o hindi?’, ang inis na tanong ni Bryan sa kanya.

Sumakay si James. Bago pa man ma-start ni Bryan ang makina ng sasakyan ay nagsalita na si James.

‘May tinatago ka ba sa akin?’, ang seryosong tanong ni James.

‘Anong drama na naman yan, James?’, ang reaksyon ni Bryan.

Hindi na nagsalita si James nang hindi sinagot ni Bryan ang kanyang tanong. Malakas ang hinala niya na may itinatago ito sa kanya. Kung ayaw magsalita ni Bryan, gagawa na lang siya ng paraan para malaman ito.

‘Ingat.’, ang mahinang sabi ni James kay Bryan nang marating nila ang gate ng village nila.

Agad siyang bumaba ng sasakyan at hindi na lumingon pa kay Bryan. Hindi siya nagsalita sa kahabaan ng biyahe at pinagbigyan ang sabi ni Bryan na manahimik siya.

Habang naglalakad ay nag-vibrate ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha sa kanyang bulsa at nakitang si Bryan ang nagtext.

Bryan: Sorry na.

Napangiti siya sa text nito pero hindi niya ito ni-replyan. Hahayaan niya munang lambingin siya nito dahil may nabubuong plano sa utak niya.

***

‘Saan ba tayo pupunta?’, ang tanong ni Symon habang palabas sila ng MSCA.

‘Uuwi.’, ang sagot ni Gap.

Binigyan siya nito ng isang nakakalokong ngiti. Na-gets naman ni Symon ang ibig sabihin ni Gap sa ngiting iyon.

‘Wow! Trip mo ako no?’, ang reaksyon ni Symon sa gustong mangyari ni Gap.

‘Hindi ah! It’s about time na maranasan mo ‘yun.’, ang sabi naman ni Gap.

‘No way.’, ang pagtutol ni Symon.

‘Tara na!’, ang paghila ni Gap sa kanya.

Nagpumiglas pa si Symon pero mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Gap. Tumawid sila sa kabilang side ng MSCA.

‘Agapito dela Cerna, Jr!! I’m not doing this.’, ang sabi ni Symon.

‘Yes, you are.’, ang sagot naman ni Gap.

Pinara agad ni Gap ang parating na jeep. Medyo puno ito. Binasa ni Symon ang route ng jeep na iyon.

‘MRT?!’, ang hindi makapaniwalang sabi niya.

‘Sasakay ba kayo?!’, ang galit na tanong ng driver.

Nagmadali naman si Gap sa pagpapasakay kay Symon sa jeep. Tinabihan ni Gap ito sa pag-upo. Isang babaeng estudyante ang katabi ni Symon. Halatang hindi komportable ito at tinitingnan isa-isa ang mga pasahero.

‘Relax. O ibayad mo.’, ang sabi ni Gap bago iabot sa kanya ang barya.

‘Ikaw na.’, ang bulong ni Symon sa kanya.

Inilagay ni Gap ang mga barya sa kamay ni Symon kahit na sinabi nito na ayaw niyang siya ang mag-aabot ng bayad.

‘Go.’, ang utos ni Gap.

Umurong ng kaunti si Symons a pagkakaupo at in-extend ang kamay para ipaabot ang bayad sa ibang pasahero. Nasa bandang gitna kasi sila nakaupo.

‘Ito po o.’, ang sabi ni Symon.

‘Anong ito po? Sabihin mo bayad po.’, ang sabi ni Gap.

‘Bayad po.’, ang pagsunod ni Symon.

Iniabot naman agad ng isang matandang lalaki ang kanyang bayad at ibinigay ito sa driver. Nagpasalamat si Symon dito.

‘Happy?’, ang baling ni Symon kay Gap.

‘Hmm. Not yet.’, ang nakangising sagot ni Gap.

Iyon na yata ang pinakamatagal na labinlimang minuto sa buong buhay ni Symon. Masakit sa ilong ang hangin na kanyang nalalanghap. Mainit ang kanyang pakiramdam at tumatagaktak ang kanyang pawis.

‘Bababa na tayo. Magpara ka ah.’, ang sabi ni Gap sa kanya.

‘Ikaw na, please.’, ang bulong ni Symon.

‘Ikaw na din. Nagawa mo na ngang magbayad e.’, ang sabi ni Gap.

Makalipas lang ang halos tatlumpung segundo ay sinabihan na siya ni Gap na magpara na para makababa na sila.

‘Uhm. Para?’, ang sabi ni Symon.

Hindi tumigil ang jeep na sinasakyan. Pinunasan ni Symon ang pawis na namumuo sa kanyang noo. Hindi umiimik si Gap.

‘Gap, ayaw naman tumigil e.’, ang sabi ni Symon.

‘Lakasan mo kasi.’, ang sabi ni Gap.

‘Para!!’, ang malakas na sigaw ni Symon.

Nagulat yata ang driver at napabigla sa preno. Nagsiksikan ang mga pasahero palapit sa driver dahil sa lakas ng impact. Ang bigat ni Gap ay nailipat kay Symon kasama ng mga bigat ng ibang katabi. Dahil hindi nakahawak sa hand rails, napasubsob naman si Symon sa katabi.

‘Ow! Shit!!’, ang sigaw ni Symon.

Ang ilan namang nakarinig sa reaksyong ito ni Symon ay binigyan siya ng masamang tingin. Para siguro sa mga ito ay napakaarte ni Symon. Hindi naman kasi siya sanay sa pagsakay sa jeep kaya naman sobrang na-out of blanace siya ng nagpreno ito ng malakas.

‘Baba na.’, ang utos ni Gap.

Agad namang sumunod si Symon at mabilis na bumaba sa jeep. Agad niyang sinipat ang lugar na binabaan. Ngayon lang yata siya nakapunta dito.

‘Tara.’, ang sabi ni Gap na nauna nang naglakad sa kanya.

Halos patakbo namang sumunod si Symon sa kanya. Umakyat sila papunta sa bilihan ng ticket. Napanganga si Symon nang makita ang haba ng pila sa ticket at ang dami ng tao sa loob ng station.

‘Dalawang Ayala.’, ang sabi ni Gap sa cashier matapos ang halos dalawampung minuto sa pila.

Sobrang inip na si Symon at iniisip lang niya kung paano sila makikipagsiksikan sa dami ng tao na nag-aabang ng train. First time niyang sumakay ng MRT. Iniabot sa kanya ni Gap ang kanyang ticket at pumasok na sila sa loob para makiabang na rin.

‘Wag kang lalayo sa akin. Yung gamit mo ah.’, ang paalala ni Gap.

Sa oras na ito, hindi niya alam kung maiinis ba siya o matutuwa kay Gap. Parehas niya kasing nararamdaman iyon. Naiinis siya dahil binigla siya nito sa pagko-commute nila. Pero natutuwa rin siya dahil nakita niya kung gaano ka-humble itong tao. Buong buhay niya ay hatid sundo siya ng kanyang mommy at ni hindi niya naisip na subukang sumakay sa jeep o sa MRT. Ang ginawang ito ni Gap ay nagsilbing parang eye opener sa kanya sa kung ano ang isang normal na buhay para sa isang regular na Pilipino.

Nang dumating ang tren na puno na rin ng mga tao ay sumikip ang paligid ni Symon. Yakap ng kanyang isang kamay ang bag na dala. Naramdaman na lang niya ang kanyang free hand na hinawakan ni Gap para hindi sila magkahiwalay. Mahigpit ang pagkakahawak ni Gap dito. Napangiti si Symon nang nakapasok na sila sa loob at nagsimula nang umandar ang tren.

‘Bakit ka nakangiti?’, ang tanong ni Gap.

‘Nakakatuwa lang. Kahit yata hindi na ako maglakad, makakapasok ako e.’, ang sabi ni Symon.

Tago ang mga kamay nilang magkahawak. Hindi rin naman ito pansin dahil sa dami ng tao. Ini-adjust ni Symon ang kamay at inilagay ang bawat daliri sa pagitan ng mga daliri ni Gap. Habang ginagawa niya ito ay nakatingin siya ng malalim kay Gap. Yumulo si Gap at kinuha ang panyo sa kanyang chest pocket. Nagulat si Symon sa biglang pagpupunas ni Gap sa kanyang noo na puro butil ng pawis. May mangilan-ngilang napatingin sa ginawang ito ni Gap pero wala siyang pakialam.

‘Ako na.’, ang sabi ni Symon.

‘Okay na.’, ang sagot ni Gap.

***

Kinabukasan, nagulat si James nang habang naglalakad siya palabas ng village ay may bumusina sa kanyang sasakyan at mabagal na sinabayan siya nito sa paglalakad.

‘Sakay ka na.’, ang sabi ni Bryan.

‘No, thanks.’, ang pagtanggi ni James.

‘I’m sorry, okay. Hop in.’, ang paglalambing ni Bryan.

Tumigil sa paglalakad si James at tiningnan niya si Bryan. Ang mga mata nito ay nangungusap at ang mga labi nito ay nakahikbi na parang bata.

‘Para kang tanga.’, ang natatawang sabi ni James.

Naglakad na siya papunta sa may passenger seat at sumakay na sa loob ng sasakyan. Agad na ikinulong ni Bryan sa dalawang malalaking kamay ang mukha ni James at siniil ito ng halik.

‘Bryan, baka may makakita sa atin. Ang aga-aga pa.’, ang sabi ni James nang pakawalan ni Bryan ang mga labi nito.

‘Na-miss lang kita.’, ang sagot naman ni Bryan.

‘Sa bahay ka tulog later?’, ang yaya ni James.

‘Hmm.’, ang pag-iisip kuno ni Bryan pero may ibig sabihin ang tingin nito kay James.

‘What’s with the dirty look?’, ang tanong ni James.

‘Thinking about the dirty things na gagawin natin mamaya.’, ang sabi ni Bryan.

‘Shut up and drive!’, ang utos ni James.

***

Napaaga ang dating ni Gap sa school kaya naman hindi siya nagmadaling umakyat papunta sa classroom nila. Bago pa man siya makaakyat ay tinawag siya ng isang kaibigan.

‘JR!’, ang pagtawag sa kanya nito.

‘Kuya Darrel!! Kamusta? Ngayon lang ulit kita nakita ah.’, ang sabi ni Gap.

‘Okay na naman. Hey, I need to ask you a little favour. Tara sa SC office.’, ang sabi ni Darrel.

Naglakad sila papunta sa SC office at nagkwentuhan hanggang marating iyon. Nagtanong si Darrel tungkol kay Symon at sinabi naman ni Gap na medyo okay na naman ito. Nalaman din ni Gap na official nang magkarelasyon sina Darrel at Dana. Natuwa naman si Gap sa balitang ito dahil alam niyang kailangan din ni Darrel ng isang taong mag-aalaga sa kanya.

‘I remember I saw you in high school na nagsasayaw. Contemporary, right?’, ang sabi ni Darrel nang makarating na sila sa station nito sa office.

‘Yup. Pero matagal na akong di nakakasayaw. Bakit?’, ang sabi ni Gap.

‘Two weeks from now, we’ll be having our Foundation Day. Ako ‘yung project head. Gusto ko sana mag-perform ka. Isang dance number lang naman. Maraming mga alumni ang pupunta.’, ang sabi ni Darrel.

‘What? Why? Bakit ako? Matagal na akong walang practice.’, ang sabi ni Gap.

‘E nagtanong-tanong na ako sa buong CA, walang marunong ng contemporary e. Puro hiphop lang. Para maiba naman. Yes?’, ang nakangiting sabi ni Darrel.

‘Kuya Darrel. Baka mapahiya lang kita.’, ang sabi ni Gap.

Habang lumalaki si Gap ay nakahiligan niya ang pagsasayaw. Noong siya ay nasa elementary ay ini-enrol siya ni Nancy sa isang ballet studio. Um-attend siya rito hanggang 2nd year high school. Na-enhance ang talent ni Gap nang ma-incline ito sa contemporary dance. Nakapag-perform na siya isang beses noong high school pa sila ni Darrel. Nakilala siya sa school dahil sa kagalingan dito. Pero nang tumungtong siya ng college ay hindi pa ulit siya nakapagsayaw sa harap ng maraming tao dahil wala namang pagkakataon para dito hanggang sa araw na ito.

‘Hindi yan. Ikaw pa! Alam kong hindi mo naman hahayaang mangyari yun. Dali na. Alam kong nung 4th year high school ka, naging dance superstar ka sa school natin.’, ang sabi ni Darrel.

‘Two weeks no?’, ang tanong ni Gap.

‘Oo. Kung kailangan mo ng room para pag-practice-an, sabihin mo sa akin.’, ang sabi ni Darrel.

‘Okay, sige.’, ang pagpayag ni Gap.

Nami-miss na rin niya ang pagsasayaw kaya naman kahit kinakabahan ay tinanggap niya ang offer ni Darrel sa kanya. Sayang din naman ang pagkakataon. Malamang ay magugulat ang lahat kapag nalaman ng mga ito na nagsasayaw pala siya dahil hindi niya pa nabanggit sa mga ito ang hilig.

‘Yes!! Thank you, JR!’, ang masayang sabi ni Darrel.

Naglakad na sila palabas nang SC office dahil kailangan nang umakyat ni Gap sa class room habang si Darrel naman ay pupunta sa Dean’s Office. Nang narrating nila ang lobby ay sakto namang naroon din si Symon at paakyat na rin sa classroom. Nakita agad silang dalawa nito at parang nakakita ito ng multo dahil bigla siyang namutla at hindi makagalaw.

‘Sy.’, ang pagtawag ni Gap sa kanya.

‘Hey.’, ang bati ni Darrel kay Symon.

‘Hey.’, ang sagot ni Symon bago nagmadaling umakyat.

Nagpaalam na rin agad sina Gap at Darrel sa isa’t isa at mabilis na hinabol ng una si Symon. Naabutan niya ito sa gitna ng hagdan.

‘Are you okay?’, ang tanong ni Gap.

‘No. Bakit magkasama kayo?’, ang inis na sagot ni Symon.

‘May in-ask lang siyang favour.’, ang sagot naman ni Gap.

Mabilis ang paglalakad ni Symon. Nang pumasok sila sa loob ng room ay tagaktak ang pawis nito. Agad namang tumabi sa kanya si Gap.

‘Namumutla ka.’, ang sabi ni Gap.

‘I’m okay.’, ang mahinang sambit ni Symon.
***

Magkasamang nag-lunch sina Symon at Gap sa labas ng MSCA. Nakakailang ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Bago pa man pumasok kaninang umaga ay hindi na maganda ang pakiramdam ni Symon. Lalo namang pinabigat ang kanyang nararamdaman nang makita niya si Darrel.

Magpe-perform siya ng gabing iyon sa PJ’s at maayos na ang kanyang playlist. Habang kumakain ay hindi niya maialis sa kanyang isip ang mukha ni Darrel na ngayon lang ulit niya nakita makalipas ang ilang buwan. Naging okay naman siya nang hindi niya ito nakikita. Pero parang nanumbalik ang lahat ngayong binati siya nito.

Alam ni Symon na panay ang sulyap sa kanya ni Gap habang kumakain sila. Nangangapa rin ito ng sasabihin sa kanya. Gustuhin man niyang makipagkwentuhan dito ng masaya kaso hindi niya magawa dahil sa pagsama ng pakiramdam at sa pag-iisip kay Darrel. Malaki ang pasasalamat niya at matiyaga itong sumasama sa kanya lagi kahit na may mga moments na nag-iinarte siya. Alam niyang may something sa kanilang dalawa. Attracted siya kay Gap. At alam niyang may pagtingin ito sa kanya. Hindi pa lang niya magawang palalimin ang pagtingin kay Gap dahil kay Darrel.

‘I need to change one song tonight.’, ang sabi ni Symon matapos biglang maisip ang isang kanta na bagay sa kanya ngayon.

‘Huh? Okay lang ba iyon sa band?’, ang tanong ni Gap.

‘Siguro. Itetext ko na lang sila. Tanungin ko.’, ang sabi ni Symon.

Nang matapos na silang kumain ay agad na silang bumalik sa loob ng campus. Kumikirot na ang ulo ni Symon at parang gusto niya nang humiga. Bumibigat na ang kanyang mga mata at pakiramdam niya ay mainit ang kanyang katawan. Pero hindi niya ito sinabi kay Gap. Natapos naman niya ang lahat ng klase sa hapon kahit na hindi maganda ang pakiramdam.

‘Rehearse muna ako. Saan ka niyan magse-stay?’, ang paalam ni Symon nang makalabas na sila ng building.

‘Sa coffee shop na lang muna sa taas. Para malapit lang ako sa’yo.’, ang sabi ni Gap.

‘Bakit ang cheesy mo?’, ang natatawang tanong ni Symon.

‘Kasi ikaw ang daga dito sa puso ko.’, ang corny na sagot ni Gap.

‘Bakit ka may daga sa puso?’, ang tanong ni Symon.

‘Loko ka! Diba ‘yun yung expression ng mga matatanda sa mabilis na heartbeat?’, ang hindi siguradong sabi ni Gap.

‘Hindi ko rin alam! Tara na nga.’, ang kinikilig na sabi ni Symon.

Mga limang minuto rin silang naglakad papunta sa PJ’s. Nagpaalam na agad si Symon papasok sa bar habang si Gap naman ay umakyat na sa coffee shop para makapag-isip ng kung anong kanta ang gagamitin para sa kanyang performance para sa Foundation Day.

‘Iced mocha.’, ang order ni Gap.

‘May I have your name for the cup?’, ang tanong ng barista.

‘Gap.’, ang sagot niya.

Parang namumukhaan ni Gap ang baristang ito pero hindi lang niya alam kung saan ito nakita. Nang makapagbayad na siya ay itinigil na rin niya ang pag-iisip dito dahil hindi naman importante.

‘One drink for Gap!’, ang sigaw ng barista.

Lumapit si Gap sa counter at kinuha ang kanyang drink, straw at tissue. Nakipag-engage pa siya sa isang small talk sa barista dahil nagtanong ito sa kanya kung tapos na ang kanyang klase.

‘Yeah. Just killing time.’, ang sagot ni Gap.

‘Hey, you really are familiar! Kanina ko pa iniisip kung saan kita nakita. Do you know Symon?’, ang sabi nito sa kanya.

‘Yeah. Oh, ikaw ba ‘yung kausap niya before sapakin ni Kuya Darrel yung friend ko?’, ang sabi ni Gap nang maalala niya kung saan ito nakita.

‘Ako nga. How is he?’, ang sabi nito.

‘Who? Symon? He’s doing good.’, ang sabi ni Gap.

‘Pakisabi na lang I said hi.’, ang pakiusap nito.

‘Sure, uhm, Matt.’, ang sabi ni Gap matapos basahin ang pangalan sa name plate nito.

***

As expected, puno pa rin ang PJ’s nang gabing iyon. Mag-isa lang sa table si Gap habang si Symon ay nasa stage at kumakanta. Napansin na agad ni Gap ang pagiging hindi okay ni Symon sa simula pa lang ng pagkanta nito kaya naman hindi na niya mahintay pa ang pagtatapos ng gig nito.

‘Last minute kong binago ang huling kanta ko tonight. I hope you’ll like it.’, ang sabi ni Symon bago nagsimula ang gitara sa pagtugtog.

Si Darrel ang kanyang nasa isip habang kinakanta ang bawat linya sa kantang ito. Masakit na kahit ilang buwan na ang lumipas ay naroon pa rin siya sa lugar kung saan siya mahal niya pa si Darrel.

‘I’m here without you, baby
You’re still on my lonely nights
I think about you, baby
And I dream about you all the time
I’m here without, baby
But you’re still with me in my dream
And tonight
It’s only you and me’

Malakas ang palakpakang natanggap ni Symon. Matapos kumanta ay tumanggap siya ng ilang requests mula sa audience bago pa masamahan si Gap sa kanyang table.

‘I love it. Hindi ako nagsasawang pakinggan ang boses mo.’, ang sabi ni Gap habang umiinom si Symon ng iced tea.

‘Thanks.’, ang sabi ni Symon.

Dumating na ang in-order niyang pagkain. Kumain na siya habang si Gap naman ay walang tigil ang pagkekwento.

‘Sabi nga nung barista sa taas kanina, hi daw.’, ang sabi ni Gap.

‘Sinong barista?’, ang tanong ni Symon bago kumagat sa burger na kinakain.

‘Si Matt. Nakita ko na kayo dating magkausap e.’, ang sabi ni Gap.

‘Ah. Okay.’, ang tanging naging reaksyon lang ni Symon.

Matagal na rin siyang walang naririnig mula kay Matt na minsan niyang naging matalik na kaibigan. Siya ang naging dahilan kung bakit nalaman ni Darrel ang pagtingin niya para dito. Nagalit siya kay Matt pero ngayon ay hindi na niya nararamdaman ang matinding emosyon dito.  Hindi lang niya alam kung handa na siyang makausap ito.

‘O, bakit hindi mo na inubos ‘yang kinakain mo?’, ang tanong ni Gap nang tumigil si Symon sa pagkain.

‘Wala na akong gana e. Malapit na rin si mommy. Hatid ka na namin.’, ang sabi ni Symon.

‘O sige. Nga pala, may surprise ako sa’yo in two weeks.’, ang sabi ni Gap.

Naging curious naman si Symon sa surprise na ito ni Gap pero kahit anong tanong ang gawin niya ay ayaw nitong magbigay ng clue. Dumating na si Grace makalipas lang ang sampung minuto. Tumayo na sila para makalabas na ng bar nang biglang mahilo si Symon at napahawak ito sa upuan.

‘Uy.’, ang mabilis na paghawak ni Gap sa braso niya.

Agad namang naramdaman ni Gap ang mainit na braso ni Symon. Inilagay niya ang kamay sa leeg nito upang sipatin kung may sakit ba ito.

‘Ang taas ng lagnat mo.’, ang nag-aalalang sabi ni Gap.

Naging sunud-sunod ang mga tanong ni Gap habang palabas sila ng bar. Hindi na alam ni Symon kung ano ang mga sasagutin sa dami ng mga ito.

‘Relax. Kelangan ko lang magpahinga.’, ang sabi ni Symon.

Sumakay na sila sa sasakyan. Si Symon ay nasa passenger seat habang nasa back seat naman si Gap.Nakipagkwentuhan sandali si Grace sa dalawa pero nanaig ang katahimikan nang nasa kalagitnaan na sila ng biyahe.

Nakatulog na si Symon. Nagising lang siya dahil sa pag-vibrate ng kanyang phone na nakalagay sa kanyang bulsa.

Gap: Uy.

Symon: Bakit?

Gap: Uminom ka agad ng gamot pagdating mo sa bahay ah.

Symon: Opo! Daig mo pa doctor sa pag-aalala.

Gap: E kasi naman, may lagnat ka pala. Sana di ka na lang tumuloy sa gig. Kanina pa ba yan?

Symon: Kanina pa  nung paggising ko pa lang.

Gap: :(((((

Symon: Bakit super sad?

Hindi na nakapagreply si Gap dahil nakarating na sila sa harap ng kanilang bahay. Nagpasalamat siya kay Grace bago bumaba. Nagpaalam siya kay Symon pero bumaba rin ito at nag-usap sila saglit.
‘Bakit bumaba ka pa? Mahahamugan ka.’, ang sabi ni Gap.

‘Seriously, Gap? Ano ako, bata?’, ang sarkastikong sabi ni Symon.

‘Magpahinga ka na agad ah.’, ang sabi ni Gap sa kanya.

‘Bakit ganon yung huling text mo?’, ang tanong ni Symon.

‘E kasi... Baka kaya ka nagkasakit e dahil sa pagko-commute natin kahapon. Baka nabigla ka sa germs.’, ang sabi ni Gap na seryoso pero natatawa.

‘Naisip ko rin ‘yun. Pero okay lang naman. Worth it naman e. Gusto ko nga ulit sumakay sa MRT e.’, ang sabi ni Symon.

‘O sige na. Naghihintay na si Tita.’, ang sabi ni Gap.

‘Tawag na lang ako pagdating namin.’, ang paalam ni Symon.

‘Sige. Ingat.’, ang paalam ni Gap.

***

Halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa sa ilalim ng iisang kumot. Malamig sa kwarto pero parang nagliliyab ang pakiramdam ni James habang nakayakap ng mahigpit ang dalawang hita sa katawan ni Bryan. Nakasabunot ang isa nitong kamay sa buhok ni Bry habang hinahalikan nito ang kanyang leeg.

‘Bry.’, ang mahinang ungol ni James.

Iniangat ni Bryan ang mga labi at nagpunta sa kaliwang tenga ni James. Ibinulong nito sa kanya kung ano ang gusto niyang gawin. Matapos iyon ay itinapat niya ang mukha sa mukha ni James at hinintay ang sagot nito.

‘Parang di ko yata kaya yun.’, ang sabi ni James.

‘Come on, James. Ilang beses na natin ‘tong ginagawa. Kumpletuhin na natin. May dala naman ako.’, ang sabi ni Bryan.

‘Palit na lang tayo ng posisyon.’, ang suggestion ni James.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ni James nang mga oras na iyon dahil natatakot siya sa gustong gawin ni Bryan. Alam niyang masakit iyon. Wala sa isip niya na gawin ito bilang the passive one dahil mas nakita niya ang sarili na gumagawa nito kesa sa gustong mangyari ni Bryan.

‘Dali na, James.’, ang paglalambing ni Bryan.

‘Natatakot ako, Bry. Masakit ‘yun e. Tsaka baka dumugo.’, ang sabi ni James.

Ang tanging rason lang naman kung bakit niya niyaya si Bryan na mag-sleepover ay dahil malakas ang pakiramdam niya na may tinatago ito sa kanya. Kun gagawin man niya ang gusto ni Bryan, hindi siguro sa panahong ito na nag-aalangan siya dito.

‘Not now, Bry.’, ang sabi ni James nang umalis ito sa pagkakayakap sa kanya at humiga sa tabi niya.

‘Yeah. As usual.’, ang sabi ni Bryan.

Niyakap ni James si Bryan at hinaplos-haplos ang dibdib nito. Makalipas lang ang ilang minuto ay naririnig na niya ang mahinang paghilik nito. Iniayos niya ang higa nito bago muling tiningnan kung talagang tulog na ito. Nang makasiguro na ay maingat na kinuha ni James ang cellphone nito at tiningnan agad ang inbox. Hindi siya komportable sa ginagawa pero ginawa pa rin niya para maalis na ang pagkabahala niya.

Puro mga texts lang niya ang kanyang mga nabasa sa inbox ng cellphone ni Bryan. Pero nang nasa bandang gitna na siya ay mga messages mula sa iba’t ibang sender ang kanya nang nabasa. Karamihan ng mga ito ay puro nagtatanong kung kelan sila magmi-meet. May mangilan-ngilang mga sexy texts ang kanyang mga nabasa. Sumunod niyang tiningnan ay ang sent items. Doon niya nakita ang isang text na sinned ni Bryan sa isang lalaking nagngangalang Neil.

Bryan: Sige, kita na lang tayo bukas. 7PM sa Megamall. Basta place mo ah.

Hindi maintindihan ni James kung bakit may ganitong mga texts si Bryan. Ang alam naman niya ay masaya silang dalawa at natutulungan nila ang isa’t isa. Pero mukhang mahirap yata tanggalin sa sistema ni Bryan ang kanyang nakagawian.

Maingat na ibinalik ni James ang phone sa bag ni Bryan. Humiga ito sa tabi niya at tinitigan niya ang gwapo nitong mukha.

‘Enough na kaya ang nararamdaman kong pagmamahal sa’yo para ipaglaban ka sa mga tukso na nakapaligid? Hindi naman kita masisisi kung hindi mo kayang i-resist dahil naging mundo mo na ‘yan. Pero worthy ka kaya para maging posibleng dahilan ng panibagong heartache?’, ang mga naglalaro sa utak ni James.

Nagulat naman si James nang humarap sa kanya ang nakatihayang si Bryan. Bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Napangiti naman si James sa ginawang ito ni Bryan at ikinulong niya sa kanyang palad ang isang kamay nito.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment