by: Lui
'Oh, my God! That's so sweet!!', ang
kinikilig na komento ni Lexie sa kwento ni Shane.
'What's so sweet?', ang pagsingit ni
Symon sa pag-uusap ng dalawa.
Kadarating lang ni Symon sa room at
wala pa sina Jeric at Coleen. Kakaunti pa lang ang laman ng class room. Ang
halos lahat ay hawak na hand out para sa final exam sa araw na ito.
'Haven't you heard about the latest?',
ang tanong ni Shane kay Symon.
'Uhm. No? I don't gossip.', ang sagot
ni Symon na may tono ng panghuhusga sa kaibigan.
'This isn't gossip. It's all over the
school now.', ang sabi ni Shane.
'So, what's the real score between the
two of them?', ang kinikilig pa ring tanong ni Lexie.
'No one knows.', ang sabi ni Shane.
'Haaaaay! Grabe, sana makilala ko na
rin ang magiging Darrel ng buhay ko.', ang sabi ni Lexie na pasimpleng tumingin
kay Symon.
Ang bilis naman ng reaksyon ni Symon
nang narinig niya ang pangalan ni Darrel. Agad itong nagtanong kay Shane kung
involved ba si Darrel sa pinag-uusapan nila.
'Oo kaya. Kagabi kasi yung last
performance ni Ate Dana sa PJ's. Sayang, hindi natin siya napanood. She
dedicated the last song to Kuya Darrel. And ang sweet!! Nag-kiss sila after
kumanta ni Ate Dana and before ibigay ni Kuya Darrel yung bouquet of flowers sa
kanya.', ang pag-uulit ni Shane sa kwento.
Hindi naman agad makapag-react si
Symon. Bakit hindi nababanggit sa kanya ito ni Darrel? E magkausap lang sila
kagabi sa text. Medyo sumama ang loob ni Symon at inabala na lang ang sarili sa
pag-aaral.
Maagang natapos si Symon sa exam kaya
naman mas nauna siyang lumabas ng class room sa mga kaibigan. 10.30 pa lang
yata iyon ng umaga. Labinlimang minuto na siyang naghihintay sa park nang
makareceive siya ng text.
Darrel: Walang good luck?
Hindi pumalya si Symon sa pagtetext
kay Darrel ng good luck mula sa umpisa ng finals. Pero ngayon wala siya sa mood
makipag-usap dito. Naunang dumating sa park si Jeric.
'O himala, hindi mo yata kasama si
Coleen ngayon.', ang sabi ni Symon.
'Why so sarcastic?', ang tanong ni Jeric.
'Nothing. I just noticed since you two
have been together, we haven't bonded as a group na.', ang pagsasabi ni Symon
sa napuna.
'Really?', ang sabi ni Jeric na may
tono ng guilt.
'Wag mo na akong pansinin. I'm just
having a bad day.', ang sabi ni Symon.
Natawa naman si Jeric dahil
naintindihan nito kung bakit ganon si Symon sa araw na iyon.
'You know what, napaka-sensitive at
predictable mo.', ang sabi ni Jeric.
'Wow, look who's talking. Ikaw nga
hindi ka lang mabigyan sandali ni Coleen ng attention, walk out agad.', ang
sabi ni Symon.
Natahimik naman si Jeric sa sinabing
ito ni Symon. Wala na siyang mailaban dito kaya naman in-open na niya ang
topic.
'So, you've heard?', ang tanong ni
Jeric.
'Heard what?', ang tanong ni Symon.
'About Kuya Darrel.', ang sabi ni
Jeric.
'Yeah.', ang malungkot na sabi ni
Symon.
Magkakasabay na dumating ang tatlong
babae. Nakasimangot si Lexie at nagmamadali itong lumapit kay Symon. Nakahabol
naman ang dalawa sa kanya.
'Symon! Alam ko na kung bakit nawala
ang audio mo nung musical. We have finally connected all the dots.', ang
seryosong sabi ni Lexie.
'What? I mean, how?', ang gulat na
tanong ni Symon.
Sa totoo lang, nawala na ito sa
kanyang isip dahil naging maganda naman ang resulta nito kaya't hinayaan na
lang niya.
'Abby, Erwin and I just talked and
finally napagdugtong-dugtong na namin ang mga pangyayari. Gap did it!', ang
sabi ni Lexie.
'What?!!', ang gulat na reaksyon ni
Jeric.
Para namang hindi na bago ito kay
Symon dahil simula't sapul ay alam naman niya na ito ang may pakana ng
pagkasira ng audio niya. Hindi siya makaimik agad at malalim na nag-isip.
'Narinig mo ba ang sinabi ko? May
reason siya para gawin sa'yo yun! Sobrang init niyo sa mata ng isa't isa.', ang
sabi ni Lexie.
'I know.', ang sabi ni Symon.
'What do you mean?', ang pagsingit ni
Coleen.
'I know he did it!', ang sabi ni
Symon.
'Since when?', ang tanong ni Lexie.
'Since the plug has been pulled!', ang
sagot ni Symon.
'Bakit hindi ka nagsalita? Hinayaan mo
lang na magpatalo ka sa kanya ng ganon?', ang sabi ni Shane.
'Hayaan nyo na. Wag nyo nang palakihin
ang gulo. Tapos na yun e.', ang sabi ni Symon.
'No! Dapat malaman 'to ni Ms. Ellie!',
ang sabi ni Lexie.
Tumalikod na ito at magmamartsa na papunta
kay Ms. Ellie nang pigilan siya ni Symon.
'ALEXIS!!!', ang sigaw ni Symon dito.
Napatigil naman si Lexie sa laki at
lakas ng boses ni Symon. Pati ang ibang kaibigan ay halos kilabutan sa takot.
Humarap si Lexie.
'Let it go already!', ang mahinahong
sabi ni Symon.
Labag ito sa kalooban ni Lexie dahil
sobrang naawa siya kay Symon nang nasa stage ito noong nakaraang Biyernes.
Gusto niyang panagutin si Gap sa ginawa niya.
'But...', ang pagpipilit pa sana ni
Lexie.
'No. I don't want any more trouble
with him!', ang sabi ni Symon.
***
Walang pasok ngayon si James kaya't
buong araw lang siyang nagkulong sa kwarto. Mabigat ang pakiramdam nito simula
pa nang magkita muli sila ni Darrel. Pero ang gulo ng buong sistema niya.
Parang may kung anong humihila sa kanya na makipagkita ulit kay Darrel kaya
naman kahapon ay bumalik ito ng MSCA para sumabay ulit kay Gap mag-lunch at
makita si Darrel. Pero hindi naging maganda ang kinalabasan nito. Dahil sa
isang sentence na sinabi sa kanya ni Darrel ay nag-uumapaw pa rin ang galit
nito sa kanya. Masakit iyon para sa kanya dahil ilang taon siyang naghintay na
makita itong muli. Blessing in disguise talaga na sa MSCA nag-aral si Gap kaya
naman mas napadali ang pagpunta niya dito. Natagalan lang siya sa pagtyempo.
Kinuha niya ang isang bagay na nasa
ibabaw ng kanyang bedside table ang tanging alaala niya ng pagkakaibigan nila
ni Darrel. Naalala niya ang araw kung kelan niya nakuha ito...
'Je-je-je-james!!!', ang bati ni
Darrel sa kanya isang araw nang magkita sila sa mall.
Nasa third year high school pa lang
sila noon. Sa isang shop kung saan puro action figures ang binebenta sila
nagkita.
'Ang tagal, grabe!!', ang angal ni
James.
'Na-traffic lang. Anong tinitingnan
mo?', ang sabi ni Darrel.
'Itong Kobe Bryant na action figure.
Tingnan mo. Astiiiiiig!', ang sabi ni James.
Lumabas na sila doon at nagpunta na ng
bookstore kung saan sila bibili ng materials para sa isang project sa chemistry
na by partner. Matapos bumili ay kumain ang dalawa sa isang fast food chain.
'Grabe ka!', ang sabi ni Darrel kay
James.
Dalawang order ng isang value meal na
naka-large ang in-order ni James. Nasa kasagsagan pa ito ng paglalaro ng
basketball kaya napakalakas kumain.
'Bakit ba? Gutom ako e!', ang sabi ni
James.
'Sige, kumain ka na! Sandali, punta
muna ako ng CR.', ang paalam ni Darrel.
'Bastos ka talaga. Dalian mo.', ang
sabi ni James.
Kahit na gutom na gutom na siya ay
hinintay niya si Darrel bago kumain. Mga ilang minuto lang naman ang hinintay
niya at bumalik na agad ito.
'Buong bituka mo ba nilabas mo?', ang
tanong ni James.
'Sira! O!', ang sabi ni Darrel at
ipinatong sa table ang isang plastic bag na may box sa loob.
'Ano 'to? Bomba?', ang bulong ni
James.
'Loko ka! Pag may nakarinig sa'yo,
mai-interrogate pa tayo! Tingnan mo na lang. Daming arte.', ang sabi ni Darrel.
Punong-puno ang bibig ni James na
binuksan niya ang box at nakita ang action figure ni Kobe Bryant na kanina lang
ay tinitingnan niya sa shop kung saan sila nagkita. Nanlaki ang mga mata niya
nang mahawakan niya ito.
'Seryoso kang binili mo 'to?', ang
tanong ni James.
'Hiniram ko lang! Sosoli ko din agad.
Papatakamin lang kita.', ang sarkastikong sabi ni Darrel.
'Gago!', ang sigaw ni James sa kanya.
'Wow! Namura pa ako. Nakalibre na nga
sa action figure!', ang sabi ni Darrel.
'Joke lang. Labyu!', ang sabi ni
James.
'YUCK!!! Tigilan mo!', ang sabi ni
Darrel.
'Salamat, dude. Seryoso.', ang sabi ni
James na muling puno ang bibig.
Hawak ang action figure na iyon na
nakasilid sa box ay naluluha si James na naalala ang araw na ibinigay ito ni
Darrel sa kanya. Marami pang mga alaala ang binalikan niya. Matagal din niyang
sinisi ang sarili kung bakit siya nagpadala sa sweetness ni Darrel. Sa lahat
naman kasi ng taong nakakasalamuha nito ay ganito ito. Masyadong sweet at ang
lakas ng charisma ni Darrel bilang isang lalaki. Natigil lang ang
pagmumuni-muni ni James nang may sunud-sunod na katok ang narinig niya mula sa
kanyang pinto. Mabilis niyang inilagay sa ilalim ng kama ang box bago buksan
ang pinto.
'O, JR!', ang gulat na bati ni James
nang makita ang naka-uniform pa ito.
'Busy ka ba?', ang tanong nito.
'Hindi naman. Bakit? Nagkamali ka yata
ng pinasukang bahay.', ang sabi ni James.
'Dito muna ako. Kelangan ko lang ng
kausap. Wala pa si Mama.', ang sabi ni Gap.
'Bakit? Anong nangyari?', ang tanong
ni James.
Umupo na si Gap sa kama ni James at
nagtanggal ng sapatos at polo. Kinakabahan ito at medyo nanginginig na.
'Nalaman na nila kung anong ginawa ko
nung play. For sure, magsusumbong si Lexie kay Ms. Ellie. Patay ako. Baka hindi
ako bigyan ng grade.', ang sabi ni Gap.
'Wait, wait! Hindi ako makasunod. Ano
bang ginawa mo nung play?', ang tanong ni James.
Ikinwento ni Gap kung paano niya
sinabotahe ang performance ni Symon para makaganti siya rito.
'Seriously, JR? Pinaabot mo pa yun
dun??', ang inis at hindi makapaniwalang reaksyon ni James.
'I know, sobrang immature!! Nadala
lang ako.', ang sabi ni Gap.
'Ayaw mo ba silang kausapin para hindi
na sila magsumbong?', ang tanong ni James.
'Ayoko!!', ang violent reaction ni
Gap.
Lumapit si James sa kaibigan at
sinabihan ito na mag-relax lang. Napayuko siya at nakita sa sahig ang mga
doodles niya ng pangalan ni Darrel. Hindi niya nailagay ng maayos sa box ang
lahat dahil sa sobrang pagmamadali. Agad niya itong tinapakan at pasimpleng
inilagay sa ilalim ng kama.
'Chill ka lang, dude.', ang sabi ni
James.
***
'Hi!', ang bati ni Matt pagkapasok ni
Symon sa coffee shop ng PJ's.
Ngumiti naman si Symon sa kanya. Umuwi
na si Lexie habang may date naman sina Jeric at Coleen. Si Shane naman ay
kasama ang mga high school friends. Hindi maganda ang araw niya kaya naisipan
niyang magpunta na lang sa PJ's mag-isa.
'Everything alright?', ang tanong ni
Matt nang maramdaman ang mababang energy ni Symon.
'Yup! Just had a hard time sa exam
kanina.', ang pagsisinungaling ni Symon.
'Okay lang yan. I'm just about to have
my break. Do you mind if I join you?', ang tanong ni Matt.
'No. I'll just sit over there.', ang
sagot ni Symon bago ituro ang upuan malapit sa glass wall.
Um-order na ito bago umupo. Si Matt na
ang magdadala ng kanilang drinks. Habang hinihintay siya ay inilabas ni Symon
ang kanyang notebook at ballpen. Nagsulat lang siya ng kung ano-ano. Lumipad
ang kanyang isip at hindi niya namalayan na mga pangalan niya at ni Darrel ang
kanyang sinusulat.
'Here's you drink.', ang sabi ni Matt.
Halos mahulog naman si Symon sa
kanyang upuan sa sobrang gulat. Agad niyang pinilas ang papel na sinusulatan at
ini-crumple ito.
'Okay ka lang ba talaga? You seem a
little off today.', ang sabi ni Matt.
'Yeah, yeah. Maybe I just need a
little sip of this.', ang sabi ni Symon bago inumin ang kanyang kape.
'Nagkwentuhan lang silang dalawa
hanggang sa matapos ang break ni Matt. Hindi naman agad umalis si Symon dahil
naisipan niyang magbasa na din para sa exam bukas.
'Gusto mo bang kumain later after ng
shift ko?', ang tanong ni Matt sa kanya.
'Uhm. I don't know if I'm gonna stay
that long.', ang sagot naman ni Symon.
'Oh. Okay. But if you will, let's grab
something to bite. Alright?', ang sabi ni Matt.
'Okay.', ang nakangiting sagot ni
Symon.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam
ni Symon sa pakikipagkwentuhan niya kay Matt. Nakilala niya pa ito ng mas
malalim at talagang napapatawa siya nito sa mga silly jokes niya. Inilagay na
ni Matt sa isang tray ang kanyang cup, ang plato na pinaglagyan ng sandwich,
mga nagamit na tissue at ang papel na sinulatan ni Symon.
'Alright. So, I'll just talk to you
later.', ang paalam ni Matt.
Nang mag-isa na lang si Symon ay
inilabas na niya ang libro at nagsimula na siyang mag-aral. Halos isang oras
din siyang tuluy-tuloy lang na nagbabasa tungkol sa Philippine History nang
mapatigil siya.
'Nandito ka lang pala.', ang sabi ni
Darrel.
'Kuya Darrel!', ang gulat na bigkas ni
Symon sa pangalan ng estudyanteng nasa harap.
Napabaling sandali si Symon sa bar at
nakita niyang tumingin si Matt kay Darrel pero hindi ito tumingin sa kanya.
Disgusted ang tingin na ibinigay nito dito.
'Bakit hindi ka nagrereply?', ang
tanong ni Darrel nang makaupo na ito sa harap ni Symon.
'Uhm. Hindi ko napansin na nagtext ka
e. Sorry.', ang ilang na sagot ni Symon.
'May problema ba? You look a little
sick today.', ang sabi ni Darrel.
'I'm fine. Don't worry. I'll read
muna.', ang sabi ni Symon.
Hindi alam ni Symon ang sasabihin kay
Darrel. Natatakot siya na magtanong pa ito kung anong problema dahil baka
masabi niya na ang totoong rason. Ibinalik ni Symon ang headset sa kanyang mga
tenga na kanina ay tinanggal ni Darrel.
'Hey.', ang pagpansin ni Darrel sa
kasungitan ni Symon.
Muli niyang hinila ang headset nito
para marinig siya ni Symon.
'Anong problema?', ang tanong ni
Darrel.
'Wala po. Kelangan ko lang mag-aral.',
ang sabi ni Symon.
'Anong ginagamit mong music player?',
ang tanong ni Darrel.
'Huh?', ang reaksyon ni Symon sa medyo
off na tanong ni Darrel.
'Anong iPod ang gamit mo?', ang tanong
ni Darrel.
'Yung iTouch ko.', ang sagot ni Symon.
Bigla namang lumungkot ang mukha ni
Darrel at sumandal sa upuan.
'Hmm. Hindi mo pa nabubuksan ang
regalo ko sa'yo no?', ang tanong nito.
Biglang bumalik sa isip ni Symon ang
mga nangyari noong birthday niya kung saan una niyang nakita na naghalikan sina
Darrel at Dana kaya naitapon niya ang regalo ni Darrel sa kanya. Pero kinuha
ito ni Jeric. Pero nasaan na ito?
'Uhm. Hindi pa.', ang sagot ni Symon
habang iniisip niya kung saan inilagay ang regalo na iyon.
'Pero nasayo pa?', ang tanong ni
Darrel.
'Oo naman! Bakit naman mawawala?', ang
sagot ni Symon.
Hindi na pinansin ni Darrel ang tanong
ni Symon at nagpaalam nang aalis.
'Saan ka pupunta?', ang tanong ni
Symon.
'Balik na lang siguro ako sa school.
May ikekwento sana ako sa'yo kaso mukhang badtrip ka. You just text me when
you're okay na. Ingat ka.', ang sabi ni Darrel.
Tumayo na ito at lumabas ng PJ's.
Nanghinayang naman si Symon sa nangyari. Hindi niya alam kung nagtampo ba sa
kanya si Darrel o ano.
***
Paglabas ni Darrel ng PJ's ay tinahak
na nito ang daan pabalik ng MSCA nang natigilan siya sa pagtawag sa kanya ng
isang pamilyar na boses.
'Darrel.', ang sabi nito.
Humarap si Darrel sa pinanggalingan ng
boses na nakakunot ang noo.
'James. Anong ginagawa mo dito?', ang
tanong ni Darrel.
'Gusto ko lang sana makipag-usap
sa'yo.', ang sabi ni James.
'No way.', ang sabi ni Darrel bago
tumalikod at naglakad palayo.
Humabol naman agad si James sa kanya.
'Huli na 'to. Just give me this one
last chance to talk to you.', ang sabi ni James.
'Okay. Make it quick.', ang sabi ni
Darrel.
'You still haven't forgiven me, have
you?', ang tanong nito sa kanya.
'No.', ang maikli at malamig na sagot
ni Darrel.
'I thought we're good before grad.',
ang sabi ni James.
'I tried. Pero hindi ko na makita ang
dating James e.', ang sabi ni Darrel.
'I'm still me. Look, we've wasted some
years. I miss being with my best friend.', ang sabi ni James.
'Hindi nasayang ang tatlong taon,
James, simula nang nagkagulo tayo. Alam mo kung ano yung nasayang? Yung mga
taon na pinagkatiwalaan kita bago ka nagpadala dyan sa emosyon!', ang matigas
na sabi ni Darrel.
'Let's fix this. Hindi pa naman huli
ang lahat.', ang sabi ni Darrel.
'No. Wala nang aayusin pa, James. Our
friendship is done. It's been done a long time ago.', ang sabi ni Darrel.
Tuluyan nang umalis si Darrel at
naiwan si James na nakatayo sa harapan ng PJ's. Habang nakatingin si James sa
kaibigan ay na-realize niyang wala na talagang pag-asa pang maibalik ang pagkakaibigan
nilang dalawa. Naiipon na ang mga luha sa kanyang mga mata kaya naman tumingala
siya upang pigilan ang mga ito sa pagbagsak.
'Sino kaya 'to?', ang tanong ni Symon
habang tinitingnan niya si James na nasa baba.
Sa may glass wall siya nakaupo kaya
kita niya ang labas. Nang umalis si Darrel ay sinilip niya ito kaya nakita niya
ang pag-uusap ng dalawa.
***
'Sir Tony!', ang sabi ni Matt nang
makitang umakyat ang boss sa coffee shop.
'Matt. Tinawagan ako ni Sally, sabi
niya nandito daw si Symon Gonzales.', ang sabi ni Tony.
Tony Valdez. Siya ang bartender/host
sa PJ's bar sa baba at co-owner ng PJ's Bar and Coffee Shop. Nasa early
thirties na ito at masaya sa kanyang pamilya. Matipuno pa rin ang pangangatawan
nito at hindi maikakailang may mga nagkaka-crush pa ring mga estudyante sa
kanya. Si Sally naman ang manager ng coffee shop.
Nagtataka naman si Matt kung bakit
hinahanap ng kanyang boss si Symon pero itinuro pa rin niya kung saan ito
nakaupo. Nagpasalamat naman si Tony dito bago lumapit kay Symon.
'Hi. Symon Gonzales?', ang sabi ni
Tony paglapit kay Symon.
'Yes.', ang sagot si Symon.
'I'm Tony Valdez. Co-owner of PJ's Bar
and Coffee Shop.', ang pagpapakilala nito sa sarili.
Tumayo si Symon upang makipagkamay
dito. Inimbita niya itong umupo kahit na nagtataka siya sa paglapit nito sa
kanya.
'I heard about your little performance
last week. I am good friends with Ms. Ellie.', ang sabi nito sa kanya.
'Oh.', ang tanging nasabi ni Symon.
'How old are you?', ang tanong ni
Tony.
'17 po.', ang sabi ni Symon.
'Hmmm.', ang sabi ni Tony habang
nag-iisip.
Naghintay naman si Symon sa susunod na
sasabihin nito. Medyo nai-intimidate siya na kausap ito kaya naman naisip niya
na sana ay umalis na ito.
'Okay. I'd like to offer you
something. Sing at the PJ's bar. P1,000 per set. Twice a week.', ang sabi ni
Tony.
Hindi naman makapaniwala si Symon sa
kanyang narinig. Kinabahan siyang bigla.
'Pero bawal po ang minors sa bar
diba?', ang tanong nito.
'Yeah. But you're not there to drink
naman. But, of course, kelangan ng consent form from your parents. So what do
you say?', ang sabi ni Tony.
'Let me talk to my mom first.', ang
sabi ni Symon.
'Okay. Here's my calling card. Call me
whenever you're ready.', ang nakangiti nitong sabi bago tumayo.
***
Over dinner ay plano ni Symon ipaalam
sa kanyang ina at mga kapatid ang offer na kanyang natanggap mula kay Tony.
Kaya naman kabado siya habang kumakain silang lahat sa dining area ng kanilang
bahay.
'I have something to tell you, guys.',
ang sabi ni Symon.
'Yes?', ang sagot ng ina habang sina
Maxine at Hanna ay nakatingin kay Symon.
'Remember when I sang nung play? And
you know PJ's naman diba? The co-owner talked to me earlier today and he wants
me to sing at the bar.', ang sabi ni Symon.
'Wow!!! Magiging singer na si Kuya!!',
ang excited na sabi ni Maxine.
'OA, Max? Bar lang yun, hindi naman
sikat.', ang sabi ni Hanna.
'So, are you considering it?', ang
tanong ni Grace.
'I want to do it. Sembreak na rin
naman. So, I figured it's something worthwhile to do.', ang sabi ni Symon.
'How about when school starts again?',
ang tanong ni Hanna.
'Twice a week lang naman iyon tsaka sa
gabi naman.', ang sagot ni Symon.
'E how much are they paying you?', ang
tanong ni Grace.
'P1,000 per set. Which means 4 songs.
They need a consent form from you, though. Since minor pa ako.', ang sabi ni
Symon.
'I'm cool with it. As long as hindi
iyan makakaapekto sa pag-aaral mo. At least, at an early age, mararanasan mong
magtrabaho at kumita ng sariling pera.', ang sabi ni Grace.
'Seriously?', ang masayang sabi ni
Symon.
'Seriously.', ang sagot ng ina.
'Okay. I won't let it affect my
grades. Thank you, Mom! You're the greatest!', ang sabi ni Symon bago humalik
sa pisngi ng ina.
Matapos kumain ay agad na umakyat si
Symon sa kwarto at tinawagan niya si Tony. Magkikita sila bukas ng hapon
pagkatapos ng exam ni Symon para pag-usapan ang kontrata. Sobrang saya ng
nararamdaman ni Symon. Nalimutan na niya ang pagsama ng araw niya dahil sa
balita tungkol sa nangyari kina Darrel at Dana. Pero muli niya itong naalala
nang makita niya ang isang regalo sa bandang ilalim ng kanyang study table.
'Kuya Darrel.', ang bulong ni Symon sa
sarili.
Agad niya itong kinuha at binuksan.
Nanlaki naman ang mga mata niya sa nakita. Hindi ito ang in-expect niyang
matatanggap mula kay Darrel dahil nang mga panahon na iyon ay halos kakakilala
lang nila. Agad niyang kinuha ang phone at tinawagan ito.
'Hello, Kuya Darrel.', ang sabi ni
Symon nang sagutin ni Darrel ang tawag niya.
'O, okay ka na ba?', ang tanong nito.
'Oo. Nakita ko na ang regalo mo sa
akin. Hindi ba masyado 'tong mahal?', ang sabi niya habang hawak ang box.
'Okay lang. Regalo ko yan sa'yo.
Pansin ko kasi ang hilig mo sa music. Kaya ayan.', ang sabi ni Darrel.
'Thank you. Ano nga pala 'yung
sasabihin mo sakin dapat kanina?', ang sabi ni Symon.
'Ah. Bukas na lang. Mas maganda kung
personal kong sasabihin sa'yo e.', ang sabi ni Darrel.
'O sige. I-update ko lang itong regalo
mo sa akin.', ang paalam ni Symon.
Nang ibaba niya ang phone ay agad
niyang in-on ang kanyang laptop at isinaksak ang bagong iPod shuffle dito upang
malagyan ng mga kanta. Natuwa naman siya sa ibinigay sa kanya ni Darrel.
***
'James!', ang paggising ni Gap sa
kanya.
'Hmm?', ang ungol ni James.
'Bumangon ka dyan! Ball tayo. Sobrang
nase-stress na ako.', ang sabi ni Gap.
'Ikaw na lang.', ang sabi ni James.
11PM na at nakasanayan nila ni Gap na
maglaro ng ganitong oras. Pero ngayon ay nakadapa lang siya sa kama at
nakatakip ang unan sa kanyang mukha. Mahapdi ang mga mata mula sa pagkakaiyak
buong gabi pagkauwi galing sa pakikipag-usap kay Darrel.
'Dali na! Wag ka nang pa-chicks!', ang
sabi ni Gap.
'Ikaw na lang. Wala ako sa mood.', ang
pagtaboy ni James sa kanya.
'Wala 'to. Tss.', ang sabi ni Gap.
Nagtaklob na ng kumot si James para
hindi na siya kulitin ni Gap pero hinatak pa rin ito ni Gap. Pati na ang unan
na nakatakip sa mukha niya.
'Peram na lang ng bola. O, bakit
namamaga yang mata mo?', ang sabi ni Gap.
Muli namang itinakip ni James ang unan
sa kanyang mukha.
'Kuhanin mo na lang dyan.', ang utos
ni James kay Gap.
Pumunta sa kabilang side ng kwarto si
Gap upang kuhanin ang bola. Pagyuko niya ay nakita niya sa ilalim ng kama ni
James ang action figure nitong si Kobe Bryant. Kinuha niya ito. Nakapa rin ng
kamay niya ang isang papel. Pagkatayo niya ay binasa niya ito.
'James. Ano 'to?', ang seryosong
tanong ni Gap.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment