by: Lui
Naging regular ang pagkikita nina
Darrel at Symon sa PJ's tuwing Friday upang mag-relax. Nakita ni Darrel ang
isang nakakabatang kapatid kay Symon. Dahil nga parang siya na lang mag-isa ang
nabubuhay ngayon, masaya siya na nandyan si Symon.
Si Symon naman ay masaya rin na
nandyan si Darrel. Parang kuya ito sa kanya. Maalaga at laging nandyan para
makinig. Isinantabi niya muna ang inis niya dito dahil kay Dana. Masaya lang
siya. Ayaw na niya munang masira ito ngayon.
'Kinakabahan ako. Next week na ang
musical.', ang sabi ni Symon kay Darrel.
'Kaya mo yan. I'll be there.', ang
sabi ni Darrel.
'Thanks, Kuya.', ang sabi ni Symon.
Nilalamon na si Symon ng kaba at nang
curiosity sa kung ano ang namamagitan kina Darrel at Dana. Kaya naman pasimple
na itong nagtanong. Sa ilang linggo nilang pagkekwentuhan ay hindi nito
nababanggit si Dana.
'Kamusta na po pala kayo ni Ate
Dana?', ang tanong ni Symon.
Kinakabahan siya sa isasagot nito.
Sasabihin ba niyang sila na? Anong magiging reaksyon ni Symon?
'Okay naman. Tuwing Tuesdays at
Thursdays nasa baba siya nagpe-perform. Sayang di pa kita pwede isama.', ang
sabi ni Darrel.
'So, going steady pala kayo?', ang
tanong muli ni Symon.
'Going steady? Bunso, di naman kami.
Bestfriends lang kami. Ikaw ah. Kung ano-ano siguro naririnig mo.', ang sabi ni
Darrel.
'Hindi naman po. May nakita lang po
ako.', ang sabi ni Symon.
Biglang lumungkot ang mukha ni Symon.
Naisip niyang sabihin na niya kay Darrel ang kanyang nakita nung birthday niya.
'What do you mean?', ang naguguluhang
tanong ni Darrel.
'Nung birthday ko. I saw you two
kissing sa kitchen.', ang sabi ni Symon.
'Kahit ako naguluhan sa nangyari noon.
I even had to confront Dana about it.', ang sabi ni Darrel.
'Pero wala kang gusto kay Ate Dana?',
ang tanong ni Symon.
'I value our friendship more than
anything else. It's so precious na ayaw ko siyang ma-damage. So, no. Wala akong
gusto sa kanya.', ang sabi ni Symon.
Para namang nabunutan ng tinik si
Symon sa mga sinabi ni Darrel. Pero hindi pa rin niya makita o maramdaman ang
posibilidad na mas lumalim pa ang relasyon nila. Ni hindi niya nga alam kung
handa na ba siya makipagrelasyon.
'E ikaw? Tanong ka ng tanong sa akin.
Kamusta ba lovelife?', ang pag-iiba ni Darrel ng pag-uusapan.
'Naku, wala po. Studies first.', ang
nakangiting sabi ni Symon.
'Tama. Bata ka pa naman.', ang sabi ni
Darrel.
'Kung makapagsalita ka, parang sobrang
tanda mo na.', ang sabi ni Symon.
Natawa naman si Darrel sa reaksyon ni
Symon. Tumingin ito sa relo at nagsabi na kailangan na niyang umuwi.
'Susunduin ka ulit?', ang tanong ni
Darrel.
'Yup. Ayaw mo bang sumabay na lang?',
ang yaya ni Symon.
'Wag na. Magko-commute na lang ako.',
ang sabi ni Darrel.
'Hindi ba delikado?', ang tanong ni
Symon.
'Delikado pero ingat lang. Oo nga
pala, rich kid ka. Di ka nagko-commute.', ang sabi ni Darrel.
'Grabe ka, Kuya. Sige, ingat ka.', ang
sabi ni Symon.
'Sige. Text ka pag nakauwi ka na.',
ang sabi ni Darrel.
'Ikaw ang magtext pag nakauwi na.',
ang sabi ni Symon.
Pagkalabas ni Darrel sa PJ's ay
tumawag si Symon sa mommy niya at tinanong kung nasaan na ito.
'Malapit na ako. Sy, I want some
cappuccino. Buy me one.', ang sabi ni Grace.
'Alright. Bye.', ang sabi ni Symon.
Lumapit si Symon sa counter at bumili
ng isang cup ng cappuccino.
'Hey, Symon. Umalis na si boyfie?',
ang tanong ni Matt.
'Huh?', ang tanong ni Symon kay Matt.
'I mean, si Darrel. Hindi ba kayo?',
ang tanong ni Matt.
'No, Matt!!', ang inis na sagot ni
Symon.
'Oops! Sorry, my bad. What are you
having?', ang awkward na sabi ni Matt.
Oo, na-offend si Symon sa sinabi ni
Matt. Kung hindi lang ito naging mabait sa kanya ay ire-report niya ito sa
manager niya. Kaso sa tinagal-tagal niyang nagpupunta sa coffee shop na ito ay
naging kakwentuhan na rin niya si Matt kapag mag-isa lang.
'One cup of cappuccino.', ang malamig
na sabi ni Symon.
'Alright.', ang sabi ni Matt.
Pagkabigay niya ng bayad ay bumalik si
Symon sa table at kinuha na ang kanyang bag. Bumalik siya sa counter at kinuha
ang ipinabibili ng ina.
'One cup of cappuccino for Symon.',
ang sabi ni Matt.
Kukuhanin na ito ni Symon nang biglang
ilayo ni Matt ang cup sa kanya.
'I'm really sorry, Symon. I judged you.',
ang sabi ni Matt.
'It's okay. No biggie.', ang sabi ni
Symon.
'I feel bad na sinabi ko iyon.', ang
sabi ni Matt.
Kinuha na ni Symon ang cup sa kanya at
lalabas na ng PJ's nang maisipan niyang bumalik at kausapin sandali si Matt.
Hindi pa naman tumatawag si Grace at wala na naman masyadong customers.
'Matt.', ang pagtawag ni Symon dito.
'Yes?', ang paglapit ni Matt sa kanya.
Mas matangkad ito sa kanya. Kayumanggi
ang kulay at katamtaman lang ang built ng katawan. Ang pagkakaalam niya ay 20
years old na ito at nag-aaral sa kalapit ding school ng MSCA. Sa pagkekwentuhan
nila dati, nalaman niyang HRM ang kurso nito. Kumuha ito ng part-time job para
matulungan ang mga magulang sa kanyang pag-aaral dahil medyo malaki ang tuition
fee sa school na pinapasukan nito.
'Bakit mo nasabi na boyfriend ko si
Kuya Darrel?', ang tanong ni Symon.
Napangiti naman si Matt sa tanong na
ito ni Symon sa kanya.
'Okay, hindi ko usually sinasabi ito
pero hindi ako kasing straight ng inaakala mo. Having said that, pansin ko ang
mga tingin mo kay Darrel. Pati na yung mga smiles mo at kung gaano ka kasaya
kapag nandyan siya. And last month, nung mag-isa ka lang dito? Alam ko siya ang
hinihintay mo.', ang sabi ni Matt.
Hindi naman makapaniwala si Symon sa
mga sinabi na obserbasyon ni Matt sa kanya.
'Ganon ba ako kahalata?', ang tanong
ni Symon.
'Hindi naman. It's just that for
someone our kind, madali nang mapansin yun.', ang sabi ni Matt.
'Okay, pero sabi mo akala mo kami so
in-assume mo na mutual ang feeling, may napapansin ka rin ba kay Kuya Darrel?',
ang tanong ni Symon.
Nag-ring na ang phone nito, hudyat na
nandyan na ang mommy niya. Pero hinintay niya muna ang sagot ni Matt.
'Nagtrabaho ako dito last year pa. At
nakilala ko na si Darrel noon pa lang. Pero ngayon ko lang siya nakita dito na
masaya. Kahit may mga kasama siyang pumupunta dito, madalas ay napapansin kong
malungkot siya.', ang sabi ni Matt.
Tumaba naman ang puso ni Symon sa
narinig. So, para kay Matt ay si Symon ang nakakapagpasaya kay Darrel. Sana
para kay Darrel ay ganoon din.
'Thanks, Matt! I'll see you soon.
Nandyan na ang sundo ko.', ang paalam ni Symon.
'Sure! Friday?', ang tanong ni Matt.
'Yes! Bye!', ang paalam ni Symon.
***
Sabado ng umaga ay nasa auditorium
sila ng school na pag-aari nina Jeric para mag-rehearse. Medyo kapos na sila ng
oras kaya kahit weekend ay kailangan na nilang gamitin. Buong araw na gagamitin
ito ng klase para sa rehearsals. Ilang minuto bago mag-lunch ay nagpaalam si
Coleen kay Lexie na may pupuntahan lang at babalik agad.
'Si Coleen?', ang paghahanap ni Jeric
nang nag-break sila sa rehearsals.
'Hindi ba nagpaalam sa'yo? May
pupuntahan lang daw.', ang sabi ni Lexie.
Agad namang kinuha ni Jeric ang phone
at tinawagan si Coleen pero hindi ito sumagot. Halos patapos na silang
mag-lunch nang dumating ito. Alalang-alala na sinalubong ni Jeric ito.
'Saan ka galing?', ang tanong ni
Jeric.
'Dyan lang. May pinuntahan lang.', ang
sabi ni Coleen.
'E bakit di ka man lang nagsabi sa
akin? Nag-aalala na ako. Baka kung anong mangyari sa'yo.', ang sabi ni Jeric.
'Chill. Nandito na ako.', ang sabi ni
Coleen.
'I know. Wag mo nang uulitin yun ah.',
ang sabi ni Jeric.
'Opo.', ang sagot ni Coleen.
'Tara na, kain na tayo.', ang yaya ni
Jeric.
'Wait. Question lang. How long have
you been courting me?', ang tanong ni Coleen.
'I don't know. Two months?', ang hindi
siguradong sagot ni Jeric.
Kinuha ni Coleen ang isang box sa
kanyang bag at iniabot ito kay Jeric. Nakilala naman ni Jeric ang logo ng box
at tuwang-tuwa niya itong tinanggap.
'Wow! Doughnuts! Thanks!', ang sabi ni
Jeric.
Agad niya itong binuksan at nakitang
dalawang chocolate-dipped doughnuts lang ang laman nito. Medyo nalungkot siya
ng konti dahil favorite niya ito at in-expect niya na puno ang box.
'Thanks! Pero bakit dalawa lang?', ang
sabi ni Jeric.
Kinuha niya ang isa at kinagatan ito
ng malaki. Agad naman siyang pinigilan ni Coleen at ipinabalik sa kanya ang
doughnut sa loob ng box.
'What do you see?', ang tanong ni
Coleen.
'Two doughnuts. Yung isa may kagat.',
ang sagot ni Jeric.
Inirapan ni Coleen ng mata si Jeric.
Naiinis na ito sa kanya.
'Tell me what do you see.', ang
pag-uulit ni Coleen.
'Dalawang doughnuts nga na may kagat
ang isa.', ang sabi ni Jeric.
Lumapit si Jeric sa mga kaibigan dala
ang bukas na box ng doughnuts. Itinanong nito sa kanila kung ano ang nakikita
nila. Parehas naman ang sagot ng lahat sa sagot ni Jeric. Isa-isang tiningnan
ni Coleen ang mga ito na may pagkadismaya.
'Seriously? You guys are so not
romantic!', ang inis na sabi nito.
'Wait! Patingin nga ulit.', ang sabi
ni Shane.
Itinapat ni Jeric kay Shane ang box at
nanlaki ang mga mata nito nang maintindihan ang sinasabi ni Coleen.
'What?! What do you see?', ang tanong
ni Jeric.
'Jeric! Oh, my God!!!!', ang
tuwang-tuwang sabi ni Shane.
'Why?? Coleen! Ano bang meron dito?',
ang tanong ni Jeric.
'Read it.', ang bulong ni Shane kay
Jeric.
Tiningnan niya ang dalawang doughnuts
na nakalagay sa box at binasa ito.
'Oo.', ang sabi ni Jeric.
Matagal siyang nag-isip bago nagtanong
kay Coleen.
'Sinasagot mo na ako?', ang tanong ni
Jeric.
Itinuro ni Coleen ang box.
'Oo.', ang sabi ng mga doughnuts.
Lumapit si Jeric kay Coleen at niyakap
niya ito nang mahigpit. Ganon din naman ang ginawa ni Coleen sa kanya. Naging
memorable ang auditorium na ito dahil dito unang napansin ni Coleen na pwede
niya palang mahalin ang tulad ni Jeric. Kilig na kilig naman ang mga kaibigan
nila. Ang ilang mga kaklase ay hindi na naiwasang magtanong. Nang nalaman nila
na official nang sila Jeric at Coleen ay kinilig rin ang mga ito.
***
Hindi lumabas buong Sabado si Darrel.
Mas pinili niyang magpahinga na lang para makabawi sa mga kulang na oras sa
pagtulog. Gabi na nang lumabas siya sa kwarto para kumain.
'May naghahanap sa'yo.', ang sabi ng
kuya niya.
'Sino?', ang tanong ni Darrel habang
naglalakad papunta sa gate.
Nakita niya sa labas si Dana. Halos
parang nakapambahay lang ito. Walang dalang bag at nakatali ang buhok pero
mukhang hindi sinuklay.
'What's up?', ang tanong ni Darrel
habang binubuksan niya ang gate.
'Wala naman. Wala akong magawa sa
bahay so I thought of stopping by.', ang sabi ni Dana.
Hindi naman kalayuan ang bahay ni Dana
kina Darrel. Mga tatlong streets lang ang pagitan.
'Kumain ka na ba? Tara. Kakababa ko
lang e.', ang sabi ni Darrel.
'Buong araw?', ang tanong ni Dana.
'Oo.', ang nakangising sabi ni Darrel.
'Yuck, di ka pa naliligo!', ang sabi
ni Dana.
'Hoy. Kahit amuyin mo pa kili-kili ko,
mabango pa rin yan.', ang sabi ni Darrel.
'Hi, Kuya!', ang bati ni Dana sa
kapatid ni Darrel.
'Hello! Tagal mo nang di nagawi dito
ah. O kain na kayo dyan.', ang sabi nito sa kanila.
Nagkwentuhan ang dalawa habang
kumakain. Madalas magpunta si Dana kina Darrel lalo na nung first at second
year. Kaso simula nang nagkaroon ito ng gig sa PJ's ay hindi na ito
nakakapunta. Okay si Dana sa pamilya ng kapatid ni Darrel. May pagka-strikto
nga lang ito kaya medyo takot pa rin si Dana dito.
'Sa Friday pala, may Dress-Up sina
Symon. Gusto mo manood?', ang yaya ni Darrel.
'Kay Ms. Ellie?? OMG! Sige. Naalala ko
pa dati nung...', ang pagre-reminisce ni Dana.
'O. Wag mo nang babanggitin.', ang
pagpigil sa kanya ni Darrel.
Natawa na lang si Dana dahil naalala
niya ang itsura ni Darrel noon nang magbihis babae ito. Sa totoo lang, iyon ang
moment na nagka-crush siya dito.
'Na-tomboy kaya ako sa'yo nun.', ang
sabi ni Dana habang tumatawa.
Hindi na tinigilan ni Dana nang
pang-aasar si Darrel. Pumayag ito na sumama na manood ng musical. Ipapaalam na
lang ni Darrel ito kay Ms. Ellie.
'Punta ka ba sa Tuesday?', ang biglang
seryosong tanong ni Dana.
'Oo naman. Bakit?', ang sagot ni
Darrel.
'Last performance ko na e.', ang sabi
ni Dana.
'What? Why so soon?', ang tanong ni
Darrel.
Nagulat si Darrel sa ibinalita ni
Dana. Si Dana naman ay lumungkot bigla.
'Kinausap ako ni Assistant Dean,
bumaba daw lahat ng grades ko. At baka may mga ibagsak ako. Pinag-quit nila ako
sa PJ's.', ang naiiyak na sabi ni Dana.
'E paano na yan? I mean, diba doon ka
kumukuha ng pandagdag sa tuition fee mo?', ang tanong ni Darrel.
'Okay na. Nakabawi na kami. May
trabaho na ulit si Papa. Nakabalik na siya ng Canada. Kaso Dars, gusto kong
kumanta.', ang sabi ni Dana.
'Buti naman at medyo maayos na kayo
financially. Dana, isipin mo na lang na concerned lang sa'yo ang MSCA. Biruin
mo talagang kinausap ka nila dahil gusto nilang makatapos ka. Ano ba naman yung
isang taon diba?', ang sabi ni Darrel.
'Sabagay. Pero napamahal na kasi sa
akin ang PJ's e.', ang sabi ni Dana.
'Hindi ka na nakipag-bargain?', ang
tanong ni Darrel.
Hindi ito naisip ni Dana. All ears
siya nang magpaliwanag si Darrel about dito. Iba talaga kapag may nasasabihan
ka ng problems. Iyong mga nao-overlook mo, sila ang nakakapansin.
'Instead of fully cutting you off sa
PJ's, tanungin mo kung pwede ba na once a week na lang. Kapag may improvement
sa grades mo, tuloy lang. Pero pag bumaba pa din, saka ka nila tanggalin.', ang
sabi ni Darrel.
'Sige. Kakausapin ko si Assistan Dean
sa Monday! Iba ka talaga! Kaya kita mahal e.', ang sabi ni Dana.
Halos mabilaukan naman si Darrel sa
sinabi ni Dana.
'As a bestfriend! OA!', ang sigaw ni
Dana.
***
Nagdaan ang limang araw at dumating na
ang pinakaaabangang gabi nina Symon. In-excuse na sila sa lahat ng klase ng
Biyernes na iyon upang makapag-prepare. 9AM ang call time nila at dumating
naman on-time sina Jeric at Symon. Syempre naroon na din si Lexie. Si Shane na
lang ang kulang sa barkada. Ilang damit at sapatos ni Hanna ang dala ni Symon
para maisuot sa musical. Agad naman siyang itinapat sa salamin at inumpisahan
na ang pag-aayos sa kanya.
Nag-usap ang magbabarkada na magiging
all out sila sa pag-arte dito sa musical nang sinabi ni Ms. Ellie na
mag-iimbita siya ng ilang direktor, writer, press at ilang kilalang
personalities sa local showbiz. Magkasama sa room sina Jeric at Symon. Tig-isa
sila nang salamin. Nang pumasok sila dito ay nakahanda na ang mga koloreteng
ilalagay sa kanila.
'Babe!', ang pagtawag ni Coleen kay
Jeric pagkarating nito.
'O, let me see.', ang sabi ni Jeric.
Sa katapat na room naman magse-stay si
Coleen. Nakasuot ito ng cap. Wala pang nakakakita sa bagong hairdo nito.
Tinanggal niya ang cap at si Jeric ang unang nakakita sa pixie haircut nito.
Ang dating mahabang buhok ay sobrang ikli na ngayon. Parang katulad ng kay
Alice sa Twilight.
'You look gorgeous.', ang sabi ni
Jeric.
'Seriously?', ang tanong ni Coleen.
'Yeah.', ang sabi ni Jeric bago bigyan
ng halik sa labi si Coleen.
'Well, text me when you got your
extensions on. I can't wait to see my baby girl.', ang sabi ni Coleen.
Natawa naman silang tatlo sa sinabi ni
Coleen bago ito lumabas. Agad nang sinimulan ng mga designer ang paglalagay ng
hair extensions sa kanilang buhok. Medyo matagal din ito kaya naman inantok ang
dalawa. 6PM pa naman ang show pero minabuti nilang mag-prepare ng maaga para
hindi sila magahol sa oras. Pinag-aralan nila ang kanilang mga lines sa huling
pagkakataon pati na rin ang mga kanta.
***
Present ang buong pamilya ni Symon
nang gabing iyon. Nagsabi ang parents ni Coleen na pupunta pero ilang minuto na
lang bago magsimula ang show ay wala pa ang mga ito. Siyempre naroon ang ina ni
Jeric. Sina Darrel at Dana ay magkasabay na dumating. May ilang mga professors
ang nasa AVR na rin. Rinig mula sa backstage ang ingay nang dumating si Ms.
Ellie kasama ang batikang direktor ng pelikula na si Ramon Castro at ang
magaling na actor/singer na si Vince David.
Sa backstage naman ay sinimulan nang
tawagin ang mga actors para pumunta na sa kani-kanilang places para sa opening
act. Nagsimula nang magsalita si Ms. Ellie.
'Good evening everyone First, I'd like
to thank all of you for coming tonight. Especially to my dearest friends Ramon
and Vince. You're about to witness the art of freshmen students. I congratulate
them at this point for making it up to this moment. It's not an easy task to
put up a whole production. So, without further ado, here are the FCA1
students.', ang introduction ni Ms. Ellie.
Dahan-dahan nang bumukas ang telon at
si Coleen ang unang nakita ng audience. Namangha agad sila sa kagandahan, este,
kagwapuhan ni Coleen with her short hair. Nakasuot siya ng uniform ng MSCA.
Paikot-ikot siya sa entablado at tila balisa. Nangingilid na ang mga luha nito.
Unang eksena pa lang ay mabigat na agad ang emosyon na dala niya. Umentra naman
si Jeric sa stage suot ang pambabaeng uniform ng MSCA. Naghiyawan ang audience
pero agad ring tumigil nang magsalita na si Coleen gamit ang malaking boses na
inensayo nila ni Lexie.
Mac (Coleen): Anna.
Tumingin naman si Jeric sa kanya na sobrang
galing sa pag-arte bilang babae. Hindi pa siya nagsasalita pero ramdam mo nang
babae siya.
Anna (Jeric): Pwede ba?! Stay away
from me!
Mac (Coleen): Hindi ko kaya. Ano bang
kulang ko?
Anna (Jeric): Mac, masyado kang mabait
para sa akin. Hindi tayo para sa isa't isa.
Mac (Coleen): Akala ko ba mahal mo
ako?
Anna (Jeric): Akala ko din e. Sorry
ha.
Um-exit na si Jeric. Benta naman sa
audience ang line na iyon ni Jeric. Naiwang mag-isa sa stage si Coleen at
magsisimula na ang kanyang monologue.
Mac (Coleen): Mapaglaro din ang
tadhana no? Yung taong gusto mo, ayaw sa'yo. Yung taong hindi mo gusto, may
gusto sa'yo. Sabi nila, iyong daw ang thrill ng buhay. E kung ganoon naman
lagi, nakakapagod rin. Tulad niyan, nakipag-break sa akin si Anna. Wala pa nga
kaming isang buwan. Matagal ko na siyang gusto pero nung kelan lang ako
nagkaron ng lakas ng loob na sabihin sa kanya iyon. Nagulat ako nang sabihin
niyang may gusto din siya sa akin. Niligawan ko siya pero sabi niya hindi na
daw kailangan. Natuwa naman ako dahil kami na agad. Pero sobrang bilang lang ng
mga panahon na magkasama kami. Sobrang bilang lang ang mga panahon na masaya
kami. Pero okay lang. Mahal ko siya e.
'I never felt nothing in the world
like this before
Now I'm missing you and I'm wishing
You would come back through my door,
ooh
Why did you have to go?
You could've let me know
So now I'm all alone
Girl, you could have stayed but you
wouldn't give me a chance
With you not around it's a little bit
more than I can stand, ooh
And all my tears they keep running
down my face
Why did you turn away?'
Nang malapit nang matapos ang kanta ay
lumabas na si Symon. Nagtilian ang mga tao dahil sa ganda niya. Ang maputi
niyang mukha ay nababalutan ng make-up. Ang mga mata niya ay mas umitim dahil
sa eyeliner. Ang buhok niya ay simpleng nakapusod lang. Si Darrel ay agad na
tumayo at kinuhanan siya ng picture.
Emily (Symon): Mac?
Mac (Coleen): Emily. O, anong ginagawa
mo dito?
Emily (Symon): Uhm. Hello? Classroom
natin 'to. Okay ka lang ba?
Mac (Coleen): Oo naman.
Emily (Symon): I know. Si Anna na
naman.
Tumango lang si Mac (Coleen). Niyakap
naman siya ni Emily (Symon).
Natuwa ang audience sa wit at
affection ng play. Nagsisimula pa lang ito pero galak na galak na ang mga tao.
Ilang scenes pa ang dumaan. Nariyan iyong pilit pa ring binabalikan ni Mac si
Anna. Doon niya kinanta ang Because of You. Ngayon ay nasa part na kung saan si
Symon bilang Emily naman ang nag-monologue.
Emily (Symon): Actually, ang istoryang
ito ay hindi tungkol sa paghihirap ni Mac dahil sa pagkawala ni Anna.
Nagtawanan ang mga tao sa sinabi ni
Symon. Nakasuot siya ng dress ngayon at high heels. Mapula ang kanyang labi at
mas makapal ang make-up.
Emily (Symon): Seryoso ako. Ang
istoryang ito ay tungkol sa akin. Tungkol sa isang babaeng lihim na nagmamahal
sa kanyang best friend. Halos lahat tayo ay dumanas ng ganitong sakit. Alam mo
iyon, araw-araw kang makikinig sa mga hinaing dahil sa pag-aaway nila ng
girlfriend niya. Alam ko lahat kayo rito sa silid na ito ay naranasan na ang
sakit na nararamdaman ko ngayon. Mahal na mahal ko si Mac. At masakit sa akin
ang makita siya na nasasaktan dahil sa isang walang kwentang babae!
Habang sinasabi ni Symon ang kanyang
mga lines ay pasimpleng tumingin si Dana kay Darrel na tutok sa panonood kay
Symon. Sinasabi ni Dana ang bawat salitang binibitawan ni Symon sa stage dahil
ito ang nararamdaman niya.
'Ang galing ni Symon.', ang sabi ni
Darrel.
Tumingin ito kay Dana at nakitang
naluluha ito.
'Oo nga. Nadadala ako.', ang sabi ni
Dana.
Nagsara ang telon matapos ang
monologue ni Symon. Nagpalakpakan ang mga tao habang hinihintay ang sumunod na
eksena.
***
'Agapito, favor naman.', ang sabi ni
Abby sa kanya.
'Ano yun?', ang tanong nito.
'Pakibantay naman sandali 'tong laptop
o. Punta lang ako CR sandali. Si Tina kasi nasa baba pa.', ang sabi ni Abby.
'Sige.', ang pagpayag ni Gap.
Covered na naman ang lahat ng gawain
sa sounds dahil sobra silang na-assign dito. Umupo si Gap sa harapan ng laptop
at nakita na ang next sa playlist ay ang part ni Symon. Luminga-linga siya at
nakita niyang busy naman ang mga kasamahan na nanonood. Naka-plug naman ang
laptop kaya't pasimple niyang tinanggal ang battery nito at inilagay sa bag ni
Abby. Ibinuhol ni Gap ang wire sa gulong ng upuan ni Tina sa kanyang tabi.
Sakto pagbalik niya sa kinauupuan ay
bumalik na si Abby at agad nang tumayo si Gap sa upuan.
'Thanks, ha!', ang sabi nito.
'Sure, no prob.', ang sabi ni Gap bago
lumabas ng tech booth.
***
Mac (Coleen): Emily. Emily!!
Emily (Symon): Mac! Anong nangyari
sa'yo? Amoy alak ka!
Mac (Coleen): Ayoko na.
Ang setting ng scene na ito ay ang
veranda ng bahay nina Emily. Gabi na at halos patulog na si Emily nang tawagan
siya ni Mac sa phone at sinabing nasa tapat ito ng kanilang bahay.
Emily (Symon): Shh. Everything will be
alright.
Mac (Coleen): No, it won't! Punyeta,
ang sakit-sakit na! Bakit ba hindi ako magawang mahalin ni Anna?! Sabihin mo sa
akin.
Emily (Symon): You're too precious to
be with Anna. Hayaan mo na siya. Stop loving her and move on.
Mac (Coleen): Ang daling sabihin pero
ayaw sumunod nitong puso ko!
Sobrang drama na ng eksena na iyon.
Naluluha na ang ina ni Jeric. Akala mo totoong lasing si Coleen sa kanyang
pag-arte. Naiyak na rin si Symon dahil inisip niya na si Darrel ang nasa lagay
ni Mac ngayon at si Dana si Anna at siya ay hindi si Emily pero si Symon.
Emily (Symon): Shhh. Magiging okay din
ang lahat.
Namatay ang lahat ng ilaw bukod sa
spotlight na nakatapat kay Symon. Signal na ito para i-play ang sumunod na
kanta ni Emily.
'If I was your woman
And you were my man
You'd have no other woman
You'd be weak as a lamb
If you had the strength
To walk out my door
My love would over rule my sense
And I'd call you back for more
If I was your woman
If I was your woman
If I was your woman
If I was your woman
And you were my man, yeah
***
Saktong pag-play ni Abby ng kanta ay
pumasok si Tina sa loob ng tech booth. Dumiretso agad ito sa likod ni Abby
upang makita si Symon sa stage.
'Ang tagal mo naman!! Ihing-ihi na
ako. Buti nandito si Agapito.', ang sabi ni Abby.
'Oh, my God!! Ang ganda ni Symon.',
ang namamanghang sabi ni Tina na parang hindi narinig ang sinabi ni Abby.
Hindi nito maialis ang mga mata sa
stage at dahan-dahan na lumapit sa upuan. Hawak na niya ang sandalan nito at
marahang hinila. Sakto namang nag-instrumental ang part ng kanta kaya inialis
muna ni Tina ang mga mata sa stage para makaupo. Hinila niya ang upuan para
makapasok siya at makaupo. Bahagyang gumalaw ang laptop na hindi naman napansin
ni Abby. Nagulat na lang siya nang biglang umitim ang monitor at nakitang
nakatanggal na ang saksak ng kanyang charger.
***
Hindi naman alam ni Symon ang gagawin
nang biglang mawala ang audio. Buti na lang at sa part na hindi siya
nagli-lipsynch ito nawala. Nakayuko siya nang mga oras na iyon at bigla siyang
napatingala sa tech booth. Ilang segundo rin siyang nawala sa character.
Nagpa-linga linga siya para humingi ng tulong pero walang lumalapit. Umugong
ang mga bulung-bulungan sa audience dahil sa technical difficulty.
Nakita ni Symon si Lexie na tumakbo sa
gilid ng AVR paakyat sa tech booth. Nagkakagulo na sila dahil sa biglang
pagkamatay ng laptop ni Abby. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan
niya. Naka-on na ulit ang mic niya dahil nag-echo ito sa buong AVR. Nagtinginan
naman ang lahat ng tao sa audience sa kanya. Isa lang ang nakikita niyang
magsasalba sa kanya pero hindi niya alam kung kakayanin niya. Muli siyang
yumuko at mabilis na nag-desisyon.
'What am I gonna do? Sobrang
napapahiya na ako at ang buong klase.', ang sabi niya sa kanyang isip.
Nang iangat niya muli ang kanyang
mukha ay nakita niya si Gap sa bandang kanan ng stage. Nakatayo ito at
nakasandal sa wall. Kitang-kita niya ito dahil ilang dipa lang ang layo nila sa
isa't isa. Binigyan siya nito nang isang ngiti na nagpapakita ng tagumpay.
'No, no, no, no!! He did not do it!!',
ang pagtanggi niya sa nabuong kongklusyon sa kanyang isip.
Wala nang oras para magnilay-nilay pa
kaya naman ginawa na niya ang isang bagay na hindi niya pa nagagawa sa buong
buhay niya.
'She tears you down darlin
Says you're nothing at all
But I'll pick you up darlin
When she lets you fall cause
You're like a diamond
But she treats you like glass
Yet you beg her to love you
But me you won't ask
If I was your woman
If I was your woman
If I was your woman
If I was your woman
If I was your woman
If I was your woman
Here's what I'd do
I'd never, never no no
Stop loving you, yeah
Life is so crazy
And love is unkind
Because she was first darlin'
Will she hang on your mind?
You're part of me
But you don't even know it
I'm what you need
But I'm too afraid to show it
If I were your woman
If I was your woman
If I were your woman
If I was your woman
If I were your woman
If I was your woman
Here's what I'd do
I'd never, never no no
Stop loving you, yeah
If I was your woman
Here's what I'd do
I'd never, never, never
Stop loving you, yeah'
Natahimik ang buong AVR nang kinanta
ni Symon nang a capella ang dapat na ili-lipsynch lang niya. Ito ang unang bese
na kumanta siya sa harapan ng tao. Kahit ang pamilya niya ay unang beses lang
siya maririnig na kumanta.
'I didn't know Kuya can sing.', ang
sabi ni Maxine sa kaanyang ate at ina.
'Shhh.', ang sabi ni Grace sa anak.
Yakap ni Symon ng mahigpit si Coleen
sa stage habang kumakanta. Ang mga luha niya ay walang patid sa pagtulo pero
hindi naman nito nasira ang kanyang pagkanta. May pagka-husky ang boses ni
Symon kapag kumakanta. Kahawig ng kay Jay Durias ng South Border. Pero mas
malawak ang range niya dahil naabot niya ang matataas na mga nota na kanta ng
isang babae.
Nang matapos siya ay hindi lang basta
nagpalakpakan ang mga tao. Nagbigay pa sila ng standing ovation para kay Symon.
Unang-unang tumayo ay si Darrel na sobrang namangha sa kagalingan ni Symon.
Dumaan sa gilid ni Darrel si Lexie na
agad niyang hinarang.
'Lexie! Pwede ba akong pumasok sa
backstage? Check ko lang si Symon.', ang sabi ni Darrel.
'Sige po pero patapos na naman ang
show. Isang act na lang.', ang sabi ni Lexie.
'Ah. Sige.', ang sabi ni Darrel.
Nagbukas nang muli ang telon para sa
huling act kung saan ipinagtapat na ni Emily ang nararamdaman kay Mac. Pero
hindi pa handa si Mac kaya naman kelangan muna nilang maghintay ng oras.
'Tara, Kuya. sabay ka na sa akin.',
ang sabi ni Lexie.
Nagpaalam naman saglit si Darrel kay
Dana para puntahan si Symon.
'Sige lang. Hintayin na lang kita
dito.', ang sabi ni Dana.
Pumasok na silang dalawa sa backstage.
Si Lexie ay naghanda na dahil tatawagin sila ni Erwin pagkatapos ng show. Si
Darrel naman ay naghintay na lang sa may labas ng room kung saan nag-stay sina
Symon at Jeric.
Mga pitong minuto lang ang lumipas
nang tawagin na isa-isa ang miyembro ng klase. Naririnig niya ang palakpakan ng
mga taop at pinakamalakas ng tawagin si Symon. Nagdatingan na sa backstage ang
mga kaklase ni Symon at aligaga na si Darrel na makita ito.
'Symon.', ang pagtawag niya nang
makita niya ito.
Lumapit ito sa kanya at tumingin sa
kanyang mga mata.
'Ang galing mo. Nakita mo ba kami,
nag-standing ovation kami sa'yo! Kinilabutan kaming lahat sa boses mo!', ang
sabi ni Darrel.
Pilit niyang pinapagaan ang loob nito
pero halata rito ang panghihina at ang pangingilid ng mga luha.
'Kuya', ang tanging nasabi lang ni
Symon.
Parang automatic naman na kinuha ni
Darrel ang katawan ni Symon at ikinulong ito sa kanyang mga braso. Doon na
nailabas ni Symon ang kanina pa niyang kinkimkim na takot, kaba at galit.
Walang tigil siya sa paghagulgol sa dibdib ni Darrel.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment