Saturday, December 22, 2012

Shufflin' (15): Book 1

by: Lui

Napatalon si James mula sa kama at sinubukang agawin kay Gap ang papel. Ito rin ang kaninang kanyang inapakan at pasimpleng inilagay sa ilalim ng kama nang unang dumating si Gap sa kanyang kwarto. Pero mabilis na naiwas ni Gap ang papel. Hindi naman mahirap basahin ang mga nakasulat dito dahil malalaki ang mga letra ng pagkakasulat sa mga ito.

'Darrel Uy. James Macapagal.', ang mga pangalan na nakasulat dito.



May drawing pa dito ng dalawang lalaking naka-side view at magkatapat. Na-recognize naman ni Gap kung sino ang mga ito. Malapit ang mga mukha nila sa isa't isa pero hindi naman ito nagtama.

'JR, akin na yan.', ang seryosong sabi ni James.

'James, ano 'to? Bakit may ganito ka? Anong ibig sabihin nito?', ang mga tanong ni Gap.

'Akin na sabi e!!', ang sigaw ni James.

Masyado nang mahirap at mabigaty ang sitwasyon niya ngayon para dagdagan pa ito ni Gap. Kaya naman buong lakas na niyang inagaw ito at gigil na pinunit ang papel ng ilang ulit.

'James.', ang paglapit ni Gap sa kaibigan.

Hinawaka niya ito sa balikat pero agad na nagpumiglas si James.

'Ano? Magagalit ka rin sa akin? Huhusgahan mo ako dahil sa nakita mo? Sige, okay lang!! Ganyan naman kayong lahat!', ang sigaw ni James kay JR.

Gulat na gulat naman si JR sa bigat ng emosyon na ipinapakita sa kanya ng kaibigan ngayon.

'Nagtatanong lang ako ng maayos kung ano ang nakasulat dyan sa papel na iyan? Bakit may ganon? Ano ba kayo ni Kuya Darrel?', ang mahinahong tanong ni Gap.

'Mahal ko siya! Pero galit siya sa akin dahil dun. Hindi niya ako matanggap! Hindi niya matanggap ang pagkatao ko.', ang iyak ni James.

Umupo si James sa sahig at sumandal sa gilid ng kama at niyakap ang sarili. Si Gap naman ay umupo sa tabi niya.

'Umuwi ka na muna, JR.', ang mahinang utos ni James.

'Pero...', ang protesta ni Gap.

'PLEASE! Iwan mo muna ako.', ang pagmamakaawa ni James.

Tahimik namang lumabas si Gap ng kwarto. Pagkasara niya ng pinto ay nagsimula nang humagulgol si James. Naisip naman ni Gap na mabuti na ring pinalabas siya ni James dahil hindi pa ma-process ng kanyang utak ang mga nangyayari. Sa tagal nilang magkakilala, ni hindi niya nakitaan ng kung anong bahid ng pagkagusto sa lalaki. Ang dami niyang naisip. Ang dami niyang tanong.

***

Kinabukasan ay masayang ibinalita ni Symon sa mga kaibigan ang natanggap na offer mula kay Tony na kumanta sa PJ's. Tinipon niya ang mga kaibigan sa cafeteria at doon sinabi ang good news.

'Wow!! I'm proud of you, Sy!!', ang sabi ni Coleen.

'Wait, pero 17 ka pa lang, diba? Bawal dun below 18.', ang sabi ni Lexie.

'May consent naman from my mom.', ang sabi ni Symon.

'Alright. Pero paano ka namin mapapanood?', ang tanong ni Lexie.

'We can't miss your debut performance.', ang sabi ni Shane.

'I'll try to talk to Sir Tony later.', ang sabi ni Symon.

'Yey!!', ang sabi ni Lexie.

Kumakain na silang lahat maliban kay Symon na tanging soda lang ang in-order dahil lunch time ang napag-usapan nilang meeting ni Tony. 30 minutes bago mag-12 nn ay nagpaalam na ito sa mga kaibigan para pumunta na ng PJ's. Kinakabahan siya dahil gustong pakinggan ni Tony ang kanyang pagkanta. Sinabi niya ito nang makapag-usap sila sa phone kagabi.

'Wish me luck! Later, guys!', ang paalam ni Symon sa mga kaibigan.

Habang naglalakad palabas ng MSCA ay nakasalubong niya si Darrel. Naka-headset siya pero agad naman niya itong nakita. Inisip niyang i-share na rin sa kanya ang good news.

'Hey, Sy!', ang bati ni Darrel.

Inilabas ni Symon ang iPod shuffle mula sa bulsa at ipinakita niya ito kay Darrel.

'Wow!! Ginagamit mo na! Okay ba?', ang masayang reaksyon ni Darrel.

'Yup! Salamat, Kuya ah. Wala ka bang exam? 11.30 na ah.', ang sabi ni Symon nang mapansing may dala pang bag si Darrel.

'Na-resched to 2PM later e. Kaya nagpunta muna ako ng PJ's. Hinahanap ka nga ni Matt e.', ang sabi ni Darrel.

'Ah. May sasabihin ka sakin diba? May sasabihin din kasi ako sa'yo.', ang sabi ni Symon.

'Oo nga pala. O, ano yung sasabihin mo?', ang pag-alala ni Darrel sa sasabihin niya kay Symon.

'Ikaw muna. Daya nito.', ang kinikilig na sabi ni Symon.

Umupo sila sa isang bench sa may tabi ng guard house. Naisip ni Symon na buti na lang pala ay maaga siyang humiwalay sa mga kaibigan. Hindi naman siguro siya male-late sa meeting.

'Narinig mo na naman 'yung mga usap-usapan ngayon about sa amin ni Dana no?', ang tanong ni Darrel.

Tumango lang si Symon. Unti-unting nawala ang saya sa mukha nito. Parang nararamdaman na niya kung saan patungo ang sasabihin ni Darrel base sa tono ng boses nito.

'Well, we decided to try it.', ang sabi ni Darrel.

'Try what?', ang tanong ni Symon.

'We confessed to each other. Sabi niya special daw ako sa kanya and ganon din naman siya sa akin. Nung una, ayaw ko pang aminin sa sarili ko na may nararamdaman ako para sa kanya pero ngayon, nafi-feel kong talagang mahalaga siya sa akin.', ang sabi ni Darrel.

Hindi naman nakapagsalita si Symon. Nasabi na ni Darrel ang pinakaayaw niyang marinig dito.

'Uy, natahimik ka dyan.', ang pagpansin nito sa hindi pag-imik ni Symon.

'So, are you two official now?', ang tanong ni Symon.

'Not yet. Pero going there. Testing the waters pa lang. Gusto ko kasi kapag nag-commit ako 'yung sigurado na talaga ako.', ang sabi ni Symon.

'So, nililigawan mo pa lang siya?', ang palungkot na palungkot na tanong ni Symon.

'Not exactly. Nagliligawan kami.', ang sabi ni Darrel.

'Huh?', ang tanong ni Symon.

'I mean, hindi lang ako 'yung ume-effort. Siya din.', ang sabi ni Darrel.

'Ah.', ang maikli niyang sagot.

'Parang hindi ka masaya.', ang pagpansin ni Darrel sa biglang pagbaba ng energy ni Symon.

'No, no! I mean, of course, I'm happy for you, Kuya! Masaya ka naman diba?', ang magulong sabi ni Symon.

'I've never been happier.', ang kilig na sagot ni Darrel.

'Cool!', ang pilit na ngiting sagot ni Symon.

'Your turn!', ang pag-iiba ni Darrel ng pag-uusapan.

Tiningnan muna ni Symon ang relo bago muling bumaling kay Darrel. 15 minutes bago ang meeting niya with Tony.

'Uhm. I accepted the offer to sing at PJ's.', ang sabi ni Symon.

'What? WOW!!!', ang gulat na sabi ni Darrel.

Sobrang tuwa nito at nagawa niyang yakapin ng mabilis at mahigpit si Symon. Hindi naman ito in-expect ni Symon kaya naman ang buong bigat niya ay nailagay niya kay Darrel. Nasakto ang kanyang ulo sa bandang leeg nito at naamoy niya ang mabangong perfume ni Darrel. Ginugulo ni Darrel ang kanyang buhok sa sobrang saya.

'Kuya, wag mong guluhin.', ang sabi ni Symon.

'Wow!! You just made me happier!', ang sabi ni Darrel.

'Really?', ang kinilig na sabi ni Symon.

'Yeah. I'm proud of you, bunso.', ang sabi ni Darrel bago muling guluhin ang buhok ni Symon.

'I gotta go. I'm meeting Mr. Tony. Wish me luck?', ang paalam ni Symon.

'Good luck. Galingan mo ha. Invite me sa debut performance mo.', ang sabi ni Darrel.

'Pupunta ka?', ang tanong ni Symon.

'Oo naman.', ang buong ngiting sagot ni Darrel.

'Promise?', ang tanong ni Symon.

'PROOOOOMISE!!', ang sagot ni Darrel.

Lumabas na si Symon ng MSCA na may ngiti sa labi. Pero habang lumalayo siya sa school ay dahan-dahan din itong nawala dahil bumalik na sa isip niya ang unang sinabi ni Darrel. Napayuko na lang siya. Sobrang extremes lang ng nararamdaman niya. Natuwa siya ng husto ng sinabi ni Darrel na napasaya niya ito pero parang dinurog naman ang puso niya nang malamang nasa iba na ang atensyon nito. Hindi niya namalayang nangingilid na pala ang mga luha niya hanggang sa maramdaman na lang niya na pumatak ito sa kanyang pisngi. Agad niya itong pinunasan bago pumasok sa loob ng PJ's bar.

***

Nasa mall sina Shane at Lexie dahil huling araw na ito bago magsimula ang sembreak. Nag-shopping ang dalawa habang sina Coleen at Jeric naman ay humiwalay sa kanila. Nag-usap naman silang magkita na lang ng 5PM para makapanood ng sine pagdating ni Symon.

'Ano kayang magandang bilhin para kay Sy?', ang tanong ni Lexie kay Shane habang nasa loob sila ng isang boutique.

'Bakit?', ang tanong ni Shane habang tumitingin ng mga dress.

'Good luck/congrats gift sa PJ's.', ang sagot ni Lexie.

'Can I be honest with you?', ang tanong ni Shane.

'Sure?', ang medyo alangang sagot ni Lexie.

'May crush ka ba kay Sy?', ang tanong ni Shane.

'Shane!!', ang reaksyon ni Lexie sa tanong ni Shane.

'O bakit ka namumula? C'mon! We're like sisters! You should be sharing this stuff with me. It's obvious kaya! You always lighten up pag katabi mo siya.', ang sabi ni Shane.

'Well, it's just a crush.', ang defensive na sagot ni Lexie.

'Wala namang masama dun e. Gwapo naman si Sy, ma-appeal.', ang sabi ni Shane.

'I know right.', ang kinikilig na sagot ni Lexie.

Palipat-lipat sila ng boutique. Wala namang tigil si Shane sa pagsusukat ng kung ano-anong dress. Si Lexie naman ay hindi masyado. Nakabili na siya ng jeans at bagong blouse.

***

Habang magkahawak ang kamay nilang naglalakad sa mall ay lumilipad ang isip ni Jeric dahil sa sinabi ni Symon sa kanya.

'Babe, may problema ba?', ang tanong ni Coleen dito.

'Wala naman. May iniisip lang.', ang sagot ni Jeric.

'Ano yun?', ang tanong ni Coleen bago higpitan ang hawak sa kamay ni Jeric.

'May sinabi kasi si Symon kahapon. Sabi niya simula daw nung naging tayo, we haven't bonded as a group na.', ang sabi ni Jeric.

'You think so?', ang tanong ni Coleen.

'Napapaisip lang ako. Kasi may point siya. I mean, we usually head out bago sila umalis. Baka nagtatampo na sila.', ang worry ni Jeric.

'Bakit hindi sa akin sinabi 'yan ni Symon?', ang tanong ni Coleen.

'When was the last time you two talk? As in really talk?', ang tanong ni Jeric.

Hindi nagsalita si Coleen at inisip ang sagot sa tanong ni Jeric. Sa totoo lang, hindi na niya matandaan.

'O, my God. Baka nagtatampo na sa akin si Sy? Hindi lang niya pinapakita.', ang sabi ni Coleen.

'Yeah. Ang sarcastic niya nga nung nauna ako sa inyo after nung exam the other day.', ang sabi ni Jeric.

'What should we do?', ang tanong ni Coleen.

Na-guilty naman si Coleen sa realization niya na ito dahil sa sinabi ni Jeric. Si Symon ang kauna-unahan at pinaka-close niya sa lahat pero hindi na niya matandaan ang huling beses na nakapag-usap sila.

***

Wala pang tao sa bar pagkapasok ni Symon. Unang beses lang niyang nakita ang interior nito. Cozy. May maliit na stage sa dulo. May isang mahabang bar sa kanyang kaliwa at maraming mga upuan at mesa sa gitna.

'Hey, Symon.', ang bati ni Tony na lumabas mula sa isang pinto sa likod ng bar kung saan maraming mga alak at baso ang nakalagay.

'Hello po.', ang nakangiting sagot niya dito kahit sobrang kaba niya.

Umupo sila sa isang table na malapit sa stage. Ipinakilala siya ni Tony sa floor director ng bar pati na rin sa manager nito. Hinainan sila ng four plates ng pasta at iced tea at nag-usap about sa mangyayari kay Symon sa PJ's.

'I'm happy na pumayag ang parents mo na kumanta ka dito.', ang sabi ni Tony.

'Yeah. She just can't make it today coz she has an important meeting to attend to.', ang sagot ni Symon.

'It's alright. Anyways, we'll just read through the contract lang naman. Then you just sign it at home. Bring it back here.', ang sabi ni Tony.

'Okay, that won't be a problem.', ang sagot ni Symon.

'How long have you been singing?', ang tanong ng manager ng PJ's na nagngangalang Jane, kamag-anak ito ni Tony, nasa mid-30's at mukhang masungit.

'To myself, since elementary po. But in front of the crowd, the Dress-Up musical was the first.', ang sagot ni Symon.

'Hindi ka naman mara-rattle sa audience dito sa PJ's?', ang tanong muli nito.

'I don't think so. They don't bite naman siguro.', ang sagot ni Symon.

Natawa naman si Tony sa sagot na iyon ni Symon.

Marami pa ang mga itinanong sa kanya. Ano ang genre of music niya? Can he play musical instruments? At kung ano-ano pa. Matapos ang tanungan ay binasa na nila ang contract. Tatagal ito ng 3 months at kapag nagustuhan siya ng management at ng mga tao ay pwede pa itong ma-extend. Twice to thrice a week siyang magpe-perform with 4 songs per night plus the request from the audience na ang maximum ay dalawa. So lumalabas na maximum og 6 songs ang kakantahin niya sa isang gabi. Napag-usapan na din ang bayad sa kanya pati ang hatian sa request at sa tip. Wala namang reklamo si Symon sa kontrata. Kelangan na lang niyang ipabasa ito sa kanyang mommy at mapirmahan ito.

'You'll be introduced on Tuesday. But before that, we'd like you to sing to us first. Tingnan natin kung totoong may chills kapag kumakanta ka tulad ng sinabi ni Ms. Ellie.', ang sabi ni Tony.

Naisip ni Symon na parang baligtad. Dapat ay pinakanta muna siya bago pag-usapan ang kontrata. Paano kung hindi siya magustuhan? Edi huli na ang lahat. Mukhang nabasa naman ni Tony ang nasa isip ni Symon kaya sinagot na niya ito kahit hindi na ito nagtanong.

'Kapag sinabi ni Ms. Ellie sa akin na magaling, naniniwala ako.', ang sabi ni Tony.

Inayos ng floor director na si Paul ang sound system pati na ang mic para sa pagkanta ni Symon. Ibinigay niya dito ang isa pang iPod na dala para sa background music. Umakyat na siya sa stage at tinesting ang mic.

'Tony, I like his attitude. The way he answers. He's witty.', ang bulong ni Jane.

Ngumiti naman si Tony dito. Si Symon naman ay kabado habang nakatayo sa stage. Maliit lang ito, sakto lang para sa isang banda. May isang upuan doon, kinuha niya ito at umupo.

'What are you gonna sing for us, Symon?', ang tanong ni Jane.

'Alibi of 30 Seconds to Mars.', ang sagot ni Symon sa mic.

'No warning sign, no alibi
We faded faster than the speed of light
Took our chance, crashed and burned
No, we'll never ever learn

I fell apart, but I got back up again,
And then I fell apart, but got back up again,
yeah

We both could see crystal clear,
That the inevitable end was near
Made our choice, a trial by fire,
To battle is the only way we feel alive

I fell apart, but got back up again,
And then I fell apart, but got back up again,
And then I fell apart, but got back up again'

Hindi alam ito ni Tony or ni Jane pero makikinig na lang din sila. Matapos sumagot ni Symon ay nagsimula na ang intro ng kanta. Nagulat siya ng pati ang ilaw sa stage ay biglang bumukas at tumapat sa kanya ang mga ito.

Habang kinakanta ni Symon ang line na 'I fell apart' sa kantang ito ay si Darrel ang nasa isip niya kaya naman sobrang taas ng emosyon naibigay niya. Matapos ang kanta ay tatlong pares ng kamay ang narinig niyang pumalakpak sa kanya.

'Thank you po.', ang sabi niya.

Nakita niya si Jane na yumuko at pasimpleng pinunasan ang mga mata. Si Tony naman ay napakalapad ng ngiti.

'My God!! Symon, pinaiyak mo ako!', ang sabi ni Jane.

Masungit ang tono ng boses nito pero pag-angat ng kanyang mukha ay nakangiti ito sa kanya. Bumaba na siya ng stage at lumapit na ulit sa table.

'Wow!', ang sabi ni Paul habang inaabot sa kanya ang iPod niya.

'You gave me chills!', ang sabi ni Tony.

Nakangiti lang si Symon pero sa totoo ay pigil na pigil ang pag-iyak niya sa kanyang loob. Sobrang bilis pa rin ng tibok ng kanyang puso.

'I'm sure magugustuhan ka ng audience. Just try to choose a more famous song. Hindi ko alam ang kinanta mo pero parang favorite ko na siya.', ang sabi ni Tony.

'So, anong kakantahin mo sa Tuesday?', ang tanong ni Jane.

***

Lumabas na si Symon ng PJ's matapos ibigay sa kanya ang kontratana kelangang pirmahan. Tumagal din ng halos tatlong oras ang meeting na iyon. Naglalakad na siya pabalik sa may MSCA para sumakay ng taxi papunta sa mall kung saan niya kikitain ang mga kaibigan. Nagulat siya nang makita niyang nasa tapat ng PJ's si Symon.

'Kuya!', ang pagtawag niya dito.

Lumapit ito sa kanya pero nakasimangot ito. Hinawakan siya nito ng mahigpit sa braso at inilabas mula sa bulsa ang isang gusot na papel.

'Symon, ano 'to?', ang gigil na tanong ni Darrel sa kanya.

'Kuya.', ang natatakot na sabi ni Symon nang mabasa niya ang mga nakasulat sa papel.

Ito 'yung mga doodle niya noong nasa PJ's coffee shop siya kahapon nang nalaman niya ang nangyari sa bar kina Darrel at Dana. Mga pangalan ni Darrel ang nakasulat dito. Kasama ang pangalan ni Symon.

'Dar-Mon, Sy-Rel. Dar-Sy.', ang mga nakasulat dito ng paulit-ulit.

Tiningnan ni Symon sa mga mata si Darrel at nakita niya ang galit sa mga ito. Natakot siya. Hindi niya alam kung paano lulusot dito.

'Bakit ka nagsusulat ng ganito?!', ang galit na tanong ni Darrel sa kanya.

Lalong bumibilis ang tibok ng puso ni Symon sa sobrang kaba. Kanina lang ay masaya silang nag-uusap kahit na nalungkot siya dahil sa balita ni Darrel. Tapos ngayon, galit na galit na ito sa kanya.

'Saan mo nakuha 'yan?', ang nanginginig na tanong ni Symon.

'Saan ko nakuha 'to? E nilagay mo 'to sa bag ko!', ang sabi ni Darrel.

'Kuya, bakit ko naman ilalagay sa bag mo 'yang ganyan?', ang tanong ni Symon.

'Hindi ko alam sa'yo! Bakit mo pinapagsama ang pangalan natin?', ang galit pa ring tanong ni Darrel.

Nangingilid na ang mga luha ni Symon dahil sa sakit ng pagkakahawak sa kanya ni Darrel. Hindi niya matandaan kung paano napunta kay Darrel ang papel.

'Hindi ko sulat iyan!', ang pagsisinungaling ni Symon.

'Wag mo akong lokohin, Symon! Alam ko ang sulat mo. At galing 'to sa notebook mo!', ang sabi ni Darrel.

Pilit na tinanggal ni Symon ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Darrel dito.

'Aminin mo nga, may gusto ka ba sa akin?', ang tanong ni Darrel.

'Kuya, bitawan mo ako. Ang dami nang tumitingin oh.', ang sabi ni Symon.

'Aminin mo!', ang sigaw ni Darrel.

'Oo!! May gusto ako sa'yo!! Nasasaktan ako na nakipaglandian ka kay Ate Dana!! Twice! Tapos nalaman ko pang magiging kayo na.', ang iyak ni Symon.

Para namang pinagsakluban ng langit at lupa si Darrel sa sinabi ni Symon. For the second time around ay naramdaman niyang na-betray siya ng isang kaibigan. Hindi siya makagalaw mula sa kinatatayuan at hindi na nagawa pang sundan si Symon nang tumakbo ito palayo.

***

Hindi na mapigilan ni Symon ang sarili sa pag-iyak. Nasabi na niya kay Darrel ang nararamdaman pero hindi sa ganitong sitwasyon niya gustong sabihin ito. Galit na galit ito sa kanya. Sobrang natatakot siya at nagagalit sa nangyari. Tumakbo siya palayo kay Darrel na hindi alam ang pupuntahan. Paano umabot sa ganito ang lahat? Hindi na siya makapag-isip ng maayos. Takbo lang siya ng takbo nang matigilan siya sa lakas ng busina ng isang sasakyan.

...
...

Naramdaman niya ang matigas at mainit na semento kung saan nakahiga ang kanyang katawan.

'Nasagasaan ba ako?', ang tanong niya sa sarili.

Napatigil siya sa pag-iyak at sinubukang tumayo. Hindi siya nasaktan sa ginawa at nakitang wala naman siyang sugat o baling buto. Ang dumi nga lang ng kanyang uniform. Nagulat siya nang biglang may humampas sa kanyang balikat.

'Magpapakamatay ka ba???!!', ang galit na galit na tanong sa kanya.

'Gap?', ang hindi makapaniwala niyang sabi.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment