Saturday, December 22, 2012

Shufflin' (13): Book 1

by: Lui

'Dude, okay ka lang ba?', ang tanong ni Gap kay James habang kumakain sila sa cafeteria sa MSCA.

'Yep. Bakit?', ang sagot ni James na kanina pa medyo balisa.

'Kanina ka pa kasi tahimik dyan. Para kang natatae na ewan.', ang pagpansin ni Gap sa kakaibang asta ng kaibigan.

'Sira! Sobrang gutom lang siguro.', ang pagsisinungaling ni James.


Nanaig ang katahimikan sa pagitan ng dalawa habang kumakain. Si James ang bumasag ditonang hindi na niya mapigilan pa ang magtanong.

'Dude, sino 'yung kasama mo kanina?', ang tanong ni James.

'Ah. Si Kuya Darrel 'yun. Di ba naging magkaklase kayo nung high school?', ang sabi ni Gap.

'Darrel Uy? Di ko siya namukhaan. Dito pala siya nag-aaral.', ang pagsisinungaling ni James.

'Oo. Ngayon mo lang nalaman?', ang pagtataka ni Gap.

'Oo. Hindi na kasi kami nakapag-usap masyado after grad e.', ang sabi ni James.

'Bakit naman? Niyaya ko nga yun sumabay sa atin e. E magkikita daw pala sila nung kaklase niya.', ang paliwanag ni Gap.

Hindi nga nagkamali si James. Kahit sa malayo ay nakilala niya ito. Nun una, ayaw niyang maniwala na si Darrel nga ang nakita niya pero ngayong sinabi na ni Gap, totoong siya nga at hindi na niya maikaila ito.

***

Hindi alam ni Darrel kung saan pupunta. Nawala bigla ang kanyang gutom nang makita ang isang pamilyar na mukha galing sa kanyang nakaraan na ayaw na niyang balikan. Dinala siya ng kanyang mga paa papasok sa loob ng building at sa SC office.

'O, bakit parang namumutla ka?', ang tanong ni Sharm nang pumasok si Darrel sa office.

'Hi, Ate Sharm.', ang mahinang bati niya dito bago umupo.

'Okay ka lang ba?', ang nag-aalalang tanong ni Sharm.

'Opo. Tapos na exam mo?', ang tanong ni Darrel.

'Oo. Nagpapalamig lang dito. O, gusto mo ng sandwich?', ang alok ni Sharm sa kinakaing chicken sandwich.

Nang makakita si Darrel ng pagkain ay bumalik ang kanyang gutom. Marahil kaya siya namumutla. Kumuha siya ng isang slice at nagpasalamat sa co-officer.

'Naku, kelangan ko nang umalis. Tapos na mag-exam 'yung ibang ka-thesis ko.', ang paalam ni Sharm habang nasa kalahati pa lang si Darrel ng kinakaing sandwich.

'Sige po. Thanks ulit, ate!', ang paalam ni Darrel.

Naiwang mag-isa ito sa office at doon lang niya naisip ng husto ang mga nangyari. May exam pa siya in 30 minutes pero hindi na niya magawang mag-aral pa.

'Bakit siya nandito? Paano sila nagkakilala ni JR?', ang tanong ni Darrel sa sarili.

Naguguluhan din siya kung bakit ganon ang kanyang naging reaksyon. Nung huling beses naman na nagkausap sila ay okay naman at napagkasunduan nilang ibaon na sa limot ang lahat at magsimula na muli. Pero hindi naman ito nangyari. Nagkailangan na. At sa tagal ng panahon na lumipas na hindi sila nagkita ay nag-stay pa rin sa kanya ang galit at sakit ng nangyari.

***

Ilang oras matapos ang lunch nina Gap at James ay nakatayo pa rin si Symon sa labas ng SPU.

'Matt, nasaan ka?', ang tanong ni Symon sa sarili.

Mas dumami pa ang mga sasakyan na dumadaan sa kalye dahil uwian na ng karamihan ng mga estudyante. Kanina ay mabilis na nakatawid si Symon dahil sa konti lang ang dumaraang sasakyan pero ngayon ay nalulula na siya sa walang tigil na pagdaan ng mga ito. Uhaw na siya pero walang tindahan sa side na kinatatayuan niya. Natatakot siyang tumawid dahil baka mahagip siya. Maya't maya pa rin ang tingin niya sa mga labas pasok na estudyante sa gate ng paaralan.

'Symon?', ang hindi makapaniwalang pagtawag ni Matt nang mapansin niyang may nakatayong taga-MSCA sa labas ng gate ng SPU.

Katatapos lang ng klase niya at papunta na siyang PJ's para sa night duty nito.

'Matt!!!', ang pasigaw na sabi ni Symon.

Magkahalong relief at gulat ang sigaw na iyon ni Symon. At least, hindi nasayang ang paghihintay niya.

'Hmm. Anong ginagawa mo dito?', ang tanong ni Matt.

'Nako, Matt. Ikaw pala ang hinihintay niyan. Kanina pa 'yan nandito. Daig mo pa ang babaeng nililigawan kung magpaantay ka ah.', ang komento ng guard.

Natawa naman si Matt sa sinabing ito ng guard na kanya palang ka-close dahil nakakabiruan niya ito at nakikiiwan siya dito ng gamit sa PJ's.

'Totoo ba iyon?', ang tanong ni Matt kay Symon.

'Oo. E kasi hindi ko naman alam number mo kaya hindi kita matext.', ang sagot ni Symon.

'Pero bakit mo ako hinintay dito? Bakit di ka na lang sa PJ's naghintay?', ang tanong ni Matt.

'Nagpunta na ako dun. E ang sabi, wala ka daw pasok ngayon. Gusto sana kitang makausap about sa nangyari nung Sabado.', ang sabi ni Symon.

'Ah. Oo. Dapat wala ako pasok ngayon kaso absent 'yung isa kong kasamahan kaya ako muna papalit sa kanya.', ang paliwanag ni Matt.

Naglakad na sila pabalik ng PJ's. Tumawid sila at hinawakan ni Matt si Symon sa braso habang naglalakad sa pagitan ng mga sasakyan. Napatingin naman si Symon kay Matt. Seryoso itong nakatingin sa mga sasakyan sa kanyang kanan. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang braso pero hindi naman siya nasasaktan.

'Salamat.', ang sabi ni Symon nang nakatawid na sila.

'Alam kong di ka marunong tumawid. Rich kid ka e.', ang pang-aasar ni Matt.

'Shut up.', ang sabi ni Symon.

Hindi na sumagot si Matt at tahimik nilang binaybay ang kahabaan ng road bago lumiko sa street kung saan nakatayo ang PJ's.

'Bakit ka umalis nung Sabado?', ang tanong ni Symon.

'Diba nasagot ko na 'yan? Makakaistorbo lang ako sa inyo.', ang sabi ni Matt na may bahid ng kalungkutan.

'Ano ka ba? Hinintay kaya kita nun. Tapos pagtingin ko, wala ka na.', ang sabi ni Symon.

Kahit papaano naman kasi ay naging attached siya kay Matt nang nalaman nito ang orientation niya. Mas naging komportable siya dito kesa kay Jeric dahil mas alam nito kung  ano ang mga nararamdaman at mga pinagdaraanan.

'Nahiya na kasi ako.', ang sabi ni Matt.

'Come on! Next time kahit nandyan pa si Kuya Darrel or yung barkada ko, sama ka sa amin. Magkakilala na kayo ni Kuya Darrel pero ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Nakakahiya, nilibre mo pa ako nun tapos hindi naman tayo nakapag-aral ng sabay.', ang sabi ni Symon.

'Ayoko. Tsaka okay lang 'yun. Minsan lang naman.', ang sabi ni Matt.

'Bakit ayaw mo?', ang tanong ni Symon.

Hindi na sumagot si Matt hanggang sa marating nila ang PJ's. Tumigil si Matt sa harap ng entrance na parang gusto niyang sabihin kay Symon na huwag na itong umakyat sa taas.

'O, di mo na sinagot. Bakit naman ayaw mo?', ang tanong ni Symon.

'E hindi naman kasi sila ang gusto kong makilala e. Ikaw. Gusto ko tayong dalawa lang. Gusto ko makinig sa mga kwento mo, hindi sa mga kwento nila.', ang sabi ni Matt.

Halos mapanganga naman si Symon sa narinig. Hindi niya in-expect na sasabihin iyon ni Matt. Sa totoo lang, akala niya ay kay Darrel ito may gusto at nagseselos ito sa kanya pero mukhang mali yata siya. Pero bago pa man siya makapagsalita ay tinalikuran na siya ni Matt at patakbong umakyat sa coffee shop.

***

Dumaan ang buong magdamag na pare-parehong balisa sina Symon, Matt, James at Darrel. Si Gap naman ay walang kamalay-malay sa nangyayari sa itinuturing  na best friend at kaibigan sa MSCA.

Pabaling-baling si Symon sa kama at hindi makatulog dahil sa sinabi ni Matt. Habang si Darrel naman ay nakaupo lang sa may veranda at nakataas ang mga paa sa terrace habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Naalala niya ang mga nangyari noong nasa high school pa lang sila.

Few years back...

    Halos hindi mo mapaghiwalay ang magkaibigang James at Darrel. Varsity player at isang student council officer, hindi common ang ganitong tandem pero nagkakasundo sila sa maraming bagay. Nagulat na lang ang lahat na pagdating ng 4th year high school nila ay biglang hindi nagkibuan ang dalawa. Parehas na naging tikom ang bibig nila sa gulong napasukan. Lumabas ang mga usap-usapang nagkaaway sila dahil sa isang babae. Pero silang dalawa lang ang tanging nakakaalam ng totoong nangyari.

    'Bakit ba kasi wala ka pang girlfriend? Ang dami nang nagpaparamdam dyan o. Maswerte ka, sila na lumalapit. Tapos magda-drama ka sa akin na walang nagmamahal sa'yo.', ang sabi ni Darrel  isang gabing patago silang nag-inuman sa bahay nila kung saan nakatira pa noon ang mga magulang niya.

    'E kasi wala naman sa kanila ang gusto ko!', ang sabi ng lasing na si James.

    'Ano ka ba? Diba ang tipo mo, matalino, independent, maganda? O e puro si Charlotte na iyon e. Nagpapapansin na sa'yo yung babae, ano ka ba! Kumilos ka na.', ang sabi ni Darrel.

    Umiling lang si James nang marinig ang mga sinasabi ni Darrel.

    'Bahala ka. Mauunahan na kita. Ako, liligawan ko na si Nicole. Tumityempo lang ako.', ang sabi ni Darrel.

    'Si Nicole?? Wag na 'yun. E syota ng bayan 'yun e.', ang komento ni James.

    'Dude, wag ka namang magsalita ng ganyan! Babae pa rin 'yun.', ang sabi ni Darrel.

    'Basta wag na 'yun.', ang sabi ni James.

    Tinungga ni Darrel ang iniinom na beer. Si James naman ay nakatitig lang sa kanya at unti-unti nang lumalapit. Sa kwarto ni Darrel sila nag-inom para hindi mahalata ng mga magulang nito at sa sahig lang sila nakaupo habang naksandal sa gilid ng kama.

    'Darrel.', ang bulong ni James.

    Bumaling naman si Darrel kay James at medyo nagulat ito sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Halos naaamoy na nila ang hininga ng isa't isa. Na-lock ang mga titig nila sa isa't isa na para bang walang gustong kumawala.

    'Ako na lang.', ang mahinang sinabi ni James bago ilapat ang mga labi sa labi ni Darrel.

    Parang bigla namang natauhan si Darrel at nagulat sa ginagawa nilang dalawa. Malakas niya itong itinulak palayo sa kanya at pinunasan ang kanyang bibig ng paulit-ulit.

    'James!!! What the hell?!', ang galit na reaksyon ni Darrel.

    'I'm sorry. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko, Darrel.', ang sabi ni James habang maingat na lumalapit sa kaibigan.

    'Ano??! Wag mong sabihing bakla ka??!', ang pasigaw nitong sabi.

    'Hindi ko alam pero iba e. Hindi ko na kayang mag-pretend sa'yo.', ang nanginginig na sabi ni James.

    Parang pinanghinaan naman ng tuhod si Darrel at napaupo itong muli sa sahig. Hindi siya talagang nagmumura pero hindi niya mapigilan ang sarili nang maintindihan ang gustong ipahiwatig ni James.

    'Putang ina!!!!', ang sigaw niya.

    Isang malakas na suntok ang ibinigay ni Darrel sa kongkretong semento. Gusto niyang saktan si James pero hindi niya magawa dahil kaibigan pa rin niya ito. Siya ang itinuring ni Darrel na nag-iisang totoong kaibigan kaya naman ganon na lamang ang pagkadismaya nito nang malamang iba pala ang tingin sa kanya ni James.

    'Darrel. Dumudugo na yung kamay mo.', ang sabi ni James.

    'James, umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko. Wag ka na magpapakita sa akin!', ang sabi ni Darrel.

Hindi namalayan ni Darrel na tumutulo na pala ang mga luha niya habang buong detalyeng inalala ang mga nangyari noon sa kanila ni James. Hindi niya maipagkakaila sa sarili na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siyang galit dito. Sobrang pinagkatiwalaan niya si James. Ito lang ang tanging tao na nandyan para sa kanya dahil ang pamilya niya ay medyo distant sa kanya. Sobrang nanghihinayang lang siya ngayon sa pagkakaibigan nila na sana ay buo pa rin kung hindi niya nalaman na sa kanya nagkagusto ang kaibigan. Wala namang problema kung hindi ito straight, matatanggap niya iyon.

***

'Sy.', ang pagtawag ni Matt kay Symon pagkalabas nito ng gate.

Kasama ni Symon sina Jeric, Coleen, Shane at Lexie. Kakatapos lang ng pangalawang araw ng quiz at lalabas na sila para mag-lunch.

'Matt.', ang medyo gulat na sabi ni Symon nang makita si Matt.

Nagpaalam si Symon sa mga kasama na mauna at susunod na lang siya. Alam niyang maypag-uusapan sila ni Matt at seryoso ito.

'Uso ba ang antayan ngayon sa gate?', ang biro ni Symon.

Mahina namang natawa si Matt sa sinabing ito ni Symon. Nagpunta sila sandali sa PJ's at doon nag-usap.

'Here.', ang pag-aabot ni Matt kay Symon ng kanyang usual drink.

'Again? Laki na ng utang ko sa'yo ah.', ang sabi ni Symon.

'Ilista mo lang.', ang nakangiting sabi ni Matt habang umuupo.

Nang makapag-settle ito ay nag-seryoso na si Matt at tinumbok na agad ang gustong pag-usapan upang hindi na magsayang ng oras.

'I'm sorry. Ang rude ng pinakita ko sa'yo kahapon.', ang sabi ni Matt.

'No, it's alright. Ako nga 'tong dapat mag-sorry kasi ang insensitive ko. Pero kasi, I've got no idea na... may ganon pala.', ang naiilang na sabi ni Symon.

'Yeah. Pero totoo 'yun, Symon. I wanna get to know you more. I like you.', ang sabi ni Matt.

'I like you, too, Matt. But not that much in the same way you like me. Alam mo namang si Kuya Darrel talaga pero, to tell you frankly, hindi ko alam kung anong gagawin ko. I mean, should I tell him? Or should I wait for him to discover it? I'm only 17. I'm not even sure if I'm ready to be in a relationship.', ang sabi ni Symon.

'I'm not rushing you naman, Symon. Just give us a chance. Let's take one step at a time.', ang sabi ni Matt.

'I don't wanna give you any false hope, but I think it's better if we become friends na lang. You're the only person who understands how it feels to like this. I don't wanna lose it.', ang maingat na sabi ni Symon.

'Ano bang nararamdaman mo kay Darrel?', ang tanong ni Matt.

'Ang hirap i-explain ng feeling e. Parang beyond happy pag nandyan siya, pag binibigyan niya ako ng atensyon. Pag magkasama kami, parang wala na akong pakialam sa iba.', ang nakangiting sagot ni Symon.

'Pero tingin mo kung wala kang nararamdaman para kay Darrel, may pag-asa ako sa'yo?', ang tanong ni Matt.

'I told you, I don't think I'm ready for a serious relationship right now. But if ever I am, of course, meron naman. Pero, Matt, let's be friends okay?', ang sabi ni Symon.

'Okay. No problemo.', ang nakangiting sabi ni Matt.

Masakit sa loob ni Matt na hindi siya pinahintulutan ni Symon na i-level up ang relasyon. Siguro masyado siyang nagmadali at nabigla si Symon. Pero hindi na masama ang katapat na hinihingi nito. At least magiging magkaibigan sila. May chance pang mahulog si Symon sa kanya.

***

Kinagabihan ay maagang dumating si Darrel sa PJ's para sa huling gabi ng pagpe-perform ni Dana. Hindi pumayag ang assistant dean ng MSCA sa negosasyon na hinain ni Dana. Binilhan niya ito ng isang bouquet ng flowers para maibigay niya pagkatapos ng kanyang huling kanta. Simula nang nagkaproblema sila ni James ay hindi na muling uminom si Darrel pero ginawa niyang exemption ang gabing ito. Sobrang bigat ng kanyang nararamdaman sa pagbabalik ni James at sa pagpapa-alala nito sa pinaka-ayaw niya nang maalalang part ng kanyang high school. By the time na nagsimula si Dana sa pagkanta ay nakaka-tatlong bote na siya ng beer. Hindi pa naman siya hilo pero alam niyang medyo may tama na siya.

'Before I sing my last song, gusto kong magpasalamat sa inyo sa laging pagpunta dito sa PJ's. Salamat sa mga palakpak. Sana ay patuloy niyo pa ring susuportahan ang PJ's. Syempre, gusto kong magpasalamat sa nag-iisa kong best friend na si Darrel. Thank you, Dars for supporting me all the way. This song is for you.', ang sabi ni Dana.

'From the very first time that we kissed
I knew that I just couldn't let you go at all
From this day on, remember this:
That you're the only one that I adore
Can't we make this last forever
This can't be a dream
cause it feels so good to me'

Habang kinakanta ni Dana ang bridge ng kanta ay bumaba ito ng stage at lumapit sa table ni Darrel. Hinawakan niya ang mukha nito at nakatitig ito sa kanyang mga mata habang buong pusong kinakanta ang chorus.

'This is not your ordinary
no ordinary love
I was not prepared enough
to fall so deep in love
This is not your ordinary
no ordinary love
You were the first to touch my heart
Made everything right again
with your extraordinary love'

Nang matapos si Dana sa pagkanta ay naghiyawan ang mga tao. Nagsabay ang palakpakan at pagkakilig ng mga ito lalo na nang parang automatikong naglapat ang kanilang mga bibig. Matapos ito ay mahigpit na nagyakap ang dalawa bago iabot ni Darrel ang bouquet kay Dana.

***

Kinabukasan ay naging usap-usapan sa mga third year ang little act nina Dana at Darrel sa PJ's. Dahil nasa impluwensya ng alak ay kahit si Darrel mismo ay nagulat sa mga naririnig niya. Naging extra sweet naman si Dana sa kanya nang umaga pa lang iyon ng ikatlong araw ng exam. Nang mag-lunch break sila ay nagpaalam si Dana na sasama muna sa ilang mga girl friends. Panay naman ang pangangantyaw ng mga lalaking kaklase kaya minabuti niyang kumain na lang mag-isa dahil sumasakit na ang ulo sa naghalo-halong hangover, puyat, exams at iba pang problema.

'Kuya Darrel! Bakit mag-isa ka lang?', ang tanong ni Gap nang maabutan nitong kumakain si Darrel sa cafeteria.

Agad namang nagpalinga-linga si Darrel na para bang takot na takot na makita si James.

'Ah. Lumabas si Dana e.', ang sabi ni Darrel.

'Sabayan ka na namin.', ang sabi ni Gap.

Muntik nang maibuga ni Darrel ang iniinom na iced tea nang sinabi ni Gap ang salitang 'namin'.

'Sinong kasama mo?', ang tanong ni Darrel.

Nagtaas ng kamay si Gap bilang pagkuha niya sa atensyon ng kasama. Mga braso ang una niyang nakita na nagbaba ng isang tray na may laman na mga pagkain.

'Hey.', ang mahinang bati nito kay Darrel.

'James.', ang sabi ni Darrel.

Umupo na si James sa pagitan nina Darrel at Gap. Sobrang kabado ang dalawa dahil hindi nila alam kung paano sila makikitungo sa isa't isa.

'Wait lang. Kuha lang ako ng gravy for the chicken.', ang paalam ni Gap.

Sinundan ni Darrel ng tingin si Gap na para bang humihingi ng saklolo na paalisin na siya doon. Ang bastos naman niya kung bigla na lang niyang iiwan ang dalawa. Maghihinala pa si Gap kaya naman tiniis na lang niya.

'So, the past really has its way on keeping up with us, huh.', ang sabi ni Darrel.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment