Saturday, December 22, 2012

Shufflin' (21): Book 1

by: Lui

Hindi pa rin humuhupa ang malakas na ulan. Napagdesisyunan ng dalawa na manood na lang ng DVD habang kumakain. Nakaupo na sila sa sahig ng kwarto ni James habang nakabalot ng comforter dahil malamig.

‘Here’s your food.’, ang pag-aabot ni James kay Darrel ng burger na pina-deliver nila.

‘Magkano share ko?’, ang tanong ni Darrel.


‘Wag na.’, ang sabi ni James.

Pinindot na ni James ang play button sa remote control at nagsimula nang manood ng Transformers.

‘Wait.’, ang sabi ni Darrel bago tumayo.

Lumapit siya sa switch ng ilaw at pinatay ito. Parang nanonood lang sila ng sine. Agad namang bumalik si Darrel sa tabi ni James at nagsimula nang kainin ang mga pagkain na kanilang pina-deliver.

Tahimik lang ang dalawa hanggang sa matapos ang pelikula. Ubos na rin ang lahat ng pagkain na kanilang binili. Tiningnan ni Darrel ang oras at nakitang 10PM na. Malakas pa rin ang ulan.

‘Are you gonna sleep over?’, ang tanong ni James habang nagliligpit.

‘I guess so.’, ang sabi ni Darrel matapos tumingin sa bintana at makita ang bugso ng ulan.

Kumuha si James ng pamalit na damit ni Darrel sa kanyang closet at iniabot ito sa kanya. Nilinis na niya ang kalat nila habang nagbibihis si Darrel.

‘Besides, you asked for tonight. Better maximize it.’, ang sabi ni Darrel.

‘Gusto mo ulit manood ng movie?’, ang tanong ni James.

‘Later na lang siguro. Masakit pa mata ko.’, ang sabi ni Darrel.

Umupo sila sa kama habang nakatingin sa kadiliman ng kwarto. Tanging ang nakabukas na TV lang ang ilaw nila.

‘You sure after this you’ll be okay?’, ang tanong ni Darrel.

‘Yep. Gusto ko lang na maging meaningful ang huling pagsasama natin. Ayokong puro pangit at masasakit lang ang maalala ko.’, ang sabi ni James.

‘Wala kang balak kalimutan ako?’, ang tanong ni Darrel.

‘Imposibleng makalimutan kita, Darrel.’, ang sagot ni James.

Hindi na sumagot si Darrel at tumingin na lang ito sa TV. Isang reality show ang palabas pero mahina lang ang volume kaya hindi na lang din niya inintindi.

‘Alam mo, minsan naiisip ko, bakit kaya ako nakakatanggap ng ganitong pagmamahal mula sa’yo, kay Dana, kay Symon. I don’t deserve it. Tingnan niyo na lang ang nangyari sa atin.’, ang sabi ni Darrel habang nakatulala sa pinapanood.

‘I don’t know. Meron kasing something sa’yo na mahirap i-resist.’, ang sagot ni James.

‘Ano yun?’, ang tanong ni Darrel.

‘Parang ang sarap mong alagaan. Ang sarap mong pasiyahin.’, ang sagot ni James.

Natawa naman si Darrel sa sinabing ito ni James. Napangiti din naman si James sa naging reaksyon ni Darrel sa sinabi.

‘Parang aso lang?’, ang tanong ni Darrel.

‘Loko, hindi.’, ang sagot ni James.

Nakuha ang atensyon ni Darrel ng sumunod na TV show na palabas sa channel na pinapanood. Ito ay ang isa sa mga sinusubaybayan niyang series kaya naman kinuha niya ang remote control at nilakasan ang volume ng TV.

‘Ano ‘yan?’, ang tanong ni James.

‘Manood ka na lang. Maganda ‘yang episode na yan.’, ang sagot ni Darrel.

Pero sa kalagitnaan ng pinapanood ay nabagot si James dahil hindi naman niya alam ang kwento ng pinapanood kaya hirap siyang sabayan ito. Medyo nakakaramdam siya ng antok kaya naman humilig siya sa balikat ni Darrel.

‘Just for tonight.’, ang bulong niya dito.

Wala namang naging violent reaction si Darrel sa ginawa ni James. Hindi naman labag sa kanyang loob ang ginagawa. Malalim rin ang pinagsamahan nila ng katabi. Mas malalim nga lang ang naging lamat nito. Kung itong gabi lang na pagbibigyan niya si James sa mga gusto nito ang makakatulong dito para makapag-move on na silang dalawa, gagawin niya. Tsaka, pagod na siyang pairalin ang galit.

‘It’s alright. Just tonight.’, ang sagot naman ni Darrel.

Ang sumunod na ginawa ni Darrel ay hindi in-expect ni James. Iniakbay niya ang braso kay James at iginiya ito na lumapit sa kanya.

‘Okay lang ba sa’yo? I mean, kung awkward, hindi mo naman kailangang gawin.’, ang sabi niya.

‘It’s okay. Uulitin ko, you asked for tonight so I’m giving it to you. Sige na, matulog ka na muna dyan. Tatapusin ko lang ‘to.’, ang sabi ni Darrel.

Muling ihinilig ni James ang ulo sa balikat ni Darrel pero ngayon ay mas malapit na siya. Iniyakap din niya ang isang kamay sa katawan nito.

‘Hmm.’, ang sabi niya.

Naririnig niya ang paghinga ni Darrel. Tiningnan niya ng malapitan si Darrel na para bang mine-memorze niya ang bawat anggulo sa mukha nito. Na-distract naman si Darrel sa panonood at napatingin din siya kay James. Ilang inches na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha sa isa’t isa. Unti-unting inilapit ni James ang kanyang mukha. Para namang kusa ring gumalaw si Darrel palapit dito. Pero bago pa man magtama ang kanilang mga labi ay lumayo si Darrel.

‘Sorry.’, ang sabi bigla ni James.

Hindi na sumagot pa si Darrel at hinigpitan na lang niya ang pagkakaakbay kay James. Muli na lang ihinilig ni James ang ulo sa balikat ni Darrel hanggang sa makatulog siya.

Naalimpungatan na lang siya na nasa ganoong posisyon pa rin sila ni Darrel. Pero natulog na si Darrel. Tiningnan niya ang oras sa kanyang orasan na nasa bedside table at nakitang 1AM na. Nakayakap pa rin si Darrel sa kanya at ganon din naman siya dito. Nagising ito nang gumalaw siya.

‘Higa na tayo para makatulog na ng maayos.’, ang sabi ni James.

Hindi na sumagot pa si Darrel at humiga na agad ito at nagbalot ng comforter dahil sa lamig. Ganon din ang ginawa ni James pero medyo dumistansya na siya dito. Bago pumikit ay inisip niya muna ang dapat na mangyari kinabukasan.

‘Bukas wala ng Darrel sa buhay ko. Malungkot pero wala akong magagawa. Pasalamat na lang ako at kahit sa ilang oras ay naramdaman kong naging mahalaga ako sa kanya tulad ng pagpapahalaga ko sa kanya. Magsisimula na ang bagong chapter ng buhay ko bukas. No hangovers.’, ang sabi ni James sa kanyang sarili bago pumikit.

Nakatalikod siya kay Darrel natulog yakap ang isang malambot na unan. Madilim na sa kwarto niya dahil patay na ang TV. Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang pagbuga ng malamig na hangin galing sa aircon pati na ang mahinang ulan sa labas.

Nahihinulugan na siya nang masuyong hinablot ni Darrel ang kanyang kamay. Bumalikwas siya at napalapit kay Darrel. Iniyakap ni Darrel ang kamay ni James sa kanyang katawan habang ang sariling kamay ay ini-stretch niya para mahigaan ni James.

‘I’m deeply sorry for every pain I’ve caused you. Kung kaya ko lang, mamahalin din kita.’, ang sabi ni Darrel.

‘All this will end in the morning. Stop feeling guilty. I’m gonna be okay without you.’, ang sabi ni James.

Kinuha ni James ang malayang kamay ni Darrel at idinaop ito sa kanyang palad. Mahigpit niyang hinawakan iyon na para bang ayaw niya nang humiwalay dito. Naging malakas si James sa pagharap sa nalalapit na tuluyang pag-alis ni Darrel para na rin sa welfare nilang dalawa. Pero ngayon, habang papalapit na ang pagtatapos, ay hindi na niya nagawa pang ikubli ang mga luha.

‘I’ll miss you, Darrel. But I’m gonna be strong. Magiging masaya rin ako. Thank you. Thank you for tonight. At least, before we drift apart, naramdaman kong naging akin ka kahit sandali lang.’, ang sabi ni James habang umiiyak.

‘Shhh.’, ang pagpapatahan ni Darrel dito.

Hinigpitan ni James ang yakap kay Darrel. Si Darrel naman ay ginawaran siya ng isang halik sa noo bago matulog.

Kinabukasan, paggising ni James, ay wala na si Darrel sa kanyang tabi. Ang damit na isinuot nitong pantulog ay masinop na nakatupi sa may bedside table niya. Hindi ito nag-iwan ng kung ano mang bakas pa. Muling pumikit si James at inayos ang pag-iisip.

‘So, this is it.’, ang sabi niya pagkamulat niyang muli.

Humarap siya sa salamin at nag-flash ng isang malaking ngiti. Nagawa pa niyang kindatan ang sarili bago maligo.

***

Naging tahimik naman si Symon buong araw ng Martes sa klase. Hindi siya sumabay sa mga kaibigan sa lunch dahil wala siyang gana kumain. Nang matapos ang klase ay agad rin siyang nagpaalam sa mga ito dahil kailangan niyang pumunta na ng PJ’s para sa rehearsal ng kanyang gig.

‘Okay lang ba si Sy?’, ang tanong ni Coleen sa mga kaibigan.

‘I don’t know. Baka kelangan lang niya talagang mag-rehearse.’, ang sagot ni Shane.

‘Ang aga pa ah. 4PM pa lang. 5PM pa kaya rehearsals niya.’, ang sabi muli ni Coleen.

‘Yaan nyo na. Baka bad trip lang siya.’, ang sabat ni Jeric.

Nagyaya na rin ito na kumain sa cafeteria. Matagal-tagal pa ang hihintayin nila para sa gig ni Symon. Napag-usapan nila na magpunta na rin agad sa PJ’s pagkabukas nito.

Habang nasa loob pa ng MSCA ang mga kaibigan, si Symon naman ay naglalakad mag-isa papunta sa PJ’s. Pagpasok niya sa loob ay naglilinis pa ang mga waiter at lahat naman ito ay binati siya. Nginitian lang niya ang mga ito at hinanap si Tony. Pinuntahan niya ito sa kanyang maliit na office sa likod ng bar.

‘Sir?’, ang sabi niya kasabay ng pagkatok sa pinto.

‘Symon. You’re early. What’s up?’, ang bati sa kanya nito.

‘Yeah. I’d like to ask you something, sir.’, ang sabi ni Symon.

‘Sure. Ano yun?’, ang tanong ni Tony.

‘Gusto kong gumamit ng keyboard mamaya sa isang kanta ko. Okay lang po kaya?’, ang paalam ni Symon.

‘That’d be great, Symon.’, ang reaksyon ni Tony sa sinabi ni Symon.

Muli nitong tiningnan ang playlist ni Symon at sinabi niyang gusto niya ang mga kakantahin nito.

‘Medyo hindi lang ako pamilyar sa last song mo.’, ang sabi ni Tony.

‘I’ll let you hear it sa rehearsals. Wala pa yung banda e.’, ang sabi ni Symon.

‘Alright. But you can start with the keyboard, if you want. Sabihin mo na lang kay Paul na i-set up na.’, ang sabi ni Tony.

‘Okay. Thanks, sir!’, ang sabi ni Symon bago isara ang pinto ng office ni Tony.

Dumating na rin ang banda na tutugtog kasama ni Symon nang matapos siyang makapag-practice ng kanyang opening song.

‘Marunong ka pala mag-piano.’, ang pagpansin ng isa sa mga ito nang matapos siyang kumanta.

‘I took lessons.’, ang sabi ni Symon.

‘So, we’re going mellow tonight.’, ang sagot nito.

‘Yeah.’, ang nakangiting sagot ni Symon.

Nagsimula na rin agad silang mag-rehearse ng iba pang kanta. Tulad ng dati ay naging smooth ang kanilang rehearsals. Medyo nahirapan lang ang banda sa huling kanta dahil hindi sila pamilyar dito.

‘Pwede ulitin natin yung last song mo?’, ang sabi ng guitarist.

‘Sige.’, ang sabi ni Symon.

Umupo si Tony sa isang high chair sa may bar at pinakinggan ang finale song ni Symon. Pumalakpak ito nang matapos siyang kumanta.

‘Wow. Another unknown song pero parang favourite ko na naman.’, ang sabi ni Tony.

‘Thanks, sir!’, ang sabi ni Symon.

Tiningnan nila ang oras at nakitang malapit ng mag-6PM. Ni-wrap up na nila ang rehearsals at nagpasalamat na si Symon sa mga ito.

‘Tara, yosi.’, ang yaya ng gitarista.

‘No, thanks. Magbibihis na muna ako.’, ang pagtanggi ni Symon.

Pumasok na si Symon sa maliit na dressing room sa gilid na napag-alaman niyang ginagamit din ni Dana noong siya ang kumakanta dito. Nakasampay na ang kanyang mga isusuot kaya agad na siyang nagpalit.
Buong araw na hindi naalis sa kanyang isip si Darrel. Ang mga kanta na kanyang kakantahin ngayong gabi ay puro para dito kahit na hindi niya alam kung pupunta ba ito at panonoorin siya. Nakaupo lang siya sa harapan ng salamin at tinitingnan ang sarili habang iniisip pa rin si Darrel matapos makapagbihis.

Ang bagal ng takbo ng oras kaya naman naisipan niyang lumabas muna. May mangilan-ngilan ng customer ang bar. Binati siya ng mga ito at nag-wish ng good luck para sa gig mamaya. Nagpasalamat naman siya sa mga ito. Naabutan niya sa labas ang banda. Pero umakyat siya sa coffee shop para bumili ng maiinom.

‘Good evening!’, ang bati sa kanya ng barista.

Nakahinga naman ng maluwag si Symon nang makitang wala doon si Matt. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakaakyat dito. Masyadong maraming mga masasayang alaala ang nangyari dito sa kanila ni Darrel.

‘What are you having?’, ang tanong ng babaeng barista.

‘Iced caramel macchiato.’, ang sagot ni Symon.

Umupo siya sa madalas niyang spot dito. Tiningnan niya ang mga tao sa baba ng PJ’s. Ang mga estudyanteng pumapasok sa loob ng bar pati na rin ang banda na masayang nagyoyosi.

‘Ano kayang feeling ng naninigarilyo?’, ang tanong niya sa kanyang sarili.

‘One iced caramel macchiato for Symon.’, ang sigaw ng barista.

Lumapit siya sa bar, kinuha ang drink at bumalik nang muli sa kinauupuan. Na-miss niya ang inumin niyang ito. Nakita niya sina Jeric na papunta na sa PJ’s. Kumpleto sila. Naalala niyang hindi niya pa nakakausap ang mga kaibigan buong araw. Wala siya sa mood kaya siguro bukas na lang.

‘Symon?’, ang pagtawag ni Matt sa kanya.

Napasimangot si Symon nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Tiningnan niya ito at hindi nga siya nagkamali na si Matt iyon.

‘Why?’, ang tanong niya dito.

‘Hi. Ang tagal mong hindi pumunta dito ah. Kamusta ka na?’, ang sabi ni Matt.

‘Good.’, ang sagot ni Symon.

Naramdaman naman ni Matt na may tensyon pa rin sa pagitan nila. Tapos na ang shift niya. Paalis na sana siya nang marinig niya na tinawag ng barista ang pangalan ni Symon.

‘That’s not your usual order.’, ang pagpansin niya sa iniinom ni Symon.

‘I know.’, ang masungit na sagot ni Symon.

‘Hindi mo pa rin ako pinapatawad.’, ang sabi ni Matt.

Tumayo na si Symon sa kinauupuan nang ma-realize niyang mas okay pa pala na mag-stay sa dressing room kesa dito sa coffee shop.

‘Should I?’, ang tanong niya kay Matt bago niya ito iwan.

***

‘Good evening, guys!’, ang bati ni Symon sa mga customer ng PJ’s.

Nakangiti siya sa mga ito pero mahahalata sa boses nito ang kalungkutan. Nagpalapakpakan naman ang mga tao sa paglabas ni Symon sa stage. Halos hindi naman na makita ni Symon ang mga mukha ng mga tao dahil sa sobrang kaba. Unang beses niyang tutugtog ng piano sa harapan ng maraming tao. Noon ay sa teacher lang niya at sa kanyang pamilya lang siya tumutugtog.

‘So, tonight, I’ll be singing special songs for you. Alam ko marami sa inyo ang makaka-relate. This first song is so special that I’m gonna sing it while playing the keyboard.’, ang sabi ni Symon bago umupo sa harapan ng isang keyboard.

Tuwang-tuwa naman ang mga tao dahil sa sinabing ito ni Symon. Inayos niya sandali ang kanyang mic at nagsimula nang tumugtog. May mahinang hiyawan ang narinig ni Symon nang ma-recognize nila ang kanyang kakantahin.

‘What if I took my time to love you?
What if I put no one above you?
What if I did the things
That really mattered?
What if I ran through
Hoops of disaster?

No one would care if
We never made it
We're in this alone
So why don't we face it
There is no room to
Blame one another
We just need time to
Forgive each other

What about love?
What about feeling?
What about all the things that make life worth living?
What about faith?
What about trust?
And tell me baby...what about us?

How can I give this
Love a new beginning?
How can I stop the rain?
It's never ending
How do I keep my soul believing?
Memories of how we
Should be keep calling

What about love?
What about feeling?
What about all the things that make life worth living?
What about faith?
What about trust?
And tell me baby...what about us?

I'll take the rivers rise
I'll take the happy times
I'll take the moments of disaster

What about love?
What about feeling?
What about all the things that make life worth living?
What about faith?
What about trust?
And tell me baby...what about us?’

Kinabahan si Symon habang kinakanta ang kantang iyan dahil siya rin ang tumutugtog. Wala siyang back-up. Pero nang matapos ang kanta ay nabawasan na ito dahil nagawa naman niya ng malinis ang performance. Malakas ang mga palakpak na kanyang natanggap.

‘Thank you.’, ang sabi niya.

Agad na niyang isinunod ang dalawa pang kanta na patungkol din sa heartbreak. Bago niya simulan ang kanta ay nakipag-interact muna siya sandali sa mga tao.

‘Are you enjoying, so far?’, ang kanyang tanong.

‘’Yeah! We’re crying!’, ang sigaw ng isang babae na nakaupo sa kanyang bandang kaliwa.

‘Aww. I’m sure mas mapapaiyak ka sa susunod kong kakantahin. Who among you are watching American Idol?’, ang sabi ni Symon.

Halos lahat ng mga kamay ay nagsi-taasan.

‘Good. And how many of you have lost someone you love?’, ang muling tanong niya.

Mangilan-ngilan na lang ang nagtaas ng kamay. Kabilang dito ang babaeng sumagot sa kanya kanina.

‘This last song I’m gonna sing for you was sung in American Idol Season 8. It’s about loving someone so much that you find no reason to go on living after that person’s gone. Sana magustuhan niyo.’, ang sabi ni Symon.

‘Don't know why I'm surviving every lonely day
When there's got to be no chance for me
My life would end and it doesn't matter how I cry
My tears of love are a waste of time
If I turn away am I strong enough to see it through
Go crazy is what I will do

If I can't have you, I don't want nobody baby
If I can't have you, I can't have you
I don't want nobody baby, if I can't have you ah ah

Can't let go and it doesn't matter how I try
I gave it all so easily to you my love
To dreams that never will come true
Am I strong enough to see it through
Go crazy is what I will do

If I can't have you, I don't want nobody baby
If I can't have you, I can't have you
I don't want nobody baby, if I can't have you’

‘Thank you.’, ang sabi ni Symon bago mabilis na bumaba ng stage.

Agad siyang nagtungo at nagkulong sa dressing room. Hindi niya napigilan ang sarili na maging emotional matapos kantahin ang kanyang nararamdaman.

***

‘What happened?’, ang tanong ni Lexie nang biglang umalis si Symon stage habang nagpapalakpakan pa ang mga tao.

‘Parang naiiyak siya.’, ang sabi ni Shane.

‘Broken-hearted ba si Sy?’, ang tanong naman ni Coleen.

Nagkibit-balikat naman ang lahat. Sina Jeric at Gap ay nagkatinginan lang. Gumala ang mga mata ni Gap at nakita niya ang isang lalaki na lumabas mula sa bar.

‘Wait lang, guys.’, ang paalam niya bago nagmadaling lumabas.

Pagkabukas niya ng pinto ay malayo na ang pagitan nila sa isa’t isa. Kaya naman tumakbo siya at isinigaw ang pangalan nito.

‘Kuya Darrel!’, ang sigaw ni Gap.

Tumigil naman si Darrel sa paglalakad at hinarap si Gap. Pilit niya itong nginitian. Lumapit si Gap sa kanya.

‘Nakapag-usap na ba kayo ni Symon?’, ang tanong ni Gap.

‘Oo. Pero hindi niya matanggap e.’, ang sagot ni Darrel.

‘Mukha nga. Para sa’yo, for sure, lahat ng kinanta niya tonight.’, ang sabi ni Gap.
‘I know. Hindi ko na alam kung paano ipapaintindi sa kanya ang sitwasyon ko.’, ang sabi ni Darrel.

‘Maybe he’ll figure it out on his own. Let him off your hook. Wag mo na siyang kausapin since hindi nakatulong nung kinausap mo siya.’, ang sabi ni Gap.

‘Mukhang ganon na nga lang ang gagawin ko.’, ang sabi ni Darrel.

‘Alam na naman niyang wala siyang aasahan sa’yo diba?’, ang tanong ni Gap.

‘Yup. I made it very clear.’, ang sabi ni Darrel.

‘Alright. Kay James?’, ang tanong ni Gap.

‘Tapos na. We’ve ended pretty smoothly.’, ang sagot ni Darrel.

‘See. I told you. Kelangan mo lang harapin ang mga problema mo. Everything will be just fine.’, ang sabi ni Gap.

‘Yeah. Thanks, JR. Sobrang naging malaking tulong ka.’, ang sabi ni Darrel.

‘Wala ‘yun.’, ang sagot ni Gap.

Nagpaalam na sila sa isa’t isa at muling naglakad si Gap papasok ng PJ’s. Pero bago pa siya makapasok ay nakita niya si Symon na lumabas sa fire exit na nasa kabilang dulo ng bar. Patakbo niya itong nilapitan at nakita niya ang pag-iyak nito.

‘Symon!’, ang sabi ni Gap.

Nagulat naman si Symon sa biglang paglapit ni Gap sa kanya. Huli na para itago niya ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.

‘Hey.’, ang nanginginig niyang bati dito.

‘Saan ka pupunta?’, ang tanong ni Gap.

‘Uuwi na.’, ang mahinang sagot ni Symon.

‘Sure? Wala ka pang sundo ah. Wait, kukuhanin ko lang yung bag ko. Sasamahan kita.’, ang sabi ni Gap.

‘No, no. I just wanna go home.’, ang pagtanggi ni Symon.

‘I know you’re not okay. Let me help you.’, ang sabi ni Gap.

‘Thanks. But, no thanks. I don’t need any help.’, ang muling pagtanggi ni Symon.

Naglakad na ito papunta sa street pero persistent si Gap. Tinawag niya ito at pinilit pa rin si Symon na tanggapin ang tulong niya.

‘Wag kang makulit, Gap! Hindi ko kailangan ng tulong mo! Leave me alone!’, ang sigaw ni Symon.

Natigilan naman si Gap sa biglang pagsigaw sa kanya ni Symon. Mabilis na naglakad palayo si Symon dito. Bumalik na lang sa loob ng bar si Gap at hindi nagbanggit sa mga kaibigan tungkol sa nangyari sa labas.

***

Nagtext si Symon sa ina para hindi na siya nito sunduin. Pagdating niya ay nag-alibi na lang siya na hinatid nina Coleen hanggang sa gate ng subdivision. Agad rin siyang umakyat sa kanyang kwarto para hindi na magtanong ang ina kung bakit namamaga ang mga mata niya. Ihinilata niya ang katawan sa kama kahit hindi pa nagbibihis. The moment na maramdaman ng kanyang katawan ang malambot na kama, nagsimula na naman ang kanyang pag-iyak. Nakadapa siya at nakalaylay ang mga paa dahil nakasuot pa siya ng sapatos.

‘Kuya Darrel.’, ang pag-iyak niya.

Nasasaktan si Symon dahil unti-unti nang nagsi-sink in sa kanya ang katotohanan na imposibleng mahalin din siya ni Darrel. Nasasaktan siya dahil sa unang pagkakataong nagmahal siya ng totoo ay sa maling tao niya pa ito naibigay.

‘I don’t wanna love ever again.’, ang sabi ni Symon habang patuloy na lumuluha.

Nang mapagod sa pag-iyak ay tinungo niya na ang CR para maligo muna bago matulog. Nang matapos ay muli siyang bumalik sa kama at tiningnan ang kanyang cellphone. Binasa niya ang mga text ng mga kaibigan dahil sa bigla niyang pagkawala kanina. Nagpaalam naman siya kay Tony pero hindi sa mga ito. Naalala niya ang pagsigaw na ginawa kay Gap.

Symon: Sorry for what I did.

Ipe-press na niya ang send nang biglang magbago ang kanyang isip. Ni-lock na niya ang cellphone at nilagay ito sa table bago patayin ang ilaw.

‘He deserved it. Masyado siyang makulit.’, ang sabi ni Symon sa sarili.

Humiga na siya at niyakap ang unan ng mahigpit. Hindi niya alam kung paano haharap sa tao bukas. Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino. Ayaw niyang sumama kahit kanino. Gusto lang niyang mapag-isa.

***

‘Oy!’, ang pagtawag ni Gap sa atensyon ni James habang nagpapawis sa court sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball mag-isa.

‘Oh, kadarating mo lang?’, ang tanong ni James dito nang mapansing naka-uniform pa ito.

‘Oo. I heard nakapag-usap na kayo ni Kuya Darrel.’, ang sabi ni Gap.

‘Yup. Kagabi.’, ang hingal na sagot ni James.

Itinigil nito ang pagshu-shooting at lumapit sa kinauupuan ni Gap. Ibinaba nito ang bola sa katabing upuan bago umupo sa harap ni Gap.

‘Kamusta ka?’, ang tanong ni Gap.

‘Okay naman. Mutual ang decision namin na huwag nang mag-usap at huwag ng maging magkaibigan. It’s for the better.’, ang sabi ni James.

‘Is it?’, ang tanong ni Gap dahil may hinala itong hindi pa rin okay ang kaibigan.

‘It is. It’s not easy, though. Pero na-survive ko nga ang ilang taon na alam kong galit siya akin. I think naman mas magiging madali ‘to dahil nakapag-usap kami ng maayos.’, ang sabi ni James.

‘So, you’re moving forward na?’, ang tanong ni Gap.

‘I am.’, ang firm na sagot ni James.

‘Let me hold you back a bit. May gusto lang akong itanong.’, ang sabi ni Gap.

‘Shoot.’, ang sabi ni James.

‘How did you know that you feel something for Kuya Darrel? I mean, nakwento mo sa akin ‘yung lahat ng ginawa niyo and stuff. Pero ano yung naramdaman mo kaya mo nasabi na mahal mo siya?’, ang tanong ni Gap.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment