by: Lui
'Matt.', ang nasorpresang sabi ni
Symon nang makita ito pag-alis nina Lexie at Shane.
'Sy, I'm very, very sorry. I know I
crossed the line! Please. Patawarin mo ako.', ang sabi ni Matt sa kanya.
'What's done is done, Matt. Hindi mo
na mababawi yun.', ang sabi ni Symon.
Naglakad na siya pabalik sa loob ng
PJ's pero pinigilan siya ni Matt. Hinawakan siya nito sa braso at iniharap
siyang muli nito sa kanya.
'Please forgive me. I'm falling for
you, Symon. Please give me a chance.', ang sabi ni Matt.
'Let go of me, Matt! Ano nang nangyari
sa napag-usapan natin na maging friends muna tayo? Hindi ka ba makapaghintay?
You're so selfish! You ruined everything.', ang sabi ni Symon sa kanya.
'Kaya nga I'm sorry! Nagsisisi ako sa
ginawa ko. I don't wanna lose you.', ang sabi ni Matt.
'You just did, Matt.', ang sabi ni
Symon.
Lumabas naman mula sa bar si Darrel na
medyo sumusuray na ang lakad. Para namang bumagsak ang puso ni Symon sa nakita
at nilapitan niya ito.
'Kuya Darrel.', ang sabi ni Symon.
Pero bago pa man tuluyang makalapit si
Symon dito ay napukaw ng kanyang atensyon si James na humahangos na lumabas ng
bar. Patakbo nitong tinungo ang direksyon na nilalakaran ni Darrel at hinablot
niya ang braso nito. Napako si Symon sa kinatatayuan.
'All I'm asking for is a last chance
to talk, Darrel. That's all.', ang sabi ni James.
'There's nothing to talk about, James!
Wag ka nang umasang mababalik pa ang pagkakaibigan natin dahil wala na 'yun.
Sirang-sira na!!', ang sabi ni Darrel.
'Why can't you forgive me after all
those years?', ang tanong ni James.
'Why do you have to come back?!', ang
galit na tanong ni Darrel.
'I just wanna fix things up!', ang
sabi ni James.
'Makulit ka rin no? Wala na, James!!
Matagal na kitang binura sa buhay ko!', ang sabi ni Darrel.
Pero hindi pa rin nagpatinag si James.
Niyakap niya si Darrel ng mahigpit. Nanlaki naman ang mga mata ni Symon sa
nakita. Hindi niya alam kung ano ang namagitan sa dalawa pero nasasaktan siya.
Pilit namang kuwala si Darrel sa yakap na ito ni James. Isang malakas na suntok
sa mukha ang ibinigay niya dito na nagpatumba sa kanya.
'You're crazy, James!!!', ang sigaw ni
Darrel.
Tumakbo naman papunta kay James si
Symon at si Matt. Inalalayan nila ito para makaupo. Lumapit si Symon kay Darrel
habang si Matt ang tumingin kay James.
'Why do you have to do that?', ang
sabi ni Symon kay Darrel.
'Stay out of this, Symon.', ang sabi
ng gigil na si Darrel.
***
Lumalalim na ang tulog ni Gap sa
sasakyan nang bigla siyang nagulat sa isang malakas na sigaw. Agad siyang
nagmulat ng mata at lumingon sa kanyang kanan. Nakita niya si James na nakaupo
sa may kabilang side ng front parking ng PJ's. Halos mapatalon siya nang nakita
niya si Darrel at si Symon na nakatayo malapit sa kaibigan at mukhang nagtatalo.
'I won't! This is not you, Kuya
Darrel!', ang sabi ni Symon.
'Stop calling me Kuya! You're just
like James!! Both of you just wasted my time!! Magsama kayong dalawa!!', ang
sigaw ni Darrel sa kanya.
Sobrang nasaktan naman si Symon sa
sinabi nito. Bago pa man siya makapagsalita ay nakatalikod na si Darrel sa
kanya. Naglalakad na ito palayo habang si Gap naman ay palapit. Humabol si
Symon kay Darrel.
'Kuya Darrel!!', ang pagtawag nito.
Humarap siya kay Symon at inambahan
niya ito ng suntok. Gigil na gigil na si Darrel sa mga nangyari ngayong gabi at
gusto na lang niyang matapos ang lahat. Pumikit na si Symon at handa niyang
tanggapin ang suntok na ibibigay sa kanya ni Darrel. Pero hindi ito nangyari.
'Stop it.', ang mahinahong pagpigil ni
Gap sa gagawin ni Darrel.
Hawak niya ang braso ni Darrel.
Makikita sa mukha nito ang lubos na pagkadismaya at sakit dahil sa ginawa ni
Gap.
'Umuwi ka na, Kuya Darrel.', ang
authoritative na sabi ni Gap dito.
Masama ang tingin ni Darrel dito pero
wala na rin itong nagawa kung hindi ang tumalikod at lumayo sa kanila. Agad na
bumaling si Gap kay Symon na natulala sa nangyari.
'Are you okay?', ang tanong ni Gap sa
kanya.
'No. But, thanks.', ang sabi niya bago
tumakbo papasok sa PJ's.
Sinubukan siya muling harangin ni
Matt. Nagmamakaawa pa rin na patawarin siya sa ginawa nito sa kanya.
'I don't wanna see you anymore!! Look
at what you've done, Matt! This is all your fault!', ang sabi ni Symon sa kanya
bago tuluyang makapasok sa loob ng bar.
Buti na lang at medyo madilim sa loob
ng bar at hindi halata ang pag-iyak niya. Nagmadali siya papunta sa room kung
saan nakalagay ang mga gamit niya at nagkulong doon sandali. Iniyak na niya ang
lahat dahil sa mga masasakit na salitang sinabi ni Darrel. Nang tiningnan niya
ang repleksyon sa salamin ay nakita niya ang namamagang mga mata at namumulang
ilong.
'Symon?', ang pagkatok ni Tony sa
pinto.
Binuksan niya ito matapos ayusin ang
sarili. Halata pa rin na galing sa pag-iyak ang mga mata nito.
'Yes?', ang nakangiting bati niya
dito.
'Are you crying? Everything alright?',
ang tanong ni Tony.
'Yeah, yeah. Just got a call from my
Dad. He's in the States.', ang alibi ni Symon.
'Oh, I see. So, it was a great show
tonight. They loved you. Here.', ang sabi ni Tony bago iabot sa kanya ang isang
sobre.
'Thanks, Sir Tony. I'll get going. See
you on Thursday?', ang sabi ni Symon.
'Of course. Way to go, kid.', ang
paalam ni Tony.
Agad nang nag-ayos si Symon ng kanyang
mga gamit at inilagay ang lahat ng ito sa gym bag na dala. Hindi na muna siya
magpapasundo at inisip na maghahanap na lang muna ito ng mapupuntahan. Gustuhin
man niyang sa coffee shop sa taas mag-stay, mas pinili niyang huwag na dahil
baka naroon si Matt.
Mabilis siyang nagpaalam kay Tony
dahil marami pa rin ang dumadating na customers ng PJ's at busy ito.
'Bye!!', ang paalam niya sa mga
kasamahan na miyembro ng banda ng PJ's bago lumabas ng bar.
Nakayuko siyang naglakad sa street
para mag-abang ng masasakyang taxi. Nagulat siya nang may bumati sa kanya
galing sa kanyang likod.
'Hey.', ang sabi nito.
'Why are you still here?', ang tanong
ni Symon.
'I just thought you might need a ride
home. I don't see your Mom's car around.', ang sagot naman nito.
'Hindi pa naman ako uuwi. But, thanks,
Gap.', ang sabi ni Symon.
'Saan ka pupunta?', ang tanong nito sa
kanya.
'I don't know. Somewhere.', ang sagot
ni Symon.
'Tara na. It's not safe to ride a cab
at this hour. I'll drop you off wherever you want.', ang sabi ni Gap.
May point naman si Gap at ayaw naman
talaga ni Symon mag-taxi. Basta, ayaw lang niya munang umuwi ngayon. At ayaw
niya rin na mag-stay malapit sa PJ's. Kaya pumayag na siya sa offer nito. Nang
makalapit siya sa sasakyan ay nakita niya si James sa back seat ng sasakyan na
natutulog. Natuyo na ang dugo sa may ilong at bibig nito. Sumakay na si Symon
sa passenger seat.
'Do you have a license already?', ang
tanong ni Symon sa kanya.
'Nope. Kay James 'to. E knock out e.',
ang sabi ni Gap.
Bahagyang natawa naman si Symon sa
sinabi ni Gap. Medyo hindi na sila nagwo-worry na mahuhuli kahit na wala pang
lisensya si Gap dahil gabi na naman. Maingat na binaybay ni Gap ang daan
patungo sa main road.
***
Dinatnan ni Darrel na walang tao ang
kanilang bahay. Dumiretso agad siya sa kwarto at inihagis ang kung ano man ang
mahawakan. Paulit-ulit rin niyang sinuntok ang makapal na wall sa kanyang
kwarto habang umiiyak. Tumigil lang siya nang dumugo ang kanyang kamao. Umupo
siya sa sahig at sumandal sa dingding habang umiiyak. Ang mga gamit na kanina
ay itinapon niya, ngayon naman ay pinagsisipa niya.
'WAAAAAAAAAAAAHHHH!!!', ang sigaw ni
Darrel.
Pakiramdam niya ngayon ay sobrang
mag-isa siya. Wala ang kanyang pamilya. Ayaw niya i-open kay Dana ang problema.
Hindi naman din siya ganon ka-open sa mga kaibigan. Pilit na gumugulo sa isip
niya ang pagbabalik ni James at ang rebelasyon ni Symon.
Humiga na siya sa kanyang kama,
niyakap ng mahigpit ang malambot na unan at pinagpatuloy ang pag-iyak.
***
Nakakailang na katahimikan ang
pumailanlang sa sasakyan. Nagpapakiramdaman ang dalawa kung sino ang unang
magsasalita at kung ano ang sasabihin.
'Great show, by the way.', ang puri ni
Gap.
'Thanks.', ang nakangiting sabi ni
Symon.
Nahihiya si Symon na tumingin dito
dahil hindi niya alam kung alam na ba niya ang problema nila ni Darrel. Hindi
niya alam kung nahihiya lang din ba itong magtanong sa kanya.
'I hope you don't mind me asking,
bakit sinabi ni Kuya Darrel na parehas kayo ni James?', ang tanong ni Gap.
May nabubuo ng sagot si Gap na kanina
pang bumabagabag sa kanya pero ayaw niya itong paniwalaan hangga't hindi
nanggaling mismo kay Symon ang totoo.
'I honestly don't know. I mean, what
happened ba between the two of 'em?', ang sagot ni Symon.
Naisip naman ni Gap na para makakuha
siya ng sagot ay kailangan niyang magbigay ng impormasyon kay Symon tungkol sa
naging conflict ng dalawa. Pero alam niyang wala siya sa lugar at hindi siya
ang dapat na magsabi nito kanino man.
'I don't think I'm in the right
position to tell you that.', ang sabi ni Gap.
'Right. Sorry.', ang sabi ni Symon.
'So, saan ka pupunta?', ang tanong ni
Gap.
Honestly, hindi alam ni Symon ang
isasagot dahil hindi rin niya alam kung saan siya pupunta. Saan nga ba?
'Uhmmm. Still thinking about it.', ang
sagot ni Symon.
'Okay. Rough night, huh.', ang sabi ni
Gap.
Ilang minuto na silang nasa sasakyan
pero nangangapa pa rin ang dalawa. Marahil dahil ito sa bumagabag sa kung ano
ang similarity ni James at Symon kay Darrel.
'Pretty much, yeah.', ang sagot ni
Symon.
Tahimik muling nag-drive si Gap. Si
Symon naman ay nakatingin lang sa labas at naghahanap ng kung saan pwedeng
mag-stay. Pero halos lahat ng shop na madaanan ay sarado na. Pamilyar sa kanya ang lugar na ito dahil ito
ang daan niya pauwi.
'Maybe I'll just head home. You can
drop me off in the next block.', ang sabi ni Symon.
'Are you sure?, ang tanong ni Gap.
'Yeah. Nakakahiya na.', ang sabi ni
Symon.
'No, it's okay. I can drive you
hanggang sa bahay niyo. I know you're tired.', ang sabi ni Gap.
'Alright. Thanks.', ang alangang sabi
ni Symon.
Makalipas ang tatlumpung minuto ay
tumigil na sa harap ng bahay nina Symon ang sasakyan ni James.
'Thanks, Gap. For tonight.', ang sabi
ni Symon.
'Don't mention it.', ang sabi nito.
'Drive safely.', ang sabi niya bago
bumaba.
'I will.', ang narinig ni Symon na
sagot ni Gap.
***
Pagkagising ni James kinabukasan ay
ang pagkirot agad ng kanyang bibig ang una niyang naramdaman. Marahan siyang
bumangon at tiningnan sa salamin ang repleksyon niya.
'Shit.', ang tangi niyang nasabi sa
nakitang pamamaga.
Bumaba siya at nakapamewang ang
kanyang ina sa kanya.
'Morning.', ang malat niyang sabi.
'Anong morning? Look at the time! It's
3PM already. Maupo ka nga diyan.', ang sabi nito sa kanya.
Kinabahan siya bigla sa tono ng ina.
Hindi niya alam kung may nalaman ba ito sa insidente kagabi. Iniisip niya kung
paano ie-explain ang sarili.
'Nakikipagbugbugan ka na pala ngayon?
Pasalamat ka't iyan lang ang inabot mo sa grupo na iyon. At buti na lang naroon
si JR para tulungan ka.', ang galit na sabi ng ina sa kanya.
Parang nakahinga naman siya ng maluwag
nang makita niyang pinagtakpan siya ni Gap sa ina. Ang tanging kelangan niyang
gawin ay sakyan ito.
'Ma, hindi naman ako ang nagsimula.
Tahimik lang kami na naglalakad ni JR. Sila 'tong nanggulo.', ang sabi ni
James.
'EH! Ayokong nakikipagbasag-ulo ka
kahit kanino! Hindi kita pinalaki ng ganyan.', ang sabi nito sa anak.
'Opo. Pupunta lang ako kay JR.', ang
sabi nito.
Lumabas na siya ng bahay kahit hindi
pa naghihilamos. Magulo pa ang buhok nito at gusot ang suot na damit. Isang
tawid lang naman kaya hindi na nag-abala pa si James na mag-ayos.
'Hi, Tita!!', ang masayang bati ni
James kay Nancy na nadatnan niya sa kusina.
'O, anong nangyari sa mukha mo?', ang
sabi nito sa kanya.
Ikinwento nito sa ina ang alibi na
ginawa ni Gap. Malamang ay tulog pa ito dahil hindi pa ito nakakapagkwento sa
ina.
'Si JR po?', ang tanong ni James
habang ngumunguya ng ubas na nakalagay sa dining table nina Gap.
'Nako, kakaalis lang. Hindi naman
sinabi kung saan pupunta. Magkasama kayo kagabi diba? Wala bang nabanggit
sa'yo?', ang sabi nito.
'Wala po. O siya, Tita. Maliligo muna ako.',
ang sabi ni James bago muling pumitas ng isang tangkay ng ubas.
Pagkatalikod niya ay tinanggal na niya
ang ngiti sa kanyang mukha. Dire-diretso na siya sa kanyang kwarto at
naghilamos bago muling bumaba para kumain.
***
Halos hindi naman nakatulog buong
magdamag si Gap kakaisip sa nangyari kagabi. Pabaling-baling lang siya sa kama
hanggang sa makabuo na siya ng desisyon.
Gap: Kuya Darrel, gising ka na ba?
Hindi naman nag-expect ng reply si Gap
pero makalipas ang halos isang oras ay tumunog ang phone nito.
Darrel: Yes. Why?
Gap: Are you home?
Darrel: Yes.
Nang sagutin ni Darrel ang tanong niya
ay agad siyang naligo at umalis. Ang una at huling punta niya kina Darrel ay
noong nasa high school pa lamang sila. Kaya naman medyo nangapa si Gap sa pagko-commute
papunta dito. Nang malapit na siya sa bahay ni Darrel ay tinawagan niya ito.
'Open the gate.', ang sabi niya ng
sumagot si Darrel sa tawag niya.
'What? Why?', ang tanong nito.
'I'm here in front of your house.
Papasukin mo ako.', ang sabi ni Gap.
Sumilip si Darrel sa kanyang bintana
at nakita niya si Gap sa labas. Kumaway ito sa kanya. Walang sabi na ibinaba ni
Darrel ang phone. Bumangon siya at nakita ang kanyang kumot na may mantsa ng
natuyong dugo. Tiningnan niya ang kanyang kamao at nakita niya ang sugat dito.
Bumaba siya ng kwarto at nakitang siya pa rin mag-isa ang nasa bahay. Malamang
ay nasa trabaho na ulit ang mag-asawa. Binuksan niya ang gate na tanging sando
at boxer shorts lang ang suot.
'What's up?', ang malamig na sabi ni Darrel
kay Gap.
Hindi sumagot si Gap at sumunod lang
ito kay Darrel pagpasok sa kanilang bahay. Walang pinagbago ito sa paningin ni
Gap bukod sa ilang pieces of furniture.
'Wait lang. Shower lang ako.', ang
paalam ni Darrel sa kanya.
Makalipas ang labinlimang minuto ay
bumaba na ito at bagong ligo. Binalutan na din niya ng benda ang kanyang kanang
kamay.
'Anong nangyari dyan?', ang tanong ni
Gap.
'Ah. Wala 'to.', ang sabi ni Darrel
bago pumunta sa kusina para tingnan kung ano ang makakain pero wala siyang
nakita.
Tahimik namang naghintay si Gap sa
sala. Nagsabi si Darrel na o-order na lang sa isang fast food chain dahil
walang pagkain sa kanila. Hindi muling sumagot si Gap. Ayaw masira ni Gap ang
mga tanong na nasa kanyang isip kaya hangga't maaari ay ayaw niyang mag-isip ng
iba bukod sa mga ito.
Nang umupo na si Darrel sa kaliwang
couch ay seryoso na itong bumaling sa kanya. Biglang nag-iba ang atmosphere sa
loob ng bahay.
'What brought you here?', ang
diretsong tanong ni Darrel.
'I have questions. Plus, I'm here for
James.', ang sabi ni Gap.
'Just what I thought. Kelan ba ako
makakawala sa shadow niya??', ang inis na sabi ni Darrel.
'I can't blame you for acting like
that. Pero give James a break. He's suffering more than you are.', ang sabi ni
Gap.
'You don't know anything. Anything!',
ang galit agad na sabi ni Darrel.
'Then tell me! I'm his friend simula
pa lang nung nagkaisip ako. I've been looking up to you since high school. Tell
me why you have to be like this.', ang sabi ni Gap.
Napasandal naman si Darrel sa
inuupuan. Halata sa ekspresyon nito na gulong-gulo na ang isip niya.
'You need someone to talk to.', ang
sabi ni Gap.
Gustuhin man ni Darrel na hindi
sumang-ayon sa sinabi ni Gap pero alam niyang totoo ang sinabi nito. Matagal na
natahimik si Darrel at iniisip kung pagkakatiwalaan niya ba si Gap. Mahirap man
aminin pero tama si Gap.
'May nakapagsabi nga sa akin, bakit
daw galit ang ipinapakita ko sa mga taong nagpapakita ng pagmamahal sa akin.
Hindi daw ba dapat matuwa ako kasi mahal nila ako?', ang pagsisimula ni Darrel
sa pago-open up kay Gap gamit ang mga sinabi sa kanya ni Matt.
Mas pinili naman ni Gap na hindi na
magsalita at makinig na lang sa mga sasabihin ni Darrel. Tumingin ito sa mga
mata niya bilang tanda na buong atensyon ang ibinibigay niya sa pakikinig.
Nagsimula nang maipon ang mga luha sa mga mata ni Darrel.
'I can't love James the way he loves
me. I'm not gay.', ang sabi ni James.
'But that's not an excuse para itaboy
mo siya ng ganon.', ang sabi naman ni Gap.
'I know. Aside from it, I can't love
him or anyone in that matter because I'm not capable of loving.', ang sabi ni
Darrel.
'That's just absurd! Imposible 'yang
sinasabi mo. Tao ka, Darrel. You have the natural capacity to love. You can't
say you're incapable of loving someone.', ang medyo inis na sabi ni Gap.
'I grew up being unloved by my
family.', ang pag-iyak ni Darrel.
Ngayon lang siya umiyak ng ganito
katindi dahil ngayon lang niya masasabi ang matagal ng tinatagong sikreto.
'Why?', ang tanong ni Gap.
Lumapit siya sa inuupuan ni Darrel at
hinaplos ang likod nito.
'Anak ako sa labas ni Papa. Hindi ako
matanggap ni Kuya pati ni Mama. Kahit sinasabi nila ngayon na okay na,
naaramdaman ko pa rin na iba ang tingin nila sa akin, na parang hindi ako part
ng pamilya namin.', ang sabi ni Darrel.
Hindi naman in-expect ni Gap ang
ganitong rebelasyon ni Darrel. Sobrang naaawa siya dito dahil nararamdaman niya
ngayon kung gaano ka-lonely si Darrel.
'Do you understand, JR? I can't give
what I do not have! I can't love anyone because I don't have it in me. I don't
love myself!', ang patuloy na pag-iyak ni Darrel.
Tumango naman si Gap bilang tugon sa
tanong ni Darrel.
'Sinubukan ko naman. Ilang beses na.
Pero I keep on failing. Ngayon, sinusubukan kong mahalin si Dana, pero the more
na nagta-try ako, lalo kong nararamdaman kung gaano ako ka-empty.', ang sabi ni
Darrel.
'Sige lang, Kuya Darrel. Iiyak mo lang
yan.', ang sabi ni Gap.
Ilang minuto ring walang tigil sa
paghagulgol si Darrel. Umalis sandali si Gap para kuhanan siya ng tubig at para
kuhanin ang kanilang in-order na pagkain.
'Sorry. I put this all on you.', ang
sabi ni Darrel nang mahimasmasan na ito.
'It's alright. I'm here to help.', ang
sagot ni Gap habang inaayos ang kanilang kakainin.
'I'd really appreciate it kung hindi
mo sasabihin kahit kanino ang nalaman mo. Kahit si James, hindi yan alam.', ang
sabi ni Darrel.
'Of course. Don't worry.', ang sabi ni
Gap.
***
Nasa sala si Symon habang nagbabasa ng
isang novel. As usual ay nakikinig siya ng music habang ginagawa ito. Nakita
niya ang ina na pumasok pero nginitian lang niya ito at muling bumalik sa
pagbabasa.
'Hoy, SYMON!', ang sigaw sa kanya ni
Grace na may kasama pang palo.
'Ow!!', ang daing niya.
Tinanggal niya ang headset at tumingin
sa ina.
'Kanina pa kita kinakausap, hindi mo
pala ako naririnig.', ang sabi nito.
'What are you saying?', ang sabi ni
Symon.
'Sabi ko, I'm going out. I'm meeting
Nancy.', ang pag-uulit ni Grace sa sinabi.
'Where?' Can I come with you?', ang
tanong ni Symon.
'Sa bahay nila. Why?', ang sagot ni
Grace.
'I wanna thank her and Gap. Hinatid
ako dito kagabi ni Gap, remember?', ang sabi ni Symon.
'Ah. O sige. Magbihis ka na and we'll
buy something for them.', ang sabi ni Grace.
Patakbong tinungo ni Symon ang kwarto
para magbihis. Nagpalit lang siya ng shirt at nagsuot ng boardshorts at flip
flops. Agad rin silang umalis ni Grace at dumaan muna sa isang bakeshop para
bilhan sina Nancy ng pastries.
Nag-park si Grace sa gilid ng bahay
nina Gap at nag-doorbell. Agad naman silang pinagbuksan ni Nancy.
'Sinama ko 'tong si Symon dahil gusto
daw niyang mag-thank you kay Gap.', ang sabi ni Grace habang naglalakad sila sa
pasilyo papasok sa bahay nina Gap.
'Nako, wala si JR dito. Pero tingin ko
naman ay pauwi na iyon. Teka tatawagan ko.', ang sabi ni Nancy.
'Nako, wag na po.', ang sabi ni Symon.
'You're staying for dinner ha. I
cooked something special.', ang sabi ni Nancy.
Inabot na ni Grace dito ang pastries
na kanilang binili at tuwang-tuwa naman itong tinanggap ni Nancy. Naghanda na
si Nancy ng merienda kaya naman niyaya niya na ang dalawa sa kusina para
makakain.
Matapos makakain ay dumiretso sa sala
ang tatlo. Nagsimula nang mag-usap tungkol sa trabaho ang dalawa. Na-out of
place si Symon kaya naman nagpaalam ito na lalabas muna sandali at
magpapahangin.
Una, sa garden lang siya nag-stay. Tinitingnan
niya ang bahay nina James. Kinalaunan ay lumabas na siya at binalak na mag-stay
na lang muna sa sasakyan dahil hawak naman niya ang susi nito. Pero dinala siya
ng kanyang mga paa sa katapat na bahay. Bago niya pa mapigilan ang sarili ay
napindot na niya ang door bell nito.
Biglang kinabahan si Symon kaya naman
mabilis itong tumalikod mula sa gate nina James at patakbo na sanang tutunguhin
ang sasakyan nang bumukas ito.
'Symon?', ang patanong na tawag ni
James sa kanya.
Tumigil si Symon sa paglalakad at
dahan-dahang humarap kay James. Nahihiya siya dahil hindi niya alam kung tama
ba ang ginagawa. Nagulat siya nang makita niyang namamaga ang labi ni James
pati na ang ilong nito.
'James.', ang sabi ni Symon bago niya
bigyan ng isang awkward na ngiti si James.
'What are you doing here?', ang tanong
ni James.
'Ah. Hmm. Eh. Uhm. We're visiting
Gap's mom. My mom and her mom are sorta workmates. So, yeah, we're just
visiting.', ang magulong sabi ni Symon.
'Wala pa si JR? Pumunta ko kanina dyan
e, umalis daw.', ang sabi ni James.
Lumabas na ito sa kanilang gate. Sa
harap ng bahay nila sila nag-usap.
'Wala pa. I think I better get
inside.', ang sabi ni Symon.
Tumalikod na siya at tumawid sa
kabilang side ng street para makapasok na ulit sa bahay nina Gap nang pigilan
siya ni James at nakita niya itong tumakbo palapit sa kanya.
'May gusto ka bang sabihin? I mean,
bakit ka nag-door bell?', ang tanong ni James.
'Honestly, sumama lang ako para
makausap ka sana. I don't know if I should ask you this. Pero it's bugging me
since last night. What happened between you and Kuya Darrel?', ang diretsong
sabi ni Symon.
Umupo si James sa pavement. Umupo rin
si Symon sa tabi nito. Takip-silim na naman.
'I love him.', ang pagsisimula ni
James.
Nakayuko si Symon nang mga panahong
iyon at mabilis na umangat ang kanyang ulo at bumaling kay James nang sinabi
niya ang tatlong salitang ito.
'Gulat na gulat ka.', ang pagpansin ni
James sa naging reaksyon ni Symon.
'He doesn't love you?', ang tanong ni
Symon.
'No. Galit siya sa akin. Matagal na
'to. High school pa lang kami.', ang sabi ni James.
Inilagay ni Symon ang mukha sa
dalawang palad. Ngayon nagiging malinaw na sa kanya kung bakit ganon na lang
ang galit ni Darrel nang malaman niya ang pagtingin niya dito.
'Are you okay?', ang tanong ni James.
'Now, I know why he compared me to
you. Sabi niya, we both wasted his time.', ang sabi ni Symon.
'Why? Do you.. Are you...', ang hindi
natatapos na tanong ni James dahil sa bilis ng realization niya.
'Yes. I also love him.', ang malungkot
na sabi ni Symon.
***
'Sobra kong na-appreciate si James
noon na naging spoiled siya sa akin. Pinahalagahan ko siya kasi sa kanya ko
lang na-feel na hindi ako nag-iisa. Kaya hindi mo ako masisisi na magalit sa
kanya nung gabing nalaman kong may nararamdaman siya sa akin. Para kasing
pakiramdam ko, niloko lang niya ako. Pakiramdam ko, ginamit lang niya ang
pagiging mabait niya para maging close sa akin.', ang sabi ni Darrel.
'Hindi mo rin naman masisisi si James
kung bakit ka niya minahal. You gave him all the reasons to. Siguro naging
mahirap lang kasi you both need each other but you're not on the same page.',
ang sabi ni Gap.
Tumango naman si Darrel sa sinabi
nito. Nag-aalangan pa rin si Gap na itanong na ang bumabagabag sa kanya pero
nagkaron din siya ng lakas ng loob para itanong ito.
'Kuya, bakit mo sinabing parehas si
James at Symon? I mean, what's your deal with Symon? Bakit mo siya sasapakin
kagabi? Diba close kayo?', ang sunud-sunod na tanong ni Gap.
'Symon fell for me. I knew it when
Matt, yung barista sa PJ's na may gusto sa kanya, put a note that Sy wrote nung
nasa PJ's siya.', ang sabi ni Darrel.
Hindi nga nagkamali si Gap nang
na-conclude sa kung bakit ganon ang nangyari kagabi between Symon and Darrel.
Pero nagulat pa rin siya sa sinabi ni Darrel.
'I didn't know that Symon's...', ang
pagsisimula ni Gap.
'Yeah. Sino bang mag-aakala?', ang
sabi ni Darrel.
Buti na lang at kahit papaano ay
naihanda na ni Gap ang sarili niya sa balitang ito. Kaya naman hindi na siya
masyadong nagulat.
'So, what's your plan?', ang tanong ni
Gap.
'What do you think should I do?', ang
tanong ni Darrel.
'Talk to them. Clear things up. Don't
try to salvage your relationship with James kung hindi mo talaga kaya. But, I
think he deserves a clean slate.', ang sagot ni Gap.
***
'We're on the same sinking boat
pala.', ang sabi ni James habang nakaupo pa rin sila sa gutter sa harap ng
bahay nina Gap.
'Yeah, apparently we are.', ang sagot
ni Symon.
'O, ayan na si JR.', ang sabi ni James
nang makitang naglalakad si Gap palapit sa kanila.
Nang makita ni Symon ang mukha nito ay
may ekspresyon itong nagtatanong. Nagtataka ito kung bakit magkasama ang
dalawa.
'Hey.', ang bati ni Gap kay Symon.
'Hey. My mom's with your mom inside.',
ang sabi ni Symon.
'Okay. Anong ginagawa niyo dito?', ang
tanong ni Gap sa kanilang dalawa.
'Nagkekwentuhan lang kami.', ang sagot
ni James.
Nagpaalam na rin si James na papasok
muna sandali dahil may kailangan pa itong gawin. Pumasok naman sa loob ng bahay
sina Gap at Symon.
'Saan ka galing?', ang tanong ni
Symon.
'Kina Kuya Darrel.', ang sagot ni Gap.
Biglang kinabahan si Symon sa sinagot
ni Gap sa kanya. Ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib.
'Oh. Is he okay? May nabanggit ba
siya?', ang kinakabahang tanong ni Symon.
'Yeah. Don't worry, I know already.',
ang sabi ni Gap sa kanya.
Nginitian siya nito bago naunang
pumasok sa bahay. Naiwan naman si Symon sa may labas ng bahay at halos hindi makagalaw sa sinabi ni Gap.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment