by: Lui
Unti-unting naramdaman ni Symon ang
pagbigat ng kanyang katawan pagkamulat niya ng kanyang mga mata nang sumunod na
umaga. Tuyo ang kanyang mga labi pati na ang kanyang lalamunan. Mainit ang
pakiramdam sa kanyang mata. Bumangon siya at agad siyang dumaing sa sakit dahil
sa pananakit ng ulo at biglang pagkahilo.
‘Symon!!! Bumangon ka na! Baka ma-late
ka!’, ang sigaw ni Grace na sa wari ni Symon ay kanina pa siya ginigising.
‘Mommy.’, ang mahinang sabi niya
pagkabukas niya ng pinto.
‘Dalian mo na, Symon! Naku, may
meeting pa ako after kita ihatid. I can’t be late.’, ang sabi ni Grace.
‘I think hindi muna ako papasok. Ang
sama ng pakiramdam ko.’, ang sabi ni Symon.
Agad na sinipat ni Grace ang anak.
Bumalik sila sa kwarto at pinahiga niya ito sa kama. Inayos niya ang kumot nito
at muling hinaplos ang mukha.
‘Ang taas ng lagnat mo. Sandali,
kukuhanin ko lang yung thermometer.’, ang sabi ni Grace.
‘Tsaka water, please.’, ang pahabol ni
Symon.
Mabilis namang bumalik si Grace at
agad na kinuha ang temperature ni Symon gamit ang isang digital thermometer.
Agad ring naubos ni Symon ang tubig dahil sa sobrang uhaw.
’39.2° ang temperature mo. Kukuhanan
na kita ng cold compress at breakfast tapos uminom ka na agad ng gamot. Wag ka
na munang pumasok.’, ang sabi ni Grace bago lumabas ng kwarto ni Symon.
Matapos madala ang mga kailangan ni
Symon ay agad na rin itong nagpaalam sa anak dahil kailangan niya nang pumasok
sa trabaho. Nang maisara ni Grace ang pinto ay agad na tumawag si Symon kay
Gap.
‘Hey.’, ang matamlay niyang bati.
‘Nasa school ka na ba? Malapit na
ako.’, ang sabi ni Gap.
‘Hindi ako makakapasok ngayon. Ang
taas ng fever ko.’, ang sabi ni Symon.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni
Gap. Biglang lumungkot ang tono ng boses nito nang itanong niya kung nakainom
na ba si Symon ng gamot.
‘Tapos na. Hey, wag mong sisihin ang
sarili mo sa pagkakasakit ko, okay?’, ang sabi ni Symon.
Ibinaba na ni Symon ang cellphone nang
makaramdam siya ng antok. Ibinalik niya sa bedside table ang cellphone bago
ipikit ang mga mata.
***
Halos wala namang naging free time
sina Gap sa klase dahil maagang dumating ang lahat ng kanilang mga professors.
Matapos ang tatlong subjects sa umaga ay lunch break na. Nakasabay niya sa
corridor sina Jeric at Coleen na matagal na niyang hindi nakakausap.
‘Nasaan si Sy?’, ang tanong ni Jeric.
‘May sakit.’, ang maikling sagot ni
Gap.
‘What?! Bakit? Anong sakit niya?’, ang
biglang pag-aalala ni Coleen.
‘Bakit? As if you care.’, ang sabi ni
Gap.
Inunahan na ni Gap sa paglalakad ang
parehas na nagulat na sina Jeric at Coleen. Walang ideya ang mga ito sa
pagsusungit ni Gap sa kanila. Bigla namang sumulpot sa likod nila sina Lexie at
Shane.
‘Hey.’, ang bati ni Shane.
‘Hi.’, ang sabi ni Coleen na medyo
wala sa sarili.
Nag-usap sandal sina Jeric at Coleen
nang makalampas sina Shane at Lexie. Nagtanungan sila kung ano ba ang nagawang
mali para umakto si Gap nang ganon sa kanila. Narating nila agad ang isang
desisyon.
‘Lex!!’, ang sigaw ni Coleen.
Tumigil naman ang dalawa sa paglalakad
habang humahabol si Coleen sa kanila. Si Jeric naman ay bumaba sa kabilang side
ng stairs para habulin si Gap. Naabutan niya ito na papasok na sa cafeteria.
Naghanap siya ng isang bakanteng table para doon hintayin si Gap. Makalipas
lang ang ilang minuto ay dumaan na ito sa harap niya.
‘Gap!’, ang pagtawag ni Jeric sa
kanya.
Tumigil si Gap sa paglalakad at
hinarap si Jeric. Inalok ng huli na magsabay na sila. Pumayag si Gap dahil
nakita niyang wala na ring bakanteng table. Nang umupo siya ay si Jeric naman
ang bumili ng pagkain. Tahimik lang ang dalawa hanggang sa kalagitnaan ng
kanilang pagkain.
‘May problema ba, Gap?’, ang tanong ni
Jeric.
‘Problema? Ano sa tingin mo?’, ang
sabi ni Gap.
‘Come on.’, ang pagpillit ni Jeric.
‘Alam mo kung anong problema? Kayo.
You never cared, Jeric! Kayong dalawa ni Coleen. Hinayaan niyong mangyari ang
lahat ng ‘to. You should’ve done something!’, ang sabi ni Gap.
‘Lexie wanted space. Wala na tayong magagawa
dun.’, ang sabi ni Jeric.
‘I know. Pero bakit pati kayo nawala
kay Sy? Nagpupunta pa ba kayo sa PJ’s? Sumasabay pa ba kayo sa amin kumain? In
a snap, bigla na lang kayong nag-solo ni Coleen!’, ang giit ni Gap.
‘Gap, si Symon ang gustong lumayo, hindi
kami! Masyadong kumplikado ang sitwasyon na ‘to para makigulo pa tayo.’, ang
sabi ni Jeric.
‘You should have been kinder to him,
Jeric. Mas matagal niyo siyang naging kaibigan ni Coleen. Sana hindi niyo siya
basta iniwan ng ganon.’, ang sabi ni Gap.
‘Come on, Gap! Hindi namin iniwan si
Sy! Patas naman kami sa kanilang dalawa ni Lexie. Hindi na rin naman kami
sumasama sa kanila. Look, I know you’re trying to protect him pero I’m
protecting my relationship with Coleen. Nung retreat, naipit na kaming dalawa
sa sitwasyon nila. Ayoko nang maulit yun. So kung gusto nilang magsarili,
hahayaan ko na lang sila.’, ang sabi ni Jeric.
‘You’re selfish! Wala kang ibang
iniisip kung hindi si Coleen.’, ang sabi ni Gap.
‘Bakit? Anong tawag dyan sa ginagawa
mo? Hindi ba selfish act din yan? Si Symon lang din naman ang iniisip mo ah.
Kung umasta ka ngayon parang hindi mo na rin kaibigan sina Shane at Lexie.
Parang hindi mo na rin kami kaibigan. Ano bang meron sa inyo ni Sy?’, ang inis
na sabi ni Jeric.
Natahimik naman si Gap nang isampal ni
Jeric pabalik sa kanya lahat ng sinabi niya dito. Nanginginig na siya sa inis.
‘I care about Symon.’, ang sabi ni
Gap.
‘Yeah. Pero kinalimutan mo na may iba
ka pang kaibigan. Look, Gap. Parehas lang tayong may pino-protektahan. Kung ano
mang meron sa inyo ni Symon, labas na ako dun pero magkakaibigan pa rin tayo.
Sana naman huwag maging ganito.’, ang sabi ni Jeric.
Hindi na natapos ni Gap ang kanyang
kinakain at iniwan na niya si Jeric mag-isa. Clouded na masyado ang kanyang judgment
kaya kung ano-ano na ang nasabi niya. Madalas niya kasing makita si Symon na
palihim na tumitingin sa mga kabarkada noon at nakita niya sa mga mata nito ang
sobrang kalungkutan.
***
Habang magkasama sina Gap at Jeric,
muli namang nakapag-bonding sina Shane, Lexie at Coleen. Lumabas sila ng MSCA
para kumain.
‘So, kamusta ka na?’, ang tanong ni
Coleen kay Lexie habang kumakain na sila.
‘Okay naman.’, ang maikling sagot ni
Lexie.
‘How are you coping? I mean, it’s been
two months already.’, ang sabi ni Coleen.
‘I’m better now. Last month kasi,
mahirap talaga para sa akin na makita si Symon. Pero ngayon medyo nakakaya ko
na.’, ang sabi ni Lexie.
‘Speaking of Sy, bakit wala siya?’,
ang tanong ni Shane.
‘May sakit daw sabi ni Gap.’, ang
sagot ni Coleen.
‘Is he okay?’, ang worried na tanong
ni Lexie.
‘I don’t know yet. Tatawagan ko na
lang siya later.’, ang sabi ni Coleen.
Bumalik na sila sa MSCA para sa
kanilang afternoon class. Napag-usapan ng tatlo ang kanilang plano sa susunod
nilang paglabas hanggang sa marating nila ang kanilang classroom. Pasimpleng
hinawakan ni Lexie ang braso ni Coleen matapos makapasok ni Shane sa loob.
‘Tell me how Symon’s doing.’, ang sabi
ni Lexie.
‘Will that be helpful?’, ang nagulat
na tanong ni Coleen.
‘I don’t know. But I think I need to
know. I want to.’, ang sagot ni Lexie.
‘Lex.’, ang sabi ni Coleen.
‘Please.’, ang pakiusap ni Lexie.
‘Alright.’, ang pagpayag ni Coleen.
Umupo na si Coleen sa tabi ni Jeric.
Sina Shane at Lexie ay nakaupo sa kabilang row. Ilang upuan sa harap ang
pagitan nila kay Gap. Sobrang kalat na sa room ang barkada. Hindi tulad ng dati
na halos hindi na sila mapaghiwalay.
‘So how was it?’, ang tanong ni
Coleen.
‘Masama ang loob ni Gap sa ating
dalawa dahil sa pananahimik natin sa issue nina Lexie at Sy.’, ang sabi ni
Jeric.
Muling idinepensa ni Jeric ang
kanilang side kay Coleen para ipaalala dito ang dahilan kung bakit hindi na
sila nagsalita pa tungkol sa issue.
‘Kamusta ang lunch with Lexie and
Shane?’, ang tanong ni Jeric.
‘Good. Pero mukhang hindi pa rin
nakaka-get over si Lex.’, ang sabi ni Coleen bago ikwento ang maikli nilang
conversation bago pumasok sa room.
‘So, what do you think should we do?’,
ang tanong ni Jeric matapos magkwento ni Coleen.
‘I don’t know. Hindi naman natin
kayang i-force na mabuo ulit ang grupo kung ganyan pa sila.’, ang sabi ni
Coleen.
‘Yun nga e.’, ang malungkot na sabi ni
Jeric.
‘Pero nami-miss ko na sila.’, ang sabi
ni Coleen.
‘Ako rin. Buti na lang nandyan ka.’,
ang sabi ni Jeric.
***
Nagkita sina James at Bryan sa lobby
ng library ng SPU around 4PM. Kakatapos lang ng klase ni Bryan habang si James
naman ay isang oras nang naghihintay.
‘Dinner?’, ang yaya ni James.
‘Uhm. I can’t. May gagawin ako e.’,
ang pagtanggi ni Bryan.
‘Ano?’, ang tanong ni James.
‘Ah. Eh. Imi-meet ko si Mama.’, ang
alibi ni Bryan.
‘Oh.’, ang tanging naging reaksyon ni
James.
Alam niya kung saan talaga ito
pupunta. Gusto ni James na huwag nang ituloy ni Bryan ang gagawin sa
pamamagitan ng pagda-divert nito sa kanyang atensyon pero mukhang hindi siya
nagtagumpay. Ilang beses niya pang pinilit ito na samahan na lang siya sa
gabing iyon.
‘Hindi ka rin makulit no! Sinabi nang
magkikita nga kami ni Mama e.’, ang inis na baling ni Bryan kay James.
‘Okay. Sige, punta ka na. Baka ma-late
ka pa.’, ang mahinahong sabi ni James.
Ni hindi na nagsalita ulit si Bryan.
Agad itong tumalikod at naglakad palayo kay James. Napailing na lang si James
sa ginawa ni Bryan. Hindi siya makapaniwala na ganon katindi ang ugali nito.
Lumipas ang labinlimang minuto,
lumabas na si James ng library at napagdesisyunang pumunta sa SM Megamall kung
saan pupunta si Bryan.
***
Nang matapos ang klase nila ay agad na
bumyahe si Gap papunta kina Symon. Nadatnan niya doon ang kakarating lang din
na si Grace. Malugod siya nitong pinapasok sa kanilang bahay.
‘How’s school?’, ang tanong ni Grace.
‘Okay naman po. Kamusta po si Sy?’,
ang sagot ni Gap.
‘Tumawag sa akin kanina bago ako
umuwi. Hindi pa rin daw bumaba ang lagnat niya. Anong gusto mo? I’m making tuna
sandwich for Sy.’, ang sabi ni Grace.
Sumunod si Gap sa kusina at tinulungan
si Grace sa pagpe-prepare ng pagkain para kay Symon. Nahiya naman si Gap kaya
kung ano na lang ang inihanda nito ang kanyang isinagot sa tanong ni Grace.
Dinoble na lang ni Grace ang mga sandwich na ginawa.
‘Would you mind bringing this with me
upstairs?’, ang tanong ni Grace.
‘No, Tita.’, ang nakangiting sabi ni
Gap bago kuhanin ang tray at sumunod kay Grace paakyat.
Ngayon pa lang nakaakyat si Gap sa
bahay nina Symon. Nakita niya ang ilang mga pictures ni Symon noong bata pa ito
at hindi niya maiwasang mangiti dahil sa ka-cute-an ng mga ito.
‘Sy.’, ang pagkatok ni Grace.
Bukas na ang pinto kaya agad rin itong
pumasok. Na-amaze naman si Gap sa isang table na puro picture frames ang
nakapatong sa tabi ng pinto ng kwarto ni Symon kaya hindi agad ito nakasunod sa
loob ng kwarto ni Symon.
‘May kasama nga pala ako.’, ang sabi
ni Grace.
Doon lang pumasok si Gap sa loob
habang bitbit ang tray ng sandwich at water. Nakangiti agad si Gap at nakita
nito ang biglang pag-gaan ng mukha ni Symon nang makita siya.
‘Gap!’, ang masayang sabi ni Symon.
‘Hey.’, ang sabi ni Gap habang
nilalagay ang tray sa harapan ni Symon.
‘O maiwan ko muna kayong dalawa.
Symon, yung gamot mo ah.’, ang sabi ni Grace.
‘Opo. Thank you, mom.’, ang sabi ni
Symon.
Ngumiti si Gap kay Grace bago nito
isara ang pinto. Si Symon ay kinain na ang sandwich na ginawa ni Grace para sa
kanya. Umupo si Gap sa may paanan ng kama ni Symon.
‘Ang dami naman nito.’, ang sabi ni
Symon habang puno ang bibig.
‘Akin kasi yung iba.’, ang natatawang
sabi ni Gap bago kumuha ng isa sa plato.
Nang maubos ni Gap ang kinakaing
sandwich ay kinuha niya ang gamot ni Symon na nakalagay rin sa tray at binuksan
ito para sa kanya.
‘Thanks.’, ang sabi ni Symon nang
iabot ni Gap sa kanya ang gamot.
Inialis na ni Gap ang tray at inilagay
ito sa bedside table ng kama ni Symon. Umayos ng pagkakahiga si Symon.
‘Kakatawag lang ni Coleen.’, ang sabi
ni Symon habang busy pa rin si Gap sa pag-aayos ng kanilang pinagkainan.
‘O, bakit daw?’, ang tanong ni Gap.
‘Nangangamusta lang. Tsaka sinabi niya
na sinungitan mo daw siya kanina.’, ang sagot ni Symon.
Parang wala namang narinig si Gap sa
sinabi ni Symon at nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Umurong ng kaunti si Symon
palapit sa gitna ng kanyang kama bago tawagin si Gap.
‘Gap. Umupo ka nga dito.’, ang utos ni
Symon.
Tumingin si Gap sa kanya at nakita
nito ang seryosong ekspresyon ng kanya mukha kaya agad din siyang sumunod.
‘May problema ba, Gap?’, ang tanong ni
Symon nang tumabi na sa kanya ito.
Ikinwento ni Gap ang naging pag-uusap
nila ni Jeric sa cafeteria. Tahimik namang nakinig si Symon sa mga sinasabi
nito.
‘Gap, may point naman si Jeric e.
Tsaka wala na tayong magagawa kung nagkawatak-watak na tayo.’, ang sabi ni
Symon.
‘Pero nakikita kita na nalulungkot
kapag nakikita mo sila.’, ang sabi ni Gap.
‘Syempre. Pero masaya ako para kina
Jeric at Coleen dahil strong ang relationship nila. Ganon din kina Lexie at
Shane. Look, kahit hindi na tayo nakukumpleto, wala namang natalo diba. Nandyan
ka naman para sa akin.’, ang sabi ni Symon.
Umakbay si Gap kay Symon pero agad
ring lumayo ang huli dahil natakot siyang baka mahawahan niya si Gap.
‘Okay lang. Ako naman ang reason kung
bakit ka nagkasakit, in the first place.’, ang sabi ni Gap bago muling umakbay
kay Symon.
‘Stop it. Tulog tayo.’, ang sabi ni
Symon.
Ihinilig niya ang ulo sa dibdib ni
Gap. Pero pagpikit ng kanyang mga mata ay si Darrel ang pumasok sa isip niya.
Lalo niyang hinigpitan ang yakap kay Gap.
***
Nagpaikot-ikot si James sa Megamall at
hinanap si Bryan. Hindi naging specific ang text na nabasa niya sa kung saan sila
magkikita. Mag-iisang oras na siyang naglalakad nang mawalan siya ng pag-asa na
makikita pa ito dahil sa laki na rin ng mall at sa dami ng tao.
‘Makauwi na nga lang.’, ang naisip ni
James.
Naglakad na si James palabas ng mall.
Abala siya paghahanap ng kanyang wallet habang naglalakad kaya naman nabangga
siya sa isang matangkad na lalaki.
‘Sorry.’, ang sabi niya dito.
‘Tingnan mo kasi kung saan ka
naglalakad.’, ang sabi nito sa kanya.
‘What’s wrong?’, ang tanong ng isa
pang lalaki na kasama ng kanyang nabangga.
‘Oh. Hey! Are you Bryan’s mom? I
didn’t know na you look so... masculine.’, ang sabi ni James nang lumapit si
Bryan sa lalaking kanyang nabangga.
‘What are you...’, ang nagulat na
reaksyon ng lalaki pero hindi na niya ito natapos dahil biglang umalis si
James.
‘I’m sorry. I’ll just text you.’, ang
nagmamadaling paalam ni Bryan sa kasama para habulin si James.
Mabilis na nakalabas si James ng mall
pero nakahabol agad si Bryan sa kanya. Hinablot nito ang kanyang kamay para
pigilan siya sa paglalakad.
‘What now???!’, ang galit na baling ni
James.
‘Let me explain.’, ang sabi ni Bryan.
‘No. I knew, Bry! Nabasa ko ang text
niyo. Grabe ka! Ganyan ka ba kakati?!’, ang sabi ni James.
‘He’s just a friend!’, ang depensa ni
Bryan.
‘Oh, yeah? Friend na may ‘place’! Alam
mo akala ko magbabago ka. I thought I’ll be enough for you. Pero mukhang
nagkamali yata ako. Balikan mo na ‘yung ‘friend’ mo at pumunta na kayo sa
‘place’ niya! Enjoy!!’, ang sabi ni James.
Tumakbo na siya palayo dito at hindi
na humabol sa kanya si Bryan. Masamang-masama ang loob niya na hindi na niya
napigilan pang umiyak nang makasakay siya ng bus pauwi.
***
Hindi naman nakatulog si Gap at
malalim lang na nag-iisip habang nakayakap sa kanya si Symon. Ilang buwan na
rin silang ganito. Hindi naman siya napapagod o nagrereklamo. Gusto lang niyang
malaman kung may patutunguhan ba ang lahat ng ito. Masyado na siyang invested
kay Symon kahit na walang kasiguraduhan ang kahihinatnan ng relasyon nila.
Napagdesisyunan niya na paggising nito ay tatanungin niya ito. Hindi naman niya
ito ipe-pressure. Gusto lang niyang malaman kung nasaan na ba sila.
Hinaplos niya ang buhok ni Symon
habang himbing pa rin ito sa pagtulog. Gumalaw naman ito at inilapit lalo ang
katawan sa kanya.
‘Hmm. Kuya Darrel.’, ang bulong niya.
Natigilan naman si Gap sa ginagawa at
kinailangan niya ng ilang minuto para i-process ang sinabi ni Symon. Naramdaman
na lang niya na biglang lumabo ang kanyang paningin at nagtuluy-tuloy ang
pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilan ang pag-iyak
dahil siguro hindi naman niya ito nagawa sa loob ng mahabang panahon. Siya ang
naging malakas para kay Symon. Siya ang naging sandalan nito. Pero masakit para
sa kanya na marinig na si Darrel pa rin hanggang ngayon despite lahat ng effort
niya na malimutan ito.
‘Wag mo nang isipin si Kuya Darrel,
Sy. Nandito naman ako e. Sa akin, hindi ka masasaktan. Ako na lang. Wag na
siya. Sakin ka na lang.’, ang bulong ni Gap habang patuloy pa rin ang pag-iyak.
Hinalikan niya sa pisngi si Symon bago
mag-ayos ng sarili at lumabas ng kwarto. Sinigurado niya munang hindi halata
ang pag-iyak niya bago lumabas.
‘See you, Sy.’, ang paalam niya dito
bago muling humalik sa pisngi nito.
Nagmulat ng mga mata si Symon nang
marinig ang pagsasara ng pinto. Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Gap at
nagsimula na ring tumulo ang kanyang mga luha.
***
‘Sorry, Matt. But I don’t think I can
help you.’, ang sabi ni Darrel nang gabing iyon na nasa PJ’s sila.
‘It’s okay. Gusto ko lang talagang
magkaayos na kami ni Symon.’, ang sabi ni Matt.
Napatingin naman si Darrel sa entrance
ng coffee shop nang bigla itong nagbukas. Isang lalaki ang pumasok mula dito.
‘I think I know someone who could help
you.’, ang sabi ni Darrel.
‘Sino?’, ang tanong ni Matt.
‘JR!!’, ang pagtawag ni Darrel sa
atensyon ni Gap.
Napabaling si Gap sa pinagmulan ng
boses. Nakita niya ang pinakahuling taong gusto niyang makita ngayon, si Darrel
na kasama ang barista na nakita niyang kausap dati ni Symon.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment