by: Lui
Puno ang corridor ng mga estudyante.
Nasa pagitan ng mga pintuan ng classrooms ay ang mga lockers. Malalaki ang mga
lockers dito. Halos ka-height na ng mga estudyante. Ilang minuto bago mag-bell
ay nandito ang halos lahat ng estudyante. Kanya-kanya silang kuha ng gamit para
sa afternoon classes.
Hindi binisita ni Gap ang kanyang
locker nang umagang iyon dahil dala na niya ang lahat ng gamit para sa morning
classes. Matapos kumain ng lunch ay dumiretso na siya dito upang kuhanin ang
ilang textbooks. Nagtaka siya kung bakit wala ang padlock ng kanyang locker. at
tanging tali lang nagsasara dito. Binuksan niya ito at nalaglag ang lahat ng
kanyang mga gamit kasama ang ilang mga basura. Hindi lang iyon. May kung anong
powder pa ang lumabas mula sa mga ito na dumumi sa kanyang pantalon. Ang lahat
ay nagtinginan sa kanya dahil puno ng basura ang kanyang harapan.
'Shit!', ang galit na sabi ni Gap.
Doon na dumating si Symon na
kumakaripas ang takbo. Ang lahat ay napatingin sa kanya dahil sa bigla nitong
pagtigil. Nagulat siya nang makita niyang huli na ang lahat.
'I'm sorry.', ang kagat-labi niyang
sabi kay Gap.
Sumunod naman kay Symon si Darrel.
Hindi naman ito makapaniwala sa nakita.
'What the hell happened?', ang
mahinang tanong nito.
Tumingin lang ng masama si Gap kay
Symon bago umalis. Gusto niya itong saktan pero mas pinili niyang sundin ang
sabi ng kanyang ina.
'Be calm. Wag mo siyang patulan.', ang
nanginginig na sabi ni Gap sa sarili.
Nangingilid na ang mga luha niya.
Ikinulong niya ang sarili sa loob ng isang cubicle sa CR at doon umiyak.
***
'Are you okay?', ang tanong ni Darrel
sa namumutlang Symon.
'Yes, yes.', ang malungkot na sagot ni
Symon.
'Did you do that?', ang tanong ni
Darrel.
Nagsimula nang mag-explain si Symon at
halos wala nang maintindihan si Darrel sa mga sinasabi nito sa sobrang bilis ng
pagsasalita.
'Calm down.', ang sabi ni Darrel.
Niyaya niya si Symon sa SC office at
doon sila nag-usap. Wala namang tao dito ngayon dahil lahat ng officers ay nasa
klase.
'I put the trash last week. I didn't
know na magiging okay kami over the weekend. I totally forgot na may nilagay
pala ako sa locker niya.', ang malungkot na sabi ni Symon.
'You know you just got back from
suspension. Bakit gumawa ka na naman ng isang bagay na alam mong ground for
another suspension?', ang sabi ni Darrel na may tonong galit at pag-aalala.
'I don't know. I just have this in me
na hindi ako dapat magpatalo. Kapag may ginawa siya sa akin, kelangan
malamangan ko iyon. Parang ganon.', ang sabi ni Symon.
'That's not a very good attitude,
Symon. Sometimes, kelangan mong magpakumbaba. Lalo na iyan, tingnan mo ang
damage na nagawa mo kay JR.', ang sabi ni Darrel.
'I call him Gap.', ang sabi ni Symon.
'Or Gap. Whatever.', ang sabi ni
Darrel.
Hindi na sumagot si Symon at nanaig
ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tila nag-iisip kung ano ang sasabihin
at kung ano ang magiging sunod na hakbang.
'Okay, I won't report this to the
Discipline's Office para hindi na madagdagan ang kaso mo. Symon, you've got so
much potential in you! Gamitin mo yan sa maganda, hindi sa pambu-bully. Pero
hindi ko na hawak at labas na ako kapag si JR, I mean, kapag si Gap ang
nag-report.', ang sabi ni Darrel.
'Really? You'd do that for me?', ang
halos abot-tengang ngiti na tanong ni Symon.
'Yes. But promise me na magso-sorry ka
kay JR and you'll stay good.', ang sabi ni Darrel.
'Opo, kuya.', ang nakangiting sabi ni
Symon.
'Deal yan ah. O, hindi ka na nakapasok
sa class mo.', ang sabi ni Darrel nang tingnan niya ang oras.
'Okay lang po. Mamayang 2PM na lang
ako papasok.', ang sabi ni Symon.
'Sige, sabay na tayo.', ang sabi naman
ni Darrel.
Nagkwentuhan muna ang dalawa habang
nagpapalipas ng oras. Nalaman niyang wala palang nakakabatang kapatid si Darrel
at siya na lang ang nag-aaral. Half-Chinese pala siya at ang mga magulang ay
lumipat na sa China simula nang nag-college siya. Sa nakatatandang kapatid na
lalaki siya nakatira ngayon na may sarili ng pamilya.
***
Minabuti ni Symon na ipagpaliban
hanggang mag-uwian ang pakikipag-usap kay Gap tungkol sa nangyari. Nang pumasok
siya sa ikalawang subject sa hapon ay nakayuko lang ito. Habang nagtuturo ang
professor ay pasimple niya itong tinitingnan at nakita niya ang mga mata nito
na parang kakagaling lang sa iyak.
'Symon, ikaw na pala ang bagong Emily
sa play. Hindi kakayanin ni Erwin ang maging director at actor.', ang sabi ni
Lexie pagkatapos ng ikalawang subject.
'Ha? Akala ko understudy lang ako?',
ang tanong ni Symon.
'Oo nga. Since hindi na si Erwin, ikaw
na ang papalit sa kanya.', ang sabi ni Lexie.
Masyadong magulo ang utak ni Symon
ngayon kaya para wala na lang argument ay pumayag na siya.
'Rehearsals after class. Pina-reserve
na namin yung AVR para pati lights and sounds, ma-practice na rin.', ang sabi
ni Lexie.
'Okay. Til what time?', ang tanong ni
Symon.
'7pm. Buong class naman 'to. And
supervised naman tayo ng SC.', ang sabi ni Lexie.
Maswerte ang klase at wala silang last
class kaya naman 3PM pa lang ay nakapagsimula na sila ng rehearsals sa
AVR. Pumayag na si Coleen na maging si
Mac na dapat sana ay si Shane ang gaganap. Si Jeric naman ay si Anna at si
Symon si Emily. Ang eksena na una nilang pa-practice-in ay ang scene nina
Coleen at Symon bilang mag-bestfriend. Hindi naman nahirapan ang dalawa dahil
tunay na magkaibigan naman sila. Medyo struggle lang sa acting dahil kelangang
maging astig ni Coleen at si Symon naman ay dapat maging babae.
'Konting astig pa, Coleen! Symon,
lambutan mo naman! Landian mo pa.', ang nakangiting sabi ni Lexie.
'Agapito, spotlight sa dalawa ha.
Focus lang. Thanks!', ang sigaw naman ni Erwin.
'Got it!', ang sigaw ni Gap.
Medley ang ginagawa ng dalawa. Unang
kakanta (lip-synch) si Coleen at sumunod naman si Symon.
COLEEN (Mac):
'You can count on me like one, two,
three
I'll be there and I know when I need
it
I can count on you like four, three,
two
And you'll be there 'cause that's what
friends
Are supposed to do, oh yeah, ooh, ooh'
'You can...
SYMON (Emily):
'Count on me through thick and thin
A friendship that will never end
When you are weak, I will be strong
Helping you to carry on
Call on me, I will be there, don't be
afraid
Please believe me when I say, count
on'
Palakpakan ang lahat sa magandang
team-up nina Coleen at Symon. Unang beses pa lang nila itong ginawa pero halos
walang mali sa pagli-lipsynch. Medyo ilang si Symon sa pagkilos babae pero
nagawa naman niya.
'Very good, guys! Okay, angles na
lang. And Symon, konting lambot pa. and work on the adlibs. Yung first part
lang naman ng song kakantahin mo. Try mo kaya mag-cross legs.', ang sabi ni
Lexie.
'Lex, mahirap yata yun. Lalaki pa rin
ako.', ang natatawang sabi ni Symon.
Nalimutan niyang naka-mic pala siya at
nagtawanan ang buong klase sa sinabi na ito ni Symon.
'Sorry naman. Coleen, konting astig pa
ah.', ang sabi ni Lexie.
Umakyat sa stage si Erwin at tinuruan
ang dalawa kung saan pupunta, saan dapat mag-stop, anong emotion ang dapat
ipakita.
Matapos ito ay inulit nila ang
pagkanta.
***
COLEEN (Mac) to JERIC (Anna):
'I got a problem and I don't know what
to do about it
Even if I did I don't know if I would
quit but I doubt it
I'm taken by the thought of it
And I know this much is true
Baby you have become my addiction
I'm so strung out on you I can barely
move
But I like it and it's all because of
you'
Matapos ang friends at ligawan scene
ay mukhang natuwa naman sina Lexie at Erwin sa progress ng rehearsals.
'That's a wrap, guys! See you
tomorrow!', ang sabi ni Erwin.
Nagmadali sa pag-aayos ng gamit si
Symon nang makita niya si Gap na palabas na ng AVR. Mabilis siyang nagpaalam sa
mga kaibigan at hinabol si Gap. Naabutan niya ito sa labas na ng building.
'Gap!', ang hingal niyang sigaw.
Tumigil si Gap sa paglalakad at
lumingon ito sa kanya pero hindi nagsalita.
'I'm sorry. I'm very, very sorry!',
ang sabi ni Symon.
'So, what happened last Saturday was
all bullshit? I should have not trusted you. Tama nga na ikaw ang isa sa actors
sa musical natin. Ang galing mo umarte. Believable! Kudos!', ang sabi ni Gap
bago tumalikod.
'Hey, hey. Listen to me.', ang sabi ni
Symon.
Hinawakan niya ang braso ni Gap at
pilit na pinaharap ito sa kanya.
'Last week ko pa iyon ginawa. I didn't
know na magiging okay tayo over the weekend. Nawala sa isip ko na may nagawa
akong ganon dahil masaya ako na friends na tayo. I'm sorry.', ang sabi ni
Symon.
'I don't care. Alright?', ang sabi ni
Gap.
Umalis na ito at tumalikod na rin si
Symon. Pero humarap muli si Gap may pahabol pang sasabihin.
'Oh, and by the way. We're not
friends. Never. Just because you felt
guilty and apologized for mocking my father's name and I accepted it doesn't
necessarily mean that we are friends. Alright? And GOOD LUCK.', ang sabi ni Gap
na may pagbabanta sa huli.
***
Malungkot na umuwi si Symon.
Pagkarating nito sa bahay ay hindi na ito nag-dinner at dumiretso na sa kwarto.
Nagdahilan na lang ito na gusto na niyang matulog dahil sa sobrang pagod.
Ngayon niya nare-realize kung gaano siya naging kasama kay Gap simula nang
mgaing magkaklase sila. Nagi-guilty siya dahil kahit sa sandaling oras na nasa
bahay nila ito ay nakita niya kung gaano ito kabait. Buong akala niya ay
magiging magkaibigan na sila pero dahil sa isang katangahang nagawa niya ay
naudlot ito.
Nakadapa siya sa kama matapos maligo
nang nag-ring ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha at binasa ang text
na natanggap.
Darrel: Hi, Ms. Whitney Houston.:))
Nanlaki naman ang mata ni symon sa
nabasa at agad na nagreply dito.
Symon: Kuyaaa!! Napanood mo?
Nakakahiya.
Darrel: Yeah. Sabi ni Ms. Ellie,
bantayan daw namin kayong mga bata. Galing ah. Count on, count on, count on.
Haha!:)
Symon: Waaaaaaaah!! Stop it. Bata
talaga?'
Darrel: Galing-galing mo nga e.
Symon: Weh? Bola.
Darrel: Oo nga. Bahala ka kung ayaw mo
maniwala. O, how's our deal?
Symon: I've talked to Gap pero galit
siya sa akin. :(
Darrel: Nag-report daw ba siya?
Symon: I don't know. Hay, kuya.
Darrel: Ayan kasi. Wag kasi gagawa ng
masama sa kapwa. Tingnan mo tuloy ikaw ngayon.
Symon: Opo, kuya. I said sorry na.
Pero mukhang kelangan ko pa yatang paghirapan ang forgiveness.
Darrel: Magpakatino ka na kasi!
Symon: Opo.
Darrel: O sige na, naiistorbo na yata
kita. Just wanna check up on you and our deal.
Symon: Hindi naman po. Pero medyo
antok na. Good night, kuya!
Darrel: Good night, bunso!:)
Paulit-ulit na binasa ni Symon ang
huling text ni Darrel. Wrong send ba iyon? O talagang para sa kanya. Nagpa-ikot
ikot siya sa kama habang yakap ng mahigpit ang unan dahil sa sobrang kilig.
'OW!', ang daing niya nang nahulog
siya sa kama.
***
Abala na ang lahat para sa musical.
Malapit na ito kaya naman puspusan na ang pag-eensayo. Syempre, may iba pa
silang subjects kaya naman sobrang bilis ng takbo ng araw para sa kanila.
'Yes! TGIF!', ang sabi ni Shane.
'Where to?', ang tanong ni Coleen.
'I don't know. Chill out na lang tayo
sa PJ's?', ang sabi ni Shane.
'Sure, sige.', ang sabi ni Coleen.
'Guys, may tatapusin pa tayong paper
sa History and may rehearsals pa mamaya.', ang sabi ni Lexie.
'Lex, magpahinga ka naman. Pwede?
Kahit ngayon lang.', ang sabi ni Shane.
'Pero..', ang sabi ni Lexie.
'No buts!', ang sabi ni Coleen.
'CLASSMATES, cancelled ang rehearsals
later. Bukas na lang daw sabi ni Lexie.', ang announcement ni Shane sa buong
klase.
Natuwa naman ang lahat sa in-announce
na ito ni Shane bukod kay Erwin.
'Lexie! What the hell?', ang inis
nitong paglapit sa kanya.
Tiningnan ng masama nina Coleen at
Shane si Lexie bago kausapin si Erwin. Inirapan naman ni Lexie ang dalawa.
'Let's give them a break.', ang sabi
ni Lexie.
'YES!', ang sigaw nina Coleen at Shane
sa likod ng kaibigan.
'Okay. Let's resume on Monday.', ang
sabi ni Erwin.
'Thanks!', ang sabi ni Lexie.
Dumating na galing cafeteria sina
Jeric at Symon at natuwa rin nang malaman na walang rehearsals sa araw na iyon.
'Peer pressure much?', ang sarkastikong
sabi ni Lexie sa dalawang kaibigang babae.
We just care about you, girl.', ang
sabi ni Coleen.
'PJ's later.', ang sabi ni Shane kina
Jeric at Symon.
'Okay.', ang sabi ni Jeric habang
inaabot kay Coleen ang ipinabili nitong chips.
'Sy?', ang paghihintay ni Shane sa
sagot ni Symon.
'What? Sorry.', ang sabi ni Symon.
'PJ's later!', ang pag-uulit ni Shane.
'Okay.', ang sabi ni Symon.
'Sino ba 'yang katext mo? Ikaw ah! May
chicks ka na.', ang pagpansin ni Coleen sa pagka-busy ni Symon sa pagtetext.
'Hindi. Friend ko lang 'to.', ang sabi
ni Symon pero sobrang lapad ng ngiti nito.
Masaya ang lima nang matapos ang klase
para sa buong linggo. Sabay-sabay na silang pumunta sa PJ's. Hindi naman
mabitawan ni Symon ang cellphone at maya't-maya ang tingin nito dito.
'Sino bang katext mo? It's so unusual.
Buong linggo ka nang ganyan kahit nagkaklase.', ang sabi ni Lexie.
'Wala. Old friend. Ngayon lang kasi
kami nagkausap ulit.', ang pagsisinungaling ni Symon.
'Dyan na umiikot mundo mo ah.', ang
sabi ni Lexie.
'OA, Lex. Masyado ka namang selosa.',
ang pagbibiro ni Symon.
'Girlfriend? Adik ka!', ang sabi ni
Lexie na medyo namumula sa kilig.
Natawa naman si Symon sa reaksyon ni
Lexie. Pagkapasok nila ng PJ's ay medyo puno na ito. may mangilan-ngilan silang
mga kaklase na nakita. Dalawang table ang pinagtabi nila bago um-order. Kilala
na ng barista na si Matt si Symon at alam na nito ang lagi nitong order.
'The usual, Sy?', ang tanong ni Matt.
'Yes! Thanks.', ang sabi ni Symon.
'Busy sa school? Ngayon lang ulit kita
nakita dito ah.', ang sabi ni Matt.
'Yeah. One month before finals. How's
everything?', ang sagot ni Symon.
'Same, same. Here's your drink.', ang
sabi ni Matt.
'Thanks!', ang nakangiting sabi ni
Symon.
'Anytime.', ang sabi ni Matt.
Halos dalawang oras ding nag-stay doon
ang magkakaibigan. Una nang nagpaalam sina Coleen at Jeric dahil ihahatid pa ni
Jeric si Coleen. Si Shane naman ay sasabay na sa sundo ni Lexie.
'Ikaw, di ka pa ba uuwi?', ang tanong
ni Lexie.
'Later na. I'll stay muna. May meeting
pa si Mommy.', ang sabi ni Symon.
'Bakit di ka na lang mag-commute?',
ang tanong ni Lexie.
'Ayoko. Di ako marunong.', ang sabi ni
Symon.
'What?? First year college ka na, di
ka pa marunong mag-commute?', ang gulat na sabi ni Shane.
'So hindi ka pa nakakasakay ng jeep?',
ang tanong ni Lexie.
'Nakasakay na. Nung outreach namin
nung high school.', ang sabi ni Symon.
'Pero with complete strangers?', ang
tanong ni Shane.
'Never.', ang sabi ni Symon.
'Wow! Ikaw na! Ikaw na mayaman!', ang
sabi ni Lexie.
Natawa naman si Symon sa reaction ng
mga kaibigan. Ilang minuto pa ay dumating na ang sundo ni Lexie. Nagpaalam na
sila kay Symon at bumaba na ng coffee shop. Naiwan na naman mag-isa si Symon.
Nag-vibrate ang phone niya at naka-receive siya ng text.
'15 mins!', ang nabasa niyang text.
Symon: No rush.
Makalipas ang saktong 15 minutes ay
dumating na ang hinihintay ni Symon. Gumala ang mga mata nito sa paghahanap sa
kanya. Ngumiti ito nang makita siya at mabilis na umupo sa kanyang harapan.
'Hello, bunso.', ang sabi ni Darrel.
'Pawis na pawis ka, Kuya ah.', ang
sabi ni Symon.
'Oo nga e. Wait lang, punta lang ako
ng washrooom.', ang paalam nito.
Sinundan niya ng tingin si Darrel
habang papunta ito sa washroom. Napaisip siya, sa loob lang ng 4 na araw ay naging close sila ni Darrel.
Constant silang nagkakatext at nagkakausap. Ngayon, kasama pa niya ito sa PJ's.
Nasasabihan niya ito ng mga problema. Ganon din naman si Darrel. Hindi sila
nauubusan ng pagkekwentuhan.
Naramdaman ni Symon na may nakatingin
sa kanya at automatikong nabaling ang kanyang tingin sa may counter nang
makapasok si Darrel sa washroom. Nakangiti sa kanya si Matt. Nailang siya pero
nginitian na lang din niya ito.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment