By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com
"Ang Patagong
Pagmamahalan pt. 9"
By Iam Kenth
Sa araw ng kasal ni
Ryan at Herminia, parang ayaw ko noong bumangon sa kinahihigaan ko, pero kasi
ako ang best man ni Ryan.
"Anak? gumising
kana diyan, maligo ka na at pupunta na tayo sa simbahan." Sabi ng Mama. at
sa tuwing nadidinig ko ang tungkol sa kasal, parang unti unti akong pinapatay.
Pero, itinindig ko
ang sarili ko. Kailangan ko silang harapin.
Naligo ako at
nagbihis, inisip ko na sa oras na mabasbasan na si Ryan at Herminia, ako na ang
magiging saling pusa.
Pinanghahawakan ko
parin kasi ang sinabi sa akin ni Ryan na kahit na maging kasal sila ni
Herminia, ako parin ang mahal niya. Alam kong mali, pero inisip ko din, sino ba
ang mali?
Ako na alam ni
Herminia na minamahal ng asawa niya? o siya na alam niyang hindi siya mahal ni
Ryan at patuloy niya kaming pinaghihiwalay?
Kung hindi lang sana
nagbunga ang kanilang ginawa, pero kung hindi man nagbunga iyon, malamang
maghahabol padin si Herminia sa kaniya.
Hindi ko alam kung
dati ng may gusto si Herminia kay Ryan, pero kasi si Ryan naging crush niya
iyon. Pero sabi niya sa akin na crush lang daw talaga.