Wednesday, December 19, 2012

Pantasya (20)

by: Daredevil

Hindi na ako makapagconcentrate sa aking trabaho pagkabalik ko galing ng CR. Paulit-ulit na pumapasok sa aking utak ang nangyari kanina, ang insidenteng halikan namin ni Kuya Carlo.Dagdagan pa ng ginagawa niyang pagtitig sa akin.

Sa isip-isip ko, parang hindi nangangawit ang kanyang panga sa kakangiti sa akin, tapos yung mga mata niya ay nasa iisang direksyon lang. Pero hindi ko maitatanggi na lalong lumalabas ang kanyang kagwapuhan sa kanyang ginagawa at nagugustuhan ko iyon.

Hanggang sa sumapit ang oras ng uwian.

Nag-aayos na ako ng papeles sa aking mesa nang lumapit siya sa akin. "Rico, tara sama ka sa akin, dinner tayo sa labas treat ko." ang masayang pagyaya niya sa akin. Pumayag naman ako sa gusto niya.

"Saan ba tayo pupunta, and dami na nating nilampasang mga fastfood chain ah!" ang bigla kong nasambit sa kanya habang nagmamaneho. Pero tinignan lang niya ako at ngumiti.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng pamimigat ng mata, dahil na rin siguro sa maghapong pagtatrabaho ay inaantok ako. Napagpasiyahan kong umiglip muna.

Nagising na lang ako sa isang kalabit. Pagmulat ko ng aking mga mata, ang imahe ni Kuya Carlo ang nasilayan ko. Napakalapit ng kanyang mukha sa akin."Pasensya na nakatulog ako" ang nasabi ko sa kanya.
"Ok lang. Tara baba na tayo." ang sagot niya sa akin.

Ngunit laking gulat ko nang tumambad sa akin ang isang hindi pamilyar na lugar.
"Nasaan tayo at saka wala namang kainan dito ah" ang nagtataka kong tanong sa kanya.
"Huwag ka nang maraming tanong tara pasok na tayo." Hinawakan niya ang aking kamay at hinila papasok sa isang bahay. Siya ang kumatok sa pinto.

Nabigla naman ako sa taong nagbukas ng pinto. "Kuya!" ang nasabi ko sa kanya.
"Hello kapatid kamusta na? Halika pasok na kayo nakahanda na ang hapunan."ang sagot niya.

Hindi ako makapaniwala na makikita ko ang aking kuya sa hindi inaasahang pagkakataon. Ibig sabihin nito ay nasa Maynila ako.Ganoon ba kalaki ang sweldo niya dito sa Maynila para makapagpundar siya ng sariling bahay dito.

Agad kaming dumako sa mesa. Tumambad sa aking harapan ang ilang putaheng niluto niya tulad ng sinigang na baboy at kare-kare. Kahit papaano ay may alam din siya sa pagluluto. Naturuan kasi ni nanay.

"Sa wakas!" ang masayang sigaw ng aking kuya habang kumakain kami.
"Oo, at napakasaya ko" sunod na sagot ni kuya Carlo. Tinignan ko silang dalawa na nagtatanong ng kahulugan sa kanilang mga ipinahayag.
"Alam mo Rico, ang swerte mo isang tulad ni Carlo ang nagmamahal sa iyo kaya kung ako sa iyo bro, naku hindi ko na siya papakawalan. Sobrang bait ng taong iyan, tinutulungan niya ako. Biruin mo siya angbumili ng bahayna ito para may matirahan ako. Hindi talaga ako nagkamaling maging kaibigan siya. Wala akong pagsisi sa desisyon kong sa kanya humingi ng tulong noong mga panahon na nasa ospital si nanay. " si kuya na tila may pagbibiro ang tono ng boses.
"Ano ang sinasabi mo kuya, hindi..." mangangatwiran sana ako nang biglang takpan ng hintuturo ni Kuya Carlo ang aking bibig.
"Hindi mo pa ako napapatawad o hindi mo matanggap na may anak na ako, iyon ba ang gusto mong sabihin?" tanong ni kuya Carlo sa akin.
"Pwede ba Rico, itigil mo na ang pag-iinarte mo. E ano naman kung may anak na siya, wala naman siyang asawa kaya wala na hahadlang sa pagsasama ninyong dalawa. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaanak siya" si Kuya.

Napatingin naman ako kay Kuya Carlo sa sinabing iyon ni kuya. Nakangiti siya sa akin. "Wala ka pang asawa, e papaano nangyaring nagkaanak ka saka ano naman ang kinalaman ko doon?" tanong ko sa kanya.

"Matagal ko nang gustong sabihin sa iyo ito pero hindi mo ako pinapakinggan. Ganito kasi iyon, sabihin na lang natin na nangungulila ako sa pagmamahal sa iyo.Simula nang pumanaw ang Dad ko ay nalungkot ako, dagdagan pa ng galit mo sa akin at ang pagkakamabutihan ninyo ni Jason. Hanggang sa umalis ako ng Pilipinas, na hindi man lang tayo nagkakaayos.  Naging abala ako sa pag-aasikaso sa mga naiwan ni Dad pati na rin sa pag-aaral sa pagpapalakad ng pinamana niya sa aking negosyo. Pero hindi ako masaya dahil, iniisip kita. Kaya naghanap ako ng malilibangan. At ito ay ang pumunta sa ibat-ibang bar. Doon marami akong nakilalang babae at karamihan sa kanila ay dinadala ko sa aking bahay at nagsesex kami. Paraan ko na rin iyon para mairaos ko ang sarili. Naging maingat naman ako pero isa sa kanila ang aking nabuntis."

"Nang malaman ko ito ay nagimbal ako, hindi ko agad natanggap. Iniisip ko kasi ang maaaring mangyari, isa na riyan ang lalong pagtindi ng galit mo sa akin na maging dahilan upang hindi mo na ako tuluyang matanggap pagbalik ko dito. Inamin sa akin nang nabuntis ko na mahal niya ako, na magpakasal kami dahil sa bata pero tumutol ako. Deretsahan kong sinabi sa kanyang hindi ko ito masusuklian  dahil may mahal na akong iba. Pero nangako naman ako na susuportahan ko ang magiging anak namin. Isang taong gulang si Angel nang ibigay siya sa akin ng kanyang nanay, hindi daw matanggap ng mga magulang niya ang nangyari. Buong-buo kong tinanggap ito. Inalagaan ko si Angel. Pagkabalik ko dito ng Pilipinas ay kasama ko siya." ang mahabang paliwanag ni Kuya Carlo.

Hinawakan niya ang aking mga kamay nang mahigpit. "Alam ito lahat ng kuya mo, lingid sa kaalaman mo na madalas kaming nag-uusap niyan thru internet at cellphone hanggang sa lumuwas siya dito sa Maynila." dugtong niya sabay tingin kay kuya.

Uminom muna si Kuya ng tubig bago sumagot. "Totoo iyon Rico. Alam mo bang bata ka pa lang ay nahuhumaling na siya sa iyo tulad ng pagpapantasiya mo sa kanya. Halos araw-araw tuwing magsasabay kami ay palagi ka naming pinag-uusapan. Minsan nga may sinabi yan sa akin, ipinapaalam ka niya sa akin na pagtanda mo ay kukunin ka niya, aalagaan at magsasama kayo. Akala ko nga nagbibiro lang siya dahil madaming mga babae ang nagkakagusto sa kanya. Pero talagang pinanindigan niya ang nararamdamang love para sa iyo. Nung mga panahong wala siya ay palagi ka niyang kinakamusta at tinatanong sa akin niyan, natural ssabihin ko sa kanya ang mga nangyayari sa iyo. Ang relasyon ninyo ni Jason ang dahilan kung bakit nagkaganyan siya."

Isang napakahabang paliwanag na minsan ay hindi ko pinakinggan ang nagpalinaw sa akin ng lahat. Ngayon napatunayan ko na totoo ang pagmamahal sa akin ni Kuya Carlo. Hindi ko maiwasang maluha, marahil sa nararamdaman kong kasiyahan. Speechless ako nang mga oras na iyon.

Pinahid ang aking luha ni Kuya Carlo gamit ang kanyang mga daliri." Tandaan mo Rico, I love you very much."
"I love you too Kuya Carlo" ang sagot ko sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na akong umiyak dulot ng aking emosyon. Napayakap ako sa kanya, hindi alintana ang nakatingin kong kapatid sa amin.

"Ooooooops" tama na muna ang drama, tapusin muna ang pagkain." ang biglang pagsingit ni kuya. Kumalas kaming dalawa mula sa pagkakayakap at sabay na nagtawanan.

"Handa na ang kwartong tutulugan niyong dalawa ngayong gabi" ang pahayag ni kuya sa amin.
"Ano ang ibig mong sabihin kuya, matutulog kami sa iisang kwarto?" ang agad kong tanong sa sinabi niya.

Si Kuya Carlo ang sumagot. "Oo at maghanda ka na mamaya."
"Ha?" ang sagot ko.Bigla naman akong kinabahan."Ano kaya ang ibig niyang sabihin na maghanda ako?" ang tanong ko sa aking sarili.

"Dahan-dahan lang tol ha" ang may panunuksong pahayag ng aking kuya.
"Siyempre naman. Excited na ako" ang masayang sagot ni Kuya Carlo sabay tingin sa akin.
Parang natutunugan ko na ang mangyayari. "eh ano ahmm siguro sa sala na lang ako matutulog kung wala nang extrang kwarto kuya" ang nasabi ko na lang.

"NO!" ang malakas na boses na pagtutol ni Kuya Carlo. "We will sleep together tonight sa ayaw mo't sa gusto. Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito"
"Sige na Rico, masasarapan ka naman" ang panunukso muli ni Kuya.
"Ikaw talaga kuya ah ang libog mo naman." ang mahiya-hiyang sagot ko sa kanya. Wala na akong nagawa kundi pumayag.

Matapos kumain ay iniligpit na ni kuya ang mga pinagkainan. Maya-maya ay niyaya muna niya si Kuya Carlo na mag-inuman silang dalawa sa may terrace. Ako naman ay naunang nagtungo sa sinasabing kwarto ni kuya para makapagpahinga.

Habang nakahiga ako ay hindi ko maiwasang mapangiti. Sobrang galak ang nararamdaman ng aking puso at isip. "Mahal din ako ng aking pantasya, I love you so much Kuya Carlo" ang naibulalas ko sa aking sarili. Hanggang sa makaramdam ako ng antok at tuluyang makatulog.

Hindi ko alam kung ilang minuto na rin ako sa ganoong sitwasyon nang may maramdaman akong paggalaw ng kama, may humiga sa aking tabi at yumakap sa akin. Tuluyan na akong nagising at mistulang naglaho ang nararamdaman kong antok.

Itutuloy. . . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment