Friday, January 11, 2013

Strata: This I Promise You (Complete Story)

By: emray
Source: bulonghangin.blogspot.com


[01]
“Russ!’ bati ni Ariel kay Russel. “Tulungan na kita d’yan.” pagboboluntaryo pa ng tulong ng binata.
“Nakita mo namang may kamay ako di’ba.” sarkastiko at asar na tugon ni Russel dito. “Close ba tayo para tawagin mo akong Russ?” pagmamaldito pa nito kay Ariel
“Eto naman! Ikaw na nga lang ang tutulungan ikaw pa ang galit.” may himig ng tampo na wika ni Ariel.


“Bakit? Sino ba ang may sabing nagpapatulong ako?” sagot pa din ni Russel.
“Alam mo, para kang babae kung kumilos at magsalita ngayon.” saad naman ni Ariel na pilit pinipigil na magalit kay Russel. “Bakla ka ata pare!” may pang-aasar pa sa tinig nito.
Biglang natigilan si Russel sa tila pagtumbok ni Ariel sa tunay niyang katauhan. Namula sa pagkapahiya dahil sa sinabing iyon ni Ariel, isang lihim na pilit at matagal na niyang tinatago.
“Kapal!” mahinang usal ni Russel saka lumakad palayo kay Ariel.
“Pare!” papalapit na bati ni Ronnie kay Ariel. “Wala ka pala kay Russel eh!” kantyaw pa nito.
“Makikita mo pare! Isang araw babagsak din sa akin iyong baklang iyon.” tila pagbabanta at paninigurado ni Ariel. “Kung sa mga babae nga kaya kong magpalit weekly at kahit may kasabay hinahabol pa din ako ng mga bisexual, kaya sisiguraduhin kong babagsak sa akin iyang Russel na yan.”
“Ang hangin mo pare!” pang-iinis ni Ronnie na sanay na sa kayabangan ng kaibigan. “Baka naman kasi pare mali ka lang ng amoy kay Russel?” tumatawang saad pa nito na kilalang-kilala ang kaibigang si Ariel at alam din niyang silahis ito ngunit hindi naman niya magawang iwanan.

“Sigurado ako pare! Silahis din iyong kumag na ‘yun!” siguradong-siguradong tugon ni Ariel. “Bek Bek din iyon!”
“Ikaw ang bahala pare! Basta ako nagpapaalala lang.” puno ng pag-aalalang wika ni Ronnie sa kaibigan.
Samantalang si Russel naman –
“Akala mo kung sinong gwapo!” asar na asar na bulong ni Russel habang papunta sa cubicle niya.
“Kamusta naman iyon!” agad na bati ni Melissa kay Russel pagkadungaw sa cubicle ng binata. “Best actor ka ah!” habol pa nito.
“Nakakainis kasi!” sagot ni Russel kay Melissa. “Sobrang yabang.”
“Sobrang yabang ba talaga o bitter ka lang kasi nakuha niya ang posisyong dapat na sa’yo.” tatawa-tawang pang-aasar ni Melissa sa kaibigan.
“Pwede ba Melissa! Sa akin naman talaga kasi iyong promotion na ‘yun!” reklamo ni Russel. “Malakas lang ang kapit niya sa taas kaya siya ang na-promote kahit wala pang isang buwan dito!”
“Kita mo! Bitterness lang yan!” sagot ni Melissa. “Chillax lang dude! Chill and relax!” sabi pa ng dalaga saka muling hinarap ang laptop sa sarili nitong cubicle.
Ilang sandali pa habang abalang tinatapos ni Russel ang lahat ng pending files ay –
“Russ!” nakangiting tawag ni Ariel kay Russel mula sa likuran na may bitbit na panibagong trabaho para sa binata.
“Wala na bang ibang empleyado dito at sa akin mo pinapagawa lahat iyan?” asar na baling ni Russel.
“Easy lang!” nakangiting tugon ni Ariel. “Melissa, paki-sort naman itong mga files na ‘to!” nakangiting pakiusap ni Ariel kay Melissa pagkalingon niya dito.
Nakaramdam ng hiya si Russel sa katawan dahil sa kagaspangan niya kay Ariel at pagsumbat ng maling akala. “Patay na!” mahinang wika ni Russel.
“And you!” nakangiti pa ding saad ni Ariel saka nilingon si Russ na hinid magawang makatingin sa binata. “Bakit ba saksakan ng init ng dugo mo sa akin?” tanong ni Ariel dito. “May masama ba akong ginawa sa’yo?” tanong pa nito kay Russel.
“Naku Sir Ariel, hayaan mo na po si Russ!” bati ni Melissa kay Ariel. “Bitter lang yan!” habol pa nito.
“Shut up Mel!” dagling awat ni Russel sa kaibigan.
“Sorry!” wika ni Melissa saka muling itinuon ang pansin sa laptop niya.
“Bitter?” naguguluhang tanong ni Ariel kay Russel.
“Wag mo na lang pag-aksayahan ng oras iyon Sir!” pag-iiba ni Russel sa usapan nila ni Ariel.
“Anong bitter? Bakit Russ? May nagawa ba akong mali?” nag-aalalang tanong ni Ariel kay Russel saka humatak ng swivel chair at umupo sa tabi ni Russel.
“Wala nga Sir!” kinakabahang tugon ni Russel ngunit pinilit na bigyan diin ang kanyang sinabi saka muling binalingan ang kaninang ginagawa.
“Please tell me Russ!” buong sinseridad pang pakiusap ni Ariel saka hinawakan sa dalawang balikat si Russel at hinarap sa kanya ang kunwaring abalang si Russel.
Puno ng sinseridad na tanong ni Ariel kay Russel at hinuli ang mga mata nito. Ang mga mata ng binata ay tila ba nangungusap ngayon kay Russel.
“Please!” masuyong pakiusap pa nito.
“Goodness! Hindi maari to!” kontra ni Russel sa mumunting kiliting nararamdaman niya na hated ng mga titig ni Ariel na tumutunaw sa kanya.
“Wala nga!” saling ni Russel saka umiwas sa titig kay Ariel.
“Sige, kung ayaw mo ayos lang.” nalungkot na wika ni Ariel kay Russel saka lumakad palayo kay Russel.
“This can’t be!” sulsol ng isipan ni Russel. “Hindi maari at hindi pwedeng magkagusto ako sa kanya. I can’t be this stupid to fall for him!” saway niya sa damdaming sinimulang gisingin ng mga titig na iyon.
“Okay Russel!” sabi ni Russel. “Inhale!” saka humugot ng malalim ng hininga. “Exhale!” saka pinawalan ang hanging inipon niya.
“Lilipas din yan!” saad pa niya.
“Hoy Russel!” bati ni Melissa na nakadungaw pala sa cubicle ni Russel at pinagtatawanan na ito. “Itigil mo nga iyan at baka pagkamalan ka pang loko-loko!”
“Ewan ko sa’yo!” sabi ni Russel saka hinagisan ng tissue si Melissa.
Sa kabilang banda naman –
“Anong ibig sabihin ni Melissa na bitter daw sa akin si Russel?” nagtatakang tanong ni Ariel sa kaibigan.
“Hindi pa ba obvious?” balik na tanong ni Ronnie sa kaibigan. “Bago ka dumating Russel is the best contender for your position at kahit naman ngayon mas deserving si Russel sa’yo.” sagot ni Ronnie sa naunang tanong ng kaibigan.
“Sorry siya, the management saw something from me that he doesn’t have.” mayabang na sagot ni Ariel.
“Kasi naghubad ka sa harap ng management!” tumatawang pang-iinis ni Ronnie sa kaibigan.
“Loko!” sagot ni Ariel. “Hindi ko na kailangang maghubad sa harap nila.” natatawang puno ng kayabangang tugon pa ng binata.
“Pasalamat ka na lang sa akin pare kasi ako ang lumakad ng promotion mo! Hirap kaya nilang kumbinsihing sa’yo ibigay ang posisyon na dapat kay Russel.” pagpapaalala ni Ronnie sa kaibigan.
“Hindi siya dapat sa akin magalit pare!” kontra ni Ariel. “Dapat sa’yo. Ikaw ang sumira ng promotion niya.” natatawa pa ding wika nito.
“Mabalik nga tayo, bakit ba trip na trip mo si Russel?” tanong ni Ronnie sa kaibigan.
“There’s something about him and that is the reason why I found him interesting.” sagot ni Ariel. “May kung ano sa kanya na hindi ko maipaliwanag, aside from his look siyempre. I feel na kakaiba si Russel from the others.” paliwanag pa ni Russel.
“Pare! Mukhang kay Russel ka titiklop ah!” biro pa ni Ronnie.
“Not in my plans!” pagmamalaki ni Ariel. “Just want to play with him, then let him fall tulad ng iba.” nakangitiing saad pa nito.
“I don’t think it will be easy for you.” sabi pa ulit ni Ronnie.
“Come what may pare! But I assure you, Russel will fall on me bago matapos ang linggong ito!” pagyayabang pa ni Ariel.
“Good luck tol!” nakangising tugon ni Ronnie.
Lunch break –
“Wait!” habol ni Ariel sa papasara ng elevator kung saan sakay din duon si Russel.
“Malas!” wika ni Russel sa sarili saka humakbang palabas pagkapasok ni Ariel sa loob ng elevator.
“Dito ka lang!” sabay hatak ni Ariel kay Russel at saka sumara ang elevator.
Nabigla si Russel sa hatak na iyon ni Ariel. Paharap na bumangga si Russel kay Ariel at nahampas ito sa dibdib ng binata. Sinamantala naman ni Ariel ang pagkakataon at niyapos niya ang binatang si Russel.
“Good Lord, please give me courage!” panalangin ni Russel na nanghihina dahil sa yakap na iyon ni Ariel. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya at ang pagkakadikit ng katawna nila ay nagbibigay ng kakaibang init sa katauhan niya. Sa wari niya ang may maliliit na tulis ng karayom sa balat ni Ariel at nagbibigay ito ng kakaibang kiliti sa kanya.
“This is now the chance!” sulsol naman ni Ariel sa sarili. Sa pagkakaayos nila ngayon ay hindi maunawaan ni Ariel ang nadarama. Nagugustuhan niya ang pagkakadikit nila ng katawan. May isang bagong yugto ang sa tingin niya ang nabubuksan. Hindi niya magawang ipaliwanag ngunit sa pakiwari niya ay may nagbubulong sa kanya para lalong higpitan ang pagkakayakap niya sa binata.
“Courage!” wika ng isipan ni Russel saka itinulak palayo si Ariel.
“I know you want me!” walang prenong lahad ni Ariel kay Russel.
“Are you saying something?” tila paglilinaw ni Russel.
“I said, I know you want me!” nakangiting ulit ni Ariel na walang pag-aalinlangang nagbigay pa ng matamis na ngiti at mapang-akit na titig.
“You’re getting to my nerves!” imbes na kiligin at matuwa o kaya ay mahiya ay naasar na sagot ni Russel dahil sa kapreskuhan at kayabangan ni Ariel.
“I can feel it Russel!” saad pa din ni Ariel. “Hindi ako manhid para hindi mahalata iyon and to tell you honestly, I like you!” diretsang turan pa nito.
Lalo lang naasar si Russel sa sinabing iyon ni Ariel. Hindi niya maintindihan ang sarili, ngunit sa tingin niya ay sumama ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ni Ariel.
“Sorry pare, pero lalaki ako!” giit ni Russel at patuloy na pagpapanggap. “Kung babae man ako o bakla, hinding-hindi ako papatol sa mas bobo pa sa akin!” sarkastiko pa nitong pahabol.
Wari bang tinapakan ang pagkalalaki ni Ariel sa sinabing iyon ni Russel. Hindi niya kayang palampasin ang sinabing iyon ng binata. “Ang angas mo din naman! Feeling mo magaling ka? Feeling mo matalino ka?” mataas na tonong tanong ni Ariel kay Russel.
“Oo!” pagmamayabang ni Russel. “Kung ikukumpara sa iyo, mas matalino at mas magaling akong hindi hamak!” patuloy pa nito sa kayabangan.
“Ganuon ba!” may pang-aasar na bato ni Ariel. “Kaya pala ako ang napromote at hindi ikaw! Imagine, ikaw na 5 years in service na at akong 1 month in service pa lang!”
“I hate wasting my time with stupid!” putol ni Russel sa dapat ay litanya ni Ariel. “Proof to me Einstein’s Law of Relativity bago kita patulan or even kausapin!” habol ni Russel saka humakbang palabas ng elevator na nagktaong bagong bukas.
“Yabang mo!” habol ni Ariel. “Humanda ka sa akin! Puputulin ko yang kaangasan mo!” dugtong pa nito.
Matapos ang lunch break ay bumalik na sa kanyang cubicle si Russel at ganuon din naman sa kanyang opisina si Ariel.
“Saan ka kumain?” tanong ni Melissa sa kaibigan.
“Sa cafeteria!” sagot ni Russel. “Ikaw kasi, sumama ka na naman sa boyfriend mong babaero.” pang-aasar pa nito kay Melissa.
“Hindi babaero ang boyfriend ko!” depensa ni Melissa sa boyfriend niya. “Gwapo lang talaga at habulin!” saad pa nito.
“Hey Russ!” muling dinalaw ni Ariel si Russel sa cubicle nito.
“I will not waste even a second with you!” tugon ni Russel dito.
“Be professional naman!” sagot ni Ariel. “Eto, pakitapos mo within a hour!” pakiusap ni Ariel na may nakakalokong ngiti saka nilapag sa table ni Russel ang isang katerbang paperworks at statements.
“I’m not super human to finish all of these within a hour!” reklamo ni Russel.
“Di ba magaling ka?” pang-aasar pa din ni Ariel. “I expect you to submit that on time!” utos pa rin ni Ariel saka nakangiting lumakad palayo kay Russel.
“Golly!” tanging nasambit ni Russel saka idinukdok ang ulo sa mga bagong lapag na trabaho.
“Ayos ka lang ba friend?” nag-aalalang tanong ni Melissa.
“Hindi pa ba obvious?” tanong naman ni Russel. “Makakaganti din ako sa lokong iyon!” pagbabanta pa ni Russel.
“Asa ka na lang friend!” tila pakikiramay ni Melissa.
“May araw din ang lalaking iyon!” desididong pagganti ni Russel.


[02]
“Malapit nang mag-isang oras Russ!” bati ni Melissa sa kaibigan.

“Alam ko!” tugon ni Russel.

“Halos hindi mo man lang ginalaw iyang pinapagawa sa’yo ni Sir Ariel ah!” nagtatakang tugon ni Melissa dito.

“Don’t worry Mel! I know what I’m doing!” maikling sagot ni Ariel saka muling hinarap ang laptop at muling ginawa ang trabaho niya.

Kibit balikat na muling bumalik si Melissa sa cubicle niya na may paktataka pa din sa ginawang aksyon na iyon ng kaibigan. Sa totoo lang ay hindi niya mawari kung ano ba ang tumatakbo sa kukote nito o kaya naman ay kung ano ang balak nitong gawin ngayon.

“Hey Russ!” nakangising bati ni Ariel kay Russel. “Malapit ka na bang matapos?” tanong pa nito.

“Yes Sir Ariel!” tugon ni Russel saka tumingin sa binata. “Di ba magaling ako?” dugtong pa nito na wari ba ay may paghahamon sa tono nito.

“Good!” kahit nalamukos ang mukha ni Ariel ay pinilit pa din niyang ngumiti sa sagot na iyon ni Russel saka humakbang palayo.


“Anong malapit ng matapos?” lalong nahiwagaang pabulong na tanong ni Melissa kay Russel.

“Trust me Mel!” nakangiting sagot ni Russel sa wari bang nagsasaya na sa siguradong tagumpay. “He will always remember this day!” paninigurado pa nito.

“Kinakabahan ako sa plano mo Russ!” sagot ni Melissa. “Basta walang damayan!” habol pa nito.

“Nothing to worry!” saad ni Russel saka tumitig kay Melissa. “Kasama ka dito!” muling napangising dagdag pa nito.

“Naman!” pagrereklamo ni Melissa. “Sabi ko na nga ba.” habol pa nito.

“Just trust me Mel!” paninigurado pa ulit ni Russel.

“Do I have any choice?” sagot ni Melissa saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

“Wala!” madiin at natatawang sagot ni Russel kay Melissa.

Saktong isang oras ng katukin ni Russel si Ariel sa opisina nito dala ang mga trabahong pinatapos sa kanya.

“Natapos mo ba?” tanong ni Ariel saka inikot ang swivel chair paharap kay Russel.

“Yes Sir Ariel!” todo ngiting tugon ni Russel dito. “I did my best para matapos ko po iyan on time.” magalang na mapang-akit na matang habol pa nito.

“Damn so great!” mahinang usal ni Ariel pagkaharap niya kay Russel. “Nang-aakit ka ba ngayon Russel? Come here, kandong ka sa akin! Make my day hotter!” sulsol pa sa isip nang natutulalang si Ariel. “Shit! Sobra na Russel! Sobra kang mang-akit!” halos tumulo ang laway na tugon na wika pa din sa isipan ni Ariel.

“Sir Ariel! Sabi ko po tapos ko na!” paglilinaw pa ulit ni Russel. “This is just the start!” nagbubunying saad ni Russel sa sarili nang napansing napatulala si Ariel sa presensiya niya.

“Uuupo ka!” utal na tugon ni Ariel habang nakatitig pa din kay Russel.

“May problema po ba sir?” puno ng pag-aalalang tanong ni Russel kay Ariel.

“Wala!” tanggi ni Ariel. “Anong nakain mo at mabait ka ata ngayon?” puno ng pagtatakang tanong pa nito sa binata.

“Naisip ko lang po Sir, mas magiging maganda siguro kung magkakasundo na lang tayo.” nakangiting sagot ni Russel sa tanong sa kanya ni Ariel.

“Great at narealize mo iyan!” masayang tugon ni Ariel dito saka kinuha ang folder na pinagawa niya kay Russel.

Wala pang ilang saglit ay agad na nagsalitang muli si Ariel.

“Ano ‘to?” sarkastiko at asar na tanong nito kay Russel.

“Akala ko po ba ayos na tayo?” nagtataka at pa-inosenteng balik na tanong ni Russel dito.

“I told you to finish my report pero what have you done?!” galit at nanggigigil na tanong ni Ariel.

“I thought those were scratched papers and needed to be filed at the trash bin.” simpleng pa-inosente ni Russel na sa katotohanan ay sinadya niyang itapon ang mga iyon.

“Those are my reports!” giit ni Ariel.

“Sorry Sir!” paumanhin ni Russel na unti-unting pumapatak ang mga luha. “Akala ko pa kasi report ng elementary.” patuloy sa pagpatak ang mga luhang paliwanag pa nito.

Hindi maunawaan ni Ariel ang sarili. Gusto niyang magalit at maasar kay Russel dahil sa dahilan nito subalit may kurot sa puso niya para sa luha ng binatang si Russel.

“Russel!” nahahabag na wika ni Ariel. “Huwag ka nang umiyak!”

“Sorry po talaga sir!” paumanhin pa ulit ni Russel. “Akala ko po kasi elementary ang gumawa. Iyong kapatid ko po kasi na grade six, mas maganda pa po duon ang ginawa niyang narrative report. Tapos ang babaduy pa po nung mga proposed titles at slogans na nakalagay kaya akala ko po talaga scratched papers po iyong binigay ninyo.” paliwanag pa ni Russel.

Biglang nagpanting ang tenga ni Ariel sa sinabing iyon ni Russel. Kung kanina ay naaawa siya sa binata at nagawa niyang mahabag sa anyo at bikas nito, iba na ngayon, unti-unti nang umaakyat sa ulo ang dugo niya na tila ba ay nais niyang suntukin ito.

“Sorry po talaga Sir!” paumanhin ulit ni Russel. “Hindi ko naman po intensiyong sabihing pangit iyong ginawa ninyo pero iyon po talaga ang totoo. Kaya po tinapon ko kasi akala ko iyon ang pinapagawa ninyo sa akin.”

“Get out!” madiin, nakakatakot at pasigaw na utos ni Ariel kay Russel.

“Sir!” tututol pa sana si Russel.

“I said, get out!” mas malakas at mas madiing turan at utos ng binata.

“Sorry po talaga sir!” muling paumanhin ni Russel saka tumayo at lumakad palayo.

“Shit!” muling naibulalas ni Ariel. “I haven’t saved my presentation and I don’t have any copy in my laptop!” muling naibulalas ni Ariel nang mamatay ang personal computer niya sa table.

“Sorry po sir, hindi ko po sinasadyang mapatid!” muling paumanhin ni Russel.

“Lumabas ka na nga lang!” nagngingitngit na turan ni Ariel. “Baka kung ano pa ang magawa ko sa’yo.” saad pa nito.

Tinginan ang lahat nt empleyado pagkalabas ni Russel sa opisina ni Ariel. Lahat sila ay makikitaan nang awa para sa kalagayan niya. Patuloy pa ding dinala ni Russel ang karakter na binuo niya sa opisina ni Ariel pare makuha ang simpatya ng mga kasamahan.

“Ayos ka Russ!” mahinang bulong ni Melissa kay Russel na unang sumalubong sa kanya paglabas ng opisina.

“Hindi ko naman kasi sinasadya!” paliwanag ni Russel na patuloy sa pagdadala ng karakter niya.

Pagkalabas ni Russel ay agad namang pumasok si Ronnie sa opisina ni Ariel.

“Bro!” bati ni Ronnie. “What happened?” nag-aalalang tanong ni Ronnie sa kaibigan.

“That stupid Russel ruined everything!” sagot at paninisi ni Ariel.

“Anong nangyari ba?” muling tanong ni Ronnie.

“Biruin mo, laitin daw ba ang gawa ko?” asar at pikon na turan ni Ariel. “Parang nananadya at pati ang pc pinatid ang saksak.” gigil na habol pa nito.

“Kalait-lait naman talaga pare!” natatawang sagot ni Ronnie sa kaibigan. “Russel’s presentation is indeed better than yours.” paliwanag ni Ronnie sa kaibigan.

“Tumigil ka Ronnie!” awat ni Ariel sa kaibigan. “Hindi ko mo’t bossing kita dito lalaiitin mo na din ako. Tandaan mo magkaibigan tayo.”

“Only true friends can be rude fully honest!” paliwanag ni Ronnie.

“But not now!” saad ni Ariel. “Less than one hour na lang at kailangan ko na ang presentation ko para sa meeting and Russel ruined everything.”

“Chillax lang dude!” payo ni Ronnie saka lumabas sa opisina ni Ariel. “You can do it!” habol pa nito kay Ariel.

Mainam na lang at may soft copy pa si Ariel ng ginawa niyang report sa kanyang laptop kaya naman madali niya itong naprint ulit at naiayos. Sa katotohanan lang naman ay walang dapat ayusin sa binigay niya kay Russel, dahil bukod sa report niya ay mga lumang files iyon na nasa opisina niya, scratched na ngang maituturing na pinilit niyang ipareview kay Russel para inisin. Madali na din niyang natapos ang presentation para sa board meeting.

“That’s my proposal sirs and Mesdames!” pagwawakas ni Ariel sa presentation niya.

“It’s good but I think kulang pa siya.” sabi ng chairman ng board.

“I agree with you!” saad naman ng isa pa.

Pilit na ngumiti si Ariel sa sinabing iyon kahit na nga ba naiinsulto siya sa naging reaksyon at komento ng mga ito.

“I guess maganda naman po ang proposal ni Ariel.” pagtutol naman ni Ronnie.

“What do you think Russel?” baling naman ng presidente ng board kay Russel na kasama sa meeting dahil siya ang assistant ni Ariel sa kanilang department.

“I don’t want to be so antagonistic with my new boss but I guess, his proposal will not be that successful. We should think of catchy titles and slogans, not those that are stereotyped and very common that in some sense some sort of baduy.” sabi ni Russel saka tumingin kay Ariel.

“Humanda ka sa akin Russel ka!” bulong nang nagngingitngit sa galit na si Ariel.

“I’ve asked you this morning to prepare your presentation for this meeting. What have you prepared for us?” tanong pa ng presidente ng board.

Agad na tumayo si Russel saka sinimulan ang kanyang presentation. Nagbigay ng narrative report sa lahat at sa mismong tabi pa ni Ariel pumuwesto na wari bang nang-iinis.

“You never fail us Russel!” bati ng presidente pagkatapos ng report ni Russel.

“It’s better than the first one. This shows professionalism and creativity!” sang-ayon ng isa pa.

“Wala ka talagang katulad Russel!” bati pa ng isa.

“I think Ariel and Russel should work in pair!” suhestiyon naman ni Ronnie.

“What?!” sabay na naibulalas ng dalawa.

“Ayokong makatrabaho ang lokong iyan!” kontra ng utak ni Russel sabay tingin kay Ariel.

“Ayokong makasama iyang bekbek na yan!” tutol pa ni Ariel na waring alam din ang iniisip ni Russel. “Wait a minute! Magandang pagkakataon ito para mahulog ka sa akin Russel!” habol pa ni Ariel.

“Brilliant!” sang-ayon ng presidente.

“Pero Sir!” tututol pa sana si Russel.

“Talagang ganuon Russ!” putol ni Ariel sa dapat na pagtutol ni Russel. “We should be one, kasi under lang naman tayo sa isang department. Mas maganda kung magtutulungan tayo, since I’m not a bright as you!” paliwanag pa nito na may himig ng pang-aasar.

“Pero?!” hindi makapaniwalang kontra pa sana ni Russel.

“Clear na ang mga bagay-bagay!” tila pagwawakas ng presidente sa meeting nila. “Meeting adjourned!” saad pa nito.

“Maglipat ka na ng gamit sa opisina ko!” bulong ni Ariel kay Russel bago ito lumabas sa function room.

“Patay na!” naibulalas ng damdamin ni Russel.

“Ito na ang simula Russel!” nagbubunying saad ni Ariel sa sarili.


[03]
“Welcome to your new office my dear Russ!” masayang bati ni Ariel kay Russel pagkapasok nito kinabukasan.
“Ewan!” tanging sambit ni Russel sa bati ni Ariel.
“Tanggapin mo na kasing magsasama na tayo.” pagpapayo pa ni Ariel kay Russel.
Isang malalim na buntong-hininga na lang ang tinugon ni Russel sa binata. Wala siya sa kundisyon para makipag-asaran dito o kaya naman ay makipag-inisan man lang.
“Tahimik ka ata?” nag-aalalang tanong ni Ariel kay Russel ng mapansing tahimik ito buhat ng dumating kanina.
“Masama?” sarkastikong balik na tanong ni Russel.
“Hindi ba pwedeng maging makaibigan tayo?” tanong ni Ariel kay Russel.
“Hindi!” mariing tutol ni Russel.
“Bakit hindi?” tanong ni Ariel saka hinawakan sa dalawang balikat si Russel at hinarap sa kanya at hinuli ang mata nito. “Sabihin mo sa akin ngayon! Bakit hindi?” puno ng pag-aalalang tanong pa nito kay Russel na may mga matang animo’y nangunusap sa kaluluwa ng binata.
Sapat na ang titig na iyon ni Ariel para magpabaliw sa puso ni Russel. Ang isang damdaming sa simula pa lang ay pinapatay na niya, ngunit ano ba’t pilit na kumakawala sa kanya. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit tila nawawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at paangkin na sa binatang kaharap.

“Please Russel! Tell me!” pakiusap pa ni Ariel.
“Ah, eh, kasi, ano.” putul-putol na wika ni Russel na hindi alam kung paanong sasagutin ang tanong ni Ariel.
“Ano?” napuno nang pangambang tugon ulit ni Ariel.
“Ewan ko.” malumanay na sagot ni Russel.
“Ayaw mo ba sa akin talaga?” tanong ulit ni Ariel. “Please tell me Russ!” pagsusumamo pa ni Ariel.
“Hindi naman sa ganuon.” sambit ni Russel na naging mabilis na ang pagpintig ng kanyang puso.
“Then what?” pilit na tanong pa ni Ariel.
“This can’t be happening! Wake up Russel Punzalan!” panggigising ni Russel sa sariling malapit nang bumigay kay Ariel.
“I need to know!” giit pa ulit ni Ariel.
“Ayoko kasi sa mga low class individual!” biglang naibulalas ni Russel.
Biglang bitaw si Ariel kay Russel at kita sa mukha nito ang pagkadismaya.
“So, talagang mababa pala ang tingin mo sa akin.” may kalungkutang tugon ni Ariel.
Lalong hindi maunawaan ni Russel ang sarili kung bakit sobrang apektado siya sa naging reaksyon ni Ariel. Pakiramdam niya ay nasasaktan na din siya ngayon sa nakikita. Nais niyang yakapin ang binata at humingi ng kapatawaran dito ngunit pinigil niya ang sarili. Nabakasan na din ng kalungkutan ang anyo ni Russel.
Sa gitna ng nakakabinging katahimikan ay saka naman pumasok si Melissa sa opisina ng dalawa.
“Come on Russ!” masayang bati ni Melissa dito. “Lunch break na!” masaya pa nitong habol.
“Sandali lang.” matamlay na sagot ni Russel sa anyaya ng kaibigan.
“Sige, hintayin kita sa labas.” saad pa ni Melissa saka lumabas.
“Sir Ariel, lunch po muna ako.” paalam ni Russel dito na puno nang kalungkutan.
Isang matipid na ngiti lang ang tinugon ni Ariel dito. Ngiting may pait na pilit ginawang masaya para sagutin ang paalam ni Russel.
“Friend, L.Q. na naman kayo ni Sir Ariel.” bati ni Melissa kay Russel nang mapansin nito na matamlay ang kaibigan.
“Ang L.Q. may love, kami may hatred kaya hindi L.Q.!” sarkastikong paglilinaw ni Russel sa sinabi ni Melissa.
“Sige! Sabi mo!” sang-ayon ni Melissa. “Ano ba kasi ang nangyari?” nag-aalalang tanong ni Melissa dito.
“Huwag ka na lang magtanong!” sagot ni Russel.
“Alam mo friend, may napansin lang ako.” wika ulit ni Melissa pagkaupo nila sa cafeteria.
“Ano na naman iyon?” tanong ni Russel dito.
“Umamin ka nga sa akin Russ!” saad ni Melissa saka hinabol ang mga mata nito. “Alam kong beki ka at pinagkatiwala mo sa kin ang sikreto mong iyon, ngayon naman umamin ka nga! May gusto ka ba kay Sir Ariel?” tanong ni Melissa sa kaibigan.
“Asa bells!” tutol ni Russel. “Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo Mel?” pagkontra pa din ng binata.
“Walang masam kung aamin ka.” pamimilit ni Melissa. “Ano tama ako?!” habol pa ulit nito.
“Sort of!” alangang sagot ni Russel.
“Sabi ko na nga ba eh!” biglang naisigaw ni Melissa.
“Tumahimik ka nga!” saway ni Russel dito nang mapansing nakatingin sa kanila lahat ng tao sa cafeteria.
“Kailan pa?” sabik na sabik na tanong ni Melissa.
“Kahapon lang ata!” sagot ni Russel. “Slight lang naman eh!” katwiran pa ni Russel.
“Kahit na slight lang, ganun na din ‘yon!” sabi pa ni Melissa dito.
“Huwag kang maingay, atin-atin lang naman!” pakiusap ni Russel sa kaibigan.
“Oo ba!” sagot ni Melissa. “Kilala mo naman ako!” pagpapanatag pa nito sa kaibigan.
“Salamat!” sagot ni Russel.
“Feeling ko friend, may gusto din sa’yo si Sir Ariel.” wika pa ulit ni Melissa.
“Sabi nga niya!” nadulas na wika ni Russel sa kaibigan.
“Talaga!?” bigla ulit naisigaw ni Melissa na ngayon naman ay napatayo sa upuan niya.
“Sabing tumahimik ka!” saway pa ulit ni Russel. “OA na ah!” asar na pahabol ni Russel.
“Sorry naman!” paumanhin ni Melissa. “Bakit hindi mo pa sinasagot?” tanong pa nito na halatang mas kinikilig siya kaysa kay Russel.
“Natatakot ako friend.” sagot ni Russel dito.
“Walang mararating iyang takot mo!” kontra ni Melissa sa sagot ni Russel.
“Paano mo naman nasabing walang mararating?” balik na tanong ni Russel dito.
“Iyang takot na ‘yan ang sisira sa mga pangarap mo sa buhay. Iyang takot na ‘yan ang patuloy na hahadlang para maging masaya ka.” sagot ni Melissa.
“Hindi naman sa ganuon!” paliwanag ni Russel. “Natatakot akong masaktan, na baka mamaya pinagtitripan lang niya ako. Baka mamaya papaasahin lang din niya ako.” paliwanag ni Russel.
“Saan ka dadalin niyang mga baka mo sa buhay?” balik na tanong ni Melissa. “Kung hindi mo kayang magtiwala sa iba, kung hindi kayang magtiwala niyang utak mo, hayaan mo namang magtiwala ang puso mo.” sagot ni Melissa. “Iyang utak mo lang naman ang nagsasabi ng mga baka nay an eh!” paliwanag pa ulit nito.
“Basta, mas maganda na iyong ganito.” sagot ni Russel saka nagbitaw ng isang malalim na bunotng-hininga.
“Paano na lang kung mali pala ang mga baka mo sa buhay?” makahulugang tanong ni Melissa.
“Wala na bang bagong payo?” pang-aasar ni Russel dito. “Luma na ‘yan friend eh!”
“Luma man, mapapakinabangan pa din!” sagot ni Melissa. “Isipin mo, ang pagtitiwala ng puso ang unang batayan nang pagmamahalan. Kung nasaktan ka kasi tama iyang mga pinapangambahan mo, at least walang nawala sa’yo! Kasi sinubukan mo at naging matapang kang harapin ang mga takot mo!” pagpapayo ulit ng dalaga.
“Pero friend, basta mahirap!” sagot ni Russel.
“Mahirap? Bakit nasubukan mo na ba?” tanong ni Melissa dito. “Think positive, don’t get so foolish that because of fears you will let your happiness and good opportunities to passed by.” habol pa nito.
“Mas natatakot ako sa maiinit na mata ng tao.” naging lalong seryoso si Russel.
“Who cares about them?” tugon ni Melissa. “Hangga’t wala kayong sinasaktan at inaapakang ibang tao, walang masama kung magsasama kayo! Oo mahirap na tanggapin para sa iba ang mga kagaya ninyo. Pero para saan pa at umiikot ang mundo?” makahulugang tanong at tila pagwawakas ni Melissa.
Namagitan ang katahimikan sa dalawa. Unti-unting napaisip si Russel sa mga sinabing ito ni Melissa.
“Fifteen minutes na lang at tapos na ang break time. Kain na tayo.” anyaya ni Melissa kay Russel na tumapos sa katahimikang namamayani sa kanila.
Walang Ariel na dinatnan si Russel sa opisina nila. Lumipas na ang isang oras subalit hindi pa din ito bumabalik, wala ni anino o bakas, kahit paramdam sa kanya ay wala. Nakaramdam ng pag-aalala si Russel sa naging aksyon na iyon ni Ariel. Hindi niya alam, ngunit sa tingin niya ay nagiging tama si Melissa, at ang sitwasyon na ito ngayon ang nakatulong sa kanya para mapagtantong dapat ay hayaan niyang makalipad ang damdaming pilit na tinatago.
Natapos ang araw at walang Ariel na dumaan sa opisina, walang bakas na iniwan kung saan ito nagtungo. Hindi din nagawa ni Russel na makapagtrabaho ng maayos, labis na pangamba kasi ang nararamdaman niya para sa binatang nagawan niya ng kasalanan na ngayon nga ay inuusig siya ng kanyang konsensiya.
Hanggang sa makauwi si Russel ay naangkin pa din ni Ariel ang isipan nito. Naging mailap ang antok para sa binata dahil lagi’t-laging si dumadaan sa utak niya si Ariel. Idinaan sa sulat ang laman ng isipan at ang paghingi ng tawad para kay Ariel na sapat na para ibsan ang pag-aalala sa binata.
Maagang pumasok si Russel kinabukasan, inilapag niya sa lamesa ni Ariel ang ginawang sulat at saka maingat na lumabas. Bumalik sa dating lamesa katabi ni Melissa sapagkat hindi niya alam kung paano papakitunguhan ang binatang gayong alam niya kung paano ito nasaktan.
“Bakit nandito ka?” tanong ni Melissa kay Russel.
“Dito na muna ako friend.” sagot ni Russel.
“Bakit nga?” pilit na tanong ni Melissa.
“Wag nang makulit! Basta dito muna ako.” sagot ni Ariel.
“Andiyan nab a si Sir Ariel? Pinalayas ka ba niya sa opisina?” pilit na kumukuha ng sagot si Melissa dito.
“Kay aga puro dakdak ang ginagawa ninyo!” pangaral ng isang tinig sa kanilang dalawa.
“Sorry Sir Ariel!” paumanhin ni Melissa pagkaharap kay Ariel.
“Patay na!” mahinang bulong ni Russel kay Melissa.
“Ikaw Russel! Sumunod ka sa akin!” mariing utos nito.
“Opo!” hindi makatinging diretsong sagot ni Russel dito.
“You’re forgiven!” simula ni Ariel pagkasok pa lang nila sa opisina nito.
“Sorry po talaga sir!” paumanhin ni Russel na nahihiya pa din sa binatang kaharap. “Ganun lang po talaga ako.” paliwanag pa nito.
“I said you’re forgiven! I am not asking for any explanation.” giit ni Ariel.
“Thank you Sir!” sagot ni Russel.
“Take this!” wika ni Ariel saka nag-abot ng isang paperbag kay Russel.
“Para saan po?” nagtatakang tanong ni Russel.
“Sign ng friendship natin!” sagot ni Ariel. “From now on, wala ng away.” saad ni Ariel saka nagbitaw ng simpatikong ngiti kay Russel.
“Opo Sir!” sagot ni Russel na pinilit tanggalin ang hiya.
“Remove mo na ang po at Sir, Ariel na lang.” sabi pa ni Ariel.
“Sige Ariel!” pormal pa ding sagot ni Russel.
“Hoping na magiging maganda ang working relationship natin!” sabi ulit ni Ariel saka lahad ng kamay kay Russel.
Isang matamis na ngiti langh ang sagot ni Russel dito na sa katotohanan lang ay sobrang Masaya dahil sa pagkakayos nila ni Ariel.


[04]
“Tara, sabay na tayong mag-lunch.” aya ni Ariel kay Russel.
“Huh?!” nahihiwagaang reaksyon ni Russel.
“Sabi ko lunch tayo ng sabay.” ulit pa ni Ariel sa sinabi niya.
“May kasabay na ako eh!” tanggi ni Russel sa alok ni Ariel. “Si Melissa.” dugtong pa nito.
“Sabay na lang ako sa inyo.” suhestiyon pa ni Ariel.
“Naku, huwag na Ariel.” tanggi ulit ni Russel. “Alam ko namang hindi ka sanay kumain sa cafeteria eh.” nakangiti pa nitong habol.
“Sa cafeteria nga ako naglulunch pati breakfast.” pagsisinungaling pa ni Ariel.
“Lokohin mo lelang mo.” natatawang tugon ni Russel.
“Bakit ka tumatawa?” tanong ni Ariel.
“Hindi kasi bagay sa’yo pag-nagsisinungaling, namumula ka.” saad naman ni Russel.
Biglang napahawak sa mukha si Ariel sa sinabing iyon ni Russel.
“Kita mo!” sabi pa ulit ni Russel saka hinawakan sa pisngi si Ariel saka nagbitiw ng isang pilyong ngiti para sa binata.
“Hindi naman.” tutol naman ni Ariel.
“Sige, lunch muna ako.” sabi ni Russel saka lumabas sa opisina.
“Masaya ka yata?” tanong ni Melissa sa kaibigang si Russel.
“Wala lang.” sagot naman ni Russel. “Masama bang maging Masaya?” tanong pa nito.
“Kasi kahapon hindi mapipinta iyang mukha mo, pero ngayon aba at daig mo pa ang lumalampong na pusa.” pang-aasar pa ni Melissa.
“Hindi mo masisira ang araw ko Mel!” nakangiting saad ni Russel. “Masayang-masaya ako ngayon.” sabi pa nito.

“Sabi mo eh!” nakangiting sagot ni Melissa kay Russel. Sa totoo lang ay masaya siya para sa kaibigan at lalo pa na natutunan nitong buksan ang puso niya para subukan ang isang libong posibilidad na nakaligid sa kanya.
“Pa-share ng table.” biglang singit ng isang pamilyar na tinig sa usapan ng dalawa.
“Sure sir Ariel!” sagot ni Melissa na halos mapalundag sa saya sa nakitang si Ariel ang nakikisalo sa kanila.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Russel kay Ariel.
“Kakain! Ano pa ba ang ginagawa sa cafeteria?” pilosopong tugon ni Ariel.
“Sige Sir Ariel, tinatawag ako sa kabilang table. Iwanan ko muna kayo d’yan.” paalam pa ni Melissa kay Ariel.
“Sure Melissa, enjoy your lunch.” simpatikong tugon ni Ariel sa dalaga.
“Mel, sama na ako sa’yo.” habol ni Russel dito saka biglang tayo.
Naging maagap ang kamay ni Ariel sa kinilos na iyon ni Russel. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito na wari bang nagsasabing “dito ka lang!”
“Huwag na! Ako lang naman ang tinatawag.” saad pa ni Melissa saka kinikilig na iniwan ang dalawa.
“Sabi ko naman sa’yo, kumakain ako sa cafeteria natin.” sabi ni Ariel kay Russel.
“Panggap ka lang!” mahinang bulong ni Russel.
“May sinasabi ka ba?” tanong ni Ariel kay Russel.
“Wala!” tanggi ni Russel. “Kain na tayo!” aya pa ni Russel kay Ariel.
“Tahimik mo naman!” bati ni Ariel kay Russel nang mahalatang wala itong imik buhat ng dumating siya.
Ang presensiya ni Ariel ang dahilang kung bakit tila tumiklop ang dila ni Russel. Hindi niya mawari ngunit tila ba nalusaw ang lahat ng nais niyang sabihin. Nawala lahat ng nasa isipan niya na tila ba tinangay ng hangin.
Walang anu-ano ay biglang nasa aktong susubuan ni Ariel si Russel. Hindi alam ni Russel kung tatanggapin ba niya ang subong iyon mula kay Ariel o tatanggihan ba niya. Nanginig ang buong kalamnan ni Russel hated ng tagpong iyon. Hindi niya alam ngunit sa tingin niya ay sinisilyaban siya at ang mga mata ng tao ay nakatingin sa kanila.
“Sige na!” pilit ni Ariel saka hinawakan sa baba si Russel at siya na mismo ang naglapit sa kutsara sa bibig ni Russel.
Lalong natunaw si Russel sa ginawang iyon ni Ariel. Ang panginginig ay higit pang nadagdagan, higit pa ay hindi magawang maigapos ngayon ang naglulumundag na puso ni Russel dahil sa ginawang iyon ni Ariel.
Muling nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Isang nakakabinging katahimikan.
“May fifteen minutes pa bago matapos ang lunch break.” saad ni Ariel nang makitang tapos na din sa pagkain si Russel. “Tara na!” aya pa ni Ariel dito.
“Sige, una ka na, sasabay na ako kay Melissa.” sagot ni Russel kay Ariel.
“Sige, sabi mo.” nakangiting tugon ni Ariel.
Hinawakan pa ni Ariel sa labi si Russel bago tuluyang magpaalam.
“May kanin pa kasi!” paliwanag ni Ariel sa nakitang nabigla si Russel sa ginawa niya.
“Salaammaat!” putul-putol na wika ni Russel.
“Una na ako.” paalam ni Ariel saka tuluyang umalis.
“Ingat!” tanging sambit ni Russel sa papaalis na si Ariel.
“Gosh Russel!” simula ni Melissa.
“Gaga ka! May kasalanan ka sa akin!” paninisi ni Russel sa kaibigan habang pabalik na sila sa opisina.
“Mamaya na ‘yan!” kontra ni Melissa na wari bang alam na niya ang kasalanang tinutukoy ni Russel. “Nakakakilig! Para na din kayong naglips-to-lips!” sabi ni Melissa.
“Sira! Magtigil ka nga!” sagot ni Russel! “Sayang, hindi pa direktang humalik!” sambit ulit ni Russel saka napatawa ng mahina.
“Ay! Sobra na!” ganting tawa ni Melissa.
Samantalang si Ariel naman ay agad nanaabutan si Ronnie sa loob ng kanilang opisina pagkaakyat nito galling sa cafeteria.
“Saan ka galing?” simulang tanong ni Ronnie sa kaibigan.
“Sa cafeteria, nag-lunch.” masayang sagot ni Ariel sa kaibigan.
“May ano at bigla kang napakain sa cafeteria?” hindi makapaniwalang nasambit ni Ronnie.
“Sinabayan ko lang na kumain si Russel.” sagot ni Ariel sa tanong ni Ronnie.
“Talaga?” nagulat na tanong ni Ronnie. “Anong pinakain sa’yo ni Russel at napakain ka sa cafeteria na todo lait ka?”
“This is part of my plan.” pangangatwiran ni Ariel sa kaibigan.
“”Kahit na, you won’t do things na ayaw mo talaga maliban na lang kung talagang trip mo si Russel.” panghuhuli ni Ronnie sa kaibigan.
“That’s it! Trip ko talaga si Russel.” sabi ni Ariel. “Days are fast approaching at malapit nang mag-isang lingo!” saad ulit nito.
“Honestly, talaga bang paglalaruan mo lang si Russel?” nag-aalalang tanong ni Ronnie kay Ariel.
“Tinatanong pa ba ‘yan?” balik na tanong ni Ariel.
“Sumagot ka!” giit ni Ronnie na may diin ang tinig.
“Oo naman!” walang pagdadalawang-isip na tugon ni Ariel.
“Bro! Russel doesn’t deserve to be your toy. He is worthy to be loved and to be embraced.” paliwanag ni Ronnie.
“Pare, ibang Russel ata ang sinasabi mo.” nangingising sagot ni Ariel sa kaibigan.
“That the truth Ariel! Huwag mong saktan si Russel.” pakiusap ni Ronnie kay Ariel.
“Umamin ka Pare! Tripo mo din si Russel?” tanong ni Ariel na tila iniiba ang usapan.
“Hindi!” biglang sagot ni Ronnie.
“Then, bakit mo pinagtatanggol siya ngayon?” tanong ni Ariel dito.
“Iba ang pagkakakilala ko kay Russel, mas malalim kong kilala si Russel kaysa sa’yo kaya ko nasabi iyon, kaya ko siya pinagtatanggol.” paliwanag ni Ronnie.
“You’re late!” sagot ni Ariel.
“What do you mean?” nagtatakang tanong ni Ronnie.
“Malapit ko na siyang makuha pare at nahuhulog na siya sa patibong ko.” sagot ni Ariel.
“Please pare, stop it hangga’t hindi pa nahuhulog si Russel.” pamimilit ni Ronnie sa kaibigan.
“Sorry pare, desidido na talaga ako.” sagot ni Ariel.
“Tell me the truth Ariel!” madiing wika ni Ronnie. “Mahal mol na si Russel.”
“Paano mo naman naisip yan pare?” tanggi ni Ariel sa sinabing iyon ng kaibigan.
“Sa pagkakakilala ko sa’yo, hindi ka pa naging ganyang kadesidido.” simula ni Ronnie. “Dati pag sinabi kong itigil mo na tumtigil ka na. Kapag ayaw mong gawin ang isang bagay hindi mo gagawin kahit gaano mo katrip ang isang tao.” paliwanag pa nito. “All of these are the opposites of your actions with Russ’.” pagwawakas ni Ronnie.
Nanatiling tahimik lang si Ariel sa sinabing iyon ni Ronnie. Sa katotohan nga ay hindi din niya maintidihan ang sarili kung bakit ba sa tatlong araw ay nabago siya ni Russel.
“Of course pare, ibang level ang pagka-trip k okay Russel.” sagot ni Ariel na pilit pinagtatakpan ang pagtataka din niya sa sarili.
“Ibang level ang pagka-trip mo na umabot na sa pagmamahal para sa kanya.” sabi ni Ronnie.
“It’s not like what you think!” giit ni Ariel.
“Walang masama kung aaminin mo sa sarili mong mahal mo na nga si Russel. Malay mo siya nap ala ang makakatapos sa kalikutan ng puso mo. Malay mo siya nap ala ang hinihintay mong tao na kaya kang baguhin. Malay mo siya na pala ang taong bubuo sa’yo.” paggigiit ni Ronnie.
“Wala akong nararamdaman para kay Russel!” pilit na giit ni Ariel. “Hanggang laruan lang ang tingin ko sa kanya, walang halaga mkung hindi paikutin!” madiing paglilinaw ni Ariel saka lumabas sa opisina niya.
“Ariel!” tawag ni Ronnie na tila ba pinipigil si Russel.
Lingid kina Ariel at Ronnie ay narinig ni Russel ang naging takbo ng usapan nila. Naramdaman ni Russel ang sakit sa natuklasang pinapaikot lang siya ni Ariel. Ang sakit na dulot ng pagtitiwala ng puso niya, ang sakit na dulot ng pag-asa at pag-aakalang nakita na niya ang taong may kakayahang paligayahin ang malungkot niyang puso at samahan siya sa nag-iisa niyang mundo.
Oo masakit! Sobrang sakit na wari bang kayang patayin ang buong katauhan ni Russel. Ang sakit na kahit sa luha ay ayaw pakawalan ni Russel. Sa sobrang sakit ay tila nais na niyang. Pigil ang mga luha ni Russel na kahit na anung sakit ay ayaw niyang makita at bumakas ito sa mga mata. Nagawa niyang makapagtago bago pa man tuluyang makalabas si Ariel at sa pagkalabas ni Ariel ay siya namang sibat niya palabas sa gusali ng kumpanyang pinagtatrabahuhan. Hindi niya alam kung maghihilom pa ba ang sakit na nadarama niya, ngunit mas mahalaga sa kanya ang mailabas ang sakit na walang ibang makakakita.
Galit na galit siya sa sarili dahil sa ginawang pagtitiwala sa nararamdaman niya para kay Ariel. Kinasusuklaman niya ang binata ngunit higit pa ay ang sarili dahil sa ginawa niyang katangahang magpatihulog sa patibong ni Ariel. Higit pa ay isinusumpa niya ang sariling puso na kailanman ay hindi na muling titibok pa para kahit kanino.


[Finale]
Part 5 Final Bout! “Nasaan si Russel?” nag-aalalang tanong ni Ariel kay Melissa nang mapansing hindi pa din ito bumabalik sa opisina nila. “Nasa office na po ninyo.” nakangiting sagot ni Melissa. “Huh?!” nagtatakang tugon ni Ariel. “Kanina ko pa hindi nakikita si Russ!” sagot pa ni Ariel. “Papaanong mangyayari ‘yon Sir Ariel, kasi pagkaakyat namin diretso na siya sa opisina ninyo.” napaisip pang sagot ni Melissa. “Never mind!” sagot ni Ariel saka iniwan ang dalaga. “Saan naman kaya nagsuot iyon?” nagsisimulang mag-alalang tanong ni Ariel sa sarili. “Sir Ariel!” tawag na habol ng sekretarya ni Ariel sa kanya. “Bakit?” nahihiwagaang tanong ni Ariel. “Pinapabigay po ni Russel sa inyo.” sabay abot ng folder sa binata. “Ano ito?” nagtatakang tanong ni Ariel saka kinuha ang folder. “Nag-request po ng leave si Russel, approved by the board at effective po ngayon.” sagot ng sekretarya saka lumakad palayo kay Ariel. Nahihiwagaan man dahil sa biglaang leave na iyon ni Russel ay agad naman itong nag-alala para sa binata. “Ano bang pumasok sa kukote ng mokong na iyon at naisipan niyang mag-leave!” may asar na wika ni Ariel sa sarili. “Hindi man lang personal na nagpaalam sa akin!” dagdag pa nito. Nag-aalala man para kay Russel ay pinilit niyang ipagwalang-bahala na muna ang pag-aalala para dito. Pinilit ituon ang pansin sa mga trabahong nakahilera sa lamesa niya. Maagang pumasok si Ariel kinabukasan at nagbabaka-sakaling mayh iiwanang bakas si Russel sa opisina nila. Pumunta sa human resource department para kuhain ang records ni Russel subalit sa kasamaang palad ay bawal magpakita ng records ng mga empleyado at higit pa ay wala sa mga kamay nila ang profile ni Russel dahil nasa file ito ng board para sa promotion ng binata. Hinanap si Melissa para sa number nito subalit sa kasamaang palad ay hindi pumasok ang dalaga at napag-alaman niyang nagfile din ito ng leave. Ipinagtanong niya sa opisina kung ano ang number at address ng binata subalit wala sa kanila ang may alam. Tatlong araw nang hindi pumapasok si Russel at dito unti-unting naramdaman ni Ariel ang pag-aalala para sa binata, ngunit higit pa ay ang pagsambulat ng isang damdaming pilit man niyang itanggi ay kusang kumawala sa kanyang kalooban. Minamahal na niya si Russel! Sapat nang dahilan ang pag-aalala niya dito upang mapatunayang mahal niya ang binata. Ang mga gabing ligalig ang puso niya sa pag-iisip kung ayos lang ba si Russel, ang mga oras na wala siya sa kundisyon para magtrabaho dahil sa tuwing makikita niya ang bakanteng upuan ni Russel ay nararamdaman niya ang pagkukulang. “Sir Ariel! Si ir Russel po nasa labas.” tawag ng sekretarya ni Ariel sa kanya. “Talaga?!” biglang siglang saad ni Ariel saka nagmamadaling lumabas sa opisina niya. “Russ!” tawag pa ni Ariel pagkakakita kay Russel. Samantalang unti-unting bumalik ang sakit ng nadurog na puso ni Russel sa pagkakakita kay Ariel at muling bumabalik sa alaala niya ang ginawa nito sa kanya. “Sir Ariel!” pormal na sagot ni Russel saka nagbitiw ng isang mapait na ngiti. “Good to see you back!” maligaya ang puso ni Ariel sa pagkakakita kay Russel. Nagniningning ang mga mata niyang tinitigan ang anyo ng binta. “Bakit hindi ka man lang nagpasabing mag-leave ka.” may himig ng pagtatampo pa nitong tanong. Mapait na ngiti lang ang sinagot ni Russel sa mga sinabing iyon ni Ariel. Sa katotohanan ay nais na niyang umiyak dahil muli’t-muling bumabalik sa alaala niya ang masakit na nakaraan. Ang oras na nalaman niyang pinaglalaruan lang pala siya ni Ariel. “Come on!” aya pa ni Ariel saka inakbayan si Russel. “Usap tayo sa office!” saad pa ng binata. “I am here for my formal resignation!” simula ni Russel pagkapasok nila sa opisina. “Hah?!” nabiglang sagot ni Ariel na hindi pa man nakakaupo ay agad ding napatayo dahil sa sinabing iyon ni Russel. “Bakit?” naguguluhan at natatakot na tanong pa ni Ariel. “It’s not your business Sir! It is something personal!” katwiran ni Russel. “Akala ko ba at peace na tayo?” singit ni Ariel. “Bakit ganyan ka na naman sa akin?” tanong pa ulit nito. “Sorry Sir!” tanging sagot ni Russel. “Please Russ! Tell me why are you resigning?” pilit ni Ariel saka nilapitan ang binata. “The management knows my reason and as is said it is something very personal.” sagot ulit ni Russel. “Please Russ!” pamimilit ni Ariel saka hinawakan sa mga kamay si Russel. “Is this part of your plan Ariel?” nagngingitngit na bulong ni Russel sa sarili. Biglang pumanglaw ang anyo ni Russel, nais na namang kumawala ng mga luha sa kanyang mga mata sa isiping panlilinlang lang ulit ang ginagawa ni Ariel sa kanya ngayon. Naghuhumiyazw sa ingit ang kanyang damdamin sa isiping isang patibong na naman ang ginagawa ni Ariel para mahulog ang loob niya dito. “I’m sorry Sir!” sambit ni Russel saka lumakad palayo para maitago ang luhang dahan-dahan ng tumutulo mula sa kanyang mga mata. “I love you Russel!” walang pag-aalinlangang sinabi ni Ariel. Biglang napahinto si Russel sa sinabing iyon ni Ariel. Tulad ng inaasahan niya ay sasabihin iyon ng binata at kasama ito sa plano nitong pagpapa-ibig sa kanya. “I really love you Russel!” ulit ni Ariel sa sinabi. “Is this part of your plan Ariel?” sarkastikong tanong ng lumuluhang si Russel. “What do you mean Russel?” maang na tanong ni Ariel dito. “Hindi mo na ako maloloko Ariel! I know your plan of making me fall then setting me aside broken and wasted!” madiing turan ni Russel. “Russel I love you! That’s what I really feel!” pagsusumamo ni Ariel kay Russel. “Shut up Ariel!” pigil ni Russel sa kasinungalingan ni Ariel. “Narinig ko kayo ni Sir Ronnie! Narinig ko kung ano ang plano mo sa akin at kung papaano mo ako itatapon ng parang basura!” kumawala ang kimkim na galit ni Russel. “Let me explain Russel!” pigil ni Ariel. “Mahal na kita talaga!” “Explain?” tanong ni Russel. “Para ano? Para lokohin ulit ako? Para itanggi na hindi totoong paglalaruan mo lang ako? Na mahal mo talaga ako? It’s enough Sir Ariel! It’s enough!” pagwawakas ni Russel saka mabilis na lumakad palabas ng opisina ni Ariel at mabilis na lumabas sa building na iyon. Hinabol ni Ariel si Russel subalit lubhang naging mabilis ang binata at hindi na niya naabutan ito. Dumiretso sa kotse niya ng makitang pasakay ito ng taxi at hinabol niya ang sasakyan nito. “Russel!” tawag ni Melissa sa kaibigan. “Saan ka pupunta?” tanong ni Melissa pa dito subalit tuloy lang sa paglakad si Russel. “Hoy Russel!” sigaw ulit ni Melissa kay Russel na ngayon ay pumara ng ng taxi. “Ano bang problema mo?” tanong ni Melissa ng maabutan si Russel na nagawang makasakay sa kaparehong taxi. “It’s over Mel!” simula ni Russel. “What happened?” nag-aalalang tanong ni Melissa dito. Walang pag-aalinlangang sinimulan ni Russel ang kwento niya sa lahat ng nangyari. “Friend! Magtiwala ka sa puso mo!” pagpapayo ni Melissa sa kaibigan. “Ang puso ay may kakayahang kumilatis sa laman ng puso ng isang tao!” makahulugang wika pa ni Melissa. “Ano?” naguguluhang tanong ni Russel sa kaibigan. “Hayaan mong ang puso mo ang magsabi kung ano ang katotohanan! Ang utak natin madami na iyang pinapaniwalaan kaya hindi na malinaw na makakabasa ng puso ng tao. Magtiwala ka sa puso muna, kalimutan mo muna ang galit at hayaan mong ang puso mo ang kumilatis at magsabi kung ano ang totoo sa sinasabi ni Ariel.” nakangiting pagpapayo ni Melissa. Napangiti lang si Russel sa sinabing iyon ni Melissa. “Paano nga kung talagang mahal ako ni Ariel? Paano kung mahal na nga talaga niya ako?” pag-aalinlangang wika ni Russel sa sarili. “Para na po mama!” sabi ni Russel. “Kaw na muna magbayad Mel!” nakangiting tugon ni Russel dito saka bumaba. Walang alinlangang tumawid sa kabilang kalsada para makasakay sa kabila pabalik kay Ariel nang walang anu-ano at isang nakakabinging busina ang narinig. Napaupo si Russel sa nakitang malapit na siyang mabangga ng kotse at pasasalamat na lang niya at hindi siya nito nahagip. Nawalan ng malay si Russel dala ng takot at ngayon ay napahandusay sa kalsada. Bumaba mula sa kotse ang driver ng kotse at isinakay si Russel sa kotse nito. Ilang sandali pa at nagising na si Russel. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. “Ariel?” tila inaaninag kung sino ang nasa harapan niya ngayon. “Russel.” nag-aalalang sagot ni Ariel. “Ikaw nga Ariel.” masayang paninigurado ni Russel. “Mahal na mahal kita Russel.” saad ni Ariel saka hinalikan sa noo ang binata. “I really love you!” naluluha nitong dagdag. “Ariel! Totoo ba yan?” tanong ni Russel. “Totoong totoo.” sagot ni Ariel. “I will prove to you Einstein’s Law of Relativity para lang patunayang karapat-dapat ako sa’yo.” sabi pa ni Ariel. Matitipid na ngiti ng kagalakan lang ang sagot ni Russel sa sinabing iyon ni Ariel. “Our past will not cross their roads for no reason, and that is to bind us in the future. Our present will be the essential key to hold this binding moment that I am willing to sacrifice my wholeness for you. I can’t change my past but my future will be solely yours. Madami man akong pagkakamali sa nakaraan at kung babaguhin ko iyon, sisiguraduhin kong ikaw lang ang una kong hahanapin para sa simula pa lang ay tama na ang lahat ng gagawin ko sa buhay. Hindi ko man kayang ipaliwanag ang Law of Relativity scientifically, pero kaya kong ipaliwanag ang Law of Relativity ng puso ko para sa puso mo. Kasi mahal na mahal kita!” pagwawakas ni Ariel. “Mahal na mahal din kita Ariel, sa simula pa lang.” tanging nasabi ni Russel. “I love you Russ!” sabi ulit ni Ariel saka niyakap ang nakahigang si Russel. “Please spent the rest of your life with me.” pakiusap pa ulit ni Ariel kay Russel. “I will, even my next life!” sagot ni Russel. “I love you!” puno nang kaligayahang tugon ni Ariel saka ginawaran ng halik sa labi si Russel.
END

No comments:

Post a Comment