By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail:
miguisalvador@yahoo.com
[01]
Unti-unti
nang binabalot ng liwanag ang buong kwarto, halos magdamag akong nakatitig kung
hindi sa pader ay sa kisame, mahapdi ang magkabila kong mata, sa kakaiyak o sa
puyat di ko na alam. Saktong dalawang linggo na akong ganito, walang maayos na
tulog at kain, konti na lang sigurado kong bibigay na ang aking katawan.
Sinubukan kong ipikit muli ang aking mga mata, umaasang dadalhin ng tulog ang
aking diwa sa isang magandang panaginip, sa isang lugar kung saan walang
pasakit at kung saan walang luhang tutulo.
“Migs.
Please.”
Muli
ko nanamang narinig ang boses na siyang dahilan ng aking pagtangis. Muling
bumukas ang aking mga mata, naniningkit sa liwanag ng buong bahay at sa
nangingilid na luha. Nakarinig ako ng kaluskos sa aking likod, nanggagaling
iyon sa puno ng santol na siyang humihiwalay sa bahay namin at nila Edward.
Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng aking bintana at ang mahinang yabag
ng malalapad na paa ni Edward palapit sakin. Sinipat ko ang orasan sa tabi ng
aking kama.
“6:00am”
Walang mintis, araw araw sa loob ng dalawang linggong nakalipas si Edward ang
bumubungad sakin.
Muli
kong ipinikit ang aking mga mata at nagkunwaring mahimbing na natutulog.
Naramdaman ko ang paggalaw ng aking higaan, dalawa lang ang ibig sabihin nito,
ito ay kung umupo si Edward o tumabi sa akin sa pagkakahiga. Hinihiling ko na
sana ay tumabi siya sa aking pagkakahiga. Naramdaman at naamoy ko ang mainit na
hininga ni Edward na dumapi sa aking kanang pisngi, tulad ng aking
pagkakatanda, amoy mint ito.
Naramdaman
ko rin ang pagdampi ng kamay ni Edward sa aking pisngi at sa paghagod ng kamay
nito sa aking buhok. Isang bagay sa loob ng ilang taong pagtulog namin noon na
magkatabi ay gustong gusto niyang gawin.
“You
know what I want? I want to wake up every morning for the rest of my life next
to you.”
Pilit
na bumabalik sakin ang mga alaala ng sinabi ni Edward na iyon, pero hindi na
mangyayari ang hiling na iyon. Matagal na kaming tapos.
“Migs.
Gising na, pinagdalhan kita ng agahan.” bulong ni Edward at muli kong naamoy
ang mabangong hininga nito, dahan dahan akong tumihaya at nakita kong nakaupo
si Edward sa aking kama, nakadungaw sa akin at may ngiti na nakaplaster sa
kaniyang mukha. Napatitig ako doon.
“Edward.”
“Hmmm?”
“Lagi
kang ngingiti ah, gwapo mo kasi kapag nakangiti.” nahihiya kong sabi dito sabay
iwas ng tingin, di ko man nakikita ang aking sarili ay alam kong namumula ako
sa hiya.
“Goodmorning,
Miggy boy!”
“Sana
ikaw na lang... Sana hindi ka na lang nagpakasal, sana tumutol ako noon...
Sana...” dikta ng aking isip habang nakatitig ako sa maamong mukha ni Edward.
Sinubukan
kong ibalik ang ngiting iyon, pero alam kong di ako nagtagumpay.
“Damn,
Migs! You look like shit!”
Dahan-dahan
akong bumangon ng kama at pumunta sa kalapit na banyo. Tama si Edward,
napabayaan ko nanaman ang sarili ko.
“Alam
mo, di kita maintindihan, halos di ka na nga bumabangon sa kama at natutulog
magdamag pero ganyan parin ang itsura mo.” pabirong sabi nito pero alam ko sa
likod ng mga birong iyon ay ang pagaalala.
Tumitig
ako sa salamin. Tinitigan ko ang aking repleksyon.
“Hey
Handsome.”
Muli
kong ipinikit ang aking mga mata. Narinig ko nanaman ang mga boses na iyon, ang
boses na sa loob ng ilang taon ay bumubungad sa aking paggising sa tuwing dito
siya sa bahay namin nakikitulog. Di ko napigilan ang aking sarili.
Isang
luha ang tumulo.
Naramdaman
ko ang pagyakap sakin ni Edward mula sa likod. Ibinalot nito ang kaniyang mga
malatrosong kamay sa aking bewang at pilit akong isiniksik sa kaniyang katawan,
isinukbit niya ang kaniyang baba sa aking balikat, ramdam ko ang regular na
paghinga nito sa aking likuran kung saan magkadikit ang aming mga katawan at
ang mainit na pagbugha nito ng hangin sa aking kanang pisngi. Pakiramdam ko
walang mananakit sakin hanggang yakap ako ng ganito ni Edward.
Agad
akong humiwalay sa yakap na iyon. Matagal na kaming tapos. Pinahiran ko ang mga
luha sa aking mga pisngi. Humarap ako dito at sinubukang ngumiti, pero alam
kong di ako nagtagumpay doon.
“Iahin
mo na ang agahan sa baba, pakisabi kay Mae, salamat. Magaayos lang ako ng
sarili bago bumaba.” sabi ko dito. Tinitigan lang ako nito at muli akong niyakap.
Ngayon magkadikit na ang aking mga dibdib at magkadikit na ang aming mga
pisngi. Mahigpit ang yakap na iyon.
Isanag
yakap ng nagaalalang kaibigan.
“Everything
will be OK.”
“BOOM!
Lie number one!” dikta ng makulit na bahagi ng aking isip.
Bakit
ko papaniwalain na magiging OK lahat gayung malayo sa pagiging OK ang aking
nararamdaman? Sa pangalawang pagkakataon muli akong humiwalay sa mahigpit na
yakap mula kay Edward.
Matagal
na kaming tapos.
Ilang
minuto pa ay natapos ko na ang simpleng gawain na ayusin ang aking sarili,
simple pero halusin abutin ako ng kalahating oras para gawin. Napabuntong
hininga ako ng maabutang may kausap sa telepono si Edward. Kilala ko kung sino
iyon. Di ako tanga. Nakinig muna ako sa may haligi ng pinto, nagtatago kay
Edward para marinig ko ang pinaguusapan nila.
“Of
course he's not OK!” malutong pero halos pabulong nitong sabi sa kausap.
“He's
hurting! What do you expect mag cartwheel siya at magsplit sa tuwa?! C'mon!...”
Sinadya
kong umubo para malaman niyang papalapit na ako sa hapagkainan.
“Gotta
go, I'll talk to you later.”
Saktong
pagkababa ng telepono ay ang pagpasok ko ng kwarto.
“Sino
kausap mo?” tanong ko kay Edward.
“Ah,
wala. Kliyente ko, nangungulit.”
“BOOM!
Lie number two!”
“Ahhh...
nagaaway kayo?” tanong ko ulit, natigilan sa paghahalo ng kape si Edward.
“K-kain
na tayo. Masarap itong niluto ni Mae na...”
Di
na niya naituloy ang kaniyang sasabihin ng umupo ako sa harapan ni Edward at
nagsimula ng kumain. Napatango ako bilang pagayon sa sinasabi niyang masarap na
pagkakaluto ng pagkain.
“Dave,
Pat and Fhey are going to be here later.” masuyong sabi ni Edward. Tumango lang
ako bilang pagsangayon sabay higop ng mainit na kape.
“You
guys don't have to do that. I'm O-OK. Besides, maglilinis pa ako ng buong bahay
oh.”
“There
goes the third lie.”
Sinubukan
kong haluan ng konting humor ang aking sinabi pero maski ako di natuwa sa aking
sinabi.
“Ano
ka ba. Di ka naman namin huhusgahan kapag sinabi mong di ka OK eh.”
Nagkatitigan
kami ni Edward, inabot nito ang aking kamay at pinisil iyon.
“Migs,
do you want to talk about it? I can see you're hurting, di ko kayang nakikita
kang ganyan.”
Inalis
ko ang kamay ko sa pagkakabalot ng kamay niya.
“Wow.
Coming from you, that is really an understatement. Considering how you managed
to hurt me big time before.” di ko na napigilan ang aking sarili, napasulyap
ako kay Edward, nakita ko kung pano ito namutla.
“I'm
sorry, I shouldn't have said that.”
“Fourth
lie. I'm NOT sorry to say that.”
Pinilit
ni Edward ngumiti, pero may mali na sa mga ngiting iyon.
“Di
niyo kailangang mag worry. Kaya ko ito.” sabi ko dito sabay ngumiti, kaso di ko
alam kung papasa bang ngiti iyon.
“So...
Do you want to talk about...”
Napapikit
ako sa mga sinasabing iyon ni Edward. Isang malakas na tunog ang bumalot sa
buong first floor ng bahay.
“Saglit
lang, tignan ko lang kung sinong asa pinto.”
Ilang
beses pang binalot ng tunog ng doorbell ang bahay.
“Sino
ba 'tong lintik na 'to?! Maka doorbell naman...!”
Pagbukas
na pagbukas ko ng pinto ay alam ko ng sira na ang buong araw ko.
“Si
Edward?! Sabi kasi nung MISIS niya andito daw siya sa inyo.” tanong nito sa
isang napakatining na boses.
“Migs,
sino...” umpisa ni Edward sa aking tabi. Minata ng babae ang suot naming
pambahay ni Edward na tila kababangon lang ng higaan.
“My
gosh! Wag mong sabihing magkatabi parin kayong natutulog maski may asawa na
yang si Edward?! C'mon Migs! Di ka pa ba makamove on?”
Something
inside me snapped. Muntik ko ng abutin ang mukha ni Essa at bigyan ito ng isang
makabasag bungong upper cut. Mabuti nalang at napigilan pa ako ni Edward.
“Anong
kailangan mo Essa?” malamig na tanong ni Edward. Inabot ni Essa ang isang
sobre.
“Ikakasal
na ako. Invited ka, ikaw lang ah.” sabi ni Essa sabay tingin sakin na kala mo
nangiinggit.
Tinignan
ko ang lalaking katabi nito. Si Don Viaje, ka-batch din namin noon sa
highschool. Napasinghot ako. Isa si Don sa pinaka arogante sa batch namin, kung
anong laki ng ulo niya sa pagyayabang ay siya namang liit ng utak niya. Anak
mayaman, kaya umabot sa pinakatuktok ng mt. Everest ang yabang, baka lagpas pa.
Tinitignan
nito ang bahay namin at kala mo minamata. Oo, maliit ito kumpara sa bahay nila.
Kita ko ang panlalait sa mga mata nito na sumasalamin naman sa masamang ugali
nito na siya namang umaayon din sa masamang ugali ng mapapangasawa niya.
“Pathetic.”
bulong ng isip ko.
Di
pa pala tapos si Essa. Tinignan ako nito.
“Migs,
di ka ba nahihiya sa asawa ni Edward? Humahabol ka parin kay Edward? C'mon,
Migs. Ganyan ka na ba talaga ka pathetic?!”
“I
don't know which is more pathetic, you fucking with this air head...” sabay
turo kay Don. “...or you not getting over Edward.” balik ko dito. Lumapit ito
sakin na kala mo mananampal na habang si Don naman ay pasugod na din.
“Tandaan
mo, ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Edward. Kung hindi ka
nakikipaglaro ng 'fuck my FAGGOT ass' kay Edward di sana kami maghihiwalay.
Remember that hugging and kissing scene niyong dalawa ni Edward sa parking lot
ng school?” sabi ni Essa sabay ngiti na kala mo kontrabida.
“Enough!”
sigaw ni Edward. Lumapit ako kay Essa, halos isang pulgada na lang ang layo ng
mukha namin pinipigilan na ako ni Edward habang si Don naman ay binabantayan si
Edward.
“Get
out of my property before I kill you.”
Mukhang
natakot naman si Essa kaya't umatras ito. Pero natigilan ito bago dumating ng
gate. Natigilan din ako at si Edward.
“Mae...”
bulong ni Edward.
Lumingon
sakin si Essa at nagbigay ng flying kiss, pero di ko na ito pinansin nakatitig
ako kay Mae. Naluluha ito. Mabilis itong naglakad papunta samin ni Edward.
“Magusap
tayo.” bulong nito. Bigla akong binalot ng takot.
“Kailan
pa don si Mae? Ano ano ang mga narinig niya?” tanong ko sa sarili ko.
Sakto
namang nag-ring ang telepono namin. Di ko na sana ito sasagutin.
“Hello,
Migs!”
Natigilan
ako.
“JP,
not now.” nagulat ako dahil mahinahon ang pagkakasabi ko nito.
“No!
We have to talk now! It's Rick...” agad akong nanlambot, namutla at lalo akong
natakot pagkarinig sa pangalan ni Rick.
“Migs,
si Rick... n-nahulog siya sa hagdan...” agad akong napaluhod.
Sa
di kalayuan ay naririnig ko ang sigawan ng magasawang si Edward at Mae.
Itutuloy...
[02]
Miya
mo ako hinila mula sa magandang panaginip dahil sa naramdaman kong paggalaw sa
aking ulunan, narinig ko ang marahang pagsara ng pinto at matinding pagkangalay
sa aking batok. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Alam kong
magiging maganda ang umaga ko nang makita ko ang nakangiting mukha ni JP na
nakadungaw sa akin, napansin kong tumataas baba ang balikat nito, humahagikgik
si loko. Unti unti kong iniangat ang aking ulo, nun ko lang napansin na basa ng
laway ang aking pisngi at gayun din ang kanang kamay ni JP na sa loob ng ilang
araw na pagkakaospital nito ay ginawa kong unan.
“Hey,
Handsome.” bati nito sakin na ikinangiti ko naman.
“We're
free to go home tomorrow.” bungad ulit nito pero dahil nag lo-load pa ang utak
ko...
“We
should wait for the doctor's order before we go home, JP.” sabi ko dito habang
humihikab. Muling humagikgik si JP, nagdikit naman ang kilay ko at ibinaling ko
ang tingin ko sa tinitignan ni JP sa aking likod. Nanlaki ang aking mga mata at
namula ang aking pisngi sa hiya at agad kong pinunasan ang aking pisngi mula sa
mga natutuyong laway.
“Yup.
Jay here is already carrying out Dr. Herrera's discharge orders.” sagot ni JP,
nakita kong pinipigilan ni Jay ang tumawa habang binabasa ang discharge orders
ng doktor mula sa chart ni JP, ibinalik ko kay JP ang aking tingin at patuloy
parin ito sa paghagikgik. Muling bumagsak ang aking mukha at lalo akong namula
sa hiya.
“You
mean---”
“Yes,
Dr. Herrera and nurse Jay here saw you drooling everywhere while having their
morning rounds. You just missed Dr. Herrera, I think it was the door closing
behind him that woke you up. You should've seen him laugh his ass out while
watching you drool.” sabi ni JP sa pagitan ng kaniyang mga paghagigik, tinignan
ko ito ng masama, tumayo at sinuntok ang kaniyang braso.
Di
na napigilan pa ni Jay ang pagtawa at sumabay narin si JP dito habang papasok
ako ng banyo.
“Assholes!”
sabi ko habang sinasarhan ang pinto ng banyo para maghilamos at magsipilyo.
Nang
makalabas ako ng C.R. ay wala na si Jay sa loob ng kwarto at naiwan si JP na
nanonood ng football sa T.V. Nakaplaster parin sa mukha nito ang ngiti. Nang
mapansin nitong lumabas na ako ng C.R. at lumilinga linga sa paghahanap kay Jay
ay natawa ulit ito. Naningkit ang mata ko. Lumapit ako sa higaan niya at
sinuntok siya sa braso.
“Kailangan
mo ba talaga akong ipahiya ng ganun ha?!” sigaw ko dito sabay suntok ulit,
narealize ko na di siya nasasaktan sa mga suntok ko kasi tawa parin ng tawa ang
mokong.
“Ang
cute mo kaya matulog saka sabi ni Doc wag ka na daw gisingin dahil saglit lang
naman daw siya.” natatawang sabi nito.
“Sira
ulo ka talaga!” sigaw ko dito at umupo na sa upuan malapit sa kaniyang tabi.
“Maski
nga si Doc saka si Jay nacute-an sayo eh.” natatawa ulit nitong sabi, pinigilan
ko ang sarili ko sa pagngiti at sinuntok ulit ang braso niya.
Itinuon
ko ang aking pansin sa pinapanood na football. Inabot ni JP ang aking kamay at
hinawakan iyon.
“Migs?”
“Hmmm?”
“Wala
ng jelly ace, naubos ko na kanina.” bulong ni JP.
“Gusto
mo ibili kita?” tanong ko, tumango lang si JP. Simula noong nag general liquid
ang diet ni JP pagkatapos ng operasyon ay naging fixated na siya sa jelly ace.
Nauubos niya ang isang bag sa loob ng isang araw kahit pa balik sa normal na
ang kaniyang diet. Tumayo ako at hinanap ang aking wallet.
“Oh,
iwan muna kita. Bili lang ako sa baba.” paalam ko kay JP, tumango lang ito na
miya mo bata na pinangakuan na uuwian ng ice cream ng kaniyang magulang.
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa pinto habang binibilang ang laman ng
aking wallet.
“Migs?”
“Hmmm?”
sagot ko habang nagbibilang parin ng pera.
“I
Love You...”
“I
Love You too...”
Agad
akong natigilan sa pagbibilang at nanlaki ang aking mga mata di makapaniwala na
nasabi ko ang mga katagang iyon. Agad akong humarap kay JP at bumungad sakin
ang ngiting-nakakaloko-ala-JP-style na mukha.
“Ano
nga ulit iyon?” tanong ni JP habang tumatayo mula sa pagkakahiga.
“W-wala.
B-bababa na ako. Dyan ka lang r-relax ka lang d--” pero di ko pa man natatapos
ang aking sasabihin ay naibalot na ako ni JP sa kaniyang mga malatrosong braso.
“It's
my gall bladder they took and not my ear drums.” pabulong na sabi nito sakin.
Di na ako nakapagsalita.
“I
Love You.” bulong ni JP sa aking kaliwang tenga.
0000ooo0000
Habang
naglalakad ako sa mahabang hallway ay di ko maitago ang ngiti sa aking mga
mata, nang mapatapat ako sa Nurse's Station ay nakita ko si Jay, nakangiti
parin ito saka magiliw na kumaway sakin, lalo akong napangiti at sinuklian ito
ng isang maikling pagkaway.
Agad
akong tumapat sa pares ng elevator na magdadala sakin pababa sa lobby ng
ospital, pero puro ito express, ibig sabihin may mga laman itong pasyente at
ayon sa policy ng ospital ay hindi pupwedeng sabayan ng ibang tao ang
pasyenteng iyon sa loob ng elevator. Dahil sadyang maikli ang pasensya ko ay
naglakad ako pabalik malapit sa Nurse's station at inintay ang elevator doon na
magdadala naman sakin sa side entrance ng ospital.
Swerte
namang bumukas ang mga pinto ng elevator na iyon at masuyo akong binati ng
operator noon, nang pasara na ang pinto ng aking sinasakyan na elevator ay may
nakita akong pamilyar na babae na papalapit naman sa Nurse's station para
magtanong.
“Harap
ka, Miss.” sabi ko sa sarili ko para makumpirma kung kilala ko nga ba ang
babaeng iyon. Pero lumapat na ang mga pinto ng elevator at hindi humarap sa
gawi ko ang babae, nagkibit balikat na lang ako at inintay na marating ng
elevator ang ground floor.
Sa
ilang minutong bumiyahe ang elevator na iyon ay nakapikit lang ako at pinipilit
ang sarili na huminga ng malalim para mapigilan ang paninikip ng dibdib at ang
kakaibang routine ng sikmura ko sa tuwing naiiwan ako sa isang maliit na kwarto
na walang bintana at kahit ano pa mang opening.
“OK
ka lang?” tanong ng isang batang doktor na kasabay ko sa loob ng elevator,
dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, tumango ako dito at nagbigay ng
matipid na ngiti.
“Claustrophobia.”
sagot ko sa nagaalalang batang doktor. Ngumiti ito sakin.
“Well,
we're here.” sabi nito sabay ngiti ulit. Tumingin ako sa gawi ng mga pinto at
nagulat nang makitang pwede na kaming lumabas sa lift na iyon. Ibinalik ko ang
aking tingin sa doktor na nakangiti parin sakin.
“Gawd!
Doctors here are cute!” sabi ko sa sarili ko sabay bitiw ng matipid na ngiti
kay 'cute doctor'.
Habang
naglalakad ako sa bangketa papunta sa kalapit na convenience store ay di ko
maiwasang mapangiti. Matagal na akong may nararamdaman kay JP pero ayaw ko
itong aminin at ayaw ko itong malaman niya, alam kong may ideya na siya na may
nararamdaman din ako sa kaniya pero mas ginusto kong wag siyang bigyan ng
ebidensya na tama ang hinala niya at sakin mismo manggaling ang pagkumpirma sa
mga hinala niya.
“Dahil
pagkatapos ni Edward, Alex at Marco? Siguro naman may sapat akong dahilan para
matakot, diba?”
Alam
kong iba si JP pero hindi ko rin mapipigilan na isipin ulit na bago ako ay ni
hindi sumagi sa isip ni JP na makipagholding hands sa lalaki makipagrelasyon pa
kaya, hindi ba't ganun din si Edward? At kita mo kung anong nangyari, nakatatak
parin sakin si Edward. Yun ang ikinatatakot ko kay JP na baka lumipas ang ilang
araw, buwan o taon ay baka iwan din ako nito dahil na realize niya na babae
talaga ang gusto niya at walang matira sakin kundi ang tatak nito sa puso ko na
sa tuwing pipilitin kong burahin ito ay makakaramdam ako ng sakit.
“Pero
ang gaang ng pakiramdam nang sabihin ko kay JP ang totoo kong nararamdaman.”
sabi ko ulit sa sarili ko habang kumukuwa ng ilang bag ng jelly ace sa shelf ng
tindahan na iyon.
Naisip
ko lang na bakit di ko ito lubusin habang nandito pa.
Malay
mo hindi ko naman dapat matakot diba?
Malay
mo kami talaga ni JP habang buhay.
0000ooo0000
“Manong
sagli--” sabi ko sa tagalinis ng mga kwarto bago pa nito saran ang pinto ng
kwarto ni JP.
Nginitian
ako ng tagalinis pero imbis na matuwa ako sa ngiting iyon ay agad akong
nanlamig nang sa likod ng ngumingiting tagalinis ay nakikita ko si JP na
kahalikan si Donna, si JP habang nakatayo katabi ng kaniyang higaan at si Donna
naman ay nakatalikod sa gawi ng pinto. Tinulak na ni manong ang kaniyang trolly
na puno ng gamit na panglinis palayo. Dahan dahan akong umatras at naglakad din
palayo sa kwarto ni JP.
Nanlalamig
parin ang buo kong pagkatao. Halos patakbo akong bumalik sa gawi ng mga elevator,
di ko napansin na nakakakuwa na pala ako ng pansin lalo na ng mga nurse sa
Nurse's Station, bumukas ang mga pinto ng elevator at sinabi sa operator nito
ang numero ng floor na gusto kong puntahan, di ko napansin si Jay na sumakay
din pala sa elevator na sinasakyan ko.
0000ooo0000
Di
ko alam kung ilang minuto na akong nakaupo sa isang mahabang upuan sa loob ng
chapel, tahimik na umiiyak at nagiisip kung ano ang aking dapat gawin,
humihingi ng tulong sa isang imahe na simula nang magkaisip ako ay itinuro na
sakin ng aking mga magulang na irespeto.
Kinuwa
ko ang aking cellphone at itinext si JP.
“Naghahanap
pa ako ng jellyace.” matipid kong text habang patuloy parin sa pagtulo ang
aking mga luha.
“Why
do you have to take him away from me just when I have the courage to tell him
what I feel, just when I let go of all my hesitations, just when I'm ready to
love again?” halos pabulong kong tanong sa isang imahe ni Jesus sa loob ng
chapel.
“I
knew there's something wrong when I saw you running down the hall earlier.”
sabi ng isang lalaki sa aking likod. Nilingon ko ito.
“Hi
Sir Migs.”
“Hi
Jay.” bati ko kay Jay sabay punas ng aking mga luha.
“Want
to tell what happened?” tanong ni Jay. Di ko na mapigilan ang mapahagulgol
habang nagku-kwento ako kay Jay.
Makalipas
kong ikuwento lahat ng aking pinagdaanan kay Jay, simula kay Edward hanggang sa
pinagdadaanan ko ngayon kay JP ay niyakap ako ng mahigpit ni Jay.
“Hey,
it's going to be OK.” sabi nito habang inaalo ako.
“No
it's not.”
“Di
pa tayo sigurado, Migs. Malay mo---”
“Malay
mo naglalaro lang sila? o trip lang nila maghalikan? o may dumi sa labi si JP
at inalis lang yun ni Donna gamit ang bibig niya? C'mon, Jay, that's bullshit
and you know it.” tumango lang si Jay sa sinabi kong iyon.
“At
least talk with JP about it. Di niyo masusulusyunan yan at di ka malilinawan
kung di mo siya kakausapin tungkol diyan.”
Natahimik
ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
“Tapos
na ang break ko, Migs.” tumayo na si Jay pagkasabi nito, tumango lang ako
bilang sagot.
“Promise
me you will talk to JP.”
“I
promise.” sagot ko. Ngumiti si Jay at nagsimula ng maglakad palayo sakin.
“Jay.”
tawag ko dito.
“Hmmm?”
“Thanks.”
ngumiti ulit ito.
Bumalik
ako sa kwarto ni JP, siniguro kong walang bakas ng luha at pamumula ang aking
mga mata. Dahan dahan kong pinihit ang door knob at binuksan ang pinto, andun
parin si Donna, naglagay ako ng isang pekeng ngiti sa aking mukha at kunwari'y
nagulat sa pagkakakita ko kay Donna sa loob ng kwartong iyon.
“Migs!”
sigaw nito sabay yakap sakin. Nginitian ko lang ito at kunwaring ibinalik ang
yakap na masuyo nitong ibinigay sakin tinignan ko si JP at nakangiti din ito.
“Good
to see you again, Donna but I'm afraid I have to go. Hanggang bukas pa dito si
JP at wala na akong underwear para bukas.” sabi ko at nagpakawala ng isang
pekeng tawa. Tumango naman si Donna at tumawa din.
“Pero
wala akong kasama dito, Migs.” sabat ni JP, bakas sa mukha nito ag pagtataka sa
biglaan kong pamamaalam.
“It's
OK, JP, wala akong pasok ngayon, sasamahan kita hanggang makabalik si Migs.”
prisinta ni Donna, di ko mapigilan ang paninikip ng dibdib ko pero nagpakawala
parina ko ng isang matipid na ngiti, agad akong pumunta sa kabinet at inayos
ang aking mga gamit, narinig kong nagku-kwento si Donna, di ko mapigilan ang
sarili ko na mapasulyap kay JP, di naman ito nakakaligtas kay JP dahil
tinatapunan din ako nito ng tingin.
“Hey,
uwi muna ako ah. Donna, kayo na munang bahala.” sabi ko sabay ngiti ulit.
Walang
gana akong naglakad papuntang elevator at nakapikit na sumakay. Walang gana
akong sumakay sa aking kotse at yumuko at iniunan ko ang aking ulo sa manibela.
Pilit na isinasaisang tabi ang aking nararamdaman.
Itutuloy...
[03]
Nagising
ako ng makarinig ng malakas na kalabog, agad akong tumayo at dinampot ang
pinakamalapit na damit na naaabot ko at sinuot ito, isa itong puting long
sleeves, lukot ito, sa totoo lang nagtaka pa ako dahil di naman ako nagsusuot
ng mga ganung klase ng damit, huling suot ko ng ganun ay nang interview-hin ako
sa isang ospital noong 2009. Inaantok pa ako pero dahil sa takot na baka
ninanakawan na ang bahay namin ay pinilit kong gisingin ang sarili ko. Kinuwa
ko ang baseball batt sa likod ng pinto ko at mahigpit na hinawakan yun at
hinanda ang sarili ko sa pagpalo sa mga magnanakaw na iniisip kong gumawa ng
kalabog na iyon.
Nangunot
ang noo ko ng madako ako sa kusina, isang pamilyar na lalaki ang pasipol sipol
na gumagawa ng kalat sa kusina namin, kundi ako nagkakamali ay ready mix na
pancake powder ang nagkalat sa counter at sahig, lalo akong nagtaka at
binalikan ang mga nangyari.
“Umalis
ako ng ospital na masama ang loob kay JP dahil nakita ko siyang
nakikipaghalikan sa ex nitong si Donna, tapos nagpaikot ikot ako sa buong
Maynila hanggang sa makaramdam ng gutom at kumain pagkatapos ay para akong
tanga na tumambay sa isang coffee shop, lumagok ng tatlong venti size na kape
at nang mag-gabi ay... SHIT!” sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang lalaking
pasipol sipol sa aming kusina, napailing ako at nakaramdam ng panlalambot ng
mga tuhod, agad akong sumandal sa pader at padausdos na napaupo sa sahig.
0000ooo0000
Walang
gana akong naglakad papuntang elevator at nakapikit na sumakay. Walang gana akong
sumakay sa aking kotse at yumuko at iniunan ko ang aking ulo sa manibela. Pilit
na isinasaisang tabi ang aking nararamdaman. Lumipas pa ang ilang minuto at
patuloy parin ako sa pakikipatitigan sa manibela ng aking sasakyan.
“Tangina
naman kasi! Wala akong karapatan eh! WALA! Nilinaw ko yun, sabi ko sa sarili ko
hindi ako mai-in love sayo dahil ayokong maulit yung kay Edward! Straight ka,
kahit na bigyan ko tayo ng pagkakataon alam kong iiwan mo din ako at hahanap ka
ng babae na para sayo! Pero tanga ko lang! Alam ko na kahit bago ko pa sinabi
na hindi ako mai-in love sayo alam kong huli na! Mahal na kita!” parang tanga
kong pakikipagusap sa manibela, iniisip na si JP ang aking sinasabihan nun,
umaasa na kahit papano ay gagaang ang pakiramdam ko.
Pero
nagkamali ako.
Patuloy
ako sa pagtawag sa sarili ko ng 'tanga' at iba pang mga pangalan na tiyak kong
ika-rerebulusyon ng mga tao sa Commission on Human Rights kapag narinig nilang
sinasabi ko iyon. Paikot ikot ako sa buong Makati, panigurado ko na may pitong
beses na akong makikita na padaan daan sa mga CCTV ng mga matataas na building
sa kahabaan ng Ayala Ave.
“Tangina
kasi!” sabi ko ulit sa sarili ko.
Sa
puntong ito, iniisip ko na kung sakali kaya na binigyan ko ng pagkakataon ang
pagiibigan namin ni JP nuon pa, siguro naging masaya ako, alam kong dadating
ulit si Donna pero at least naramdaman ko yung 'kaming dalawa' ni JP, yung
naging 'kami', yung meron kaming mga panahon na masasabi naming amin lang
dalawa.
“Pero
hindi! Tanga ko lang talaga!”
Di
ko alam kung pano pa ako nakaramdam ng gutom sa kabila ng sakit na nararamdaman
ko, ang tangahalian na atang iyon ang pinakamasarap at pinaka marami kong
inorder sa tanang buhay kong kumakain sa isang fast food chain. Halos lahat ng
pwedeng order-in binili ko. Nang maubos ko lahat ng aking inoder at mag a-alas
dos na ng hapon. Di ko alam kung pano ko nadala ang sarili ko na umupo, mag
relax at tumungga ng kape.
Masama
talaga ang loob ko.
Ilang
customer na ang pumasok at lumabas sa pinto ng coffee shop na iyon, dalawang
shift na ng mga barista ang lumipas pero andun parin ako sa kinauupuan ko,
iniisip ang mga katangahang ginawa ko.
Lumipas
pa ang ilang oras at nakita ko nanaman ang sarili ko sa harapan ng manibela ng
aking kotse, ngayon, pinapaiyak ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagalala sa
mga magaganda naming pinagsamahan ni JP.
“Tanga
ko lang kasi talaga.”
Pumasok
ako sa isang club, partida na, di pa ako naliligo pero nakuwa ko paring pumasok
sa isang club sa kahabaan ng Sunset blvd. sa may MOA. Wala masyadong tao dahil
may mga pasok pa kinabukasan pero sa kabila non ay malakas parin ang sounds at
malilikot parin ang takbo ng mga ilaw at may pailan ilan paring nagiinom.
“Miguel
Salvador.” tawag ng isang lalaki sa aking tagiliran. Nun ko lang ulit nakita
ang mokong na iyon, di ko na ulit pa siya nakita pagkatapos ng kasal ni Edward
dahil nagcollege na siya kasama ng aking kapatid na si Matt. Pagkakaalam ko sa
bandang Marikina na siya naninirahan sa isa pa nilang kapatid ni Edward.
“Alberto
Sandoval.” balik ko dito, ngumiti ito at hinila ako na halos ikabuwal ko sa
aking kinauupuan pero malakas talaga ang mokong na ito at hinila ako palapit sa
kaniya, niyakap ako nito ng mahigpit. Hindi ako kinamusta o kinamusta manlang
ang mga tao sa amin ang una nitong sinabi pagkatapos sabihin ang aking pangalan
ay ang mga katagang:
“Namiss
kita.”
Nanlalambot
ako habang tinititigan si Al, lalo itong lumaki, medyo tumaba pero bumagay ito
sa kaniya, maganda na itong magdala ng damit, lalong kuminis ang balat, pumuti
in short, gumwapo lalo ang mokong.
“Huwag
mo akong tignan ng ganiyan, hahalikan kita.” sabi nito sabay hagikgik
pagkatapos nun ay nakinig na ako sa mga kuwentong barbero niya na ikinalimot ko
naman sa aking pinuprublema.
Naaalala
ko ang pagkuwento niya tungkol sa dalawa niyang girlfriend na sabay niya raw
'inaararo' yep, that's the term na ikinahagalpak ko ng tawa, miya miya pa ay
biglang sumeryoso ang mukha ni Al, hinila ako nito palabas ng club, sumakay
kami sa kotse ko at nagmaneho siya sa isa sa pinakamalapit na tapsihan. Doon
namin pinagpatuloy ang aming kuwentuhan.
“Ikaw,
kamusta?” tanong nito sakin, nagalangan ako saglit, muling bumalik sakin lahat
ng sakit halos ma-overwhelm ako pero tuloy parin ako sa pagkwento kay Al ng
tungkol sa amin ni JP, nakita ko itong umiling ng tatlong beses habang ako ay
todo pigil sa nagbabadyang pagtulo ng aking mga luha.
Nang
matapos kaming kumain ay inalok ako nitong magyosi, muli kong naalala si JP,
bago ko pa man tanggihan ang 'death stick' na inaalok sakin ni Al ay hinila na
ako nito papunta sa isang nakaparadang dyip malapit sa likuran ng tapsihan.
“Gawd!
You look hot in my shirt. From now on, every time we sleep together, gusto ko
paggising mo damit ko ang suot mo.” humahagikgik na sabi sakin ni Al nang
makita ako nitong nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader malapit sa kusina
habang inaalala ang nangyari kinagabihan.
“Ah...
eh... Al---?”
“By
the way, last night was amazing.” medyo mahinang sabi ni Al, nakita ko itong
nag-blush sabay ahin ng mga lutong pancakes sa dining table, tinignan ko ang
mga hinanda nito.
“Dapat
sana, breakfast in bed, considering how worn out you were last night after
I---” di na naituloy pa ni Al ang kaniyang sasabihin at namula ulit ito.
“K-kain
na tayo.” sabi na lang nito.
Di
parin ako makapagsalita, di parin ako makapaniwala sa nangyari kagabi.
“M-migs?
OK ka lang ba?” nagaalalang tanong ni Al. Tumango ako, inabot ni Al ang aking
kamay at pinisil iyon, ako naman ngayon ang namula sa hiya dahil agad kong
binawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. Ipinako ko sa pancakes na
sunog ang aking tingin. Narinig kong nagbuntong hininga si Al.
“I'm
sorry, alam kong di ko dapat ginawa iyon, lalo na ngayon na nasasaktan ka parin
sa ginawa sayo ni JP pero di ko napigilan ang sarili ko eh. Alam mo namang
matagal na kitang gusto diba?”
“Great!
Why do I always end up with bisexual guys? Mga taong paaasahin ako but in the
end babae din ang pipiliin. Nakakatatlo na ako, lima na lang pwede na akong
makipagsabayan kay Elizabeth Taylor ang kaibahan lang kasal sila at babae
siya.” sabi ko sa sarili ko.
“I'm
sorry, Al--”
“I
know, but I'm willing to wait. I'm going to be here when you're ready, when
that asshole is out of your system.” sabi ni Al, umiling ako.
“Di
ganong kadali, Al. Alam ko in the end ako lang din ang masasaktan kapag
itinuloy mo 'to. Dapat natuto na ako noon sa kuya mo pero pinabayaan ko parin
na ganituhin ako ni JP. The last thing I need now is another guy who will leave
me for a girl in the end.” nakita ko kung pano bumakas sa mukha ni Al ang
pagkadismaya.
“I
will still wait.” sabi ni Al, napa buntong hininga na lang ako.
Narinig
ko ang pagring ng telepono ko, agad akong umakyat ng hagdan at kinuwa ito, si
JP tumatwag, actually may sampung missed call na na naka-log sa telepono ko.
Sasagutin ko na sana iyon gn makaramdam ako ng presensya sa likod ko, muli
akong binalot ni Al sa kaniyang makakapal na bisig at hinalikan niya ulit ang
batok ko.
“Al---”
“Shhh.”
Nakalimutan
ko ng sagutin ang telepono.
0000ooo0000
“Shit!
Shit! Shit!” sigaw ko sa loob ng kotse ko, tumutulo pa ang aking buhok dahil sa
mabilisang pagligo. Kasalukuyan akong nakaipit sa trapik sa dulo ng coastal
road. Paliko na ako ng tambo, iniisip ko na tahakin ang skyway dahil alam kong
matatrapik ako sa Buendia. Nanggigigil kong pinatunog ang aking busina. Inis na
inis parin ako sa matagal na pagusod ng trapik ng may tumapat na kotse sa aking
sasakyan, binaba nito ang bintana sa kaniyang passenger side, sumesenyas ito na
ibaba ko rin ang aking bintana.
“Asshole.”
sabi ko bago pa maibaba ang bintana.
“Nakakabingi
yang busina mo tol! Tangina! Kahit naman magbubusina ka diyan di ka parin
makakalusot sa trapik eh! Lumipad ka kung gusto mo!”
Daig
ko pa ang nag super sayan sa sinabi ng tarantadong motorista.
“Mind
your own business, asshole!” sabi ko dito sabay pakawala ng dirty finger sa
direksyon nito, nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito, sinara na niya ang
bintana niya. Naeskandalo ang gago.
Nang
makarating ako sa kwarto ni JP ay sinalubong ako ng mahabang nguso nito, galit
na galit ang mga mata at halos mapunit na ang nostrils sa tuwing hihinga ito,
kung nakakamatay lang ang titig nito ay baka di na ako abutin ng mga
rerespondeng doktor sa floor na iyon.
“Sabi
mo kahapon BABALIK ka!” sigaw nito pagkasara ko ng pinto, ayos na ang mga gamit
nito at nakabihis narin siya pauwi, ako na lang talaga ang iniintay nito.
“Di
pwedeng magpalipas ng gabi dito si Donna kasi may pasok siya ngayon, nakakahiya
doon sa tao! Magdamag akong walang kasama, walang tumutulong sakin mag CR!
Walang nakakausap yung mga nurse tungkol sa input at output ko pati narin sa
intsruction ng home meds kanina! Ano bang nangyari sayo?!” sigaw parin nito.
“I'm
sorry.” di na ako nagabala pang magpalusot at magsinungaling, sigurado akong
kapag nalaman niya ang mga pinaggagagawa ko ay magagalit ito sakin kaya't
iniwasan ko na ang magsinungaling at dagdagan pa ang kasalanan ko sa kaniya.
“God,
Migs! You're so selfish! Yun lang yun? Sorry lang?! Di mo manlang ako naisip?!
Di manlang sumagi sa isip mo na kailangan ko ng makakasama ngayon?!” sigaw ulit
nito, alam kong galit lang ito kaya niya nasasabi ang mga iyon pero di ko
mapigilan ang sarili ko na patulan ito.
“Selfish?!
You're calling me selfish?! Di ako palasumbat na tao, JP pero ngayon gusto kong
ipaalala sayo lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw. I will not fight
with you anymore, my day is ruined as it is and I have no plans to have tis day
as the worst day of my life, I know you're just mad and grumpy because of that
fucking tube---!” sabay turo ko sa tubong nagsisilbing drainage ng mga bile
nito sa katawan. “---but really? Selfish? That's way too low, JP, we both know
I can be hard and stubborn sometimes, but selfish? I don't think so.” sabi ko
sabay patak ng mga luha ko. nakita kong nagpalit ang mga emosyon sa mukha ni
JP, alam kong nagsisisi na ito sa mga sinabi niya. Nagtititigan lang kami
habang patuloy sa pagtulo ang mga luha niya, gusto ko pa siyang sumbatan
tungkol sa nakita kong paghahalikan nila kahapon ni Donna, gusto kong sabihin
sa kaniyang nasasaktan ako ngayon, gusto kong sabihin sa kaniya lahat ng
hinanakit ko pero alam kong di ko magagawa iyon.
“Wala
akong karapatan.” pagpapaalala ko sa sarili ko kaya't minabuti kong tumahimik
na lang, nabasag lang ang tahimik nang biglang bumukas ang pinto, ang orderly
sinusundo na si JP para makababa sa na pauwi.
Habang
abala ang orderly sa pagaayos ng wheelchair at ang pagtawag sa isa pang
kasamahan para naman sa trolly ay marahan kong pinahiran ang aking mga luha na
patuloy parin sa pagbagsak, sakin parin nakapako ang tingin ni JP, alam kong
gusto nitong humingi ng tawad at makipagusap, pero alam kong di niya ito
magagawa ngayon.
Hindi
madali kay JP ang paghingi ng tawad. Di siya sanay sa paghingi ng tawad.
Tahimik
kami habang nasa loob ng sasakyan, iniintay ang pagusad ng sasakyan sa aking
harapan na nagbabayad ng fee sa parking lot. Patuloy sa pagbabalat ng jellyace
si JP at paminsan minsan paring sumusulyap sakin. Ramdam parin ang tensyon sa
pagitan namin at wala parin ni isa samin ang gustong tanggalin ang tensyon na
iyon. Walang naglalakas loob.
“Migs.”
tawag ni JP sakin habang nasa kahabaan kami ng Salcedo st.
“Hmmm?”
“Di
ko mabuksan.” sabi nito sabay abot ng isang jellyace, alam naman nating lahat
na mahirap buksan ang lintik na jellyace na iyon diba? Lalo na kapag pasmado
ka, sa tuwing di makakapagbukas si JP ng isa ay ibabalik niya ito sa plastic
pagkatapos ay kukuwa ng bago, siguro ay naubusan na siya ng mga jellyace na
madaling buksan kaya't wala na itong nagawa pa at humingi na sakin ng tulong.
Inabot
ko ang inaabot nitong jellyace. Sa simpleng mga akson naming iyon ay tuluyan
nang naglaho ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nang di ko rin mabuksan ang
jellyace sa pamamagitan ng kamay ko ay ginamit ko ang aking mga ngipin.
“Eww!”
sabi ni JP, inirapan ko ito nagtaas naman ito ng kamay na kala mo sumusuko at
kinuwa ang kabubukas lang na jellyace. Nang makain na niya ang huli kong
binuksan ay nagabot pa siya ng isa sakin habang papasok na kami ng skyway.
At
sa ganung paraan ay nagkabati na kami ni JP.
“Migs?”
“Hmmm?”
mahinahon ko ng balik dito sabay balik ng matipid na ngiti.
“I
love You.” natigilan ako sa sinabi nito at muntik na ulit mapaluha.
“I
know.” yun na lang ang sinabi ko dahil ayaw kong sabihin ulit ang tunay kong
nararamdaman. Ayaw ko na ng sakit.
Maybe
it was JUST a kiss... Maybe...
Itutuloy...
[04]
Nakatunganga
nanaman ako sa harapan ng aking laptop, wala nanaman akong magawa, nalinis ko
na ang buong bahay, wala si Rick para makalaro at maalagaan, mamya pa dadating
si JP galing med school at wala pa ang apat sa pinakamalapit kong kaibigan dito
sa Cavite kaya't naisipan kong magisip at gumawa ng isang short story. Pero
wala akong maisip na magandang plot, napakamot ako sa aking baba at nagisip ng
magandang plano.
Naalala
ko ang ilang short story na di ko na-publish at naka tengga lang sa drafts ng
aking blogger. Isang shorty ang mga naka tengga doon na naisipan kong basahin
ulit at palitan ang ilang scene sa kwento, abala ako sa pagiisip ng bagong mga
lines nang marining kong tumunog ang message alert tone ng aking YM messenger.
“Sir
Josh!” sabi ko sa sarili ko dahil sa wakas may makakausap narin ako.
Di
ko napansin na napapangiti na pala ako sa sarili ko habang ka-chat si Sir Josh
at nagtitipa ng bagong kwento sa aking laptop. Sandali kong nakalimutan ang
tahimik na paligid, nakakaboryong bahay at walang kabuhay buhay na bahay.
Natapos
ko na ang ko na ang short story na inedit ko at pinu-proof read na ito nang
marinig kong magbukas ang gate ng aming bahay, di ko napansin na hindi na ako
mapakali sa aking kinauupuan, alam kong si JP na ang pumasok na iyon sa aming
gate, alam kong gustong gusto ko narin siyang makita, ilang linggo na ng ma
discharge si JP sa ospital at naging maganda naman ang resulta ng
pagkakatanggal ng apdo niya.
Kengkoy
at makulit parin ang loko pero pagkatapos nang maliit naming drama episode nung
mga huling araw niya sa ospitalay alam kong habang buhay na niyang matatandaan
ang di ko sinasadyang pagkakasabi ko sa aking totoong nararamdaman. Nangako
kami na kung ano man itong meron kami ay susubukan namin dahan dahanin ang
lahat at tignan kung san kami dadalhin ng aming mga nararamdaman, basta alam
naming Mahal namin ang isa't isa.
“I
really had it bad.” bulong ko sa sarili ko nang marealize ko na excited akong
makita si loko.
Halos
patakbo akong lumabas ng aking kwarto at bumaba ng hagdan, sa pagkakakilala ko
kay JP ay malamang nahihiya nanaman itong basta basta nalang pumasok ng bahay
namin. Nangingiti ngiti ako habang ini-imagine si JP na kinakabahan bago
kumatok.
Nagulat
si loko ng bigla kong buksan ang pinto, kakatok na sana ito.
“Miss
me?” tanong nito.
“You
wish!” sabi ko dito sabay tabi para patuluyin ito, pilit ko parin itinatago ang
paghingal dahil sa ginawang pagmamadali kanina.
“Alam
ko kasing nahihiya ka nanamang kumatok kaya pinagbuksan na kita ng pinto.”
pangaalaska ko dito, nakita kong nagkamot nanaman ng ulo si kumag habang
humahagikgik.
“Gawd!
You're such a dork.” sabi ko dito sabay ismid.
“Maybe,
but I know you love me.” sabi ni JP sabay ngiting nakakaloko.
“Yeah,
keep convincing yourself.” balik ko dito, pansamantalanag nawala ang ngiti sa
mukha ni JP pero agad ding bumalik ang ngiting iyon ng maisip nito na nagbibiro
lang ako. Binitiwan nito ang bag niya at niliitan ang espasyo sa pagitan namin
at niyakap ako nito ng mahigit.
“Namiss
kita.” bulong nito habang lalong pahigpit ng pahigpit ang mga braso nito sa
aking katawan.
“I
know. I missed you too.” sabi ko dito at ibinalik ang kaniyang mga yakap.
“I'm
starving! Anong kinain mo?” tanong nito habang inihihiwalay ang sarili sakin.
Ngumiti ako.
“Baked
Dor---” umpisa ko. nakita kong umikot ang mga mata ni JP.
“Of
course.” sabi nito sabay iling.
“What?!”
humahagikgik kong tanong dito.
“Bakit
pa ba ako nagtanong? Wala ka naman ibang alam lutuin kundi iyon eh.”
“I
know, but still, you love me.” bulong ko, agad na napako ang mga mata nito
sakin sabay tango.
“Yes,
Migs, I love you.” bulong ulit nito.
“I
love you too.”
0000ooo0000
Habang
inaahinan ko si JP ng kaniyang kakainin ay nagpaalam ako dito saglit dahil
naiwanan ko ang aming kwentuhan ni Sir Josh, pumayag naman si JP at nagpaalam
din na maliligo muna siya bago ako samahan sa aking kwarto.
Nakagawian
na namin ang ganitong set up ni JP, kesa kasi umuwi ito sa kanila mula sa
kaniyang school ay samin na ito tumutuloy, mas malapit na mas makakapag
concentrate pa siya kung sakaling kailangan niyang magaral o kaya naman ay
magpahinga lang, di niya kasi ito nagagawa sa kanila dahil sa mga kapatid at pamangkin
niya. Minsan kasama namin sa bahay sila Fhey, Edward, Pat at Dave at paminsan
minsan ay aking kuya Marc. Minsan din magkakasama kaming nakikipaglaro kay Rick
at minsan din naman ay nagkukulitan lang.
Lumipas
ang ilang oras ay pumasok na si JP sa aking kwarto, basa pa ang buhok nito at
tanging boxers na lang ang suot. Di ko ito una napansin dahil abala parin ako
sa pakikipag chat kay Sir Josh. Nang mapansin ko ito ay palinga linga ito sa
aking kwarto habang tinutuyo ang kaniyang buhok, miya mo ito ngayon lang
nakapasok sa aking kwarto. Pinilit kong wag ulit itong pansinin dahil
nagkakasayahan kami sa paguusap ni Sir Josh.
Mayamaya
pa ay naglakad lakad na si JP sa loob ng aking kwarto at palinga linga parin,
paminsan minsan din itong sumisilip sa paguusap namin ni Sir Josh, naniningkit
ang mga mata sa tuwing nangingiti ako sa mga joke ni Sir Josh.
“Bakit
ka tumatawa? Sino yang Ka-chat mo?” tanong ni JP, sandali ko itong tinignan.
“Si
Sir Josh, isa sa mga cyber boyfriends ko.” biro ko kay JP, umiling lang ito at
sumimangot sabay upo sa aking kama.
Ipinagpatuloy
ko lang ang aking pakikipagchat kay Sir Josh. Nakita kong tumayo ulit si JP at
lumabas ng aking kwarto, napatawa ako sa aking ginawang panloloko kay JP, alam
kong pikon ang isang iyon kaya naman napakasarap nitong asarin. Sinabi ko kay
sir Josh ang aking mga pinaggagagawa at base sa message ni Sir Josh ay aliw na
aliw din ito sa pangaasar ko kay JP.
Ilang
palitan pa ng mga biro at kwentuhang brownout ay hindi parin bumabalik si JP sa
aking kwarto, nagtaka ako saglit pero ikinibit balikt ko na lang iyon. Muli
kong ipinagpatuloy ang pakikipagchat kay Sir Josh ng biglang---
“Shit!”
sigaw ko.
Madilim
ang paligid, nawalan ng kuyente, ilang sandali pa ay magsta-stand-by mode na
ang aking laptop at tuluyan ng didilim ang buong paligid. Nawalan na nga ng
ilaw ang laptop, muli ko ng naramdaman ang isang pamilyar na sensasyon, nanikip
muli ang aking dibdib at binalot ng pangingilabot ang aking buong katawan.
Sa
aking pakiramdam ay muli akong kinulong sa isang maliit na kwrto na walang
bintana at pinto, mababa ang ceiling at walang source ng ilaw. Muli akong
sinusumpong ng claustrophobia. Pero agad nawala yun ng maramdaman ko ang
pamilyar na pagyakap sakin ni JP at isang ilaw na nanggagaling sa isang maliit
na kandila.
“Alam
kong di ka nakakatagal sa dilim.” bulong nito sakin habang nakayakap parin.
Tumango na lang ako.
“Want
to tell me what happened? I mean, bakit ka takot sa mga enclosed space? Alam
kong hindi basta basta nangyayari iyan.” sabi ni JP habang mahigpit parin akong
yakap nito. Umiling lang ako.
“I'm
not ready to talk about it yet.” bulong ko dito.
“OK.
Gusto mong bumaba?” tanong sakin ni JP. Umiling ako, ngumiti naman si JP at
lalo akong niyakap ng mahigpit.
0000ooo0000
“OK
ka na?” tanong ulit sakin ni JP. Puno na ng kandila ang aking kwarto, nun ko
lang napansin na ang romantic pala kapag mga kandila lang ang umiilaw sa buong
kwarto.
“Kulang
na lang petals tapos kiss.” sabi ko sa sarili ko at wala sa sariling napangisi.
“Anong
nginingisi ngisi mo diyan?” tanong ni JP, umiling lang ako.
Umupo
ako sa kama at sumandal sa headboard, ganun din ang ginawa ni JP.
“Naaalala
mo nung muntik na nating masunog yung buong dorm ko nung college?” natatawang
tanong ni JP, natawa din ako nung maalala ko yun.
“Oo,
naaalala ko na gusto mo akong gahasain nun eh.” sabat ko, nakita kong namula si
JP at napakamot nanaman sa ulo.
“Tapos
akala ko naalibadbaran ka kasi gustong gusto kitang halikan.” sabi ni JP tapos
napahagikgik.
“Medyo
naasiwa ako, akala ko kasi noon pinagtritripan mo lang ako.” sabi ko dito,
muling tumingin sakin ng seryoso si JP.
“Tingin
mo, kundi dumating si Alex, tingin mo---”
“--na
magiging boyfriend kita?” pagtatapos ko sa hindi matapos tapos na tanong ni JP.
“Oo,
sa tingin mo naging masaya kaya tayo?”
“Kahit
ngayong mag best friend lang naman tayo, masaya ako eh.” sabi ko dito, bumakas
sa mukha ni JP ang isang malaking ngiti.
“Ako
din, masaya ako.” sagot nito sabay iniakbay sakin ang kaniyang kamay, sumandal
ako sa balikat nito.
“JP?”
“Hmmmm?”
“Mag
best friend lang din ba tayo ngayon?” halos pabulong ko ng tanong dito sa
sobrang hiya, naramdaman kong nagtense ang bawat muscle sa katawan ni JP.
Yumuko ako, itinaas naman ni JP ang aking mukha sa pamamagitan ng kaniyang
kamay.
“Mag
bestfriend AT mag boyfriend.” sabi ni JP, napangiti ako, gayun din siya.
Isiniksik ko ang aking katawan sa kaniyang tagiliran, lalong humigpit ang
pagkakaakbay niya sa akin.
Tahimik.
“JP?”
“Hmmm?”
“Asan
na yung nasunog na sofa?” tanong ko na ikinahagikgik naman ni JP.
“Asa
kwarto ko, hindi ko ipanapa tanggal yung sunog dahil may sentimental value
yun.” natatawang sagot ni JP, di ko na din napigilan ang mapatawa.
“Migs?”
“Hmmm?”
“Sino
yung ka-chat mo kanina?” tanong ni JP, rinig ko ang pagkaseryoso sa tono ng
boses nito. Napahagikgik ako.
“Cyber
boyfriend ko nga.” sagot ko dito, naramdaman kong lumuwag ang pagkakaakbay nito
sakin, lalong lumaki ang pagkakangiti ko, sinundot ko ang tagiliran nito na
ikinahiyaw naman ni JP.
“Nagseselos
ka?” tanong ko dito.
“Sinong
hindi magseselos?! Ako itong boyfriend mo kung kanino kanino ka pa
nakikipaglampunchingan diyan sa internet!” halos pasigaw na nitong sagot na may
halong pagkainis.
“Good!
Gusto ko ng selosong boyfriend.” natatawa kong sabi dito, napatawa narin si JP
at muli nitong hinigpitan ang akbay sakin. Sabay kaming napatingin sa may
bintana nang makarinig kami ng kaluskos, si Edward miya mo unggoy na tumutulay
nanaman sa may puno ng santol sa pagitan ng aming mga bahay.
“S-sorry.”
nangingiting banggit ni Edward nang makita ang aming puwesto sa kama ni JP at
sa set up ng buong kwarto.
“Tinignan
ko lang kung OK lahat dito, ang dilim kasi ng buong bahay.” sabi ni Edward.
Naramdaman kong nagtense muli ang mga muscles ni JP.
“Malamang,
brownout---” di ko na naituloy ang aking sasabihin nang makita ko ang
maliliwanag na ilaw mula sa bahay nila Edward, tumayo ako at tumingin sa isa
pang bintana na nakaharap naman sa kalsada sa harapan ng aming bahay, bukas
lahat ng ilaw sa kalsada pati narin ng mga bahay na malapit samin.
“Tangina!
Niloko ako ni JP! Bakit di ko napansin?!” inis kong sabi sa sarili ko.
“Ah...
ok...” bulong ni Edward, nang humarap ako dito ay nakita ko si JP na may
ibinubulong kay Edward at nag high five pa ang dalawa pagkatapos ang bulungan.
“JP!
Ginalaw mo yung circuit breaker ano?!” sigaw ko dito at mabilis na lumapit
sabay suntok sa braso nito.
“Ayaw
mo kasing tigilan ang kaka-chat eh! Di mo kaya ako pinapansin edi pinatay ko
yung sa circuit breaker! Hehe!” sigaw ni JP, humagikgik naman si Edward sa
likuran ni JP.
“Sige
uuwi na ako.” paalam ni Edward pero pinigilan ko ito.
“Hindi!
Sasamahan mo ako sa baba, ikaw ang mago-ON nung circuit breaker.” sabi ko kay
Edward nagsimula na itong humindi.
“Alam
mong takot ako sa dilim. Kailangan ko ng kasama.”
“Ako
na lang sasama sayo, Migs.” alok ni JP.
“Heh!
Muntik na akong atakihin sa puso nung biglang dumilim! Hmpft! Masanay ka ng
matulog sa sofa! Kasi simula ngayon dun ka na matutulog sa tuwing magste-stay
ka dito! Hmpft!” sigaw ko, hinila ko si Edward pababa kasma ang isang kandila,
iniwan naming naka nganga si JP sa aking kwarto.
0000ooo0000
Maliwanag
na ang buong kwarto, nakangiti na ako habang inaayos ang aking kama para
matulog nang biglang sumulpot sa may pinto si JP.
“Migs,
sorry na. Ikaw kasi di mo ako pinapansin eh. Please, bati na tayo? Ayokong
matulog sa sofa, di ako kasya dun eh.” sabi nito habang nakayuko at nilalaro
ang karpet ng kaniyang kaliwang paa. Para itong bata na humihingi ng dispensa
sa kaniyang magulang.
“Cute.”
sabi ko sa sarili ko at wala sa sariling napangiti.
“Sige,
pero sa isang kundisyon...”
“ano?”
nakangiting tanong ni JP.
“Maligo
ka ulit. Amoy imburnal ka nanaman!” sigaw ko dito, muling kumamot sa ulo si JP,
alam naman niyang nanloloko lang ako pero itinuloy niya parin ang pag-ligo.
Nakangiti parin ako habang nagaayos ng sarili para sa pagtulog nang bigla kong
narinig na nag-ring ang telepono ni JP.
“Donna
Calling.” nakalagay sa screen ng telepono, nanlamig ang buo kong katawan,
nabura ang ngiti sa aking mukha, isang luha ang kumawala sa aking mata. Wala sa
sarili akong umakyat sa aking kama at nagtulogtulugan. Narinig ko ang pagpasok
ni JP sa aking kwarto, nilapitan nito ang kaniyang cellphone, naramdaman ko
itong lumapit sakin at nagbuntong hininga, naramdaman ko itong lumayo marahil
palabas ng aking kwarto.
“Hello
Donna?” narinig kong sabi ni JP habang palabas ng aking kwarto.
Itutuloy....
[05]
Kinabukasan
nagising akong namamaga pa ang aking mga mata. Alam kong ilang luha pa ang
sumayad sa aking mga unan nung gabing iyon, alam kong walang basehan para
masaktan. “So what if Donna Called? They're friends, friends call each other.”,
pero bakit parang alam na ng puso ko kung anong susunod na mangyayari. Parang
nung Ayaw kong makipagrelasyon kay Alex di dahil estudyante niya ako, di dahil
maraming consequences pero dahil alam kong masasaktan ako. Parang nung ayaw
kong umuwi dahil ayaw kong makaharap ang nakaraan ko sa Cavite dahil katulad
nung kay Alex, alam kong masasaktan din ako, katulad din nung nagbulagbulagan
ako sa malamig na pakikitungo noon ni Marco dahil natatakot akong masaktan.
“Pero
iba ngayon. Si JP ito, hindi si Edward, hindi si Alex at lalong hindi si Marco.
Si JP ito---”
“Good
morning!” bati ni JP, di ko alam na gising na pala ito at masuyo akong
pinapanood habang nasa malalim akong pagiisip. Marahil napansin ni JP na may
gumugulo sakin.
“Hey,
what's wrong?” pabulong na tanong nito.
Alam
kong tamang panahon na para sabihin sa kaniya ang nakita ko nung lalabas na
siya ng ospital, na nakita ko silang magkahalikan ni Donna, na alam kong
tumawag si Donna sa kaniya kagabi. Alam kong tamang panahon na para linawin ang
lahat.
“JP---”
simula ko pero agad na nag ring ang telepono ko.
“Marcus
Salvador Calling”
Napabuntong
hininga ako, di ko alam kung ano nanaman ang gusto at kailangan ng aking kuya,
isa lang naman ang ibig sabihin kapag tumatawag ito. Kailangan nito ng tulong
ko. at sa tuwing kakailanganin ako nito ay sandamakmak na bulyawan ang
nangyayari. Hindi kami masyadong magkasundo ni kuya, alam ito ng lahat ng tao
na nasa 50 mile radius ng aming bahay dahil minsan bumubulahaw sa buong
probinsya ng Cavite ang pagaaway namin pero kahit ganun naman kami ay alam
naming mahal namin ang isa't isa.
“Migs,
sunduin mo ako.” simula ni kuya nang sagutin ko ang tawag nito, napabuntong
hininga ulit ako at napatingin kay JP, puno ng pagaalala ang mukha nito habang
ang akin naman ay humihingi ng tawad.
0000ooo0000
“What
happened?” tanong ko sa kuya ko sa labas ng isang kilalang motel. Agad na
bumakas sa mukha ng kuya ko ang pagkahiya, gulat at pangamba.
“My
car got towed.”
“Does
ate Carmi know where you are?” malamig ko paring tanong dito habang si JP ay di
mapakali sa aking tabi, batid kong gusto na nitong pumagitna saming dalawa ni
kuya dahil sa malalamig at nakamamatay naming mga tingin na ibinabato sa isa't
isa.
“No.”
pabulong na sagot ni kuya na halos di ko narinig.
“Good.
Keep it that way. Cheat on your girlfriend. Fuck behind her back. Make a good
example for your son.” naiinis ko ng sabi dito, nang hindi na ito kumibo ay
tumalikod na ako para sumakay sa aking kotse. Tinignan ko ang condo sa tapat ng
motel na iyon. Alam ko kung sino ang nakatira doon at hindi na kailangang
magsinungaling sakin ni kuya tungkol sa katarantaduhang ginawa niya.
“You're
not a good example for Rick either.” pabulong ulit na patama sakin ni kuya.
“Magkukunwari
akong hindi ko narinig yun para sa kahihiyan nating dalawa.” malamig kong balik
kay kuya.
“You
don't have to pretend. You want to fight me?! Gusto mong maglabasan ng baho in
the middle of this busy street, fine with me, bitch!” singhal sakin ni kuya.
“Don't
drag me to your low life ways. Pumasok ka ng kotse at magkakaalaman tayo.”
malamig kong balik dito.
“Enough!”
halos pasigaw ng sabi ni JP na ikinalingon ng ilang tao sa aming paligid.
0000ooo0000
Bumalot
ang katahimikan sa buong kotse ko, walang nagsasalita pero sa tuwing magtatama
ang tingin namin ni kuya sa salamin ay alam naming di parin namin nakakalimutan
ang awayan na nangyari kanina at lalong malayo pa kami sa pagkakatapos ng away
na iyon.
“Do
I have to call tita to make you guys apologize to each other?” malamig na sabat
ni JP. Narinig kong nagbuntong hininga si kuya, alam niyang seryoso si JP sa
pagtawag kay mommy at alam kong ayaw niyang malaman nila mommy ang pagbalik
niya sa pakikipaglaro ng apoy sa likod ng girlfriend niya.
“Migs,
I'm sorry.” mahinang sabi ni kuya Marc, pero alam kong sincere ito. Nagbuntong
hininga ako, pinakawalan ko na ang tensyon na bumabalot sa buong katawan ko.
“Why,
kuya? I thought---”
“We
were drunk last night.”
“Kuya,
you have a family now.”
“So
do you---”
“NO
kuya! I have Rick, I have no girlfriend who I have to be faithful with---”
halos pasigaw ko na ulit na singhal kay kuya, naramdaman ko ang paghawak ni JP
sa aking braso, pilit akong pinapakalma, nagbuntong hininga ako.
“I
know that condo, kuya, that's where Pao lives. Why---?” mahinahon kong tanong.
“I'm
bisexual, Migs. I thought you---” pasigaw na sagot ni kuya.
“I
know, kuya, and believe me I know how hard it is to be one. Hell! I'm bisexual,
what I want to know is why are you being unfair to ate? She's kissing her
bosses ass, then go to school, then take care of your Son and then do the
chores... all you have to do is go to the hospital, check some of your patients
AND be faithful to her---”
“I
know. I messed up BIGTIME! But this is a one night thing and we're drunk---”
“BULLSHIT!
Everyone in the medical field knows that is some major BULL--! Being drunk
doesn't magically alter you brain to make shitty decisions, you know that!”
nagbuntong hininga si kuya sa sinabi kong iyon.
“---and
I know that this is not a one night thing! Ilang beses ka ng nagpasundo sakin,
the last time was when your car got stuck in a motel's garage, making a lame
excuse that you were too drunk that night to drive so you stayed in, I know
you've been with someone that night and don't tell me its not Pao. I saw him
just across the street. Coincidence?! I don't think so. I know I have no right
to preach because I'm no saint either, but I'm worried, believe it or not, I
care, this little rendezvous will eventually bite you in the ass and believe me
kuya, fate do bite and it can give you a lifetime's worth of pain.” ramdam kong
sakin nakatingin si JP kinakabahan ito pati narin si kuya, narinig kong
nagbutong hininga ulit si kuya at pinisil ang aking balikat.
“Thank
you for caring, Miguel. I promise to get my priorities straight and I'm sorry
again.”
“Kay
JP ka mag apologize. Nagpalano siya ng lakad namin ngayon at mukhang di iyon
matutuloy dahil pupuntahan pa natin ang kotse mo at alam mong madaming
kailangang paper works dun. Swerte na natin kung maghapon lang tayo dun.”
“I'm
sorry, JP”.
“Don't
mention it, Marc.” sagot ni JP sabay ngiti sa kuya ko.
0000ooo0000
“So...
are you going to tell the truth? You know ate Carmi deserves it.” tanong ko kay
kuya habang nagiintay kami sa towing office at habang iniintay namin ang
in-charge sa opisina na iyon.
“Yes,
I will. Alam naman niya ang tungkol kay Pao.” sagot nito sabay buntong hininga.
Nakaramdam ako ng awa sa aking kuya, usually kasi saming dalawa si kuya yung
perpektong anak o indibidwal, siya yung matalino, mabait at matatag at ako yung
barumbado, eng eng at balat sibuyas pero ngayon wala akong makita ni isang katangian
na iyon kay kuya ang tangi kong nakikita ay sakit. Inakbayan ko ito at ginulo
ang buhok, narinig ko itong humagikgik.
“Alam
mong ako dapat ang gumagawa niyan sayo diba?” tanong nito.
“Tingin
ko mas kailangan mo ngayon nyan.” sabi ko habang patuloy na sinasakal ito
papalapit sakin at ginugulo ang buhok.
0000ooo0000
Ilang
oras pa ang lumipas at nakuwa narin namin ang kotse ni kuya, nagpaalam na ito
sakin at nagpasabi na sabihin ko ulit kay JP ang paghingi nito ng tawad. Bago
ito maglakad papunta sa kaniyang sasakyan ay lumapit si kuya sakin at niyakap
ako ng mahigpit.
“I
don't know what changed. But I know you're not the same Miguel who I always
fight with. I love you, bro. Thank you ulit.” bulong nito sakin, tinapik ko ang
likod nito at pinanood na itong maglakad pabalik ng kaniyang kotse.
0000ooo0000
Nang
makabalik ako ng aking sasakyan ay wala na doon si JP, kinabahan ako, baka kasi
nagalit na ito sakin, nainip at nagpasiya ng umuwi, alam kong may lakad kaming
dalawa at sinusulit niya iyon bago siya bumalik ng school pero napurnada nga ni
kuya ang plano na iyon.
Kinakabahan
akong luminga linga pilit na pinapaandaer ang aking mga mata para makita ang
isang semi kalbo na medyo may kalakihang mama na mahal na mahal ko, pero di ko
siya nakita. Nagpasya akong maglakad lakad saglit. Iniisip ko na nagsawa na ito
at nagpasyang balewalain na lang ako at bumalik na lang kay Donna.
Napaupo
ako sa bangketa paharap sa isang convenience store sabay napabuntong hininga.
Ipagpapatuloy ko pa sana ang pag se- self pity nang magbukas ang pinto ng
convenience store at lumabas si JP, masuyo itong nakangiti at binubulatlat ang
plastic upang ilabas ang kaniyang binili. Tila isang bata na nakatanggap ng
isang regalo ang ngiting bumakas sa mukha nito nang mailabas niya sa plastic
ang dalawang bag ng...
“Jellyace?!”
bulong ko sa sarili ko at napailing.
Naramdaman
siguro ni JP na may nakatingin sa kaniya kaya tumanghod ito at nagtama ang
aming mga tingin, lalong lumawak ang ngiti nito at parang batang kumaway sakin.
Napailing ulit ako pero di ko narin mapigilang mapangiti. Lumapit ito sakin
habang masayang itinaob ang kawawang kulay pulang jellyace sa kaniyang
nakangangang bibig.
“Yung
totoo, di ka pa ba napupurga sa mga yan?” tanong ko dito ng makalapit ito.
Umiling lang ito at kumamot nanaman sa ulo.
“Ito
na nga lang saka ikaw ang bisyo ko eh.”
Kinilig
naman ako sa sinabi niyang yun.
0000ooo0000
Minamasahe
ko ang sarili kong batok habang nagmamaneho pauwi, trapik nanaman as usual,
tuloy parin ang kumag sa pagkain sa kaiyang jellyace na ikinailing ko nanaman.
Nagbato sakin ng naniningkit na tingin si JP.
“Bakit
ka iling ng iling?”
“Bakit
ka kain ng kain ng jellyace?”
Di
ito nakasagot sa ibinalik kong tanong sa kaniya, ikinibit balikat nalang niya
iyon at ipinagpatuloy ang pagkain ng jellyace. Naramdaman ko na iniabot ni JP
ang kaniyang kaliwang kamay papunta sa aking batok at minasahe iyon miya miya
pa ay sinubuan na ako nito ng jellyace.
“OK
lang ako, wag mo na akong subuan saka imasahe.” sabi ko dito sabay hagikgik.
“Bakit
ba? Eh gusto kong gawin yun eh. Ngayon pa na alam kong mahal mo rin ako.” sabi
nito sabay hagikgik, minsan di ako makapaniwala kung gaano ka cheesy ng kumag
na ito pero di ko na lang iyon pinapansin. Pero may isang tanong na sumagi sa
utak ko.
“JP,
bakit mo ako mahal?” nahihiya kong tanong dito, naramdaman kong nagtense ang
pagkahawak ng kaniyang kaliwang kamay sa aking batok at nanlamig iyon, di ko
mabasa ang reaksyon niya, di ko alam kung anong emosyon ang nasa mukha niya.
Matagal
natahimik si JP. Di ko na inasahan pa na sasagot ito, di ko mawari kung bakit
pero sa simpleng hindi niya pagsagot na iyon ay ikinasira na ng buong araw ko.
Nakarating na kami sa bahay at nagpaalam ako dito na magpapahangin lang sa
labas ng aking bintana, marahan akong umupo sa pinakamalaking sangha ng puno ng
santol, miya miya pa ay naramdaman ko ang pagtabi sakin ni Edward. Di ako
binigo ng aking hinala, alam ko kapag nakita ako dun ni Edward ay tatabi ito
sakin at makikipagkwentuhan.
“Anong
problema mo?” tanong nito sakin sabay abot ng isang tasa ng kape.
“Pano
ka nakapanhik sa bintana mo at nakatulay sa sangha ng puno ng may dalang
dalawang tasa ng kape?” tanong ko dito na ikinahagikgik naman niya.
“Wag
mo ngang inililihis ang usapan.” matagal kaming natahimik, daretso lang ang
aming tingin at nakaharap sa kalsada kung saan nakaharap ang aming mga bahay.
“Di
masabi ni JP kung bakit niya ako mahal saka nahuli ko nanaman si kuya na kasama
si Pao.” wala sa sarili kong sabi dito, narinig ko ang pagbuntong hininga ni
Edward.
“Di
naman kasi madaling masagot ang tanong mo kay JP. Sigurado ako na hindi niya
alam ang sasabihin niya sa dami ng rason kung bakit ka niya mahal. Saka pag
mahal mo ang isang tao di na tinatanong kung bakit. Buti nga hindi ka niya
sinagot ng 'basta' eh.” agad naman akong nagsisi sa sagot na iyon ni Edward.
“I'm
being childish, aren't I?” pagkukumpirma ko kay Edward. Tumango ito at tumawa.
“I'm
sure, isa yan sa mga rason kung bakit ka mahal ni JP.” sagot ni Edward. Pabiro
kong sinuntok ang braso nito na muntik namang ikahulog ng tasa nito. Nang
makuwa ulit ni Edward ang pagbabalanse sa hawak niya ay sabay kaming napatawa.
Miyamiya lang ay sumeryoso na ang mukha ni Edward.
“and
as for Marc, alam mong hindi madali ang pagiging bi, Migs. Mahirap maipit sa
dalawang mundo mas pinahirap pa sa kaso ni Marc kasi ipit siya kay Pao saka kay
Carmi, di niya kayang gawin ang ginagawa ng iba na miya mo may switch na
pwedeng palitan ng ganun ganun na lang ang attraction sa isang gender, alam
mong di maiiwan si Carmi dahil sa anak nila di niya rin kayang iwan si Pao
dahil mahal niya rin ito.”
“Bakit
ikaw?” parang bata kong tanong dito, umiling naman si Edward.
“Di
mo lang alam, Migs kung pano ang pagpipigil ko sa tuwing magkalapit tayo ng
ganito, di mo alam kung pano parin ako magselos kay JP tuwing nakikita ko
kayo---” sabay kaming napabuntong hininga ni Edward. “---my point is, parang sa
pain scale lang iyan, iba iba ang tolerance sa pain ng bawat pasyente diba?,
ganun din sa pagpipigil. Di ko sinasabing mahina si Marc pero alam din nating
mahal na mahal niya si Pao bago pa dumating si Carmi.” paliwanag ni Edward.
Miya mo naman ako sinipa ng tadhana at naintindihan ang problema ng aking kuya.
Matagal ulit kaming natahimik ni Edward.
“Do
you hate being bisexual?” wala sa sarili kong biglang naitanong kay Edward.
Napabuntong hininga ito.
“Right
now. Yes, because I can't just set aside Mae and be with the guy I equally love,
but if the situation is different if I'm not with Mae, I won't hate it as much
because being bisexual means you can love people, regardless of their sex.”
natahimik ako sa sagot na iyon ni Edward, daretso lang ang tingin ko habang
ramdam ko naman ang pag titig ni Edward sakin, narinig kong nagbuntong hininga
ulit si Edward.
“Sige
na, pumasok ka na dun, baka hinahanap ka na ni JP.” sabi sakin ni Edward.
Inabot ko dito ang tasa at inabot ko ang balikat nito at marahan itong pinisil.
“Thank
you, Edward.” tumango ulit ito at pumasok na ako ng kwarto.
Naglinis
muna ako ng katawan saka naghanda ng makakain, nakita kong abala si JP sa
laptop niya, magkadikit ang kilay at walang patumanggang nagtata-type sa
keyboard nito. Di parin ako nito kinikibo simula nung nagtanong ako sa kaniya
kung bakit niya ako mahal. Di ko na ito inistorbo pa at nagpunta ng kusina.
Habang
nagluluto ako ng makakain, hindi ko mapigilang mapaisip sa lahat ng mga
nangyayari, alam kong di malayong bisexual si JP dahil alam kong attracted ito
sakin at bago ako ay may mga iba itong naging girlfriend at nandyan din si
Donna nung asa college pa kami, naisip ko din ang mga sinabi ni Edward, tungkol
sa mahirap na sitwasyon ng mga bisexual na kagaya namin, naisip ko bigla na
naging unfair ako kay JP, napakababaw ng ikinatampo ko.
“Gawd!
I'm such an asshole!” bulong ko sa sarili ko.
Tahimik
parin kami sa harapan ng pagkain, nagiiwasan na magtinginan ramdam ang tensyon
sa pagitan namin. Nagprisinta itong siya na daw ang magliligpit ng pinagkainan
namin at sinabing magpahinga na ako at susunod na siya sa pagtulog, umayon na
lang ako sa gusto nito at umakyat na, nagtoothbrush saka humiga sa kama, inabot
ko ang libro na aking tinatapos, napansin kong may papel na nakaipit kung saan
ako tumigil sa pagbabasa kasama ng bookmark ko. Nakaprint ito, sinimulan ko
itong basahin.
I
was actually offended dun sa tanong mo kanina sa kotse. Alam mo na dapat ang
sagot kung bakit kita mahal, Migs, nagulat ako sa tanong mo, di ko alam kung
ano ang isasagot ko kasi sabay sabay na naglitawan ang mga pwedeng isagot, yung
isa mas maganda sa isa, masyado akong naguluhan sa dami ng rason kaya di ako
nakasagot agad. Kitang kita ko ang lungkot sa mukha mo nung hindi ako nakasagot
at nainis ako sa sarili ko. Gusto ko sanangbatukan ang sarili ko kanina pero
naisip kong walang saysay yun kaya nagisip ako ng magandang plano kung pano ko
sasabihin sayo at ito ang naisip ko.
Dahil
6 years na tayong magkakilala at dahil unang araw palang ay na in-love na ako
sayo, naisip ko na bilangin ang buwan sa loob ng anim na taon na iyon. 72
months na tayong magkakilala, Migs at ito ang 72 top reasons why I Love You.
I
Love it when you wake up in the morning before me and you try to kill me by
snuggling.
Napatawa
ako sa mga una kong nabasa pero nalungkot din ng mabasa ko ang mga sumunod.
Napansin ko kasi na naging 'I hate it' na ang umpisa ng mga sumunod na number.
I
hate it when you talk while you brush your teeth because you look so cute when
you do that thus making me fall IN LOVE with you more.
Napatawa
ulit ako nang mabasa ko ng buo ang particular na number na iyon. Pangit man ang
simula ay maganda parin pala ang tumbok nito, hindi doon natapos iyon...
I
hate it when you put me beside Rick whenever we have breakfast together and you
put food in my mouth like what you do with Rick, making me realize how you care
and I LOVE YOU because of that.
I
hate it when you insist in washing the dishes and forcing me to relax in the
living room while you make war with all the dishes in the sink, making me feel
special thus making me fall IN LOVE with you even more.
I
LOVE YOU because you make me realize how adorable you are every time you make
face just to make me laugh and melt all my frustrations away.
I
LOVE YOU because, every time I come over for lunch you make you special baked
dory just to make know how special you I am to you.
Di
ko pa man natatapos ang lahat basahin ang mga rason na nakalista sa papel na
iyon ay di ko na maintindihan ang aking nararamdaman. Naiiyak ako sa tuwa at
nahihiya rin kay JP dahil pinagisipan ko siya ng masama kanina nang natahimik
siya. Nang marinig kong pumasok si JP sa aking kwarto ay patakbo akong lumapit
dito at yumakap ng mahigpit.
“I
Love You too.”
Naramdaman
ko ang paghigpit ng yakap ni JP sakin dahil sa sinabi kong iyon.
Itutuloy...
A.N.:
I'm sorry kung medyo sbog tong chapter na ito, kinuwento ko lang kung pano siya
nangyari, medyo sensitive din yung topic about sexual orientation kaya sa mga
batang nagbabasa ng kwentong ito, maaari sanang kumausap kayo ng mas
nakatatanda sainyo kung may tanong man kayo about sa subject na iyon. Sorry din
sa isang damakmak na profanities and kung di ko nai-share ng buo yung 72
reasons na ibinigay sakin ni JP.
[06]
Narinig
kong nagriring ang aking telepono, ayaw ko na sana itong sagutin at magpatuloy
na nalang sa pagtulog pero makulit ang tumatawag at desedido talagang pasakitin
ang ulo ko, tinignan ko ang screen ng telepono ko para malaman kung sino ang
nangahas na gisingin ako sa masarap kong pagkakatulog.
“Manager
Calling”
Nung
una ay di ko nakuwa kung sino ang tumatawag at kung may kilala ba akong may
pangalan na Manager. Halos i-untog ko ang sarili ko sa headboard ng aking kama
ng matandaan ko kung sino ang Manager na iyon. Manager iyon ng aking maliit na
business. Isa iyon sa aking naipundar sa maliit kong kinita nung nagtratrabaho
pa ako, sinuwerte namang lumalakas ito kaya kahit papano ay may income ako
ngayon.
“Hello,
Sir, Good morning, pasensya na kayo at naistorbo ko kayo, may problema po kasi
dito sa---”
“Sige
papunta na ako diyan.” sagot ko dito.
Nagmadali
ako sa pagligo at pagbihis at pagsasara ng bahay para lang makapunta agad sa
Maynila. Nung andito pa sila Mommy sa Pilipinas ay wala akong problema sa
tuwing may nangyayari dun sa aking maliit na business kasi pwede naman iyong
puntahan ni Mommy dahil malapit lang ang kaniyang opisina doon pero ngayong
wala sila ay wala akong magagawa kundi ang personal na puntahan iyon.
0000ooo0000
Bagsak
balikat akong pumasok ng coffee shop, wala akong pakielam kung naka shorts lang
ako, tsinelas at t-shirt basta ang alam ko kailangan ko ng kape para kumalma.
Nakapila ako sa may counter ng starbucks nang biglang magring ulit ang telepono
ko.
“Good
morning, musta?” bati ni JP sakin.
“eto
magkakape.”
“Tsk!
Magkakape ka nanaman? Sabi ko sayo---”
“Oo,
pero ngayon lang ulit, na-stress ako kay Manager eh.” sagot ko dito, agad
namang nagtanong si JP sa mga nagyari, kinuwento ko ang tungkol sa problema ni
Manager, tumatawa si JP sa kabilang linya at ako naman ay umiiling.
“So
asa Manila ka ngayon?” tanong ni JP.
“Yup,
pauwi narin in a few, bibili lang ako ng kape then uwi na agad, walang tao sa
bahay baka tumawag yung taga Pasig at ipasundo na sakin si Rick.” sagot ko
dito, konting kwentuhan pa at nagpaalam na kami sa isa't isa sa phone.
Nakaramdam
ako ng pamimigat ng pantog kaya naman bumaba muna ako sa ground floor ng SM
Manila para mag C.R. nang makapasok ulit ako ng starbucks ay muli akong
nagsimula sa pinakadulo ng pila. Pahikab hikab ako sa dulo nang biglang mag ring
ulit ang aking telepono, ang nanay ko naman ang tumatawag ngayon.
“Ma.”
walang buhay kong sagot dito.
“Miguel
Salvador! Ganyan ka ba nakikipagusap sa nanay mo na nasa malayong lugar?!”
sigaw nito, bahagya kong inilayo ang telepono sa aking tenga.
“Hello,
Ma. I miss you, kamusta kayo dyan?” bati ko ulit dito sabay iling.
“I
Miss you too, anak.” agad na lumambing ang boses nito. “OK lang naman kami,
ikaw? Kamusta?”
“Kagagaling
ko lang sa store. Nagkaproblema si Manager mo na inirekomenda ni Tita Vivian.”
sagot ko sabay iling ulit.
“Anong
problema?”
“Let's
just say, I'm looking for a new manager, Ma. The asshole quits!”
“Ha?!
Bakit anong nanyari?”
“According
to him, he can't keep up with the pressure. When I got there earlier he's been
frantic, it's seems he misplaced the inventory sheet and he doesn't know what
to do because he doesn't remember how many of the stocks are supposed to be at
hand.”
“Nahanap
naman niya ang inventory sheet?”
“Yes,
Ma, he's been holding it all this time. Hawak niya lang pala. I swear, ma. That
guy is a nut job. I should've fired him kung hindi niya lang ako naunahan sa
pagsasabi na ayaw na niya at magre-resign na siya. So there, I don't have a
manager anymore, Ma.” sagot ko habang tumatawa ang nanay ko sa kabilang linya
pati narin ang aking ama sa background, mukhang naka loudspeaker ang phone ni
Mommy.
Nang
ibaba ko ang telepono ay biglang humarap ang lalaki na katulad kong naghihintay
sa kaniyang inorder sa tabi ng counter. Matangkad ito, maganda ang katawan at
OK naman ang itsura, binigyan ako nito ng tinatawag natin na isang Million
Dollar Smile. Nakauniporme ito ng isang kilalang unibersidad na malapit sa mall
na iyon.
“Hi,
I'm Robert.” pakilala nito.
Nawirduhan
ako kay kumag. Wala akong kilalang tao na bigla na lang haharap out of the blue
at magpapakilala sayo. Binigyan ko ito ng isang nagaalangang ngiti.
Nawiwirduhan parin ako dito.
“I'm
sorry kung medyo weird at OK lang kung naiirita ka pero you're cute and I want
to know your name.” sabi ulit nito.
Yung
totoo?! WTH right?! Ngayon lang ako nakaranas ng ganito, pasimple akong
lumingon, tinitignan ko kung na-WOW MALI ako or something pero wala akong
nakita, napansin kong serysoso si kumag at mukhang na offend dahil siguro
nakikita niya sa mukha ko na nawiwirduhan ako sa kaniya.
“I'm
Migs.” nagaalangan kong pakilala dito, ngumiti ulit ito.
“Hi.
I'll be asking sana for your number but that would be too weird. Would you mind
sharing a table with me so we can know each other first before we exchange
numbers?”
“WTF?!
Is this kid for real?!” sabi ko sa sarili ko. nagalangan ulit ako.
““MIGS?””
dalawang tao ang sabay na tumawag sa aking pangalan sa aking likuran. Agad
akong humarap, nagpapasalamat sa dalawang lalaki na kumuwa ng aking atensyon
para makatakas sa wirdung batang nagngangalang 'Robert' pero agad akong nagsisi
at nanalangin na sana si Robert nalang ulit ang kaharap ko.
Nasa
harapan ko ngayon ang dalawang taong may ilang taon ko nang hindi nakikita
pareho. Magkaharap ang mga ito at nagtataka sa isa't isa dahil marahil di nila
alam na kilala nila ako pareho. Ibinaba ko ang tingin sa kamay ng dalawang
lalaki, magkahawak ang mga ito.
“WTH?!
Could this fucking day be any weirder?!”
0000ooo0000
Tinawag
na ng barista ang aking pangalan at inabot ang aking kape, nagpaalam sakin ang
wirdong si Robert at umalis na, tatakasan ko narin sana ang dalawa ng kausapin
ako ng mga ito at kamustahin, alam kong may ilang taon nang natapos ang
relasyon namin sa isa't isa, pero awkward parin talaga na magkitakita kaming
tatlo at mas lalong awkward kung pareho mo silang Ex at mukhang silang dalawa
naman ang nagkakamabutihan.
“So
we're talking about the same Migs?” natatawang tanong ni Alex habang masuyo
akong itinutulak paupo sa isa sa mga upuan sa coffee shop na iyon.
“Haha!
Weird right? I mean di natin nabanggit ang last name ng Migs na pinagusapan
natin kaya di natin alam.” sabi naman ni Marco.
“Uhmmm
can you guys not talk about me as if I'm not here?” natigilan ang dalawa saglit
at sabay din agad na tumawa. Nagpakawala ako ng isang kinakabahang tawa at
humigop ng kape.
“I'm
sorry, I mean what are the odds, right?”
“Tell
me about it!” gusto ko sanang isigaw sahalip ay sa sarili ko na lang sinabi.
Panong
hindi ko sasabihin iyon? Sa coffee shop na ito kami nagkakilala ni Alex. Sa
coffee shop din na ito kami ulit nagkita ni Marco pagkataos maputol ang
communication namin after sa Batangas and WHAT ARE THE FUCKING ODDS na
magkakaharap kami ngayon at mukhang hindi as magkakakilala na muling
nagkitakita matapos ang matagal na panahon kundi magkakakilala in the sense na
pareho ko silang Ex at mukhang sila na ngayon ang mag on.
“What
the fucking hell, Right?” gusto ko sana ulit sabihin pero sinarili ko na lang
dahil mukhang tuwang tuwa naman and dalawang kumag sa aming maliit na reunion.
“REUNION
my ASS!”
Halos
makatulog ako sa pagkukuwento ni Alex tungkol sa trabaho niya abroad, ang mga
taong nakilala niya, mga lugar na napuntahan niya at ang nagawa niya doon,
habang nagkukuwento ito ay parang tutang naglalaway si Marco sa kaniyang tabi
dahil sa paghanga.
“Buti
na lang nakaramdam ako ng pagka home sick kung hindi di ko nakilala ang isang
ito.” sabi ni Alex sabay pisil sa pisngi ni Marco.
“AWWW!
Ang sweet!” sabi ni Marco sabay tingin sakin at kindat.
“Excuse
me, I'll just go to the bathroom and vomit!” sasabihin ko sana, buti na lang
napigilan ko at sa halip ay nagsabi nalang ng...
“Yup,
ang sweet! Congrats!”
Pagkatapos
kong sabihin iyon ay si Marco naman ang nagkwento, madami naring nagbago sa buhay
niya, halata naman eh, masayahin na siya ngayon tila ba panatag na siya sa
buhay niya, naaalala ko nung huli kaming nagkita, malayong malayo ang itsura
niya noon. Miserable siya noon habang sinuntok ko ang maamong mukha niya at
habang ibinigay ko sa kaniya ang singsing nun sa may beach sa Batangas kung
kailan huli kaming nagkita.
“Di
ko alam na ikaw din pala yung Migs na kinukuwento ni Alex.” nahihiyang sabi ni
Marco sakin.
“Siguro
kasi di ka nakikinig sa sinasabi niya dahil abala ka sa paglalaway sa kaniya.”
sabi ko sa sarili ko.
“You
know, di maayos yung paghihiwalay natin noon eh. OK lang ba na maging friends
tayo ulit, Migs?” nahihiyang tanong ulit ni Marco.
“The
nerve!”
“Sure.”
sabi ko dito sabay ngiti. Gusto ko sanang batukan ang sarili ko pero baka
akalain nila nababaliw na ako.
Di
ko na alam ang iba pa naming mga napagusapan. Di ko sigurado kung ano ano pa
ang mga napagusapan namin, ang alam ko lang naubos ang karamihan sa aming oras
sa kakalampunchingan ng dalawa sa aking harapan, kada minuto gusto ko sanang
masuka. Di naman sa pagiging bitter pero...
“Seriously?!
Alex and Marco?!”
Well
kung tatanungin ako, bagay sila para kapag napagpasyahan nilang lokohin at iwan
ang isa't isa ay pareho nilang maramdaman ang sakit ng ginawa nila sakin.
“FOUL!
OK medyo bitter nga ako. But can you blame me?”
Pero
habang kaharap ko ang dalawa ay di ko mapigilan na maisip na malaki din ang
naitulong ng dalawang ito sa pagkatao ko, madami akong natutunan, kahit papano
may maipapasalamat pala ako at nakilala ko ang dalawang ito. Habang tinitignan
ko sila ay hindi ko mapigilang mapansin na in love nga ang dalawa sa isa't isa.
“Oh
well. Ano pa nga bang magagawa edi maging masaya na lang para sa kanilang
dalawa.”
Habang
nagpapaalam kami sa isa't isa ay di ko mapigilang maisip na kahit papano ay
alam ko na naibalik ko kahit papano ang pagkakaibigan namin sa isa't isa.
Patalikod na sana ako ng bigla akong yakapin ni Alex.
“Great
to see you again, Migs.” bulong nito, di ko na napigilan ang mapangiti. Sa
totoo lang kahit masuka suka ako sa pagtitinginan ng dalawa at pagpapalitan ng
cheesy lines masaya rin ako kahit papano na nagkita kita kami.
Sunod
na yumakap si Marco. Pero bago iyon ay nakita kong nakatingin siya sa singsing
na nakasabit sa aking kwintas. Inilabas ni Marco ang singsing sa na nakasuot sa
kaniyang daliri.
“I
kept mine at di ko nakakalimutan kung bakit nagkaroon ako ng ganitong alahas.”
sabi ni Marco sabay tawa.
“I'm
really sorry, Migs.” pahabol nito bago ako pakawalan. Nginitian ko lang ito at
tinanguan.
0000ooo0000
Nakangiti
akong umakyat papunta sa level parking lot ng SM Manila papunta sa aking
sasakyan. Natigilan ako.
“JP?”
tanong ko sa sarili ko.
Di
ako agad pumunta sa parking lot, sinundan ko muna ang lalaking sa tingin ko ay
si JP, nagdalawang isip ako na sundan ito, baka kasi si JP nga ang lalaking
iyon at natatakot ako sa pwede kong malaman.
Pero
huli na, tumigil ang lalaki at sandaling lumingon, swerte namang may malaking
lalaki sa aking harapan at di ako nito nakita, pero nakita ko ang lalaking
iyon, nakita ko ang mukha nito. Tama ako. Nanlambot ako sa susunod kong nakita.
Si JP nga ang lalaking iyon at may kasama na siya ngayon. Si Donna.
Agad
kong kinuwa ang aking cellphone at hinanap sa phonebook si JP at tinawagan ito.
Nakita kong kinuwa ni JP ang cellphone niya sabay akbay kay Donna, isiniksik
naman ni Donna ang kaniyang sarili kay JP. Di ako makagalaw sa aking
kinatatayuan, nararamdaman kong nanlalambot ang aking mga paa at nanlalamig ang
buo kong katawan.
“Pwede
namang magmall ang dalawang magkaibigan diba? Pwede naman silang magakbayan
diba? Magkaibigan lang sila diba?” bulong ko sa sarili ko.
Kinancel
ni JP ang tawag ko, di ko na nagawa pa silang sundan. Napako ako sa aking
kinatatayuan, nanlalamig at naguguluhan.
Itutuloy...
[07]
Kalalapag
ko lang ng aking cellphone sa night stand sa tabi ng aking kama. Nagtext si JP,
magdadalawang linggo na ang nakakaraan nang makita ko sila ni Donna sa SM
Manila, di ko na pinahirapan pa ang sarili ko, sa totoo lang wala naman akong
nakikitang masama, magkaibigan sila, pwedeng magkita sa mall ang magkaibigan,
pwede silang tumambay na magkasama.
“This
is just me with trust issues. I can't let this ruin what JP and I have.” bulong
ko sa sarili ko pero kahit ganun, di ko parin mapigilang masaktan.
Sinubukan
kong wag ipahalata kay JP na may gumugulo sakin. Normal lang ang pakikipagusap
ko dito at ang pagsagot sa mga text nito. Tuwing umaga binabasa ko ang 72
reasons na ipinirint niya para malaman ko kung gaano niya ako kamahal at yun
din ang tumutulak sakin tuwing umaga para bumangon ng kama.
Narinig
kong bumukas ang gate kaya't sumilip ako sa aking binatana. Nakita ko ang isang
malaking mama na may malaking katawan, napailing ako ng maisip kung sino ang
mala bouncer na iyon na naglalakad sa aming bakuran. Miya-miya pa ay narinig
kong may kumatok sa aming front door at tumawag sa aking pangalan.
“Migs!”
sigaw ng mala bouncer kong kaibigan gamit ang kaniyang falsetto na boses.
Napatawa ako.
Pagbukas
ko ng front door ay agad ako nitong niyakap ng mahigpit.
“I
miss you, bitch!” sigaw nito sabay tawa na miya mo ungol ng isang malaking oso.
“I
miss you too, Dave, but please let go of me and let my lungs expand, pretty
please.” bulong ko na ikinatawa naman nito. Nang bitawan ako nito ay agad kong
pununo ng hangin ang aking mga baga.
“Gawd,
Migs! You look like shit!” sigaw ulit nito.
“Tell
me about it.” balik ko dito.
“Where's
my little fella?” tanong nito sabay lingon.
“Pasig.”
“I
see. Ilang linggo na?” tanong nito sabay simangot.
“Actually
he's staying there for 2 months.” sabi ko, di na ako nagabala na alisin sa
mukha ko ang lungkot.
“Let
me guess, Anne's request?” tanong nito, tumango na lang ako habang binalaot
ulit ako nito sa yakap.
“That
figures.” sagot ulit nito.
“Breakfast?”
tanong ko dito, agad namang lumiwanag ang mukha ni loko.
0000ooo0000
Nagtititigan
kaming dalawa habang kumakain. Di ko na natiis dahil alam kong hindi
magsasalita si Dave kung anong kailangan niya sa umagang iyon.
“Spill
it, Dave. What do you want?”
“Kailangan
bang may dahilan kapag pumunta ako dito? Masama bang bisitahin ang isa sa mga
best friend ko?” balik nito sakin, naningkit ang aking mga mata at hindi
naniniwala sa sinasabi nito.
“Fuck
it! I need your car, Migs. I have to go to Manila later. Ayokong mag commute.”
“I
knew it! Balik ko dito. NO!” sabi ko sabay tawa.
“I'll
do anything! Please!”
Di
ko alam kung bakit may nakakatawa sa isang malaking mama katulad ni Dave na
humihingi ng tulong na parang maliit na babae na nakorner ng limampung rapist.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at kinuwa ang susi ng aking sasakyan. Nakita
kong lumiwanag ang mukha ni Dave na parang bata na tinatakam ng isang
surbitero.
Iaabot
ko na sana ang susi dito nang bigla ko itong bawiin.
“What?”
“Sa
isang kundisyon.”
“Ano?”
lumungkot nanaman ang mukha ni Dave.
“Isasama
mo ako.”
Muling
bumalik ang ngiti sa mukha ng malaking mama kong kaibigan.
0000ooo0000
Madami
na kaming napagusapan ni Dave habang nagmamaneho ako papuntang Manila, maayos
na sana ang lahat, masaya na sana nang biglang tanungin ni Dave si JP.
“Sa
totoo lang di ko alam eh. Dalawang linggo na siyang di umuuwi ng bahay kada
break niya sa school, may case study daw or something.” sagot ko dito sabay
kibit balikat.
“Ha?
Anong ibig mong sabihin na di mo alam kung anong meron sainyo ni JP ngayon?” tanong
ulit nito.
“Tingin
ko nagkabalikan sila ni Donna. Pero hindi ko pa ako sure, baka mali ako. Alam
mo naman na may issue ako dyan sa mga trust and the likes pagdating sa
relasyon” halos mabulunbulunan kong sagot kay Dave, naningkit ang mga mata nito
sakin.
“Migs,
anong nangyari?” tanong nito, bakas na ang pagaalala sa mukha nito.
Di
ko na natiis, kinuwento ko na lahat kay Dave ang mga nangyari simula nung araw
bago madischarge si JP sa ospital nung nakita ko silang nahahalikan ni Donna
hanggang sa nakita ko sila na magkasama sa SM Manila. Nang matapos ako sa
pagkukuwento ay madami pang tinanong si Dave.
“Nagtetext
saka tumatawag din si Donna?” tanong ni Dave. Tumango ako.
“Di
ko alam kung nagtetext din, ang alam ko lang, tumatawag si Donna, di ko naman
kasi ginagalaw yung phone ni JP, nakita ko lang nung isang beses na tumatawag
si Donna kasi nakita ko pangalan niya na nagfla-flash sa screen.” sagot ko,
tumango naman si Dave.
“Napa-paranoid
lang ako diba?” tanong ko kay Dave. Tinignan ako ni Dave na may halong
pagaalala sa mukha nito.
“Ano
ba talaga kayo ni JP, Migs?” tanong ulit nito. Di ako makasagot.
“Di
ko masasagot ang mga tanong mong iyan kung hindi malinaw kung anong meron
kayo.”
Wala
na akong nagawa kundi ikuwento kay Dave ang pagaaminan namin ni JP ng tunay
naming nararamdaman sa isa't isa, na napagusapan na namin ni JP na papasok na
kami sa isang relasyon. Una si Dave sa aking mga kaibigan na nakaalam ng
tungkol samin ni JP. Nang matapos ako sa pagkukuwento ay pareho kaming
natahimik ni Dave.
“Gusto
mong malaman kung niloloko ka niya?” tanong ni Dave. Wala sa sarili akong
tumango bilang sagot. Nahihiya ako na hindi ko pinagkakatiwalaan si JP.
“Karapatan
mong malaman, Migs. Wag kang magui-guilty, karapatan mong malaman.” sabat ulit
ni Dave.
Tumigil
kami sa lugar kung saan may appointment si Dave, di naman siya nagtagal duon,
sunod naming ginawa ay ang pagpi-pick up ng binili ni Dave sa kaniyang mga
kaibigan na ilang appliances dahil di ko alam ang lugar na iyon, si Dave na ang
nagmaneho at ako naman ang naging pasahero, tuloy tuloy parin sa pagkukuwento
si Dave, kung maaari ay iniiwas nito ang usapan tungkol kay JP, pero sa totoo
lang di ako nakikinig, ang sumunod naming tigil ay ang siyang ikinagulat ko.
“Malapit
dito nagdo-dorm si JP diba?” tanong sakin ni Dave, tumango ako. Tinignan ko ang
apat na palapag na building sa aking harapan. Dito tumitigil si JP sa tuwing
may pasok siya kinabukasan sa school at sa tuwing hindi sa bahay namin o kaya
sa bahay nila siya umuuwi.
Wala
sa sarili kong sinundan si Dave papunta sa lobby nung dorm na iyon.
“Boss.
Pupuntahan lang namin yung room ng kaibigan naming si JP. May pinapakuwa kasi
siyang damit na gagamitin ng kaibigan namin mamya.” sabi nito sa gwardya.
“May
susi ba kayo, Sir? Kasi walang ibinilin sakin si Sir JP.”
“Ah,
biglaan lang kasi, Oo, eto may susi kami.” sabi ni Dave sabay labas ng susi na
alam kong susi ng kaniyang bahay. Tumango naman ang gwardya.
“Susi
ba talaga yan ng room ni JP dito?” tanong ko, umiling lang si Dave at ngumiting
nakakaloko.
“Pano
tayo makakapasok niyan?” tanong ko, lalong lumaki ang ngiti ni Dave sa kaniyang
mukha.
“Dave,
siguro dapat ko munang kausapin si JP, uuwi naman siya sa susunod na break niya
sa school eh, siguro umuwi na lang muna tayo.” sabi ko dito pero tinapunan lang
ako ng masamang tingin ni Dave.
Nang
mapatapat kami sa kwarto ni JP ay inilabas ni Dave ang kaniyang SM advantage
card at kinalikot ang gilid ng pinto. Nakarinig kami ng isang mahinang click at
pinihit na ni Dave ang door knob na siya namang marahang bumukas. Lalong lumaki
ang ngiti sa mukha ni Dave, isinara na niya ang pinto sa likod namin at
ini-lock ulit ito. Maayos ang loob ng dorm, tulad ng ilang beses kong pagpunta
dito, maliit lang ito pero may sarili itong banyo at maliit na kusina.
“Damn!
Your boyfriend is a neat freak!” sabi ni Dave sabay tawa, pero di ako sumama sa
pagtawa na iyon, kinakabahan kasi ako sa mga pwede kong malaman. Nagsimula na
sa pagiimbistega si Dave, di ulit ako nakisali dahil alam kong kasalanan ito
kay JP.
“Di
ba ako nagtitiwala kay JP? Bakit ko ito ginagawa? Nagalangan nanaman ulit ako.”
tanong ko sa sarili ko.
“Ahmm...
Migs, di naman nagsusuot ng bra saka panty si JP diba?” mahinang tanong ni Dave
na siyang nakatayo sa may built in closet na siyang nagsisimula mula sa sahig
hanggang sa kisame ng kwartong iyon. Di ako makaimik, natulala lang ako.
Nun
namin pareho narinig ang tunog ng susi na isinusuksok sa doorknob ng pinto.
Agad akong lumapit kay Dave at hinila papasok sa loob ng closet. Mabuti na lang
at malaki ito para sa aming dalawa. Narinig kong pumasok si JP na may kausap na
babae. Nanlambot ang aking mga tuhod at nanlamig ulit ang aking buong katawan.
Malala na ngang inaatake nanaman ako ng claustrophobia nakaramdam pa ako ng
sakit sa aking dibdib dahil sa pantra-traydor na ginawa sakin ni JP.
Marahil
ay napansin ni Dave na inaatake ako kaya't maingat ako nitong niyakap.
“JP,
hindi pwede, may klase ka pa mamya.” kinikilig na sabi ni Donna.
“OK
lang yun, pwede kong i-skip yun, wala naman exam dun saka walang kwenta yung
subject na iyon.” pagmamakaawang sabi ni JP. Naramdaman kong humigpit ang yakap
sakin ni Dave.
“JP!”
kinikilig ulit na saway ni Donna kay JP, sunod kong narinig ang paghahalikan ng
dalawa.
Di
ako makapaniwala sa nangyayari, gusto kong sumigaw, gusto kong malaman nilang
nasa loob ako ng closet na iyon habang naghahalikan sila, gusto kong malaman
nilang nasasaktan ako, gusto kong malaman nilang sinasaktan nila ako. Pero hindi
ako makagalaw sa aking kinatatayuan, nakatitig lang sa aking mga mata si Dave,
may awa at tila ba nakisisimpatya sa aking nararamdaman.
Sunod
naming narinig ang paggalaw ng kama, paulit ulit ang tunog na iyon. Kasabay ng
bawat tunog na iyon mula sa kama ang pagpatay ni JP sa aking puso at ang
pagbura ng nararamdaman ko para sa kaniya. Ilang minuto pa ay narinig ko na ang
mga malalakas na pagungol ni JP at Donna, wala sa sarili akong napakapit kay
Dave para masuportahan ang katawan ko. Patuloy din ang sakit na nararamdaman
ko. ilang minuto pa ay narinig kong bumangon ang dalawa mula sa kama.
“Gusto
mong maligo muna bago kita ihatid pauwi?” tanong ni JP. Napatawa naman si
Donna, hindi na ito nag effort na itago kilig sa kaniyang tawa na iyon.
Narinig
kong bumukas at sumara ang pinto ng CR. Marahan akong hinila ni Dave palabas ng
closet na iyon at palabas ng dorm. Si Dave na ang nagmaneho pauwi. Di na ako
nakaimik, paulit ulit ang pagtatanong sakin ni Dave kung OK lang ba ako pero
parang hindi ko na ito naririnig o mas malala pa ay di ko ito naiintindihan.
Papalit palit na galit at lungkot ang bumabalot sa pagkatao ko.
Nang
makarating sa bahay ay tuloy tuloy na ako sa aking kwarto at humiga sa kama.
Naramdaman kong humiga din si Dave sa aking kama at ibinalot nito ang malaking
braso niya sa aking katawan. Pinipilit kong ilabas ang aking nararamdaman,
gusto kong umiyak at magwala pero masyado akong nanghihina sa sakit na
nararamdaman ko kaya't mas pinili ko na lang na manahimik muna at isipin ang
aking mga nagawang mali para lokohin ako ng ganito.
“Edward,
we need to talk.” ang sabi ni Dave sa kaniyang cell phone habang palabas ng
aking kwarto na siyang gumising sa aking pagmumunimuni, alam kong tatawagan ni
Dave ang iba pa naming kaibigan pero wala si Edward, nagbabakasyon ito sa
Palawan kasama si Mae at ang kambal. Sunod na tinawagan ni Dave si Pat pero asa
U.S. ito, hindi nito masasagot ang kaniyang telepono dahil tulog ito ngayon at
ilang araw parin ito bago makabalik. Sunod namang tinawagan ni Dave si Fhey
pero alam naming abala ito sa opisina ngayon.
Halos
di ko na namalayan ang oras. Hindi ako nakatulog pero di ko na naaalala ang
nangyari sa pagitan ng paghiga ko sa kamang iyon at sa pagtingin ko sa aking
kaibigang natutulog na si Dave sa aking tabi ngayon. Bumangon ako ng kama.
Nagsulat ng note para kay Dave, dinampot ko ang susi ng aking sasakyan, ang
libro na aking binabasa at ang aking pitaka saka lumabas ng bahay.
Dave,
I
need to be alone. I'll be fine. I will not do anything stupid. Will call you
guys later.
Migs.
Nang
makalampas ako ng coastal road ay naipit ako sa trapik, sinulyapan ko ang tatlong
bagay na nakapatong sa passenger seat ng aking sasakyan. Cellphone. Pitaka at
ang libro, napansin kong nakaipit parin ang papel kung saan sinulat ni JP ang
mga rason kung bakit niya ako mahal. Tinitigan ko lang ito, iniisip kung totoo
ba ang lahat ng nakasulat doon o puro kasinungalingan lang. Ilang minuto pa ay
nakarating na ako sa apartment ni kuya Marc.
“Migs?
What happened?” bungad ni kuya sakin pagkabukas na pagkabukas ng pinto.
Doon
na sa puntong iyon bumuhos ang aking luha, humakbang papalapit sa akin si kuya
at niyakap ako nito ng mahigpit.
Itutuloy...
[08]
Tinignan
ko ang aking cellphone. May dalawampung messages na akong natatanggap galing
kay JP. Tatlong araw na ang nakakaraan nung nagpunta kami ni Dave sa dorm ni JP
at nang malaman ko na niloloko ako ni JP. Dalawang araw akong hindi umuwi ng
bahay nang umalis ako sa tabi ni Dave nung gabing iyon at inaliw ang sarili sa
pagaalaga sa anak ni kuya Marc, pilit nitong inaalam kung ano ang nangyari pero
hindi ko ito magawang sabihin sa kaniya, tumatawag din si Dave at Fhey, sinabi
ko na kila kuya Marc ako tumitigil, di pa sinasabi ni Dave ang mga nangyari,
ako daw ang dapat magsabi non sa aming mga kaibigan.
Sinabi
ko kay Dave na hindi pa ako handa na sabihin sa kanila at kailangan ko pa ring
mapagisa at hayaan muna ako sa puder ni kuya. Ikatlong araw na ng pagstay ko
kila kuya ng mapagpasyahan kong umuwi sa bahay. Wala parin sila Edward at Pat
si Fhey naman at si Dave ay iniisip na nakila kuya Marc parin ako. Di ko pa
ulit nakakusap si JP, sa totoo lang wala na akong balak na kausapin pa si JP,
hindi ko pinapansin ang mga text at tawag nito, di ko lang mahayaan na low batt
ang telepono ko kasi sigurado kong nagaalala sila Dave at maaaring magtext at
tumawag sila.
Mamya
na ang uwi ni JP galing sa school tulad nang nakagawian imbis na sa bahay nila
ay samin siya uuwi, nagpasabi na ito kahapon sa text pero sa tingin ko ay ayaw
ko pa siyang makita kaya't di ko ito sinagot, iniisip ko na kapag hindi ako
nagparamdam at sumagot dito ay iisipin niyang hindi siya maaaring umuwi dito sa
bahay.
0000ooo0000
Naisipan
kong maglinis ng bahay at tawagan ang mga lola ni Rick sa Pasig para kamustahin
ito, lalo akong nalungkot dahil wala ito sa tabi ko, ito sana ang magpapasaya
sa araw ko pero hiniling ni Anne na sa mga magulang muna niya magste-stay si
Rick dahil ayon sa mga ito ay namimiss nila ang kanilang apo, nang makatapos
ako sa paglilinis ay naglinis ako ng katawan at nagligo sunod ay pumunta ako sa
aking kwarto at natulog.
Nang
iminulat ko ulit ang aking mga mata ay madilim na sa labas, mahapdi narin ang
aking mga mata, sinilip ko ang aking telepono at tumataginting na limampung
text messages na ang natatanggap ko mula kay JP, di ko na ito pinagtuunan ng
pansin. Ipinikit ko ulit ang aking mga mata, maya maya pa ay narinig kong
nagri-ring ang aking telepono. Si JP, tumatawag. Pilit ko itong hindi pinansin.
Ilang
minuto pa at nakarinig ako ng nagdo-door bell. Sumilip ako sa bintana, si JP
asa labas, alam kong miya miya lang ay bubuksan na nito ang gate at kakatok na
ito sa front door. Kahit madilim ang buong bahay ay patakbo akong bumaba ng
hagdan at tahimik na ni-lock ang front door. Di ako nagkamali, narinig kong
bumukas ang gate at miya miya ay kumatok na si JP sa front door. Umupo ako sa
sahig at sumandal sa pinto, muli kong idinikit ang aking mga tuhod sa aking
dibdib, yumuko at tahimik na nagintay na umalis si JP.
“Migs?”
tawag ni JP, halos mapatalon ako sa gulat pero alam kong imposible niyang
malaman na nasa likod ako ng pintong iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit
pero ang pamilyar na boses ni JP na iyon ay nagbibigay sa akin ng kakaibang
sakit.
“Migs.”
tawag ulit ni JP. Tahimik parin akong nagiintay sa likod ng pinto. Narinig kong
bumukas ulit ang gate at sumara, tatayo na sana ako sa pagaakalang umalis na si
JP nang marinig ko ang isa pang pamilyar na boses. Natigilan ako.
“JP,
pare.”
“Edward.
Nakita mo ba si Migs? Di sumasagot ng phone eh. Ilang araw naring di
nagpaparamdam. Akala ko busy lang or something, tapos paguwi ko ngayon walang
ilaw tapos punong puno na yung mail box ng sulat na parang ilang araw ng hindi
umuuwi dito si Migs.”
“Ha?”
rinig ko ang pagaalala sa boses ni Edward. Alam kong iniisip nito na may
nangyaring masama pagkatapos ang tawag ni Dave sa kaniya nung nakaraang araw.
“Mukhang
wala dito eh, di naman nagpaalam na aalis siya.”
“Di
mo siya nakakatext at nakakausap sa phone?” tanong ni Edward. Rinig ko ang
pagtataka sa boses nito at konting suspetya.
“Oo
eh, medyo busy ngayon sa school. Huli ko siyang nakausap 3 days ago.” sagot ni
JP.
“Ah
sige, sige. Tatawagan ko si Marc baka nagste-stay dun or baka may emergency o
kaya nakila Anne sa Pasig.” sagot naman ni Edward, dinig parin ang pagaalala sa
boses nito.
“Di
mo ba talaga siya nakakausap o nakikita nitong mga nakaraang araw?” ngayon
nagaalala narin si JP.
“Di
kami dito umuwi ni Mae nitong nakaraang linggo eh pumunta kaming Palawan. Tsk!
Wala ba siyang nasasabi na problema sayo?” tanong ni Edward, di ko narinig na
sumagot si JP. Alam kong iniisip na ni Edward ang tungkol sa tawag ni Dave nung
hapong iyon.
“Sige
uwi muna ako sa bahay. Tatawagan ko yung iba, baka nakikitambay lang doon.”
nagaalala paring sabi ni Edward.
“S-sige.”
matipid na sagot ni JP. Narinig kong bumukas at sumara na ulit ang gate, itong
pagkakataon na ito ay di ko sinubukang tumayo dahil baka di pa talaga umaalis
si JP o kaya si Edward. Di ko kayang humarap kahit pa kanino ngayon.
Habang
nakaupo ako sa sahig, nakasandal sa pinto, nakadikit ang tuhod sa dibdib at
nakayuko ay paulit ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga sinabi ni JP sa sulat
na inipit niya sa aking libro may ilang linggo na ang nakakaraan.
Dahil
6 years na tayong magkakilala at dahil unang araw palang ay na in-love na ako
sayo, naisip ko na bilangin ang buwan sa loob ng anim na taon na iyon. 72
months na tayong magkakilala, Migs at ito ang 72 top reasons why I Love You.
Isa
isang tumatakbo sa utak ko ang ilan sa mga dahilan kung bakit niya ako mahal.
Muli lumakas ang pagtulo ng aking mga luha at ngayon ay di ko na mapigilan ang
paghikbi. Di ko alam kung gaano na akong katagal nakaupo dun at nagyuyukyok.
Nakarinig ako ng pag kaluskos at biglang bumukas ang ilaw.
“Migs!”
sigaw ni Edward at halos pasubsob itong lumapit sakin at iniyakap ang kaniyang
mga braso sakin.
“Migs,
what's wrong? You're scaring me, Migs... Migs.” paulit ulit na tawag sakin ni
Edward habang patuloy parin ako sa pagiyak.
“Migs.
Please talk to me.”
Paulitulit
akong umiling. Patuloy na nanlalamig ang aking katawan at bumibilis at
bumababaw ang aking paghinga. Parang nasa loob ulit ako ng maliit na aparador
kung saan ako kinulong ng aking mga kapatid noong 10 years old palang ako kung
saan nagsimula ang takot ko sa maliliit, masisikip at madidilim na mga enclosed
space.
“Hello,
Fhey, call the others. Migs needs us. He's having a breakdown.”
Itutuloy...
[09]
Narinig
kong bumukas at sumara ang front door ng bahay namin sa pangatlong pagkakataon.
Narinig ko ang paguusap ng apat sa pinakamalapit kong mga kaibigan. Pilit
nilang inaalam sa pamamagitan ni Edward ang nangyari, alam kong naiinis na si
Edward sa pagtatanong ng tatlo. Alam ko ring si Pat ang huling dumating at alam
ko rin na tulad ng iba ay nagaalala ito.
“I
told you, I found him right there in the front door, crying, he wont talk to me
or to JP.” naiirita ng sagot ni Edward dahil marahil ilang beses na niya ito
inulit ulit.
“Anong
sabi ni JP kung bakit nagkakaganito si Migs?”
“He
seems clueless himself. Sabi ni JP tatlong araw ng hindi nagpaparamdam si Migs.
Di nagtetext, di tumatawag. I climbed through the window to look around the
house. Nakita kong asa kama ang phone ni Migs pati narin yung laptop na naka
standby. Madilim, alam nating hindi naktatagal si Migs sa dilim and then ayun
nung nakita ko siya dun sa front door nagsisimula na yung panic attacks niya
dahil sa claustrophobia. Dave ano bang nangyari nung isang araw?” tanong ni
Edward.
Sumandal
ulit ako sa headboard, idinikit ang aking mga tuhod sa aking dibdib at
daretsong tumingin sa pinto ng aking kwarto. Isa isang nagsulputan ang aking
mga kaibigan, kitang kita sa mga mukha nila ang pagaalala. Agad na umupo si
Dave sa aking tabi at pinisil ang aking balikat.
“Migs,
I think it's time to tell them.” bulong nito sakin, tumango ako. Umupo si Fhey
sa aking kabilang tabi, si Edward ay nakatayo sa may pinto at nakatiklop ang
mga kamay sa kaniyang dibdib at si Pat ay nakaupos sa aking study area. Ngumiti
ako o sabihin na nating pinilit kong ngumiti.
“Nice
to see you again guys!” masaya kong bati sa mga ito, pilit na itinatago ang
sakit na aking nararamdaman sa aking boses.
“Cut
the crap, Migs.” mahinang sabi ni Pat sabay iling. Nagbuntong hininga ako.
0000ooo0000
Tahimik
lang ang buong kwarto pagkatapos na pagkatapos kong ikuwento ang mga nangyari,
alam na ni Dave ang iba sa kwento kaya't hindi na ito nagreact, si Fhey naman
at nakatitig lang sa sahig, si Pat ay iilingiling at si Edward ay iniintay
akong tumingin sa kaniya. Kita ko ang galit sa mga mata nito at nakasarado na
ang palad nito na miya mo manununtok. Binigyan ko ito ng matipid na ngiti at
nagkibit balikat, senyas na wala na akong magagawa pa sa ginawa ni JP sakin,
lalong nagalit si Edward sa ginawa kong iyon at marahas nitong sinuntok ang
pinto, nagulat si Pat at agad na tumayo sa kinauupuan nito, tumalikod si Edward
at nagmamadaling bumaba ng hagdan, sinundan ito ni Pat.
“Sundan
ko lang ang dalawang yun, baka magkagulo pa pag nagkataon.” mahinang sabi ni
Fhey at sumunod na sa dalawa. Tinignan ko si Dave, nakatingin ito sakin,
nginitian ko ito.
“Gawd
I hate drama!” sabi ko dito, lumapit ito sakin at niyakap ako ng mahigpit.
“Deal
with it. Madrama talaga ang dalawang yun maski noon pa.” pabulong na sabi ni
Dave at napatawa kami pareho.
“I'm
sorry.”
“Para
saan?” tanong ko dito.
“Kung
hindi kita pinilit na pumunta sa dorm ni JP, di sana nagkaganito.”
“OK
lang yun, malalaman ko din naman yun eh, sooner or later.” tumango naman sa
sinabi kong ito si Dave.
“Pero
sana hindi sa ganun paraan.” di na ako nakasagot pa sa sinabi nito, niyakap ko
na lang ito ng mahigpit.
0000ooo0000
Medyo
may katagalan bago bumalik sila Fhey, nagaalala ako kasi baka sinugod ng mga
kaibigan kong iyon si JP, hindi malayong magawa nila iyon. Nagkukuwento lang
sakin si Dave, kung ano lang ang lumabas sa bibig nito ay wala akong reklamo,
alam kong ginagawa niya ito para sakin, minsan tumatawa ako at sumasagot sa
tuwing kinakailangan nito ng tawa o kaya ng pagsagot pero ang totoo ay wala
akong pakielam sa kinukuwento nito. Isa iyon sa aking katangian, magaling akong
maglagay ng maskara, pwede akong magmukhang masaya o malungkot kahit pa kabaligtaran
ng mga iyon ang nararamdaman ko.
Nagulat
kami ng sumulpot ang tatlo sa pintuan ng aking kwarto, nakangiti ang mga ito at
may dalang mga plastic kung saan may naaaninag akong bote ng alak at mga
tsitsirya. Napatawa ako, di talaga ako bibiguin ng mga kaibigan ko at sobra ko
itong ipinagpapasalamat. Siguro kahit paulit ulit pa akong saktan ni JP, OK
lang basta andito sa tabi ko ang apat na ito.
“Bubugbugin
sana namin si JP, kaso di namin alam ang bahay nila.” sabi ni Edward sabay
kibit balikat. Sabaysabay silang tumingin sakin, nagiintay kung anong reaksyon
ko sa sinabing iyon ni Edward, sa totoo lang naiinis ako at sumasama parin si
JP sa usapan kahit anong iwas ko dito pero may bagay sa sinabi ni Edward na
nakakatawa para sakin. Di ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na lang,
sumunod naman ang apat. Sa tingin ko, di naman talaga nila naiintindihan kung
bakit ako tumatawa, siguro tumatawa na lang sila dahil ginagawa ko ito.
0000ooo0000
““WHAT?!””
sabay sabay naming sabi sa mungkahi ni Edward.
“We're
going to play, Bullshit.” ulit nito, napailing ako.
Alam
kong parepareho naming natatandaan ang larong ito, di lang kami makapaniwala na
kahit ngayong nasa early twenties na kami ay maglalaro parin kami nito.
Napanood namin ito sa pelikula ni Matthew mc Counahey, nakalimutan ko na yung
title, ganito lang ang mechanics ng laro. Ibabalasa ang baraha at
idi-distribute ng patas sa bawat manlalaro. Isa-isang magsasalita ang manlalaro
at magsasabi ng isang uri ng baraha na nasa kaniya, pwede siyang magsinungaling
at pwede ring magsabi ng totoo, ang iba naman ay huhulaan kung nagsasabi siya
ng totoo o hindi at kapag nahulaan nilang hindi ito nagsasabi ng totoo dapat
siyang magsabi ng bullshit ngayon, kung ngkataong nagsasabi siya ng totoo at
sinabihan mo siya ng bullshit, bawat manlalaro ay magbibigay sayo ng baraha,
kapag natapos na ang laro at mayisa na sa mga manlalaro ang nakaubos ng baraha,
magbibilangan ang iba at ang may pinakamaraming barahang natira ay siya ang
talo. Siyempre, hindi mawawala sa larong ito ang alak at ang pera pang taya.
“Joker,
spades.” sabi ni Dave na sa kasalukuyan ay may pinakamaraming baraha. Sa aming
lima, si Dave ang pinakatransparent, makikitaan mo ito ng signs and symptoms ng
pagsisinungaling at kadalasan siya ang kulelat sa larong ito, noong elementary
kami ay natalo ito ng 400 pesos sakin, ako kasi ang kabaligtaran ni Dave,
magaling akong magtago ng emosyon at magaling din akong magsinungaling. Sa
sampung kasinungalingan na sinabi ko walo don ang makakalusot at ang natitirang
dalawa ay nabibisto ni Edward. Si Edward lang ang nakakabasa sa akin ng husto.
“Bullshit!”
sigaw ko, agad namang umirap si Dave at naghiyawan naman si Edward, Pat at
Fhey. Wala na akong natitirang baraha, ako ang nanalo at si Dave ang natalo.
Inaamin
ko, nawala panandalian ang aking mga problema at hinayaan ko na lang ang sarili
ko na tumawa.
“Ayoko
na! Lagi na lang akong talo!” sigaw ni Dave sabay lagok ng kaniyang alak.
“Don't
worry Dave, I'm sure nanalo lang ako dahil heartbroken ako ngayon.
Pinagbibigyan baga.” sabi ko na ikinahagalpak naman nilang lahat.
“Nakalimutan
ko na yang about sa baga na yan. Ikaw lang sa buong school nung high school ang
nagsasabi niyan, Migs!” sigaw ni Fhey, tuloy parin ang pagtawa nilang lahat.
Ilang segundo pang tumagal ang tawanan na iyon, nang matapos ay parepareho
kaming natahimik at isa isang uminom ng sari-sariling alak sa baso.
“I
gave Migs a blowjob.” biglang bulalas ni Dave matapos ang may katagalang
pananahimik na ikinabugha ko naman ng alak na iniinom ko, nasamid ako at
nararamdaman ko ang alak na kumakapit sa bawat tissue ng lungs ko.
“BULLSHIT!”
sigaw ni Pat na gulat na gulat, si Edward naman ay nakanganga habang si Fhey ay
walang tigil sa pagtawa.
“I'm
serious, retreat natin yun nung third year. Magkaroom kami ni Migs, tulog na
tulog siya nun, di ko napigilan---”
“Oh
my gawd!” sigaw ko, naaalala ko yun, nung retreat nung third year kami, hiyang
hiya ako kasi akala ko nag wet dream ako sa loob ng retreat house, noon akala
ko masusunog na ako sa impyerno dahil pinabayaan ko ang sarili ko na magwet
dream sa loob ng 'holy ground' napailing ako ng maalala ko iyon.
“Gago
ka! Alam mo bang ikinonfess ko pa yun kinabukasan sa pari doon sa retreat
house! OMG! I lost my virginity nung third year pa lang ako?! Akala ko pa naman
si Alex ang una ko sa lahat! Huhuhu! Pinagsamantalahan mo ako!” pabiro kong
sigaw na lalong ikinahagalpak ng mga kaibigan ko.
“But
wait, there's more.” sabi ni Dave, hinanda ko ang sarili ko sa susunod pang
sasabihin ni Dave.
“Alam
naman nating lahat ang struggles ko sa totoo kong pagkatao, di ko maintindihan
kung bakit ko yun nagawa kay Migs, naisipan kong lumabas ng retreat house,
medyo madilim na sa labas pero maliwanag naman ang buwan. May nakita akong
lalaki na nakaupo sa isang bench sa may stations of the cross sa may garden.
Tinabihan ko siya, konting kwentuhan hanggang humantong kami sa usapang sex. I
gave the guy a blow job then and there.” sa sinabing iyon ni Dave ay lalo
kaming humagalpak sa tawa.
“And
there's more, kinabukasan, tulad ni Migs, sinubukan kong mag-confess,
pagkalabas ko ng confession booth, nakita ko yung guy sa may bench ng garden.
Seminaryo ang kumag!”
Muli
kaming naghagalpakan sa tawa. Iiling iling akong uminom ng alak. Muling
tumahimik ang paligid.
“Nakipagsex
narin ako sa semenarista.” sabi ni Fhey pagkatapos ang ilang saglit na
pananahimik. Napairap ako.
“Di
mo parin matatalo ang ginawa ni Dave, Fhey.” sabi ni Pat, umiling si Fhey.
“But
wait, there's more. I had sex with two seminarians...at the same time.”
“BULLSHIT!”
sabay na sigaw ni Pat at Edward. Itinaas ni Fhey ang kaniyang baso at
namumulang nilagok ito, halatang nagsasabi ng totoo at ngayon niya lang ito
sinabi sa ibang tao. Muli kaming nagtawanan.
“I
had my fair share of exciting sex.” simula ni Pat. Napailing ako, di na ito
bago kay Pat, alam naming lahat na player si Pat maski noong high school palang
kami, siya ang pinaka sikat noon sa school, may itsura, basketball star, basta,
lahat nasa kaniya na, kaya wala na saming nagtaka sa sinabi nito.
“Oh,
eh anong bago dun?” tanong ni Edward, umiling naman si Pat at sumangayon kaming
tatlo.
“It
with Marcus and Ron...at the same time.” pagtutuloy ni Pat sa kaniyang rebelasyon.
“YOU
WHAT?!” sigaw ko dito, pakiramdam ko kasi nabingi ako at mali ang aking
pagkakarinig.
“I
slept with your brother and cousin, Migs. THREESOME baby!” ulit nito habang
ipina-pump ang kaniyang bewang na kala mo kumakant--, napailing na lang ako at
di parin makapaniwala na nakipag threesome si Pat kay Kuya Ron at kuya Marc.
“My
turn! My turn!” sigaw ni Edward, napatawa ako, para kasi itong batang gustong
gusto magpasikat.
“I
had sex with no other than---” nambitin pa ang loko, ngumiti ito na kala mo
nakakaloko, binato na ni Fhey si Edward ng chicharon sa mukha.
“I
had sex with, Dave.” tapos ni Edward.
“BULLSHIT!”
sigaw namin pareho ni Pat, umiling si edward at umirit naman si Dave, binato ng
unan ni Dave si Edward na ikinatapon ng alak nito sa sahig. Di ako makapaniwala
sa aking narinig.
“It's
true, I was so down when Migs left, it was only me an Dave who stays home for
weekend back in college, we were drinking and I guess I told Dave about me and
Migs---” kwento ni Edward pero pinutol siya ni Dave.
“---
and then he said he's curious about having sex with a guy and I said I can show
him.” pagtatapos ni Dave. Nanlaki ang aking mga mata, si Pat naman ay ayaw
tumigil sa pagtawa at si Fhey ay umiiling pero nakangiti.
Ilang
saglit uling natahimik ang aming grupo, mayamaya pa ay naramdaman kong sakin na
sila lahat nakatingin. Alam kong nageexpect sila ng mala the buzz! na
rebelasyon mula sakin pero pinili kong bitinin pa sila, nagsimula ng umiling si
Dave, sumama na ang tingin sakin ni Edward at Pat habang si Fhey ay ngumunguya
ng chicharon habang masuyo paring nakatingin sakin.
“What?!”
sigaw ko sa mga ito.
“What's
your ticket to hell?” tanong ni Dave, tumango naman si Edward sa tanong na
iyon.
“Let's
see---” sabi ko sabay kunwring nagisip.
“I
had sex with a guy inside a jeepney parked on a busy street.” sabi ko sabay
kibit balikat, umirit ulit si Dave, si Pat naman ay nagche-cheer, si Edward ay
naibugha ang kaniyang alak na iniinom at si Fhey ay nasamid sa nilalantakang
chicharon.
“But
wait, there's more.” sabi ko, muling sumeryoso ang mga mukha ng mga ito.
“So
after we had sex inside the jeepney, we decided to go here and do the deed four
MORE times!” sabi ko na ikinalaki ng mata nila lahat.
“And
I still have more... the guy I'm with that night is no other than, Al!” sigaw
ko, narinig ko ulit ang pagirit ni Dave, si Pat ay patuloy lang sa pagcheer si
Fhey ay umiirit nadin at si Edward ay biglang napatayo. Natahimik kaming lahat
sa ginawa nito. Akala ko kukuwelyuhan ako nito at susuntukin dahil sa ginawa
kong kahalayan kasama ang kapatid niya pero itiniklop lang nito ang kaniyang
kamay sa kaniyang dibdib at marahas na umupo ulit sa sahig, pulang pula na miya
mo bulkan na sasabog anu mang oras.
“What's
the matter, Eddie boy, jealous much?” nangiinis na tanong ni Pat sa di parin
kumakalmang si Edward.
“Shut
up, Pat!” sigaw nito.
“So
how was Eddie boy's little brother?” tanong ni Dave, alam kong
pinagpapantasyahan din ni Dave si Al dahil gwapo naman talaga ito at maganda
ang katawan, tinignan ko si Edward bago sumagot, kinilatis ko ang mood nito,
nagkibit balikat ako nang mapagtantong di ako nito aanuhin.
“Let's
just say, he's not that little anymore.” sa sinabi kong iyon ay naghiyawan na
ng tuluyan ang aking mga kaibigan na ikina-walk out na ng tuluyan ni Edward.
Muling tumili si Dave.
Na-guilty
naman ako sa ginawa ko at sinundan si Edward palabas ng kwarto. Habang pababa
ng hagdan ay di ko mapigilang mapaisip, alam kong nasasaktan parin ako, swerte
ko at may mga kaibigan ako na gagawin ang lahat para lang kahit ilang oras o
ilang araw lang ay makalimutan ko ang sakit na iyon, sa halip na magpasalamat
ay inabuso ko ang aking mga kaibigan at ngayon, sa harapan ko, si Edward,
nakaupo sa barandilya ng terrace at nakaharap sa kalsada, tulad ko ay alam kong
nasasaktan din ito.
Di
ko maikakaila na mali ang nangyari sa pagitan namin ni Al, pero hindi ko na
iyon dapat pang ipamukha kay Edward. Nasaktan ko siya, naging makasarili
nanaman ako, inuna ko ang galit at sakit na nararamdaman ko at idinamay sa
sakit na iyon ang nararamdaman ni Edward.
Sino
nga bang matutuwa kung nalaman mong ang taong minahal mo o maaring minamahal mo
parin ay nakikipaglaro ng apoy sa kapatid mo? Kagaguhan nga naman yun diba? At
parang drugs napagtanto ko na ang nangyaring kasiyahan kanina ay kasali sa
tinatawag na temporary high kahit gaano ko kagustong mag-stay dun ay hindi
pwede, muli akong babagsak at ipapamukha ng mga nangyari sa pagitan namin ni JP
ang sakit.
“From
enjoying the temporary high, I, once again hit the rocky bottom, I feel nothing
but pain and I'm dragging my friends with me.” iiling iling na sinabi ko sa
aking sarili habang papalapit kay Edward.
Itutuloy...
[10]
Naabutan
ko si Edward na nakatanaw sa kalsada sa labas ng bahay namin, nakaupo sa isa sa
mga di masyadong nagagamit na upuan sa may terrace namin, mukhang malalim ang
iniisip nito, ni hindi nito napansin ang pagtabi ko sa kaniya, nang hilahin ko
lang ang manggas ng suot na t-shirt nito ay saka lang nito napansin na katabi
ko siya.
“Bakit?”
wala sa sarili nitong tanong sakin, di ako sumagot sa tanong nito at
pinagpatuloy ko lang ang pagtingin dito. Ilang minuto pa ay narinig ko itong
nagbuntong hininga.
“It's
OK, Migs. Kuwa ko naman eh, single si Al, ako hindi, di naman ako dapat magalit
pero kailangan ko lang ng konting panahon na ma-absorb lahat ng narinig ko mula
sayo.” sabi nito sabay bigay ng matipid na ngiti.
“I
don't think I want to be in a relationship with Al, hell, I don't think I'm
going to have a relationship with anybody for the meantime. Maybe I'm meant to
be alone, you know.” humahagikgik kong sabi kay Edward, ramdam kong may tama na
ako dahil sa dami ng nainom kong alak, nakita kong lumungkot ang mukha ni
Edward, lalong lumalim ang iniisip nito.
“You're
not meant to be alone, Migs--- sana hindi dahil sakin kaya di mo kayang makipag
commit kay Al—-”
“Naku,
wala kang kinalaman dun, Edward, parang kapatid ko narin si Al, what we had
that night is for pure fun only, no strings attached--- OK, siguro para sakin
wala lang yun at kahit papano ay may ibig sabihin yung gabing yun kay Al, pero
nilinaw ko naman sa kaniya na hanggang kapatid lang talaga ang tingin ko sa
kaniya, tinanggap naman niya yun at sinabing maiintay siya, if ever na mauntog
ako at magising. Kaya kung iniisip mo na sasaktan ko lang si Al, please,
maniwala ka, di ko intensyon yu---”
“Alam
ko, Migs, alam kong di mo sasaktan si Al, hindi naman yun ang dahilan ko kung
bakit ako nagwalk out naisip ko lang na---” pabitin nito sabay buntong hininga.
“---naisip ko lang na kung naghintay lang sana ako noon, sana ako ang kasama mo
nung gabing yun imbis na si Al, hindi sana ako naiinggit---”
“Edward,
may mga anak ka na, may masayang pamilya, ipagpapalit mo pa ba yun para sakin
na madalas magpalit ang mood, pamisan minsang nababaliw at sobrang mabahong
umutot?” sabi ko dito, nagbabakasakaling gumaang ang mood at mapalitan na ang
aming pinaguusapan. Di naman ako nabigo, ngumiti si Edward at humagikgik ng
saglit.
“Di
lang utot ang mabaho sayo, hininga din, tuwing umaga parang imburnal.” sabi ni
Edward na ikinatawa naman naming pareho. Saglit na bumalot ang katahimikan sa
pagitan naming dalawa, nakatingin lang kami sa kalsada at pinapanood ang pailan
ilang naglalakd lakad sa village.
“So
anong pinagkaabalahan mo habang asa Palawan kami?” tanong ni Edward. Napangiti
naman ako.
“You
mean besides catching my boyfriend do the nasty and having my heart ripped to
pieces?” naiiling kong sabi habang inaalala ang mga nangyari nung nakaraang
araw. Ngumiti din si Edward ng marinig ang himig ng sarkasmo sa sinabi ko.
“Halika,
ipapakita ko sayo ang pinagkaabalahan ko.” sabi ko dito sabay hila sa kamay
niya at muli kaming pumasok sa aking kwarto.
0000ooo0000
“Wow.”
bulong ni Edward habang ipinapakita ko sa kaniya ang isa sa aking
pinakapaboritong gawin. Napangiti ako.
Ilang
buwan ko naring pinagiisipan kung may pagsasabihan ba ako ng tungkol sa aking
blog, wala ni isa sa aking mga kaibigan ang nakakaalam nito. Napagusapan na
namin ng matalik kong kaibigan na si Sir Josh ang tungkol dito, sinabi niya nga
na kailangan ko itong ipaalam sa kanila dahil hindi lang naman daw tungkol
sakin ang mga kwento dito lalo na ang chasing pavements, tungkol din ito sa
aking mga malalapit na kaibigan at baka hindi nila magustuhan kapag sa iba pa
nila ito malaman. Sure, iniba ko ang ilang impormasyon at mga pangalan, pero
kung sino man ang nakakaalam ng mga nangyayari sa paligid ko ay sigurado akong
malalaman nila kung sino ang mga nababanggit sa storya.
Naisipan
kong tamang panahon na na may pagsabihan ako tungkol dito.
“So
Love at its Best is about us?” tanong ni Edward napangiti ako.
“Yup.
Love at it's Best is the 'what could have been's' in my life. You, me being a
couple...etc...” sabi ko dito, lalong lumaki ang ngiti nito sa mukha at
ipinagpatuloy ang pagbabasa, di ko napansin na umaaligid narin pala si Pat,
Dave at Fhey.
Wala
na akong nagawa kundi sabihin narin sa kanila.
0000ooo0000
Ilang
tanong, ilang tawa at ilang panlalait ang napala ko habang binabasa nila ang
aking blog, karamihan ng reklamo ay patungkol sa mga character nila, sinasabi
na hindi naman daw sila ganoon talaga o exaggerated daw ang pagkakadiscribe ko
sa kanila. Idinadaan ko na lang ito sa ngiti. Lalong lumakas ang usapan nang
madako ang pagbabasa nila sa Book2 at Book3, di sila makapaniwala na ganun pala
ang pinagdadaanan ko at hindi ko manlang daw sila sinabihan, napangiti na lang
ako.
Nang
matapos ko nang ligpitin ang aming mga kalat ay sinaran ko na ang mga pinto sa
unang palapag ng bahay namin nang masigurong ayos na lahat sa unang palapag ay
sinunod ko naman ang pangalawang palapag, siniguro kong nakasara lahat ng
bintana ng mga kwarto, nang bumalik na ako sa akinh kwarto ay hindi na ako
nagulat nang makitang nakahandusay na si Fhey, Dave at Pat sa aking kama habang
si Edward naman ay nakatanga sa harapan ng laptop ko.
Nung
una, akala ko ay sinusunog nanamn nito ang kaniyang neurons sa mga larong
nandun pero nang makalapit ako dito ay nakita kong binabasa ulit nito ang Love
at it's Best, napangiti ako. Nun ko lang din napansing nakangiti si Edward
habang binabasa ang gawa ko.
“Di
ka pa ba tapos magbasa niyan?” tanong ko dito na ikinagulat niya. Di ko mapigilang
mapatawa.
“I
just can't believe na gumawa ka ng kwento sa mga gusto mo sanang nangyari
satin.” sabi nito habang nakangiti parin.
“Sus!
Sana binasa mo yung book 1 ng Chasing Pavements.”
“Nabasa
ko na, nagmukha akong asshole dun.” natatawa namang sabi nito. Napangiti naman
ako.
Habang
bumalik sa pagbabasa si Edward ay napatingin ako sa aking tatlong kaibigan na
nagsisiksikan sa aking maliit na kama at ibinalik ang aking tingin kay Edward
na siyang nakangiting nagbabasa parin ng Love at it's Best.
Swerte
parin ako't nandito parin ang mga kaibigan ko. Makasalanan man, puno man ng
hinanakit ang ibato samin ng mundo, alam kong basta magkakasama kami, at
syempre may alak at baraha magiging masaya parin kami hanggang sa huli.
Ibinaling
ko ang aking tingin sa nakabukas na bintana, tinignan ang puno ng santol sa
pagitan ng bahay namin nila Edward, wala sa sarili akong lumapit dito, lumabas
ng bintana, tumulay sa malakhing sangha at umupo dito, di ko mawari pero para
bang kahit wala si JP sa tabi ko, kahit nasaktan ako ng sobra ay alam ko parin
na magiging OK ang lahat, kumpleto parin ang buhay ko.
Napangiti
ako nang maramdaman kong marahang yumugyog ang puno ng Santol, nakangiti si
Edward na tumabi sakin at sa loob ng kwarto ay narinig kong may kumalabog at
ang malakas na tawanan ni Pat at Fhey.
“What
a day, huh?” saad ni Edward, nakatitig pala ito sakin.
“Yup.”
“Sooo---”
pambibitin ni Edward.
“Spit
it out, Edward.”
“Kailan
ang sequel ng kwento natin?” tanong nito, tinignan ko ito at nakita kong taas
baba ang mga kilay nito.
“Tado!”
natatawa kong sabi dito at sa sagot kong iyon ay pareho kaming napahagikgik ni
Edward na miya mo mga batang babae na kinikilig.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment