By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com
Napatingin kami nang mga kaibigan ko sa gawi nang babaeng
papasok ngayon sa bar. Pamilyar ito sa akin at may apat itong kasama at
masayang nagtatawanan nang mabaling ang tingin nang babae sa umpukan naming.
Rumeshistro rito ang pagkabigla habang ako ay nakatingin lang sa kanila na di
alam ang gagawing reaksyon.
“Oh my God! Are my eyes deceiving me? Red is that you?”
Sabi nito nang makalapit sa mesang kinauupuan namin. Ganun pa rin sya maganda,
seductive at sexy.
“Amber?” Ang tugon ko rito sa pagkabigla.
Agad itong yumakap sa akin at binigyan ako nang halik sa
labi na ikinagulat nang lahat. Hindi ako nakagalaw sa ginawa nito para akong
bato sa aking kinauupuan.
“I miss you.”
“A-ano ang ginagawa mo dito? Paano ka napunta rito?”
Sunod sunod kong tanong ng bigla akong matauhan.
“What a question. Hindi mo ba ako ipapakilala muna sa mga
friends mo?” Malandi nitong sabi na di parin naalis ang pagpulupot ng mga kamay
nito sa aking leeg.
“Teka teka.” Sapilitan kong tinanggal ang mga kamay nito
sa akin. Hindi ako komportable sa ginagawa nito. “What are you doing here?”
“Aren’t you happy seeing me dear?” Takang tanong nito
nang matanggal ko ang mga nakapulupot nyang mga kamay.
“Honestly, no.” Sabi ko rito na biglang nag-iba nang
tingin at uminom ng alak.
Hindi ko na nakita pa ang reaction nito sa sinabi ko
ngunit iisa lang ang alam ko, get rid of her as soon as possible. Ayoko na nang
kumplikasyon. Kumplikasyon? Para saan at kanino?
“Awww, bakit naman ganun dear? Ako I’m happy seeing you
again and surprise at the same time kasi I wasn’t expecting na sa ganito kaliit
na bar ka na tumatambay plus the fact na it is far from the metro.” Walang
kagatul-gatol na sabi nito.
Nagpanting tenga ko sa narinig. Hindi ako makakapayag na
basta-basta na lang niya babastusin ang bar na pinaghirapan namin.
“Really? Then why are you hanging out here sa ganito
kaliit na bar plus the fact that it is far from the metro?” Panggagaya ko sa
sinabi niya.
Natameme ito sa sinabi ko.
“Ahm, I have no choice.” Sumbat nito. “Tsaka my body’s in
search for alcohol so kailangan kong pagbigyan.”
“You have no choice? Maraming bars ang meron dito sa
downtown at mas malalaki pa.” Tumingin na ako ulit dito. “Or you’re looking for
something else.”
Pinaramdam ko talaga sa kanya ang disgusto ko sa mga
pinagsasasabi niya. Ngumiti lang ito.
“Kilala mo pa rin talaga ako.”
“Sorry to interrupt you but if you’ll excuse us we’re in
the middle of a meeting.” Sabat ni Mina na nakakunot ang noo.
“Sorry? Meeting? Inside a bar?” Sabi nito kay Mina na
labis na ikinabigla ko.
Sasagot na sana ako nang sumagot muli si Mina.
“You heard it right, I guess hindi ka naman bingi and
mukha ka namang professional so imposibleng hindi mo naintindihan yung sinabi
ko.” Tugon nito.
“How dare you say that to me? Don’t you know who am I?
I’m Red’s girl friend!” Halos pasigaw na nitong sumbat kay Mina.
“Oh I’m sorry miss. Sa pagkakaalam ko kasi eh walang girl
friend si Red na ganyan kasama ang ugali.” Tumawa pa ito nang mahina.
Aktong sasampalin na nito si Mina nang awatin ko ito.
“Stop it Amber! You heard Mina, we’re in the middle of
our meeting when you suddenly butt-in. Just go to your friends and enjoy your
night.” May authority kong sabi sa kanya.
“But dear? Mas kinakampihan mo pa iyang babaeng iyan?
Siya ba ang bago mong flavor of the month?” Wari mo’y nagsusumamo ito sa akin.
Napataas ang kilay ng mga babaeng kaibigan ko sa narinig.
Si Angela na likas ang pagkamadaldal ay piniling hindi magkomento.
“And you? Ikaw ba ang ipinalit niya sa akin? Red’s
standard for girls are getting low, my gosh!” Mataray nitong tukoy kay Mina na
sinamahan pa nang maarte nitong pag suklay ng buhok nya. Si Chad naman at Carlo
ay pareho lang tahimik na nakatingin sa babaeng nagtataray sa kanila.
“Ah ganun ba? How do you want me to call you miss?
Loser?” Balik pagtataray ni Mina rito.
“Excuse me? You’re calling me loser?”
“Awww.” Pang-aasar pa nito kay Amber.
Natutuwa na ako sa cat fight ng dalawa. Alam ko na
pagdating sa away, nangunguna si Mina kaya naman hinayaan ko na siya.
“How could you!” Sabi nito at akmang susugurin na si
Mina.
“Ma’am may problema po ba rito?” Biglang tanong nung
guard ng bar.
“Ah wala naman. Go back to your post.” Utos nito sa guard
na hindi man lang nagpaapekto kay Amber.
Lahat kami ay nakikinig lang sa batuhan nila nang mga
linya. Kitang kita ko ang amusement sa mga mata nang iba naming mga kasama.
“Excuse me sir, sa table 5 magbabayad na raw.” Singit ng
waiter sa akin.
Napatingin sa akin si Amber. May halong pagtataka sa mga
mata nito.
“Don’t tell me you’re the owner here?”
Tumango lang ako sa kanya. Sumilay rito ang isang ngiti
at muli ay niyakap niya ako. Inilayo ko ito ulit sa akin. “Why don’t you go
look for your seats.” Pagtataboy ko sa kanya.
“Girl, Hindi mo ba kami ipapakilala sa kanya?” Singit
nung babae na kasama ni Amber.
“Oh I’m sorry I forgot masyado akong na-excite nang
makita ko ang baby ko.” Sabay hawak nito sa kamay ko. “These are my friends
Aya, Dianne, Beth and my cousin Sandra sa kanila ako ngayon nakituloy for a
vacation” Sunod sunod nitong pagpapakilala sa mga kasama nya. “Ladies meet Red,
my boyfriend since college.”
Naiilang man ay hindi ko nalang binara ang pagpapakilala
nito sa akin sa mga kasama nito bilang boyfriend nya, dahil hindi naman talaga
naging kami. This girl was a player and I was a player too. No commitments
involve kasi may boyfriend sya that time. Kilalang social climber si Amber nang
mga naging kaibigan ko sa Manila lahat ay gagawin nito maka jam lang sa mga mayayamang
barkada ko at ako ang naging way nya noon. Okey lang naman sa akin dahil
importante natikman ko sya.
“Nice to meet you.” Hindi ako pweding maging bastos sa
harap ng mga costumer namin. Siguro yon din ang dahilan kong bakit hindi
sumasabat si Angela. “Oh by the way here are Mina, Angela, Antonet, Carlo her
boyfriend, and Chad Mina’s hubby my friends at the same time CO-OWNER of this
bar.” Sabi ko rito na binigyan ng emphasis ang co-owner.
Kita naman ang pagkapahiya sa mukha ni Amber. Mukhang
nakahanap na siya nang katapat sa katauhan ni Mina. Samantala, mga tingin
palang nina Mina alam ko nang hindi nila gusto si Amber dahil sa ginawa nitong
pambabastos sa bar at kay Mina na rin.
“It was nice meeting you guys, Hope we can be friends.”
Malambing nitong sabi. Parang agad nitong nakalimutan ang pakikipagtarayan nito
kanina. Well it’s her way of saying na the battle isn’t over yet. Walang ni isa
sa mga kabarkada ko ang sumagot sa kanya pilit na ngiti lang ang ibinalik ng
mga ito.
“Alex!” Tawag ni Tonet sa isang waiter namin. “Samahan mo
sila sa mesa nila.” Utos nito sa waiter. “Enjoy the evening.” Dagdag pang wika
nito sa grupo ni Amber.
Wala nang nagawa pa si Amber kung hindi ang sumunod.
Nagbigay pa ito nang isang halik sa akin bago tinungo ang mesa nila. Napailing
nalang ako sa ginawa nito. Kita ko namang napataas ng kilay si Mina at Angela
nang makaalis na ito.
“Who the hell is she?” Tanong ni Carlo sa akin.
“A nightmare from the past.” Pabiro kong sagot na
ikinatawa ni Chad.
“Kung makaasta naman ang yabang.” Singit naman ni Tonet
sa mahinang boses.
“Kung makahalik parang lalamunin ka nang buo.” Sabi pa ni
Angela na tinawanan naman nila.
Napalingon ako sa gawi kung saan nakaupo sila Amber,
nakaharap ito nang upo sa amin. Kausap pa nito ang waiter siguro kumukuha nang
order. Nang mapansin nito na nakatingin ako sa kanya ay binigyan ako nito isang
ngiti. Alam ko ang ibig sabihin ng ngiting iyon dahil yon din ang ginamit nya
sa akin nung una kaming magkakilala.
Ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa mga taong
ngayon ay isa-isa nang pumapasok sa bar. Naalala ko ang pangako ko kay Dorwin
na magrereserve ako sa kanila nang upuan ng kasama nya kaya naman agad kong
tinext sya at tinanong kung anong oras sila darating.
Ibinalik namin ang usapan sa nalalapit na birthday nang
mommy ni Rome. Tinawagan naman agad ni Tonet si Rome para i-confirm na darating
kami. May maganda raw itong balita sa amin kaya dapat kompleto kami. Excited
silang lahat na muling makita ang dalawa naming kaibigan na mula nang makaalis
papunta nang isla ay hindi pa namin nakikita. Mag dadalawang lingo narin itong
hindi nagpapakita sa amin ni hindi pa ito nakakadalaw sa bar.
Nang medyo marami na ang tao ay tinatawag ko ang waiter
para lagyan nang reservation sign ang lamesa sa bandang kaliwa nang bar. Doon
sa medyo malapit sa isang speaker para kay Dorwin at sa kausap nya. Yon lang
kasi ang nakikita kong magandang pwesto para sa mga ito.
Mga ilang minuto pa ang nakalipas ng dumating sina Dorwin
at ang kasama nito. Matangkad na lalaki ito, maputi rin at maganda ang
pangangatawan. Hindi ko alam kong tama ang nakita ko nang buksan nito ang
pintuan at masinagan sila nang ilaw na nagmumula sa labas parang kagagaling
lang nila sa iyakan o baka rin namamalikmata lang ako.
Agad na lumapit si Dorwin sa amin.
“Hey, Musta guys?” Magiliw nitong pagbati sa amin.
“Oi, Attorney!” Bati ni Carlo rito.
“Kumusta Dorwin, Sino yang kasama mo?” Sabat naman ni
Tonet na nakatingin sa kasama nitong lalake.
“My colleague Niel.” Pagpapakilala nito sa amin. “Niel,
meet the owners of seventh bar. Tonet, her boyfriend Carlo, Mina, her partner
Chad, Angela and Red. These people are Ace’s best of friends. Im sure naaalala
mo pa si Ace right?” Nakipag kamayan ito sa amin.
“Who wouldn’t. Sya yung tahimik di ba, Kamusta na pala
sya?” Tugon nito sa huling sinabi ni Dorwin.
“His fine.” Matipid na sabi ni Dorwin. “Ang dami namang
tao ngayon.” Pagiiba nito nang usapan.
“May ni-reserved na akong lamesa para sa inyo hindi ka
kasi nag reply kong ilan kayong magiinuman kaya naman pinili ko ang kasya ang
apat na tao.” Wika ko rito na nakangiti.
“Salamat. Nga pala, may dala akong pagkain baka hindi pa
kayo kumakain.”
“Hindi pa nga. Pero paalis na din kasi kami, eh. Si Red
ang magbabantay ngayon meron kasi kaming pupuntahan bukas.” Tugon ni Antonet
rito.
“Kami rin, kailangan naming umuwi nang maaga ngayon. Kita
kits nalang tayo sa Saturday.” Si Mina.
“Bakit? May lakad kayo besh?” Tanong ni Angela rito na
may pagtataka.
“Mating season namin besh.” At humagikhik ito habang
nakapulupot ang kamay nito sa braso ni Chad. Natawa si Dorwin pati ang kasama
nito sa kalokohan ni Mina.
“Kaloka!” Sabay na komento nina Angela at Tonet.
“Kayo talaga.” Ang nasabi nalang ni Dorwin na ngingiti
ngiti parin.
“Sige na. Magsilayas na kayo nang matahimik ang buhay
ko.” Pabiro kong pagtataboy sa kanila. “Ikaw Angela, Sasabay ka bas a kanila?
“Naman! May date ako bukas.” Excited na sabi nito. “Red,
Don’t flirt with that woman okey? Hindi ko sya gusto.” Dagdag pang sabi nito
nang makatayo na.
“She’s a flirt.” Pagsangayon pa ni Mina.
“Wag mong bigyan ng discount ang babaeng yan.” Sabat
naman ni Tonet.
Natawa ako sa mga pinagsasasabi nila. Halatang ayaw na
ayaw nila kay Amber ako man ay hindi ko gusto ang ugali nang babaeng yon. Kung
hindi lang ako nalasing nung gabing magkakilala kami hindi ito makaka score sa
akin.
“Yes mga boss!” Ang sagot ko nalang sa kanila para di na
mangulit pa.
“Attorney mauna na kami sa inyo.” Pagpapaalam ni Carlo.
“It was nice meeting you pare.” At muli itong nakipagkamayan sa kasama ni
Dorwin na sinundan din nila Chad at nang iba pa.
Inihatid ko sila sa kanikanilang sasakyan at nang
makaalis na ang mga ito ay pumasok na ako sa bar. Dumiretso ako sa may bar
counter ang paborito kong spot sa bar um-order na rin ako nang blue frog na
parobito kong inumin.
Mga ilang oras din ang lumipas at nandoon parin ang grupo
nila Amber. Busy ang mga ito sa tawanan at harutan. Si Dorwin naman at ang
kasama nito ay tahimik lang na umiinum nang lingunin ko ang mesa nang dalawa ay
nakita kong parehong malalakas na alak ang iniinum nila. Gusto bang mag lasing
nang dalawang yon? Ang nasabi ko nalang sa aking isip nang makita na johny
walker ang tinitira nang mga ito.
Ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa aking iniinum.
Nagiisip isip kung paano ko haharapin si Ace sa nalalapit naming pagkikita.
Alam kong hindi magiging madali ito para sa akin pero handa na rin ako. Tanggap
ko na walang patutunguhan ang pagmamahal ko kay Ace. Bakit ganito sa tuwing
nakakainum ako si Ace parin ang tumatakbo sa isipan ko?
Nasa ganun akong pagiisip nang may kumalabit sa akin mula
sa likod. Agad akong napalingon sa gawi nito upang tingnan ang taong sumira sa
pagmomoment ko.
“Ang lalim naman nang iniisip mo.” Sabi nito sa akin nang
linungin ko sya. Hindi ko sya sinagot ibinalik ko ang aking tingin sa basong
may kalahati pang laman ng alak.
“Ang yayaman pala nang mga kaibigan mo dito sa probinsya.
Kaya pala di na kita nakikita sa mga paborito nyong bars sa Manila dito kana
pala naglalagi.” Pagsisimula nito nang usapan namin, hindi naman ito nabigo
dahil sumagot ako.
“Hindi ka nila gusto.” May diin kong sabi rito.
“Okey lang hindi ko rin naman sila gusto. Mayayabang ang
mga kaibigan mo.” Halatang napikon ito sa sinabi ko.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at binigyan nang isang
nakakainsultong ngiti.
“Mayabang? I don’t find them mayabang. Totoo silang mga
tao kesa sa’yo.”
“Tsk. Tsk. Tsk. Red dear, I pity you dahil talagang
nag-iba ka na. Imagine the campus crush nakikipag-kaibigan sa mga probinsiyano?
Pero astig ka pa rin dahil mukha silang mayayaman huh.”
Natawa ako sa sinabi niya.
“Thank you for noticing that. As a matter of fact,
pinilit kong magbago dahil gusto kong kalimutan ang mga masasamang bagay na
nangyari sa akin noon including you.”
“Including me?” Natawa ito. “You’re in love with me.”
“I was never in loved with you. I used you to fulfill my
sexual needs. Yun lang and yeah before I forgot I was still the crush ng bayan
here. Look at them.” Sabay tingin sa grupo nang mga kababaihan na ngayon ay
kumakaway sa akin. Kinawayan ko rin sila.
“Flirt!” Inis na sabi ni Amber.
“Naku, so totoo pala.” Bawi ko.
“Ang alin?”
“Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw.” Sabi ko
rito na nilakipan ko nang nang-uuyam na tawa.
“Fuck you Red!” Mas lalong inis na wika nito.
“Oh really? As far as I can remember, I’m the one who
screwed you hard and you begged me not to stop. You moan like a whore.” At
ginaya ko ang ginawa niyang paghalinghing noon.
Kita ang pamumula nang mukha nito dahil sa tinamasang
kahihiyan sa akin. Pero hindi pa rin ito sumusuko.
“Nice mimic! Do you want to hear those again?” Sabi nito
na may halong pang-aakit sa tinig. Lumapit pa ito at unti-unting idinidikit ang
hinaharap sa akin.
Kinuha ko ang kamay nito at agad na ipinatong sa aking
pagkalalaki. Nagulat ito nang bahagya ngunit nung makabawi na ay agad
napangiti.
“Looks like you’re getting a boner here mister.”
Natawa ako. “That’s not a boner bitch. Hindi na nga ako
tinitigasan sa iyo eh.”
Dahil sa sinabi ko at pagkapahiya for the 9th time ay
kinapa niya ulit yung ari ko and true enough dahil bakas dito ang pagkadismaya.
Akma niyang binubuksan ang zipper ko para ilabas sana ang
pagkalalaki ko pero pinigilan ko ito.
“Huwag mo masyadong pababain pa ang pagtingin ko sa’yo
Amber. You can never play the same game on me, I’ve mastered it already.”
Tumawa ito nang pagak bago nagsalita.
“Same old Red. Arogante ka parin at masakit magsalita
kaya walang tumatagal na relasyon sayo. But that’s what i like you.” Na pilit
na binabawi ang pagkapahiya sa akin.
“Go flirt with somebody else Amber.” Malamig kong tugon
rito. “Hindi na aandar yan sa akin ang paglalandi mo.” Sabay bigay ng
nakakainsultong ngiti.
Alam kong napahiya na naman ito sa sinabi ko kaya naman
mula sa ngiti ay gumuhit ang galit sa
mukha nito. Muli akong nagsalita.
“Wag kang magkakamaling mag-eskandalo rito gaya nang
ginagawa mo sa Manila dahil hindi ako mangingiming hilain ka palabas.” Pagbabanta
ko sa kanya.
Si Amber ang klase nang babae na nagwawala kung hindi
nito nakukuha ang gusto nya. Gustong gusto nito ang makakuha nang pansin at
kaawaan sya nang mga tao. Ito ang taktikang ginagamit nito kung pinagtataguan
na sya nang mga lalaking alam na kung ano ang mudos nya.
“Get a life gold-digger di ka mananalo kung sa trash talk
lang sanay ako sa mga online game.” Sabay tawa nang nakakagago.
Wala na itong nagawa pa kundi bumalik sa upuan nila nang
mga kaibigan niya na luhaan. Napailing na lang ako sa nangyari. Ipinagpatuloy
ko na lang ang pag-inom mag-isa.
Habang papalalim ang gabi ay unti unti na ring
nababawasan ang mga tao sa loob nang bar. Naparami na rin ako nang shot kaya
medyo groggy na rin ako. May kumalabit
ulit sa akin at inisip kong si Amber yon.
“Di ka ba nakakaintindi?” Ang sabi ko sabay lingon sa
kanya. Napahiya naman ako nang makita si Dorwin na halatang lasing na at
nakakunot ang noo.
“Sorry akala ko kasi yung isang costumer.” Pagpapaumanhin
ko rito. “Lasing kana?”
“Doon ka nalang sa table namin. It’s sad seeing you
alone.” Sabi nito sa akin.
“Lasing ka na nga. Kung ano-anu na pinagsasasabi mo.”
Nakangiting wika ko sa kanya.
“Hindi pa ako laseng noh. Sige na doon ka nalang sa table
namin.” Pamimilit nito sa akin.
“Nakakahiya sa kasama mo. Dito nalang ako.” Pagtanggi ko
sa kanya.
“Hindi yan.” Sabay hatak nito sa akin.
Ewan ko kung matatawa o maiinis ako kay Dorwin. Hindi ako
sanay na umaarteng parang bata ang gagong to. Wala na akong nagawa kung hindi
ang hayaan nalang sya sa paghatak sa akin papunta sa lamesa nila.
“Red si Niel.” Pagpapakilala ulit nito sa kasama nya.
Nakalimutan ata nito na ipinakilala na nya ito sa amin kanina lang.
“Nice to meet you pare. Maupo ka.” Sabi naman nito.
“Matagal na ba itong bar nyo.? Dagdag wika nito.
“Hindi, kamakailan lang.”
“Ano ba ang kursong tinapos mo?”
“EE ako pare. Kaw ba?”
“Kapareho mo pala nang kurso si Dave. Nag law ako dati
pero tumigil din. Pumunta kasi kami nang Canada nang pamilya ko. Ngayon isa na
akong dentist.” Nakangiti nitong sabi.
“Nice, Kababalik mo lang?”
“Yep, Kahapon lang.”
“Red was my savior. Sya ang naglilinis sa magulong
nakaraan ko.” Sabat ni Dorwin sa amin.
Kita kong biglang nangunot ang mukha nang kasama nya.
“What do you mean? Ikaw ang sinasabi nyang nakatira sa
kanya?” Wika nito na parang hindi naniniwala.
Imbes na ako ang dapat sumagot ay si Dorwin ang sumagot
para sa akin.
“Yep! Sa akin sya nakatira at magkatabi kaming matulog.”
Magiliw nitong sabi.
Nahiya man ay hindi ako nakapag react parang kakaiba
nanaman ang ipinapakita ni Dorwin na ugali. Ewan ko kung dala lang ito nang
tama nang nainum nya o kung may gusto syang iparating. Isip bata Pabulong kong
sabi.
Kita ko na biglang lumungkot ang mga mata nang kausap nya,
pero bigla rin itong nawala na animoy dumaan lang na parang hangin.
“That’s good. Atleast may kasama ka ngayon at di ka
nagiisa.” Ang wika nito.
“Sinabi mo pa!” Sabay tawa nito nang nakakagago.
Nawewerduhan man ako sa inaasta ni Dorwin ngayon ay
parang may nahuhulaan na ako, hindi nga lang ako ganun ka sigurado kong tama ba
ang hula ko. Itinuloy namin ang inuman na walang namamagitang usapan aming
tatlo. Ang weird dahil akala ko magkaibigan sila pero bakit parang may di
makitang pader sa pagitan nilang dalawa. Sunod sunod ang paginum ni Dorwin
habang si Niel naman kita sa kanyang mga mata na gusto nya itong pigilan pero
hindi nya magawa napapabuntong hininga nalang ito.
Ako na mismo ang pumigil sa ginawang soft drink na
paginum nito sa alak.
“Magmamaneho kapa pauwi. Tama na yan.”
“Oh c’mon di pa ako laseng noh! Kayang kaya ko pang
magmaneho.” Sabay laklak nito sa natitirang laman nang shot glass nya. “Waiter!
two more johny walker.”
“Dorbs, kala ko ba naiintindihan mo ako.” Biglang sambit ni
Niel.
“Sobra kitang naiintindihan kaya nga naglalasing tayo di
ba, to celebrate sa pagbabalik mo.” Sarkastikong sagot nito rito.
Hindi na ito nakasagot pa. Dumating ang waiter at
ilinapag nito ang dalawang glass nang alak. Napapailing nalang ang kasama nito.
Nagpaalam naman si Dorwin na pupunta muna sya nang CR. Halos susuray suray na
ito at di na makapag lakad nang tuwid.
“Alex, Last na yan, ah. Wag mo na syang bigyan ng alak.”
Utos ko sa waiter namin.
“Sige po sir.”
“Salamat pare.” Biglang sabi ni Niel sa akin. “Alam kong
babarahin lang ako nun kung ako ang pipigil sa kanya.” Malungkot nitong sabi.
“Wala yon. Kaibigan ko rin naman sya, eh.” Gusto ko na
sanang itanong kung ano ang problema pero nahihiya ako baka sabihin pa nitong
pakialamero ako.
Nakabalik na si Dorwin at halata na rito na hindi na nito
kayang magmaneho pa. Si Niel naman ay may dala ring sasakyan at hindi pa rin
daw nya alam ang bagong bahay ni Dorwin dahil matagal na panahon na silang
hindi nagkikita. Wala akong choice kung hindi ang ihatid nalang muna ito sa
bahay nya saka babalik sa bar.
Sinabihan ko ang isa sa all around waiter namin na sya
nalang muna ang humawak nang kaha. Si Niel ang nagbayad ng lahat nang ininum
nila ni Dorwin.Kinuha ko muna lahat nang laman nang kaha bago ako umalis.
Sinabi ko rin na paghindi na ako makabalik ay dalhin nalang muna ang pera na
makukuha nya sa mga natitirang costumer at sila na rin ang magsara.
Mapapagkatiwalaan naman si Alex kaya kampante ako sa kanya.
Wala nang lakas pa si Dorwin na tumayo sa sobrang
kalasingan kaya naman inalalayan nalang namin sya. Tinulungan ako ni Niel na
maisakay si Dorwins a kotse nito. Napatingin naman ang mga taong nasa loob ng
bar kasama na rin ang grupo ni Amber.
“Pare, Ikaw na ang bahala sa kanya tatawagan ko nalang
sya bukas.”
“Okey, Ingat sa pagmamaneho.” Tugon ko rito at pinasibad
na ang sasakyan. Kita ko sa side mirror na nakatingin pa ito sa amin habang
papalayo.
Nang makarating kami nang bahay nya ay mahimbing na ang
tulog nito sa loob ng sasakyan. Agad akong bumaba para pagbuksan ang gate at
ipasok ang kotse sa loob. Malaking tao si Dorwin hindi ko kakayaning buhatin
sya mula sa labas ng gate nang bahay nya. Binuksan ko muna ang pintuan ng bahay
bago ko sya binuhat.
“Ang bigat mong damulag ka!” Ang pasigaw kung sabi para
makaipon nang sapat na lakas na buhatin sya. Ngayon ko lang nakita na parang
lantang gulay sa kalasingan si Dorwin. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang
lakas para mabuhat sya papunta sa kanyang kama na nasa ikalawang palabag.
Tinanggal ko ang kanyang sapatos at medyas. Isinunod ko
ang kanyang damit at nang isusunod ko na ang kanyang pantalon napansin ko na
basa ito. Natawa ako, siguro na basa ito nang mag banyo sya kanina sa sobrang
kalasingan pati ang brief nito ay basing basa rin. Kumuha ako nang kumot at
kinumutan ang ibabang parte nang katawan nya bago ko tanggalin ang brief nito
na balak kong palitan dahil sa panghi.
Napapailing kong tinungo ang lalagyan nang labahan.
“Susuka ako.” Ang narinig kong sabi nito.
Dali dali akong pumunta sa kanya.
“Sandali! Wag muna, baka masukahan mo ang kama.” Ang
nagpapanic kong sabi rito. Patakbo akong bumaba para kumuha nang palanggana.
Nang makabalik ako sa kwarto nya kita kong naduduwal na ito. Anak ng!! sabi ko
sa aking sarili at mabilisang ini upo ito sa kama at itinapat ang palanggana sa
kanyang muka.
Pagkatapos kong maligpit ang kalat ni Dorwin ay tinawagan
ko si Alex na hindi na ako makakabalik. Hindi ko pweding iwan si Dorwin na
ganito at baka magsuka pa sya ulit. Kumuha ako nang malamig na tubig at bimpo
para punasan ang mukha at katawan nito na ngayon ay pawis na pawis.
“Hindi mo nagawang ipaglaban ang relasyon natin!” Ang
sabi nito na parang nag dedeliryo. Napatingin ako sa mukha nya at nakita ko ang
mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.
“Wala kang kwentang tao! Bakit kapa nagbalik?” Sabi nito
habang humihikbi.
Nakaramdam ako nang awa para sa kanya. Muling nanariwa sa
akin ang alaala nang malasing din si Ace dahil sa panloloko sa kanya ni Rome.
Parang nauulit nanaman ang lahat ng mga nang yari.
“Kung kelan natutunan ko nang mabuhay ng wala ka.” Ang
paulit ulit nitong sinasabi sa likod nang kanyang paghikbi. Hindi ko alam kung
si Niel ba ang kanyang tinutukoy.
Hinaplos ko ang kanyang mukha at pinahid ko ang mga
luhang parang ilog na umaagos. Pareho pala sila ni Ace kung umiyak. Ang nasabi
ko nang pabulong.
“Shhhhh.. Tama na tulog kana magiging okey din yan
bukas.”
Habang tinitingnan sya na mahimbing na natutulog hindi ko
maiwasang hawakan ang kanyang maamong mukha. Hindi ko alam kong gaano kabigat
yang dinadala mo pero papasayahin kita katulad ng pagpapasaya ko sa pinsan mo
makabawi lang sa mga atrasong na gawa ko sayo. Pabulong kong sabi rito.
Naligo ako at nagpalit ng pantulog bago tumabi sa kanya sa
kama. Muli nanaman itong naka dantay sa kanyang paboritong hot dog pillow.
Dahan dahan kong tinanggal ito at iniunan sya sa aking balikat napayakap sya sa
akin.
_____________________
Kinabukasan nagising ako sa isang sunod sunod na Door
bell. Tingnan ko si Dorwin na mahimbing pa rin ang tulog na nakayakap sa akin.
Napangiti ako sa hitchura naming dalawa. Tumingin ako sa wall clock nya mag
aalas dyes na pala nang umaga. Dahan dahan akong tumayo para pagbuksan ang taong kung makapag door bell parang wagas
lang.
Nang pagbuksan ko ang pinto.
“Ang tagal mo naman! Ang init init dito sa labas!” Nan
laki ang mata nito nang mapagtantong hindi ang inaasahan nyang tao ang bubungad
sa kanya.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment