By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com
“Mahal, alis na ako.” Ang sabi nito sabay halik sa akin.
“Bakit ang init mo? May sakit ka ba?” Dagdag wika pa nito bakas ang pagaalala.
“Hindi ko alam mahal, Nilalamig ako eh. Masama na talaga
pakiramdam ko kagabi pa nung umuwi tayo galing sa bahay ng lola mo akala ko
hangover lang nung birthday nang inaanak natin.”
“Teka, tawagan ko si Lor di ako papasok.”
Agad nga nitong tinawagan ang kanyang sekretarya.
“Lor, please cancel all my meetings today may sakit si
Red.” Ang rinig kong pakikipagusap nito sa kanyang sekretarya habang may
hinahanap na kung ano sa Cabinet. “Yes I know, thank you Lor.”
“Mahal, di mo naman kailangang mag absent gamot lang ang
katapat nito magiging okey din ako.” Sabi ko sa kanya na pilit ginagawang
normal ang aking boses.
Sumampa ito sa kama at may inilagay sa aking bibig.
Thermometer pala ang hinahanap nito kanina.
“Okey lang yan, di rin naman ako makakapag trabaho nang
mabuti kahit pumasok ako sa pagaalala sayo.” Malambing nitong wika na sinamahan
pa nang paghagod nito nang aking mukha.
“Ang taas ng lagnat mo mahal, punta na tayo hospital.”
Natawa ako sa reaksyon nito. Mabilis kasing magpanic si
Dorwin tuwing magkakasakit ako kahit normal lang na lagnat ay gusto agad nitong
ipasok ako sa hospital.
“Ikaw talaga, simpleng lagnat lang to.” Ang
pangungumbinsi ko sa kanya na sinamahan ko pa nang ngiti.
Kahit na masama ang pakiramdam ko ay tuwang-tuwa parin
ako sa ipinapakita nitong pagaalala sa akin. Ilang taon na rin ang nakakalipas
nang muli kung bigyan ng pagkakataon ang aming relasyon at masaya ako na hindi
ako nagkamali sa aking naging desisyon. Napaka lambing ni Dorwin at sobrang
maalaga nito talo pa ako.
“Nakukuha mo pang ngumiti dyan may sakit ka na nga eh.
Teka kuha lang ako nang gamot sa baba.”
Tango ang isinagot ko rito. Hindi ko namalayan na
nakaidlip na pala ako sa paghihintay sa kanya.
“Mahal?” Ang mahina nitong pagising sa akin.
Nang maimulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang
nakangiting si Dorwin, may dala itong mangkok na may lamang noddles.
“Pinagluto kita nang noddles para may laman ang tyan mo
bago ka uminum ng gamot at para na din pagpawisan ka.”
Dahan-dahan ako nitong pinasadal sa headboard ng kama at
sinubuan ng sabaw. Nakakatuwa itong tingnan habang hinihipan ang laman nang
kutsara.
“Sana pala araw-araw akong may sakit para lagi mo akong
susubuan.” Ang nakangiti kong sabi sa kanya.
“Asus, kahit naman wala kang sakit pwedi kitang subuan
eh.”
“Talaga? Promise mo yan?”
“Promise! Oh sige inum kana nang gamot para
makapagpahinga ka na ulit.”
“Tatabihan mo ako?” Paglalambing ko sa kanya. Tumango
naman ito sa akin.
“I love you Damulag.”
“I love you more maharot.” Sabay kaming humagikhik.
Sa loob nang apat na taon ay naging masaya ako sa
pigiling ni Dorwin. Hindi ko masasabing perpekto ang aming relasyon dahil nan
dyan ang paminsan-minsan naming pagaaway sa mga konteng bagay na dahilan para
mas lalo pa naming mahalin ang isa’t isa. Nang muli itong bumalik sa buhay ko
ay doon ko nakita kung papaano mag mahal ang isang Dorwin Nevira. Napakaalaga nito mula sa paghahanda nito nang
mga isusuot ko hanggang sa paglalaba nito. Oo, sya na ngayon ang naglalaba nang
mga damit namin at ako naman ang naka toka sa paglilinis ng buong bahay.
Naging masaya at makulay ang aming relasyon, sobra pa sa
inaasahan kong kaya nyang maibigay. Hindi ako nagkamali nang taong mamahalin
dahil na kay Dorwin lahat nang katangian na hinahanap ko noon sa mga babae ko.
Moody, makwela, at maparaan yan ang Dorwin ko.
Nagising ako mga alasingko na tadtad ng pawis ang aming
bedsheet. Nakatulong ang gamot na ibinigay sa akin ni Dorwin para humupa ang
lagnat ko. Agad ko syang hinanap sa aking tabi ngunit wala na ito. Pumasok ako
sa banyo para tingnan kung may iniwan itong note sa akin ngunit wala rin. Nang
matapos makapaghilamos at makapagpalit ng damit ay bumaba na ako. Doon ko
naabutan ang mga kaibigan nito na abala sa panunuod ng t.v.
“Pare, buti at gising ka na.” Bungad ni Niel nang
mapansin ako nitong pababa nang hagdan.
Nakapag patawaran na si Niel at Dorwin bago pa man kami
magkabalikan noon. Sabi nito sa akin ay sapat na raw ang nakita nyang pagbabago
kay Niel para patawarin nya ito sa naging kasalanan nito sa kanya. Hindi ko man
alam ang buong detalye ay may tiwala ako sa sinabi ni Dorwin na ako nalang ang
mahal nya ngayon at magkaibigan nalang sila ni Niel.
“Oi, mga pare napadalaw kayo?” Bati ko sa mga ito.
“Wala lang, napadaan lang kami aayain ka sana namang mag
basketball kaso sabi nang asawa mo may sakit ka raw.” Tugon naman ni Brian.
“Wala kayong mga trabaho?” Pagbibiro ko sa kanila.
“Leave ako ngayon manganganak na si Misis.” Si Chuckie
“Kanina pa tapos ang trabaho ko.” Sabi naman ni Brian.
“Pinilit lang nila akong sumama.” Natatawa namang sabi ni
Niel
Nagpalinga-linga ako hindi ko kasi makita si Dorwin.
“Wag mo nang hanapin wala dito, nagpunta nang grocery
store bibisita daw mamaya ang byenan mo.” Buska ni Brian sa akin.
“Magaling ka na?” Tanong ni Chuckie.
“Yup, magaling magalaga ang asawa ko eh.” Nakangiti kong
sagot sa kanya.
“How sweet!!” Pangaasar naman ni Brian na ikinatawa naman
ng dalawa.
“Maganda yan pwedi na tayong makapaglaro tutal maaga pa
naman.” Pamimilit ni Chuckie atat talaga itong makapag laro.
“Tama, para pagpawisan kapa.” Sangayon naman ni Niel.
“Sige, tawagan ko lang si Damulag at palit lang ako nang
damit.” Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumangayon. Matagal-tagal na
rin kasi nang huli kaming makapag basketball nitong mga kumag na to.
Tinawagan ko si Dorwin para makapagpaalam. Nung una ay
ayaw nitong pumayag dahil kagagaling ko palang daw sa sakit pero nakumbinsi
naman ito ni Niel at ng dalawa. Agad akong nagpalit nang damit at short na pang
bastketball na uniform ko noong college.
Two on two ang naging laro namin. Simula noong
makahiligan naming magbasketball ng mga kaibigan ni Dorwin lagi na kami ni Niel
ang magkateam dahilan para pareho kaming mapanatag sa isa’t isa. Sa apat na
beses naming paglalaro ay hindi pa nanalo ang dalawa sa amin ngunit hindi
maikakailang magagaling rin ang mga ito.
Nang matapos kami ay agad na akong umuwi para tulungang
maghanda si Dorwin sa pagdating ng papa nito na sa tuwing walang masyadong
trabaho ay bumibisita sa amin para kami ay kumustahin.
“Kamusta ang paglalaro mahal?” Bungad nito sa akin.
“No match.” Ang mayabang kong sabi sabay bigay nang halik
sa kanyang pisngi.
“Ang yabang mo. Palit ka muna nang damit pero wag kang
maliligo mag alcohol kalang baka balikan ka nang lagnat mo.” Malambing nitong
utos sa akin.
“Pwedi punasan mo katawan ko mahal? Ayaw ko kasi sa
alcohol eh.” Paglalambing ko sa kanya na sinamahan ko pa nang paghalik-halik sa
kanyang batok habang nakayakap mula sa kanyang likuran.
Humarap ito sa akin.
“Naglalambing ang maharot, oh sige mauna kana sa taas
tapusin ko lang tong ginagawa ko.” Nakangiti nitong wika sa akin.
Parang bata naman akong sumunod sa kanya at tinungo ang
aming kwarto. Walang anu-ano kong hinubad lahat ng aking saplot at hinintay ang
pagakyat ni Dorwin.
“Aba, seryoso ka sa sinabi mong punasan kita?”
Humahagikhik nitong sabi nang makapasok ito sa aming silid.
Ngumiti naman ako rito nang ubod nang tamis saka tumango
na parang bata na dahilan para mas lalo itong mapahagikhik.
“May iniisip kang masama noh?” Panunudyo nito sa akin.
Bahagya akong umiling at namula.
“Asus! Teka, kuha lang ako nang bimpo at palanggana. Mag
kumot ka muna baka magkasakit ka nanaman ulit.”
May katapusan rin pala ang kamalasan sa buhay. Tulad ko,
puro mapapait ang naging simula ko noon nung hindi pa kami nagkakakilala ni
Dorwin, pero nang dumating ito sa buhay ko ay talo ko pa ang nanalo sa loto.
Nang makabalik ito ay dala-dala na nito ang mga gagamitin
nya. Humiga ako patihaya sa kama para agad na nya itong simulan. Di pa man
dumadampi sa aking katawan ang bimbo ay may kung anu-ano nang kapilyohan ang
tumatakbo sa isip ko kaya naman agad na tumayo si junjun.
Napatawa nang malakas si Dorwin.
“Sabi ko na nga ba may binabalak ka nanaman eh.” Halos
maluha-luha na ito sa kakatawa.
“Sabi ko naman sayo. Ikaw lang ang dahilan nang bawat
pagtigas nito.” Nakangisi ko namang sabi sa kanya sabay kabig nang batok nito
para bigyan sya nang halik.
Hindi pa man nagtatagal ang halikan namin nang marinig
namin ang tunog nang door beel. Agad na
humiwalay si Dorwin at tumayo.
“Si Papa na yan saglit pagbukasan ko lang.” At mabilis na
itong bumaba.
Bad timing. Nasabi ko nalang sa aking sarili saka tinungo
ang banyo para mag half bath gusto kong presentable ako sa mga mata nang papa
ni Dorwin.
Nakakatuwa lang minsan dahil para ring babae ang
karelasyon ko. Minsan hindi ko na naiisip na pareho kaming lalake ni Dorwin.
Kahit sa mall ay napakalambing namin wala akong rason para ikahiya sya sa harap
ng maraming tao sapagkat hindi naman importante sa akin ang sasabihin nila at
hindi ang tipo ni Dorwin ang dapat ikahiya.
“Magaling kana ba anak?” Ang wika nang papa nito nang
makababa ako nang kwarto at makapagbihis na.
“Okey na po, magaling magalaga itong anak nyo eh at
nakapag papawis na rin po ako kanina.” Nakangiti kong tugon rito.
“Asus! Baka naman kung anong pagpapapawis ang ginawa
nyo.” Nanunudyo namang banat ng kambal nito.
“Dave.”
“Nagbibiro lang naman. Si papa talaga sobrang sensitive.”
“Ikaw, ang utak mo puro kahalayan ang laman.” Pangaalaska
naman ni Dorwin sa kapatid nya.
“Nag salita ang hindi mahalay. Kambal kaya tayo kaya
pareho lang tayong mahalay.” Sabay tawa nito nang nakakagago na ikinatawa narin
namin nang papa nila.
“Ah ganun? Sandali lang.” Sabay kuha nito nang kanyang
tsenilas at akmang ihahampas na sa kanyang kambal nang magtago ito sa likuran
ng kanilang ama.
“Papa oh si Dorwin nanakit nanaman.”
“Kayong dalawa puro kayo kalokohan. Oh sya, tara na sa
hapag nang makapag hapunan na tayo.” Napapailing nalang ang papa nila sa
kalokohan nang dalawa pero bakas sa mukha nito ang pagkagiliw sa mga anak.
Tinungo na nga namin ang hapag para makapagsimula nang
kumain.
“Red anak, Kinukumusta ka pala nang mama mo at ng mga
kapatid mo. Dumaan ako nung isang araw sa bagong grocery store nyo.”
Pagsisimula nito nang usapan.
“Naka schedule na po kami ni Dorwin na dumalaw next week
pa. Medyo naging busy lang po kami this week kasi birthday nang inaanak namin
kaya di kami nakapunta.”
Papa na rin ang gusto nitong tawag ko sa kanya tutal
naman daw ay itinuturing na nya akong myembro nang kanilang pamilya. Nung una
ay medyo naasiwa ako at medyo nahihiya ngunit habang tumatagal at sa kakatama
nito sa akin ay nahiya na rin akong magkamali kaya nakasanayan ko na.
“Inform me next week kung anong oras kayo pupunta sasama
ako.” Ang nakangiti nitong sabi.
“Sure pa.” Sagot ko naman rito.
“Ako rin sasama ako. Wala akong gagawin next week.” Sabat
naman ni Dave.
“Himala! Bakit, hiniwalayan mo na ba ang syota mong
malandi?” Tugon naman ni Dorwin.
“Yep! Sabi mo hiwalayan ko eh.” Nakangiti nitong tugon sa
kapatid.
“Good! Buti naman at naniwala ka sa akin. Grabe yung
babae na yon pati sa asawa ko lumalandi, pasalamat sya napigilan ko sina Mina
kung hindi naku!”
“Ayon na nga hiniwalayan ko na relax na baka ma stroke
ka.” Pangaasar nito sa kapatid.
Dito ako bilib sa kanilang dalawa. Kahit sobra kung
magasaran ang magkambal na ito ay iba pa rin ang closeness nila. Magkapareho
man ang edad ay parang si Dorwin ang nakakatanda dahil kung ano ang sabihin
nito ay sinusunod agad ni Dave.
“At ikaw naman Mr. Sanoria.” Ang baling sa akin ni
Dorwin.
“Wala akong kasalanan ah, nagexplain na ako.” Depensa ko
agad sa sarili ko na ikinatawa nang papa nito.
“Hangad ko lang na lagi kayong masaya dahil pareho ko na
kayong mahal.” Ang madamdamin nitong sabi. “Ikaw naman Dave pagsabihan mo ang
mga babae mo na huwag lumandi sa iba.” Pangangaral pa nito.
“Hindi ko naman alam na nakikipaglandian pala sa iba yung
babaeng yon. Hanap nalang kaya ako nang kapareho ni Dorbs wag lang sa ugali at
baka sa hospital ako pulutin.” Wika nito.
Hindi ko alam kung nagbibiro ito o kung ano basta ang
masasabi ko lang lihim akong natawa sa tinuran nya. Ang papa naman nito ay
napapailing nalang sa kalokohan ni Dave pero hindi ito nag bigay nang komento.
Naging masaya ang hapunan namin kasama ang ama at kambal
nang asawa ko. Marami pa kaming napagkwentohan at marami pang kalokohan ang
sinabi ni Dave.
“Alam mo mahal napaka swerte ko sayo.” Ang naglalambing
kong sabi habang kumukuha ito nang damit sa cabinet.
Tumabi ito sa akin sa kama.
“Bakit naman?” Nakangiti nitong sabi kita sa mga mata
nito ang tuwa sa naraning.
“Kasi, simula nang magkabalikan tayo naging maganda na
ang takbo nang buhay ko. Naging successful ang itinayo kong grocery’s store
para kay mama at ngayon malapit ko nang mapagtapos si Marky ng college.”
“Dahil mabait kang anak at kapatid kaya mo nagawa ang
lahat ng iyon. Kung may naitulong man ako sayo yon ay ang gabayan ka sa mga
desisyon mo tulad ng ginagawa mo sa akin.”
“Pero ikaw parin ang lucky charm ko.” Pamimilit ko pa
rito.
“Oh sige ako ang lucky charm mo at ikaw naman ang only
one ko.”
Natuwa ako sa sinabi nito dahilan para halikan ko sya at
iparamdam ko sa kanya kung gaano ako nagpapasalamat na minahal nya ako.
“I love you Red.” Ang wika nito nang maghiwalay ang aming
mga labi.
Imbes na sagutin iyon sa pamamagitan ng salita ay sinagot
ko ito sa gawa. Muling nag hinang ang aming mga labi at pareho naming ipinadama
kung gaano namin kamahal ang isa’t isa.
No comments:
Post a Comment