By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com
Mga 6.30 palang nasa bar na kami para sa blessing.
Sobrang busy na kami dahil marami nang tao sa loob. Mga kaibigan namin noon
nung high school at mga ka pamilaya ng barkada ko na sinusuportahan sila. Ako,
walang kapamilya na darating dahil ang mga magulang ko ay hindi mahilig sa mga
ganito. Ang mama ko ay house wife lang na takot sa asawa nya kaya hindi
makalabas ng bahay. Pagsinabi ng asawa nya na hindi pwedi hindi talaga pwedi.
Bata palang ako nung namatay ang tunay kong ama dahil sa isang shootout.
Makaraan ang dalawang taon nakapangasawa ulit ang mama ko nang isang business
man na hindi ko makasundo. May dalawa silang anak.
“Red nasan naba si Ace?” Kita ko ang pagkainis ni Tonet.
“Malamang nag lalaro pa sa computer yon.”
Nasa ganun kaming usapan ni Tonet ng dumating ang parents
ni Ace. Akala namin kasama na sya ngunit pagkababa nang mga magulang nya ng
sasakyan na dismaya kami.
“Good evening po tita, tito.” bati namin ni Tonet sa mga
ito.
“Good evening din. On the way na daw si Ace.” Ang sagot
naman ng mama nya.
“Mabuti naman po nan dyan na kasi ang pari.” Sagot naman
ni Tonet na halata sa mukha ang pagkainis kay Ace.
“Pag pasensyahan nyo na yon. Alam nyo namang mabagal
kumilos ang batang yon.” Pag papaumanhin naman ng ama nito.
“Ok lang po yon.” wika naming dalawa ni Tonet.
“Si Rome nandito naba? Sigurado na ba kayo sa gagawin nyo
mamaya?” Tanong naman ng mommy ni Ace sa amin.
Kinausap na ni Tonet at Rome ang parents ni Ace tungkol
sa gagawin naming plano para magkaayus ang dalawa. Wala naman silang tutol ang
gusto lang nila ay sumaya ulit ang anak nila. Ganun nila kamahal si Ace minsan
di ko maiwasang maingit kay Ace for having such a good parents.
“Opo tita na sa loob na po sila kasama ang parents nya.
Lets go po para makilala ninyo ang byenan ng anak nyo.” Sabay nito nang
nakakagago na sinabayan naman ng daddy ni Ace.
Mag aalas otcho na nung dumating ang hinihintay namin na
si Ace. Agad itong sinalubong ni Tonet at kita kong kinaladkad ito papasok.
Natawa ang mga nakakita dahil parang bata na kinakaladkad nya si Ace.
“Father pwedi na po nating simulan.”
Agad na ngang nagsimula ang pari na alam kong inip na
inip na rin sa kakahintay kanina pa. Nagsimulang magsitayuan ang mga tao sa
loob. Habang sinisimulan ang pagbabasbas ay linapitan ako ni Tonet at
binulungan. “Muntikan nang makita si Rome.”
Napatingin naman ako sa gawi kung saan pinaupo ni Tonet
ang mga magulang at pinsan ni Ace. “Hindi yan.” Yon nalang ang naisagot ko sa
kanya.
Nang matapos ang blessing ay isa-isang lumapit sa amin
ang iba pa naming mga kabarkada na piniling sa mga kapamilya nila tumabi habang
binibigyan ng basbas ang bagong negosyo namin.
Pagkatapos kumuha nang pagkain ang mga bisita ay kami
naman ang sumunod. Di ko alam pero habang kumakain kami ay parang bumabalik
nanaman ang bigat na pakiramdam sa akin. Siguro dahil malapit na ang pagkikita
ulit ni Ace at Rome. Tumingin ako kay Ace at kita ko sa kanya na wala syang
idea sa mga mangyayari.
Mga ilang minuto lang at tinapos na ni Tonet ang pagkain
para simulan na ang program na gagawin. Tumayo ito sa mini stage na syempre sya
ang nag decorate at sinimulang magsalita.
Habang kenukwento ni Tonet kung saan kami nagsimula ay
napapangiti kami. Kita ko rin na matamang nakikinig si Ace alam kong
binabalikan nito ang mga ala-ala namin noon. Nung panahon na masaya kami. Nung
mga panahon na hindi ko masabi sabi sa kanya ang aking lihim na pagtingin. Alam
kung tumingin sya sa amin ni Carlo na may mga ngiti sa kanyang labi. Wag kang
mag-alala Ace malapit kanang sumaya nang tuluyan. Ang sabi ko nang pabulong.
“Now, I would like to call my business partners to be
with me.” Ang narinig kong sabi ni Tonet nang matapos nito ang kwento nya. Agad
kaming tumayo at hinawakan ko si Ace sabay binulungan.
“Ready kana?”
“Saan? Sa opening? Matagal na akong ready para dito.” Ang
sagot nito sa akin. Binigyan ko lang sya nang isang ngiti. Ngiti na
nagpapahiwatig na matatapos na din ang kalungkotan nya.
Nang makarating kami sa stage ay agad na tinawag ni Tonet
ang waiter at binigyan kami ng tig-iisang shot glass. Kita ko na parang may
hinahanap si Ace siguradong nagtataka ito kung bakit walang Rome na dumating.
Kung ako kaya ang hindi magpakita hahanapin kaya nya ako? Ang naitanong ko sa
aking sarili.
“Cheers!” At itinaas ni Tonet ang shot glass nya na sinabayan
naman ng mga tao sa loob.
SInabihan kami ni Tonet na magpaiwan na sa stage para
umpisanghang aliwin ang mga bisita sa gagawin naming performance. Nang marinig
ito ni Ace nakita ko agad ang panginginig ng tuhod nya. Gusto kong matawa pero
hindi ko ginawa baka mapatay nya ako. Sa halip ay binulungan ko nalang sya.
“Ace, relax.” Sabi ko sa kanya. “Just think na rehearsal
lang ito at ang lahat ng mga ilaw na iyan at mga taong nanunuod sa atin ay
dating ikaw. Kailangan mo silang ma-overcome.”
Napatingin ito sa akin na parang humihingi nang tulong na
nagbigay sa akin ng ibayong saya. Masaya ako dahil nakikita ko na kailangan ako
ni Ace.
“Tutulungan kita.” Ang wika ko sa kanya at sinimulan kong
i-strum ang guitara.
Ginandahan ko talaga ang pag-plucking para mawala ang
kaba na nararamdaman ni Ace. Ang tunog kasi ng gitara ay nakakatulong para
mawala ang lahat ng mga alalahanin natin. Yon ang sabi ng namatay kong ama sa
akin.
Unti unting gumaan ang pagkanta ni Ace. Nakikita ko na
naeenjoy na nya ang pagkanta dahil sa nakapikit na ito na para bang ninanamnam
ang bawat mensaheng namumutawi sa mga labi nya. Ngayon alam ko na kung bakit
ikaw ang pinili ng puso ko para mahalin ko nang totoo. Sabi ko sa isip ko
habang patuloy parin sa pag i-strum.
Nang matapos ang 1st set namin. Masigabong palak-pakan
ang umalingawngaw sa buong bar. Napalingon ako kay Ace at nakita ko ang sobrang
saya sa mga mata nya sa naging reaction ng mga tao.
“More!!” Sigaw pa nila sa amin.
“Mamaya ulit guys. Set break muna, don’t worry may dalawa
pa kaming set.” Wika ko naman sa kanila.
Bumalik kami para makihalubilo sa mga bisita. Puro papuri
sa amin ni Ace ang mga sinabi nila. Yung iba hindi makapaniwala na kaya palang
kumanta ni Ace. Sobrang proud sa kanya ang mga magulang at mga pinsan nya.
“Cheers kay Ace at Red!” Ang magiliw na wika ni Tonet.
Nagsipagsunuran naman kami sa pag taas ng baso.
Napatingin ako sa gawi ni Ace kita ko ang pagtataka sa mukha nya. Napansin
naman ito ni Tonet kaya bigla syang tinanong.
“Any Problem?”
“No, actually I just saw someone and he looks familiar.”
Pareho kaming nagulat ni Tonet. Batid kong nagtaka si Ace
sa reaksyon namin pero pinili nitong manahimik. Para mawala ang pagdududa kay
Ace ay inaya ko na syang pumunta ulit sa stage para sa second set.
“Ace.” Bulong ko sa kanya habang paakyat kami nang stage.
“Ako naman ang kakanta this time.” Humarap ito sa akin at ngumiti sabay tango.
Si Ace ang humalili sa akin. Nag palit kami ng posisyon
kung kanina sya ang kumanta at ako ang nag gitara ngayon naman ako naman ang kakanta
dahil isa sa mga kanta ko ay talagang pinili ko para sa kanya. Dito ko
sasabihin lahat nang nararamdaman ko na hindi ko masabi o maipakita dahil
natatakot ako na imbes na makatulong ay madagdagan ko pa ang paghihirap ni Ace.
listen just hear me out
yes i know we agreed
when we break up we'd never give in to this need
to admit to each other
i miss you
listen just hear my cry
no i won't break my word
if i do say i miss you it would never be heard
let my heart whisper
all that it needs to
*how could you make me take a start?
then just leave me here hanging
can't even say how i'm feeling
how could you make them break my heart?
if i can't say that i miss you
let me say one last thing
#i miss him
and all the things he could do
yes/oh, i miss him
just as much as i miss you
oh, i miss him
i know you're wondering who
yes, i miss him
i miss the man i was with you
oh i would never be the same
listen just hear my voice
can you hear all the tears?
that i'm planning to hide
for the next thousand years
just as long as you know that
i love you
repeat *,#
except last line
how can a blind man find the light?
how can i find the kind of right?
how could you take away my sight?
how could you lose me in the night?
then you took away the heart in me
now i'm losing this fight
no i would never ever be the same
ooh.. ohh
oh, i miss him
and all the things he could do
yes, i miss him
just as much as i miss you
oh i miss him
i know by now you know who
yes, i miss him
i know by now you know who
i miss him
i miss the man i was with you
oh, i would never be the same
Gulat na gulat ang lahat pagkatapos nang huling kanta ko.
Pati mga kabarkada namin ay napanganga sa ginawa ko. Hindi kasi nila alam na
hilig ko rin ang pagkanta. Sawa na kasi ako na magpakita nang kalungkotan. Nung
namatay ang papa ko sobra akong nasaktan at nangulila. Kaya simula nung mag
high school ako pinilit kong ibahin ang image ko. Idinaan ko ang lahat ng
problema sa biro. Ang iba ay nayayabangan sa akin habang ang iba naman ay
napapahanga.
“Excuse me guys!” Nagsipag-tahimik naman ang mga tao sa
loob. “Since we are all enjoying the night why not ituloy-tuloy na natin ang
kasiyahan. I have a very special guest here and he’s willing to give us a song.
He’s a very close person to me. Without further ado, I would like to present
our guest, Mr. Supahman!” Ang rinig kong sabi ni Tonet na nagpabalik sa akin sa
realidad. Ito na Ace. Pabulong kong sambit.
Bigla naman akong inakbayan ni Carlo at binulungan. “Kaya
mo yan.” Napatingin nalang ako sa kanya.
Habang kumakanta si Rome sa stage. Di ko maalis ang
tingin ko kay Ace gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon nya. Kita ko
na nung nasakalagitnaan na nang kanta nya si Rome unti unting pumatak ang mga
luha sa mga mata ni Ace. Luha nang pananabik.
Matapos kumanta ni Rome dali-daling pinunasan ni Ace ang
mga luhang parang tubig na dumadaloy sa mga mata nito.
“Hi guys!” Bati nito sa amin sabay upo sa tabi ni Ace.
“Welcome back Ervin!” Bati naman ng iba sa kanya. Hindi
ko sya binati ewan ko ba kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko ako naman
ang may gusto nito.
Napalingon kami sa gawi ni Ace. Katulad ko hindi rin nya
binati si Rome.
“Welcome back Ervin.” Ang walang kuwenta nyang bati kay
Rome. Unang besis kong marinig si Ace na tinawag si Rome sa unang pangalan
nito.
“Ah eh guys, let’s toast to this! Kumpleto na tayo!” Ang
sigaw ni Tonet. Naki-ayon na rin ako.
“Can we talk?” Ang pabulong na sabi ni Rome. Walang
emosyon na tumingin si Ace dito.
“Please?” Pagsusumamo nito. Dinig namin ni Tonet ang mga
sinasabi nito dahil napapagitnaan namin sila.
“Ace ayusin na natin ito.” Di mapigilang wika ni Tonet.
“Oo nga naman Ace.” Pag-sangayon ni Carlo.
“Bakit ano ang aayusin? Okay naman tayo diba?” habang
nakatingin kay Rome na may pilit na ngiti. Kita ko ang pag buntong hininga ni
Rome.
Alam kong nag pre-pretend lang si Ace. Alam kong
pinipigilan lang nya ang sarili nya. Kami naman ay nakatingin lang sa kanila at
mataman na nakikinig.
“Let me explain.” Nag susumamong sabi pa ni Rome.
Umiling lang sya. Nagtinginan kaming magkakabarkada kita
ko sa mga mata nila na naguguluhan sila. Dahil pati ako ay naguguluhan din kong
bakit pa pinapahirapan ni Ace ang sarili nya. Alam naman namin na sabik na
sabik na syang makausap si Rome ulit.
“Ready kana?” Nabigla ako sa sinabi nya malayo kasi ang
iniisip ko.
“Hi guys! Congratulation sa bagong business nyo.” Magiliw
na nang pinsan ni Ace. Kasunod nito ang isang lalaki na maputi at matangkad.
“Hindi mo ba kami ipapakilala sa mga kasama mo insan?”
Tanong ng lalaki habang sa akin nakatingin. Nailang ako kaya ako agad ang
bumawi ng tingin.
“Ah, eh guys this is Ate Claire and Dorwin, mga pinsan
ko.” Pagpapakilala ni Ace sa kanila. Pinsan din pala to ni Ace. Sabi ko sa isip
ko.
“Dearest cousins, these are my friends Tonet, Carlo
partner ni Tonet, Angela, Mina, her boyfriend Chad, and Red.”
“Nice to meet you guys.” Pagbati nila dito pero nanatili
lang akong tahimik.
“That was a very nice story by the way. Kayo pala ang
sinasabi nitong pinsan ko na mga high school friends nya.” Sabi ni ate Claire.
“Handsome! Bakit ang tahimik mo ata.” Pagpansin nito kay Rome.
“Wala ate. Nahihiya lang ako.” Sagot naman nito.
“Nahihiya saan?” Tanong ni ate Claire.
Hindi na hinayaan pa ni Ace na matapos ang sasabihin ni
Rome agad ako nitong hinablot sabay sabing.
“Red, tara na may last set pa tayo.”
Sumunod nalang ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit
napatingin ako kay Dorwin. Nakangiti ito sa akin at kumindat pa. Para san naman
kaya ang kindat na yon? Bakla ba yon? Mga tanong na nabuo sa isipan ko.
“Guys, thank you for coming! This will not be a
successful event kung hindi dahil sa suportang ibinigay niyo sa amin. We owe
this all to you! At dahil dyan, we’ll be giving you the most special songs, Red
and I will sing them to your hearts.”
Muli na naman sinimulan kong i-strum ang gitara. Tig
isang kanta ang binigay namin sa kanila at ang huling kanta ay sumisimbolo sa
pagkakaibigan naming pito.
You just call out my name
And you know wherever I am
I’ll come running, to see you again.
Winter, spring, summer or fall
All you have to do is call
And I’ll be there, yes I will
You’ve got a friend.
“Enjoy the rest of the night guys!” Ang magiliw na sabi
ni Ace bago kami bumaba nang stage.
“That song made me cry!” Sabi ni Angela.
“Kahit kailan, hindi talaga kayo nawawalan ng surpresa.”
Sabat naman ni Mina.
“Congratulations!” Wika nang daddy ni Rome na kung saan
ay biglang sumulpot.
“Salamat po.” Sabay-sabay naming sagot.
Binigyan ng mga papuri si Ace ng Daddy ni Rome. Habang
kami ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nilang dalawa.
“If you’ll excuse us guys, hiramin ko muna si Ace sa
inyo.” Pamamaalam ng Daddy ni Rome.
Nagulat man ay alam ko na kung ano ang sasabihin nang
Daddy ni Rome. Talo na talaga ako si Rome may tatay na handang sumuporta sa
kanya. Habang ako ay magisa lang sa mundo. May nanay man ako hindi naman nito
magawang suportahan lahat ng ginagawa ko dahil sa takot ito sa asawa nya.
“Mukhang kikilatisin na nang daddy mo si Ace, Rome.”
Walang kagatol-gatol na eksena ni Angela.
“Kakausapin lang yon ni Daddy.” Sagot naman ni Rome.
Tahimik lang ako habang sila ay busy sa paglalagay ng
pampatulog sa baso ni Ace. Nagaaway ang kalooban ko sa gagawin nila.
“Pare salamat ha.” Biglang sabi ni Rome sa akin.
“Wala iyon pare.”
“Salamat sa pag babantay mo sa kanya. Laki na nang utang
ko sayo.” Sabi pa nito. Imbes na sumagot sa kanya ay tango nalang ang ginawa ko
sabay tunga ng iniinum ko. Kung alam lang nya na lahat ng ginagawa ko ay hindi
para sa kanya kung hindi para kay Ace. Dahil gusto ko na masaya si Ace kahit
katumbas pa nun ang kalungkutan ko.
Ilang minuto pa ang lumapas nang bumalik si Ace sa lamesa
namin. Kita namin ang kasiyahan sa mga mata nya.
“Dali na, toast na!” Sabi ni Tonet sabay bigay kay Ace
nang baso na may halong pampatulog.
Hinintay talaga naming ubusin nya ang tagay nya. Kwentohan
at asaran ang sumunod na mga nang yari. Hinihintay naming umepekto ang gamot na
linagay ni Tonet.
“Guys, lumilindol ba?” Tanong nito sa amin makalipas ang
ilang minuto.
Napangisi ang iba naming kasama pati si Rome. Agad kong
sinalo si Ace nang babagsak na ito sa kinauupuan nya.
“Ako na ang magdadala sa kanya sa kotse.” Sabi ko kay
Rome na di naman nya tinutulan.
Takang taka ang mga tao nang makita akong buhat-buhat ko
si Ace ang iba sa kanila ay di mapigilang mag tanong kung ano ang nangyari.
Ipinasok ko si Ace at pinaupo sa passenger seat.
“Salamat ulit Red. Pano byahe na kami medyo malayo layo
pa pupuntahan namin baka magising to.” Sabi ni Rome nang makapasok ito sa
kanyang sasakyan.
“Wala iyon.” At agad na nitong inistart ang makina at
umalis na. There goes my happiness. Pabolong kong sabi at nag pakawala nang
malalim na buntong hininga.
Itutuloy:
No comments:
Post a Comment