Monday, December 17, 2012

Afterall (11)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Kita ko ang pagaalangan sa kanyang mga mata. Dinig ko rin ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa katahimikang namayani sa amin sa loob ng kwarto nya.


“Ano ang paguusapan natin? Maaga pa kasi ako bukas.” Ang tila pagiwas nya sa akin pero hindi ko hinayaang palampasin ang pagkakataon. Ngayon na ang tamang panahon para makusap ko sya tungkol sa mga bagay na gumugulo sa akin. Gusto ko na rin lagyan nang tuldok ang kung ano mang agam-agam tungkol kay Dorwin.


“I just want to know kung ano ba talaga ang entensyon mo nang ayain mo akong dito matulog sa bahay mo.” Seryoso kong tanong sa kanya.




Hindi muna ito sumagot sa akin sa halip ay tinungo muna nito ang cabinet nya para makapag bihis. Alam kong nagulat sya nang makitang nasa ayus na ang kanyang mga damit sapagkat kita kong napatigil muna ito.


“Inayos ko rin yan kanina. Ang mga briefs at boxes mo ay isinama ko na rin kanina nung labhan ko brief ko.” Tugon ko sa kanya.


“Salamat, Hindi mo naman kailangan gawin mga mga iyon, Red.”


Mag sasalita na sana ako nang maunahan ako nitong mag salita.


“Lets go back to the main topic.” At humarap na ito sa akin.


Kanina lang handa na akong makipag usap rito pero nang humarap ito sa akin na blanko ang expresyon ay nakadama ako nang takot at hiya.


Tumaas ang kaliwang kilay nito siguro dahil sa hindi ako naka imik.


“A-ano..” Muli, Naubusan nanaman ako nang sasabihin sa di mahalamang kadahilanan.


“You’re asking me why I invited you to sleep with me right?” Tango lang ang naisagot ko sa kanya.



“It was a joke when I ask you to sleep with me. Alam kong disturb ka nung gabing yon kaya naman gusto kong i-divert ang nararamdaman mo. I thought babalik ang angas at sigla mo pagginawa ko yon but instead, Sumakay kapa sa biro ko.” Hindi ko makita kung may katutuhanan o wala ang sinabi nya dahil sa wala akong makitang expresyon sa mata nito habang sinasabi iyon.


Tumawa ako nang pagak. Nainis ako sa kanya siguro dahil nadadagdagan ang guilt ko nang marinig ang paliwanag nya. Ayaw itong tangapin nang utak ko pero gustong maniwala nang puso ko.


“So, are you saying na ako ang nagkamali ganun? Na hindi katawan ang habol mo sa akin?” Nanunuyang sabi ko rito “Nung unang may mangyari sa atin bakit hindi mo ko pinigilan? You took advantage of the situation.”


“Hindi mo lang alam kung ano...” Hindi ko na sya pinatapos pa sa kanyang sasabihin agad akong sumabat rito.


“Kung ano ka kalibog?” Sarkastikong sabat ko rito.


Bigla itong humarap sa akin.


“Hindi pa ba ako bayad sa kasalanan kong yon? Yes I Admit na dala ako, pero napagbayaran ko na yon nung hinayaan kitang baboyin mo ako.” May diin nitong sabi sa akin.


Hindi ako nakapagsalita. Napayoko ako nang muling bumalik ang gabing may nang yari sa amin. Hindi ako nagkamali, lungkot ang nakita ko sa mga mata nito habang nagtatalik kami. Kaya pala paiba iba ang halik nito hindi pala sarap ang nararamdaman nya sa mga oras na iyon.


“I’m sorry.” Mahina kong sabi habang nakayoko. Hindi ko kayang salubungin ang mga galit nitong mata.


“Patas na tayo Red. Nakaganti kana and I was waiting for you to do that.” Napa tingin ulit ako sa kanya na may pagtataka. “Now im happy and relieved na patas na tayo dahil wala na akong guilt feelings na aalalahanin sa tuwing makikita kita.” Bumalik nanaman ang matatamis na ngiti sa kanyang labi.


Wala akong masabi ang bilis mag bago nang Expression ni Dorwin. Hindi parin ma absorb nang utak ko ang lahat.


“Ngayong okey na. Siguro pwedi na tayong magsimula nang bago, right? Hindi na natin kailangang mag bangayan.” Sabay lahad nito nang kamay nya sa akin.


“Right.” Walang pagaanlinlangan na tinanggap ko ang kamay nya. Nag kamali ako at gusto kong bumawi sa pagkakamali ko.


“Kinahaban ako kanina, ah. Kala ko tag libog kananaman.”Sabay tawa nito nang nakakagago na ikinatawa ko rin.


“Baliw! Sige na pahinga kana manunuod lang muna ako nang t.v sa baba.” Tatawa-tawa kong sabi at tinungo ang pintuan nang kwarto nang bigla akong may maisip.


“Psst.” Tawag ko dito bago ko pa man maisara ang pintuan.


“Oh, bakit?”


“Anong oras ka aalis bukas?” Tanong ko sa kanya.


“Before 9.” Sagot naman nito na may pagtataka sa mga mata.


“Okey. Geh good night.” Sabay sara nang pinto.


Ngingiti ngiti akong bumaba ang gaan ng pakiramdam na okey na kami ni Dorwin. Alam kong nalamatan na namin ang isa’t isa pero gagawa ako nang paraan para mabura iyon at sisimulan ko bukas.


Nanood lang ako nang solar sports hanggang sa mapag desisyunan ko nang maligo para makatulog nang maayos. Ayaw kong sayangin ang binigay na pahinga sa akin nina Carlo at mas lalo nang ayaw kong mahuli nang gising bukas.


Pagpasok ko sa kwarto tulog na si Dorwin. Tumambad nanaman sa akin ang kanyang maamong hitchura na mahimbing na natutulog. Nakadantay at nakayakap nanaman ito sa hotdog pillow nya. Hindi ko talaga mapigilang maitutok ang aking tingin at mapangiti sa tuwing nakikita ko syang ganun. I will make things right starting tomorrow. Yon ang nasabi ko sa aking isip bago pumasok nang banyo.


_____________________


Sinadya kong maunang magising kay Dorwin. Dahan dahan akong tumayo at tinungo ang study table para kunin ang sticky note na lagi nyang ginagamit para magiwan sa akin nang mensahe.


Good morning!! Una akong nagising ngayon kaya ako naman ang maghahanda sayo nang pagkain. Gusto kong makabawi sa mga katarantaduhan ko sayo at ngayon ko ito sisimulan.

                                                                                                                                       Poging Red.


Pagkatapos kong maisulat yon agad akong pumasok sa banyo para makapag hilamos at maidikit ang sticky note. Nakangisi akong bumaba para simulang mag luto nang agahan para sa aming dalawa. Hindi ko alam pero parang ako pa ata ang naeexcite sa ginagawa ko. Sobrang sarap ng feeling parang bumabalik sa akin ang pakiramdam nung mga panahon na tinutulungan ko si Ace.


Tiningnan ko ang laman ng ref. Maraming stock nang pagkain si kolokoy. Nang makita kong meron syang longganisa ay agad kong kinuha ito at ibinabad sa tubig para ma defrost. Sinunod ko naman magluto nang kanin. Gumawa rin ako nang paborito kong special sunny side up na natutunan kong gawin noong mga panahon na walang ulam na natitira para sa akin.


Pasado ala sais nang gumising si Dorwin sakto naman na nakapag handa na ako nang agahan. Ang laki nang ngiti nito habang papalapit sa kusina na sinuklian ko naman nang matamis ding ngiti.


“Good morning Poging Red.” Pagbati nito sa akin na aking ikinatawa.


“Buti naman at gising kana mahal na hari.” Balik biro kong tugon rito.


“Sira! Dapat nag papahinga kapa ikaw na ulit ang tatao mamaya sa bar di ba?” Sabi nito na hindi parin matangal ang ngiti sa kanya.


“Sanay na ako. Nung nasa bahay paman ako ganito na role ko.” Sabay kuha nang mug.


“Black coffee?” Tanong ko sa kanya.


“Yep, Paano mo nalaman? Wag mo lagyan nang sugar.” Tugon naman nito.


“Ako kaya nag hugas nang pinagkapehan mo nung isang araw kaya alam kong ayaw mo nang coffee mate.” Nakangiti kong sabi rito sabay bigay sa kanya nang kape.


“Observant.” Tatango tango nitong komento. “Ano ba linuto mo ang bango, ah.” Dagdag wika nito.


“See for your self.” Saby tanggal ko ang food cover. “Chaaaaadan!” Magiliw kong pang wika na ikinatawa nya.


“Wow! Ano yan, sunny side up na my butter at cheese?” Takang tanong nito.


“Yep! Special Sunny side up na ako mismo ang nakaimbento.” May pagmamayabang kong tugon sa kanya.


“Mukhang mapapakain ako nito, ah.” Magiliw din nitong wika at sinimulan nang kumuha nang kanin.


“Dapat lang. Sige kain na tayo dahil maglilinis pa ako nang bahay. Dito kaba manananghalian mamaya? Ano gusto mong lutuin ko?” Magkasunod kong tanong rito.


“Beef steak.” Nakangiti nitong sabi sabay tikim nang ginawa kong sunny side up. “Hmmm. Masarap nga.”


“Syempre. Ako nga masarap yan pa kayang luto ko?” Ang biro ko rito na may kasamang ngisi na ikinatawa naman nya.


“Sira ka talaga. Umandar nanaman kayabangan mo.”


“It goes naturally wag kana magtaka.” Patawang sabi ko sa kanya. “Bilisan mo na ang pagkain abogago at baka ma late kapa.”


Ngingiti ngiti itong ipinagpatulog ang pagkain. Sa tuwing magkakasalubong ang aming mga tingin ay nagpapalitan kami nang matatamis na ngiti. Ewan ko ba kung bakit pero nadadala ako sa mga ngiti nito sa akin.


Nakaalis na si Dorwin at nagsabi itong uuwi sya before twelve ako naman sinimulan nang mag linis nang bahay napag desisyunan ko na ring mag laba para hindi na kami gumastos pa sa pagpapalaundry. Sa di malamang kadahilanan parang gusto kong mag paimpress kay Dorwin.


Magaalas onse na nang matapos ko ang lahat ng dapat kong gawin. Na marinate ko na rin ang karne at handa na ito para lutuin. Habang nagluluto ako ay biglang sumagi sa isip ko si mama. Para hindi malungkot ay ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa panunuod ng t.v habang hinihintay na maluto ang beef stake na aking niluluto. Nangako ako sa aking sarili na hinding hindi na ako muling babalik pa sa bahay na iyon at kakalimutan ko nang may ina ako. May karapatan man o wala, hindi ko na babalikan ang bahay na nagbigay sa akin nang sakit na katumbas nang pagkawala ni Ace. Lahat na ata nang minahal ko nang todo ay nawala sa akin. Una si papa sunod si mama at ngayon si Ace. Handa na akong isuko sya kay Rome. Siguro im destined to be alone. Ang nasabi ko nalang sa aking sarili at napabuntong hinga.


Nasa ganun akong pagiisip nang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Dorwin na bakas sa mukha ang saya.


“Ang aga mo naman ata.” Bati ko sa kanya.


“Na postponed ang hearing namin, eh.” Sagot nito habang tinatanggal ang sapatos nya.


“Wag mo nang tanggalin ang sapatos mo baliw. Para namang hindi mo bahay to.” Tatawa-tawa kong sabi. “So, wala kanang lakad ngayon?” Wika ko pa rito.


“Hayaan mo na. Baka madumihan ko pa ang sahig ma palo mo pa ako nang walis.” Naka ngisi nitong biro. “Wala na, pero nakikipag dinner sa akin yung isa kong barkada mamaya.”


“Naks, may date sya. Lalake ba yan o babae?” Pangiinis ko sa kanya. Matapos naming makapagusap kagabi biglang gumaan ang pakiramdam ko kay Dorwin hindi na ito gaya nung una na sa tuwing magkru-cross ang landas namin ay lagi akong nakakaramdam ng inis sa kanya ngayon nagagawa ko na syang biruin.


“Gago, may girl friend yon at hindi ako basta basta na aattract sa lalake, noh!” Tatawa-tawa nitong sagot sa akin.


“Talaga lang ha. So, kanino ka lang attracted, sa akin?” Sabay pa cute sa kanya.


“Hindi.” Matipid nitong sagot.


Dahan dahan akong lumapit rito habang sya naman ay para nanamang tuod na hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.


“Ows? If my memory serves me well nung unang ipakilala kayo sa amin ni Ace kinindatan mo ako, eh” Sabi ko rito nang pabulong sa tenga nya. “So, it means you’re into me.” Dagdag ko pang wika rito.


Napapitlag ito at dumistansya nang konte sa akin. Lihim akong natawa sa reaksyon nya. Hindi nito kayang itago na may pagtingin ito sa akin. Hindi sya magaaksaya nang panahon kung wala.


“Stop teasing me Red.” Sabay talikod nito sa akin at tinungo ang kwarto nya.


Napahagikhik ako sa reaksyon ni Dorwin nakakatuwa syang asarin. Tatawa-tawa akong nagpunta nang kusina para ihanda na ang lamesa. Nang matapos ako ay agad akong umakyat papunta sa kwarto namin para ayain na syang kumain. Kita kong nakapagpalit na ito nang pambahay at nakahiga ito patalikod sa pinto.


“Damulag, kain na tayo.” Sabi ko habang kinakalabit sa kanyang batok.


“Mamaya na ako kakain mauna kana.” Tugon nito na hindi manlang nagabalang buksan ang kanyang mga mata.


“Nagtatampo si Damulag. Kakabati pangalang natin tatampo kana agad.” Kiniliti ko sya sa kanyang tagiliran at napabalikwas ito. “Pag hindi ka bumangon dyan hindi kita titigilan.” Pagbabanta ko sa kanya.


“Sige na, Sige na babangon na.” Maktol nitong sabi.


“Ayan, good boy.” Sabay hatak sa kanya.


“Babaliin mo ba kamay ko?” Reklamo nito.


“Hindi, nagugutom na ako kaya dalian mo na.” Magiliw kong sabi rito na di parin binibitiwan ang kamay nito. Malambot ang kamay nito ang sarap hawakan halatang hindi ito sanay sa mabibigat na trabaho pareho sila ni Ace.


Kumain kami nang sabay katulad kaninang umaga. Gusto pa nyang sya ang maghugas nang pinagkainan namin pero hindi ko sya pinayagan. Sinabi ko na baka maubos lang ang mga pinggan kung sya ang maghuhugas kaya naman sya nalang ang nagpunas nang mesa. Nakakatuwa na ang dali naming nagkapalagayan nang loob na dalawa at hindi na ako naiilang sa presensya nya.


Matapos makapaghugas ay agad na nagyaya si  Dorwin na matulog nalang muna para makapag ipon nang lakas para mamaya sa bar. Hindi naman ako tumanggi pa dahil nakaramdam rin ako nang antok dahil sa dami nang nakain ko. Ibang iba talaga ang Dorwin ngayon sa Dorwin na inakala ko. Alam kong may mga bagay syang itinatago sa akin pero hinayaan ko nalang iyon hindi naman kailangang sabihin ni Dorwin sa akin ang lahat.


“Pagkatapos naming mag dinner mamaya don kami mag iinuman sa bar nyo.” Sabi nito nang makahiga na sya. Katatapos lang nitong maibaba ang tawag mula sa sinasabi nyang BARKADA.


“Okey, Text mo nalang ako pagpapunta na kayo para makapag handa ako nang magandang pwesto para sa inyo.” Nakangisi kong tugon rito.


“Malisyoso.” Inismiran ako nito sabay humigang patalikod sa akin. Napahagikhik nalang ako dahil nakakatuwa talagang asarin ang mga taong madaling mapikon katulad ni Angela at Ace. Hindi ko na sya kinulit pa at baka mainis na naman ito sa akin.


Nasa kasarapan ako nang tulog nang makaramdam ako na may kumakalabit sa akin. Napabalikwas ako nang kama na isa palang malaking pagkakamali dahil ang sunod kong naramdaman ay ang pagbagsak ko sa carpet. Napatawa nang malakas si Dorwin.


“Anong oras na?” Tanong ko rito habang hinihimas ang nasaktan kong balakang.


“Tumawag na si Tonet sa akin at hinahanap ka.” Sabi nito imbes na sagutin ang tanong ko.


Napatingin ako sa wall clock nya at nabigla nang makitang alas syete na pala. Para akong binuhusan nang malamig na tubig. Agad akong tumayo at mabilisang tinungo ang banyo. Rinig kong humahagalpak ng tawa si Dorwin sa labas. Halos hindi na ako makapag sabon ng mabuti dahil sa pagmamadali paniguradong lagot ako kay Tonet. Nakalimutan ko ring magdala nang tuwalya kaya naman nakiusap ako kay Dorwin na kung pwedi ako nitong ikuha.


“Ihahatid kita sa bar before ako pumunta sa dinner namin ng kaibigan ko.” Ang tatawa-tawa nitong sabi.


“Bakit mo ko hindi ginising? Ano sabi ni Tonet?” Wika ko rito habang tinutuyo ko ang aking buhok para malagyan ng wax.


“Kanina pa kaya kita ginigising pero tinatapik mo lang kamay ko.” Tugon nito sa akin.


Nang matapos makapag bihis ay agad na naming tinungo ang bar. Halos paliparin na ni Dorwin ang kanyang sasakyan.


Dumating kami nang bar nang mag aalas otso na. Agad naman akong sinalubong ni Tonet at Carlo sa labas. Hindi ako magkaugaga sa pagpapaliwanag kung bakit late akong dumating. Si Dorwin naman pagkahatid nito sa akin ay agad nang pinuntahan ang kanyang kaibigan at sinabing dadalhan nalang nya ako nang dinner pagkabalik nila para maginuman. Hindi na ako nakatanggi pa sapagkat mabilis nitong pinaharurot ang kanyang sasakyan matapos magbilin.


Sinabihan din ako ni Carlo na nagtext sa kanya si Rome at invited daw kami sa birthday nang kanyang mommy. Hindi pa nagpapakita sa amin ang dalawa sabay pare pareho rin kaming busy sa mga dumaang araw at sila ay siguro busy din. Lagi namang ganun kahit noon pa may sariling lakad lagi ang dalawang yon. Napag desisyunan naming mag close sa mismong araw ng birthday ni Tita Nancy.


Nasa loob kami nang bar at naguusap usap tungkol sa birthday ng mommy ni Rome nang may makita akong pamilyar na tao sa labas. Biglang lumakas ang kabog nang aking dibdib sa aking nakita. Para akong na tuklaw nang ahas sa aking di inaasahang bisita.







Itutuloy:

No comments:

Post a Comment