Monday, December 17, 2012

Afterall (17)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

“May…” Ang nagaalangan nitong sabi.


“Pare wag ka nang mag-attempt na magisunangaling sa amin. Nagsawa ka na ba sa relasyon niyo ni Ace?” Pagbutt-in ni Carlo.


“Hindi pare! Hindi ko pagsasawaan si Ace mahal ko yon!” Maagap nitong sabi.


“Eh, kung ganun anong dahilan mo at dumedistansya ka ngayon sa kanya? Di mo naman Gawain yan ah.” Sabat ko sa usapan.


Kita kong pinagpapawisan si Rome nang malamig halatang kinakabahan ito. Ako man ay nakaradam din ng kaba sa nakikita ko sa kanya. Halatang may bumabagabag dito, hindi ito simpleng tampuhan lang.



“Ma-may n-na buntis ako pare.” Ang tila sinasaksak nitong pagkakasabi na nakayuko.


Nabigla kaming tatlo sa rebelasyon. Para akong nanginig sa di malamang kadahilanan siguro dahil sa panhihinayang sa relasyon nila ni Ace. Si Carlo naman at Chad ay literal na napanganga hindi malaman ng mga ito kung ano ang magiging reaksyon.


“Gago ka pare!” Ang sa wakas nasambit ko nang makabawi. “Nagparaya ako sayo dahil akala ko ikaw ang magpapasaya sa kanya at di mo sya sasaktan tapos ganito?!” Ang napataas ko nang boses na tinuturo ko pa sya.


“Red, relax tol wag kayong magaway dito paniguradong makakarating ito kina Tonet paniguradong magpapanic ang mga yon.” Nagaalalang pagawat sa akin ni Carlo.


“Di ko sinasadya tol, lasing ako nung mga panahon na yon.” Pagdepensa nito sa sarili.


“Kelan ba nang yari to Rome at sino sya?” Sa wakas nagawa nang sumabat ni Chad sa usapan.


“Sya yung babaeng katalik ko nung mahuli kami ni Ace. Minsan lang yon ng yari ni hindi ko nga alam kung linabasan ba ako o hindi dahil sa kalasingan.” Nagsusumamo nitong depensa sa kanyang sarili.


“Ang laki mong gago! Pano na ngayon yan, iiwan mo nalang si Ace ganun?” Galit ko paring sabi sa kanya.


“Hindi pare, alam nyo naman kung gaano ko kamahal si Ace di ba? Hindi ko kaya nang wala sya.” Ramdam ko ang sinseredad sa sinabi nito, gayon paman hindi madaling lusutan ang problemang ito. Paniguradong masasaktan si Ace.


“Ano ngayon ang balak mo?” Tanong ni Chad sa kanya.


“Hindi mo habang buhay pweding maitago yan kay Ace.” Dagdag pa ni Carlo.


“Alam ko, pero ayaw ko syang masaktan.” Malungkot nitong tugon.


“Nag dedemand ba nang kasal yung babae?” Tanong ni Chad.


“Hindi pa naman pare, pero humihingi nang pera para daw sa pagpapacheckup nya.”


“Kelan mo balak sabihin yan kay Ace?” Singit ko sa usapan. Hindi ito makatingin sa akin ng deritso.


“Hindi ko alam, Natatakot ako na baka magalit nanaman sya sa akin at tuluyan na nya akong iwan. Gulong gulo na ang utak ko pare, di ko alam kong ano ang gagawin ko di ko naman pweding baliwalain nalang ang magiging anak ko.”


“Paano ka naman nakakasiguro na anak mo nga yung dinadala nang babaeng yon? Di ba nga sabi mo nakilala mo lang yon sa isang bar?” Si Carlo na halata ang pagkadisgusto sa mga nalaman.


“Tinanong ko nga sya about sa ganyan, pero pinagdidiinan nya na ako talaga ang ama at pag di ko daw ginawa ang suportahan sya sa gastusin guguluhin nya ako.” Tila nagsusumbong nitong sabi.


“Paano kayo nagkita ulit? Kelan lang to?” Tanong ko sa kanya.


“3 months ago tumawag sya sa bahay hatid ang masamang balita na yon. Nung una hindi ako naniniwala kaya binaliwala ko lang pero nung magpadala sya nang picture sa akin na malaki na tiyan nya don na ako kinabahan.”


“So mula nang last encounter nyo di pa kayo nagkita personally ganun?” Pagaanalisa ni Chad.


“Hindi pa, nasa manila daw kasi sya. Pero ngayon nagbalik na sya ulit dito kaya ako kinakabahan pare. Natatakot ako na makarating kay Ace ito.”


“Ano ba pangalan nang nabuntis mo?” Si Carlo.


“Amber pare, Amber Guzman.”


Nanlaki ang mata ko nang sambitin ni Rome ang pangalan nang babae pati si Carlo ay napatingin sa akin bakas sa mukha nito ang gulat at pagtataka.


“Red, di ba yon ang babaeng inaway si Mina sa bar?” Di makapaniwalang tanong ni Chad.


“Kilala mo si Amber pare?” Takang tanong ni Rome sa akin.


“Delekado ka sa babaeng yon.” Ang wala sa sariling naisatinig ko. Hindi pa rin ako makabawi sa pagkabigla.


“Anong ibig mong sabihin?” Ang naguguluhang tanong nito sa akin.


“Paniguradong guguluhin ka. Sabihin mo na kay Ace ang lahat bago kapa nya maunahan siguradong malaking gulo ang mangyayari kung magkataon.” Seryoso kong sabi.


“Unang kita ko palang sa babaeng yon alam ko nang trouble ang dala nun. Tama si Red pare, sabihin mo nalang ang totoo kay Ace.” Pagsangayon ni Carlo sa akin.


“Paano kung hiwalayan ako ni Ace?” Nagaalalang sabi nito.


“Magagawan nang paraan yan pare, pero pagnaunahan ka na nang babaeng yon siguradong hinding hindi ka mapapatawad ni Ace.” Seryosong sabi ni Carlo.


Hindi ito sumagot sa halip ay napayuko ulit ito. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan ni Rome ngayon kung ako man ang nasakalagayan nito paniguradong hindi ako makakapagisip ng mabuti pero alam ko rin ang likaw ng bituka ni Amber lalo’t may kaya ang pamilya ni Rome.


“Normal lang namagalit yon, pero wag kang magalala tutulungan ka namin.” Sabat naman ni Chad.


“Oo, tutulungan ka namin pare ano paba’t bestfriends mo kami.” Pagsangayon naman ni Carlo.


“Sabihin mo man o hindi wala paring pinagkaibahan yon. Nasasaktan na si Ace sa mga kinikilos mo kung ako sayo tapatin mo na sya. Panindigan mo yan tulad nang paninindigan mo nang sya ang pinili mong mahalin.” Malalim kong sabi rito.


Napaisip ito sa sinabi ko.


“Tama ka pare, bukas na bukas sasabihin ko sa kanya ang totoo.” Wika nito nang ma realized nyang may punto ako.


Pinagpatuloy namin ang inuman at pinagplanuhan ni Rome kung paano nya gagawin ang pagtatapat kay Ace. Sinuportahan naman namin sya sa kanyang gagawin para makadagdag ng lakas nang loob na masabi nya kay Ace ang tungkol sa dinadala nya.


Hindi pa rin maalis sa isip ko si Amber. Alam ko ang mga bagay na maari nitong gawin at sa tingin ko ay pera ang habol nito kay Rome. Sinabihan ko rin si Rome na wag sabihin kay Amber na magkakilala kami. Nagtaka man ay napapayag ko rin ito.


Naputol lang ang usapan namin nang dumating si Dorwin. Naka walking shorts nalang ito at naka white t-shirt. Kinumusta naman nila ito hanggang sa mauwi nanaman sa tuksuhan lalo na nung mapansin ni Carlo ang singsing na ibinigay ni Dorwin kagabi.


Naging okey na rin si Rome. Kita sa mga mata nito ang relief nang maisiwalat nito ang kanyang dinadala sa amin. Tinawagan na nito si Ace at sinabing sa kanila ito uuwi pagkatapos naming maginuman. Gusto man ni Ace na pumunta ay sinabihan nalang sya ni Rome na hintayin nalang nito ito sa bahay tutal malapit na rin kaming matapos.


Talagang malakas ang pakiramdam ni Dorwin dahil nung tinatahak na namin ang daan pauwi ay tinanong ako nito kung may problema daw ba. Sa una ay sinabi kong wala pero hindi ito naniwala sa akin. Alam daw nya kong may itinatago ako sa kanya kaya napilitan akong magkwento tungkol sa problema ni Rome kay Amber pati na ang ugali nito ay sinabi ko sa kanya. Hindi naman sya nagalit kay Rome sa ginawa nito dahil nuong pinatawad daw ni Ace si Rome sa kasalanan nito ay kasama na rin ang pagtangap nito sa mga pweding maging resulta sa nang yari. Nangako rin ito na tutulungan si Rome na ipaintindi kay Ace sa sitwasyon.


Dalawang araw ang lumipas. Nabalitaan namin na nagalit nga si Ace kay Rome kaya naman tinulungan namin itong magpaliwanag. Pero naging matigas si Ace hindi na nito kinakausap si Rome at hindi rin ito pinapapasok ng bahay. Walang magawa si Rome kung hindi ang hintayin na lumamig ang ulo nito para makapagpaliwanag sya. Wala rin kaming magawa dahil ayaw nitong pagusapan ang problema.


Lumipas pa ang mga araw at nanghihingi na naman ng pera si Amber. Walang magawa si Rome kung hindi ang magbigay dahil sa mga pananakot nito. Ang ipinagtataka lang ni Rome ay kung bakit ayaw ibigay ni Amber ang address nito kahit anong pilit nyang hingin. Gusto kasi ni Rome na kausapin si Amber at deretsahang sabihin na wag itong umasa na pakakasalan nya dahil si Ace talaga ang mahal nito. Kahit papaano ay naawa ako sa kalagayan ni Rome lagi nalang itong tulala at naglalasing simula nang hindi na ito kinakausap ni Ace. Sinubukan ko ring ipaintindi kay Ace ang sitwasyon ni Rome pero ayaw nitong makinig. Katulad nang dati ay sarado ang puso at isip nito.


Kadarating ko lang nang bahay mag aalas nuebe na nang gabi. Nabungaran ko si Dorwin na magisang nagiinum sa sala habang nanunuod ng tv.


“Oh, bakit umiinum magisa ang mahal ko?” Bungad ko rito at binigayan ko sya nang halik sa labi.


“Tinatawagan kita sa cellphone mo hindi ka naman sumasagot.” Tugon nito sa akin.


“Nag empty yung cellphone ko, eh.” Ang sabi ko at tinabihan ko syang umupo sa sofa.


“Sana nagtext ka manlang na hindi ka dito kakain para hindi na ako nagabala pang bumili.” Malamig nitong tugon na hindi manlang ibinabaling ang tingin nito sa akin.


“Sorry mahal, binisita ko kasi pinsan mo sinabayan ko nang magdinner di pa kasi kumakain sabi ni manang Leth.” Pagpapaliwanag ko sa kanya. Ngayon ko lang nakitang nagtatampo ito sa akin dahil hindi ako nakauwi nang hapunan kaya napangiti ako.


“Kumusta naman si pinsan?” Pambabaliwala nito sa panlalabing ko.


“Ayon, emo pa rin.” Patawa kong sagot. “Ayaw talagang kausapin si pareng Rome eh.” Dagdag wika ko pa.


“Yung babae ano na ang balita?”


“Puro pera ang hinihingi ni ayaw nga raw magpakita kay pareng Rome.” Pagkwekwento ko rito.


“Ano plano nyo ngayon?” Sa wakas humarap na ito sa akin.


“Ang ma prove kung si Rome ba ang ama nang dinadala nito.” Tugon ko rito.


“Pag si Rome ang ama ano ang susunod?” Abogadong abogado kung makapagtanong si kolokoy.


“Susuportahan ni Rome ang bata pero di nya papakasalan.”


“Paano kung ipilit ng magulang na ipakasal sila?”


Sa tanong nyang iyon ay hindi ako nakasagot. Hindi nga nasabi ni Rome sa amin ang plan B nito. Kung may balak ba itong tumakas at mangibang bansa.


“Masasaktan si Ace kung mangyayari yon.” Sabi nito sa seryosong tono.


“Hindi hahayaan ni Rome na matali sya sa babaeng yon. That girl is a bitch and a gold digger hindi ang tipo nya ang pinapakasalan.” May diin kong sabi. Hindi ko alam kong bakit naapektohan ako sa sinabi nito siguro dahil naawa ako kay Ace.


“Granted na hindi hahayaan ni Rome na makasal sya, pero what if pilitin sya? Ano ang gagawin mo?” TIla nang hahamon nitong tanong.


Muli hindi nanaman ako nakaimik. Tama sya ano ang magagawa kong kung magkataon? Paano ko tutulungan si Ace? Ano ang pwedi kong gawin para maiwasang masaktan sya?


“Maligo kana, Tatapusin ko lang to at aakyat na rin ako sa kwarto.” Pagbasag nito sa katahimikang namayani sa amin.


Tango ang isinagot ko rito at tinungo na ang kwarto. Habang naliligo ay iniisip ko pa rin kung ano ang pwedi kong gawin. Nung una kasi akala ko madali lang malusutan ang problemang ito pero habang dumadaan ang mga araw ay mas lalo itong lumalala. Pati ang relasyon ni Rome at Ace ay unti unti nang nasisira sa bawat araw na dumaraan.


Pagkalabas ko nang kwarto ay naka upo na si Dorwin sa kama habang naka sandal sa headboard at nagbabasa nang isang libro. Tahimik kong tinungo ang cabinet para magbihis.


“Susubukan kong kausapin si Ace para kay Rome.” Ang biglang sabi nito. Napalingon ako sa kanya na may pagtataka. Hindi kasi nito naging ugali ang pakialaman ang problema nang pinsan nito at ni Rome.


“Don’t get me wrong sa sinabi ko kanina. Sobra kana kasing attached sa problema nila na nakakalimutan mong may mga unfinished problem ka rin sa buhay.” Malalim nitong sabi sabay bigay nang isang pilit na ngiti.


Alam ko ang tinutukoy nito pero hindi ko nalang sya sinagot. Ayaw kong ito pa ang pagsimulan namin ng away. Sa loob ng pitong buwan na pagsasama namin ni Dorwin lagi kong iniiwasan ang magaway kami dahil alam kong sa isang pagaaway lang namin ay maari itong humantong sa hiwalayan. Ganun ka fragile ang relasyon namin noon para itong baso na paghinigpitan mo masyado ang hawak ay mababasag.



“Birthday bukas ni Brian he’s expecting us to come.” Pagpapaalala nito sa akin.


“Yeah, tinawagan nya ako kanina before ako mag-empty.” Sagot ko rito at tumabi na sa kanya.


“Sasama ka ba? Baka may lakad ka bukas?”


“Syempre naman sasama ako.”


___________________


Kinabukasan ay maagang umalis si Dorwin para pumunta sa kanyang opisina. Ako naman ay naiwan lang sa bahay, hindi pa rin mawala sa aking isipan kong ano ang magandang gagawin para ma save ang relasyon ni Ace at Rome. Parang ako ang nasakalagayan ngayon ni Rome, balisa ako sa pagiisip ng paraan, pero kahit anong isip ko walang pumapasok na ideya sa akin.


Imbes na pilitin ang sariling magisip ay itinuon ko nalang ang pansin ko sa paglilinis nang bahay. Saturday kasi ang schedule ko mag general cleaning. Pupuntahan ko na sana ang lalagyan ng walis nang marinig kong nag ring ang cellphone ko.


“Oh pare, bakit?” Bungad ko sa taong tumawag.


“Sigurado ka ba dyan? Saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan?” Paninigurado kong tanong.


Tatango-tango ako habang ikwenukwento nya ang buong detalye sa mga nalaman nya.


“Sige pare, forward mo sa akin ang number tingnan ko kung ano ang magagawa ko.” Tugon ko rito matapos mailahad ang lahad.


“Hindi na pare, mas magandang ako nalang muna ang dumeskarte.”


“Sige, update kita.” At pinutol ko na ang linya.


Napunta ako sa malim na pagiisip ng matapos kong kausapin si Carlo. May mga impormasyon na itong nakalap tungkol kay Amber. Hindi raw totoo na umalis si Amber pabalik nang manila nagsinungaling ito kay Rome.


“Hindi kaya?” Bigla kong nasabi. Sakto naman na karereceive ko lang ng business card na pinala ni Carlo. Agad ko itong tinawagan para kumpirmahin kong tama ang hinala ko.


Nakailang ring din ito bago ito sumagot.


“Hello?” Hindi ko makakalimutan ang boses nito sa telepono. Nakailang SOP rin kami nung college.


“Amber kamusta?” Bati ko sa kanya.


“Who’s this?” Mataray nitong balik sagot.


“It’s me Red.”


“Oh my god! Hello Red, napatawag ka ata? Ano ang kailangan mo?” Ang malandi nitong sagot sa akin.


“Wala naman nangungumusta lang at gusto ko rin sanang magsorry about what happened nung last encounter natin. Alam mo naman ako pa iba-iba nang ugali.”


“I know right?” Sabi nito sabay tawa na animoy kinikilig.


“I wanna make it up to you. How about lunch?”


Hindi muna ito sumagot parang nagaalangan.


“Amber? Still there?” Pagtawag pansin ko sa kanya.


“Lunch saan naman?” Tugon nito.


“May problema ba? Bakit ang tagal mong sumagot?” Tanong ko rito.


“Wala naman uminum lang nang tubig.”


“Ah, okey. So, lunch?” Pangungulit ko sa kanya. Kailangan kong makumperma kung tama ang hinala ko.


“Lunch lang ba talaga ang gusto mo? What if we skip the lunch thingy punta nalang tayo sa isang lugar na private?” Malanding sagot nito sa akin.


Halatang may iniiwasan ito. Si Amber ang tipong ipagyayabang at pipili nang lugar na matao para makipag sosyalan.


“Mas gusto ko nga yang idea mo. So, san mo naman gusto?” Pagsakay ko sa gusto nya.


“How about Agalon. Mas romantic kung sa beach tayo magtsek in.


Pinili nito ang lugar na hindi pupuntahan ng isang tao nang basta basta lang. Medyo may kamahalan din kasi ang Resort na yon at kailangan ka talagang kumuha nang room para makapasok doon.


“Alright, san tayo magkikita and what time?” Tanong ko rito pinaramdam ko talaga ang excitement ko sa lakad namin, pero ang hindi nya alam may malaking surpresa ako sa kanya.


“Wow! Mapera kana talaga ngayon hon. After lunch nalang maghahanda pa ako nang mga gagamitin kong bathing suites matagal-tagal na rin ako dito pero di pa ako nakakapasok sa resort na yon. Text kita kung ready na ako at kung saan tayo magmemeet.” Excited nitong sabi.


“Okey.”


Dali-dali kong tinawagan si Carlo at si Rome pareho silang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko tungkol sa pagkikita namin ni Amber. Nasabi ko rin sa kanila ang hinala ko na hindi ito totoong buntis. Malaking tulong na walang kamalay malay si Amber na kaibigan ko ang taong pinagkakaperahan nya.


Mga ilang minuto rin ang lumipas at dumating sina Carlo kasama ang buong barkada maliban kay Ace na hindi sinasagot ang mga tawag namin.


Galit na galit sina Tonet at Angela lalo na si Mina sa ginawa ni Amber. Sila na daw ang bahala sa babaeng yon nakakatawa nga ang ginagawa nilang plano kung papaano nila ito bubogbugin sa ginawa nito kay Rome.


Si Rome naman ay bakas sa mukha ang galit pero pinayuhan ito ni Chad at Carlo na wag magpadala dahil paniguradong makakasuhan ito nang violence against women. Tinawagan ko rin si Dorwin at ipinaalam ang mga nalaman ko pati na rin ang planong pagkikita namin ni Amber sinabi naman nitong i-update ko sya.


2:00pm hinihintay namin ang pagdating ni Amber sa isang coffee shop. Gamit namin ang sasakyan ni Carlo hindi kasi pweding gamitin ang sasakyan ni Rome dahil nakita na ito ni Amber. Sina Mina, Angela at Chad ay nasa likod namin naka park naghihintay sa pagdating nito.


Kita naming bumaba ito nang jeep naka shades pa ito walang kaalam alam sa mangyayari. Halos mag puyos naman ng galit si Rome nang makita nya ito na walang bakas nang pagbubuntis. Tama ang hinala ko pinagkaperahan lang ni Amber si Rome.


“That bitch!” Galit na sambit ni Rome.


“Relax Rome, Baka mahalata tayo masira pa ang plano.” Saway ni Tonet rito.


“Paano ako magrerelax eh yang babaeng yan ang dahilan kong bakit galit na galit sa akin ngayon si Ace!” Malakas na sabi nito.


“Shhhh.. Ayan na sya.” Pagsaway ulit nito kay Rome. “Red, go do you part.” Dagdag wika pa nito.


“Game. Hintayin nyo kami paglabas namin saka kayo magpakita.” At agad na akong lumabas ng kotse at tinungo ang coffee shop kung saan kami magkikita ni Amber. Nakaplastar ang ngiti sa aking mukha, ngiti nang tagumpay.


Nang makita ako ay nagliwanag agad ang mukha nito.


“Hon!” Magiliw nitong bati sa akin nang makalapit ako sa kanya. “Akala ko di mo tututohanin to eh.” Sabi nito sabay bigay ng halik sa akin.


“Pwedi ba naman yon.” Nakangisi kong sabi.


“God! Ang gwapo mo pa rin hon. Can’t wait mamaya.” At humagikhik ito na animoy kinikilig.


Tumawa rin ako sa lantarang panlalandi nito kahit may mga tao sa katabi naming lamesa.


“I have a surprise for you.” Ang wika ko na di parin mawala ang ngiti sa aking mukha.


“Talaga? Ano naman yon?” Excited nitong sagot


“Tara sa labas.” At kinuha ko ang kamay nito para igaya palabas ng coffee shop. Ipinulupot pa nito ang kanyang kamay sa aking bewang.


Pagkalabas namin ay agad na bumaba sina Carlo, Tonet, At Rome sa kotse pati narin sina Chad, Angela at Mina.


Kita sa mga mata ni Amber ang pagkabigla nang makita si Rome. Napalingon ito sa akin binigyan ko sya nang nakakagagong ngiti.


“A-anong ibig sabihin nito Red?” Ang tila kinakabahang sambit nito.


“Game over bitch.” Tinanggal ko ang nakapulupot nitong kamay sa aking bewang.








Itutuloy:

No comments:

Post a Comment